28
RELIHIYON AT KULTURA SA ASYA Mags Agustin Geri Domingo Krisia Misa Danielle Tolentino

Relihiyon at kultura sa asya

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Relihiyon at kultura sa asya

RELIHIYON AT KULTURA SA ASYA

Mags AgustinGeri Domingo

Krisia MisaDanielle Tolentino

Page 2: Relihiyon at kultura sa asya

JAPAN

Page 3: Relihiyon at kultura sa asya

Pinakamodernong bansa sa Asya subalit napanatili nito ang impluwensiya ng relihiyon sa tradisyon nito.

Ang mga tradisyonal na damit ay tinatawag na kimono at obi.

Ang detalyadong ritwal ng seremonya ng tsaa-Chanoyu

Ikebana- pag-aayos ng mga bulaklak. Dinudumog pa rin ng milyong Hapones ang

mga dambanang Shinto at templong Buddhist.

Isinasaayos naman tuwing ika-20 taon ang dakilang dambana sa Ise o kung tawagin ay Ise Shrine.

Page 4: Relihiyon at kultura sa asya
Page 5: Relihiyon at kultura sa asya
Page 6: Relihiyon at kultura sa asya

Ise Shrine

Page 7: Relihiyon at kultura sa asya

Napangalagaan pa rin ang mga templong Tang na yari sa kahoy. Naging bahagi ng tradisyong Hapones ang arkitekturang halaw mula sa China sa panahong Tang.

Moderno man ang Japan ngayon, mapapansin na pag-uwi nila sa kanilang bahay ay nagsusuot sila ng kimono at tradisyonal na Tsinelas, umuupo sa tatami mat at kumakain ng pagkaing Hapones gamit ang chopsticks.

Page 8: Relihiyon at kultura sa asya

Vietnam

Page 9: Relihiyon at kultura sa asya

Malaki ang epekto ng Buddhism sa mga patakarang pambansa.

- Kadalasang nangunguna ang mga mongheng Buddhist sa mga protestang pulitikal.

Sa Vietnam, naging aktibo ang mga monghe sa pagiging nasyonalista ang mga Vietnamese. May mga naglalabang partidong politikal na Buddhist.

Page 10: Relihiyon at kultura sa asya

Isang katibayan na pagiging aktibo ng mga Buddhist sa isyung politikal at panlipunan ay ang pagsunog sa sarili o self-immolation. Ginawa ng mongheng si Thich Quang Duc ang self-immolation noong 1963. Ginawa niya ito, katulong ang dalawa pang mongheng nagbuhos ng gasolina sa kanyang katawan, sa isang abalang sangandaan sa Saigon (ngayon ay Ho Chi Minh City). Ito ay bilang protesta sa mapaniil na patakaran ng Kristiyanismong rehimen ni Pangulong Ngo Dinh Diem laban sa mga Buddhist sa Vietnam

Page 11: Relihiyon at kultura sa asya
Page 12: Relihiyon at kultura sa asya

Sa mga liham ni Thich Quang Duc sa pamayanang Buddhist gayundin sa pamahalaang Kristiyano bago naganap ang insidente, hiniling niyang alisin ng rehimen ang mga restriksiyong ipinataw nito sa mga Buddhist gaya ng pagbabawal sa pagwagayway ng kanilang bandila at ang pagpapakulong sa kanila.

Dahil sa pangyayaring ito, sumidhi ang dadamin ng mga Buddhist at hindi kalauna’y napatalsik nila ang rehimeng Diem sa South Vietnam noong 1963.

Page 13: Relihiyon at kultura sa asya

India

Page 14: Relihiyon at kultura sa asya

Sati o Suttee

Pagpapakamatay ng balong babae sa pamamagitan ng pagsama sa cremation o pagsusunog ng labi ng asawang namatay.

Pangunahing dahilan ibinibigay sa pagsasagawa ng sati ang paglilinis ng kasalanan ng asawang lalaki at maging ng biyuda.

Makakamtan ng mag-asawa ang kaluwalhatian sa kabilang buhay.

Page 15: Relihiyon at kultura sa asya
Page 16: Relihiyon at kultura sa asya

Noong 1987, isang 18 taong gulang na balong babae, si Roop Kanwar, ang nagsagawa ng sati.

Dahil sa pangyayayring ito, naging maigting ang pagtatalo sa pagitan ng usapin ng tradisyon at modernisasyon.

Tinuligsa ito ng mga Kanluranin habang itinaas naman siya bilang diyosa ng mga Hindu.

Page 17: Relihiyon at kultura sa asya

Saudi Arabia

Page 18: Relihiyon at kultura sa asya

Sa lipunang Arabo, nananatili pa ring mababa ang katayuan ng kababaihan sa lipunan.

Ang diskriminasyon laban sa kababaihan ay sinasabing wala sa mga aral ng Islam na may paniniwala sa ummah o konsepto ng pagkapantay-pantay ng lahi, kasarian, o uring panlipunan.

Subalit dahil sa ilang salik, hindi ito ganap na naipapatupad sa bansang Arabo.Halimbawa, sa usapin ng kasal, pinapayagan ang kalalakihang magkaroon ng hanggang apat na asawa at kahit ilang concubine.

Subalit kailangan ay mapakain niya nang pantay-pantay ang mga ito.Tila rin walang kahirap-hirap sa lalaki na makipagdiborsyo sa kanyang asawa.

Page 19: Relihiyon at kultura sa asya

Sa usapin naman ng karapatan sa bata matapos ang diborsyo, mananatili ang anak na lalaki sa ina hanggang umabot siya sa pitong taong gulang, pagkatapos ay sa ama na siya mananatili.

Kapag ang babae ang anak, dapat maabot muna niya ang gulang na siyam bago siya mapunta sa kanyang ama.

Subalit kung magdesisyon ang babae na magpakasal nang hindi pa natatapos ang panahon ng legal custody, mawawalan na siya ng karapatan sa kanyang anak.

Sa Afghanistan halimbawa, nang mangibabaw ang Taliban, mas lumala ang diskriminasyon sa kababaihan.

Page 20: Relihiyon at kultura sa asya

Ang Taliban ay isang grupo ng mga radikal na Muslim.Dahil sa kautusan ng Taliban, napilitan ang mga babae na magsuot ng

burka, ang kanilang tradisyunal na pananamit na tumatakip sa buong katawan.

Page 21: Relihiyon at kultura sa asya

Mga babaeng nakasuot ng burka

Page 22: Relihiyon at kultura sa asya

Bukod dito, kailangan pa nilang magsuot ng belo na tumatakip maging sa kanilang mga mata.

Tinanggal din ang karapatan nilang bumoto, mag-arak, magtrabaho, at tumanggap ng benipisyong pangkalusugan.

Sa pagbagsak ng Taliban, Bahagyang nabawasan ang di-makatwirang restriksyon sa kababaihan.

Page 23: Relihiyon at kultura sa asya

Pilipinas

Page 24: Relihiyon at kultura sa asya

Kinahaharap ngayon ng Pilipinas ang mabilis na paglaki ng populasyon.

Ito ay ayon sa United Nations Polulation Fund na nagdedeklarang apat na sanggol ang ipinapanganak sa bawat minuto simula taong 2000.

Dahil dito, tinatayang aabot sa 84.2 milyon noong 2000 ayon sa National Statistic Office (NSO). Subalit may mga datos na nagsasabing nasa 86 milyon na ang populasyon sa Pilipinas noong 2004.

Malaking Problema ito para sa bansa, lalo na at ang sangkatlong (1/3) bahagi ng populasyon ay kumikita ng $1 bawat araw.

Nangangahulugang ito ng kahirapan sa pamumuhay ayon sa World Bank.

Ang nasabing kita ay hindi sapat para sa isang pamilya na tustusan ang pagkain, upa, tubig, kuryente, pagpapaaral sa anak, at iba pang pangunahing pangagailangan.

Page 25: Relihiyon at kultura sa asya

Umabot na sa halos 95 milyon ang populasyon ng Pilipinas ayon sa National Statistics Office

(NSO). (April 2012)

Page 26: Relihiyon at kultura sa asya

Ayon sa Direktor ng Philippine Population Commission na si Tomas Osias, naniniwala siyang bahagi ng solusyon ang pagpapalaganap ng kaalaman hingil sa pagpaplano ng pamilya.

May kakulangan din sa pagpapamudmod ng mga mumurahing contaceptive o mga artipisyal na pamamaraan ng pagpigil ng pagbubuntis.

Sa kabila ng mga suliraning pang-ekonomiya, maaari ding maging dahilan sa pagdami ng kasong Human Immunodeficiency Virus o HIV at Acquired Immune Defiency Syndrome o AIDS ang hindi paggamit ng kontrasepsyon.

Page 27: Relihiyon at kultura sa asya

Maaaring dumami pa ito dahil sa hindi malawakang paggamit ng kondom.

Noong 2003, nagpahayag si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng pagsuporta sa rhythm method, isang uri ng pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya kung saan di magtatalik ang mag-asawa sa panahon ng ovulation ng babae.

Ayon sa mga kritiko, ito ay hindi maaasahan na pamamaraan at mahirap sundin.

Nagmungkahi rin ang ilang mambabatas ng two-child policy upang solusyunan ang problema sa populasyon.

Page 28: Relihiyon at kultura sa asya

Marami ang tumutol sa panukalang ito sa dahilang wala raw karapatan ang Estado na limitahan ang bilang ng nais maging anak ng mag-asawa.

Ayon naman sa Simbahang Katoliko Romano, mangangampanya sila laban sa simumang pulitikong magtataguyod ng artipisyal na pamamaraan ng pagpigil sa pagbubuntis.

Naniniwala ang marami na hangga't tinututulan ng Simbahang Katoliko ang programa sa pagpaplano ng pamilya gamit ang kontrasepsyon, asahang mgapapatuloy ang paglobo ng populasyon.