8
NOBYEMBRE 2015 Malalaking protesta inilunsad laban sa APEC, mga mapaminsalang kasunduan kinundena Trans-Pacific Partnership (TPP): Instrumento ng imperyalismong US sa rehiyon APEC 2015 at imperyalistang globalisasyon Manilakbayan, matagumpay na idinaos sa kabila ng panggigipit at panunupil Hustisya para sa Paris, Beirut at lahat ng biktima ng imperyalistang agresyon at terorismo! Kahit maputi na ang buhok ko - pahayag ni Rafael G. Baylosis 3 4 5 6 7 8 >>>Ituloy sa p2 Sulong sa higit na paglawak, paglakas at paglaban! Ibagsak ang papet, pahirap, kurap at pasistang rehimeng US-Aquino! Pinakamainit na pagbati at taas-kamaong pagpupugay ang ipinapaabot ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap ng Anakbayan sa lahat ng mga kasapi nito sa buong bansa at ibayong dagat sa okasyon ng ika-17 anibersaryo ng Anakbayan at ika-51 anibersaryo ng Kabataang Makabayan. Lubos ang ating pagbubunyi at pagkilala sa patuloy na tagumpay ng ating organisasyon sa mga nagdaang taon, at sa tuloy-tuloy at walang pag-iimbot na paglilingkod sa bayan. Nasa harapan ng kilusang kabataan ang Anakbayan sa pagpupukaw, pag- oorganisa at pagpapakilos ng kabataan para sa pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba. Pinagpupugayan natin ang lahat ng mga martir at bayani ng mamamayan na nagbuwis ng buhay alang-alang sa bayan at sa isang mas magandang bukas para sa nakararaming masang api. Tumitinding hamon Patuloy na tumitindi ang krisis ng sistemang malakolonyal at malapyudal sa ilalim ng tutang rehimeng US-Aquino. Habang lumalapit sa halalang 2016, higit itong nagiging desperadong takasan ang pananagutan sa samu’t saring krimen sa mga taumbayan. Sa takot nitong makulong matapos ang termino, higit pa itong sumasalig sa pagpapakatuta, pagpapahirap sa mamamayan, pangungurakot at pasismo. Higit na pinatitindi ng rehimen ang pagpapatupad ng mga makadayuhang patakaran ng neoliberal na globalisasyon na papabor sa iilan at dayuhan. Kamakailan, inilantad nito ang todong pagkatuta sa Estados Unidos (US) sa paghohost ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) kung saan isinulong ang pagpasok ng Pilipinas sa mapanalasang Trans Pacific Partnership Agreement ng US. Pinatibay din Mapangahas na palawakin ang kasapian! Palakihin at palakasin ang mga balangay ng Anakbayan! Sinalubong ng malaking protesta ang huling araw ng APEC summit noong Nobyembre 19. Photo Credits: Reuters

Sulong sa higit na paglawak, paglakas at paglaban! Ibagsak ang

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Sulong sa higit na paglawak, paglakas at paglaban! Ibagsak ang

NOBYEMBRE 2015

Malalaking protesta inilunsad laban sa APEC, mga mapaminsalang kasunduan kinundena

Trans-Pacific Partnership (TPP): Instrumento ng imperyalismong US sa rehiyon

APEC 2015 at imperyalistang globalisasyon

Manilakbayan, matagumpay na idinaos sa kabila ng panggigipit at panunupil

Hustisya para sa Paris, Beirut at lahat ng biktima ng imperyalistang agresyon at terorismo!

Kahit maputi na ang buhok ko - pahayag ni Rafael G. Baylosis

3

4

56

7

8

>>>Ituloy sa p2

Sulong sa higit na paglawak, paglakas at paglaban! Ibagsak ang papet, pahirap, kurap at pasistang rehimeng US-Aquino!

Pinakamainit na pagbati at taas-kamaong pagpupugay ang ipinapaabot ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap ng Anakbayan sa lahat ng mga kasapi nito sa buong bansa at ibayong dagat sa okasyon ng ika-17 anibersaryo ng Anakbayan at ika-51 anibersaryo ng Kabataang Makabayan.Lubos ang ating pagbubunyi at pagkilala sa patuloy na tagumpay ng ating organisasyon sa mga nagdaang taon, at sa tuloy-tuloy at walang pag-iimbot na paglilingkod sa bayan. Nasa harapan ng kilusang kabataan ang Anakbayan sa pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos ng kabataan para sa pambansang demokrasya na may sosyalistang perspektiba.

Pinagpupugayan natin ang lahat ng mga martir at bayani ng mamamayan na

nagbuwis ng buhay alang-alang sa bayan at sa isang mas magandang bukas para sa nakararaming masang api.

Tumitinding hamonPatuloy na tumitindi ang krisis ng sistemang malakolonyal at malapyudal sa ilalim ng tutang rehimeng US-Aquino. Habang lumalapit sa halalang 2016, higit itong nagiging desperadong takasan ang pananagutan sa samu’t saring krimen sa mga taumbayan. Sa takot nitong

makulong matapos ang termino, higit pa itong sumasalig sa pagpapakatuta, pagpapahirap sa mamamayan, pangungurakot at pasismo.

Higit na pinatitindi ng rehimen ang pagpapatupad ng mga makadayuhang patakaran ng neoliberal na globalisasyon na papabor sa iilan at dayuhan. Kamakailan, inilantad nito ang todong pagkatuta sa Estados Unidos (US) sa paghohost ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) kung saan isinulong ang pagpasok ng Pilipinas sa mapanalasang Trans Pacific Partnership Agreement ng US. Pinatibay din

Mapangahas na palawakin ang kasapian! Palakihin at palakasin ang mga balangay ng Anakbayan!

Sinalubong ng malaking protesta ang huling araw ng APEC summit noong Nobyembre 19. Photo Credits: Reuters

Page 2: Sulong sa higit na paglawak, paglakas at paglaban! Ibagsak ang

2 NOBYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

nito ang komitment sa mga makadayuhang patakaran at pagpasok sa iba pang mga mapanalasang kasunduan.

Bago magtapos ang termino, hinahabol nito ang pagpapatupad ng bilyong pisong mga kurap na kontrata ng Public-Private Partnerships, pagpapasa ng mas mapanalasang mga kasunduan at kontrata, habang itinutulak pababa ang sahod ng manggagawa, pinasisirit pataas ang presyo, dinedemolish ang tirahan ng mamamayan at pinagkakait ang serbisyong panlipunan.

Ang pagtutulak ng neoliberal na patakaran sa edukasyon ay katumbas ng pagututulak ng papataas na matrikula at mga bayarin, pribatisasyon at komersyalisasyon, panunupil sa pamantasan at pinatitinding makadayuhang oryentasyon ng edukasyon. Ang pagpapatupad ng K-12 at mga repormang kaakibat nito ay magpapasahol sa edukasyong kolonyal, komeryalisado at pasista.

Patuloy ang kawalan ng lupa sa kanayunan at matinding kahirapan ng mga magbubukid. Higit pa itong pinatitindi ng pandarambong ng mga dayuhang korporasyon sa mga lupain at likas-yaman gaya ng mga plantasyon, pagtotroso, pagmimina at iba pa.

Sumisigaw ng katarungan ang mga biktima ng mga disaster na paulit-ulit na biniktima ng kapabayaan at kurapsyon ng rehimen. Ang malalaking kroni at negosyo ang tunay na nakinabang sa bilyong pondo na nakalaan sa disaster habang higit pang humirap ang kalagayan ng mamamayan.

Nakatakdang ipatupad ng rehimen ang Enhanced Defence Cooperation Agreement na magtatayo ng mga base ng US sa bansa bilang pagsang-ayon din sa ‘pivot’ ng US tungong Asya at mailalatag ng rekolonisasyon ng bansa.

Samantala, lalong pinatitindi ang mga programang pangurakot para bilhin ang suporta ng mga lokal at pambansang opisyal para sa kandidato nitong si Mar Roxas. Inilalarga na nito ang maruruming pakana para birahin ang mga kalaban sa halalan at lutuin ang resulta ng automated elections. Masidhi ang galit ng mamamayan sa rehimen na siyang pinapakita ng pangunguna ng mga kandidato ng oposisyon sa mga survey gaya ni Grace Poe.

Higit na pinatitindi ng rehimen ang pasistang kampanya laban sa kilusan ng mamamayan. Tumambad sa mamamayan ang pagmasaker at terorismo laban sa mga lumad sa Mindanao at iba’t iba pang bahagi ng bansa. Kinukulong sa gawa-gawang kaso ang mga lider at organisador ng iba’t ibang sektor at mga konsultant at kinatawan sa peace talks ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Sa kabila nito, higit na nalalantad sa mamamayan ang rehimen at lumalawak ang galit ng mamamayan. Tumitindi ang pagkamuhi ng mamamayan kasabay ng

patong-patong na mga eskandalo at kaso ng kurupsyon na sumasambulat.

Tumitindi ang hamon sa mga kabataan na higit na palawakin at palakasin ang pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa kabataan at mamamayan. Dapat higit na palakasin ang kilusang kabataan at mag-ambag nang malakas sa pagdaluyong ng kilusang masa sa buong bansa para patalsikin at panagutin ang rehimeng US-Aquino.

Palawakin at palakasin ang AnakbayanDapat paghusayan ng Anakbayan ang pagpupukaw sa kabataan sa pangakalahatang linya ng pambansa demokratikong rebolusyon. Dapat palaganapin ang konstitusyon at programa ng Anakbayan. Dapat abutin ang pinakamarami sa iba’t ibang mga isyu, panawagan at kampanya. Dapat tuloy-tuloy na tanganan ang mga sektoral na laban sa edukasyon, sahod, lupa, karapatan at iba pa. Dapat abutin ang milyong kabataan sa bawat isyu, kampanya at laban.

Susi sa paglakas na ito ang pagpapalawak ng kasapian ng Anakbayan. Tinatawagan ang lahat ng mga kasapi ng Anakbayan na mapangahas na palawakin ang kasapian ng mga balangay nito sa buong bansa at sa ibayong dagat. Dapat umigpaw ang bilang ng kasapian ng Anakbayan na mangunguna sa papalaking kilusang masa laban sa tumitinding mga atake ng imperyalismo sa mamamayan.

Dapat palakihin ang kasalukuyang mga balangay para umabot sa higit isandaang kasapi. Lubhang maliit at mahina ang sampu-sampung kasapi sa kasalukuyang mga balangay para magampanan ang iba’t ibang mga tungkulin nito sa kampanyang masa, gawaing edukasyon, organisasyon at iba pa. Mas nakakahikayat din kumilos para sa indibidwal na kasapi kung maraming mga kasama. Gayundin, mas mahihikayat ang mas marami pang hindi organisado na sumapi kung masigla ang mga aktibidad ng balangay at maraming kasapi ang aktibo.

Dapat tiyakin na malinaw at hindi komplikado ang rekisito at proseso sa pagsampa bilang kasapi. Para maging bagong kasapi, ang tanging rekisito ay ang pagtatalakay ng Konstitusyon at Programa ng organisasyon at pagsumpa bilang kasapi. Tungkulin ng lahat ng kasalukuyang kasapi na mapangahas na maghikayat ng bagong kasapi at mabilis na matalakayan at mapasumpa. Matapos maging kasapi, tiyakin na kagyat na mabigyan ng pag-aaral at mga tungkulin ang kasapi.

Saanman may tipunan ng kabataan ay dapat handang magrekluta ng pinakamarami lalo na kung may mga kampanya, aktibidad pag-aaral, mga mobilisasyon at iba pa. Gayunpaman, dapat may tiyak na plano at mga prayoridad para sa magpapalawak ng balangay. Magtukoy ng mga estratihikong kolehiyo, klase, gusali kung sa mga paaralan, mga erya kung komunidad, o mga tipunan sa pagawaan na konsentrado

ang mga kabataan. Sa gayon, tipon ang mga kasapi, malalatagan ang mga pinakamahahalagang lugar.

Dapat abutin ang mga tradisyunal na mga organisasyon at samahan para maging kaanib na organisasyon ng Anakbayan. Tiyakin na may plano lalo na sa pinakamalalaki at pinakatampok na mga organisasyon na maaaring organisahin sa iba’tibang paraan: sa pagyakag sa kanila sa kampanyang masa, mga aktibidad, pag-aaral hanggang sa direktang pang-affiliate o pag-anib sa Anakbayan.

Sa paglaki ng mga balangay, dapat mabuo din ang mga komite, mga team at masanay ang mas maraming lider-balangay para matiyak ang pagpapakilos ng mga kasapi sa iba’t ibang gawain. Dapat mabilis na magsanay ng mga lider na iaangat para tumangan ng mga susing responsibilidad sa pamumuno sa balangay. Dapat mabilis na magsanay ng mas maraming abanteng aktibista sa pamamagitan ng pag-aaral at praktika ng paglahok sa gawain ng balangay.

Mahalagang salik sa papalawak at papalalim na pag-oorganisa ang tuloy-tuloy na pagbibitbit ng mga lokal at sektoral na mga pakikibaka na mahusay na itinututok at ikinakawin sa mga labanang pampulitika at multisektoral. Para makapag-organisa sa mga mag-aaral, dapat tuloy-tuloy na bitbitin ang pakikibaka laban sa tuition at other school fees; kung sa manggagawa at komunidad, dagdag sahod at paglaban sa komersyalisasyon; sa magsasaka, pakikibaka para sa lupa; at iba pa. Dapat pahusayin ang pampulitikang aktibidad hanggang sa batayang antas — abutin at pakilusin ang pinakamarami sa bawat isyu at paglaban.

Dapat samantalahin ang panahon ng halalan para umabot sa pinakamaraming bilang ng kabataan. Dapat pakilusin ang kasapian at tumulong sa pagpapalawak at pagkakampanya, ng Kabataan Partylist at ni Neri Colmenares, gayundin ng iba pang mga progresibo at alyadong kandidato. Dapat ding samantalahin ang panahon na ito para ilantad ang halalan bilang bulok, reaksyunaryo at madaya. Sa ganito rin paraan, dapat lumawak ng walang kaparis ang kasapian at mga balangay ng Anakbayan.

Tinatanaw natin na makakaigpaw ang kasapian ng Anakbayan sa susunod na mga buwan tungo sa ilampung libo sa mga susunod na buwan hanggang daan-libo sa susunod na taon. Ang paglaki na ito ay hahawan ng landas para sa higit pang paglakas at paglawak ng kilusang masa ng kabataan na nakatanaw na malakas na mag-ambag sa pagdaluyong ng kilusang ng mamamayan tungo sa panibago at mas mataas na antas sa nalalapit na panahon.

Mabuhay ang Anakbayan! Ipagtagumpay ang pambansa-demokratikong rebolusyon!

Page 3: Sulong sa higit na paglawak, paglakas at paglaban! Ibagsak ang

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE 2015

Magiging gatasan naman ng mga malalaking kumpanya ang pagresponde sa mga kalamidad at mga maliliit na empresa bilang resulta ng pagsama ng “disaster resiliency” at small and medium enterprises o SME sa balangkas ng globalisasyon.

Bahagi din ng adyenda ng APEC ang mga neoliberal na “reporma” sa edukasyong Pilipino gaya ng patuloy na pagtaas ng mga bayarin sa pamantasan, kaltas-pondo sa eskwela at K-12 na naglalayong higit na ituon ang edukasyong Pilipino sa pangangailangan ng malalaking imperyalistang kapangyarihan.

Nakakabahala rin ang mga di-pantay na mga bilateral at multilateral na mga kasunduan na inihain sa pulong. Kabilang na dito ang pagbigay ng mga kagamitang militar ng Japan sa Pilipinas, ilang “free trade” agreements, at mga kasunduang suporta sa TPP.

Anu’t ano pa man, ang mga usapan at kasunduang ibinabalangkas sa loob at labas ng APEC ay naglalayong lumikha ng mas “bukas” na kalakalan at pamumuhunan, sisira sa nalalabing mga proteksyon sa mga bansa, at magbubukas sa mamamayan, kapital at yaman ng mga di-maunlad na bayan sa pagsasamantala ng US at malalaking kapitalistang kapangyarihan.

Sa likod ng mga magagandang salita, ipagpapatuloy ng APEC leaders’ declaration ang mga bigong patakaran sa ekonomiya ng globalisasyon sa ilalim ng World Trade Organization (WTO). Naglalayon din itong itaguyod ang integrasyon ng rehiyon sa balangkas ng Trans-Pacific Partnership (TPP).

Ang TPP ay isang kasunduan sa pangangalakal na tinutulak ng US na tinatawag ng mga kritiko na pinakamapanghimasok na kasunduan sa ekonomiya sa kasaysayan. Nagpahayag na ng intensyon si BS Aquino na sumali sa TPP.

Ang tema ng APEC para sa 2015 na “Building Inclusive Economies, Building a Better World” ay insulto sa mga bayang dumaranas ng higit na kahirapan sa mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon.

Ang mga mabubulaklak na slogan din gaya ng “human capital development”, “small and medium enterprises,” “resilient communities,” ay sa totoo, mga adyendang magpapatindi pa ng pagkubabaw ng interes ng monopolyo kapitalismo sa lakas-paggawa, ekonomiya at kahit maging maliliit na mga negosyo at pagharap sa mga disaster.

Malalaking protesta inilunsad laban sa APEC, mga mapaminsalang kasunduan kinundena

Kinundena ng Anakbayan ang leaders’ declaration, mga resolusyon, at iba pang mga kasunduan sa APEC na magreresulta sa pagpapayaman ng mga malalaking bansa tulad ng US, Japan, at China sa kapaminsalaan ng mga mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.

Sa huling araw ng pagpupulong ng mga lider ng APEC noong Nobyembre 19, nagmartsa at naggiit ang libu-libong mamamayan sa kabila ng panghaharang ng mga pulis at sundalo at nagawang makalapit sa Philippine International Convention Center (PICC) kung saan idinaos ang summit.

Tinangka ng mga awtoridad na marahas na buwagin ang protesta sa pamamagitan ng pagbomba ng tubig at pagpalo ng batuta at kalasag. Lagpas 15 ang nasugatan, ngunit hindi nagpatinag ang mamamayan.

Nagsalubungan naman ang mga Lumad ng Mindanao at mga mamamayan mula sa Hilagang Luzon noong Nobyembre 18 at nagmartsa papunta sa tulay ng Mendiola. Bumyahe patungong Maynila ang mga grupo mula sa Cordillera at Hilagang Luzon sa tinaguriang Martsa Amianan habang noong Oktubre pa nasa kabisera ang mga Lumad na kalahok ng Manilakbayan.

Naglunsad din ng lightning rally ang mga kasapi ng Anakbayan at Kilusang Mayo Uno sa kanto ng Taft at Buendia Avenue sa Pasay City noong umaga ng Nobyembre 18. Nagprotesta naman ang mga grupo ng kabataan sa US Embassy sa Maynila noong Nobyembre 17.

Samantala, nagmartsa papuntang Mendiola ang mga kabataan at estudyante noong Nobyembre 13 kung saan kanilang sinunog ang mga larawan nina Aquino, US President Barack Obama, at Chinese President Xi Jinping. Sinugod naman ng mga kasapi ng Anakbayan-Metro Manila ang Gate 7 ng Malacañang at sinunog ang simbolo ng APEC.

Ayon sa mga nagprotesta, mistulang binebenta ng gobyernong Aquino ang kasarinlan at ekonomiya ng bansa sa mga dayuhan at malalaking kumpanya.

Sunud-sunod at malalaking mga kilos-protesta ng mamamayan ang sumalubong sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders Meeting sa Maynila sa kabila ng tuwirang pagbabawal ng rehimeng Aquino sa mga rali at demonstrasyon.

Photo Credits: Agence France Presse

Page 4: Sulong sa higit na paglawak, paglakas at paglaban! Ibagsak ang

4 NOBYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

www.anakbayan.orgbisitahin ang

Ang TPP ay isang di-pantay na kasunduan sa kalakalan at pinansya na masigasig na tinutulak ng Estados Unidos upang panatilihin ang pang-ekonomiko at pampulitikang dominasyon nito sa rehiyon ng Asya-Pasipiko. Sa kasalukuyan, 12 bansa na ang pumirima sa TPP---US, Japan, Canada, Australia, New Zealand, Mexico, Chile, Peru, Vietnam, Malaysia, Brunei, at Singapore.

Bahagi ang TPP ng istratehiyang “Pivot to Asia” ng US upang labanan ang pagbangon ng Tsina at magsilbing pundasyon ng pagtatayo ng isang integradong sistema ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon sa pamumuno ng US.

Pinakamapanghimasok na kasunduan

Hanggang kamakailan lamang, nanatiling sikreto ang negosasyon para sa TPP at itinago mula sa mga mata ng publiko ang mga laman nito. Ang pagsasapubliko ng mga detalye ng kasunduan nitong unang linggo ng Nobyembre ay nagkumpirma lamang sa hinala ng marami na pabor ito sa mga malalaking korporasyon sa kapinsalaan ng mamamayan at kalikasan.

Lumalabas ngayon na bahagi ng mahigit 5,500 pahina ng TPP ang lahat ng posibleng larangan ng pang-ekonomikong aktibidad. Tinatawag ng grupong pananaliksik

na Ibon Foundation ang TPP bilang pinakamapanghimasok na kasunduan sa ekonomiya sa kasaysayan.

Aalisin ang halos lahat ng restriksyon sa kalakalan at pamumuhunan. Kabilang sa tatanggalin ang taripa o buwis sa 18,000 kalakal habang babawasan ng hanggang kalahati ang kasalukuyang singil sa mga produkto katulad ng baka at baboy. Magpapataw rin ng kota sa libu-libong tonelada ng bigas at gatas na pang-eksport sa US at Australia.

Muling tinutulak ang pagbabago sa Konstitusyong 1987 upang alisin ang natitirang restriksyon sa dayuhang pagmamay-ari at lalong pagbubukas ng lokal na ekonomiya bilang rekisito sa pagsapi ng Pilipinas sa TPP.

Pagtanggol sa pag-aaring intelektwal

Ipagtatanggol ng TPP ang pag-aaring intelektwal upang pangalagaan ang bentahe ng US sa larangan ng mga “high-tech” na industriya. Halimbawa, ginagarantiya ang ekslusibong karapatang magbenta ng patented na gamot katulad ng mga bakuna sa loob ng limang taon.

Magpapataw naman ng mabigat na parusa sa paglalantad ng mga sikreto sa

produksyon ng mga kumpanya at ang walang pahintulot na pag-download at pamamahagi ng mga kanta, bidyo, babasahin, at iba pang produkto sa Internet.

Obligado rin ang mga gobyerno na gumawa ng batas para tanging mga programa ng kompyuter na may lisensya ang gagamitin ng mga ahensya ng gobyerno. Malaking tubo ang makakamal ng mga kumpanya katulad ng Microsoft na may monopolyo sa programa ng mga kompyuter.

Kung kaya sa ngalan ng pagtatanggol diumano ng pag-aaring intelektwal, higit na tataas ang presyo ng mga gamot, mga programa sa kompyuter, mga libro at iba pang produkto at masisikil ang pag-unlad ng lokal na agham at teknolohiya.

International Dispute Settlement

Sa ilalim ng kasunduan, bubuuin ang isang sistema ng international dispute settlement (IDS) na di bukas sa publiko, di hawak ng mga gobyerno, at pawang nasa kontrol ng mga malalaking korporasyon. Mapapasailalim sa awtoridad ng IDS ang mga lokal na batas.

Maaari sa gayong baliktarin ng mga korporasyon ang anumang mga patakaran ng gobyerno na kontra sa interes nito na magkamal ng malaking tubo. Subalit hindi naman maaaring magsampa ng kaso ang mga gobyerno laban sa mga abusadong kumpanya.

Halimbawa ng ganitong kalakaran ang pagkaso ng kumpanyang Pranses na Veolia sa halagang EUR 82 milyon sa gobyerno ng Egypt noong 2012 dahil sa pagpapatupad nito ng pagtataas ng minimum na sahod ng mga manggagawa. Labag diumano ito sa bilateral investment agreement sa pagitan ng France at Egypt.

Sa madaling salita, walang kaparis ang paghahawan ng TPP sa daan para sa mas higit na paghahari ng dayuhang mamumuhunan sa mabibigyan ng walang hangganang karapatan na balewalain ang mga pambansang batas na nagtatanggol sa kalusugan, kaligtasan, paggawa, at kalikasan.

Walang ibang hahantungan, kung sa gayon, ang mamamayan kundi ang pagpapalakas ng pagtutol sa imperyalismong US, sa makadayuhan at kontra-mamamayang TPP at pagkatuta ng gobyernong Aquino.

Inanunsyo ang planong pagsapi ng Pilipinas sa Trans-Pacific Partnership (TPP) sa okasyon ng pagdating ni US President Barack Obama sa Pilipinas para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders Meeting sa Maynila noong Nobyembre 18.

Pho

to C

redi

ts: p

inoy

wee

kly.

org

Trans-Pacific Partnership (TPP): Instrumento ng imperyalismong US sa rehiyon

Page 5: Sulong sa higit na paglawak, paglakas at paglaban! Ibagsak ang

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE 2015

APEC 2015 at imperyalistang globalisasyon

1) Ano ang APEC?

Ang APEC ay instrumento ng malalaking bansang imperyalista, sa pangunguna ng US, para itulak ang salot na neoliberal na globalisasyon sa rehiyong Asya-Pasipiko at sa mundo.

Ito ay organisasyon ng 21 bansa sa Asya-Pasipiko kasama ang US, Japan, China, Canada, Russia at Australia. Malaking bahagi ng pandaigdigang ekonomiya ang pinagsanib na mga bansang ito kung saan matatagpuan ang 40% ng populasyon ng daigdig, 50% ng pandaigdigang kalakalan at 60% ng gross domestic product ng daigdig.Itinatag ito noong 1989 sa pangunguna ng US para umano sa “kooperasyon” ng mga bayan para sa “paglago ng ekonomiya” sa rehiyon, ngunit sa totoo’y matinding pananalanta sa maliliit na bansa ang layunin nito sa pagtutulak ng mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon sa daigdig.

Itinutulak nito ang mga patakarang gaya ng liberalisasyon (pagtanggal ng hangganan sa pag-angkat ng mga produkto, kabilang ang pagpapababa o pag-alis sa buwis sa mga kalakal),deregulasyon (ang pagbitaw ng gobyerno sa kontrol sa presyo ng mga produkto, kabilang ang langis), at pribatisasyon (pagpapaubaya ng gobyerno sa mga pribadong kumpanya na pumasok at gawing negosyo ang mga batayang serbisyo gaya ng edukasyon, kalusugan, at pabahay).

Tinitiyak nito ang pang-ekonomiyang interes ng mga malalaking bansa sa rehiyon lalo na ng US at Japan habang lalong pinagsasamantalahan ang mga ekonomiya ng maliliit na bansa gaya ng Pilipinas.

2) Paano itinutulak ng APEC ang interes ng malalaking imperyalistang bayan?

Sa taunang mga pagpupulong ng APEC na dinadaluhan ng mga pinakamatataas na pinuno ng mga bansa, itinutulak ang balangkas ng mga “repormang” pang-ekonomiko at mga patakarang neoliberal tungo sa mga mapaminsala at mapagsamantalang mga kasunduan. Bagamat “boluntaryo” at “konsensus” ang mga usapan sa mga pagpupulong, larangan ito para sa pagtutulak ng mga kasunduang bilateral at multilateral gaya ng sa World Trade Organization (WTO) at mga mapaminsalang Free Trade Agreements (FTAs) sa rehiyon. Bahagi din ng mga pagpupulong ang mga kinatawan ng malalaking negosyo na direktang umiimpluwensya sa mga gubyerno.

Sa katunayan, ipinatawag ng US ang unang economic leaders meeting ng APEC noong

1993 para tulungang makabwelo ang Uruguay Round ng World Trade Organization (WTO) sa kabila ng mga pagtutol ng mga maliliit na bansa. Sinundan ito ng deklarasyon ng Bogor Goals noong 1994 na hayagang nagtutulak ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon hanggang 2020.

Mula noon, ginamit na ng malalaking bansa, pangunahin ng US, ang APEC para higit na ilubog sa kumunoy ng neoliberal na mga patakaran ang mga maliliit na bayan at panatilihin ang kanilang paghahari sa rehiyon. Aabot sa $1.1 trilyon ang direktang pamumuhunan ng US sa rehiyon at aabot sa 65% ng kabuuang import at export nito.

Buong pagmamalaki, halimbawa, na ihinahayag ng APEC bilang “achievements” nito ang pagpapababa ng “trade barriers” sa rehiyon mula 16.9% noong 1989 tungong 5.8% noong 2010. Gayundin ang pagkakaroon ng nasa 140 mapanalasang mga FTAs na nagbubukas sa mga ekonomiya ng maliliit na bansa sa pandarambong ng mga imperyalistang bayan.

Ginagamit din ang APEC para itulak ang interes pang-militar ng US sa rehiyon. Ginamit ng US ang APEC para magmobilisa sa “gera kontra terorismo,” sa pagdedeploy ng mga tropa at pagtatayo ng mga base sa mga bansa sa rehiyon.

3) Ano ang naging epekto ng neoliberal na globalisasyon?

Matapos ang mahigit apat na dekada ng “globalisasyon,” lalagpas sa 200 milyon ang walang trabaho, 2.7 bilyon ang naghihirap at 808 milyon ang nagugutom. Samantala, hawak ng 1% ng populasyon ng daigdig ang lagpas sa kalahati ng yaman sa buong mundo. Katumbas lamang ng yaman ng 80 pinakamayayaman sa daigdig ang kabuuang yaman ng nakabababang kalahati ng populasyon.

Sa Pilipinas, halos dalawang dekada mula nang huling idaos ang APEC summit, lumalim ang pagiging atrasado, agraryan at pre-industriyal ng malakolonyal at malapyudal na katangian ng bansa.

Pinatindi ng globalisasyon ang kawalan ng lupa, kawalan ng pambansang industriyalisasyon habang patuloy na winawasak ang anumang natitirang industriya at manupaktura. Para lalong pigain ang mga manggagawa, itinulak ang kontraktwalisasyon sa paggawa, pinapako ang sahod sa mababang halaga sa isang banda, habang itinataas naman ang presyo ng bilihin at pinipribitisa ang serbisyo sa kabila.

Bumagsak nang husto ang taripang ipinapataw ng Pilipinas sa mga produktong imported at lumalala ang depisito nito sa kalakalan, lalo sa pagkain at agrikultura. Mula sa dating 26% noong 1996, nasa 5% na lamang ang taripa sa mga produktong manupaktura. Sa parehong panahon, bumagsak naman ang taripa sa mga produktong agrikultural mula 36% tungo sa 10 bahagdan. Ang Pilipinas ngayon ang isa sa may pinakamababang taripa sa agrikultura at may pinakamababang taripa sa mga produktong di-agrikultural sa buong Asya.

Agrikultura – Sa agrikultura, winasak ng liberalisasyon ang produksyon at pinabaha ng mga imported na mga produktong agrikultural sa bansa. Nagbunsod ng kawalang-seguridad sa pagkain at tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga bilihin. Noong 2014, halimbawa, ang Pilipinas ang ikalawang pinakamalaking importer ng bigas sa mundo (1.9 milyong tonelada); 47% ng munggo at 77% ng bawang ang inimport din ng bansa. Pinasahol din ng globalisasyon ang kawalan ng lupa ng magsasaka sa pamamagitan ng pagtutulak ng “market-oriented land reform” at pangangamkam ng lupa ng mga malalaking korporasyon para maging mga plantasyon para sa eksport.

Manupaktura at industriya – Dahil sa pagbaha ng dayuhang produkto at dayuhang pamumuhunan, nagsara ang mga empresa, nawasak ang manupaktura na nagpalubha sa walang trabaho. Taon-taon mula 2000, 2,520 empresa ang nagsasara o nagtanggal ng manggagawa dahil sa pagkalugi at pananalasa ng globalisasyon. Ang pagmamanupaktura ay bumubuo sa wala pang 23% ng GDP nitong 2010 hanggang 2014 mula sa dating 25% noong 1995 hanggang 2000. Ito na ang pinakamababang bahagi ng pagmamanupaktura sa GDP sa nakalipas na anim na dekada. Samantala, tinatayang hawak ng mga dayuhang korporasyon ang hanggang 70% ng pinagsama-samang kita ng mga empresang nasa pagmamanupaktura na kabilang sa Top 1000 corporations ng Pilipinas. Ang pagkawala ng kapasidad ng ekonomiya na lumikha ng mga makabuluhan at pangmagatalang trabaho ay epekto ng pangungubabaw ng imperyalismo sa industriya.

Pribitisasyon – Ang todo-todong pribatisasyon ay nagdulot ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo gaya ng singil sa kuryente, tubig, pamasahe, komunikasyon, edukasyon at serbisyong pangkalusugan. Ang Pilipinas, halimbawa ang may pinakamataas na singil sa kuryente sa Asya at isa sa may pinakamahal na tubig sa mundo. Malubha pa, ginagarantiya ng buwis ng mamamayan ang kita ng pribadong mga korporasyon.

Pandarambong sa likas-yaman – Ibinunsod ng globalisasyon ang todong pandarambong sa kalikasan, mga lupain at pagmimina. Ibinukas sa dayuhan ang mga kabundukan, lupain at kagubatan na nagbunsod ng pagkawasak ng mga ito para sa kita ng dayuhan. Noong 2010 halimbawa, nasa P114.4 bilyon ang namina ng mga dayuhang kumpanya, habang nasa P13.7 milyon lang ang nakolekta ng gubyerno mula sa mga kumpanya.

Nitong Nobyembre 18-19, inilunsad ang taunang Economic Leaders Meeting (ELM) ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Maynila. Walang pasok, walang trabaho, walang cellphone signals, at walang pwedeng makita na mga mahihirap sa kalsada sa pagdating ng mga pinakamakakapangyarihang lider ng malalaking bansa. Kabilang sa mga dumating sa bansa ang pangulo ng Estados Unidos (US) na si Barack Obama, at pangulo ng Tsina na si Xi Jinping.

Page 6: Sulong sa higit na paglawak, paglakas at paglaban! Ibagsak ang

6 NOBYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Labanan ang panunupil ng rehimeng Aquino sa mga lider-aktibista ng Cagayan Valley!

Malinaw na isa na naman itong pagtatangka ng rehimeng Aquino na patahimikin ang mga protesta at paglaban ng mamamayan sa lumalalang mga paglabag sa karapatang pantao sa rehiyon. Pinaratangan sila na mga kasapi diumano ng rebolusyonaryong grupo na New People’s Army (NPA) at naging sangkot sa armadong pakikibaka.

Kahina-hinala na isinampa ng mga kamag-anak ng dalawang sundalo ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army (17th IBPA) at isang kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) ang kaso.

Kabilang sa mga sinampahan ng gawa-gawang kaso ang isang lider-kabataan, si Femie Galapon na Tagapangulo ng National

Union of Students of the Philippines-Cagayan Valley at isang convenor ng Rise4Education alliance.

Ang ilan pa sa mga kinasuhan ay sina Isabelo Adviento, Tagapangulo ng Kagimungan, organisasyon ng magsasaka, at nominado ng Anakpawis Partylist; Agnes Mesina, Regional Coordinator ng Save the Valley at Rural Missionaries of the Philippines; Randy Malayao, Vice President for Luzon ng Makabayan; at Romella Liquigan, Regional Coordinator ng Karapatan-Cagayan Valley at Gabriela Women’s Party.

Dalawampu rin sa mga indibidwal na kinasuhan ang sinampahan na ng parehong kaso noong Agosto 2015. Ilan din sa mga

ng mga kampuhan at kilos-protesta sa loob ng mga kampus. Nagtayo ng kampuhan sa UP Diliman para tuluyan ng mga lumad mula Oktubre 26 hanggang sa unang linggo ng Nobyembre.

Pagkatapos nito pansamantalang nanirahan ang mga lumad sa Liwasang Bonifacio. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng permit,

May 700 katutubong lumad ang naglakad ng libu-libong kilometro mula sa Mindanao papunta sa Maynila upang ipanawagan ang pagtigil ng nagaganap na pananakop ng mga militar sa kanilang mga paaralan at komunidad.

Sinalubong ng mga kabataan at estudyante ang pagdating ng mga lumad sa pamamagitan

pinaalis sila sa kanilang kampuhan dito bilang bahagi ng “paglilinis” ng gobyernong Aquino para sa APEC summit.

Napilitan silang lumisan patungo sa bakuran ng Baclaran Church sa Parañaque City simula Nobyembre 13. Pinigilan ang mga lumad ng gobyernong Aquino na lumahok sa mga protesta kontra-APEC. Nagmistulang bilanggo mga lumad matapos harangan ng daan-daang pulis, mga bus at container van ang lahat ng mga pasukan at labasan ng simbahan.

Bago pa man dumating ang mga lumad sa Maynila, nahuli ang anim na sundalo na naniniktik sa mga lider-estudyante na nagplano sa kampuhan sa loob ng UP Diliman noong Oktubre 21. Kinundena ng administrasyon ng UP ang insidente dahil sa paglabag nito sa Department of National Defense-Abueva Accord na nagbabawal sa pagpasok ng mga pwersa ng militar at pulis sa loob ng pamantasan nang walang pahintulot.

Sa kabila ng lahat ng ito, matagumpay na nailantad sa mas malawak na publiko ang isyu ng mga lumad. Ummani ng suporta ang Manilakbayan mula kay Luis Cardinal Tagle, Maine Mendoza (na mas kilala bilang si Yaya Dub), Aiza Seguerra, komedyanteng si Mae Paner o Juana Change, at mga mang-aawit na sina Bayang Barrios at Monique Wilson, atbp.

Matagumpay na idinaos ang “Manilakbayan ng Mindanao” sa kabila ng walang tigil na panunupil at paulit-ulit na pagtangka ng rehimeng Aquino na patahimikin ang boses ng mga lumad at itago ang isyu ng pagpatay sa mga lumad.

akusado ay hindi kilala ng mga lider-aktibista habang ang ilan naman ay lumahok sa mga fact-finding mission sa bayan ng Rizal sa Zinundangan Valley.

Nagkokondukta ng mga operasyong militar ang 17th IBPA sa lugar mula pa noong Pebrero 2015 na nagiging sanhi ng kaliwa’t kanang pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao. Kagaya ng mga Lumad ng Mindanao, ang mga katutubong grupo ng Aggay, Malaweg, at Kalinga ang pinakaapektado sa mga operasyong militar na ito sa nasabing lugar.

Ngunit ang pasismo ng estado at paggamit ng karahasan ay lalo lamang magtutulak sa mamamayan na tumindig at lumaban. Nakikiisa ang Anakbayan sa paglaban sa tumitinding militarisasyon at panunupil ng rehimeng Aquino sa mga lider-aktibista at kilusang masa sa Cagayan Valley.

Kinukundena ng Anakbayan ang pinakahuling atake ng rehimeng US-Aquino sa progresibong kilusang masa sa rehiyon ng Cagayan Valley sa hilagang Luzon. Aabot sa 69 na lider-aktibista ng iba’t ibang progresibong organisasyon at partylist sa Cagayan Valley ang sinampahan ng gawa-gawang kaso ng kidnapping at homicide.

Manilakbayan, matagumpay na idinaos sa kabila ng panggigipit at panunupil

Pho

to C

redi

ts: M

anila

yoda

y.ne

t

Page 7: Sulong sa higit na paglawak, paglakas at paglaban! Ibagsak ang

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE 2015

Katarungan para sa mga biktima ng masaker sa Ankara, Turkey!Mariing kinundena ng Anakbayan ang karumaldumal na pag-atake sa malaking pagkilos ng mamamayang Kurdish noong Oktubre 10 sa Ankara, Turkey. 128 ang nasawi at hindi bababa sa 500 ang nasugatan makaraang magkasunod na sumabog ang dalawang bomba mula sa suicide bombers sa gitna ng mga nagpoprotesta.

Nananawagan ang nasabing pagkilos ng pag-aayos sa pagitan ng gubyerno ng Turkey sa ilalim ni Erdogan at rebolusyonaryong pwersa na pinangungunahan ng Kurdistian Workers Party (PKK).

Itinuturo ng mga patak ng dugo ang ISIS at rehimeng Erdogan na responsable sa karumaldumal na krimeng ito. Sa katunayan, ilang minuto pagkatapos ng mga pagsabog, dumagsa ang daan-daang anti-riot police.

pinaulanan ng teargas at binomba ng tubig ang mga nagpoprotesta. Hinarangan din ng mga pulis ang mga ambulansiyang reresponde sa mga biktima ng pagsabog.

Galit na galit ang ISIS sa kilusang Kurdish dahil ang mga mandirigma nito sa ilalim ng bandera ng YPG (People’s Protection Unit) ay ang pinakaepektibong lumalaban at nagpapaalis sa teroristang ISIS sa mga lugar na naokupa nito. Sa kabilang banda, ginagamit ng rehimeng Erdogan ang gyera sa Syria upang durugin ang kilusang Kurdish sa Turkey at Syria.

Nakikita rin ng rehimeng Erdogan ang gubyerno ni Bashar al-Assad ng Syria bilang isang malaking balakid sa ambisyon nitong gawing dominanteng bansa ang Turkey sa rehiyon. Dahil dito, sinusuportahan ni Erdogan ang ISIS sa pagbibigay ng pahintulot

na magsanay ang ISIS sa Turkey, gamutin ang mga sugatang ISIS sa mga ospital sa Turkey at pagbubukas ng daan sa pagitan ng Turkey at Syria sa mga papasok na jihadists sa buong mundo na sasali sa ISIS.

Para kay Erdogan, isang mabisang kasangkapan ang ISIS upang durugin ang kilusang Kurdish, gaya ng isang mabisang kasangkapan din ito ng US para pabagsakin ang gubyerno ni Assad upang palitan ito ng gubyernong magiging tuta nila.

Nananawagan ang Anakbayan ng katarungan para sa mga biktima. Nananawagan din ang Anabayan sa lahat ng kabataan na kondenahin ang teribleng krimeng ito sa mamamayang Kurdish. Gayundin, nananawagan ang Anakbayan na maghayag ng pagsuporta sa mamamayang Kurdish at pakikibaka nito para sa pambansang pagpapasya.

Hustisya para sa Paris, Beirut at lahat ng biktima ng imperyalistang agresyon at terorismo!Nagpapahayag ang Anakbayan ng pakikiisa sa mamamayan ng France at Lebanon na naging biktima ng sunud-sunod na teroristang atake sa Paris, France noong Nobyembre 13 at Beirut, Lebanon noong Nobyembre 12.

Mahigit 150 katao ang napatay sa Paris nang pinasabugan ng bomba ang football stadium at pinaulanan ng bala ang isang konsyerto at mga restawran. Aabot naman sa 42 ang patay sa dalawang insidente ng pambobomba sa Beirut.

Taos-pusong nakikiramay ang Anakbayan sa mga pamilya ng mga biktima. Mariin ding kinukundena ng Anakbayan ang mga teroristang atake laban sa mga inosenteng sibilyan na inako ng Daesh o Islamic State na mas kilala sa pangalang ISIS.

Binatikos din ng Anakbayan ang paggamit ni

French Prime Minister Francois Hollande sa teroristang atake sa Paris bilang rason para maglunsad ng walang-awang pambobomba sa Syria. Nagresulta ang paglusob ng mga eroplanong pandigma ng France sa Raqqa, Syria ng pagkamatay ng ilampung sibilyan.

Tinututulan ng Anakbayan ang paggamit sa karumaldumal na krimen ng ISIS upang gawing dahilan para paalabin ang mga sentimientong kontra-Muslim at rasistang pagkamuhi sa mga migrante at pagsikil ng mga karapatang sibil at kalayaan ng mamamayan.

Sa katunayan, ang imperyalismong US at iba pang makapangyarihang bansa tulad ng UK at France at kanilang mga kasosyong Israel, Saudi Arabia, at Turkey ang may pananagutan sa paglikha, pagsanay, pag-armas, at pagtustos sa ISIS at iba pang teroristang grupo.

Maaalalang sinuportahan ng imperyalismong US si Osama Bin Laden sa kanyang jihad

laban sa pagsalakay ng Unyong Sobyet sa Afghanistan noong 1980s. Inorganisa ni Bin Laden ang Al Qaida na sa kalaunan ay naglunsad ng atake sa 9-11 laban sa kanyang dating among Amerikano.

Sa parehong paraan, pinopondohan ng mga imperyalistang bayan ang mga teroristang grupo tulad ng ISIS upang pabagsakin ang mga gobyerno tulad ng Syria na lumalaban sa mga imperyalistang pakana na dambungin ang langis sa Gitnang Silangan.

Ang teroristang atake sa Paris at Beirut at ang mga digmaang agresyon na pinamumunuan ng US sa Gitnang Silangan na nagresulta sa masaker ng milyon-milyong sibilyan ay dalawang panig ng isang realidad. Sa huli, nakikiisa ang Anakbayan sa mamamayan ng buong daigdig sa pagpapanawagan ng hustisya para sa lahat ng biktima ng imperyalistang digmaan at terorismo.

PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida

MGA KAWANIAlexia Fuentes, Andrea Lim, Edward Pastor, Elizabeth Gonzales,Issa Baguisi, Gem Aramil, James Relativo, Jackie Tan Gonzales,

Jaque Eroles, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli, Karlo Mongaya,Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

www.anakbayan.org

facebook | Anakbayan Phils

twitter | @anakbayan_ph

Page 8: Sulong sa higit na paglawak, paglakas at paglaban! Ibagsak ang

8 NOBYEMBRE 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Ikalawa, itinuturing kong responsibilidad sa rebolusyonaryong kilusan ng mamamayan, sa NDFP at mga kasama sa mga bilangguan ng GPH, na puspusang batikusin at iprotesta ang “kriminalisasyon” ng mga pinagsususpetsahan at inaarestong mga rebolusyonaryo, na malalang paglabag sa matagal nang kinikilalang desisyon ng Korte Suprema ng GPH na doktrinang Hernandez kaugnay ng mga salang pampulitika, sa internasyunal na kinikilalang legal na prinsipyong ang mga maysalang pampulitika na may mataas na hangarin, tulad ng mga rebelde, ay dapat tratuhin nang maluwag, iba sa mga karaniwang kriminal...

Buong-galang kong hinihingi sa mahuhusay kong abugado na intindihin ang desisyon ko, kahit sa kabila ng payo nilang dumalo ako rito noong Mayo 7 at ngayong araw. Maraming salamat sa inyong matibay at puspusang pagtatanggol sa aking mga demokratikong karapatan. Sa aking mga rebolusyonaryongkasama na kasalukuyang nililitis, hangad ko sa inyo ang katatagan, saya at mabuting kalusugan habang kayo’y napaiilalim sa mapanupil na mga instrumento ng kasalukuyang reaksyunaryong estado, para magpunyagi sa pakikibaka at sikaping lumaya upang makabalik sa rebolusyonaryong gawain sa labas ng bilangguan.

(Pinirmahan) Rafael G. Baylosis

sa pamamagitan ng pwersahang pagdukot tulad ng lagging gawa ng militar ng GPH laban sa maraming mga rebolusyonaryong oposisyon sa nagdaang tatlong dekada, kahit matapos ang pagpapatalsik sa pasistang diktadurang rehimen ni Marcos... Hindi ako magugulat kung ako’y basta na lamang inaresto sakaling dumalo ako sa pre-trial na paglilitis na ito, base sa isang bagong “arrest warrant”. May ilang mga upisyal ng militar, pulis at korte ang sanay na sanay sa mga kademonyohang tulad nito. Ito ang dahilan na inuunahan ko na ng ilang hakbang itong banta sa akin at sa hanay ng mga rebolusyonaryong kinabibilangan ko. Nagpasya akong tumungo at muling mabuhay sa matatag na teritoryo ng Demokratikong Gubyernong Bayan sa ilalim ng NDFP sa kanayunan, upang ipagpatuloy ko ang aking gawain at bahagi sa rebolusyonaryong kilusan sa paglilingkod sa bayan. Kahit pa relatibong nagkaka-edad na ako, kahit maputi na ang buhok ko. Kung may mangyari sa akin na pinsala, madakip o mapatay man, malayong mas may laban dito sa malakas na suporta ng masang magsasaka, maraming mas nakababatang rebolusyonaryo, at pagtatanggol ng Bagong Hukbong Bayan.

Kahit maputi na ang buhok ko

Nagpasya akong lumiban at di dumalo sa huling pagkakataon nga yong araw sa ibinigay sa akin ng makatwirang Lady Judge nitong Korte sa Paglilitis ng GPH (Gubyerno ng Republiko ng Pilipinas) para pormal na isakdal...

Una, nais kong unahan ang kagyat at napipintong banta sa aking buhay at kalayaan matapos makakuha ng mapagkakatiwalaang impormasyon noong Enero at Abril 2015 mula sa ilang sirkulo ng militar at pulis ng GPH, na ako ay tinukoy, kabilang ang ilan kong kasamahan, bilang “kasalukuyan at prayoridad na tracer” sa bagong pamunuan ng PKP-BHB-NDFP (Partido Komunista ng Pilipinas-Bagong Hukbong Bayan-National Democratic Front of the Philippines). Sa isa pang ipinagbigay-alam sa akin na top secret na proyektong pang-intelidyens ng GPH, kabilang ako sa target para sa “neutralization” dahil pinagsususpetsahan kaming nasa unahan ng pagdaluyong ng kilusang masa sa National Capital Region para patalsikin sa poder ang kasalukuyang presidente ng GPH.

Wala akong balak na magpa-aresto, magdusa at magpakulong sa ikatlong pagkakataon sa aking buhay. Iyan ay kung hindi ako basta patayin

(Ang sumusunod ay sipi mula sa pahayag ni Rafael G. Baylosis noong Hulyo 30 na binasa sa Manila Regional Trial Court matapos siyang magpasyang hindi na dumalo sa pagsasakdal at magtungo sa kanayunan para ituloy doon ang mga gawain sa rebolusyonaryong kilusan.)

Tuloy ang paglilingkod sa bayan