9
SIBIKA AT KULTURA – Reviewer Ikaw ay mamamayang Pilipino kung mamamayan ka ng Pilipinas o ang iyong mga magulang ay Pilipino. Kapag ang magulang ay Pilipino, ang anak ay Pilipino rin saan man sya ipinanganak. Ang isang tao ay pwede maging mamamayan batay sa lugar ng kapanganakan. .Ang pagkamamamayan ng anak ay itinakda ng pook ng kapanganakan niya anuman ang pagkamamamayan ng ina at ama. Halimbawa, ang batang isinilang saEstados Unidos na ang mga magulang ay Pilipino ay mamamayang Amerikano ngunit mamamayang Pilipino rin. Magkakaroon siya ng dalawang uri ng pagkamamama Pilipinas – ay nahati sa tatlong pulo. Ang LUZON VISAYAS at MINDANAO. Luzon – pinakamalaking pulo Mindanao – pangalawang pinakamalaking pulo Visayas – pinakamaliit na pulo sa talto Iba iba ang Uri ng mamamayang Pilipino. LUZON Igorot – mga taga Ifugao Ilocano – mga taga ilocos at la union Pangasinense – taga pangasinan Pampangueno – mga taga pampanga Bulakeno – taga bulakan Tagalog – Sa metro manila Caviteno – taga Cavite Bikolano – taga bicol VISAYAS Bisaya – cebu Ilonggo – Iloilo Aklanon – aklan/boracay Waray – samara/leyte MINDANAO Zamboangueno – zamboanga Davaoeno – Davao MGA KATANGIANG PISIKAL NG MGA PILIPINO

Sibika at Kultura

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Sibika at Kultura

SIBIKA AT KULTURA – Reviewer

Ikaw ay mamamayang Pilipino kung mamamayan ka ng Pilipinas o ang iyong mga magulang ay Pilipino. Kapag ang magulang ay Pilipino, ang anak ay Pilipino rin saan man sya ipinanganak.

Ang isang tao ay pwede maging mamamayan batay sa lugar ng kapanganakan.

.Ang pagkamamamayan ng anak ay itinakda ng pook ng kapanganakan niya anuman ang pagkamamamayan ng ina at ama. Halimbawa, ang batang isinilang saEstados Unidos na ang mga magulang ay Pilipino ay mamamayang Amerikano ngunit mamamayang Pilipino rin. Magkakaroon siya ng dalawang uri ng pagkamamama

Pilipinas – ay nahati sa tatlong pulo. Ang LUZON VISAYAS at MINDANAO.

Luzon – pinakamalaking puloMindanao – pangalawang pinakamalaking puloVisayas – pinakamaliit na pulo sa talto

Iba iba ang Uri ng mamamayang Pilipino.

LUZON

Igorot – mga taga IfugaoIlocano – mga taga ilocos at la unionPangasinense – taga pangasinanPampangueno – mga taga pampangaBulakeno – taga bulakanTagalog – Sa metro manilaCaviteno – taga CaviteBikolano – taga bicol

VISAYAS

Bisaya – cebuIlonggo – IloiloAklanon – aklan/boracayWaray – samara/leyte

MINDANAO Zamboangueno – zamboangaDavaoeno – Davao

MGA KATANGIANG PISIKAL NG MGA PILIPINO

- itim at bilugang mga mata - kayumangging kulay ng balat - katamtamang tangos ng ilong - itim at unat na buhok - katamtamang taas at tindig

Page 2: Sibika at Kultura

ANG PILIPINAS SA MAPA

Ang Pilipinas ay nasa ASYA, dakong TIMOG SILANGAN sa mapa ng mundo.

MAGAGANDANG TANAWIN AT POOK PASYALAN SA PILIPINAS

LUZONRice Terraces – matatagpuan sa Banaue, Ifugao

Baguio City – Maraming pook pasyalan dito gaya ng mines view park at iba pa. Ito ang pinakamalamig na lugar sa pilipinas.

TAAL VOLCANO – Ito ay natatanaw sa TAGAYTAY CITY

MAYON VOLCANO - albay

HUNDRED ISLANDS – pangasinan

Page 3: Sibika at Kultura

PAGSANJAN FALLS – Laguna

VISAYAS

CHOCOLATE HILLS – bohol

BORACAY Beach – AKLAN

MAGELLAN’s CROSS – Cebu

Page 4: Sibika at Kultura

SAN JUANICO BRIDGE – pinaka mahabang tulay na nag dudugtong sa Samar at Leyte

MINDANAO

MT. APO –pinakamataas na bundok sa pilipinas. Matatagpuan sa Davao

MARIA CHRISTINA FALLS – ILIGAN CITY at TINAGO FALLS

Pangalawang pinaka mataas na talon sa pinas

MGA LIKAS NA YAMAN NG PILIPINAS

Page 5: Sibika at Kultura

Yamang Lupa

Ito ay tulad ng mga bundok, gubat, burol, talampas, malawak na kapatagan at

lambak. Karamihan ng mga lupa sa pilipinas ay ginagamit sa agrikultura.

Karaniwang itinatanim dito ay palay, mais, prutas, gulay, kape, at kakaw.

Malaking bahagi ng ani sa mga lupain ang tinatawag na aning pangkomersyal

tulad ng niyog, tubo, abaka, tabako, goma, kapok at iba pa.

Burol – maliliit na bundok Bulkan -

Talampas –patag na lupa sa toktok ng bundok kapatagan – patag na lupa (walang bundok)

lambak ay patag na lupa na pinapaligiran ng dalawang bundok

Bulubundokin matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.

Yamang Tubig

Page 6: Sibika at Kultura

Karagatan - Ang pinakamalaking anyong tubig.Bahagi nito ang dagat.

Dagat - Malaking anyong tubig, ngunit mas maliit sa Karagatan.

Ilog - Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. nagmula ito

sa maliit na sapa at itaas ng bundok o burol.Ang Pilipinas ay mayroong 132 na ilog.Dito

nanggagaling ang kabuhayan ng mga mamamayang naninirahan sa tabi nito.

Golpo - Bahagi ang golpo ng dagat.Karaniwan itong nasa bukana ng dagat.

Lawa - Isang anyong tubig na naliligiran ng lupa.Hindi umaagos ang tubig na nagmumula sa

anyong tubig na ito.

Look - Tinatawag na look ang isang malaking bahagi ng katubigang papasok sa kalupaan.

Page 7: Sibika at Kultura

Bukal - Tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.

Kipot - Isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig

tulad ng dagat o karagatan.

Talon - Bumabagsak na tubig pababa mula sa ilog o sapa na karaniwang nasa mataas na

lugar o bundok.

Batis - Ilug-ilugan o saluysoy. Patuloy na umaagos.

Sapa - Maliit na anyong tubig. Kadalasang natutuyo pag tag-init.

Page 8: Sibika at Kultura

 Yamang Mineral

Isa sa mga pangunahing industriya na nagpapataas ng reserbang dolyar ng

bansa ay ang ating mga mineral na yaman.

     ♣Metalikong Mineral- binubuo ng mga metalikong mineral tulad ng ginto,

bakal, nickel, tanso, uranium, cadmium, chromite, manganese at zinc.

     ♣Di-Metalikong Mineral- binubuo naman ito ng mga merkuryo, flourine at iba

pang di metalikong mineral

Yamang Tao

Ang dami ng tao sa isang bansa ay nagpapakita ng lawak ng potensyal na

yamang tao.Ito ang mga taong nagtatrabaho sa isang bansa at may kakayahang

magpaunlad sa layuning mapaunlad ang isang bansa. Tinatawag din silang likas

dahil sila ang nangangasiwa ng mga ibang likas na yaman at utak sa interaksyon

sa pamilihan.