Reklamong Salaysay PANTIG

Embed Size (px)

DESCRIPTION

reklamong salaysay

Citation preview

REPUBLIKA NG PILIPINAS)LALAWIGAN NG PAMPANGA)LUNGSOD NG ANGELES)

REKLAMONG SALAYSAY

Ako si VICTORINO M. PANTIG, nasa wastong taong gulang, Pilipino, at naninirahan sa 5023 Tagumpay St., Bagong Bayan Subdivision, Barangay Cutcut, Angeles City, Pampanga. Pagkatapos makapanumpa ay nagsasabi:

Na noong DATE, none given, pag-uwi ko ng bahay at pagpasok ng kuwarto ay linapitan ako ng aking anak at nagsumbong sa akin na tinawag daw siyang binabi ni Joyce Ann Christine Salic. Itinanong ko sa aking asawa kung ano ang nangyari, at inilahad niya sa akin na noong araw na iyon ay biglang nasuka ang aking anak, na sinubukan niyang tumakbo papunta sa kanal ngunit hindi siya umabot, at dahil rito ay nasuka siya sa may batuhan. Matapos ito, habang siya ay naghuhugas ng kanyang bibig ay padaan naman si Joyce Ann Christine Salic. Doon niya narinig ang sinabi nitong kabinabi na;

Na hindi ito ang unang beses na binastos ni Joyce Ann Christine Salic ang aking pamilya. Maraming beses nang nangyari ito mula noong iuwi ko sa bahay ang aking asawa. Sa kadahilanang ito ay matagal na rin akong nagtitimpi sa ipinakikita nilang pambabastos sa aming pamilya;

Na upang mailabas ang galit at sama ng loob ko sa pambabastos na patuloy na ginagawa ni Joyce Ann Christine Salic ay nagmumura ako habang nasa loob ng kuwarto, ngunit pinatahimik ako ng aking asawa;

Na nang lumabas ako ng kuwarto upang kausapin ang aking nanay ay ang nakita ko ay si Joyce Ann Christine Salic. Noong oras niyon din ay bigla niya akong sinigawan na huwag akong magmura, na sinagot ko naman sa pagsabing magmumura ako hanggat gusto ko. Nagpatuloy ang sigawang ito hanggang lumabas ng kuwarto ang aking nanay at pumagitna sa amin;

Na ipinorma ni Joyce Ann Christine Salic ang kanyang sarili na tila anumang oras ay handing atakihin ako. Noon din ay biglang dinunggol niya ako gamit ang kanyang kanang balikat, na siyang tumama sa kaliwang bahagi ng aking katawan, sabay sigaw ng O ngeni nanung buri mu? Malakas ang pagdunggul na ginawa niya sa akin, at naramdaman ko na muntik akong mabuwal noong mga oras na iyon. Ang pangaamok na ginawa niya sa akin ang dahilan ng pag-init ng aking ulo;

Na dahil sa pangaamok na ginawa niya ay natapakan ang aking pagkatao at dignidad. Nasampal ko siya gamit ang kaliwang kamay ko. Pinagsusuntok at pinagkakalmot niya ako matapos ito. Sinubukan kong sanggahin ang mga ito pero nakuha niya pa rin akong saktan ng lubos. Naawat kami ng aking nanay, at lumabas si Joyce Ann Christine Salic habang sumisigaw na Panayan mu ku!;

Na dali-daling bumalik sa aming bahay si Joyce Ann Christine Salic na may dalang lampaso. Pinagpapalo niya ako gamit ito na siyang tumama sa aking kanang braso. Naabot ko ang lampaso gamit ang kaliwang kamay ko, at kami ay nagkahilaan. Bigla niya akong tinulak noon, na siya mismong dahilan ng aking pagbagsak;

Na habang ako ay nakabagsak ay kumuha siya ng pandakot na gawa sa galvanized steel. Iniharap niya sa akin ang patusok na parte ng lampaso, at nakita kong ipapalo na niya ito sa akin kaya sinangga ko ang aking sarili. Dahil sa ginawa kong pagsanggang ito ay tinamaan siya ng mismong sandata niya sa kaliwang balikat;

Na dumating ang mga kapatid at asawa niya upang awatin siya. Habang inaawat siya ay natapat siya sa bintana ng kuwarto kung saan naroon ang aking asawa at anak. Ipinasok niya ang kanyang kamay sa bintana at sinubukang hablutin ang aking asawa. Naawat siya ng kanyang mga kapamilya, ngunit patuloy pa rin siya nagwawala at nagsisisigaw na Hoy edakayu patugutnan anggat ali dakayu apapate ngan!;

Sa katunayan ay aking isinasagawa ang salaysay na ito upang sabihin ang totoong pangyayari;

BILANG PAGTOTOO ay aking ilalagda ang aking pangalan ngayong ika- ng Hunyo 2015, dito sa Lungsod ng Angeles, Lalawigan ng Pampanga.

VICTORINO M. PANTIGNagsalaysay

SINUMPAAN at NILAGDAAN sa aking harapan ngayong ika- ng Hunyo 2015, dito sa Lungsod ng Angeles, Lalawigan ng Pampanga.

Tagapanumpa