3
Talento at Kakayahan Ni: Shaina Mavreen D. Villaroza Tunay na talentadong manunulat si Francisco ‘Balagtas’ Baltazar sapagka’t siya’y nag-akda ng Florante at Laura na puno ng himagsik. Humugot siya ng inspirasyon mula sa kanyang mga karanasan at sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran. Sino pa ba ang makakapig-isip ng ideyang gawing metapora ang isang madilim at masukal na gubat sa kaharian ng Albanya para maihalintulad sa bansang Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila? Naging ebidensya ang Florante at Laura sa mga kanser ng lipunan na laganap na noon pa. Nagkakagulo ang mga tao dahilan lamang sa mga ‘di-kaayaayang mga katangian. Dahil sa pagiging mainggitin ay nagiging mapaghiganti at mang-aagaw ng kayamanan at pag-ibig ng iba ang mga tao. Malamang ito ay dahil sa pagpapalayaw ng mga magulang sa kanilang mga anak, ang hindi paghubog ng wasto sa mga kabataan. Iilan lamang ito sa mga ‘Social Cancer’ kung tawagin ni Dr. Jose Rizal na kanya ring ginawang paghimagsik sa kanyang dalawang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. 1

Talento at kakayahan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Talento at kakayahan

Talento at Kakayahan

Ni: Shaina Mavreen D. Villaroza

Tunay na talentadong manunulat si Francisco ‘Balagtas’

Baltazar sapagka’t siya’y nag-akda ng Florante at Laura na puno

ng himagsik. Humugot siya ng inspirasyon mula sa kanyang mga

karanasan at sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran. Sino pa ba

ang makakapig-isip ng ideyang gawing metapora ang isang madilim

at masukal na gubat sa kaharian ng Albanya para maihalintulad sa

bansang Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila?

Naging ebidensya ang Florante at Laura sa mga kanser ng

lipunan na laganap na noon pa. Nagkakagulo ang mga tao dahilan

lamang sa mga ‘di-kaayaayang mga katangian. Dahil sa pagiging

mainggitin ay nagiging mapaghiganti at mang-aagaw ng kayamanan at

pag-ibig ng iba ang mga tao. Malamang ito ay dahil sa

pagpapalayaw ng mga magulang sa kanilang mga anak, ang hindi

paghubog ng wasto sa mga kabataan. Iilan lamang ito sa mga

‘Social Cancer’ kung tawagin ni Dr. Jose Rizal na kanya ring

ginawang paghimagsik sa kanyang dalawang nobelang Noli Me Tangere

at El Filibusterismo.

Hangarin ng bawat tao ang kapayapaan. Ang kapayapaan ay

hindi lamang ang absensya ng mga giyera at digmaan ngunit ito ay

ang presenya ng Diyos. Sa ikalawang himagsik ni Balagtas sa

1

Page 2: Talento at kakayahan

kanyang awit, nakasaad ang pagiging hiyang ng kahit sino, mapa-

Muslim man o Kristiyano, sa relihiyon ng bawat isa. Ipinakita

niya na hindi sa relihiyon nagdedepende ang bawat aksyon ng isang

tao ngunit ito ay nanggagaling sa kanyang ugali. Ang pagiging

matulungin ng isang Muslim na si Aladin ang isang katangian na

ipinakita sa pelikulang binase sa awit.

Sa panahon ng pananakop ng mga Kastila ay matindi ang naging

pagdurusa ng mga Pilipino. Ang kalayaan ay mahirap matamo dahil

sa sakim na pamamahala ng mga Kastila. Ganito kahirap ang

suliranin ng mga Pilipino noon. Ngayon, hindi na tayo nagkulang

sa ating kalayaan sapagka’t demokrasiya ang ating pamahalaan. Ang

kapansin-pansin na suliranin ng ating lipunan ay ang kahirapan.

Paano nga ba ako, bilang bahagi ng lipunang Pilipino at bilang

isang mag-aaral, makakatulong upang maibsan ang suliraning ito?

Alam na alam ko ang sagot dito at kakayanin kong maabot ito. Sa

aking munting paraan, makakatulong ako sa pamamagitan ng pag-

aaral ng maayos, pag-aalay ng aking mga pagsisikap at pangarap sa

bansang tinubuan. Maglilingkod ako ng tapat sa bansa natin upang

tayo ay mas maging malaya, matagumpay at masagana. Hindi lamang

ang kabataan ang pag-asa ng bayan; mas mabuting isa-isip natin na

“nasa bawat Pilipino ang pag-asa ng ating bayan”, mahirap man o

mayaman, bata man o matanda, babae man o lalaki.

2

Page 3: Talento at kakayahan

Anong pag-asa ang ibig-sabihin ng adhikain? Pag-asang

sumikat, umunlad, lumaya, luminis? Kung ano man iyon, maaaring

ikaw ang pag-asa na hinahanap ng ating bansa.

Napakagaling ng mga nalikhang panitikan ni Balagtas. Kahit

mahigit limampung taon pa ang dumaan bago muling natalakay ang

mga suliraning panilipunan ni Rizal mula noong unang paghimagsik

ni Baltazar ay buhay pa rin ang pag-asang matamo ang kalayaan.

Katulad sa dalawang mga repormistang nabanggit, talento at

kakayahan ang kakailanganin ng taong sambayanan na maaaring

magpapaunlad sa ating Inang bayan.

3