23
KAHALAGAHAN NG MASS MEDIA SA MGA MAG-AARAL NG STI COLLGE NAGA, PT 2013-2014 Ash Norman B. Paz BSIT 3

Thesis Fil

  • Upload
    ashpaz

  • View
    94

  • Download
    13

Embed Size (px)

DESCRIPTION

presentation

Citation preview

Page 1: Thesis Fil

KAHALAGAHAN NG MASS MEDIA SA MGAMAG-AARAL NG STI COLLGE NAGA, PT 2013-2014 Ash Norman B. PazBSIT 3

Page 2: Thesis Fil

KATANUNGAN

Ano ba ang Mass Media ?

Mga midyang katulad ng radyo, internet, o iba pang mga bagay na nakakaabot sa maraming mga tao.

Page 3: Thesis Fil

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Ang Mass Media ay mahalaga sa buhay ng mga tao, dahil dito maraming ng mga makabagong mga teknlohiya o mga bagong natututunan sa panonood,pagbabasa, at pakikinig. Sa mga paraang ito nahuhubog ang kaalaman ng mga tao at nagiging modern ang ating pamumuhay. Noong panahong mahalaga ang Mass Media sa pagbibigay o pagbabahagi ng kasiyahan, kaalaman, at mahahalagang mga balita. At sa panahong ding ito mahalaga pa rin ito sa ating pang araw-araw na pamumuhay nagagamit natin ito bilang gabay o inspirasyon sa ating buhay.

Page 4: Thesis Fil

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pamanahonang-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa kahalagahan ng Mass Media sa mga mag-aaral ng STI at matugunan ang mga sumusunod na katanungan:

Ano ba ang kahalagahan ng Mass Media sa mga mag-aaral ng STI?

Nakakatulong pa ba ito sa mga mag-aaral ng STI?

Paano ba nila ito ginagamit sa kanilang pamumuhay?

May pakinabang ba ito sa mga mag-aaral?

Page 5: Thesis Fil

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga kadahilanan na ito.

Sa pag-aaral na ito malalaman ang mga kahalagahan ng Mass Media sa mga mag-aaral ng STI. Malalaman kung mahalaga pa ba ito sa pamumuhay ng mga mag-aaral. Masasalamin dito kung paano pinapahalagahan ang gamit o ang mga pakinabang ng Mass Media sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Makakatulong itong pag-aaral na ito sa mga mag-aaraln na magsasaliksik tungkol sa Mass Media. Makakadagdag sa mga makabagong kaalaman ng mga mag-aaral ng STI o kung paano ito mabibigyan halaga sa mga darating pang pananaliksik.

Mga karagdagan pang datos hinggil sa kung paano ba kahalaga ang Mass Media sa ating pamumuhay at kung paano ito binibigyan ng halaga sa modernong pamumuhay ng mga mag-aaral ng STI at sa mga kabataan.

Page 6: Thesis Fil

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang Pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng halaga ng Mass Media sa mga mag-aaral ng STI. Magbibigay impormasyon sa mga katanungan at ang lawak ng saklaw ng pag-aaral hinggil sa kahalagahan ng Maa Media.

Nalilimitahan ang pag-aaral na ito sa bilang ng mga respondent na sasagot sa mga talatanungan. Oras ng pag-sasagawa ng pagbibigay o pamamahagi ng mga talatanungan sa mag-aaral. Sa pag-aaral o pananaliksik na ito nabibigyan ng halaga sa kung paano pinapahalagahan ang Mass Media sa mga panahong ito .

At nalilimitahan ang pag-aaral na ito sa mga respondente na hindi nagbibigay ng kooperasyon sa pag-sagot sa mga talatanungan sa kadahilanan na ang ibang respondente ay nahihiya sa mananaliksik o kaya naman ayaw lamang sumagot sa mga talatanungan.

Page 7: Thesis Fil

DEPENISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

MASS MEDIA. Ito ay mga midyang katulad ng radyo, internet, o iba pang mga bagay na nakakaabot sa maraming mga tao. Nalikha ang kataga o pariralang ito noong dekada ng 1920 dahil sa pagdating ng mga pambansang mga lambat-lambat o network ng radyo, mga pahayagan at mga magasin ang pangsirkulasyon sa masa o balana, bagaman umiiral na ang midyang pangmasa (tulad ng mga aklat at mga manuskrito) noong mga daang taon bago pa naging pangkaraniwan ang katawagan.

MASS. Ang masa ay ang taong bayan o ang madla. Sila ay ang mga karaniwang tao.

MEDIA. Nangangahulugan ng pagpapakalat ng impormasyon, libangan, atbp tulad ng libro, mga pahayagan, radyo, telebisyon, sine, at magasin.

KOMUNIKASYON.Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.

TEKNOLOHIYA. mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya.

Page 8: Thesis Fil

KABANATA IIIDISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawaa yon sa disenyo ng pamaraang deskriptib-analiktik na pananaliksik. Sa pamamaraang ito malalaman natin ang mga kasagutan ng mga mag-aaral at kanilang pananaw sa pananaliksik na ito.

MGA RESPONDENTE

Ang napiling respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng STI College Naga. Sa kadahilan ito ay isag institusyon kung saan mas pinapalaganap ang kahalagahan ng Mass Media. At madaling nilang mauunawaan ang paksa o ang tema ng pananaliksik na ito.

Page 9: Thesis Fil

BATAYANG KONSEPTWAL

INPUTNais ng mananaliksik na malaman ang kahalagahan ng mass media sa mga mag-aaral ng STI. Nag sagawa ang mananaliksik ng paglimbag ng mga talatanungan upang malaman ang mga kasagutan ng mga mag-aaral kung mahalaga pa ang mass media sa kanilang pamumuhay at sa kanilang pag-aaral.

PROSESOAng mananaliksik ay nag pamahagi ng mga talatanungan sa mga mag-aaral ng STI College upang makakalap ng mga impormasyon hinggil sa paksang pinag-aaralan.

AWTPUTInasahan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito malalaman kung mahalaga pa rin ba ang mass media sa mga mag-aaral ng STI College Naga.

Page 10: Thesis Fil

INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang instrumenting ginamit sa pananaliksik na ito ay talatanungan. Ang talatanungan ay naglalaman ng mga reaksyon o mga kasagagutan na napapaloob sa pananaliksik na ito. Ang mga respondente ay nagbigay ng kooperasyon sa pananaliksik na ito . Sa talatanungan na ito mauunwaan natin ang pananaw ng mga respondente sa kahalagan ng Mass Media. Ang talatanungan ay isang instrumenting kung saan mapapadali ang pagkalap ng mga imporsyon sa mga respondente.

Page 11: Thesis Fil

TRITMENT NG DATOS

Ang pamanahonang-papel na ito ay panimulang pag-aaral kaya't walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos. Ang mga kasagutan lang ng mga respondente ang mga gagamitin sa pag-aaral na ito. Upang makakuha ng mga impormasyon na gagamitin sa pag-aaral o pananaliksik na ito. At mabigyan ng pansin ang mga mahahalagang detalye na nagmula sa mga kasagutan ng mga respondente.

Page 12: Thesis Fil

KABANATA IVPRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang mga datos na nakatala sa baba ay ang mga nakuhang imporsyon sa mga respondente, at ang pormula na ginamit sa pananaliksik na ito:

Bilang ng mga sumagot na lalake ay 50 % at ang mga babae ay 50 %.

50%50%

TalaanLalake Babae

Page 13: Thesis Fil

Pormula na ginamit upang makuha ang mga datos sa mga talatanungan.

S = bilang ng sagot B = bilang ng respondente % = bahagdan

S/B x 100 = %

Page 14: Thesis Fil

1. Kapaki-pakinabang ba ang mass media? Oo 30/30 x 100 = 100 %, Hindi 0/30 x 100 = 0%

Oo Hindi

100%

0%

Grap 1

Page 15: Thesis Fil

2. Ano ba ang mga gamit mong mass media? TV 28/30 x 100 = 93 %, Radyo 2/30 x 100 = 7 %, Dyaryo/Magasin 0/30 x 100 = 0%, At iba pa 0/30 x 100 = 0%

TV Radyo Dyaryo/Magasin At Iba

93%

7%0% 0%

Grap 2

Page 16: Thesis Fil

3. Nakakatulong ba ito saiyo? sa papaanong paraan ? Pag –aaral 17/30 x 100 = 57%, Pang araw-araw 9/30 x 100 = 30%, Sa bahay araw 4/30 x 100 = 13%, At iba pa 0/30 x 100 = 0%

Pag-aaral Pang araw-araw Sa Bahay At Iba

57%

30%

13%

0%

Grap 3

Page 17: Thesis Fil

4. Bakit mahalaga sayo ang mass media? Libangan 8/30 x 100 = 27%, Impormasyon 18/30 x 100 = 60%, Katuwaan 4/30 x 100 = 13%

Libangan Impormasyon Katuwaan

27%

60%

13%

Grap 4

Page 18: Thesis Fil

5. Gaano ka kadalas gumamit nito? Palagi 11/30 x 100 = 37%, Minsan 19/30 x 100 = 63%, Hindi 0/30 x 100 = 0%

Palagi Minsan Hindi

37%

63%

0%

Grap 5

Page 19: Thesis Fil

KABANATA VLAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang pag-aaral na ito ay nag lalayun na makuha ang mga impormasyon na gagamitin sa pananaiksik na ito. Hindi lamang ang damdamin at ang mga saloobin ng mga respondente ang ginamit sa pananaliksik na ito, kinuha rin ang kaalaman ng mga respondente kung ano nga ba sa kanila ang Mass Media.

Gamit ang pamamaraan na deskriptiv-analitik, sa pananaliksik rin na ito kinuha at ginamit rin ang opinyon ng mga respondente ginamit ang mga mga talatanungan at nag sarbey upang makuha ang kanilang kasagutan sa mga mag-aaral ng STI.

Sa pag-aaral ding ito , mahalaga pa rin ang Mass Media sa mga mag-aaral ng STI College Naga bsae sa mga nakalap na impormasyon at mga detalye na nakuha ng mananaliksik sa mga respondente. At nalaman ng mananaliksik na kung paano ba nagagamit ang Mass Media unkol sa mga respondente. Sa pag-aaral na ito natutunan ng mananaliksik ang kshalgahan ng Mass Media sa mga mag-aaral at higit sa lahat ang pananaliksik na ito ay nauukol sa napapanahong mga isyu hinggil sa mga makabagong kaalaman sa makabagong panahon

Page 20: Thesis Fil

KONGKLUSYON

Batay sa mga inilahad ng mga datos, ang mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kungklusyon:

A. Ang Mass Media ay mahalaga pa rin sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng STI College Naga.

B. Ang Mass Media ay nakakatulong sa mga mag-aaral ng STI dahil gamit ito nakakakuha sila ng mga mahahalagang impormasyon na kanilang gagamit sa kanilang pag-aaral.

C. Karamihan sa mga mag-aaral ay paminsan-minsan na lamang gumagamit ng Mass Media, siguro nag bago na rin ang pamumuhay o ang pagiging sosyal na ng ibang mag-aaral ng STI o nagiging abala na sa kanilang pag-aaral.

D. Karamihan sa mga mag-aaral ay gumagamit ng telebisyon na isang halimbawa ng Mass Media.

E.Nakakatulon ang Mass Media sa mga mag-aaral sa paraang magagamit nila ito sa kanilang pag-aaral.

Page 21: Thesis Fil

REKOMENDASYON

A. Para sa mga mag-aaral, pagbutihin ang kanilang pag-aaral tungo sa kanilang magandang kinabukasan. Gamitin ng tama ang mga ganitong uri ng paraan upang mabigyan sila ng mga makabagong kaalaman na kanilang magagamit sa kanilang pag-aaral.

B. Para sa mga guro, hindi lamang gumamit ng kanilang istilo sa kanilang pagtuturo, gumamit rin ng mga impormasyon na galing sa mga Mass Media upang mabigyan ng mga makabagong impormasyon upang magamit ng mga mag-aaral na kanilang pag-aaral.

Page 22: Thesis Fil

C. Para sa mga opisyal ng STI, tumulong upang mahubog pa ang kaalaman ng mga mag-aaral tungo sa kanilang magandang kinabukasan. At mabigyan ng magagandang kalidad ng pamamahala ang mga mag-aaral gamit ang Mass Media upang maging aktibo ang mga mag-aaral sa kanilang tatahakin na propisyon.

D. Para sa iba pang mga mananaliksik, ipagpatuloy at paglawakin pa ang pag-aaral na ito, tungo sa magaganda pang mga impormasyon sa pag-aaral na ito. At makakatulong pa sa mga ibang gagamit ng pananaliksik na ito.

Page 23: Thesis Fil

Maraming Salamat Po

Ang Mananaliksik -Ash Norman B. Paz-