Solusyon o Konsumisyon

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/29/2019 Solusyon o Konsumisyon

    1/10

    1

    SOLUSYON

    O

    KONSUMISYON

    Ang sabi ng mga namumuno sa ating bayan ang Majayjay Water Rehabilitation System

    and BULK WATER SUPPLY daw ang Solusyon sa sinasabing kakulangan at maduming tubigna maiinom sa ating bayan. Ipinagmamalaki nila na ang kanilang naisip na proyekto ang siyang

    Solusyon sa problema sa maiinom na tubig sa ating bayan. Isa nga bang Solusyon ang kanilang

    ipinagmamalaki na proyekto sa tubig?

    Ang kanilang proyekto sa tubig ay hindi Solusyon, kung hindi ito ay isang

    napakalaking Konsumisyon. Sa halip na magbigay na Solusyon, ang kanilang proyekto sa

    tubig ay nagbigay ng napakalaking Konsumisyon sa ating bayan at mga mamamayan.

    Ang sinasabi po nila na Solusyon ay base lamang sa kanilang mga haka-haka at ito ay

    kontra mismo sa nakapaloob sa kanilang Kontrata na pinirmahan kay Israel Builders andDevelopment Corporation (IBDC) at ito ay kontra din sa mga dokumento at papeles na nasa

    Laguna Lake Development Authority (LLDA). Ating ipakikita na ang sinasabi nilang Solusyon

    ay isang malaking Konsumisyon ayon mismo sa Kontrata na kanilang pinirmahan kay IBDC at

    ayon na rin sa mga dokumento at papeles na ngayon ay nasa LLDA.

    Ang madumi at mahal na bayad sa tubig sa new

    water system.

    Ang sinasabi po nila ay P33.00 ang bayad sa tubig sa dating sistema sa tubig na kung

    saan ang daloy ng tubig ay 2-3 oras lamang. Samantalang ang bayad sa tubig sa bagong watersystem ay P30.00 per cubic at P5.00 sa susununod na cubic per meter. Ang hindi ipinaliwanag ay

    sa dating sistema sa halagang P33.00 ang nakukuhang tubig sa loob ng isang araw ay 1,000 liters

    or 30,000 liters o katumbas ng 30 cubic meters kada buwan. Sa madaling salita, sa halagangP33.00 sa loob ng isang buwan, ang kada bahay sa ating bayan ay maaring makakuha at

    makagamit ng 30 cubic meters na tubig, samantalang sa new water system ang halagang P30.00

    ay kabayaran lamang para sa 10 cubic meters dahil ang sobra sa 10 cubic meters ay babayaran na

    ng mga tao sa halagang P5.00 per cubic meter.

    Ang malaking katanungan ay sasapat ba ang 10 cubic meters o katumbas ng 10,000 litersna tubig kada buwan para sa isang pamilya o bahay sa ating bayan?

    Ang 10,000 liters kada buwan ay malamang na hindi sasapat sa isang pamilya o bahay sa

    ating bayan. Nang dahil dito, ang kada bahay o pamilya sa ating bayan ay malamang na gagamitpa ng mahigit sa 10 cubic meters o 10,000 liters ng tubig sa loob ng isang buwan at ang sobra sa

    10 cubic meters ay babayaran nila ng P5.00 per cubic meter.

    PARA SA PAG-UNLAD NG BAYAN, ALISIN ANG MGA KONSUMISYON SA

    BAYAN!!!

  • 7/29/2019 Solusyon o Konsumisyon

    2/10

    2

    Kaya malinaw na lumalabas ngayon na yung dating 30 cubic meters na binabayaran sa

    halagang P33.00, ang magiging bayad na ngayon sa 30 cubic meters ay P130.00 kada isang

    buwan. Kung lalampas pa sa 30 cubic meters ang gamit sa tubig, mas malaki pa sa P130.00 ang

    babayaran sa tubig kada isang buwan. Hindi ba isang malaking Konsumisyon para sa ating mga

    mamamayan na magbayad ka ng P130.00 kada isang buwan para sa 30 cubic meters na tubig nanoong dati ay binabayaran mo lamang ng P33.00 kada sa isang buwan? At ang mahalagang

    katanungan, kakayanin ba ng mga mamamayan na magbayad kada buwan ng P130.00 o mahigit

    pa para sa tubig?

    Bago ang kanilang proyekto sa tubig, ang mga mamamayan sa ating bayan ay

    nakakainom ng malinis na tubig mula sa sistema ng patubig ng ating bayan at sa sistema ng

    patubig ng ibat-ibang barangay sa ating bayan. Nang magsimula na ang kanilang proyekto satubig, napakaraming mga tao ang nagkasakit at nagtae dahil sa tubig na naiinom nila na galing sa

    sinasabing new water system. Sa ngayon, ang tubig na nanggagaling sa kanilang proyekto sa

    tubig ay hindi mainom ng mga tao. Ang mga tao dito sa ating bayan ay natatakot na uminom ng

    tubig na galing sa nasabing new water system, kaya ang mga tao ay napipilitan na bumili ngpurified/bottled water o nagpapainit ng tubig upang makaiwas sa sakit at ng dahil dito ang mga

    tao ay nagkakaroon ng karagdagang gastos. Ang mga tao na mismo dito sa ating bayan angmagpapatunay nito.

    Katunayan pa na ang tubig sa kanilang proyekto ay madumi at makasasama sa mga tao,

    matapos ang Ocular Inspection na ginawa noong February 19 at 20, 2013, ang Provincial HealthOffice ng Laguna sa pamamagitan ni Ms. Laureta T. Fuentes ay naglabas ng isang Travel Report

    na may petsa February 20, 2013 na kung saan nakasaad na ang kontraktor na si IBDC ay

    sinimulan at ginawa ang sinasabing proyekto sa tubig na walang permits/clearances from DOHfor the development and operation of said water supply system as per requirements of P.D. 856-

    Code on Sanitation of the Philippines Chapter II-WATER SUPPLY and itsSupplemental/Implementing Rules and Regulations at lumalabas pa rin sa ginawangbacteriogical examination na ang tubig na galing sa nasabing proyekto ng tubig ay positive sa

    bacteria. Nang dahil dito, maliwanag na napakapanganib at makasasama sa buhay at kalusugan

    ng mga tao na inumin ang tubig na nanggagaling sa kanilang pinagmamalaking proyekto sa

    tubig. Kaya maliwanag na ang kanilang proyekto sa tubig ay isang malaking Konsumisyon athindi Solusyon.

    Si IBDC ang magpapatakbo ng ating water

    system at mga yamang tubig sa loob ng 100 taon.

    Ang sinasabi ng mga namumuno sa ating bayan na ang ating bayan pa din daw angmagpapatakbo ng new water system gaya ng dati. Ito po ay isa na namang malaking

    kasinungalingan at panlilinlang sa ating mga mamamayan. Malinaw na nakalagay sa Article IVSec. 7 (b) ng Contract for the Supply of Bulk Water sa pagitan ng ating bayan at IBDC na angmagpapatakbo ng nasabing proyekto sa tubig at maniningil sa tubig ay si IBDC.

    Nakalagay din sa Article III, Section 4, ng nasabing Contract for the Supply of Bulk

    Water na si IBDC ang may "exclusive right o solong karapatan na magpatakbo ng atingwater system sa loob ng 50 years na mayroong automatic extension na 50 years o sa kabuuan

    na panahon na 100 years. Ito ay malinaw na nakalagay sa nasabing kontrata at hindi base sa

    haka-haka lamang.

    Sinasabi ng mga nasa likod ng ma anomalyang proyekto sa tubig na pitong (7) bukal

    lamang daw ang pinayagan na pagkunan ng tubig at sinabi rin nila na 800 LPS ang kukuningtubig saMangulila. Malinaw na ng sinabi nila ay isa lamang na haka-haka at nagmula lamang sa

    kanilang pagmuni-muni. Una, malinaw na nakalagay sa aplikasyon sa Water Permit ni IBDC sa

    LLDA na ang kukuning tubig sa Mangulila Spring para dalhin sa mga kalapit bayan ay 900

    Liters Per Second (LPS). Dito lamang, malinaw na makikita natin na ang mga sinasabi ng mga

    PARA SA PAG-UNLAD NG BAYAN, ALISIN ANG MGA KONSUMISYON SA

    BAYAN!!!

  • 7/29/2019 Solusyon o Konsumisyon

    3/10

    3

    supporters ng ma anomalyang proyekto sa tubig ay pawang kasinungalingan at base lamang sahaka-haka at ito ay kontra sa mga dokumento at papeles na nasa LLDA.

    Pangalawa, malinaw na nakalagay rin sa Article IV, Section 7 (b) ng Contract for theSupply of Bulk Water sa pagitan ng Majayajy at IBDC na may petsa August 1, 2011, na si IBDC

    ay binigyan ng RIGHT OF FIRST REFUSAL sa lahat ng yamang tubig ng ating bayan. Ano

    ba ang ibig sabihin ng RIGHT OF FIRST REFUSAL?

    Ang ibig sabihin ng RIGHT OF FIRST REFUSAL ay si IBDC ay binigyan ng

    pang-unang karapatan upang makakuha ng tubig sa mga bukal at ilog sa ating bayan. Sa

    madaling salita, ang ibang tao ay hindi puwedeng kumuha at magdevelop ng yamang tubig ngating bayan dahil si IBDC ang binigyan ng RIGHT OF FIRST REFUSAL o may unang

    karapatan upang kumuha ng yamang tubig sa ating bayan. Lumalabas na hindi naiintindihan ng

    mga opisyales ng ating bayan na nasa likod ng ma anomalyang proyekto sa tubig, kung ano angibig sabihin ng RIGHT OF FIRST REFUSAL na nakapaloob sa kontrata na kanilang

    pinasok at ginawa kay IBDC. At tandaan natin itong karapatan ni IBDC na RIGHT OF FIRST

    REFUSAL ay hanggang sa susunod na 100 taon ayon sa kontrata sa pagitan ng ating bayan at

    ni IBDC.

    Hindi ba isang malaking Konsumisyon para sa bayan ang pagbibigay ng RIGHT OF

    FIRST REFUSAL kay IBDC?

    Ang mga taga linang at bukirin sa ating bayan

    ay magdudusa dahil sa nasabing proyekto sa

    tubig.

    Noong ginawa ang Ocular Inspection ng LLDA sa Sinabak Spring noong February 19,2013 at ito ay nasaksihan natin sa video na kinuha sa nasabing Ocular Inspection, malinaw na

    lumalabas na walang pag-aaral na ginawa ang mga opisyales ng ating bayan upang mabigyan ngkaukulang proteksyon ang mga lupa at magsasaka sa ating bayan tungkol sa pagbibigay ngkarapatan kay IBDC sa pagpapatakbo ng Sinabak Spring at Patak-Patak Spring. Walang malinaw

    na alituntunin na ginawa ang ating mga opisyales ng bayan tungkol sa alokasyon sa tubig para sa

    mga bukirin sa ating bayan. Ang sabi nga ni Ma Filo Cobrado na makikita at maririnig natin

    sa video ng binanggit niya ang mga ganitong kataga kay Mayor Filo Guera, DAMI DAMI

    NG NAGING MAYOR DITO IKAW LANG ANG NAKAGAWA NIYAN AT MAG KA

    FILO PA NAMAN TAYO HINDI TAYO MAGKASUNDO."

    Ang kikitain ni IBDC sa pagbebenta ng tubig

    sa mga kalapit bayan.

    Hindi pa daw nagbebenta ng tubig sa mga karatig bayan, ito po ay dahil naharang natin

    ang kanilang kontrata na pagbebenta ng tubig sa mga karatig bayan. Katulad ng ating naipakita

    pa rin noon, mayroon ng pinasok at pinirmahan na kontrata ang ating bayan sa Sta. Cruz atLumban para sa pagbebenta ng tubig. Nabigyan lamang natin ng abiso o babala ang mga karatig

    bayan ng Sta. Cruz, Lumban at Magdalena, Laguna na ma anomalya ang gagawing pagbebenta

    sa kanila ng tubig ni IBDC kaya hindi natuloy ang pagbebenta ng tubig.

    Naharang din po natin ang ginawang application ni IBDC para mabigyan ng Water

    Permit para sa Mangulila Spring. Ayon sa application ni IBDC na ngayon ay nakabinbin sa

    LLDA, ang tubig na dadalhin mula sa Mangulila Spring para ibenta sa mga kalapit bayan ang

    900 Liters Per Second (LPS) or 54,000 Liters Per Min. or 3,240,000 Liters Per Hour or77,760,000 Liters Per Day o kada araw.

    Kaya sa 77,760,000 liters per day o kada araw na madadala na tubig at maibebenta sa

    mga kalapit na bayan kung kakalkulahin na lamang natin na ang kita ay singko sentimos (P0.05)

    kada litro araw-araw, si IBDC ay kikita sa tubig na 77,760,000 liters per day o kada araw ng

    P3,888,000.00 kada araw o P116,640,000.00 kada buwan o P1,399,680,000.00 kada isang taon

    PARA SA PAG-UNLAD NG BAYAN, ALISIN ANG MGA KONSUMISYON SA

    BAYAN!!!

  • 7/29/2019 Solusyon o Konsumisyon

    4/10

    4

    sa pagbebenta ng tubig sa mga kalapit bayan, at isipin natin na ayon sa kontrata na pinirmahanng mga namumuno sa ating bayan, si IBDC ay binigyan ng karapatan na kumuha at magbenta ng

    tubig mula sa mga bukal ng ating bayan sa loob ng 50 years at may automatic extension na

    limampung (50) taon o may kabuuan na isang daan (100) taon.

    Isipin natin ngayon, gaano kalaking pera ang kikitain ni IBDC at ang kanyang mga taga-

    suporta sa pagbenta ng tubig sa mga kalapit na bayan sa susunod na isang daan (100) taon. Kungsa isang taon, si IBDC ay maaring kumita ng P1,399,680,000.00, sa loob ng sampung (10) taon

    siya ay maaring kumita ng Labing Tatlong Bilyon Siyam na Raan at Siyamnaput Anim naMilyon at Walong Daang Libong Piso (P13,996,800,000.00) at sampung doble pa nito ang

    kikitain nila sa loob ng 50 years o 100 years.

    Kaya ngayon, malinaw na lumalabas na ang pagbebenta ng tubig mula sa mga bukal ng

    ating bayan sa mga kalapit na mga bayan ay siyang tunay na pakay ng sinasabing proyekto satubig. Ang sinasabing rehabilitasyon ng ating water system ay isa lamang palabas o kung

    tawagin nga ay pabalat sibuyas lamang upang maitago na ang tunay na hangarin ng mga nasa

    likod ng ma anomalyang kontrata sa tubig ay kumita ng bilyon-bilyong piso sa pagkuha ng tubig

    sa mga bukal ng ating bayan upang ibenta sa mga kalapit bayan. Hindi ba ito ay isang malakingKONSUMISYON sa ating bayan?

    Ang kahalagahan ng Water Permit.

    Sinasabi ng mga namumuno sa ating bayan na ang Water Permit daw sa ating mga bukal

    ng bayan ay ilalagay sa pangalan ng ating bayan, malinaw sa records o papeles ng LLDA, na angtatlong (3) applications para sa pagbibigay ng Water Permit sa Sinabak Spring, Patak-Patak

    Spring at Mangulila Spring ay nasa pangalan na lahat ni IBDC. Walang nakabinbin sa LLDA na

    application para sa Water Permit sa pangalan ng ating bayan. Kaya isang malakingkasinungalingan para sabihin ng mga na sa likod ng nasabing proyekto sa tubig na ang Water

    Permit ay malalagay sa pangalan ng ating bayan.

    Mukhang hindi nalalaman ng mga namumuno sa ating bayan ang kahalagahan ng isang

    Water Permit. Magpahanggang ngayon hindi nila nalalaman na ang Water Permit ay isang

    Property Right. Bilang isang Property Right, ang Water Permit ay may halaga (value) na

    pwedeng ilipat o ibenta sa ibang tao at ito ay pwede rin na gamiting guarantee/security sapangungutang. Ang gagamitin po na guarantee o security sa pangungutang ay hindi ang bukal,

    kundi ang Water Permit dahil ito ay isang PROPERTY RIGHT. Ang isang kumpanya na may

    negosyo sa tubig ay hindi siya pwede mangutang sa bangko para sa kanyang negosyo sa tubigkung siya ay walang Water Permit sa panggagalingan ng tubig na kanyang ibebenta, ito ang

    kahalagahan ng Water Permit kay IBDC.

    Ang malaking katanungan, na paulit-ulit na nating sinasabi sa mga namumuno sa ating

    bayan, hindi dapat nila hinayaan o pinayagan na ang Water Permit sa mga bukal ng ating bayan

    ay malagay sa pangalan ni IBDC, subalit sila ay walang ginagawa. Hindi po ba ito ay isangmalaking KONSUMISYON para sa ating bayan?

    Ang Sinabak Spring ay pag-aari ng ating bayan.

    Ang lupa na kung saan matatagpuan ang Sinabak Spring ay pag-aari ng ating bayan.

    Tayo ay may titulo sa nasabing lupa sa Sinabak, subalit pinayagan ng mga opisyales ng ating

    bayan na taga suorta ng ma-anomalyang proyekto sa tubig na malagay sa pangalan ni IBDC ang

    Water Permit sa Sinabak Spring. Ang aplikasyon para sa Water Permit para sa Sinabak Spring nanakabinbin sa LLDA ay nasa pangalan lamang ni IBDC. Walang aplikasyon para sa Water

    Permit sa Sinabak Spring ang ating bayan na nakabinbin sa LLDA. Nang hinayaan nila na ilagaysa pangalan ni IBDC ang aplikasyon para sa Water Permit ng Sinabak Spring, ito ay

    nangangahulugan na kanilang ipinamigay kay IBDC "ang ari-arian o property right" ng ating

    bayan na wala man lamang kahit singkong duling na ibinabayd si IBDC sa ating bayan para sa

    Sinabak Spring.

    PARA SA PAG-UNLAD NG BAYAN, ALISIN ANG MGA KONSUMISYON SA

    BAYAN!!!

  • 7/29/2019 Solusyon o Konsumisyon

    5/10

  • 7/29/2019 Solusyon o Konsumisyon

    6/10

    6

    Maraming klaseng kaso ng criminal na pwedeng isampa ayon sa Anti-Graft and CorruptPractices at isa dito ang paglabag sa Section 3 (g) na kung saan ang isang opisyales ng bayan

    ay nakukulong dahil sa pagpasok sa isang maanomalya o nakasasama (disadvantageous) na

    kontrata at hindi mo na kailangan na patunayan na kumuha ng pera sa kaban ng bayan angopisyales na nasasakdal.

    Hindi na natin kailangan na kumuha ng TRO sakorte.

    Nagrereklamo ang mga suwail na opisyales ng ating bayan, kung bakit daw dinala ang

    kaso sa Ombudsman at hindi pumunta sa korte para kumuha ng TRO. Inuna lamang natin angkasong criminal na isinampa natin sa Ombudsman upang makasiguro tayo na hindi masuspend o

    madelay o mabinbin ang pagsasampa natin ng kasong criminal laban sa kanila. Kung inuna natin

    ang pagsasampa ng kasong civil kung saan tayo ay puwedeng kumuha ng TRO, ang kasongcriminal sa Ombudsman ay masuspend o mabinbin dahil sa tinatawag na prejudicialquestion. Sa tamang panahon at kung kinakailangan pa saka tayo pupunta sa korte para

    kumuha ng TRO.

    At upang hindi na tayo kailangan na pumunta sa korte para kumuha ng TRO, angsimpleng solusyon ay alisin natin sa pamunuan ng ating bayan ang mga Konsumisyon sa

    ating bayan. Pag nawala na sa puwesto ang mga Konsumisyon sa ating bayan at pag pumasok

    na ang mga tunay at matuwid na maglilingkod sa ating bayan, sa isang iglap ay maipapatigil

    natin ang maanomalyang proyekto sa tubig na hindi na natin kailangan pa na kumuha ng TRO sa

    korte. Ang mga tunay at matuwid na maglilingkod sa bayan ay kailangan lamang magpasa ngisang Resolusyon o Ordinance upang ipatigil ang maanomalyang proyekto dahil ang kontrata

    tungkol sa nasabing proyekto ay null and void. Dahil ang kontrata ay null and void, it does not

    exist in the contemplation of the law, kaya ito ay dapat lamang ipatigil.

    Si IBDC ay builder in bad faith.

    Kung ipinatigil na ng mga tunay at matuwid na lingkod ng bayan, ang maanomalyang

    proyekto sa tubig, ano ang mangyayari sa mga tubo ng tubig o sistema ng patubig na inilatag ni

    IBDC?

    Ang mga tubo ng tubig at sistema ng patubig na ginawa ni IBDC ay maiiwan na lamang

    sa ating bayan bilang alaala ng mga Konsumisyong dinala niya sa ating bayan dahil si IBDC ay

    isang tinatawag sa ating batas na builder in bad faith. Bilang builder in bad faith ayon saating batas, si IBDC ay walang aasahan na kabayaran o anumang danyos perwisyo na kabayaran

    at anuman ang kanyang ginawa ay maiiwan na sa ating bayan. Nang dahil dito, ang mga

    investors ni IBDC ay wala ng maaasahan kay IBDC para maibalik ang kanilang pera.

    Kaya mga kababayan upang tayo ay magkaroon ng magandang alaala sa isang builder in

    bad faith, tayo po ay magsama-sama at magkapit bisig upang tanggalin at alisin ang mgaKonsumisyon sa ating bayan at upang magkaroon tayo ng bagong pamunuan sa ating bayan na

    tunay at matuwid maglingkod sa ating bayan at kanilang sisiguraduhin na hindi na matuloy ang

    maanomalyang proyekto sa tubig.

    Sinasabi ng mga Konsumisyon sa bayan na huwag daw tayong madamot sa tubig pero

    nalimutan nila ang kasabihan na Charity Begins At Home. Hindi tayo nagdadamot, ang ibig

    lang natin mangyari ay bago natin ipamigay ang ating tubig sa ibang bayan, kailangan na

    masiguro natin na ang kasalukuyan at ang susunod na henerasyon ng Majayjayenos aysiguradong may sapat na tubig para sa kanilang pangaraw-araw na pangangailangan at maging sa

    pangangailangan ng mga kabukiran sa ating bayan.

    Ang proyekto ay hindi ayon sa daang matuwid

    ni PNOY.

    PARA SA PAG-UNLAD NG BAYAN, ALISIN ANG MGA KONSUMISYON SA

    BAYAN!!!

  • 7/29/2019 Solusyon o Konsumisyon

    7/10

    7

    Ibig palabasin ng mga taga suporta sa ma-anomalyang proyekto sa tubig na ito ay ayon sakagustuhan ni PNOY. Ito po ay galing lamang sa guni-guni at panaginip nila.

    Ang proyekto ay laban o kontra sa matuwid na daan ni PNOY. Katulad na ng nasabinoon, ang proyekto ay hindi nagdaan at hindi inaprobahan ng Public-Private Partnership (PPP)

    Center at ng National Economic and Development Authority (NEDA). Matagal na naming

    ipinamigay sa buong bayan ang Certification na may petsa March 16, 2012 at 2 Certifications naparehong may petsa July 11, 2012 galing sa NEDA na kung saan maliwanag na nakasaad sa mga

    nasabing Certifications na galing sa PPP Center at NEDA na hindi nagdaan sa PPP Center at

    NEDA lalong lalo na hindi nila inaprobahan ang nasabing proyekto. Kaya dito lamang ay

    malinaw nating ipinakita na ang mga pinagsasabi ng ating mga suwail na opisyales ay galinglamang sa kanilang haka-haka at pagmuni-muni at ito ay kontra sa mga papeles at dokumento na

    galing mismo sa PPP Center at NEDA.

    MGA KONSUMISYON SA PROYEKTO:

    Ang bayan at mamamayan ay hindi ngayon nakakasigurado na tayo ay may ligtas at

    malinis na tubig dahil ang sinasabing new water system ay ginawa ni IBDC na walangkaukulang clearances at permits mula sa Department of Health and LLDA.

    Ang new water system ay siguradong magbibigay ng mataas na singil sa tubig at ito ayhindi kakayanin ng mga mamamayan sa ating bayan.

    Ang ma anomalyang proyekto sa tubig ay magbibigay sa isang dayuhan ngkapangyarihan na kontrolin ang mga yamang tubig ng ating bayan sa susunod na isang

    daan taon (100 years).

    Ang ma anomalyang proyekto sa tubig ay siyang tunay na magbabaon sa kahirapan saating bayan at mamamayan dahil ang karapatan na magkontrol sa ating mga yamang

    tubig ay mapupunta sa isang dayuhan na malinaw na lumalabas ay walang malasakit at

    pagmamahal sa ating bayan.

    Ang ma anomalyang proyekto sa tubig ay magbibigay kapangyarihan sa mga pulitiko nanasa likod ng nasabing proyekto sa tubig upang patuloy silang makaupo sa pangyarihan.

    Ang ma-anomalyang proyekto ang tunay na magbibigay ng dusa at sakit sa ating mgamagsasaka at may-ari ng lupang sakahan dahil malamang tuluyan ng matuyuan ng tubig

    ang mga lupang sakahan sa ating bayan dahil sa ginawang pagbibigay ng karapatan kay

    IBDC para siyang magkontrol sa pagpapatakbo ng Sinabak Spring, Patak-Patak Spring atiba pang yamang tubig ng ating bayan.

    TUNAY NA SOLUSYON SA PROBLEMA

    NG ATING BAYAN:

    Hindi po natin kailangan si IBDC o sinumang private contractor para ayusin, pagbutihin

    at pagandahin ang water system ng ating bayan. Ang kailangan po lamang natin ay ang tama,

    makatwiran at malinaw na paggamit sa pera ng ating bayan. Kung ang pera lamang ng ating

    bayan ay ginagamit sa tama at makatwirang pamamaraan, maari nating baguhin at ayusin angating water system na ang ginagamit natin ay ang sariling pondo ng ating bayan. Lumalabas sa

    pag-aaral na ginawa, na malaki ang pondo ng ating bayan, subalit ito ay naaabuso o nalulustay

    lamang sa mga walang kasaysayang bagay dahil sa hindi makatwirang paggamit sa pera ngbayan.

    Bilang halimbawa, noong 2012, ang Approved Budget ng ating bayan ay

    P47,322,675.00, ang ibig sabihin ay may pera na pumasok at gagamitin sa ating bayan naP47,322,675.00 noong 2012. Ang budget na P47,322,675.00 ay ginamit sa mga sumusunod:

    2012 %

    OPERATING EXPENDITURES

    Personal services 27,061,066.00 57.2%

    Other Operating Expenses 9,687,711.00 20.5%

    PARA SA PAG-UNLAD NG BAYAN, ALISIN ANG MGA KONSUMISYON SA

    BAYAN!!!

  • 7/29/2019 Solusyon o Konsumisyon

    8/10

    8

    CAPITAL OUTLAY 99,244.00 1.2%

    NON-OFFICE EXPENDITURES 9,974,654.00 21.1%

    TOTAL APPROPRIATION 47,322,675.00 100.0%

    Makikita sa itaas nito na ang budget na inilagay sa Capital Outlay ay 1.2% only o

    P599,244.00 lamang.

    Makikita rin natin na napakalaki ang inilagay para sa Non-Office Expenditures o mga

    pagkakagastusan na hindi naman importante o walang halaga. Malaki din ang nilagay na

    budget para sa Other Operating Expenses na pwede pa rin nating bawasan upang magamit satama at makatwirang pagkakagastusan ang pera ng ating bayan.

    Kung ang kapakanan ng bayan ang nasa puso at isip ng mga kasalukuyangnamumuno sa ating bayan, bakit 1.2% lamang o P599,244.00 ang inilagay na gagamitin para

    sa Capital Outlay at mas malaki ang nakalagay na budget para sa Non-Office Expenditures and

    Other Operating Expenses?

    Ano ba ang tamang paggastos sa pondo ng bayan?

    Bawasan po natin ang nakalaan na pondo para sa Non-Office Expenditures and Other

    Operating Expenses dahil dito maaaring manggaling ang pagnanakaw sa kaban ng ating bayan.

    Ang Non-Office Expenditures and Other Operating Expenses ang parte ng budget na

    karaniwang ni realign o inililipat para sa ibang pagkakagastusan na wala naming katuturan at itorin ang karaniwang pinanggagalingan ng korupsyon o pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan.

    Saan natin dadalhin ang pondo na babawasin sa Non-Office Expenditures and Other Operating

    Expenses?

    Ang pondo na babawasin natin sa budget mula sa Non-Office Expenditures and OtherOperating Expenses ay dadalhin natin sa Capital at Infrastructure Outlay. Ano ba ang Capital

    at Infrastructure Outlay? Ito po ay ang mga gastusin para sa pagawaing bayan tulad ng

    pagbabago at pagpapabuti sa ating Water System.

    Kung ang pagbabasihan po natin ay ang Approved Budget na P47,322,675.00 para sataong 2012, dapat ilagay natin ang at least 15% ng P47,322,675.00 para sa pagpapaganda ng

    ating sistema sa patubig. Ang 15% ng P47,322,675.00 ay katumbas ng P7,098,401.25 at kaya

    kung taon- taon tayo ay makakapag allocate ng at least P7,098,401.25 o mas mahigit pa para sapagpapaayos at pagpapabuti ng ating sistema sa patubig, sa loob lamang ng tatlong (3) taon ay

    mapapabuti at mapapaganda na natin ang sistema sa patubig ng ating bayan na hindi na natin

    kailangan mangutang o kumuha ng isang private contractor tulad ni IBDC. At kung kailangannaman natin mangutang para mapabilis ang pagpapabuti at pagpapaganda ng sistema ng ating

    patubig, maari tayong mangutang sa LAND BANK at ang gagamitin nating collateral o security

    ay ang taon-taon na Internal Revenue Allocation (IRA) ng ating bayan.

    Kaya upang magkaroon ng tama, makatwiran at malinaw na paggamit sa pondo ng ating

    bayan, dapat ay iwasan ang kasalukuyan at ang nakaraan na ginagawa na sistema ng paggawa

    ng annual budget para sa ating bayan. Sa kasalukuyan at mga nakaraang ginawang budget parasa ating bayan, malinaw na malaki ang pondo na inilalagay para sa Non-Office Expenditures at

    Other Operating Expenses dahil ito ang maaaring pagmulan ng pagnanakaw ng pera sa kaban ng

    bayan.

    Dapat sundin natin ang Line Budgeting at

    ipagbawal ang realignment o paglilipat ng

    budget.

    Upang tayo ay magkaroon ng malinaw, malinis at makatwiran na paggamit sa pondo ng

    ating bayan, dapat ang gamitin natin na sistema sa paggawa ng annual budget ng ating bayan ay

    PARA SA PAG-UNLAD NG BAYAN, ALISIN ANG MGA KONSUMISYON SA

    BAYAN!!!

  • 7/29/2019 Solusyon o Konsumisyon

    9/10

    9

    yung tinatawag na Line Budgeting na ang ibig sabihin ay dapat nakalagay sa budget kungsaan talaga o kung anong tiyak na (specific) proyekto gagamitin ang pondo ng bayan. Sa

    pamamagitan ng Line Budgeting maiiwasan natin ang paglilipat o pag realign ng budget na

    siyang karaniwang pinanggagalingan ng pagnanakaw sa pera ng kaban ng bayan.

    Dapat mahigpit na ipagbabawal natin ang tinatawag na budget realignment o pagbabago

    at paglilipat ng budget at dapat sundin na mabuti ng Line Budgeting upang sigurado natingmapangalagaan ang pondo ng ating bayan. Ano ba ang sinasabing budget realignment o

    paglilipat ng pondo? Ang ginagawa na paglilipat o pagrealign ng pondo ay ang sistema ng pag

    realign o paglipat sa isang paggagamitan ng pondo o proyekto papunta sa isang bago na

    paggagamitan ng pondo o proyekto. Ang budget realignment o paglilipat ng pondo aykaraniwang sistema ng ginagawa ng nakaraan at kasalukuyang namumuno sa ating bayan, at ito

    ay isa rin sa mga pamamaraan para mapagnakawan ng pera ang kaban ng bayan.

    Sino ba ang sinasabing UTAK sa nakaraan at kasalukuyang administrasyon sa

    ating bayan sa tinatawag na budget realignment o paglilipat ng pondo? Ang tawag po sa

    kanya ay si Mr. Realigment at siya po ay kilala ninyo dahil siya ay isa rin sa mga kandidato

    sa ating bayan sa darating na halalan. Siya po ay matagal na ring Konsumisyon ng atingbayan.

    Sa pamamagitan ng Line Budgeting at mahigpit na pagbabawal sa budget realignment,

    makakasigurado tayo na malaking pondo ng ating bayan ang ma save o maisusubi o maiimpok at

    ito ay magagamit natin upang madagdagan ang pondo para sa Capital at Infrastructure Outlay na

    magagamit para sa pagpapaganda o pagpapabuti sa sistema ng ating sistema sa patubig.

    Upang talagang malinaw at malinis ang paggamit sa pondo ng ating bayan, tayo ay dapat

    magtayo ng isang tinatawag na Municipal Website na kung saan doon makikita ng mgamamamayan ang budget o pondo at ang paggamit o pinaggamitan sa pera ng bayan. Sa paggawa

    ng annual budget, dapat matapos at maipasa ang budget bago matapos ang December 31 ng kadataon upang maiwasan ang tinatawag na reenacted budget na siya ring pangkaraniwan napinanggagalingan ng corruption o pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan.

    Bilang pagtatapos, ang pinakamabisa na solusyon o lunas sa kasalukuyang kahirapan ng

    ating bayan ay kailangan palitan natin ang mga namumuno sa ating bayan na patuloy naginagawa ang kasalukuyan at nakaraang maruming sistema sa paggamit sa pondo ng ating bayan.

    Hindi maka-aahon sa pagkalugmok sa kahirapan ang ating bayan kung patuloy nating iluloklok

    sa kapangyarihan ang mga namumuno na inuuna ang sariling kapakanan kaysa sa kapakanan ngbayan. Sila ang mga tinatawag na MGA KONSUMISYON NG BAYAN.

    Ang mga patuloy na lumalaban sa ma-anomalyang proyekto sa tubig ng atingbayan, sila ang mga tunay at matuwid na lingkod ng ating bayan at sila ang gagawa ng

    paraan o tunay na solusyon upang tuluyan ng hindi na matuloy ang nasabing ma-

    anomalyang proyekto sa tubig at upang tuluyan na rin nating maiwasan ang mataas na

    presyo ng tubig sa ating bayan.

    KAYA BAYAN KUNG AYAW NINYO NG KONSUMISYON, TAYO AY

    MAGTULONG-TULONG AT MAGKAPIT BISIG UPANG ALISIN ANG MGA

    KONSUMISYON NG BAYAN!!!

    PARA SA PAG-UNLAD NG BAYAN, ALISIN ANG MGA KONSUMISYON SA

    BAYAN!!!

  • 7/29/2019 Solusyon o Konsumisyon

    10/10

    10

    PARA SA PAG-UNLAD NG BAYAN, ALISIN ANG MGA KONSUMISYON SA

    BAYAN!!!