79
URI NG TEKSTO

Teksto Power Point

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Teksto Power Point

URI NG TEKSTO

Page 2: Teksto Power Point

DALAWANG KLASIPIKASYON NG

TEKSTO

1.Tuluyan 2. Di-Tuluyan

Page 3: Teksto Power Point

Tuluyan

Page 4: Teksto Power Point

tuluyan o prosa (Ingles: prose)

-maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap.- Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag

Page 5: Teksto Power Point

TEKSTONG TULUYAN:

1.TEKSTONG DESKRIPSYON/ DESKRIPTIV- ito ay tekstong naglalarawan- nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, bagay, lugal- tumutugon sa tanong na ano

Page 6: Teksto Power Point

URI NG TEKSTONG DESKRIPTIV

1.DESKRIPTIV IMPRESYUNISTIK

-nagpapakita lamang ng pansariling pananaw ng sumulat

-opinyon at personal na pakiramdam ng

sumulat

Page 7: Teksto Power Point

Halimbawa ng DESKRIPTIV IMPRESYUNISTIK Nakahahalinang pagmasdan ang

napakagandang nakakalat sa bughaw na katubigan ng Pasifiko. Ang mga islang ito na wari’y isinabog ng Diyos na may kasamang mamahaling hiyas ay makatawag-pansin at lubhang mapang-akit sa pihikang mata ng mga dayuhan. Ang mga lupain nito ay mayaman samantalang ang katubigan ay nagsisilbing magandang hardin na lalong nagpapaningning sa nakawiwili nitong ayos sa karagatang Pasifiko.

Page 8: Teksto Power Point

2. DESKRIPTIV TEKNIKAL-nagpapakita ng obhetibong pananaw sa tulong ng mga tiyak na dato, mga ilustrasyon at dayagram

Page 9: Teksto Power Point

DESKRIPTIV TEKNIKALHALIMBAWA: Mga karamdaman o sakit ng laganap sa Timog-

Silangang Asya ayon sa sanhi o pinagbuhatan ng mga sakit na ito.

Sanhi ng Kontaminadong Pagkain at Tubig

Sanhi ng Kagat ng Insekto o Hayop

Sanhi ng Tao(Person to Person

Contact)

HepatitisKoleratipos

MalaraDengue fever

HIV/AIDSVenerialgonorrheal

Page 10: Teksto Power Point

B. TEKSTONG NARESYON- ito ay tekstong nagsasalaysay-nagpapakita ng mga impormasyong tumutugon sa tanong na kung paano at kailan nangyari

Page 11: Teksto Power Point

URI NG TEKSTONG NARESYON

1. NARATIV – kung ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos at galaw sa mga tiyak na panahon

Page 12: Teksto Power Point

Uri ng Tekstong NARATIV May mga gabing buhat sa mababaw na

pagkakataon ay biglang napapabangon si Aling Pura, at mabanayad ang paglakad na waring nangangambang makalikha ng kalatis ay tutunguhin ang silid ng kanyang anak, at kakapain ang switch ng ilaw. Sa sandaling magliwang at matagpuan na walang laman ang hihigan ay kukusutin ang mga mata na tila di makapaniwala at mapabuntung-hininga.

Page 13: Teksto Power Point

2. ULAT – kung ito ay naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na maaaring maverify ng ibang tao

Page 14: Teksto Power Point

Halimbawa ng Ulat

Ulat tungkol sa Kaunlaran ng Proyekto:Ang proyekto ay hindi pa ganap maliban kung iyon ay nasubaybayan.

Ang pagsusubaybay ay dapat na nakatala at naipabatid. Ang pagbabatid ay mismong isang ulat.

Ang ulat tungkol sa kaunlaran ng proyekto ay isang tala at pahatid ng kinalabsan ng mga aktibidad ng proyekto; kung sa gaanong kalawakan nakamit ang layunin; anong mga dahilan; tasasiyon ng kung ano ang mga sanhi; at mga mungkahi.

Ang ulat tungkol sa kaunlaran ay isang mahalagang bahagi ng anumang proyekto.

Page 15: Teksto Power Point

Halimbawa ng UlatUlat ng Mangagawa sa Larangan tungkol sa Karaniwang Gawain:

Page 16: Teksto Power Point

3. BALITA – kung kinukumbinsi nito ang mambabasa na makabuo ng pansariling opinyon batay sa mga katotohanan at pangyayari na hindi nababahiran ng impluwensya ng sumulat

Page 17: Teksto Power Point

Halimbawa ng Balita

Rustom Padilla – BB Gandanghari na ang bagong pangalan

Maraming nakisimpatiya kay Rustom Padilla noong aminin na niya sa publiko ang tunay niyang kasarian. Naunawaan ng mas nakararami ang kaniyang katwiran na napakahirap magpanggap. Napakahirap kumilos-lalaki, samantalang pusong-babae naman ang mas nagmamando sa buo niyang pagkatao.

Page 18: Teksto Power Point

Halimbawa ng Balita

Mula sa pamilya ng mga barako si Rustom. Action star si Robin Padilla, kilalang babaero at nakikipagbarilan sa mga pelikula nito.

Aktor/pulitiko naman si Rommel Padilla, isang action star din na nakikipag-upakan sa mga goons, at si Royette hindi man masyadong nag-aartista ay lagi namang nagiging laman ng mga pahayagan sa mga basag-ulong kinasasangkutan nito.

Ganoon kabrusko ang mga kapatid ni Rustom pero mula pala sa bruskong pamilya ay mayroong isang rosas, ang matagal na kumimkim ng tunay niyang kasarian na si Rustom.

Tinanggap ‘yun ng publiko noon. Inunawa ng ating mga kababayan ang kaniyang sitwasyon – pinagpistahan ang kaniyang istorya hanggang sa maging ordinaryong isyu na lang ang kaniyang pag-amin.

Page 19: Teksto Power Point

C. TEKSTONG EXPOSISYON-uri ng teksto/pagsulat na nagpapaliwanag. maaaring paliwanag ito ng kahit anong bagay, ng konsepto, ng kahulugan ng isang salita, ng isang problema o ng isang proseso, (ito ang uri ng pagsulat na nakikita mo kapag nagbabasa ka ng diksyunaryo, ensayklopedia, magasin)

Page 20: Teksto Power Point

MGA URI NG TEKSTONG EXPOSISYON

1.EKSPOSITORI – kung ito ay naglalahad ng mga payak na pagpapaliwanag ng mga konsepto, batay sa kanyang pansariling iniisip o pananaw (abstract to concrete)

Page 21: Teksto Power Point

Halimbawa ng EKSPOSITORI

Ano ang Pag-big? Ito ay isang makapangyarihang emosyon na kahit sinuman ay hindi kayang pigilan. Mapipigilin ba ang baha hindi ang pag-ibig na kusa.

Page 22: Teksto Power Point

2. DEFINISYON- kung ito ay nagpapaliwanag ng mga umiiral na kaugnayan ng mga termino o katawagan sa mga konsep. Nililinaw ang mga konsep sa pamamagitan ng pagbibigay-kahulugan sa mga termino ( concrete to abstract)

Page 23: Teksto Power Point

Halimbawa ng DEFINISYON

Ang tekstong Prosijural ay isang uri ng teksto kung saan ito ay nagpapaliwanag kung paano ang paggawa ng isang bagay. Ang mga hakbang o pamamaraan (procedure) ay maayos ang pagkakasunud-sunod, mas madaling masusundan ng mga gawain nito hanggang sa matapos ang isang gawain o projek.

Page 24: Teksto Power Point

3. EKSPLenESYON- kung ito ay isang masusing pagpapaliwanag kung paano ang nasa isipan ng tao ay iniuugnay sa isang tiyak na termino

Page 25: Teksto Power Point

HALIMBAWA NG EKSPLenESYON

Sa inyong sariling pananaw, ano ang dapat gawin ng pamahalaan, maging ng mga mamamayan upang mapigil ang paglaganap ng krimen sa bansa?

Page 26: Teksto Power Point

4. LAGOM-kung ito ay nagpapaliwanag sa isang orihinal na teksto sa pinakamaikling paraan

Page 27: Teksto Power Point

Halimbawa ng LAGOM

Nakasisira nga ba ng pag-aaral ang pagkakaibigan? Iyan ang tanong na nais masagot ng pag-aaral na ito. Ang pagkakaibigan ay isang napakahalagang bagay sa ating buhay. Sila ang mga taong laging nandiyan sa tabi ninyo kapag kayo ay may problema.Ito ay hindi nabibili ng pera at nakukuha lang ito sa pakikisama.

Page 28: Teksto Power Point

Walang bagay na makakapalit sa isang samahan o pagkakaibigan. Ngunit minsan ang pagkakaibigan ay nakasisira din sa ating pag-aaral sapagkat hindi sa lahat ng oras ay karapat dapat na unahin ang pagkakaibigan. Dumarating ang pagkakataon na  kailangan nating mas bigyang halaga ang iba pang bagay sa ating buhay.

Page 29: Teksto Power Point

5. MINITS- kung ito ay naglalahad ng mga opisyal na tala ng mga pinag-uusapan

Page 30: Teksto Power Point

Halimbawa ng MINITSFILIPINO AREA MEETING

April 10, 2008

Chemistry Laboratory

 

Mga Nagsidalo:

Gng. Figues Bb. Ermitanio

Gng. Cantones G. Baylosis

Gng. Ramozo G. Selerio

 

Oras ng simula: 1:20 nh

Oras ng pagtatapos: 4:10 nh

 

Page 31: Teksto Power Point

Pambungad na Panalangin: G. Selerio

Panapos na Panalangin: G. Selerio

 

Mga Pinag-uusapan:

Part I

Area Evaluation and Planning

Review the areas, goal and objectives

Discipline of Students

Faculty Development

1.Ang tagapamuno na si Gng. Figues ay naglahad tungkol sa objectives and goals ng paaralan at nagkaroon ng pagpapalitan ng kuro ang mga guro. Sinang-ayunan ng lahat na makikita ang mga ito sa leksyon at napapaloob sa lahat ng antas.

2. Pinag-uusapan din ang pagbibigay ng proyekto sa mga estudyante.

Page 32: Teksto Power Point

6. INTERPRETASYONG TEKSTWAL- kung ito ay nagpapaliwanag ng isang abstrak na konsep na nakapaloob sa isang partikular na teksto

Page 33: Teksto Power Point

Halimbawa ng INTERPRETASYONG TEKSTWAL

Ipaliwanag ang mensaheng nakapaloob sa sumusunod na mga kaisipan.

“Habang tayo’y humahakbang, habang ang ating mga paa’y kumikilos, ang bawat isa sa atin ay tumutupad ng tungkulin at sa gayo’y nagiging tagumpay.

Page 34: Teksto Power Point

7. PROSEJURAL- kung ito ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa ang isang bagay

Page 35: Teksto Power Point

PAMAMARAAN SA PAGSASAGAWA NG SARDINAS

METHOD #1 Using Bangus (Milkfish) – Filipino

Materyales:bangus – 100 gramo lakisarsa ng kamatis – 4 na kutsaralangis na panluto – 2 kutsaraasin – 1/2 kutsaritabetsin – 1/3 kutsaritasiling malaki – 2 hiwa

Page 36: Teksto Power Point

PAMAMARAAN SA PAGSASAGAWA NG SARDINAS

Paraan ng Paggawa:

1.Kaliskisan ang isda, alisan ng lamang-loob, hasang at mga palikpik at buntot.

2.Hiwahiwain ang isda ayon sa laki ng lata. Alisan ng maitim na balot ang loob ng tiyan. Hugasan at patuluin.

3. Ayusin sa lata.

4. Pasingawan ang lata nang 20 minuto para maalis ang tubig sa isda.

5. Alisin ang tubig sa loob ng lata. Ilagay ang mainit na kamatis at lahat ng sangkap

Page 37: Teksto Power Point

PAMAMARAAN SA PAGSASAGAWA NG SARDINAS

6. Sarahan ang lata, isalang sa init sa 240′F nang isa’t kalahating oras.

7. Upang hindi lumabis ang luto, ilagay agad ang lata pagkaluto sa umaagos na tubig.

8. Punasan ang pinalamig na lata.

9. Ang mga inalis na bahagi ng isda ay magagamit sa paggawa ng pinulbos na isda, concentrate o fish curls.

Page 38: Teksto Power Point

D. TEKSTONG ARGUMENTASYON-tekstong nagpapakita ng mga proposisyon sa umiiral na kaugnayan sa pagitan ng mga konsep o iba pang proposisyon. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit

Page 39: Teksto Power Point

MGA URI NG TEKSTONG ARGUMENTASYON

1. PERSWEYSIV- kung ito ay naglalahad ng mga konsep upang makahikayat o makakumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. Pokus nito ang paniniwala o posisyon ng may-akda sa isang mahalagang bagay, isyu o katanungan.

Page 40: Teksto Power Point

Halimbawa ng PERSWEYSIV Lipos ng kagandahan ang ating daigdig. Mga

kagandahang sa ating buhay ay pinaoangarap marating at madama (mamasid, malanghap, mahipo, maulinig), nang ating mabatid at maunawaan ang ikinukubli nitong misteryo. Lamang kailangang personal natin itong danasain bago tiyak at lubos nating masabi sa sarili na ang mga ito’y sadya, totoo at tunay na dapat lamang puntahan at makamatan ng ating diwa at puso.

Page 41: Teksto Power Point

Sapagkat papaano natin mapanghawakan ang sabi-sabi na “Ang Banawe ay kagulat-gulat sa taas at lawak” Kung minsan sa tamang buhay ang pagkamangha’y di pa naidadamulat?Papaano natin masasabing “Ang Bulkang Mayon ay kabigha-bighani” kung ang larawan lamang ay hindi sa tanawing aktwal natin ito maitatanggi?.

Page 42: Teksto Power Point

3 PARAAN NG PERSWEYSIV

1. APELANG ETIKAL – ipinalam ng may-akda na dapat siyang pagkatiwalaan ng mga mambabasa dahil sapat ang kanyang kaalaman sa isyu. Gumagamit siya ng mga sangguniang awtoritativ o ng mga ideya ng mga eksperto

Page 43: Teksto Power Point

Halimbawa ng APELANG ETIKAL

Page 44: Teksto Power Point

Halimbawa ng APELANG ETIKALANGELITO BANAYO(http://atbanayo.blogspot.com)

Bakit si NoyNoy?

MONDAY, MAY 3, 2010

Ito ang huling pitak ko para sa pahayagang Abante bago mag-halalan sa parating na Lunes, ika-sampu ng Mayo. Sa mga pitak ko nitong nakaraang mga buwan, malinaw na kontra ako na maging pangulo si Manny Villar. Ito’y hindi dahil sa anumang personal na dahilan, gaya ng sinusumbat ng iba, tulad ng: (1) hindi raw kasi ako kinuha ni Villar; (2) dala ko lang raw ang alitan ni Ping Lacson na aking kaibigan kay Manny Villar at mga kasamahan nitong tulad ni Alan Cayetano.

Page 45: Teksto Power Point

2. APELANG EMOSYONAL – kinakatok ng mambabasa ang damdamin ng mambabasa. Gumagamit siya ng mga salita, parirala at pangungusap na nakaantig sa damdamin

Page 46: Teksto Power Point

Halimbawa ng APELANG EMOSYONAL

Page 47: Teksto Power Point

Halimbawa ng APELANG EMOSYONAL

Nakabibilib si Noynoy, pero hindi pa panahon para tumakbo siyang presidente

Written by Joey Venancio   

Sunday, 30 August 2009 00:06

Hindi sa iginigiit ko si Senador Manny Villar na iboto ng karamihan sa mga Filipino. Pero sa tingin ko ay siya ang mas may higit na kakayahan at karanasan sa mga presidentiables para maging lider ng mahigit 90 milyon Filipino.

Page 48: Teksto Power Point

Halimbawa ng APELANG EMOSYONAL

Dahil si Villar, na dating nakatira sa masikip na lugar ng Moriones, Tondo, ay napatunayan na niya sa kanyang sarili ang magpalaki ng negosyo.  Pang-siyam siya ngayon sa pinakamayamang tao sa buong Pilipinas na mayroong tinatayang P25 bilion assets. Siya ang pinakamayaman sa mga Senador.

Napatunayan na rin niya sa kanyang sarili ang mamuno sa kongreso nang maging House Speaker siya noong siya’y kongresman. At napatunayan niya na rin ito sa Senado nang maging Senate President siya, bago siya pagkaisahan ng administration Senators nang pumutok ang balitang tatakbo siya sa pampanguluhan sa 2010.

Page 49: Teksto Power Point

3. APELANG LOHIKAL- gumagamit ang may akda ng argumento. Ang argumento ay binubuo ng batayan (premise) at ng kongklusyon.Ang batayan ay resulta ng obserbasyon. Ang kongklusyon naman ay nagmumula sa obserbasyon.HAL. BATAYAN – Bumagsak na naman sa test si Senening. KONGKLUSYON – Dapat siyang mag-aral nang mabuti.

Page 50: Teksto Power Point

ANGELITO BANAYO(http://atbanayo.blogspot.com)

Bakit si NoyNoy?

MONDAY, MAY 3, 2010

Ito ang huling pitak ko para sa pahayagang Abante bago mag-halalan sa parating na Lunes, ika-sampu ng Mayo. Sa mga pitak ko nitong nakaraang mga buwan, malinaw na kontra ako na maging pangulo si Manny Villar. Ito’y hindi dahil sa anumang personal na dahilan, gaya ng sinusumbat ng iba, tulad ng: (1) hindi raw kasi ako kinuha ni Villar; (2) dala ko lang raw ang alitan ni Ping Lacson na aking kaibigan kay Manny Villar at mga kasamahan nitong tulad ni Alan Cayetano.

Page 51: Teksto Power Point

Sa totoo lang, inalok ako noon pang 2008 ng kaibigan kong si Rep. Ronny Zamora ng San Juan na sumama na at tumulong kay Villar, sa pagnanais nitong maging pangulo ng Pilipinas. Tumanggi ako, una, dahil tumatakbo pa noon sa pagka-pangulo si Lacson; at pangalawa, dahil hindi ako kailanman “bumilib” kay Villar. Maging noong siya’y Speaker, at lalo na nung minadali niyang ipa-impeach si Pangulong Estrada. Kapag ipinagtahi-tahi ko ang aking mga nalalaman noong ako’y Presidential Adviser on Political Affairs ni Erap, hanggang sa naging consultant ni Lacson, at bilang manunulat at taga-masid ng mga pangyayari sa ating bansa, sadyang wala akong nakitang ano mang galing o katangi-tanging ugali itong si Villar, liban na lang sa simpatiya na diumano’y nanggaling siya sa hirap, at umasenso dala ng “sipag at tiyaga”. Nang mapag-alaman ko batay sa malinaw na mga ebidensya na inabuso niya ang kapangyarihan upang lalong magpayaman, na malimit kong isulat sa pitak na ito, lalong namuo sa aking isipan at damdamin na hindi dapat maging pangulo si Villar.

Page 52: Teksto Power Point

2. PUNA- kung ito ay nag-uugnay ng mga pangyayari, bagay, at mga ideya sa pansariling pag-iisip, paniniwala, tradisyon at pagpapahalaga

Page 53: Teksto Power Point

3. SAYANTIFIK- kung ito ay nag-uugnay sa mga konsep sa isang tiyak na sistema ng karunungan at pag-iisip upang ang kinalabasang proposisyon ay ma-verify.

Page 54: Teksto Power Point

MGA TEKSTONG DI-TULUYAN

2URI NG TEKSTONG DI-TULUYAN

A. BATAY SA FORMAT B. BATAY SA ISTRUKTURA

Page 55: Teksto Power Point

URI NG TEKSTONG

DI-TULUYAN

BATAY SA FORMAT

Page 56: Teksto Power Point

1.FORM- - May tiyak na format kung saan pinasasagot ang mga mambabasa ayon sa mga tiyak na katanungan.

-Ginagamit ito upang makalikom ng mga kinakailangang dato hal.taxforms,application form,

questionnaire

Page 57: Teksto Power Point

Halimbawa ng QuestionnairePangalan__________________________________Taon at seksyon___________________

Ito ay isang pagsusuri sa tipo ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino I. Pakilagyan po ng tsek ( √ ) ang patlang na tumutugon sa inyong mga kasagutan. Nawa’y matapat ninyong sagutin ang mga sumusunod.

PROSESO NG PAGTUTURO

1. Gumagamit ang guro ng iba’t ibang estilo/pamamaraan ng pagtuturo ng wika at panitikan.

____Oo _____Hindi ____Minsan

 

2. Nagustuhan ko ang pamamaraan ng pagtuturo sa Filipino.

____Oo _____Hindi ____Minsan

 

3. Nakapokus sa mga mag-aaral ang mga gawain.

____Oo _____Hindi ____Minsan

 

Page 58: Teksto Power Point
Page 59: Teksto Power Point

2. INFORMATION SHEET – nagtataglay ng mga tiyak na impormasyon na nakaayos sa tiyak na format at istruktura mula sa mga impormasyong ito ang mga mambabasa ay makapipili ng higit pang tiyak na impormasyon. Hal. katalogo, timetable, listahan ng presyo at programa

Page 60: Teksto Power Point

3. VOUCHER – isang dokumentong nagpapatunay na ang nagmamay-ari nito ay may karapatan sa isang tiyak na pagserbisyo.

hal.resibo at tiket

Page 61: Teksto Power Point

4. CERTIFICATE – isang nasusulat na pagkilala sa kabisaan ng isang kasunduan, kinakailangan dito lagda ng isang taong may katungkulan at makapagpapa-tunay sa katotohanan ng isinasaad ng dokumento. hal. diploma, sertipiko ng pagdalo, sertifiko ng paaralan, kontrata

Page 62: Teksto Power Point

5. CALL AT ADVERTISEMENT – may layuning makatawag pansin upang maisagawa ang isang bagay tulad ng pagbili, pagdalo sa pagtitipon, paghahalal. layunin nitong hikayatin ang mga mambabasa. nag-aalok ito ng isang bagay at umaasang makuha ng atensyon at positibong aksyon. Hal. imbitasyon, anunsyon, paalala, summons at notis

Page 63: Teksto Power Point

6. CHART AT GRAP – kumakatawan sa mga tiyak na dato. Ginagamit ang mga ito upang maisagawa ang argumentasyong sayantifik. Instrumento rin ito upang maipakita ang mga nakata-lahanay na impormasyon.

Page 64: Teksto Power Point

+ 0

Analytical Global Integrated

INTERPRETASYON

Page 65: Teksto Power Point

+ 0___ Maliwanag ___ Hindi gaanong

maliwanag

___ depende o kahit na ano

___ tahimik ___may musika ___ depende o kahit na ano

___ pormal, maayos at malinis

na paligid

___ impormal, hindi maayos

na paligid

___ depende o kahit na ano

___ tatapusin muna ang

trabaho bago kumain

___ kumakain habang

nagtatrabaho

___ depende o kahit na ano

___ Isa-isa lamang, tatapusin

muna ang isang gawain

bago ang iba

___ Isinasagawa nang

sabay ang iilang

trabaho at nagpapa

hinga sa pagitan

___ depende o kahit na ano

Page 66: Teksto Power Point

ANG MGA NET GENERSANG MGA NET GENERS•Ipinanganak nang ipinakilala ang PC• Nagsimulang gumamit ng kompyuter sa murang edad 94%

Web para sa pananaliksik

78%

malaki ang

tulong ng

Internet sa

pag-aaral

Internet kaysa sa telepono

56%

20%Nagsimula sa edad na

5 at 8

Page 67: Teksto Power Point

Halimbawa ng Pie graph

Page 68: Teksto Power Point

7. DAYAGRAM –kalimitang sinasamahan ng deskripsyong teknikal

Page 69: Teksto Power Point

KPWKPW

PBNPBN

Mga TekstongMga TekstongLiterariLiterari

PGRPGR

Kapaki-pakinabang na Literasi para sa Lahat

KakayahangKakayahangKomu-Komu-nikatibonikatibo

Kahusayan at Kahusayan at Pagpapahala-Pagpapahala-

gang gang LiterariLiterari

Mga Teorya saMga Teorya saPagkatutoPagkatutong Wikang Wika

Mga Teorya saMga Teorya saPagsusuring LiterariPagsusuring Literari

Batayang Konseptwal ng Filipino

PagpapahalagaPagpapahalaga

Mga Teorya sa Mga Teorya sa Paggamit ng Wika Paggamit ng Wika

Page 70: Teksto Power Point

MGA URI NG TEKSTONG

DI- TULUYAN

BATAY SA ISTRUKTURA

Page 71: Teksto Power Point

1. SIMPLE LIST - kung ito ay naglalaman ng

isang koleksyon tulad halimbawa ng talaan ng mga aklat sa panitikan, talaan ng mga sabjek sa hayskul, talaan ng mga nagsisipagtapos, talaan ng mga kagamitan para sa isang projek at listahan ng mga brand ng kompyuter, ang mga nilalaman ay maaaring nakaayos ng paalfabeto o hindi.

Page 72: Teksto Power Point

Manunulat at Pilosopo

Page 73: Teksto Power Point

Listahan ng mga Kompanya sa USBravo LIMITADO. ay isang propesyonal na kumpanya trading na specializes sa mataas na kalidad ng tatak

ng mga Mobile phone, GSM Htc Cellphones, LCD Monitor, at Mp3 Video Games consoles, Notebooks at laptops sa isang mabuting competitive mga presyo. Kami ay may iba't-ibang uri ng mga produkto upang matugunan ang mga customer 'detalye. Ang aming mga merkado isama Palaro ng Timog Silangang Asya, Hilagang Amerika, Timog Amerika, Oceania at Europa. Kami ay akumulado pasasa karanasan at matatag na matatag at kapani-paniwala mga relasyon ng negosyo na may mga customer worldwid ...

TEL.: 447031949493 FAX.:

[ Estados Unidos ] 210 york kalye

Identity International LLC

kumpanya ng paglalarawan dito! Madaling Gamitin CD-ROM Software para sa lahat. Kabilang ang mga kategorya tulad ng Computer Pagsasanay, Negosyo, Educational at Enterainment CD-ROM Software. Windows GINAWA Madali CD-ROM computer sa pag-aaral GINAWA Madali CD-ROM INTERNET GINAWA Madali CD-ROM pinakadakilang GAMES computer Gold CD-ROM Instant publisher platinum CD-ROM START IYONG sariling negosyo platinum CD-ROM NEGOSYO TAGUMPAY Toolbox PRO CD-ROM

TEL.: 7184434277 FAX.: 3472404580

[ Estados Unidos ] 824 Park Avenue, Brooklyn NY 11206

Page 74: Teksto Power Point

2. COMBINED LISTS – kung ito ay binubuo ng dalawa o higit pang dalawang simple lists na kung saan ang isang kaalaman sa isa pang listahan. isang konkretong hal. ng ganitong uri ng teksto ang talaan ng mga pangalan ng kandidato sa pagkasenador at ang botong kanilang nakuha sa halalan sa bawat probinsya o rehiyon.

Page 75: Teksto Power Point

HALALAN 2010: Latest partial official results

Page 76: Teksto Power Point

3. INTERSECTING LISTS – kung ito ay nagpapakita ng tatlong listahan. malinaw na halimbawa nito ang tv guide. nakikita natin dito ang talaan ng pamagat ng mga palabas, talaan ng oras at talaan ng istasyon.

Page 77: Teksto Power Point

HBO

The PacificEpisode 1 & 2: April 3, 9pm & 10pmEp 3: April 10, 9pm, Ep 4: April 17, 9pm, Ep 5: April 24, 9pm

The intertwined odysseys of three US Marines are played out across the vast canvas of the Pacific in this epic HBO Mini-series by Tom Hanks and Steven Spielberg.

ON SKYCABLE

Star Movies

Confessions of a ShopaholicApril 11, Sun, 9pm

Isla Fisher (Wedding Crashers) stars as Rebecca Bloomwood, a Manhattan shopaholic who can't break her habit for making impulsive purchases, even though her credit card bills are as thick as a telephone book. Rebecca soon lands a job as an advice columnist at a financial magazine. Her fresh approach strikes a chord with readers. As Rebecca teeters on the brink of bankruptcy, she gradually begins to reassess her priorities in life.

Page 78: Teksto Power Point

4. NESTED LISTS- kung ito ay nagtataglay ng set ng mga combined lists.

Page 79: Teksto Power Point

5. COMBINATION LISTS – kung ito ay binubuo ng apat na uri ng tekstong nabanggit sa unahan.