20
na Pahayagan sa Filipino ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Sto. Nińo Dibisyon ng Iriga Region V (Bicol) Lumahok ang CAT, DLC and Majoree Corps mula sa SNNHS sa isinagawang 2014 Peñfrancia Miltary Parade noong ika-19 ng Setyembre na ginanap sa Naga City kaugnay sa PeñafArancia Fi- esta. Ang nasabing kumpesyon ay linahukan rin ng iba’t ibang CAT Unit sa rehiyong Bikol kung saan ito’y naitalang linahukan ng halos 90 paaralan para sa Category 1/ Mixed Company habang halos 40 naman para sa Category 2/ Company Minus. Kaugnay dito pinalad na maka- mit ng Majoree ang Ikawalong Pwesto para sa Best Marching Ma- joree (Category A). Kasama nila sa nasabing kum- pesyon sina Gng.Teresa G. Borro- meo - CAT Teacher Facilitator; SSG Ricky A. Villanueva (RES) CAT Guest Instructor. G.Augusto I. Ceguera Jr; Bb. Niña M. Salvadora at Bb. Ma.Lorena P. Namoro- Majoree Facilitators; Gng. Con- cisa P. Largo at Bb. Maila O. Ba- ñaria-DLC Facilitators. 3 rd Bicol ICT Congress, Dinaluhan Ni: Bernadette Dimanarig Lumahok ang Mataas na Paaralan ng Sto. Niño sa isinagawang 3 rd Bicol ICT Congress na ginanap sa Iriga Plaza Con- venon Center noong ika- 26-27, taong kasalukuyan. Dumalo sina Joni Gabriel S. Cruzata (Grade 9), Bernadee Dimanarig (Grade 9), Jhonekeith Her- mogeno (Grade 9), Joycene Moraña , (Grade 9), Janine Arroyo (Grade 8), Rica Jane Cepe (Grade 8), Cecile R. de Roxas (Grade 8), Geneveive Guevarra (Grade 8), Florencio Baga- yaua (Grade 8) at Gng. Re- cheel E. Salcedo, guro sa I.C.T. Ang nasabing congress ay may mga tema na tu- matalakay sa kahalagahn ng ICT sa bansa at paano ito makakaapekto sa pag- unlad. SNNHS Lumahok sa Peñafrancia Military Parade Ni: Lisette T. Catangui Bicol: Dinanas rin ang hagupit ni BAGYONG RUBY Humigi’t kumulang tatlong mi- lyong Pilipino ang nasalanta ng kaka- dadaan palang na Bagyong Ruby sa bansa parkular sa Central at Eastern Visayas, Southern Luzon, Bikol at karag lugar ng mga ito noong Disyembre 6, taong kasalu- kuyan. Ayon sa Naonal Disaster Risk Re- ducon Management Council (NDRRMC), noong Disyembre 12, halos 700 000 na pamilya at natayang nasa 3 000 000 na katao ang naapektuhan. Ang Bagyong Ruby ay natatadaang naglandfall sa lugar ng mga Eastern Samar, Marinduque, ilang bahagi ng Region IV-A (CALABARZON) Masbate na naging dahilan upang maapektuhan ng manding ulan at hangin na dulot ng bagyo ang Rehiyon ng Bikol at makansela ang mga klase sa paar- alan, pagbiyahe ng mga sasakyan at pagdeklara ng State of Calamity sa mga higit na sinalantang lugar. Sundan sa pahina 3…. SNNHS Enrollment Bahagyang Tumaas Ni: Bernadette Dimanarig Bahagyang tumaas ang enrollment ng Mataas na Paaralan ng Sto. Nino ngayong panuruan 2014-2015 na may kabuuang 565 kumpara noong taong panuruang 2013-2014 na mayroon lamang 560. Sa tala, ang ika-pitong baitang ang pinaka- mataas na mayroong kabuuang 154; pangalawa ang ika-walong baitang na mayroong 145; pan- gatlo ang ika- siyam na baitang na mayroong 134 at pang- apat ay ika-apat na taon na mayroon naming 127 katao. Sundan sa pahina 2…. ITINANGHAL na Ms. Commu- nicator 2014 si Janine S. Arroyo noong ika-12 ng Disyembre, ta- ong kasalukuyan sa Mataas na Paaralan ng Sto. Niño kaugnay sa ginanap na National Reading Month 2014. Maliban sa pagiging Ms. Communicator 2014 nasung- kit rin ni Ms. Arroyo ang Ms. ICT 2014 .Siya ay tumanggap ng sertipiko, tropeyo, sash at korona bilang pagkila- la sa kanyang parangal. Arroyo: Itinanghal na Ms. Com- municator 2014 Ni: Joan S. Arroyo OPISYAL www.newinfo.inquirer.net

Tilamsik Tabloid 11x17

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Tilamsik Tabloid 11x17

Citation preview

Page 1: Tilamsik Tabloid 11x17

na Pahayagan sa Filipino ng

Pambansang Mataas na Paaralan ng Sto. Nińo Dibisyon ng Iriga

Region V (Bicol)

Lumahok ang CAT, DLC and Majorette Corps mula sa SNNHS sa isinagawang 2014 Peñfrancia Miltary Parade noong ika-19 ng Setyembre na ginanap sa Naga City kaugnay sa PeñafArancia Fi-esta.

Ang nasabing kumpetisyon ay

linahukan rin ng iba’t ibang CAT Unit sa rehiyong Bikol kung saan ito’y naitalang linahukan ng halos 90 paaralan para sa Category 1/Mixed Company habang halos 40 naman para sa Category 2/Company Minus.

Kaugnay dito pinalad na maka-

mit ng Majorette ang Ikawalong Pwesto para sa Best Marching Ma-jorette (Category A).

Kasama nila sa nasabing kum-

petisyon sina Gng.Teresa G. Borro-meo - CAT Teacher Facilitator; SSG Ricky A. Villanueva (RES) CAT Guest Instructor. G.Augusto I. Ceguera Jr; Bb. Niña M. Salvadora at Bb. Ma.Lorena P. Namoro-Majorette Facilitators; Gng. Con-cisa P. Largo at Bb. Maila O. Ba-ñaria-DLC Facilitators.

3rd Bicol ICT Congress, Dinaluhan

Ni: Bernadette Dimanarig

Lumahok ang Mataas na Paaralan ng Sto. Niño sa isinagawang 3rd Bicol ICT Congress na ginanap sa Iriga Plaza Con-vention Center noong ika- 26-27, taong kasalukuyan. Dumalo sina Joni Gabriel S. Cruzata (Grade 9), Bernadette Dimanarig (Grade 9), Jhonekeith Her-mogeno (Grade 9), Joycene Moraña , (Grade 9), Janine Arroyo (Grade 8), Rica Jane Cepe (Grade 8), Cecile R. de Roxas (Grade 8), Geneveive Guevarra (Grade 8), Florencio Baga-yaua (Grade 8) at Gng. Re-cheel E. Salcedo, guro sa I.C.T.

Ang nasabing congress ay may mga tema na tu-matalakay sa kahalagahn ng ICT sa bansa at paano ito makakaapekto sa pag-unlad.

SNNHS Lumahok sa

Peñafrancia Military Parade Ni: Lisette T. Catangui

Bicol: Dinanas rin ang hagupit ni BAGYONG RUBY

Humigi’t kumulang tatlong mi-

lyong Pilipino ang nasalanta ng kaka-

dadaan palang na Bagyong Ruby sa bansa

partikular sa Central at Eastern Visayas,

Southern Luzon, Bikol at karatig lugar ng

mga ito noong Disyembre 6, taong kasalu-

kuyan.

Ayon sa National Disaster Risk Re-

duction Management Council (NDRRMC),

noong Disyembre 12, halos 700 000 na

pamilya at tinatayang nasa 3 000 000 na

katao ang naapektuhan.

Ang Bagyong Ruby ay natatadaang

naglandfall sa lugar ng mga Eastern Samar,

Marinduque, ilang bahagi ng Region IV-A

(CALABARZON) Masbate na naging dahilan

upang maapektuhan ng matinding ulan at

hangin na dulot ng bagyo ang Rehiyon ng

Bikol at makansela ang mga klase sa paar-

alan, pagbiyahe ng mga sasakyan at

pagdeklara ng State of Calamity sa mga

higit na sinalantang lugar.

Sundan sa pahina 3….

SNNHS Enrollment Bahagyang Tumaas Ni: Bernadette Dimanarig

Bahagyang tumaas ang enrollment ng

Mataas na Paaralan ng Sto. Nino ngayong

panuruan 2014-2015 na may kabuuang 565

kumpara noong taong panuruang 2013-2014 na

mayroon lamang 560.

Sa tala, ang ika-pitong baitang ang pinaka-

mataas na mayroong kabuuang 154; pangalawa

ang ika-walong baitang na mayroong 145; pan-

gatlo ang ika- siyam na baitang na mayroong 134

at pang- apat ay ika-apat na taon na mayroon

naming 127 katao.

Sundan sa pahina 2….

ITINANGHAL na Ms. Commu-

nicator 2014 si Janine S. Arroyo

noong ika-12 ng Disyembre, ta-

ong kasalukuyan sa Mataas na

Paaralan ng Sto. Niño kaugnay sa

ginanap na National Reading

Month 2014.

Maliban sa

pagiging Ms.

Communicator

2014 nasung-

kit rin ni Ms.

Arroyo ang

Ms. ICT

2014 .Siya ay

tumanggap ng

s e r t i p i k o ,

tropeyo, sash

at korona

bilang pagkila-

la sa kanyang

parangal.

Arroyo: Itinanghal na Ms. Com-

municator 2014 Ni: Joan S. Arroyo

OPISYAL

www.newinfo.inquirer.net

Page 2: Tilamsik Tabloid 11x17

1st School YES’O Camp, Idinaos

Parangal. Iginawad ni G. Ephrem L. Pili, Punong guro ng Mataas na Paaarlan ng Sto

Niňo ang regalo at sertipiko kay Piscal Roberto M. Jocom, Jr. bilang tagapanayam sa

Anti bullying at Drug Trafficking noong ika-2 ng Oktubre 2014.

Information Dissemination: Matagumpay na naisagawa Ni: Lisette T. Catangui

Pansangay Jamborette, Dinaluhan Ni: Rica Jane T. Cepe

Matagumpay na naisagawa sa Mataas na Paaralan ng Sto. Niño ang Information Dissemina-tion Against Bullying Pornogra-phy, Child Abuse and Drug Addic-tion noong ika-2 ng Oktubre, ta-ong kasalukuyan. Ito ay sin-imulan ng panalangin na isina-gawa ni Gng. Magie T. Malate, guro ng 9-Resourcefulness, na sinundan ng pag-awit ng Pam-bansang Awit na isinagawa ni Gng. Niña Salvadora, guro ng 8-Humility. Nagbigay ng pahayag ng pag-bubukas ng okasyon si Gng. Tere-sa Borromeo, guro sa 7-Compassion, at G. Ephrem L. Pili. Punong-Guro. Bilang pagbati , nagbigay ng mensahe sina G. Jose B. Barce,

General PTA President. Nagkaroon ng ibat’t –

ibang presentasyon ang mga ta-gapanayam na sina Atty. Roberto M. Jocom, Jr. at SPO3 Liza Jane Alteza patungkol sa Bullying Por-nography, Child Abuse and Drug Addiction.

Matapos ang pakikinig ng la-hat nagbukas ng OPEN FORUM sina Gng. Teresa Borromeo at G. Jaypee Villareal na sinundan ng pagsasara ng okasyon ni Gng. Te-resa G. Borromeo, Faculty Presi-dent .

Ang nasabing pagdiriwang ay

pinamunuan ng Supreme Student Government kasama ang iba’t ibang organisasyon ng ating paar-alan.

Dinaluhan ng 15 es-

tudyanteng iskawts (5 babae at

10 lalaki) mula sa Mataas na

Paaralan ng Sto. Niño ang isina-

gawang 23rd Councilwide Jambo-

rette na ginanap sa Brgy. Sta. Te-

resita, , Iriga City noong ika - 12

ng Oktubre, taong kasalukuyan.

Dumalo din sa nasabing

jamborette ang iskawts mula sa

iba’t ibang paaralang elementar-

ya at sekundarya sa Lungsod ng

Iriga.

Kasama nila ay sina Gng.

Liza D. Aure, Bb. Maila O. Bañaria

at G. JaypeeVillareal bilang mga

pamatnubay ng mga lumahok na

iskawts mula sa ating paaralan.

Mula sa pahina 1….

Ang enrollment ay pinamahalaan ang kanya-kanyang guro, sa

pamatnubay naman ng principal na si G. Ephrem L. Pili.

Isinagawa sa Mataas na

Paaralan ng Sto. Niño sa unang

pagkakataon ang Youth for Envi-

ronment in School Organization o

YES’O Camp noong ika-25-26 ng

Setyembre, taong kasalukuyan

na may temang “Philippines:

Abode of Green Environment.”

Ito ay nilahukan ng mahigit

kumulang 150 na mag-aaral na

nahati sa sampung grupo na may

kanya-kanyang pangalan: Camp

Narra (Unang Grupo), Camp Coco-

nut (Pangalawang Grupo), Camp

Kawayan (Pangatlong Grupo),

Camp Sealanderest (Pang-Apat na

Grupo), Camp Kalikasan

(Panglimang Grupo), Camp Nature

Garden (Panganim na Grupo),

Camp Eco- Warriors (Pangpitong

Grupo), Camp Forest (Pangwalong

Grupo), Camp Eco-Lovers

(Pangsiyam na Grupo) at Camp

Jungle Brights (Pangsampung

Grupo).

Kaugnay dito,isinagawa ang mga

sumusunod na gawain: Tree

Planting, Environmental Quiz,

Pagguhit, Pagsulat ng Sanaysay,

Collage Making, Slogan Making,

Search for Lakan at Lakambini ng

Kalikasan 2014, Film Showing Fun

Run/Fun Walk, Pinoy Henyo at

Science Magic/Trick.

Ang mga nanalo sa mga

nasabing patimpalak ay sina: Envi-

ronmental Quiz- Joni Gabriel S.

Cruzata (Camp Forest) Unang

Pwesto, Lisette T. Catangui (Camp

Ecowarriors) Ikalawang Pwesto,

Bernadette S. Dimanarig (Camp

Narra) Ikatlong Pwesto; sa

Pagguhit- Jessa Barra , Unang

Pwesto, Mark Kenneth Blanco,

Ikalawang Pwesto, Anjo Patano

(Camp…) at Tomas Borromeo

(Camp Narra)

Ikatlong Pwesto; Pagsulat ng

Sanaysay- Lisette T. Catangui

(Camp Ecowarriors) Unang Pwes-

to, Joan S. Arroyo (Camp Coconut)

Ikalawang Pwesto, Bernadette S.

Dimanarig (Camp Narra) Ikatlong

Pwesto; Collage Making- Camp

Narra Unang Pwesto, Camp…

Ikalawang Pwesto, Camp Ecowar-

riors Ikatlong Pwesto; Search for

Lakan at Lakambini ng Kalikasan-

Maricar M. Oronan (Camp Jungle

Brights) at Jonathan P. Ababa

( Camp Eco - Warriors) bilang

Lakan at Lakambini ng Kalikasan

2014, Joseph B. Berganio (Camp

Jungle Brights) at Cecille R. de

Roxas (Camp Sealanderest) bilang

1st Runner-up; John Lloyd C.

Namoro (Camp Forest) at Trixie S.

Aguilar (Camp Kawayan) bilang 2nd

Runner-up; Pinoy Henyo- Camp

Kawayan Unang Pwesto, Camp

Ecowarriors Ikalawang Pwesto; at,

Science Magic- Camp Ecowarriors

Unang Pwewsto, Camp Coconut

Ikalawang Pwesto, Camp

Ecolovers Ikatlong Pwesto.

Sa pamamagitan ng Point

System nakamit ng Camp Ecowar-

riors ang Over-All Champi-

on,sinundan ng Camp Coconut

bilang 1st Runner Up at Camp Ka-

wayan, 2nd Runner Up.

Ang nasabing YES-O Camp

ay pinangunahan ng YES-O at Sci-

ence Club Officers sa pamatnubay

nina Gng. Precy T. Catangui, Gng.

Laila Namoro, G. Ronald N. Huel-

gas, Bb. Maila O. Bañaria, Bb. Ar-

lene D. Bagaporo, at Bb. Niña M.

Salvadora, mga guro sa Agham.

Ngiting Panalo. Ang mga kalahok sa isinagawang Search sa Lakan at Lakambi-

ni na Kalikakasan noong ika – 26 ng Setyembre 2014 sa School Campus.

Page 3: Tilamsik Tabloid 11x17

Buwan ng Nutrisyon, Ipinagdiwang ni : Bernadette Dimanarig

Gandang Tunay. Si Mary France Villanueva, 14, lumahok sa

paligsahan sa Hair Style and Make – Up noong ika – 31 ng Hulyo

2014 kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon sa sa

School Campus.

Mula sa pahina 1….

Ito ay nag-iwan ng malaking pinsala sa agrikultura, infrastraktura, turismo, kumitil ng ilang buhay at puminsala nga sa milyong katao kasama na ang mga Bikolano. Kaugnay dito, upang ipakita ang pakikiisa at pagtulong, kasalukuyang nagbibigay ng tulong ang iba’t ibang bansa at pribadong sector ng lipunan para sa mga biktima ng dumaang

Bagyong Ruby. Ang nasabing tulong ay mga cash at in-kind donations. Marami rin sa ating mga kababayan ang nangunguna at gumagawa ng iba’t ibang paraan upang makalikum ng pondo at mapaabot nila ang tulong para sa mga biktima ng Bagyong Ruby na kung saan ang ilang sinalanta ni Ruby ay matatandaang sinalanta rin ng Bagyong Yolanda higit isang taon na ang nakakalipas.

Ipinagdiwang sa Mataas na Paar-

alan ng Sto.Niño ang selebrasyon

ng Buwan ng Nutrisyon noong

Hulyo 31, 2014 na may temang

“Kalamidad Paghandaan: Gutom

at Malnutrisyon Agapan”.

Kaugnay sa pagdiriwang,

isinagawa ang mga patimpalak sa

Essay Writing Contest, Hair and

Make-up, Nail Art and Hand Mas-

sage, Tunog Kusina, Acroustic, Ex-

perimental Fish Dish at Chicken

Dish.

Ang mga nanalo sa mga

nasabing paligsahan ay sina; Essay

Writing Contest- Darel Agravante

–Unang

Pwesto, Bernadette Dimanarig

Ikalawang Pwesto, Stephanie

Rose Espiritu Ikatlong Pwesto;

Hair and Make-Up Contest- Jessa

Barra Unang Pwesto, Paulo Enrico

Camila Ikalawang Pwesto, Mary

France Villanueva, Ikatlong Pwes-

to; Nail and Hand Art Massage-

Joana Marie Tabarangao Unang

Pwesto, JEssa Barra Ikalawang

Pwesto, Ikatlong Pwesto; Tunog

Kusina- Ikapitong Baitang Unang

Pwesto, Ika-Apat na Taon Ikala-

wang Pwesto, Pangwalong

Baitang Ikatlong Pwesto,

Pangsiyam na Baitang Ikaapat na

Pwesto; Acroustic- Ikapitong

Baitang Unang Pwesto, Ikawalong

Baitang Ikalawang Pwesto,

Ikasiyam na Baitang Ikatlong

Pwesto; Experimental Fish Dis- 9

Resourcefulness Unang

Pwesto, 8-SSC Ikalawang Pwesto,

7-SSC Ikatlong Pwesto, IV-SSC,

Ikaapat na Pwesto; at Chicken

Dish, 8-SSC Unang Pwesto, IV-SSC

Ikalawang Pwesto, 7-SSC Ikatlong

Pwesto.

Ang mga nanalo sa nasabing

paligsahan ay tumanggap ng

sertipiko bilang pagkilala. Ang

pagdiriwang na ito ay

pinangunahan ng T.L.E. Club Offic-

ers sa pamatnubay nina Gng. Fe

Curativo at mga guro sa asignatur-

ang T.L.E.

Sabayang Pagbigkas,

Unang gantimpala- Ika-walong

baitang, Ikalawang gantimpala-

Ika-apat na Taon, Ikatlong gantim-

pala - Ika-siyam na baitang, Ika-

apat na gantimpala- Ika-pitong

baiting; Masining na

Pagkukwento, Unang gantimpala-

Maricho M. Saluya (Ika-walong

baitang), Ikalawang gantimpala-

Agnes V. Arroyo(Ika-siyam na

baitang), Ikatlong gantimpala-

Mary Jane M. Saluya.

Ang nasabing programa ay

pinangunahan ng Samahan sa Fili-

pino (SamaFil) sa patnubay ni

Gng. Laila C. Namoro , CAC sa Fili-

pino at iba pang guro sa asigna-

turang Filipino.

Buwan ng Wika, Ginanap

ni: Bernadette S. Dimanarig

Ginanap sa Mataas ng

Paaralan ng Sto. Niño ang pag-

diriwang ng Buwan ng aWika

noong Agosto 28, taong kasalu-

kuyan, ala-una ng hapon na may

temang “Wika ng Pagkakaisa.”

Kaugnay sa pagdiriwang

nito, may mga patimpalak sa

Pagguhit, Pagsulat ng Sanaysay,

Interpretative Dance, Fliptop

Battle, Sabayang Pagbigkas, Mas-

ining na Pagkukwento at Fun Run

na nilahukan ng mga in-

teresadong mag-aaral mula sa

Unang Lebel hanggang Ika-apat

na Lebel.

Ang mga nanalo sa nasa-

bing kompetisyon:

Pagguhit, Unang gantim-

pala-Mark Kenneth G. Blanco (Ika

-siyam na baitang), Ikalawang

gantimpala-Daryl G. Blanco (Ika-

apat na Taon), Ikatlong gantim-

pala-Lisette T. Catangui (ika-apat

na Taon),at Bernadette Diman-

arig (Ika-siyam na baitang); Inter-

pretative Dance, Unang gantim-

pala-Ika-walong baitang, Ikala-

wang gantimpala -Ika-pitong

baitang, Ikatlong gantimpala -Ika-

apat na taon, Pang-apat na gan-

timpala-Ika-siyam na baiting ;

Fliptop Battle, Unang gantimpala

-Ika-apat na Taon, Ikalawang gan-

timpala - Ika-walong baiting;

Page 4: Tilamsik Tabloid 11x17

ALAY SA GURO. Si Gng. Concisa P. Largo, Tagapayo sa IV-Thriftiness ha-

bang binibigyan ng tribute kaugnay sa pagdiriwang ng World Teachers’ Day

noong ika-5 ng Oktubre, 2014 sa School Campus.

BAGONG GUSALI. Ang bagong multi-purpose covered court na itinayo sa

Sto. Niño Barangay Hall

Namoro, nanguna sa Tagisan ng Talino sa Agham; Unang Lebel

Ni:Lisette T. Catangui

Nakamit ni John

Lloyd C. Namoro; mag-

aaral ng ika- pitong

baitang ng Mataas ng

Paaralan ng Sto. Niño ang

Unang Gantimpala sa

isinagawang Pandibisyong

Tagisan ng Talino sa

Agham noong Oktubre 15,

2014 na ginanap sa Maba-

bang Paaralan ng San Isi-

dro, Lungsod ng Iriga.

Ito‘y nilahukan ng mga

piling mag-aaral mula sa

pribado at pampublikong

paaralan at siya‘y pinalad na

masungkit ang pwesto. Siya

ay inaasahang lalahok sa

panrehiyong Tagisan ng Tali-

no sa Agham sa darating na

mga buwan kasama ang

kanyang tagapagsanay na si

Gng. Precy T. Catangui, Guro

sa Agham, Unang Lebel.

Samantala pinalad rin

na manalo sina Janine S. Ar-

royo na nagkamit ng ikala-

wang pwesto para sa Ikala-

wang Lebel. Joni Gabriel S.

Cruzata at Lisette T. Catan-

gui, ika-anim na pwesto para

sa Ikatlo at Ika-apat na Lebel.

Ang mga kalahok ay

sinanay ng kanilang mga ta-

gapagsanay na sina Gng. Pre-

cy T. Catangui, Bb. Maila Ba-

ñaria, Gng. Laila C. Namoro at

G. Ronald Huelgas, mga guro

sa Agham.

Multi-Purpose Covered Court, Itinayo Ni: Bernadette Dimanarig

Itinayo ang isang

Multi-Purposed Covered

Court sa Sto. Nino, Lung-

sod ng Iriga na sinimulan

noong Mayo 10 at natapos

ngayong Nobyembre 15,

2014 sa tulong ni Governor

Miguel Luis R. Villafuerte.

Ang nasabing Multi-

Purposed Covered Court ay

naglalayong: maipagdiwang

dito ang lahat ng okasyon ‗rain

or shine‘ man, magamit ito sa

isang pagtitipon at maaaring

parentahan para magkaroon ng

karagdagang kita ang baran-

gay.

Ang nasabing istraktura

ay nagkakahalagang Php 5 mi-

lyon sa pamatnubay ni Iriga

City Mayor Ronald Felix Y. Al-

felor.

SNNHS WORLD TEACHERS DAY, Ipinagdiwang Ni: Lisette T. Catangui

Ipinagdiwang

sa Mataas na Paaralan ng

Sto. Niño ang Teacher’s

Day noong ika-3 ng Ok-

tubre, taong kasalukuyan

na may temang ‘My Teach-

er, My Hero”.

Ito ay sinimulan ng pa-

nalangin na isinagawa ni Mar-

icar M. Oronan, SSG Peace Of-

ficer na sinundan ng pag-awit

ng Pambansang Awit na isina-

gawa ni Roselle P. Ibo, SSG

4th Year Representative. Nag-

bigay ng pahayag ng pag-

bubukas ng okasyon si Lisette

T. Catangui, SSG President.

Bilang pagbati sa mga

guro, nagbigay ng mensahe

sina G. Jose B. Barce, General

PTA President at G. Ephrem L.

Pili, Punong-Guro.

Nagkaroon ng iba‘t

ibang presentasyon at tribute

ang bawat seksyon at mga

estudyante sa kanilang mga

guro.

Nagpaligsahan rin ang mga

guro sa inihandang Parlor

Games. Matapos ang pag-

sasaya ng lahat nagbigay ng

pahayag ng mensahe si Dr.

Mary Ann B. Orolfo, Head

Teacher III sinundan ng pag-

sasara ng okasyon ni Gng. Te-

resa G. Borromeo, SSG Advis-

er.

Ang nasabing pagdiriwang

ay pinamunuan ng Supreme

Student Government kasama

ang iba‘t ibang organisasyon

ng ating paaralan.

Page 5: Tilamsik Tabloid 11x17

School Level PRESS CONFERENCE, Isinagawa Ni: Lisette T. Catangui

ALAGAD NG PAMAMAHAYAG. Si G. Frank Peñones, tagapanayam sa

Editorial Writing at Lathalain kaugnay sa Schools Press Conference sa

Mataas na Paaralan ng Sto. Niño, noong ika-9 ng Oktubre, 2014.

Regional Leadership Congress, Linahukan Ni: Bernadette Dimanarig

Upang madagdagan

ang kaalaman ng mga nag-

nanais na maging pinuno,

ang ACER Foundation, katu-

wang ang Kagawaran ng

Edukasyon (Region V) ay

nagdaos ng Regional Leader-

ship Congress Seminar sa

CBSUA Atrium, Pili, Cama-

rines Sur noong Oktubre 21

taong kasalukuyan na li-

nahukan ng 17 na mag-aaral

sa Mataas na Paaralan ng

Sto. Nino. Ang seminar ay

linahukan nina: sa 4th Year –

Lisette T. Catangui, Joan S.

Arroyo, Girlly N. Barce. Rica

Ann Manaog, Cherry Mae

Macauyam, May Ann Salva-

dora, Darel Agravante,

,Roselle Ibo at Mary Jane

Saluya sa Grade 9 – Irene L.

Ibarreta, Joycene A. Mo-

rana, at Jessa Mae V. Peria-

bras at sa Grade 8- Janine S.

Arroyo, Cecille R. de Roxas,

Rica Jane Cepe, Mary France

Villanueva at Geneveive F.

Guevarra. Janine S. Arroyo,

Cecille R. de Roxas, Rica

Jane Cepe, Mary France Vil-

lanueva at Geneveive F.

Guevarra.

Ang speaker ay sina

Dr. Gilbert T. Sadsad, De-

pEd Region V-Director IV at

Bishop Joseril Orolfo, Taga-

pangasiwa ng Acer Founda-

tion na ipinaliwanag ang

mga paksang: Success and

Motivation, Personality De-

velopment, Fiscal Manage-

ment at Leadership and

Management.

Isinagawa sa Mataas na

Paaralan ng Sto.Niño ang Palig-

sahan sa Pampaaralang Pama-

mahayag noong ika-9-10 ng

Oktubre, taong kasalukuyan.

Ang nasabing gawain ay

binubuo ng mga sumusunod na larangan: News Writing (Ingles

at Filipino); SportsWriting (Ingles at Filipino); Editorial

Writing (Ingles at Filipino); Feature Writing (Ingles at Fili-pino); Photojournalism (Ingles

at Filipino); Editorial Cartooning (Ingles at Filipino); at, Science

and Health Writing (Ingles at Filipino). Ito ay linahukan ng

mga interesadong estudyante mula sa Ikapitong Baitang hanggang Ika-Apat na Taon

kung saan ang mga nagwagi ay sina: News Writing Filipino,

Bernadette Dimanarig Unang Pwesto, at Janine Arroyo Ikalawang Pwesto; News Writ-

ing English, Lisette Catangui Unang Pwesto, Cecille de Rox-

as Ikalawang pwesto, at Erika Sheena Monte Ikatlong Pwesto.

Sports Writing Filipino, Joan Arroyo Unang Pwesto, Rica Ann Manaog Ikalawang Pwesto, Ja-

nine Arroyo Ikatlong Pwesto;

Sports Writing English, Rose Anne Khim Nacario Unang

Pwesto, Gellie Barce Ikalawang Pwesto, at Mariflor Agapito

Ikatlong Pwesto. Editorial Writing Filipino, Joni Gabriel

Cruzata Unang Pwesto, Agnes Arroyo Ikalawang Pwesto, Ed-win Vargas Ikatlong Pwesto,

Hija Medalyn Arnante Ika-apat na Pwesto, at Maricar Oronan

Ika limang Pwesto. Editorial Writing English, Lisette Catan-gui Unang Pwesto, at Joycene

Moraña Ikalawang Pwesto.

Feature Writing Filipino, Darel Agravante Unang Pwes-

to, Rose Anne Khim Nacario Ikalawang Pwesto, Maricar Oronan Ikatlong Pwesto, Jessa

Periabras Ika-apat na Pwesto, at Jessa Barra ,Ika limang

Pwesto; Feature Writing Eng-lish, Agnes Arroyo Unang Gan-

timpala, at Jayvee Villar Ikala-wang Gantimpala. Photojour-nalism Filipino, Donnalyn Mon-

te Unang Pwesto; Photojour-nalism English, Roselyn Ababa

Unang Pwesto, at Erika Sheena Monte Ikalawang Pwesto.

Ito ay pinangunahan ng

mga guro mula sa asignatur-

ang Filipino at Ingles.

SNNHS, Namayagpag sa Pansangay na Patiribayan sa TLE

Ni: Bernadette Dimanarig

LIDER NG PAGBABAGO. Ang mga opisyal ng Student Government sa SNHS

na lumahok sa panrehiyong leadership congress sa CBSUA Atrium, Pili,

Camarines Sur noong Oktubre 21, 2014.

Nagkamit ng karangalan ang apat na estudyante ng SNNHS sa ginanap na STEP Skills Competition noong Disyembre 1, 2014 sa Rinconada National Technical Vocational School(RNTVS), Sto. Domingo, Iriga City. Nakamit nina Joana Ma-rie N. Tabarangao ang Unang Pwesto sa Nail Art Design and

Hand Massage Contest Janine S. Arroyo, Ikalawang pwesto sa Webpage Designing, Jessa Barra, Ikatlong pwesto sa Hair and Make-Up, at Joni Gabriel S. Cruzata. Ikalimang Pwesto sa Tarpaulin Printing.

Naging gurong tagapag-sanay nila sina Gng. Fe Curativo, Gng. Recheel E. Salcedo, at Bb. Arlene Bagaporo.

Page 6: Tilamsik Tabloid 11x17

PUNA’T PURI, TRABAHO LANG, WALANG PERSONALAN Kolum… ni Joni Gabriel S. Cruzata

Hello there, kapamilya, kapuso, kapatid, kaibigan o kahit kapitbahay. Halika at lakbayin ang mundo ng mga kapuri-puri at ka-puna-punang mga pangyayari sa ating mahal na paaralan. Oh, hinga na ng malalim… isa… dalawa… tat-lo… at kamay sa dibdib. Oy, dala ka foods! Hihi.

Una sa lahat, lubos po kaming nagpapasalamat at saludo kaming lahat sa mga guro na walang sawang sumusuporta at nagtuturo sa ating lahat sa pangunguna ng ating butihing punong-guro na si Ginoong Ephrem L. Pili. Taas-noo po kaming nagpapasalamat sa inyo, mga dakilang guro talaga kayong maituturing.

Pangalawa, sa mga es-tudyante na naabot pa ng K to 12 Curriculum. Okay lang yan, konting adjustment lang masasanay na rin tayo dito. Para sa atin naman ito. “Gearing for the future” Ika nga.

Pangatlo, sa mga es-tudyante na pinapakita ang kanilang pagiging isang mabuting halimbawa. Good job yan! Pinatunayan nyo lang na ang ating paaralan ay humu-hubog ng mga mabubuting kabataan.

Pang-apat, ating bigyang papuri ang mga mag-aral na patuloy na naghahatid kasiyahan at nagbib-igay ng kakaibang kulay sa ating paaralan at itinayo ang panglan ng ating paaralan. Pinatunayan nyo na kahit pampublikong paaralan lang tayo, pagdating sa paligsahan ay hindi papatalo… Magaling!

Pang-lima, congrats sa CAT, DLC at Majorettes ng Mataas na Paaralan ng Sto. Niño na patuloy na nagdadala ng karangalan sa ating paaralan. Ito rin ang isa sa mga nakakatulong na humubog sa

disiplina ng bawat mag-aral.

Pang-anim, sa mga es-tudyanteng sumama sa Regional Leadership Congress at Regional ICT Congress, sana ay maiuwi niyo ang inyong mga natutuhan dito sa ating paaralan upang makatulong sa ating eskwelahan.

Pang-pito, sa mga Science Club Officers at YES-O Club Officers keep up the good work malaking bagay ang inyong inorganisang YES-O Camp para sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan sa ating kapa-ligiran. Go Green!

Pang-walo, congratulations sa Seniors dahil nasungkit nila ang tropeo sa kampeonato sa ginananap na School Intramurals 2014. Bunga ito ng kanilang pagsisikap na maging number one. Karapat-dapat kayong palakpakan.

Pang-siyam, sa mga Fresh-men, okay lang ba kayo? Baguhan lang kayo dito pero ang ganda na agad ng performance niyo, nasung-kit niyo pa ang pagiging kampeon sa Tunog Kusina, Akrostik at Collage Making noong Nutrition Month. Keep up the good work guys!

Pang-sampu, sa mga mag-aaral na hindi pa rin sumusunod sa school policies ng ating paaralan. Isa na dyan ang pagsusuot ng uni-porme, gusto nyo bang mapalabas ng mga CAT Officers dyan? Guys behave… okay!

Pang-labing tatlo, sa mga transferees, okay lang ba tayo mga dude? Parang hindi eh! Feel at home guys. Huwag niyo nalang pan-sinin ang mga a.k.a. ‘bully’ dyan. Nao-OP ba kayo? Huwag na kayong mahiya, kung kaya ng iba kaya niyo rin yan.

PAGHAHANDA LABAN SA EBOLA, SAPAT NGA BA?

ni Joni Gabriel S. Cruzata

Malaking banta sa Pilipinas ang pagpasok ng Ebola virus at hindi lamang ang bansa ang naghahanda sa malaking health threat na ito sa sangkatauhan, kundi halos buong mundo. Dahil sa paglalaganap ng Ebola virus sa West Africa. Matindi ngayon ang ginagawang hakbang ng Department of Health para maiwasang makapasok ang naturang sakit dito sa Pilipinas laban sa Ebola? Gaano kasigurado ang ating pamahalaan na hindi na kumalat ang nakakamatay na sakit dito sa Pilipinas?

Ang Ebola ay isang severe viral infection na zoonotic disease, ibig sabihin ito’y nanggagaling din sa hayop na nagkakahawaan. Matindi ang mortality rate ng mga binabawian ng buhay sakaling madapuan ng nasabing virus. Nasa 55% ngayon ang mortality rate at halos kalahati ang hindi nakaka-survive.

Nagbigay ng garantiya si Department of Health Secretary En-rique Ona na handa na ang pamahalaan sa pagtugon sakaling maka-pasok sa Pilipinas ang kinakakatakutang Ebola virus na kumitil na sa buhay ng mahigit 4,000 katao sa ilang bahagi ng mundo, particular sa West Africa.

Puspusan nga- yon ang paghahan-da ng Department of Health (DOH) sa tulong na rin ng mga eksperto ng World Health Organization (WHO) para alalayan ang ating mga local health workers sakaling hindi na mapigilan ang pagpasok ng -Ebola virus sa bansa.

Kaugnay nito, naka-heightened alert na ang lahat ng airport o paliparan sa bansa upang maiwasang makapasok ng Pilipinas ang ebola virus na ngayon ay kumakalat na rin sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa kasalukuyan ay mayroon ng nakalagay na mga thermal scanners sa mga paliparan para makita ang mga pasaherong may lagnat.

Kapag ang pasahero ay nakitaan ng sintomas ng Ebola gaya ng lagnat, pagdurugo, pagsusuka at pananakit ng katawan ay agad itong isasailalim sa quarantine at titingnan kung positibo o negatibo ito sa nasabing sakit.

Ang paglaban sa virus na ito ay hindi lang nakasalalay sa DOH kundi sa kooperasyon ng mga OFWs at media sa pagbibigay ng maka-totohanang impormasyon sa ating health workers at awtoridad.

Ang paghahanda na pinapakita ng ating gobyerno ay nagpapakita lamang na hindi nila hahayaan na makatapak ang Ebola sa Pilipinas. Hindi tayo dapat na matakot, bagkus ay maging kalmado at tayong mamamayan ay kailangan ding maging handa at aktibo sa paglaban sa nasabing sakit. Maging maingat tayo sa ating kalusugan. Umiwas sa mga bisyo at sumunod sa healthy lifestyle.

ANG TILAMSIK (S/Y 2014-2015) Sto. Niño National High School, Iriga City Tel. No. 299-1418

Editor-In-Chief Joan S. Arroyo

Associate Editor Joni Gabriel S. Cruzata

Managing Editor Janine S. Arroyo

Tagasulat ng Balita Bernadette Dimanarig

Lisette T. Catangui

Janine Arroyo

Rica Jane Cepe

Tagasulat ng Lathalain

Cherry Mae Macauyam

Darel Agravante

Cecille De Roxas

Kolumnista Joni Gabriel S. Cruzata

Sports Editor Joan S. Arroyo

Layout Artist Janine S. Arroyo

Cecille de Roxas

Jhon Lloyd C. Namoro

Photojournalist Donnalyn Monte

Roselyn Ababa

ICT Technical Assistance Recheel E. Salcedo

Tagapayo:

Laila C. Namoro

Head Teacher III

May Ann B. Orolfo, Ed. D.

Principal

Ephrem L. Pili

EPS-1 Filipino

Jerson V. Toralde, Ph.D.

EPS-1, English

Claudia Marpuri

Pangalawang Tagapamanihala

Wilfredo S. Gavarra

Tagapamanihala

Loida N. Nidea, Ed. D Ceso VI

Page 7: Tilamsik Tabloid 11x17

Liham sa Editor Ni: Joni Gabriel S. Cruzata

Mahal kong Editor,

Magandang bati! Ako po si Jayvee M. Villar, kasalukuyang mag-aaral ng ika-siyam na

baitang sa Mataas na Paaralan ng Sto. Nino. Napansin ko lang po na may mga estudyante na

kadalasan ay wala sa kanilang mga klase. Minsan naririnig ko sa mga guro na may pinag-

uusapan silang isang estudyante na ganoon at ganito raw.

Ayon naman sa ibang estudyanteng aking napagtanungan, kung liliban daw sila

sa klase o magkaka-cut man, ang dahilan daw nito ay walang kaayusan sa loob ng kanilang

klase. Ibig sabihin nila minsan wala ang titser o kaya namna magulo lang talaga sa kanilang

klase.

Ano po ang masasabi mo sa patuloy na gawain ng ibang estudyante –ang

pagliban o pag-cut ng klase. Mayroon pa ba silang ibang dahilan kung bakit nila ito nagagawa?

Sana po ay masagutan moa ng aking mga katanungan. Salamat!

Lubos na gumagalang,

Jayvee

Mahal kong Jayvee,

Sa panahon ngayon, halata naman natin na maramig estudyante ang tinatamad pumasok

o wala sa klase. Base sa aking nakikita o naririnig, ang dahilan kung bakit may mga estudyan-

teng hindi pumapasok dahil sinasanay na sila ng kanyang mga magulang na maghanap-buhay o

magtrabaho.

Kung mas bibigyan ng halaga ang edukasyon, higit pa dito ang matatamasang kasa-

ganahan na hindi na kailangan isakripisyo pa ang pagaaral para lamang makapag-trabaho. Oo,

alam natin na marami ang naghihirap sa pamumuhay sa panahon ngayon, pero balang araw ang

pinagsikapan naman sa pag-aaral ang magdadala ng tagumpay sa buhay.

Kung hindi talaga maiwasan ang lumiban sa klase dahil sa kung ano mang rason,

kailangan ay dapat sa pagabalik sa klase ay humabol sa mga activities nang makasunod naman

at hindi mahuli sa klase. Kalingan rin na magsikap at magtiyaga ang estudyante dahil kahit na

maraming balakid sa pagpasok sa eskwela, walang imposibleng dumating ang panahon na

gumanda rin ang ating buhay.

Isa sa pinakamalaking mensahe o kasabihan na tiyak na tatatak sa puso‟t isipan ng lahat

ng mag-aaral o pati na rin sa lahat ng tao ito “sipag sa pag-aaral, susi ng tagumpay”. Nawa‟y

nasagot ko ang iyong mga katanungan at nabigyan ko ito ng paglilinaw.

--- Ang Editor

Sana’y hindi Mapako Ni: Joni Gabriel S. Cruzata

―Sa K to 12, tiwala

tayong mabibigyang-lakas si

Juan dela Cruz upang ma-

paunlad—hindi lamang ang

kanyang sarili at pamilya—

kundi maging ang buond

bansa.‖ ani Pangulong Be-

nigno S. Aquino III. Ayon sa K

to 12, kapag nagtapos na ang

mga estudyante, ay siguradong

magkakaroon na sila ng tra-

baho. Pero paano nga ba

makakatulong ang K to 12 sa

mga estudyante na magka-

trabaho?

Ayon sa Philippine Sta-

tistics Authority (PSA), tumataas

ang porsyento ng bilang ng mga

„unemployed‟ o walang trabaho.

Mula noong Disyembre 2013 na

5.6%, tumaas ito ng 7.0%

(Hulyo 2014). Makakakuha ng

mga Certificates of Comptetency

(COCs) at National Certifica-

tions (NCs) ang mga estudyante

sa nasabing kurikula. Ito ay ayon

sa TESDA Training Regulations

na kung saan ang mga es-

tudyante ay magkakaroon ng

mga „middle-level skills‟ para

magkaroon sila ng mga oportun-

idad na makapag-trabaho o mag-

ing “entrepreneur”.

Paano nakakasigurado

na ang mga graduates ng K to 12

ay magkakaroon ng trabaho?

Nakipagsundo ang De-

partment of Education (DepED)

sa mga business organizations,

local at foreign Chamber of

Commerce at sa industriya para

masigurado ang trabaho ng mga

makakapagtapos sa ilalim ng K to 12. Mayroon ring standards o

requirements na itinala upang

ang mga makakapagtapos sa ila-

lim ng K to 12 ay magkaroon ng

mg abilidad na kailangan ng in-

dustriya.

Isa sa pangangailangan

ng tao sa mundo ay ang magka-

roon ng trabaho. Sana‟y hindi ito

maging daan ng korapsyon sa

ating bansa bagkus ay ma-

katulong pa. Sana ay maisakatu-

paran ng programang ito ang

pangakong trabaho sa mga mag-

sisipag-tapos. Sana hindi mapa-

ko ang ating pinaghahawakang

pangako.

Military Parade, Nakakatulong nga ba?

Ni: Joni Gabriel S. Cruzata

Noong nakaraang Setyembre

19, 2014, ginanap ang 6th Regional

Military Parade & Competition na

kung saan ay kabilang ang Sto. Niño

National High School (SNNHS) Unit

sa mahigit 40 delegasyon (Company

Minus) na naglaban-laban. Hindi

nakuha ng SNNHS Unit ang min-

imithing pagka-panalo maliban sa

Majorette na nakuha ang ika-walong

pwesto. Ngunit ano nga ba talaga

ang dulot nito sa bawat estudyante?

Ano ang mga makukuha sa pagsama

sa ganitong extra-curricular activi-

ties?

Bago pa man sumali ang delegasy-

on ng SNNHS sa military parade sa Naga,

ay may sinalihan na rin silang iba‘t ibang

parade at competition. Kabilang na riyan

ang pagsali sa Nabua, Baao at dito sa Iri-

ga. Nag-uwi na rin sila ng iba‘t ibang

tropeo na kanilang nakamit galing sa mga

kompetisyon.Ang pagsali rito ay maka-

katulong sa estudyante dahil mahuhubog

nito ang disiplina sa sarili ng bawat estu-

dayante. Maaari nga itong dalhin sa

kanyang paglaki at tumulong sa kanyan

pagtatagumpay sa buhay. Sa tuwing

sasama naman sa military parade compe-

tition.

Natututo rin ang estudyante na makipag-

socialize sa iba‘t ibang tao at magkaroon

pa nang mga bagong kaibigan.

Ayon sa isang majorette ang

kanyang nagagastos sa pagsali rito ay

umabot ng higit kumulang tatlong libong

piso. Hindi pa riyan kasama ang sariling

gastos tuwing araw na ng parade. Sa

CAT naman ay nasa dalawang libong piso

at sa DLC ay higit kumulang limang

libong piso depende sa instrument. Kung

iisipin napakalaking pera ang mga

nabanggit para sa isang karaniwang

pamilya.

Ang pagiging CAT, DLC o major-

ette ay tunay na maipagmamalaki. Pero

hindi ba gumagastos lang tayo sa wala.

Disiplina? Oo, nakukuha iyan kapag

sumama dito, ngunit maaari naman itong

matutunan sa loob at piling ng pamilya.

Sa pamilya namn dapat nagsisimula ang

lahat. Nasa sa atin ang desisyon, alam

naman natin kung makakatulong nga ba

ang pagsama sa mga military parade o

hindi. Isipin ng mabuti.

Page 8: Tilamsik Tabloid 11x17

Climate Change: Tuldukan Ni: Joni Gabriel S. Cruzata

Sa patuloy na pagbabago

ng panahon, 25% ng species sa

buong mundo ay pinangangamba-

hang mawala sa taong 2050. Ang

pagbabago ng panahon ay patuloy

na naaapektuhan ang buhay sa

mundo. Sa buong globo, samu’t

saring epekto ng pagbabago ng

klima ang dinadala nito. Tumataas

ang temperature, ganoon din sa

pagtaas ng sea level, malalakas na

bagyo, pagkawala ng mga wildlife

species, pagdating ngmga malu-

lubhang sakit at pagka-apekto sa

ekonomiya.

Pagtaas ng temperature

ang sinisisi sap ag-akyat ng bilang

ng mga namamatay dahil sa init.

Hindi lang iyon, dahil ito na rin ang

sinisisi sa pag-akyat ng mga lebel

ng dagat at palakas na palakas na

bagyo. Ang mga karagatan natin

ay nag-iinit na rin, na ang mga

epekto ay coral bleaching.

Ang pagtaaas ng lebel ng

dagat naman ay maaaring kumitil

ng milyong tao. sa buong mundo,

nasa 100 milyong tao ang nanini-

rahan sa loob ng tatlong talampa-

kan (low lying areas) na kung saan

ay maaari silang abutin ng pagtaas

ng sea level kung hindi nila ito aa-

bandunahin.

Ayon sa mga siyentipikong

pag-aaral, ang pagbabago ng

panahon ay ginagawang mas ma-

lakas ang mga bagyo—mas tuma-

tagal, may malalakas na hangin at

mas nakakaapekto o sumisira ng

mga komudnidad na malapit sa

dagat.

Kung patuloy ang pagtaas

ng temperature at pagbabago ng

panahon, pinaniniwalaan na sang-

kapat ng lahat ng uri ng hayop at

halmaan ay mawawala sa taong

2050.

Sa pagtaas ng tempera-

ture, tumataas rin ang mga sakit

na may kinalaman sa pag-init ng

mundo at maaaring humantong sa

kamatayan. Halimbawa noong

2003, ang extreme heat waves na

nagkawsa ng 20,000 na namatay

sa Europa at mahigit 1500 na na-

matay sa India. Ayon sa World

Health Organization (WHO) ay ang

pagbabago ng panahon ay magdu-

lot ng 150,000 na namatay sa ta-

ong 2000 palang at tataas pa daw

ang bilang nito sa susunod na mga

taon.

Ang pagbabago ng

panahon ay maituturing na isa sa

mga dagok na nagmula pa noon.

Pero bakit nga ba nagkaroon nito?

Tayo ang dahilan sa lahat ng ito.

Masakit mang isipin pero tayo tal-

aga ang gumawa mismo ng mga

dahilan na kung saan ay patuloy

na sumisira sa ating kapaligiran.

Kailangan nating baguhin ang

ating mga gawain, sa simpleng

pagtatanim ng puno ay maka-

katulong na ito sa pagsugpo ng

pagbabago ng klima. “CLIMATE

CHANGE” TULDUKAN NA!

Handa ba tayo? Ni: Joni Gabriel S. Cruzata

Ang Pilipinas ay nasa tina-tawag na Pacific Ring of Fire na naka-palibot sa Pacific na tadtad ng mga bulkan na regular na sumasabog. Karamihan sa mga bulkang ito ay nasa Pilipinas. At ang isa roon – ang Mayon na nasa Albay – ay nagsimu-lang mag-alburoto noong Setyembre 15, 2014. Isa na naman itong pag-subok para sa ating mga Bicolano at sa ating gobyerno. Handa na ba tayo sa pagsabog ng Bulkang Mayon?

Sa kasalukuyan, ang mga apektadong lugar ay ang aabot sa 52 mga barangay na mula sa limang bayan at tatlong lungsod sa Albay. Ang mga apektadong residente ay nailikas na sa mga evacuaton center na nasa ilalim ng pangangalaga ng mga pamahalaang lokal. Nagpapatu-loy din ang mga klase sa ilalim ng contingency plan ng Department of Education, kamakailan nga ay pu-munta si Department of Education Secretary Bro. Armin Luistro sa Albay at nagtayo ng Temporary Learning Center.

Mahusay ang pagkakaba-langkas ng evacuation plan sapagkat mayroon ding probisyon na pagkain at tubig para sa mga alagang hayop ng mga mangsasakta at mga pet upang hindi na sila magparoo’t pari-to sa mga sakahan upang alagaan ang kailang mga hayop.

Sa pangunguna ni Gov. Joey

Salceda ay nagpatupad agad ng emergency program ang Albay. Ma-higit 10,000 residente na nakatira sa loob ng danger zone ang agad na inalerto para sa paglilikas. Saklaw ng Permanent Danger Zone (PDZ) ang mga lugar anim na kilometro mula sa bibig ng bulkan, kung saan mala-mang na bumagsak ang mga nagbabagang mga bato sa pagsabog. Mayroon ding Extended Danger Zone (EDZ) na walong kilometro ti-mog-silangan ng bibig na inaasahang dadaluyan ng lava. Mahigit dalawang linggo na mula nang inisyu ang volcano alert ng Philippine Institute of Volcanolo-gy and Seismology (Phivolcs). Patu-loy na minomonitor ng Phivolcs ang panganib at gayong waring nanahimik ang bulkan, oobserbahan pa ito ng awtoridad kung ibababa na nga ba ang alert level ng bulkan upang makauwi na ang mga evacu-ees sa kanilang mga bahay.

Ano man ang mangyari sa susunod na mga araw, nakatitiyak tayo na kontrolado ng mga opisyal ng Albay ang situwasyon. Ang kanil-ang well-organized disaster mitiga-tion plan at ang buong kooperasyon na ipinamalas ng taumbayan ay sapat na upang hindi gaano silang maapektuhan ng pagsabog ng Ma-yon at sana zero casualties.

Pangako ng K-12 Ni: Joni Gabriel S. Cruzata

”This law will empower the next gen-

eration of Filipinos” sabi ni Pangu-

long Aquino noong nilagdaan niya

ang Republic Act 10533. Ito rin ang

Enhanced Basic Education Act of

2013 o K to 12 Basic Education Pro-

gram. Ano nga ba talaga ang tunay na

tunguhin ng programang ito? Ano

ang maipapangako nito sa mga ba-

tang naabot at maaabot pa nito?

Pangako ng Department of

Education (DepED) na magkakaroon

ng trabaho ang sinumang mag-aaral

na magtatapos sa ilalim ng nasabing

kurikulum.

Sa pamamagitan nito, mas

lalong magiging handa ang mga es-

tudyante sa kanilang pagtatapos na

kung saan ay mas Malaki ang pagka-

kataon nilang makahanap ng tra-

bahong may maayos na sweldo o sila

mismo ang magnegosyo o tumuloy sa

kolehiyo. Ayon sa DepED, ang dag-

dag na taon sa pag-aaral ng mga es-

tudyante ay huhubugin sila upang

magind handa sa kanilang trabaho o

propesyon.

Pero marami pa rin ang hindi

kumbinsido sa pangako ng K to 12 at

hindi naniniwala sa magandang dulot

ng programa. Isinasantabi ng pro-

gramang ito ang katotohanan ngayon

na kahit nga nakapagtapos ng kole-

hiyo at dadaan muna sa butas ng

karayom magkaron lang ng trabaho.

Ang kawalan ng trabaho sa ating

bansa ay patuloy na tumataas, hindi

dahil sa kakulangan ng mga taong

may kakayahan kundi dahil sa kawa-

lan ng maayos na plano para sa

“sustainable development program”

na magbibigay ng trabaho.

Ang programang ito ay mara-

hil magdudulot ng kabutihan para sa

lahat kaakibat ang patuloy na

pagbatikos dito. Kailangan lang natin

na magtiwala sa ating gobyerno at sa

ating sarili. Isipin na lang natin na

ang nais lang ng ating gobyerno ay

makatulong sa sambayanan at buong

bansa. Huwag tayong manghusga

agad dahil hindi pa natin nakakamit

ang tunay na pangako ng K to 12.

Kailangan nating panghawakan ang

pangako nito na magbibigay ng tra-

baho para mapaunlad ang ating bansa.

Page 9: Tilamsik Tabloid 11x17

www.gopixpic.com

KABATAAN TUNGO SA PAGBABAGO Ni: Joni Gabriel S. Cruzata

Sinabi ni Rizal na ang mga

kabataan ang instrumento

ng pagbabago. Sila ang

pag-asa at magdadala ng

perpektong sistema.

Ngunit paano eksaktong

maaaring baguhin ng mga

kabataan ang kasalu-

kuyang pampulitikang

sistema kung sila ay napa-

paligiran ng korupt na pa-

mamahala. Paano nila la-

labanan ang sakit ng isang

sirang sistema at pan-

atilihin ang kanyang ideal-

isimo para ito’y maging

perpekto?

Ipinagdiwang ng Pilipi-

nas ang kauna-unahang In-

ternational Youth Day Summit

(IYDS) sa Asian Development

Bank (ADB) Headquarters sa

Lungsod ng Mandaluyong

noong ika-12 ng Agosto, ta-

ong kasalukuyan. Layon ng

pagtitipong ito na bigyang

halaga ng mga kabataan na

magampanan ng tama ang

kaniyang tungkulin sa ating

bansa. Ito ay ang maging

makabagong lider. Dinaluhan

ng mga kalahok mula sa iba‘t

ibang panig ng mundo ang

IYDS 2014.

Nakakatulong ng Malaki

ang paghubog ng magandang

pamumuno ng mga kabataan.

Sa pamamagitan nito, balang

araw makakatulong din sila sa

lipunan. Ang ilan, kahit na

hindi nakapag-aral ay maari

ding gumawa ng pagbabago.

Hindi lang sa resulta ng

pangungurakot ang nangyayri

sa atin kundi ito ay kagaga-

wan rin ng mamamayan.

Bilang isang kabataan,

tayo ay mandirigma, tayo rin

ay nasa gitna ng larangan ng

digmaan, isang labanan ng

katiwalian at hindi pagkaka-

pantay-pantay. Dapat gumis-

ing at hindi manirahan sa pa-

mamagitan ng mga pangarap.

Patunayan na hindi lamang sa

ating lahi tayo ay maaaring

gumawa ng pagbabago.

Totoo ngang ang mga

kabataan ay ang instrumento

ng pagbabago.

Punongkahoy: Totoong Kayamanan Ni: Joni Gabriel S. Cruzata

Pilipinas ang isa sa pin-

akamayamang bansa sa Asya,

hindi mayaman sa salapi pero

maunlad sa likas na kaya-

manan. Gaya ng kasabihan,

―hindi lamang ginto ang

kumikinang‖‘ hindi lamang

ginto ang maituturing na

kayaman—tulad ng mga

punongkahoy.

Napakahalaga ng mga

punongkahoy sa ating kapa-

ligiran. Nililinis nito ang

hangin, nagbibigay ng prutas

na makakain, nakakagawa

tayo ng mga bagay tulad ng

papel sa pamamagitan ng da-

hon at sa kahoy ay nakakaga-

wa naman ng mga furnitures.

Maituturing na may pin-

akamalaking buhay ang puno

sa mundo. Ito ay sumasala o

umiimbak ng tubig ulan upang

hindi sabay-sabay na umagos

ang tubig mula sa kabun-

dukan pababa sa kapatagan

na sanhi ng mga pagbaha.

Pero nakakalungkot

isipin na unti-unti nang nasisi-

ra ang gating kapaligiran. Unti

-unti ng nawawala ang ganda

ng itinuturing nating kaya-

manan.

Paano na nga ba ang

mga kabataan sa hinaharap?

Wala ng mga punong

aakyatin, kukuhanan ng lilim

at wala na rin tayong mala-

langhap na sariwang hangin.

Kapag tuluyang mau-

bos ang mga puno, mawawa-

lan ng balance ang eco-

system. Ito ay magdudulot ng

matinding inint sa mundo. Ka-

pag dumating naman ang

panahonn ng tag-ulan o

bagyo, medaling matatangay

ng tubig ang lupa. Maaari

itong magbunga ng pagka-

matay ng mga taong nakatira

malapit sa mga dalisdis o

paanan ng bundok.

Itigil na ang mga illegal

na gawain ng tao sa ating

kalikasan, dahil tayo rin ang

maaapektuhan nito sa huli—

lahat tayo ay madadamay. Sa-

ma-sama nating pangalagaan

at pahalagahan ang ating mga

punongkahoy. Sa pamamagi-

tan ng pagtatanim muli nito,

maibabalik natin ang dating

sigla ng ating kalikasan. Tayo

na rin ang magdisiplina sa

ating sarili dahil sa huli tayo

rin ang makikinabang dito.

Page 10: Tilamsik Tabloid 11x17

“Ang buhay natin ay

puno ng pagsubok kaya‟t natuto

tayong magpahinga ,huwag lang

ang sumuko” ,yan ang katagang

lagi niyang bukambibig sa kanyang

sarili.Madaling araw ,ika-pito ng

Hunyo,taong 1998, nasilayan ni

Lisette Catangui ang liwanag nang siya‟y iluwal sa mundong ito ng

kanyang butihing ina na si Gng. Precy T. Catangui. Siya ay ikala-

wa sa anim na anak nina G. Beltran Catangui at Gng. Precy Catan-

gui na kasalukuyang nakatira sa barangay Sto. Niño,Lungsod ng

Iriga.

Sa murang isipan niya,naniniwala siya na ang karunun-

gan ay ang natatanging bagay na maipagmamalaki,saan man tayo

makarating,dahil ito ay hindi mananakaw o hindi ito makukuha ng

iba.

Siya ay kasaalukuyang nasa ika-apat na taon,pangkat

Special Science Class (SSC) na sumasailalim sa pamamatnubay ng

butihing guro na si Gng. Laila C. Namoro.

Itong dalagang si Lisette ay isa sa mga ipinagmamalaki

ng aming paaralan,hindi lang sa pagkakaroon niya ng magandang

mukha kundi dahil sa kanyang natatanging kakayahan at abilidad.

Simula ng siya‟y tumuntong sa paaralan, marami siyang karanga-

lang hinakot at inuwi bunsod ng kanyang angking katalinuhan.

Noong elementarya pa siya ay matagumpay niyang naka-

mit ang unang pwesto o “valedictorian”. Buong husay niya itong

pinagbutihan upang makmit nya ang ganoong kalagayan. Bunga ng

pagiging masikap at masigasig sa pag-aaral, napanatili at napaunlad

niya hanggang sa siya ay tumuntong ng sekundarya sa kabi-

kabilang tagisan ng talino at kurikular na kanyang nasalihan. Mas

lalo pang nahasa ang kanyang kakayahan.Nang siya‟y inihalal

bilang SSG President dahil siya ay nakikitahan ng abilidad at poten-

syal na magampanan ang mga tungkulin. Pero isa itong malaking

pagsubok o hamon sa kanyang buhay.Ngunit ito ay unti-unti niyang

napagtatagumpayan.

Pinamunuan niya ang sangay ng aming paaralan kagaya

na lamang ng pagiging SSG President, CAT Corps Commander, at

YES-O member upang magkaroon ng mga pagbabago sa ikagagan-

da at ikasasaayos ng aming paaralan. Nahalal rin siya Division Fed-

eration Vice- President of SSG na isa ring malaking pasanin niya sa

kanyang buhay. At ito‟y kanyang nagagampanan naman ng maay-

os.

Naipamalas ang kanyang husay sa pamamagitan ng pagla-

hok sa mga kompetisyon na sinubok ang kanyang abilidad at kaka-

yahan. Noong siya ay nasa unang taon pa lamang ay nagkamit na

siya ng mga karangalan.Gaya ng pagsulat ng Balita o News Writing

ito‟y nakamit niya sa ikatlong pwesto. Science at Mathematics

Competition ikalawang karangalan at MTAP Finals ikatlong gan-

timpala. Sa pagtungtung niya ng taon nasungkit din niya ang unang

pwesto sa larangan ng Pagsulat ng Balita sa Ingles sa Division

Press Conference,Division Science Quest ikalawang pwes-

to,Division Population Quiz unang pwesto.Nang siya ay tumuntong

sa ikatlong taon ay nasungkit niya ang unang pwesto sa larangan ng

Pagsulat ng Balita sa Ingles sa Division Press Conferencesa Pag-

sulat ng Balita at sa kanyang pagpupursige ay nakamit pa niya ang

ikatlong pwesto sa larangan ng Pagsulat ng Balita Ingles sa Nation-

al Press Conference. Kay husay talaga at walang makakatumbas.

Layunin niya ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap

a maayos at permanenteng trabaho.Upang matulungan ang kanyang

pamilya patina rin sa ibang tao.

Higit siyang naniniwala na determinasyon,sipag at tiyaga sa

pag-aaral ang higit na kailangan upang maabot at makamit ang mga

minimithi sa buhay.

Bukod tanging Mag-aaral Ni: Darel Agravante

Isang natatanging guro na nag-

tataglay ng pambihirang kakaya-

han at abilidad na kanyang ipina-

mamalas sa larangan ng pagtutu-

ro.Ating maipagmamalaking tunay

ang isa sa mga natatangi at hu-

warang guro.

Matangkad, nagtataglay ng maamo ay maaliwalas na

mukha bukod sa angking kakayahan may busilak na puso at

mapagpakumbaba na tao.‟Yan si G. Jaypee A. Villareal ang ba-

gong guro ng Mataas na Paaralan ng Sto.Niño.

Masayahing guro si G. Jaypee,mahal siya na mga es-

tudyante dahil na rin sa nagsisilbi na siyang pangalawang ama sa

mga ito.Guro siya sa Filipino ,mamamangha ka sa kanyang mga

nalalaman na makalunod at nakakadugo sa ilong na mga salita.

Siya ay nagpursige upang maging isang mahusay na guro at

magsilbing huwaran sa mga kabataan upang sila ay di mapariwara

sa tatahaking landas ng kanilang buhay.Maituturing na malaking

tungkulin at responsibilidad ang naatasan sa ating bagong guro na

matiyaga niyang ginagapanan ang trabahong ito upang matuto at

mabigyang kaalaman ang mga estudyante na uhaw sa karunungan.

Siya ang nagsisilbing daan upang ang munting pangarap ng

mga mag- aaral ay magkatotoo at mabigyang kulay ang kanilang

kinabukasan.At nagbigay payo at ng tagumpay sa ikakaunlad ng

kanilang tatamasahin sa hinaharap.

Bagong guro, Bagong Kapamilya

ni: Cecille de Roxas

Isang matalino, gwapo at magaling pagdating sa asigna-

turang Agham at pampalakasan. Isa siya sa aktibog mag-aaral sa

ika-pitong baitang. Siya ay maa-sahan rin pagdating sa gawaing pampaaralan. Madali niyang na-

tututugunan ang mga tungkuling naatang sa kanya.

―Huwag mong hanapin ang kahulugan ng buhay sa halip

ay bigyan mo ang iyong buhay ng kahulugan ―, yan ang kanyang pinaninindigang kasabihan. Iyon ay tama nga naman.

Siya ay ikalawa sa apat na aktibong anak ng mga butihing sina Gng. Laila C. Namoro at Jonathan Namoro. John Lloyd Cami-la Namoro ang ngalan niya. Ipinanganak noong July 3, 2001.

Siya ay labing tatlong taong gulang na.

Nagtapos siya ng elementarya sa Mababang paaralan ng

Sto. Niño, Lungsod ng Iriga at kasalukuyang nag-aaral ng sekon-darya sa Mataas na Paaralan ng Sto. Niño.

Ika-labing limang araw ng Oktubre, Taong kasalukuyan

nang ganapin ang Division Science Quest sa Mababang Paaralan ng San Isidro, Lungsod ng Iriga at si John Lloyd ang pambato ng

Sto. Niño, Ika-pitong baitang na matagumpay na nakasungkit ng unang gantimpala sa tulong ni Gng. Precy T. Catangui bilang kanyang tagapagsanay.

Isang napakalaking karangalan para sa kanya ang kanyang pagkapanalo.

Isa rin si John Lloyd sa lumahok sa Lakan ng kalikasan na

nasungkit ang Ikatlong gantimpala noong ginanap ang YES‘O Camp taong kasalukuyan sa Mataas na Paaralan ng Sto. Niño.

Masasabing talagang kahanga-hanga ang ipinakitang gal-ing at abilidad ni John Lloyd Namoro.

Ang galing mo Idol! Ni: Cecille R. de Roxas

Page 11: Tilamsik Tabloid 11x17

Bukas ang Pinto namin para Sayo!

Isang nilalang ang pinagkaloob ng Diyos sa mga mag-aaral sa Mataas

na Paaralan ng Sto.Niño, Lungsod ng Iriga. Siya ay

nag t a ta g l a y n g maamong mukha, at busilak na puso. Siya

ay isang magaling na guro na maipagma-malaking tunay.

Gng. Recheel E. Salcedo ang ngalan niya. Ang kanyang palayaw ay ―Ecel‖. Nasilayan niya ang mundo

nang siya‘y isilang ng kanyang butihing ina na si Gng. Editha A. Espiritu noong ika-11 ng Disyembre, 1985.Siya ay ikalawa ­­­­­­­­­­­­­sa apat na malulusog

na anak nina G. Ramir V. Espiritu at Gng. Editha A. Espiritu. Makaraan ang ilang taon siya ay napangasawa

ng masuwerteng si G. Ernie B. Salcedo,sa ngayon sila ay mayroon ng anak na nagngangalang Ernest Raphael E. Salcedo.

Siya ay nag-aral ng elementarya sa Mababang Paaralan ng San Miguel at nagpatuloy ng sekundarya sa

University of North Easthern Philippines.

Siya ay nagtapos ng kolehiyo sa Ceguera Technological Col-

leges na may kursong ―Data Encoder, Bachelor of Science in Com-puter Science, Bachelor of Technical Teacher Education

with units Masters in Information Technology (MIT)‖s sa Ateneo de Naga University.

Sa ngayon siya ay nagtatrabaho bilang guro sa asignatur-

ang Information,Communication Technology (ICT) sa lahat na antas ng unang pangkat sa Mataas na Paaralan ng Sto. Niño. Maituturing na malaking responsibilidad ang

naatang sa ating guro ngunit sa kabila ng lahat ay matagumpay niya namang nagagampanan ang kanyang

mga tungkulin.

Siya ay isa sa mga guro na may pambihirang diskarte sa pagtuturo na sadyang kahanga- hanga. Kung

tatanungin mo ang mga mag-aaral sa mga unang pangkat ng bawat antas sa paaralan ng Sto. Niño, tiyak na wala

kang maririnig kundi ―Wow! Siya na!‖

Maraming bata na ang kanyang natulun-gan,sa pagsasaayos ng System Unit at kung may problema

ka tungkol sa kompyuter,puntahan mo lang siya at tiyak na matutulungan ka niya.

―Siya ay isa sa

mga guro na may

p a m b i h i r a n g

diskarte sa pag-

tuturo na sadyang

kahanga- hanga.

Kung tatanungin

mo ang mga mag-

aaral sa mga

unang pangkat ng

bawat antas sa

paaralan ng Sto.

Niño, tiyak na wala

kang maririnig

kundi ―Wow! Siya

na!‖

SIMPLE NGUNIT MAIPAGMAMALAKI

Ni: Darel Agravante

“Behind those problems in life, you must

still manage to smile”,yan ang katagang

kanyang pinanghahawakan sa

sarili.Magbubukang-liwayway,ika-12 ng No-

byembre, taong 1998 nasilayan ni Joan Ar-

royo ang liwanag nang siya’y iluwal sa mun-

dong ito ng kanyang butihing ina na si Gng.

Roselyn Arroyo. Siya ay panganay sa tatlong

anak nina G. Felicito Arroyo at Gng. Roselyn

Arroyo na kasalukuyang nakatira sa baran-

gay Sto. Niño,lungsod ng Iriga.

Napanatili at napaunlad niya ito

hanggang sa siya ay tumuntong sa

sekundarya sa kabi-kabilang tagisan ng

talino at kurikular na kanyang nasalihan.

Sa kabila ng samu‘t saring ob-

ligasyon niya sa loob at labas ng paar-

alan ay nakukuha pa rin niya ang tuma-

wa o ang pagiging positibo sa bawat

hamon ng kanyang buhay.

Naipamalas ang kanyang husay

sa pamamgitan ng paglahok sa mga

patimpalak na sinubok ang kanyang na-

tatagong abilidad at kakayahan.Noong

siya ay nasa unang antas sa sekundarya

pa lamang ay nagkamit siya ng mga ka-

rangalan.

Gaya ng Math Quiz Division ito‘y

nasungkit niya sa ikalawang pwesto.Sa

pagtuntung niya ng ikalawang antas

nakuha din niya ang ikalawang pwesto sa

larangan ng Pagsulat ng Balitang Isports

sa Filipino sa Division Press Conference,

biniyayaan pa siya ng isa pang pagka-

kataon upang ipakita ang kanyang galing

sa Pagsusulat ng Balitang Isports sa Fili-

pino sa Regional Press Conference na

kanya namang nasungkit sa ikaapat na

pwesto, at MTAP Finals ikatlong gantim-

pala.Nang siya ay tumuntung sa ikatlong

antas ay ipinamalas niya ulit ang

kanyang angking galing sa Pagsulat ng

Balitang Isports sa Filipino sa Division

Press Conference na kanya namang

nasungkit sa unang pwesto.

Siya ay naihalal bilang Corps Exec-

utive Officer at SSG Secretary upang ha-

sain ang kanyang kakayahan.

Dumalo din siya sa ginanap na Re-

gional Leadership Congress upang mas

paigtingin ang kanyang kaalaman sa pa-

mumuno ng isang organisasyon.

Di mababatid sa kanyang mukha na may

dinaranas siyang mabigat na problema

sa buhay sapagkat ito‘y kanyang inila-

labas sa pamamagitan ng pagtawa na

nagbibigay sa kanya ng lakas at tatag ng

loob upang malampasan ang kinaka-

harap niyang pagsubok sa kanyang

buhay.

Itong dalagang si Joan ay isa sa

mga ipinagmamalaki ng ating paar-

alan,hindi lang sa pagkakaroon niya ng

magandang mukha kundi dahil sa

kanyang natatanging kakayahan at abi-

lidad.

Ani pa niya na, ‖Sa bawat butil ng

pawis ay may kalakip na tagumpay kung

ito‘y pagsisikapan at paghuhusayan

nang husto,‖yan ang pinanghahawakan

niyang kataga sa kanyang sarili upang

makamit ang ina asam-asam na rurok

na tagumpay.

Page 12: Tilamsik Tabloid 11x17

Bikolano: Mapagpadangat dangan Mapanunlog Ni: Janine S. Arroyo

―Payaba tayka‖, ―Namomotan ta ka‖,

―Iniirog ta ka‖, ―Padangat ta ka‖. Mga salitang

ginagamit nating mga Bikolano na simbolo ng

at ing pagmamahal sa bawat isa.

Mapagpadangat dangan mapanonlog,..

katangiang lagging dala at hindi mabubura sa

isip at puso nating mga Bikolano saan man

tayo mapadpad.

Bikol… ang lugar na paraiso sa ganda at

sagana sa biyaya. Magagandang tanawin,

masasayang pagdiriwang at masasarap na

putaheang tunay ngang binabalik-balikanng

mga turista at taga ibang lugar. Ang Tangway

ng Bikol, Tiwi Hot Spring, Calabidongan Cave,

Liñon Hills, at ang pinaka-kilala sa lahat, ang

Bulkang Mayon na kaakit-akit sa paningin. Ang

pili, sili at tabios o sinarapan na dito lang

matatagpuan. Mga putaheng katakam-takam

tulad ng pinangat, laing at

ang Bikol Express na ating

tinatangkilik. Ang mga

putaheng ito‘y ditto lang

natin matitikman. May

m g a m a s a s a y a n g

pagdir iwang r in na

dinarayo ng karamihan.

May mga masasayang

pagdir iwang r in na

dinarayo ng karamihan.

Ang Bikol Arts Festival at

Karangohan Albay Festival sa Legaspi, Tabok

Festival sa Tabaco City, Bantayog Festival at

Piñasan Festival sa Daet, Boyoboy Festival sa

San Lorenzo Ruiz, Inorogan at Tinagba Festival

sa Iriga City, Pintakasi Festival sa Balatan,

Catandungan at Kagharong Festival sa Virac,

Pagdayao Festival sa Masbate City,

Kasanggayan Festival sa Sorsogon City,

Peñafrancia Festival sa Naga City at Gugurang

Festival sa Donsol. Ang mga ito‘y bahagi na ng

tradisyon at kultura nating mga Bikolano.

Sa panahon ng pangangailangan, hindi

tayo nag-aatubiling tumulong sa mga biktima o

nahihirapan. Isang halimbawa nito ay ang

kagimbal-gimbal na trahedya na dumating sa

bansa. Napakalakas na bagyo ang tumama sa

parte ng Visayas. Marami sa ating kabababayan

ang nawalan ng mga mahal sa buhay, trabaho,

kabuhayan at tirahan.

At dahil sa tulong nating

m g a B i k o l a n o , s a

pangunguna ni Governor

Joey Salceda, marami sa

at ing kababayan ang

natulungan at nagkaroon ng

pag-asang bumangon muli sa

kabila ng mapait nilang

karanasan.

Bikol… ang lugar na

paraiso sa ganda at sa-

gana sa biyaya. Maga-

gandang tanawin,

masasayang pagdiri-

wang at masasarap na

putaheang tunay ngang

binabalik-balikanng

mga turista at taga

ibang lugar.

Page 13: Tilamsik Tabloid 11x17

Upang maisabuhay ang mga natutunan ng mga guro, nagging tampok na nagpakitang

turo sa asignaturang FILIPINO si Gng. Laila C. Namoro, guro III ng Mataas na Paarala ng Sto Nino sa isinagawang Pansangay na Inservice

Training(INSET) noong Octobre 26-29, 2014 na ginanap sa Mataas na Paaralanng Zeferino Ar-royo.

Ang Inservice Training ay may layuning madagdagan ang kaalaman ng mga guro sa

iba‘tibang asignatura lalong lalo na sa iba‘tibang pagdulog nagagamitin sa pagtuturo sa Filipino Pinagsanib na Wika at panitikan ang kanyang

gamit na pagdulog na kung saan binigyang –diinang Wika gamit ang panitikang lunsaran sa

pagtuturo. Naging aktibo ang mga gurong mag-aaral sa pakitang –turo dahil mas makabagong kaalaman na naman ang natutunan ng mga guro

sa Filipino.

Dagliang pagbibigay puna sa ipinakitang turo at doon maraming natutunan ang guro sa

mga positibong puna at kung ano ano pa ang kailangang baguhin o idagdag sa pagtuturo

gamitang pagdulog na Wika at Panitikan.

Banghay Aralin sa Pinagsanib na Wika at Panitikan sa Filipino.

Pakitang Turo. Si Gng. Laila C. Namoro guro sa

Filipino habang tumatalakay sa wika at panitikan

na pagdulog noong ika-29 ng Oktubre 2014.

Namoro, Nagpakitang-turo Ni: Janine S. Arroyo

Introduction: (Musika: Madulang Panimula: Sa isang maganda at payapang kapaligiran) Tagapagsalaysay:

Kilala ang Bicol sa matandang epiko na Ibalon na isinalaysay ng isang makatang manlalakbay na si Cadugnung na isinalin ni Fr. Jose Castano. Ang nasabing epiko ay nalathala sa Madrid sa tulong ni Wenceslao Retana. Ibalon o Ibatnon ang nag-ing tawag ng mga Espanol sa sinaunang lupain ng mga Bicolano. Naging batayan nito ang mga “ibal” o “ibay” na kauna-unahang pangalan ng Masdan tangway ng Bicol. Salitang pinaikli ang “ibal” ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa Visaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.

Bantong:

Masdan ngayon mahal na kaibigan Ang matagal na kinatatakutan Nitong ating mga kababayan. Bagamat nang dumating tayo. Sa lupaing ito, nilipol mo Lahat ng gumagambala sa mga tao. Ang mga lumilipad na tiburones. At mga layas na kalabaw Sa pamumuno mo dakilang Handiong.

Baltog:

Sinimulan mo sa pagbuo ng mga batas Na sinusunod ng lahat ang mga oripon maging ang mga nakakaangat Nagtanim ka ng mga linsa Na kasing laki ng pansol, Maging ng palay na saiyo’y ipinangalan gumawa ka ng bangka Na linagyan ng katig at layag Ni Ginantong, magaling na manggagawa. Siya rin ang lumikha ng araro, maging ang ganta, sakal, itak at landok

Oryol:

Si Hablon nama’y gumawa ng panghabi na isang araw ay ikinagulat ng lahat nang hinandog niya saiyo ang kanyang hinabi. Ang lutuang koron, kalan, at paso ay likhang kamay naman ng itang si Dinahon. Kay Sural ang lumang alpabeto na inukit sa bato sa Libon at pinakintab ni Gapon. Sa panahon mo rin matapang na Handiong gumawa tayo ng mga bahay o moog sa itaas ng banasi at kamagong. Sa panahon mo rin matalinong Handiong ang pagdating ng baha na dala ni Onos na nagbago sa kalupaan ng Ibalon.

Handiong: Pumutok din ang bulkang Hantic, Colasi at Isarog na lumikha ng lindol na humiwalay sa lupain tulad ng Malbogon na tirahan ng balyanang si Hilan at Laryong.

Baltog: Sa look ng Calabagnan nawala ang mga Dagatnon ang lupain ng mga Dumagat na nakati-ra sa Cotmon. Gayunman, sa gitna ng ating tagumpay may natirang isang salot kalahating tao’t halimaw na may mahikang itim, ang pan-galan niya’y Rabot. Dahil ang mga nauna mong inatasan ay di na nakabalik magpakailanman pagkat ginawa silang bato ng salot na si Rabot. Kaya’t aking pinag-aralan ang lahat ng pamama-raan ng salot na si Rabot. At aking natuklasan mahimbing na natutulog kung umaga ang salot na si Rabot. Wala itong paghahanda o maging panangga

lamang kung tulog ang salot na si Rabot. Kaya’t isang araw na maulan ako at ang aking mga tau-han Pumasok sa lungga ng salot na si Rabot at aking tinagpas ng matalim kong minasbad ang ulo ng salot na si Rabot Maaaring narinig pa ninyo sa kakahuyan ng Bognad at Kamagon ang atungal ng salot na si Rabot ngayon, masdam ang kakila-kilabot na anyo ng halimaw at salot na si Rabot masdam mga kanguran at namamanwaan mag-bunyi tayo’t nagapi na natin ang salot na si Rabot ngunit bakit ginagalang kong Handiong ika’y nauumid at walang katagang masambit gayong kaharap mo na ang salot na si Rabot?

Tagapagsalaysay:

Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa lupain na nakita niya para sa kanila. Hindi na sila nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang lahat ng mga mamamayan ay nilisan ang Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan. Tinuruan nina Handiong at Baltog ang mga mamamayan ng ilang paraan upang magka-roon ng kabuhayan. At hindi nagtagal ay guman-da ang kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon ang gutom ay nagiging alaala na lamang ng nakaraan. Muling nanumbalik ang sigla ng Ibalong dahil sa ipinakitang galling sa pakikipagtunggali ng mga tauhang si Baltog at Handiong. Muli nating napatunayan na ang pagpapakabayani ay magdudulot ng katiwasayan sa ating buhay. --WAKAS--

IBALONG (Informance) (epiko)

Ni: Gng. Laila C. Namoro

I - Layunin: Natutukoy ang Teoryang Humanismo Nasusuri ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag mula sa akda Naihahambing ang kwento na kahalintulad sa iba pang akda/kredo II - Nilalaman: Titser (Teoryang Humanismo) Maikling Kwento ni Liway-way A. Arceo Iba’t ibang uri ng pagpapahayag Sanggunian: Kaban ng Panitikan pahina 141-147 Kagamitan: Larawan ng Guro, Aklat o akdang lunsaran, papel ng mga gawain, strips ng mga iba’t ibang uri ng paha-yag. III - Pamamaraan: Balik-Aral: Isa-isahin ang iba’t ibang teorya ng Panitikan Uri ng mga tayutay Pagganyak: Ilarawan guro sa tulong ng facts storming Web B. Sino sai nyo ang may karanasan na, naipinaglaban ninyo ang inyong sariling paninindigan? B. Paglalahad 1. Pakinggan ang babasahing kuwento. (Titser) o kaya’y magtatalaga ang guro ng mga mag-aaral na mag-babasa sa unahan para basahin ang akda. Maaaring ito ay salit-salin pag-basa o sabayang pag-basa. 2. Pangkatang Gawain (Hahatiin ang grupo sa dalawang pangkat at bibigyan ng papel ng mga gawain. Ito’y gagawin sa loob lamang ng 15 minuto. Pagkatapos bibigyang pagka-

kataon na mag ulat ang bawat pangkat (Ibibigay ng guro ang pamantayan sa pag-uulat). C. Pagtalakay a. Ibigay ang kabutihan at

kasama ang dulot na ang magulang ang namimili ng ating magiging propesyon. b. Ano-ano ang iyong sukatan na tagumpay ang isang propesyong napili? Magbigay ng ilang patunay. c. Bakit gusto ni Aling Rosa na mapangasawa ni Amelita si Osmundo? d. Paano ipinakita ni Amelita ang kanyang Paninindigan sa propesyong kanyang pinili. e. Suriin at ibigay ang pahiwatig ng mga sumusunod na pahayag at gamitin sa pangungusap. 1. Hinukot nang panahon 2. Ilang gatla sa mga pisngi 3. hapis na mukha ng pinalamlam ng pagod 4. nag-aagaw na dilim at liwanag 5. pangungulimlim ng mukha Paglalahat Ano ang Teoryang Humanismo? Ano-ano ang mga paniniwala at paninindigan ng mga tau-han sa kuwento ang matuturing na kanyangkanya lamang? Paglalapat Magtala ng mga pangungusap sa akda na nagpapatunay na

ito hango sa teoryang Humanismo at suriin ang uri ng pagpapahayag nito. Paghambingin ang nabasa o napanood na kuwento na kahalintulad ng binasang seleksyon. Hambingan Titser Nabasa/Napanood IV – Pagtataya Ipasuri ang mga sumusunod na pahayag mula sa binasang akda kung ito ay Nagpapaliwanag, nagtuturo o nangan-garal, nagbibigay kasiyahan. 1. “Gano’n pala naman e… ano’t parang bigung-bigo ka na? (Nangangaral) 2. “Kung hindi ko lang inaalalang masisira ang linya ng ating pamilya sa pagkakaroon ng anak na hindi de titulo…(Nagtuturo) 3.”Inang” kailangang malaman ni Osmundo na ngayon na… na hindi maaari. (Nagpapaliwanag) 4.”Bakit… hindi ba totoo ang sinasabi ko? Sa laki ba naman ng kayamanan ni Osmundo…lawak ng lupain at sakahan, kakailanganing mo pa bang magturo? (Nangangaral) 5. “Ayaw ka lang maniwala sa ‘kin no’ng una at “kamo’y mahihirapan tayo… o, anong nangyari? (Nagpapaliwanag) V – Takdang Aralin: Sumulat ng isang kuwento na nagpaparangal sa gawain ng isang guro at salungguhitan ang mga ginamit na iba’t-ibang uri pahayag sa na buong kuwento.

Page 14: Tilamsik Tabloid 11x17

Pagsugpo sa Ebola Virus, Responsibilidad ng lahat! Ni: Darel Agravante

Hindi kaila ang mga problema at

sakit na kinakaharap ng mga tao sa daig-

dig. Walang katapusan ang pakikipagla-

ban ng tao sa iba‘t ibang bagay na

nagbabanta sa maayos na pamumuhay.

Ang usapin ukol dito ay isang mabigat na

pasarin ng lahat na nararapat bigyan ng

agarang solusyon.

Ang lahat ay may pakialam sa

mga pangyayaring nagaganap sa mun-

dong ating ginagalawan. Nararapat na

magseryoso, bigyang pansin, at maglaan

ng oras para sa ikabubuti at sa kapa-

kanan na rin ng lahat. Ating sikaping

pagtulungan at resulbahan ang mga

problemang katulad nito.

Ang ebola virus ay laganap na sa

iba‘t ibang bansa. Maituturing na naka-

katakot ang pagkakaroon ng ganitong

malubhang sakit. Sapagkat maaaring ito

na rin ang maging sanhi upang

mawakasan ang buhay ng isang tao.

Ang pagkakaroon ng lagnat, so-

brang kapaguran, pagduwal at pagsakit

ng ulo ang mga palatandaan ng ebola

virus. Halos tinatayang 80 hanggang 90

porsyento ang naitalang ratio ng mga

taong namamatay, maraming tao ang

takot at nag-aalala tungkol sa sakit na

ito. Sa totoo, ang iba ay nakararanas ng

biglaang pagkataranta at pagkasindak

dahil sa kaso ng kumakalat na sakit.

Sa ngayon, wala pa ring nadisku-

breng lunas upang tuluyang matuldukan

ang paglaganap nito. Sa katotohanan,

ang mga doktor ay patuloy pa ring nag-

sasagawa ng experimentasyon at nag-

sasaliksik ng lunas ngunit sadyang napa-

kahirap at napakailap na makakuha ng

mga impormasyon na gagabay sa pagga-

wa. ng gamot.

Masasabing ang tao ang may ka-

kayahang puksain at harapin ang gani-

tong mga kaso ng problema. Sapagkat

binigyan ang tao ng sapat na kaalaman

at matalinong pag-iisip upang lutasin ang

mga kinakaharap na isyu at problema

tungkol sa kaligtasan at kalusugan ng

lahat.

Batid namang ang mga tao ngayon

ay nahihilig na sa fastfood. Kaya‟t patuloy

ang paglobo ng mga nakakatakam at

nabibighani rito gaya na lamang ng ham-

burger. Dahil sa angking sarap nito ay sig-

uradong dadalhin ka sa isang paraisong wa-

lang katulad.

Ano nga ba ang epekto ng pagkaing

ito sa ating katawan? Masasabi mo banmg

masarap pa ito kapag iyong nalaman ang

hatid nitong kapahamakan sa kalusugan?

Ang fastfood ay mabibili lamang sa

murang halaga ngunit ang negatibong

epekto nito sa pisikal na kalusugan ay

maituturing na isang malubhang problema

na kakaharapin pa sa kasalukuyan.Kasama

ng mataas na pagkaing may calorie na nag-

bibigay ng maraming taba, cholesterol, salt

at sugar sa katawan. At masasabing kaunti

lamang ang naibibigay nitong bitamina,

minerals at iba pang nutrisyon.

Ayon sa USDA Dietary Guidelines

sa Amerika ay naitala ang ganitong kaugali-

an sa pagkain na nagresulta sa kakulangan

ng nutrisyon kasama nito ang pagdagdag sa

timbang. Dahilan sa pangkalusugang prob-

lema na nagdudulot sa sobrang timbang at

katabaang nagiging sanhi ng limitadong esti-

lo sa buhay at pag-iksi ng haba ng buhay ng

isang tao.

Ang pagkain din ito ay nagtataglay

ng mataas na kabuuan ng cholesterol at

salt, dalawang nutrisyon na nagsisilbing

kontribusyon sa pangkalusugang problema

sa cardiovascular. Ang sobrang pagkain ng

mga salty foods, nakakakuha ng maraming

cholesterol na maaaring maging sanhi ng

plague build-up sa arteries o atherosclero-

sis.

Dagdag pa rito, ito’y nagdudulot ng

high blood sugar, high blood pressure, high

in fat, stroke at heart disease. Sa diabetes

din ay may naitalang mga tao sa buong

mundo na namumuhay na may ganitong

karamdaman. Ayon sa report ng “The

Guardians,” taong 1980 ay mas nadoble ang

153 milyon sa 350 milyon sa taong 2011.

Halina’t wakasan… panumbalikin ang

nakaugaliang kinakain, masusustansyang

pagkain gaya ng gulay na nagbibigay ganda

ng kulay at mga nutrisyong kinakailangan ng

katawan. Tamang ehersisyo at wastong

pagkain ang ugaliing gawin araw-araw.

Nang maganda’t malusog na pangan-

gatawan ay makamtan sa kasalukuyan.

Masamang Epekto ng Fast Food ni: Darel Agravante

Page 15: Tilamsik Tabloid 11x17

Ang Kahalagahan ng Niyog Ni: Darel Agravante

Makikita ito saanmang sulok ng

daigdig. Samu‘t saring pananim ang

matatanaw dito sa mundong ating gina-

galawan. Tinaguriang ―tree of life‖ ang

pananim na ito. Matayog at tiyak na

mahalaga ang pananim na ito sa mga

tao. Sapagkat ito na rin ang nagsisilbing

hanapbuhay ng mga taong nagtratra-

baho sa larangan ng agrikultura.

Halos lahat ng parte o bahagi nito

ay mapapakinabangan. Ginagawang

uling ang bao nito, ginagamit na pam-

pakintab ng sahig at nagsisilbing sandi-

gan at pundasyon sa pagpapatayo ng

isang matibay na bahay. Anu-ano pa

ang kahalagahang hatid ng niyog sa

pang araw-araw na pamumuhay ng tao?

Ang Virgin Coconut Oil (VCO) ay

ang bago at epektibong produkto na

naimbento ngayon. Ito‘y naghahatid ng

magandang epekto sa katawan ng

bawat isa.

Ang sinumang susubok na guma-

mit ng produktong ito ay siguradong

bibigyan ng isang malusog at masiglang

pangangatawan.

Masasabing ang produktong ito

ang mas alternatibong medisina upang

lunasan ang iba‘t ibang uri ng sakit.

Sapagkat ito ay natural na gamot na

ginamitan ng sangkap ng gata ng niyog.

At sa pamamagitan ng pag-inom nito ay

malilinisan ang kidney at mailalayo sa

anumang kapahamakan.

Ang pananim ding ito ang

nagpapasigla at nagpapanunbalik sa da-

ting kalakaran ng ekonomiya rito sa ‗ting

bansa. Ito rin ay isang salik sa pag-

unlad at masungkit ang rurok ng

tagumpay.

Ang lahat ay may pakialam sa

mga pangyayaring nagaganap sa mun-

dong ating ginagalawan. Nararapat na

magseryoso, bigyang pansin, at mag-

laan ng oras sa pagpapaunlad at

pagpapanatili ng kagandahan ng

kalikasan tungo sa kaunlaran.

One Day Symposium on Drug Abuse and Prevention, Inilunsad

Ni: Bernadette Dimanarig

Upang maipaalam ang epekto ng illegal

na droga, ang Mataas na Paaralan ng

Sto. Nino ay nagdaos ng One Day Sym-

posium on Drug Abuse and Prevention

noong Nobyembre 21, taong kasalu-

kuyan na may paksang ―Kilos Pama-

yanan, Droga‘y patuloy na labanan‖ sa

Grade 7-SSC Roo.

Nilalaman ng symposium ang

tungkol sa batas na RA 9165 Compre-

hensive Dangerous Drug Act of 2002 na

siya naming ipinaliwanag ng speaker na

si PO3 Kerwin S. Awa.

Ayon kay PO3 Awa, ang droga ay

mapanganib at nakakasira sa tao lalo na

sa kabataan at isa ring malaking prob-

lema sa pamahalaan.

Dagdag pa niya bilang solusyon,

―Lets‘ Jail the Pusher and Save the User..

Save the future of our nation, Support

your local police‖.

Ang symposium ay bahagi ng pro-

grama ng Barkada Kontra Droga Person-

nel para sa selebrasyon ng National Drug

Abuse and Prevention Week tuwing Ikat-

long Linggo ng Nobyembre.

Page 16: Tilamsik Tabloid 11x17

Benepisyong Pangkalusugan ng Papaya Ni: Darel Agravante

Sa mga nagdaang taon, ang pa-

paya ay pambihira na lamang na makita,

ngunit ngayon ito ay maaaring makuha

at makita na kada taon. Ang pananim

ding ito ay tumutubo sa klimang tropical

at kilala rin sa tawag na papaws o paw-

paws .

Tinaguriang ―fruit of the angels‖

ang pananim na ito. Siguradong mala-

kas na pangangatawan ang hatid nito sa

bawat isa. Sapagkat ito ay hitik sa nu-

trisyon at makakatulong upang makai-

was sa anumang sakit.

Anu-anong benepisyong

pangkalusugan ang hatid ng papaya sa

bawat isa? Anong mga nutrisyon ang

tinataglay ng papaya?

Ang papaya ay nagtataglay ng

carotenes, bitamina C at flaronoids;

bitamina B, folate at pantothenic acid;

minerals, potassium, copper, magnesi-

um at fiber. Sa pagsama-sama ng mga

nutrisyong ito ay napapalakas ang ka-

lusugan sa cardiovascular system at

nagbibigay proteksyon laban sa colon

cancer.

Ang papaya rin ay nagtataglay ng

digestive enzyme, papain, kung saan

ginagamit katulad ng bromelain, ka-

parehong enzyme na makikita sa pinya,

gamutin ang mga isports injuries, iba

pang sanhi ng trauma at allergies.

Dagdag pa rito, ang papaya ay

napakalaking tulong upang maiwasan

ang atherosclerosis at diabetic heart dis-

ease, at rheumatoid arthritis. Ang pana-

nim ding ito ay mababa sa calories (39

calories kada 100g), walang cholesterol

at pangunahing pinanggagalingan ng

Bitamina A (naglalaan ng 1094 IU kada

100g) at flaronoids tulad na lamang ng

B-carotene, lutein, zea-xanthin at cryp-

toxanthin. Ito rin ay mayaman sa B-

complex vitamins gaya ng Folic acid,

pyridoxine (Bitamina B-6), riboflavin, at

thiamin (Bitamina B-1).

Halika… tayo ‗y kumain ng papa-

ya, pampalusog ng katawan at pam-

pahaba ng buhay. Tiyak na ang sakit ay

mawawakasan at sama-samang sa-

lubungin ang magandang kalusugan.

Hindi maikakaila ang mga sakit

na kinakaharap ng mga tao sa daigdig.

Isa na rito ang pagbabantay sa pag

atake ng mga lamok na nagiging dahi-

lan ng malaria. Ang usapin ukol ditto

ay isang mabigat na pasarin ng lahat na

nararapat bigyan ng agarang solusyon.

Ano nga ba talaga ang malaria?

Anong mga sintomas ang nagiging ba-

bala ng pagkakaroon ng malaria?

Sa pagsapit ng tag-ulan, ang De-

partment of Health (DOH) ay

nagpaalerto na sa pagtaas ng mga in-

sidente tungkol sa malaria. Naitala ng

San Lazaro Hospital ang halos 67 na

pasiyenteng kumpirmado na may ma-

laria noong Enero taong 1995.

Halos galing sa National

Capital Region (NCR) ang may

maraming naitalang kaso ng malaria.

At ang iba naman ay nagmula sa Bulac-

an at Rizal na may labing walo at la-

bing anim na kaso ang may sakit na

ganito. Halos 52 porsyento ang ka-

buuang kaso na naitala sa non-endemic

area (lokasyon kung saan ang malaria

ay hindi limitado) ang lahat ay may his-

tory ng paglalakbay sa mga endemic

areas katulad na lamang ng Bulacan,

Rizal at Palawan.

Ang DOH ay nagbigay

babala sa lahat na ang kaso ng malaria

ay tataas sa pagdating ng tag-ulan. Ang

ulan ay ang magpapabagal sa pagdaloy

ng tubig kung saan ito na ang nagiging

tahanan ng mga anopheles na lamok.

Tulad ng lamok na nagbibigay sakit sa

mga tao na nagiging sanhi ng malaria.

Ang mga sintomas ng

malaria ay ang pagkakaroon ng lagnat,

chills, sweats at pagsakit ng ulo. Dahil

sa walang agarang paggamot, ang

sintomas na ito ay maaaring maisulong

sa pagkagulat, kidney at liver failure at

coma.

Halika… tayo‟y maglinis

ng kapaligiran upang puksain ang ta-

hanan ng mga lamok. Tiyak na ang

malaria ay mawakasan at magandang

kalusugan ang naghihintay sa lahat.

Bantay Alerto sa Malaria Ni: Darel Agravante

Malnutrisyon, Sugpuin!!!

Hindi kaila ang problemang kinakaharap ng tao sa daigdig.Walang katapusan ang pakikipaglaban sa ka-hirapan.Katulad ng pagsugpo sa kasalatan at kakulangan sa pagkain na nagiging dahilan ng matinding malnutri-syon.

Masasabing ang kalusugan ay kayamanan ng bayan..Kung saan kailangang pagyamanin at pagtuunan ng pansin ang lumalalang kalagayan ng malnutrisyon sa ‘ting bayan.Ang lahat ay dapat na makialam lalo na kung kalusugan ang pag-uusapan.

Samu’t saring sakit na rin ang kumakalat.Gaya na lamang ng respiratory diseases,sakit sa puso,hypertensive vascular diseases,tuberculosis at ma-lignant neoplasm ang nagsasa-sama bilang limang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga mamama-yan sa rehiyon Bicol.

Ayon sa isinagawang survey,naitala ang kaunting pagbabago/pag unlad sa kalusugan ng mga ma-mamayan sa rehiyon Bicol.Ang haba ng buhay ng isang tao rito ay pumalo sa 65.9 sa taong 1997 hanggang 68.5.Ang ratio ng mga namamatay ay bumaba sa 6.8 kaa isang libong populasyon.

Dagdag pa rito, ang kadalasang eded ng mga batang malnourished ay hanggang pitong taong gulang ditto sa rehiyong Bikol.Ayon din sa kanila halos bumagsak sa 11.2 porsyento sa taong 2000 ang dating 14.3 % noong 1997.Sa taong 2000 ang Camarines Sur (Hindi pa kasama rito ang Lungsod ng Iriga at Naga)naitala ang mataas na insidente ng katamtaman at malubhang kala-gayan ng mga malnourished na bata na may edad 0 hanggang 7 taong gulang na umabot sa 15.2%,sinundan naman ito ng catanduanes na may naitalang 14.3 %.sa parehong taon din,nakapagtala naman ang Camarines Norte ng 8.2% ng mga malnourished na bata.

Sa mga pagbabagong ito, ang karapatan sa pagkain at paglupig sa malnutrisyon ay responsibilidad ng lahat…Tara na ating sugpuin Ang malnutrisyon… Iban-gon natin ang rehiyon Bikol.Huwag nating ikahiya ang totoong kalagayn ng Bikol! At sa lahat na makakapagbasa nito…ito’y panawagan na maging mulat tayo sa katoto-hanan na kailangang paglaanan ng pansin ang totoong kalagayan ng mga bata sa rehiyon Bicol.

Page 17: Tilamsik Tabloid 11x17

Laro ng Tagumpay. Si Jessa Barra ng Juniors matagumpay na smash sa

larong badminton laban sa Seniors sa isinagawang School Intramurals sa

Mataas na Paaralan ng Sto Nino noong ika-12 ng Setyembre 2014.

Juniors Nanguna sa Badminton Ni: Joan S. Arroyo

NANAIG ang bangis ng Jun-

iors sa larangan ng badminton

laban sa ibang dibisyon dahil

na rin sa kanilang mga pama-

tay na kill pinatumba nila ang

mga ito noong Setyembre 12

taong kasalukuyan sa Mataas

na Paaralan ng Sto. Nino.

Pinangunahan ni Jeffrey

Periabras Sophomore single a

(boys) sa pagsungkit ng unang

puwesto sa finals dahil sa papa-

tumba niya sa kalabang Freshmen

na si John Lloyd Namoro sa iskor

na 17-10, 8-17, 7-5. Sinundan

naman ito ng pagkapanalo ni

Mark John Jove Junior Single B

(Boys) sa iskor na 17-8, 5-17, 7-5

sa kalabang Freshmen na si Arjay

Jovel Monte. Pinagpatuloy pa ito

ni Jessa Mae Periabras sa Single

A (Girls) na pakainin nya ng al-

ikabok ang kalabang Juniors na si

Jessa Penones sa puntos na 11-5,

11-5. Subalit sa Single B (girls)

naangkin ng Sophomore na si Ri-

ca Jane Cepe ang panalo sa kala-

bang Junior na si Agnes Arroyo

sa iskor na 17-7,12-17, 7-4.

Tuwang tuwa ang mga

Juniors dahil sa halos pagsungkit

na kampeonato sa larong badmin-

ton. Ang nasabing laro ay mati-

yagang ginabayan ng opisyal na

namahala na si G. Augusto I.

Ceguera Jr. at ang opisyal ng

SSG at MAPEH Club para

matagumpay na matapos ang

nasabing laro.

Laro ng Lahi, Sinariwa Ni: Joan S. Arroyo

Muling inungkat ng Sto. Nino Na-

tional High School ang tila ibin-

aul ng laro ng lahi nang maging

bahagi ito ng palarong pampaar-

alan sa ginanap noong ika-13 ng

Setyembre taong kasalukuyan.

Itinampok noong Intrams

ang sackrace, tug of war at luk-

song lubid. Gitgitan ang labanan

ng bawat dibisyon sa larong

sackrace ngunit sa huli ang Jun-

iors ang nanalo. Angat naman

ang Seniors mapalalaki at babae

sa luksong lubid.

Naging kapanapanabik

ang labanan sa pagitan ng seniors

at juniors. Dahil na rin sa lakas at

teamwork ng Seniors nagapi nila

ang Juniors. Masasabing ang

laro ng lahi ay laro pa ng ating

lolo at loal o kaya laro pa ng

unang sibilisasyon ngunit ito‟y

hindi dapat kalimutan na lamang

bagkus ating ingatan at pagyama-

nin. Ang nasabing laro ng lahi ay

naging matagumpay dahil sa ma-

tiyagang pag gabay ng mga opis-

yal na namahala sa laro na si Bb.

Nina Salvadora at mga opisyal ng

MAPEH Club.

LARO NG LAHI ISINAGAWA. Ang mga Juniors matapos manalo sa isina-

gawang sackrace laban sa tatlong Dibisyon sa isinagawang School Intra-

murals sa Mataas na Paaralan ng Sto Nino noong ika-13 ng Setyembre

2014.

OPISYAL NA KINALABASAN NG PALARONG PAMPAARALAN

Page 18: Tilamsik Tabloid 11x17

Pinoy Pride Ni: Joan S. Arroyo

Kilala bilang ―The Best pound-for-pound Boxer‖ sa

buong mundo. Siya ang kauna-unahan at nag-iisang pandaig-

digang kampiyon ng walong dibisyon sa boksing. Ayon kay

Forbes,siya rin ang ika-14 sa pinakamataas na binabayarang atleta sa buong mundo.

Pinangalanan siya bilang ―Fighter of the Decade‖ noong

2000. Siya rin ngayon ang WBO welterweight champion at kasalukuyang ika-tatlo sa The

Ring pound-for-pound list.

Ang lahat ng karanga-lang iyon ay nakamit ni Em-

manuel Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang Manny Pacquiao. Siya ay propesyunal

na boksingero, manlalaro sa basketball, pulitiko, actor at

mang await. Noong Mayo 2010, nahalal siya sa Mababang

Kapulungan ng Kongreso,ika-15 Kongreso ng Pilipinas, kung saan siya ang tumatayong kina-

t a w a n n g p r o b i n s y a ng Sarangani. Siya ang nata-

tanging aktibong boksingero na naging konresista sa Pilipinas.

Ipinanganak siya noong De-cember 17, 1978 sa sa Kibawe, Bukidnon, Mindanao.

Bago naging kilala si Pacquiao bilang isang milyonaryo at sikat

na boksingero ngayon, lumaki siya sa pangangalaga ng

kanyang inang si Dionisia Pacquiao,mas kilala sa tawag

na "Nanay Dionisia", mula nang iwan sila ng kanyang ama. Du-lot ng kahirapan, kahira-

pan,naranasan niyang maglako ng "pandesal" sa umaga upang

may makain ang kanyang pami-lya, maglako ng mga sigarilyo at kendi sa daan upang

magkapera. Bata pa lamang si Pacquiao ay iniwan na siya,

kasama ng lima niyang kapatid at ina, ng kanyang ama. Ang

tanging hangad lamang ni Pacquiao noon ay maging isang pari. Ngunit dahil sa kapos sa

pera ang kanyang ina upang mapag-aral siya ay naisip ni-

yang boksing ang pin-akamadaling paraan upang

maipagmalaki niya ang kanyang sarili sa kanyang pamilya.

Ikinasal siya kay Maria Geraldine ―Jinky‖ Pacquiao at

biniyayaan sila ng limang anak—sina Emmanuel Jr.

"Jimuel", Michael, Princess, Queen Elizabeth "Queenie" at Israel. May tahanan sila

sa General Santos City, South Cotabato ngunit bilang kon-

gresista ng distrito ng Saranga-ni,ang opisyal niyang tirahan

ay sa Kiamba, Sarangani, ang probinsiya ng kanyang asawa. Nagsimula ang karera ni

Pacquiao bilang isang propesy-onal na boksingero noong

1995,sa timbang na 106 lbs at sa edad na 16. Ang unang ba-

hagi ng kanyang mga laban ay karaniwang ginaganap lamang sa mga maliliit na lugar at ipin-

apalabas sa Vintage Sports' Blow by Blow evening boxing

show. Ang kanyang unang opis-yal na laro ay laban kay Ed-

mund Ignacio noong January 22, 1995, kung saan nanalo si-ya sa pamamagitan ng desisy-

on, kung kaya't naging "instant star" simula noon si Pacquiao.

Isa si Pacquiao sa halimbawa na pag ang tao nagsumikap at

hindi sumusuko sa pagsubok ng buhay ay hindi impossibleng makamit ang rurok ng

tagumpay.

Sa kabila ng karangyaan sa buhay ay hindi pa rin siya

nakakalimot na magpasalamat sa Panginoon. Lagi pa rin si-yang nagpapasalamat sa Kanya

at siya ay tumutulong sa mga nangangailanagan. Isa siyang

huwarang tao na nagbigay ka-rangalan sa bansa. Talagang

siya ay kahanga-hanga.

Lady Spikers namayagpag laban sa

Golden Tigresses Ni: Joan S. Arroyo

Pinataob ng De La Salle Lady

Spikers ang katunggaling UST Golden

Tigresses nang magpakawala nang

pamatay na ispayk si Ara Galang na

nagpaselyo sa iskor na 25-23, 27-25, 25-

17 sa salpukang volleyball noong

Nobyembre 30, 2014 sa Filoil Flying V

Arena.

Umariba agad ang

Lady Spikers sa unang

set nang magpakawala si

Mika Reyes nang mala-

kidlat na kill, 5-2. SA ace

serves at nagliliyab na

blocks nina Desiree

Wyrea Cheng at Christine

Joy P. Soyud ng Lady

Spikers naglatag ito sa

iskor na 16-12.

Sa kalkuladong kills at

blocks ng Golden Tigresses nagtulak ito

upang tumabla ang iskor sa 22-22. Nag-

init pa ang lamang at sa nag-aapoy na

jumping block ni Ara Galang nagposte

ang iskor sa 25-23.

Ganado sa pagkapanalo sa unang

set, rumatsada agad ang Lady Spikers at

sa wallop ni Princess Justine G. Tiu

nagposte ang iskor sa 7-3. Sa mabangis

na dig ni Reyes nagtulak ito sa iskor na

19-15.

Sa mga unforced errors na

binitiwan ng DLSU Lady Spikers, ito ‗y

nagbigay daan upang humabol ang

katunggali, 23-24. Sa mga crucial attack

ni Cyd Demecillo naisemento na niya ang

iskor sa 27-25.

S a p a g b u b u k a s n g

pangatlong set maagang nanalasa ang

Lady Spikers at nakaposte sa iskor na 12-

11 gamit ang mga impresibong ispayk at

kills.

Sa mga mapangahas na atake at

mabangis na dropshots ni Galang tuluyan

nang naipako ang iskor sa 25-17.

ABOT KAMAY . Si Ara Galang ng DLSU Spikers sa kanyang wallop sa

larong Balibol laban sa koponan ng UST Golden Tigresses sa Filoil Fly-

Page 19: Tilamsik Tabloid 11x17

Azkals nilampaso ang Indonesia, 4-0

Ni: Joan S. Arroyo

Pinakain ng alikabok ng Philippine

Azkals ang kalabang Indonesia nang ise-

mento nila ang iskor sa 4-0 sa salpukang

football para sa seminals of the AFF Su-

zuki Cup noong Nobyembre 25, 2014 na

ginanap sa My Dinh National Stadium sa

Hanoi, Vietnam.

First Half pa lamang, rumatsada

kaagad ang Azkals nang pumasok ang

penalty shot ni Younghusband, 1-0. Mat-

inding zone-defense ang pinakawalan ng

Indonesia para din a ka makapuslit pa

ang katunggali.

Sa shot ni Reichelt muntik nang

makapagtala ito sa iskor na 2-0 subalit

nablock ito ng katunggali. subalit di ito

umabot. Nagpakawala pa ng header ang

Indonesia Sa matinding opensa at ma-

higpit na depensa ng Azkals nakapag-

poste ito sa isa na namang puntos, 2-0

sa 2nd half. Umariba pa ito at sa im-

presibong assist at header ng azkals nag-

tulak ang iskor sa 3-0. Nabigyan na na-

man ng pagkakataon si Younghusband

ng mapasakanya ang bola. Sa hindi

kalkuladong pagsipa tumama ito sa

mukha ng katunggali. Agad naming

bumalikwas ang Azkals at nag ambag pa

ng isang puntos, 4-0.

Sa natitirang segundo di na nahan-

ap pa ng Indonesia ang net at naisemen-

to na ang iskor sa 4-0 pabor sa Azkals.

SIPANG KABAYO. Si Phil Younghusband habang nakikipaglaro laban sa

koponang Indonesia sa ginanap na AFF Suzuki Cup sa My Dinh National Stadium

Hanoi Vietnam noong ika- 25 ng Nobyembre 2014.

Isports lang Kolum ... Ni: Joan S. Arroyo

Magandang, Magandang, Magandang

Araw sayo kaibigan. Maraming salamat at

iyong napansin at nababasa ang Sports Col-

umn ng Ang Tilamsik. Atin ng simulan ang

mga puna‟t puri sa larangan ng sports.

Una, ating palakpakan ang mga maga-

galing na manlalaro ng Mataas na Paaralan ng

Sto. Niño na masigasig na nag e-ensayo sa

Iriga Sports Complex tuwing sabado para sa

laban sa Palarong Bicol, mapa-athletics man

ito at ball games.

Pangalawa, lubos ang ating pasasala-

mat sa mga MAPEH teachers at iba pang guro

na nag-aalalay at nag gagabay sa mga manlal-

aro upang makamit nila ang tagumpay.

angatlo, Congratulation pala sa lahat ng

estudyanteng nakamit ang pagkapanalo sa ibat

-ibang larangan ng sports lalong lalo na ang

Seniors Team dahil sila ang itinanghal na

kampeon noong School Intramural.

Pang-apat, sa lahat ng estudyante na nagcu-

cutting para lang makalaro ng sepak takraw o

magbasketball. Aba! Bagong buhay na kayo.

Hindi naman masamang maglaro pero sa ta-

mang oras naman.

Pang-lima, yung mga mag-aaral na

gumagamit at nanghihiram ng sport equip-

ments, hinay-hinay lang po. Handle with care

ika nga para magamit pa po ng iba.

Pang-anim, i-improve niyo pa ang

sports skills niyo baka balang araw ikaw na

ang isabak sa mga palaro at manalo ka pa.

Pang-pito, kapwa ko mag-aaral wag puro

gadgets ang hawakan, atin ding subukan ang

mga laro ng lahi na nakakatulong pa sa ating

pakikipag-kapwa dahil sa ibat-ibang tao ang

ating makakasalamuha at makakatulong pa sa

ating kalusugan.

Ayan! Maraming Salamat ulit sa iyong

pagbabasa. Sana nagustuhan mo po ito.

Palaganapin ang pagmamahal sa isports.

Yow!

Takbo para

sa Pangarap

Ni: Cecille R. de Roxas

―No amount of talent can beat

hardwork‖ yan ang mga katagang

laging niya bukambibig sa tuwing

magkakaroon ng pagpupulong ang

mga organisasyong pinamumunuan

niya. Maliksi, matalino, magaling,

masipag at walang inuurungan.

Unang pagtapak niya pa lang sa

Mataas na Paaralan ng Sto.Niño,

Lungsod ng Iriga makikita mo na

talaga ang kanyang pagiging

matapang sa pagharap ng mga

pagsubok na maaar i niyang

maranasan.

Siya ay si Anjo Y. Patano.

Isinilang noong Setyembre 22, 1997.

Siya ay panganay sa dalawang

makukulit na anak nina G.Andy Y.

Patano at Gng.Josephine Y.

Patano.Siya ay labing pitong taong

gulang na.Sa ngayon siya ay nasa

ikaapat na baitang na sa

sekundarya.

S i An j o ay i s a s a

napakagaling na mag-aaral ng Sto.

Niño pagdating sa larangan ng

pampalakasan. Siya ay nagkamit ng

maraming gamtimpala lalong-lalo na

pagdating sa pabilisan at patagalan

sa pagtakbo,lagi siyang nagkakamit

ng unang gantimpala mapa District,

Division o Regional man.

Hindi lang siya magaling sa

pagtakbo pati na rin sa pagguhit lagi

r i n s i y a n g n ag ka k am i t ng

pagkapanalo.

Sadyang kahanga-hanga

ang ipinamalas na kagalingan ni

Anjo Y. Patano. ―Wag kang matakot

na magkamali dahil sa bawat

pagkakamali na nagagawa natin

ma r am i r i n naman t ayong

natutunan.‖ Masayang wika niya.

Page 20: Tilamsik Tabloid 11x17

LAKAS TAMA. Si Manny Paquiao matapos manalo sa bakbakan nila ni Chris Algeri sa isinagawang World

Boxing Welterweight Crown sa Cotai Arena sa Macau noong ika-23 ng Nobyembre 2014.

Algieri bagsak laban kay Pacquiao Ni: Joan S. Arroyo

Pinatumba ni Manny Pacquiao na tinaguriang

8-Division World Boxing Champion ang kala-

bang si Chris Algeri ng kanyang maknock-

down amg karibal ng anim na beses na

nagpaselyo sa unanimous decision noong No-

byembre 23, 2014 sa Cotai Arena sa Macau

para sa World Boxing Welterweight crown.

Nagpasiklab agad si Pacquiao nang

magbitiw ito ng right hook at umariba gamit

ang kanyang pamatay na left jab kay Algeri na

pumabor sa kanya sa unang round.

Sa pagbubukas ng round two, umariba

agad si Pacquiao at nagpaulan ito ng suntok sa

katunggali na nagresulta sa medaling pagtum-

ba ni Algeri. Dahil dito umalingawngaw sa

arena ang hiyawan ng mga taga-suporta ni

Pacquiao.

Umusok ang ilong ni Pacquiao sa round three

at nagpaulan ito ng suntok gamit ang mala-

kidlat na left hook na tumama sa tiyan ni Alge-

ri na naging dahilan upang mapa-atras ito da-

hil sa lakas ng suntok ni Pacquiao.

Sa round four, matitinding body shots

ang binitiwan ni Pacquiao sa karibal. Ma-

titinding depensa ang isinagawa ni Algeri at

nagfiflicks agad ito. Bumalikwas naman si Al-

geri at nanalasa sa round 5 ng ito ‘y magpaka-

wala ng left jab na tumama sa mukha ni

Pacquiao. Ito ang dahilan at pumabor sa

kanya sa kanya ang round na ito.

Uminit ang labanan ng sa round 6 na-

tumba si Algeri dahil sa pagkawala ni Pacquiao

ng nag-aapoy na right hook at dahil na rin sa

left hand na tumama sa dibdib ng kalaban.

Muling kumamada si Pacquiao sa

round 7 ng ito ‘y magbitiw nang kalkuladong

suntok at right jab sa katunggali. Isang defen-

sive fight para kay Algeria ng round 8 nang

sunod-sunod na suntok ang kanyang na-

tanggap mula sa kalaban na nagpadugo sa

kanyang kanang mata.

Isang legitimate knockdown ang nang-

yari kay Algeri sa round 9 ng ito ‘y masindak sa

left hook ni Pacquiao. Nacorner pa ito ni

Pacquiao at pinaulanan ng suntok.

Tumba ulit si Algeri sa Round 10 ng

natikman ang left jab ni Pacquiao. Laging

umaatras si Algeri kapag susuntok si Pacquiao

at sa right jab niya pumabor sa kanya ang

round na ito.

SOUTHEAST ASIAN

GAMES (SEA

GAMES) Ni: Joni Gabriel S. Cruzata

“Our Cherisehd Memories of Incheon”,

iyan ang tema ng panapos na seremonya

ng 2014 Southeast Asian Games (o SEA

Games) sa Incheon, South Korea noong

Oktubre 4, 2014. Kabilang ang delegasyon

ng Pilipinas sa sumama sa SEA Games bu-

kod sa sampung iba pang bansa dito sa

Timog-silangang Asya.

Isang “biennial multi-sport event”

ang SEA Games. Ibig sabihin ito’y nagaga-

nap pagkatapos ng 2 taon lamang. Ang

palaro ay nasa ilalim ng regulasyon ng

Southeast Asian Games Federation na si-

nusuperbisa ng International Olympic

Committee (IOC) at ng Olympic Council of

Asia. Dating Southeast Asian Peninsular

Games o SEAP ang SEA Games. Noong ika

-22 ng Mayo, 1958 ang mga delegado mu-

la sa mga bansa sa Timog-silangang Asya

na dumalo sa Asian Games sa Tokyo, Ja-

pan ay napagisipan na bumuo ng isang

sport organization, sa tulong ni Luang Su-

khumnaipradit (ang Bise-presidente ng

Thailand Olympic Committee) nabuo ang

SEA Games.

Sa unang SEAP Games na ginanap

sa Bangkok, Thailand mula sa Disyembre

12 hanggang 17 taong 1959, dinaluhan ito

ng 527 na atleta at mga opisyal galling

Thailand, Myanmar, Malaysia, Singapore,

South Vitenam at Laos na naglaban sa 12

isports.

Sa ika-8 SEAP Games noong 1975,

sinama ng ng SEAP Federation ang Brunei,

Indonesia at Pilipinas. Noong 1977, pi-

nalitan na ng SEAP Federation (SEAGF) at

nakilala bilang SEA Games. Sinama narin

ang East Timor sa mga delegasyon.

Noong 2005, ginanap ulit sa Ma-

nila ang SEA Games at sinabing ito ang

may pinakamagandang pambungad na

seremonya sa buong kasaysayan ng nasa-

bing palaro. Nakuha na naman ng China

ang pangunguna sa medal table sa loob

ng siyam na sunod-sunod na taon. Sana

sa susunond, hindi lang masabi na magan-

da ang pambungad ng seremonya ng Pili-

pinas kundi maging ang performance na

rin ng mga Pilipinong delegado.