20
SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. Mt. Apo Village, Kidapawan City, Philippines 9400 Pastor’s Guide July 2019 Edition

SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

  • Upload
    others

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. Mt. Apo Village, Kidapawan City, Philippines 9400

Pastor’s Guide July 2019 Edition

Page 2: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

2

SERVICE OF INCENSING AND BLESSINGS 1

SA PAGPASOK

Ang lahat ay magtitipon sa SPMCI Gate, sisimulan ang gawain sa isang

malumanay na awitin. Sa diwang ito, sisindihan ang SPMCI Candle at ihahanda ang mga gagamiting sagisag sa prusisyon. Sa prusisyon mauuna

ang thurifer katuwang ang boat bearer, susunod ang tagapagdala ng SPMCI

candle, ang crucifer, tagapagdala ng book of worship, tagapagdala ng Tibetan bowl, ang chaplain o presiding pastor, chorale, administrator, at

komunidad.

+PAGBATI Pastor: Sa pangalan ng Diyos na ating Magulang, ni Jesu-Cristo na ating

kaibigan, at ng Santo Espiritu.

Lahat: Amen.

Sa diwang ito, ipapaliwanag ng tagapangunang pastor ang Serbisyo ng

Insensasyon at Pagbabasbas. Isang angkop na imno ang maaring awitin.

PAGBABASBAS AT INSENSASYON

PAGBABASBAS NG TUBIG Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit habang ihahanda ng acolytes

ang tubig na babasbasan.

Pastor: Mga kapatid, ang tubig na ito ay isang paalala sa tinanggap nating

bautismo at pagkakakilanlan bilang isang Kristiyano. Hilingin natin sa Diyos

na pakabanalin ito at hayaang maranasan natin ang presensya ng Banal Espiritu sa mga ito.

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit. Matapos ang sandaling

katahimikan ay magpapatuloy ang pastor sa kanyang pananalangin.

Diyos na aming Magulang, ang kaloob Mong tubig na bukal ng buhay at

pag-asa, naglilinis sa aming mga kasalanan at nagkakaloob ng buhay na ganap at kasiyasiya. Basbasan niyo po ang tubig na ito, hayaang maranasan

1 Inihanda ni Rev. Jeric C. Cortado, Chaplain of the Southern Philippines Methodist Colleges, Inc., at Director ng Kidapawan Institute for Ecumenical Studies, Spiritual Formation and Intercultural Spirituality (KInESIS), Mt. Apo Village, Poblacion, Kidapawan City. July 4, 2018

Page 3: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

3

ang Iyong pagkalinga at proteksyon sa pamamagitan nitong tubig. O Diyos,

bukal ng buhay at pag-asa, gawin mo kaming malaya mula kasalanan sa

pamamagitan ng tubig na ito. At hayaang lumapit sa Iyo upang tanggapin ang biyaya ng kaligtasan. Sa kay Cristo Jesus, kasama ng Santo Espiritu.

Amen.

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit habang kukunin ng pastor

ang asin na nakalagay sa isang mangkok at itataas nito habang sinasambit

ang mga sumusunod:

Diyos na aming Magulang, basbasan niyo ang asin na ito, kung paanong

binasbasan mo ang asin na ibinuhos ni Propeta Eliseo sa bukal ng tubig

upang gawing malinis at magbigay ng buhay (2 Hari 2:19-21). Saan man ang asin at tubig na ito gagamitin ay maging kapahayagan nawa ng

paglilinis, pagpreserba at pagpapanumbalik sa kalikasan ng buhay, at

maging bukal ng kapangyarihang nakapagpapataboy ng karamdaman, ng masasamang espiritu, at nagsisilbing sanggalang. Igawad niyo po amin ito,

sa pamamagitan ni Cristo, aming Panginoon. Amen

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit, habang inilalagay ng pastor

ang asin sa nabasbasang tubig.

Sinabi ng Diyos, “Wiwisikan ko kayo ng tubig na dalisay upang kayo‟y luminis. Aalisin ko rin ang naging mantsa ninyo dahil sa inyong mga diyus-

diyusan. Bibigyan ko kayo ng maging puso at bagong espiritu” (Ezekiel

36:25-26).

Itataas ng pastor ang kanyang kamay at sasambitin ang mga sumusunod:

O Diyos, linisin niyo po kami, sala namin ay hugasan at kami ay puputi nang

walang kapantay (Awit 51:7)

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit. Sa diwang ito, sasalok ang

pastor ng nabasbasang tubig, ilalagay sa isang sisidlan at wiwisikan ang mga tao. Kapag nakabalik na ang pastor sa kanyang lugar, haharap ang pastor sa

madla at sasabihin ang mga sumusunod:

Nawa‟y ang makapangyarihang Diyos ay maglilinis sa ating mga kasalanan

at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen.

Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor ang mga sumusunod na talata.

Page 4: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

4

“Sa iyo, O Diyos, kami‟y dumadalangin. Sa aming pagtawag, kami sana‟y

dinggin. Aming dalangin sana‟y tanggapin mo. Masarap na samyong handog

ng insenso. Ariing maghapong handog namin sa iyo.” (Awit 141:1-2)

PAGBABASBAS NG INSENSO AT INSENSARYO

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit. Babasbasan ng tagapangunang pastor ang insenso at insensaryo.

Pastor: Tayo ay manalangin. O Diyos na aming Magulang, basbasan mo ang mga insenso at insensaryong ito na aming gagamitin ngayon sa Serbisyo

ng Insensasyon at Pagbabasbas. Sagisag ng aming pagkilala, pagsamba at

pagpupugay sa iyong presensya sa aming kalagitnaan ngayon at sa mga

dakong aming pupuntahan. Amen.

PAGBABASBAS NG HAGAR’S WELL, AT GUARD HOUSE

Pastor: Sumainyo ang kapayapaan! Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Tayo ngayon ay nagkakatipon sa partikular na dakong ito kung saan

ang gate, guardhouse at Hagar‟s Well ay makikita. Isinasagisag ng mga dakong ito ang inclusive spirituality ng SPMCI, ang layunin ng pag-iral nito

para sa mga “Hagar” sa kasalukuyan na mula pa sa iba‟t ibang dako, kulay,

kasarian, henerasyon, lahi at lipi – na kapos sa rekurso at pagkakataon upang

maranasan ang buhay na ganap at kasiyasiya. Gaya nina Hagar at Ismael, sa SPMCI nakita natin ang ating mga sarili na may angking kakayanan at

kalakasan. Sa SPMCI, namulat tayo sa ating pagkakataong mabiyayaan at

maging biyaya.

Tayo ay manalangin. Diyos, aming Manlilikha, nagpapapasalamat kami sa

pagkakaloob mo sa aming ng balon, ang Southern Philippines Methodist

Colleges, Inc, na humubog at humuhubog sa amin upang maging pagpapala para sa lahat at gawin makatotohanan para sa lahat ang buhay na ganap at

kasiyasiya. Patuloy mong pakabanalin ang dakong ito ng SPMCI. Amen.

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit. Gagawin ng tagapangunang

pastor ang insensasyon sa SPMCI Gate, Hagar‟s Well, at Guard House. At

pagkatapos, habang inaawit ang isang malumanay na awitin ay magprusisyon patungong “pathway” ng Janet McCarty Center for Early

Childhood Education.

PAGBABASBAS NG DAAN PATUNGONG JANET MCCARTY

CENTER FOR EARLY CHILDHOOD EDUCATION

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Page 5: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

5

Pastor: Sumainyo ang kapayapaan!

Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Tayo ay manalangin. Dios na aming magulang, basbasan Mo ang sementadong daanang ito patungong Janet McCarty Center for Early

Childhood Education ng SPMCI, na sumasagisag ng paglalakbay papasok sa

dako ng karunungan at sa proseso ng paghubog ng magandang kinubukasan ng mga kabataang nag-aaral. Silang napapadako, napapadaan, at dumadalaw

rito ay makasumpong ng Iyong kapayapaan, karunungan, at kabanalan.

Amen.

Habang inaawit ang isang malumanay na awitin ang lahat magpatuloy sa

prusisyon patungong Welcome Garden.

PAGBABASBAS SA WELCOME GARDEN

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Pastor: Ang kapayapaan ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Tayo ngayon ay nagkakatipon sa dakong ito ng SPMCI kung saan

naroon ang SPMCI Welcome Garden. Kinikilala natin ang inisyatiba ng Student Supreme Council sa pagkakatatag ng hardin na ito na kapahayagan

ng Intercultural Spirituality ng SPMCI sa pamamagitan ng iba‟t ibang kulay

na taglay nito. Ipinapakilala ng hardin na ito ang ating akademikong

komunidad sa mga tao at maging panatag ang bawat isang papasok sa ating campus. Sa gayon, ang lahat ng napapadako sa ating komunidad ay

mahikayat na sumuporta sa mga programa ng isang Safe at secure campus,

naghahandog ng isang Philippine-based curricula na glocally (global and local) competitive, Meaningful community life, Competent human resources,

at Intercultural competent trainings at seminars na naglalayong

makapagpaluwal ng mga mahuhusay na lider ng Simbahan at Komunidad.

Komunidad: Ang Welcome Garden ay nagpapahayag ng pagiging bukas ng SPMCI sa lahat, anumang lahi, lipi at paniniwala man tayo napabilang

upang maranasan ang buhay na ganap at kasiyasiya habang nasa

akademikong komunidad na ito.

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit. Gagawin ng pastor ang

pagwiwisik ng holy water at insensasyon matapos sambitin ang mga sumusunod na panalangin:

O Diyos na aming Magulang, ibuhos mo ang iyong Banal na Espiritu sa

dakong ito kung saan naroon ang Welcome Garden of the Southern Philippines Methodist Colleges, Inc. Pakabanalin mop o ang dakong ito,

Page 6: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

6

kung saan ang bawat isang mapapadako rito ay makaranas ng kapahingahan,

kagalingan, at kalakasan. Amen.

Isang imno ang maaring awitin habang nagtitipon sa katabing Spirituality

Garden.

PAGBABASBAS SA SPIRITUALITY GARDEN Tatayo ang pastor sa gitna ng hardin. Patunugin ang Tibetan bowl ng

maikatlong ulit.

Pastor: Ang kapayapaan ay sumainyo. Komunidad: At sumaiyo rin.

Sa diwang ito, babasahin ng mga tagabasa ang 1 Corinto 12:4-10 at Galacia

5:22-23. At magpapatuloy ang pastor sa kanyang mga sasabihin. Pastor: Sa dakong ito ng SPMCI na tinatawag na Spirituality Garden,

kinikilala natin ang mga Kaloob ng Espiritu Santo (1 Corinto 12:4-10) at ang

mga Bunga ng Espiritu Santo (Galacia 5:22-23). Komunidad: O Diyos na aming Magulang, nagpapasalamat kami sa Kaloob

ng Espiritu Santo at sa mga Bunga ng Espiritu na nagbubuklod at

nagpapalakas sa amin. Pastor: Manalangin tayo. O Diyos na aming Magulang, ibuhos mo ang

iyong pagpapala at pakabanalin ang dakong ito ng Spirituality Garden, na

may pagkilala sa mga Kaloob ng Santo Espiritu na iyong ipinagkatiwala sa

SPMCI na humubog sa bawat mag-aaral, guro at staff na ang mga kaloob na ito ay manahan sa amin, maging amin at sapamamagitan namin ay

magbubunga ng pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagan, kabaitan,

kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Amen.

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit. Gagawin ng pastor ang

pagwiwisik ng holy water at insensasyon. Sisindihan ang kandilang nakalaan sa mga poste ng Spirituality Garden. Magpatuloy ang prusisyon sa Music at

Kindergarten Room.

PAGBABASBAS NG MUSIC AT KINDERGARTEN ROOM Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit. Sa harap at bandang pintuan

ng mga silid magtitipon ang komunidad.

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa music at

kindergarten room na ito.

Komunidad: At sa lahat ng mga magsisitipon sa silid (aralan) na ito.

Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo. Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Page 7: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

7

Pastor: Sumainyo ang Panginoon.

Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Manalangin tayo. O aming Diyos, basbasan mo ang silid (gusali) na ito na itinayo, ginawa at inihanda upang mabigyan ng dekalidad na

edukasyong ang mga bata at kabataan. Ibuhos mo ang iyong banal na

Espiritu at paghariin ang iyong kapayapaan sa silid (gusali) na ito, sa gayon ang mga guro at mga mag-aaral ay makaranas ng iyong pagliligtas at biyaya,

sa kay Cristo Jesus, kasama ng Santo Espiritu, ngayon at sa walang-

hanggan. Amen.

Sa diwang ito papasok ang pastor sa mga silid at mga bahagi ng silid upang

gawin ang insensasyon. Habang ang komunidad ay umaawit ng isang

angkop na imno. O di kaya patugtugin ang isa sa mga instrument ng music room at ang bell ng kindergarten room. Matapos ang insensasyon sa dakong

ito ay magpatuloy ang prusisyon patungong Green Cafe.

PAGBABASBAS NG GREEN CAFE

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit. Ang lahat ay magtitipon sa

Green Café, sasambitin ng pastor ang mga sumusunod:

Pastor: Sumainyo ang kapayapaan!

Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Ipinapaala ng Green Café, na ang Diyos ng lahat ng simula, ang lumikha sa atin ayon sa kanyang wangis, babae at lalaki na may kakayanang

pagyamanin at pangalagaan ang ibang sangnilikha. Ipinapaalala sa atin ng

Green Café, na tayo ay bahagi ng kalikasan at ang pagiging magkaugnay ay kalikasan natin.

Tayo ay manalangin. Diyos ng Manlilikha, patuloy mong ibuhos ang iyong

Santo Espiritu sa dakong ito, sa gayon ang lahat ng mapapadako ditto ay makaranas ng iyong biyaya. Mapalago lalo ang aming ugnayan sa bilang tao

sa kalikasan, matutong pahalagahan ang lahat ng bahagi ng ecosystem na

may natatanging papel na ginagampanan at kakayanan para sa kagalingan ng lahat. Amen.

Matapos ang insensasyon at pagbabasbas ay magpatuloy ang prusisyon patungong MRF building.

PAGBABASBAS NG MATERIAL RECOVERY FACILITY (MRF)

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit, habang ang lahat ay magtitipon sa harap ng MRF.

Page 8: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

8

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa pasilidad na ito.

Komunidad: At sa lahat ng mga magsisipaglagay ng segregated na basura

dito. Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo.

Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Manalangin tayo. Diyos na aming Magulang, paghariin mo nga po

sa dakong ito (banggitin ang pangalan ng lugar) ang iyong pag-ibig at presensya. Silang napapadako dito ay makasumpong ng iyong kapayapaan,

magkaroon ng espiritwalidad na gawing malinis ang kapaligiran, matapat na

paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok at maunawaan

ang mga kabuluhan nito bilang isang mabuting katiwala. Amen.

Sa diwang ito ay gagawin ng pastor ang pagwiwisik ng holy water at

insensasyon sa MRF.

PAGBABASBAS NG SCHOOL CANTEEN

Ang lahat ay magprusisyon at magtipon sa harap ng school canteen. Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa tindahang ito.

Komunidad: At sa lahat ng mga napapadako dito. Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo.

Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Manalangin tayo. Diyos na aming Magulang, manahan nawa

dakong ito (banggitin ang pangalan ng lugar) ang iyong pag-ibig at

presensya. Basbasan mo ang lahat ng kagamitan dito sa pagluluto at paghahanda ng mga masusustansyang pagkain. Sa mga paninda ng

tindahang ito ay maranasan ng bawat isa ang wastong nutrisyon at mabuting

kalusugan. Pagpalain mo rin, O Diyos ang mga tagapamahala sa tindahang ito. Amen.

Sa diwang ito ay wiwisikan ng holy water at gagawin ng pastor ang insensasyon sa school canteen. Pagkatapos, tutuloy ang prusisyon sa

Library.

PAGBABASBAS NG SILID AKLATAN Ang lahat ay magprusisyon at magtipon sa harap ng Library. Patunugin ang

Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Page 9: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

9

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang maghari nawa sa silid aralang ito.

Komunidad: At sa lahat ng mga napapadako dito.

Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo. Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon.

Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Tayo ay manalangin. Diyos na aming Magulang, paghariin mo nga

po sa silid aklatang ito ang iyong pag-ibig at presensya. Silang pumapasok

dito upang magbasa at mag-aral ay lumago sa iyong karunungan at pag-ibig. Amen.

Sa diwang ito gagawin ng pastor ang pagbabasbas at insensasyon sa lahat ng

bahagi ng silid aklatan.

PAGBABASBAS NG FACULTY ROOM AT DEANS’ OFFICES

At lahat ay magprusisyon at magtipon sa harap SPMCI Faculty Room at Deans‟ Offices. Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa mga tanggapang nakapaloob dito.

Komunidad: At sa lahat ng mga pumapasok dito.

Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo.

Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa. Pastor: Sumainyo ang Panginoon.

Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Tayo ay manalangin. Diyos na aming Magulang, paghariin mo nga po sa mga tanggapang nakapaloob dito ang iyong pag-ibig at presensya. Sa

faculty room, O Diyos, pag-alabin mo ang mga guro sa kanilang pagtuturo at

nang maibahagi nila ang kaalamang makapagdudulot ng kalayaan at pag-

unlad sa mga mag-aaral. Gawin mong kapuri-puri ang mga guro at mag-aaral sa iyong banal na harapan, at nang maging karapatdapat silang

makatanggap ng buhay na walang hanggan, sa kay Cristo Jesus, kasama ng

Santo Espiritu, ngayon at sa walang-hanggan. Amen.

Sa diwang ito, gawin ng pastor ang insensasyon sa nabanggit na mga

tanggapan.

PAGBABASBAS NG ADMINISTRATION OFFICE

Ang lahat ay magpatuloy sa prusisyon at magtitipon sa harap ng

administration office. Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Page 10: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

10

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa mga tanggapang

nakapaloob dito.

Komunidad: At sa lahat ng mga pumapasok dito. Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo.

Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Tayo ay manalangin. Diyos na aming Magulang, paghariin mo nga

po sa mga tanggapang nakapaloob dito ang iyong pag-ibig at presensya……… Amen.

Sa diwang ito, gawin ng pastor ang insensasyon sa nabanggit na mga

tanggapan.

PAGBABASBAS NG MGA SILID ARALAN

Magpatuloy ang prusisyon sa mga silid aralan. Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa mga silid aralang ito.

Komunidad: At sa lahat ng mga pumapasok dito.

Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo.

Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa. Pastor: Sumainyo ang Panginoon.

Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Tayo ay manalangin. Diyos na aming Magulang, paghariin mo nga po sa mga silid aralang ito ang iyong pag-ibig at presensya. O Diyos, pag-

alabin mo ang mga guro sa kanilang pagtuturo at nang maibahagi nila ang

kaalamang makapagdudulot ng kalayaan at pag-unlad sa mga mag-aaral.

Igawad mong maunawaan at manatili sa puso at isip ng mga mag-aaral ang mga pinag-aaralan nila at maisabuhay ito. Sa kay Cristo Jesus, kasama ng

Santo Espiritu, ngayon at sa walang-hanggan. Amen.

Sa diwang ito, gawin ng pastor ang insensasyon sa mga silid aralan.

PAGBABASBAS NGTANGGAPAN NG DSAS, CHAPLAIN, AT

GUIDANCE COUNSELOR

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa mga tanggapang

nakapaloob dito. Komunidad: At sa lahat ng mga pumapasok dito.

Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo.

Page 11: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

11

Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon.

Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Tayo ay manalangin. Diyos na aming Magulang, paghariin mo nga

po sa mga tanggapang nakapaloob dito ang iyong pag-ibig at presensya. Sa

pamamagitan ng mga tanggapang ito, maunawaan at manatili sa puso at isip ng mga mag-aaral ang mga pinag-aaralan nila at maisabuhay ito. Gawin

mong kapuri-puri ang mga guro at mag-aaral sa iyong banal na harapan, at

nang maging karapatdapat silang makatanggap ng buhay na walang hanggan, sa kay Cristo Jesus, kasama ng Santo Espiritu, ngayon at sa

walang-hanggan. Amen.

Sa diwang ito, Gagawin ng pastor ang insensasyon sa nabanggit na mga tanggapan.

PAGBABASBAS NG SOUL (Students’ Offices for United Leadership) Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa mga tanggapang

nakapaloob dito. Komunidad: At sa lahat ng mga pumapasok dito.

Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo.

Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Tayo ay manalangin. Diyos na aming Magulang, basbasan Mo po

ang tanggapang ito, nawa‟y sa tanggapang ito ay maranasan ng mga mag-aaral at lahat ng mga papasok dito ang Iyong presensya at patnubay. Sa

gayon, malayang mahayag ng mga mag-aaral ang kanilang mga karapatan,

kakayanan, at kalakalasan na isang malaking ambag upang lumago ang

paaralang ito.Amen.

Sa diwang ito, gawin ng pastor ang insensasyon sa nabanggit na tanggapan.

PAGBABASBAS NG SCHOOL CLINIC

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa dakong ito. Komunidad: At sa lahat ng mga pumapasok dito.

Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo.

Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin.

Page 12: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

12

Pastor: Tayo ay manalangin. Diyos na aming Magulang, basbasan mo ang

klinikang ito ng paaralan at lahat ng pumapasok sa silid na ito.

Masumpungan ka nawa namin na aming dakilang Manggagamot, Dentista, Nars or Health Workers. Loobin Mo, O Diyos, na ang klinikang ito ay

magsilbing dako upang masuri at maalagaan ang kalusugan ng mga mag-

aaral, mga guro at empleyado sa paaralang ito. Mabigyan ng karampatang tugon ang lahat ng nangangailangan ng serbisyo ng klinikang ito. Amen.

Sa diwang ito, gawin ng pastor ang insensasyon sa nabanggit na tanggapan. At magpatuloy ang prusisyon sa School Stage.

PAGBABASBAS NG SCHOOL STAGE

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit. Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa dakong ito.

Komunidad: At sa lahat ng mga napapadako dito.

Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo. Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon.

Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Tayo ay manalangin. Diyos na aming Magulang, basbasan mo ang

entabladong ito na hindi lamang magsisilbing tanghalan for aesthetic

purposes at entertainment, kundi maging tanghalan ng iyong kabanalan,

karunungan, at pag-ibig. Mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapalago at malinang ang kanilang mga talento, kakayanan at buhay sa

pagtatanghal ng kanilang natatanging kultura, espiritualidad, tradisyon, at

sining ng komunidad na kanilang pinanggalingan at kinabibilangan. Lahat ng mapapadako dito ay mamulat at masangkapan ng kalakasan at kakayanan

upang maitaguyod ang buhay ng ganap at kasiyasiya. Amen.

Sa diwang ito, wiwisikan ang lugar ng holy water at gawin ng pastor ang insensasyon sa school stage. At magpatuloy ang prusisyon sa Love Hub.

PAGBABASBAS NG LOVE HUB Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa dakong ito.

Komunidad: At sa lahat ng mga napapadako dito. Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo.

Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon.

Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Mga kapatid, tayo ngayon ay nasa isang dako ng SPMCI na

tinatawag na Love Hub. Isang dakong inilaan upang makapag-bonding at

Page 13: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

13

makapag-binding ang mga magkakaibigan, mag-aaral, magbabarkada, at

magkakapamilya habang pinagtitibay ang pagkaunawa at pagtanggap na ang

pag-ibig ay matiyaga at magandang loob, hindi maiingitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili,

hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Isang pamumuhay na hindi

ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan (1 Corinto 13: 4-6).

Komunidad: Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-

asa, at mapagtiis hanggang wakas (1 Corinto 13: 7). Pastor: Manalangin tayo. Diyos na aming Magulang, manahan nawa sa

dakong ito (banggitin ang pangalan ng lugar) ang iyong pag-ibig at

presensya. Basbasan mo ang dakong ito na magpapaalala sa amin na

makapagsalita man kami ng wika ng mga tao, magkaroon ng kakayanang magpahayag ng salita ng Diyos at umunawa sa lahat ng hiwaga, kung

mayroon man kami ng lahat ng kaalaman at malaking pananampalataya,

ngunit wala naman kaming pag-ibig, wala kamin kabuluhan (1 Corinto 13:2). Pagpalain mo rin, O Diyos na aming Magulang, maging ang lahat ng

mapapadako rito, manatili nawa sa kanila ang pananampalataya, pag-asa, at

higit sa lahat ang pag-ibig. Amen.

Sa diwang ito ay wiwisikan ng holy water at gagawin ng pastor ang

insensasyon sa Love Hub. Pagkatapos, tutuloy ang prusisyon sa Peace Park.

PAGBABASBAS NG PEACE PARK Magtitipon ang lahat sa SPMCI Peace Park, isang angkop na imno ang

maaring awitin. Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit.

Pastor: Sumaainyo ang kapayapaan ng Dios!

Komunidad: At sumaiyo rin!

Pastor: Tayo ay manalangin. Diyos na aming Magulang, Diyos ng Kapayapaan, ibuhos mo ang iyong Banal na Espiritu sa Peace Park ng

SPMCI. Pakabanalin mo and dakong ito, O Diyos, kung saan mapaguusapan

at maayos ng bawat isa ang mga personal na isyu, reserbasyon at mga bagay na nakakaapekto sa relasyon at paglago ng isang indibidwal. Sa iyong

patnubay at presensay sa dakong ito, maging malaya ang isa‟t isa na

maibahagi ang mga saloobin na may paggalang, katapatan, at kagandahang loob. Sa gayon, mahayag ang kabutihan ng bawat isa, matutong makinig at

umunawa sa pananaw at saloobin ng kapwa, at makita ang biyaya ng

pagkakaiba-iba. Sa iyong diwa, gawin mo kaming isa, kaisa ng isa‟t isa, at

sa pamamagitan ng pag-uusap ay magawa naming maayos ang mga gusot o di pagkakaunawaan. Amen.

Page 14: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

14

Sa diwang ito, gagawin ang insensasyon at pagbababas.

Ang lahat ay magprusisyon at magtitipon sa harap ng Ladies at Gents

Dormitory.

PAGBABASBAS NG DORMITORYO

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit. Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa dormitoryong ito.

Komunidad: At sa lahat ng mga pumapasok dito.

Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo. Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon.

Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Manalangin tayo. Walanghanggang Diyos, pagpalain mo ang dormitoryong ito. Paghariin mo nga po ang iyong pag-ibig at mahayag rito

ang ipinangako mong presensya. Silang mga pumapasok at lumalabas rito ay

maturuan na magmahal, kung paano mo kami minahal at lumago sa iyong kagandahang loob. Mamuhay sa kapayapaan ni Jesu-Cristong aming

Panginoon. Amen.

Diyos na pinagmulan naming lahat, pagpalain Mo ang dormitoryong ito at

silang mga nakatira rito, lumago nawa sila sa iyong kagandahang loob. Sa

pangalan ni Jesus-Cristo, aming Panginoon. Amen.

Sa diwang ito gagawin ng pastor ang insensasyon sa mga bahagi at silid ng

dormitory.

PAGBABASBAS SA LABYRINTH

Pastor: Sumaainyo ang kapayapaan ng Dios!

Komunidad: At sumaiyo rin!

Pastor: Ang pananalangin at pagninilay sa pamamagitan ng paglalakad sa labyrinth ay isa sa mga unang akto ng panalangin. Ito ay sumibol at umunlad

sa panahong ang paglalakbay patungong Jerusalem ay hindi na praktikal

dahil sa kaguluhan nagaganap. Ang komunidad ng mga Kristiyano dahil dito ay gumawa ng mga labyrinth sa kani-kanilang mga lugar bilang halili sa

aktwal na pilgrimage sa Jerusalem. Ang paglalakad natin sa labyrinth ay

may tatlong yugto. Paglalakad patungo sa gitnang bahagi, ang pagdating sa gitnang bahagi, at paglabas mula sa gitnang bahagi na may kalakip na

pagninilay at pananalangin.

Tayo ay manalangin. Ibuhos mo, O Diyos na aming Magulang, ang iyong Santo Espiritu sa dakong ito at pakabanalin. Hayaan na sa tuwing kami ay

mapapadako sa Labyrinth na ito maranasan namin ang Iyong pagkilos. Kung

Page 15: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

15

saan, O Diyos na aming Magulang ay inaabot niyo kami sa aming

kinasasadlakang kalagayan at iniaangat sa estado na nararanasan ang iyong

pagmumulat at pagpapalakas sa pamamagitan ni Cristo at ng Iyong mga propeta. Sa gayon, kasama ka, si Cristo at ng Iyong mga Propeta ay abutin

ang aming kapwa, tulungan at sangkapan ng pag-asa‟t kalakasan. Amen.

Sa diwang ito ay wiwisikan ng holy water at gagawin ng pastor ang

insensasyon. Pagkatapos ay tutuloy ang prusisyon patungong SPMCI

Chapel.

PAGBABASBAS NG KAPILYA

Pastor: Ang kapayapaan ng Diyos ang manahan nawa sa kapilyang ito.

Komunidad: At sa lahat ng mga pumapasok dito. Pastor: Ang Diyos ang ating saklolo.

Komunidad: Siyang lumikha ng langit at lupa.

Pastor: Sumainyo ang Panginoon. Komunidad: At sumaiyo rin.

Pastor: Tayo ay manalangin. Ibuhos mo, O Diyos, ang iyong Santo Espiritu

sa kapilyang ito, pagpalain at pakabanalin ang lahat ng aming mga pagdiriwang at pagtitipon sa dakong ito. Panatilihin niyo sa amin ang

pagkilala sa kabanalan ng kapilyang ito kung saan ang iyong pag-ibig at

pagkalinga ay aming mararanasan. Amen.

Patunugin ang Tibetan bowl ng maikatlong ulit habang ginagawa ng pastor

ang pagbabasbas sa kapilya.

PASASALAMAT AT KOMUNYON

PAGTANGGAP NG TINAPAY AT ALAK

Ang lahat ay magsipaghanda na para sa Banal na Kumunyon. Sa diwang ito aawitin ang isang imno bilang paghahanda sa Banal na Komunyon.

“ISANG PAGKAIN, ISANG KATAWAN, ISANG BAYAN”

Words and Music by Lucio D. San Pedro KATULAD NG MGA BUTIL NA TINITIPON

UPANG MAGING TINAPAY NA NAGBIBIGAY BUHAY KAMI NAWA‟Y MATIPON DIN

AT MAGING BAYAN MONG GILIW

KORO:

IISANG PANGINOON, IISANG KATAWAN

ISANG BAYAN, ISANG LAHI

Page 16: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

16

SAYO‟Y NAGPUPUGAY

KATULAD DIN NG MGA UBAS NA PINIGA AT NAGING ALAK

SINO MANG UMINOM NITO

MAY BUHAY NA WALANG HANGGAN KAMI NAWA‟Y MAGING SANGKAP

SA PAGBUO NITONG BAYANG LIYAG

(KORO)

DAKILANG PASASALAMAT

Pastor: Sumainyo ang Panginoon.

Komunidad: At sumaiyo rin. Pastor: Itaas ninyo ang inyong mga puso.

Komunidad: Itinataas namin ang mga yaon sa Panginoon.

Pastor: Magpasalamat tayo sa Panginoon nating Diyos. Komunidad: Matuwid na magpasalamat at magpuri.

Pastor: Matuwid …imno ng pasasalamat at pagdakila.

Lahat: (aawitin) KABANALBANALANG DIOS NG LAKAS AT TATAG.

LANGIT LUPA’Y PINAGPAPALA, PAPURI AY SA LANGIT.

MAPALAD S’YANG PARATING SA NGALAN NG DIOS.

Papuri ay sa langit.

Pastor: Banal ka, O Diyos … misteryo ng pananalig sa kay Cristo.

Lahat: (aawitin) NAMATAY, AT NABUHAY, BABALIK MULI. Pastor: Ibuhos mo …ngayon at sa walang hanggan.

Tugon: (aawitin) AMEN, AMEN, AMEN.

Pastor: At ngayon, …manalangin tayo: Lahat: (aawitin) DIOS NA MAGULANG, BANAL ANG NGALAN.

PAMAMAYANI AY SUMAAMIN. GAWIN NAWA ANG ‘YONG

KALOOBAN. SA LUPA GAYA NG SA LANGIT.

IPAGKALOOB NGAYON SA AMIN, PANG-ARAW-ARAW NAMING

KAKANIN. KAMI SA SALA AY PATAWARIN, NAGPAPATAWAD SA KAPWA RIN.

H’WAG MONG SA TUKSO’Y KAMI’Y TULUTAN. KUNDI ILIGTAS SA

KASAMAAN.

PAMAMAYANI, KAPANGYARIHAN, KALUWALHATIAN, SA ‘YONG TANAN. Amen.

Page 17: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

17

PAGPIRA-PIRASO NG TINAPAY

PAMAMAHAGI NG TINAPAY AT ALAK

+PANALANGIN NG PASASALAMAT

PAGPAPAHAYO

IMNO “FOR THE BEAUTY OF THE EARTH” SA LUPANG KAGANDAHAN AT SA KALWALHATIAN

SA PAG-IBIG NA ALAY MULA SA „MING PAGSILANG.

KORO:

DIOS NG BUONG NILALANG,

PINASASALAMATAN.

SA PANAHONG MAINAM NG GABI AT NG ARAW

PARANG AT BULAKLAKAN BIT‟WIN ARAW AT BUWAN.

SA GALAK NG TAINGA PUSO ISIP AT MATA

HIWAGANG MAGKASAMA NG HIMIG NA LIGAYA.

DAHIL SA PAG-IBIG NG KAPATID AT MAGULANG

AT MGA KAIBIGAN SA LUPA‟T SA LANGIT MAN.

BAYAN MONG MINAMAHAL TUWINA AY KATUWANG SA NANGANGAILANGAN GAWANG MAPAGPALAYA.

SA BANAL MONG KALOOB NA SA AMIN AY HANDOG NI CRISTONG KAIBIGAN, BINUKLOD KAMING BAYAN.

PANALANGING PASTORAL

+BENDISYON

+TATLONG AMEN

PAGHAYO

Page 18: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

18

Ang Sesbisyo ng Insensasyon at Pagbabasbas: Maikling

Paliwanag Rev. Jeric C. Cortado, 2015

Ang Serbisyo ng Insensasyon at Pagbabasbas ay taunang ginagawa mula pa

noong June 2015 ng Southern Philippines Methodist Colleges,Inc. Ito ay bahagi ng pagbubukas sa bagong pampaaralang taon at klase. Sa Serbisyong

ito, nililibot ng mga mag-aaral, guro, staff at tagapamahala ang lahat ng

gusali, parke at hardin na nakapaloob sa SPMCI campus upang mag-alay ng panalangin at pagbabasbas. Ang katagang incense o insenso ay hango sa

salitang Latin na incendere na ang ibig sabihin ay to burn o susunugin. Ang

insenso ay mula sa mga natuyong dagta ng puno gaya ng pine tree na kung

susunugin ay nagdudulot ng mahalimuyak na usok. Malimit ang insenso ay isinisilid sa incense boat, isang mangkok na anyong barko. Sinusunog ang

insense sa censer o thurible na gawa sa metal na may hawakang kadena.

Inilalagay ang insenso sa mga bagang nakasilid sa censer or thurible. Bago pa lumaganap ang Kristiyanismo, ang insensasyon o pagpapausok ay

ginagawa na ng mga katutubo bilang isang akto ng pagbabasbas sa mga

kagamitan at mga dako. Pinapausukan ng mga katutubo ang mga semilyang itatanim at mga kagamitan nila sa pagtatanim sa paniniwala na sa

pamamagitan ng mahalimuyak na usok ay maitataboy ang mga negatibong

enerhiya o puwersa. Pinaniniwalaan diin na ang mahalimuyak na usok ng

insensyo ay nakapagpapagaling at nakakapanghikayat ng mga positibong enerhiya o puwersa. Si Aaron bahagi ng kanyang araw-araw na debosyon ay

ang pagsusunog ng insenso sa altar (Exodo 30: 1, 7-8). Sa loob ng Toldang

Tipanan naroon ang isang altar kung saan doon sinusunog ang insenso na pinangungunahan ng pari (Exodo 40:27). Ang pagsusunog ng insensyo sa

Lumang Tipan ay isang akto ng panalangin at pagsamba. Ang mahalimuyak

na usok ng insensyo ay sumasagisag sa presensya ng Diyos sa ating

kalagitnaan, at ang insensasyon ay pagbibigay ng pagkakataon sa atin upang maranasan ang presensya ng Diyos.

Sa ganitong diwa, ang alay na insenso ng isa mga tatlong pantas (Mateo 2:11) ay kapahayagan ng pagsamba sa bagong ipinanganak na Mesiyas. Ang

pagsusunog ng insensyo na pinangungunahan ng isang pari gaya ni Zacarias

(Lucas 1:9-110 ay bahagi ng akto ng panalangin ng bayan ng Diyos. Ginagawa ito sa tuwing Oras ng Panalangin na kilala din sa tawag na Oras

ng Insenso. Sa aklat ng mga Gawa ng mga Apostoles, may kuwento

patungkol sa pagpapagaling ng pilay sa Templo sa pamamagitan nila Peter

at John, at nangyari ito sa Oras ng Insenso or Oras ng Pananalangin (Gawa 3). Ang mga Hudio ay nagdaraos ng panalangin apat na beses sa isang araw

Page 19: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

19

sa kapanahunan ni Jesus at ng mga Apostoles. Ang First Hour of Prayer ay

ginagawa tuwing 6:00 ng umaga; ang Third Hour of Prayer ay sa ganap na

ika-9 ng umaga; ang Sixth Hour of Prayer ay sa ika-12 ng tanghaling tapat; at ang Ninth Hour of Prayer ay sa ganap na ika-3 ng hapon. Ang insenso ay

sagisag ng mga panalangin ng mga banal sa altar ng Diyos (Pahayag 5:8,

8:3-4). Kinakatawan din ng usok ng insensyo ang panalangin ng bayan patungo sa Diyos.

Ang insenso sa pagsambang Kristiyano ay ginagamit na mula pa noong 4th

century. Una itong ginamit at naging bahagi sa ritual ng Eastern Orthodox

Church at sumunod na gumamit ang Western Church. Ginagawa ang

insensasyon sa entrance procession, sa pagsisimula ng misa upang basbasan

ang krus at altar. Ginagawa din ang insensasyon before the Gospel and the proclamation of the Gospel; matapos na maisaayos ang chalice at tinapay sa

altar; sa pari at sa kongregasyon. Ginagawa din ang insensasyon sa

pagbabasbas ng bagong naitayong gusali at sa mga pagtatalaga ng mga kagamitan sa simbahan. Sa United Methodist Church ang insenso ay

ginagamit sa tuwing nagdaraos ng Evening Praise and Prayer.

Sa pagdaraos natin ngayon ng Serbisyo ng Insensasyon at Pagbabasbas,

inilalagay natin ang ating sarili sa pagkakataong maranasan ang presensya

ng Diyos, malinis at makaranas ng kagalingan sa pamamagitan ng mga

natatanging dako ng SPMCI na babasbasan. Hayaang mapanatag ang ating mga pag-iisip at katawan, mapataas ang kamulatan sa presensya ng Diyos, at

maranasan ang biyayang kaloob ng Diyos na ating Magulang sa

pamamagitan ng mga natatanging hardin, parke, mga gusali at opisina ng SPMCI. Amen.

References

1. Ang Panlipunang Prinsipyo ng United Methodist Church. Philippines: Discipleship Resources-Philippines.

2. (2000) The United Methodist Book of Worship. USA: The United

Methodist Publishing House. 3. Vengco, Sabino A. (1987) Mga Tanda at Kilos sa Liturhiya. Philippines:

St. Paul Publications.

4. Neal, Gregory S. (2008) Let our Prayers Rise: The Use of Incense in the Church. https://www.revneal.org/Writings/Writings/incense.html

(Accessed, June 2015)

Page 20: SOUTHERN PHILIPPINES METHODIST COLLEGES, INC. · at gawin tayong karapat-dapat sa kanyang makalangit ng piging. Amen. Sa diwang ito, ang insensaryo ay ihahanda. Babasahin ng pastor

20