Author
others
View
36
Download
0
Embed Size (px)
1 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM
030 – Tagalog - Tagalog
Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang
Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)
1. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Pantrahedya ng Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya (EIDL) at ng Programa sa Proteksyon ng Suweldo (PPP - Paycheck Protection Program)?
Pantrahedyang Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya (EIDL)
Programa sa Proteksyon ng Suweldo HINDI NA UMIIRAL
PAGLALARAWAN Pangmatagalan, direktang programa sa pautang mula sa SBA
Mga pautang na ipinapadaan sa halos 5,500 nagpapautang sa buong bansa
LAYUNIN Upang matugunan ang mga pinansyal na obligasyon at mga gastusin sa pagpapaandar ng negosyo na dapat natugunan kung hindi naganap ang sakuna.
Dinisenyo upang magbigay ng insentibo para sa maliliit na negosyo, upang mapanatiling nasa payroll ang mga empleyado.
UMIIRAL NA HALAGA
Kapital para sa anim na buwan. Hanggang $10 milyon
MGA TAKDA 3.75% APR (tiyak): mga negosyo
2.75% APR (di-tiyak); mga non-profit 30 taon
1%
2 taon o 5 taon, depende kung kailan naaprubahan ang pautang
KOLATERAL Mga kinakailangang pautang na mahigit $25,000
Walang kinakailangang kolateral
PERSONAL na GARANTIYA?
Nangangailangan ng personal na garantiya para lang sa mga pautang na mahigit sa $200,000
Hindi kinakailangan
MAPAPATAWAD? HINDI. Maaaring bayaran ang pautang sa anumang oras nang walang mga singil sa paunang kabayaran.
IPAPATAWAD kung ang pamantayan sa pagpapanatili ng mga empleyado ay natugunan at kung ang pondo ay magagamit para sa mga gastusin.
Kapag nakatanggap ang nangungutang ng EIDL Advance, kailangang bawasan ng SBA ang halagang ipapatawad sa pautang ng nangungutang ng halaga ng EIDL Advance.
Makikita ang mga detalye online sa SBA.gov/PaycheckProtection.
Unang KABAYARAN Ang Unang pagbabayad ay ipagpapaliban ng 1 taon; pwede kang magbayad kung gusto mo.
Kumpletuhin at isumite ang SBA Form 1201 Mga Kabayaran ng Nangungutang sa Pay.gov.
Ipagpapaliban ang pagbabayad sa loob ng ilang panahon depende sa kung kailan magsusumite ang nangungutang ng kahilingan para sa pagpapatawad ng pautang.
MAG-APPLY Mag-apply online Hindi na umiiral. Bisitahin ang SBA.gov/PaycheckProtection para sa pinakabagong impormasyon.
https://www.sba.gov/funding-programs/loans/coronavirus-relief-options/paycheck-protection-programhttps://www.sba.gov/funding-programs/loans/coronavirus-relief-options/paycheck-protection-programhttps://www.pay.gov/public/form/start/3723407https://www.pay.gov/public/form/start/3723407http://www.pay.gov/https://covid19relief.sba.gov/%23/https://www.sba.gov/funding-programs/loans/coronavirus-relief-options/paycheck-protection-program
2 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM
Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang
Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)
2. Pwede ba akong mag-apply para sa COVID-19 EIDL at PPP?
Oo. Pwedeng mag-apply ang mga nangungutang para sa kapwa PPP at EIDL bagama’t ang
pondo ng mga ito ay hindi maaaring gamitin para sa parehong layunin.
Ang mga pondo ng Programa sa Proteksyon ng Suweldo na pautang ay dapat gamitin
para sa mga nararapat na layunin alinsunod sa patnubay at ang bahagi o kabuuan ng
pautang ay maaaring mapatawd kung gagamitin nang tama. Ang awtoridad upang
makapagsagawa ng mga PPP na pautang ay napaso na at wala nang mga bagong PPP
na pagpapautang. Magbasa online para sa pinakabagong impormasyon.
Ang mga pondo ng EIDL ay maaaring gamitin para sa kapital at normal na mga gastusin
sa pagpapaandar ng negosyo, gaya ng pagpapatuloy ng mga benepisyo sa health care,
renta, pagbabayad ng utilities, pagbabayad ng tiyak na mga pagkakautang.
Tandaan na para sa mga negosyong nakatanggap ng EIDL Advance maliban sa PPP na
pautang, ang halaga ng EIDL Advance ay ibabawas mula sa halagang ipapatawad sa
kanilang PPP na pautang.
3. Para saan ko pwedeng gamitin ang mga pondo sa COVID-19 EIDL? At ano ang kaibhan nito sa mga pondo ng PPP?
Ang mga pondo ng EIDL ay maaaring gamitin para sa iba-ibang uri ng paggagamitan ng kapital at
normal na mga gastusin sa pagpapaandar ng negosyo, gaya ng pagpapatuloy ng mga benepisyo
sa health care, renta, pagbabayad ng utilities, pagbabayad ng tiyak na mga pagkakautang.
Ang mga pondo ng Programa sa Proteksyon ng Suweldo na pautang ay dapat gamitin lamang
para sa nararapat na gastusin na hindi payroll gaya ng nakasaad sa patnubay ng programa.
Maaaring mapatawad ang pautang kung ang lahat ng pamantayan sa pagpapanatili ng mga
empleyado ay natugunan at kung ang pondo ay ginamit para sa mga naaangkop gastusin.
Itago ang mga resibo at kontrata para sa lahat ng nagastos na pondo ng pautang sa loob ng 3 taon.
4. Sino ang kwalipikado para sa COVID-19 EIDL?
Ang aplikante ay dapat na pisikal na namamalagi sa Estados Unidos, o sa isang itinalagang
teritoryo at nalugi ang kapital dahil sa pandemyang coronavirus, at hindi dahil sa pagbagsak ng
ekonomiya o iba pang dahilan. Kabilang sa mga kwalipikadong aplikante ang:
Mga negosyong may 500 o mas kaunting mga empleyado o inilalarawan bilang maliit alinsunod sa SBA.gov/SizeStandards
Mga kooperatibong may 500 o mas kaunting mga empleyado
Mga negosyong pang-agrikultura na may 500 o mas kaunting mga empleyado
Karamihan sa mga pribadong nonprofit
https://www.sba.gov/funding-programs/loans/coronavirus-relief-options/paycheck-protection-program#section-header-5https://www.sba.gov/funding-programs/loans/coronavirus-relief-options/paycheck-protection-programhttps://www.sba.gov/funding-programs/loans/coronavirus-relief-options/paycheck-protection-program#section-header-5https://www.sba.gov/federal-contracting/contracting-guide/size-standards
3 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM
Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang
Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)
Mga Organisasyong Pangpananampalataya
Mga negosyong tanging pagmamay-ari at mga independiyenteng kontratista
Kabilang sa mga di-kwalipikadong negosyo ay ang mga kasangkot sa mga ilegal na aktibidad,
loan packaging, pagtataya (speculation), maramihang distribusyon, pagsusugal,
pamumuhunan o pagpapahiram ng pera.
5. Paano kung hind ako mamamayan ng U.S. ngunit natutugunan ng aking negosyo ang lahat ng ibang pamantayan para sa COVID-19 EIDL?
Ang hindi mamamayan ng US na nagmamay-ari ng 20% o mahigit ng negosyo ay kwalipikado kung
sila na naklasipika bilang “hindi mamamayang naninirahan” o kwalipikadong banyaga.” Kabilang sa
mga kwalipikadong dayuhan ang mga permanenteng residente na may kasalukuyang green card.
Sumangguni sa SOP 50 30 9, Apendiks 7.
6. Ano ang proseso sa pagtanggap ng Pantrahedyang Pautang para sa Pinsala ng Ekonomiya (EIDL) para sa COVID-19?
Mag-apply
Quote sa Pautang
Narepaso na ang
Aplikasyon
Pasya sa Pautang
www.sba.gov/disaster
Ito ay isang pagtatantiya ng kwalipikadong halaga ng pautang; hindi ibig sabihin nito ay naaprubahan na ang pautang. Kailangang pumili ang aplikante ng halaga ng pautang hanggang sa maximum na ito.
Rerepasuhin ng Opisyal ng Pautang ang pagkakumpleto
Maaaring makipag-ugnayan sa aplikante para sa karagdagang impormasyon
Aaprubahan o Tatanggihan
https://www.sba.gov/document/sop-50-30-9-disaster-assistance-programhttp://www.sba.gov/disaster
4 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM
Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang
Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)
KUNG NAAPRUBAHAN KUNG TINANGGIHAN Magpapadala ng email sa (mga) aplikante upang lagdaan ang mga dokumento para sa pautang.
Tiyaking mag-download ng kopya para sa iyong mga rekord.
Ipapadala ang sulat sa pagtanggi sa
pamamagitan ng email.
Ililipat ang mga pondo ng pautang sa bank
account sa loob ng 5-10 araw ng negosyo.
Ang aplikante ay maaaring mag-request, nang nakasulat, na muli silang isaalang-alang sa loob ng 6 na buwan mula nang matanggap ang petsa ng pagtanggi. Ipadala sa:
E-mail: [email protected] Koreo: U.S. Small Business Administration
Disaster Assistance Processing & Disbursement Center 14925 Kingsport Road Fort Worth, Texas 76155
Isama ang numero ng iyong aplikasyon at anumang impormasyong kinakailangan upang mapagtagumpayan ang anumang dahilan ng pagtanggi. Iba-iba ang proseso depende sa dahilan ng pagtanggi.
Itago ang mga resibo at kontrata para sa
lahat ng nagastos na pondo ng pautang sa
loob ng 3 taon. Magbayad sa pamamagitan ng Pay.gov O ipadala sa koreo ang mga pagbabayad sa:
U.S. Small Business Administration 721 19th Street Denver, CO 80202
Sa mga kabayarang ipinadala sa koreo,
isama ang:
Pangalan ng Negosyo
Pangalan ng Nangungutang
Tax ID/EIN o SSN Numero Aplikasyon
7. Paano ko malalaman ang status ng aking aplikasyon?
Makakatanggap ang mga aplikante ng imbitasyon upang mag-log-in sa portal ng kostumer
upang repasuhin ang aplikasyon, pumili ng nararapat na halaga ng pautang, at isumite ito para
sa panghuli pagsusuri. Kung hindi maaaprubahan ang pautang, makakatanggap ang aplikante
ng notipikasyon sa email na may detalyadong dahilan para sa pagtanggi sa pautang, kabilang
ang mga tagubilin sa kung paano mag-aapela sa pasya. Makipag-ugnayan sa serbisyong
pangkostumer upang makita ang status: 1-800-659-2955.
8. Nakatanggap ako ng pampaunang quote sa pautang. Ibig bang sabihin nito ay naaprubahan ako?
Hindi, tantiya lang iyon ng pautang na maaari mong matanggap. Kapag natanggap mo ang
pampaunang quote sa pautang:
1. Mag-log in sa iyong Portal sa Pautang ng SBA
2. Piliin ang gusto mong maging halaga ng iyong pautang, hanggang sa maximum na na-quote
3. Tiyaking isumite ang button na isumite
Kapag natapos na iyon, ipapadala ang iyong aplikasyon sa panghuling yugto ng pagsusuri.
Maaari kang kontakin ng isang Opisyal ng Pautang upang magsumite ng karagdagang
impormasyon. Mangyaring sumagot kaagad upang maproseso ang iyong aplikasyon.
mailto:[email protected]://www.pay.gov/
5 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM
Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang
Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)
9. Natanggap ko ang pautang; paano ako makakapagbayad?
Mag-set up ng mga online pagbabayad sa pamamagitan ng pagpuno ng SBA Form 1201 Mga
Pagbabayad ng Nangungutang sa Pay.gov.
Kung mas gusto mong ipadala sa koreo ang mga kabayaran, ipadala ang mga ito sa:
U.S. Small Business Administration
721 19th Street
Denver, CO 80202
Sa mga kabayarang ipinadala sa koreo, tiyaking isama ang:
Pangalan ng Negosyo
Pangalan ng Nangungutang
Tax ID/EIN o SSN
Numero ng Aplikasyon o Pautang
10. Mayrooon akong kasosyo sa negosyo, ngunit ayaw niyang makasama sa aplikasyon ng COVID-19 EIDL. Pwede pa rin ba akong mag-apply?
Lahat ng nagmamay-ari ng 20% o mahigit ay kailangang makasama sa aplikasyon at hindi
bababa sa 81% ang kailangang maitala sa aplikasyon upang maisaalang-alang.
11. Paano kung kailangan kung magbayad ng mas malaking pera kyasa sa naaprubahan para sa akin?
Maaaring ibahin ang mga COVID-19 EIDL sa pamamagitan ng pagdaragdag sa halaga nang
hanggang 6 na buwan ng kapital. Pwede mag-request ng karagdagan bago o pagkatapos
tanggapin ang pautang. Kung kailangang-kailangan ng aplikante ang mga pondo, tanggapin
ang maximum na halagang inaalok at pagkatapos ay mag-request ng karagdagan sa
pamamagitan ng pagbibigay ng iba pang dokumentasyon.
Kung ikaw ay naaprubahan para sa pautang at gustong mag-request ng karagdagang halaga,
magpadala ng email na nagsasaad na kailangan mo ng dagdag sa halaga ng pautang sa
[email protected] na may salitang “INCREASE” sa subject line. Magsama ng iba pang
impormasyon na maaaring makatulong sa amin na isaalang-alang ang karagdagan para sa
iyong aplikasyon. Halimbawa:
1. Ang pinakabago mong Federal tax return para sa iyong negosyo kasama ang nilagdaang IRS Form 4506-T
2. Para sa mga na-update na pinansyal na tala (Kabuuang Kita, Halaga ng Nabentang mga
Produkto, halaga ng pagpapaandar ng negosyo, o iba pang pinagmumulan ng suweldo),
isumite ang Form 3502.
https://www.pay.gov/public/form/start/3723407https://www.pay.gov/public/form/start/3723407http://www.pay.gov/mailto:[email protected]://www.irs.gov/pub/irs-pdf/f4506t.pdfhttps://www.sba.gov/sites/default/files/articles/SBA_Form_3502_Economic_Injury_Disaster_Loan_Supporting_Information.pdf
6 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM
Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang
Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)
12. Paano kung hindi kaialangan ang lahat ng perang naaprubahan para sa akin?
Natanggap mo ba ang pampaunang quote sa
pautang?
1. Mag-log in sa iyong Portal sa Pautang ng SBA
2. Piliin ang gusto mong maging halaga ng iyong pautang,
hanggang sa maximum na na-quote
3. Tiyaking isumite ang button na isumite
Natanggap na ba ang mga pondo sa
pamamagitan ng Direktang
Pagdedeposito?
Gawing payable ang tseke sa SBA at ipadala ito kasama ang paalala na nagsasabi kung ang mga pondo ay dapat gamitin para sa EIDL, sa Advance o sa dalawa,at isama ang: Pangalan ng Negosyo
(Mga) Pangalan ng Nangungutang
Tax ID o SSN
Numero ng Pautang
Natanggap na ba ang mga pondo sa
pamamagitan ng tseke?
Kung hindi pa nadedeposito ang tseke, isulat ang VOID sa harap at ibalik ang tseke sa address sa ibaba. Isama ang: Pangalan ng Negosyo
(Mga) Pangalan ng Nangungutang
Tax ID o SSN
Numero Aplikasyon
Ipadala sa: U.S. Small Business Administration
721 19th Street
Denver, CO 80202
13. Marami akong negosyo. Pwede ba akong magsumite ng maraming aplikasyon para sa COVID-19 EIDL?
Oo, pwede kang magsumite ng isang aplikasyon para sa bawat kwalipikadong negosyo. Ngunit, hindi dapat bababa sa 81% ng pagmamay-ari ang maitatala sa aplikasyon.
14. Tinanggihan ako para sa COVID-19 EIDL. Ano-ano ang maaaring dahilan ng pagtangging iyon?
Naaangkop sa aplikante ang mga dahilan ng pagtanggi. Ang pinakakaraniwang mga dahilan para sa pagtanggi ay ang:
Di-kanais-nais na kasaysayan ng kredito. Dahil pampamahalaang pautang ang EIDL,
iniaatas ng mga pederal na regulasyon na matugunan ng mga aplikante ang
pinakamababang pamantayan sa kredito upang maging kwalipikado.
Di-maberipikang impormasyon. Kung hindi sasagot ang isang aplikante sa loob ng 7 araw
sa mga kahilingan para sa karagdagang impormasyon mula sa mga opisyal ng pautang,
maaaring matanggihan ang kanilang aplikasyon. Mag-request na muling isaalang-alang ang
pagre-reactivate sa iyong aplikasyon.
7 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM
Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang
Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)
Di-kwalipikadong status ng pagkamamamayan na hindi US. Ang mga aplikante ay dapat
mga mamamayan ng US, mga di-mamamayang naninirahan, o mga kwalipikadong
dayuhan. Sumangguni sa SOP 50 30 9, Apendiks 7 para sa karagdagang impormasyon.
Hindi kwalipikado ang aktibidad ng negosyo.
Hindi napatunayan ang pinansyal na pinsala. May dalawang posibleng dahilan para sa
pagtangging ito: 1) Ang pinansyal na pinsala ay mas mababa sa halagang natanggap para sa
EIDL Advance; o 2) Hindi isinasaad ng isinumiteng impormasyon ang pinansyal na pinsala.
Mga dahilan ng katauhan. Maaaring tanggihan ang mga aplikante kung sila ay nahatulang
may-sala sa isang krimen sa nakalipas na limang taon; o nasangkot sa produksyon o
distribusyon ng anumang produkto o serbisyo na tinukoy na mahalay ng isang korteng may
sapat na hurisdiksyon; ang mga kasalukuyang suspendido o na-debar sa pangongontrata
sa pederal na pamahalaan oa tumatanggap ng mga pederal na gawad o pautang; at/o ang
mga kasalukuyang nakademanda, pinaratangan, isinakdal, o iba pang paraan kung saan
ang mga pormal na kriminal na paghahabla ay iniharap sa anumang hurisdiksyon.
Hindi pagsagot. Kung hindi sasagot ang mga aplikante sa mga email na humihingi ng
karagdagang impormasyon o kung hindi sila lalagda sa mga panghuling dokumento,
karaniwang mapapaso ang aplikasyon pagkatapos ng 60 araw.
15. Pwede ba akong mag-request na muling isaalang ang kung tinanggihan ang aking aplikasyon para sa COVID-19 EIDL?
Ang aplikante ay mayroong hanggang 6 na buwan upang mag-request na muling isaalang-alang. Ipadala ang mga request para sa muling pagsasaalang-alang sa:
E-mail [email protected]
Koreo U.S. Small Business Administration Disaster Assistance Processing and Disbursement Center 14925 Kingsport Road
Fort Worth, Texas 76155
Magsama ng anumang karagdagang impormasyon na maaaring makatulong sa amin sa iyong
kahilingan Kung ang sulat ng pagtanggi ay humingi ng ispesipikong impormasyon o dokumentasyon
para sa ikaw ay muling maisaalang-alang, kailangan mong isama ang mga bagay na iyon.
Tiyaking isama ang:
Pangalan ng Negosyo
Pangalan ng Nangungutang
Tax ID/EIN o SSN
Numero ng Aplikasyon/Pautang
Iba-iba ang proseso depende sa dahilan ng pagtanggi.
https://www.sba.gov/document/sop-50-30-9-disaster-assistance-programmailto:[email protected]
8 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM
Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang
Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)
Halimbawa: Makakatanggap ang aplikante ng sulat sa pagtanggi para sa kanilang aplikasyon para sa
COVID-19 EIDL na pautang mula sa SBA, kung saan nakalista ang “Economic injury not
substantiated” bilang dahilan ng pagtanggi. Karaniwan ang dahilang ito kapag ang sariling
pinagtibay na pinansyal na impormasyon ng aplikante ukol sa kanilang naka-streamline na
aplikasyon, gaya ng mga halaga para sa Kabuuang Kita at ang Halaga ng mga Nabentang
Produkto para sa labing-dalawang (12) buwan bago ang pandemya, ay hindi nakapagpakita ng
pinansyal na pinsala, o kung iniwanang blangko ang impormasyon.
Ang request ng may-ari ng negosyo upang muling isaalang-alang ay dapat nakasulat na
email/sulat na nire-request ang mga sumusunod:
Nakasulat na sulat mula sa aplikante na nagre-request na muli siyang isaalang-alang sa
tinanggihang aplikasyon para COVID-19 EIDL na pautang, na kasama ang numero ng
Aplikasyon, pangalan ng Negosyo/Entidad, (mga) pangalan ng May-ari, at address ng negosyo
Kopya ng pinakabagong mga federal tax return na na-file para sa negosyo, bago ang
Pandemyang COVID-19, kasama ang lahat ng iskedyul
Napunan at nalagdaang IRS Form 4506-T para sa entidad ng negosyo
Kopya ng na-void na tseke para sa account ng negosyo
(Kapag naproseso na ng SBA ang muling pagsasaalang0alang) maaaring mag-requst ang
SBA ng karagdagang impormasyon, at maaaring kabilang dito ang SBA Form 3502 –
Karagdagang Impormasyon para sa EIDL
16. Kung nakatanggap na ako ng COVID-19 EIDL at apektado ako ng awayan ng mga mamamayan, maaari pa ba akong humingi ng karagdagang pondo?
Kung ikaw ay nasa isang lugar kung saan may Deklarasyon ng Trahedya, at kasama dito ang
awayan ng mga mamamayan at mga sakunang tlad ng pagbaha, pinsala dahil sa bagyo, mga
wildfire o lindol, maaari kang maging kwalipikado para sa karagdagang SBA na Pantrahedyang
Pautang para masaklit ang pinsala sa iyong tahanan, personal na pag-aari at/o negosyo.
Basahin ang disasterloan.sba.gov upang makita kung may deklarasyon ng trahedya sa iyong lugar.
Ang mga pantulong na programa ng SBA para sa COVID-19, gaya ng PPP at EIDL, ay para sa
epektong pinansyal na sanhi ng pandemyang coronavirus, at hindi para sa mga kawalan na sanhi
ng trahedyang pisikal o pinansyal na dahil sa awayan ng mga mamamayan o iba pang mga sakuna.
17. Mayroon na akong PPP at COVID-19 EIDL at hindi pa rin nakakabawi ang aking negosyo dahil sa mga epekto ng mga pagpapasara dahil sa COVID; pwede ba akong umutang ulit?
Kung nakatanggap na ang iyong negosyo ng PPP na pautang o EIDL na tulong dahil sa COVID-19,
at kahit na mayroon kang isa pang Pantrahedyang Pautang ng SBA dahil sa naunang trahedya,
maaari ka pa ring maging kwalipikado para sa panibagong pantrahedyang pautang ng SBA para
sa mga kalugihang sanhi ng naideklarang trahedya sa inyong komunidad.
https://disasterloan.sba.gov/ela/
9 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM
Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang
Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)
18. Kung kukuha ako ng isa pang Pantrahedyang Pautang dahil sa awayan ng mga mamamayan o dahil sa natural na kalamidad, pwede ko bang isama ang panibagong pautang sa aking COVID-19 EIDL? O maaari ko bang gamitin ito para mabayaran ang COVID-19 EIDL?
Hindi. Ang bawat Pantrahedyang Pautang ng SBA ay magkakahiwalay na pautang; hindi
maaaring pagsama-samahin ito o gamitin para bayaran ang mas maagang mga pautang.
Kung magiging kwalipikado ka para sa isa pang pantrahendyang pautang ng SBA dahil sa ibang
naideklarang trahedya sa inyong lugar, dapat gamitin ang panibagong pautang para sa mga
layuning nakalista sa iyong mga panghuling dokumento ng pautang, kung saan maaaring
kasama ang kapital o pagkukumpuni ng pisikal na pinsala. Hindi ito maaaring gamitin para
puhunanang muli o bayaran ang mga umiiral na pantrahedyang pautang ng SBA mula sa mga
naunang naganap na trahedya, kasama ang COVID-19.
Itago ang mga resibo at kontrata para sa lahat ng nagastos na pondo ng pautang sa loob ng 3
taon para maidokumento mo ang pinaggamitan ng mga pondo ng bawat pautang.
19. Dahil hindi pa nakakabawi ang aking negosyo mula sa mga pagpapasara dahil sa COVID, paano ako makakapagbayad?
Ang mga kabayaran para sa mga COVID-19 na pautang ay awtomatikong ipagpapaliban sa loob
nang 1 taon. Ang mga pantrahedyang pautang na nasa status na ng pagbabayad para sa mga
trahedyang naganap bago ang COVID-19 ay ipagpapaliban hanggang Disyembre 2020. Ang
mga bagong pantrahedyang pautang para sa awayan ng mamamayan at iba pang sakuna ay
awtomatiko ring ipagpapaliban nang 1 taon.
Kung ikaw ay magiging kwalipikado para sa panibagong pantrahedyang pautang, maaari mong
i-request sa SBA na pahabain ang pagpapaliban sa iba mong mga kabayaran sa pautang upang
makatulong sa pinansyal na paghihirap.
20. Paano naiiba ang proseso ng pag-a-apply para sa awayan ng mamamayan o iba pang pantrahedyang pautang sa proseso ng COVID-19 EIDL?
Kung ang tanging karanasan mo lang sa mga Pantrahedyang Pautang ng SBA ay dahil sa
programang EIDL para sa COVID-19, mapapansin mong magkaiba ang proseso para sa mga
naideklarang trahedya gaya ng awayan ng mamamayan o iba pang mga sakuna.
o May dalawang programa ng tulong:
Mga pautang para sa pisikal na pinsala na sasaklit sa mga pagkukumpuni at
pagpapalit ng mga pisikal na pag-aari na nasira sa isang naideklarang trahedya na
hindi saklaw ng insurance.
Mga pautang para sa pinansyal na pinsala upang mabayaran ang mga gastusin
ng pagpapaandar ng maliit ng negosyo pagkatapos ng naideklarang trahedya.
10 | P a h i n a 9/24/2020 2:34 PM
Mga Madalas Itanong COVID-19vEconomic Injury Disaster Loan (EIDL) (Pantrahedyang
Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya na Dulot ng COVID-19)
o Magkaiba ang proseso ng aplikasyon:
Mag-apply sa disasterloan.sba.gov
Magkaiba ang kwalipikasyon at mga kahingian sa pautang sa programang COVID-19, pati na rin ang mga kahingian sa kolateral at insurance. Kung makukuha mo ito, maaaring mag-atas ang mga pautang nito ng prenda sa iyong pag-aari at ebidensya ng pagbaha, peligro at/o windstorm insurance. Bisitahin ang SBA.gov/Disaster para sa karagdagang impormasyon.
Pasulyap sa Tulong sa Trahedya
Mga Uri ng Tulong Mga nangungutang Layunin Max. na Halaga
Mga Pautang sa
Negosyo
Mga negosyo at pribadong nonprofit
Ang pagkukumpuni o pagpapalit ng real estate, imbentaryo, kasangkapan, atbp.
$2 milyon
Pautang sa Pinsala sa Ekonomiya (COVID-EIDL)
Maliliit na negosyo, mga problemang pang-agrikultura, mga pribadong nonprofit at mga panrelihiyong institusyon
Kapital (mga gastusin sa pagpapaandar ng negosyo para sa mga problemang pang-agrikultura at mga nonprofit)
6 na buwang kapital (mga gastusin sa pagpapaandar ng negosyo para sa mga problemang pang-agrikultura at mga nonprofit)
Mga Pautang sa Pinsala sa Ekonomiya (Lahat ng iba pang sakuna)
Maliliit na negosyo at mga pribadong nonprofit
Kapital $2 milyon
Pantrahedyang Pautang sa Pinsala sa Ekonomiya para sa Reserbang Militar (MREIDL - Military Reservist Economic Injury Disaster Loan)
Maliliit na negosyo na may (mga) reserbang militar na tinawag para sa aktibong panunungkulan
Kapital $2 milyon
Mga Pautang para sa Bahay—pagkukumpuni
Mga may-ari ng bahay Ang pagkukumpuni o pagpapalit ng pangunahing tirahan; na hindi saklaw ng insurance ang pinsala
$200,000
Mga Pautang para sa Bahay—personal na pag-aari
Mga may-ari ng bahay at umuupa
Ang pagkukumpuni at pagpapalit ng personal na pag-aari ay hindi saklaw ng insurance
$40,000
Pagpapagaang Mga negosyo, pribadong nonprofit, at mga may-ari ng bahay
Pagaangin / hadlangan ang kalugihan ng katulad na bagay sa hinaharap
Karagdagan na hanggang 20% ng naberipikang pisikal na pinsala. Limitado ang mga may-ari ng bahay sa halagang $200,000.
https://disasterloan.sba.gov/ela/http://www.sba.gov/disaster
Mga Madalas Itanong1. Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Pantrahedya ng Pautang para sa Pinsala sa Ekonomiya (EIDL) at ng Programa sa Proteksyon ng Suweldo (PPP - Paycheck Protection Program)?2. Pwede ba akong mag-apply para sa COVID-19 EIDL at PPP?3. Para saan ko pwedeng gamitin ang mga pondo sa COVID-19 EIDL? At ano ang kaibhan nito sa mga pondo ng PPP?4. Sino ang kwalipikado para sa COVID-19 EIDL?5. Paano kung hind ako mamamayan ng U.S. ngunit natutugunan ng aking negosyo ang lahat ng ibang pamantayan para sa COVID-19 EIDL?6. Ano ang proseso sa pagtanggap ng Pantrahedyang Pautang para sa Pinsala ng Ekonomiya (EIDL) para sa COVID-19?7. Paano ko malalaman ang status ng aking aplikasyon?8. Nakatanggap ako ng pampaunang quote sa pautang. Ibig bang sabihin nito ay naaprubahan ako?9. Natanggap ko ang pautang; paano ako makakapagbayad?10. Mayrooon akong kasosyo sa negosyo, ngunit ayaw niyang makasama sa aplikasyon ng COVID-19 EIDL. Pwede pa rin ba akong mag-apply?11. Paano kung kailangan kung magbayad ng mas malaking pera kyasa sa naaprubahan para sa akin?12. Paano kung hindi kaialangan ang lahat ng perang naaprubahan para sa akin?13. Marami akong negosyo. Pwede ba akong magsumite ng maraming aplikasyon para sa COVID-19 EIDL?14. Tinanggihan ako para sa COVID-19 EIDL. Ano-ano ang maaaring dahilan ng pagtangging iyon?15. Pwede ba akong mag-request na muling isaalang ang kung tinanggihan ang aking aplikasyon para sa COVID-19 EIDL?16. Kung nakatanggap na ako ng COVID-19 EIDL at apektado ako ng awayan ng mga mamamayan, maaari pa ba akong humingi ng karagdagang pondo?17. Mayroon na akong PPP at COVID-19 EIDL at hindi pa rin nakakabawi ang aking negosyo dahil sa mga epekto ng mga pagpapasara dahil sa COVID; pwede ba akong umutang ulit?18. Kung kukuha ako ng isa pang Pantrahedyang Pautang dahil sa awayan ng mga mamamayan o dahil sa natural na kalamidad, pwede ko bang isama ang panibagong pautang sa aking COVID-19 EIDL? O maaari ko bang gamitin ito para mabayaran ang COVID-19 EIDL?19. Dahil hindi pa nakakabawi ang aking negosyo mula sa mga pagpapasara dahil sa COVID, paano ako makakapagbayad?20. Paano naiiba ang proseso ng pag-a-apply para sa awayan ng mamamayan o iba pang pantrahedyang pautang sa proseso ng COVID-19 EIDL?Pasulyap sa Tulong sa Trahedya