8
HUNYO 2015 IKALAWANG EDISYON Mahigit isang libo nagmartsa sa US Embassy at Chinese Consulate sa araw ng kalayaan 13 aktibista inaresto sa kilos-protesta sa Kawit, Cavite Pagbisita ni Aquino sa Iloilo sinalubong ng kilos-protesta, 5 inaresto sa marahas na dispersal Negros Island Region: pabor sa mga komprador, panginoong maylupa, at dayuhang kapitalista Mga pribadong paaralan kikita ng P200 bilyon dahil sa K-12 Palayain si Adelberto Silva at lahat ng bilanggong pulitikal! Hustisya para sa mga biktima ng Paquibato massacre! Malakihang pagmimina: pahamak at salot sa mamamayan, katutubo, at kalikasan! Ibayong palakasin ang paglaban! Itindig ang malalaki at malalamang balangay ng Anakbayan! 3 3 4 4 5 6 6 7 8 >>>Ituloy sa p2 Kabataan, tumindig para sa pambansang kalayaan at soberanya! Dapat lumaban ang kabataang Pilipino para sa pambansang kalayaan at soberanya sa harap ng tumitinding panghihimasok ng imperyalismong Estados Unidos (US) at Tsina sa mga karagatan at teritoryo ng Pilipinas. Sa pagtindi ng krisis ng pandaigdigang sistemang monopolyo kapitalismo, tumitindi rin ang paligsahan ng mga kapangyarihang imperyalista para sa kontrol sa mga karagatan sa Asya-Pasipiko upang tiyakin ang daloy ng kalakal, kapital at impluwensiya sa rehiyon. Sa military “pivot” ng US, dinedeploy nito ang papalaking bilang ng tropang militar, mga warship at kagamitang pandigma sa mga base nito sa Asya-Pasipiko para palibutan at ipresyur ang Tsina at pilitin itong higit na yumukod sa US at sa mga pampulitika at pang-ekonomiyang interes nito. Nakatakdang italaga ng US ang aabot sa 60% ng pwersang pandagat at nasa 50% ng sundalo at air forces nito sa rehiyon. Inuupatan at sinasamantala ng US ang mga teritoryal na mga sigalot sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa Asya at ginagamit itong dahilan para higit pang manghimasok sa mga bansa sa rehiyon, magdeploy ng mga pwersang militar nito at magtayo ng mga base gaya ng ginagawa nito sa Pilipinas. Sa pinakanang Enhanced Cooperation and Defense Agreement (EDCA) ng US at tutang gubyernong Aquino na para umano sa pagdepensa sa bansa laban sa Tsina, inilalatag ang higit pang paggahasa sa soberanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng walang sagkang pagtatayo ng base ng US saanman sa buong bansa. Dagdag ito sa mahabang listahan ng mga krimen ng US sa Pilipinas at mga di-pantay na kasunduan mula sa Mutual Defense Treaty, Visiting Forces Agreement at iba pa. Kasabay nito, itinutulak ng US ang mga kasunduang pang-ekonomiya gaya ng Trans-Pacific Partnership Agreement sa rehiyon, na nasa likod ng kamakailang pagpupumilit na ipasa ang charter change sa bansa, para higit na papasukin at paboran ang dayuhang kapital at kalakal. Sa kabilang banda, nagiging higit na agresibo ang Tsina sa pagtatanggol at pagpapalawak nito ng teritoryo, kalakalan at pamumuhunan. Mabilis nitong pinalalakas ang kakayanang pangmilitar at nagbabadyang maglunsad ng mas mapangahas na mga agresyong militar at okupasyon.

TINIG Hunyo 2015 2nd Release

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang TINIG ng Kabataang Makabayan ang opisyal na pahayagan ng Anakbayan.

Citation preview

  • HUNYO 2015IKALAWANG EDISYON

    Mahigit isang libo nagmartsa sa US Embassy at Chinese Consulate sa araw ng kalayaan

    13 aktibista inaresto sa kilos-protesta sa Kawit, Cavite

    Pagbisita ni Aquino sa Iloilo sinalubong ng kilos-protesta,5 inaresto sa marahas na dispersal

    Negros Island Region: pabor sa mga komprador, panginoong maylupa, at dayuhang kapitalista

    Mga pribadong paaralan kikita ng P200 bilyon dahil sa K-12

    Palayain si Adelberto Silva at lahat ng bilanggong pulitikal!

    Hustisya para sa mga biktima ng Paquibato massacre!

    Malakihang pagmimina: pahamak at salot sa mamamayan, katutubo, at kalikasan!

    Ibayong palakasin ang paglaban! Itindig ang malalaki at malalamang balangay ng Anakbayan!

    3

    3

    4

    4

    5

    6

    6

    7

    8

    >>>Ituloy sa p2

    Kabataan, tumindig para sa pambansang kalayaan at soberanya!Dapat lumaban ang kabataang Pilipino para sa pambansang kalayaan at soberanya sa harap ng tumitinding panghihimasok ng imperyalismong Estados Unidos (US) at Tsina sa mga karagatan at teritoryo ng Pilipinas.

    Sa pagtindi ng krisis ng pandaigdigang sistemang monopolyo kapitalismo, tumitindi rin ang paligsahan ng mga kapangyarihang imperyalista para sa kontrol sa mga karagatan sa Asya-Pasipiko upang tiyakin ang daloy ng kalakal, kapital at impluwensiya sa rehiyon.

    Sa military pivot ng US, dinedeploy nito ang papalaking bilang ng

    tropang militar, mga warship at kagamitang pandigma sa mga base nito sa Asya-Pasipiko para palibutan at ipresyur ang Tsina at pilitin itong higit na yumukod sa US at sa mga pampulitika at pang-ekonomiyang interes nito. Nakatakdang italaga ng US ang aabot sa 60% ng pwersang pandagat at nasa 50% ng sundalo at air forces nito sa rehiyon.

    Inuupatan at sinasamantala ng US

    ang mga teritoryal na mga sigalot sa pagitan ng Tsina at mga bansa sa Asya at ginagamit itong dahilan para higit pang manghimasok sa mga bansa sa rehiyon, magdeploy ng mga pwersang militar nito at magtayo ng mga base gaya ng ginagawa nito sa Pilipinas.

    Sa pinakanang Enhanced Cooperation and Defense Agreement (EDCA) ng US at tutang gubyernong Aquino na para umano sa pagdepensa sa bansa laban sa Tsina, inilalatag ang higit pang paggahasa sa soberanya ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng walang sagkang pagtatayo ng base ng US saanman sa buong bansa. Dagdag ito sa mahabang listahan ng mga krimen ng US sa Pilipinas at mga di-pantay na kasunduan mula sa Mutual Defense Treaty, Visiting Forces Agreement at iba pa.

    Kasabay nito, itinutulak ng US ang mga kasunduang pang-ekonomiya gaya ng Trans-Pacific Partnership Agreement sa rehiyon, na nasa likod ng kamakailang pagpupumilit na ipasa ang charter change sa bansa, para higit na papasukin at paboran ang dayuhang kapital at kalakal.

    Sa kabilang banda, nagiging higit na agresibo ang Tsina sa pagtatanggol at pagpapalawak nito ng teritoryo, kalakalan at pamumuhunan. Mabilis nitong pinalalakas ang kakayanang pangmilitar at nagbabadyang maglunsad ng mas mapangahas na mga agresyong militar at okupasyon.

  • 2 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Dapat puspusang ipalaganap ang anti-imperyalistang propaganda sa buong bansa. Dapat paglagablabin ang patriyotismo sa hanay ng kabataan at palawakin ang hanay ng naninindigan para sa kalayaan.

    Dapat ilunsad ang malalaking mga pambansang protesta para sa paglaban para sa kalayaan at soberanya. Dapat ipanawagan ang kagyat na paglayas ng mga pwersa at base ng US at Tsina mula sa teritoryo ng bansa. Dapat itulak ang nasyunalisasyon ng mga malalaking pamumuhunan at negosyo ng mga imperyalista sa bansa at wakasan ang mga di-pantay na tratado sa pagitan ng Pilipinas at mga dayuhan.

    Dapat samahan ang lahat ng mga nagmamahal sa kapayapaan sa buong daigdig sa pagkondena sa pagsiklab ng tensyong militar at paglaki ng posibilidad ng digma o proxy war ng imperyalista, na magpapahamak sa mamamayan ng Asya-Pasipiko.

    Dapat palakasin ang pakikibaka para ibagsak ang tutang rehimeng Aquino tungo sa pagtindig ng lipunang tunay na malaya at demokratiko. Sa pagwawakas ng imperyalistang paghahari sa bansa, tunay na maititindig ang pambansang kalayaan, kasarinlan at soberanya.

    Ang Tsina ay isa nang ganap na imperyalistang kapangyarihan sa mga aksyon nito ng agresyon na nakabatay sa katangiang monopolyo kapitalista na resulta ng Dengistang anti-sosyalistang kontra-rebolusyon matapos mamatay si Mao.

    Ang pag-angkin ng Tsina sa West Philippine Sea kabilang ang pagsasagawa ng malalaking reklamasyon at pagtatayo ng base nito sa Bajo de Masinloc (Panatag Shoal), Kalayaan Islands (Spratlys) ay malinaw na pagnanakaw at agresyon. Dinarahas ng itinatambak na pwersang militar at mga gunboats ng Tsina ang mga mangingisdang Pilipino at sinisira kung hindi man ninanakaw ang mga yamang dagat.

    Malinaw na itinatakda ng UN Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) ang saklaw ng teritoryo ng Pilipinas: 12 nautical miles mula sa mga baybayin, 200 nautical miles ng exclusize economic zone (EEZ) at 150 nautical miles ng extended continental shelf (ECS) mula sa EEZ. Nilalabag ito ng Tsina sa pag-angkin sa 100 porsyento ng ECS at 80 porsyento ng EEZ ng bansa. Ito ang inihayag sa kasong isinampa ng Pilipinas sa International Tribunal on the Law of the Sea (ITLOS).

    Napakalayo ng mga inaangking lupa at karagatan sa takdang teritoryo ng Tsina. Hindi maaaring gamiting ligal na batayan na angkinin ang 90 porsyento ng buong dagat dahil lamang pinangalanan daw itong South China Sea gaya ng hindi maaaring angkinin ng India ang buong Indian Ocean.

    Kamakailan, higit pang tumaas ang tensyon sa pagitan ng US at Tsina sa pagpapalipad ng surveillance warplanes sa mga reklamasyon at konstruksyon ng Tsina. Kunwariy nais ipagtanggol ang kalayaan sa paglalayag sa West Philippine Sea pero sa totooy bahagi ito ng propaganda kontra-Tsina para gamiting dahilan sa pagpasok ng mas maraming tropang militar lalot higit na dumarami ang kumukuwestyon sa EDCA na ngayoy ipinababasura sa Korte Suprema.

    Bagamat nagtutunggali at nagbabanta ng digma, sa isang banday nagkakaisa ang imperyalistang US at Tsina sa pagsasamantala sa manggagawa at mamamayan ng daigdig. Kapwa

    nakikinabang ang mga oligarkiya sa pinansya at mga monopolyo kapitalista sa US at Tsina sa mga neokolonyal na hakbangin na ganap na buksan ang mga ekonomiya ng Pilipinas at iba pang mga bansa.Ang gubyernong Aquino ay pangunahing bugaw ng pambansang soberanya at tuta ng imperyalismong US. Sa halip na tumindig para sa soberanya, ginagamit nito ang kunwaring paglaban sa Tsina para lalong paboran ang US. Ang pagkatuta sa US ay lalong nagpapahina sa kakayanan ng Pilipinas na depensahan ang sarili laban sa pananakop ng dayuhan at naglalagay pa sa bansa sa gitna ng banta ng digma. Nakikinabang din sa Tsina ang rehimeng Aquino sa ibat ibang mga negosyo at pamumuhunan nito sa bansa, kasama na ang mga kontrata sa mahahalagang utilidad gaya ng sa kuryente.

    Walang ibang sasaligan ang mamamayan kundi ang kolektibong paglaban para igiit ang soberanya at kalayaan. Dapat kondenahin ang paglabag ng mga imperyalistang kapangyarihang US at Tsina sa soberanya ng bansa.

    Dapat pangunahan ng mga kabataang patriyotiko sa buong bansa ang pagtindig para sa kalayaan ng bansa.

  • 3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2015

    sa larangan ng politika, ekonomiya, usaping panlabas, at kultura.

    Ayon sa pahayag ng P1NAS, Dapat agarang itigil ng Tsina ang ginagawa nitong reklamasyon at panliligalig sa West Philippines Sea, dapat ding itigil ng US ang paparami nitong pagdedeploy ng tropang militar sa rehiyon.

    Kinundena ng Anakbayan ang kawalan ng sariling paninindigan ng administrasyong Aquino sa pagdepensa sa ating mga teritoryo. Binatikos ng grupo ang pagiging tuta ni Aquino sa US.

    Kung wala ang kontrol ng US sa ekonomiya, kaya nating magtatag ng pambansang industrya na maaring sumuporta sa ating kakayahang pandepensa, sabi ng grupo.

    Matagumpay ang programa sa kabila ng pagtatambak ng maraming pulis ng gobyerno ni Aquino sa harapan ng dalawang embahada.

    Nangako ang Anakbayan kasama ang iba pang organisasayon sa ilalim ng P1NAS na magpapatuloy at mas lalaki pa ang mga pagkilos sa buong bansa na kumukondena sa US at Tsina, pati na rin sa pagpapakatuta ng rehimeng Aquino sa US.

    Nanawagan ang Anakbayan sa lahat ng balangay nito na puspusan pang magmulat, mag-organisa, at magpakilos para makapag-ambag sa papalaking mga pagkilos laban sa imperyalismong US at Tsina.

    Mahigit isang libong katao ang nagprotesta sa harap ng Embahada ng Estados Unidos (US) at Tsina sa araw ng huwad na kalayaan noong Hunyo 12, 2015 upang ipanawagan ang pagtigil ng Tsina at US sa kanilang pagtapak sa soberanya at teritoryal na integridad ng Pilipinas.Lumahok ang Anakbayan at iba pang mga organisasyon sa ginanap na pambansang kilos-protesta na pinangunahan ng malawak na alyansang Pilipinong Nagkakaisa para sa Soberanya (P1NAS).

    Nanguna sa protesta ang dating senador na si Rene Saguisag, isa sa mga senador na pumirma sa pagpapaalis ng US bases sa Pilipinas, at si Bibeth Orteza, artista at manunulat, na kapwa convenor ng P1NAS.

    Alas nuwebe ng umaga nang magsimula ang martsa patungong Chinese Consulate sa Makati. Kinundena ng mga organisasyon ang agresibong pananakop ng Tsina ng mga isla at bahura ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

    Alas dose naman ng tanghali nang magmartsa mula sa Plaza Salamanca patungong US Embassy. Kinundena ng mga organisasyon ang patuloy na panghihimasok ng US sa Pilipinas,

    Mahigit isang libo nagmartsa sa US Embassy at Chinese Consulate sa araw ng kalayaan

    13 aktibista inaresto sa kilos-protesta sa Kawit, CaviteAabot sa 13 aktibista ang hinuli ng pulis sa kilos-protesta sa Kawit, Cavite na marahas na binuwag ng mga pulis noong Hunyo 12. Nananawagan ang protesta ng tunay na kalayaan laban sa pagpapakatuta ni Aquino sa US at panghihimasok ng China sa West Philippine Sea.

    Kabilang sa mga nahuli ay ang mga mag-aaral ng University of the Philippines Los Baos na sina Romina Marcaida, dating tagapangulo ng

    Anakbayan-UPLB, Charissa Caeso, kasapi ng League of Filipino Students-UPLB, at si John Carlo Capistrano, BMI officer ng Anakbayan-UPLB.

    Hapon na nang palayain ang mga hinuli. Mariing kinukundena ng Anakbayan ang nasabing insidente. Ayon sa grupo, nagpapakita lamang ito kung paano binabalewala ng estado ang kalayaan ng mamamayang magpahayag ng kanilang saloobin.

    Araw daw ng kalayaan, pero ang kalayaan sa pagpapahayag ay pilit na dinudurog ng gobyerno ni Aquino, ani Vencer Crisostomo, pambansang tagapangulo ng Anakbayan.

    Pinapakita lang ng insidente na ito na takot ang gobyerno ni Aquino sa mamamayan, na pati ang kalayaan nila sa pagpapahayag ay pilit nitong tinatanggal, aniya.

  • 4 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    ulo, at si Bryan Bosque, tagpagsalita ng Anakbayan-Panay, na nagkapasa-pasa ang braso at kamay.

    Ayon kay Bosque, hindi matabunan ng pagmamayabang ng mga malalaking proyektong diumanoy ibinuhos ng rehimeng Aquino sa probinsya ng Iloilo ang malawakang kahirapan at kagutumang dulot ng mga kontra-mamamayang patakaran nito.

    Ilan sa mga ito ang pribatisasyon ng mga public markets at water district sa probinsya, ang pagtayo ng international convention center na nababalot sa isyu ng korupsyon, at ang pagtayo ng Jalaur Mega Dam sa Calinog, Iloilo kung saan 17,000 tumandok o katutubo ang mawawalan ng tirahan at kabuhayan.

    Sa Iloilo rin idaraos ngayong Oktubre ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na higit na tatali sa Pilipinas sa mga di-pantay na mga kasunduan. Nariyan din ang pagdedeploy ng mga armadong sundalo mismo sa

    Pagbisita ni Aquino sa Iloilo sinalubong ng kilos-protesta,5 inaresto sa marahas na dispersalSinalubong ng protesta ang pagbisita ni BS Aquino sa lalawigan ng Iloilo para sa pagdiriwang ng ika-117 deklarasyon ng kalayaan noong Hunyo 12.

    Gamit ang mga pamalo at tubig galing sa trak ng bumbero, marahas na binuwag ang hanay ng mga aktibistang nagtangkang magmartsa patungo sa Iloilo Capitol mula sa Plaza Libertad. Nagdaos dito ng wine of honor si Aquino at iilang mga matataas na opisyal matapos ang isang seremonya sa Sta. Barbara, Iloilo.

    Limang aktibista ang iligal na inaresto: Reylan Vergara, punong kalihim ng Panay Alliance Karapatan, mga magsasakang membro ng Pamanggas na sina Alfonso Geonago at Ceasar Lope Espadeniado, membro ng Kadamay na si Marlon dela Cruz at Bayan-Panay documentor Ann Marie Primalion.

    Lima naman ang nasaktan, kabilang na si Angel de Francisca ng St. Pauls Theological Seminary na nasugatan sa

    Nakikiisa ang Anakbayan sa mamamayan ng Isla ng Negros sa pagtutol sa pagtatayo ng isang Negros Island Region (NIR) na bubuuin ng mga probinsya ng Negros Occidental na dating bahagi ng Western Visayas at Negros Oriental na dating bahagi ng Central Visayas.

    Inaprubahan ni Pangulo Aquino ang pagtayo ng NIR sa bisa ng Executive Order 183 noong Mayo 29 sa pagtutulak ng pangkatin ni Gobernador Alfredo Maraon ng Negros Occidental na sinuportahan ni Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

    Binebenta ng rehimeng Aquino at pangkating Maraon ang pagtatayo ng NIR bilang susi diumano sa pagpapabilis ng paghahatid ng mga serbisyong pampubliko at pagsusulong ng pang-ekonomikong kaunlaran sa mga probinsya ng Negros Occidental at Oriental.

    Ngunit sa katunayan, magsisilbi ito sa pagpapalawak ng pang-ekonomiko at pulitikal na interes ng mga komprador at

    Negros Island Region: pabor sa mga komprador, panginoong maylupa, at dayuhang kapitalista

    panginoong maylupa sa pangunguna ng pangkating Maraon sa pamamagitan ng pagsaklaw sa kayamanan ng buong isla at mga atrasadong bayan sa hangganan ng mga probinsya ng Negros Occidental at Oriental.

    Di nakontento sa Occidental, nais nilang pag-ugnayin ang Canlaon City at Vallahermoso sa Negros Oriental at Sagay City, San Carlos City at Salvador Benedicto sa Negros Occidental upang sakupin ang mas malawak na lupain para sa mga plantasyon ng oil palm, pinya, rubber, saging, kape, at pastulan ng baka at karnero.

    Sa partikular, gustong idebelop ni Maraon ang Canlaon City bilang organic vegetable capital ng Pilipinas lalo na para sa Japanese market. Karatig nito ang mga sakahan ng palay ng Organization for Industrial, Spiritual and Cultural Advancement (OISCA) ng Japan kung saan isa sa mga Board of Directors si Maraon.

    Pinag-iimbutan din nila ang mga magkaratig na mga bayan ng Hinobaan,

    Ilog, at Kabankalan sa Negros Occidental at Basay, Bayawan at Mabinay sa Negros Oriental para sa agribusiness.

    Mas malulugmok sa kawalan ng lupa at mababang sweldo ang mga magsasaka at manggagawang bukid ng Negros, lalo na sa nakaambang pagpapatupad ng ASEAN Free Trade Agreement o AFTA na mag-aalis sa lahat ng hadlang sa pagpasok ng mga dayuhang produktong agrikultural sa bansa.

    May plano ring papasukin ang mga kumpanya ng pagmimina sa mga hangganan ng Basay-Hinobaan sa pagitan ng Negros Occidental at Oriental, Binalbagan-Himamaylan City sa Negros Occidental, at Tayasan-Ayungon-Jimamalud tri-boundary sa Negros Oriental.

    Sa huli, ang mga burgesya komprador, panginoong maylupa, at dayuhang kapitalista lamang ang makikinabang sa pagpapatupad ng Negros Island Region. Sa halip na magsulong ng kaunlaran, ay magreresulta lang ito sa mas matinding pagsasamantala at pang-aapi sa mamamayan.

    siyudad ng Iloilo bilang paghahanda para sa Summit.

    Patuloy pa rin ang kriminal na kapabayaan ng gobyernong Aquino sa mga biktima ng Yolanda sa mga pinakaapektadong lugar sa Northern Iloilo, Capiz, at Aklan.

    Pinalaya ang 5 inaresto sa sumunod na araw matapos makapagbayad ng piyansa. Kinasuhan sila ng mga gawa-gawang kaso ng malicious mischief, direct assault, resisting arrest, at disobedience to lawful order.

    Nakahanda naman ang mga aktibista na magsampa ng kaso ng anti-torture, iligal na pag-aresto at detensyon, paglabag sa freedom of expression at grave misconduct laban sa mga pulis.

  • 5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2015

    Pinasinungalingan ng mga grupo ng estudyante ang pahayag ng Philippine Association of Private Schools, Colleges and Universities (PAPSCU) at ng gubyerno na malulugi ng nasa P150 bilyon ang mga pribadong paaralan sa lubos na implementasyon ng K-12.

    Sinabi ng PAPSCU na mawawalan diumano ng kita ang mga pribadong paaralan dahil walang bagong enrollees ang mga kolehiyo simula June 2015 dahil sa pagpapatupad ng senior high school program ng K-12. Ngunit sa halip na malugi, kakamal pa ang mga ito ng mahigit P200 bilyon na kita sa susunod na 8 taon dahil mismo sa K-12, ayon sa League of Filipino Students (LFS). Ayon sa LFS, naghahabi ng propaganda ang gubyerno at pribadong paaralan para itago ang kahohotanan na hahakot sila ng kita dahil sa K-12. Ang katunayan, aabot sa isang milyong mag-aaral ng senior high school ang mapipilitang mag-enroll sa mga pribadong paaralan dahil hindi na sila kakasya sa mga pampublikong paaralan. Ang datos mismo ng Department of Education (DepEd) ang naglantad na hindi aabot sa kalahati (3,839 lamang sa 7,976) sa lahat ng pampublikong high school sa bansa ang handang magturo ng senior high. Hindi libre ang tuition sa mga pribadong paaralan. Aabot sa P25,000 hanggang P35,000 at kahit

    Mga pribadong paaralan, kukubra ng dagdag P200 bilyon sa K-12

    na P70,000 kada taon ang babayaran para lamang sa matrikula, ani LFS national spokesperson Charisse Baez.

    Kung gayon, magkakamal ng taunang gross revenue ng P25 bilyon ang mga pribadong paaralan kung ibabatay ang kompyutasyon sa minimum na private senior high school tuition (P25,000) para sa 1 milyong estudyante. Aabot ito sa P200 bilyon kung kokompyutin para sa 8 taon.

    Ayon kay Baez, pinakikita lamang nito na nakadisenyo ang K-12 na magsisilbing instrumento para sa pribatisasyon ng batayang edukasyon. Pinapabayaan ng gobyernong Aquino ang edukasyon sa kamay ng mga kapitalista-edukador na walang ibang iniisip kundi ang magkamal ng tubo.

    Nananawagan ang LFS, Anakbayan, at iba pang organisasyon sa ilalim ng Stop K-12 Movement na palakasin pa ang pagkilos laban sa mg makadayuhang patakaran ng gobyerno.

    PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida

    MGA KAWANIAndrea Lim, Bethany Pascua, Richard James Mendoza, Ina Nacario, Issa Baguisi, James Relativo, Jaque Eroles, Karlo Mikhail Mongaya,

    Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo

    PAGLALAPATEdward Pastor

    Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

    [email protected]

    facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph

  • 6 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Palayain si Adelberto Silva, Sharon Cabusao, at lahat ng bilanggong pulitikal!

    Ang iligal na pagdakip sa isa na namang konsultant ng NDFP para sa usapang pangkapayapaan ay isang lansakang paglabag ng gobyerno sa mga naunang mga kasunduan nito sa NDFP, partikular ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).

    Inaresto si Silva, 67, ng mga elemento ng paniktik ng militar at ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police noong Hunyo 1 sa Molino, Bacoor, Cavite sa kabila ng pagbitbit ng identipikasyon sa ilalim ng JASIG sa pangalang Percival Rojo.

    Nakasaad sa JASIG na lahat ng mga negosyador, konsultant, at iba pang mga tauhan sa usapang pangkapayapaan ay may garantiya na maging ligtas sa paniniktik, pag-aresto, detensyon, prosekusyon, at interogasyon dahil sa kanilang papel sa negosasyon.

    Bukod sa pagiging konsultant ng NDFP, si Silva ay isang beteranong lider-manggagawa at kasalukuyang konsultant ng Kilusang Mayo Uno. Si Cabusao naman ay kasapi ng Gabriela, dating editor ng Pinoy Weekly, at konsultant ng Crispin B. Beltran Resource Center.

    Kinasuhan si Silva ng parehong kaso ng multiple murder sa Aparri, Cagayan at Laoang, Northern Samar na isinampa ng gobyerno laban sa mga NDFP konsultant na sina Wilma at Benito Tiamzon. Sinampahan din ang tatlong

    inaresto ng kaso ng iligal na posesyon ng mga armas at eksplosibo.

    Ang iligal na pag-aresto, ang pagtanim ng ebidensya, at ang pagsampa ng mga gawa-gawang kaso laban sa mga konsultant ng NDFP ay isa na namang patunay na hindi seryoso ang gobyernong Aquino sa pagkamit ng kapayapaan sa bansa.

    Pananabotahe sa usapang pangkapayapaan ang patuloy na paglabag sa JASIG at pag-aresto sa mga taong nakatutok sana sa paggulong ng negosasyon sa pagitan ng magkabilang panig. Mayroong 16 NDFP konsultant na bahagi sa 527 bilanggong pulitikal sa ilalim ng rehimeng Aquino.

    Pinapakita lamang nito ang militaristikong patakaran ng rehimeng Aquino laban sa armadong rebolusyon na lumalagablab sa kanayunan sa halip na lutasin ang ugat ng armadong labananan sa malawakang inhustisya, kahirapan at kagutuman.

    Pinalalabas ng gobyernong Aquino na pawang mga kriminal ang lahat ng lumalaban para sa radikal na pagbabago. Ngunit hindi ito makapipigil sa marami pang kabataan at mamamayan na mangahas na makibaka. Habang namamayani sa lipunan ang pagsasamantala at pang-aapi, patuloy na maglalagablab ang apoy ng paglaban.

    Kinukundena ng Anakbayan ang iligal na pag-aresto at detensyon kay Adelberto Silva, konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), kasama ang kanyang asawa at kapwa aktibista na si Sharon Cabusao at kasamang si Isidro De Lima.

    Hustisya para sa mga biktima ng Paquibato massacre!Kinukondena ng Anakbayan ang naganap na masaker sa Purok 7, Barangay Paradise Embac, distrito ng Paquibato sa Davao.

    Pinaslang sa masaker sina Datu Ruben Enlog, datu ng Sitio Manipis at tagapangulo ng Nagkahiusang Lumad na Mag-uuma sa Paquibato (NAGKALUPA), Randy Carnasa at Garyo Quimbo.

    Hatinggabi ng Hunyo 14 ng pagbabarilin ng mga elemento ng 69th Infantry Battalion ng AFP ang bahay ni Aida Seisa, punong kalihim ng Paquibato District Peasant Association (PADIPA).

    Nakikipag-usap si Seisa sa kanyang mga bisita nang biglang paulanan ng bala ang kanyang bahay na tumagal ng halos 30 minuto. Nakaligtas si Seisa, kanyang

    kabiyak at dalawang anak sa pamamaril. Isa sa mga anak ni Seisa ang nasugatan. Hangang ngayon si Seisa ay hindi pa rin matagpuan.

    Ang mga labi ng mga nasawi sa massacre ay dinala ng mga militar sa sentro ng komunidad at ibinilad. Nilagyan sila ng mga baril at pasabog sa kanilang tabi, saka pinagkukunan ng litrato bilang patunay na sila ay kasapi ng New Peoples Army.

    Pinapakita ng masaker ang patuloy na pasismo ng estado para patahimikin ang mga mamamayang lumalaban para sa kanilang mga karapatan. Sa halip na tugunan ang mga lehitimong panawagan ng mamayan, bala at pananakot ang pinantatapat ng rehimeng US-Aquino.

    Tinatawagan ang mga kabataan sa buong bansa na kumilos para kondenahin ang pasismo at militarisasyon sa Mindanao, gayundin sa ibat ibang bahagi ng bansa. Dapat patindihin ang pagkilos para patalsikin at panagutin ang pasistang rehimeng US-Aquino.

  • 7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2015

    Nananawagan ang Anakbayan sa mga kasapi nito na kumilos para sa pagtutol sa malakihang pagmimina na pinapangunahan ng mga dayuhang korporasyon sa ibat ibang panig ng bansa.

    Sa isang komperensya sa Melbourne, Australia, pinangunahan ng International League of Peoples Struggles (ILPS)-Australia, Migrante-Australia at Anakbayan ang pagkundena sa malakihang pagmimina sa Pilipinas bilang pahamak at salot sa mamamayan, katutubo, at kalikasan.

    Pinatampok sa pagtitipon ang nakapamiminsalang epekto ng operasyong pagmimina sa Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya at sa Bong Mal, Tampakan, South Cotabato.

    Kasalukuyang pinatatakbo ng higanteng Australyanong kumpanya na Oceana Gold ang isang open pit mining operation sa Didipio. Unti-unti nitong nilalason ang mga ilog at tubig sa mga komunidad na nakapalibot sa mina.

    Samantalang ang Xstrata-Glencore, isa ring malaking kumpanya na pagmamay-ari ng mga Australyano, ang may hawak sa operasyong pagmimina sa Tampakan, South Cotabato.

    Pansamantalang naudlot ang proyekto dahil sa paglunsad ng mga katutubong Blaan ng isang pangayaw o armadong paglaban upang protektahan ang kanilang mga lupaing ninuno laban sa Xstrata-Glencore at mga kakampi nitong militar.

    Ayon sa ILPS, mas lalong pinalakas ang mga dayuhang korporasyon sa pagmimina sa ilalim ng Mining Act of 1995. Tinutulak ng batas ang lubos na liberalisasyon o pagtanggal ng lahat ng restriksyon sa industriya ng pagmimina kahit pa malinaw ang paghihigpit ng konstitusyon

    sa pagpasok ng mga dayuhang korporasyon sa bansa.

    Pinalalakas ng Mining Act of 1995 ang neokolonyal na dominasyon ng dayuhang monopolyo kapital at ang nakatutok sa export at nakasandig sa import na ekonomiya ng Pilipinas.

    Nakapipinsala ito sa mga karapatang pantao at pangkalikasan sa Pilipinas, at makaisang panig na naglilingkod sa interes ng mga dayuhang mamumuhunan at dambuhalang dayuhang korporasyon sa pagmimina, anila.

    Mas magiging masahol pa ito sa pagpasok ng Pilipinas sa Trans-Pacific Partnership Agreement (TPPA), isang kasunduang itinutulak ng Estados Unidos sa mga bansa sa rehiyong Asya-Pasipiko. Layon ng TPPA na higit na buksan ang mga ekonomiya ng mga bansang ito sa pananalasa ng dayuhang kapital.

    Bilang pansamantalang alternatibo sa bulok na Mining Act of 1995, isinusulong ng mga kinatawan ng Makabayan ang isang Peoples Mining Bill sa Kongreso.

    Ayon sa Makabayan, dapat unahin ang interes ng mamamayan sa paggamit ng mga mineral na kayamanan ng bansa sa halip na pakinabangan lamang ito ng mga dayuhang korporasyong ganid sa sobrang-tubo.

    Iginiit nito na makakamit lamang ito sa balangkas ng pambansang industriyalisasyon at pagtayo ng isang ekonomyang malaya sa dominasyon ng dayuhan.

    PH

    OTO

    CR

    EDITS: A

    RK

    IBO

    NG

    BA

    YAN

    .OR

    G

    Ilan sa mga mapanalasang probisyon ng Mining Act of 1995:1. Nagbibigay sa mga dayuhang korporasyon ng mga karapatan sa lupaing maaaring umabot sa 81,000 hektarya onshore at 324,000 hektarya offshore;

    2. Repatriation ng lahat ng tubo, kagamitan, at puhunan;

    3. Garantiya sa mga dayuhang korporasyon laban sa expropriation o mga hakbanging tungo sa nasyunalisasyon ng mga industriya ng Estado;

    4. Cuts sa Excise duties mula 5-2%, tax holidays, at mga deferred payment na pinahihintulutan sa loob ng kasunduan hanggang ang lahat ng nagastos ay kanilang mabawi;

    5. Ang mga losses ay maaaring mahain laban sa income tax;

    6. Naigigiit nito sa gobyerno na mangakong ipasiguro ang pagtatanggal sa lahat ng mga hadlang sa pagmimina, kagaya ng settlements at mga taniman;

    7. Ang mga kumpanya ay pinangangakuan ng priority access sa water resources o patubigan at timber o punong kahoy sa loob ng kanilang mga konsensyon;

    8. Ang mga kumpanya ay binibigyan ng karapatan upang ibenta ang mga ginto (at iba pang likas-yamang mineral) direkta sa pandaigdigang merkado nang walang interbensyon ng sentral na bangko ng bansa;

    9. Mga pagpapaupa sa mga dayuhang korporasyon sa pagmimina sa loob ng 25 na taon na may kasamang pagbibigay ekstensyon ng isa pang 25 na taon.

    Malakihang pagmimina: pahamak at salot sa mamamayan, katutubo, at kalikasan!

  • 8 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Ibayong palakasin ang paglaban! Itindig ang malalaki at malalakas balangay ng Anakbayan!

    Ang balangay o chapter ang sandigan ng kasapian upang sama-samang abutin ang malawak na di pa organisado, paunlarin ang kanilang pag-unawat pag-aaral sa lipunan, at pamunuan ang kampanya at pakikibaka ng masa. Ang balangay ang ating batayang yunit ng organisasyon at makinarya sa pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos. Sa loob ng mga balangay, tinitipon at ipinagkakaisa natin ang lakas ng mga kabataang nagnanais ipagtanggol ang kanilang karapatan at baguhin ang sistemang nagpapahirap sa bayan.

    Sa unang hati ng taong ito, aktibo tayong kumilos sa paglaban sa pagtataas ng matrikulat iba pang bayarin at nanawagan ng pagpapanagot sa US-Aquino sa madugong operasyon sa Mamasapano. Nakita natin ang halaga ng pagbubuo at pagpapahayag ng matatalas na pagsusuri hinggil sa mga isyung kinakaharap ng sektor at ng sambayanan. Gayundin, sa pagbuo ng masaklaw na disenyo ng pagpapakilos at mahusay na gawaing alyansa, napatunayan din ang ating kakayanang magpakilos ng ilang daan hanggang libo sa bawat takdang lugar o erya na kinikilusan.

    Ngunit mas malaki pa ang kakayanan natin kung mapapakilos ang buong kasapian at balangay sa paggampan ng mga gawain sa pagmumulat, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa halip na binabalikat lamang ng iilan ang mga gawain. Ibayong tataas ang kakayanan nating lumaban kung nakatindig ang malalaking balangay ng Anakbayan na may kakayanang mamuno sa pulitika, buhay at pakikibaka ng masa sa mga lugar na kinikilusan.

    Nanawagan tayo sa lahat ng lider at kasapi ng Anakbayan na itulak ang maramihang pagpapasapi sa Anakbayan at pagtitindig ng malalaki at malalakas na balangay. Tiyakin natin na nakakaisa at napapakilos natin ang ating mga kasapian sa ibat ibang mga gawain ng balangay. Para magawa rin ito, dapat palakihin ng mula sa kasalukuyang iilang katao, tungong ilampu hanggang sa higit isandaang kasapi ang bawat isang balangay.

    Dapat sumalig sa buong kasapian ng balangay upang aktibong abutin ang malawak na di pa organisadong masa. Sa pamamagitan ng sustinidong pagsusulong ng kampanyang masa sa mga lokal, sektoral, at pambansang isyu,

    malapad ang tuntungan natin para sa malawakang pag-abot, pagmumulat, at ahitasyon sa masa.

    Pabulwakin natin ang pagpapasapi sa Anakbayan sa buong bansa. Buuin ang organisado at sistematikong mekanismo para sa malakihang pagpapasapi sa ating organisasyon. Pangmalagiang magtipon ng mga kabataan upang magtalakay at malakihan at lahatang pasapiin sila sa Anakbayan. Ilunsad natin ang regular na pulong pagpapasapi upang isistemisa ang pagkamit ng mga target at pagproseso ng mga aplikasyon.

    Batayang tungkulin ng bawat kasapi na magrekluta ng bagong kasapi sa arawang takbo ng mga gawain at sa mga malalaking pagtitipon ng masa. Saan man magtungo -- sa eskuwelahan, trabaho, tirahan at komunidad -- aktibong nagpapasapi ang bawat miyembro at nagtatayo ng balangay saan man may konsentrasyon ng kabataan. Maaari ding mangalap ng mga kasapi mula sa ibat ibang tipo ng organisasyon, alyansa, at institusyon ng mga kabataan.

    Dapat tiyakin ang mahigpit na pagkakaisa sa pulitika at organisasyon sa hanay ng kasapian sa pamamagitan ng pagtalima sa proseso ng pagpapasapi: pagpapasa ng aplikasyon, pagkuha ng pag-aaral sa programa at konsitusyon (CBL) at pagsumpa (oath taking).

    Sa proseso ng pagpapalaki at pagpapalakas, mahalaga ang papel ng mga lider masa at mga opisyal ng balangay para sa pamumunong tumatagos sa buong kasapian at sa masang pinagpapalawakan. Dapat bigyang-pansin ang mga mekanismo para sa nakagugulong-sa-sarili na gawaing edukasyon, tuluy-tuloy na pag-ugnay at pagbibigay ng update, pagbibigay-atas at tungkulin, pagpapakilos, at aktibot demokratikong partisipasyon ng lumalaking bilang ng kasapian. Sa pagtatayo ng malalaki at malalakas na balangay, iigpawan natin ang mga kahinaan at ibayong mapauunlad ang ating kakayanan at karanasan sa pag-oorganisa.

    Tungkulin ng Anakbayan ang magmulat, mag-organisa, at magpakilos sa milyun-milyong kabataang Pilipino para isulong ang karapatan at makiisa sa masa ng sambayanan sa paglaban sa bulok na sistemang panlipunan. Sa gitna ng tumitinding mga anti-nasyunal, anti-mamamayan, at anti-demokratikong atake ng rehimeng US-Aquino, lalong mahigpit ang pangangailangang palawakin at palakasin ang organisadong paglaban.

    WALKOUT! Labanan ang tuition hike! Ibasura ang other school fees! Itigil ang K12!June 30 July 17 July 27 (SONA)