4
Kahalagahan at Maiksing Kasaysayan ng Pagkakatatag ng Wikang Filipino Ang Pilipinas bilang isang kapuluan ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo na pinananahanan sa kasalukuyan ng mahigit-kumulang sa 100 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 iba’t ibang wika at dayalekto na umiiral at sinasalita sa buong sa bansa. Walo ang mga pangunahing wikang ginamit sa bansa ito ay ang; Tagalog, Cebuano, Ilokano, Kampampangan, Bicolano, Pangasinense, Hiligaynon, Waray at Maranao. Ipinapakita nito ang napakalawak na baryedad ng kultura gawi at paniniwala para sa isang bansa. Pinaniniwalaang ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng katutubong wika na masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay ng pook at pulo nito. Dahil sa katotohanang ito, ninais at pinangarap ng ating dating pangulong Manuel Luis Quezon ang pagkakaroon ng isang wika na sisimbulo sa parangap at pagpupunyagi ng mga Pilipino sa kanyang mithiin at saloobin. Ayon sa kanyang talumpati; "Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika. Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan--ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat. Nauunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging

Tatag Ng Wika Lakas Ng Pagkapilipino

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tatag Ng Wika Lakas Ng Pagkapilipino

Kahalagahan at Maiksing Kasaysayan ng Pagkakatatag ng Wikang Filipino

Ang Pilipinas bilang isang kapuluan ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo na pinananahanan sa kasalukuyan ng mahigit-kumulang sa 100 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 iba’t ibang wika at dayalekto na umiiral at sinasalita sa buong sa bansa. Walo ang mga pangunahing wikang ginamit sa bansa ito ay ang; Tagalog, Cebuano, Ilokano, Kampampangan, Bicolano, Pangasinense, Hiligaynon, Waray at Maranao. Ipinapakita nito ang napakalawak na baryedad ng kultura gawi at paniniwala para sa isang bansa. Pinaniniwalaang ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng katutubong wika na masasalita at mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay ng pook at pulo nito.

Dahil sa katotohanang ito, ninais at pinangarap ng ating dating pangulong Manuel Luis Quezon ang pagkakaroon ng isang wika na sisimbulo sa parangap at pagpupunyagi ng mga Pilipino sa kanyang mithiin at saloobin. Ayon sa kanyang talumpati; "Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika. Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan--ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat. Nauunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa bayang Pilipinas at sa mga Pilipino. Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba? Dumating na ang panahon upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa.

Page 2: Tatag Ng Wika Lakas Ng Pagkapilipino

Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa iba't-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin. Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit ng lahat."

Kaya’t noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama sa ating Saligang Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935.

"Ang Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga

hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang

wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika.

Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles

at Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal."

Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, na binuo ng mga kinatawang nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian, na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino. Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay pangunahing ibabatay sa wikang Tagalog at sa lahat ng umiiral na wika sa ating bansa upang mapaunlad ito. Kaya’t

Page 3: Tatag Ng Wika Lakas Ng Pagkapilipino

tunay ngang marapat na parangal ang pangulong Manuel Quezon bilang “Ama ng Wikang Pambansa”

Ang wika sa paggamit nito sa ating pang-araw-araw na buhay sa lipunan ang magpapanatili sa katatagan nito,pagkat ang wikang hindi ginagamit ng mga mamayan ay nanganganib na maging isang patay na wika na aalulong na lamang sa kawalan. Ang bayan at ang wika ay hindi mapaghihiwalay, sapagkat ang kamalayan at kalinangan ng bayan ay nasasalamin ng wika. Ito ‘y bigkis na nag-uugnay sa mithiin ,kaisipan damdamin at saloobin ng isang bansa tungo sa katatagan ng bansa.

Ang Buwan ng Wika na ating ipinagdiriwang ay nagpapatunay sa kahalagahan ng wikang Filipino bilang sagisag ng pambansang pagkaka-isa at pagkakakilanlan.

Sa bawat taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain upang ipakita ng pagpapahalaga sa wikang Filipino bilang “lingua franca “ ng bansa na ginamit sa lahat ng antas ng lipunan.

Tulad ng paniniwala ni Rizal na ang wikang Filipino tulad ng sa Latin ay kapantay din ng wika ng mga anghel sapagkat walang wika ang mas mataas sa iba pang wika.Ang intelektuwalisasyon at pagpapaunlad ng wika ay patuloy na makakamit kung ang ating wika ng Filipino ay gagamitin sa lahat ng larangan maging sa mga akademya ,sa pamahalaan at sa mga ganitong uri ng pagligsahan. Ang lantad na kagalingan ng wika ay mapapalabas at malilinang sa patuloy na pagdiriwang ng pagligsahang tulad nito.

Ang pagbubuhos ng isip,lakas at mga kakayahan ninyong mga mag-aaral upang maisakatuparan at mapasinayaan ang buwan ng wika sa ating paaralan ay nagpapahayag ng masidhing pagmamahal sa kultura ng ating bansa.

Hanggang dito na lang po… Mabuhay ang wikang Filipino..

Isang maganda at mapagpalang hapon sa ating lahat!