Term Paper - Autism

Embed Size (px)

DESCRIPTION

try

Text of Term Paper - Autism

Pamanahunang PapelAutismIpinasa ni:

LOIUE M. MARTINEZ

Ipapasa kay:

MRS. FLORENCE CALIXTERIO

February 2013

TALAAN NG NILALAMAN

Pasasalamat........................................................................................................................................................

1Paunang Salita.....................................................................................................................................

2-3Mga Tiyak na Layunin.................................................................................................................

4Kahalagahan ng Pag-aaral..................................................................................................................

5

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral............................................................................

6

Katuparan ng mga Salitang Ginamit.............................................................................7

Sandigan Ng Pag-Aaral At Kaugnayan Nito Sa Literatura.....................8

Stratehiyang Ginamit At Pinagkunang Datos...........................................................9

Paglalagom At Konsklusyon ...................................................................................................10Paglalagom Ng Rekomendasyon...................................................................................................11 - 12Paglalahad.............................................................................................................................................................13-15Biblioprapiya.........................................................................................................................................16-17

1

PAGPAPASALAMAT

Maraming maraming salamat sa mga tumulong saken. Unang una sa lahat ang diyos dahil tinulungan niya akong matapos itong proyektong ito. Sa aking mga magulang dahil kung wala silang pera hindi ko rin masasakatuparan itong aking proyekto.

At ang aming guro na kahit lagi siyang busy sa mga laban sa ibang paaralan maraming maraming salamat po sa inyo.

2PAUNANG SALITA

Sa Ingles, autism ang tawag sa espesyal na kondisyon ng taong may di-normal na pag unlad. May sariling mundo ang bansag naman sa Tagalog bilang paglalarawan sa autism. Ang manipestasyon kasi ng di-normal na kalagayang ito ay kilos na parang walang kaugnayan sa paligid ng tao at mistulang gumagalaw siya sa sariling kapaligiran. Ang autism o autistic spectrum disorder ay isang komplikadong kapansanan na may kaugnayan sa pag-unlad o paglaki ng bata, na may mahalagang epekto sa paraan kung paano ang isang tao ay nakikipagtalastasan, nakikisalamuha sa ibang tao at makapagsaad ng emosyon at ideya. Ang mga salitang Autistic Spectrum ay kalimitang ginagamit sapagkat ang ganitong kalagayan ay nagkakaibaiba sa mga tao. Ang Asperger Syndrome ay isang kalagayan na nasa hulihang bahagi ng spectrum kung saan mas maayos ang kalagayan o more able end. Sa bahaging hulihan ng spectrum kung saan hindi gaanong maayos ang kalagayan o less able end ay ang Kanners Syndrome o pinagsama-samang sintomas ng sakit na ito, na tinutukoy na klasikong autism. Ang autism ay abnormalidad kung saan nahihirapan ang utak sa pagproproseso sa mga nakalap nitong impormasyon o pakiramdam.

Ito ay nagdudulot ng suliranin sa isang batang autistic dahil apektado ang kanyang pakikisalamuha at pagkatuto. Laganap ang autism sa buong mundo at karaniwang makikita ang mga sintomas nito sa unang tatlong taon ng isang bata.

Ang mga kondisyon at balangkas ng pag-uugali kaugnay ng early infantile autism o maagang autism na nagmula pa sa pagkasanggol ay unang inilarawan ng psychiatrist sa bata na si Leo Kanner (1943). Ayon kay Kanner, kabilang sa mga pangunahing katangian ng ganitong kundisyon ang matinding kaibahan sa 3pakikisalamuha sa lipunan, sa pakikipagtalastasan, masyadong mahirap ang proseso ng pag-iisip at may mga ritwal na balangkas ng pag-uugali. Sa halos kasabay na panahon sa Europa, isang halos katulad na grupo ng mga bata ang inilarawan ni Hans Asperger (1944), natatangi sila dahil sa pagiging kakaiba, inosenti at hindi naaangkop na pakikisalamuha sa lipunan, mahabang bulul-bulol at putul-putol na pananalita, kahinaan sa hindi-berbal na pakikipagtalastasan, mababaw na mga interes at mahinang kakayanan sa koordinasyon sa pagkilos ng katawan at sa pag-iisip. Inilarawan din sila na nahihirapan sa paggamit ng kasanayan sa isang paraang maaaring baguhin at kapaki-pakinabang.

Ang ginawa ni Leo Kanner (1943) at ni Hans Asperger (1944) ang siyang bumuo ng batayan ng ating pagkaunawa sa Autistic Spectrum Disorder sa kasalukuyan. Habang marami pang mga debate tungkol sa kahulugan ng autism, at lalong-lalo na sa Asperger Syndrome, tanggap na ngayon sa pangkalahatan na ang autism pati na ang Asperger Syndrome ay kabilang sa isang mas malaking grupo ng mga sakit na may kaugnayan sa pakikisalamuha at pakikipagtastasan sa lipunan, na karaniwang kilala bilang Austistic Spectrum Disorder (ASD).

4MGA TIYAK NA LAYUNIN

Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa autism at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang kahulugan ng autism?

2. Ano ang sanhi ng autism at mayroon bang lunas ito?

3. Anu-ano ang mga damdamin ng mga maysakit na autism? Nang kanilangpamilya?

4. Ano ang damdamin pananaw at saloobin ng mga mamamayan sa autism?

5. Sapat na ba ang mga programa ng gobyerno at medya tungkol sa autism?

5KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Sa kasalukuyan, marami na sa bawat miyembro ng pamilya ang nagkakaroon ng autism. Kaya naniniwala ang mga mananaliksik sa kahalagahan ng pag-aaral nito. Lingid sa kaalaman ng mga tao, lalo na sa mga ordinaryong mamamayan ang tunay na kahulugan ng autism. Marami ang natatakot o di kayay kinakaawaan ang taong may sakit na autism. Sa tulong ng pananaliksik na ito ay maibibigay ang tamang impormasyon sa mga mamayan. Mahalaga ang mga impormasyong ito, upang makatulong lalung-lalo na sa may autistic sa pamilya. Sa pamamagitan nito, ay malalaman nila ang sanhi, bunga at kung may lunas ba ito? Makakatulong din ito upang maibahagi sa mga mambabasa ang saloobin ng mga autistic at pati na rin ang kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman kung sapat na ba ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa autism at kung ano ang mga saloobin nila. Bukod dito, maaari ring malaman kung sapat na ba ang tulong at impormasyong naipamahagi ng gobyerno tungkol dito.

Samakatuwid, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga mamamayan ay magkakaroon ng sapat na impormasyon at kaalaman kung ano ang dapat gawin kung saka-sakaling makasalamuha sila ng isang taong may autism. Nais ding maipamamahagi ng mga mananaliksik na hindi dapat katakutan, kaawaan o pandirihan ang taong may autism. Bagkus ay kailangan nila ang pang-unawa at pagmamahal.

6SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay-linaw tungkol sa kahulugan, sanhi at lunas kung mayroon man ang austism. Saklaw din ng pananaliksik na ito ang pagsusuri ng damdamin, pananaw, kaalaman at saloobin ng mga mamamayan tungkol sa autism. Limitado lamang ang dami ng respondente at mas binigyang pansin ang mga ordinaryong mamamayan sa pag-aaral na ito dahil sa kakulangan sa panahon.

Pinili rin ng mananaliksik ang mga ordinaryong mamamayan pagkat sila ang sumasalamin sa tunay na katayuan ng isang Juan dela Cruz sa ating bayan. Mula sa kanila ay malalaman kung sapat na ba ang impormasyon at tulong ng ibinibigay ng gobyerno.

7VI. KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT

Ang aking mga salitang o katagang ginamit ay hindi masyadong kilala ng mga ibang tao. Kayat hinusayan ko ang aking pagpapaliwanag upang mas maintindihan ng mga mambabasa kung ano ba ang mga gusto kong iparating.

8VII. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT KAUGNAYAN NITO SA LITERATURA

Sa pamamagitan ng internet na siyang tumulong sakin upang mahanap ang mga impormasyong kailangan, sa dyaryo, at sa mga dokumentaryo tungkol sa autism. Lalung lalo na ang mga bagay tungkol sa autism.

9

STRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUNANG DATOS

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng mga pangangalap ng mga impormasyon ang mananaliksik sa ibat ibang mga hanguan sa aklat, proposal, pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.

10

PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON

Batay sa mga nakalap na datos, humantong ang mga mananaliksik sa sumusunod na kongklusyon:

a. Ang kaalaman ng mga respondente hinggil sa autism ay katamtaman lamang.

b. Ang kaalaman ng mga respondente hinggil sa sanhi ng autism ay kauntilamang.

c. Karamihan din sa may autism sa pamilya ay nahihiya na ipaalam ang kanilang kalagayan at karamihan din sa kanila ang nahihrapan na tanggapin ito.

d. Karamihan sa mga respondente ay nababahala kung sila ay magkakaroon ng kamag-anak na may autism.

e. . Telebisyon ang pinakakaraniwang hanguan ng impormasyon hinggil saautism.

f. Karamihan sa mga respondente ay naaawa sa mga taong may autism.

11

PAGLALAGOM NG REKOMENDASYON

Batay sa mga napormulang kongklusyon, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:

a. Para sa pamahalaan, paigtingin pa ang pagbibigay ng impormasyon sa mga mamamayan hinggil sa autism upang magkaroon ng sapat na impormasyon at kaalaman kung ano ang dapat gawin kung saka-sakaling makasalamuha sila ng isang taong may autism. Karaniwan sa telebisyon naririnig ng mga tao ang autism kaya dapat lang na palawakin ng medya ang pagbibigay ng impormasyon sa radyo, dyaryo at iba pa.

b. Para sa mga namum