40

smoking Thesis

Embed Size (px)

DESCRIPTION

smoking

Citation preview

Page 1: smoking Thesis
Page 2: smoking Thesis

Paggawa ng Paputok: Pagkilala sa Pinagmulan.

Mga Suliranin ng mga Manggagawa sa Paggawa nito

____________

Isang Tesis na Iniharap kay

G. Arnold P. Santos, Professor sa Filipino

BULACAN AGRICULTURAL STATE COLLEGE

San Ildefonso, Bulacan

_____________

Bilang Bahagi ng Pagtupad sa mga

Pangangailangan sa Pagtamo sa Kursong Filipino 110

(Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

_______________

VANDOLPH V. BERNARDO

JENNY B. MARIANO

SHARLYN PASCUA

12 MARSO 2013

Page 3: smoking Thesis

TALAAN NG NILALAMAN

TSAPTER I. SANDIGAN NG PAG-AARAL

A. Introduksyon

B. Paglalahad ng Suliranin

C. Layunin ng Pag-aaral

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

E. Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral

F. Depinisyon ng mga Terminolohiya

G. Paglalarawan Ng Lugar na Pinagsasaliksikan at Mapa

TSAPTER II. MGA KAUGNAY AT LITERATURA AT PAG-AARAL

A. LITERATURE (DAYUHAN AT LOKAL)

B. PAG-AARAL (DAYUHAN AT LOKAL)

C. SINTESIS NG PAG-AARAL

TSAPTER III. PAMAMARAAN NG PANANLIKSIK (METODOLOHIYA)

A. PAMAMARAAN AT TEKNIK

Page 4: smoking Thesis

B. MGA RESPONDENT

C. MGA TEKNIK AT SAMPLING

D. INSTRUMENTO SA PANANALIKSIK

E. PAGLALAPAT NG ISTATISTIKA

TSAPTER IV. PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

TSAPTER V. LAGOM NG MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

BIBLIOGRAFI

Page 5: smoking Thesis

PAGHAHANDOG

Page 6: smoking Thesis

PASASALAMAT

Page 7: smoking Thesis

TALAAN NG TALAHANAYAN

Page 8: smoking Thesis

TSAPTER I.

SANDIGAN NG PAG-AARAL

A. Introduksyon

Lahat tayong mga Pilipino ay mayroong iba’t-ibang pamamaraan sa pagsalubong ng bagong taon. Mga pamamaraang kinamulatan na ng ating mga magulang simula ng silay mga bata hanggang sa sila ay kalipasan na. Naitong ba natin sa ating mga sarili kung paano naitawid ang mga paniniwalang ito sa mga nagdaang panahon? Madali lang ang sagot, ang mga paniniwalang patuloy na isinasabuhay hanggang sa kasalukuyan ay naging lugod at katanggap tanggap sa kanilang pamumuhay, kultura, at grupo na kinabibilangan. At kung di naman katanggap tanggap ay unti-unting nawawala at tuluyang naalis sa paglipas ng panahon. Lahat ng mga paniniwala natin ngayong kasalukuyan ay niyakap at pinaunlad ng ating mga kanunu-nunuan sa mga dayuhang nanakop at di- nanakop sa ating bansa . Patunay nga na likas sa ating mga Pilipino ang pagigimg mapag-unlak at pagkakaroon ng magiliw na pagtanggap sa mga taong di pa natin lubos na kilala.

Nuon pa man ay likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging mapag-unlak ito ay natatanging kaugalian na ating maipagmamalaki sa ibang bansa. Sabi nga: “It’s Only in the Philippines’’. Itong kakatwang taguri na laging nasasambit natin sa mga dayuhan upang maipagmalaki ang sariling atin, kung titimbangin ay masasabi nating may katotohanan pala .

Nang dumating ang mga dayuhan mula sa karatig bansa natin sa Asya. Isa ang mga Tsino sa mga nakaimpluwensya ng ating mga paniniwala. Karamihan sa mga paniniwalang ito ay atin pang isinasabuhay hanggang sa kasalukuyan. Isa ang paghahanda ng Pansit tuwing sasapit ang bagong taon at maging sa kaarawan, dahil naniniwala ang mga Instik na magkakaroon ng mahabang buhay kung susundin ang ganitong paniniwala. Tuwing papalapit na ang bagong taon naglipana ang mga bagay tulad ng mga ornaments, lucky charms, at iba’t-ibang klase ng mga Fireworks na pinaniwalaang magbibigay ng swerte at magtataboy ng malas. Madalas natin itong napapanood sa telebisyon, karaniwan natin itong matatagpuan sa

Page 9: smoking Thesis

Chinatown sa Binondo, Manila. Tunay na nga na mayaman ang kulturang Intsik dahil lubos itong nakaimpluwensya sa atin. Isa ang pagpapaputok sa mga tradisyong atin namana sa mga Intsik, sila ang unang nakaimbento ng pulbura. Ginaya natin ang pagpapaputok sa mga Intsik. Tuwing sasapit ang “Chinese New Year”(hindi tuwing Enero-1 ang pagpapalit ng kanilang taon, may sinusunod silang kalendaryo) tayo ay namamngha iba’t-ibang ilaw na lumilipad at pumuputok sa kalangitan na may iba’t-ibang klase , uri at disenyo. Tuwing sasapit ang bagong taon hindi na iba sa atin ang mga ingay dulot ng mga bagay na maaaring pagmulan nito. Halimbawa ng mga ito ay karaniwan nating mabibili tulad ng Torotot at Paputok, ang iba ay maaaring matagpuan sa ating mga bahay. Naniniwala ang ilan na maitataboy ng ingay ang malas at mga masasamang espirito at upang magkaroon narin ng “swerte” sa darating na taon. Ngunit naniniwala ang ilan na ang pagpapaputok ay hindi nagdudulot ng swerte ngunit disgrasya lamang, dahil maaari itong makapinsala sa katawan ng tao maging sa kanilang mga pag-aari. Pero bakit patuloy pa rin na isinasagawa parin ng ilan?, kungsabagay ay makakaiba tayo ng mga paniniwala. At isa ring dahilan ay ang iba sa atin ay hindi nakukuntento sa mga pampaingay , gusto natin ay nabubusog ang ating mga mata at mga tainga sa ingay na dulot ng mga ito. Lubhang mapanganib ang paputok kung mali ang paggamit dito at kung hahayaan lang ang mga bata na magpaputok ng mag-isa. Ilan sa mga pinsalang maaaring maidulot ng paputok ay ang sunog, pinsala sa katawan ng tao, sa kalusugan, at sa inilalabas na usok nito sa ating kapaligiran Nagiging delikado at masama lamang ang isang bagay kung sobra at walang halong pag-iingat. Nasa pagsunod din sa mga instruksyon at patnubay din ng mga mas nakakaalam at mga nakakatandalalo na kung mga bata ang magpapaputok. Hindi dapat isisi ang lahat sa mga gumagawa at nagbebenta nito. Mas delikado pa nga ang pagpapaputok ng baril na wala kang kamalay malay ay natamaan ka na pala. Ngunit nasa atin naman ang pagpapasya kung magpapaputok o gagamit na lamang ng mga pampaingay. Dati ang ilan ay maliit lang at ang iba ay maaari pa nating hawakan, ngunit ating mapupuna na sa pagdaan ng panahon ay unti-unting lumalaki at lumalakas ang ingay na dulot ng mga ito.

Alam natin na ang mga Intsik ang unang nakaimbento nito , ngunit alam ba natin kung paano ito naimbento?.

Page 10: smoking Thesis

Ayon kay Amanda Green, nagsimula ito noong 200 BC. Isang malakas na putok ang naidulot nang ihagi ang isang tiyong kawayan at pumutok ito dahil naglabasan lahat ng hangin na nasa loob nito. Naniniwala ang mga Tsino na magtataboy ito ng masasamang espirito.

Napaunlad nila ang kanilang natuklasan noong A.D. 600 hanggang 900. Naging malikhain ang mga Tsino gumamit sila ng iba’t-ibang kemikal na may kinalaman sa pagpapasabog. Halimbawa sa mga ito ay Saltpeter, Sulfur, Charcoal. Kung mas maraming Oxygen ang nasa Saltpeter ay mas malakas ang pagsabog. Kalaunan ay naimbento ang pulbura at ginamit nila ito bilang armas sa mga mananakop.

Noong 1295, dinala ng isang tanyag na manlalakbay na si Marco Polo mula sa Asya hanggang Europa ang pulbura, mga porselana, mga hiyas at pampalasa.

Taong 1400-1500 ang Renaissance sa panahong ito mas higit ang kaalaman ng mga Europeyo sa Sining at Literatura at higit sa lahat sa Paputok. Sa panahong ito nagkaroon ng ebolusyon ng paputok, na ang unang maiisip ay pagsabog. Nagkaroon din ng mga pailaw na may iba’t-ibang ilaw gamit ang metallic salts gaya ng strontium paramagin pula, barium para maging asul, copper para maging berde at sodium sa dilaw na ilaw. Ginaamit ang Potassium Chlorate para maging Oxidizer magkaroon ng matingkad na liwanag. Hanggang sa kasalukuyan ay umuunlad upang pa rin ang mga Paputok.

Patunay nga na naging tradisyon nating mga Pilipino ang pagpapaputok tuwing bagong taon. Karamihan sa mga lugar sa ating bansa ay gumagawa nito. Ilan sa mga ay ang Cavite at Bulacan. Dito matatagpuan ang iba’t-ibang pagawaan ng mga paputok.

Iba’t-ibang Fireworks at paputok tulad ng mula sa mahina hanngang sa malakas. Sa tuwing sasapit ang bagong taon ay dagsaan ang mga mamimili ang ilan sa kanila ay mga negosyante at ang iba ay para lang gamitin. Mas nakakamura kasi kung sa Bocaue ka mamimili.

Ang Bocaue, Bulacan ang sentro ng kalakalan ng paputok sa bansa. Kamihan sa mga taga-Bocaue ay paggawa ng paputok ang

Page 11: smoking Thesis

ikinabubuhay kapag papalapit na ang bagong taon. Kahit delikado ay patuloy pa rin sila sa paggawa dahil dagdag kita rin at kung walang trabaho ay dito nalang aasa.

Ang pagbuo ng mga paputok ay komplikado para isang karaniwan para isang taong walang kamuwang-muwang hinggil dito. Binubuo ang isang simpleng paputok ng iba’t-ibang materyales at mga kemikal. Ang isang taong nais gumawa nito ay nangangailangan ng karanasan, pagsasanay, at pag-iingat. Sa dami ng materyales na dapat kumpunihin bago ka makagawa ng paputok nangagailangan ng maraming tauhan.

Dahil sa malaking kinikita ng mga Manufacturer nito ay marami naring nangangahas na magpatayo ng mga gawaan. Sa mga karatig-bayan nito sa Bulacan tulad ng San Ildefonso, Sta. Maria at Baliuag matatagpuan ang iba pang mga gawaan. Karamihan sa mga ito ay legal at di-legal, ang iba ay may permit ang iba naman ay wala.

Masasabing ilegal ang gawaan batay sa mga pamantayan ibinigay ng lokal na pamahalaan. Ipinagbabawal ang pagawaan kung malapit ito sa mga residential area, hindi maayos ang bentilasyon, may menor de edad na trabahador at hindi sumusunod sa mga guidelines.

Kapag nagkaroon ng inspeksyon at raid hinuhuli ang may-ari mismo ng pagawaan, mga yaring-paputok, mga trabahador na maabutan sa gawaan. Kung hindi sila susunod sa mga pamantayan ay malalagay sila sa alanganing sitwasyon sakaling may mangyaring di-inaasahan. Kung magkakaroon ng isang maling pagkakamali ay maaaring mgdulot ito ng sunog at pagsabog na maaaring magdulot ng pinsala sa katawan, mga ari-arian at kung mamalasin ay pagkamatay.Bawat tindahan , pagawaan ay sumusunod sa mga guidelines.

Ilan sa mga barangay ay ang San Juan, at Umpucan sa bayan ng San Ildefonso kung saan may pagawaan ng paputok, okasyonal ang paggawa nito.

Ang ikinabubuhay ng mga taga-San Juan ay Agrikultura, panghahayupan, Transportasyon iba’t-ibang mga negosyo. Samantalang ang mga taga-Umpucan naman ay di halos naiiba sa hanapbuhay ng karatig-barangay.

Page 12: smoking Thesis

Ayon kay Eduardo H. Bernardo ,karamihan sa mga klase ng mga paputok ay matatagpuan dito gaya ng Kwitis, Sinturon ni Hudas, Fountain, Roman Candle, Fountain, Five Star, Luces at Whistle Bomb.

Nagmula sa Bocaue ang mga may-ari na ngayon ng mga pagawaan, dati rin silang manggawa sa nasabing lugar na natuto at ibinahagi ang kanilang kaalaman sa iba. Nagsisimula ang paggawa sa buwan ng Setyembre hanggang sa ika-30 ng Disyembre. Inihahanda na ang iba’t-ibang klase nito para pamilian ng mga buyer.

Taun-taon ay nadaragdagan ang mga namumuhunan nito sa nasabing barangay dahil narin sa laki ng kita na maaari lang makuha kung mahusay kang magpaikot ng pera. Dahil sa lakas ng demand nito ay nangangailangan ng maraming trabahador. Ilan sa mga kababaihan , kabataaan ay nagkakaroon ng income ang ilan sa kanila. Ngunit pili lang ang binibigyan ng opurtunidad, pinipili lang ang may mga sapat na kaalaman, karanasan at mga marunong mag-ingat dahil alam nila ang panganib na maaaring idulot nito.

Ayon kay Michael H. Bernardo, ang paggawa ng paputok ay komplikadong trabaho. Iba’t-iba ang materyales na gamit sa pagbuo nito depende sa gamit. Isa ang Pulbura na mahalagang sangkap nito. Bago makagawa nito ay kailangan ang mga sumusunod na kemikal: Devil, at Sulfur. Dapat tama ang timpla kung nais na magkaroon ng malakas na putok. Sumunod ay ang Mitsa na kailangan upang masindihan ang paputok. Kinakailangan nito ay Labay, Salitre, Uling (pinino), at Gaw-Gaw. Iba pang materyales ay Papel de Hapon, Tupe, Leteng, Cellophane at Scotchtape. Nagkakaiba ang mga paputok depende sa paraan ng paggawa nito.

Maraming panganib na maaaring maidulot ang paputok sa mga manggagawa, kabahayan at mga tao. Itinakda ng lokal na pamahalaan ang iba’t-ibang panunutunan tulad ng dapat malayo ng 50 metro sa mga kabahayan dahil maaaring magdulot ito ng sunog at pagkamatay .

Dahil patuloy pa rin ang pagpapatayo ng illegal na pagawaan ay nagkaroon na din ng sorpresang raid na mas kinatatakutan kaysa sa disgrasya. Sa tuwing may magaganap na raid ay agad ng nagpupulasan ang mga manggagawa, ang iba ay nililigpit ang mga yari na upang walang ebidensya at ang iba lumalayo dahil sa takot na mahuli.

Page 13: smoking Thesis

Dahil sorpresa kung manghuli ang mga awtoridad ay madalas pa ring may nahuhulihan ng yari at mga tauhan. Dinadala ito sa munisipyo upang lumantad ang may-ari at patawan ng multa dahil resposabla nila na tubusin ang kanilang tauhan. Ang mga yari ay kinukumpiska at dinadala sa Malolos City. Nagdudulot ng ito pagkalugi sa may-ari nito. Kung sa paningin ng iba ay magdudulot lang ng disgrasya ang paputok, iba naman ang saloobin ng mga manggagawa hinggil dito “kaysa naman tumambay at magutom dahil walang trabaho, mainam pang gumawa nito kahit delikado”.

Taun-taon ay maraming disgrasya ang naidudulot ng paputok sa mga ari-arian at mga bata. Dahil sa maling paggamit nito at kawalang patnubay ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ngunit ngayong taon mas mababa ang bilang ng mga naputukan ngayong taon kumpara sa nakaraang mga taon. Kaya muling nagbigay ng mga safety tips ang DOH. Sakaling maputukan agad na linisin sa pamamagitan ng dumadaloy na tubig ang sugat upang matanggal ang pulbura o agad na isugod sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng gamut at makaiwas sa impeksyon.

Magkakaroon lamng ng masayang bagong taon, kung tayo ay mag-iingat.

Page 14: smoking Thesis

B. Paglalahad ng Suliranin

Profile

BULACAN AGRICULTURAL STATE COLLEGE

San Ildefonso, Bulacan

“Makabuluhang Pananaw ng mga Manggagawa ng Paputok Hinggil sa Epekto nito”

Survey Form

Punan lamang an angkop na sa sagot sa bawat patlang at lagyan tsek (/) ang bilog.

Pangalan____________________Kapanganakan__________

Edad______________ Lugar___________

Tirahan________________ Petsa

Katayuan sa buhay: Hanapbuhay:

□ Single Businessman

□ May asawa Empleyado ng Gobyerno

□ Hiwalay Volunteer Worker

□ Biyudo/Biyuda Self Employed

Please specify:

LAGYAN LAMANG NG TSEK (/) ANG BILOG O KWADRADO NG INYONG NAPILING SAGOT. KUNG ANG NASA TAPAT NG PAMIMILIAN AY BILOG, ISA LAMANG ANG MAAARING PILIIN. KUNG ITO NAMANAY KWADRADO, MAAARI KANG PUMILI NG

Page 15: smoking Thesis

HIGIT SA ISA NG KASAGUTAN. MANGYARI LAMANG PO NA SAGUTAN ANG KATANUNGAN NG MATAPAT.

MGA TANONG:

1.) Paano nakakaapekto ang paggawa ng paputok?

2.)Anu-ano ang mga pag-iingat na ginagawa ng may-ari ng paputukan upang maiwasan ang disgrasya?

A. Sa mga Manggagawa

□ Pagbabawal ng paninigarilyo

□ Pagbabawal ng mga bata na lumapit sa gawaan

□ Maingat na pagkakarga ng pulbura

B. Sa Pagtetesting

□ Lumayo sa pagawaan sa tuwing mag-tetesting

□ Tanging may kasanayan lang an gang magtetesting

□ Tinitiyak na isa lang ang magtetesting, maaari itong magdulot ng pinsala sa ktawan sakiling matamaan o maapakan ang may sinding paputok

C. Sa mga Gawaan

□ Tinitiyak na malayo ang pagawaan sa mga bahay

□ Tinitiyak na walang batang makakalapit sa gawaan

Page 16: smoking Thesis

□ Tinitiyak na sumusunod sa mga panunutunang itinakda ng lokal na pamahaaan

3.)Gaano kahirap na gumawa ng paputok?

□ Mahirap, dahil maghapon nakaupo, gumaganat lahat ng parte ng kamay at nakakangalay sa katawan, nakakahapo

□ Mahirap, dahil nasasakripisyo an gaming kaligtasan at kalusugan

□ Mahirap, dahil komplikado ang proseso lalo na sa pagkakarga ng pulbura

□ Mahirap dahil may kota na dapat mayari sa isang buong araw

4.) Paano ka naghahanda sakali na may sorpresang raid ang mga awtoridad?

o Isasara ang pinto at mananahimik upang hindi magdudulot ng ingay upang hindi madinig ng pulis

o Dali-dailing aalis sa lugar na pinag-gagawaan at maghuhugas ng kamay upang sakaling mahuli ng awtoridad ay walang ebidensya

o Hindi maghahanda dahil may permit ang gawaan

5.) Bakit ka gumagaw ang paputok?

□ Dahil madaling magkapera

□ Para magkaroon ng extra income

□ Walang trabaho

Page 17: smoking Thesis

6.) Sinu-sino ang nag-uudyokna gumawa ka ng paputok sa kanila?

□ Mga magulang, Kamag-anak

□ Mga kaibigan at barkada

□ Mga namumuhunan

□ Sariling Kagustuhan

7.)Kung ikaw ang masusunod, nais mo pa bang gumawang paputok? Bakit?

o Oo, natutugunan ang aking pangangailangan sa pang-arawaraw

o Hindi, nasasalalay ang aming kaligtasan pero walang magagawa dahil walang ibang trabaho

C.) Layunin ng Pag-aaral

Page 18: smoking Thesis

Ang pamanhunang papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa “Epektong dulot ng Paggawa ng

Paputok”. At naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong:

1.) Anu-ano ang maaaring maidulot ng paggawa ng paputok?

2.) Anu-ano ang mga dahilan kung bakit gumagawa ng paputok?

3.) Paano maimumulat sa panganib na maaaring maidulot nito sa lahat?

4.) Ano ang pagkilala sa paputok?

5.) Gaano kahirap gumawa ng paputok?

6.) Paano mabibigyan ng patas na pagtanaw ang imahe ng paputok?

7.)Bakit mahalaga ang paggawa ng paputok?

Page 19: smoking Thesis

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay sumasalamin sa mga epektong dulot na paggawa ng paputok . Upang mabigyan halaga ang mga pananaw ng madla ukol dito.

Anumang resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing pamulat sa mga epektong maaaring maihatid ng paggawa ng paputok at pagpapaputok. Tumutulong din ang paksang ito sa mga mag-aaral at mananaliksik upang palawigin ang mga kaalaman ukol sa nasabing paksa.

Iba pang mga Layunin:

Layunin nitong maipabatid sa mga batang nagpapaputok ang maaaring maidulot nito kung di-wasto an paggamit.

Layunin nito na maipabatid sa mga magulang na bigyan ng patnubay ang kanilan mga anak sa panganib na maaaring maidulot nito sa katawan.

Layunin din nito na sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pananaliksik ukol sa paksa.

Layunin nito sa mga guro na maipabatid ang kahalagahan ng pananaliksik .

Page 20: smoking Thesis

Layunin na magkaroon ng mas malawak na pananaliksik hinggil sa paksa.

E.

Page 21: smoking Thesis

E. Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magsisismula mula Nobyembre hanggang Marso, nakatuon sa mga epekto ng paggawa ng paputok sa mga tao. At ito lamang ay nakatuon sa mga mamamayan ng Barangay San Juan, San Ildefonso Bulacan, na binubuo ng 4,337 na tao ayon sa istatistika ng munisipalidad. Mayroon lamang na limampung (50) respondent, na binubuo ng apatnapung kalalakihan (40) at sampung (10) kababaihan mula sa naturang barangay.

F. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Chinese New Year- karaniwang ipinagdiriwang ng mga tsino

Saltpeter- Isa sa mga sangkap sa paggawa ng gunpowder

Pulbura- tinatawag ding “ itim na pulbos” , mabilis itong nasusunog at lumilikha ng gas.

Mitsa- Karaniwang sinisindihan bago paputukin ang paputok o pailaw.

Devil- Isang klase ng pininong uling na inihahalo sa pagbuo ng

pulbura.

Sulfur- “ kilala sa tawag na asupre” isa sa mga sangkap sa pagbuo ng pulbura.

Kwitis- may hugis na kawangis ng rocket, kapag sinindihan ang mitsa ay lilipad ito pahimpapawaid at sasabog.Karaniwang ginagamit ito sa mga binyag at kasal

Page 22: smoking Thesis

Roman Candle-Hugis kandila ito na nagbubuga ng makukulay na ilaw

Five Star- may hugis na “triyangulo”, pinakasikat na uri ng paputok dahil sa kamurahan nito.

Whislte Bomb- hugis na maliit na “kandila” na humuhuni at sumasabog kabag sinindihan.

Fountain- Gawa ito sa karton na hugis “korno” na nagsisilbing “bukal” ng mga ilaw kapag sinindihan

Luces- hugis kandila na gawa sa karton at naglalabas ng liwanag na may iba’t-ibang kulay

Sinturon ni Hudas- pinagdugtong-dugtong na Five Star gamit ang Leteng.

Labay- kinulayang tali na sangkap sa pagbuo ng mitsa.

Tupe- piraso ng papel na may parihabang sukat . At mano-manong tinutupe hanggang maging triyangulo ang hugis.

Leteng- isang klase ng tali na ginagamit sa pagtitirintas ng “sinturon ni hudas”.

Raid- karaniwang sinasagawa kung iligel ang mga produkto o serbisyo.

Salitre- karaniwang ginagamit sa pagpapatigas ng mitsa.

Uling- karaniwang ginagamit sa paggawa ng mitsa, kinakailangan upang maging kulay ng mitsa . Karaniwang pinipino.

Page 23: smoking Thesis

G. Paglalarawan ng Pinagsasaliksikan at Mapa

Bayan ng Pinagsasaliksikan

MAPA NG SAN ILDEFONSO

Fast Facts

Physical and Socio-Political

Land Area 12,871 has.

No. of Barangays

36

Population (2007)

93,438

Commerce and Industry 

Major Industries: Farming, poultry/livestock raising, vegetable

Page 24: smoking Thesis

production and marble processing 

Major Products: Bakeries and Sweet Preserves, Rice, High Value Crops, Marbles 

Political Subdivision 

San Ildefonso is politically subdivided into the following

1. Akle2. Alagao3. Anyatam4. Bagong Barrio5. Basuit6. Bubulong Malaki7. Bubulong Munti8. Buhol na Mangga9. Bulusukan10. Calasag11. Calawitan12. Casalat13. Gabihan14. Garlang15. Lapnit16. Maasim17. Makapilapil18. Malipampang

19. Mataas na Parang20. Matimbubong21. Nabaong Garlang22. Palapala23. Pasong Bangkal24. Pinaod25. Poblacion26. Pulong Tamo27. San Juan28. Santa Catalina Bata29. Santa Catalina Matanda30. Sapang Dayap31. Sapang Putik32. Sapang Putol33. Sumandig34. Telapatio35. Umpucan36. Upig

Page 25: smoking Thesis

Alamat ng Barangay na Pinagsasaliksikan

ALAMAT NG BARANGAY SAN JUAN

Libing na sa limo tang mga unang araw ng mag naunangNanirahan sa ngayo’y barangay San Juan. Maging ang mga matatanda ay hindi na matiyak kung kalian unang nagsidating dito ang mga mag-anak na siyang humawan sa kakahuyang dati’y laganap dito.

Noon lamang 1982, kung kalian nagkaisa ang mga naririto na gumawa ng isang bahay-dalanginan, umang petsang natanim sa ala-ala ng nayon. Yari sa kawayan at kugon, ang bahay dalanginan ay itinayo bilang parangal sa napiling patron ng kanayunan, ang butuhing San Juan Bautista.

Sinasabing nagmula roon ang pasiglang pamumuhay rito. Nag mga tao ay namulat sa kabihasnan kaya’t ang dating makikitid at mabalahaw na mg adan ay inayos at tinambakan ng mga bato upang maging tag-ulan ay hindi matigil ang daloy ng mg akalakal mula sa karatig bayan patungo rito o mula rito patungo sa mg apamilihansa paligid, ng mga ani ng bukid.

Palibhasa’y nasa bukana at binabagtas ng lansangan nasyunal, ang San Juan ay nakaranas ng matinding pahirap ng mga dayong manankop tulad ng kastila at mga hapon. Dahil dito’y maraming mga tahanan ang napinsala, nasunog, o inulila ng mga naninirahan ng mg anagdaang digmaan.

Page 26: smoking Thesis

Sa mga namuno, amg mga naaala-ala pa’y sina:Basilio Manahan (1946), Natalio Correa (1947), Angel Valmadrid (1948-’49), Ceferino Manahan(1950) Ciriaco Sinciangco (1951-’53), Paulino Placido(1954), Federico Nacu (1955-’57), Marcelino Galvez(1958- ’61), Valentin Badi (1962-’63), Jose Valmadrid (1964-’68), Ildefonso Bandoy (1968-’72), Eduardo Gonzales (1972-’82), at Tomas Galvez (1983-’85).

Liban sa gusali ng kapilya at mga bago’t naglalakihang gawaan ng “hollow blocks”, ng mga kiskisan, at mga modernong tahanan, ang maayos na paaralang bayan ang makatatawag pansin sa mga nagdaran sa barangay na ito. Si Bb. Lucia Ramos ng pianaod ang kinikilalang kaunaunahang giro rito samantalang, noong 1953 nama’y kung saan binuksan ang 4 na silid aralan ng gusaling pinagkaisahang itindig ng mga guro’t magulang sa ilalim ng pamumuno ng yumaong Pedro Borja bilang Pangulo ng PTA at bilang Kalihi- Ingat-yaman naman, G. Emiliano Reyes. Kaya’t mula sa Veteran’s clubhouse kung saann nakisilong ang mga mag-aara nito, nag karoon ng pansariling gusalin ang “San Juan Primary School.”

Ngayo’y napakarami na ng mga taga-rito ang nag sipagtapos hindi lamang ng primarya kunhg hindi hanggang pandalubha pa sa mga pamantasn sa loob at labas ng ating mga bayan.

Ayon kay Ricardo Bernardo, ang pagpili naman n patron ay nangyari noong sumiklab ang digmang Pilipino-Amerikano kung kalian ng kinakailangana lumikas ang mga taga-Anyatam sa kanilang mg atahanan binulabog ng mg anagpipingkiang Katipunero at sundalong Amerikano. Patron santo na noon ng mga taga-anyatam si San Juan bautista. Dinadala ng maga ito ang kanilang istatwa ng mga santo maging sa kanilang pageebakweyt ditto ngayo’y Barangay San Juan. Iniluklok nila ito sa pansamantalang kapilya.

Sinasabi na nuong panahong iyo’y bagtagtuyot, walang ulang dumadalaw sa ating kapuluan at nawalan ng tubig hindi lamng ang mga sapa’t ilog kundi pati narin ang mga balon. Tanging isang balon lamang umaasa ang mga tao rito – doon sa balon nasa tabi ng pansamantalang kapilya. Ito’ itinuturing nilang “pagmimilagro” ng patron ng santo.

Page 27: smoking Thesis

Paglalarawan ng Barangay na Pinagsasaliksikan

Ang Barangay ng San Juan ay may populasyon na bibubuo ng 4,337 na tao. Ang karaniwang ikinabubuhay ng mga tao rito ay ang mga sumusunod:

Pagsasaka

Paghahalaman

Panghahayupan

Pagnenegosyo

Tricycle Driving

Pagtitinda

At ibang maaring pagkakitaan

Mga Naging Kapitan Mula 1984

(1984-’86)- Tomas Galvez

(1987-’89)- Bonifacio Bade

(1990-’92)- Bonifacio Bade

(1993-’95)- Bonifacio Bade

(1996-’98)- Nimencio Rivera

(1999-2001)- Nimencio Rivera

(2002-2004)- Nimencio Rivera

(2005-2007)- Epifania Galvez

(2008-2010)- Epifania Galvez

(2011-2013)- Epifania Gavez

Page 28: smoking Thesis
Page 29: smoking Thesis

MAPA NG SAN JUAN

Page 30: smoking Thesis
Page 31: smoking Thesis
Page 32: smoking Thesis
Page 33: smoking Thesis
Page 34: smoking Thesis
Page 35: smoking Thesis