5
Michael Angelo Chua Stephen Pelayo Alternatibo ng mga Motorista kapag nawalan na ng supply ng langis sa Pilipinas Napaka laking bagay sa Motorista ang mabilis na pag ubos sa supply ng langis sa buong mundo, ito ang napili naming tesis upang pag aralan at busisiin ng mabuti kung paano ma reresulba ang problemang ito. Apektado na din ang ibat ibang bansa na maraming sasakyan o di kaya mga transportasyon na gamit at doon damay din ang bansa nating Pilipinas. Ang supply ng langis sa Pilipinas ay paunti na ng paunti bawat araw at bumibilis na ito na maubos dahil din sa parami na ng parami ang gumagamit ng sasakyan o di kaya mga motorsiklo, at ang mga bilihin sa bansang ito ay tumataas dahil sa pagpataas ng presyo ng langis, kaya naman hindi biro ang maubusan ng supply sa langis dahil apektado lahat sa problemang ito. Sa panahong ito nagiging malaking isyu na ang paghahanap sa alternatibong langis para sa mga Motorista, dahil hindi tatakbo ang ekonomiya ng Pilipinas kapag nawalan ng supply sa gasoline o langis, kaya dapat maaksyunan kaagad ito sa mabilis na paraan at panahon,

TESIS

  • Upload
    mike

  • View
    179

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: TESIS

Michael Angelo Chua

Stephen Pelayo

Alternatibo ng mga Motorista kapag nawalan na ng supply ng langis sa

Pilipinas

Napaka laking bagay sa Motorista ang mabilis na pag ubos sa supply ng

langis sa buong mundo, ito ang napili naming tesis upang pag aralan at busisiin ng

mabuti kung paano ma reresulba ang problemang ito. Apektado na din ang ibat

ibang bansa na maraming sasakyan o di kaya mga transportasyon na gamit at doon

damay din ang bansa nating Pilipinas. Ang supply ng langis sa Pilipinas ay paunti na

ng paunti bawat araw at bumibilis na ito na maubos dahil din sa parami na ng

parami ang gumagamit ng sasakyan o di kaya mga motorsiklo, at ang mga bilihin

sa bansang ito ay tumataas dahil sa pagpataas ng presyo ng langis, kaya naman

hindi biro ang maubusan ng supply sa langis dahil apektado lahat sa problemang

ito.

Sa panahong ito nagiging malaking isyu na ang paghahanap sa alternatibong

langis para sa mga Motorista, dahil hindi tatakbo ang ekonomiya ng Pilipinas kapag

nawalan ng supply sa gasoline o langis, kaya dapat maaksyunan kaagad ito sa

mabilis na paraan at panahon, maraming nakalatag na mga pwedeng maging

alternatibo sa langis at iisa isahin naming ito upang malaman kung itong mga ito

posibleng uubra para maging alternatibo sa ating langis.

Page 2: TESIS

Batayang Teoretikal

“Babagsak ang ekonomiya ng Pilipinas kapag nawalan na ng supply sa langis”

Noong 1825 ang Goldsworthy Gurney company sa England, nag buo sila ng

steam powered car na nakakapaglakbay ng 80 miles sa loob ng sampung oras.

Hanggang sa nakahanap sila ng alternatibo upang mas gumanda ang kundisyon ng

takbo ng automobile noon, dahil sa steam hindi nila na ilalabas ang buong potential

ng isang kotse di katulad ng gasoline kayang kaya ilabas ang buong potential.

Ngayun sa panahon natin, kinakailangan ng makahanap ng alternatibo sa langis ng

dahil sa nauubos na ito.

Ito ang ilan sa mga nakalatag na alternatibo sa langis, una ang Natural Gas,

pangalawa ang Flex fuels, at pangatlo ang Biodiesel. karaniwang ginagamit sa

bahay commercial heating ang Natural Gas. Isa sa mga na imbento ngayun ang flex

fuels, nabubuo ang flex fuel galling sa mais at iba pang bio mass products, at huli

ang biodiesel, galing naman ito sa fatty acids at gamit na mga langis na ginamit sa

pagluto.

Sa mga alternatibong ito, susuriin ng bawat myembro ang pwede maging

alternatibo sa langis, at kung ano ano ba ang magiging maayus na kapalit. Nag

Page 3: TESIS

dedepende din ito sa supply ng ating minerals sa ating bansa dahil

nangangailangan ng resorses ang bawat alternatibo sa langis.

Ang industriya ng petrolyo sa Pilipinas ay monopolisado ng mga kumpanyang

Petron, Shell at Caltex na bumubuo sa lokal na kartel sa langis. Kontrolado ng

naturang mga kumpanya ang importasyon, pag-iimbak, pagrerepina at kalakhang

bahagi ng distribusyon hanggang pagtitingi ng petrolyo. Mahigit 90% ng pamilihan

ng mga produktong petrolyo sa bansa ang hawak ng mga ito. Sa ganitong

katayuan, naitatakda ng sabwatan ng tatlo ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Ang mga kumpanyang bumubuo sa lokal na kartel ay mga subsidyaryo o pag-aari

ng mas malalaking kumpanyang multinasyunal (multinational corporation o MNC)

na bumubuo naman sa internasyunal na kartel na kumukontrol sa industriya ng

langis sa buong daigdig.

Kahalagahan ng Paksa

Sa pagaaral ng industriya ng langis sa pilipinas malalaman ang estratehikong

papel ng langis sa pambansang ekonomya. Mahigit limampu't apat na porsyento

(54.4%) ng pambansang konsumo ng enerhiya ay nagmumula sa imported na

langis. Ito ang nagpapatakbo sa mga makinarya sa mga pabrika at sakahan,

nagpapaandar sa mga sasakyan at lumilikha ng kuryente. Galing din sa petrolyo

ang hilaw na materyales na kailangan ng batayang industriya ng kemikal, na bukod

sa industriya ng bakal ay saligan ng tunay na industriyalisasyon at kaunlaran.

Mga Layunin ng paksa

Page 4: TESIS

Upang malamang ang mga aksyon na ginagawa ng mga kumpanya ng langis

sa pilipinas at ang mga posibleng iba pang paraan upang makagamit ng iba pang

uri ng enerhiya sa pagpapatakbo ng kotse, motor at iba pang mga uri ng

kagamitang gumagamit ng gasolina. Mabigyan linaw ang sitwasyon ng Pilipinas ukol

sa pagkaubos ng langis at ang pagtataas ng presyo ng mga kumpanyang

nagaangkat nito. At maisapatupad ang mga estratehiyang umuukol sa paggamit ng

ibat ibang uri ng enerhiya.