4
Taon 35 Blg. 22 Unang Linggo ng Adbiyento (C) — Lila Nobyembre 28, 2021 A tin na namang sinisimulan ang bagong taon sa Simbahang Katolika sa ating pagpasok sa panahon ng Adbiento. Ito ang panahon kung kailan muli tayong inaanyayahang tumingin sa hinaharap, tumingin nang may pananabik at pag-asa. Oo nga at medyo iba man ang panahong ating nararanasan ngayon; hindi tulad ng mga nakalipas na taong pagdating ng Setyembre, amoy Pasko na nang ganoong kaaga. Subalit, patuloy man nating nararanasan ang pagpapahirap na dala ng pandemiyang magdadalwang taon na, hindi pa rin natin mai- aalis sa ating puso’t isipan ang ating pananabik sa pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesus. Ang ating unang pagbasa ay mula sa libro ng propetang si Jeremias kung saan ating mababasa ang tapat na pangako ng Panginoon sa bayan ng Israel. Pinapahayag ng unang pagbasa na ang Panginoon mismo ang siyang naghahanda ng daan at paraan upang maisakatuparan ang kanyang ipinangakong kaligtasan. Sa atin namang ikalawang pagbasa, hinihikayat ni Apostol Pablo ang mga sinaunang Kristayano sa Tessalonica na maging mapagmatyag at matapat sa kanilang pamumuhay bilang mga Kristiyano; na maging alerto sila sa kung anumang maaaring makapaghihiwalay sa kanila sa pagmamahal ng Diyos. Kaakibat nito ang pagdiin ng apostol sa bawat naniniwalang mamuhay sila nang naaayon sa pag-ibig at pag-unawa, buhay na siyang kalugod-lugod sa Panginoong kanilang sinasamba. Kung ating babasahin ang ating ebanghelyo, tila naman ito’y pinuno ng mga bagay na nakakatakot dahil ito’y naglalahad ng mga maaaring mangyari sa huling panahon. Sakali mang mangyari ang mga ito, huwag tayong mawalan ng pag-asa at lakas ng loob sapagkat ang mga senyales na ito ang siyang nagpapahiwatig ng pagsisimula ng panahong hinihintay ng lahat ng mga tapat na Kristiyano: ang muling pagbabalik ng Mesiyas. Ang ating mga pagbasa sa Linggong ito ay nagpapahayag sa atin ng pag-asa at lakas ng loob. Bagama’t mala-bagyo man ang nagsisidatingang pagsubok, manatili tayong matatag at mamuhay tayong matapat sa Panginoon katulad ng paanyaya ni San Pablo sa mga taga-Tessalonica. Magandang paghahalintulad ang ginawa sa sulat sa mga Hebreo ukol sa pag-asa. Hinahalintulad ng may- akda ang pag-asa sa isang angkla. Ngunit, marahil, mas angkop na simbolo ang layag sapagkat layag ang nagpapatakbo ng barko sa dagat patungo sa kanyang pinatutunguhang daungan. Pag- asa ang nag-uudyok sa atin; kung walang pag-asa, lahat ay titigil maging ang pananampalataya at pag-ibig sa kapwa. Tayong mga Kristiyano ay may tungkulin sa pag-asang ibinigay sa atin. Kung kaya, sa ating pananabik sa pagdating ng Pasko na siyang kapanganakan ng pag-asa ng kaligtasang ipinangako sa Lumang Tipan, nawa’y maging mga tagapaghatid tayo ng pag- asang ating inaasam. Magsilbi nawa tayong mga ilaw sa ubod dilim na gabing dinaranas ng ating kapwa at maging mukha sana tayo ng pag-asa sa lahat ng nangangailanganan upang kanila ring masabing “may liwanag pa ang bukas!” Paghihintay NANG MAY Pananabik Cl. Jerome Ypulong, SSP

Taon 35 Blg. 22 Unang Linggo ng Adbiyento (C) — Lila

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Taon 35 Blg. 22 Unang Linggo ng Adbiyento (C) — Lila

Taon 35 Blg. 22 Unang Linggo ng Adbiyento (C) — Lila Nobyembre 28, 2021

Atin na namang sinisimulan a n g b a g o n g t a o n s a

Simbahang Katolika sa ating pagpasok sa panahon ng Adbiento. Ito ang panahon kung kai lan mul i tayong inaanyayahang tumingin sa hinaharap, tumingin nang may pananabik at pag-asa. Oo nga at medyo iba man ang panahong ating nararanasan ngayon; hindi tulad ng mga nakalipas na taong pagdating ng Setyembre, amoy Pasko na nang ganoong kaaga. Subalit, patuloy man nating nararanasan ang pagpapahirap na dala ng pandemiyang magdadalwang taon na, hindi pa rin natin mai-aalis sa ating puso’t isipan ang ating pananabik sa pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesus.

Ang ating unang pagbasa ay mula sa libro ng propetang si Jeremias kung saan ating mababasa ang tapat na pangako ng Panginoon sa bayan ng Israel. Pinapahayag ng unang pagbasa na ang Panginoon mismo ang siyang naghahanda ng daan at paraan upang maisakatuparan ang kanyang ipinangakong kaligtasan.

Sa atin namang ikalawang pagbasa, hinihikayat ni Apostol Pablo ang mga sinaunang Kristayano sa Tessalonica na maging mapagmatyag at matapat sa kanilang pamumuhay bilang mga Kristiyano; na maging alerto sila sa kung anumang maaaring makapaghihiwalay sa kanila sa pagmamahal ng Diyos. Kaakibat nito ang pagdiin ng apostol sa bawat naniniwalang mamuhay sila nang naaayon sa pag-ibig at pag-unawa, buhay na siyang

kalugod-lugod sa Panginoong kanilang sinasamba.

Kung ating babasahin ang ating ebanghelyo, tila naman ito’y pinuno ng mga bagay na nakakatakot dahil ito’y naglalahad ng mga maaaring mangyari sa huling panahon.

Sakali mang mangyari ang mga ito, huwag tayong mawalan ng pag-asa at lakas ng loob sapagkat ang mga senyales na ito ang siyang nagpapahiwatig ng pagsisimula ng panahong hinihintay ng lahat ng mga tapat na Kristiyano: ang muling pagbabalik ng Mesiyas.

Ang ating mga pagbasa sa Linggong ito ay nagpapahayag sa atin ng pag-asa at lakas ng loob. Bagama’t mala-bagyo man ang nagsisidatingang pagsubok, manatili tayong matatag at mamuhay tayong matapat sa Panginoon katulad ng paanyaya ni San Pablo sa mga taga-Tessalonica. Magandang paghahalintulad ang ginawa sa sulat sa mga Hebreo ukol sa pag-asa. Hinahalintulad ng may-akda ang pag-asa sa isang angkla. Ngunit, marahil, mas angkop na simbolo ang layag sapagkat layag ang nagpapatakbo ng barko sa dagat patungo sa kanyang pinatutunguhang daungan. Pag-asa ang nag-uudyok sa atin; kung walang pag-asa, lahat ay titigil maging ang pananampalataya at pag-ibig sa kapwa. Tayong mga Kristiyano ay may tungkulin sa pag-asang ibinigay sa atin. Kung kaya, sa ating pananabik sa pagdating ng Pasko na siyang kapanganakan ng pag-asa ng kaligtasang ipinangako sa Lumang Tipan, nawa’y maging mga tagapaghatid tayo ng pag-asang ating inaasam. Magsilbi nawa tayong mga ilaw sa ubod dilim na gabing dinaranas ng ating kapwa at maging mukha sana tayo ng pag-asa sa lahat ng nangangailanganan upang kanila ring masabing “may liwanag pa ang bukas!”

PaghihintayNANG MAY

Pananabik

Cl. Jerome Ypulong, SSP

Page 2: Taon 35 Blg. 22 Unang Linggo ng Adbiyento (C) — Lila

tutuparin ko ang aking pangako sa Israel at sa Juda. At sa pana-hong iyon, pasi sibulin ko ang matuwid na sanga ni David. Paiiralin niya ang kata rungan at ang katwiran sa buong lupain. Sa mga araw ring iyon, maliligtas ang mga taga-Juda at mapayapang mamumuhay ang mga taga-Jerusalem. At sila’y tatawagin sa pangalang ito: ‘Ang Panginoon ang ating katwiran.’ ”

—Ang Salita ng Diyos.B—Salamat sa Diyos.

Salmong Tugunan (Slm 24)

T—Sa ’yo ako’y tumatawag, Poong D’yos na nagliligtas.

1. Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,/ ituro mo sana sa aba mong lingkod;/ ayon sa matuwid, ako ay turuan,/ ituro mo, Poon, ang katotohanan;/ tagapagligtas ko na inaasahan. (T)

2. Mabuti ang Poon at makata-rungan,/ sa mga salari’y guro at patnubay;/ sa mababang-loob siya yaong gabay,/ at nagtuturo ng kanyang kalooban. (T)

3. Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay/ sa tumatalima sa utos at tipan./ Sa tumatalima, siya’y kaibigan,/ at tagapagturo ng tipan n’yang banal. (T)

Ikalawang Pagbasa (1 Tes 3:12—4:2)

Itinuturo ni San Pablo ang tamang paraan ng paghahanda sa pag dating ng Panginoon: ang mabuhay nang matuwid at may malasakit sa kapwa.

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Tesalonica

MGA KAPATID: Palaguin nawa at pag-alabin ng Panginoon ang inyong pag-ibig sa isa’t isa at sa lahat ng tao, tulad ng pag-ibig namin sa inyo. Kung ito ang mang yayari, palalakasin niya

kaloob ng Diyos. Malugod nawa nating tanggapin ang pagdating ng Panginoon sa bawat yugto ng ating buhay. “Maranatha! Halina, Panginoong Hesus!”

Pagsisisi

P—Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. (Tumahimik)

P—Sinugong Tagapagligtas sa mga nagsisisi; Panginoon, kaawaan mo kami.B—Panginoon, kaawaan mo kami.P—Dumating na Tagapag-anya-yang mga makasalana’y magsisi; Kristo, kaawaan mo kami.B—Kristo, kaawaan mo kami.P—Nakaluklok ka sa kanan ng Diyos Ama para ipamagitan kami: Panginoon, kaawaan mo kami.B—Panginoon, kaawaan mo kami.P—Kaawaan tayo ng makapang-yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.B—Amen.

(Walang Gloria tuwing Adbiyento.)

Pambungad na Panalangin

P—Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming makapangyari-

han, bigyan mo kami ng paninin-digang tumahak sa landas ng kabutihan. Sa pagdating ni Kristo makasalubong nawa kaming may mabubuting gawa upang kapiling niya sa gawing kanan kami ay makapisan sa iyong pinagha ha rian sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B—Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOSUnang Pagbasa (Jer 33:14–16) (Umupo)

Hindi lamang ibabalik ng Mesiyas, matuwid na sanga ni David, ang kaluwalhatian ng angkan ni Haring David kundi isa itong paghahanda sa dakilang Hari ng sanlibutan.

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias

SINABI PA ng Panginoon, “Dumarating na ang araw na

PASIMULAAntipona sa Pagpasok (Slm 25:1–3)(Basahin kung walang pambungad na awit.)

Sa iyo’y nananawagan akong walang alinlangan; ikaw ay maaasahang tagapagligtas na tunay sa aglahi ng kaaway.

Pagbabasbas ng Korona ng Adbiyento (Maaaring gawin ito pagkatapos ng pambungad ng awit.)

P—Panginoong Diyos, pinupuri ka namin dahil sa iyong Anak na si Hesukristo, ang Emmanuel na Tagapagligtas ng sangkatauhan. Siya ang karunungang nagtuturo a t gumagabay s a am in . Panginoong Diyos, mapa saamin nawa ang iyong pagpapala (+) sa pagsisindi namin ng mga kandila sa koronang ito. Maging tanda nawa itong korona’t ilaw ng kaligtasang tinamo ni Kristo para sa amin. Dumating na sana siya nang walang pagkaantala.

Siyang Panginoon naming nabubuhay at naghahari ngayon at magpakailanman.(Wiwisikan ng banal na tubig ng pari o ng ministro ang korona ng Adbiyento at maaari niyang insensuhan ito.)

Pagsisindi ng Kandila(Sisindihan ang unang kandila na ku-lay lila.)

P—Dakilang Ama, sa pag-sisimula ng aming paglalakbay ngayong panahon ng Adbiyento, sinisindihan namin itong kandila ng pag-asa. Pagkalooban mo kami ng sigasig na umasa: umasa sa iyong presensiya, umasa sa iyong kapayapaan, at umasa sa iyong pangako.

Pagbati(Gawin dito ang tanda ng krus.)

P—Sumainyo ang Panginoon.B—At sumainyo rin.

Paunang Salita(Maaaring gamitin ito o kahalintulad na pahayag.)

P—Simula ngayon ng panahon ng Adbiyento. Ngayon din ang simula ng bagong kalendaryo ng liturhiya. “Pag dating” ang kahulu gan ng “Adbi yento.” Panahon ito ng pag ha handa sa Kapaskuhan at sa pag dating ni Kristo sa kata pusan ng panahon. Nawa’y ipagdiwang natin ang dakilang panahong ito bilang

E. C. Marfori

2

3

Po

tas.li lig

wag,

nag

ta

naD'yos

ma

ong

tua ko'y'yoSa

DD A

DG

Em

D

Page 3: Taon 35 Blg. 22 Unang Linggo ng Adbiyento (C) — Lila

nasasakupang mamamayan. Manalangin tayo: (T)

L—Madama nawa ng mga maysakit, mga nawawalan ng pag-asa, at mga naghihikahos du lo t ng pandemya ang pagdamay at paghilom ng Panginoon. Manalangin tayo: (T)

L—Makalakbay nawa kami nang may pagpapakumbaba ngayong bagong taon ng liturhya upang sa aming patuloy na pagtahak dito sa bayang kahapis-hapis, matahak namin ang landasin tungo sa kabanalan at kaganapan ng Paghaha r i ng D iyos . Manalangin tayo: (T)

L—Maging masaya nawa sa piling Mo ang mga kapatid naming namayapa at magkamit nawa sila ng kapatawaran para sa kanilang mga kasanalanan. Manalangin tayo: (T)

P — A m a n a m i n g D i yo s , dinggin mo ang panalangin ng iyong bayan. Puspusin mo ng kagalakan, pag-asa, at pag-ibig ang aming mga puso upang madatnan kaming tunay na suma sam palataya kay Hesukristong Anak mo at aming Panginoon.B—Amen.

PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN

Paghahain ng Alay (Tumayo)

P—Manalangin kayo...B—Tanggapin nawa ng Pangi-noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapaki-nabangan at sa buong Samba-yanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay

P—Ama naming Lumikha, tang-gapin mo ang aming mga alay na ikaw rin ang nagbigay. Mag-dulot nawa ito ng gantimpalang kalig tasan na ngayon pa man ay amin nang pina kikinabangan sa pama ma gi tan ni Hesukristo kasama ng Espi ritu Santo magpa-sawalang hanggan.B—Amen.

Prepasyo Panahon ng Pagdating I

P—Sumainyo ang Panginoon.B—At sumaiyo rin.

idalangin na magkaroon kayo ng lakas upang makaligtas sa lahat ng mangya yaring ito at makaharap sa Anak ng Tao.”

—Ang Mabuting Balita ng Panginoon.B—Pinupuri ka namin, Pangi-noong Hesukristo.

Homiliya (Umupo)

Pagpapahayagng Pananampalataya (Tumayo)

B—Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan

P—Ngayong panahon ng Adbi-yento, dumulog tayo sa ating Ama upang magising tayo sa ating pagwawalang-bahala at maging ganap ang paghahanda natin sa pagdating ng Panginoon. Buong tiwala tayong manalangin:

T—Ama, dinggin mo ang aming panalangin.

L—Gabayan nawa ng mga pinuno ng Simbahan ang buong Sambayanang Kristiyano ngayong Adbiyento upang mas maging makabuluhan ang paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Manalangin tayo: (T)

L—Maging matapat at matuwid nawa ang mga pinuno ng mga bansa sa kanilang tungkuling paglingkuran ang kanilang mga

ang inyong loob. Sa gayun, kayo’y manana tiling banal at walang kapintasan sa harapan ng ating Diyos at Ama hanggang sa muling pagdating ng ating Panginoong Hesus, kasama ang mga hinirang niya.

Isa pang bagay ang ipinapayo namin sa inyo sa pangalan ng Panginoong Hesus. Sana’y lalo pang pagbutihin ninyo ang pamu-muhay ninyo ngayon—pamu-muhay na ayon sa inyong natutu-han sa amin—upang kayo’y maging kalugud-lugod sa Diyos. Batid naman ninyo ang mga aral na ibinigay namin sa inyo buhat sa Panginoong Hesus.—Ang Salita ng Diyos.B—Salamat sa Diyos.

Aleluya (Slm 84:8) (Tumayo)

B—Aleluya! Aleluya! Pag-ibig mo’y ipakita, lingapin kami tuwina, iligtas kami sa dusa! Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Lc 21:25–28, 34–36)

P—Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San LucasB—Papuri sa iyo, Panginoon.

NOONG PANAHONG iyon: Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Magkakaroon ng mga tanda sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masi sindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. Ang mga tao’y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga sakunang darating sa sanlibutan; sapagkat mayayanig at mawawala sa kanilang landas ang mga planeta at iba pang katulad nito na nasa kalawakan. Sa panahong iyon, ang Anak ng Tao’y makikita nilang dumarating na nasa ala paap, may dakilang kapangyarihan at mala king karangalan. Kapag nag simula nang mangyari ang mga bagay na ito, magalak kayo sapag kat mala-pit na ang pagliligtas sa inyo.”

“Mag-ingat kayo na huwag magumon sa katakawan at pag-lalasing at mabuhos ang inyong isip sa mga intindihin sa buhay na ito; baka abutan kayo ng Araw na yaon na hindi handa. Sapagkat darating iyon nang di inaasahan ng tao sa buong daig-dig. Kaya’t maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong

Page 4: Taon 35 Blg. 22 Unang Linggo ng Adbiyento (C) — Lila

pagpapala ngayon at magpasa-walang hanggan.B—Amen.P—Patatagin nawa niya kayo sa pananampalataya, paligayahin sa pag-asa, at pakilusin sa pag-ibig na puspos ng sigla ngayon at magpasawalang hanggan.B—Amen.

P—Kayong nagagalak sa pag-dating ng nagkatawang-taong Manunubos ay puspusin nawa niya ng gantimpalang buhay na di matatapos kapag siya’y dumating nang may kadakilaang lubos magpasawalang hanggan.B—Amen.P—Pagpalain kayo ng makapang-yarihang Diyos, Ama at Anak (†) at Espiritu Santo.B—Amen.

Pangwakas

P—Humayo kayong taglay ang pag-ibig upang ang Diyos ay mahalin at paglingkuran.B—Salamat sa Diyos.

sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Antipona sa Komunyon (Slm 85:12)

Tunay na pauunlarin ng Poon ang buhay natin. Ang hala mang nakatanim sa bukid nati’t lupai’y magbubunga’t aanihin.

Panalangin Pagkapakinabang (Tumayo)

P—Ama naming mapagmahal, mapakinabangan nawa namin ang aming pinagsaluhan upang sa aming paglalakbay dito sa lupang papanaw aming mapa-naligan ang iyong pagpapalang pangmag pakailanman sa pama-magitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B—Amen.

PAGTATAPOS

P—Sumainyo ang Panginoon.B—At sumaiyo rin.

Pagbabasbas

P—Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas. (Tumahimik)

Ang makapangyarihang Diyos, Ama ng Bugtong na Anak na naparito na noon at hini hintay nating bumalik ngayon ay siya nawang magpabanal sa inyo pakundangan sa liwanag ng kanyang pagdating at siya rin nawang pumuspos sa inyo sa

P—Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.B—Itinaas na namin sa Panginoon.P—Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.B—Marapat na siya ay pasala matan.P—Ama naming makapangyari-han, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Siya’y isinugo mo upang matu pad ang iyong magandang balak para sa lahat. Hindi niya ikina hiyang mamuhay nang mahirap upang mapakisamahan niya kaming matapat. Siya’y naging hindi na iba sa amin upang maitampok niya kami sa iyong piling. Sa kan yang lantarang muling pag dating ang pakiki sama niya’y puspusang magni ningning at ang pangako niyang kapana-panabik ay ina-asa han naming lubos na maka-kamit.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:B—Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga Hukbo napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo Osana sa kaitaasan. Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon Osana sa kaitaasan! (Lumuhod)

Pagbubunyi (Tumayo)

B—Sa krus mo at pagkabuhay kami’y natubos mong tunay. Poong Hesus naming mahal, iligtas mo kaming tanan ngayon at magpakailanman.

PAKIKINABANG

Ama Namin

B—Ama namin...P—Hinihiling naming...B—Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu-rihan magpakailanman! Amen.

Pagbati ng Kapayapaan

Paanyaya sa Pakikinabang(Lumuhod)

P—Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.B—Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatulóy

DO YOU WANT TOSUBSCRIBE

TO SAMBUHAY DIGITAL MISSALETTE?

For inquries and orders:

FB: gmail:Tel.:

Sambuhay Missalette [email protected] (02) 8895-9701

All for the Gospel!