28

SANDIGAN NG LAHI … IKARANGAL NATIN

  • Upload
    carter

  • View
    1.033

  • Download
    8

Embed Size (px)

DESCRIPTION

SANDIGAN NG LAHI … IKARANGAL NATIN. Maria Consuelo C. Jamera Secondary School Teacher III. Aralin 2.1. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG AMERIKANO. I. Panimula at mga Pokus na tanong - PowerPoint PPT Presentation

Citation preview

Page 1: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN
Page 2: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN
Page 3: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

I. Panimula at mga Pokus na tanong

Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Español, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano sa Pilipino. Sa panahon ding ito isinilang ang ilang makatang Pilipino na nagsulat sa Ingles at Tagalog. Naitanong mo na ba kung bakit mahalagang pag-aralan at unawain ang mga akdang pampanitikang Pilipino sa panahon ng Amerikano? Masasalamin ba sa mga akda tulad ng Balagtasan at Sarsuwela ang kulturang Pilipino sa panahong naisulat ang mga ito? Sa araling ito, tatalakayin at tutuklasin natin ang sagot sa mga tanong na ito sa pamamagitan ng ating paglalakbay sa ilang akdang pampanitikan sa Panahon ng Amerikano at pagsasaliksik sa mga akda ng mga batikang manunulat ng bansa.

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito

Masasagot mo ang mahahalagang tanong, at maisasagawa mo ang Inaasahang Produkto/Pagganap kung uunawain mo ang sumusunod na aralin na nakapaloob sa modyul na ito:

Aralin 2.1: Panahon ng Amerikano Aralin 2.1.1: a. Panitikan: Balagtasan “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan” ni Jose Corazon de Jesus b. Wika: Katotohanan at Opinyon Aralin 2.2.2 a. Panitikan: Sarsuwela “Walang Sugat” ni Severino Reyes b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri

Page 4: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

G A L D E B A T E N B D

D E I U A D T T A H K O

S H U P D A G L I L M O

A B A L A G T A S A N N

N A T O S I R C S D T O

E L N H B A T U T I A N

L A K A N D I W A D G A

K S A K G I B I B M A M

III. Panimulang Pagtataya Alamin natin kung gaano na ang alam mo sa araling ito. Ito ay panimulang pagtataya na

hahamon sa iyong kakayahan sa pag-aaralang mga akda. Hanapin ang sa iyong palagay ay tamang sagot sa bawat tanong. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang maikling pagsusulit na ito, malalaman mo ang iyong iskor. Alalahanin mo na ang mga aytem na mali ang iyong sagot at hanapin mo ang tamang sagot habang pinag-aaralan mo ang modyul na ito. Maaari mo nang simulan.

•Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa umusbong na mga akda sa Panahon ng Amerikano. Bilugan ang salita ng tamang sagot.

Page 5: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

B. Punan ng wastong panandang pandiskurso ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa nito. 1. ____________si Francisco Baltazar Balagtas ay dapat ngang tanghaling Ama ng Balagtasan. 2. ____________naging makulay ang kaniyang buhay nang makilala niya si Maria Asuncion Rivera. 3. Ating ____________ ang kaniyang naiambag sa panitikan at sa edukasyon. 4. May magagawa ____________tayo upang maipakitang mahal natin ang ating bayan gaya ni Balagtas. 5. _________nararapat na ipagpatuloy na pag-aralan ang mga tradisyon at kultura para sa susunod na heherasyon.

Sa aking palagay Naniniwala akong rinSa dakong huli Tungkol sa para saWalang dudang bigyang-pansin kaya lamang

Sa madaling salita   Ilan kaya sa mga aytem ang nasagot mo ng tama? Kung marami ang mali, huwag kang mag-alala, tutulungan ka ng araling ito upang maiwasto mo ang mga ito. Simulan na natin ang pag-aaral ng ilan sa mga akdang pampanitikan sa Panahon ng mga Amerikano.

Page 6: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN
Page 7: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Sa tulong ng KWHL Sheet na  Ano ang Alam mo na  ( What do you Know?), Ano ang Nais mong malaman (What do you want to find out?), Paano mo makikita ang nais mong malaman (How can you dind out what you want to learn?), Ano ang iyong natutuhan/naunawaan? (What Did You Learn?), ay subukin mong sagutin ang mga tanong. Sagutin mo muna ang tatlong naunang kolum, ang KWH. Pagkatapos nating pag-aralan ang araling ito ay saka mo sagutin ang huling kolum, ang L. Gawin mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang pormat. GAWAIN 2.1.a : KWHL ChartMasasalamin ba sa panitikan ang kultura o kalagayang panlipunan ng isang bansa sa panahon at lugar na isinulat ito? Patunayan. Simula pa lamang ng gawain ay humahamon na sa iyong kaalaman –ang dati at ang malalaman mo pa lamang. Ipagpatuloy mo ang pagbuklat sa mga pahina ng araling ito hanggang sa matuklasan mo ang mga sagot sa mga tanong na iyan.

K

Ano ang alam mo na ?

(What do you Know?)

W

Ano ang nais mong malaman?

(What do you want to find out?)

H

Paano mo makikita ang nais mong

malaman? (How can you dind out

what you want to learn?)

L

Ano ang iyong natutuhan/

naunawaan?(What did you

Learn?)

Page 8: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Panahon ng Amerikano

Mga Manunulat

Mga Akda

Kultura

GAWAIN 2.1.b: HANGGANG SAAN ANG AKING KAALAMAN?Gamit ang Concept Map, ibigay ang mga impormasyong iyong nalalaman sa Panahon ng

Amerikano.

Naging madali ba sa iyo ang pagsagot? Kung oo, nangangahulugan ito na mas magiging madali para sa iyo ang aralin. Kung hindi naman, huwag kang mag-alala sapagkat tutulungan ka ng modyul na ito lumawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksa.

Page 9: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN
Page 10: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Maligayang araw ng pag-unawa!

Dalawa sa mga akdang pampanitikan ang pag-aaralan natin sa bahaging ito – ang Balagtasan at Sarsuwela. Simulan natin sa Balagtasan (Aralin 2.1) - na isang uri ng tulang patnigan na may pagtatalo. Lumaganap ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerikano, batay sa mga lumang tradisyon ng masining na pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo. Nagmula sa pangalan ni Francisco Baltazar bilang parangal sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan ang tawag sa Balagtasan.

Bago tayo magsimulang talakayin ang araling ito ay nais ko munang malaman mo rin ang mahalagang tanong para sa araling ito: “Masasalamin ba sa Balagtasan ang kulturang Pilipino? Patunayan.” Narito ang mga gabay na tanong upang masagot mo ito.

Mga Gabay na Tanong•Ano ang Balagtasan?•Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano? • May naririnig o nababasa ka pa bang Balagtasan sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang tulang patnigan?•Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Balagtasan sa ating bansa?

Sagutin mo muna ang mga tanong batay sa iyong dating kaalaman. Sa pagwawakas ng araling ito tingnan natin kung wasto ang naging mga sagot. Upang matiyak na naunawaan mo ang nilalaman ng araling ito, sa pagtatapos ng iyong pag-aaral, inaasahang mailalapat mo ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsulat ng isang argumentatibong editoryal na sumasalamin sa kaugalian ng isang masayang pamilya . Narito ang mga pamantayan kung paano itataya ang gawaing ito: a) malinaw na nailahad ang opinyon sa isyung tinalakay; b) gumamit ng mga ebidensya o patunay upang maging makatotohanan ang sinabi; c) nakitaan ng tiwala sa sarili at kaalaman sa isyu; d) naipahayag ang opinyon sa magalang na paraan; d) napaniwala at nahikayat ang mga mambabasa at e) wasto ang pagkakagamit ng gramatika. Nararamdaman kong sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin na natin ang tungkol sa Balagtasan.

Page 11: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

GAWAIN 2.1.1.a: PICK-UP LINESSimulan na natin ang paglalakbay sa mundo ng Balagtasan. Alamin mo muna ang pinagmulan, kahulugan at

katangian ng Balagtasan bilang isang akdang pampanitikan. Bago mo simulan ang pag-aaral tungkol sa Balagtasan, naghanda ako ng isang laro. Ang laro ay pick-up line. Sinagot na ang una para maging gabay mo sa susunod na tanong.

Lapis ka ba ? Bakit Kasi nais kong isulat lagi ang pangalan mo sa isip ko…

•Aklat ka ba? •Papel ka ba? •Table of Contents ka ba?•Bagyo ka ba?•Teleserye ka ba?

Mahusay ang iyong ginawa. Ano ang napansin mo sa larong ito? Tama! Ito ay ginagamit na paraan ng panunuyo o panliligaw ng kabataan sa kasalukuyan o modernong panahon. Idadaan sa simpleng patanong at ihahambing sa isang bagay ang sinusuyo upang maipahatid ang kaniyang nararamdaman. Pick-up lines ang tawag sa pamamaraang ito ng paghahatid ng damdamin. Noong Panahon ng Amerikano, isang paraang ginagawa ng binata upang ipahayag ang kaniyang pag-ibig sa dalagang nililigawan ay sa pamamagitan ng Balagtasan.

Matapos mong gawin at malaman ang datos, balikan natin ang ating pinag-aralan sa pamamagitan ng paglalagom. Isulat sa papel ang mga sagot.

Natutuhan ko na Naging kawili-wili sa akin ang

Ibig ko pang malaman ang

tungkol sa

Page 12: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

GAWAIN 2.1.1.b: IBA AKO EH!

Sa pagkakataong ito ay nais kong malaman kung ano ang iyong nalalaman sa salitang Balagtasan. Tingnan natin ang iyong nalalaman sa kasunod na gawain. Ibigay ang mga katangian ng Balagtasan bilang uri ng panitikan.

Upang maragdagan ang iyong kaalaman sa Balagtasan, alamin mo ang kaligirang pangkasaysayan o pinagmulan nito. Umpisahan na natin.

Page 13: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Basahin at unawain.

Ugnay-Panitikan Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan

Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo.

Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang.

Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at napapanahong mga pangyayari at usapan.

Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito.

Page 14: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Basahin at unawain.

Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano (mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto).

Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang pampanitikan.

Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating (con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig ( Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may makabuluhang pangangatuwiran.

Nalaman mo na ang mahahalagang pangyayari tungkol sa pinagmulan ng Balagtasan. Atin namang paunlarin ang iyong kaalaman sa sumusunod na gawain.

Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan noong 1920.

Page 15: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

BALAGTASAN

Ano-ano ang elemento ng Balagtasan?

Bakit mahalaga ang mga tauhan? (Lakandiwa at Mambabalagtas)

Bakit mahalaga ang mga elementong sukat,tugma at indayog sa isang Balagtasan?

DuploKaragatanBatutian

BALAGTASAN

Pagkakaiba

Pagkakatulad

GAWAIN 2.1.1.c: Sa Antas ng Iyong Pag-unawa1. Ipaliwanag mo kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Balagtasan sa iba pang uri ng tulang patnigan .

2. Ang Balagtasan ay isa sa sandigan ng panitikang Pilipino. Paano mo ito mapananatili upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin at pahalagahan ito?

3. Bakit mahalaga ang tauhan, at elemento ng Balagtasan? Sagutin ang kasunod na mga tanong.

Page 16: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

MAMBA-BALAGTAS MANONOOD

Papel na Ginagampanan sa Balagtasan

________________________________________________________

4. Suriin mo ang ginagampanang papel ng mga tauhan sa Balagtasan. Punan ng mga angkop na impormasyon ang kasunod na diyagram. Gawin ito sa sagutang papel.

Mahusay ang iyong ginagawa. Ituloy mo lang ito. Huwag kang mag-aalala, gagabayan ka ng mga aralin sa modyul na ito. Maaari mo nang basahin ang isang halimbawa ng Balagtasan. Unawain mo ito upang masagot/maisagawa ang kasunod na mga tanong at gawain.

Page 17: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat Mga nalilimping kawal ni Balagtas,

Ako’y paruparong may itim na pakpak At nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakandiwa,Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,

Naging paruparo sa gitna ng tula At isang bulaklak ang pinipithaya.

Sa ulilang harding pinanggalingan ko Laon nang panahong nagtampo ang

bango, Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito Ay may kabanguhang binubuhay ako.

May ilang taon nang nagtampo sa akinAng bango ng mga bulaklak sa hardin,Luksang Paruparo kung ako’y tawagin,

mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.

Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo, Yaring kasawia’y pagpayuhan ninyo, At si Lakan-iLaw ang gagamitin ko

Upang matalunton ang naglahong bango.

Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin

Ikinagagalak na kayo’y tanggapin, Magtuloy po kayo at dito sa hardin, Tingnan sa kanila kung sino at alin.

BALAGTASAN:

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan-Jose Corazon de Jesus

Lakandiwa: Yamang ako’y siyang Haring inihalalBinubuksan ko na itong Balagtasan,

Lahat ng makata’y inaanyayahang Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasali’y batikang makata At ang bibigkasi’y magagandang tula, Magandang kumilos, may gata sa dila At kung hindi ay mapapahiya.

Itong balagtasa'y galing kay BalagtasNa Hari ng mga Manunulang lahat,

Ito’y dating Duplong tinatawag-tawagBalagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing ito’y sa harap ng bayanBinubuksan ko na itong Balagtasan

Saka ang ibig kong dito’y pag-usapan: BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,

Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna At magbalagtasan sa sariling wika.

Page 18: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Paruparo: Sa aking paglanghap ay laon nang patay

Ang bango ng mga bulaklak sa parang,

Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang

Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.

Ang bulaklak ko pong pinakaiirogUbod na ng ganda’t puti ang talulot,Bulaklak po ito ng lupang Tagalog,Kapatak na luhang pangala’y

kampupot.

Kung kaya po naman di ko masansalaAng taghoy ng dibdib na kanyang 

dinaya,Matapos na siya’y diligan ng luhaNang siya’y umunlad, nagtago…

nawala!

Isang dapit-hapong palubog ang arawSa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,Paruparo, anya kita’y tatalian,Ako’y hanapin mo’t kung makita’y

hagkan.

Isang panyong puting may dagta ng lason

Ang sa aking mata’y itinakip noon,At ang Bulaklak ko’y bumaba sa

dahon,Nagtago pa mandin at aking hinabol.

Hinabol-habol ko ang bango at samyoHanggang makarating ako sa malayo,At nang alisin na ang takip na panyoWala si Kampupot, wala yaring puso.

Ang taguang biro’y naging totohananHanggang tunay na ngang mawala sa

tanaw,At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,Baliw na mistula sa pagsisintahan.

Sa lahat ng sulok at lahat ng panigAy siya ang laging laman niring isip,Matulog man ako’y napapanaginip,Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.

Sa apat na sulok ng mundong payapaAng aking anino’y tulang nabandila,Paruparo akong sa mata’y may luha,Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.

Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal,Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,At kung si Kampupot ay ayaw po naman,Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.

Bubuyog: Hindi mangyayari at ang puso niya’y

Karugtong ng aking pusong nagdurusa,Puso ni Bulaklak pag iyong kinuhaAng lalagutin mo’y dalawang hininga.

Pusong pinagtali ng isang pag-ibigPag pinaghiwalay kapanga-panganib,Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik.

Page 19: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

  Ang dalawang ibon na magkasintahan,Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,

 Paruparong sawing may pakpak na itimWaring ang mata mo’y nagtatakipsilim,At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw“Di man Kampupot mo’y iyong

inaangkin. 

Dinaramdam ko rin ang dinaranas moAt sa kasawia’y magkauri tayo,Ako ma’y mayroong nawawalang

bangoNg isang bulaklak kaya naparito. Buhat pa kanginang ikaw’y

nangungusapBawat salita mo’y matulis na sibat,Saka ang hanap mong mabangong

bulaklak,Luksang paruparo, siya ko ring hanap.

 Ipahintulot mo, Paruparong luksa,Dalitin ko yaring matinding dalita.Itulot mo rin po, Hukom na dakila,Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.

 Paruparo: ‘Di ko pinipigil ang pagsasalaysay

Lalo’t magniningning ang isang katwiran,

Nguni’t tantuin mo na sa daigdiganAng bawa’t maganda’y pinag-

aagawan.

Lakandiwa: Magsalita kayo at ipaliwanang

Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,

Paano at saan ninyo napagmalas Na ito ang siya ninyong hinahanap?

 Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin

Ang binhi ng isang halama’y sumupling,

Sa butas ng bakod na tahanan namin Ay kasabay akong isinisilang din.

  Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,

Lumaki ako’t tumibay ang pakpak, At nang sa butas ko ako’y makalipad Ang unang hinagka’y katabing

bulaklak. 

Sa kanyang talulot unang isinangla Ang tamis ng aking halik na sariwa, At sa aking bulong na matalinghaga Napamukadkad ko ang kanyang

sanghaya. 

Nang mamukadkad na ang aking kampupot

Sa araw at gabi ako’y nagtatanod, Langgam at tutubing dumapo sa

ubod Sa panibugho ko’y aking tinatapos.

  Ngayon, tanda ko ngang kayo’y

nagtaguan Habang ako’y kanlong sa isang

halaman, Luksang paruparo nang ikaw’y

maligaw Ang aking halakhak ay nakabulahaw.

Page 20: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

  Ang inyong taguan, akala ko’y biro,Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa

pusoSa akin man pala ay nakapagtago.

 Lumubog ang araw hanggang sa

dumilimGiliw kong bulaklak din dumarating,Nang kinabukasa’t muling nangulimlimAy hinanap ko na ang nawalang giliw.

 Nilipad ko halos ang taas ng langitAt tinalunton ko ang bakas ng ibig,Ang kawikaan ko sa aking pag-alisKung di makita’y di na magbabalik.

 Sa malaong araw na nilipad-lipadDito ko natunton ang aking bulaklak,Bukong sa halik kokaya namukadkad‘Di ko papayagang mapaibang palad.

 Luksang Paruparo, kampupot na iyan,Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,Ang unang balik kong katamis-tamisanSa talulot niya ay nakalarawan.

 Paruparo: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak

Kapwa mapaloob ang dalawang palad.Kung ikaw at ako’y kanyang

tinatanggapNagkasagi sana ang kanitang pakpak.

Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilangNang makalabas ka’y saka mo hinagkan:Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,Sino ang malapit sa pagliligawan?

 Una muna akong nag-uod sa sangaNa balot ng sapot ng pagkaulila,Nang buksan ng Diyos yaring mga mataBulo’t dahon namin ay magkasama na.

 Sa ugoy ng hangin sa madaling-arawNagduruyan kaming dalawa sa tangkay,At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

 Sa kanyang talulot kung may dumadaloyNa patak ng hamog, aking iniinom;Sa dahon ding iyon ako nagkakanlongSa init ng araw sa buong maghapon. Paano ngang siya ay pagkakamalanNa kami’y lumaki sa iisang tangkay,Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhayIbig ko rin namang sa kanya mamatay.

 Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig

Niyaring bulaklak na inaaring langit,Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibigMalayo ma’t ibig, daig ang malapit.

Page 21: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

  Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot

Nakikiinom ka ng patak ng hamog,Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,Tapang ng hiya mong ikaw ang

lumagok. 

Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;

Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,At akong bubuyog ang dala ko’y buhayBulong ng hiningang katamis-tamisan.

 Paruparo: Akong malapit na’y napipintasan mo,

Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,Ay ubos na pala ang tamis sa bao.

 Bubuyog na laging may ungol at

bulongAy nakayayamot saan man pumaroon,At ang katawan mo’y mayrong

karayomPa’no kang lalapit, di naduro tuloy?

  Di ka humahalik sa mga bulaklak,Talbos ng kamote ang siya mong liyag,Ang mga bintana’y iyong binubutas,Doon ang bahay mo, bubuyog na

sukab. 

Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,Iyong mga bulong ay naririnig ko;Kung dinig ng lahat ang panambitan

moHiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.

Bubuyog: Kundi iniibig ang nakikiusapLalo na ang tahimik na  tatapat-tapat,Kung ang magsalita’y di-magtamong-

paladLalo na ang dungong di makapangusap.

 Lilipad-lipad ka na payao’t ditoPasagilang-bingit, at patanaw-tao,Pag ligaw-matanda sa panahong itoPagtatawanan ka ng liligawan mo.

 Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyogNilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,Nguni’t saang panig nitong sansinukobNakakatuwaan ang paris mong uod?

 Saka, Paruparo, dapat mong malamangSa mula’t mula pa’y ‘di ka minamahal,Ang panyong panali nang ikaw ay takpanIkaw ang may sabing may lason pang

taglay. Paruparo: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib,

Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibigAng sa aking panyo’y kanyang idinilig.

 Bubuyog: Dadayain ka nga’t taksil kang talaga

At sa mga daho’y nagtatago ka pa. Paruparo: Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa

Sa taglay kong bulo nilason na kita.

Page 22: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

 Bubuyog: Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.

 Paruparo: Bulaklak nga siya’t ako’y kanyang uod.

Lakandiwa: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;Yamang di-malaman ang may-ari nito,Kampupot na iya’y paghatian ninyo.

 Bubuyog: Kapag hahatiin ang aking bulaklak

Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirapKaya ang talulot niya ang malagas.

 Paruparo: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman

Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;Kabyak na kampupot, aanhin ko iyanO buo wala nguni’t akin lamang.

 Lakandiwa: Maging si Solomong kilabot sa dunong

Dito’y masisira sa gawang paghatol;Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.

 Ipahintulot pong sa mutyang naritoNa siyang kampupot sabihin kung sinoKung sino ang kanyang binigyan ng oo,O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

Kampupot: Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,

Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,At si Bubuyog po’t paruparong bukid,Ay kapwa hindi ko sila iniibig.

 Paruparo: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,

Limot mo na baga ang aking pagliyag?Limot mo na bagang sa buong magdamagPinapayungan ka ng dalawang pakpak?

  Kampupot: Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong

Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoyAt di inakala na sinuman yaon.

 Bubuyog: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid

Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,Ang akin bang samo at mga paghibikNa bulong sa iyo’y ‘di mo ba narinig?

 Kampupot: Tila nga, tila nga ako’y may napansing

Daing at panaghoy na kung saan galing,Ngunit akala ko’y paspas lang ng hanginAt di inakala na sinuma’t alin.

 Bubuyog: Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,

Makapitong lumbay o hanggang matapos. Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan

Na ang paglililo’y nasa kagandahan.

Page 23: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

 Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin Ay di mananakaw magpahanggang libing. Lakandiwa: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang

Nabaliw nang hindi kinababaliwan:Yamang ang panahon ay inyong

sinayangKaya’t nararapat na maparusahan.

  Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo, At ang “Pasalubong” sa babaing lilo, Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.

(Pagkatapos tumula ni Paruparo) Lakandiwa: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,

Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon; Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong” Ng kabuhayan mong tigib ng

linggatong.   (Pagkatapos tumula ni Bubuyog)

Minamahal nami’t sinisintang bayan, Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan; At kung ibig ninyong sila ay hatulan,

Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.

GAWAIN 2.1.1.d: Hanap-SalitaPiliin sa Hanay B ang nais ipahiwatig ng mga

pariralang nasa Hanay B. Isulat lamang ang letra ng mapipiling sagot at pagkatapos gamitin ito sa pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Hanay A Hanay B1. May gata sa dila a. konti 2. Kapatak na luha b. Mahulog 3. Hinagpis ko noong ako’y iwan c. matinding lungkot 4. Ang binhi ng isang halaman ay sumupling

d. mahusay bumigkas

5. Halakhak ay nakabulahaw e. nakaistorbo d. pagkakaiba

Mahusay ang naging sagot mo. Madali mong naunawaan ang simulang bahagi ng aralin. Pagkatapos mong masagutan ang pagsasanay ay dumako tayo sa kasunod na gawain, ang pagtalakay sa nilalaman ng binasang Balagtasan. Atin pang ipagpatuloy ang pagsusuri sa araling ito. Isulat sa papel ang mga sagot. Gayahin ang pormat.

Page 24: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Pagkakatulad at pagkakaiba ng panliligaw ng mga binata sa dalagahan noon sa ngayon

Pagkakatulad Pagkakaiba

Ang higit na matimbang sa inyong dalawa ay si…

GAWAIN 2.1.1.e: Sa Antas ng Iyong Pag-unawaSagutin mo ang mga tanong na batay sa iyong pag-unawa.

1. Bakit iisa lamang ang nagugustuhan nina Paruparo at Bubuyog?2. Makatuwiran ba ang pagmamatuwid ng nagtatalong mga makata? Patunayan.3. Sa iyong pagsusuri sa Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan, kaninong panig ang matuwid at dapat na panigan? Bakit?4. Paanong binigyan ng pagwawakas o paghatol ng lakandiwa ang balagtasan? Sang-ayon kaba sa kaniyang hatol? Bakit?

5. Naging maayos ba ang paghahanay ng mga pagpapaliwanag at pangangatwiran ng dalawang nagtatagisan ng talino sa paksang kanilang pinagtatalunan. Magtala ng mga patunay. 6. Ihambing mo ang panliligaw ng mga binata sa dalaga noon sa kasalukuyang panahon. Gamitin ang Fan Fact Analyzer. Gawin ito sa iyong sagutang papel. Gayahin ang pormat.

Paruparo Bubuyog

Page 25: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Katotohanan at Opinyon May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling opinyon o haka- haka sa mga paksang pampolitika o maging sa pangyayaring nagaganap sa lipunan o kahit sa mga pang-araw-araw na pakikipagtalakayan. At may pagkakataon din namang kailangang maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri ang mga pahayag na maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan. Opinyon Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang akin atbp. Halimbawa:1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t isa. 2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.Katotohanan Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa. Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng, pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na, mababasa na atbp. Halimbawa:3. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang mga out-of school youth.4. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.

7. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng Balagtasan upang maganyak ang kapwa mo mag-aaral na basahin, palaganapin, at pahalagahan ito?

Matapos mong mapag-aralan ang nilalaman ng aralin sa panitikan, magtungo naman tayo sa wika – ang pagbibigay ng katotohanan at opinyon. Ang Balagtasan ay masining din na paraan sa paglalahad ng katotohanan at opinyon. Basahin mo ang ilang impormasyon tungkol dito.

Page 26: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

GAWAIN 1.1.e: Katotohanan O OpinyonSagutin kung ang sumusunod ay katotohanan o opinyon.

1. Ang mga kaugaliang tulad ng bayanihan, pagmamano, pagsagot ng po at opo, at pagtanaw ng utang na loob ay tanging sa Pilipinas lamang makikita.

2. Sa aking palagay likas na mapagmahal sa kaniyang pamilyang kinagisnan ang mga Pilipino.3. Ayon kay Adrian Eumagie, 2012, sa makabagong panahon ngayon, ang kaugalian ng Pilipino ay nananatiling

mayaman sa bawat isa sa atin. 4. Para sa akin ang mga kaugaliang Pilipino ang pinakasentro ng paghubog sa isang tao at maaaring maging isang

sandigan ng isang bansa at mamamayang tumatahak sa matuwid na landas.5. Kung ako ang tatanungin, ang mga kaugaliang Pilipino ay nararapat na panatilihin at maipagpatuloy hanggang sa

susunod na henerasyon. Mahusay, nagawa mong mabuti ang iyong gawain.Madali lang hindi ba? Kayang-kaya mo nang kilalanin

kung alin ang opinyon at katotohanan batay sa mga halimbawa at pagsasanay na tinalakay. Matapos mong maunawaan ang gramatika (opinyon at katotohanan) ay maaari mo nang sagutan ang susunod na gawain na magtataya sa iyong naging pag-unawa sa aralin.

GAWAIN 1.1.f: DUGTUNGANPunan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwang ipinahahayag ng mga

pangungusap at upang masagot mo ang mga tanong .

Bahagi na ng kuturang Pilipino ang _________________ at ______________________ bilang parangal sa mga ______________________. Ipinakikita nito kung gaano natin _____________________________ ang mga ________________________. Masasalamin din ang ________ ________ng ating mga ninuno sa paghabi ng magkakatugmang ________________________ at pagbigkas nang may _____________________.

Page 27: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN

Mahusay. Matapos mong masagutan ang ating aralin, ngayon naman ay

maaari ka nang maglapat ng iyong kaalaman na natutuhan. Bilang pangwakas na gawain para sa bahaging ito, maaari ka na ring gumawa o sumulat ng isang editoryal na argumentasyon na may kaugnayan sa kaugaliang Pilipino bilang sandigan ng isang pamilyang Pilipino at ng bansa. Ikaw ay tatasahin sa sumusunod :

1) lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, 2) malikhain at masining ang presentasyon, 3) maikli at nakakakuha ng interes ang pamagat 4) malinaw na naipahayag ang argumento sa editoryal.

Page 28: SANDIGAN NG LAHI …  IKARANGAL NATIN