47
SIGAW ng SEAMAN Clint Mark Ironico Bañes Page 1

SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

  • Upload
    others

  • View
    15

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 1

Page 2: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 2

©Clint Mark “Ironico” Bañes

All Rights Reserved.

Page 3: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 3

Ang Seamanunulat

Si Clint Mark “Ironico” Bañes ay isang

Lisensyadong Chief Mate at aktibong

Marino sa Container at Bulk na mga

Barko. Sa kasalukuyan ay nag-aaral ng

kanyang Master’s Degree in Maritime

Management sa pamamagitan ng

Distance Learning Education. Siya ay isa ring “Certified Maritime

Instructor at Assessor”. Siya ang makata sa likod ng mga ‘viral poems’ tungkol sa

seafaring kagaya ng “I’m sorry, I’m just a Seafarer”, “Because your

Father is a Seafarer” at marami pang iba. Ang bawat kwento at

tulang nakapaloob sa librong ito ay may layuning magbigay ngiti at

aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at

hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga

sarili niyang katha upang maibahagi ang mga kraniwang

sentimiyento ng karamihan sa kanyang mga kapwa marino.

P.S.

Sa mga gustong mag-avail ng isa pang Free E-book ay magsubscribe

lamang sa link >>> FREE-EBOOK!

Maraming Salamat! Enjoy Reading!

Page 4: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 4

Nilalaman

Ang Seamanunulat .................................................................................................. 2

Nilalaman .................................................................................................................... 2

Bakit ka nga ba Nag-Seaman? ............................................................................ 2

Ang Simpleng Hiling ................................................................................................ 2

Ang Sayaw ng Dagat ............................................................................................... 2

Ang Allotment ............................................................................................................ 2

Ang Alamat ng Seamanloloko ............................................................................. 2

Ang Star Witness na si Messi! .............................................................................. 2

Ang Manoy, Bow! ...................................................................................................... 2

Natuto na si Tolo ...................................................................................................... 2

Dalawang Uri ng Marino ....................................................................................... 2

Ang Seaman ay para sa Lahat ............................................................................ 2

LDR: Lupa-Dagat Relationship ........................................................................... 2

Ang Aking Polaris ..................................................................................................... 2

Sigaw ng Manlalayag ............................................................................................. 2

Mahal, Salamat sa Katatagan ............................................................................. 2

Patawad, pagkat ako’y Seaman Lamang ...................................................... 2

Mensahe sa Loob ng Bote ...................................................................................... 2

Laya na! ........................................................................................................................ 2

Page 5: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 5

Ang Timonil

-Ironico-

Ang malawak ng

karagatan ay kanya nang

nalakbay,

Natikman ang pait ng

tadhana at alat ng buhay,

Ngunit sa bandang huli ay

‘di nakamit ang tagumpay,

At namutawi sa labi: “Ito marahil ang aking kapalaran, Hay…”

Ang buhay ay isang barkong ipinagkatiwala ng Panginoon,

Mahalin mo’t pahalagahan; ikaw ang humawak ng Timon.

‘Wag kang patatangay sa agos patungo sa maling direksyon,

Higpitan mo ang hawak hanggang marating ang destinasyon.

Page 6: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 6

Bakit ka nga ba Nag-Seaman?

Pera-pera lang ba? Dahil ba malaki ang sahod? O Upang

malibot ang mundo ng libre? O di kaya’y masilayan ang

nakakabighaning ganda ng iba’t-

ibang lahi? Marahil lahat ng iyan ang

naging rason mo kung bakit ka

nagseaman. Bakit ko alam? Kasi

iyan mismo ang naging dahilan

ko, dati…

Subalit nang ako na ay maging ganap na seaman ay aking

napagtanto.

Ang buhay sa barko ay isang malaking sugal.

Kapalaran ang kadalasang “Bangca”…

Bawat isa ay “Tahor”…

Oras ang taya… kung minsan, buhay…

At sa bawat pagpinta ng baraha ang pagbabakasakaling

manalo sa laro.

Page 7: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 7

Ang tanong:

Bakit karamihan ay umuuwing talunan?

Bakit nauubos ang “oras” na taya?

Kasi mahirap kalabanin ang kapalaran…

Hindi-hindi ka mananalo sa sugal na oras ang taya…

Payong-kabaro…

Maglakas-loob kang maging “Bangca”.

Huwag kang umasa sa baraha ng kapalaran…

Ayusin mo ang iyong layag…

Tumbukin ang destinasyong nais mo…

Huwag mong sayangin ang tayang oras…

Nang sa gayon, sa iyong pagdaong mo sa pantalan ng

tagumpay; ay naroon ang lahat ng mahal mo sa buhay…

Nakangiti ang naghihintay sa iyo…

Page 8: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 8

Ang Simpleng Hiling

Sapat na sa akin na may

pamilyang nagmamahal ng

totoo…

“Yung tipong kahit walang-

wala ka na ay sumusuporta

pa rin sa’yo…

‘Yung tipong di gatasan ang tingin sa’yo, kundi isang normal

na tao na minsan ay napapagod rin;

‘Yung tipong nakakaunawa na ang bawat dolyar na iyong

kinikita ay katumbas ng sakripsiyong iyong ginagawa…

‘Yung tipong hindi demanding at nakakaintindi ng tunay na

buhay ng marino,

Kung ano lang ang kaya mong ibigay, masaya na sila noon.”

Sapat na sa akin ang makasampa ng barko, kahit ‘di man

kalakihan ang sahod…

Basta’t ang mga kasama ay marunong ng salitang

pagpapahalaga at respeto…

Page 9: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 9

Yung tipong kahit mahirap ang mga trabaho, ay nagagawa

pa ring tumawa sa mga biro…

Yung tipong may masasandalan ka; may kaagapay ka sa

bawat unos ng karagatan…”

Sapat na sa akin yong may isang babaeng magmamahal sa

akin ng tapat.”

‘Yung tipong kahit wala ka pang nararating, ay naniniwala

pa rin sa’yong kakayahan…

‘Yung tipong kahit malayo ka, ay alam na alam mong

mapagkakatiwalaan…

‘Yung tipong di ka iiwanan sa ere, at kayang maghintay

kahit balot na ng kalungkutan…

Kaya lang…

Minsan ang “sapat” ay kayhirap mahanap…

Tila bituin sa likod ng makapal na alapaap…

Simple lang naman ang hiling namin ‘diba?

Bakit minsan ang “simple” ay pinapakomplika…?

Page 10: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 10

Ang Sayaw ng Dagat

Isang oras pa lang sa ‘duty’ ang aking nabubuno,

Ngunit sikmura ko ay tuluyan ng sumuko,

Masarap na tanghalia’y isinuka ng buo,

Hayzz…Ganito talaga minsan ang buhay-barko…

Marahil totoong ‘di naman

laging ganito,

Pero Bakit Ngayon pa? Eh,

araw Ngayon ng Linggo!

Nakakalungkot lang, sira

na ang mga plano,

Eh pano? Ang hapdi na ng

tyan ko, ‘aray ko!’

Sa pangatlong pagduwal, berde na ang likido,

Kasabay ng panalangin, “Lord, Tulungan mo naman ko…

Sana pagbaba ko sa’king nagkalat na kwarto,

Ay kumalma na ang dagat at nang makatulog ako.”

…Balang araw, malambot na sikmura ay titibay,

At katuparan ng mga pangarap ay sasabay,

Ang sakit at hirapay bahagi ng paglalakbay,

Patungo sa pwerto na kung tawagin ay “Tagumpay”.

Page 11: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 11

Ang Allotment

Si Toto ay namulat sa pait

ng kahirapan, At minsan ay

umasam ng konting

kaginhawaan. Upang

makapag-aral, siya ay

iginapang ng mga magulang; hanggang makapagtapos sa

kursong Pagsi-seaman.

Pagbabarko lamang ang tanging paraan, upang makaahon

sa kadukhaan, at nang mag-umpisa na siyang

makipagsapalaran sa mga alon ng karagatan, iisa lamang

ang nasa kanyang isipan-ang makabawi sa mga magulang,

at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang

pamilyang kinagisnan.

Kaya sa tuwing katapusan ng buwan, sa pagdating ng araw

ng sahuran, sa pagnanais na mapasaya ang magulang,

buong-buo at walang pakundangan, matatangap ni inay at

Page 12: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 12

itay ang allotment na nakalaan; madalas labis pero hindi

pwedeng magkulang.

Katas ng pawis at kalungkutan, kapalit ay biglaang

kasaganaan. Kaya sila’y bili dito, bili diyan, nag-aasta na tila

mayaman, lahat ng rangya ay nais matikman, inaakalang

wala ng katapusan ang tinatamasang karangyaan.

Hanggang sa dumating ang araw na

pinangangambahan, Si Toto ay mayroon ng kinagigiliwan,

nagpaalam na ibig na nitong pakasalan, itong dalagang

itago natin kay Nene ang pangalan. Hala! Naalarma si itay

at inay, pati si Tiyoy at si Tiyay, nakisawsaw pati mga

kapitbahay. At dahil nga sa pera sila na ay nasanay, at

kapag si toto ay sa tahimik na lumagay, patay! Baka ang

allotment sumablay! haha

Tuloy itong kawawang si nene; na ang alay sana ay

pag-ibig na walang halong pagkukunware, ay walang

kamuwang-muwang sa mga pangyayare. Sa likod ng

kanilang pakikisama at ngiti, ay mayroon pa lang nakakubli,

hinanakit at panggagalaiti, sapagkat ang allotment na dati

ay walang kahati, Ngayon ay nasa bingit na ng “fifti-fifti

(50/50).haha

Page 13: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 13

Ang tanging katanungan, sino nga ba ang may

kasalanan?

Oo! Si toto ang may kagagawan. Kung sa umpisa pa

lamang ay kanya nang naisipan ang maaring kahihinatnan

kapag labis na pera ang makasanayan ng pamilyang

pinahahalagahan, Edi sana’y kanya ng nilimitahan ang

allotment na nakalaan, upang kanyang makamtan ang

matiwasay na pag-uunawaan, at totoong pagmamahalan sa

pagitan ng Babaeng pakakasalan at ng kanyang mga mahal

na magulang.

P.S.

Paano makakamtan ang tunay na kasaganaan,

Kung pera lamang ang tanging sukatan?

Paano masasabing matagumpay ang magulang?

Kung ang mga anak ay itinuturing na gatasan?

Gaano nga ba kalaki ang sapat?

Sa taong sa kahirapan ay namulat?

Marahil ang sagot ay nasa aklat,

Kaya toto, ‘Pag may time,

Try mu ring magbuklat-buklat…

Page 14: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 14

Noong unang panahon, likas

ang ‘katapatan’ sa puso ng

bawat marino…

Subalit nagsimulang magbago

ang lahat dahil sa isang

pangyayari… Tsk…

Sa pangalang “Boknoy” natin siya itago… Dahil namulat sa

kahirapan ay naging masipag at matino… May hitsura

maliban sa angking talino…

Ngunit maaga siyang tinamaan ng pana ni Kupido; umibig

sa isang dilag at “JoyJoy” ang palayaw nito… Maganda,

makinis, at laging mabango…

Ang Alamat ng Seamanloloko

Ooright!

Page 15: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 15

Akala ni boknoy ay natagpuan na niya ang pag-ibig na

panghabang-buhay sa katauhan ni JoyJoy… Tsk… Akala lang

pala…

Sa unang pagsampa niya sa barko, ang tanging naiwan sa

kapareha ay ang pulidong pangako:

“JoyJoy, kahit ako man ay nasa malayo, asahan mong ako’y

iyong-iyo… Ang hiling ko sana’y hintayin mo ako… Isaisip at

isapuso ang aking mga pangako.. Mahal na mahal kita, at ikaw

ang buhay ko…

Lumipas ang anim na buwan at si JoyJoy ay nabalot ng

kalungkutan… Sa isang malamig na gabing dumaan, habang

puno ng pangungulila sa yakap ng katipan, ay nakalimot sa

pangako ng tapat na pagmamahalan… Tsk..

Dala ng pagkasabik sa tawag ng laman ay binalot ng

kadiliman ang katinuan… Hanggang sa ‘di na niya

namalayan, nakahiga na pala sa kandungan ng isang

lalaking kaibigan… Magdamag silang naglaro ng habulan at

taguan, na wala ni anumang saplot sa katawan, at iyon

Page 16: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 16

marahil ang dahilan kung bakit lomobo ang kaniyang

tiyan… tsk..

Nang mabalitaan ni Boknoy na buntis na ang kasintahan, ay

tila nilamon siya ng malawak na karagatan… Sumagi sa

kanyang isipan na mas mabuti na lamang na wakasan ang

buhay na tila wala nang patutunguhan…

At sa bawat gabing dumaraan, puno lagi ng luha ang mga

unan…

Hanggang sa lumipas pa ang ilang buwan…

Ang sakit ay unti-unting nabawasan…

At ibinaon n Boknoy sa puso’t isipan…

“Ako’y maghihigante, Hindi pa tapos ang laban!”

P.S.

At doon nagsimula ang lahi ng mga Seamanloloko. Haha

Page 17: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 17

Ang Star Witness na si Messi!

Nangyari ang lahat sa unang araw ng angkorahe sa

bansang Vietnam. Alas dos ng madaling araw, dalawang

dilag ang umakyat ng barko at nang sila’y tinanong kung

ano ang pakay nila; ang

tanging naging sagot nila ay

‘sign language’ na ang ibig

sabihin ay ‘jigi-jigi’ sa termino

ng mga marino. (Hehe)

‘Pagkat wala pang sahod ay minabuti ng guwardiyang

nakaduty na itago natin sa pangalang ‘Messi’ na pababain

na lamang ang mga ito. Ngunit biglang dinakot ng isang Eba

ang alaga ni Messi, hinaplos ng maigi, nilaro-laro ng konti,

paurong-pasulong, atras-abanti; kaya naman ang

kawawang si Messi, abah! Tila nag-enjoy din ng konti. haha

Maladesperadong galawan ang ipinamalas ng mga

ligaw na kaluluwang tila ba’y may balak na masama.

Page 18: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 18

At tama nga ang hinala! Sapagkat may isa pa pala silang

kasama na hindi napansing umakyat sa kabilang gilid ng

barko; at nag-aantay lamang na malingat sina Messi! At yun

nga, pagkalipas ng ilang sandali, mga alas tres ng madaling

araw, nagising si Tano (Master) pati na si Kamote(Chief

Mate) at napag-alamang wala na ang cellphones ng mga

ito… Bukas ang mga cabina… At bukas din ang isang pinto

palabas na hinihinalang dinaanan ng magnanakaw na

kasabwat.

Ngunit huli na ang lahat! Wala na ang mga babae,

nakatakas na! Ang tanging naiwan ay ang mapait na alaala

ng kanilang mga nakakainis na mukha, at ang matinding

galit ni Messi ‘pagkat hindi man lang siya hinayaang

makaraos. Tapos ninakawan pa sila! haha..

Anak ng estupa talaga. Haha.. Kinaumagahan, nadiskubreng

pati ang cellphones at relo ng dalawa pang crew ay

nawawala rin kaya napagpasyahan na lamang na tumawag

ng pulis.

Page 19: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 19

Si Messi ang ginawang Star Witness! Nang ipinakita sa

kanya ang tatlong larawan ng mga babae, mabilis pa sa

kidlat ang kanyang ginawang pagkilala sa dalawang

salarin… Marahil siguro sariwa pa sa kanyang ala-ala ang

“sakit ng pagkabitin”…

Kinahapunan, bumalik ang mga pulis dala ang mga gamit

na ninakaw! Ang galing ng mga pulis! Bravo! Nakakabilib!

Kahit kulang ng isang cellphone ang mga narecover nila,

sobra naman ng isa ang relo. May isang relo na may tatak na

“Tissot” ang walang umako sa mga nawalan…

Isang palaisipan kung sino ang nagmamay-ari ng

mamahaling relo. Anak ng Tinapa! Kay Messi pala! Haha..

Di’ nya man lang napansin na wala na pala sa cabina ang

relo nya…

Lesson learned:

“Kapag hinaplos pala ang iyong alaga; nilaro ng konti

ang iyong batuta, at binitin ka sa gitna ng luwalhati at

ligaya, ay ‘di mo mapapansin na ang mamahalin mong

relo mo ay nawawala na!” (haha)

Page 20: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 20

Ang Manoy, Bow!

Nagsimula ang lahat nang masilayan ang kanyang mga

ngiti, Puso’y natisod, mga mata ay nabighani, Pati ang tiyan

na butod, ay napuno ng kiliti, Kasama ang mga pantog, kaya

tila maiihi…Oras ay tumigil sa

kaunting sandali…Kasabay ng

damdaming ‘di nya mawari…

At sa paghinto ng oras ng kay-

ikli…

Ang diwa ay naglakbay

patungo sa hinaharap, Kasama ang dilag na inaasam na

kayakap, Pakiwari’y ay tila ba nasa alapaap. Hiling na sana’y

matupad ang pangarap. Ngunit ang imahinasyo’y naglaho sa

‘sang iglap, Pagkat binasag ng isang tinig na sa tenga’y

kaysarap…“Kuya, excuse me po…” (Huwag kasing paharang-

harang kuya…)

Kahit puno pa ng duda at pag-aalinlangan, Lakas-loob

niyang tanong ang pangalan, “Nene”… sagot ng dalagang

Page 21: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 21

lubos nanaguguluhan…“Kaygandang pangalan; sadyang di-

pangkaraniwan,” (Utot mu Kuya! Di-pangkaraniwan ang

Nene!?) At bago pa tuluyang umalis at magpaalam, Numero

ni Nene’y naiwan ng “di namamalayan” (Nakz Kuya! Iba din

ang galawan!)

At bago pa dumating sa kanyang paroroonan, Tumunog ang

Cellphone, dali-dali nitong binuksan,“Hi Nene! It’s me! Toto…

Paki-”Ligtas” mo nalang diyan! (Ligtas as in Save! Hehe) At

doon na nagsimula ang bigkis ng pagkakaibigan.. Na unti-

unting nahulog sa Pagkaka-IBIGAN..Hayy.. Anong sarap ang

dulot ng tapat na pagmamahalan…Subalit ang ligaya ay

may hangganan…

Si Toto ay kailangan ng sumakay ng barko, iiwan kay Nene

ang isang pulidong pangako,“Asahan mong kahit ako man ay

nasa malayo, Ang puso ko’y mananatili rito, iyong-iyo,

Kailanman ay hindi ko susubukang magloko,‘di ako tulad

nila, pagkat naiiba ako…Hindi ako isang manloloko… (Eh

papaano kung mapako?...)

Page 22: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 22

Isang buwan pa lamang ang mabilis na dumaan, Si Toto’y

naimbitahan na sa labas ay mag-inuman. Tsk… ‘Di niya

matanggihan; pakikisama ay kailangan, Kaya kay Nene ay

’di nya nagawang magpaalam. Ito na ang panahon upang

ating masubukan, Kung gaano nga ba katatag ang kanyang

katapatan...Gaano nga ba katibay si Adan?

Kung ang hain sa harap ay masarap na pulutan? Dalawang

bote ba ay pwede pang dagdagan? Paano kung may

mabangong katabi sa upuan? Na tila naghahamon ng mainit

na labanan? Sa tawag ng laman ba’y kayang magbingi-

bingihan? Paano ang pangakong kay Nene ay iniwan?

Kawawang Toto.. Sa bawat tagay at lagok, Sa init na dulot

ng katabing tila umuusok, Damdami’y unti-unting nagiging

mapusok, “Alaga” sa pantalo’y ‘di mapigilang tumusok-tusok,

tila anumang oras ay tila pwedeng pumutok.. (Alagang

pumuputok? Anu kaya yun? haha) Kawawang Toto.. Isang

mahirap na pagsubok…Ngunit… Ang puso’y si Nene lamang

ang itinitibok…

Page 23: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 23

Malambot na kamay ay kaysarap humaplos, kaya si Toto ay

animo’y presong iginapos, Dama ang “parusang kiliti” na di

matapos-tapos. Hanggang sa masambit na lamang ang

isang utos.. “Inday, kailangan mo akong tulungang

makaraos,.. babayaran na lamang kita pagkatapos… Paano

na si Nene na nagtiwala ng lubos? Tsk..

Akmang tatayo at dideretso na sana sa kwarto, Nang

biglang tumunog ang maliit na telepono, (cellphone), May

tumatawag, ‘di pamilyar ang numero, at nang sinagot,

“Hello! Sino po to?” “SI Tano ito, Toto, balik na kayo dito,

Napaaga alis natin, Baka maiwan kayo.”

Pagdating sa barko, si Toto ay nahimasmasan, Muntikan na

siyang makagawa ng kasalanan,(Muntikan pa ba yon? haha)

Sinisi ang alak sa malaking kahibangan, At biglang sumagi si

Nene sa kanyang isipan…“Mas mainam sigurong ‘wag ko na

lamang ipaalam, Baka magalit ang mahal ko at ako’y

kanyang iwanan…

”Sa kabilang dako… Si Nene ay labis na nasasaktan…

Page 24: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 24

Eh pa’no? May isang kasama si toto, si Pepe, Walang ibang

ginawa sa inuman kundi magselpe, Mabilis pa sa alas

kwatro, mag-upload sa EfBe,

At ang masaklap, naka-”tag” pa kay Toto! Matinde! (Haha!

Patay tayo jan..) Halos mapuno ng luha ang mga mata ni

Nene..Nang makita si Toto, kandong-kandong ang babae…

(Pahamak ka Pepe! Ang sarap mong paluin ng bote! Haha)

Nagpasya si Nene huwag munang manumbat, Hahayaan

nyang si toto mismo ang magsiwalat, Susubukan kung ito ba

ay magiging matapat.. Kahit sobrang masakit, titiisin niya

ang lahat…Kahit tawaging pang martyr, ito’y kanyang

tanggap.. Parte ng pagmamahal ang sakit at pag-

iyak…“Mahal kong Toto… Gising ka na ba?” (Abah, natulog

pala si toto? Haha! Sinungaling!)

Nakonsyensya si Toto sa mensaheng napakatamis, “Okay

naman, mahal ko..Ikaw?” ang sagot niyang mabilis..(Through

Viber ang convo)..Maya-maya’y dumaan si Pepe na may

dalang walis, Sinabi kay Toto, “Andon na sa EFBEE ang mga

pics! Nakatag yon sayo..Sa album ku na “With Some Pretty

Page 25: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 25

Chicks!” (Patay!) Biglang napasigaw si toto! “Anak ng

Lintiks!”

Mga sampung minuto na ang kanyang pag-aantay, Subalit si

Nene ay hindi pa rin nagrereply, Kahit burado na ang mga

litratong may sablay, Naku! Si Toto ay hindi talaga

mapalagay, “Sigurado, ‘pag nakita yon ni Nene! Ako’y patay!

‘Di ko kayang mawala ang Nene ng aking buhay! Tsk…

Sa labis na pag-aalala, Lalong‘di sya mapakale, Kaya naman

binuksan nya muna ang kanyang Efbe…Dumaan sa Newsfeed

ang malungkot na“selpe” ni Nene…Na mayro’ng caption:

“Napakasakit, Kuya Edde…” (Ang saket talaga kuya Ede!)

Wala ng lusot si Toto,’ Di na pwedeng

magkunware..Kailangan na niyang sabihin ang buong

pangyayare… (Nakakahawa talaga ang Selpe Ni Pepe!haha)

“Ipagtawad mo Nene, ako man ay naguguluhan, Natatakot

akong sabihin ang aking kasalanan…Hindi kita pipiliting

ako’y paniwalaan… Ngunit sana man lang, ako ay iyong

pakinggan...Una, Di ako natulog, ako’y nasa labasan…Ako’y

Page 26: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 26

nababad ng ‘konti’ sa sarap ng inuman…” (Konti lang pala

eh… Bah… Malalahad na yata ang katotohanan…)

Sa paliwanag ni Toto na kanyang natanggap, Mas lalong

nasaktan, at ayaw tumahan sa pag-iyak…Basang-basa ang

cellphone sa luhang pumapatak,“Niloko mo ko Toto! Isa kang

hinayupak! Kitang-kita ku sa mga litrato kung anong klase

kang manyak! Nakangisi ka nga , Ano yon?Sarap na sarap?”

Ang mahinhin na si Nene!Nagbeast Mode! Nakakagulat!)

“Mahal ko, Inaamin ko, nagkamali ako… Nangsinungaling

ako’t ika’y aking niloko…Ngunit hindi naman kami

humantong sa kwarto…Walang nangyari sa’min, ‘di nya

ginalaw ‘manoy’ ko…Pramis! Kros my hart! Kahit itaga mo

man sa bato…Yan ang totoo, Gusto mo tawagan pa natin si

Tano?”( Huwag na Toto, Baka bigwasan ka lang ni

Tano!haha )

“Pinaniwala mo ko na hindi ka manloloko, Kagaya ka rin

nila, sa una lang matino! Matapos kong isuko ang perlas ko

sa iyo, Sakit at luha lang pala ang mapapala ko!? Sa iyo lang

Toto, umiikot ang aking mundo…Binuo kong pangarap ay

tuluyang gumuho!”

Page 27: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 27

“Toto… Mas pipiliin ko na lang ang mamatay… Di ko na

kaya ang sakit na iyong ibinigay… At alam ko kung saan

nakatago ang baril ni itay…Goodbay na.. Kitakis na lang sa

kabilang-buhay…”Sunod na narinig ang malakas na Bang!!!

Sabay,

Ang magkasunod na “Kring! Kring! Kring!.. (Telepono)

Oh my gulay!“Toto! Gising na! Oras na ng istambay!”

Whew! Anak ng estupa! Panaginip lang pala! Ngunit ang

aral na mapupulot ay hindi basta-basta..Tinext agad si Nene

at ito’y kinamusta…“Mahal kong Nene… Mahal na mahal na

mahal kita! Sa’king pulidong pangako ika’y magtiwala…’Di

ko kakayaning sa buhay ko’y ika’y mawala… Pangako..

Mamahalin kita ng sobra sobra!

At sila ay namuhay ng masaya… May Forever naman pala!

Haha

Page 28: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 28

Natuto na si Tolo

Nangyari ang kwento sa

isang pwertong nagsisimula

sa Letter “M” sa bansang

sakop ng Kontinente ng

Africa.

Matagal-tagal na rin nang huling makaapak sa lupa

ang ating bida na itatago natin sa pangalang ‘Tolo’.. Mga

dalawang buwan at kalahati siguro…(Hehe)

Ilang araw bago dumaong ang barko sa pwerto ay

panay bukambibig na ni Tolo na gustong-gusto niyang

lumabas pagdikit sa pantalan. Panay ang tanong niya sa

kanyang mga opisyal kung mayroon ba doong lugar na

pwedeng ‘paraosan’ kasi nga tigang na tigang na ang

‘Loko’…

Page 29: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 29

At nang marinig na meron nga, at may mga ‘molata’

siyang maaaring makasagupa; ay tila ba sinisilaban ang

kanyang puwet sa Sobrang excitement…haha

Mga bandang tanghali ay nakadikit na sila… Bandang

alas sais ng hapon, pagkatapos na pagkatapos ng guwardya

ni Tolo ay mabilis pa sa alas Quatro na nagbihis at tumawag

ito ng taxi upang magpahatid sa sinasabing paraiso ng mga

Molata…

Mga bandang alas onse ng gabi, umuwi si Tolo na abot

tenga ang ngiti! Solve na solve ang loko… Molatang

matangkad at may tayong-tayong mga dibdib daw ang

kanyang nakasagupa sa kama…

At nasambit pa ni tolo na sa pangalawang round ay di

na siya gumamit ng kapote… kasi tila malinis at mabango

naman daw ang babae… (Bah! Inamoy talaga! Petmalu!)

Di pa nakontento ang ating bida.. Sumunod na araw ay

bumalik siya ulit doon at nagtampisaw sa batis ng paraiso…

Makalipas ang apat na araw; ang aming barko ay

tuluyan ng nakabitaw… nakaramdam si Tolo ng pananakit

ng ulo… Sa katunayan, dalawang ulo ang sumasakit sa

kanya…

Page 30: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 30

At may niluluwang likido ang pangbaba niyang ulo!

Patay! At sa tuwing umiihi siya ay tila lahat ng bathala

ay kanyang nasasambit sa sobrang sakit!

At yun nga! Nadale si Tolo ng sakit na ‘Tulo’!

Di hamak na pagsisisi ang kanyang naramdaman…

maraming pangungutya mula sa kanyang mga kasamahan

ang kanyang natanggap…

Muntikan na siyang pauwiin sapagkat hindi siya

makapagtrabaho ng maayos…

Kaya ipinangako ni ‘Tolo’ na hindi-hindi na “daw” siya

uulit…

Ngayon ay magaling na si Tolo at bumalik na ang

kanyang dating sigla.. haha

Sana’y magsilibing aral itong kwento ni ‘Tolo’… hahaha

Page 31: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 31

Dalawang Uri ng Marino

Dakilang propesyon ang

pagiging manlalayag.

Kailangan ng tapang,

kailangan ng bayag. Ngunit

hindi literal ang nais kong

ipahayag. Kaya mga parekoy, huwag namang hibang, mga

itlog ay huwag namang ipagyabang..

Minsan ako'y may nakausap, isang beteranong marino.. At

nang sya'y tinanong kung likas ba sa seaman na maging

babaero.. Abah sinagot ako ng isang lohikang meron

namang punto kahit papano..

"Alam mo Totoy, ang libog ng Marino ay tulad din ng

pagtatae.. Lalayo kapa ba kung anjan na ang banyo sa yong

tabe?? Kasi minsan lang may palay na lalapit sa manok...

Kaya tukain mo na habang walang matang nakatutok.. "

Page 32: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 32

Gusto ko syang supalpalin ngunit ayokong makipagtalo..

Ang lohika ni Tanda ay pananaw ng isang manloloko...

Kaya ang nasabi ko lang, "Kunsabagay may punto po kayo"..

Pero sa loob loob ko, eto ang nasa isip ko..

"Marahil ang pagtatae ay di pwedeng pigilan.. Nakakahiya

naman kasing magpasabog ng walang paalam.. Ngunit ang

Libog ay kontrolado ng ating isipan .. Kasi wala pa namang

itlog na pumutok dahil di naraosan.. Tama ba??

Kasi ang totoo..

Aanhin mo nga naman gintong alaala ng kahapon.

Kung sa kinabukasa'y tanaw mo ang gutom?

Aanhin mo ang memorya ng maiinit na tagpo.?

Kung kabiyak ay nanlamig na't wala ng respeto?

Kasi hindi bayag ang sukatan ng pagiging dakilang marino.

Kundi ang "haba" ng pasensya at "tigas" ng prinsipyo,

Magmahal ka ng tapat, at matuto kang makuntento.

Sa huli, ang pag ibig na totoo ang syang tunay na ginto.

Page 33: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 33

Ang Seaman ay para sa Lahat

Seaman at teacher? Uy! Common nay an, huwag nang pagtalunan…

Seaman at Nurse? Naku! Kapwa nakaputi, ang linis tingnan…

Seaman at Employee wife? Ayus! Mas maigi nang may katuwang sa

panahon ng mahabang tambayan…

Seaman at Businesswoman? Okay yan brad, baka maaga kang

makakapagretiro niyan..

Seaman at Housewife? Uy! Pasalamat ka parekoy at ang mga

supling ay mas naaalagaan…

Seaman at dating G.R.O? Huwag naman agad husgahan… Baka

nagipit lang minsan at naibaon na sa limot ang nakaraan…

Seman at OFW? Ba’t naman hindi, basta ang LDR ay huwag

susukuan…

Seaman at Seawoman? Bah! Matinde! Minsan lang yan.. pero di

hamak na sakripisyo ang kailangan…

Eto malupet, Seaman at seaman! Hehe .. Huwag na kayong magulat,

sa panahon ngayon, bukas na ang isipan ng karamihan…

Page 34: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 34

Kasi hindi naman talaga propesyon

ang basehan ng “Forever”…

Nasa katangian ‘yan na panloob, in

English “character”..

Kasi aanhin mo naman ang pagkaganda-gandang trabaho at

panlabas na anyo,

Kung sa loob naman nakakubli ang kulo at baho?

Mapalad ka kung maganda na, mabait at mapagkakatiwalaan pa…

Ang tawag diyan “Complete package..”

Pero kung ang ugali ay masama tapos ang mukha ay hindi pa

pinagpala, abah! Ang tawag naman diyan ay complete garbage!”

Pero ito’y pawang opinyon lamang at marahil para sa’yo ako’y mali,

Kasi naman ang mahalaga ay maingat ka sa iyong pagpili…

Ang Forever na inaasam ay hindi basta-basta ipinagbibili…

Bayaran mo muna ng wagas na pag-ibig bago makuha ang sukli…

Page 35: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 35

LDR: Lupa-Dagat Relationship

Kung karagatan din lang ang

papagitna sa’ting dalawa,

Dalawang lamang ang hiling ng

puso; hayaan mo akong

magsimula.

Sisimulan ko sa daing na anurin ng alon ang aking mga luha;

Luha ng kalungkutan; at anurin patungo sa iyo O’ aking sinta…

SINTA…

Sinta-tag at sintikas ng parola ang alay kong katapatan.

Itapat man sa temptasyon, hinding-hindi guguho kailanman…

Ilan’ mang bagyo o lindol; anumang pagsubok ang dumaan…

Daraana’t lalampasan; pagtatagumpayan nating dalawa…

Pangalawang hiling; sana’y maipon ng ulap ang natirang patak,

Patak ng luhang naiwan ng alon sa kanyang tuluyang pagtahak.

Tatahakin ng ulap ang himpapawid hanggang sa mapadpad,

Mapadpad sa kinaroronan mo; at doon ang ulan ay babagsak…

Sa pagbagsak ay kasama ang luha ng pagmamahal at pagkasabik,

Page 36: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 36

Sabik sa iyong yakap, pag-aaruga’t matamis na halik,

Hahalikan ka ng ulan at sana’y iyong mabatid,

Mabatid mong ‘di hadlang ang karagatan kung tunay ang pag-ibig…

Ibig kong tangayin ng hangin itong bulong ng damdamin,

Damdaming nais na lumipad patungo sa mga baybayin,

Babaybayin ang karagatan nang sa gayon ay marating,

Ang ating dating tagpuan kung saan mo ako hihintayin…

HINTAYIN…

Hintayin mo mahal ang ihip ng hanging kaylamig,

Lamig na nagmula pa sa kabilang panig ng daigdig,

Marinig mo sana ang baong himig ng tapat kong pag-ibig,

Pag-ibig na alay sa’yo lamang, ngayon at kailanman…

Kailan kaya muling mahahagkan ang iyong mga labi?

Labis na akong nasasabik masilayan ang iyong ngiti,

Ngitian mo lamang ako, pagod ay kaybilis na mapawi…

Pag-uwi ay malayo pa… Mahal…Huwag ka sanang maiinip…

Isaisip mo sana lagi ang pangako ng tapat na pag-iibigan…

Pag-ibig na hindi alintana ang lawak at lalim ng karagatan…

Pagkat ang kahulugan ng pag-ibig ay sa’yo ko natagpuan…

Page 37: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 37

Ang Aking Polaris Isang maaliwalas na gabi sa gitna

ng karagatan…

Habang pinagmamasdan ang mga

bituin sa kalangitan…

May isang talang bukod tangi ang ningning…

Animo’y diyamante sa gitna ng buhangin…

Sa sandaling pagtitig sa kumikinang na bituin…

Sumagi sa isip ang ganda mong angkin:

Ang kakaiba mong ngiting bumighani sa akin…

Ang iyong mga labing kaysarap angkinin…

Ang mga mat among kung minsa’y nagungusap…

Sa sana’y ingatan ang pusong nagmamahal ng tapat…

Maya maya’y, isang bulalakaw ang dumaan…

Mabilis ngunit sapat na upang mabigkas ang kahilingan:

“Sana’y hanggang sa huling sandal n gating buhay, Tayong

dalawa ay magkahawak-kamay…”

Page 38: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 38

Sigaw ng Manlalayag

Sa bawat luhang ‘di ko

nagawang punasan, Sa bawat pangungulialang ‘di

ko napunan,

A bawat paglalambing na ‘di ko

nasuklian,

Sa bawat hiling na ‘di ko nagawang tuparin,

Sa bawat mali na ‘di ko hiningan ng paumanhin,

Sa bawat tampuhang ‘di ka nagawang suyuin,

Sa bawat salitang sa dibdib mo ay nagpasikip,

Sa bawat pagdududang hinayaang tumatak sa isip….

Mahal ko, Patawad…

Asamin ko mang maging rason lagi ng iyong mga ngiti,

Hilingin ko mang sa tuwina’y sa pagmulat ikaw ang katabi,

Sa ngayon, marahil ay hindi pa maaaring mangyari…

Ngunit sana’y maging sapat ang pag-ibig kong natatangi..

Mahal ko,

Pagkasabik ko sa iyo ay labis, saksi ang mga bit’win sa langit,

Page 39: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 39

Sa bawat luha ng aking pagtangis, ‘kaw ang rason kung bakit..

Sa pagbayo ng hanging kaylupit at ng along kaybagsik,

Mga mata ay ipinipikit, tinitiis ang bawat sakit…

Sa bawat oras na ako’y gising, lagi kang sumasagi sa isip,

Naaalala ang iyong ngiting kaytamis at mukha mong kayrikit…

Inaasam na ika’y makapiling kahit man lang sa panaginip,

Nang matupad ang munting hiling: mayakap ka ng napakahigpit.

Ilang buwan na lamang ang hihintayin, Puso nati’y muling

pagtatagpuin..

Mga labi’y muling paglalapatin… Tayong dalawa ay pag-iisahin.

At sana’y di na muli pang paghiwalayin…

Tutuyo din ang mga luha, marahil bukas o sa makalawa…

At sa unti-unting pagbuo ng mga pangarap nating dalawa…

Alam kong sa bandang huli, hangga’t walang kamay na bumibitaw…

Mararating din ang rurok ng tagumpay… Ako at Ikaw!

Page 40: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 40

Mahal, Salamat sa Katatagan

Maikot man ang mundo ngunit hindi tungkol sa paglalakbay,

‘Di tungkol sa pera o, sa katuparan ng pangarap kong bahay,

Lalong hindi ang mga dalagang

nagsidaan sa’king kamay,

Subalit ikaw na sinisinta; sa

pagdating mo sa’king buhay,

Alam kong nakamit ko na, ang

tunay na tagumpay.

Tunay kang matatag dahil minahal mo ang tulad ko,

Isang manlalayag na sa mata nila ay isang manloloko,

Tunay kang matatag upang paniwalaan ako,

Gayong alam mong kaya kong hindi magsabing ng totoo.

Ganyan ka katatag upang ako’y iyong ipaglaban,

Sa mga sulsol at paninira ng mga kaibigan,

Tunay kang matatag dahil ako ang iyong pinapanigan,

‘Pagkat pati ang pamilya mo’y pilit akong sinisiraan.

Page 41: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 41

Ganyan ka katatag sa pag-iwas ng mga temptasyon,

Gayong kayraming Hudas ang nag-aasam ng ‘yong atensyon,

Tunay kang matatag upang malupig ang emosyon,

Kayang mag-antay, hanggang sa araw ng aking bakasyon.

Mahal, kahit kaybigat na ng pinapasan mong problema,

Pilit mong kinakaya ‘wag lang akong mag-alala,

Minsan ako’y napaisip dahil lubos na nagtataka,

Ganito ba ako kamahal ng Diyos at ika’y nakilala?

Di ka ba nagsisisi? Puso’y sa’kin ipinagkatiwala?

Lalo na sa mga oras naiiwan ka ulit na mag-isa?

Alam kong hindi ito ang pinangarap mong istorya,

Kaya salamat sa pagmamahal na walang sawa.

Mahal, ngayon, nais kong sa mundo’y ipagsigawan,

Dulot ng pagmamahal mo’y labis na kaligayahan,

Isang kang pangarap na di ko inakalang makakamtan,

Salamat sa Panginoon, at ika’y aking natagpuan.

Asahan mong hanggang sa huli, alay ko’y katapatan.

Page 42: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 42

Patawad, pagkat ako’y Seaman Lamang

Mahal ko,

Hangad kong maging rason lagi

ng yong mga ngiti,

Subalit ‘ di maaari pagkat

magkalayo tayo palagi.

Pasensya na’t isang manlalayag

ang iyong napili,

“Tapat na pag-ibig” lamang ang alay kong natatangi.

Kung hamak na katapatan lamang ang kaya kong ialay,

Sapat na ba kaya? Upang sa akin ikaw ay maghintay?

Oo, mahal… babalik ako… ngunit muli din kitang iiwan,

‘Di ka ba maiinip? Makakaya mo kaya akong ipaglaban?

“Magpapakasal tayo…” Kaygandang musika sa tenga,

Pero sa isang taon, ilang buwan mo lang kasama.

At sa oras ng mga pagsubok ay wala kang katuwang,

Wala kang karamay; wala kang balikat na iiyakan.

Page 43: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 43

Kung tayo man ay magkaanak, kayo’y aking bubuhayin,

Ngunit hindi ako ang klase ng ama na dapat tangkilikin.

Oo, mag-isa mong papalakihin ang ating mga supling,

Ngunit pangako, ako’y babawi sa araw ng aking pagdating.

Patawad mahal, ‘di ko maibibigay ang kumpletong pamilya,

Subalit pangako, babawasan ko ang problema sa pera.

Itatayo ko kayo ng matibay na bahay, lagi ay gagala,

Bibili ng sasakyan at mabubuhay ng may konting rangya.

Balang araw, mga anak nati’y lilisan at magsasarili,

‘Di na ko magbabarko; sa tabi mo ako’y mananatili.

Ipinapangako sa’yo na ‘di na kita iiwan pang muli,

Hawak-kamay lagi hanggang sa ating huling sandali.

Sa Mahal na Panginoon, sa tuwina’y panalangin,

Sa gitna ng karagatan, ‘wag naman sana akong kunin.

Subalit kung magkagayon man, sa Kanya’y aking hihilingin,

Na sa kabilang buhay, tayo ay muli Niyang pagtagpuin.

Patawad mahal... Pagkat Seaman ang iyong minahal…

Page 44: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 44

Mensahe sa Loob ng Bote

Isusulat ko ang liham na ‘to ngunit hindi ko ibibigay sa iyo…

Kung ‘di man ako palarin sa paglalayag , sana’s matanggap mo ‘to…

Isisilid ko sa bote, tatakpan, at itatago…

Hihilingin na sana’y anurin ng alon patungo sa’yo…

Sa aking pagunita sa alaala

ng nakaraan…

Ako’y agad na nabighani nang una kang masilayan…

Tila tumigil sandal ang oras nang ika’y dumaan…

Di ko napigil ang sarili, ‘pagkat kutob ko’y ikaw ang nakalaan…

Hanggang sa tayo’y naging magkaibigan…

At tuluyang kitang naging kasintahan…

Kaysarap umibig, akala ko wala ng wakas ang kaligayahan..

Ngunit sa aking propesyon, kinakailangan kong lumisan..

Sa una kong pag-alis, ‘di hamak na luha an gating pinagsaluhan..

At tanging pangako sa isa’t isa an gating pinanghahawakan…

Page 45: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 45

Mahirap magbarko, ngunit mas mahirap ang malayo sa’yo,

Sa bawat bagyo, sa’yo ako humuhugot ng lakas upang makatayo…

Sa bawat gabi ay inaasam na ikaw ang kayakap ko…

Sa bawat araw ay hangad na masilayan ang natatanging ngiti mo..

Mahal ko, minsan ako’y nagising sa isang panaginip…

Napasigaw sa isang bangungot na sa dibdib ay nagpasikip…

Luha ay di napigil sa Sobrang takot at pangamba,

Paano kung totoo’t di na kita muling pang makita?

Mahal ko, isang sugal ang magmahal ng tulad ko,

Ang pangakong pagbabalik ay may pag-asang mapako…

Alam kong hindi ito ang pag-ibig na pinangarap mo,

Pasensya na Mahal, ‘pagkat napaibig ka ng Marinong tulad ko…

Sa ngayo’y ‘di ko hahayaang mabasa mo ito,

Ang mabalot ka ng lungkot at takot ang s’yang ayoko…

Tadhana na ang nakakaalam ng bukas na naghihintay…

Basta’t tandaan mo lagi:

“Ang pagmamahal ko sa’yo ay panghabang-buhay…”

Page 46: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 46

Laya na!

Di ko maikakaila itong ngiting abot-tenga,

Muli ko nang masisilayan ang iniirog kong sinta…

Sa wakas! Mayayakap at mahahagkan na rin kita,

“Di masukat itong saya… Labis-labis ang ligaya!

Mahal ko, maraming salamat sa iyong paghihintay,

Ikaw ay naging matapat kahit balot na ng lumbay,

Salamat sa katatagan at sa iyong pag-unawa.

‘Di mu kinalimutan ang pangako sa isa’t-isa…

Hindi kayang mahadlangan ng malawak na karagatan,

Ang wagas na pagmamahalan, at tibay ng katapatan.

‘Di man kita nasilayan sa loob ng maraming buwan,

Iyo namang iningatan ang pusong sa’yo ay iniwan.

Sa muli kong pag-apak sa lupang sinilangan,

Ako’y tatayo sa’yong harap, sa mata ay

tititigan,

Hayaan mo akong yakapin ka ng kayhigpit,

Nang maipadama sa’yo ang aking

pagkasabik…

Page 47: SIGAW ng SEAMAN€¦ · aral sa lahat ng makakabasa nito. Lahat ng istorya ay orihinal at hango sa tunay na pangyayari; habang ang mga tula naman ay mga sarili niyang katha upang

SIGAW ng SEAMAN

Clint Mark Ironico Bañes Page 47

Coming Very Soon!

P.S.

Sa mga gustong mag-avail ng isa pang Free E-book ay magsubscribe

lamang sa link >>> FREE-EBOOK! At paki-share nalang din po ng

link na ito sa FB… -Ironico-

“This book is a perfect guide for seafarers who are planning to have a

successful career and be financially wealthy.” –Engr. Rich Magpantay-

This E-book will open your eyes to the reality of a seafarer’s life and will

teach you some practical ways to become the helmsman of your own life

to reach your desired destination at a much earlier time. 2.99 USD

This E-book will reveal to you the secrets of success you can learn having

the vast ocean as your teacher. 10 great lessons of success you can apply

to your own life and will surely help you become the best version of

yourself in all aspects of your life. 2.49 USD

This E-book will answer the most common question among couples who

are in Long-Distance Relationship: “Will it really work?” This will also give

you amazing tips on how you will deal with this unique kind of LDR (Lupa-

Dagat Relationship) to navigate your “Ship of Love” to your destination

called “Everlasting Love.” 2.49 USD

This E-book is the author’s own compilation of the common sentiments of

his fellow seafarers as well as timeless pieces of wisdom gathered in his

years of experience; some of which are in the form of poetry and will

undoubtedly ouch every reader’s heart. As you read this book, the author

suggests you prepare some tissues for the tears you’ll shed. 2.49 USD