13
TAGALOG PARENT HANDBOOK

TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

  • Upload
    haquynh

  • View
    261

  • Download
    17

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

TAGALOG

PARENT HANDBOOK

Page 2: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

www.winstonchurchillci.ca

1

2016 - 2017

Punong-guro: Ian Bain

Superintendente: Anne Seymour

Tagapangasiwa: David Smith

Handbook para sa Magulang

Ang Paraan ng Churchill

Pahayag ng Misyon

Ang Winston Churchill Collegiate Institute ay isang kaakit-akit na paaralan na may

tradisyon ng kahusayan, na nagsisilbi sa isang malawak at iba-ibang multikultural na

komunidad. Ang aming mga kawani ay dedikado sa pagbibigay sa mga mag-aaral ng isang

sari-saring klase ng mga programa at mga oportunidad, at inihahanda sila upang

epektibong makatulong sa isang mabilis na nagbabagong mundo.

Kami ay nakatalagang turuan ang mga mag-aaral na:

• Igalang ang kanilang mga sarili at ang iba

• Kumilos bilang kumpidente at responsableng mga mamamayan

• Magpatuloy sa isang malusog na estilo ng pamumuhay

• Maghanda para sa trabaho o post-sekundaryong edukasyon

• Magpakita ng mga kakayahan sa pamumuno

• Magsikap para sa kahusayan

• Igalang at pangalagaan ang kapaligiran

• Continue learning throughout life

2239 Lawrence Avenue E.

Scarborough, ON

M1P 2P7

Telepono: (416) 396-6883

Fax: (416) 396-6893

www.winstonchurchillci.ca

Page 3: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

www.winstonchurchillci.ca

2

Maligayang pagsalubong mula sa Winston Churchill Collegiate Institute. Ang komunidad ng WCCI ay nagbibigay ng isang mayamang

karanasan ng pag-aaral para sa lahat ng mga mag-aaral na lumalampas sa mga aklat at mga silid-aralan. Ang mayamang hands-on na mga

pangkaranasang oportunidad, mga gawaing kurikular, ekstensibong mga palakasan at sari-saring mga suportang pang-akademiko ay

pinasadya para sa ibat-ibang komunidad at nagbibigkis sa lahat ng mga mag-aaral, mga mgulang at mga kawani sa WCCI. Aming hinihimok

ang mga mag-aaral na maging aktibo, upang gawing mayaman at kaganti-gantimpala ang karanasan ng lahat sa WCCI.

Kami ay naniniwala sa pakikipagtulungan sa mga mag-aaral at mga magulang bilang isang pangkat na pangsuporta sa inyong anak, habang

kanilang inaabot ang kanilang potensyal. Kung kayo ay may mga alalahanin, hinihimok namin kayo na makipag-ugnayan sa aming mga

kawani. Bilang mga kapareha sa pag-aaral ng inyong mga anak, nais namin na inyong:

IPABATID

• ang mga pagbabago sa impormasyon ng kontak o panatilihing bukas ang mga linya ng komunikasyon

• ang karamdaman at mga pinahintulutang mga pagliban sa pamamagitan ng pagtawag sa araw ng pagliban at pagbibigay

ng mga sulat sa pagbabalik

• ang mga alalahanin tungkol sa anumang sosyal, emosyonal o pang-akademikong mga isyu na maaaring makaapekto sa

inyong mag-aaral (tingnan ang ibaba para sa impormasyon ng kontak)

MAGING MAALAM

• repasuhin ang kalendaryo ng paaralan upang malaman nang maaga ang mga paparating na mga pangayayari, hal. mga

report card, mga espesyal na pagdiriwang, atbp.

• repasuhin ang adyenda ng inyong anak para sa lahat ng mga inaasahan ukol sa pag-uugali, pagdalo sa paaralan, mga

kinakailangan para sa diploma at ibang mahahalagang impormasyon tungkol sa pagpapatakbo ng paaralan at ng Paraan

ng Churchill (Churchill Way)

• repasuhin ang mga patakaran at mga pamamaraan ng TDSB sa www.tdsb.on.ca

• karagdagang impormasyon ay matatagpuan sa www.winstonchurchillci.ca, at sa churchill.updateallday.com para sa

mga anunsyo, mga pagpupulong at ibang mga kasalukuyang pangyayari

I-MONITOR

• ang mga gawi sa pag-aaral ng iyong anak at mga takdang petsa para sa mga takdang-aralin. ang mga mag-aaral ay dapat

na palaging magbalik-aral ng gawain bilang paghahanda para sa paparating na mga pagsusulit maging nakatakda na o

hindi ang mga takdang-aralin.

• ang progreso ng inyong anak sa pamamagitan ng pag-alam kung kailan maaasahan ang isang report card (tingnan ang

kalendaryo ng paaralan)

• pagpasok sa paaralan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tawag sa telepono mula sa awtomatikong sistema at

pagpindot ng 2 upang ipagbigay-alam ang pagtanggap ng pabatid

• mga araling-bahay.

HIMUKIN

• ang inyong anak na makilahok sa intra at extramural na mga programa. Ang mga mag-aaral, na nakikilahok sa mga

palakasan o sa mga Sining, ay karaniwang mas nagtatrabahong mabuti sa paaralan.

• magalang na pag-uugali sa lahat

MAKILAHOK

• sa Gabi ng Magulang ( Parent Night) upang makilala ang mga guro at malaman ang tungkol sa mga inaasahan sa

kurikulum

• bilang isang boluntaryo sa Konseho ng Paaralan upang makapagbigay-tinig sa pamamahala ng paaralan

Ang Handbook para sa Magulang ng Winston Churchill ay nagbibigay sa inyo ng impormasyon na matatagpuan ninyong mahalaga.

Mangyaring maggugol ng mga ilang sandali upang repasuhin ito, upang mas mabuti ninyong maunawaan ang mga patakaran sa pagdalo,

pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang impormasyon.

Kung kayo ay mayroong anumang mga tanong, mangyaring makipag-ugnayan sa

paaralan.

Mensahe mula sa Punong-guro

MGA MAGHALAGANG NUMERO NG KONTAK

Pangunahing Opisina 416.396.6883

Pamamatnubay 416.396.6883 ext. 20040

Page 4: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

www.winstonchurchillci.ca

3

Ang Konseho ng Paaralan ng Winston Churchill Collegiate Institute ay binubuo ng mga magulang na nais gumanap

ng isang aktibong tungkulin sa edukasyon ng kanilang anak. Kami ay nagpupulong ng apat na beses sa isang taon

upang talakayin ang kasalukuyan at panghinaharap na mga pangyayari sa loob ng paaralan pati na rin upang

magbigay ng katugunan tungkol sa kung paano makakapagbigay sa mga mag-aaral ng isang sari-sari, nakakatuwa

at ligtas na kapaligiran ng pag-aaral. Ang Konseho ng Paaralan ay nasasangkot din sa pagtulong sa pagpupunyagi

na makalikom ng pera sa buong taon. Ang mga bagong miyembro ay laging malugod na tatanggapin at aming

hinihimok ang mga magulang na pumunta sa isa naming mga pagpupulong at sumali sa amin na makagawa ng

isang pagkakaiba sa ating komunidad ng paaralan

-Roxanne Smith

Mga Tanong Mga Sagot

Ako ay bago sa Ontario. Paano ko

malalaman ang tungkol sa

sistema ng edukasyon sa mataas

na paaralan dito?

• Kontakin ang Winston Churchill Settlement Worker sa (416)396-

6883, ext. 20005 o ang Guidance Counsellor sa (416)396-6883 ext.

20040

Sino ang maaari kong tanungin

tungkol sa progreso ng aking

anak sa kanyang mga kurso?

• Kontakin ang guro ng inyong anak. Ang direktoryo ng mga Kawani ay

nasa aming website.

• Kontakin ang isang Guidance Counsellor sa 416-396-6883 ext. 20040

• Kung ang inyong anak ay tumatanggap ng tulong sa Espesyal na

Edukasyon at may isang IEP (Individual Education Plan), kontakin ang

Departamento ng Espesyal na Edukasyon sa (416)396-6883 ext.

20138.

Ang aking anak na

lalaki/babae ay nagsasabi na

siya ay binu-bully sa

paaralan? Ano ang maari

nilang gawin? Ano ang

maaari kong gawin?

My son/daughter is aware of an

unsafe situation that involves

other students? What can we do?

• Ang mga mag-aaral ay maaaring tumawag sa linya para sa kaligtasan

ng mag-aaral at manaltiling hindi nagpapakilala (416-395-SAFE).

Lahat ng impormasyon ay iimbestigahan.

• Makipag-usap sa isang Bise Punong-guro.

• Himukin ang iyong anak na lalaki/babae na makipag-usap sa isang

miyembro ng kawani.

• Makipag-usap sa isang Guidance Counsellor.

Ang aking anak na lalaki/babae

ay laging nagsasabi na siya ay

walang araling-bahay at ang

lahat ng trabaho ay natapos na

sa paaralan. Totoo ba ito?

• Palaging may araling-bahay! Hingiin na tingnan ang kuwaderno.

Kung ang trabaho sa klase ay nakumpleto, ang inyong anak ay

maaaring mag-ayos ng kanilang mga binder at magrepaso ng mga

nota sa klase mula sa bawat araw. Kung nagdududa, kontakin ang

guro ng inyong anak

• Repasuhin ang adyenda ng mag-aaral

Mensahe mula sa Tagapangulo ng Konseho ng PaaralanMensahe mula sa Tagapangulo ng Konseho ng PaaralanMensahe mula sa Tagapangulo ng Konseho ng PaaralanMensahe mula sa Tagapangulo ng Konseho ng Paaralan

Mga Madalas na ItinatanongMga Madalas na ItinatanongMga Madalas na ItinatanongMga Madalas na Itinatanong

Page 5: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

www.winstonchurchillci.ca

4

Sa tingin ko ay nangangailangan

ang aking anak ng ekstrang

tulong sa kanyang mga kurso.

Paano ko malalaman kung

anong tulong ang makukuha?

• Mayroong mga Teacher Tutorial na panahon na makukuha mula

11:35 hanggang tanghali Lunes hanggang Huwebes para sa mga

mag-aaral upang makakuha ng ekstrang tulong.

• Ang Tulong sa Matematika ay makukuha dalwang araw sa bawat linggo

pagkatapos ng eskuwela at may mga Peer Helper na makukuha din kapag

hiniling mula sa Opisina ng Guidance. Libreng tutoring sa Matematika

online para sa mga grado 7-10 ay makukuha (tingnan ang Pahina 8).

• Kontakin ang guro ng inyong anak. Ang mga numero ng mga

departamento ay ibinibigay dito sa handbook at ang direktoryo ng

kawani ay nasa website.

Ang aking anak na lalaki/babae

ay nagsasabi na walang pasok

ngayon. Paano ko masisiyasat?

• Tumawag sa Reception Desk ng Winston Churchill sa 416-396-6883.

• Tingnan ang listahan ng mga espesyal na petsa sa handbook na

ito o sa website ng paaralan. Lahat ng mga pista opisyal, mga

araw ng iksamen, at mga huling pagsisimula ay nakalista.

Ako ay nagpaplano ng isang

biyahe at nalalaman kong hindi

maaaring ma-miss ng mga mag-

aaral ang mga iksamen. Kailan

nagaganap ang mga iksamen?

• Ang mga araw ng iksamen ay nakalista sa libritong ito. Ang mga

mag-aaral na nagmintis ng iksamen dahil sa isang bakasyon ay

makakatanggap ng isang markang zero sa iksamen.

Lunes - Huwebes Biyernes Huling Simula

Panahon 1 9:00 – 10:15 9:00 – 10:05 10:15 – 11:15

Panahon 2 10:15 – 11:30 10:10 – 11:15 11:20 – 12:20

Mga Tutorial 11:35 – 12:00

Tanghalian 12:00 – 12:40 11:15 – 12:30 12:20 -1:10

Panahon 3 12:40 – 1:55 12:30 – 1:35 1:10 – 2:10

Panahon 4 2:00 – 3:15 1:40 – 2:45 2:15 – 3:15

Ang Winston Churchill ay tumatakbo sa dalawang siklo:

• Araw 1 ay nagaganap sa lahat ng mga odd-na numerong petsa. Ang mga panahon ay

sumusunod sa 1 – 2 – 3 – 4.

• Araw 2 ay nagaganap sa lahat ng mga even-na numerong petsa. Ang mga panahon ay

sumusunod sa 1 – 2 – 3 – 4.

Mga Iskedyul ng Talaorasan ng Winston Churchill C.I. Mga Iskedyul ng Talaorasan ng Winston Churchill C.I. Mga Iskedyul ng Talaorasan ng Winston Churchill C.I. Mga Iskedyul ng Talaorasan ng Winston Churchill C.I.

Page 6: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

www.winstonchurchillci.ca

5

Para sa mga Mag-aaral na:

• dumating sa oras na nakahanda para sa bawat klase

• dumalo at makilahok sa lahat ng mga nasa talaorasang klase at remediation gaya ng itinakda

• dalhin ang iyong may litratong I.D. at aklat ng adyenda sa lahat ng oras

• kumpletuhin lahat ng itinakdang trabaho, at maging responsible para sa namintisang trabaho sa panahon

ng mga pagliban

• sumunod sa mga patakaran ng TDSB, paaralan at silid-aralan

• ipaalam sa iyong magulang/tagapag-alaga ang mga aktibidad sa paaralan at progreso

• maging pamilyar sa mga Tsart ng TDSB para sa mga Kahihinatnan ng Hindi Naaangkop na Pag-asal ng Mag-

aaral na nakalathala sa aklat ng adyenda

Para sa mga Magulang at mga Tagapag-alaga na:

• iulat ang pagliban ng mag-aaral at magbigay ng nakasulat na dokumentasyon sa petsa ng pagbabalik ng

inyong anak sa paaralan

• suportahan ang pag-aaral sa paaralan at sa tahanan

• unawain ang mga patakaran ng TDSB, paaralan at silid-aralan

• i-monitor ang progreso ng mag-aaral

• makipag-usap at makipag-ugnayan sa mga guro at sa paaralan

Para sa mga Kawani na:

• maghatid ng mga programa na alinsunod sa mga patakaran ng paaralan at ng TDSB

• magtrabahong alinsunod sa mga patakaran ng TDSB at ng paaralan sa pagtatatag ng mga rutina ng silid-

aralan

• magmodelo ng isang asal na propesyunal at natutulad sa negosyo

• ipaalam ang impormasyon sa progreso ng mag-aaral at pag-uugali sa mga mag-aaral, mga magulang at

administrasyon

• magbigay ng pamumuno at awtoridad sa loob ng paaralan

• pagyamanin ang mga estratehiya para sa paglutas ng hindi pagkakasunduan

• asikasuhin ang mga alalahaning pangdisiplina

Mga Inaasahan ng Winston Churchill C.I.Mga Inaasahan ng Winston Churchill C.I.Mga Inaasahan ng Winston Churchill C.I.Mga Inaasahan ng Winston Churchill C.I.

Page 7: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

www.winstonchurchillci.ca

6

Dalawang mga report card at dalawang pansamantalang mga ulat ang ini-isyu bawat semestre:

Lahat ng mga ulat ay ipinapauwi sa mga mag-aaral; subalit, ang mga huling

report card ng Hunyo ay iko-koreo sa Hulyo, kung sila ay hindi makuha.

Ang mga pagpupulong ng Magulang/Guro ay ginaganap minsan sa bawat semestre sa mga petsang nakasaad sa

kalendaryo ng paaralan. Hinihimok namin kayong pumunta at makipagkita sa mga guro at makipag-usap tungkol sa

progreso ng inyong anak.

Kung kayo ay may mga tanong sa ibang mga oras, tawagan ang paaralan at hilingin sa guro ng subject na tawagan

kayong pabalik. Kung kayo ay may mga tanong tungkol sa programa ng inyong anak, mangyaring tumawag sa

Opisina ng Guidance.

Upang makaranas ng tagumpay sa Winston Churchill, ang regular at nasa oras na pagdalo ay inaasahan sa inyong

mag-aaral. Kung ang inyong anak ay lumiban ang mga sumusunod ay inaasahan:

Buong Araw

• magulang/tagapag-alaga ay dapat tumawag sa paaralan sa (416)396-6883 na may dahilan para sa pagliban, na maaaring iwanan sa voicemail ng attendance.

• Sa unang araw ng muling pagbalik – ang mga mag-aaral ay kailangang magbigay ng isang napetsahang

sulat, na may pirma ng magulang/tagapag-alaga, pati na ang oras at mga mga petsa ng pagliban, ang

dahilan para sa pagliban at isang kopya ng anumang may kaugnayang dokumentasyon.

Bahaging Araw

• Kung aalis sa paaralan bago matapos ang araw, ang mga mag-aaral ay kailangang mag-sign out sa Pangunahing Opisina na may isang sulat (tingnan ang impormasyon sa itaas) mula sa isang magulang o tagapagbantay na

nagsasabi ng dahilan.

• Kung babalik sa paaralan sa parehong araw pagkatapos na mag-sign out, ang mga mag-aaral ay dapat na muling pumirma sa Pangunahing Opisina.

• Kung dadating sa araw ng eskuwela, ang mga mag-aaral ay kailangang mag-sign in sa Pangunahing Opisina na may naaangkop na dokumentasyon.

Pagdating nang Huli o Pag-alis nang Maaga

• Pagkatapos ng 9:30 a.m. – ang mga mag-aaral ay dapat na mag-sign in sa pangunahing opisina na may isang sulat na nagpapaliwanag tungkol sa huling pagdating.

• Ang isang mag-aaral na kailangang umalis bago 3:15 p.m. ay dapat na mag-sign out sa pangunahing opisina. Kung ang mag-aaral ay mas bata sa 18 taong gulang, sila ay kailangang magbigay ng isang sulat mula sa isang

magulang/tagapag-alaga na nagpapaliwanag ng oras at dahilan para sa maagang pagpapaalis.

Semestre 1 Semestre 2

Pansamantalang Ulat 1: Oktubre Marso

Gitnang Panahong

Probinsiyal na Ulat:

Nobyembre Abril

Huling Probinsiyal na Ulat: Pebrero Hunyo

Mga Report Card & Mga Pagpupulong ng Magulang Mga Report Card & Mga Pagpupulong ng Magulang Mga Report Card & Mga Pagpupulong ng Magulang Mga Report Card & Mga Pagpupulong ng Magulang –––– GuroGuroGuroGuro

Patakaran sa PagdaloPatakaran sa PagdaloPatakaran sa PagdaloPatakaran sa Pagdalo

Page 8: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

www.winstonchurchillci.ca

7

Ang mga mag-aaral na lumiban mula sa paaralan para sa isang pinahabang panahon ay kailangang magbigay ng

angkop na dokumentasyon. Ang mga magulang ay dapat na humiling na ang trabaho ay ibigay sa loob ng isang

pinakamababang 48-oras na abiso sa guro.t

Attendance Call-Out na Sistema

Ang TDSB ay nagsagawa ng isang bagong call-out na sistema sa telepono upang ipaalam sa mga magulang/mga

tagapag-alaga ang tungkol sa mga pagliban ng mag-aaral at ibang mga mensahe ng sistema. Sa katapusan ng

mensahe, ang mga magulang/mga tagapag-alaga ay kailangang pindutin ang 2 upang ikumpirma na ang mensahe

ay natanggap. Kung hindi ninyo pipindutin ang 2, ang sistema ay magpapatuloy na tumawag ng 5 beses man

lamang hanggang ang isang kumpirmasyon ay matanggap. and then submit to their Vice-Principal.

Pinahabang Pagliban

Kung ang pagliban ay para sa isang pinahabang panahon ang Extended Absence Form ay kailangang isumite sa

Pangunahing Opisina.

Sa simula ng bawat kurso, ang mga guro ay magbibigay sa bawat mag-aaral ng isang balangkas ng kurso na

nagbibigay ng impormasyon tungkol sa patakaran ng pagsusuri ng departamento, pati na rin ang patakaran ng

pagsusuri ng kurso. Para sa karamihan ng mga kurso, pitumpung porsiyento (70%) ng huling marka ay binubuo ng

trabaho sa takdang panahon gaya ng mga pagsusulit, mga proyekto,mga takdang-aralin, mga sanaysay, atbp. Ang

natitirang tatlumpung porsiyento (30%) ay nasa uri ng isang pormal na pagsusuri gaya ng isang iksamen o huling

proyekto.

Ang marka sa takdang panahon na (70%) ay karaniwang hinahati sa apat na mga kategoryang natamo:

• Kaalaman

• Pag-iisip

• Komunikasyon

• Aplikasyon

o

• Pagbasa at Literatura

• Pagsulat

• Pasalitang Komunikasyon

• Mga Pag-aaral ng Media

Ang mga kategoryang natamo ay may iba-ibang bigat depende sa kurso, grado at antas. Ang mga marka para sa

karamihan ng mga pagsusuri at mga pagsusulit ay hinahati sa apat na mga kategoryang natamo na nagbibigay sa

mga mag-aaral, mga guro at mga magulang/tagapag-alaga, ng impormasyon tungkol sa mga bahaging kailangan

pagtuunan ng pansin ng mga mag-aaral.

Pagtatasa, Pagsusuri at Pag-uulat

“Ang pangunahing layunin ng pagtatasa at pagsusuri ay ang pabutihin ang pag-aaral ng mag-aaral” (Growing

Success: Assessment, Evaluation and Reporting in Ontario Schools, Grade 1- 12, 2011, p.6). Sa TDSB, mayroong

inaasahan na makatarungan, hindi nagbabago at malinaw na pagtatasa, pagsusuri at pag-uulat na mga estratehiya.

Ang mga pagtatasa at pagsusuri ay dinisenyo upang bigyan ang mga mag-aaral ng marami, positibong mga

pagkakataon upang maipakita ang kanilang mga kakayahan sa pag-aaral at mga gawi sa pagtatrabaho at ang

kanilang pagkakaunawa ng mga inaasahan sa kurikulum. Mayroong tatlong mga uri ng pagtatasa:

Pagtatasa ng Pag-aaral ay ang pagsusuri ng nakamit ng mag-aaral, o ng kanilang natutuhan, kung saan ang

Pagtatasa para sa Pag-aaral ay tumutulong sa mga mag-aaral at mga guro, upang alamin ang progreso ng mag-

aaral at upang gabayan ang pag-aaral. Ang Pagtatasa ng Pag-aaral ay tumutulong sa mga mag-aaral na magnilay-

nilay tungkol sa kung paano sila natuto upang maging mas mabuting mga mag-aaral.

Ang pagsusuri ng mga Kakayahan sa Pag-aaral & Mga Gawi ng Trabaho ay hindi isasali sa kalkulasyon ng marka ng

kurso maliban kung sinabi sa mga Ekspektasyon ng Kurikulum ng Kurso. Lahat ng mga mag-aaral sa Toronto District

School Board ay inaasahang magsumite ng kanilang sariling trabaho para sa pagsusuri. Ang pandaraya at plahiyo ay

hindi pahihintulutan.

Mga Patakaran ng Pagtatasa & PagsusuriMga Patakaran ng Pagtatasa & PagsusuriMga Patakaran ng Pagtatasa & PagsusuriMga Patakaran ng Pagtatasa & Pagsusuri

Page 9: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

www.winstonchurchillci.ca

8

Araling-bahay

Ang araling bahay ay isang mahalagang bahagi ng tagumpay ng mag-aaral sa Winston Churchill C.I. Ang mga guro

ay nagtatakda sa mga mag-aaral ng araling-bahay upang sila ay mapagsanayan nang malaya, ng material na

nasaklawan. Ang araling-bahay ay maaaring magbilang ng mga bagay na tulad ng:

• Araw-araw na nakatakdang trabaho para sa susunod na araw

• Pagbabasa bilang paghahanda para sa susunod na araw

• Pagrerepaso ng trabaho sa araw

Ang dami ng araling-bahay para sa bawat subject ay nag-iiba-iba. Ang mga mag-aaral ay dapat na gumawa ng

mabuting mga kasanayan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagsasantabi ng oras upang kumpletuhin ang lahat ng

kanilang araling-bahay. Ang araling-bahay ay dapat na lubos na makumpleto at nang nasa oras.

Mga Takdang Petsa / Mga Huling Takdang Aralin

Kapag nagtatakda ng isang proyekto, pagsusulit o ibang trabaho na kailangang isumite para sa pagsusuri, ang guro

ay nagbibigay ng isang takdang petsa na kailangang matugunan ng mga mag-aaral. Para sa mga malaking

proyekto, minomonitor ng guro ang progreso ng mag-aaral upang suportahan ang mga mag-aaral sa

pagkukumpleto ng trabaho sa takdang petsa. Ang mga mag-aaral ay walang awtomatikong karapatan na mahuling

magsumite ng trabaho. Sila ay kailangang makipag-usap ng isang pagpapahaba ng takdang petsa sa guro bago

ang takdang petsa, kung saang punto ang guro ay maaring gumawa ng desisyon tungkol sa isang posibleng

binagong takdang petsa.

Depende sa dahilan para sa pagkahuli, maaaring piliin ng guro, bilang isang huling resort, na magbawas ng

hanggang sa pinakamataas na 10% sa halaga ng takdang-aralin. Kung makita na ang isang namarkahang takdang-

aralin ay magbibigay sa ibang mag-aaral ng isang kalamangan sa akademiko, kung gayon ang isang huling

takdang-aralin ay hindi maaaring isumite pagkatapos na ang namarkahang trabaho ay naibalik na sa karamihan ng

klase.

Ang mga halimbawa ng mga sitwasyon kung saan ang isang nahuling takdang-aralin ay malamang na magresulta

sa isang kawalan ng mga marka:

1. Ibang mga estratehiya upang himukin ang nasa oras na pagsusumite ay nasubukan na at nadokumento.

2. Nagkaroon na ng isang pattern ng huling mga pagsusumite ng mag-aaral sa kurso.

3. Ang mag-aaral ay hindi pa nakapagsimula ng isang diskusyon upang makapag-ayos para sa isang binagong

takdang petsa.

Nota: Ang mga mag-aaral at/o kanilang mga magulang/tagapagbantay/tagapag-alaga ay kailangang ipaalam sa

paaralan nang maaga ang tungkol sa takdang petsa kung ang isang kahilingan para sa akomodasyon ng mga

paniniwala ng relihiyon, mga pagsasanay at mga observances ay nangangailangan ng muling pag-iiskedyul ng

pagsusumite ng trabaho ng mag-aaral.

Mga Huling Cumulating Project at mga Eksaminasyon

Ipinapaalam sa mga mag-aaral sa simula ng kanilang kurso kung mayroong isang eksaminasyon o isang huling

culminating na gawain na bubuo para sa 30% ng kanilang marka. Ang mga mag-aaral ay dapat na magsimulang

maghanda para sa huling mga pagsusuri sa araw na magsimula ang mga kurso. Ang mga iskedyul ng eksaminasyon

na naglilista ng petsa, ng numero ng silid ng lahat ng mga iksamen, at ng mga patakaran ng eksaminasyon ay

ipinapamahagi sa mga mag-aaral nang humigit-kumulang isang linggo bago magsimula ang panahon ng

eksaminasyon. Ang pag-aaral sa huling minuto o “cramming” ay labis na dinidiskurahe.

Mahalagang mga Pagsusuri Patakaran ukol sa Pagdalo

Lahat ng mga mag-aaral ay kailangang sumulat ng kanilang huling mga pagsusuri o mga pormal na eksaminasyon

sa buong taon. Ang sinumang mag-aaral na lumiban mula sa anumang pormal na eksamnasyon o huling pagsusuri

ay tatanggap ng isang “0” maliban kung may isang medikal na sertipiko ang ibigay sa Bise Punong-guro. Walang

mga eksepsyon ang maaaring gawin para sa mga mag-aaral na maaaring humiling ng isang leave para sa

bakasyon a magbiyahe sa labas ng bansa.

Page 10: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

www.winstonchurchillci.ca

9

Pagbabago ng Kontrata & Medikal na Impormasyon

Mahalaga, sa kaganapan ng isang emerhensiya, na amin nang na-update ang mga record para makontak ang mga

magulang/mga tagapag-alaga. Napakahalaga na ibalik ang pakete ng Impormasyon ng Mag-aaral nang hindi

lalagpas sa ika-1 linggo ng taon ng paaralan. Mangyaring ipaalam kaagad sa opisina ang anumang pagbabago

ng address, mga numero ng telepono ng tahanan o negosyo, at medikal na impormasyon na kailangan

naming upang ibigay sa mga paramediko kung kinakailangan.

Cell Phone/Mga Elektronikong Aparato

Ang mga elektonikong aparatong gaya ng mga cell phone ay pinapahintulutan sa looban ng paaralan at maaaring

gamitin sa mga pasilyo sa mga oras na walang instruksyon, kung ito ay hindi nakakasagabal sa pag-aaral ng iba.

Ang mga cell phone ay dapat na nakatago at nakapatay habang nasa silid-aralan, maliban kung nagbigay ng

pahintulot ang guro para gamitin upang mapabuti ang paghahatid ng kurikulum at ekspektasyon. Kung kailangang

kontakin ng mga magulang ang kanilang anak habang sila ay nasa paaralan, mangyaring tumawag kapag ang klase

ay wala sa sesyon o o tumawag sa pangunahing opisina. Amin ding hinihimok ang mga mag-aaral na itago nang

ligtas ang kanilang mga mahahalagang bagay sa lahat ng oras. Huwag itago ang mga mahahalagang bagay,

elektronikong kagamitan, o mamahaling kasuotan sa iyong locker. Ang paaralan at ang Toronto District School

Board ay walang pananagutan para sa mga nawalang ari-arian.

Adyenda

Bawat mag-aaral ng Winston Churchill C.I. ay binigyan ng isang Student Agenda sa simula ng taon ng paaralan.

Kapag ginamit nang naaalinsunod, ang Student Agenda ay maaaring magsilbi bilang isang episyenteng kagamitan

ng oras. Dapat gamitin ng mga mag-aaral ang adyenda upang masubaybayan ang araw-araw na gawain at mga

ekstra-kurikular na mga aktibidad.

Makikita ninyo rin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa mga tip sa pag-aaral, sa Kodigo ng Mabuting Pag-

asal, patakaran ng pagsusuri, kaligtasan sa paaralan, mga ekstra-kurikular na aktibidad ng mag-aaral at marami pang

ibang mga paksa, na hinihimok namin na inyong rapasuhing kasama ng inyong mag-aaral. Ang Adyenda ay

matatagpuan sa website ng paaralan.

Pangkalahatang ImpormasyonPangkalahatang ImpormasyonPangkalahatang ImpormasyonPangkalahatang Impormasyon

Page 11: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

www.winstonchurchillci.ca

10

Administrasyon:

Ian Bain – Punong-guro Ionie Haywood – Bise Punong-guro Ken Mulgrew – Bise Punong-guro

Mga Kawaning Nagtuturo: Richard Alexiou

Joanne Ashby

Dayo Baiyewu

Beverly Barnwell

David Braithwaite

Karl Calhoun

Maria Campodonico

Monica Chang

Susanna Ching

Harold Chiu

Rana Damien

Aurelia Danciu

Bobby Ferguson

Michael Fortier

Jay Friedman

Cynthia Grant

Randa Haddad

Rishma Hirani

Nadia Issaeva

Grace Jolliffe

Andrew Kohl

Marina Kolokotronis

Chaomin Li

Janice Lo

Peggy Mack

Caron Magill

Narmatha Maharaj

Josette Meade

Mia-Liisa Omozuwa

Lisa Osborne

Stephen Parkin

Anil Reddi

John Saroglou

Walter Sauer

Estelle Sia

Scott Simmons

Manjula Sivapalan

Chris Tustin

Dave Williams

Henryk Wojciechowski

Mga Kawaning Tumutulong:

Kawani sa Opisina Mga Monitor ng Kaligtasang na

Batay sa Paaralan Suporta sa Silid-aralan

Jemma Baptiste - O.A. Sherneyce Codrington Lawrence Dawkins (EA)

Linda Cooper Frank Kanellos Chuk Ezmenari (SNA)

Candace Tynes Joanne Stephens Tracy Geddo (SNA)

Nicole Mercer-Smith (CYW)

Nancy Sereda (EA)

Mga Kawaning Tagapag-alaga Mga Manggagawang Panlipunan

(Social Workers) Anna Okashimo (CYW)

Mario Barone (Hepe) Crystal Clarke

Gert Brockerville Jennifer Pinto

Carl Byromshaw

Ang kawani ay maaaring kontakin sa pamamagitan ng:

• e-mail: Mga e-mail adres ng kawani ay nasa pormat na unang [email protected]

• Telepono: 416-396-6883

Mga Extension ng Departamento: Edukasyon ng Ko-op x20009

Ingles/Pranses/ESL x20090/20101

Araling Pampamilya (Family Studies) x20099

Guidance x20040

Aklatan x20020

Matematika x20080

Musika x20100

Phys. Ed. (Mga Batang Lalaki) x20031

Phys. Ed. (Mga Batang Babae) x20032

Agham x20095/20098

Agham na Panlipunan (Social Science) x20096

Espesyal na Edukasyon x20005

Tech na Edukasyon x20135/20060

Makikitang Sining (Visual Art) x20097

Connect to your TDSB Virtual

Kawani ng Winston Churchill C.I. & Impormasyon ng Kawani ng Winston Churchill C.I. & Impormasyon ng Kawani ng Winston Churchill C.I. & Impormasyon ng Kawani ng Winston Churchill C.I. & Impormasyon ng KontakKontakKontakKontak

Tulong sa Araling-bahay

Kung nangangailangan ang inyong anak ng tulong upang balik-aralin ang

mga materyales, mga pagsusuri, mga pagsusulit, o mga iksamen may mga

LIBRENG mapagkukunan na sinulat ng mga gurong Sertipikado ng Ontario

na makukuha sa mga sumusunod na website:

Ontario Educational Resource Bank: (Lahat ng mga Subject ay Available)

http://resources.elearningontario.ca

User ID: tdsbstudent Password: tdsb

Math Coach: (Lun-Biyernes)

http://tdsb.na3.acrobat.com/mathcoach

Math Homework Help: (Linggo-Huwebes ng Gabi)

http://homeworkhelp.ilc.org

Page 12: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

www.winstonchurchillci.ca

11

Library in school and from anywhere online for news/magazine/journal articles, eBooks, streamed video,

images, recommended websites/tools and more, to answer questions, solve problems, tackle projects and

have fun.

There are 3 ways to find your Virtual Library when outside of the TDSB network, choose the one that

works for you:

1. http://www.tdsb.on.ca – Find your school (top nav bar) – School name – Virtual Library link (left nav bar)

2. Search on the Internet for “school name TDSB Virtual Library”

3. http://aw.tdsb.on.ca – sign in with student/employee number and network password –My home tab (top

nav bar) – Virtual Library (left nav bar)

Use Login/Password when using the Virtual Library outside of the TDSB network

Resource Name (format/type) LOGIN PASSWORD DESCRIPTION BookFLIX (eBooks) tdsb trillium Fiction/non-fiction paired texts, 12 themes, elementary

Britannica Online (encyclopedia) trillium trillium Start here for all subjects, 3 reading entry points, K to gr 12

Canadian Encyclopedia (encyclopedia) no password needed Start here for all subjects related to Canada, gr 5 to 12,

ENG/FR

Canadian Literary Reference Centre (article

database)

trillium trillium Canadian writers, English, drama, gr 7 to 12

Canadian Points of View (article database) trillium trillium Current issues, Canadian point of view/perspective, gr 6 to 12

Canadian Reference Centre (article database) trillium trillium Current information, Canadian content, gr 6 to 12

Capstone (eBooks) trillium trillium Ancient civilizations, science, health, quick reads, gr 3 to 10

Career Cruising (database) Ask your Guidance Department Career information, gr 7 to 12

Culture Grams (database) trillium trillium Countries, provinces, culture/maps/images/statistics, K to gr

12

Curio CBC (streaming media) also see Educator

Resources for teacher home access in school access for students

Streaming media, Canadian content, current issues, gr 7 to 12,

ENG/FR

Encyclopedie Universalis Jr AND Sr (encyclopedias) trillium trillium French language, two reading levels, read-aloud, gr 4 to 12,

FR

Explora (article database search interface) trillium trillium Searches multiple EBSCO article databases at the same time

Follett Shelf (eBooks) student # student # Junior/Intermediate fiction books, biography, gr 1 to 12

Global Issues in Context (article database) trillium trillium Global topics, overviews, articles, video, gr 7 to 12

Gale Virtual Reference Library (eBooks) trillium trillium All subjects topic overviews, reference, e-books, gr 7 to 12

History Reference Centre (article database) trillium trillium World, Ancient Civilizations, Explorers, European, gr 7 to 12

InfoBase e-Books (eBooks) trillium trillium Science topics – e-books, gr 6 to 12

Jobs People Do (database) TDSBjpd TDSB Careers, experiential learning, co-op, articles, videos gr 7 to 12

Learn 360 (streaming media) also see Educator

Resources for teacher access elem elem

Streamed media, all subjects, K to 12

Literary Reference Centre (article database) trillium trillium English, drama, gr 7 to 12

Naxos Music Library (streaming media) trillium trillium Music, English, drama, public speaking, gr 5 to 12

NoveList K to 8 (article database) trillium trillium Choosing fiction books. What to read next… K to gr 9

OERB also see Educator Resources for teacher access tdsbstudent tdsb All subjects – lessons, tutorials

Imagine the Learning/Research Success (research) tdsbresearch Helpful guides for inquiry /research projects, gr 1 to 12

Research Success in French (Liens français) recherchetdsb Helpful guide for inquiry /research projects gr 7 to 12, FR

Science Reference Centre (article databases) trillium trillium Science, health, geography, gr 6-12

TABvue (eBooks) tdsb trillium Canadian information, social studies, Gr 4-10, ENG/FR

Teen Health & Wellness (article database) tdsb trillium Mental, physical health, teen issues, self-help, gr 7 to 12

EDUCATOR RESOURCES for TDSB staff

Teaching Resources (bookable/streaming media,

kits), classroom resources, Prof. Library resources,

etc.

Find passwords and access information - bit.ly/tdsbstaffVL

Professional Library eBooks (ASCD, Follett, EBSCO, Proquest); streaming media (CBC Curio

FR/ENG & Learn 360 etc.); Les Plan FR/ENG classroom resources, STEM, OERB, OSAPAC

resources and more.

Use Login/Password when using the Virtual Library outside of the TDSB network.

PASSWORDS MAY NOT BE POSTED ELECTRONICALLY OUTSIDE OF THE TDSB NETWORK.

Virtual Library Resources (look for read-a-loud, translation, images, video, citation, persistent link features)

Library Catalogue Search your school library. Login with your TDSB network account and check to see what you

have borrowed, find and read eBooks, find and view streaming video.

Encyclopedias A great place to start when you want to find out about almost anything

Article databases Find current news/magazine/journal articles, topic overviews, and information written for

students from hundreds of sources, in one simple search.

Media images,

video, audio Streaming video, images, and music for projects, for homework and for personal interest.

eBooks Fiction and non-fiction eBooks for school assignments or for pleasure

Page 13: TAGALOG - TDSB School Websitesschoolweb.tdsb.on.ca/Portals/churchillci/docs/Tagalog Complete.pdf · pagtatasa at mga pagsusuri, ang kalendaryo ng paaralan, mga petsa at iba pang mahalagang

2016 – 2017 Calendar

.

SEPTEMBER

5 Labour Day

6 Early Dismissal/Staff Meeting

7 Early Dismissal

14 Conduct Assembly, JR.

15 Conduct Assembly, SR.

27 Late Start/Staff Meeting

29 Terry Fox Run

OCTOBER

6 Interim Report Cards

7 PA Day

10 Thanksgiving

12 Parent-Teacher Meeting

13 Late Start/PLC

18 Awards Assembly

25 Late Start/Staff Meeting

NOVEMBER

2 Experience It

3 Term 1 Ends

7 Term 2 Begins

8 Late Start

11 Remembrance Day Assembly

14 Grade 8 Info Night

14 Report Card Distribution

21 Full Disclosure*

21 School Council Meeting 7:00 p.m.

29 Late Start/Staff Meeting

DECEMBER

2 PA Day

6 Late Start

15 Bulldog Challenge CSR Boys

20 Late Start/Staff Meeting

23 Last Day for Sem. 1Field Trips

26-Jan 6 Winter Break

JANUARY

13 Culminating Activities (Period 1)

16 Culminating Activities (Period 2)

17 Culminating Activities (Period 3)

18 Culminating Activities (Period 3)

19-24 Moratorium

25 Exams

26 Grade 9 Math EQAO

26-31 Exams

FEBRUARY

1 Exam Return Day/Staff Meeting

2 PA Day

3 Semester 2 Begins

7 Late Start

17 PA Day

20 Family Day

27 School Council Meeting 7:00 p.m.

28 Pascal, Cayley, Fermat Math Contests

28 Late Start/Staff Meeting

MARCH

7 Late Start/PLC

12 Daylight Saving Time Ends (Clocks go ahead 1

hour)

13-17 March Break

24 Interim Report Cards

25 Earth Hour

28 Late Start/Staff Meeting

30 OSSLT

30 Parent-Teacher Meeting

APRIL

3 Report Cards Distributed

5-13 Vimy Ridge

6 Euclid Math Contest

11 Late Start/PLC

13 Term 1 Ends

14 Good Friday

17 Easter Monday

18 Term 2 Begins

21 POR Meeting

24 School Council Meeting 7:00 p.m.

25 Report Cards Distributed

26 Volunteer Fair

27 National Biology Competition

MAY

1-5 Mental Health Week

2 Full Disclosure *

9 Late Start/PLC

15-19 Cultural Connections

22 Victoria Day

25 Athletic Banquet

26 POR Meeting

30 Late Start/Staff Meeting

JUNE

1 Grad Tea

2 Prom

9 Culminating Activities (Period 1)

12 Culminating Activities (Period 2)

13 Culminating Activities (Period 3)

14 Culminating Activities (Period 3)

15 Grade 9 Math EQAO

15-20 Moratorium

21-27 Exams

28 Exam Return Day

29-30 PA Day

2239 Lawrence Avenue East

Toronto, Ontario M1P 2P7

416-396-6883