2
SKYFAKES Eros Atalia Alas dose na. Nagsilabasan na ang mga kasamahan niya sa opisina. Lunchbreak. Niyaya sya ng mga ito na mananghalian. “Sunod na ako, tatapusin ko lang itong pinapagawa ni Sir, kailangan daw ng 2pm, e” wika niya. Naiwan sya sa opisina. Pinaspasan nya ang trabaho. Unti-unti nang umiinit. Hinubad nya ang blazer. Pinapatay kasi ang aircon sa opisina nila kapag breaktime. 12:40 tapos na ang trabaho. Tinext sya ng mga kaopisina kung nasaan na sya. “D p tpos. Nxt time n lng. Nwy, I’l juzt eat my baon here.” Kinakailangan niyang ma-promote. Kailangan niya lang siguro ng magandang break. Sa pinapatrabaho ng kanyang boss, baka ito na nga ang kanyang break. Mula sa kanyang kinauupuan, kitang-kita nya ang nagdidilim na langit. Dinukot ang pitaka. Binuksan. Tinitigan ang larawan ng mga anak. Binilang ang barya sa pitaka. Muling tiningnan ang langit. “Wag kang uulan. Wag.” Kumalam na ang kanyang tiyan. Binuksan nya ang drawer. May isa pang pakete ng biskwit. Binuksan nya ito. Kinain. Tumungo sa water dispenser. Kumuha ng disposable cup. Uminom ng tatlong baso ng malamig na tubig. Napadighay sya. Bumalik sa

Sky Fakes

Embed Size (px)

DESCRIPTION

....

Citation preview

Page 1: Sky Fakes

SKYFAKES

Eros Atalia

Alas dose na. Nagsilabasan na ang mga kasamahan niya sa opisina.

Lunchbreak. Niyaya sya ng mga ito na mananghalian. “Sunod na ako,

tatapusin ko lang itong pinapagawa ni Sir, kailangan daw ng 2pm, e” wika

niya.

Naiwan sya sa opisina. Pinaspasan nya ang trabaho. Unti-unti nang

umiinit. Hinubad nya ang blazer. Pinapatay kasi ang aircon sa opisina nila

kapag breaktime. 12:40 tapos na ang trabaho. Tinext sya ng mga kaopisina

kung nasaan na sya. “D p tpos. Nxt time n lng. Nwy, I’l juzt eat my baon

here.”

Kinakailangan niyang ma-promote. Kailangan niya lang siguro ng

magandang break. Sa pinapatrabaho ng kanyang boss, baka ito na nga ang

kanyang break.

Mula sa kanyang kinauupuan, kitang-kita nya ang nagdidilim na

langit. Dinukot ang pitaka. Binuksan. Tinitigan ang larawan ng mga anak.

Binilang ang barya sa pitaka. Muling tiningnan ang langit. “Wag kang uulan.

Wag.”

Kumalam na ang kanyang tiyan. Binuksan nya ang drawer. May isa

pang pakete ng biskwit. Binuksan nya ito. Kinain. Tumungo sa water

dispenser. Kumuha ng disposable cup. Uminom ng tatlong baso ng malamig

na tubig. Napadighay sya. Bumalik sa pwesto. Muling tiningnan ang langit.

Hindi niya tiyak kung makulimlim o maaraw.

Napailing sya. “Makisama ka naman.” “Wag kang uulan. Wag”,

muling binilang ang barya sa pitaka.

Page 2: Sky Fakes

(Halimbawa ng kontemporaryong dagli.)