23

Talasalitaan sa Filipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ito ay Microsoft PowerPoint presentation na naglalaman ng iba't ibang salita na makapagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa bokabularyo sa Filipino.

Citation preview

Slide 1

dagitabBAHAGI NG PANANALITA: PangngalanKAHULUGAN: Ito ay tumutukoy sa kuryente o elektrisidad.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Tumaas ang singil sa dagitab ngayon.katotoBAHAGI NG PANANALITA: PangngalanKAHULUGAN: Ito ay kaibigan o kasa-kasama.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Mabait ang bago kong katoto.binulahawBAHAGI NG PANANALITA: PandiwaKAHULUGAN: Ito ay nangangahulugang ginimbal, ginulat o ginulo.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Binulahaw ni John ang kanyang kaklaseng nananahimik.talaarawanBAHAGI NG PANANALITA: PangngalanKAHULUGAN: Ito ay kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod napetsao araw, na sumusunod sa porma ng kalendaryo. GAMIT SA PANGUNGUSAP:Nakasulat sa aking talaarawan ang naging damdamin ko sa nangyari.mariwasaBAHAGI NG PANANALITA: Pang-uriKAHULUGAN: Ito ay naglalarawan ng isang pamumuhay na marangya, nakakaangat o may kaya.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Masigasig sa kanyang trabaho si Allen kaya naging mariwasa ang buhay niya.salipawpawBAHAGI NG PANANALITA: PangngalanKAHULUGAN: Ito ay isa pang katawagan sa eroplano.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Binilhan ako ni inay ng bagong salipawpaw.mayumiBAHAGI NG PANANALITA: Pang-uriKAHULUGAN: Ito ayisang katangian na nagsasabi ng pagiging pino o walang kagaspangan maging sa ugali, kilos ng tao o kaya ay sa uri ng pagkain.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Si Maria ay isang mayuming dalaga.salatBAHAGI NG PANANALITA: Pang-uriKAHULUGAN: Ito ay nangangahulugang mahirap o kakulangan.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Salat sa pagkain ang karamihan ng mga mahihirap.habagBAHAGI NG PANANALITA: Pang-uriKAHULUGAN: Ito ay nangangahulugang awa.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Si Christian ay nahahabag sa sitwasyon ng mga batang mahihirap.patimpalakBAHAGI NG PANANALITA: PangngalanKAHULUGAN: Ito ay isang paligsahan o tagisan ng galing.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Sumali si David sa patimpalak ng pagguhit.libanBAHAGI NG PANANALITA: PandiwaKAHULUGAN: Ito ay tumutukoy sa kawalan ng presensya ng isang tao. (Ingles: absent)GAMIT SA PANGUNGUSAP:Lumiban si Toto sa klase ngayon dahil may sakit siya.matayogBAHAGI NG PANANALITA: Pang-uriKAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng matayog.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Ang puno ng Niyog sa aming bakuran ay matayog.matiwasayBAHAGI NG PANANALITA: Pang-uriKAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng tahimik o payapa.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Matiwasay ang naging unang EDSA Revolution.marikitBAHAGI NG PANANALITA: Pang-uriKAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng maganda.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Marikit ang mga bulaklak na pananim ni lola.saliwanBAHAGI NG PANANALITA: PandiwaKAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng sabayan.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Ang awitin ay sinaliwan ng sayaw.maliksiBAHAGI NG PANANALITA: Pang-uriKAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng mabilis at matulin.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Ang bata ay maliksi.makupadBAHAGI NG PANANALITA: Pang-uriKAHULUGAN: Ito ay kasingkahulugan ng mabagal.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Ang pagong ay makupad.musmosBAHAGI NG PANANALITA: PangngalanKAHULUGAN: Ito ay tumutukoy sa mga bata.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Ang munting musmos ay nakatutuwa.magmaliwBAHAGI NG PANANALITA: PandiwaKAHULUGAN: Ito ay nangangahulugang mawala.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi kailanman magmamaliw.binhiBAHAGI NG PANANALITA: PangngalanKAHULUGAN: Ito ay buto o punla.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Nagtanim ng binhi ng ampalaya si James.bahuraBAHAGI NG PANANALITA: PangngalanKAHULUGAN: Ito ay ang coral reef sa Ingles. Ito ay ang tahanan ng mga isda.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Napakaganda ng mga bahura sa Palawan.abaBAHAGI NG PANANALITA: Pang-uriKAHULUGAN: Ito ay nangangahulugang mahirap.GAMIT SA PANGUNGUSAP:Ang buhay nila ay aba.