Upload
trantruc
View
394
Download
109
Embed Size (px)
Citation preview
Tayo na sa Sineskwela,
Tuklasin natin ang Pelikula:
Mga Tala sa Ugnayan ng Pelikula at Edukasyon
Rowell D. Madula, Ph.D. Departamento ng Filipino
Pamantasang De La Salle-Maynila
Pambansang Seminar 2017
Sipat-Suri, Literasi at
Kompetensi
Ang Midya at Wikang Filipino sa Pagtuturo at
Pagkatuto Mula Elementarya Hanggang Kolehiyo
Willam Shaw Little Theater, DLSU, Maynila
2-5 Mayo 2017
Kulturang Popular
•Preconstituted
•Preconditioned
Kulturang Popular
•Preconstituted
•Preconditioned
TRANSPORMATIBONG EDUKASYON
Sining ng Sineng Filipino
• Unawain ang tema at kuwento ng pelikula hindi
lamang sa literal na antas. Mahalagang isipin na ang
tema at kuwento ay gumagalaw sa iba’t ibang antas at
maaaring sumasagisag ng mga kahulugang iniigpawan
ang literal na larangan.
• Iugnay ang tema at kuwento sa paraan kung paano ito
isinasaanyo ng natatanging sining ng sine. Sipatin
halimbawa kung paano nabubuo ang anyo sa antas ng
teknolohiya at estilo kung paano nakapagpapahiwatig
ito sa antas ng signipikasyon, o paggawa ng kahulugan.
Sining ng Sineng Filipino
• Tukuyin ang suliranin o argumento ng sine at
intindihin kung paano ito itinatanghal. Suriin din kung
paano nangangatwiran ang sine at naghahain ng
pananaw at mga kahulugan sa buhay. Maging sensitibo
sa mga likaw ng naratibo at sa pagsapit sa resolusyon.
• Ilugar ang sine sa mga konteksto nito sa sistema at
kasaysayan ng sining at sa kalakaran ng industriya at
lipunan.
• Ilahad ang mga pamantayan ng kritisismo at ang mga
lenteng ginagamit sa pagsipat sa sine.
Sining ng Sineng Filipino
• Hamunin ang diskurso ng sine sa pamamagitan ng
pagsalungat dito. Ipaliwanag kung saan nagkulang ang
sine at patingkarin ang kakayahan at talino nito.
• Magmungkahi ng ilang posibilidad para sa sine, sa mga
alternatibong hangarin para rito, at gawing mas
masigasig at masining ang pagsulat ng kritisismo ng
sining ng sine. Alalahanin na ang pagsulat ng kritisismo
ay isang malikhaing proyekto na naglalayong gawong
ganap ang imahinasyon ng sine. Ito ay hindi simpleng
paghahanap lamang ng mali at pagpuna sa ngalan ng
pagpuna
• Denotasyon:
mabalahibong
hayop, apat ang paa,
tumatahol
• Konotasyon: matalik
na kaibigan,
nangangagat, bantay
sa bahay
Pormasyon ng Kultural na Identidad
Ilang Kultural na Kategorya
•U r i
•K a s a r i a n
•S e k s w a l i d a d
•L a h i
•E t n i s i d a d
•H e n e r a s y o n
•R e l i h i y o n
Espasyo at Etnograpiya
Ang diskursong espasyo ay nakaukol sa pagmapa ng
heograpiya ng textong media at ng media na
nagpalaganap nito.
Ang heograpiya ay tumutukoy hindi lamang sa pisikal
na landscape ng media kundi ng pagkilos din ng mga
tao, produkto, at kapital.
Kasama rin dito ang pagturing sa katawan bilang
espasyo Rolando Tolentino
SineGabay
Mga Munting Tinig
Erya ng Pagkatuto: bata at kabataan, edukasyon,
Edukasyong Pagpapahalaga
Manunuod: Elementarya, GP
Pokus sa Pelikula: ISTORYA Pangunahing kalakasan ng
pelikulang ito ang paglalahad kung paano ang mga
pagpapahalaga ay nananatili sa puso ng mga tao na
naniniwala sa pagbabago sa kabila ng mga hamon ng
buhay
Layunin:
Malaman kung gaano kahalaga ang edukasyon sa
pagbabagong panlipunan.
Mapahalagahan ang simpleng pamumuhay sa probinsya.
SineGabay
Anak
Erya ng Pagkatuto: bata at kabataan, pamilya, globalisasyon,
OFWs, kababaihan
Manunuod: Hayskul, PG13
Pokus sa Pelikula: TAUHAN Pangunahing kalakasan ng pelikulang
ito ang paraan ng pagbuo ng karakter ni Josie habang pinapanatili
niyang buo ang kanyang pamilya sa harap ng mga hamong hatid ng
kanyang pagtratrabaho sa ibang bansa
Layunin:
Malaman kung paano hinaharap ng mga pamilyang Pilipino ang mga
problemang dulot ng migrasyon
Maging malay kung paano pinalalaki ng mag-isa ng isang ina ang
kanyang mga anak
Maunawaan ang mga problemang kinakaharap ng mga anak ng mga
OFWs
SineGabay
Maynila sa mga Kuko ng Liwanag
Erya ng Pagkatuto: panitikan, labor/unemployment, Maynila, lipunan
Manunuod: Kolehiyo, R13
Pokus sa Pelikula: DIREKSYON: Pangunahing kalakasan ng
pelikulang ito ang pagpapakita ng realidad ng lipunan sa
pamamagitan ng paglalahad ng kwento ng pag-ibig at pakikibaka ng
mga tauhan sa lungsod ng Maynila
Layunin:
Maikumpara ang nobela sa pelikula.
Makita kung paano iprinesenta ang Maynila bilang isang espasyo ng
tunggalian at kung paano nagkakaiba ang pamumuhay sa Maynila at
sa probinsya.
Maunawaan ang uri ng lipunan mayroon sa panahon na nilikha ang
pelikula.
Film Literacy
Pelikula Bilang Ideolohikal na Aparato
Nation-Building Project Use of Censorship/Film
Marcos dictatorship and modernization; image film as state apparatus
“true, good, and beautiful”
Aquino moral/economic recovery; nothing on
culture values education, film as moral
pedagogy
Ramos/Estrada/Arroyo global competitiveness film as export commodity
SANGGUNIAN
Baquiran, Joey. “Ang Larawan ng Kabataan sa Kontemporaryong Pelikulang Pilipino.” Sampung Taong Sine, Philippoine
Cinema 1990-1999. Manila: NCCA c1990. Print.
Cruz, Isagani. “Kritika Bilang Sining, Sining Bilang Kritika.” Bukod na Bukod, Mga Piling Sanaysay. Bayot, David Jonatahan
(pat.). Quezon City: UP c2003. Print.
Datuin, Flaudette May. “Ang Sine Bilang Wika at Sistema ng Pakahulugan: Ang Semyotika ng Sistema.” Sining ng Sineng
Filipino, Young Critics Circle. Quezon City: UP-SWF Diliman c2009. Print.
De Ocampo, Nick. “Sine Gabay: A Film Study Guide.” Pasig City: Anvil Publishing c2008. Print.
Dormiendo, Justino. “Seks sa Pelikulang Pilipino.” The URIAN Anthology, 1970-1979. Manila: Manuel L. Morato c1983. Print.
Flores, Patrick. “Ilang Tala sa Pagsuri ng Sine.” Sining ng Sineng Filipino, Young Critics Circle. Quezon City: UP-SWF Diliman
c2009. Print.
Tolentino, Rolando. “Paano Magbasa ng Textong Media at Lipunan?” Media at Lipunan. Quezon City: UP Press, c.2014. Print.
---. Sa Loob at Labas ng Mall kong Sawi/ Kaliluha’y Siyang Nangyayaring Hari. Quezon City: UP Press c2001. Print.
---. Contestable Nation-Space and the Transnationalism in the Marcois-Brocka Philippines. Quezon City: UP Press c.2014.
Print.
---. “Media at Relihiyon.” Media at Lipunan. Quezon City: UP Press, c.2014. Print.