107
REMEMBERING SUMMER 24 Signs of Summer After Story PLEASE DON’T CLAIM THIS AS YOUR OWN STORY. And please don’t redistribute this without asking permission. THANK YOU. ENJOY! www.jonaxxstories.blogspot.com Lovelots, Jonah(jonaxx) The Awakening Summer: Gising na si Lex? Dumilat ako at naamoy ko ang pabango ni Lex. Mataas na pala ang araw. Kahit tinatabunan ang araw ng mga dahon, nakikita ko parin ito. Gumalaw ako para makita ang kasama ko. "Good morning!" Ngumiti si Lex. Ngumiti rin ako. Summer na at nasa Sortee ulit kami ni Lex. Nakaligtas siya sa aksidente. Nahospital naman siya pero milagrong walang malaking damage sa kanya. Buti na lang talaga, dahil kung hindi, baka mawalan na ako ng pag-asa. Umupo ako ng maayos sa duyang hinihigaan namin. Ginawa ko palang unan ang braso niya. Kawawa naman siya, kagabi pa kasi kami dito at di ko namalayang nakatulog na pala ako. Linagyan din pala niya ako ng kumot, kaya pala wala akong naramdamang lamig. "Ah..." Sabi niya sabay kuha sa braso niyang ginawa kong unan. "Sorry..." I rubbed my eyes.

Remembering Summer

Embed Size (px)

Citation preview

REMEMBERING SUMMER 24 Signs of Summer After Story

PLEASE DON’T CLAIM THIS AS YOUR OWN STORY. And please don’t redistribute this without asking permission. THANK YOU. ENJOY!

www.jonaxxstories.blogspot.com

Lovelots, Jonah(jonaxx)

The Awakening Summer: Gising na si Lex?

Dumilat ako at naamoy ko ang pabango ni Lex. Mataas na pala ang araw. Kahit tinatabunan ang araw ng mga dahon, nakikita ko parin ito. Gumalaw ako para makita ang kasama ko. "Good morning!" Ngumiti si Lex. Ngumiti rin ako. Summer na at nasa Sortee ulit kami ni Lex. Nakaligtas siya sa aksidente. Nahospital naman siya pero milagrong walang malaking damage sa kanya. Buti na lang talaga, dahil kung hindi, baka mawalan na ako ng pag-asa. Umupo ako ng maayos sa duyang hinihigaan namin. Ginawa ko palang unan ang braso niya. Kawawa naman siya, kagabi pa kasi kami dito at di ko namalayang nakatulog na pala ako. Linagyan din pala niya ako ng kumot, kaya pala wala akong naramdamang lamig. "Ah..." Sabi niya sabay kuha sa braso niyang ginawa kong unan. "Sorry..." I rubbed my eyes.

Umupo na rin siya. "Ba`t di mo naman kinuha kagabi? Sana di mo ko hinayaang makatulog ako sa braso mo, yan tuloy-" Tiningnan ko siya pero nakangiti lang siya sakin. "-ano? May dumi ba ako sa mukha?" He shook his head. "Ayan ka na naman ah... Nakakainis ka na. Ginagawa mo na ang lahat ng gusto ko. Di ka ba natatakot na baka ma-spoil mo ko niyan?" "Hindi naman... Gusto ko rin naman yun eh." Napailing ako. "Since di ko na complete ang 24 signs, gagawin ko na lang ang lahat na gusto mo." Sabi niya. "Ang OA mo... di mo naman kailangang makuha ang signs eh. Nasa akin parin ang huling desisyon..." Tinitigan ko siya. "Di mo naman kailangang kumpletuhin yun eh, kasi... mahal na kita." Ngumiti siya at niyakap ako. Pagyakap niya, hindi ko alam kung bakit ako napaluha. Nakapagtataka, dahil masaya naman ako... pero umiiyak ako. "B-Bakit?" Tanong niya habang hinaharap ako. I wiped my tears. "Wala. hehe. Drama lang. Masaya lang ako." He looked at me straight in the eyes, then he tried to wipe my tears. Ngayon, hinayaan ko na siyang punasan ang mga luha ko. It was... the moment... I`ve been waiting for.

"Ganito lang ang gusto kong mangyari... ang punasan ang luha mo dahil masaya ka. Ayokong nakikita kang nasasaktan... lalong lalo na, kapag ang dahilan ay ako." Hunghang talaga `tong boyfriend kong `to. Kung gusto niyang magsama kami ng mahabang panahon, hinding hindi niya yun maiiwasan... kahit di man niya ako sasaktan, di niya maiiwasang makita akong umiiyak. "Kaya... Summer, please, if you can, hold your tears when your sad. Because I don`t think I can forgive my self if I see you crying." Tumawa ako pero mas lalo akong naluha. "gag0, di naman yun maiiwasan." Tumawa pa ako. Seryoso naman ang mukha niya. "O sige na... Kakayanin ko yang hinihingi mo. Tingnan ko lang kung kaya ko. Siguro, kaw naman `tong iyakin eh." Tumawa ako. At yinakap niya ulit ako ng mahigpit. I hugged him back. Pinikit ko ang mga mata ko para maiwasan kong lumuha ulit. I wanted him on my life... and I`ll do everything to make him stay on my life. Even if it means everything. And that is the only thing I can promise him. "Summer!" Someone tried to pull my hair. "Summer!" I rubbed my eyes. Then tried to focus. "Summer, gumising ka na!" Sabi ni Aliyah at mukhang nagmamadali. Nakatulog na naman pala ako sa ospital. "Gising na si Lex!" Nanlaki ang mga mata ko.

"Gising na si Lex?" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Gising na si Lex! Tatlong linggo siyang tulog at comatose. Finally, gising na siya! Napaiyak ako sa tuwa. Tinatahan ako ni Nadine at Gette dito habang nakakaharap ko si Aliyah na excited na rin. Tatlong linggo akong naghintay sa paggising niya. Halos di na ako umuuwi at pumapasok sa schol. Pero nagpunta talaga ako sa exams namin dahil kailangan ko yung gawin. Halos dito na rin ako sa hospital natutulog. Puyat ako araw-araw sa kakaisip at kakaiyak sa nangyaring car accident sa kanya. Kung hindi ko siya hinabol, kung di ako muntik masagasaan, hindi `to mangyayari sa kanya. Hindi niya babanggain ang truck na yun para lang maligtas ako! Kasalanan ko ang nangyari! At ngayong gising na siya... narealize kong nabigyan talaga ako ng pangalawang pagkakataon.

1st~ Summer: You`re welcome.

Napanganga ako habang pinapakinggan ko ang sinabi ng doctor. Kasama ko ang mama at papa ni Lex, si Aliyah, Gette, at Nadine, at si Kyla. "Continuous Amnesia and Selective Amnesia yung diagnosis ko sa kanya. I am not quite sure if he has the two at the same time. I-chi-check ko pa kung gaano ka lala yung nangyari para maapektuhan ang long-term memory niya. If he`s unlucky, maaring maging permanent ang amnesia. But I guess, it`s impossible. I`ll check it now." "A-Amnesia?" Sabi ng mama ni Lex. "Yes po... but then, makikilala niya naman po kayo. Hindi naman kasi generalized ang nangyari. Continuous and selective lang po. Maaring makakalimutan niya ang isang timeline, one period of time... Like, last christmas till this day... Don`t worry, it won`t cover his whole memory." Napabuntong-hininga kaming lahat. Salamat naman. Pero kinabahan parin ako.

"Let`s just see kung aling parts ba ng memory niya ang naalala pa niya. You can visit him already." Agad pumasok si Kyla sa loob. Pumasok na rin kami. Yinakap ni Kyla si Lex. "Lex, how are you?" Naluha pa ito. Ako naman, di ako makagalaw sa gilid. Kinakabahan ako. "I-I`m okay." His voice seemed tired. Umupo siya at hinawakan ang ulo. "How are you feeling?" Tanong ng mama niya. "Okay lang... mejo masakit ang ulo ko. What happened?" Sabay pagtataka. "You were involved in a car accident. You were hit by a tenwheeler truck." Natigilan siya. "Ano? Ba`t wala akong maalala?" Nagkatinginan kaming lahat. Kinabahan ako. He did not remember why he did that! "May amnesia ka." Sabi ng papa niya. "Ano?" Ininda niya ulit ang sakit ng ulo niya. "Wha-What happened? What car am I using?" Tanong niya. "The yellow lamborghini, Lex." Sabi ni Kyla. "What?? Ang lamborghini? Nakainom ba ako?" "Hindi." Tiningnan ako ng mama at papa ni Lex. "You were with her... that time."

Natoon ang tingin ni Lex sakin. Hindi siya nagbigay ng kahit anong ekspresyon. Tiningnan niya lang ako. I was staring at him too. But I can feel my tears again - pero pinigilan ko ito. "Dinala niya ako sa hospital?" Tanong niya. HA? HA? "Thank you, Miss-" OMG! Nabigla kaming lahat. Kahit si Kyla ay nabigla sa sinabi ni Lex. "Lex! She`s Summer!" Sabi ni Aliyah. Lex stared at Aliyah. "Summer?" Yumuko ako para pigilan ang luha ko. "You`re welcome." Then I walked out the room.

2nd~ Summer: Sinungaling ka!

"Summer!!!" Sobrang bilis ng takbo ko. Ito ang pinakakinakatakutan kong mangyari - ang hindi niya ako makilala. Hindi ko na rin alam kung saan ko pa nakukuha ang tubig na galing sa mga mata ko. Hindi ako sigurado kung sapat ba yung nainom kong tubig para maluha ng ganito. Yinakap ako ni Gette.

"Summer, maalala ka rin niya. Sure ako dun!" Sabi ni Aliyah nang naabutan na nila ako. Tumango ako. "Oo, maalala niya ako. Pero ang sakit lang nung sinabi niya. Ang sakit pala pa`g di ka maalala ng taong mahal mo." Pilit kong iniisip na maalala niya rin ako. Hindi ko rin alam kung dapat ba akong magpakita sa kanya o magtago na lang muna. At nagkasundo na rin kami ng mama at papa niyang wa`g na lang muna sabihin sa kanya ang tungkol sa akin. Baka daw lalong malito ito at lalong di maalala ang lahat. Nakalabas siya sa hospital one week later. Ang sabi ng doctor, mga dalawa hanggang anim na buwan ang tantya niya at maalala na ni Lex ang lahat ng missing parts ng memory niya. Kaya minabuti kong sumama na lang sa tour ng course ko para naman makaabot ako sa mga subject na nahuli ko. Buong summer, ginugol ko sa pag-aaral at kung anu-ano pa. Di ko rin nadadalaw si Lex-- ang nakakatawa pa ay lagi kong naiisip na sana isang araw, hanapin niya ako dahil may naalala na siya. Pero walang araw na ganun ang nangyari. Habang tumatagal, lalo ko siyang nami-miss. "Summer, sumama ka sa Sortee!" Sabi ni Aliyah sakin. "H-Huh? Bakit?" "Birthday nung papa ni Lex bukas! Baka makita mo si Lex dun!" Naalala kong birthday nga ng papa ni Lex this times... yung mga araw ng summer na tag-ulan. Naalala ko yung araw na tinakbuhan ko siya sa ulan. Inis na inis ako sa kanya nun dahil nalaman kong peke yung mga signs na nakuha niya. Tingnan mo nga naman, anong ginagawa ko ngayon? Ako pa ang pupunta... "Uh... Lex, eto nga pala si Summer... Naalala mo ba siya?" Siniko ako ni Aliyah habang ipinapakilala. "Oo. Ako si Summer." Ngumiti ako. Tumango siya, "Ba`t ka nandito?"

Ah. Okay. :( "Ahh. Kasi... dinala ko siya... Pinsan ko siya eh." "Ahh. Ngayon ko lang nalaman na pinsan mo pala yung sumagip sakin. Salamat ah?" May hawak-hawak pa siyang goblet at tinalikuran kami. "L-Lex! Busy ka ba?" Sabi ni Aliyah. "Uh... di naman. Bakit?" I looked around. Maraming tao ngayon, pero mas marami parin yung party noon. "K-Kasi...." Tumingin si Aliyah sa akin. "Pwede ko bang ibilin si Summer muna sa`yo?" Ngumiti si Aliyah kay Lex. "Pupunta muna ako sa bar, mukha kasing may cute na guy doon!" Sabay turo sa kawalan. "Nakita ko kanina... na may papasok dun na gwapo. Pwede dito muna siya? Tsaka.. magc-CR din sana ako eh. Iwan ko muna siya sa`yo." "H-Huh? Okay!" Ngumiti si Lex sakin at uminom. Umalis na si Aliyah at kinindatan ako. Tahimik lang ako kasi di ko alam kung anong sasabihin ko. Wala kaming mapag-usapan. "Ba`t di ka sumama kay Aliyah?" Tanong niya. Nabigla ako at nasiyahan dahil siya na mismo ang nagsimulang magsalita. "Ah.. K-kasi..." Ano? wala akong masabi. "Diba magpinsan kayo? Mahilig yun sa mga party at mga lalaki eh. Siguro ganun ka rin?" Sumulyap siya sakin. "Hi-Hindi... naman..." Bigla siyang naglakad patungo sa table kung saan maraming pagkain. Di ako sanay na tinatalikuran niya nang hindi nagpapaalam, ako pa nga ang nagwo-walk-out noon eh. Di rin ako sanay sa ginawa kong pagsunod sa kanya. "Lex," Sabay yakap ni Kyla sa kay Lex. "I`m sorry, I`m late." sinulyapan ako ni Kyla. Tumingin na lang ako dun sa cake na nakahanda.

"Summer?" Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya. Akala niya siguro`y naalala na ni Lex ang lahat. "Oh yeah, Kyl... Do you know her? She`s Summer. Yung sumagip sakin. I didn`t know that she`s Aliyah`s cousin." Unti-unting bumalik ang masayang mukha ni Kyla. "A-Ahhh. Ganun ba? Oh yeah, I remember!" Lumingon si Kyla sakin at bumalik din naman agad ang tingin niya kay Lex. "Doon tayo Lex?" Sabay turo niya kung saan malayo sa kinatatayuan ko. Sige! Try niyong pumunta doon at susundan ko parin kayo. Susundan ko si Lex kahit anong mangyari! "Ahh, kasi... bilin ni Aliyah sakin na samahan si Summer dito. Ikaw na lang muna, Kyl!" ERM! Grabe yun ah! Di ko inasahan yung sinabi ni Lex. Mejo napangiti ako nang bahagya sa sinabi niya. Kahit sa totoo lang, mejo naaalala ko yung noon. Kaya niya rin ako binantayan non dahil kay Aliyah. "Ah... Ganun ba? Uh, sige. Balikan na lang kita dito ah?" "Sure?" Sumulyap ulit si Kyla sakin. Di ko talaga mapigilang ngumiti kaya sinubo ko na lang ang isang buong slice ng cake para hindi mapansin ng kahit sino, napaubo tuloy ako. "O, okay ka lang ba?" Sabay bigay niya sakin ng isang baso ng wine. Wine? Ayaw kasi ni Lex na umiinom ako. Hindi ko natanggap ng diretso ang wine niya kaya linapag niya sa harapan ko. Tumingin ulit siya sa mga pagkain at tinikman ang kung anu-ano. Umalis na rin siya sa tabi ko kaya sinundan ko ulit siya. "Uh, Lex?" Sabi ko habang sumusunod sa kanya sa mga mesa ng pagkain. "Huh?" Lumingon siya sakin.

I tried to act as normal as possible. Pero di yata sapat ang pagtawag ko sa pangalan niya para mapanatili ang tingin niya sa akin. Ano pa bang magagawa ko? Eh... nawala na ako sa utak niya... sa puso niya rin kaya? "Saan ka ba nag summer last summer?" Tanong ko sa kanya. Baka sakali. Natigilan siya at mukhang nag-isip naman talaga ng mabuti. Kinabahan ako habang nakikita siyang nahihirapan sa pag-alala. "Last Summer? Nasa Boracay ako nun, bakit?" Sandaling tumigil ang aking mundo. Last Summer? Nasa Sortee lang kami nun! B-Baka, ang ibig niyang sabihin eh... last last Summer. Ouch! "I-I mean... Last summer. As in, 2008." I smiled fakely. "Ah... Oh! Hindi ko maalala eh. Bakit?" "A-Ahh." Tumango ako. Yan kasi! Summer eh, nagtatanong ka pa! GRRRR... Nasasaktan ka tuloy. Halos mabasag ang mga ngiti ko sa kanya nung binalewala niya ulit ako pagkatapos niyang sumagot at mag tanong ng 'bakit?' kahit mukhang di naman talaga siya interesado sa sasabihin kong rason. "A-Ahhh, kasi..." Sinundan ko ulit siya. "Akala ko... naalala mo ko." Lumingon siya. Ngumiti ulit ako. "Bakit? Anong ginawa natin?" "A-Ah... K-Kasi... Nagkakilala tayo, last summer." Bahagyang nabasag ang boses ko sa huling dalawang salita. Tumango siya, "Talaga? Saan naman tayo nagkakilala?" Sa wakas. Naging interesado na siya sa sasabihin ko. Syempre, mayroon akong naalalang, hindi niya naalala.

"Sa... Sortee... Dito." Ngumiti pa ako. Tumango ulit siya at tumingin ulit sa mga mesa. "Sa Sortee lang siguro ako, buong Summer. Boring siguro yung summer na yun." Umalis ulit siya sa tabi ko. Mejo... natigilan ako sa sinabi niya. BORING? Anong boring sa summer na nagkakilala tayo, Lex? Sa tingin niya ba`y di importante yung mga nangyari dun? Ba`t wala siyang maalala? Ngayon, naramdaman ko ulit kong gano kasakit makita ang taong mahal na mahal ka noon, at ngayon nama`y parang kulang nalang ay isuka ka niya. Pinunasan ko ang konting luha kong lumandas sa pisngi ko. "Summer," Lalo kong inayos ang mukha ko nang marinig ko si Kyla. "hindi ka niya maalala." Sinabi mo pa? Hindi na ako nagsalit at baka sigawan ko lang ang isang `to. Nag concentrate ulit ako sa mga pagkain habang tinatanaw si Lex sa kabilang side ng mesa at ganun rin ang ginagawa. "Sabi ng doktor..." Napalingon ako kay Kyla. "... maaring di niya na daw ma retrieve ang memories niya." Ha? Tapos? What about me? "Sa sitwasyon niya, magda-dalawang buwan na yung nangyari-" "Hindi totoo yan!" Sabi ko. "-tanggapin mo na, Summer. Lex CAN`T remember anything since the SUMMER OF 2008 till the present! Move on!" "Sinungaling ka! Di totoo yan!" Pinilit kong hindi bigyan ng emosyon ang mga boses ko kaya lang hindi ko magawa. Umiling na lang si Kyla at sinundan si Lex. I`m left here all alone. Lex can`t remember me. Lex can`t remember everything he did for me. Lex can`t remember my signs.... Lex can`t remember the last sign that he did not achieve..... TAMA! maalala niya kaya ako pag binanggit ko sa kanya ang signs?

Napalingon ako sa gilid at nakita kong umikot na ang dalawa sa mesa at ngayon, naabutan ulit nila ako. Mejo, malayo pa sila sa akin pero malakas parin ang radar ko kapag si Lex na ang pinag-uusapan. "Yeah, I heard it from Jeremy. Nagturo daw ako ng Philosophy subject. Di ko nga lang alam kung bakit ko yun ginawa. I mean, I should be teaching some Economics classes if I want to teach that time. And... I don`t know why I tried to be a teacher." Tumawa pa siya sa huling sinabi niya. Halos imassacre ko na `tong mga cake sa harapan ko dahil sa mga sinabi niya. "Oo nga eh. Tsss." "That`s why... gusto ko na ring magturo muna. Gusto ko rin kasing maranasan ulit kung ano man yung naramdaman ko at bakit nagturo pa talaga ako ng time na yun." MAG TUTURO ULIT SIYAAAA? YES! Magandang ideya yan. Lex, susundan kita at pipilitin kitang alalahanin ako..... itaga mo yan sa bato!

3rd~ Summer: Humanda ka...

"Nagturo ka dahil..." Napatingin si Kyla at Lex sakin. "I-I mean, nagturo ka sa school namin noon." "Huh? Really? Naging prof mo ba ako?" "O-Oo!" Konting saya ang naramdaman ko nung sinabi niya yun. "Oh, anong mga ginawa ko dun?" He`s curious!

"Uh, yun nga... nag turo ka." Ano pa bang sasabihin ko sa kanya? Na nagturo siya para sundan ako? Baka mabigla ko siya at mas lalong lumayo sakin. Gusto kong sabihin sa kanya yung totoo, yung tungkol sakin, tungkol samin. Pero maghahanap na lang muna ako ng mas magandang tyempo, hindi ngayong andito si Kyla. "Aw." Tumango siya. "I`ll teach in UDP." Sabi niya kay Kyla. "Oh! Dun? Sige sige." Ngiting-ngiti si Kyla. Symepre, ba`t di yan ngingiti eh di naman ako taga UDP. Tsaka, mahirap makapasok dun... paano ako ngayon nito? Kailangan kong pumasok dun! Kailangan kong sundan si Lex. Pero mahirap dun! Kakayanin ko na lang. Sana lang tanggapin nila yung records ko, kahit na may isang sem akong binagsak ang lahat ng subjects, sana matanggap ako. "Bakit, Summer? Gusto mo na rin bang mag UDP?" "H-Huh?" Si Kyla talaga! Nakakainis! "Uh, hindi-" "Baka susundan mo si Lex?" OMG? WTF? Bakit tinanong yan ni Kyla in front of Lex? "Huh? What do you mean?" O my God! "Diba? Why don`t you tell him. You liked him ever since. Simula pa noon, diba? Kaya lagi kang nandyan kung asan siya?" Napatingin si Lex sakin. Namumuo na naman ang luha ko. Para akong pinapaamin sa kasalanang totoong ginawa ko, pero dinagdagan ng mga di totoong detalye. Lex was still staring at me. And I can sense that he`s distancing a lot right now. "A-Ano bang pinagsasabi mo, Kyla?"

Totoo yung sinabi ni Kyla na gusto ko si Lex. Pero hindi ko siya sinundan! "What are you talking about, Kyla?-" "Sa gabing nadisgrasya si Lex, bakit andun ka sa scene? Because you were stalking him?" Ang mukha ni Kyla ay parang siguradong-sigurado siya sa lahat ng sinsabi niya. Pinagpapawisan na ako ng malamig at parang bumabaliktad na ang tiyan ko. "I wasn`t stalking him! Sinundan ko siya-" "Sinundan? It`s the same!" "Sinundan ko siya-" Lex stared at me. May malaking distansya na talaga akong nakikita sa mga mata niya. "Because..." I can`t say it. "You`re his girlfriend ba?" Tanong ni Kyla. Nakahalukipkip na ito. Tiningnan ko ang mga tao sa paligid, buti walang nakatingin samin. Tapos, si Lex naman ang tiningnan ko... ganun parin ang ekspresyon niya. "Hindi." True. I`m not his girlfriend. I was never his girlfriend. Narinig ko ang pagsinghap ni Lex. "Miss Summer, do you like me?" Kinakausap niya ako na parang bata. "a lot?" Napatingin ako sa pinakamaamong mukhang nakita ko sa balat ng lupa. It was like seeing him for the very first time again. "Oo." I said plainly. I know, it`s weird. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko. Nagpakatotoo lang naman ako eh. Sa bagay, dapat noon pa ako nagpakatotoo.

He smiled. My tears began to take form. "Uh, you`re young and beautiful. But, I think you should forget me. I`m too mature to engage myself in childish relationships." Tumulo ang luha ko. Nakita ko ang pagkabigla sa mukha niya nang nakita niya ito. Pero, pinagpatuloy niya parin ang sinasabi niya. "Puppy love pa lang yan..." I slapped him hard! Napatingin lahat ng tao sa party. "OMG, LEX!" His left cheek turned red. "Di mo alam kung anong mga sinasabi mo!" I shouted. "I`m sorry. But that is what I see-" "That is NOT what you SHOULD see!" LEX! Please, remember me na! Remember Summer! He sighed. Nakatingin na talaga lahat ng tao samin. Grabe na ang mga luha ko, umaapaw. "Humanda ka..." Sinabi ko yun with the softest voice I can ever use. Nag walk-out na ako. I was crying a lot. I was crying because of what he said. Hindi ako umiiyak dahil sinabi niya yun kay SUMMER pa - ang pinakamamahal niya, umiyak ako dahil sa ugali niya. Kung hindi ako si Summer, if I was another girl who liked him a lot, ganun din ang sasabihin niya. Anong karapatan niya para sabihin sa mukha ko na mali yung nararamdaman ko, na childish ang nararamdaman ko, na puppy love lang `to? Wala siyang karapatan. I`ll make sure that he`ll remember me soon. If not, I`ll make sure that he`ll fall for me again. I`ll make sure that he`ll love me again.

4th~

Summer: this is my last chance! "Is this your transcript of records, miss..." Tiningnang mabuti nung staff ang records ko. "Miss Romero?" "Yes, ma`am!" Ilang sandali pa niyang tinitigan ang records ko. Hula ko, minumura niya na yan ngayon. Ang dami kong bad record. Simula high school. Tapos, dadagdagan pa ng college na transcript of records na puno ng failing marks last year. "Why do you want to transfer here?" Nasa Transferies councilor ako. Ni hindi pa nga ako nakakapagtake ng entrance exam eh. Ngayon pa ako magti-take. Balita ko kasi, last day na ng entrance examinations ngayon. Kung alam ko lang na last day ngayon, sana hindi ko nalang inaksaya ang panahon ko kahapon sa pag-inom. Ayan tuloy, bukod sa wala pa akong review, masakit pa ang ulo ko. Ang laki ng campus nitong eskwelahang ito. Dalawang beses yata ang laki nito sa campus namin. Marami ding estudyante at wala pa akong kilala. "Sorry, I`m late!" Sabi ko sa proctor. Nagsimula na kasi ang entrance exam nung ininterview ako kanina. Nakakainis talaga! Pumasok ako sa loob ng classroom at umupo sa bakanteng upuan. Mahaba ang exam. Nosebleed. Kaya lang, masyado kong sineryoso. Bawat numero, pinag-iisipan kong mabuti ang sagot. Hindi ako pumapayag na hindi ako buong pusong sang-ayon sa isasagot ko. Kaya ang resulta... "Two minutes left!"

I`m still at the number 95 over 275! Eto na yata ang exam na pinakasineryoso ko sa talambuhay ko. Pero hindi ko naman alam kung talagang seryoso ang sagot ko sa huling 180 items! "Kamusta ang exam?" Sinundo ako ni Aliyah. "Ewan ko." Nakasandal ako sa bintana ng sasakyan niya, binibilang ang sasakyang dinadaanan namin. "Ba`t di mo sinabing may entrance examination ka pala ngayon? Eh di sana, di tayo nagparty!" "Hindi yun party, Aliyah." I sighed. Parang hindi ko maatim tawagin ang kahit anong inuman o kainan na party hanggang ngayon. Para kasing, masyadong masaya ang mga party. Hindi ko maisip kung paano ako napupunta sa mga masisiyang party kahit hindi naman talaga ako masaya. "Okay, then funeral!" Sumulyap ako kay Aliyah at nakita kong tumawa siya ng bahagya. Sinandal ko ulit ang ulo ko sa bintana. "Bakit ba kasi di mo na lang sabihin kay Lex ang tungkol sa past niyo?" "Kung may isang lalaking di mo naman kilalang lumapit sayo at sasabihing mahal mo siya, maniniwala ka ba?" Ilang sandaling tahimik si Aliyah. "Then, kung ayaw niyang maniwala. You move on!" "Move on? How many times do I have to move on?" "Summer, kailangan mo na lang mag move on. Accept things. Move on. That`s it. That`s the best way. If you are not happy in the place where you are, then move." "Ayoko!" I'm resisting change now! Hindi naman sa talagang ayaw kong mag move on. Naka move-on na ako! Tanggap ko na ngang hindi ako maalala ni Lex. Anong klaseng pag mo-move-on pa ang hinahanap niyo? Ang pagsuko ko?

It`s not like he just lost his memories in a blink of an eye. It`s not like he choose to forget me. Ako yung may kasalanan kung bakit nawala ako sa isipan niya, kaya ako din ang maghahanap ng dahilan para bumalik ako sa isipan niya. Gabi-gabi, ayoko mang aminin, iniiyak ko ang sarili ko sa pagtulog. My relations with other people are affected. Alam kong nakakasama ito sa akin. Kaya lang, kailangan ko munang magluksa ng todo-todo para ihanda ang sarili ko sa lahat ng mangyayari. "Sum-mer..." Kumatok si mama sa pintuan ng kwarto ko. "Bukas." Pumasok siya at umupo sa kama, may dala-dala siyang envelop. Bigla akong bumangon kasi alam ko kung anong envelope yun. "Andito na ang result sa exam mo for UDP." Tumango ako at kinuha ang envelop. Lord, please! For the life of me! "I..." May luhang lumandas sa pisngi ko. "failed." Yinakap ako ni mama, "Okay lang yan! You try again, kay?" "Ma, this is my last chance!" "Huh?" Alam kong hindi na alam ni mama kung anong gagawin niya at anong sasabihin niya sa akin. Alam niya rin kasi ang buong storya ng pinagdadaanan ko. Pakiramdam ko tuloy mas masakit pa ang nangyayari sakin sa mga namamatayan ng boyfriend. Bakit pa kasi di niya ako matandaan? Kailangan niya akong matandaan! At kung hindi niya man mabalik yung alaala niya, gusto kong bigyan ko siya ng mga bagong alaala naming dalawa!

"I`ll find a way, promise! You'll take another entrance exam from that school next Saturday, okay?" Hindi ako makapagsalita. "For now, you can have fun muna! Go to parties. Go shopping! Wa`g kang magmukmok dito!"

5th~ Summer: Titingnan ko lang.

I finished the exam just on time. Masaya ako dahil nasagutan ko ang lahat, pero kinakabahan parin ako at baka hindi ko makuha ang last chance na ito. Next week, pasukan na. Tapos ako, nagti-take pa ng exam. Makukuha ko na daw ang result mamaya. Pagkakuha ko ng result, agad akong magpapaenrol. Nakaupo lang ako ngayon sa isang bench dito, hinihintay ang pag dating ni Aliyah at Nadine. Sasamahan daw nila ako dito ngayong araw. "Su-Summer?" Naaninaw ko si Dave sa harapan ko. "Dave?" "Summer!" Yinakap niya ako. "Ba`t ka nandito?" Dito nga pala nag-aaral si Dave. Si Dave yung ex ko. Artista siya at sikat na sikat. Kahit na nasaktan niya talaga ako noong dineny niya ako sa publiko, hindi ko na maramdaman ang sakit na yun ngayon. Siguro, masyadong masakit itong kay Lex kaya nakakalimutan ko na. "Nagtake ako ng entrance exam." "Huh? Dito ka mag-aaral?" Tumango ako. "Great!!! Hindi pa ako nae-enrol! Magiging mag kaklase tayo! Sigurado!"

"Sana nga." At least, may kilala ako sa ibang class ko. Nakatingin lang siya sakin habang ngiting-ngiti. "Kamusta ka na? Ba`t ka mag-isa?" Halata sa kanyang mga mata ang pananabik sa pakikipagkwentuhan sakin. "Hinihintay ko sina Aliyah. Okay lang naman ako, ikaw?" "Okay lang din. Maraming projects kaya mejo busy." Tumango ako. Katahimikan. "Naninibago ako sa`yo." "Bakit?" "Parang... ang lungkot mo yata." "Ah..." Pinilit kong tumawa. "Guni-guni mo lang yan. Tumingin ako sa paligid. "Dave!" May paparating na grupo sa amin. Mga kaibigan niya yata. "Oi! Likayo dito!" Lumapit sila samin. "Eto nga pala si Summer. Kaibigan ko." "Hi Summer!" Nginitian ko silang lahat. "Dave, kita tayo mamaya sa tambayan ah!" "Oo! Sige!" Tapos umalis din naman silang lahat. "Gusto mong sumama samin mamaya? May party!" "Hmmm, hindi ako sigurado eh. Titingnan ko lang."

"Ah... Something`s really weird about you now. May problema ka ba? Nag-away ba kayo ng parents mo?" "Hindi. Wala naman. Nukaba!" Kailangan ko tuloy ngumiti para mapawi na yung pagdududa niya. "Are you really okay?" Bago ako sumagot... May sportscar na biglang pumark malapit sa bench na inuupuan namin. Kinabahan ako. Bakit ako kakabahan? Hindi ko alam. Wasak na yung sportscar ni Lex. Tsaka, halatang hindi yan yung sportscar niya. His sportscar was a Yellow Lamborghini, and that`s one is black. "Summer, are you okay?" Inulit ni Dave ang tanong niya. "Yea-" Muntik na akong mabilaukan nung lumabas nga si Lex sa sportscar na nakita ko. Marami ding tumitingin sa kanya at para bang namamangha. Napatayo ako para tingnang mabuti kung siya nga ba talaga yun. I rubbed my eyes. Looked at him. Stared at him. Siya nga talaga yun. "Summer?" Napatingin na rin si Dave sa tinitingnan ko. "Is that your boss? Siya yung lalaki sa Sortee last year ah?" Lex, look at me! Look at me! Tumingin din naman siya pero parang wala lang. "Damn!" Tumingin ulit siya. Hindi na ako huminga sa second look niya. I heard his voice, "Summer?" Ngumiti ako.

Masaya ako dahil nakikilala niya na ako! Sana nga lang, pati ang alaala niya tungkol sa akin, bumalik na.

6th~ Summer: gusto ko lang ng bagong environment.

"Summer, ba`t ka nandito?" Tanong ni Lex. Napatayo ako. "Uh... nagtake ako ng exam eh. Titingnan ko kung... makakapasok ako sa school na `to." Tumango si Lex, "O sige... goodluck!" Umalis siya. Sinundan ko siya sa tingin. Ni hindi ko na namalayang nandito parin si Dave sa tabi ko habang tinitingnan ko ang buong detalye ng pag-alis niya sa harapan ko. Pumasok yata siya sa opisina ng presidente ng eskwelahang ito. Naiisip ko tuloy, ang layu-layo niya na sakin ngayon. He's young and very successful. Responsable na rin siya at mature na, samantalang ako, nag-aaral pa, wala pang landas na gustong tahakin sa buhay, at puro puso lang ang iniisip. Parang ang liit-liit ng tingin ko sa sarili ko... "Summer, you're spacing out." Sabi ni Dave. "May nangyari ba sa inyong dalawa nung boss mo?" "Uh... wala." Nagsimula akong maglakad dahil nakita kong kakapark lang ng sasakyan nina Aliyah at Nadine. "Wala." Lumabas naman ang dalawa. Si Nadine mukhang naninibago sa eskwelahan kaya tingin nang tingin sa mga tao, si Aliyah naman... "Oh... Lex is here!" Sabi niya nang nakita ang bagong sportscar ni Lex. "Nagkita kayo?" "Oo." I sighed. "Nagkausap kami." "And??"

"Wala... of course, wala." Sagot ko. Umiling si Aliyah. Napansin nila si Dave sa likuran ko. "Oy Dave! You're studying here?" Tanong ni Nadine. "Uh, yeah! Kayo?" "No. Sasamahan lang namin si Summer." Sagot ni Nadine. "So ano, lunch muna tayo?" Sabi ni Aliyah. "O sige. Pero, siguro mas mabuti kung dito na tayo maglunch sa school." Sabi ko. "Dave, sama ka sa lunch? Para makapagkwentuhan tayo." "O sige! Saan niyo gustong maglunch? Maraming cafe dito sa school. Iba-ibang klase." "That's cool." Sabi ni Nadine. Pinuntahan namin ang mga sinabing cafe ni Dave. At cool nga ang mga ito. Yung iba, fast-food-type, may mga sweets lang din ang pagkain, may mga coffee shop, may japanese foods, at iba-iba pa. "Ang dami! At iba-iba pa. Kaso, nakakapagod na." Reklamo ni Nadine. "Ang ganda nung bar type ah, daming gwapo. Tsaka, maraming tao sa mga cafe niyo ah. Sana ganito din sa school. Hay naku, kaya naman pala mahirap makapasok dito." Sabi ni Aliyah. "Oo nga eh... hmmm, so ano, Summer? Saan mo gustong pumunta?" "Napuntahan na ba natin ang lahat dito?" "Hindi pa eh. Marami pang iba diyan." "Ahhh. Saan ba yung wala masyadong tao?" Tanong ko. Nakita kong mejo natigilan siya. "Ohhh boring!" Sabi ni Aliyah. "Kakain lang naman eh." Sabi ni Nadine. "Uhmm... Sa Blue Rose, sa-" "Blue Rose? Dun na lang." Sabi ko agad. Hindi naman sa, naiintriga ako sa pangalan ng cafe na yun, pero talagang kumakalam na ang sikmura ko at kailangan ko ng kumain. Hindi ko naman inakalang talagang nasa liblib na lugar yung sinabing Blue Rose. Mukhang jungle na ang lugar at hindi mo aakalaing may ganitong lugar sa loob ng school.

"Blue Rose? Ang layu naman kaya siguro walang pumupunta masyado dito. Kakain ka na nga lang mali-late ka pa. Tsaka... tunog flowershop din tong cafe na `to ah?" Sabi ni Aliyah. Nakarating na kami. Kapansin-pansin ang mga puno sa paligid at mga rosas. Nakakapagtaka tuloy kung bakit Blue Rose ang pinangalan sa cafe na `to. Sobrang ganda din ang paligid. May pond at mga bench pa kung saan-saan. At totoo ngang mejo hindi matao dito kumpara sa ibang cafe nila. Tumunog ang windchime pagkapasok namin. At kamuntik na akong tumakbo sa nakita ko sa loob - si Lex! "Lex," Tinawag ni Aliyah ang pinsan niya habang tinuturo samin ang table katabi ng table ni Lex. Mukhang may ginagawa siya at maraming papel sa table niya. "Aliyah! Why are you here?" "Well, uhm, sinamahan ko si Summer." Sabay turo sakin. Tumingin si Lex sakin at balik ulit kay Aliyah. "You sure? Baka may pinuntahan kang boyfriend dito?" "Wala noh! Seriously, I'm with Nadine pa nga eh. We're here to help her." Tumango si Lex. "Are you, like, waiting for someone?" Sabay tingin ni Aliyah sa katapat na upuan ni Lex. "Uhm, yeah! Pupunta daw kasi si Kyla. Sinabi ko nalang sa kanyang nasa Blue Rose ako. How did you find this place?" Tanong ni Lex. "Uh, si... Dave. Pinili kasi ni Summer yung 'cafe na di matao'." Tiningnan ako ni Lex kaya tiningnan ko na lang ang menu. "Ayaw niya ng matao?" He chuckled. "I thought you're cousins? And you hang out a lot?" "Well..." Nagkibit-balikat si Lex.

Napakamot tuloy ako sa ulo. So ano naman kung ayaw ko ng matao ngayon? Tsaka... damn! Kyla's coming? Parang kinakabahan ako or something. Pakiramdam ko na naman ang liit-liit ko kumpara sa kanilang dalawa. Umupo na si Aliyah sa harap ko habang nginunguso si Lex. Umiling na lang ako. "So, Summer, ba`t ka nga pala lumipat?" Tanong ni Dave pagkatapos naming umorder. "Uhm..." At paano ko naman ito sasabihin? "I-I was bored?" Lintik! Ano bang sasabihin ko? Sasabihin kong may sinusundan ako? Hindi naman pwede diba? "Huh?" Bahagyang tumawa si Dave. "Hindi nga?" "Uhmm, basta... gusto ko lang... talaga." "Ohh. Are you running away or something?" "Huh? Hindi naman. Talagang gusto ko lang ng bagong environment." Tumango siya. I was relieved that he believed me, or at least accepted my answer. Ilang sandali, dumating na ang order namin. Pagdating ng order namin, dumating na rin si Kyla.

7th~ Summer: Ok, sure!

"Lex!" Bati ni Kyla kay Lex habang nakatingin samin. "K-Kanina ka pa ba dito?" "Yeah! Nandito nga rin si Aliyah, Nadine... at si Summer." "Ohh. So, ano? Lika na?" "Mamaya na. I just want to finish this." Sabay pakita niya sa papers niya. "Where's your laptop?"

"Iniwan ko sa car. Inaayos ko lang ang schedule ko. Ayoko kasi ng loaded masyado. Half-time lang." Half-time lang? Sorry. Nakikinig ako sa usapan nila. Wala naman kasi masaydong tao kaya walang nag-iingay. Kumakain naman kami kaya wala masyadong nagsasalita. Instrumentals lang din ang music dito kaya di masyadong maingay. "Yeah. I'll have scheds from afternoon til night. Or baka, night nalang?" He sighed. "I can't decide." "Hmmm, are you sure you want to teach business?" Sabi ni Kyla. "Why?" "Wala lang..." "Hindi ko nga alam eh. Bakit nga ba ako nagturo ng philosophy noon?" He sighed again. "I can't remember." Mukhang naiinis siya dahil wala siyang matandaan. "Alam mo ba kung bakit?" Tanong ni Lex kay Kyla. Nagkatinginan kaming tatlo ni Nadine at Aliyah. Mukhang nakikinig din pala sila sa sinasabi ni Lex. "Idunno, really. Hmmm, sige na. Choose your schedule. Naiinip na ako eh." Sabi ni Kyla. "Don't force yourself to remember." Padabog kong nailagay ang kutsara sa pinggan kaya napatingin silang lahat sakin. "S-Sorry." Uminom ako ng tubig. "Uh, come on, Lex." Mukhang hindi siya makapagdesisyon. "Summer," Uh-oh. "Business student ka diba?" Tanong ni Lex. "U-Uhm... Oo. My course is under business management." Bakit? "What subjects do you have for this semester?" "Uhm.. Hindi ko pa alam eh." "Oh... I want to handle some of your classes." Ngumisi siya.

Halos di ako makahinga sa sinabi niya. Naramdaman kong ganun din ang naramdaman ng mga pinsan ko. Halos walang makapagsalita sa amin. Pati si Kyla eh halatang nabigla. "B-Bakit?" "Para may kilala na ako." Nakangiti parin siya. "I wanna call you during oral recitations and all that. HAHA." Napahinga ako ng malalim. Nakatingin si Nadine at Aliyah sa akin. I remembered that night! Yung gabi sa Sortee! Hindi ko makakalimutan yung sinabi niyang, 'You`re young and beautiful. But, I think you should forget me. I`m too mature to engage myself in childish relationships.' SYET! "Stop that, Lex! That's so unprofessional!" Sabi ni Kyla. "Hindi, biro lang!" Tumatawa parin siya. "Pero, yeah, I wanna handle your classes." "For what?" Tanong ko. Hindi ko palalampasin ito. Nasaktan ako nang inamin ko sa kanyang gusto ko siya at binalewala niya lang ako. Kahit na nawala nga yung alaala niya, masyadong masakit yung sinabi niya sakin nun. "I thought you'll be teaching Economics?" Tanong ko. "Uhm... hindi na lang. Gusto kong ihandle ang business management muna." Seryoso ang pagkakasabi niya. Wala naman akong masabi. Oo nga naman, baka trip niya lang yung business subjects ngayon. "Don't worry, hindi ko naman dinibdib yung inamin mo sa party." SHYET! Sinabi niya pa. "You better not." Sabi ko. Tama! Hinahamon ko siya ngayon. Hinahamon ko siya sa isang laban! "Bakit?" He chuckled. Nagkibit-balikat ako.

Nakatingin na lang silang lahat saming dalawa. Yes, Lex! Hinahamon kita sa isang laban! At wala ka ng magagawa, lalabanan mo talaga ako. "Was that a lie?" "Ang alin?" I raised my brow. I am playing dumb. YUNG ANO, LEX? YUNG GUSTO KITA? "Yung..." Tinitigan niya ako. "... nevermind." Tumango ako. "So, ano? Kitakits na lang!" Ngumiti siya habang tumatayo. AALIS NA SILA? Tumayo na rin si Kyla. "Aliyah, alis na kami. May ipo-process pa akong papers dito eh." AT KASAMA SI KYLA? Naku! Ang sarap umapila! Kaya lang... wala naman akong karapatan. "And... Summer, I'll be your prof." He smiled an evil smile. Tinanggap niya ang hamon ko! Lalaban ka rin Lex? Sa labang ito, dalawa lang ang pwedeng mangyari... maaalala mo ako o mamahalin mo ako! "Ok, sure!" Nginitian ko na rin siya. Umalis sila ng walang imik si Kyla. And something is burning inside me. Pakiramdam ko, may pag-asa pa talaga! GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA MAHALIN NIYA ULIT AKO. Sigurado na ako sa gagawin ko ngayon! Nang nakuha ko na ang results ng exam at nakita kong nakapasa na ako, siguradong-sigurado na ako. KAYA, LEX, HUMANDA KA! Sa ayaw't sa gusto mo, mamahalin at mamahalin mo ulit ako!

8th~ Summer: I'm new here talking to an old friend

Dali-dali akong pumasok sa loob ng classroom. Hindi ko alam kung excited ako o natatakot ako. Linsyak din naman kasi tong schedule sa skul na to! To Be Announced lang yung nakalagay sa mga instructor kaya hindi ko alam kung sino ang magiging professor ko. Kung si Lex ba o hindi. "And aga natin ah?" Nakangiti si Dave habang papalapit sa akin. "Uh, excited lang." Sabi ko. I tried to smile. "Excited? For school?" Tumango ako. "You've really changed a lot, Summer." There's a weird look in his face. Nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin. Parang wala lang sa kanila si Dave na artista ah. Siguro dahil araw-araw din naman nila siyang nakikita dito. "Anyway, dun ako uupo." Sabay turo sa upuan malapit kay Lindsay - yung ka loveteam niya. "Dun ka na rin sa tabi ko!" "Uhm, wa`g na. I'm okay here." Ngiti ulit. "You sure?" Malayo ako sa whiteboard, nasa pinaka huling upuan ako. Samantalang nasa harap naman ang upuang tinuturo ni Dave. "I'm really okay here." "Okay." He grinned. Dumami na ang mga kaklase ko. Halos di ako mapakali sa kabang nararamdaman ko. "Pssst, hi!" Ang tagal naman ng professor namin.

"Miss, hi!" Napatingin ako sa group of chinito boys sa right side ko. Nakangiti silang apat habang kumakaway sakin. Mga loko `tong mga to ah? Pinagtri-tripan yata ako? "Hello!" I smiled my sweetest smile. Halatang mga anak mayaman. Mga intsik siguro. Inayos ko ang buhok ko sabay pangalumbaba sa desk ng upuan. "Sige kayo... pagtripan niyo pa ako. Akala niyo ha..." Bulong ko sa sarili ko. Ngiting-ngiti parin ang apat kahit napapalibutan na sila ng magagandang babae. Hindi ko na lang pinansin. F4? Sus. Not my type. "Good afternoon class!" Biglang pumasok ang professor namin. Napatayo ako para lang makitang hindi si Lex ang professor ng klaseng ito! I sighed, sat down again. Dissapointing. :( Alfonso Sebastian. Matanda na yung professor namin, mga 40+ na siguro ang edad. Paano magiging si Lex yan? The next class... hindi parin. Another class... hindi parin. "Wow this day is so disappointing!" Sabi ko kay Gette sa cellphone. "You still have one last subject right? At may subjects kapa bukas. Maaring si Lex ang prof mo dun diba?" "Oo nga. Sana nga! Naiisip ko kasi baka nakealam yung Kyla na yun tapos pinigilan niya si Lex na ihandle ang classes ko." Nasa loob ako ng classroom habang nakikipag usap kay Gette sa cellphone.

As usuall, nasa pinakahuling upuan ulit ako. Andun si Dave sa malayo, pasulyap-sulyap sa akin. Nandun naman yung F4 malapit kina Dave pero kada isang minuto isa sa kanila eh tumitingin sa akin. Nginingitian ko na lang. Goodluck! "Excuse me, miss." May isang mestisong lumapit sa akin. "Yes?" Sabay tingin ko sa kanya. "May nakaupo ba dito?" Tanong niya. Mejo nabigla ako dun ah. Nakakapag tagalog pala. "Uhm, wala." Ngumiti ako. "May I?" "Sure." Ngumiti siya at umupo sa tabi ko. "Who's that?" Tanong ni Gette nang ilinagay ko ulit ang phone ko sa tenga ko. "Idunno. so... I-" "So..." He cleared his throat. "Are you new here?" "...wait." Napairap ako sa kawalan at tumingin sa mestisong nakaupo sa tabi ko. "Yeah. I'm new here talking to an old friend over the phone. Kita mo?" Sabay pakit ko sa cellphone ko. Nakakainis eh! Kita niya ngang may kausap yung tao sa telepono. Istorbo. "I really think being a new student makes you popular!" Napatingin ako sa harapan para tingnan ang nagsasalita. Nabigla ako ng nakita ko agad ang mata niyang nakatingin din sa akin. "Omigosh. Gette, talk to you later." Binaba ko agad ang cellphone ko. It was LEX!

9th~ Summer: What is wrong with you?

"Uhm-" Napatingin ang mga kaklase ko sa akin. Sinimangutan ko naman yung mestisong kanina pa ako kinakausap. "Can't you tell which girl is interested and which is not?" Umirap ako sa kanya pero ngumiti lang ang mestiso. Tumingin ako kay Lex na nasa harapan at nakatingin parin sa akin. Unti-unting tumaas ang kilay niya habang nakatingin parin ng diretso sa akin. Napatingin ulit ako sa mestisong nakangiti lang at nasa akin parin ang attention. "GOD!" Sabi ko at umalis sa tabi niya. Naghanap na talaga ako ng upuan na malayu-layo sa nakakainis na damuhong iyon. "Okay... I'm..." Kumuha si Lex ng pentel pen pagkatapos kong umupo sa bago kong upuan at nagsulat sa whiteboard. "Lex. You can call me Sir Lex... I'm 25 years old-" Pagkatapos niyang sabihin yun, mejo tumaas ang bilang ng mga nagbulungan sa mga kaklase ko. "I'm single and very satisfied." Ngumiti siya. "OWWWW!" Para bang ang buong klase talaga ang hindi makapaniwalang single ang gwapong professor namin. Pasensya na. Nasa pinaka huling upuan ako at nakikita ko ang lahat ng reaksyon ng mga kaklase ko. Lalong lalo na ang reaksyon ng mga babae... "Sir, you don't look twenty five?" Sabi nung chinita. "Older?" Tanong ni Lex ng nakangiti. "YOUNGER!" Parang sabayang pagbigkas lang ah? Sabay nagsalita ang mga kaklase ko, di ko nga lang alam kung pati ba ang mga lalaki. "Sir, why are you still single? Third sex?" Nagtawanan ang mga lalaki sa klase.

"Uhm, no." Ngumiti siya sa lahat ng nag dududa. "I've had relationships. And I've been engaged once..." "WHOAAAAA!" "Engaged with Kyla?" Napabuntong-hininga ako habang nakapangalumbaba at tinitingnan si Lex sa malayo. "Then why did you broke up with her, Sir? Ang swerte naman nung babaeng yun, pero sayang!" Naghiyawan ang buong klase. Ako lang yata ang tahimik dito habang tinitingnan silang tuwang-tuwa sa pagtatanong kay Lex ng kung anu-ano. Sana ako rin pwedeng magtanong kay Lex... Pwede naman, alam ko. Pero sana may maisagot siya sa tanong ko. Sana alam niya ang sagot sa tanong ko. Pero malabong mangyari yun... ang dami ko na palang nagawa para sa kanya ano? Pinasok ko pa talaga ang school na `to para lang mapalapit sa kanya. Siguro, iisipin ng iba na naloloka na ako sa ginagawa ki. Ayan na naman si Summer, naloloka na naman ulit sa pag-ibig. Parang ganun? Pero kasi, sa lahat ng mga minahal ko, ito na yata ang pinaka hindi ko kayang pakawalan at ang pinaka masaklap. Yung tipong hahamakin ko na talaga ang lahat. Desperada na. Pero masisisi niyo ba ako sa ginagawa kong `to? Masisisi niyo ba kung sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari? "For now, di muna ako magsisimula sa lectures. This is the first day of school, I want to get to know all of you. Syempre, ito ang unang semester na magtuturo ako dito..." May biglang nagtapon ng papel sa akin. Syempre, sino pa ba yung kanina pang nagpapapansin diyan? Edi yung mestiso! Mas malala pa yata ang sayad nito sa mga F4 kanina eh. Grrr. Binuksan ko yung nakalukot na papel. So the famous Summer Romero isn't interested in boys anymore? C'mon, I know you remember me, we danced in a bar two years ago... WHAT!? Tumaas ang altapresyon ko sa nabasa ko.

"Crap!" Sinimangutan ko ulit siya at mas lalong linukot ang papel. Mabilis natapos ang klase, kasi nga walang lecture. Nakakainis mang isipin pero mabuti na rin yun kasi mas lalo akong naiinis sa mestisong yun! GRRRR! May narinig pa akong mga babaeng nanghihingi ng contact number ni Lex pero di niya naman binibigay. Nagmadali akong umalis sa loob ng classroom. Kahit na dadaan ako sa harapan kung nasan si Lex, eh alam ko rin namang di ako papansinin nun dahil...di niya ako masyadong kilala. :( "Hey Summer! Can't remember?" Hinabol pa talaga ako nung mestiso kaya nagmadali akong lumabas na... pero hindi pa lang ako nakakalabas ng room, hinawakan niya ang balikat ko para lang makuha ulit ang atensyon hinihingi niya galing sa akin. "Hey!" "Hey what?! I don't know you!" Hinarap ko siya. Nakita kong nakangiti siya habang linalagay ang mga kamay sa baywang. "Really?" May pagdududa sa tingin niya. "Really! Seriously? What is wrong with you? Nakakainis ka na ah? Kinakabahan ako sa ginagawa mo, will you stop that-" "But-" "Please?" "Summer!" May tumawag sakin galing sa labas... it was Dave! OH GREAT! OH PLEASE! Wa`g niyo naman akong bigyan ng problema... "What's wrong?" Pumasok siya sa classroom. Napansin kong imbis na magsialisan ang mga kaklase ko eh mas lalo pa yata silang nagtagal sa klasrum dahil sa nangyayari. HELLO! Artista si Dave kaya malaking scoop ang makukuha ng kung sino man sa kung anu mang gagawin niya ngayon dito... "Dave, let's go!" "Boyfriend mo parin ba yan?" Sigaw nung mestiso.

"Excuse me? Who the hell are you?" Hindi sumunod si Dave sakin. Sinuntok niya ng diretso sa pisngi ang hunghang na mestiso! Nagsigawan ang mga babaeng naiwan sa classroom. "OH MY GOSH!" Inawat ko si Dave. "Stop it!" "WHAT IS WRONG HERE!?!" Sigaw ni Lex na nakapagpahinahon sa dalawa at sa mga tao sa loob. "IF YOU WANT TO FIGHT, PWEDE GAWIN NIYO SA LABAS!? WA'G DITO! NOT IN MY ROOM, NOT IN MY TIME, AND NOT IN MY FACE!!!" Walang ni isang nagsalita sa sandaling katahimikang binigay niya para huminga. "YOU TWO..." Tinuro niya si Dave at yung mestiso. "Settle your fight outside and let's see your Discipline Affairs' reaction." Nagsialisan ang mga hindi naman talaga kasali sa gulo at nakikiusisa lang. Ako rin naman ah? Hindi kasali, kaya aalis na rin ako? "You, Miss Romero..." "L--Sir?" Nagtaka ako at sinali niya ako. What now? Am I going to be crucified? "You remain... go with me to the faculty office." "Yes Sir!"

10th~ Summer: I-I mean Sir?

"What happened?" Tanong ni Lex habang nakatingin sa akin na nakatayo sa harapan ng table niya.

Naiinis ako, di ko kasi masagot yan. What happened? Hindi ko naman alam eh. "Basta bigla na lang silang nagsuntukan." Sabi ko na may halong pagkairita. "Impossible naman yata kung bigla na lang silang nag-away!" "Eh. Yun naman talaga yung nangyari." Sa tono din ng pananalita niya, alam kong galit siya. "Ayokong magkaroon ako ng pananagutan sa mga college students na mga pag-aaway na yan. Kung nag-aaway yung dalawang yun dahil sa`yo. Pwede bang kontrolin mo sila at pagsabihan na wa`g sa klase ko-" "Okay fine! I`m sorry! As if I can control them!" Nabigla siya nang pinutol ko ang pagsasalita niya. Nabastos yata. Sorry, Lex! You`re pissing me off. :( "Can I go now?" Mas lalong nalagyan ng poot ang mga mata niya pagkatapos ko siyang binastos sa pagsasalita. Lex is a proud man... Yung tipong wala talaga makakapagpabagsak. At sino ba naman ako para bastusin siya. "Summer! Wa`g mo akong pagsalitaan sa ganyang klaseng tono. Di ibig sabihin na dahil magkakilala tayo sa labas ng skul na `to ay pwede mo na akong bastusin!" Tumayo siyang bigla pero agad namang napasandal sa upuan niya habang nakahawak sa noo. "S-Summer..." He uttered my name inimately. "Okay ka lang, Lex?" Kinabahan ako at linapitan siya nang nakita kong iniinda ang sakit sa ulo niya. "Stop!"

Hindi ko siya nalapitan dahil pinigilan niya ako. Kinabahan ako at nasiyahan! Kinabahan dahil nakakabigla ang pagsakit ng ulo niya, hindi ko iyon inasahan. Nasiyahan dahil baka may pag asa pa! Maalala niya pa ako! "What... was that?" Sabi niya ng tumigil na ang pagsakit ng ulo niya. Did he remember me? Tinawag niya ako diba? "I-I'm sorry. Just... frequent migraines." Sabi niya habang nasa baywang ang mga kamay at iniisip ang nangyari. Hindi siya mapakali at mukhang nakakalimutan yata na nasa harap niya ako. "Are you okay, Lex? I-I mean Sir?" Tanong ko. Tiningnan niya ako. His eyes were curious. "Have we met before?" My heart skipped a beat. "Kung sasabihin ko bang 'Oo' maniniwala ka?" "why? Just tell me? How did I meet you?" Kinabahan akonang tinanong niya ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya o hindi. Kung sasabihin ko sa kanya, maniniwala kaya siya? At kung `di ko sasabihin, will he ever find out the truth about me? "Sa Sortee."

11th~

Summer: You can walk away! Yinaya ako ni Lex magkape muna sa Starbucks habang pag uusapan namin ang nakaraan. "Bakit mo naitanong?" Tanong ko. Halos di ko magalaw ang frap na niorder niya para sa akin. Masyado akong preoccupied sa nangyari at pwedeng mangyari. "Your face flashed in my mind. Hindi ko matandaan kung saan yun at kung bakit..." Napaka-helpless ng mukha niya. Pakiramdam ko, mas makapangyarihan ako sa kanya dahil wala siyang matandaan. Pero ang totoo, mas makapangyarihan siya, kasi kayang niyang basagin ang puso ko samantalang ako, hindi. "Ano ba ang nangyari? Ano ang ginawa ko?" Natahimik siya at tinitigan lang ako. "Can you just tell me where and when did we meet?" "Ba`t kailangan mo pang malaman yun?" Tumaas ang boses niya kaya nabigla ako at nainis. "I told you, sa Sortee tayo unang nagkita! Last Summer! The summer you can`t remember!" Summer... Tinitigan niya ako with a hint of disappointment on his face. "Is that it?" As much as I want to tell him about us, I just can’t. I want to tell him how much I love him. I want to tell him how much he loved me. But that can’t be. I can’t do that. He can’t be accused of something he thinks he didn’t do, can he?

I want him to remember. I want him to realize. I don’t want him to love me because I told him… because the past Lex did. I don’t like that. I want him to love me because the “new” Lex felt the same… because, although his memories were erased, his heart remained the same. But I just can`t. I`m desperate. "You... told me you loved me." Katahimikan. Tumawa siya ng malakas. As if it was a joke. "Paano mangyayari yan? Are you kidding me? you`re too young, Summer! Me?" "I`m nineteen, Lex!" "Oh I was probably playing with you!" Halos di ko na makita ang ekspresyon ni Lex nang sinabi niya yun dahil bumuo na ang mga luha sa mga mata ko. "Yeah right! You probably were playing with me! Ganyan ka pala, Lex?! I was probably fooled!" Katahimikan. Tumulo ang luha ko pero pinagmasdan niya lang ako. Aalis na ako! Come on, Summer! Umalis ka na dito! What are you doing here? Pagkatapos niyang sabihin yun, nandyan ka pa? OMG! At umiiyak pa?! "I'm sorry." Binigyan niya ako ng tissue. He looked guilty. "I... I just can`t believe it. I can`t... remember."

"Alam ko! Ayoko sanang sabihin sa`yo yun! Gusto kong maalala mo na lang! Pero Lex, I`m so desperate! I can`t hold this anymore! I love you! Please remember me!" Tumayo siya at lumapit sa akin para mayakap ako. "I`m so, so sorry." Bakit siya nag so-sorry? Yinakap niya ako. Hindi ko maintindihan kung malamig ba o mainit ang yakap niya. Malamig dahil wala siyang maalala, mainit dahil sa loob ng puso niya, hindi niya alam na mahal niya ako. "I know! You`re sorry! I`m sorry for myself, too! Sorry kasi wala kang maalala, sorry kasi nasasaktan ako nang di mo man lang malaman kung bakit! I know, you think I`m lying?! You think I made up this whole thing, but I was not! I wish I was making this all up, Lex! You can walk away!" Hindi siya gumalaw, yinakap niya lang ako. Hindi ko alam kung ano na ang iniisip ng mga tao sa paligid. "You can walk away! Leave me alone!" Kinalas niya ang yakap niya. "Let`s go home." Sabi niya. Kung ikaw na lang kaya ang umalis? Ba`t isasama niya pa ako? I was letting him go! Pagkatapos kong sabihin lahat ng yun, malaya na siya sa akin! Pero bakit siya ganyan? Hindi ko maintindihan kung bakit nang papunta kami sa sasakyan niya, kinabahan ako. For the first time after that accident, I`ll be riding with him again! Masyado akong kinakabahan! Nasa loob kami ng sasakyan nang dinig na dinig ko ang bawat pintig ng puso ko. Mabilis. Malakas. Halos lumabas na sa dibdib ko. Hindi parin humuhupa ang luha ko. Siya naman, tahimik at di ko alam kung kailan kami aalis sa parking lot ng Starbucks.

"Even the way you say my name gives me chills." Sabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko. "I feel as if I know you. My eyes, my ears, my arms, some part of me knows you. That's why I couldn't walk away. I'm trying to understand that you are suffering, but I am suffering too. So will you let me stay by your side?"

12th~ Summer: like me?

Hindi ko alam pero kahit masaya ako, kinakabahan ako. Binigyan ako ng chance pero pakiramdam ko may kaakibat itong takot. Masaya ako dahil narinig ko yun galing kay Lex. Ibig sabihin, kahit nalimutan niya ako sa isipan niya, may nararamdaman parin siya para sa akin. His senses are telling him that he knows me. "Class dismissed..." Pagkasabi niya nito, agad pumunta si Dave sa akin at kinuha ang mga gamit ko. "Uuwi ka na?" "Uh... Hindi pa siguro." "Gusto mo mag dinner muna tayo?" Sabi niya. Alam ko `to. Eto yung mga inaasam-asam na moment ng mga babaeng inlove na inlove sa ex nila pagkatapos gaguhin. Hindi ko mabilang kung ilang beses kong pinangarap ang sandaling ito. Ang magkita kami ni Dave at yayayain niya akong kumain sa labas. Lagi kong iniisip kung paano ko siya pagseselosin o pahihiyain, kabayaran sa kahihiyan at sakit na dinanas ko noon. Kaso, hindi eh. I love someone else. Plotting a revenge won't be useful or meaningful anymore. "Saka na... may sariling lakad pa kasi ako eh..." He looked devastated.

Nakita kong sumulyap si Lex sa akin. "Sorry Dave ah?" I felt sorry. Really sorry. Naisipan ko na rin na ilang beses na akong nagpakatanga para sa lalaki. Lagi na lang akong naiinlove. Palagi na lang akong nasasaktan. Minsan nga noon naisip ko baka hobby ko na ang mainlove. At ngayon, kahit anong mangyari ayaw ko na `tong pakawalan. Naiisip ko ring naloloka na ako. Bata pa ako at marami pa akong magagawa at makikilalang iba. Bakit ko pa pinagsisiksikan ang sarili ko sa taong nasa ganitong sitwasyon? Pero pabalik-balik man yun sa isipan ko, hindi ko parin maitanggi. Mahal ko siya. No logic. Very irrational. Biruin niyo, sa dinami dami ng inisip ko, mauuwi parin sa simpleng 'dahil mahal ko siya' na rason. "Summer, can you help me with this papers..." Sabi ni Lex sabay turo sa files sa harap. Halatang ginawa niya lang yun para makawala ako kay Dave. "Come with me." Sabi niya. OMG! He is finally noticing my existence, isn't he? Masayang masaya ako! Kinilig nga ako. Isang feeling na ngayon ko lang ulit naramdaman. Sa mga nakaraang buwan kasi puro drama ang nangyayari sa life ko. Maybe this time, I should move on. I should be happy with this little development. Kahit na ganito lang, masaya na ako. Hindi na siguro ako magiging emo masyado at nega... "Pakilagay diyan..." Sabay buntong hininga. Nakapasok na kami sa loob ng office. Dumaan pa nga si Professor Alfonso Sebastian, isang prof namin sa major subject. Mejo malagkit ang tingin. "Let's have dinner somewhere far..." Sabi niya. "Okay!"

Nang nasa sasakyan niya na kami... "What were you like before?" Tanong niya. Huminto ang sasakyan sa red light. "The same..." Katahimikan. Napansin ko ang pag kunot ng noo niya. "You wear the same kind of clothes?" Napatingin tuloy ako sa outfit ko. Shorts, tank top... Anong problema? Hindi ako nakapagsalita. "I don't know if its your clothes or maybe its your body... If you wear something like that you'll catch every man's attention." "Huh? Anong problema sa soot ko? All the other girls at school wear shorts and tank tops too." "And you aren't that sensitive with the people around. Kanina, while I was discussing, may mga lalaking tingin ng tingin sayo, and I'm sure they were looking at your cleavage." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. What cleavage? At nag seselos ba siya?? LOL! "Nagseselos ka?" Katahimikan. Ngumisi ako. "Nagseselos ka ba?" Napabuntong hininga siya. He looked irritated. "No! Of course not! Hindi ko lang talaga alam kung paano na inlove si Lex Santos sa'yo! I normally wouldn't go for girls who wear this type of clothes... a girl who is YOUNGER. A girl-" "-like me?"

13th~

Summer: I think I should go "Hindi naman sa ganun." Napabuntong hininga ako. "Alam ko. Mayaman ka, successful at a very young age. At ako, some wasted party girl diba? Hindi ko din naman alam eh. Sinabi ko na sayo yun diba? Hindi ko alam kung paano. kahit ako hindi makapaniwala." Pumasok na kami sa restaurant. Tahimik. At... Kumain na kami. Tahimik parin. "Lex??!" Napairap ako nang biglang nakita si Kyla na sumulpot bigla kung saan. Naka black dress siya at tulad ni Lex, may aura siyang pang successful people. "This is such a surprise!" She ignored me and kissed Lex. "I missed you, Kyl!" "Oh, I missed you too!" Tapos pinaupo niya sa tabi ko. Hindi ko maiwasang mairita sa pangyayari. Kumain na lang ako ng tahimik. "May dapat tayong pag usapan..." "What is it?" Diba engaged daw si Lex kay Kyla? Well, hindi ako sure pero...

"It's about our engagement." Sumulyap silang dalawa sakin. Nawalan naman ako ng ganang kumain. "What about our engagement?" Sabi ni Lex. "At tungkol sa pag bisita ng Daddy mo dito before or on our engagement day. We need to fix things. I called you kanina nung kadadating ko lang from my flight but you didn't answer me, why?" "I've been busy." Parang gusto kong umalis dito. Out of place... Buti sana kung out of place lang eh nasasaktan ulit ako eh. Summer, give it up! My gosh! You've come a long way! This is too much! This isn't your world! Tumingin ulit si Kyla sakin. "Why is she here?" "Dinner. Nag dinner ka na ba? Order." Sabay bigay ni Lex sa menu. "Dinner? Sure?" "Bakit? May problema bah?" "Well, you see, Lex, that can't be good! Estudyante mo siya, di ka pwedeng basta basta na lang makipagdinner sa students mo. "This isn't 90s." Sabi ko. Lalong sumama ang tingin ni Kyla sakin. "And for the win, yung walang modo pa." Sinabi niya yun with complete poise and elegance. Ang sarap sapakin. Pero kailangan kong mag fit-in sa lugar kung saan si

Lex, baka sakaling maalala niya ako... Kaya kailangan kong magpigil at magtimpi sa kahit anong eskandalong gusto kong gawin. "Lex, I think I should go." "You SHOULD go..." Sabi ni Kyla. "W-Wait!" Hinawakan ni Lex ang kamay ko nang bigla akong tumayo para umalis. "Kyl, tell me... kilala mo si Summer, diba?" "Huh? Wh-What do you mean?" "Ang ibig kong sabihin, kilala mo na siya noon. Noong di pa ako nagka amnesia." "No..." Bumuntong hininga na lang ako. Magsinungaling ka pa. Alam kong atat ka ng mapasayo siya! "Really?" Umiling si Kyla at umalis na agad ng walang imik kay Lex. Leaving us two, alone. Ayan na naman. Naiiyak ako. Sobra! Bakit ba parang tinalikuran ako ng mga taong maaring makapagsabi sa katotohanan? :( Pero expected naman yun, diba? Mahal niya si Lex. Tulad ko, desperada siyang makuha si Lex. Gagawin niya ang lahat. "Alam ko..." Sabi ko. Nakahawak parin siya sa kamay ko. He squeezed my hand tight. "Alam kong sa tingin mo nagsisinungaling ako. Pinagsasamantalahan kita kasi di mo naaalala. Maaaring... maaaring isa lang ako sa admirers mong na baliw na sayo at may balak na pikutin ka. Pero... no... kung ayaw mo akong maalala, desisyon mo yun." Masakit sakin ang sinabi ko kaya hindi ko na napigilan ang luha ko. "If you wanna be engaged, then go. Hindi kita pinipigilan

dahil alam kong di kita mapipigilan. You're not my Lex anymore." Grabe. Wala nabang araw na di ako umiiyak? Mas masaklap pa to sa namatayan eh. Kasi andyan siya at mahal ka niya noon, pero namatay ka sa isipan niya. :( Hindi namatay, talagang nawala ka... wala ni kahit anong traces ng pagkatao mo sa isip niya. Yinakap niya ako at... "I'll hold the engagement until I remember."

14th~ Summer: I'm not asking you to do this.

"Lex, I'm not asking you to do this." Sabi ko sa kanya. Tinatawagan niya si Kyla ngayon habang nasa loob kami ng sasakyan. Di siya umimik at nagpatuloy sa pagtawag kay Kyla. "Kyla." Sabi niya at napabuntong-hininga. "I'll hold the engagement." Di ko naririnig si Kyla pero matagal-tagal bago nagsalita ulit si Lex. Pumikit siya, "I know... I know... But I need this. I'm sorry." At pinatay ang tawag. Napabuntong hininga ulit siya habang hawak ang manibela. Nandito pa kami sa parking space ng resto. Di ako magpapahatid sa kanya kasi kukunin ako nina Aliyah at Nadine dito. Nahihiya din kasi akong magpahatid sa kanya kasi mukhang busy siya. "I told you... you don't have to do this." Sabi ko. "It's what I want!"

Natahimik ako. I hope you'll remember me soon. I don't know how far I'll go in pursuing you. Natatakot akong umasa sa wala. Pero kahit takot ako, nandito parin ako, umaasa sa walang kasiguraduhan. "They're here." Aniya. Narinig ko ang pag sarado ng pintuan ng sasakyan ni Aliyah. Sabay kaming lumabas ni Lex. Nanibago naman ang dalawa ng makita kaming magkasama. Di nila alam kung anong ire-react nila. Sinabi ko lang kasi na kasama ko si Lex, di ko na sinabi ang iba pang detalye. "Uhhmm, sooo..." Bago makapagsalita si Nadine... "Do you know anything about us?" Desperadong tanong ni Lex sa dalawa. Sabay silang... "Uhh.." At tumingin sakin. Awkward at tahimik ang scene. Napailing si Lex. "Look, Lex, I'm your cousin. I would never lie to you or let anyone lie to you. Summer is my cousin, too. Hinahayaan ko siya dahil alam kong kung ano man yung sabihin niya sayo ay pawang katotohanan lang. If there's someone who can tell you the whole truth, it's her." Sabay tingin sakin. Tumango si Lex. "Okay, I understand." Tumingin si Lex sakin. Hindi nko alam kung ano ang iniisip niya. His expression is very hollow. Para siyang nag ti-take ng exam sa isang subject na wala siyang alam. Naaawa ako sa kanya. Pinipilit ko ang sarili ko sa kanya, eh di niya naman alam kung saan ako ilalagay dahil di niya ako kilala. :( Tulala ako halos sa lahat ng klase ko. Pero sinigurado ko namang nag-aral ako bago pumasok. Sa tuwing quiz na, kahit tulala ako, nakakasagot at nakakapasa parin ako. "Pass your papers now." Sabi ni Prof Sebastian ng nakatingin sakin. Tatlong araw na ang nakalipas simula nung gabing yun, pero ganun parin kami ni Lex. No development at all. :( Pero masaya na rin ako kasi nakakasama ko siya madalas.

Wala na siyang sinabi tungkol sa engagement nila ni Kyla. Kaya lang, kinakabahan parin ako dahil mukha siyang preoccupied nito. *1 text message* From Lex!: Kita tayo mamaya after class, The Academy Hotel room 208. Need to talk to you in a private place. Kinabahan ako. Bakit kailangan sa private place pa kaming mag-usap? Reply: Bakit? Di na siya nag reply. Hinintay ko ang klase niya, pero binigyan lang kami ng assignment kasi may Urgent meeting daw siya sabi ng assistant. "Hello, Aliyah?" Tinawagan ko si Aliyah. "Yep?" "Wa'g niyo na akong sunduin ngayon ah?" "Why? You're with Lex?" "No. But maybe later." Sabi ko ng nakangiti sa phone. "You sound happy." Sabi niya. "I don't think I should be, though." Kasi nga may kung anong kirot sa puso ko. Kinakabahan ako sobra! Natatakot tuloy ako. Is this a sign? Nagtaxi ako papuntang The Academy Hotel. Yung room 208 ay nasa 20th floor pala. Sobrang kaba ko sa elevator, maging sa paglabas at pagkatok sa pintuan. Kumatok ako ng kumatok pero walang sumasagot kaya binuksan ko na. Dahan-dahan. My heart skipped a beat. I opened the lights and too my surprise!!! GUESS WHAAAAAAAAAAAT!?

Napahawak ako sa puso ko nang naramdamang ito'y nababasag. Basag na 'to, noon pa. But it broke into more and more pieces. Para bang di na ulit to maaayos pang muli! "summer!" Nabigla si Lex nang makita ako. He was topless under Kyla. Although hindi sila hubo't hubad, but I know it's getting there! I went outside, closed the door, ran to the elevator and closed the elevator doors. Though he tried to chase me, I didn't let him... hoping my heart's doors will also be closed for him after this.

15th~ Summer: you broke my heart

Hinabol niya akong hanggang labas ng hotel. Nagtago ako. Napasandal ako sa wall na tinataguan ko at di ko na mapigilang umiyak. I knew it! Simula palang alam ko nang maaaring mangyayari 'to sa kanila at sa akin. I never thought it would hurt this way. "May nakita ba kayong babae, uhh, she's this tall and wearing shorts, pretty..." Mukhang tinanong niya sa guard. "Doon yata siya tumakbo, sir." Tumakbo pa ako palabas na talaga ng hotel. "Summer!" Pagkalabas ko sa hotel, tumakbo ako noong papatawid sa kalsada. *PIIIIIIIIIIIIP!*

Muntik pa akong masagasaan! Pero nang nakarating na ako sa kabilang lane, naisipan kong sana nasagasaan na lang ako. Lex was there. Shouting my name but too blurry to be seen. Lumandas ang luha sa mga mata ko habang pumapara ng taxi at pumasok. Di siya nakatawid papunta sakin. I knew it would happen but I didn't see it coming this early. Akala ko magtitiis muna siya at mawawalan ng pag-asang mabalik ulit ang alaala niya saka niya 'to gagawin. I don't think this is the first time they'll do that. They have done it before, they may again. Pero sana naman, di sa mukha ko. Hindi naman sa big deal sakin ang ganung bagay. Ang big deal sakin ay ang pag asa kong hihintayin niyang makaalala bago niya gagawin ulit yun. Lex is successful and old enough to walk in the aisle. Kyla, too. I'm too young and unsuccessful. Too immature. God, I'm hopeless! Bakit pa ako umasa? Alam ko namang wala akong pag-asa! Kung di ako dumating, ginawa na nila yun! OH GOD! WHY? Tatlong araw akong di pumasok. Di ko sinabi kina mama kung bakit kasi mag-aalala lang yun. Alam ko, di na ako bata para magwala na naman. Gusto kong palipasin muna ang lahat. Di ko kayang pumunta dun at magkunwaring wala lang! "Summer." Sabi ni Aliyah. "Let's dance!" Nasa Core kami gabi gabi sa tatlong araw na yun. Nakapangalumbaba lang ako habang tinitignan ang pang hindi mabilang na tequila ko. "Di na, I'll just stay here." Namumugto ang mga mata ko, alam ko yun. Dahil mabigat at mahapdi ang pakiramdam ko nito.

"Look who's here!" May biglang tumabi sakin pagkaalis ni Aliyah. Yung mestizo sa klase ko! "I'm not in the mood." Sabi ko. Pero pagkatapos nun, di ko na maalala kung bakit nagtatawanan na kaming dalawa dun sa table habang lagok nang lagok! "Let's dance!" "Oo bah!!!" I guess it was something inside me. I want to get away, to break free from all the heartaches that Lex gave me. Ganun pa man, di parin mawala sa isip ko. Habang sumasayaw kami, napapapikit ako. "WOOOH!" As if I'm having fun when all I can ever think was him. I've decided. I should stop. Whatever happen, happens! I'll do my best now! Go to school, try to be successful. But before that, I need this. You need to lose yourself in order to find it. May mabilis na humawak at humila sa braso ko paalis sa dancefloor sa gitna ng maraming tao. "Ano ba!" Nasabi ko. Akala ko naman isa sa mga bouncer or waiter. Ang lakas kasi ng pagkakahila. Sapilitan. "Lex, ikaw pala!" Ngumisi pa ako, di ko alam kung bakit. Bunga na rin siguro ng impluwensya ng alak. Matagal na akong umiinom kaya kaya kong magpakatino kahit maraming nainom. Napawi ang ngisi ko nang sinigawan niya ako sa parking lot, labas ng Core.

"WHAT WERE YOU THINKING!!?" Halos mabingi ako kaya umayos na lang ako. "Nag-absent ka para lang mag bar hop? Uminom? Maglasing?" Tinignan ko ang seryoso at naghuhuramentado niyang mukha. "Stop acting like you didn't know the reason, Lex!" "Stop being immature!" At ngayon, parang nawala ang effect ng alak sakin! Bumalik sakin ang lahat! "Immature? Don't get me wrong Lex! Hindi ako nag ha-hyperventilate dito coz of you..." tinuro ko ang dibdib niya, sa inis ko! "making godamn love with her! It's not of a big deal for me! My point is... pinaasa mo ako! Akala ko hihintayin mong makaalala ka!" Lumandas ang luha ko sa pisngi. "And then now? Hindi pa nga nag wa-one week!? Sana di mo na lang pala nicancel ang engagement niyo!" "Listen, Summer! We did not do it, okay?!" Sabi niya. Akala mo kontento ako dun? GRRR! "You didn't do it coz I was there!!! Kung wala ako, edi nagawa niyo! Same story! Don't chase me anymore, Lex! I wanted you to remember, true. Pero now? Hell it's okay without your memories!" Tahimik lang siya nakatingin sakin. Walang magawa kasi walang maalala tungkol sa babaeng nagwawala sa harapan niya. "Forget it, Lex! You don't have to remember!" "I'm sorry I broke your heart! Pero di mo alam kung ano talaga ang tunay na nangyari..." "I don't care about anything anymore! Just... just forget it... okay! Oh right, di na kailangan kalimutan kasi wala ka naman palang naaalala. You broke my heart and the new you can't fix it."

16th~ Summer: I needed to just sleep all day.

Pumasok na ako pagka Lunes. Pumasok ako nang walang bakas na sakit, kaba o ano man. Isang normal na estudyante lang. Gusto ko ng matapos sa pag-aaral. Bahala na 'tong isang sem na prof ko siya. Pagkatapos nito, di ko na ulit kukunin ang mga subjects niya. "Summer, you okay?" Nagtatakang tanog ni Dave nang umupo siya sa tabi ko. "Yeah, why?" Wala pa si Lex, maaga akong dumating eh. Buti na lang wala pa rin yung kaklase kong mestizo. "Kung ganun, bakit ka absent ng tatlong araw?" Tanong niya. "Nagkasakit ako eh." Sagot ko. Mas lalo siyang nagduda, "Ba't di mo sinasagot ang text at tawag ko?" "Eh halos di ako makabangon sa lagnat ko eh." "Huh? Ano ba ang sakit mo?" "Flu atsaka, LBM." Ano ba yan. Galing naman ng naisip ko. "Hey, Summer!" Patay! Maaga din yung mestizo! Hindi ko na pinansin. "Where we're you that night in the bar? We were dancing, then suddenly a man pulled you. Hindi ko makita ang mukha, sino ba yun?" Tumingin siya kay Dave. Si Dave naman unti-unting nagkaka-ideya sa pagsisinungaling ko. "I can't remember anything, I was... too sick to remember." Sabi ko. Nagiging defensive! Buti na lang at dumating si Lex kaya nagsipuntahan na sila sa kani-kanilang mga upuan. Napabuntong-hininga ako. Di parin ako tumitingin kay Lex. I don't wanna be distracted by anyone. I want to finish this all nang matapos narin ako sa kahibangan kong 'to.

"We'll have a quiz." Sabi niya at nagsimulang magsulat sa whiteboard ng mga questions. Okay fine, nagbasa naman ako eh. Pagkatapos ng kay haba-habang quiz... akala ko 20 items lang kasi quiz nga. 50 items pala... "Who got lowest score?" Maraming nagpataas ng kamay. "I got 10/50, sir. Ang hirap kasi..." Sabi nung babae sa harapan. Nagpataas din si Dave ng kamay. Luckily, I got 44/50. Yes yes yes! Di naman ako bobo eh, tamad lang talaga noon. Parang binalewala ni Lex ang mga sinabi ng mga estudyante at tinignan ako. Binalewala ko siya at tumingin na lang sa kuko ko habang nakataas ang isang kilay. Kailangan ko ng nail art. I need to love my self more... Spa, new look, vacation. Kung magpapatuloy ako dito, mababaliw ako sa mga nangyayari. "Who got 25 below?" Di ako nagpataas ng kamay. "How about you, Ms. Romero?" Lumapit siya sakin. Nakuha din ang pansin ng mga kaklase ko at tinignan ako ng lahat. "44/50." Sabi nung mestizo. Namangha sila pati yung f4 sa malayo nakita kong nalaglag ang panga sa score ko. Kalahati kasi ng klase ay mukhang 25 below ang score eh. Tinignan ni Lex ang papel ko at tumingin din sa mestizo.

"How about you Mr. David?" "I got 30/50, sir." Sabi niya. "That's good." Ako ba, Lex? EXCELLENT NA? No comment ka masyado eh. "You know class... Nag surprise quiz ako because I noticed some of you, instead of studying or doing your requirements, are going out to party." Sabi niya. Tahimik ang lahat nang may isa sa F4 ang nagsalita. "Panu niyo nalaman na nagparty yung iba sir? Nagparty ka din ba?" Tumawa pa yung mga kaklase ko pero bago mhumagalpak ang tawa nila, sinagot agad ni Lex. "Napadaan lang ako dun sa mga places na yun, and I even saw one or two of my students there. I think you shouldn't take this class too lightly. You shouldn't take UDP lightly." Nainis ako sa sinabi niya! Mukhang pinariringgan ako. "Who's taking it lightly?" Sabi ko nakataas parin ang isang kilay at ngayon tinignan na siya. Nakapamaywang siya at tinignan din ako. "I'm not saying its you, Ms. Romero. I actually didn't say anything." "Hindi ko din sinabi, SIR, na ako yung tinutukoy mo. I'm asking you to point out who is taking this school lightly?" He suddenly looked pissed. Lalo na nang natahimik ang mga kaklase ko. "Well, it could be you... or any other student." "Why would it be me? I got 44 out of 50." Sabi ko agad. "You've been absent for 3 consecutive days, and for what reason?" "Confidential, sir."

Pinagtinginan ako ng lahat na para bang natalo ako sa sinabi ko kaya dinagdagan ko na. "I think I saw a love scene I shouldn't see. It made me sick for three days. Suka ako nang suka. I needed to just sleep all day." Tumawa ang lahat. Ano ka ngayon, Lex? Gusto mo sabihin ko kung sino? Pasalamat ka... mahal parin kita... :(

17th~ Summer: Forget it, forever

Mag iisang buwan ng ganito kami ni Lex. Tama, nakakaya ko. Nakakaya ko, alam niyo kung bakit? Kasi tinaga ko sa isip kong patay na siya. Alam kong masama ang iniisip ko, pero panandaliang lunas lang yan. Kasi alam ko, kapag nagkikita kami, halos di ako makatinin sa mga mata niya longer than 5 seconds kasi sumisikip ang dibdib ko. Nakikita ko kasi sa mga mata niya ang kislap ng dating Lex na mahal na mahal ako. Papunta ako sa classroom namin, pang huling klase na 'to. May dala pa akong frappe galing starbucks para di ako antukin. "Are you really sure you're still holding off our engagement?" Sabi ni Kyla kay Lex habang naglalakad sila nasa harapan ko papuntang classroom. Ang bagal naman nilang maglakad. Si Kyla naka corporate look. Binagalan ko din ang paglalakad ko. si naman nila ako napansin. "Yes, Kyl. And besides, hindi ko pa talaga napag-aaralan ang ideya ng engagement natin. I just want it done coz my dad wanted me to find a fiance already." Sabi ni Lex. "What do you mean?" Natigilan sila sa paglalakad.

"What?" Suminghap si Lex. "Look, Kyl. As far as I can remember, we broke up years ago.-" "Why are you saying this now? May nakaimpluwensya ba sayo?" Sabi ni Kyla. Naku, dapat na yata akong umalis, ayaw nga lang gumalaw ng mga paa ko. :( "Wala... its just...-" Mangiyak-ngiyak na si Kyla. "Summer? Si Summer ba? Lex, wa'g ka namang bastang maniwala dun! She likes you, she's obsessed! Gagawin nun ang lahat-" "Its not about Summer!" "No! Its about her!" Sabi ni Kyla. "I don't even remember anything about that girl, why would it be her?" Ang sarap pag untugin ng dalawa! Kainis! Kaya ayun, dumaan ako sa harapan nila. "Excuse me!" At dumiretso sa classroom. Umupo na ako agad. Nakita kong papasok si Lex at tinitigan ako. Mukhang galit. Same expression. Di na ako nawiwindang sa mukha niyang yan dahil araw-araw niya akong tinititigan ng ganyan. "Write an essay about..." Ayan! Nabadtrip tuloy. Sa tuwing nababadtrip siya, lagi niya lang kaming iniiwan at di na nag lelecture. Minsan quiz, minsan ganito. "Pass your outputs after one hour... to Miss Romero." Napatingin ang lahat sa akin. First time na pinili niya akong magdala ng mga papel ng mga kaklase ko. Kadalasan kasi si Lindsay o yung isa kong kaklase. Umalis din naman siya pagkatapos nun.

"Ang hirap naman nito." Lumapit si Dave sakin. "Buti ka pa! Syempre, kaw yata ang top sa klase." Sabi niya sakin. "Hindi noh. Pupunta nga siguro akong library para magkaroon ng ideya." Sabi ko. "Talaga? Sama-" "Hey Dave! Let's go!" Sabi ni Lindsay at kumapit sa braso ni Dave. "Uhh..." Gusto kong mapag-isa kaya... "Oo nga Dave. Sumama kana kay Lindsay." Ngumiti pa ako. Umalis din naman sila. Pagkatapos ng higit isang oras, halos nabaliw sa kakahanap ang mga kaklase ko sakin kasi mag-isa ako at nakaupo lang sa isang bench sa malaking school na 'to. Maswerte yung mga nakakita sakin, malas yung iba. Pero mas malas ako dahil kinailangan ko pang maghintay sa iba. *tok-tok-tok* Magagabi na nang pumasok ako sa faculty. Si Lex na lang at si Professor Sebastian ang naroon, si Prof Sebastian, ganun parin, malagkit ang tingin. Binalewala ko na lang. "Eto na po, Sir." Sabay abot ko kay Lex na nakapikit at nakahawak sa ulo. Hindi siya nagsalita. "Masakit ang ulo mo?" Tanong ko. Tumingin siya sakin. "Just occassional headaches." Aniya. "Especially when I'm around?" Naalala ko nung dito rin kami sa faculty at nagkaganito din siya. "Try pain relievers." Sabi ko at umambang aalis na.

"Hindi ka man lang ba gagawa ng paraan para maalala kita?" Natigilan ako. "Like what?" Hinarap ko siya. "I don't think you'll regret marrying Kyla kahit maalala mo pa ako..." "You heard everything?" Sabi niya. "It doesn't matter." Tumayo siya para bang pinipigilan ang pag-alis ko... "Truth is, I postponed the engagement because somehow, I feel like I forgot something important." Natigilan siya nang sumakit ulit ang ulo niya. "Forget it, forever." At umalis na ako... Ginawa ko ito para malaman kung nasaan talaga ako sa buhay niya. Kahit di na siya ang Lex ko, alam kong nasa puso niya parin ako. Hindi ko siya kayang diktahan na mahalin ulit ako, at ngayong itinataboy ko na siya, parang di siya umaalis ng lubusan. Kung umalis na nga siya ng tuluyan, maaring di talaga ako minahal ng Lex ko... Kung di siya umalis, maaring may lugar pa talaga ako sa puso niya kahit di niya ako maalala. Hindi ko mapigilang umiyak. Umiyak dahil sa pagtataboy ko sa kanya, umiyak dahil sa inis dahil di niya ako maalala at umiyak dahil kahit anong gawin ko di ko siya makalimutan.

18th~ Summer: Nga pala sir

Ilang weeks na ang nakalipas at anun parin kami ni Lex. And today is another day... buong session siyang naglecture. Malapit na din kasi ang finals. "Class... this is probably my last class. I've decided to stop teaching." Sabi niya na ikinabigla naming lahat.

"Ha??? Bakit?" Sabay sabay na tanong ng mga kaklase ko. "I haven't found a reason to stay." Sabi niya. Shet! Parang nabilaukan ako sa sinabi niya. Ano? Summer? Yun na ba talaga yun? You came all the way here to chase him pero in the end you'll give up? Pero kung tutuusin, mag aanim na buwan na at wala parin siyang naaalala. Hindi niya naman ako nagugustuhan. Sinabi pa nyang wala na siyang rasong magpatuloy dito. :( Gusto kong umiyak, pero pinigilan ko... pagkatapos ng klase, nagpahuli ako at inabangang umalis siya at hinabol sa labas. "Lex... Lex!" Tawag ko. Lumingon siya sakin. "Uh, Summer, here's my paper. Don't forget to give it to Mr. Sebastian." Sabi ni Lindsay na naka hawak sa braso ni Dave. Pareho silang na weirdohan sa pakikipag-usap ko kay Lex. Kakausapan nga sana ako ni Dave kaso tinoon ko ang buong atensyon ko kay Lex na di na nila nagawang magtagal sa harapan namin. Nagtitigan kami ni Lex. Pero wala pa ngang nagsalita, naramdaman ko na ang pagbuo ng luha sa gilid ng aking mga mata. "What?" Sabi niya. Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi. "I don't want you to go..." Sabi ko. Suminghap siya. "For what reason? Weeks ago you told me to forget it forever!" Lumandas ang luha ko at sinuntok ko ang kanyang dibdib. Di siya natinag sa suntok ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para makasuntok

ng ganun. Malakas sa umpisa, pero nang dumapo na sakanya, nawalan ng lakas. "Bakit ba kasi di mo maalala! Please naman! Wake up! It's me Summer!" Umiyak ako sa harapan niya habang siya ay tinitignan lang ako. Walang magawa. Anim na buwan na ang nakaraan ng nagising siya at wala parin siyang maalala. "Sobrang di ko na kaya 'to." Tinignan ko siya. Halatang naaawa siya sakin pero wala siyang magawa. "Bakit wala kang magawa!!! Lex!!!" Nakita kong may mga dumaang mga tao kaya umalis na ako, iniwan siya sa ere. Hindi ko na kaya 'toooo! :( Umupo ako sa bench at tinawagan si Aliyah. "Hello?" "Hello! Mag tataxi na ako pauwi. Wa'g niyo na akong daanan dito. Sabi ko." "Aryt then! See you later!" Sabi niya at agad kong binaba ang cellphone ko. Hikbi ako nang hikbi sa isang bench habang hinahawakan ang papers ng kaklase ko for Mr. Sebastian. Dumidilim na at nagpasya akong maya-maya ko na ipasa tong papers kung wala na si Lex sa faculty. Pag dating ng alas syete, pumunta na ako sa faculty. Kumatok at nakitang wala si Lex. Si Prof sebastian na lang ang natira. "Sir, eto na po yung papers." Sabi ko sa pintuan. "Oh, come here. Pasok Ms. Romero." Tinanggal niya ang glasses niya. Lumapit ako ng konti sa table niya... "Upo ka." Sabi niya. Umupo naman ako.

"Nga pala sir, I'd like to see my midterm grade." Sabi ko. Di kasi nirelease yung midterm grade ko. Di ko alam kung bakit. "That is what I want to discuss with you tonight..." Sabi niya. "Bakit po?" Natahimik kami habang tinignan niya ang grade ko sa isang folder. May pumasok na isang professor. "Sir Seb, kaw na lang talaga maiiwan, kami lahat my klase at this time eh. And si Sir Lex pero mukhang umalis na." Tumawa siya at lumabas agad, may kinuha lang sa table niya. So, may ibang mga professors pa pala pero may inaatupag na klase. Tinitigan ako ni Sir Sebastian. "You're failing." WHAAAAT? Paano nanggyari eh nag aral naman ako! "Bakit po?" Sabi ko. Tumayo siya at lumapit sa upuan ko. "But I'll give you an option..." Hinawakan niya ang braso ko. "Ganito kasi talaga dito, my subjects are one of the worst subjects. You're not the only one failing in your class... Actually madami, pero ikaw ang napili kong bigyan ng option coz I know you'll do it..." Ngumisi siya at tinignan... Tinignan ang boobs ko! Now I think this is wrong! Agad akong napahawak sa celphone ko at di na nagsalita. Hinawakan niya ang legs ko nung umambang tatayo ako. "Just once!" Sabi niya at hinawakan na talaga ang boobs ko!

OMG! Is this the part where I should shout... "Rape!!!"? "Walang makakarinig sayo dito!" Sabi niya. I tried to run pero hinawakan niya ang heel ko kaya nadapa ako. Sabay ng pagkadapa ko ang pagpindot ko sa number ni Lex... Calling...

19th~ Summer: Ayoko na dito

Calling!!! Todo sigaw parin ako pero walang makarinig sakin. Tumilapon ang cellphone ko ng iginapos niya ang kamay ko sa kamay niya. Halos magkapunit-punit na ang damit. Oh my God! Tinadyakan ko siya. Napapilipit siya sa sakit! Bumangon ako ng mabilis. Muntik na akong umabot sa pintuan pero agad niya akong naabutan at hinila pabalik. "Wa'g ka ng magpumiglas! Aren't you that kind of girl?" Kinagat ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nakawala ako sandali pero agad niya akong nahabol. Narinig ko ang phone kong na loudspeaker ko yata sa sobrang panic. "Hello? Summer??" NASAGOT NI LEX! "LEEEX! HELP MEEE! PLEASE! Nasa faculty ako!" Pero bago ko natapos yung sinabi ko, naputol ang linyo. Mejo natigilan si Prof Sebastian.

"Hindi ako natatakot!" Nanggalaiti siya habang yinugyog ang braso ko. Nagsimula ulit siyang singhot-singhutin ang leeg ko. YUUUCK! Sobrang kinakabahan ako at the same time nandidiri! "Bwuset kang matanda ka lumalandi ka parin!" Hinalikan niya ako! The wettest pssible kiss! YUUUCK! OH GOD! Maiiyak na talaga ako sa kaba at sa pandidiri! Langit sa akin nung bumukas ang pinto paglandas ng luha ko sa pisngi. Napayakap agad ako sa bumulagtang tao. Kinalas kasi agad ni Prof yung pagkakahawak niya nang narinig ang pumasok! "What happened!?" LORD THANK YOU SUPER! Si Lex pa talaga ang pumunta! Salamat!!! Ng marami! Naiyak ako habang nasa dibdib niya. Dinig na dinig ko ang heart beat ko. Ang lakas at ang bilis! "You!!!" Kinwelyuhan niya agad si Prof! Iyak lang ako nang iyak sa may pintuan. Sarado ito at walang nakarinig. Sinuntok niya ang walang hiyang prof. Agad tumilapon ang walang hiya at napahalik sa sahig. Hikbi ako nang hikbi habang tinitignan sila. Nanginginig ang tuhod ko. "I will sue you!" Kinwelyuhan ulit ni Lex at pinatayo para suntukin ulit. "Sige! Subukan mo! Subukan mo!!! Hindi mo alam kung anong kaya ko! Isisiwalat ko ang lahat!-" Bago niya natapos ang sinabi niya, nasuntok na siya ni Lex. Bumulagta ang matanda sa lupa! "Pagsisisihan mo 'to Lex Santos!" Galit na galit si Lex. Hiningal siya sa sobrang galit!

"Akala niyo di ko alam na may relasyon kayo?!" Sabi ni Prof! "Anong relasyon? Ha?" Sinipa siya ni Lex. Di na kasi makatayo ang matanda. "Akala niyo ba di ko alam na noon pa, sa ibang school kayong may relasyon! ALAM KO! Kaya alam kong oportunista sa mga professor ang babaeng yan!" Sabi ni Prof nang nanggagalaiti! " Sa kabilang school siya galing, at dun sa school na yon kayo nagsimula! ALAM KO YUN! Subukan niyong isumbong ako at mayayari din kayo!" Huminahon ako sa narinig ko. Si Lex mukhang nagtataka sa sinabi ng matandang walang hiya. "ALAM KO YUN, AKALA NIYO!" Siga ng matanda habang bumabangon. Naninigas parin si Lex. Tumawa ng bahagya ang matanda. "I don't care! I'm gonna sue you!" Sabi ni Lex. "Ano ang sasabihin ng mga tao sa malalaman nila tungkol sayo Mr. Lex Andrew Santos? Sa tingin mo ba matatanggap ng pamilya mo ang kahihiyan? Tingin mo ba magkakaron ka ng investors sa negosyo mo pag nalaman nila ito? Ha!" Naubo ang matanda at may dugong lumabas sa bibig. Susuntukin na sana ulit siya ni Lex... pero pinigilan ko. Hinawakan ko ang kamay niya. Galit ako sa walang hiyang matandang yun! Galit na galit! Pero ayokong palawakin pa ang problema! Kawawa si Lex! Makakaapekto pa 'to sa kanya ng sobra! BWISIIIT! Mamatay ka na sana matandang walang hiya! GRRR! Tumingin si Lex sakin, di parin siya kalmado. Tumigil ako sa paghikbi. "Ayoko na dito. Alis na tayo..."

20th~ Summer: About signs

Nagpilitan pa kami ni Lex sa faculty. Hinila ko siya palabas ng faculty. Pagkaalis namin, dumugo ang ilong ni Prof. Sana maubusan siya ng dugo at mamatay na! Sorry pero kawalanghiyaan talaga yung ginawa niya! Hindi parin maalis sa isip ko! Nakalabas na kami sa building ng walang imikan ni Lex. Sobrang tensyon parin ang naramdaman naming dalawa. "WHY DID YOU GO THERE ALONE?" Sigaw niya, halos makita ko na ang ugat sa lalamunan niya. Nanginig ako sa takot ng pagkasigaw niya. Ganun pa man, parang kinurot parin ang puso ko. Nagsimula akong umiyak ulit at walang masabi. Naawa na lang siya at hinila ako sa sasakyan niya. Bahagya palang napunit ang soot ko kaya sinootan niya ako ng jacket. "Godamn it Summer! You at least have to wear jeans tomorrow." Sabi niya. Naka-floral skirt kasi ako pero marami namang ganito sa skul at di naman 'to maiksi, bakit ako ang pinagdiskitahan? Ah! Oo nga pala, alam nga pala ni Prof (kahit na ayoko ng tawagin siyang prof ngayon) na may relasyon kami noon ni Lex. Hikbi parin ako nang hikbi. Tinignan niya ako habang umiiyak. Unti-unti niyang hinawakan ang ulo ko at linagay sa dibdib niya. "Shhh! It's okay, I'll protect you." Sabi niya. Lalo akong napaiyak sa sinabi niya. "Even without my memories, I'll protect you." Hinawakanniya ang magkabilang pisngi ko at hinarap ang mukha ko sa mukha niya.

PINUNASAN NIYA ANG BAWAT LUHANG LUMANDAS SA PISNGI KO. THE LAST SIGN OF THE 24 SIGNS OF SUMMER! Bahagya kong kinalas ang ulo ko sa pagkakahawak niya. Kahit ngayong wala na siyang maalala, nakumpleto niya parin ang signs! Hindi ko namalayang napahawak na pala siya sa kanyang ulo... "That was the sign I hated the most..." Nkapikit siya at mukhang wala sa sarili. Imagine the face I'm showing right now. Basa ang pisngi ko sa luha at lumaki ang mata sa sinabi niya! HE REMEMBERED? O.M.G! "Ahh!" Ngayon, sumakit na talaga ang ulo niya. Napasandal siya sa Black Lamborghini niyang nasa tabi naming dalawa. Wala na masyadong tao sa school at madilim pa kaya okay lang na nandito kami. Wala naman sigurong mang-iissue samin bukod sa matandang uugod-ugod na yun! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayong sumasakit ang ulo niya. "Gusto mo pumunta tayo ng ospital, L-Lex?" Sabi ko habang hinahawakan ang braso niya. "No.. No... This is just..." Napatingin na siya sakin ng diretso... "Occassional headaches." Pumikit ulit siya at napareklamo sa sakit ng ulo niya. Pinapasok ko na siya sa sasakyan niya para atleast makaupo. Nasa labas lang ako at kinuha ang tubig na nasa gilid niya at inalok sa kanya. "No, you need it more. Uminom ka na... Di ka pa nakarecover kanina." Sabi niya.

Ilang sandali... "I'm okay now." Tumingin siya sakin. Nasa labas parin ako, kaharap ng front seat at may dalang mineral water. "What are you doing there? Get in!" Sabi niya. Umikot ako at pumasok. Magkasabay pa kaming suminghap. "Ano nga ulit yung sinabi ko kanina?" Sabi niya. Kinabahan ako. "About signs." "Di ko maalala. Bakit ko yun sinabi?" Sabi niya sakin. Tinitigan niya ako. "Uh..." Pumikit muna siya bago nagsalita. "Nasan yung hat mong galing Taiwan? Naibalik ko ba ng maayos?" OH MY GOOOOD! That was the memory from the first time we met!

21st~ Summer: It won't

"Na-naalala mo?" Nakanganga ako sa loob ng sasakyan. Ano na ba? Yayakapin ko ba siya o ano? Naaalala niya ba ako ng lubusan? Ngumiti siya. "I don't know... It was like a memory from a dream." Sabi niya at humalkhak. "Seriously, nangyari yun?" Tumango na lang ako. "When?" Tanong niya.

"Last Summer." Tumingin siya sa kawalan. "Bakit pati una nating pagkikita, na erase?" Tanong niyang di ko masagot din. "Did it really happen?" Tumingin siya sakin. "Oo." He looked away again. "Its like... Its like a dream." Pinikit niya ang mata niya at sinandal ang ulo sa upuan. "The dream is fading away." "Wa'g mo ng isipin yun." Sabi ko bigla. "Alam kong nahihirapan ka na. Just let it go. Don't think about it anymore." Tumingin siya ulit sakin. "That's what you want me to do?" Tanong niya. "Kung nahihirapan ka naman, di bale na lang." "I thought you wanted my memories back?" "I want it back... just not the hard way!" Sabi ko. "Kung di sa ganitong paraan, eh paano? Theres no other way but to remember you the hard way." He's raising the tone of his voice na. Natahimik ako. "I'm sorry but I'm desperate." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Please help me remember. I can't move on without it." Sa mga sinabi niya mukha siyang marami ng naaalala kahit na yung hat ko lang pala talaga ang naalala niya. "Okay... Sige... But how?" Tanong ko. His face lightened up. "First, we are going to report professor Sebastian..." Sabi niya at pinaandar ang sportscar.

"Wa'g na." Hindi ko alam kung bakit pero kinurot ang puso ko at napapaiyak ulit. "Wa'g na." Sabi ko ulit habang umiiyak. Tumingin siya sakin at agad ibinaling ulit ang atensyon sa kalsada. Nad-drive na siya. "Ayokong dunggisan ang pangalan mo. Ayaw ko ding malaman ng lahat ang nangyari sakin. My mom and dad will be furious. Ayoko nang palakihin. Ang importante sakin ay hindi na natuloy." "BUT WHAT IF IT'LL HAPPEN AGAIN?" Galit siya! "It won't! Di ko na sya kukunin sa kahit anong subjects ko." "I'm not going to be there all the time anymore!" Sabi niya sakin. Napatingin ako sa kanya. Seryoso siya at kalmado na. Nakatingin sa kalsada at pinark ang sasakyan sa TGIF. "I'll pass my resignation tomorrow. I won't teach for the second sem." Imbis na mejo huminahon na ako sa pag-yak. Bumuo ulit ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Iiwan niya na ako? "But I'll be waiting for you everyday, after school." Sabi niya trying to cheer me up. He poked my nose. Nakatunganga parin kasi ako. "I told you I'll chase after that summer. I'll chase that memory. I'm serious... I'll remember that summer, the summer I'm with you."

22nd~ Summer: What else do you remember?

I have no idea how we are going to do that. "Dito tayo unang nagkita." Umihip ang malakas na hangin kaya hinawakan ko ang hat kong galing Taiwan. Nasa pier kami ngayon ng Sortee. Tama! We are here to relive the past. Kung akala niyo tinalikuran ko ulit ang syudad at ang pag-aaral ko, nagkakamali kayo. Sembreak ngayon. Kahit na tatlong araw lang kami dito (dahil yun ang gusto ng mga magulang ko) sa tingin ko sapat na yun para ma describe ko sa kay Lex kung paano kami dati. Sana lang may maalala siya kahit konti. Nagmartsa ako sa mismong lugar kung saan niya pinark ang sasakyan niya noon para sunduin ako. "Susunduin mo sana ako noon." Sabi ko. Tinanggal niya ang hat ko. "Pero nasagasaan ko 'to?" Sabi niya. Hindi parin talaga nawawala ang lakas ng tibok ng puso ko sa tuwing sinasabi niya yun. Parang siya... Parang siya noon. Parang naaalala niya. "What else do you remember?" Tanong ko. "Wala na. Yun lang." Ngumiti siya. "But I bet you were angry. Tinarayan mo ako." Napangiti ako. "Yep. Unang pagkikita natin, galit na ako sayo." Sabi ko. Pumasok kami sa loob ng van ng Sortee na maghahatid samin. Pagkadating namin, sinalubong kami ni Manang Alicia at iba pang nagtatrbaho sa Sortee. Nandun nga rin si Rocky - yung manyak na lifeguard at Kate yung epal na receptionist. Napaiyak si Manang Alicia at niyakap kaming dalawa ni Lex.

"Miss na miss ko kayong dalawa!" Aniya. Ibinaling niya ang tingn niya sakin. "Nabanggit ng mama mo sakin na pupunta kayo dito para may maalala si Sir Lex. Naku!" "Opo manang..." Sabi ko naman. Nakita kong binati ni Lex ang mga empleyado ng Sortee. May surpresa pa nga silang Welcome Back Sir Lex na tarpaulin at may handaan pa talaga. Nagsiiyakan sina Kate. "Pakiramdam ko tuloy ang tagal kong nawala." Humalakhak si Lex nang papunta kami sa kwarto. Yung kwarto niya ay ang kwarto niya noon. "Diyan ka tumuloy noon. Dito naman ako." Sabi ko sabay turo sa kabilang pintuan. "If I was that crazy about you, I should've let you live in my room." Tumawa siya. Na-blush tuloy ako. "Eh hindi naman tayo bati sa simula. hmp! Galit ka nga sakin nun! Galit din ako sayo! Pinatuloy mo lang ako dahil cousins kami ni Aliyah!" Sabi ko. Iniiwasan ko ang mga mata niya. "I'll just change." Sabi ko at agad pumasok sa room ko. Alam kong weird pero may na realize kasi ako. kaya kong sabihin sa kanya lahat ng nangyari, pero hindi ko kayang idescribe ang feelings niya para sakin. Walang nakakaalam kung gaano niya ako kamahal. Kahit ako, hindi ko alam. Paano ko yun maipapaalala sa kanya? Napabuntong hininga ako habang naglalakad-lakad sa resto na pinagtrabahuan ko noon. Malapit ng mag lunch at hula ko natagalan si Lex dahil inasikaso niya

pa ang pending papers sa hotel. Sinamantala ko ang pagkakataon para mamasyal. "Pssst!" Nahulaan ko ding tatawagin ako ni Kate. "Bakit?" Lumapit ako sa front desk. "Wala siyang maalala diba?" Sabi niya mukhang nakikisimpatya. "Oo. Don't worry, ako lang yung di niya maalala." Nanlaki ang mata niya, "Bakit?" "Hindi ko alam." "Ano ba kasi talaga ang nangyari? Naaksidente diba?" "Oo." Sabi ko. "Dahil sakin." Marami pa sana siyang itatanong pero dumating si Lex. "Lunch?" Sabi niya. "Okay!" Kumain kami sa loob ng restaurant. Nakita ko yung pianong pinagtugtugan niya noon ng If You're Not the One at You Found Me. "May tinugtog ka dyan noon." Sabi ko pagkatapos naming kumain. Tumayo siya at tumugtog. Pero di yung tulad ng dati. "let's go out." Naglahad siya ng kamay pagkatapos niyang tumugtog. Kahit na mejo nalungkot ako dun, napawi din naman agad dahil sa pagyayaya niya.

23rd~ Summer: Stop it!

Papalubog na ang araw at nakaupo kaming dalawa sa buhangin. Sinabi ko sa kanya ang mga nangyari except sa mga signs dahil may

ginawa akong box kung saan nandun lahat ng mga alaala tungkol dun. Sana lang bago ko ipakita yun, maalala niya na ako. "I'm not sure how much you loved me... or if you really do.." Sabi ko paghuli sa buong sinabi ko tungkol sa mga nangyari. "So that's all that happened?" Tanong niya. Tumango ako. "Kung ganun, totoong sobrang mahal kita." Sabi niya sakin. Kulay orange ang dagat dahil sa papalubog na araw. "Sa iksi ng panahon na yun, halos imposible kong maisip na maiinlove ako sayo. Pero kung talagang sinabi kong mahal kita... ibig sabihin, hindi lang kita mahal, sobrang mahal na mahal kita." Nakatunganga ako sa harap niya na parang bata. Yinayakap ko ang mga tuhod ko habang tinitignan ang seryoso niyang mukha, may repleksyon ng papalubog na araw. "Pero..." Tumingin siya sakin... "Kung ganun nga kita ka mahal, bakit di kita maalala? Bakit ikaw ang nabura? Sa lahat ng alaala ko, ba't ikaw?" Gusto kong umiyak sa mga tanong niya. "Hindi ko rin alam." Sabi ko. Gumuhit na lang ako ng kung anu-ano sa buhangin. "It's so hard to believe... when all I can remember is the first time we met. The rest are just feelings... I feel like I forgot something important pero kahit anong

alala ko, wala akong maalala. I can't remember saving you from a foreigner, hiring you in my hotel, playing a piece for you, and even bringing you to my father's birhday...like what you said." "Hindi naman kita pinipilit na maalala yun! Sinabi ko lang kung ano yung nasa alaala ko nagbabakasakaling maalaala mo rin!" Sabi ko. Ayokong iparamdam niya sa akin na para bang ipinipilit ko sa kanyang alalahanin ang lahat. "I know, its just... unbelievable." Sabi niya habang umiiling. "I know, right." Tumayo ako. "That's why I told you to just forget it." At umalis. Nagkulong ako sa kwarto... Naligo... Umiyak hanggang sa nakatulog. Ayokong pinaparamdam niya sakin na pinipilit ko siyang makaalala. At lalong ayokong sinasabi niyang imposibleng mainlove siya sakin. Its like he's insulting me. Alas onse na nang nagising ako. Namumugto ang mga mata. Nakalimutan kong nasa Sortee pala ako at nagdrama! "Pssst! Dalawang oras siyang kumakatok sa kwarto mo kanina." Sabi ni Kyla. "Anong 'pssst'? summer ang pangalan ko no." Pinandilatan niya na lang ako. Pagkalabas ko kasi sa kwarto ko, nagutom ako kaya pupunta na sana ng resto nang mapadaan ako sa front desk. "Asan siya?" Tanong ko kay Kate. "Natulog na ata. Sabi niya sakin, matutulog na siya at dalawang oras siyang kumakatok sa pintuan mo sabi ng isang room boy. Pagnagising ka raw, kumain ka sa resto." Tumango ako at tumungo sa resto. Kumain mag isa.

Eto na naman ako at nangungulila sa syudad. Ilang oras kasi akong natulog kaya ayan tuloy, dilat na dilat ako ngayon. Lumabas ako sa resto at may nakitang beach party malapit sa bar nila. Ito lang ang pinagkaiba ng Sortee noon sa Sortee ngayon. Ang Sortee noon, mejo wala masyadong turista. Ang Sortee ngayon, sa sobrang daming turista, di na nagkasya ang mga nagbar hop sa tatlong bars ila kaya inilabas ang party! May DJ sa labas at nag fa-fire dance! Sobrang saya! Pero syempre, wala ako sa mood. Ganun pa man, ayokong magkulong na lang. Mas mabuti nang maging malungkot sa magandang lugar kesa maging malungkot sa isang sulok. Eto talaga, seryoso, limang shot lang ng tequila, tapos na ako dito. Ni ayaw kong sumayaw o makihalubilo. At sa sobrang bored ko talagang napansin ko si Derek Ramsay at iba pang artista. WHOA! Ilang sandali ay naubos ko na ang limang shot. Tumayo ako at aalis na sana nang may naapakan akong parang malaking coral kaya mejo na out-balance ako. Agad naman akong inalalayan ni LEX! Ayan na talaga! Yung pagiging OA nya, naaalala ko yung noon! "Based on what you told me, alam ko na talaga kung saan ka pupunta tonight." Sabi niya habang OA na inaalalayan ako. "I'm not drunk." Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko. He's stealing the attention of the crowd. Pati yung mga artista. Agad akong umalis at sinundan niya ako. "Leave me alone... just for tonight." "No!" Hinawakan niya ang braso ko na agad ko namang binawi at naglakad palayo. Hinawakan niya ulit kaya hinarap ko siya. "Just stop doing this! Stop it! Stop it! Stop doing it like you remember anything!" Sinigawan ko siya sa harapan ng hotel.

Tutulo na talaga yung luha ko. God no! God, please! "I'm sorry sa sinabi ko! Thats just how I think! And don't tell me that I don't remember anything... because I do!" "Anong naaalala mo? yung hat kong galing Taiwan?! Yun lang ba?" sigaw ko. "No! I brought you here coz though I can't remember anything about you... I remember my feelings! My feelings! JUST THAT! Nothing else! Dinala kita dito dahil gusto kong maramdaman kung paano at bakit ganito kabigat ang pakiramdam ko sayo ngayong hindi naman kita kilala!" Natahimik ako at mahinahong tumulo ang luha ko. Agad kong pinunasan ang mga ito. "Rest for tonight. We'll go to the white island tomorrow. Rest in your room. Pag nakita kitang lumabas ulit, I'll drag you inside my room."

24th~ Summer: Wala bang pating dito?

Nakabikini ako sa ilalim at naka maxi dress ulit habang tinatahak ang bridge papuntang speed boat. Akala ko yate ang gagamitin, di naman pala. Pero mas mainam 'to para mas marami kaming mapag-usapan ni Lex (dahil masikip). Naglahad siya ng kamay kasi nahirapan akong tumungtong. Nagdalawang isip pa akong tanggapin ito, pero tinangap ko na lang para di na siya magtaka. Pinaandar niya agad 'to at unti-unti na kaming lumayo sa Sortee at papunta na ng White Island.

Kagabi, naisip ko yung nakita ko dun sa hotel sa gabing pinapunta ako dun. Si Kyla at si Lex... Love scene. Kaya di natatanggal ang inis ko at ang pagkamunhi sa kanila. Alam kong wala akong karapatan pero nakakainis parin! "So what happened when we went to the white island last year?" Tanong niya nang tumabi siya sakin. "Actually, di lang tayong dalawa. Kyla was there too." Sabi ko ng di tumitingin sa mga mata niya. Tumango lang siya at di na ulit nag tanong. Alam kong iniiwasan niya ang pagtatanong ko tungkol dun sa hotel o maging topic man lang si Kyla. "So... did you text me that night?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sakin at nagdalawang isip pa sa pagtanggap sa tanong ko. "That night... sa hotel? with kyla?" Sabi ko. "N-No! I don't know who texted you that night!" Sabi niya. "If it wasn't you then I'm sure si Kyla yun." "Huh? Ba't niya naman gagawin yun?" Pinandilatan ko siya. Sarap niyang pukpukin nang makaalala agad! "Then, if hindi si Kyla. Sabihin mo sakin kung sino pa ang pwedeng pagdudahan?" Umiling ako. "I know feeling mo sinundan ko kayo dun, pero hindi. Kung alam kong nandun kayo, making love-" "We are no-" "I wouldn't go there-" "we didn't-" "I won't stop you." Diretso ang salita ko kahit gusto niyang putulin.

"Walang nangyari? Of course walang nangyari kasi nakita ko kayo. Kung wala ako dun, sigurado! And again, that's cool with me." Ngumiti ako. Plastik pero alam ko kung saan ako lulugar. Wala akong karapatan kaya sasabihin ko kung anong nararamdaman ko pero di ko siya pagbabawalan. "Ba't ang tigas ng ulo mo?" Kinatok niya ng mahinhin ang ulo ko. "I know its funny pero bigla niya na lang talaga akong sinunggaban that night, babawi na sana ako at tatayo na nang dumating ka." Humalakhak siya. Really? While she's topless? OWS!? A man refusing that? You have got to be kidding me. Itinigil niya ang speed boat malapit sa white island. Dito daw kasi ang may pinakamagagandang corals sa buong Sortee. Ang linaw ng dagat at mukhang malalim. Na engganyo tuloy akong mag swimming. Tinignan ko siya at agad hinubad ang maxi dress ko nang nakitang tumitingin siya sa malayo gamit ang telescope. "Wala bang pating dito?" Tanong ko. "Wala... of course." Sabi niya. Agad akong lumangoy! Ang sarap! :) Malalim nga. May nakita pa akong parang si Nemo nang bigla niya akong hatakin! "Ano ba?" Sigaw ko nang nakaahon kami. Nasa likuran ko siya at nakapulupot ang braso niya sa dibdib ko.

"Ano ka ba!? Why did you do that?!" Inahon niya ako at pinahiga sa speed boat. Naka board shorts lang siya and topless. "Ako ang dapat mag tanong syo niyan!" Sabi ko. "You don't know how to swim!" Sabi nya with utmost confidence! "What?" Napatayo ako. "Me? swim? OMG!" Napahawak ako sa ulo ko. "I know how to swim, of course! Si Kyla yung tinutukoy mo. Not me." Napailing ako nang nakita siyang napatunganga at ginugulo ang buhok niya. Baka yung feelings niya for Kyla... ang naaalala niya. Di yung sakin :(

25th~ Summer: You mean, noon?

Nakatunganga siya halos buong araw hanggang sa nakarating kami pabalik sa Sortee. "Narealize mo na ba na hindi ako, kundi si Kyla ang mahal mo?" Tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako. "I can't remember." Sabi niya. Halatang disappointed siya sa ginawa niya at nalulungkot. "I know." Sabi ko. Napabuntong-hininga siya. "We're leaving tomorrow morning, right?" Sabi ko. Tumango siya. "Before we leave... mamayang gabi... may ipapakita akong box sayo. sana makatulong yun..." Sabi ko.

Tumango siya ulit. "Itigil mo na muna ang boat." Sabi ko nang nakitang papalapit na kami sa Sortee. "I wanna swim again." Nakita ko ulit ang pagkadismaya sa mukha niya dahil ipinaalala ko sa kanya ang nangyari. "I'm her opposite." Sabi ko. Wala siyang imik at itinigil ang speed boat. Agad akong lumangoy ulit at may nakita pa akong si Nemo ulit! Nabigla ako nang kahit sumisid ako, naaninaw ko ang mukha niya sa ilalim ng dagat. Akala ko hihilahin niya ulit ako pero nabigla ako nang ngumiti siya! Napaahon kaming dalawa. Mukhang nakita niya ang pagkabigla ko kaya tumawa siya! "This is a new feeling." Sabi niya habang tumatawa. "Oo!" Tumawa na rin ako. Di ko maintindihan. Humihinga pa ako ng malalim at umaambang sisisid ulit. "Kasi di pa tayo nag swimming together." Magkasabay kaming sumisid ng nakangiti! May tinuro siyang malaking blue na starfish. Pag lingon ko ulit sa kanya. Ang lapit na ng mukha niya sakin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako. Oo, sa ilalim ng dagat, hinalikan niya ako. Hindi ko halos maigalaw ang pisngi ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. Kaya niyakap ko siya. Niyakap niya rin ako hanggang sa nakaahon kami. Hinahalikan niya parin ako. Gusto kong umiyak... Sa saya. Di ko alam kung bakit niya ako hinalikan. Gusto kong isipin na dahil mahal niya ako at naaalala niya na ako. Sana di na 'to matapos. Pero imposible.

Awkward nung nakarating na kami sa Sortee. Walang imikan pati sa pag dinner namin. "Mag bonfire tayo tonight." Sabi niya. Tinignan ko lang siya. "Not your kind of thing, I know. But I don't really like seeing you drinking inside bars." sabi niya at ngumiti. "Whatever you say." Sabi ko. "Kunin ko lang ang box na sinasabi ko." "Mmkay. I'll wait for you near my bon fire." Kumindat siya. Umalis na ako. Nakangiti. I swear sana di na 'to matapos. Sana di ko na maalalang di niya ako naaalala. Pwede just for tonight? Haay! Pero hindi eh. Kasi kukunin ko nga yung box of memories niya sa kwarto diba. Kaya ang whole point ng pagbalik namin sa Sortee ay ang kanyang memories. "So ano ba talaga ang status niyo?" Usisa ni Kate nang dumaan ako sa Frontdesk. "Strangers... obvious bah?" Pinandilatan niya ako. Akala niya siguro sarcasm yun. Pero yun ang totoo! "Close your eyes." Sabi ko kay Lex pagkarating ko sa bon fire na ginawa niya. May nilapag pa talaga siyang mga barbeque at Heineken sa harapan. "Bakit?" Tanong niya, nakatingin sa box na dala ko. "Just close it." Tinakpan ko ang mga mata niya. "I want you to feel them, with your eyes closed." He closed his eyes. Binuksan ko ang box. Ang una niyang nahawakan ay ang heart-shaped na Ferrero container. "Sa tingin mo, ano yan?" Tanong ko. "Uh... heart-shaped...some sort of... chocolate box? Ferrero?" Sabi niya. "Yep!" Sana ganun niya ako kabilis din nakilala. :(

"Binigay mo sakin yan noon sa school." Sabi ko. "What's the occassion?" Tanong niya. "Wala." Sabi ko. Tumango siya at nahawakan ang balloon na wala ng hangin. "What's this?" Sabi niya. "Balloon?" "TAMA! Galing mo ah?!" Tumawa siya, nakapikit parin ang mga mata. "Binigay mo rin yan sakin sa school." Tumango siya. "I think I'm crazy bout you." Sabi niya. Natigilan ako. "You mean, noon?" Tumango siya at hinawakan naman ngayon ang papel na may lamang 24 signs of Summer. "Open your eyes." Sabi ko. Tinignan niya ang hinawakan. Gusto kong umiyak nang binasa niya ito. "The 24 Signs of Summer."

26th~ Summer: I'm thinking...

Ilang segundo siyang tahimik na binabasa ang signs. "Ano 'to?"

Napalunok ako. "Noon, gumawa ako ng signs para sa next boyfriend ko. Yan yung mga signs." Tumango siya at mukhang wala paring ideya. "You... completed it." Dagdag ko. "Really? How?" Tanong niya. "You cheated." Sabi ko. Nakatigin siya sakin habang tumtingin na lang ako sa bonfire. Tumingala ako, pero walang stars. Ang lakas ng ihip ng hangin. May naaalala akong panahon sa nararamdaman ko ngayon. Yung maulang gabi na yun... "Why did I cheat?" Tanong ni Lex. Di pa ba obvious yung sagot? "Hindi ko alam." Of course! Kasi mahal mo ako! Pero ayokong pangunahan siya sa feelings niya. Suminghap ako. "I guess thats all for tonight?" Naramdaman ko ang unti-unting pag ambon at pagkulog. May nakita akong mga taong sumilong sa hotel. Uulan na! Tumayo ako para iwan siya doon at makapag-isip pero hinila niya ang braso ko. "Don't run away from me." Sabi niya.

"Gusto kong mag-isip kang mag-isa kasi ayokong kaawaan mo ako kung ano man ang desisyon mo sating dalawa. I don't wanna be a choice dahil lang nakakaawa ako." Sabi ko bigla! NASABI KO NA TALAGA ANG INIISIP KO! "Hindi mangyayari yun! Just stay with me while I clear my head and remember you!" "But what if you won't remember me?" "I will! I know!" Umulan na! Basang basa kami. "Just stay with me!" Ganito din yung umalis ako galing party dahil nalaman kong niloko niya ako sa signs. Basang-basa din kami sa ulan. "I'm thinking..." Sabi ko. Niyakap niya ako. "I'm thinking... maybe the reason why I found out you cheated was because we are not meant to be." Sabi ko. "There's no such thing as meant to be... Siguro kaya ako nag cheat." OMG! Kung naririnig niyo siya parang siya talaga! Parang siya talaga yung Lex ko! Parang siya ang Lex ko! Giniginaw na ako! Buti maiinit ang katawan niya. Pero sa tuwing naiisip ko ang insidente kanina, at yung sa hotel with Kyla, parang gumuguho ang mundo ko. Parang hindi kapanipaniwala lahat ng sinasabi niya. That night, I stayed in his room. Slept in his room. Walang nangyari samin. Syempre kasi alam naming dalawa na hindi tama iyon sa sitwasyon namin ngayon.

I love him. I'm not sure if he loves me back. And I know, he's not sure too. Umalis na kami sa Sortee. Hindi ko alam kung may development ba sa memories niya. Pagkarating ko sa bahay, tulog agad ako. At pag gising ko... inaapoy ng lagnat. Ilang beses akong tinawagan ni Lex sa dalawang araw kong pagkukulong sa bahay dahil sa lagnat pero di ko naaabutan. Summer: (text) I'm sick. Sorry di ko namalayan. Lex: (reply) What? Pwede ba ako jan? Napangiti ako sa text niya. "Summer, let's go!" Sabi ni mama. "yeah." Ang sakit ng ulo, lalamunan at katawan ko. Pupunta kami ng ospital para mag pacheck. Pagdating dun, agad naman akong na admit. Summer: (reply) st. Benedict's Hosp. May pneumonia ako, pero di naman ako mamamatay no! "Ano bang nangyari?" Tanong ni Gette. May-ari kasi ng ospital ang boyfriend niya. "Wala lang. Nagka pneumonia lang ako. Virus." Sabi ko. "I mean... Tatlong araw ka sa isla... tapos umuwi kang... ganito?" Tumawa si Aliyah at Nadine. "Ano ba kasi nangyari sa inyo dun?" Tanong ni Nadine. "Wala nga! Weak masyado ang resistensya ko." Sabi ko. May kumatok sa pintuan ng room!

"Ma, sino?" Tanong ko kay Mama nang binuksan niya 'to. "Si Lex." Sagot niya. May dala siyang flowers, fruits, at kung anu-ano pa. Nahalata kong pnipigilan ni mama na magsalita. "Good evening po." Sabi ni Lex. "Upo ka." Sabi ni mama. Extremely quiet din sina Gette, Nadine at Aliyah. "Hindi na po ako magtatagal." Sabi ni Lex. Awkward moment! "Ba't naman?" Tanong ni Mama. "May meeting kasi ako..." Sabi niya. "With?" Tanong ko. Hinaplos niya ang noo ko. "With my father."

27th~ Summer: O-Okay

Buti na lang at di ako nagtagal sa ospital. Naka enrol din ako sa 2nd sem at nagpatuloy sa pag-aaral. Araw-araw akong hinahatid sundo ni Lex sa school. Di na siya nagtuturo dun. Negosyo na nila ang inaatupag niya. Nandun padin si Prof Sebastian. Hay nako! Iniiwasan ko na lang. Buti di siya kailanman nakita ni Lex. "Let's go?" Sabi niya.

Pumasok ako agad sa sasakyan niya pagkatapos ng klase. Hindi ko namalayang sinundan pala ako ni Dave. Nakita ko siyang tumitingin sakin pagpasok ko sa sportscar ni Lex. Tinignan ko din si Dave. Kung ordinaryong buhay ko lang sana eh siguro si Dave na ang kasama ko. Pero di eh... Pinili ko ang mahirap na landas. Pinili ko ang masaktan. Pinili ko ang hindi ordinaryo. Bahala na. Ganun naman talaga ako diba? Pinipili ko yung mga mahirap na daanan kahit di ako siguradong masisiyahan nga ako sa huli. "You wanna hang out... with him?" Tanong niya. I shook my head. "Nagtaka lang ako ba't niya ako sinundan." Sabi ko. "It's obvious he likes you." Sabi niya. "In fact, maraming nagkakagusto sayo... naririnig ko ang pangalan mo halos sa lahat ng klase ko." "Naririnig mo lang yun kasi maraming naiinis o naweweirduhan sakin." Sabi ko. Ngumiti siya at umiling. "Let's go." Sabi ko. Pinaandar niya naman agad ang sasakyan niya at umalis kami ng school. Ganito lagi ang scene pagkatapos ng klase. Apat na buwan ng ganito. Minsan dumadaan kami sa restaurant of fastfood, minsan sa restaurant. "Daan muna tayo ng Starbucks." Sabi niya at pinark ang sasakyan niya. "Okay." Bumili kami ng frappe. Ang totoo... kinakabahan ako. Halos limang buwan na ang nakalipas nung nandun kami sa Sortee. At hanggang ngayon, wala parin siyang naaalala. Alam kong pati siyay nagaalala na sa kanyang sarili. "I will be gone for about a month." Sabi niya sakin.

Something's weird sa kanya. Mukha siyang malungkot this past few days pero mas amlungkot siya today. "Bakit?" Tanong ko. "Kailangan kong asikasuhin yung negosyo. I will personally go to Cambodia and maybe Thailand to see furnitures and some products. May isla din akong pinapasurey dun, I'll see if it's an asset for me." Sa tuwing naririnig ko siyang nagsi-share sakin tungkol sa business nila, parang nasisiyahan ako. Pero at the same time, nalulungkot. Third year college pa lang ako. Sana dapat 4th year na ako this year, pero dahil sa pagtigil ko nun, ayan tuloy. I feel like my life is a mess. Wala pa akong nagagawang remarkable. Walang trabaho. Unsuccessful. Pero siya, ang layo ng agwat namin. Malayo siya. Mas lumalayo siya sakin lalo na pag naiisip kong hindi niya ako maalala. "O-okay!" Pinipigilan ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Buti di niya napansin. HAPPY THOUGHTS PLEASE, SUMMER! "Wow! So bibili ka ng island sa Cambodia? Lumalago na talaga yung negosyo niyo." Pinilit kong ngumiti. "Mabuti naman." Di ko alam anong sasabihin ko. Buti na lang di niya ako tinitignan. "Ingat ka dun ah?" Pahabol ko. Tahimik siya hanggang nahatid niya ako sa bahay. "My flight will be tomorrow." Sabi niya sakin sa labas ng bahay namin. "Ingat ka rin dito." Tumango lang ako. Yoko ng magsalita, baka manginig ang boses ko at tuluyan akong mapaiyak. Ang drama ko! Kainis! Isang buwan nga lang siyang mawawala diba? Mejo nasanay kasi akong nariyan siya. Eto na nga ba sinasabi ko. Risk nang risk eh alam ko namang walang patutunguhan! Wala naman siyang nararamdaman sakin! I'm a stranger to him! Wala siyang maalala! "Yes, I will..." Sabi ko.

Tumalikod siya para pumasok sa sasakyan niya. "I..." Napalingon siya. "I'll wait for you." Sabi ko. TUTULO NA TALAGA! AYAN NA! Ngumiti siya pero may lungkot sa mga mata niya. Wala siyang sinabi at agad nang umalis. Parang nagkabuhul-buhol ang tiyan ko sa nangyari. Lalo na nung umalis na siya. Nawala na ang sasakyan niya sa paningin ko. Napaupo talaga ako sa labas ng bahay. Parang gusto kong sumigaw o umiyak man lang. Di ko kaya ang nararamdaman ko. Natatakot ako. Pero di ko alam kung ano ang kinakatakot ko. Today is February 22. I hope on my birthday... March 22, makita ko siya.

28th~ Summer: He's in Cambodia,

March 22. Its almost Summer again. Almost Summer kasi birthday ko na. I was named after that season nga. Arriane Summer Romero. Hinipan ko ang candle sa cake. "Happy birthdayyyy couuuuuz!!!" Sigaw ng mga pinsan ko. Sa bahay lang kami nag celebrate. Parang gusto ko kasing wala masyadong tao sa birthday ko. Ibang-iba na talaga ako noon. Noon, sa bar ko naheheld ang birthday ko. Ngayon, sa bahay na lang. May inuman pero iniwasan ko. Natakot akong baka magpakita si Lex tapos lasing ako.

"Bye Summer!" Sabi ng ibang kaibigan kong pumunta. "Happy birthday ulit." Hinatid ko sila sa gate namin. Pag-alis nila, di na ako nakapasok ulit. 11pm na. Magtatapos na ang March 22, tapos ni wala akong signs na igegreet ako ni Lex. Eto na! Pakapalan na talaga ng mukha. Tinawagan ko siya pero out of coverage area ang phone niya. Napabuntng-hininga ako. "He's probably still in Cambodia." Sabi ni Aliyah sa likuran. Naabutan pala nila akong nakaabang sa gate. "Pumasok na lang tayo sa loob at mag movie marathon? Sleep over kami ni Nadine ngayon." Ngumiti silang dalawa. Tumango naman ako. "Or he probably did not remember that its my birthday. May amnesia nga, diba?" Tumawa ako. Pumasok kami sa loob ng bahay pero di parin maalis sa isip ko ang nangyari. Nakatulog na lang ako sa panonood ng American Pie... wala paring ni text niya. At ilang araw ang nakalipas, wala parin akong clue sa kanya. Nakatunganga ako sa cellphone ko habang iniimom ang frappe ng Starbucks. Nakaupo ako sa Starbucks kung saan kami huling bumili ng frappe noon. "Where are you? Lex?" Pabulong kong sinabi. Nababaliw na yata ako dito eh. "Waiting for him?"

Tumingala ako at naaninaw ko ang mukha ni Kyla. Naka-puting dress siya at ang taas ng Louboutins. "He's not gonna come for you anymore." Sabi niya. Napakunot ang noo ko. Parang sino kang nagsasalita ah! Eh tinanggihan ka naman niya. "He's in Cambodia, so di ako mag eexpect na pupunta siya." Sabi ko. "Nope... he's in the Philippines na." Sabi niya. "Why would I believe you? Ilang beses mo na akong niloko." Ngumiti siya at ipinakita ang cellphone niya. "He's here... tatlong araw na." Sabi niya. Si Lex, nasa airport, arrivals... Kuha 3 days ago. Andito na siya! Simula pa nung birthday ko... PERO BA'T DI NIYA AKO KINONTAK? "See, Summer? He can't face you anymore." Sabi niya. "Ayaw na niya because he knows walang patutunguhan! Hindi niya lang alam kung paano sasabihin sayo! Kasi naaawa siya sayo! You believed! Umasa ka na magiging kayo sa huli... pero truth is, wala naman talagang pag-asa!" Sasampalin ko na sana siya pero agad niyang pinigilan ang kamay ko. "Wake up, Summer! I'm just helping you! He's not your Lex anymore! He never was! 2 days ago, he went to see his doctor! NORMAL BRAIN ACTIVITY NA SIYA! Walang signs na makakaalala pa siya. Just normal! anim na buwan na siyang walang headaches. Your relationship was just for summer. Its just a fling. At di ka na niya maaalala pa." Gusto ko siyang sampalin pero wala na akong lakas. Ni di ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas para punasan ang mga luha kong lumandas na sa pisngi ko pag-alis niya. I can't take this.

29th~

Summer: Pupunta parin ako. Hinang-hina ako nang dumating sabay. Wala na akong lakas para umiyak. Nandoon si Aliyah at Nadine sa bahay. Mukha silang may pinagkakaguluhan na newspaper. Wala na akong lakas para usisain pa ang dalawa. Didiretso na sana ako sa kwarto nang napansin ko nung nakita nila ako, tinago nila iyon. "Ano yan?" Tanong ko. "W-Wala." Sabay silang dalawa. Natigilan ako at tinignan silang dalawa sa mata. Napabuntong-hininga sila. "May party na gaganapin sa Sortee bukas." Ipinakita nila ang newspaper na naka frontpage ang Sortee. Parang may bubuksan silang bagong resort. New resort. New life. Tinignan ko ito at nakita si Lex kasama ang kanyang mama sa frontpage. "May sakit daw ang papa ni Lex." Sabi ni Aliyah. "At... nasa Pilipinas na siya." "Alam ko." Sabi ko ng walang gana. "P-Paano mo nalaman?" "Nag-usap kami ni Kyla kanina. 3 days ago, nakarating na siya dito. Ni hindi niya ako tinext o tinawagan! Yun lang yun! Ayoko na!" Sabi ko. Aalis na sana ako at papasok na sa kwarto.

"Nagpunta siya dito." Sabi ni Nadine. Para siyang pinipigilan ni Aliyah sa sinabi niya. "Si-Sinabi niya samin na wa'g daw naming sabihin sayo ang pagpunta niya dito at pagdating niya sa Pilipinas." "Yeah yeah! I get it now!" Pumasok ako sa kwarto at ni-lock ang pintuan. "Summer!" Kinatok nila ang pintuan ko. "Summer!" Napapikit na lang ako sa sakit. "Wa'g kayong mag alala, di ako magpapakamatay dito. I just need to rest... and forget!" Sabi ko. "Summer?" Nag iba ang tono ng boses nila. "summer." Si Mama. "Mag impake ka." Akala ko ipapadala niya ulit ako sa US for good... "Bakit?" Tanong ko. Binuksan ko ang pinto. Niyakap niya ako. Pati si Nadine at Aliyah nag iyakan na. "You'll go to Sortee tomorrow and clear everything." Inayos ni mama ang buhok ko. "Tell Lex everything you know... your feelings... everything. Then after that, kung wala paring mangyari. Leave him." Sabi ni mama at niyakap ulit ako. Gusto kong umiyak pero di ko na magawa. Ubos na ang lakas ko. "Sasamahan ka namin." Sabi n Aliyah. "Wa'g na. Tatapusin ko 'to mag-isa." Sabi ko. Hinayaan nia ako. Grabe supportive na supportive silang lahat sakin. Ang daming pinadalang pera.

Halos hindi ako makatulog sa gabing yun. Maaga akong umalis. Hinatid ako ni Aliyah at Nadine sa sakayan ng barge. Halos dalawang oras na byahe yun. Kung ordinaryon araw, di nila yun gagawin. Pero iba 'to. "Mag ingat ka. Don't do anything foolish." Sabi ni Nadine. Ngumiti naman ako. "Uuwi din siguro ako bukas. Isang araw ko lang sasabihin sa kanya ang nangyari. di na ako magtatagal." Sabi ko. "This party is for Sortee, Summer. Magtatayo ng airport dun para ms madaling mapuntahan ng turista. At the same time, celebration for their new resort located in Cambodia. At... may sakit si tito." Sabi ni Aliyah. "I heard from my mom, na nanghihingi na siya ng apo... kay Lex." Kinabahan ako sa sinabi niya. Para kasing may isa pang bagay na di niya sinasabi sakin. "Engagement din ba 'to ni Lex?" Tanong ko kahit sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Namumugto na ang mga mata ko sa kakaiyak at kakapuyat. Nagkatinginan silang dalawa ni Nadine. "Hindi ako sigurado... pero sa t-tingin ko ganun." Sabi niya. Halos di ako makahinga. Natigilan ako at pinigilan ko din ang paghinga ko. "Pero di ako sigurado. I just don't want you to be surprised if something like that happens..." Niyakap nila ako. "Kahit na ganun nga. Pupunta parin ako." Gusto ko lang sabihin sa kanya ang totoo, di bale na kung di kami magkatuluyan.

30th~ Summer: Of course!

Sinalubong ako ni manang Alicia sa Sortee. Gulat na gulat ako nung hinintay ako ni Rocky at ni Kate sa labas ng resort. "Wala ka bang bagahe?" Tanong ni Rocky - yung lifeguard. "Wala. Bakit?" Sagot ko. "So you're not staying here?" Tanong ni Kate nang nakitang isang beach bag lang ang dala ko. "Aalis din ako bukas. Pagkatapos kong sabihin kay Lex ang lahat." Nagkatinginan silang dalawa. Di din nila alam kung sasabihin ba nila kay Lex na nandito ako o hindi. "Manang, wa'g mo ng sabihin kay Lex. Ako na ang bahala sa lahat." Sabi ko. Tumango si Manang Alicia. "Summer, k-kung gusto mo sa dorm ka muna namin tumuloy." Sabi ni Kate. Kagulat talaga ang kabaitan ng mga tao ngayon! Siguro mabait na sila kasi alam nilang kawawa ako at masasaktan ako sa huli. Touched naman ako dun! Pero masakit ah? "Sige... Salamat..." Sabi ko at sinamahan ako sa dorm nila. Ayoko ng abalahin si Lex. Kitang-kita sa Sortee na ang daming tao. Talagang busy siya ngayon... alam ko. At pag mang-aabala pa ako, baka masira lang lahat. "Salamat talaga..." Sabi ko nang umupo sa ibaba ng double deck na kama ni Kate. "Okay lang... coz honestly... I'd rather choose you to be my Sir Lex wife than... Kyla." At umalis siya. Anong ibig niyang sabihin? Mejo matagal akong nag-isip sa sinabi niya pero binalewala ko na rin. Iniisip ko at inoutline ang lahat ng sasabihin ko kay Lex. Ayoko ng may nakakaligtaan ako. Gusto kong sabihin na ang lahat.

Ang aksidente, ang dahilan kung bakit yun nangyari, ang pagsisinungaling ni Kyla, at na mahal ko siya hanggang ngayon... sobrang mahal kaya ako nandito at halos magmakaawa na. Ibibigay ko ang lahat kahit buhay ko, maalala niya lang ako. Sa mga movies, bakit ang bilis makaalala ng mga bida kapag naamnesia sila? Ako? Bakit ganito? Bakit ginagago pa ako at nagpakatanga pa ng sobra... tapos di parin maalala? Nagbihis ako ng isang simpleng damit para sa party mamayang 5pm. Ginugutom na rin ako buti't dinalhan ako ni Manang Alicia ng lunch. Ayoko kasi ng aaligid-aligid ako sa Sortee. Natatakot akong makita ng mama at papa ni Lex at ni Kyla. Lalong lalo na si LEX! Hindi ko alam kung bakit umuurong ang sikmura ko sa tuwing naiisip kong magkikita kaming dalawa ngayon. "Okay ka lang ba?" Tanong ni Manang sakin sa loob ng dorm ni Kate. Nandun din si Kate nagbibihis ng mas pormal na damit. "Okay lang. Wa'g kayong masyadong mag-alala. Kaya ko 'to." Sabay ngiti ko. "By the way, Summer, di makakapasok ang walang invitation. Pero dahil isa ako sa usherette. Papapasukin kita. Sabihin mo lang sakin kung pupunta ka na ah?" "Uh... okay... salamat." Kinabahan tuloy ako lalo. Di pala ako invited sa party. Syempre! Hindi ka nga niya kinontak hanggang ngayon, invited ka pa sa party? Pain in the ass ang paghihintay mag alas sinko. Sobrang kaba ko na halos masuka na ako. "Summer, nandun na si Lex. Di ka pa ba pupunta?" Nabigla ako nang sinabi yun ni Kate, 4:30pm pa lang. "Huh?" Agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at inayos ang buhok, nagmake-up... "Marami na ring tao."

Sobrang kaba ko na. Lalabas na yata ang puso ko sa dibdib ko. Parang nagkabuhol yung bituka ko. Nanginginig ang pa ang paa ko. "Sige, tayo na." Ngayon lang ako kinabahan ng ganito! Nung nasa pintuan na kami, nakasalubong ko ang mama ni Lex! "T-Tita." Sabi ko. "Summmerr!" Niyakap niya ako. "I'm glad you came." Nagulat ako sa sinabi niya. "I told your mom. Sinabi ko sa kanya na baka gusto mong pumunta dito... nang magkaliwanagan kayo ni Lex." Bulong niya sakin. "Thank God you came!" Ngumiti siya pero may halong lungkot sa ngiti niya. "Eto." May binigay siya saking papel. "Tell him the truth." At pumasok siya sa loob. LALO AKONG KINABAHAN! Yung binigay niyang papel ay isang article sa newspaper, one year ago. Isang Yellow Lamborghini na binangga ang tenwheeler sa kabilang lane. Kritikal ang driver ng sportscar. Si Lex Andrew Santos. Alam niya ang lahat ng ito... Ang di niya alam... ay kung bakit siya nag d-drive sa kabilang lane. Dinig na dinig ko ang puso ko. Nauna si Kate sakin sa loob. Huminga ako ng malalim at naaninaw ang loob ng function room. Maraming tao at halatang mas bongga 'to sa birthday ng papa ni Lex. Ang sumalubong sakin bukod sa mga nag gagandahang chandelier ay ang kislap ng mata ni Lex. Tinignan niya ako habang may kausap na negosyante. GRABE! Nakita ko ang nakangiti niyang mukha na unti-unting natanggal ng nakita ako. Sobrang sakit! Parang nag slowmotion lahat para sakin. Gustong

umurong ng mga paa ko. Ang puso ko na lang ang kulang. Walang kakampi pero siya ang nasusunod. Iniwan niya ang kausap at agad pumunta sakin. Nakita ko si Kyla sa likuran niya. Unusually pretty. Napawi din ang ngiti ni Kyla, pero imbis na lumapit sakin, umalis siya, di ko alam kung saan pumunta, "S-Summer." Nakita ko ang pagbuo ng luha sa gilid ng mga mata niya. Gusto ko siyang sampalin pero mahal ko siya. Nyetang buhay! Sana may maexplain akong matino kesa sa 'mahal ko siya'. "Makinig ka." Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Maraming tumitingin samin. "No. Ikaw muna ang makinig sakin." Sabi ko. "I came here... not to ruin anything. I came here to tell you the whole truth." Di ko na mapigilang umiyak. "Bushet na luha! Sabi na nga ba eh! Kaya ayoko ng ganito." Sabi ko. "Shhh... let me explain-" Di ko siya pinatapos. "Mahal kita sobra!" Sabi ko ng pabulong. "Mahal ako ni Lex... si Lex na... hindi ako sigurado kung ikaw. Alam ko yun. Inubos niya ang halos lahat ng signs ko, because he was desperate to be with me. Until the end... he was desperate." Inabot ko sa kanya ang kapirasong article sa newspaper. Binasa niya ito. "That night. I chased you... Sa gitna ng kalsada. Coz I thought you'd never come back to me. I rejected you... Sinaktan kita. But in the end, ako yung naghabol. Niliko mo ang sasakyan mo, at hinarurot papunta sakin. No... hindi papunta sakin... papunta sa tenwheeler truck na sana ay ako ang mababangga. You saved my life... Masaya ako at di ka namatay. Kasi kung nangyari yun, di ko mapapatawad ang sarili ko. As punishment... I guess... ngayon, wala kang maalala tungkol sakin. Ganun pa man, kontento na ako dahil buhay ka. Kung ano man ang desisyon mo, okay lang sakin. Ang importante... nasabi ko lahat!" "Ladies and Gentlemen, may we call in, the ever handsome and successful yound CEO of Sortee Beach Club... Mr. Lex Andrew Santos!"

Pinunasan ko ang luha ko. Panirang emcee! Halos di alam ni Lex ang gagawin. Tumingin siya sakin tapos sa mga taong nakatingin at naghihintay sa kanyang umakyat sa stage... pabalik ulit sakin. "Stay here... give me a minute." Sabi niya. Pero ang totoo, gusto ko ng umalis. Sobrang kinakabahan ako at umiiyak pa... Okay na siguro yun! Basta na sabi ko diba? Pero again, di sumusunod ang puso ko. May bumulong sa emcee habang papaakyat si Lex sa stage. "And oh!!! our soon to be Groom pala! Tonight... is also the engagement of Mr. Lex Andrew Santos and Ms. Kyla Marquez! Nakita ko si Kyla na mas nauna pang umakyat kay Lex at kumapit sa braso nito. Si Lex naman... tumingin sakin. Yung ibang tao, napatingin na rin sakin. O. M. G. Time to exit na talaga! I'm uninvited! I'm the other woman. Tumakbo ako sa dorm nina Kate. Sa sobrang bilis ng pangyayari... di ko namalayang umiiyak na ako sa loob ng taxi... "Manong may byahe pa po ba?" Tanong ko. "Oo... hanggang 8pm yung barge." Sagot niya. Umalis ako dun dahil sa kahihiyan na tinamo ko. I get it! Engagement party nila yun! Tama si Kyla! Pati si Kate may alam sa engagement nila. Ako lang yung nagbubulag-bulagan! Uninvited ako! Tumulong na nga yung mama ni Lex dahil naawa na siya sakin. Syempre, pinaasa ako ng anak niya sa wala! Bumili ako ng ticket at nagmamadaling sumakay sa barge. Umihip ang malakas na hangin at natangay pa ang nilapag kong ticket sa mesa. Walang hiya, sinundan ko kahit kaya kong bumili ng bago. Sa pagsunod ko... may nakita akong ilaw... ilaw na parang noong muntik akong masagasaan ng tenwheeler. Bumusina pa ito ng pagkalakas-lakas!

"AHHHHHHH!" Sigaw ko habang pinupulot ang ticket at nakitang may taxi na sasagasa na sakin. Napaupo ako sa gitna ng kalsada nang nakitang binangga ng bahagya ng isang SUV ang taxi... SUV... SUV ni LEX! "Summer! Are you okay?!" Tanong niya sakin pagkalabas niya. Lumabas din ang reklamo nang reklamong taxi driver. Natahimik agad nang nakitang si Lex pala yung nag drive sa SUV! Niyakap ako ni Lex. "I remember everything now..." Yun lang ang gusto kong marinig. Salamat Lord! Pero higit pa ang ibinigay niya... Ipinakita niya sakin ang isang Tiffany and Co. na lalagyan ng alahas. Akala ko necklace... yun pala.. eternity rings! "Just now!" Pumikit siya at napahawak sa ulo. "Nung binangga ko ang taxi... Naalala ko ang lahat ng tungkol sayo." Tumulo ang luha niya Hindi ko parin matanggap ang lahat. Suddenly, he kissed me. "I love you so much!" Sabi niya. Kinuha niya ang eternity ring at kinuha ang kamay ko para isoot ito. Di ako makapaniwala. "T-teka! Baka para kay Kyla yan!? Diba engagement niyo?" Tanong ko. "Hindi ko alam yun! It was her idea! And I bought this ring in Thailand... with your name and mine, carved in it. Kahit nung di pa ako nakakaalala, sigurado na akong ikaw ang pakakasalan ko. AT LALO NA NGAYONG NAAALALA NA KITA!"

Sobra ang ibinigay ni Lord sakin. Sobra pa sa sakit na dinanas ko sa isang taon na paghihintay na makaalala siya. Sobra dahil dalawang beses siyang na inlove sakin. Yung Lex na walang amnesia at yung Lex na meron... ay mahal ako. "Hindi kita tinawagan because of this party... I want everything to be cleared. Gusto ko, settled ang lahat bago kita yayaing magpakasal. Ang negosyo, ang airport, si papa... lahat! That was all part of my plan. You just couldn't wait." Ngumisi siya kahit na may luha sa kanyang mga mata. "Wheeew." Singit nung taxi driver. "Mukhang malapit na ang kasalan ah." Tumawa ang mga taong kanina pa pala nakatingin samin ni Lex. Tumawa din si Lex! Sobrang saya niya na parang naging sobrang saya na rin ako! "Let's go!" Naglahad siya ng kamay. "Bumalik tayo... para malaman ng lahat... kung sino ang tunay na bride." Binigay ko ang kamay ko sa kanya ng walang pag-aalinlangan. Sa wakas! Naalala niya rin ang lahat tungkol sakin. Pero useless pala yun. Kasi maalala niya man ako o hindi, ako parin ang pipiliin niya. "Di mo pa nga ako tinatanong eh." Sabi ko ng seryoso. Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko. "Hindi ko kasi na ready ang speech at fireworks ko. Ni wala pang decoration sa yate eh... Pero sige na nga... Will you marry me?" Sabi niya. Ang atat ko kasi! Nasira tuloy ang diskarte niya! HAHAHA "Of course! Pero gawin mo ulit yung proposal na sinasabi mo sa yate ah? HAHA PLEASE?" Hinalikan ko siya sa pisngi. "Kahit sa kwarto... gagawin ko yun." Kumindat pa siya. "Tseh!" "Please? Gusto na ni papa ng apo."

Sinuntok ko na! HAHA! ANG SAYA KO!

The Aftermath Tumakbo si Lex habang nakapaa sa buhangin ng isang Private Island sa Cambodia. Mahigit dalawang taon na ang nakakaraan. Ang lahat ng nangyari ay parang panaginip na lang. Hindi ako makapaniwalang kami talaga sa huli. "Come... come here." Laki ng tawa ni Lex habang inaabangan ang maliliit na hakbang ng anak namin. Ako, picture nang picture sa kanilang dalawa. Ang dalawang lalaki sa buhay ko. Tumawa siya ng malakas nang nahagkan na ang anak at hinawakan ito pataas tulad ng lagi niyang ganigawa. "Superaaan!" Sabi niya. Ako naman, hindi maalis sa mukha ang ngiti habang click nang click sa camera. Inilapit niya ito sakin. "I lub tu momy" Sabi ni Ciel. "Aww. I love you too." Sabi ko at hinagkan siya. Si Lex ang nagtuturo sa kanya ng mga ganun. Kahit di pa naman nakakapagsalita ng maayos si Ciel, tinuturuan parin nia. Hinalikan ko si Ciel. Halos sabay nito ang paghalik ni Lex sakin. "Pero wala ng makakatalo sa love ko sayo." Halik niya ulit with matching hug saming dalawa ni Ciel.

Ngumiti na lang ako. Di parin niya tinatanggal ang pagyapos niya samin. "Hmmmp! Tumigil ka nga..." Sabi ko habang nararamdaman ang pag init ng pisngi ko. "Wa'g ka na ngang mahiya kung kinikilig ka." Tumawa siya. "Tse! Feeling." Pinandilatan ko siya ng nakangiti. Hinalikan niya ako sa noo. Tatlong beses. "Daddy." Ciel tried to stretch his arms to his Dad. "Lika dito..." Kinuha naman 'to ni Lex. "I'm gonna miss you big boy." Hinalikan niya ito sa pisngi. Inakbayan niya ako at nagsimula kaming maglakad papuntang hotel. "Bakit? Miss?" Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit? Iiwan ba namin si Ciel? Naaninaw ko ang yaya ni Ciel, mama ni Lex at papa niya sa harap ng hotel. Nagpapahinga sila pero mukhang hinintay kami. "Come here..." Sabi ng mama ni Lex kay Ciel. Nakangiti naman ang papa ni Lex sakin na nakaupo lang sa isang upuan. Kinuha ni Lex ang bagaheng dala ni yaya. "Mag ingat kayo." Sabi ni ng mama ni Lex. Weird! Nagtataka na talaga ako ah. Inakbayan ako ni Lex ng nakangiti. "Yes, ma." Sabi niya. "Oh? Di mo pa sinasabi kay Summer?" Tanong ng mama ni Lex. "Bakit po, ma?" Tanong ko. "Aalis siya?"

"Nope. We're going! I'm gonna marry you again." Sabay halik sakin sa harap ng mama at papa niya. "What? Where?-" Tinakpan niya ang bibig ko at binulong... "That's a surprise." Grabe! Halos umalis na ang espirito ko sa katawan ko. Hanggang ngayon! Kinikilig parin ako sa kanya! Walang nagbabago! Araw-araw... mas lalo ko siyang minamahal. "Kala mo siguro pagkatapos nung kasal natin, yun na yun no? Nagkakamali ka. HAHA! Taon-taon kitang pipikutin. Para masigurado kong ako lang palagi ang papakasalan mo hanggang sa tumanda tayo." Hinalikan niya si Ciel. "Bye, big boy! Ingatan mo ma, ah? Baka di kami mag enjoy sa kasal at second honey moon namin ni Summer." "Oo na! Syempre! Di namin kayo aabalahin." Tumawa ang mama niya. "Kailangan marami ah?" Singit ng papa niya. "Pa naman." Sabi ko't nagtawanan sila. "Byebye, baby Ciel. Mommy will see you soon ayt?" Hinalikan ko si Ciel. Buti na lang at hiyang din siya sa mama at papa ni Lex kaya di sya umiyak ng umalis kami. Bago kami sumakay sa yate... "Kawawa naman si Ciel." Sabi ko "Na-Ayy!" Napatili talaga ako nang binuhat ako ni Lex hanggang sa sumakay kami sa yate. "Lex naman..." Sabi ko. Binaba niya ako at nagsimula ng umandar ang yate. Papalayo kami nang papalayo sa resort.

*From the moment I saw you... From the moment I looked into your eyes. There was something about you.* "Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya. Grabe. Pinaghandaan niya talaga 'to. *Coz I've seen the rainbows that can take your breath away. The beauty of the setting sun that ends a perfect day... But I've never seen anything, as beautful as you.* Ang naririnig ko na lang ay ang tubig sa dagat, ang awit sa yate, at ang puso kong ang lakas lakas ng tibok. "Now... you're mine. Solong-solo." Ngumiti siya at inilapit ang mukha sakin. Napapikit na lang ako at pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. "I love you my husband." Sabi ko habang nakapikit. Damang-dama ko ang hininga niya sa pisngi ko. "I love you more, my wife." Pinulupot niya ang braso niya sa baywang ko. ...Then his kisses started. Song used: Beautiful by Jim Brickman