57
University of the Philippines Ermita, Manila Ang Pagkaing Kalye: Bahagi ng Kulturang Pilipino ni April Rose J. Airoso 1 st Yr / B.S. Public Health Isinumite kay Prop. Amante del Mundo bilang pagpapatupad sa Komunikasyon II Departamento ng Sining at Komunikasyon Kolehiyo ng Agham at Sining, U.P. Manila Ikalawang Semestre

Street Foods

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Street Foods

University of the Philippines

Ermita, Manila

Ang Pagkaing Kalye:

Bahagi ng Kulturang Pilipino

ni

April Rose J. Airoso

1st Yr / B.S. Public Health

Isinumite kay Prop. Amante del Mundo

bilang pagpapatupad

sa

Komunikasyon II

Departamento ng Sining at Komunikasyon

Kolehiyo ng Agham at Sining, U.P. Manila

Ikalawang Semestre

T.P. 2006 – 2007

Page 2: Street Foods

Konseptong Papel

Masasabing isang phenomenon ang mga pagkain kalye. Saang sulok man ng

bansa - sa siyudad man o probinsya, napakaraming tao – mayaman, may kaya at salat sa

pera – ang nabubuhay, ginagawang hanapbuhay at tumatangkilik sa mga ito. Dito sa

Pilipinas, hindi lamang ito maituturing na isang “uso” datapwat ito ay naging bahagi na

ng kultura at ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Bagamat nakabubusog, ang

karamihan sa mga pagkaing ito kung hindi malinis at mapangalaga sa kalusugan ay may

dalang panganib sa kalusugan ng sinumang kakain nito. Sa loob ng mahabang panahon,

napakarami nang mga pag-aaral ang nagawa ukol sa mga peligro sa kalusugan na dulot

nito at makailang ulit nang binalaan ng mga eksperto ang mga tao ukol sa mga sakit na

maaaring makuha rito – ngunit hanggang sa ngayon, patuloy pa rin itong tinatangkilik ng

mga tao at tuloy-tuloy pa rin ang paglago ng industriya ng pagtitinda nito. Sa ganitong

kadahilanan, mahalagang malaman at masuri ang mga epekto ng pagtangkilik ng mga

Pilipino sa mga pagkaing ito na talaga namang nanapakahalaga bilang bahagi ng

kabuhayang Pilipino.

Layunin

Pangkalahatang Layunin

Alamin, talakayin at suriin ang mga sanhi at bunga ng pagtangkilik ng

Pilipino sa mga pagkaing kalye.

2

Page 3: Street Foods

Tiyak na Layunin

1. Ibigay ang kahulugan at saklaw na pagkain ng mga “pagkaing kalye” at

magbigay ng halimbawa ng ilan sa mga pagkaing ito na kinagigiliwan ng

mga Pilipino.

2. Ilarawan ang paraan ng paghahanda, presentasyon, at lugar kung saan ito

pangkaraniwang makikita o mabibili at ang mga taong tumatangkilik rito.

3. Tukuyin ang mga sanhi at bunga ng pagtangkilik ng mga pagkaing ito sa

kalusugan, kabuhayan o ekonomiya, at kultura ng bansa.

4. Makapagmungkahi ng paraan upang mapanatiling sa kulturang Pilipino at

mapalago ang mga pagkaing kalye upang mas maging angkop na kainin

ng mga tumatangkilik nito.

Metodolohiya

Maaring kumuha ng ilang datos mula sa mga artikulo sa dyaryo at journal sa mga

aklatan, ilang artikulo at pahina sa internet, at abstrakto ng mga tesis ukol sa pagkaing

kalye at epekto nito sa kultura, kalusugan at ekonomiya ng isang bansa. Sa ganitong

paraan, maaring gamitin ang paraang hemenyutika sa pagsusuri ng mga datos at

makahalaw ng ilang eksplanasyon mula sa mga ito.

Inaasahang Output

Isang 20 – 35 pahinang papel ang inaasahang mabubuo mula sa mga datos ng

pananaliksik. Bahagi ng papel na ito ang bibliograpi.

3

Page 4: Street Foods

Balangkas

Paksang Diwa:

Ang mga pagkain kalye ay isang nang bahagi ng kulturang Pilipino at

pamumuhay ng mga Pilipino, at di ito maikakaila. May masama man itong dulot, may

buti rin naman itong hatid - kaya’t ating ating itaguyod ang isang tunay na markang

Pinoy.

I. Ang pagkaing kalye ay isang grupo ng mga pagkaing popular sa Pilipinas.

A. Ito ay anumang pagkain o inumin na ipinagbibili o hinahanda sa mga

pampublikong lugar lalo na sa mga lansangan.

B. Maraming mga sikat at popular na pagkaing kalye sa Pilipinas.

C. Sa halos lahat ng mga bayan at lungsod, mayroong mabibilhang mga

tindahan ng pagkaing kalye.

D. Napakaraming Pilipino – iba’t iba man ang edad, kasarian o trabaho – ang

naiinganyong bumili ng mga pagkaing ito.

II. Maaaring masabi na may tatlong dahilan ng pagtangkilik ng mga tao sa mga

pagkaing kalye.

A. Ang masarap at kaiga-igayang ang lasa ng mga pagkaing ito.

B. Ang pagkaing kalye ay isang paraan upang maipakita ang pagbabago sa

pananaw ng mga Pilipino.

C. Ang pangunahing dahilan ng pagtangkilik ng maraming Pilipino sa mga

pagkaing kalye ay ang mababa at abot-kayang presyo nito.

4

Page 5: Street Foods

III. Bagamat nakabubusog, mayroong ilang peligrong pangkalusugan ang hatid ng

mga pagkaing kalye.

A. Ilang mga sakit ang maaaring makuha sa pagkain ng mga pagkaing kalye

na ang pangunahing sanhi ay ang hindi maayos na pagkakahanda at

pagkakaluto ng mga ito.

B. Alam ng mga nagtitinda at ng mga mamimili na maaaring magdulot ng

sakit ang mga pagkaing kalye ngunit hindi pa rin sapat ang kanilang

kaalaman ukol rito.

C. Ilang ahensya ng pamahalaan at mga pribado at internasyonal na

kagawaran ang nagbibigay pansin sa mga bunga ng pagkunsumo ng mga

pagkaing kalye.

1. Nakapaglungsad ng ilang mga proyekto, hakbangin at kampanya

ang Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas sa tulong ng iba pang

mga ahensya at departamento sa Pilipinas upang mapalawak ang

kaalaman ng mga tao ukol sa mga pagkaing kalye.

2. Nagkakaroon ng ilan pang pag-aaral at pagsasaliksik ukol sa mga

mikrobiyong nakukuha sa mga pagkaing kalye at sa mabisang

paraan ng paghahanda ng mga pagkain upang maiwasan ang mga

suliraning ito.

3. Napag-alaman na ilang simpleng hakbang ang kailangang gawin

upang makatiyak sa kaligtasan ng mga pagkaing ipagbibili at

kakainin.

5

Page 6: Street Foods

IV. Ang mga pagkaing kalye ay may mabubuting dulot din.

A. Ang mga pagkaing kalye, sa maliit na paraan, ay nakakatulong tumugon

sa kakulangan ng pagkain.

B. Nakakatulong rin ito sa ekonomiya ng Pilipinas bagamat ito ay bahagi ng

impormal na sektor ng ekonomiya.

C. Sapagkat may kadalasan ding itinitinda ang mga tradisyonal na pagkain o

kakanin ng Pilipinas, nakakatulong sa pagtataguyod ng tradisyon at

kulturan ang pagtitinda ng pagkaing kalye.

D. Ipinagkakasundo ng mga pagkaing kalye ang paghihiwa-hiwalay ng mga

tao sa lipunan at pinagbubuklod nito ang mga Pilipino.

Konklusyon at Rekomendasyon:

A. Higit na kinakailangan ang pakikialam ng mga konsyumer at mamimimili ukol sa

mga isyu kinahaharap ng mga pagkain kalye.

B. Ang pakikisangkot ng ilang pribado at pampublikong mga institusyon ay

makakatulong sa mas maigting pagpapabuti ng mga pagkain kalye.

C. Ang pagtatatag ng maliliit na organisasyon sa iba’t-ibang lugar ng mga nagtitinda

ng pagkaing kalye ay makakatulong upang mas mapagtagumpayan ang

pangangalakal ng mga pagkaing kalye.

D. Ang mga pagkaing kalye ay makakatulong sa turismo ng Pilipinas sapagkat

naipapakita nito ang kakaibang kultura ng Pilipino sa larangan ng pagkain.

6

Page 7: Street Foods

Pagkaing Kalye: Bahagi ng Kulturang Pilipino

Ang mga pagkaing kalye ay isang malaking penomenon sa buong mundo. May

mga hinala na ito ay nag-umpisa noong mga panahong wala pang mga permanenteng

pamilihan at kinakailangan ng mga nagtitinda na magpalilipat-lipat ng lugar at

maglako. Datapwat sa paglitaw ng mga sentral at permanenteng lugar ng kalakalan,

ang mga pagkaing kalye ay naging isang natatanging kategorya – naging isang

kultura sa sarili nitong pamamaraan. Kaya naman ang mga pagkaing kalye sa iba’t

ibang lugar ay naging paraan na ng pagpapahayag ng katangian, ng pagpapakita ng

kultural at heograpikal na pinagmulan ng naninirahan rito.

Ang mga pagkaing kalye ay maaari ring isang testamento ng mga lagalag na

ninuno ng mga tao – ang mga tao ay likas na manlalakbay, at ang mga pagkain sa

kalye ay nagbibigay ng isang abot-kayang uri ng pagkukunang sustansya kahit saan

man mapadpad. Ngunit kadalasan ang mga paglago ng industriya ng pagkaing ito ay

isang tanda ng di mapagkakamalang kahinaan ng ekonomiya – isang pahiwatig na

parami ng parami ang umaasa sa mga di gaanong masustansiyang pagkain sapagkat

ito lamang ang kanilang makakayanang bilhin.

Sa Pilipinas, ang mga pagkaing ito ay isang lifestyle. Para sa mga Pilipino, ang

mga pagkain sa kalye ay kadalasang isang paraan ng pang-aaliw sa sarili. Sapagkat

maraming Pilipino ang nabubuhay sa mga pagkaing kalye.1

1[Kai], “LP III: Pinoy Street Food”, Bucaio, October 07, 2005, Blogger, http://bucaio.blogspot.com/2005_10_01_archive.html.

7

Page 8: Street Foods

Mula sa mga musmos hanggang sa mga matatanda; mayaman man, middle class o

salat sa pera, purong Pilipino, dayuhan, o naturalisadong Pilipino – sino nga ba

naman ang hindi nakakakilala sa mga pagkain kalye?

Ang katagang “pagkaing kalye” ay tumutukoy sa isang malawak na pagpipilian

ng mga madadaling kaining pagkain at inumin na inihahanda sa mga pampublikong

lunan, partikular sa mga lansangan. Ito ang depenisyon ng pagkaing kalye na

napagkasunduan sa naganap na FAO Regional Workshop on Street Foods in Asia na

ginawa sa Jagjakarta, Indonesia noong 1986 pa. 2 Ang mga pagkaing ito ay isang

malawak na serye ng pagkain magmula sa isang simpleng merienda hanggang sa

isang kumpletong pagkain, mula sa isang lantay na pagkain hanggang sa mga

mahihirap ihanda.3 Ang mga pagkaing kalye ay talagang parte na ng kulturang

Pilipino. Tulad ng ibang bansang Asyano, ito ay paraan na ng pamumuhay.4

Malawak ang pagkakaiba-iba ng mga pagkaing kalye na popular sa Pilipinas.5

Bagamat karamihan sa mga pagkaing kalye ay rehiyonal, marami ang hindi, pagkat

lumaganap na maging sa labas ng mga rehiyong pinagmulan. Karamihan sa mga

pagkaing lansangan ay parehong pika-pika at fast food.6

Ang pagiging malikhain ng mga Pilipino ang nagbigay-buhay at ngalan sa mga

pagkaing kalye. Ang ilan sa mga pinakapamilyar ay ang mga sumusunod:

Adidas

2 F.G. Winarno and A. Allain, “Street Foods in Developing Countries: Lessons from Asia”, FAO Corporate Document Repository, n.d., FAO - WHO, http://www.fao.org/docrep/U3550t/u3550t08.htm#TopOfPage.3 “Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4.4 Grace Uddin, “Pedestrian Delights”, Bulatlat (Davao Today.com) 5, no. 45, (18-25 Dec. 2007), Alipato Pub Quezon City Philippines, http://www.bulatlat.com/news/5-45-delights.htm.5 “Street Food”, Wikipedia: the Free Encyclopedia, Janaury 17, 2007,Wiki.org, http://en.wikipedia.org/wiki/street_food.6 Ibid.

8

Page 9: Street Foods

Ang inihaw na paa ng manok mas kilala sa tawag na adidas. Ito

masarap pampulutan o pang-ulam sa mainit na kanin.

Balat ng Manok

Ito ay ginagawang chicharon at masarap ng pampulutan sa mga

inuman sa mga inuman.

Balut at Penoy

Ang balut ay tumutukoy sa itlog ng pato o manok na mayroon nang

sisiw sa loob. May dalawang pamilyar na klase nito, ang 16 araw at 18 araw

na itlog. 7 Ang penoy naman ay ang mas batang balut, o iyong wala pang

sisiw.8 Ayon sa mga matatanda, ito ay mainam na pampatibay ng tuhod.

Banana-Q at Kamote-Q

Ito ang mga tawag sa saging na saba o kamote na nirorolyo sa asukal

at pinipirito nang lubog sa mantika at kapag naluto ay tinutuhog ng barbecue

stick (taliwas sa maaaring isipin na inihaw na saging o kamote).9

Betamax

Ito ang tawag sa inihaw na dugo ng baboy na hugis parihaba. Tulad ng

Adidas, ito ay pinampupulutan rin.

Cotton Candy

Malambot, makulay at matamis, ito ang malabulak na kendi na tunay

na kinagigiliwan ng mga bata at kinakain ng mga hindi na bata upang

maligayahan naman.10 Ito ay mula sa asukal na may kulay na inilalagay sa

7 Uddin, op. cit.8 “Street Food”, Wikipedia: the Free Encyclopedia, Janaury 17, 2007,Wiki.org, http://en.wikipedia.org/wiki/street_food.9 Edilberto N. Alegre, “Fast Food and Mobile Stand-up Sit-down Food Stalls”, Mr. & Ms., 21 Oct. 1986, 70.10 Uddin, loc. cit.

9

Page 10: Street Foods

espesyal na gawaan ng cotton candy. Kadalasan, ito ay nilalagyan ng gatas at

isinusupot ng nagtitindang nakabisikleta kasama ang gawaan.

Dirty Ice Cream at Ice Milk

Ang dirty ice cream ay, sa katotohana, sorbetes. Ang ice cream at ice

milk ay napakasarap lalo na’t mararamdaman mong natutunaw ito sa iyong

bibig. Tunay na ikagagalak ng mga tagatangkilik ang iba’t-iba nitong panlasa,

may durian (laganap sa Davao), mangga, strawberry, tsokolate, keso, at

marami pang iba.11

Fish balls

Ang fishball ay mga maliliit na bola-bolang gawa sa harina at hinimay

na isda. Ito ay kadalasang piniprito nang lubog sa mantika, at isinasawsaw sa

suka o kaya’y sa sweet and sour na maaaaring maanghang o hindi.12

Sinasabing mas katakamtakam itong kainin kung mas masarap ang sawsawan.

Helmet

Ito ang tawag sa inihaw na ulo at palong ng manok. Isinasawsaw rin

ito sa sawsawan ng fishball upang higit na maging malasa at masarap.

Hotcake

Ito ay tinapay na kadalasang ding tinatawag na pancake sapagkat

iniluluto ito sa kalan at hindi sa over. Malinamnam at gustong-gusto ng mga

bata, ito ay mabibili sa halagang P3 bawat isa, ngunit maaaring mabili ang

dalawang piraso sa halagang P5.

Ice Scramble

11 Ibid.12 Ibid.

10

Page 11: Street Foods

Ito ay pinaghalo-halong kinakaskas na yelo, pampalasa at evaporadang

gatas na kadalasan ay nilalagyan ng tsokolate. Ito ay matamis ang malamig, at

nakaiinganyong kainin lalo na kapag mainit.13

Isaw

Ito ang tawag sa inihaw ng bituka ng manok na mabibili nang P3

bawat tuhog. Madalas na may kasama itong balunbalunan ng manok.

Kikiam

Ang kikiam ay prinosesong manok, na niluluto nang lubog sa mantika

at sinasawsaw sa suka o sweet and sour sauce. Tulad rin ng fish ball at squid

ball, ito ay madalas tinutuhog sa barbecue stick at kinakain ng nakatayo.

Kwek- kwek o Tokneneng

Ito ay nilagang itlog ng manok o itlog ng pugo na binalutan ng harina,

pinirito ng lubog sa mantika at kadalasan ay isinasawsaw sa asin at suka. Ang

tinatawag na tokneneng ay iyong yari sa itlog ng manok samantalang ang

kwek-kwek ay ang yari sa itlog ng pugo ngunit madalas na rin itong

napagpapalit.14 Ang tokneneng ay nagkakahalagang anim na piso lamang (sa

Davao), ngunit ito ay tunay nang nakakabusog.15

Mais

Nilaga man o inihaw, ito ay pangmatagalang paborito ng madla.16

Mani

13 [Kai], “LP III: Street Food in Daet”, Bucaio, October 24, 2005, Blogger, http://bucaio.blogspot.com/2005_10_01_archive.html.14 “Street Food”, Wikipedia: the Free Encyclopedia, Janaury 17, 2007,Wiki.org, http://en.wikipedia.org/wiki/street_food.15 Uddin, op. cit.16 Ibid.

11

Page 12: Street Foods

Nilaga, adobo, mixed nuts, kornik, kasuy – ilan lang ito sa mga

kutkutin na talaga namang patok na patok sa panlasa ng mga Pilipino -

binibenta man ito sa kariton o nilalako sa mga bus. Masasabi na ngang ito ay

isang panghabambuhay na paborito ng madlang Pilipno.17

Pal

Ito ang tawag sa piniritong pakpak ng manok.18

Pampalamig

Buko, orange, gulaman o sago - ito ay mga inuming tunay na

makakapawi ng uhaw ng kahit sino.

Prutas

Sinong nagsasabing hindi maaaring makamtam ang magandang kutis

sa mababang halaga? Hindi imposibleng makakain ng sariwa at masustanya sa

bitamina C na prutas sa mababang halaga – 5 piso hanggang 10 piso lamang –

sapagkat ang mga prutas na binalatan, maging nakasupot lamang o nakatuhog,

ay hindi mawawala sa mga abalang kalye at lugar malapit sa terminal o

sakayan ng mga pampublikong sasakyan. Ang mga prutas na kadalasang

itinitinda ay mga papaya, pinya, bayabas at mangga.19

Squid balls

Ang squidball ay halos katulad ng fishballs, ngunit ito ay mas bilog at

mas malaki. Batay nga sa pangalan nito, ito ay gawa sa hinimay na laman ng

pusit na ihinalo sa arina tulad ng sa paggawa ng fishball.

Taho

17 Ibid.18 Alegre, op. cit., 71.19 Uddin, loc.cit.

12

Page 13: Street Foods

Ang taho ay bean curd, isang malambot na pagkain na parang tokwa,

na gawa sa soya. Ang inilalakong taho sa kalye ay ang pinaghalong taho,

arnibal – ang maitim na pampatamis na gawa sa tinunaw na asukal, at sago.

Turon

Turon na ube, maruya, turon na saging, pinaypay, ginanggang. Ano

mang luto ng saging o ube ang naisin mo, ito ay siguradong perpektong pang

merienda. Kadalasan, ang turon ay tumutukoy sa piniritong saging na saba, na

nakabalot sa wrapper ng lumpia at asukal.20

Waffle

Sa halip na tinapay at palaman, may mga alternatibong waffle na

itinitinda na mayroong iba’t-ibang palaman, ang pinakakaraniwan ay keso o

hotdog.

Walkman

Ito ang tawag sa tainga ng baboy na inihihaw sa kalye at kadalasang

kasama ng isaw, adidas at betamax. Ito ay isa sa mga masasarap na

pampulutan.21

Tunay nang napakaraming klase ng pagkaing kalye ang mabibili, ngunit higit pa

sa dami ng pagkain itinitinda ang dami ng nagtitinda at mabibilhan ng mga pagkain

ito.

20 Likha Cuevas, “Special Report: Food Safety: Food Condemned to Eat Unsafe Food.” The Manila Times (The Sunday Times), July 2, 2006, http://www.manilatimes.net/national/2006/july/02/yehey/top_stories/20060702top1.html.21 Uddin, loc. cit.

13

Page 14: Street Foods

Ang mga pagkaing kalye ay naglipana sa mga bansang papalago pa lamang, at sa

pagiging napakakaraniwan nito, maging sa mauunlad na bayan at lungsod ay hindi na

ito kapansin-pansin.22

Bagamat nahaharap sa higit na makapangyarihang mga kakompetensiya, tulad ng

mga fast food, ang industriya ng pagkaing kalye ay nananatili pa ring matatag sa

kabuhayan ng Pilipinas. Kasabay ng paglaki ng populasyon sa mga urbanong lugar,

ang paglago ng industriyang ito. Mababa ang halaga o gastusin sa pagpapatakbo ng

ganitong negosyo at hindi pangkaraniwan ang istratehiya nito sa pagpapatuloy at

hindi paglalugi – ito ay nakadepende sa lokasyon at bukambibig ng mga parokyano.

Kadalasan, personal o pampamilya ang pagmamay-ari ng mga negosyong ito ngunit

sa kasalukuyan, may mga komersyal na nagtitinda na rin nito.23

Ang mga tindahang naikikilos ay matatagpuan sa mga matataong lugar, lalo na sa

Maynila at sa mga kalapitlungsod at bayan nito. Matatagpuan ang mga nagtitinda nito

malapit at sa paligid ng mga paaralan, pabrika, opisina, at mga sakayan.24

Ang mga pagkaing kalye ay mabibili mula sa mga nagtitinda sa tabi ng kalsada o

kaya’y sa silong na madaling mapuntahan at malapit sa kalye25, kadalasang ibinibenta

sa mga pwesto o estante na pansamantala at naililipat-lipat.26

22 “Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4.23 Winarno and Allain, op. cit.24 Bernadette Carreas, “DOH Issues Warning vs. Peddled Food”, Malaya, Oct. 31, 2000, 2.25 Winarno and Allain, op. cit.26 “Street Food”, Wikipedia: the Free Encyclopedia, Janaury 17, 2007,Wiki.org, http://en.wikipedia.org/wiki/street_food.

14

Page 15: Street Foods

Ang pinakapamilyar na imahen ng pagtitinda ng pagkaing kalye ay iyon kung

saan ang isang tindero ay nagtutulak ng kariton o estante na lalagyan ng kaniyang

paninda. Subalit sa katotohanan, kaunti lamang ang ganito. 27

Kahit ang mga may kariton ay madalas na pumupwesto sa kanilang ‘teritoryo’ sa

umaga at doon nananatili buong araw. Ang mga ganitong tindero ay naniniwalang

meron silang karapatan na magbenta sa espasyong iyon, at makikipag-away sa

sinumang manggulo sa kanila. Kapag sila ay nagretiro, ang iba ay ipinagbibili pa ang

kanilang pwesto.28 Ang ibang tindero naman ay nananatili sa labas ng mga paaralan

sa umaga at sa palengke naman pumupwesto tuwing gabi.29

Ang mga babaeng may buslo o bilao ng pagkain ay maaaring lumipat-lipat ng

lugar o lumibot habang binabalanse ang buslo o bilao sa kanilang mga ulo; ang mga

lalaki ay maaaring magbalanse sa kanilang mga balikat ng isang kawayang may

sisidlan ng pagkain sa isang dulo at upuan naman sa kabila para sa kanilang mga

parokyano. Kahit ang mga ganitong nagtitinda ay tumitigil din sa isang lugar bawat

araw o kaya’y naglalakad sa isang parehong ruta araw-araw, pagkat nais din namang

bumili ng mga tao sa kakilala na nila at pinagkakatiwalaan. 30

Ang mga nagtitinda ng pagkain ay kadalasang naglalagay ng masisilungan para sa

kanilang tagatangkilik lalo tuwing umuulan.31 Habang naglalakad sa kalye, may mga

makikita ring naglalatag sa sapin ng paninda; sa mga bangketa naman makikita ang

mga estante ng pagkain na nakadikit sa pader ng mga gusali. 32 Sa lugar ng mga

27 “Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4 + 2.28 Ibid.29 Ibid.30 Ibid.31 Ibid.32 Ibid.

15

Page 16: Street Foods

eskwater, may makikita na mga talon na nakatakip sa mga lamesa’t upuan kung saan

maaaring kumain ang mga manggagawa. Meron ding mga babaeng nagtitinda sa

ilalim ng lilim ng mga puno. 33 Sa paglilibot sa ilang unibersidad, kolehiyo o paaralan,

maaaninag din ang mga nagtitinda – ang iba ay lisensiyado, ang iba ay hindi – na

nagsisilbi p/ara sa mga estudyante sa kanilang munting estante.34

May tatlong paraan nang pagkain ng mga pagkaing kalye. Ang una ay bilhin ang

pagkaing kalye at kainin ito habang naglalakad – tulad ng pagkain sa mani, at

bananacue. Ang ikalawa ay ang ‘carenderia-type’, kung saan ang isang tao ay

kumakain nang gumagamit ng plato at mga kubyertos, kawangis ng pagkain sa isang

restawran o cantina. At ang ikatlo paraan, ang mamimili ay kinakailangang huminto

at tumayo sa tapat ng karitong binilhan – tulad ng sa pagkain ng fishball at iba pang

ihaw-ihaw – sapagkat ang mga pagkain ay nangangailangan ng sawsawan.35

Makikitang ang mga pagkaing kalye, sa paraan kung papaano ito ipinagbibili, ay

nagbibigay-kaginhawaan sa mga tagatangkilik nito. Ang pagiging madaling makuha

at aksisible, manapa ang indibidwal na kita at antas ng kaaunlaran ng estado ang

makapagdidikta ng balangkas ng pagkonsumo ng mga pagkaing kalye. 36

Para sa mga Pilipino – hindi lamang doon sa mga maituturing na nasa ibaba ng

poverty line; ngunit maging sa mga nabubuhay at sumusweldo nang mababa, at sa

kanilang mga binubuhay na pamilya, ang mga pagkaing kalye, kasama ang kanin, ay

isa nang mayos na pagkain. Ang dalawang tuhog ng pagkaing kalye at isang tasang

33 Ibid.34 Ibid.35 Alegre, op. cit. 70.36 Winarno and Allain, op. cit.

16

Page 17: Street Foods

kanin, ay higit pa sa sapat na itinuturing na kumpletong pagkain (tanghalian) ng ilang

trabahador sa konstruksyon.37

Para sa may mabababang kita, mahalaga ang mga pagkaing kalye at merienda.

Ang mga mangagawa, gayundin ang mga estudyante na wala pang kita ay kumakain

ng pagkaing kalye para sa kanilang almusal. Ang ilang pag-aaral ukol sa nutrisyonal

na pangangailangan ng pamilya ang nagpakitang mas maraming mahihirapan kung

walang magtitinda ng mga pagkaing mura at madaling kainin.38

Ngunit dito sa Pilipinas, maging ang mga may sapat sa salapi ay naiinganyo ring

bumili ng pagkaing kalye. Pangkaraniwan ring makikita ang mga kababaihan at

kalalakihang nakauniporme mula sa isang establisadong kumpanya ang bumili ng

mga pagkaing ito, gayundin ang mga bata.39

Dito rin sa Pilipinas, maging ang mga dayuhan ay tumitikim ng mga pagkaing

kalye. Tila ba di kumpleto ang kanilang pagbisita sa Pilipinas kung hindi sila

makakatikim at makakakain ng mga pagkaing kalye tulad ng taho, fish ball, kwek-

kwek, at lalong-lalo na ang balut.

Ano man ang estado sa buhay, karamihan ng mga Pilipino ay tumatangkilik ng

mga pagkaing kalye. Nasabi rin na ang mga balikbayan mula sa Amerika at Europa

na nalayo sa ating bayan at sa mga lansangang naglalaman ng mga pagkaing ito, ay

nakakaranas ng biglaang pananabik sa mga inihaw at fishball na kanilang kinagisnan

noong kanilang kabataan oras na maaapak sila sa tarmac ng NAIA. Ang ilang may

matataas na posisyon sa mga malalaking korporasyon ay nanabik rin sa ‘dirty ice

37 Cuevas, op. cit.38 Winarno and Allain, loc. cit.39 Shianee Mamanglu, “Experts Warn Folk on Street Food”, Manila Bulletin, 11 December 1996, 32.

17

Page 18: Street Foods

cream’ sa tuwing nakaririnig ng kalembang ng munting kampanillo ng mamang

sorbetero.40

Ang pagbili ng mga pagkaing kalye ay hindi lamang ginagawa ng mahihirap na

tahanan at hindi lamang ang mga mahihirap na bansa ang may mataas na konsumsyon

ng pagkaing kalye.41 Maging sa mga bansang Hapon, Timog Korea at Britanya,

walang diskriminasyon at pag-uuri kung ang pagkain ay binili sa kalye o binili sa

restauran.42

Bakit napakapopular ng pagkaing kalye?

Napakaraming nagtitinda ng pagkaing kalye saanman. Ayon sa mga Propesor ng

Sosyolohiya na sina Josephine Aguilar ng UST at Jose Wendell Capili ng UP, ang

mga pagkaing ito ay tinatangkilik ng mga tao sapagkat ito ay masarap, madaling

makita at mura. 43

Ang mga pagkaing kalye ay popular dahil malinamnam ang mga ito – mula sa

matamis, maasim, maanghang, maalat, maging mainit man o malamig – ano man ang

ibigin ay may pagkaing kalyeng babagay sa panlasa ng tao.44

Napakapangkaraniwan na rin ng mga pagkaing kalye – kahit sino kailanman ay

maaaring makabili ng mga pagkaing ito sa halos lahat ng kanto lalo na sa mga

lungsod.45 Ang pagiging aksisible, manapa ang indibidwal na kita o antas ng

kaunlaran ng estado ang nakapagdidikta ng balangkas ng pagkonsumo ng mga

pagkaing ito. 46

40 Cuevas, op. cit.41 Ibid.42 Christian Esguerra, “As Sweet as Anything Forbidden”, Philippine Daily Inquirer, 2 July 2000, 15.43 Ibid.44 Uddin, op. cit.45 Dabet Castañeda, “Poor Man’s Diet: Of Noodles, Chicken Skin and Isaw”, Bulatlat IV, no. 39, (31 Oct. – 6 Nov. 2004), Alipato Pub Quezon City Philippines, http://www.bulatlat.com/news/4-39/ 4-39-diet.html.46 Winarno and Allain, op. cit.

18

Page 19: Street Foods

Isa pang dahilan ng pagiging popular ng pagkaing kalye ay ang pagtaliwas sa

nakagawiang pag-uuri. Naniniwala si Capili na ang pagkain ay isang pagpapahayag

ng sarili; dagdag pa niya, ang mga tao sa bagong milenyo ay mas ekspresibo. Hindi

na nila nais malimitahan ng mga panlipunang presyur na ibinibibigay sa mga

tumatangkilik ng pagkaing kalye. Dito lamang sa Pilipinas may ganitong

dikriminasyon – ang mga bansang Hapon, Timog Korea at Gran Britanya ay walang

ganitong pag-uuri.47

At ang huli at pinakapangunahing dahilan ng pagtangkilik sa mga pagkaing kalye:

syempre, ang mababa at abot-kaya nitong presyo – sa halagang P3 hanggang P25

bawat araw, makakabili na ng pang-ulam na makakasasapat sa isang buong pamilya48

o isang tasang kanin at ulam para sa tanghalian49. Ayon kay Capili, mahalaga sa mga

Pilipino ang bilang – at kung ang paguusapan ay pagkaing kalye, sa unting halaga ay

marami nang mabibili at minsan ay may pasobra pa na bigay ng suking tindero/a.50

Alam na nang mga tao na ang mga pagkaing ito ay maaaring magdulot ng sakit.

Ngunit, nananaig pa rin ang paniniwalang kapag naluto na ang pagkain, mamamatay

na ang mga mikrobiyo. Ayon kay Aguilar, “Basta mainit at dumaan sa apoy Ok na

iyon sa mga Pilipino”.51

Sa mga nakalipas na taon, patuloy na binabalaan ng mga kalihim ng kalusugan

ang mga tao ukol sa kontaminasyon ng mga pagkaing kalye at mga bakterya na

maaaring makuha ng mga tao rito.

47 Esguerra, op. cit.48 Gerald Lacuarta and Donna Pazzibugan, “What Can You Buy With P20? ‘Adobong Mani’,” Philippine Daily Inquirer, 13 Oct. 1999, 1.49 Carreas, op. cit.50 Esguerra, op. cit.51 Ibid.

19

Page 20: Street Foods

Ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and

Technology (DOST) ay nagpahayag na ang halagang pang-nutrisyon ng ilang

pagkaing di maayos ang pagkakahanda at itinitinda sa mga lansangan ay higit na

mababa kumpara sa mga mapanganib nitong sangkap. Sa madaling sabi, ang

pakikinabang ng bituka ang magiging sanhi ng paghina ng kalusugan. 52

Halimbawa ng mga panganib na dulot ng pagkaing kalye ay ang mikrobiyolohikal

na pagsusuri ng mga pagkaing kalye na ginawa ng FNRI sa Tondo, Binondo, San

Juan at Los Baños, Laguna ay nagpakita na ang ilang pagkain ay mataas sa mikrobiyo

tulad ng coliform, lebadura at amag. Ang ilang pinipiritong pagkain ay nagtataglay

din ng salmonella at e. coli microorganismo.53 Bukod pa diyan, mataas din sa

kolesterol ang ilang pagkaing kalyeng pinirito.54 Isa pa sa mga panganib na makukuha

mula sa mga pagkaing kalye ay ang aflatoxin na napag-alamang nagdudulot ng kanser

sa atay at cirrhosis sa mga bata. 55 Bukod sa pag-aaral na binanggit, sinabi na rin ng

din ng FAO na ang ilang kanser sa atay ay dulot ng pagkaing kalyeng nabubugahan

ng mga usok ng sasakyan.56 Ang mga siyentipiko at eksperto sa kalusugan ay

nagsasabi rin na ang mga pagkaing inihanda sa hindi maayos na paraan at kondisyon

ay nagdudulot ng mga bulate sa tiyan at mga sakit tulad ng diarrhea o pagtatae

hanggang sa mas malalalang sakit tulad ng kolera, tipus at hepatitis A. Ang mga

pagkaing ito ay maaari ring magdulot ng pagkalason, sakit na panghabambuhay, o

kamatayan. Ang ilang pag-aaral ay nagpakita na rin na ang ilang pagkain ay

nagsisilbing medium ng paghahawahan ng mga sakit. 57

52 Carreas, op. cit.53 Ibid.54 Eddee R.H. Castro,”Street Foods, Good Foods: As Protein Source”, Manila Bulletin, 31 Oct. 2000, 2.55 Carreas, loc. cit.56 Ibid.57 Cuevas, op. cit.

20

Page 21: Street Foods

Sa kabuuan, ang panganib na dulot ng mga pagkaing kalye ay sanhi ng

kakulangan sa pangunahing imprastraktura at serbisyo tulad ng malinis na tubig,

kahirapan sa pangangasiwa ng malaking bahagi ng mga nagtitinda ng pagkaing kalye

dahil sa kanilang pagkakaiba-iba, mobilidad at di permanenteng kalikasan,

kakulangan sa kagamitan para sa pag-iinspeksyon at pagsusuri sa laboratoryo,

pangkalahatang kakulangan sa kaalaman ukol sa mikrobiyolohikal ng kalagayan at

epidemiyolohikal na importansya ng mga pagkaing kalye, kakulangan sa kaalaman ng

mga nagtitinda ukol sa mga panuntunang pangkaligtasan, at higit sa lahat, ang

kakulangan sa kaalaman at pagwawalang bahala sa mga panganib na dulot ng mga

pagkaing kalye ng mga mamimili.58

Isang pagsasalik ang ginawa upang mabatid ang kaalaman, ekspiryensiya at

opinion ng mga nagtitinda ng mga pagkaing kalye ukol sa batas na sumasailalim sa

mga ito. Napag-alamang malaking porsyento ng mga nagtitinda ng mga pagkaing

kalye ay ilegal at hindi sumusunod sa mga batas dala na rin ng hindi maayos na

pagpapatupad ng mga batas ukol rito. Gayundin, ang kaalaman at ekspiryensiya ng

mga nagtitinda ay taliwas sa kanilang opinyon ukol sa mga batas ng pagkaing kalye.

Ito ay nagpapakita lamang ng pangangailangan ng mga espisipikong regulasyon na

ipapatupad bilang tugon sa edukasyong kinakailangan ng mga nagtitinda upang

masiguro ang paglago ng industriya ng pagkaing kalye at pagiging ligtas ng mga

pagkaing ititinda. 59

Anu-ano ang mga naging tugon sa ganitong suliranin? Simula noong 1989, ang

Food and Agriculture Organization (FAO) ng World Health Organization (WHO) ay 58 “Essential Safety Requirements for Street Vended Foods”, Eldis (1996), World Health Organization Department of Food Safety, http://www.eldis.org/static/DOC12145.59 Minerva Jane G. Del Rosario, “Knowledge and Options on Streetfood Vending Policies and Regulations of Vendors in Metro Manila”, Journal of PAHESCU (2005): 40.

21

Page 22: Street Foods

nagumpisang umaksyon upang mapagbuti ang kalagayan ng sektor ng pagkain kalye,

katuwang ang ilan pang asembleya ng United Nations (UN). Naniniwala sila na ang

problema ay masosolusyunan at ang mga benepisyong makukuha mula sa mga

pagkaing kalye ay masusulit kung mahihikayat ang mga municipal na pamahalaan na

makipag-ugnayan sa mga nagtitinda ng pagkaing kalye upang mapabuti ang sistema

ng pagkaing kalye na may magandang kalidad at ligtas na pagkaing ibebenta, maayos

na sistema ng pagtatapon ng basura, ligtas na suplay ng tubig, at mas kaunting epekto

sa trapiko.60

Ang organisasyon ay nakatuon sa pagbabago ng mga coda ng sanitasyon upang

makaagapay sa takbo ng panahon gayundin ang iba pang mga rekomendasyon hinggil

sa kaligtasan ng pagkain sa pamamagitan ng pagtuturo at pagsasanay ng mga tao

kung paano ang mga ito isasagawa. Umaaksyon din ang organisasyon upang

maisaayos ang mga nagtitinda nang sa gayon ay mabigyan sila ng pagkakataong

makapagsanay, mabigyan ng paraan upang makapangutang, at mapabuti ang kanilang

ugnayan sa pamahalaan. Ang mga konsyumer ay tinuturuan din hinggil sa nutrisyon.61

Ang World Food Summit ay nagsabing sa loob ng 10 hanggang 20 taon, ang

distribusyon ng pagkain sa mga urbanong lugar ay tataasan ng kumulang-kulang na

tatlong porsyento bawat taon. Sa gayon, ang mga pagkaing kalye ay magkakaroon ng

pagkakataong lumago (na tinatayang halos kalahati sa taong 2015).62

60 “FAO Maps Out Future Activities in Nutrition and Hygiene: Street Food: Small Entrepreneurs, Big Business”, Food and Agriculture Organization of the United Nations (21 April 1997), http://www.fao.org/news/1997/970408-e.htm.61 Ibid.62* Nakapaloob sa Kabanata III ng Koda ng Sanitasyon sa Pilipinas ang mga alituntuning kailangang punan ng mga establisyamento ng pagkain. Ang Seksyon 32.e ng batas ay nakatuon sa pagtitinda ng pagkaing kalye. Ayon sa batas: (1) Ang mga maaari lamang itinda ay ang mga deboteng inumin, biskuwit, at matatamis; at (2) Ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga pagkaing nangangailangan ng paggamit ng mga kubyertos.

? Ibid.

22

Page 23: Street Foods

Ang Pamahalaan ng Pilipinas ay sinusubukang magpakita ng wangis na

kapangyarihan ukol sa mga isyu ng pampublikong kalusugan tulad ng mga

kinahaharap ng pagkaing kalye sa pamamagitan ng paglalabas ng mga regulasyon

gaya ng Presidential Decree 856 o Koda ng Sanitasyon sa Pilipinas* at Consumer Act

of 1992. 63

Ang mga ahensya tulad ng DOH, DTI, at DOA ay may sari-sariling seksyon na

tumatalakay sa kaligtasan ng pagkain ng mga Pilipino. Ang mga yunit ng local na

pamahalaan ang responsible sa pagbibigay ng mga sanitary permit at mga business

permit sa mga nagtitinda sa palengke, establisyamento ng pagkain at maging sa mga

nagtitinda ng mga pagkain kalye. Ang kanilang tungkulin ay ipatupad ang batas sa

sanitasyon at ang iba pang sukatan ng pagiging malinis at ligtas ng mga pagkain na

gawa ng lehislasyon sa Pilipinas. 64

Sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan, ang FNRI ng DOST ang pinaka abala sa

paggawa ng mga aktibidad at pagsasanay para sa mga nagtitinda ng mga pagkaing

kalye at pagpapaalala sa mga mamimili ng pagkaing kalye. Ang FNRI ay

nagbababala sa mga mamimili ukol sa panganib sa kalusugan na dulot ng di maayos

na preparasyon at distribusyon ng mga pagkaing kalye.

Inumpisahan din ng FNRI ang produksyon ng ligtas, masusustansya at abot-

kayang pagkain ng mga mahihirap (fishball, squidball, hot cake mix na gawa sa

kalabasa, kikiam na gawa sa isda na hinaluan ng manipis na hiwa ng nata de coco) na

mayaman sa protina, calcium, niacin, iron, bitamina A at iba pang sustansya. 65

63 Cuevas, op. cit.64 Ibid.65 Carreas, op. cit.*This paper is originally written in Filipino.

23

Page 24: Street Foods

Hinihimok ng FNRI ang gobyerno upang pataasin ang antas ng pananaliksik ukol

sa mga pagkaing kalye, turuan ang mga nagtitinda at mamimili, at isaayos ang mga

nagtitinda upang maging higit na mainam ang pamamahala at pagsubaybay sa kanila.

Ang mga panukalang ito ng FNRI sa gobyerno ay naglalayong makatulong sa

paglutas ng problema sa polusyon, paglilinis ng mga bangketa dulot ng maraming

nagtitinda, at maging sa pang-aabuso ng pulis sa mga nagtitinda.66

Naglungsad din ang FNRI ng mga pagsasanay para sa mga nagtitinda sa kalye

ukol sa tamang pangangasiwa ng mga pagkaing kalye upang maiwasan ang pagdumi

at hindi maayos na pagkakaluto na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng

kakain.67 Ayon sa layunin ng programang ito, ang mga makakatapos sa ng maikling

kurso ang magbabahagi ng kanilang kaalaman sa kanilang mga kapwa tindero/a.68

Gayumpaman, nakikipagtulungan din ang FNRI sa mga lokal na yunit ng pamahalaan

upang maipagpatuloy ang pagsasanay sa mga nagtitingda ng pagkaing kalye upang

higit na mapagbuti ang pangkalahatang kalidad ng suplay ng mga pagkaing kalye.69

Sa kabila ng mga ginagawang pagkilos ng FNRI, makikitang kulang pa rin ang

gingagawang hakbang ng pamahalaan upang mapag-igi ang kalagayan ng pagkaing

kalye sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Ayon kay Dr. Concepcion Lizada ng UP College of Home Economics – Food

Science and Nutrition, ang kapangyarihan na magbigay ng permit sa mga negosyante

ay nasa kamay ng munisipal at pamahalaang panglungsod. Ngunit ang mga ito ay

walang sapat na pondo, pisikal na yaman, kakayahan at kapabilidad upang ituon ang

kanilang atensyon sa usapin ng kaligtasan ng pagkain. Ang karamihan sa mga yunit 66 Carreas, op. cit.67 Castro, op. cit.68 Cheloy V. Garafil, “Street Food Vendor to Train on Sanitation”, Malaya, 5 Jul. 2000, 2.69 Castro, loc. cit.

24

Page 25: Street Foods

ng lokal na pamahalaan ay hindi ginagawa at hindi kayang gampanan ang kanilang

tungkulin na siguraduhing ligtas ang pagkain ng mga mamamayan.70

Ang mga mananaliksik ay patuloy pa ring nagrerekomendang pagigihin ang

pagpapatulad ng Koda ng Sanitasyon sa mga nagtitinda at mahigpit na iubliga ang

mga ito na lutuing mabuti ang pagkain, maghanda ng malinis na lagayan ng mga

itinitindang pagkain, magkaroon ng mga pantakip ng pagkain, at maglaan ng malinis

na tubig na panghugas ng mga kagamitan sa pagtitinda. Ipinapaalala rin nila ang

importansya ng promosyon ng tamang pagpili ng pagkaing kalye sa pamamagitan ng

edukasyon ng mamimili na dapat ay asikasuhin din ng pamahalaan at ilang mga

pribadong sektor.71

Ayon sa kanila, dapat magkaroon ng mga batas at ordinansa ukol sa kalinisan ng

mga karinderya, estante ng pagkaing kalye, kariton at iba pang ambulatoryong

pamamaraan ng pagtitinda ng pagkain. Dapat nasa maayos na kalusugan ng mga taga-

luto at iba pang taong naghahanda o nagtitinda ng pagkain upang maiwasang

makahawa ng sakit sa mga mamimili. Upang maiwasan ang sakit na dulot ng pagkain

ng hindi maayos ang pagkakahandang pagkain, bawat hakbang sa distribusyon ng

pagkain ay dapat na mabantayan. Bagamat may mga batas, regulasyon at unting

ordinansa na nakadokumento, ang mga ito ay hindi sapat – dapat ipatupad ang mga

ito.72

Ang pagkaing kalye ay may malaking pangangailangan sa mga lokal at di-lokal

na produktong pang-agrikultura. Maraming ugnayang nakita ang EPOC sa pagitan ng

mga magsasaka at nagtitinda. Sa gayon, makakabuting pagtuunan din ng mga

70 Cuevas, op. cit.71 Castro, loc. cit.72 Cuevas, loc. cit.

25

Page 26: Street Foods

tagapayong pang-agrikultura ang lumalaking pangangailangan ng industriyang ito sa

pagpaplano nila ng mga itatanim partikular sa mauling rehiyon. Makakatulong rin

kung magkakaroon ng kamalayan ang mga tagaplano ng industriyang rural na ang

karamihan sa mga tradisyonal na pagkain ay gawa ng mga kababaihan sa probinsya.

Kung maisasaayos ang sistema ng pamilihan, maaaring lumaki ang kita ng mga babae

at makasisiguro namang maayos ang mga produktong maibebenta sa mga lungsod.73

Sa kabuuan, ang mga estratihiya para sa pagpapabuti ng mga pagkain kalye ay

dapat nakabase sa pag-aaral ng lokal na sistema ng pagpapalakad ng pagkain kalye.

Sa isang maikling lagom, ito ang mga estratihiyang dapat pagtuunan ng pansin: (1)

Mga polisiya, regulasyon, rehistrasyon at lisensya para sa mga nagtitinda ng mga

pagkaing kalye; (2) imprastraktura, serbisyo, disenyo at konstruksyon ng mga yunit;

(3) pagsasanay ng mga nagtitinda; at (4) edukasyon ng mga mamimili.74

Sa kabila ng mga natalakay na suliraning pangkalusugang maaaring maidulot ng

pagtangkilik sa mga pagkaing kalye, mga hakbang at pagkukulang ng pamahalaan

upang tugunan ang suliraning ito, marami rin namang mabubuting dulot ang mga

pagkaing kalye.

Sa kabuuan, ang mga pagkaing ito ay maituturing na “pantawid gutom” o

“pantawid uhaw”. Ang mga ito ay hindi kasimbigat ng ibang ulam sa tiyan, ngunit ito

ay nakakapawi ng gutom. 75 Ang mga pagkaing kalye ay importanteng pinagkukunan

ng pagkain ng mga mahihirap sa mga lungsod. Halos 20% ng pera ng mahihirap ay

ginagastos sa mga pagkaing kalye. Ito rin ay nagiging pangunahing pagkain rin ng

73 “Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4.74 “Essential Safety Requirements for Street Vended Foods”, Eldis (1996), World Health Organization Department of Food Safety, http://www.eldis.org/static/DOC12145.75 Alegre, op. cit., 71.

26

Page 27: Street Foods

mga estudyanteng nagtitipid ng pera.76 Bukod pa rito, lahat ng sahog ng mga pagkain

na ito ay hindi kasing mahal ng ibang pagkain kaya’t ang dikta sa pagpapanatili ng

buhay sa isang bansang ‘third world’ ay napupunan.77

Ang mga pagkaing kalyeng maayos na naihanda at naibenta ng malinis at nasa

maayos na kondisyon ay mainam na pagkukunan ng mga sustansya lalo na ng mga

mamimili may mabababang kita ayon sa pag-aaral ng DOST. Napag-alaman ng mga

eksperto na ang mga pinirito at inihaw na pagkaing kalye ay nagtataglay ng protina, 78

dagdag pa na mayroon ding mga prutas na itinitinda sa lansangan na nagtataglay ng

mga bitamina. 79

Makakakuha ng 19.1 gramong protina mula sa inihaw na dugo ng baka o baboy

(betamax) at 32.9 gramong protina mula sa bituka ng manok (isaw) na katumbas ng

33 hanggang 55 porsyento ng Recommended Dietary Allowance (RDA) ng isang

normal na Pilipino. Ang piniritong sisiw ay napag-alamang nagtataglay ng maraming

calcium at phosporus. Ang isaw ay napag-alamang nagtataglay ng pinakamaraming

riboflavin at niacin samantalang ang betamax ang may pinakamaraming iron, 47.6mg,

na humigit sa halos apat na beses na pangangailangan ng malusog na lalaking Pinoy o

dalawa-katlong bahagi ng pangangailangan ng iron ng isang malusog ng Pinay. Ang

fishball ang nagtataglay ng pinakamaraming carbohydrates, 32.8g. Lahat ng pagkaing

kalye ay nagpag-alamang mataas sa fats.80

Ang mga pagkaing madaling kainin na itinitinda sa kalye ng mga papalagong

bansa tulad ng Pilipinas ay makabuluhang nakapag-aambag sa seguridad na may

76 “Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 2.77 Alegre, loc. cit., 71.78 Castañeda, op. cit.79 Uddin, op. cit.80 Castro, op. cit.

27

Page 28: Street Foods

makakain at nutrisyon ng mamamayan. Ang mga pagkaing kalye ay pisikal at

ekonomikal na madaling makuha ng nakararami kaya’t makakatulong sa pagtagpo ng

mga pangunahing pangangailangan sa nutrisyon at enerhiyang makukuha sa pagkain.

Halimbawa, ang mga pampublikong paaralan ay umaasa sa mga nagtitinda ng

pagkaing kalye upang suplayan ng merienda ang mga estudyante.81 Sa katotohanan,

ang mga pagkaing kalye ang pinakamura at pinakamainam na paraan ng pagkamit ng

isang masustansya at balanseng pagkain, ngunit dapat ay alam at pipiliin ng mamimili

ang tamang kumbinasyon ng pagkaing. Sa ganitong kadahilanan, maaaring

mabawasan ang bilang ng mga taong nagugutom sa mundo. 82

Ang mga maliliit na negosyo ng pagkaing kalye ay importante sa planong pang-

ekonomiko at sa pag-unlad ng maraming bayan. Gayumpaman, ng kontribusyon ng

mga nagtitinda ng pagkaing kalye sa ekonomiya ng mga papalagong bansa ay

kadalasang naisasantabi at hindi pinapansin. Ito ay napagwawalang bahala sapagkat

ito ay itinuturing na parte ng impormal na sektor ng ekonomiya. Sa mga nakalipas na

taon, pinapaniwalaang ang impormal na sektor ng ekonomiya ay sumisimbolo sa

kakulangan ng kaunlarang pang-ekonomiko na dapat nang mawala sa paguumpisa ng

modernisasyon. At hanggang mas marami ang trabahong nagagawa ng pormal na

sektor, ang impormal na sektor ang sasalo sa mga manggagawang galing sa probinsya

at may kakulangan sa kaalaman, ekspiryensya o kakayahan.83

Sa pag-aaral ng Equity Policy Center, ang mga pagkaing kalye ng mga papaunlad

na bansa ay gumagawa ng trabaho ng 6 hanggang 25 pursyento nang lakas-paggawa

81 “FAO Maps Out Future Activities in Nutrition and Hygiene: Street Food: Small Entrepreneurs, Big Business”, Food and Agriculture Organization of the United Nations (21 April 1997), http://www.fao.org/news/1997/970408-e.htm.82 Ibid.83 Winarno and Allain, op. cit.

28

Page 29: Street Foods

ng mga lungsod. Ang mga tindero/a ay hindi lamang nagtitinda ng mga ready-to-eat

na pagkain, halos ¾ ng mga ito ay prinoproseso rin ang ilan sa kanilang mga

itinitinda. Ang maliliit na negosyanteng ito ay kapwa babae at lalaki, ang kanilang

kita ay halos kapantay na rin ng kita ng mga regular na trabahador. 84

Ang mababang capital sa pagtataguyod ng negosyo sa pagkaing kalye ay isa sa

mga panghikayat para sa ilang pamilya na pasukin ang ganitong negosyo. Bukod pa

rito, ang mga magtitinda ay makakapili ng oras kung kailan nila nais magtrabaho at

kaunti lamang ang sasagabal sa kanilang pagkilos sapagkat walang amo na mag-uutos

sa kanila. Sa kabilang banda, maaari ring magtrabaho nang mahabang oras ang mga

tindero/a ng pagkaing kalye maging sa mahihirap na kondisyon (tulad ng pagtitinda

kahit bumabagyo) kahit direktang maapektuhan ang kanilang sarili; o kaya ay

maaaring makaharap ang mga nagtitinda ng problema ukol sa mga opsiyal ng lokal na

pamahalaan o mga sindikato.85

Ang mga pagkaing kalye kadalasang sumasalamin sa lokal na kultura.86 Sa

katunayan, karamihan sa mga itinitindang pagkaing kalye ay mga tradisyunal na

pagkain na nangangailangan ng mahabang oras ng paghahanda. Sa pamamagitan ng

mga pagkaing kalye, nakikilala at nagiging pamilyar ang mga tao sa mga tradisyunal

na pagkain iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at higit sa lahat, natitikman at nakakain nila

ang mga ito.87 Sa lawak ng sakop na pagkain ng mga pagkaing kalye, naipapakita rin

ng mga ito ang iba’t-ibang mga pangkat at lahi na umimpluwensiya sa kultura n

84 “Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 2.85 Winarno and Allain, loc. cit.86 Ibid.87 “Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 2.

29

Page 30: Street Foods

gating bansa. Sa kabuuan, naipapakita ng mga pagkaing kalye ang walang kaparis na

sining ng paghahanda ng pagkain ng mga Pilipno.88

Ang mga pagkaing kalye ay isang paraan ng pagtatagpo ng mamamayang

Pilipino.89 Mula sa mga musmos hanggang sa mga matatanda; mayaman man, middle

class o salat sa pera, purong Pilipino, dayuhan, o naturalisadong Pilipino, lahat sa

Pilipinas, kahit minsan lang sa kanilang buhay ay nakakakain o kumakain ng mga

pagkain kalye.90 Mapa-estudyante o guro, walang trabaho o nagtratrabaho sa isang

prestihiyosong kumpanya naaakit bumili sa maraming nagkalat na nagtitinda ng

pagkain kalye. Maaaring sabihing may epektong ‘band wagon’ ang pagkaing kalye;

at maaring sabihing isa itong penomenon. Ngunit maging ano man ito, ang mga

pagkaing kalye ay nakapaloob na sa kultura at sa kamalayang Pinoy.91

Konklusyon at Rekomendasyon

Napakalawak ng impluwensiya ng mga pagkaing kalye sa kabuhayan ng mga

Pilipino. Hindi kulong sa kultura ang impluwensiya ng mga pagkaing kalye, bagkus

naiimpluwensiyahan rin nito ang pagkakaisa, kalusugan, ekonomiya at maging ang

pagpapatakbo ng pamahalaan ng Pilipinas.

Sapagkat tahasang nakakaapekto sa buhay ng mga Pilipino, ang mga pagkaing

kalye ay marapat na mabigyang pansin nang sa gayon ay mas mapaayos ang kalidad

ang mga ito at masulit ng husto ang mga benepisyong makukuha sa mga pagkaing ito.

Hindi sapat na ang pamahalaan lamang ang kumilos upang mapabuti ang

kalagayan ng mga pagkaing kalye sa Pilipinas. Upang magkaroon ng pag-unlad, 88 [Kai], op. cit.89 Esguerra, op. cit.90 [Kai], loc. cit.91 Ibid.

30

Page 31: Street Foods

kinakailangan ang pagtutulungan at responsibilidad ng lahat – ng bawat Pilipino. Ang

mga mga opisyal at tauhan ng mga ahensiya ng pamahalaan ay dapat umaksyon,

samantalang ang mga nagtitinda at ang mga mamimili ay dapat magkaroon ng sapat

na kaalaman ukol sa mga benepisyo at suliraning dulot ng mga pagkaing kalye at

kumilos nang akma ukol sa kinakailangang gawin sa mga pagkaing kalye.

Ang mga mamimili ay dapat matutong kumilatis ng mga pagkaing kalye na

bibilhin. Dapat nilang malaman ang mga tama at masusustansyang kumbinasyon ng

pagkaing kalye. Hindi masamang bumili, kumain o tumangkilik sa mga pagkaing

kalye subalit kailangang matiyak na maayos ang bibilhing pagkain, at hanggang

maaari, hindi ito gawing pang-araw-araw. Higit na kakailanganin ang pakikialam ng

mga konsyumer at mamimimili ukol sa mga isyu kinahaharap ng mga pagkain kalye.

Kapag nagising ang kamalayan ng mga konsyumer sa tamang pamimili, mas

madaling maiiwasan ang mga suliraning (pangkalusugan) na hatid ng mga pagkaing

kalye.

Ang mga nagtitinda naman ay dapat maging responsable at magkaroon ng

pananagutan sa mga pagkaing kanilang itinitinda. Ang pagsunod sa kaunting mga

batas na gawa ng pamahalaan ukol sa pagtitinda ng pagkaing kalye ay hindi naman

makakaapekto ng husto sa kita ng mga tindahan nito, bagkus maaaring makahikayat

pa ng maraming mamimili ang pagsunod sa mga batas na ito. Dapat magkaroon ang

mga nagtitinda ng konsiderasyon para sa kanilang mamimili at dapat isama nila sa

kanilang layunin ang maayos na serbisyo sa kanilang mga tagatangkilik, at hindi

lamang ang kanilang kikitain ang pagtuunan ng pansin.

31

Page 32: Street Foods

Makakatulong rin kung makikisangkot ng ilang pribado at pampublikong mga

institusyon upang maging mas maigting ang pagpapabuti ng mga pagkain kalye.

Kung ang mga institusyong direkta at hindi direktang naapektuhan ng sektor ng

pagkaing kalye ay magtutulungan, mas mapapadali ang pagganda ng kalidad ng mga

pagkaing kalye. Isa mga ahensyang dapat kumilos NEDA. Dapat isama nila ang

(ngayon ay itinuturing na) impormal na industriya ng pagkaing kalye sa kanilang mga

bisyon at plano para sa hinaharap. Bagamat napakaliit ang kita ng sektor ng pagkaing

kalye kumpara sa mga naglalakihang negosyo, napakaraming maliliit na tao ang

nakikinabang at kumikita sa negosyong ito.

Makabuluan rin kung makapagtatatag ng maliliit na organisasyon sa iba’t-ibang

lugar para sa mga nagtitinda ng pagkaing kalye. Ito ay makakatulong upang mas

mapagtagumpayan ang pangangalakal ng mga pagkaing kalye. Kapag nagkaroon ng

mga alyansa at samahan ang mga nagtitinda ng mga pagkaing kalye sa Pilipinas, mas

mapapadali ang pagpapalaganap ng kaalaman at gayundin ang pagbabantay sa

kalidad ng mga pagkaing kalye. Bukod pa rito, ang mga kasapi ng organisasyon ay

magkakaroon ng pagkakataong mangutang at umunlad sa tulong ng kanyan.

Isa sa mga maaring maging papel o gampanang tungkulin ng mga pagkaing kalye

ay pagtulong sa turismo ng Pilipinas sapagkat naipapakita nito ang kakaibang kultura

ng Pilipino sa larangan ng pagkain. Maaaring magpuwesto ng ilang nagtitinda ng

pagkaing kalye sa tourist area. Maipapakita nito sa mga turista ang isang mukha ng

tunay na pamumuhay sa Pilipinas - hindi lamang ang mga magagandang tanawin at

natibong gawi at kultura. Kung mapaghuhusay ang kalidad ng mga pagkaing kalye at

magkakaroon ng maayos na promosyon ng mga pagkaing kalye, bukod sa salaping

32

Page 33: Street Foods

kikitain, mas maipapakita natin ang pagkamalikhain at husay ng mga Pilipino. Mas

masusulit din ng mga tao ang paggamit sa mga kayamanang nasa ating paligid na

maaari pa nating pakinabangan.

Sa kabuuan, masasabi kong tunay na ngang bahagi ng kabuhayang Pilipino ang

mga pagkaing kalye. Hindi dapat katakutan o ikahiya ang mga ito ng mga Pilipino sa

halip, dapat itong palaguin at isaayos upang ang mga susunod na henerasyon ay

mamulat sa pambihirang kultura ng pagkaing kalye.

33

Page 34: Street Foods

B I B L I O G R A P I Y A

Alegre, Edilberto N. “Fast Food and Mobile Stand-up Sit-down Food Stalls”. Mr. & Ms.,

21 Oct. 1986. 70-71.

Carreas, Bernadette. “DOH Issues Warning vs. Peddled Food”. Malaya, Oct. 31, 2000, 2.

Castañeda, Dabet. “Poor Man’s Diet: Of Noodles, Chicken Skin and Isaw”. Bulatlat IV,

no. 39 (31 Oct. – 6 Nov. 2004). Alipato Pub Quezon City Philippines.

<http://www.bulatlat.com/news/4-39/ 4-39-diet.html>.

Castro, Eddee R.H. “Street Foods, Good Foods: As Protein Source”. Manila Bulletin, 31

Oct. 2000, 2.

Cuevas, Likha. “Special Report: Food Safety: Food Condemned to Eat Unsafe Food”.

The Manila Times (The Sunday Times), July 2, 2006.

<http://www.manilatimes.net/national/2006/july/02/yehey/top_stories/

20060702top1.html.>

Del Rosario, Minerva Jane G. “Knowledge and Options on Streetfood Vending Policies

and Regulations of Vendors in Metro Manila”. Journal of PAHESCU (2005): 40.

Esguerra, Christian. “As Sweet as Anything Forbidden”. Philippine Daily Inquirer, 2 July

2000, 15.

“Essential Safety Requirements for Street Vended Foods”. Eldis (1996). World Health

Organization Department of Food Safety.

<http://www.eldis.org/static/DOC12145>.

“Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing

Countries: Street Foods are Sold All-Over”. The Earthman Society: Science News

Service. (November 5, 1986): 4 + 2.

34

Page 35: Street Foods

“FAO Maps Out Future Activities in Nutrition and Hygiene: Street Food: Small

Entrepreneurs, Big Business”. Food and Agriculture Organization of the United

Nations (21 April 1997). <http://www.fao.org/news/1997/970408-e.htm>.

Garafil, Cheloy V. “Street Food Vendor to Train on Sanitation”. Malaya, 5 Jul. 2000, 2.

[Kai]. “LP III: Pinoy Street Food”. Bucaio. (October 07, 2005). Blogger.

<http://bucaio.blogspot.com/2005_10_01_archive.html>.

[Kai]. “LP III: Street Food in Daet”. Bucaio (October 24, 2005). Blogger.

<http://bucaio.blogspot.com/2005_10_01_archive.html>.

Lacuarta, Gerald and Pazzibugan, Donna. “What Can You Buy With P20? ‘Adobong

Mani’”. Philippine Daily Inquirer, 13 Oct. 1999, 1.

Mamanglu, Shianee. “Experts Warn Folk on Street Food”. Manila Bulletin, 11 December

1996, 32.

“Street Food”. Wikipedia: the Free Encyclopedia. (Janaury 17, 2007) Wiki.org.

<http://en.wikipedia.org/wiki/street_food>.

Uddin, Grace. “Pedestrian Delights”. Bulatlat (Davao Today.com) 5, no. 45 (18-25 Dec.

2007). Alipato Pub Quezon City Philippines.

<http://www.bulatlat.com/news/5-45-delights.htm>.

Winarno, F.G. and Allain, A. “Street Foods in Developing Countries: Lessons from

Asia”. FAO Corporate Document Repository. (n.d.). FAO – WHO.

<http://www.fao.org/docrep/U3550t/u3550t08.htm#TopOfPage>.

35