40
UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY Gen. San Miguel St., Sangandaan, Caloocan City Masusing pag-aaral ukol sa pagtatrabaho habang nag-aaral ang isang estudyante Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik Akda nina:

Thesis Working Students

  • Upload
    reniel

  • View
    8.528

  • Download
    728

Embed Size (px)

DESCRIPTION

123

Citation preview

UNIVERSITY OF CALOOCAN CITY

Gen. San Miguel St., Sangandaan, Caloocan City

Masusing pag-aaral ukol sa pagtatrabaho habang nag-aaral ang isang estudyante

Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

Akda nina:

Reniel Dacudao

Herbert Gamlanga

Mike Tiongco

Chapter 1

ANG KALIGIRAN AT SULIRANIN NITO

Panimula

Lahat tayo ay may karapatan sa ating buhay. Sa mga kabataan, may mga

karapatan sila tulad na lamang ng pagkakaroon ng pangalan, maayos na kalusugan,

makapag-laro, makapag-aral, at marami pang iba.

Edukasyon, ano ba ito? Ang Edukasyon ay ang proseso ng pagkatuto ng isang

indibidwal sa isang institusyon o paaralan.

Ayon nga sa isang kilalang salawikain mula sa ating pambansang bayani na si

Dr. Jose Rizal na “ang kabataan ang pag-asa ng bayan”, subalit paano na ang mga

kabataang sa murang edad pa lamang ay kinakailangan nang magtrabaho kasabay ng

pag-aaral.

Sa panahon ngayon, hindi nabago ang makatagpo tayo ng mga mag-aaral na

nagtatrabaho o mas kilala sa tawag na “working students” sa iba’t-ibang kadahilanan.

Para sa kanila, para makapagtapos sila ay kailangan pa nilang magtrabaho upang

masuportahan ang kanilang edukasyong pang-pinansyal. Anu-ano nga ba ang mga tunay

na dahilan ng mga kabataang mag-aaral upang maagang maghanap-buhay? Dahil nga ba

sa kahirapan? Dahil ba sa gustong masubukan ang mga bagay-bagay na hindi pa

nararanasan? O dahil sa iba pang mas malalim na dahilan?

Sa mga pagkakataong ganito, oras ang isa sa magiging kalaban ng mga mag-aaral

na nagtatrabaho. Paano nila ito kahaharapin? Bakit pa nila ito pinagpapatuloy? Anu-ano

ang mga nag-udyok sa kanila?

Ang paghahanap-buhay habang nag-aaral. Anu-ano nga ba ang mga epekto nito?

Karamihan sa ating mga lumang salawikain ang nag sasabi na ang edukasyon ay

ang makapag-aangat sa atin mula sa kahirapan, kaya nga ganoon na lang siguro

napipilitan magtrabaho ang ibang mag aaral.

Kakayanin kaya nila ang ganito? Makakatulong ba ito o magdudulot din ito ng

panibagong suliranin? Alinman rito sa dalawang ito ang maaring kahantungan ng isang

working student, atin itong alamin sa ating pananaliksik.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang mga sumusunod ay ang mga kakaharapin naming mga suliranin ukol sa

aming pag-aaral patungkol sa pagtatrabaho habang nag-aaral:

1. Ano ang mga mabuting epekto ng pagiging “working student”?2. Ano naman ang masamang epekto ng pagiging “working student”?3. Propayl nang mga estudyanteng nag-aaral habang nagtatrabaho ayon sa kanilang

edad at kasarian.4. Malinawan ang mga kabataan ukol sa prayoridad nila sa pag-aaral o

pagtatrabaho?5. Mga pamamaraan upang matapos ang pananaliksik sa oras na itinkda ng propesor.

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag aaral na ito ay matukoy ang mga dahilan ng mga

estudyanteng nagtatrabaho. Layunin rin ng pananaliksik na ito na matukoy ang mabuti at

masamang epekto sa mga kabataang nagtatrabaho habang nag aaral.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang mga indibidwal na saklaw ng aming pag-aaral ay tatlumpung (30) working

students mula sa University Of Caloocan City bilang taga-tugon ng mga sarbey at

kwestyoner upang makakuha ng sapat na datos na kinakailangan sa pananalksik.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Karapatan - Mga bagay na dapat matamasa ng isang indibidwal.

Salawikain - Isa sa mga matatalinghagang pangungusap na tago ang ideya.

Working Student - Mga mag-aaral na nagtatrabaho.

Edukasyon - Proseso kung saan ang lipunan ay kusang nagpapadala ng kanyang

naipon na kaalaman, kasanayan at mga halaga mula sa isang

henerasyon at iba pa.

Chapter 2

KAUGNAYAN SA LITERATURA

LOKAL NA PAG-AARAL

Libu-libong kabataan ang nag-aaral sa University of Caloocan (UCC), mga

iba-iba ang katayuan sa buhay: mahirap, may kaya, at mayaman. Kahit sino ay dito na

kumukuha ng kurso, hindi katulad ng dati ay mga kapos-palad ang karamihang nag-aaral.

Sa libong mag-aaral ng UCC, ang ilan rito ay naghahanap-buhay. Sa

kadahilanang kapos sa pinansyal, gusting kumita ng pera at para sa experience lamang.

Ang mga estudyanteng naghahanap-buhay ay hirap sa sabay na gawaing ito. Oras,

mentabilidad at pisikal ang mga naaapektuhan ng suliraning ito.

Ayon nga sa mga naka-interaksyon naming mga estudyante: “Hindi rin naming

kailangan na iwan o talikuran ang isa sa pag-aaral o paghahanap-buhay dahil kailangan

namin ito parehas”. Kapag working student ka ay sisikapin mong makapagtapos ng pag-

aaral, dahil pinahahalagahan mo ang bawat pawis na ibinubuhos mo dito, kaya malaki

ang pagkakataon mong makatapos sa pag-aaral dahil sa pagtatrabaho.

DAYUHANG PAG-AARAL

Ang buhay ng estudyante ay maaring maging mahirap. Para sa iba, ito ay madali

dahil kailangan lamang nilang mag-aral. Ngunit, hindi ito ang palaging nangyayari. Tulad

ko, sa SDSU, maraming estudyante ang nagtatrabaho at nag-aaral ng sabay. Ang

pagtatrabaho at pag-aaral ng sabay ay mahirap dahil nga kadalasan ay hindi nagkakaroon

ng sapat na oras ang mga estudyante para gawin ang lahat ng kanilang kailangang gawin.

Mahirap din na isipin kung ano ba ang dapat nilang unahin na gawin.

Sa hirap ng buhay ngayon, marami ang walang trabaho o mga naghahangad na

makakuha ng mas magandang trabaho. Kailangan nilang maghanap ng pansamantalang

trabaho at sumali sa iba`t ibang samahan o maghanap ng mga kaibigang mayroong

koneksyon para makahingi ng tulong. Kung may kilalang tao na maimpluwensyahan,

mas madaling makakakuha ng trabaho pero ang karamihan ay hindi maswerteng

nakakakilala ng mga ganitong tao. Minsan, halos walang oras magpahinga ang mga

estudyante dahil nga nagtatrabaho at nag-aaral sila.

At bilang estudyante, siyempre mayroon ka pang mga kaibigan at pamilyang

dapat intindihin. Siguradong hihingian ka rin nila ng tulong. Isa pa, mas maraming oras

din ang kailangan mo kung ikaw ay makikipag-date pa maliban sa ilang bagay na dapat

nating gawin sa weekend tulad ng pagsi-simba, paglilinis ng bahay, at iba pa.

Talagang maraming bagay ang dapat gawin ng mga mag-aaral. Para sa iba,

mayroon silang prebilehiyo na ituon lamang ang oras sa pag-aaral. Ngunit marami din

ang nangangailangan na pagtuonan ng oras ang ibang bagay, katulad ng pagtatrabaho.

Ganoon pa man, kahit na mahirap ang mag-aral at magtrabaho ng sabay, sinisikap at

pinagbubuti ko ang lahat ng ginagawa ko. Sana nga mayroon akong mas maraming oras

para magawa ko ang lahat na balak ko sa buhay para maging maganda ang aking

kinabukasan.

Chapter 3

METODOLOHIYA

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang disenyo sa pananaliksik na ginamit ay diretsahang pananaliksik. Ilalarawan sa

pananaliksik na ito ang mga sanhi ng pagiging working student at ang mga epekto nito.

Ilalahad din ang mga maaring maging solusyon sa mga sanhi na mababanggit o

mailalahad ng pananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay mayroong eksaktong datos para

sa napiling paksa.

Ang pag-aaral na ito ay nilaan sa mga estudyante ng University of Caloocan City

na kasalukuyang nag-aaral. Gamit ang random sampling, kumuha ang mga mananaliksik

ng tatlumpong (30) estudyante na siyang mga respondante sa ginagawang sarbey at

kwestyoners para sa pag-aaral.

INSTRUMENTO

Ang pag-aaral na ito ay kumalap ng mga datos sa pamamagitan ng pagsasarbey.

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga sampung (10) katanungan na makakatulong

upang malaman ang dahilan ng pagiging working student at ang mga epekto nito sa

mag-aaral ng University of Caloocan City.

PAMAMARAAN

Ang mga mananaliksik ay naghanda ng ilang mga katanungan upang

maisakatuparan ang pananaliksik na ito. Sa pamamaraang ito, nakapanayam ang ilang

mag-aaral ng unibersidad upang sagutan ang sarbey kwestyoner. Isinakatuparan ito upang

mailahad ng mga respondante ang dahilan ng pagiging working student nila.

TRITMENT NG DATOS

Ginamit bilang istatistikong pamamraan sa pagtitimbang at pagbilang ng mga

datos ang pagkuha ng porsyento. Kinuha ang porsyento upang Makita ang

kinalabasang gagawing pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondante.

Ginagamit din ito upang makuha ang pangkalahatang bahagdang bilang ng mga

sumagot, hindi sumagot at magkakamukang sagot sa isang particular na tanong.

Ang ginamit na pormula ay ang nasa ibaba.

P ¿ FN

x100

P= bahagdan o porsyento

F= bilang ng sumagot

N= kabuuan ng respondent

Chapter 4

PRESENTASYON NG DATOS

“Ano ang pinakadahilan ng pagiging working student mo?”

Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong

(30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa unang

tanong ng aming sarbey.

Pinansyal

Pamilya

Experience

Iba Pa

0% 5% 10% 15% 20% 25% 30% 35% 40%

35%

27%

35%

3%

Porsyento

Figure Blg. 1

Sa tatlumpong (30) respondanteng working students, mayroong tatlompu’t limang

(35) bahagdan ang nagsasabi na kaya sila pumasok magtrabaho habang nag-aaral ay dahil

sa pinansyal na pangangailangan at dahil sa experience o karanasan na kinakailangan sa

resumé sa pag-aaply ng trabaho. Ang dalawampu’t pitong (27) bahagdan naman sa

respondante ay nagsasabing ng dahil sa pamilya kaya sila nagtrabaho, bilang tulong sa

magulang. Samantala, ang tatlong (3) bahagdan naman ang nagrerepresenta sa iba pang

dahilan ng mga working students kaya sila nagtrabaho.

“Sino ang nag-udyok sa’yo na magtrabaho?”

Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlompung

(30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikalawang

tanong ng aming sarbey.

Magulang

Kaibigan

Wala

Iba Pa

0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80%

10%

10%

70%

10%

Figure 2

Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong pitompung

(70) bahagdan ang nagsasabi na walang nag-udyok sa kanila na magtrabaho bagkus ito ay

kusang loob. Samantalang nakakuha ng pantay-pantay na bahagdan na sampu (10) ang

nagsasabi na ang kani-kanilang magulang, kaibigan at iba pa ang naghikayat sa kanila.

“Ano ang edad mo nang naging working student ka?”

Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong

(30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikatlong

tanong ng aming sarbey.

14-15

16-17

17-18

19-pataas

0% 10% 20% 30% 40% 50% 60%

10%

50%

30%

10%

Figure 3

Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mas marami

ang pumasok sa pagtatrabaho sa edad na labing-anim hanggang labing-pito (16-17) na

katumbas ng limampung (50) bahagdan. Tatlompu’t-isang (30) bahagdan naman ang

pumasok sa pagtatrabaho sa edad na labing-pito hanggang labingwalo (17-18).

Samantalang parehas na sampung (10) bahagdan ang nagsasabing labing-apat

hanggang labinglima (14-15) at labing-siyam pataas nang sila ay magtrabaho.

“Ano ang kalimitang oras na pinipili sa pagtatrabaho ng isang working students?”

Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong

(30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikaapat na

tanong ng aming sarbey.

12-6am

6-12am

12-6pm

6-12pm

0% 5% 10% 15% 20% 25% 30% 35% 40% 45%

10%

23%

27%

40%

Figure 4

Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working student, mayroong

apatnapung (40) bahagdan ang nagsasabing mas kalimitang pinipili ng mga working

students ang ika-anim ng gabi hanggang ika-labing dalawa ng gabi (6:00PM –

12:00AM). Dalawangpu’t pitong (27) bahagdan naman ang nagsasabi mas kalimitang

pinipili ng working students ang ika-labing dalawa ng tanghali hanggang ika-anim ng

gabi (12:00PM – 6:00PM). Dalawampu’t tatlong (23) bahagdan naman ang nagsasabing

mas pinipili ng mga working students ang ika-anim ng umaga hanngang ika-labing

dalawa ng tanghali (6:00AM – 12:00PM). Habang nakakuha ng sampung (10) bahagdan

ang nagsasabing kalimitang pinipili ng mga working students ang ika-labing dalawa ng

hating gabi hanggang ika-anim ng umaga (12:00AM – 6:00AM).

“Ano ang madalas na epekto ng pagtatrabaho sa iyong kalusugan?”

Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong

(30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikalimang

tanong ng aming sarbey.

Kulang sa pagtulog

Migraine

Iba Pa

0% 10% 20% 30% 40% 50% 60% 70% 80%

67%

28%

5%

Figure 5

Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong

animnapu’t pitong (67) bahagdan ang nagsasabi na ang kulang sa pagtulog

ang isa sa mga naging problema sa kalusugan. Habang dalawampu’t walong (28)

bahagdan naman ang nagsasabing nakaranas sila ng migraine dahil sa sabay na trabaho at

pag-aaral. Samantala, ang natitirang limang (5) bahagdan ang nagsasabing nakakaranas

sila ng iba pang sakit katulad ng pananamlay at iba pa.

“Nakakatulong ba ang iyong pagtatrabaho sa iyong pag-aaral?”

Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong

(30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikaanim na

tanong ng aming sarbey.

Oo Hindi0%

10%

20%

30%

40%

50%

60%

70%

80%

70%

30%

Series 2

Figure 6

Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong

pitompung (70) bahagdan ang nagsasabing nakakatulong sa kanilang pag-aaral ang

pagiging working student. Ang nalalabing tatlompung (30) bahagdan naman ang

nagsasabing hindi nakakatulong sa pag-aaral nila ang pagiging working student.

“Nagagampanan mo pa ba ang pagiging mag-aaral mo?”

Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong

(30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikapitong

tanong ng aming sarbey.

Oo Hindi0%

10%

20%

30%

40%

50%

60%

70%

80%

73%

27%

Column1

Figure 7

Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong

pitompu't tatlong (73) bahagdan ang nagsasabing nagagampanan pa nila ang pagiging

mag-aaral kahit na working student. Ang nalalabing dalawampu’t pitong (27) bahagdan

naman ang nagsasabing hindi na nila nagagampanan ang pagiging mag-aaral nila sa

kadahilanang working student na sila.

“Naaapektuhan ba ang iyong grado ng dahil sa pagtatrabaho mo?”

Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong

(30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikawalong

tanong ng aming sarbey.

Oo Hindi0%

10%

20%

30%

40%

50%

60%

70%

63%

37% Series 1

Figure 8

Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong animnapu’t

tatlong (63) bahagdan ang nagsabing napektuhan ang kanilang grado dahil sa

pagtatrabaho. Ang natitirang tatlopu’t pitong (37) bahagdan naman ang nagsabi na hindi

naman naaapektuhan ang kanilang gradokahit na nagtatrabaho.

“May mga klase ka na bang hindi napasukan dahil sa iyong trabaho?”

Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong

(30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa ikasiyam

na tanong ng aming sarbey.

Oo Hindi0%

10%

20%

30%

40%

50%

60%

50% 50%

Series 1

Figure 9

Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong limampung

(50) bahagdan ang nagsabing may mga klase silang hindi napasukan dahil sa trabaho at

sa pagod na dala nito. Ang natitirang limampung (50) bahagdan naman ang nagsabi na

hindi pa sila lumiban ng klase dahil sa pagtatrabaho.

“Naranasan mo na bang magkasakit dahil sa trabaho?”

Ang mga sumusunod na datos ay ang mga datos na nakalap mula sa tatlumpong

(30) respondanteng working students ng University of Caloocan City batay sa

ikasampung tanong ng aming sarbey.

Oo Hindi0%

10%

20%

30%

40%

50%

60%

70%

80%

90%

83%

17%

Series 1

Figure 10

Ayon sa tatlompung (30) respondanteng working students, mayroong walompu’t

tatlong (83) bahagdan ang nagsasabing nagkakasakit sila dahil sa sabay na pagtatrabaho

at pag-aaral. At ang nalalabing labing-pitong (17) bahagdan ang nagsasabing hindi pa sila

nakakaranas na magka-sakit dahil sa sabay na pagtatrabaho at pag-aaral.

Chapter 5

KONGKLUSYON

Batay sa mga nakalap na resulta ng pananaliksik, ang mga nangungunang dahilan

kung bakit nagiging working student ang isang mag-aaral ay ang pinansyal, bilang tugon

sa tuition fee at iba pang bayarin at bilang tulong na rin sa pamilya. Marahil sa

modernisasyon ng panahon kaya nagiging isa sa pangunahing dahilan ng pagiging

student ang pagkakaroon ng experience o karanasan sa trabaho, bilang esenyal na

ngayon sa paghahanap ng trabaho ang pagkakaroon ng karanasan sa pagtatrabaho.

Katulad ng iba pang bagay, ang pagiging working student ay may maganda at

masamang naidudulot. Ilan na lamang sa mabuting epekto nito ang pagkakaroon ng

sariling pera, karanasan at ang pagiging pagsasanay ng pagtatrabaho para sa magiging

kinabukasan ng isang indibidwal. Ilan naman sa masamang epekto nito ay ang hindi

pagkakaroon ng balanseng oras sa pag-aaral at pagtatrabaho na nagdudulot ng pagliban sa

klase at pagkakaroon ng mababang marka. Isa pang masamang epekto ay ang

pagkakaroon ng sakit dahil sa pagiging working student. Maaring lahat ng mga working

students nararanasan ang lahat ng epektong ito na maaring magpalakas o magpalagapak

sa kanilang karera ng buhay.

REKOMENDASYON

Batay sa mga nakalap na resulta ng pananaliksik, inererekomenda ang mga

sumusunod bilang solusyon sa mga nagiging suliranin ng mga working students:

Ang pagkakaroon ng maayos na time management sa oras ng

pagpasok sa paaralan at sa trabaho, ay ang kasagutan upang maiwasan

ang anumang pagliban sa klase.

Ang pagkakaroon ng schedule sa oras ng pag-aaral tuwing day-off ay

isang paraan upang magampanan pa rin ang tungkulin bilang mag-

aaral at makaiwas sa pagkakaroon ng mababa o bagsak na marka.

Ang disiplina sa sarili, sa pagkain, sa pagtulog at iba pang bagay na

may kaugnayan sa kalusugan ay isang paraan upang umiwas sa mga

sakit upang magampanan pa rin ang pagiging mag-aaral at

nagtatrabaho ng maayos

Ngunit sa bandang huli, nasa kamay pa rin ng working student ang huling pasya.

Sa pagkakaroon ng tamang prayoridad ay maari na nilang masolusyonan ang mga

Suliraning kinahaharap at kahaharapin pa nila.

TALASANGGUNIAN

https://universityofcaloocancity.wordpress.com/

http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/working-

student.com

The Merriam-Webster Dictionary

http://en.wikipedia.org/wiki/Education

http://en.wikipedia.org/wiki/Education_in_the_Philippines

APENDISE

Ang mga susunod na bahagi ay ang mga sarbey na mismong ginamit sa

pagkalap ng mga kinakailangan datos kasama ang mismong sagot ng mga respondanteng

working studenst ng University of Caloocan City.

PROPAYL NG MGA AWTOR:

Dacudao, Reniel

Associate in Health Care Services

Highschool: Caloocan High School

Elementary: Caloocan Elementary School-Central

Gamlanga, Herbert

Associate in Health Care Services

Highschool: Macario B. Asistio Sr. High School

Elementary: Bukandala Elementary School

Tiongco, Mike

Associate in Health Care Services

Highschool: Felipe G. Calderon Integrated School

Elementary: Barrio Obrero Elementary Highschool