28
  1 LESSON #1: Kailangang ang sanggol ay maalam umiyak. Na’ng tanggapin mo sa iyong puso si Jesu-Cristo, ang naging kalagayan mo ay katulad ng isang na bagong silang. Ibig sabihin ikaw ay muling ipinanganak bilang bagong sanggol na espirituwal sa ng Diyos. Kaya nga, bilang sanggol na (espirituwal) ay mayroon kang mahahalagang mga pangangailangan na dapat tugunan kaagad. Alam mo ba kung ano kaagad ang unang ginagawa ng mga doctor pagkaraan na iluwal ang sanggol sa sinapupunan? Kanila itong pabaligtad na itinataas at kaagad na pinapalo ang bahagi ng puwit ng bata. Bakit kaya po ito ginagawa ng mga doctor? Upang magpasimulang kumilos ang baga ng sanggol, upang siya ay makahinga at mabuhay ng normal. Tunay na kinakailangang umiiyak ang sanggol. Bilang isang kapapanganak na sanggol sa bahagi ng iyong espirituwal na buhay, kinakailangan mo rin na buksan ang espirituwal upang ikaw ay makahinga ng normal mong . Ang pag-iyak ay tinatawag na panalangin o pagtawag sa Dios. (Galatia 4 :6) “Upang ipakilalang kayo’y mga anak ng Diyos, pinagkalooban niya tayo ng Espiritu ng Kanyang Anak nang tayo’y makatawag sa kanya ng “Ama!  Ama ko!” Papaano Ba Dapat Manalangin? 1. mo muna ang Diyos sa Kanyang kabutihan, katapatan, at pagpapala sa inyong buhay. 2. ang iyong mga kasalanan sa Kanya. 3. dahil naging anak ka ng Diyos at lagi ka Niyang iniingatan sa bawat araw. 4. ang lahat ng iyong mga kahilingan, mga samo at daing.

SANGGOL LESSONS1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

bible

Citation preview

  • 1

    LESSON #1: Kailangang ang sanggol ay maalam umiyak.

    Nang tanggapin mo sa iyong puso si Jesu-Cristo, ang naging kalagayan mo ay katulad ng isang na bagong silang. Ibig sabihin ikaw ay muling ipinanganak bilang bagong sanggol na espirituwal sa ng Diyos. Kaya nga, bilang sanggol na (espirituwal) ay mayroon kang mahahalagang mga pangangailangan na dapat tugunan kaagad.

    Alam mo ba kung ano kaagad ang unang ginagawa ng mga doctor pagkaraan na iluwal ang sanggol sa sinapupunan? Kanila itong pabaligtad na itinataas at kaagad na pinapalo ang bahagi ng puwit ng bata. Bakit kaya po ito ginagawa ng mga doctor? Upang magpasimulang kumilos ang baga ng sanggol, upang siya ay makahinga at mabuhay ng normal. Tunay na kinakailangang umiiyak ang sanggol. Bilang isang kapapanganak na sanggol sa bahagi ng iyong espirituwal na buhay, kinakailangan mo rin na buksan ang espirituwal upang ikaw ay makahinga ng normal mong . Ang pag-iyak ay tinatawag na panalangin o pagtawag sa Dios.

    (Galatia 4:6) Upang ipakilalang kayoy mga anak ng Diyos, pinagkalooban niya tayo ng Espiritu ng Kanyang Anak nang tayoy makatawag sa kanya ng Ama! Ama ko!

    Papaano Ba Dapat Manalangin?

    1. mo muna ang Diyos sa Kanyang kabutihan, katapatan, at pagpapala sa inyong buhay.

    2. ang iyong mga kasalanan sa Kanya. 3. dahil naging anak ka ng Diyos at lagi ka Niyang

    iniingatan sa bawat araw. 4. ang lahat ng iyong mga kahilingan, mga samo at daing.

  • 2

    Kailan Ba Dapat Manalangin?

    1. Lucas 18:1 Isinaysay ni Jesus ang isang talinghaga upang ituro sa kanila na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa.

    2. Awit 5:3 Sa dapit-umaga ang tinig koy dinggin, Ang katugunan mo sa aking pagdaing, Pagsikat ng araw, aking hihintayin.

    3. Awit 55:17 Ang taghoy ko at mga hinaing, Sa Bawat sandali sa Kanyay darating, At ang aking tinig ay Kanyang diringgin.

    4. Awit 88:1 Panginoong Diyos, Tumatawag ako sa iyo kung araw, Pagsapit ng gabi, dumudulog ako sa iyong harapan.

    Saan Naman Dapat Manalangin?

    1. Mateo 6:6a Ngunit kapag mananalangin ka, pumasok ka sa iyong silid at isara mo ang pinto.

    2. Lucas 18:10a May dalawang lalaking pumanhik sa templo upang manalangin.

    3. I Timoteo 2:8 Ibig kong ang mga lalaki sa lahat ng dakoy manalanging may malinis na kalooban, walang hinanakit o galit sa kapwa.

    Gaano Ba Katagal Dapat Manalangin?

    Makipag-usap ka sa Diyos hanggang kinakailangan at hanggang maaari mo itong gawin. Pagtatapos:

    Bilang sanggol na espirituwal, kinakailangan mo na umiiyak. Manalangin ka sa iyong Amang nasa langit. Pasimulan mong manalangin ng palagian mula .

  • 3

    Pag-usapan: (Pumili lang ng isang sagot at bakit?)

    1. Kaya ako ay nahihirapang manalangin ay dahil

    a. Sa aking mga kasalanang hindi ko pa lubusang naisusuko sa Diyos.

    b. Nahihiya at natatakot ako sa Diyos at sa tao. c. Masyado na akong mayaman at hindi ko na kailangan pang

    manalangin sa Diyos. d. Hindi pa ako maalam, pero gusto kung matutong manalangin

    ngayon. e. Hindi ko pa kasi alam ang aking kahilingan. f. Hindi naman ako masyadong nahihirapan kasi sanay na akong

    manalangin. g. Wala dito.(pero ano?)_________________

    Talaan ng mga Kahilingan sa Panalangin:

    Mga Kahilingan at dasal (suliranin, hanapbuhay, problema, atbp.)

    Petsa ng sinimulang ipinalangin

    Petsa kung kailan ka sinagot

    1.

    2.

    3.

    4.

    5.

    6.

    7.

    Pananalangin:

  • 4

    LESSON #2: Kinakailangan ng sanggol ang uminom ng masustansiyang gatas araw-araw.

    Ang unang bagay na kinakailangan ng sanggol ay umiyak. Kaya naman ang susunod na kailangan niya ay uminom na ng upang siya ay mabuhay.

    Ganoon din sa ating buhay espirituwal. Pagkaraan na matutunan mong umiyak sa panalangin, kinakailangan mo ang na gatas.

    (I Pedro Gaya ng sanggol, kayoy manabik sa gatas na espirituwal upang umunlad sa pananampalataya hanggang kamtan ang ganap na kaligtasan.

    Ang espirituwal na gatas ng isang tunay na Cristiano ay ang BIBLIA.

    Upang masiyahan ka sa iyong espirituwal na gatas, kinakailangan mong malaman kung ano ang nasa Biblia.

    Mga Nilalaman ng Biblia. (66 books Canon)

    1. nilalaman ang mensahe na ipinagkaloob ng

    Diyos bago pa man dumating si Cristo. (B.C. before Christ). Nang dumating si Cristo (A.D. anno domini) ay dinala Niya ang ultimong mensahe ng Diyos, at ang mensaheng ito ay nasusulat sa Bagong Tipan. (39 books Genesis to Malachi)

    2. (27 books Matthew to Revelation)

    i. -ang unang apat na aklat ng Bagong

    Tipan (Mateo, Marcos, Lucas, at Juan). Isinasaysay nila ang buhay ni Cristo, ang Kanyang mga ginawa, ang Kanyang mga aral, ang Kanyang Kamatayan, pagkabuhay na muli at ang Kanyang muling pagbabalik.

    ii. isinasaysay ang kasaysayan ng mga unang Cristiano, ang kanilang buong misyon sa buong daigdig upang ibahagi sa iba si Cristo.

  • 5

    iii. lumiham ang mga apostoles sa mga Cristiano na naninirahan sa ibat-ibang mga lugar na kanilang pinaroroonan:

    a. Ang Liham ni Pablo sa mga taga-Roma, Corinto, Galacia, Efeso, Filipos, Colosas, at mga taga-Tesalonica.

    b. Lumiham din si Pablo sa ilang indibiduwal tulad nina Timoteo; Tito at Filemon.

    c. Ang ibang mga Apostol ay sumulat din ng mga liham tulad ng Santiago, Pedro, Juan at Pahayag.

    Halaga ng Biblia sa Buhay ng Tao.

    1. Ito ay ng ating kaluluwa. Mateo 4:4; 1 Pedro 2:2 Ngunit sumagot si Jesus, Nasusulat, Hindi lamang sa tinapay nabubuhay

    ang tao, Kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyos. 2. Ito ay sa ating landas.

    Mga Awit 119:105 Salita moy isang tanglaw na sa akin ay patnubay, Liwanag na tumatanglaw sa landas kong daraanan.

    3. Ito ang sa atin tungkol sa buhay na walang hanggan. Juan 6:47 Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay may buhay na

    walang hanggan.

    Mga Paraan sa Pagbabasa ng Biblia.

    1. ng oras araw-araw. 2. sa tahimik na lugar. 3. muna sa panalangin. 4. Sundin ang paraan ng

    Hanapin at sagutin ang mga sumusunod na tanong mula sa talatang binabasa:

    Mayroon bang sinasabi tungkol sa katangian ng Diyos, tungkol kay Cristo at sa Banal na Espiritu? (hal. Ang Diyos ay mapagmahal.)

  • 6

    May nabanggit bang kasalanan na dapat kung iwasan at pagsisihan? (hal. Pagsisinungaling, pagnanakaw, pangangalunya at pag-iimbot)

    May utos ba ako na dapat sundin? (hal. Dapat kong ipangaral ang

    mabuting balita sa ibang tao; dapat na siya ay aking patawarin na.) May mga halimbawa ba ako na dapat tularan? (hal. Dapat akong

    mapagpasensiya; matutong ko mahalin ang aking kaaway; maging masipag sa paghahanapbuhay)

    May mga pangako ba na maaaring kung angkinin? (hal. Ang Diyos ang

    magbibigay ng lahat ng aking mga pangangailangan; nagpapagaling; atbp)

    5. Isulat sa isang maliit na notebook ang mga bagay na ipinauunawa sa akin ng Diyos.

    Pag-usapan: Kung ikaw ay may dalawang aso: isang puti at isang itim. Sino sa kanila ang mabilis na lulusog at magiging malakas? Sa palagay mo? At Bakit kaya?

    a. Kapag ako ay nagbabasa ng Biblia ang aking nararamdaman ay: i. Malungkot na malungkot. ii. Masamang masama ang loob. iii. Masayang-masaya. iv. Para akong inaantok. v. Nakakagutom. vi. Wala lang. vii. atbp_________________________.

    Pagbabalik aral: Ano ang ibig sabihin ng salitang IYAK? GATAS? Pananalangin:

  • 7

    LESSON #3:

    Kinakailangan na ang sanggol ay pinapaliguan din. Normal na ang sanggol ay laging mabango at masarap yakapin. Subalit ang totoo nagdurumi rin sila at nangangailangan din ng paligo. Ganoon din naman, kapag bago kang Cristiano ay parang ang bait-bait mo, at tila malapit na malapit ka sa Panginoon. Pero, tiyak din na nakakagawa pa rin tayo ng .

    Kaya naman, tayo ay nangangailangan sa araw-araw ng paligong . Ibig sabihin nito ay palagi nating ang ating mga pagkakamali at mga kasalanan sa Panginoon.

    Mga Hakbang Tungo sa Kapatawaran ng ating Kasalanan?

    1. natin ang ating mga kasalan ng diretso sa Diyos.

    a. Dahil sa Diyos tayo nagkasala, marapat lamang na sa kanya tayo

    unang humingi ng kapatawaran.

    2. Ipahayag natin ito sa pamamagitan ng sa Diyos kung ano ang ating mga pagkakamaling ginawa.

    a. Kung nakapagsinungaling tayo: Panginoon patawarin mo po ako sa aking pagsisinungaling una sa iyo pangalawa sa aking kapatid.

    3. sa atin ng Diyos ang kapatawaran sa sandaling ipahayag

    natin ang ating mga kasalan sa Kanya.

    a. I Juan 2:1 Ang kapatawaran ay nakasalalay sa kabuuang pagliligtas na isinakatuparan ni Cristo para sa atin. Hindi natin kinakailangan na maghintay ng kinabukasan o ng susunod na mga araw upang mapatawad.

  • 8

    Mga Patibong na Kasinungalingang Mula kay Satanas?

    1. Huwag kang magmadali! Hindi bat ang humingi kaagad ng tawad pagkaraan mong magkasala?

    a. Bilang isang bagong Cristiano tulad ka ng isang sanggol na

    nagpapasimula pa lamang matutong lumakad. Kung madapa ang sanggol, nakakahiya ba sa kanya na humingi ng tulong sa kanyang tatay o nanay? Kung ikaw ay magkasala, nais ng Diyos na kaagad kang lumapit sa Kanya upang kaagad na magpalinis.

    2. Masama kang Cristiano. Hindi ka na ng Diyos.

    a. Kailan ba tayo pinasimulang mahalin ng Diyos? Hindi bat noong tayoy makasalanan pa at ngayon na tayo ay Kanyang anak na, ang pagmamahal Niyay hindi na magbabago dahilan sa tayo ay nagkasala.

    3. Kinakailangan mong muna bago ka patawarin ng Diyos.

    a. Iniinsulto ng kasinungaling ito si Cristo sapagkat isinasaad nito na maaaring dagdagan pa ng anumang kakayanan ng tao ang kumpletong kaligtasan na isinakatuparan na ni Cristo sa krus. May iisa lamang basehan ng kapatawaran at itoy ang kamatayan ni Cristo!

    4. Sige, ka! Tutal naman kung magkasala ka, patatawarin ka naman ng Diyos pagkatapos!

    a. Marahil ito ang pinakamapanganib sa lahat ng mga

    kasinungalingan. Huwag mong paniwalaan ito. Ang Diyos ay hindi nagnanais na ikaw ay magpatuloy sa paglublob sa putik na iyong kinadapaan. Kapatid, bangon dyan! Ang nais Niya ay unti-unti kang maging sakdal sa kabanalan tulad Niya.

    I Pedro 1:15,16 Yamang ang Diyos na humihingi sa inyo ay banal, dapat kayong magpakabanal anuman ang inyong ginagawa, ayon sa nasusulat: Magpakabanal kayo, sapagkat akoy banal.

  • 9

    Pagtatapos:

    Ang isang bagong Cristiano ay kinakailangan na magsagawa kaagad ng espirituwal na paligo (paghingi ng tawad) sa pamamagitan ng pagpapahayag sa Diyos kung siya ay magkasala.Kinakailangang gawin kaagad natin ang sa oras na nadama mong ikaw ay nagkasala at angkinin ang kapatawaran ng Diyos sa oras ding iyon. Nangangako ang Diyos na ikaw ay kaagad na patatawarin.

    I Juan 1:9 Kung ipinapahayag natin ang ating mga kasalanan, maasahan nating ipatatawad sa atin ng Diyos ang mga ito at lilinisin sa lahat ng ating kasamaan sapagkat siyay matuwid.

    Taus-pusong suriin ang sariling buhay.

    1. Mayroon bang anumang kasalanan sa buhay ko na hindi ko pa naipapahayag sa Diyos? Ipahayag ito ngayon at angkinin ang kapatawaran ng Diyos para sa

    iyo.

    2. May kasalanan ba sa buhay ko na patuloy ko pang ginagawa at hindi ko pa napagpasyahan ito ay iwan? Ipahayag mo ang kasalan ngayon din at pagpasyahan mo na iwanan

    ito. Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng kalakasang mapagtagumpayan

    ito. Pagbabalik aral: Ano ang ibig sabihin ng salitang IYAK? GATAS?, LIGO? Pananalangin:

  • 10

    LESSON #4:

    Kinakailangan ng sanggol ang tunay na pagmamahal at kalinga. Ang ikaapat na pangangailangan ng sanggol, ay ang DUYAN, kung saan siya makakapahinga, makakatulog, at makakapaglaro. Para sa espirituwal na sanggol, kinakatawan ng duyan ang pakikisama ng iba pang mga Cristiano at ng at kalinga na idinudulot ng pakikisamang ito.Ganoon din sa ating buhay espirituwal. Pagkaraan na ikaw ay mapasama sa pamilya ng Diyos, ikaw ay maghahanap ng pagmamahal ng kapwa mga Cristiano.

    (Hebreo 10:25 At huwag kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon gaya ng ginagawa ng ilan, kundi palakasin ang loob ng isat-isa, lalo na ngayong nakikita nating nalalapit na ang pagdating ng Panginoon.

    Tatlong Katotohanan mula sa I Juan 1:3,4

    1. Tayo ay naging sa pamamagitan ng patotoo ng mga naunang mga mananampalataya. Marcos 16:15 At sinabi ni Jesus sa kanila. Humayo kayo sa buong sanlibutan at ipangaral ninyo sa lahat ang Mabuting Balita.

    2. Ang mga naging Cristiano ay sa pakikipag-ugnayan sa Diyos Ama, kay Jesus-Cristo, at sa iba pang mga Cristiano. Juan 1:12 Ngunit ang lahat ng tumanggap at nanalig sa kanya ay pinagkalooban niya nga karapatang maging anak ng Diyos. Ikaw, ako at ang lahat ng mga tumanggap kay Cristo ay sa pamilya ng Diyos. Sapagkat silay ating mga kapatid, kinakailangan nating magkaroon ng o ng makabuluhang kaugnayan sa kanila.

  • 11

    3. Ang tunay na kaligayahan sa buhay Cristiano ay nagmumula lamang kung malaman natin ang makabuluhang sa ibang mga Cristiano. Nangangahulugan ang pagsasamahan at pagbabahaginan sa isat-isa ay magagawa lamang natin dahil sa pag-ibig natin kay Cristo.

    Juan 13:34,35 Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong inibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayoy mag-iibigan, makikilala ng lahat ng kayoy mga alagad ko.

    Ma Dahilan kung Bakit nararanasan ang ganap na kaligahayan sa loob ng Samahang Cristiano.

    1. Kung ang mga Cristiano ay laging nagsasama-sama, lalo tayong sa salita ng Diyos. Nakikilala natin ang isat-isa ang habang tayoy nagbabahaginan at nagtutulungan. I Juan 3:11 Ito ang aral na narinig na ninyo sa simula pa: mag-ibigan tayo.

    2. Kung tayoy nagsasama-sama, yaong mga kasama nating mahihina at pinanghihinaan ng loob ay nakakatanggap ng kalakasan at katapangan. Sila ay sumigla din na kagaya ko.

    * Hebreo 10:25 I Juan 4:20 Ang nagsasabing iniibig ko ang Diyos, at napopoot naman sa kanyang kapatid ay sinungaling. Kung yaong kapatid na kanyang nakikita ay hindi niya maibig, paano niya maiibig ang Diyos na hindi nakikita? Pag-usapan:

    Nakakita ka na ba ng nagbabagang mga kahoy. Hindi ba napakalakas ng

    init nito at tuloy-tuloy ang apoy na nagsisilbing liwanag kung gabi.

  • 12

    a. Ano kaya ang mangyayari kung alisin mo ang isang pirasong kahoy sa nagniningas na bunton ng mga kahoy?

    b. Papaano ang dapat gawin upang muling magningas ang apoy ng isang pirasong kahoy?

    3. Mas magiging makabuluhan ang paglilingkod natin sa Diyos kung

    gagawin natin ito ng sabay-sabay.

    a. Sino ang mas malakas at makakagawa ng marami? Bakit? i. Isang pirasong walis na tingting ii. O isang bigkis na walis?

    Ang nagbabagang apoy na mga kahoy, ang bigkis ng walis na tingting,

    at ang nagsasama-samang Cristiano ay nakadisenyo sa kahalagahan ng isat-isa. Hindi lamang sila magkakasama, hindi lamang magkakadikit, hindi lamang nag kataong pinag-isa, kundi higit na nila ang isat-isa sa kanila upang magkaroon ng ibayong lakas, tatag, at tibay na makagawa ng makabuluhang gawain. Pagtatapos

    Ang ikaapat na pangangailangan ng isang Cristianong sanggol ay ang pagmamahal, kalinga, at gabay sa pagsasama-sama ng iba pang mga kapwa totoong Cristiano.

    1. Makipagkilala sa dalawa o higit pang mga bagong Cristiano.

    Magbahaginan kayo ng mga pasasalamat, patotoo, at kahilingan sa panalangin.

    2. Ang madalas kung maramdaman kapag ako ay lumalapit na sa ibang Cristiano ay

    a. nahihiya at di makapagsalita b. natutuwa akong ibahagi sa kanya ang mga pasasalamat at

    pagpapala kong natanggap sa Panginoon. c. hanggang tagapakinig na lang muna ako.

  • 13

    d. parang di ko pa yata kaya, kaya tulungan mo pa ako at ipanalangin.

    Pagbabalik aral: Ano ang ibig sabihin ng salitang IYAK? GATAS? LIGO? DUYAN? Pananalangin:

  • 14

    LESSON #5: Kinakailangan ng sanggol na matutong magsalita, kahit dahan-dahan pa lamang.- a, e, I, o, u.

    Ang isa sa pinananabikan ng mga magulang ay makita at marinig na na nakakapagsalita na ang kanilang anak. Maaaring ito ay tunog lamang na pa-pa, ma-ma, ta-ta, da-da, do-do, du-du, do-re-mi-pa-sol-la-ti-do or kayay mga tunog na aa-ee-ii-oo- at uu. Anumang klaseng salita at tunog na nagmumula sa labi ng bata ay lubhang kasiyahan na ng magulang.

    Ang salita ng sanggol ay lubhang napakahalaga sapagkat ito ang unang hakbang sa maayos na pagsasalita. Sa iyong buhay Cristiano, ang salitang sanggol ay tumutukoy sa iyong simpleng tungkol sa ginawa sa iyo ng Diyos. I. Ang Sanggol (patotoo) ng datiy bulag na lalaki. (Juan 9:13-25)

    1. Tinulungan ni Jesus ang isang bulag, at tinanong ng mga kaaway ni Cristo ang pinagaling, at sinubukan nilang siyay lituhin tungkol sa kung sino si Cristo. Hindi masagot ng pinagaling na lalaki ang mga tanong ng mga kaaway ni Cristo, subalit nalalaman niya kung papaano ang salitang sanggol (o magpatotoo) sa iba.

    2. Ang salitang sanggol ng datiy bulag na lalaki?

    Juan 9:25 Hindi ko po alam kung siyay makasalanan o hindi. Isang bagay ang alam ko, dati akong bulag ngunit ngayoy nakakakita na.

    B. Ang Salitang Sanggol ng Bagong . Bilang isang bagong Cristiano, napakaraming bagay tungkol kay Cristo at sa Biblia ang hindi mo pa nalalaman. Subalit hindi ito nangangahulugan na hindi ka na makapagsasalita ng tungkol kay cristo.

  • 15

    Mayroon ka nang maaaring sabihin sa iba:

    1. Maaari mong sabihin sa kanila kung ano ang ni Cristo. a. Kung ano ang buhay mo noong mo pa tinatanggap si Cristo.

    Hal. Dati kang bugnutin; tsismosa; atbp. b. Kung papaano mo si Cristo bilang Panginoon at sariling

    Tagapagligtas ng iyong buhay. Sino ang sa iyo? c. Anu-ano ang ginawang ni Jesus sa iyong buhay

    pagkatapos mo siyang makilala? Hal. Pananalangin; Pagbabasa ng Biblia; atbp.

    Gawa 26:1-22 Ang mga Patotoo ni Apostol Pablo. a. Ang kanyang buhay noon (v. 4,5,6,9-11) b. Papaano niya nakilala si Cristo (v.12-18) c. Ang ginawa ni Cristong pagbabago sa buhay ni Pablo (v.19-23).

    2. Maaari mong sabihin ang iyong patotoo tungkol kay Cristo sa iyong mga kapatid sa pamilya ng Diyos. Sapagkat silay ating mga kapatid, kinakailangan nating magkaroon ng pagsasamahan o ng makabuluhang kaugnayan sa kanila. Halimbawa: Sa Juan 1:4-42 (Ipinakilala ni Andress si Jesus kay Pedro. Pagtatapos

    Bilang bagong Cristiano, kinakailangan mo ang . Magagawa mo ito sa pamamagitan ng napakasimpleng patotoo tungkol sa kung ano ang ni Cristo sa buhay mo at maipakilala mo rin si Cristo sa iyong mga kasama sa bahay, kamag-anak, kaibigan, kaklase, kapitbahay, kalahat ng K. Diba lahat naman ng tao ay may K na makilala ng lubusang si Cristo sa kanyang personal na buhay.

    1. Makipagkilala sa dalawa o higit pang mga bagong

    Cristiano. kayo ng mga pasasalamat, patotoo, at kahilingan sa panalangin.

  • 16

    3. Ang madalas kung maramdaman kapag ako ay lumalapit na sa ibang Cristiano ay

    a. nahihiya at di makapagsalita b. natutuwa akong ibahagi sa kanya ang mga pasasalamat at

    pagpapala kong natanggap sa Panginoon. c. hanggang tagapakinig na lang muna ako. d. parang di ko pa yata kaya, kaya tulungan mo pa ako at

    ipanalangin. Pagbabalik aral: Ano ang ibig sabihin ng salitang IYAK? GATAS? LIGO? at DUYAN?

    1. Iyak - kumusta na ang iyong pananalangin? 2. Gatas - Masaya ba ang magbasa ng Biblia? 3. Ligo - Ang Diyos ay laging tapat at handa kang patawarin. 4. Duyan - Ano ang nalaman mo ngayon sa iyong kapatid sa

    pananampalataya? Kumusta na ang aking Talaan ng mga Kahilingan sa Panalangin? Mga Kahilingan at dasal (suliranin, hanapbuhay, problema, atbp.)

    Petsa ng sinimulang ipinalangin

    Petsa kung Kailan ka sinagot

    1.

    2.

    3.

    4.

    5.

  • 17

    Mga Kahilingan at dasal (suliranin, hanapbuhay, problema, atbp.)

    Petsa ng sinimulang ipinalangin

    Petsa kung Kailan ka sinagot

    6.

    7.

    8.

    9.

    10.

    Magpasalamat tayo at magkuwento sa iba: Pananalangin:

  • 18

    LESSON #6: Kailangan ng sanggol ang tagapag-alaga.

    Bilang bahagi ng maka-Amang pangangalaga, ang Dios ay nagpadala para sa mga Cristiano ng isang persona na napalaging mangangalaga at papatnubay sa kanila. Ito ay ang na mananahan sa Cristiano at mangangalaga tulad ng isang Yaya. Juan 14:16-18 Dadalangin ako sa Ama,

    at kayoy bibigyan niya ng isa pang Patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Itoy ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat hindi Siya nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo Siya, sapagkat Siyay sumasainyo at nananahan sa inyo. Hindi ko kayo iiwang nangungulila; babalik ako sa inyo.

    Ayon sa Roma 8:9, Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman kundi ayon sa Espiritu, kung talagang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung ang Espiritu ni Cristoy wala sa isang tao, hindi siya kay Cristo.

    Ang ng Banal na Espiritu ay lubhang mahalaga sapagkat

    Siya ay magsisilbing tatak ng isang tunay na Cristiano. Kung wala ang Banal na Espiritu, hindi tunay na kabilang kay Cristo ang isang tao. Subalit paano mo malalaman na tunay ngang naninirahan at lumalagi sa iyong puso at buhay ang Banal na Espiritu?

    (Juan 7:37-39; Roma 8:9-16; 2 Cor. 1:21-22).

    I. Mga Katibayan na Pananahan ng Banal na Epiritu.

    1. Ang Banal na Espiritu ang nagbibigay ng pakiramdam at ng na ikaw ngayon ay anak ng Dios. Roma 8:16 Ang Espiritu nga ang nagpapatoo, kasama ng ating espiritu, na tayoy mga anak ng Dios.

    2. ng Banal na Espiritu ang Cristiano upang gumawa ng

    ilang bagayang manalangin, magbasa ng Biblia, makisama sa iba pang mga Cristiano at iba pa.

  • 19

    3. Susumbatan at bibigyan ng ang isang Cristiano kung siya ay gumagawa ng kasalanan.

    Juan 16:8 Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga tao sa sanlibutan na mali ang pagkakakilala nila sa kasalanan, at ipakikilala niya kung ano ang matuwid, at kung ano ang kahatulan.

    II. Ang Espiritu ay may dalang Maraming Espirituwal na pagpapala. Pinapagtibay ng Banal ng Espiritu na tayoy mga anak ng Dios, karapat-dapat sa lahat ng mga espirituwal na pagpapala kay Cristo. Efeso 1:5,6 tayoy kanyang itinalaga upang maging mga anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin Siya dahil sa Kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal ng Anak! III. Tinanggap natin kay Cristo ang kapuspusan ng Banal na Espiritu.

    1. I Cor. 1:30 2. I Peter 3. Efeso 1:7 4. Gawa 1:8 5. Juan 14:27 6. I Cor. 1:30 7. Juan 10:10 8. Efeso 1:14

    Sapagkat ang buong kalikasan ng Diyos ay na kay Cristo nang Siyay maging tao at kayoy ginanap sa Kanya. Siya ang ulo ng lahat ng kapamahalaan at pamumuno. Col. 2:9-10

    IV. Ang Bunga ng Banal na Espiritu

    Galacia 5:22-23 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang utos laban sa ganitong mga bagay.

    1. Deut. 6:4-5; Mateo 22:37-39; Juan 14:15 2. I Tesalonica 1:6; Santiago 1:2; Fil. 4:4 3. Juan 14:27; Mateo 5:21-26 4. Roma 5:3-5; Santiago 1:2-4

  • 20

    5. Roma 2:4; Colosas 3:12-13 6. Mateo 5:6; 25:31-46; Santiago 1:14-16; 7. Heb. 11:1; 2 Co. 4:18; Awit 42:1-2 8. Mateo 5:3-5; 18:3-4; Fil. 2:1-11 9. Roma 8:9; 12:1-2; Mateo 6:7

    Pagsasanay:

    1. Memoryahin ang Roma 8:16 Ang Espiritu nga ang nagpapatotoo, kasama ng ating espiritu, na tayoy mga anak ng Diyos.

    2. Natitiyak kong ako ay anak na ng Dios dahil:

    a. namamasyal lang sa akin ang Banal na Espiritu kung gusto ko lang.

    b. hinahayaan kong malampasan na lang Niya ako. c. naniniwala akong naninirahan na Siya sa aking puso at palagi

    Niya akong binabantayan at inaalagaan. d. hanggang ngayon ay sinisikap ko pa na ang Banal na Espiritu ay

    manguna sa aking buhay. e. Iba pang sagot__________________________

    3. Magpapa-alaga ka ba ngayon sa Banal na Espiritu? a. Oo _____ b. Hindi _____

    Pagtatapos.

    Nananahan sa iyo ang Banal na Espiritu bilang permanente mong Yaya

    (Tagapag-alaga, gabay, tagapagturo). Malalaman mong kasama mo Siya sa pamamagitan ng Kanyang mga paggawa.

    1. Tinitiyak Niyang ikaw nga ay anak ng Dios. 2. Pinakikilos ka Niya upang isakatuparan mo ang iyong mga katungkulan

    bilang isang bagong Cristiano. 3. Iniingatan ka Niya upang huwag kang magkasala sa Dios at sa iyong

    kapwa tao.

  • 21

    LESSON #7:

    Normal sa isang tao ang maglaro. Mula pa sa pagkabata hanggang siya ay magkaedad na, kaya naman dapat ay mapanatili sa isang taong lumalago ang salitang Laro.

    Ang layunin po ng ating aralin ngayon ay upang matutunan natin na mahalaga pala sa isang tao ang maging masigla ang pisikal na pangangatawan upang siya ay makapaglaro na maayos at tama. Kaya naman po ay susubukan nating pag-aralan ang salitang .

    Marahil ay narinig na ninyo at nabasa ang tungkol sa kilalang softdrinks na POP. Hindi po softdrinks ang ating pag-uusapan ngayon kundi ang salitang Palagiang Oras ng Pagbubulay-bulay. I. Ang mga dapat gawin bago mag POP. A. BIblia, isang notebook, lapis, o ballpen. B. Magkaroon ng takdang upang isagawa ang

    POP. C. Kailangan mo ring magtakda o pumili ng lugar

    kung saan makakapagbasa ka ng Biblia at makakapanalangin ka ng walang sagabal.

    Halimbawa: Marcos 1:35 Madaling araw pay bumangon na si Jesus at nagtungo sa

    isang ilang na pook at nanalangin.

    II. Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng POP. A. .

    1. Isang maikling dalangin ng pagpapasalamat sa Diyos patungkol sa maayos na pamamahinga mo kagabi at sa panibagong araw na iyong kakaharapin nagyon. Hilingin ang patnubay ng Banal na Espiritu sa pagbabasa mo ng Biblia anumang oras mo ito nais isagawa.

  • 22

    B. ang mga talatang nais mong pag-aralan. At subuking itanong ang (5) limang katanungan ito:

    1. Anu-ano ang sinasabi ng mga talata tungkol sa Diyos Ama, kay Jesus-Cristo o sa Banal na Espiritu? Isulat ang mga katangiang nakita at napansin sa mga binasa mong talata.

    2. Anu-ano ang sinasabi ng mga talata tungkol sa iyong sarili? Mayroon bang mga kasalanan ikaw, o pag-uugali na dapat mong baguhin ngayon? Papaano mo kaya ito gagawin?

    3. Anu-anong mga ginawa ng Diyos ang tinutukoy sa mga talatang ito? Ano rin ang mga dapat mong sundin ngayon?

    4. Anu-anong mga pangangailangan o suliranin sa buhay mo, ng iyong mga mahal sa buhay at mga kaibigan ang dapat mong ipanalangin bilang resulta ng pagbabasa mo sa mga talatang ito?

    5. Anu-anong mga pangako dito na dapat sana ay iyong aangkinin at panghahawakan mula ngayon?

    C. sa Pananalangin na sinusunod ang paraang ito.

    1. . Sambahin ang Diyos at gamitin ang mga katotohanan na

    iyong natuklasan sa tugon mo sa limang katanungan.

    2. . Ipahayag mo ang iyong mga nagawang kamalian at mga

    kasalanan sa Panginoon ng buong taimtim sa puso, isip at kaluluwa.

    3. . Pasalamatan mo ang Diyos sa mga talatang iyong binasa na

    nagbigay linaw, kagalakan at kapayapaan sa iyong sarili.

    4. . Ipanalangin mo naman ngayon ang nais

    ng Diyos mula sa iyong personal na buhay, sa iyong pamilya, at ibang mga tao. Isama mo rin ang ating bansa, bayan, barangay at lalo na ang mga namumuno dito.

  • 23

    III. Pagtatapos.

    Isaias 40:30-31 Kahit kabataan ay napapagod atnanlulupaypay. Ngunit ang nagtitiwala kay Yahweh ay magpapanibagong sigla. Ang lakas nilay matutulad sa walang pagod na pakpak ng agila. Silay tatakbo nang tatakbo, ngunit di manghihina. Lalakad nang lalakad, ngunit di mapapagod.

    Makikita po natin dito ang nakakahamong pangako ng Diyos sa pagsasagawa natin ng POP. Tatanggap po tayo ng sapat na upang magawa natin ang mga gawain at maharap natin ang anumang suliranin ng ating buhay.

    IV. Pagsasanay:

    1. Subukang memoryahin o sauluhin ang Marcos 1 :35.

    Madaling araw pay bumangon na si Jesus at nagtungo sa isang ilang na pook at nanalangin.

    2. Pasimulan mo ang iyong POP bukas ng umaga.

    * Pumili ng angkop na oras at tamang lugar. a. Basahin ang Juan 15:1-17. b. Subukang gamitin ang POP at ang (5) limang katanungang

    gabay sa pag-aaral. c. Isulat sa isang maliit na notebook o papel ang mga sagot mo

    sa (5) katanungan.

    3. Pagkaraang masagutan ang (5) limang katanungan, magpatuloy ka sa apat na P. a. Pagsamba. b. Pagpapahayag. c. Pagpapasalamat. d. Paghiling.

    4. Pumili muli ng talatang iyong babasahin sa susunod na (6) anim pang araw. Halimbawa: Ikalawang araw = Juan 3:1-21

  • 24

    Ikatlong araw = Juan 6:1-15 Ikapaat na araw = Juan 10:1-21 Ikalimang araw = Juan 13:1-20 Ika-anim na araw = Juan 14:131

    V. Pananalangin. (Tanging kahilinganpersonal/pamilya)

  • 25

    LESSON #8:

    Ang tunay mong kaibigan, kasangga, kapuso, kabag-ang, kasagpi, kapamilya at kabarkada ay ang iyong buong sambahayan. Ang tunay na pamilya, mga kaibigan at kabarkada ay lubhang napakahalaga para sa atin. Bilang tagasunod ng Panginoong Jesus, kinaka-ilangang malaman natin ang Kanyang sinasabi tungkol sa ating tunay na at mga kabarkada. Ngunit kailangang magsimula muna tayo sa pagkilala kung sino ba ang tunay na mga kaibigan o alagad ni Jesus?

    I. Sino ba ang tunay na Cristiano?. A. Isang simpleng paglalarawan ang tutulong sa atin upang maunawaan natin kung sino tayo. B. Sa Paglalarawang ito, ang maliit na bilog ay kumakawatan sa tunay na grupo na itinatag ni Jesus, (Cristianismo), na nasa loob ng malaking bilog (Sanlibutan). (Juan 17:11a) At ngayon, akoy papunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila

    1. Dito ay makikita natin na ang ay nasa sanlibutan, subalit ang Iglesia ay hindi sa sanlibutan. (Cristiano, Gawa 11:26 at doon sa Antioquia unang tinawag na Cristiano ang mga alagad)

    2. Nangangahulugan ito na sa kalikasang buhay at gawain ang Iglesia ay at hiwalay sa sanlibutan.

    3. Ang paghihiwalay na ito ang nagbibigay sa atin ng mahalagang kahulugan ng Iglesia.

  • 26

    II. Ano ba ang Iglesia? D. Tinawag.

    1. Ang orihinal na salitang Griego para sa Iglesia ay ekklesia. ek = ang kahulugan ay tinawag klessia = ang kahulugan ay bayan o tao.

    2. Ang Iglesia ay binubuo ng mga tao na ng

    Diyos sa pamamagitan ng Mabuting Balita.

    3. Sa oras na marinig ng tao ang panawagan ng Mabuting Balita at siyay magsisi ng kanyang mga kasalanan at siyay sumampalataya kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas, sa oras ding yaon ay ihihiwalay niya ang kanyang sarili mula sa gawa ng sanlibutan at na siya sa kalipunan ng mga taong tinawag ni Jesus.

    Colosas 1:12-13 At magpasalamat kayo sa Ama, sapagkat

    minarapat niyang ibilang kayo sa mga hinirang na magmamana ng kaharian ng kaliwanagan. Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak.

    E. ng Diyos.

    1. Isa pang pangalan na ibinigay sa Iglesia ay ang Sambahayan ng Diyos.

    2. Ang sinuman na nasa sanlibutan at anak ng Diablo. Kaisa sa Sambahayan ni Satanas.

    Juan 8:44 Ang Diablo ang inyong ama, at kung ano ang gusto niya, iyon ang inyong ginagawa. Siyay mamamatay-tao na sa simula pa, at kalaban ng katotohanan, at di matatagpuan sa kanya ang katotohanan kahit kailan. Kung siyay nagsisinungaling, likas na ito sa kanya, sapagkat siyay sinungaling at ama ng kasinungalingan.

    C. Ang Katawan ni Cristo.

    1. Sa oras na ang isang tao ay tunay na tumanggap

  • 27

    kay Cristo bilang Panginoon ng kanyang buhay, sa oras ding yaon ay tinanggap niya ang Banal na Espiritu bilang nananahang ng Diyos, at sa oras ding yaon siyay magiging bahagi ng ni Cristo.

    2. Ang mga tao sa maliit na bilog ay katawan ni Cristo, ang mga tao na nananatili sa malaking bilog ay nagpapatuloy na namumuhay na ni Cristo. III. Ang Gawa ng Sanlibutan sa mga Cristiano.

    1. Juan 3:19,20 Hinatulan sila sapagkat naparito sa sanlibutan ang ilaw (si Jesus, sa

    Juan 14:6) ngunit inibig pa ng mga tao ang dilim kaysa liwanag, sapagkat masama ang kanilang mga gawa. Ang gumagawa ng masama ay ayaw sa ilaw, at hindi lumalapit dito upang hindi mahayag ang kanyang mga gawa.

    2. Juan 7:5

    Maging ang mga kapatid ni Jesus ay hindi sumampalataya sa kanya. IV. Paano Pinakiharapan ng mga Cristiano ang Sanlibutan?

    1. Tayo na nasa maliit na bilog ay kinakailangan na palagian nating dalhin ang mga tao mula sa malaking bilog patungo sa maliit na bilog.

    2. Ang ating ay kinakailangang tulad ngkay Cristo. Lucas 19:10 Sapagkat naparito ang Anak ng Tao upang hanapin at iligtas ang mga naligaw.

    3. Dapat tayong mga Cristiano ay kay Cristo. Lucas 14:27 Ang sinumang hindi magpasan ng sariling krus at

    sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.

  • 28

    V. Sino naman ang Totoong Barkada ko ngayon?

    A. Ang lahat ng Cristiano ay ang ating buong sambahayan, ngunit mayroon din tayong maliliit na tunay na mga kabarkada sa pamilyang Cristiano. Mula ngayon ay kinakailangan nating mamuhay, gumawa, at mawiling kasama ng mga Cristianong natin.

    B. Upang kawilihan natin ang bagong sambahayan at barkada

    natin kay Cristo, dapat tayong sa batas ng pag-ibig. Juan 13:34,35) Isang Bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: mag-ibigan kayo! Kung paanong iniibig ko kayo, gayon din naman, mag-ibigan kayo. Kung kayoy mag-iibigan, makikilala ng lahat na kayoy mga alagad ko.

    1. Ang nilalaman ng batas na ito ay: Dahil sa mahal ako ni Cristo at ang ibang Cristiano ay mahal din ni Cristo, dapat ko rin silang mahalin tulad ng pagmamahal sa akin at sa kanila ni Cristo.

    2. Kung matutuhan mong ipamuhay ang batas ng pag-ibig na ito sa iyong kaugnayan sa ibang mga tao, matutuklasan mo at mararansan na ang sambahayang Cristiano ay nagiging .

    VI. Pagtatapos at Pananalangin.

    Hindi ito nangangahulugan na dapat mo nang kalimutan o itakwil ang iyong tunay na kasambahay at mga dating kaibigan. Nangangahulugan lamang ito na si Cristo ay naging Panginoon ng lahat mong mga kaugnayan, at ikaw ay handang sundin si Cristo.