2
Education Bureau Panimula • Ang mga magulang ng mga bata na dumadalo sa nursery, mas mababa at mas mataas na mga klase sa lokal na hindi kumikitang mga kindergarten sa ilalim ng Iskemang Voucher ng Edukasyong Pre-primary (PEVS) sa pampaaralang taon ng 2016/17 ay maaaring tumanggap ng subsidyo sa bayarin sa pamamagitan ng PEVS na ipinakilala mula noong 2007. Subsidyo sa Bayarin Ang halaga ng voucher para sa pampaaralang taon ng 2016/17 ay ipapahayag sa tamang panahon. Sinu-sino ang magiging kuwalipikado na mag-aapply para sa PEVS sa pampaaralang taon ng 2016/17? Ang mga estudyanteng aplikante ay dapat: (a) Mga residente ng Hong Kong na may karapatang manirahan dito, karapatan na dumaong o may bisang permiso na manatili nang walang anumang mga kondisyon ng pananatili (maliban sa hangganan ng pananatili) sa Hong Kong; at (b) ipinanganak noong o bago 31 Disyembre 2013. Mga estudyanteng nabigyan na ng mga Sertipiko ng Pagiging Kuwalipikado (Voucher) para sa PEVS ay hindi na kailangang mag-apply muli. Mga magulang na tumatanggap ng Komprehensibong Tulong sa Panlipunang Seguridad na may mga anak na dumadalo sa mga klase ng kindergarten sa pampaaralang taon ng 2016/17, tulad ng ibang mga magulang na may mga estudyante-aplikante, ay kinakailangang magsumite ng mga aplikasyon sa Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante ng Ahensiya ng Tulong sa Nagtatrabahong Pamilya at Estudyante (pagkatapos nito ay “Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante”) upang tumanggap ng subsidyo sa bayarin sa pamamagitan ng PEVS, kung ang kanilang mga anak na kinauukulan ay walang hinahawakang Voucher. Pagtatanong Ang mga tanong tungkol sa mga aplikasyon para sa “Voucher ng 2016/17” ay maaaring iugnay sa 24-oras na hotline ng Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante sa 2802 2345 (ang opisyal ng serbisyo sa mamimili ng 1823 ay makikitungo sa mga tawag sa walang hintong batayan). Para sa pangkalahatang impormasyon ng PEVS, maaari mong bisitahin ang tahanangpahina ng EDB tungkol sa PEVS sa www.edb.gov.hk/pre-primary_e o tawagan ang mga Panrehiyong Tanggapan ng Edukasyon ng EDB / Katuwang na Tanggapan para sa mga Kindergarten at mga Sentro sa Pangangalaga ng Bata (ang mga numero ng telepono ay matatagpuan sa sumusunod na website: www.edb.gov.hk/k1-admission_e). Paano ibabalik ang mga nakompletong application form? Ang mga aplikante ay maaaring magpadala ng nararapat na nakompletong application form kasama ang mga kopya ng kinakailangang sumusuportang mga dokumento sa koreo sa Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante, TSTPO Box 95757, Kowloon. Bilang kahalili, ang mga aplikante ay maaaring maglakip ng lahat ng mga naaayong dokumento sa isang sobre, selyado at napangalanan ng “Aplikasyon para sa Iskemang Voucher ng Edukasyong Pre-primary (2016/17)” at ihulog sa kahon na paghuhulugan sa tanggapan ng Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante sa 12/F, Cheung Sha Wan Government Offices, 303 Cheung Sha Wan Road, Kowloon. Kailan ibabalik ang application form? Ang mga magulang ay maaaring magsumite ng mga aplikasyon simula ng Setyembre 2015. Kailan makukuha ang resulta ng aplikasyon? Sa ilalim ng karaniwang mga kalagayan, mula sa pagkatanggap ng mga aplikasyon at lahat ng mga kinakailangang impormasyon at mga dokumento, ang Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante ay pangkalahatang umaabot ng anim hanggang walong linggo upang matapos ang pagpoproseso ng mga aplikasyon at ibigay ang “Voucher ng 2016/17” sa kuwalipikadong mga aplikante sa pamamagitan ng koreo. Aling mga kindergarten ang maaaring tumubos ng voucher? Ang isang kuwalipikadong estudyante ay makatatanggap ng isang Voucher. Sa pamamagitan nito ang estudyante ay maaaring tumanggap ng subsidyo sa bayarin kapag dumadalo ng naaayong klase sa kindergarten na kuwalipikado para sa PEVS. Ang mga kindergarten na kuwalipikado para sa PEVS ay dapat na: Hindi kumikitang mga kindergarten; at Nag-aalok ng lokal na kurikulum. Saan makakukuha ng isang appli- cation form? Mga application form at mga tala ng pamamatnubay ay makukuha sa mga Tanggapan ng Distrito, Mga Tanggapan ng Koreo, Panrehiyong mga Tanggapan ng Edukasyon ng Kawanihan ng Edukasyon (EDB) at ang Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante. Para sa kaibhan ng application form mula sa ibang ginagamit para sa ibang mga pampaaralang taon, ang application form para sa 2016/17 ay mababaw na luntian ang kulay. Ang mga aplikante ay maaari ring magdiskarga ng application form at kaugnay na impormasyon mula sa tahanangpahina ng EDB tungkol sa PEVS sa www.edb.gov.hk/pre-primary_e at ang tahanangpahina ng Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante sa www.wfsfaa.gov.hk/sfo. Tagalog Version 2-Pamphlet-Tagalog-2.indd 1 20/8/15 7:07 pm

Tagalog Version Aling mga kindergarten ang Paano ibabalik ... · manirahan dito, karapatan na dumaong o may bisang permiso na manatili nang walang anumang mga kondisyon ng pananatili

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tagalog Version Aling mga kindergarten ang Paano ibabalik ... · manirahan dito, karapatan na dumaong o may bisang permiso na manatili nang walang anumang mga kondisyon ng pananatili

Education Bureau

Panimula• Ang mga magulang ng mga bata na dumadalo sa nursery,

mas mababa at mas mataas na mga klase sa lokal na hindi kumikitang mga kindergarten sa ilalim ng Iskemang Voucher ng Edukasyong Pre-primary (PEVS) sa pampaaralang taon ng 2016/17 ay maaaring tumanggap ng subsidyo sa bayarin sa pamamagitan ng PEVS na ipinakilala mula noong 2007.

Subsidyo sa Bayarin• Ang halaga ng voucher para sa pampaaralang taon ng 2016/17

ay ipapahayag sa tamang panahon.

Sinu-sino ang magiging kuwalipikado na mag-aapply para sa PEVS sa pampaaralang taon ng 2016/17?• Ang mga estudyanteng aplikante ay dapat:

(a) Mga residente ng Hong Kong na may karapatang manirahan dito, karapatan na dumaong o may bisang permiso na manatili nang walang anumang mga kondisyon ng pananatili (maliban sa hangganan ng pananatili) sa Hong Kong; at

(b) ipinanganak noong o bago 31 Disyembre 2013.

• Mga estudyanteng nabigyan na ng mga Sertipiko ng Pagiging Kuwalipikado (Voucher) para sa PEVS ay hindi na kailangang mag-apply muli.

• Mga magulang na tumatanggap ng Komprehensibong Tulong sa Panlipunang Seguridad na may mga anak na dumadalo sa mga klase ng kindergarten sa pampaaralang taon ng 2016/17, tulad ng ibang mga magulang na may mga estudyante-aplikante, ay kinakailangang magsumite ng mga aplikasyon sa Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante ng Ahensiya ng Tulong sa Nagtatrabahong Pamilya at Estudyante (pagkatapos nito ay “Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante”) upang tumanggap ng subsidyo sa bayarin sa pamamagitan ng PEVS, kung ang kanilang mga anak na kinauukulan ay walang hinahawakang Voucher.

Pagtatanong• Ang mga tanong tungkol sa mga aplikasyon para sa

“Voucher ng 2016/17” ay maaaring iugnay sa 24-oras na hotline ng Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante sa 2802 2345 (ang opisyal ng serbisyo sa mamimili ng 1823 ay makikitungo sa mga tawag sa walang hintong batayan).

• Para sa pangkalahatang impormasyon ng PEVS, maaari mong bisitahin ang tahanangpahina ng EDB tungkol sa PEVS sa www.edb.gov.hk/pre-primary_e o tawagan ang mga Panrehiyong Tanggapan ng Edukasyon ng EDB / Katuwang na Tanggapan para sa mga Kindergarten at mga Sentro sa Pangangalaga ng Bata (ang mga numero ng telepono ay matatagpuan sa sumusunod na website: www.edb.gov.hk/k1-admission_e).

Paano ibabalik ang mga nakompletong application form?• Ang mga aplikante ay maaaring magpadala ng nararapat na

nakompletong application form kasama ang mga kopya ng kinakailangang sumusuportang mga dokumento sa koreo sa Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante, TSTPO Box 95757, Kowloon.

• Bilang kahalili, ang mga aplikante ay maaaring maglakip ng lahat ng mga naaayong dokumento sa isang sobre, selyado at napangalanan ng “Aplikasyon para sa Iskemang Voucher ng Edukasyong Pre-primary (2016/17)” at ihulog sa kahon na paghuhulugan sa tanggapan ng Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante sa 12/F, Cheung Sha Wan Government Offices, 303 Cheung Sha Wan Road, Kowloon.

Kailan ibabalik ang application form?• Ang mga magulang ay maaaring magsumite ng mga aplikasyon

simula ng Setyembre 2015.

Kailan makukuha ang resulta ng aplikasyon?• Sa ilalim ng karaniwang mga kalagayan, mula sa pagkatanggap

ng mga aplikasyon at lahat ng mga kinakailangang impormasyon at mga dokumento, ang Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante ay pangkalahatang umaabot ng anim hanggang walong linggo upang matapos ang pagpoproseso ng mga aplikasyon at ibigay ang “Voucher ng 2016/17” sa kuwalipikadong mga aplikante sa pamamagitan ng koreo.

Aling mga kindergarten ang maaaring tumubos ng voucher?• Ang isang kuwalipikadong estudyante ay makatatanggap

ng isang Voucher. Sa pamamagitan nito ang estudyante ay maaaring tumanggap ng subsidyo sa bayarin kapag dumadalo ng naaayong klase sa kindergarten na kuwalipikado para sa PEVS.

• Ang mga kindergarten na kuwalipikado para sa PEVS ay dapat na:

✓ Hindi kumikitang mga kindergarten; at

✓ Nag-aalok ng lokal na kurikulum.

Saan makakukuha ng isang appli-cation form?• Mga application form at mga tala ng pamamatnubay ay

makukuha sa mga Tanggapan ng Distrito, Mga Tanggapan ng Koreo, Panrehiyong mga Tanggapan ng Edukasyon ng Kawanihan ng Edukasyon (EDB) at ang Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante. Para sa kaibhan ng application form mula sa ibang ginagamit para sa ibang mga pampaaralang taon, ang application form para sa 2016/17 ay mababaw na luntian ang kulay.

• Ang mga aplikante ay maaari ring magdiskarga ng application form at kaugnay na impormasyon mula sa tahanangpahina ng EDB tungkol sa PEVS sa www.edb.gov.hk/pre-primary_e at ang tahanangpahina ng Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante sa www.wfsfaa.gov.hk/sfo.

Tagalog Version

2-Pamphlet-Tagalog-2.indd 1 20/8/15 7:07 pm

Page 2: Tagalog Version Aling mga kindergarten ang Paano ibabalik ... · manirahan dito, karapatan na dumaong o may bisang permiso na manatili nang walang anumang mga kondisyon ng pananatili

Mula sa pagkatanggap ng mga aplikasyon kasama ang lahat ng mga kinakailangang impormasyon at mga dokumentong ibinigay, ang Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante ay pangkalahatang umaabot

ng anim hanggang walong linggo upang matapos ang pagpoproseso ng mga aplikasyon at ibigay ang “Voucher ng 2016/17” para sa 2016/17 sa

kuwalipikadong mga aplikante sa pamamagitan ng koreo

Ang mga aplikante ay sasangguni sa impormasyon ukol sa bakante sa K1 na inilalabas ng EDB pagkatapos ng

“mga petsa ng sentralisadong pagpapatala”(a.b. mula sa katapusan ng Enero 2016)

Ang mga KG ay magpapabatid sa mga aplikante ng resulta ng aplikasyon bago ang katapusan ng Disyembre 2015

Kung ang aplikasyon ay matagumpay Kung ang aplikasyon ay hindi matagumpay

1 Kung ang mga magulang ay hindi makapagharap ng “Voucher ng 2016/17” sa KG na kung saan nakapasok ang kanilang anak sa panahon ng “mga petsa ng sentralisadong pagpapatala”, ang kinauukulang KG ay hindi maaaring tapusin ang pagpapatala para sa kanilang anak. Kaya, ang mga magulang ay kinakailangan na magsumite ng aplikasyon sa Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante sa loob ng itinalagang yugto.

2 Kung ang isang aplikante ay ipinasok pagkatapos ng “mga petsa ng sentralisadong pagpapatala”, siya ay kinakailangan pa ring magsumite ng “Voucher ng 2016/17” para sa pagpapatala. Kung ang aplikante ay nagnanais na magbago ng paaralan pagkatapos na makapagpatala sa isang KG, kinakailangan niyang kunin muli ang “Voucher ng 2016/17” mula sa KG kung saan siya ay nakapagpatala. Sa muling pagkuha ng “Voucher ng 2016/17” mula sa KG, ang kinauukulang KG ay hindi na irereserba ang lugar para sa aplikante. Karaniwan, ang bayarin sa pagpapatala na ibinayad sa KG na siyang ipinagpatala ng aplikante ay hindi isinasauli.

▶ Dapat maunawaan ng mga magulang mula sa mga KG ang tungkol sa kanilang mekanismo sa pagpasok na nakabatay sa paaralan, kabilang ang pamamaraan, pamantayan, mga kaayusan sa panayam, bayarin sa aplikasyon atbp. Dapat silang kumuha ng form ng aplikasyon at isumite ang aplikasyon para sa pagpasok ayon sa mga kinakailangan na tinukoy ng indibiduwal na mga KG.

▶ Ang mga KG ay magpapabatid sa mga magulang ng resulta ng aplikasyon bago ang katapusan ng Disyembre 2015.

▶ Mula sa pagkatanggap ng (mga) abiso ng pagpasok, ang mga magulang, pagkatapos ng masinop na pagsasaalang-alang, ay dapat pumili ng isang KG para sa pagpapatala. Sila ay kinakailangan na magsumite ng “Voucher ng 2016/17” at magbayad sa pagpapatala sa KG upang makumpleto ang pamamaraan ng pagpapatala sa pagitan ng 14 at 16 Enero 2016 (a.b. ang “mga petsa ng sentralisadong pagpapatala”). Ang hakbanging ito ay upang maiwasan ang pag-iipon ng higit kaysa isang lugar ng isang aplikante sa anumang parehong pagkakataon, na makakaapekto sa ibang mga aplikante.

▶ Ang EDB ay magpapalabas ng impormasyon sa bakante sa K1 mula sa katapusan ng Enero pasulong (a.b. pagkatapos ng “mga petsa ng sentralisadong pagpapatala”). Kung kinakailangan, ang mga magulang ay maaaring kumuha ng impormasyon sa pamamagitan ng website ng EDB, mga Tanggapang Panrehiyon ng Edukasyon at hotline.

Pagtatanong ▶ Para sa mga detalye ng mga Kaayusan sa Pagpasok sa K1

ng 2016/17, mas madalas na mga katanungan at kaugnay na impormasyon, mangyaring bisitahin ang website ng EDB sa (www.edb.gov.hk/k1-admission_e) o tawagan ang hotline ng EDB sa 2891 0088.

▶ Ang mga magulang ay maaari ring tumawag sa mga Panrehiyong Tanggapan ng Edukasyon ng EDB o sa Katuwang na Tanggapan para sa mga Kindergarten at mga Sentro sa Pangangalaga ng Bata (ang mga numero ng telepono ay matatagpuan sa sumusunod na website: www.edb.gov.hk/k1-admission_e).

Panimula▶ Upang mapadali ang proseso ng pagpasok sa kindergarten

(KG) at matulungan ang mga magulang na maagang makumpirma ang lugar sa KG para sa kanilang anak, ang Kawanihan ng Edukasyon (EDB) ay magpapatuloy sa pagpapatupad ng mga kaayusan sa pagpasok sa K1 sa mga KG para sa pampaaralang taon ng 2016/17 (“Mga Kaayusan sa Pagpasok sa K1 ng 2016/17”).

▶ Ang mga magulang na nagnanais na mag-apply para sa isang lugar sa K1 para sa kanilang anak sa pampaaralang taon ng 2016/17 ay dapat sumunod sa pamamaraan na nakalagay sa ibaba. Ang pamamaraan ay para sa lahat ng mga KG na sumasama sa Iskemang Voucher ng Edukasyong Pre-Primary (PEVS).

Pamamaraan ▶ Ang mga magulang ay kinakailangan na mag-apply sa

Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante ng Ahensiya ng Tulong sa Nagtatrabahong Pamilya at Estudyante (pagkatapos nito ay “Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante”) para sa “Pagtatasa ng Pagiging Kuwalipikado para sa PEVS 2016/17” mula Setyembre hanggang Nobyembre 2015. Mula sa pagkatanggap ng mga aplikasyon kasama ang lahat ng mga kinakailangang impormasyon at mga dokumentong ibinigay, ang Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante ay pangkalahatang umaabot ng anim hanggang walong linggo upang matapos ang pagpoproseso ng mga aplikasyon at ibigay ang “Sertipiko ng Pagiging Kuwalipikado para sa PEVS” para sa 2016/17 sa kuwalipikadong mga aplikante sa pamamagitan ng koreo.

▶ Ang “Voucher ng 2016/17” ay gagamitin para sa pagpapatala para sa K1 sa nasabing pampaaralang taon. Ang mga magulang ay dapat magsumite ng kanilang aplikasyon para sa “Pagtatasa ng Pagiging Kuwalipikado para sa PEVS 2016/17” sa Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante sa araw ng o bago ika-30 ng Nobvembre 2015. Kung hindi, ang “Voucher ng 2016/17” ay pangkalahatang hindi ibinibigay bago ang “mga petsa ng sentralisadong pagpapatala” para sa pagpapatala sa K1 kahit na ang estudyante ay kuwalipikado para sa PEVS.

Ang mga aplikante ay magpapatala sa isang KG sa panahon ng “mga petsa ng sentralisadong pagpapatala”

(a.b. 14 hanggang 16 Enero 2016)(sa pamamagitan ng pagsusumite ng “Voucher ng 2016/17” at

pagbabayad ng bayarin sa pagpapatala)

Ang mga aplikante ay mag-aapply sa Tanggapan ng Pananalapi ng Estudyante para sa “Pagtatasa ng Pagiging

Kuwalipikado para sa PEVS 2016/17” mula Setyembre hanggang Nobyembre 2015 Ang mga KG ay

nagpoproseso ng mga aplikasyon sa pagpasok sa

K1 ng 2016/17

Mga Kaayusan sa Pagpasok para sa mga Klase ng K1 sa mga Kindergarten

para sa Pampaaralang Taon ng 2016/17 Flowchart

2-Pamphlet-Tagalog-2.indd 2 20/8/15 7:07 pm