8
MAYO 2015 IKALAWANG EDISYON 7 kasinungalingan ni Aquino hinggil sa K-12 Panibagong taas-matrikula, inaprubahan ng CHED Katarungan para sa mga manggagawa ng Kentex! Trans-Pacific Partnership Agreement: higit na panganib sa mamamayan ng Asya-Pasipiko! - ILPS DBM Sec. Abad, sabit muli sa pork scam Tinig ng Kabataang Makabayan, ilalabas sa una at ikatlong Lunes bawat buwan 3 5 6 7 7 8 Todo-todo ang pagpapatupad ng rehimeng US-Aquino ng mga pinakamasahol na neoliberal na patakaran sa edukasyon. Ngayong pasukan, mas masahol na krisis sa edukasyon ang kakaharapin ng mga mag-aaral, magulang at guro. taon sa ilalim ng rehimeng Aquino. Hindi pa kasama rito ang sinisingil na other school fees na kadalasa’y kalahati o kasinglaki ng kabuuang halaga ng matrikula. Sa kabilang banda, lumolobo naman ang kita ng malalaking kapitalista- edukador. Nitong nagdaang taon, aabot sa P10 bilyon ang pinagsama-samang kita ng limang pinakamalalaking mga paaralan pa lamang sa bansa. Walang kasingsahol ang krisis ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng US-Aquino Nakatakda muling magtaas ang matrikula sa mga pamantasan sa buong bansa. Lagpas sa 400 mga kolehiyo at pamantasan ang magtataas ng nasa 10-15% ng kanilang matrikula ngayong pasukan. Bukod pa ito sa pagtataas ng iba pang mga bayarin o other school fees gaya ng development fees, energy fees, laboratory fees at iba pa. Aabot na sa P40,000 hanggang P60,000 kada semestre ang karaniwang halaga ng matrikula sa pribadong kolehiyo sa bansa. Tumaas na ito ng aabot sa P18,000 kada HINARANG NG MGA PULIS SA HARAP NG MENDIOLA ANG PROTESTA NG MGA ESTUDYANTE NOONG MAYO 15 LABAN SA PAGTAAS NG MATRIKULA AT IBA PANG MGA BAYARIN. PHOTO CREDITS: TUDLA PRODUCTIONS

Tinig May 2015 Ikalawang Edisyon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Tinig ng Kabataang Makabayan ang opisyal na pahayagan ng Anakbayan, ang komprehensibong pambansa-demokratikong organisasyon ng kabataang Pilipino.

Citation preview

Page 1: Tinig May 2015 Ikalawang Edisyon

MAYO 2015IKALAWANG EDISYON

7 kasinungalingan ni Aquino hinggil sa K-12 Panibagong taas-matrikula, inaprubahan ng CHED

Katarungan para sa mga manggagawa ng Kentex!

Trans-Pacific Partnership Agreement: higit na panganib sa mamamayan ng Asya-Pasipiko! - ILPS

DBM Sec. Abad, sabit muli sa pork scam Tinig ng Kabataang Makabayan, ilalabas sa una at ikatlong Lunes bawat buwan

3

5

6

7

7

8

Todo-todo ang pagpapatupad ng rehimeng US-Aquino ng mga pinakamasahol na neoliberal na patakaran sa edukasyon. Ngayong pasukan, mas masahol na krisis sa edukasyon ang kakaharapin ng mga mag-aaral, magulang at guro.

taon sa ilalim ng rehimeng Aquino. Hindi pa kasama rito ang sinisingil na other school fees na kadalasa’y kalahati o kasinglaki ng kabuuang halaga ng matrikula.

Sa kabilang banda, lumolobo naman ang kita ng malalaking kapitalista-edukador. Nitong nagdaang taon, aabot sa P10 bilyon ang pinagsama-samang kita ng limang pinakamalalaking mga paaralan pa lamang sa bansa.

Walang kasingsahol ang krisis ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng US-Aquino

Nakatakda muling magtaas ang matrikula sa mga pamantasan sa buong bansa. Lagpas sa 400 mga kolehiyo at pamantasan ang magtataas ng nasa 10-15% ng kanilang matrikula ngayong pasukan. Bukod pa ito sa pagtataas ng iba pang mga bayarin o other school

fees gaya ng development fees, energy fees, laboratory fees at iba pa. Aabot na sa P40,000 hanggang P60,000 kada semestre ang karaniwang halaga ng matrikula sa pribadong kolehiyo sa bansa. Tumaas na ito ng aabot sa P18,000 kada

HINArANG NG MGA PuLIS SA HArAP NG MENDIOLA ANG PrOTESTA NG

MGA ESTuDYANTE NOONG MAYO 15 LABAN SA PAGTAAS NG MATrIKuLA

AT IBA PANG MGA BAYArIN. PHOTO CrEDITS: TuDLA PrODuCTIONS

Page 2: Tinig May 2015 Ikalawang Edisyon

2 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

pagpapatupad ng dagdag-taon. Tiyak ding mas malaki ang mga kakulangan sa mga paaralan, guro, upuan, libro at lamesa ngayong taon na lalaki pa sa patuloy na pagpapatupad ng programa.

Dapat salubungin ng malalaking protesta ng mga mag-aaral, magulang at guro ang pasukan at singilin ang rehimeng Aquino sa pagpapasahol ng krisis sa edukasyon. Dapat labanan ang pagtataas ng matrikula at iba pang mga bayarin sa pamantasan. Dapat itulak ng malawak na hanay ang paghinto hanggang sa tuluyang pagbasura ng K-12 program. Lagpas sa panawagan na pagsuspinde na nakatuon sa kawalang-kahandaan, dapat ilantad ang esensya ng programa: na layuning magsadlak sa kabataan at manggagawa sa mas matinding pagkabusabos at masidhing pagsasamantala ng dayuhang kapital.

Dapat isulong ang pakikibaka laban sa edukasyong kolonyal, komersyalisado at pasista at ipaglaban ang edukasyong makabayan, siyentipiko at pangmasa. Dapat labanan ang mga patakarang neoliberal sa edukasyon na lalong nagpapatindi ng pagsasamantala sa kabataan at mamamamayan.

Ang patakaran ng deregulasyon at pribatisasyon ng edukasyon na patuloy na pinatutupad ng gubyernong Aquino ang nagtutulak sa walang tigil at walang sagkang pagtataas ng matrikula. Pabalat-bunga lang ang mga konsultasyon at rekisito na hinihingi sa pribadong mga paaralan, pero wala namang ginagawa ang CHED para pigilan ang mga taas-singil. Pinapayagan din ang paniningil ng iba pang mga bayarin labas sa matrikula o other school fees na malinaw na panghuhuthot sa mga magulang.

Kahit sa mga state university at colleges (SuCs), itinutulak ang pagtataas ng matrikula at mga bayarin. Sa university of the Philippines (uP), itinaas tungong P1,500 kada yunit o P30,000 kada semestre ang matrikula sa Socialized Tuition Scheme habang itinataas din ang iba’t ibang mga bayarin. Sinisingil ng mas malaki ang mga mag-aaral at magulang habang ginagamit sa kurakot at pagpabor sa malaking negosyo ang pondong publiko.

Ganito rin ang kalakaran sa mga pribadong elementarya at hayskul, habang sa pampublikong paaralan na dapat ay libre, nagpapataw ng kung anu-anong mga bayarin at gastusin.

Ang pagtaas ng matrikula ay dagdag-pasanin sa mga kabataan at kanilang mga pamilya kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, habang lalong bumababa ang halaga ng sahod. Hindi kataka-taka na patuloy na lumalaki ang bilang ng hindi nakakapag-aral. Aabot na sa kalahati ng populasyon ng kabataang 11 hanggang 15 na dapat ay nasa paaralan ang hindi nakapapasok sa eskwela, habang nasa 20% lamang ng mga pumapasok sa elementarya ang makakatapos ng kolehiyo.

Samantala, higit pang ilulugmok ang edukasyong Pilipino sa pagpapatupad ng makadayuhang K-12 ni Aquino. Sa gitna ng kabi-kabilang protesta at mga problemang dulot sa iba’t ibang sektor, determinado ang rehimen na ipatupad ang dagdag-taon sa edukasyon para mapasaya ang dayuhang amo.

Todo ang propaganda ni Aquino para pagtakpan ang totoong motibo ng K-12 na palobohin ang bilang ng naglalako ng murang lakas paggawa at higit na ibaba ang sahod ng manggagawa sa pagpapatapos ng mas maraming bilang ng kabataan sa mas maagang edad mula sa eskwela.

Kunwari’y pagtataas ng kalidad ng edukasyon pero sa totoo’y nais ni Aquino na lalong pagkakitaan ng mga kroni niya ang edukasyon sa pamamagitan ng pagtataas ng matrikula at pagpapasa sa pribadong paaralan ng responsibilidad ng pagpapatapos ng senior high school. Hindi kataka-taka na nagpaplano ngayon ang Ayala at iba pang mga negosyo ng pagtatayo ng mga paaralan sa K-12 na popondohan pa ng gubyerno. Lalo ring itataas ng K12 ang matrikula sa mga kolehiyo at unibersidad gayong nais gawing mas “ekslusibo” pa ang tersaryong edukasyon.

Dahil sadyang kontra-mamamayan at makadayuhan, hindi maitago ang palpak na disenyo at ang samu’t saring mga problemang iluluwal ng K-12. Bukod sa mas maraming drop-out dahil sa dagdag-gastos, tinatayang aabot sa 100,000 ang mga guro at kawani sa kolehiyo na mawawalan ng trabaho sa

AverAge tuition rAte nCr P1,143 / yunit P34,290 / sem P68,580 / taon Pagtaas sa P200 / yunit P6,000 / sem P12,000 / taonIlalim ni Aquino

nAtionAl P573 / yunit P17,190 / sem P34,380 / taonPagtaas sa P115 / yunit P3,450 / sem P10,350 / taonIlalim ni Aquino

Mula sa Rise for Education

KitA ng PinAKAMAlAKing PAArAlAnFar eastern university (Feu) — P1.7 billion in 2013 and P1.5 billion in 2014Ateneo de Manila university — P2.9 billion in for both 2013 and 2014 university of the east — P1.9 billion in both 2013 and 2014university of Sto. tomas (uSt) — P1.4 billion De la Salle university — P600 million in 2013

Mula sa Kabataan Partylist at SEC

Page 3: Tinig May 2015 Ikalawang Edisyon

3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MARSO 2015 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

7 kasinungalingan ng rehimeng Aquino hinggil sa K-12Sa kabila ng tahasang mga kasinungalingan na pinapalaganap ng rehimeng Aquino hinggil sa K-12, higit na lumalakas ang panawagan upang ibasura ang programa. Isa-isahin nating sagutin ang mga huwad na pahayag ng gobyernong Aquino at mga tagapagtanggol nito tungkol sa K-12.

1“Disenteng trabaho at sahod ang naghihintay sa mga gradweyt ng K-12”

Ang totoo: itutulak ng K-12 pababa ang halaga ng sahod at isasalang ang mas maraming manggagawa sa mas mapagsamantalang kalagayan ng paggawa.

Sa K-12, sisiguruhin na mas maraming kabataang Pilipino ang magtatapos ng pag-aaral nang mas maaga o nang mas bata. Ibig sabihin, mas maraming kabataan ang magkukumpetensya para sa kakaunting trabaho sa murang edad. Sa kalagayang matagal nang mataas ang tantos ng walang trabaho, tiyak na magreresulta lamang ang K-12 sa paglobo ng bilang ng mga walang trabaho.

Nais ng gobyernong Aquino na pababain pa ang sahod ng mga manggagawa upang makapagkumpetensya sa mga karatig na bansa sa pag-akit ng mga dayuhang mamumuhunan na naghahanap ng murang lakas-paggawa.

Bilang bahagi ng Education Agenda ng World Bank at Millennium Development Goals for 2015, nakadisenyo ang programang K-12 para hubugin ang mga kabataang Pilipino upang maging murang sahuran na manggagawa na siyang kinakailangan ng pandaigdigang merkado. Isa itong neoliberal at kolonyal na programang dinisenyo upang higit na iayon ang sistemang edukasyon sa interes ng dayuhan.

2 “Sosolusyonan ng K-12 ang kawalan ng trabaho sa bansa”

Ang totoo: lalong dadami ang walang trabaho sa bansa. Lalo ring itutulak na makipagsapalaran sa ibang bayan ang mas maraming kabataan at Pilipino.

Palolobohin ng mas maraming bilang ng mga kabataang naghahanap ng trabaho sa murang edad ang kawalang empleyo sa bansa. Dahil sa kawalan ng trabaho sa sariling bayan, itinutulak ng gubyerno na umalis ang kabataan at manggagawa upang maging murang sahuran na manggagawa sa labas ng bansa. Dadami pa ang kasalukuyang 6,092 Pilipinong umaalis sa bansa kada araw.

Hindi K-12 ang solusyon sa kawalan ng trabaho sa bansa kundi ang pambansang industriyalisasyon at tunay na reporma sa lupa na siyang lilikha ng trabaho sa loob mismo ng bansa.

3 “Paliliitin ng K-12 ang gastos sa edukasyon. Sasagutin ng gubyerno ang dagdag-taon.”

Ang totoo: itutulak sa K-12 ang pagtaas ng matrikula, mga dagdag bayarin at iba pang gastos sa paaralan sa lahat ng antas.

Aminado ang gubyerno na hindi lahat ng mga pampublikong hayskul ay

handang magpatupad ng K-12 kaya sinasabing sasagutin nito ang tuition ng mga ililipat sa pribadong paaralan sa pamamagitan ng voucher system. Sa halip na pondohan ang mga dagdag na pampublikong paaralan para sa K-12, bibigyan ng gubyerno ng Php13.2 hanggang Php19.8 bilyon ang mga pribadong paaralan para sa pagpapatapos ng senior high school.

Ang sinasabing mga voucher na ibibigay ng gobyerno para sa pang-tuition ng mga mapipilitang lumipat sa mga pribadong paaralan ay hindi sasapat para sa mga gastusin at matrikula. Kulang ang nasa P8,750 hanggang P22,500 na voucher kada estudyante kada taon kumpara sa tuition ng mga paaralang magpapatupad ng K-12, na nasa P40,000 hanggang P100,000.

Sinusuhayan ng gubyerno ang mga pagtataas ng matrikula sa mga pribadong paaralang mag-aalok ng K-12 habang nagpapataw ng mga dagdag singil sa mga pampublikong

PHOTO CrEDITS: BuLATLAT.COM

>>> Ituloy sa Pahina 4

Page 4: Tinig May 2015 Ikalawang Edisyon

4 MARSO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANTINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MAYO 2015

Ngunit lagpas sa panawagan na i-suspinde o ipagpaliban ang pagpapatupad ng programa dahil sa kakulangan sa paghahanda o pondo, dapat ilantad ang layunin at kaibuturan ng disenyo nito na isadlak ang kabataan at manggagawa sa mas matinding pagsasamantala, Dapat ilantad ito na kabahagi ng kontra-mamamayan, neoliberal at pahirap na mga patakaran ng rehimeng Aquino.

7 “Solusyon ang K-12 sa krisis sa edukasyon sa bansa.”

Ang totoo: lalong pinasasahol ng K-12 ni Aquino ang kolonyal, komersyalisado, at pasistang katangian ng sistemang edukasyon sa bansa. Lalo nitong patitindihin ang krisis sa edukasyong Pilipino.

Higit na inaayon ng K-12 ang edukasyon sa interes at pangangailangan ng dayuhang kapital sa murang lakas paggawa at sa pagpapanatili ng kolonyal at pyudal na kultura sa bansa. Ang kailangan natin ay hindi edukasyong higit na magsasaldlak sa atin sa pagkaalipin.

Ang nais natin ay edukasyong makabayan, siyentipiko at pangmasa. Ang nais natin ay isang lipunan na tunay na malaya at demokratiko kung saan mas maaliwalas ang kinabukasang naghihintay sa kabataang Pilipino.

Ibasura ang K-12! Isulong ang isang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon!

paaralan. Samantala, lalong itataas ang matrikula sa mga kolehiyo at pamantasan habang ginagawang mas eksklusibo ang edukasyong tersyaryo.

Itinutulak ng K-12 ang lalong komersyalisasyon ng edukasyon at higit na pagkamal ng kita ng mga pribadong paaralan na pinagmamay-arian ng malalaking negosyante. Hindi kataka-taka na ang mga crony ni Aquino gaya ng Ayala ay nagpaplano na nang mas malaking pamumuhunan sa mga paaralan.

4 “Bababa ang numero ng out-of-school youth”

Ang totoo: lalong dadami ang drop-outs.

Marami ang hindi nakapagtatapos ng hayskul kahit sa lumang 4 na taong kurikulum. Sa 100 pumapasok ng Grade 1, 43 ang makapagtapos ng hayskul at nasa 20 lamang ang nakakatapos ng kolehiyo. Sa ngayon, kalahati ng kabataang 11-15 na nasa pamantasan ay hindi na nakakapasok.

Dahil nasa balangkas ng ibayong pagsasapribado ng mga pamantasan ang K-12, higit na dadami ang mga kabataang hindi makapagtapos sa pag-aaral.

5 “Mapabubuti ng K12 ang kalidad ng edukasyon”

Ang totoo: sasahol pa ang kalagayan ng edukasyon.

Kahit ilang taon pa ang idagdag sa batayang edukasyon, hindi mapabubuti ang kalidad hangga’t nagpapatuloy na kulang ang mga guro, klasrum at iba pang pasilidad sa kalagayang patuloy na mababa ang badyet para sa edukasyon. Papasahulin pa ng dagdag taon ang bulok na kalagayan ng mga paaralan.

Hindi pa nga lubusang ipinatutupad ang programa ngunit patuloy pa rin na lumolobo ang kakulangan sa mga guro, klasrum, at iba pang pasilidad sa mga paaralan. Ayon sa Kabataan Partylist, mayroong kulang na 209,539 na klasrum, 114,304 guro, at 60M kulang na mga libro para sa taong 2014-2015.

Hindi totoong ang mas mahabang taon sa edukasyon ay nagdudulot ng mas mataas na kalidad. Sa 2003 Trends in International Mathematics and Science Study (TIMMS) na ginagamit ng gobyernong Aquino upang ipangatwiran ang K-12 ay magpapakita mismo nito: Ang mga bansang Ghana at South Africa na mayroong 6 na taon ng hayskul ay mas mababa pa ang marka sa TIMMS kung ikumpara sa Pilipinas na may 4 na taon lamang. Samantalang ang Singapore ay nangunguna sa TIMMS kung ikumpara sa Estados unidos, Australia, at russia kahit pa mas kaunti ang bilang ng taon ng pag-aaral dito.

6 “Kailangan lang mas pahusayin ang paghahanda ng gobyerno, na sinisikap naman”

Ang totoo: salot sa kaibuturan sa kabataan, magulang, guro at mamamayang Pilipino ang K-12. Dapat itong buong labanan at ibasura.

Dahil sadyang depektibo, kaguluhan at pabigat ang dulot ng K-12 sa mga administrador na siyang pinababalikat ng pagtutuloy ng programa. Tinataya ding aabot sa 100,000 ang mga guro at kawani sa kolehiyo na mawawalan ng trabaho sa pagpapatupad ng dagdag-taon. Lalo ring pasasahulin ng programa ang mga kakulangan sa klasrum, pasilidad at mga guro sa pamantasan.

PHOTO CrEDITS: LfS.PH

Page 5: Tinig May 2015 Ikalawang Edisyon

5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MAYO 2015

Panibagong taas-matrikula, inaprubahan ng CHED

Ayon sa CHED, bagamat hindi pa nila mailabas ang eksaktong listahan ng mga nagtaas ng matrikula at iba pang mga bayarin, karamihan ay kanila nang inaprubahan. Dahilan nila, dumaan umano sa proseso at ibinatay nila sa “inflation” ang mga pagtataas.

Agad naman itong tinutulan ng grupong rise for Education at National union of Students of the Philippines (NuSP), matapos nitong sugurin ang CHED sa isang kilos protesta noong ika-30 ng Abril. Sa taya ng NuSP, aabot sa 400 na mga kolehiyo at pamantasan ang magtataas ng mga bayarin ngayong taon.

“Walang kwentang palusot ang paggamit ng ‘inflation’ bilang batayan sa pagtataas ng tuition. responsibilidad ng gobyerno na gawing abot-kaya ang edukasyon at di matrato bilang produktong inilalako. Nakagagalit ang pagkainutil ng CHED, at tila walang pakialam sa pagtaas ng ‘drop-outs’ sa bansa,” ayon sa pambansang tagapangulo ng NuSP na si Sarah Elago.

Taliwas sa mga pahayag ng komisyon, pinasinungalingan ng NuSP na “istrikto” ang CHED sa proseso ng pagpapasa ng mga dagdag na bayarin. Ayon sa kanila, sa kabila ng dami ng reklamo ng mga mag-aaral, at mga paglabag ng mga paaralan sa regulasyon, patuloy pa ring pinapayagan ng CHED ang mga pagtataas.

“Kung tutuusin, huli na nga at wala nang silbi ang anumang ‘aprubal’ ng CHED. Marami sa mga paaralan ay nagsimula na ng enrolment at naniningil na ng mas mataas na matrikula. Inihalimbawa ng grupo ang pagpapatupad na ng tuition fee increase ng De La Salle Araneta university (DLSAu). Bagama’t sa katapusan

eskwelahang pinayagang magtaas sa katapusan ng ikalawang linggo ng Mayo. Gayunpaman, pinayagan na ng komisyon ang pagpapatupad ng dagdag singil sa 60% ng mga eskwelahang nasa listahan.

Humaharap pa rin ang CHED sa sari-saring reklamo ng “gross negligence” matapos aprubahan ang mga dagdag matrikula sa far Eastern university, university of the East, university of Santo Tomas, National university, National Teachers College, San Beda College bagama’t napatunayang lumabag ang mga administrador ng mga pamantasan.

“Kung tutuusin, nagpapakatuta ang CHED sa mga malalaking pribadong paaralan. umaabot sa P10 bilyon ang kita ng limang paaralang pa lamang nitong nakaraang taon. Tapos sasabihin nilang makatwiran ang tuition increase?” ani Elago.

pa ng Abril nakatakdang ianunsyo ang mga pinayagang magtaas ng matrikula ay ipinatupad na ito ng pamantasan noong ika-20 ng Abril,” ani Elago.

Maliban dito, nilabag din daw ng komisyon maging ang sariling mga patakaran sa pagtataas ng matrikula na nakasaad sa CHED Memo Order No. 3 series of 2012. Marami ang mga lumabag sa prosesong itinakda hinggil sa konsultasyon, paglalaan ng mga nakaraang pagtataas sa dagdag sweldo sa guro at sa panunupil sa mga mag-aaral.

Sa huling pahayag ng Executive Director ng CHED na si Atty. Julito Vitriolo, ilalabas na ang pinal na listahan ng mga

www.anakbayan.orgbisitahin ang

NAGLuNSAD ANG MGA ESTuDYANTE SA PAMuMuNO NG NATIONAL uNION Of STuDENTS Of THE PHILIPPINES NG

ISANG “PrOTESTA DE MAYO” SA HArAP NG COMMISSION ON HIGHEr EDuCATION (CHED) LABAN SA NAKAAMBANG

PAGTAAS SA MATrIKuLA AT IBANG BAYArIN SA DArATING NA HuNYO. PHOTO CrEDITS: JC SIBAYAN

Muli na namang sinang-ayunan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga aplikasyon ng iba’t ibang kolehiyo’t unibersidad para sa pagtataas ng matrikula darating na academic year 2015-2016.

Page 6: Tinig May 2015 Ikalawang Edisyon

6 MARSO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANTINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MAYO 2015

Ang pabrika, na may nasa 200 manggagawa, ay nasunog nang sumabog ang kemikal na super seal na nasa di-markadong lalagyan matapos matalsikan ng mga piraso ng winewelding na pintuan ng pabrika. Karamihan ng mga manggagawa ay hindi nakalabas dahil walang mga fire alarm ang pabrika at wala ring fire exit. Iisa lamang ang lagusan sa pabrika para sa manggagawa, habang ang lagusan para sa trak ay nakakandado.

Ang mga bintana, na may rehas na bakal at chicken wire para matiyak na hindi mailalabas ng mga manggagawa ang produktong ginagawa, ay hindi rin nadaanan kahit sa panahon ng sunog. Ayon sa mga saksi, hindi pinayagan ng may-ari na sirain ang bintana para sana masagip ang mga manggagawa sa sunog. Karamihan ng mga namatay ay mga nasa ikalawang palapag.

Gaya ng maraming manggagawa sa bansa, biktima ang mga manggagawa ng Kentex ng sagad sa butong pagsasamantala. Ang mga itinuturing na mga manggagawang regular na nagsilbi sa kumpanya ng 20-25 taon at mga kaswal na nagtrabaho ng nasa 10 taon ay binibigyan lamang ng minimum na sahod. Tatatlumpu lamang ang kasapi ng unyon ng manggagawa na kontrolado ng kumpanya.

Nasa 100 sa mga mangaggawa ay

kontraktwal na sinasahuran lamang ng P202 at nasa P187 na “daily allowance,” na malinaw na labag sa batas. Marami rin sa mga nasa pabrika ang “pakyawan” o walang tiyak na kontrata na nagtatrabaho ng 12 oras at binabayaran kada piraso ng magagawa na aabot lamang sa P220 kada araw. Kasama rito ang mga estudyante sa high school na pinapag-summer job sa pabrika. Ayon sa mga manggagawa, ikinapapagal nila ang sobrang init sa loob ng pabrika dahil sa kawalan ng maayos na bentilasyon.

Sa kabila ng malinaw na mga paglabag sa mga panuntunan ng kaligtasan sa pagawaan, agad na sinabi ng gubyernong Aquino at Department of Labor and Employment (DOLE) na sumusunod ang kumpanya sa mga pamantayan ng kaligtasan sa pagawaan at paggawa. Binigyan din umano ng DOLE ng certificate of compliance ang pabrika noong 2014.

Ang trahedya sa Kentex ay larawan ng pagsasamantala at pagpapahamak ng rehimeng uS-Aquino sa manggagawang Pilipino. Bago nito, marami na ang mga kaso ng pagkamatay ng mga manggagawa sa pagawaan na hanggang sa ngayon ay walang nananagot. Noong May 2011, 11 manggagawa sa Eton Greenbelt ang namatay; May 2012, 17 manggagawa ang namatay sa sunog sa Novo Jeans sa Butuan City; May 2014, 8 manggagawa ang nasunog sa iligal na electronics warehouse sa Pasay

matapos ikulong ng mga may-ari; at noong Enero 2015, 12 ang namatay nang gumuho ang pader ng warehouse sa Bulacan.

Ang mga patakaran ng gubyernong Aquino na pabor sa kapitalista ang nagdudulot ng mapanganib at mapagsamantalang kalagayan ng manggagawa. Halimbawa, sa monitoring at assessment sa mga pagawaan sa ilalim ng DOLE Order No. 131-13 at iba pang mga patakaran bago nito, hinihikayat na ang mga may-ari ng pabrika mismo na siyang magsagawa ng sariling assessment sa pagsunod ng kanilang kumpanya sa mga patakaran halip na mandatory na inspeksyon. Mismong ang DOLE ang nagsabi na ang nais nila ay voluntary compliance o sariling pagsunod ng mga kapitalista sa mga labor standard.

Sa pagpapatuloy rin ng kontraktwalisasyon at mga patakarang nagwawasak sa mga tunay na unyon, walang kumakatawan sa mga manggagawa sa pabrika habang lalong pinasisidhi ang pagsasamantala at paglabag sa karapatan ng manggagawa.

Ang mga patakarang neoliberal sa paggawa na ipinatutupad ng gubyernong Aquino gaya ng pambabarat nang husto sa sahod, pleksibleng paggawa at pagluluwag sa mga regulasyon sa pagawaan ay naglalayong higit na paburan ang mga kapitalista, baratin nang husto ang sahod at itulak ang mga manggagawa sa pinakamasahol na kalagayan. Sa katunayan, ang Valenzuela, tipunan ng maraming ganitong tipo ng pagawaan sa Kamaynilaan, ay kamakailang pinuri ng World Bank na “business friendly.”

Dapat kumilos ang mga manggagawa, kabataan at sambayanan sa buong bansa para malakas na ipanawagan ang katarungan para sa mga manggagawa ng Kentex at manggagawang Pilipino. Dapat igiit na kasuhan at managot ang mga may-ari ng Kentex at bigyan ng sapat na kompensasyon at suporta ang mga naulilang pamilya ng mga manggagawa. Dapat managot ang DOLE sa pagbibigay ng pahintulot sa patuloy na operasyon ng pabrika at ang gubyerno sa mga patakaran nitong nagpahamak at patuloy na nagpapahamak sa masang manggagawa.

Dapat palakasin ang paglaban ng manggagawa at mamamayan para sa pambansang minimum na sahod na P16,000, pagbabawal sa kontraktwalisasyon at pleksibleng paggawa; at igiit ang karapatan ng manggagawa sa pag-uunyon at pagwewelga. Dapat patindihin ang pagkilos para wakasan ang lipunan at sistemang mapagsamantala at mapang-api sa manggagawa.

PH

OTO

Cr

EDIT

S: T

uD

LA P

rO

Du

CTI

ON

S

Hindi bababa sa 72 mga manggagawa, karamihan mga kababaihan, ang namatay habang nasa 20 pa ang nawawala sa pinakamalaking sunog sa pabrika sa bansa nitong May 13, 2015. Natupok ng apoy ang pagawaan ng tsinelas ng Kentex Manufacturing Incorporated sa Brgy. Ugong, Valenzuela City, suplayer ng mga tsinelas sa maraming bahagi ng bansa.

Katarungan para sa mga manggagawa ng Kentex!

Page 7: Tinig May 2015 Ikalawang Edisyon

7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MARSO 2015 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

DBM Sec. Abad, sabit muli sa pork scam

Tinutulan ng mga Pilipino sa ibayong dagat ang ang Trans-Pacific Partnership Agreement (TPPA), kasunduang itinutulak ng Estados Unidos (US) sa mga bansa sa Asya-Pasipiko.

Sa isang komperensya sa Australia na pinangunahan ng Australian fair Trade & Investment Network Ltd (AfTINET), tinutulan ng iba’t ibang mga grupo sa pangunguna ng International League of People’s Struggles (ILPS)-Australia at Migrante-Australia ang TPPA bilang “atake sa soberanya, kalikasan at kabuhayan ng mamamayan ng Asya-Pasipiko.”

Ang TPPA ay isang kasunduan sa pagitan ng uS at mga bansa gaya ng Australia, Brunei, Canada, Chile, Japan, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Singapore at Vietnam. Ang Pilipinas at Korea, bagamat hindi pa pormal na kabahagi ay nasa proseso na ng pagsali sa TPPA. Ang mga negosasyong pinapanatiling lihim ay itinutulak para higit na bukas ang mga ekonomiya at kalakalan ng mga bansa sa pananalasa ng dayuhang kapital. Itinutulak din ito para supilin ang ekonomiya ng Tsina at higit na pahigpitin ang kontrol ng uS sa rehiyon.

“Bahagi sa pinakikialaman ang pagbabago ng mga batas at mga lokal na regulasyon para sa higit na umayon sa kagustuhan at pangangailangan ng uS. Ang kampanya ni Aquino, halimbawa, para sa charter change ay bahagi ng rekisito para sa inaasam nitong pagpasok sa TPPA,” ayon sa AfTINET.

Ayon sa AfTINET, ang mga patakaran sa TPPA ay magdudulot ng matinding mga pahirap sa mga bansang kalahok nito. Ayon sa kanila, ilan sa mga kongkretong ireresulta ng TPPA ay mataas na presyo ng bilihin lalo na ng mga gamot, lalong paglabag sa mga karapatan ng manggagawa at mas mababang pasahod, banta sa ating ‘internet freedom’ at iba pang mga banta sa karapatan ng mamamayan sa ngalan ng dayuhan.

“Bibigyan pa ng espesyal na karapatan ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa na ihabla ang ating gobyerno sa mga batas hinggil sa paggawa, kalusugan, kalikasan, atbp kung hindi ito papabor sa mas malaking kita para sa kanila,” anila.

Trans-Pacific Partnership Agreement: higit na panganib sa mamamayan ng Asya-Pasipiko! - ILPS

Sa TPPA, maaaring kasuhan ng uS ang mga gubyernong hindi susunod sa mga patakaran ng higit na liberalisasyon ng ekonomiya at kalakaran sa internasyunal na tribunal na pabor sa malaking negosyo at kapital. Halimbawa, ang mga hakbangin gaya ng pagtataas ng minimum wage, pagbababa o pagregulate ng presyo ng mga bilihin at serbisyo o pagpigil sa mga mapanalasang pagmimina ay maaaring kasuhan bilang “atake” sa kita at malayang kalakalan.

“Ang mga kasunduan din hinggil sa intellectual property ay lalong papabor sa mga monopolyo at lalong magpapataas ng presyo ng mga gamot. Sa halip na magkaroon ng mas accessible na generic na gamot ang publiko, ginigiit pa ng mga uS investors na palakasin pa ang mga patent nito sa gamot sa loob ng kasunduang TPPA,” anila.

Ayon sa grupo, banta rin ito maging sa “internet freedom” o pamamahayag sa internet. Anila, lalong pahihigpitin ang mga copyright laws at ipapataw ang mga patakaran sa copyright na papabor sa malalaking kumpanya sa uS.

Nauna nang tinutulan ng ILPS ang TPPA bilang “mapanalasang atake sa trabaho, kalusugan, soberenya at kalayaan sa pamamahayag sa buong Asya-Pasipiko.”

“Isa itong iskema ng pagpataw ng kanilang kapangyarihan sa kalakalan at pamumuhunan. Papasahulin nito ang pagsasamantala sa masang anakpawis at kalikasan para higit na magkamal ng supertubo,” sabi ng ILPS sa isang pahayag.

Sa kabila ng garapalang paglabag ni Abad sa konstitusyon at iba pang mga batas, patuloy na ipinagtanggol ng rehimeng Aquino si Abad. Ang mga grupo ng kabataan na mismo ang nanguna na magsampa ng kaso at panagutin si Abad,” ani ridon.

Kinukwestyon ngayon ang pagtulog ng Opisina ng Ombudsman sa kaso ni Abad. Giit ng mga kabataan, patunay itong sagad sa butong kurakot ang gobyernong Aquino dahil sa “selective” nitong pagkakaso at pagtatanggol nito sa kanyang mga alyado.

“mastermind” ng iligal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Muling bumalik sa balita ang usapin ng pork barrel matapos nagtestigo ang pork barrel whistleblower na si Merlinda Suñas sa harap ng Sandiganbayan kung saan kanyang ibinunyag na malapit na kabigan at kliyente ni pork barrel scam mastermind Janet Lim-Napoles si Abad.

Ayon kay Kabataan Partylist rep. Terry ridon, sumasang-ayon ang testimonya ni Suñas sa naunang pahayag ni Napoles na si Abad ang nagturo sa kanya kung paano maglaan ng mga pampublikong pondo patungo sa mga bogus na non-government organization.

“Ano na ang nangyari sa kaso laban kay Department of Budget and Management Sec. florencio Abad?”

Ito ang tanong ng Kabataan Partylist at ibang mga grupo ng kabataan kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales isang taon ang nakalipas nang nagsampa sila ng kaso laban kay Abad kaugnay sa kanyang papel sa pork barrel scam.

Nagsampa ng 16 na pahinang petisyon sa tanggapan ng Ombudsman ang mga grupo ng kabataan noong Hulyo 8, 2014 dahil sa pagkasangkot ni Abad sa Priority Development Assistance fund (PDAf) scam at sa kanyang diumano’y pagiging

PH

OTO

Cr

EDITS: B

AYA

N u

SA

Page 8: Tinig May 2015 Ikalawang Edisyon

8 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

Maaaring makipagugnayan sa pambansang opisina ang mga balangay upang mapadalhan ng mga inilimbag na kopya ng Tinig. Ngunit mainam na makapag-ambag ang mga balangay sa pagpaparami ng kopya ng Tinig sa kanilang pook na kinikilusan.

Iminumungkahi rin ang pagsiguro sa pagpaabot sa aktwal na kopya sa mga mambabasa at iwasan ang pagtatambak nito sa mga imbakan na umabot nang linggo at buwan.

Mabilisang mapaaabot sa mas maraming mambabasa ang Tinig sa pamamagitan ng internet at social media. Pwedeng basahin at i-download ang elektronikong kopya ng pahayagan sa anakbayan.org. Maaari rin itong basahin sa scribd.org/anakbayan_ph.

Pinapanawagan ang pagpapadala ng mga kontribusyon at ulat galing sa mga lokal na balangay upang mailathala sa Tinig. Maaaring ipadala ang mga ulat, balita, lathalain, guhit at anumang kontribusyon sa [email protected].

Simula sa isyung ito, regular na ilalabas ng Anakbayan ang pahayagang Tinig ng Kabataang Makabayan sa una at ikatlong Lunes ng bawat buwan.

Ang paglabas ng Tinig dalawang beses kada buwan ay tugon sa pangangailangan ng mas madalas at napapanahong paglilinaw sa pagsusuri, paninindigan, at panawagan ng Anakbayan sa harap ng maraming isyung kinakaharap ng kabataan at mamamayang Pilipino.

Mahalaga ang papel ng pahayagan sa paglalantad sa kontra-mamamayang rehimeng uS-Aquino at bulok na sistema, sa pagpalaganap ng alternatibong balita at impormasyon, at sa palitan ng karansan at aral ng iba’t ibang mga balangay ng Anakbayan.

Kasabay ng pagdalas ng paglalabas ng Tinig, iminumungkahi sa lahat ng mga balangay ng Anakbayan na bigyang pansin ang distribusyon ng pahayagan hindi lamang sa mga kasapi kundi maging sa mga kabataan at mamamayang minumulat, inoorganisa, at pinapakilos.

PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida

MGA KAWANIAndrea Pauline Lim, richard James Mendoza, Jaems relativo,

Ina Nacario, Jaque Eroles, Vencer Crisostomo, Bethany Pascua,Karlo Mikhail Mongaya, Issa Baguisi, reeza rosalada, Shelly Dalmacio

PAGLALAPATEdward Pastor

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami sa mga sumusunod:

[email protected]

facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph

Tinig ng Kabataang Makabayan, ilalabas sa una at ikatlong Lunes bawat buwan

PHOTO CrEDITS: ArKIBONG BAYAN