271
Tossed Coin By peachxvision Toss. Flip. Choose. Drop. CHAPTER 1 [Heads] Toss. Flip. Drop. ―Heads o tails?‖ ―Mmm… Heads!‖ ―Sige, pag heads, ililibre kita ng ice cream. Pag tails, ako ang ililibre mo.‖ ―Sige!‖ Pagkaalis niya ng kamay niya, tails yung lumabas. ―WEH!!! Pano yun?! Cinocontrol mo eh!‖ ―Magaling lang ako magtoss ng coin.‖ ―Bakit ba sa tuwing magdedesisyon ka, toss coin ang lagi mong ginagamit?‖ ―Maganda kaya to kapag nahihirapan ka magdesisyon sa dalawang bagay.‖ ―Eh bakit nga?!‖ ―Kasi…‖ ―Kasi?‖ Tapos nagising ako. Parang ayoko na bumangon. Sa panaginip ko, buhay na buhay yung best friend ko na pinsan ko na kapatid na yung turing ko, si kuya Ian. Gusto ko na lang ulit matulog. Yung araw na pinaguusapan namin yung tungkol sa pagtotoss ng coin, yun ang huling araw namin na magkasama… Huling araw namin na magkikita. Nasa akin pa yung piso na yun. Remembrance daw. Tinawanan ko pa siya nung araw na yun kasi kung magsabi siya akala mo mamamatay na… Pero yun pala… “Sabi mo… Di mo ko iiwan.” Sinabi ko yun dun sa kabaong sa harap ko, kung nasaan yung isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Di ko matanggap na wala na siya. Gusto ko patayin yung nakabunggo sa kanya, kahit nakakulong. Pero yung mga magulang nga ni kuya Ian napatawad yung nakabangga… Bakit ako hindi ko matanggap? “Ang sama mo… Ang sama sama mo.” Iyak ako ng iyak na parang bata. Kahit 12 years old pa lang ako. Di ko akalain na mangyayare yun. 15 years old na yung kuya Ian ko. Sabi niya andun siya sa first prom ko, sa graduation ko, kahit siya pa daw ang maging escort ko sa debut ko… Di ko matanggap… Siya lang yung sinusumbungan ko ng lahat ng mga kadramahan ko sa buhay. Masaya kasi magkapit bahay lang kami. At simula bata siya na yung nakakalaro ko. Minsan iniisip ko na sana kapatid ko na lang siya. Pero sabi niya kapag kapatid ko talaga siya, baka maging masama lang siya sa kin. Kaya mas okay kung pinsan na lang na parang kapatid ang turingan namin. “Ang daya. Ang daya daya mo. Di ka talaga marunong tumupad ng pangako…” Paulit-ulit lang ako umiiyak sa gilid. Ilang araw na mugto yung mata ko. Sinubukan ako patahanin ng high school friends ko. Freshman pa lang ako, kaya yung mga kakilala ko lang sa section ko yung pumunta. Actually, tapos na ang freshman year ko. Summer na. At ilang buwan na lang, sophomore na ko. Isang sophomore life na wala ang kuya Ian ko. “Alam mo, kung buhay ka, eh di sana nasusumbungan kita. Kaso hindi… Kaya tingnan mo… Umiiyak ako mag-isa.” Naisip ko na nakakahiya sa mga tao na makita akong humahagulgol kaya pumunta muna ako sa labas. Naisip ko na pumuntang playground kung san lagi kaming nakatambay. Pumunta ako sa swing. Habang naglalakad ako,

Tossed Coin

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tossed Coin

Tossed Coin By peachxvision Toss. Flip. Choose. Drop.

CHAPTER 1 [Heads] Toss. Flip. Drop. ―Heads o tails?‖ ―Mmm… Heads!‖ ―Sige, pag heads, ililibre kita ng ice cream. Pag tails, ako ang ililibre mo.‖ ―Sige!‖ Pagkaalis niya ng kamay niya, tails yung lumabas. ―WEH!!! Pano yun?! Cinocontrol mo eh!‖ ―Magaling lang ako magtoss ng coin.‖ ―Bakit ba sa tuwing magdedesisyon ka, toss coin ang lagi mong ginagamit?‖ ―Maganda kaya to kapag nahihirapan ka magdesisyon sa dalawang bagay.‖ ―Eh bakit nga?!‖ ―Kasi…‖ ―Kasi?‖ Tapos nagising ako. Parang ayoko na bumangon. Sa panaginip ko, buhay na buhay yung best friend ko na pinsan ko na kapatid na yung turing ko, si kuya Ian. Gusto ko na lang ulit matulog. Yung araw na pinaguusapan namin yung tungkol sa pagtotoss ng coin, yun ang huling araw namin na magkasama… Huling araw namin na magkikita. Nasa akin pa yung piso na yun. Remembrance daw. Tinawanan ko pa siya nung araw na yun kasi kung magsabi siya akala mo mamamatay na… Pero yun pala… “Sabi mo… Di mo ko iiwan.” Sinabi ko yun dun sa kabaong sa harap ko, kung nasaan yung isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Di ko matanggap na wala na siya. Gusto ko patayin yung nakabunggo sa kanya, kahit nakakulong. Pero yung mga magulang nga ni kuya Ian napatawad yung nakabangga… Bakit ako hindi ko matanggap? “Ang sama mo… Ang sama sama mo.”

Iyak ako ng iyak na parang bata. Kahit 12 years old pa lang ako. Di ko akalain na mangyayare yun. 15 years old na yung kuya Ian ko. Sabi niya andun siya sa first prom ko, sa graduation ko, kahit siya pa daw ang maging escort ko sa debut ko… Di ko matanggap… Siya lang yung sinusumbungan ko ng lahat ng mga kadramahan ko sa buhay. Masaya kasi magkapit bahay lang kami. At simula bata siya na yung nakakalaro ko. Minsan iniisip ko na sana kapatid ko na lang siya. Pero sabi niya kapag kapatid ko talaga siya, baka maging masama lang siya sa kin. Kaya mas okay kung pinsan na lang na parang kapatid ang turingan namin. “Ang daya. Ang daya daya mo. Di ka talaga marunong tumupad ng pangako…” Paulit-ulit lang ako umiiyak sa gilid. Ilang araw na mugto yung mata ko. Sinubukan ako patahanin ng high school friends ko. Freshman pa lang ako, kaya yung mga kakilala ko lang sa section ko yung pumunta. Actually, tapos na ang freshman year ko. Summer na. At ilang buwan na lang, sophomore na ko. Isang sophomore life na wala ang kuya Ian ko. “Alam mo, kung buhay ka, eh di sana nasusumbungan kita. Kaso hindi… Kaya tingnan mo… Umiiyak ako mag-isa.” Naisip ko na nakakahiya sa mga tao na makita akong humahagulgol kaya pumunta muna ako sa labas. Naisip ko na pumuntang playground kung san lagi kaming nakatambay. Pumunta ako sa swing. Habang naglalakad ako,

Page 2: Tossed Coin

nakita ko yung isa kong schoolmate na naglalakad din ata papunta sa swing. Pero di ko siya ka-year. Second year high school siya. Siya yung crush ng mga kaibigan ko. Pero ako, wala akong pake. Umupo ako… Umupo din siya. Nagswing ako… Nagswing din siya. Napangiti ako ng konti dahil hindi ko alam kung sinasadya ba niya. Pero ang weird kasi alam kong di ako masyadong makangiti dahil parang may ipis sa ilalim ng mata ko sa sobrang lugmok. Tinigil ko yung pagswiswing… Tinigil din niya ang pagswiswing. Kunware hindi ko napapansin na ginagaya niya yung ginagawa ko. Nakatingin lang ako sa lupa, pinipigilang umiyak. Gusto kahit isang minuto makalimutan ko lang yung aksidente na nangyare kay kuya Ian. Habang nakatingin ako sa lupa, biglang humangin. At ayon, napuwing ako. Napuwing ako kaya natural lang na sumakit yung looban ng mata ko. Kinamot ko. Pero laking gulat ko nung

nagsalita yung katabi ko. “Wag mo kamutin. Baka bukas wala ka ng mata.” Nagulat ako nung bigla siyang pumunta sa harap ko, kumuha ng panyo, nilagay sa mata ko tapos dinikit niya yung labi niya dun sa panyo na nakalagay sa mata ko. Bigla akong kinabahan. Ano ba naman tong ginagawa ng lalakeng to? Anong meron dito at bigla niya yun ginawa? Pero ewan. Hindi na ako nagsalita dahil hindi ko naman talaga siya kaclose o kakilala. Ni hindi ko nga alam pangalan ng taong to. Ang alam ko lang schoolmate ko siya. “Fuuuuungga.” Di ko alam pero sa mga oras na yun, pumatak yung luha ko. Naalala ko nanaman si kuya Ian kasi ginagawa din niya to nung bata ako. “Ano, ayos ka na?” “S—s—salamat po.” Ngumiti siya. At… Humagulgol ako. Humagulgol ako kasi namimiss ko na talaga yung kuya Ian ko. Sa bawat ngiti ng bawat tao, yung ngiti ng kuya Ian ko yung natatandaan ko. Sa bawat ginagawa ng bawat tao, yung ginagawa ng kuya Ian ko yung naaalala ko. Ginamit ko yung panyo niya na pangsinga. Nakakahiya man, pero andito na ko. Hindi ko na lang basta pwede sabihin na „joke lang‟ sa harap ng taong to. Nakakahiya na nakita niya akong humahagugol… Pero bat ba… Democratic naman ang Pilipinas. Umupo siya sa swing tapos nagswing ng konti. Hindi nakalutang yung paa niya tulad ng ginagawa ko pag nagswiswing ako. Nakalapat lang yung paa niya sa lupa, tapos parang tinutulak lang niya sarili niya. Narealize ko na… Para siyang yung kuya Ian ko. Tumigil ako sa pag-iyak tapos tumingin ako sa kanya. Nagulat ako nung bigla siyang tumingin sa kin… “Bat ka ba umiiyak?” “Yung… k—kuya ko kasi…”

Page 3: Tossed Coin

Di ko masabi na kakamatay lang kasi baka maiyak nanaman ako. Pero, in any means, sinabi ko pa din. Kahit mejo indirect yung pagkastate ko. “Kinuha na siya…” Nakita ko na nawala yung dapat na reaksyon sa muka ng taong to. “Condolence.” “Okay lang po.” “First year ka diba?” “Opo. Kayo diba second year?” “Oo. Ano ba yan, ang galang mo.” Napangiti ako dahil sa sinabi niya. “O… yown! Ang cute mo pag ngumingiti.” Di ko alam kung bakit ako kinakabahan. Unang close encounter ko pa lang sa taong to. Oo nga pala, hindi ko siya kilala. Dapat ba akong magpakilala? “Kababata pala ako ni Ian.”

Kababata ni kuya Ian tong taong to? Di ko alam na meron pa palang mas “batang” memorya si kuya Ian. Sabagay, 7 years old ako nung lumipat siya sa bahay. Pero second year pa lang tong taong to… “Pano kayo nagkakilala ni kuya Ian?” “Kapit bahay ko siya nung nasa Laguna pa kami. Tapos kalaunan lumipat na rin kami dito.” Oo nga pala. Taga Laguna nga pala sina kuya Ian dati. “Di naman niya ginusto to… Sigurado ako, pag andito yun, aawayin niya sarili niya dahil pinaiyak ka niya.” Napangiti ako. “Kuya, di ko pa po alam pangalan niyo.” “Sef. Wag mo na ko i-kuya.” “hindi pwede. Baka magalit si kuya Ian sa kin kung di kita tawaging kuya.” “Sa tuwing nagkakausap kami, lagi niyang kinukwento yung cute niyang pinsan na iyaken. Nung pumunta ako, isa lang ang nakita kong sobrang umiiyak.” At siyempre, marahil ako yun. “Sobrang close niyo no?” “Di naman po ako siguro ganito iiyak kung di kami ganon kaclose.” “Wag mo ko i-po.” “Eh hindi po pwede.” “Narinig ko yung mga sinabi mo kanina…” “Na alin?” “Yung ang daya daya niya? Yung mga bulong mo kanina.” “Ah yun ba… Madaya naman kasi talaga siya eh.” Jahe. Tumutulo nanaman yung mga luha ko. “May isa pa akong panyo.” “Mamaya na po. Eto munang isa.” “Ang kulit. Wag mo nga ako i-po.” “Di nga po pwede.” Maya-maya, may narinig akong bell ng ice cream… At muli, sunud-sunod nanaman yung luha ko… Gulat ko na lang nung… Hinawakan niya yung muka ko, tapos pinunasan yung mga kaya niyang punasan…

Page 4: Tossed Coin

Sa di ko alam na dahilan, napatitig ako sa kanya. Parang yung mga rays ng araw biglang pumupunta sa kanya. Ewan ko… Nagbubukas na ba ang pinto ng langit? Hay. Ano ba tong pinagsasasabi ko. Toss. Flip. Drop. Nagulat ako sa ginawa niya. Naalala ko ulit si kuya Ian. “Kapag barya ang lumabas dito, ibibili kita ng ice cream.” Napangiti ako, halata naman na gusto niya akong pangitiin eh. “Waw astig barya nga! O ano, ibibili kita ng ice cream ah?” “Kuya wag na po.” “Sef lang. Hindi kuya ang pangalan ko.” “Wag na nga po—” “Ibibili kita pag nag-po ka pa at tawagin mo kong kuya.” “Pero kasi po—” “Woo. Gusto mo lang ng ice cream eh.” “Teka!”

Pero yun. Tumayo siya at dumerederecho dun sa dirty ice cream. Mahina ang tuhod ko, ayoko tumayo dun sa swing. At, wala din naman akong magagawa… “O eto.” “Salamat po kuya… Pero di niyo naman po—” “Sabing walang po.” “Eh.” “Kumain ka na.” Napangiti ako. “Kuya salamat talaga.” “Ang kulet mo din ano.” “Kuya, kilala mo ba ako? Kasi baka mamaya…” “Oo. Kilala kita.” “O? Sino nga ako?” “Ikaw yung cute na bata na kumanta sa stage nung linggo ng wika.” Wah? Nahiya naman ako ng todo dun. Naaalala pa pala niya yung linggo ng wika na yun. “Eh.” “Totoo. Cute mo kumanta.” “Salamat po.” “Kanta ka nga.” “Ha? Ayoko po.” “Tsk. Ang kulet mo. Wag mo nga ako i-popo eh.” “Bakit ayaw mo i-po?” “Kasi…” “Kasi?” “Kasi… nacucute-an ako sayo.” Hindi ko alam kung anong koneksyon kung bakit hindi ako dapat mag po sa nacucutean siya sa kin. Pero, natuwa ako sa sinabi niyang yun, at dahil dun napangiti ako. Tinuloy ko yung pagkain ng ice cream dahil hindi ko din naman alam ang susunod kong sasabihin. Inubos din niya yung kanya. Pagkatapos nun, tumayo na ako. “Kuya, babalik na ko dun.” “Wag kuya. Sef na lang.” “Ayoko. Kuya—” “Chi.”

Page 5: Tossed Coin

Sa di malamang dahilan, kinabahan ako. Siguro dahil, Chi yung gustung gusto ko itawag sa kin ng mga tao. Pero, walang may gustong tawagin ako nun. Lahat sila, Cherry ang tawag sa kin. Isa lang ang sinabihan ko na gusto ko tawagin ang sarili ko ng ganon, at yun ay walang iba kundi si kuya Ian. “Kay kuya Ian mo lang ba yun nalaman?” “Ang alin?” “Yung… Chi?” “Hindi. Imbento ko. Ang haba kasi nung Cherry.” Sa linggong to, ngayon lang ulit ako nakaramdan ng ginhawa sa puso ko. Ewan ko kung bakit. “Wag mo masyado pagurin ang sarili mo.” “Hindi ko naman po pinapagod sarili ko.” Bigla siyang pumunta sa harap ko tapos umupo at yung kamay niya nasa likod. “Buhatin na kita.” “Ha? Kuya wag na po! Nakakahiya!” “Sa lahat ng kwento sa kin ni Ian, isa lang ang naaalala ko tungkol sayo.” “A—ano po yun?” “Sabi niya sumasaya ka daw agad pag nagpapabuhat ka matapos mong umiyak.” Di ko alam kung anong merong sapi tong taong to. Pero sa totoo lang, natutuwa ako sa ginagawa niya. Kaya ayun,

nagpabuhat ako. At matapos nun, napangiti na ako. Pagdating namin dun, natigil na ako sa pagiyak. Nagtaka yung mga kamag-anak namin. Pero naisip ko, yung mga kamag-anak ko halos dalawang araw lang umiyak. Siguro kailangan ko na tanggapin. Nakakatuwa na tinutulungan ako ng taong to sa mga pagaccomodate sa mga bisita. Tapos kinakausap niya ako pag tingin niya nag-iisa na lang ako. Kung anu-ano lang yung pinagkwekwentuhan naming. Tungkol sa mga teachers ng school namin, kung kamusta ang second year life etc. Kaso, lumipas na ang halos 10 ng gabi. Kailangan na umalis nung pamilya niya. Nauna kami dun sa labas. Di ko alam, pero kahit papano naging masaya ako sa araw na ito… Sa di ko alam na dahilan. “O, wag ka na masyadong iiyak.” “Opo.” “Sabi sayo, dadaan din ang mga araw… Makakaya mo yan.” “Opo opo. Sabi mo eh.” Dumating na yung mga magulang niya tapos yung dalawa niyang kapatid. Sumakay na sila sa kotse. Siya na lang ang hindi. “Uy, sakay ka na o.” “Alam mo…” “Ano po yun?” “Parang ayaw kitang iwan dito.” “bakit naman?” “Ewan ko.” Tumawa kaming dalawa. “Sige na… Sakay ka na.” “Napansin ko lang. Ilang beses ko binanggit ang pangalan ko. Pero buong araw mo kong tinawag na kuya lang. Naaalala mo pa ba yung sinabi kong pangalan?” “Oo naman.” “O, sabihin mo yun na walang kuya.” At sa maraming dahilan… O siguro mas tama yung… At dahil wala akong maidahilan, bigla na lang lumabas sa bibig ko yung mga salitang… “Masaya akong nakilala kita ngayon… Sef.” Ngumiti siya. Ngumiti ako.

Page 6: Tossed Coin

Nakita ko siyang umalis. Napabuntong hininga ako. Isang pagalis nanaman ang naranasan ko. Kahit papano, naging masaya ako na may nakilala at nakasama akong tulad niya ngayong araw na to. Tinulungan ko si tita at si mama na magayos at maglinis. Kinuha ko yung guestbook kung saan nakasulat lahat ng dumalaw. Nakita ko sa isang page… Sef Ferrer At matapos ang araw na yun… Ginusto ko siyang makita ulit… CHAPTER 2 [Fast Forward] “Anya…” “O?” “Sinearch ko siya sa twitter… wala talaga.” “Ano ba naman Cherry!!! After forty eight long years!!! Pakawalan mo na nga yang lalakeng yan!”

Yun agad yung sinabi ng bespren kong si Anya. Transferee siya nung second year high school kami. Naging seatmates at classmates, at sa kanya ko laging nakwekwento si Sef. Siya kasi yung seatmate ko kaya sa kanya ko lagi kinukwento. At ngayon, second year college na kami. Mula nung nakilala ko si Sef, ginusto ko na talagang hanapin siya. Nag google pa ko ng “Sef Ferrer”. Oo na, stalker na ko. Pero bakit ba? Gusto ko lang naman siya makita ulit. Masama ba yun? Sabi nga ni Anya, hindi daw to love. Obssession na daw tong nangyayare sa kin. Wala naman akong pake sa totoo lang. Gusto ko lang naman talaga siya makita… ulit. “Sige nga, may napala ka ba?! Ni hindi mo nga siya makita sa facebook at friendster eh! Sa multiply pa kaya o sa twitter o sa kahit san pa jan?!” “Tsk. Makikita ko din yun. “Ano ba Cherry! Ano bang napala mo sa kakahanap sa kanya?! Ni wala ka ngang love life nung high school.” “Siya! Hindi ko ba yun lovelife?!” “Hindi!!! Totally hindi! Ni wala ka ngang picture o ano para ipakita sa kin. Malay mo, nananaginip ka lang nun!” “Gusto ko talaga siya makita ulit Anya. Kahit isang beses lang ulit.” “Ang adik mo! Ever since second year… Wala ka ng nasa utak kundi Sef Sef Sef. Sef-ain ko ko siya eh.” “Eh ikaw nga eh. Ayaw mo sagutin yung mga nanliligaw sayo. May pa after college ka pang nalalaman jan. Mamamatay kang single niyan.” Pretty talaga ang bespren kong si Anya. Maraming nagkakagusto jan, ang nakakatawa, ako lagi yung nagiging source of information kung ano yung gusto niyang chocolate o gusto niyang gawin. Kaso wala pang konsepto ng pagkakaroon ng boyfriend si Anya. Naniniwala siya sa isang banal na relationship kung san payag yung mga magulang niya. Naniniwala siya na kung makakapaghintay ang isang lalake para sa kanya, love yun. “Ehem! Mamamatay daw akong single. Sino kaya jan? 2 years na lang okay na sa kin ang magkaboyfriend. Ikaw ang criteria mo kasi dapat ang pangalan niya ay Sef eh.” “Hoi hindi ah. Dapat kapareho siya nung Sef na nakilala ko nung first year pa ako.” “Ay nako ewan ko sayo. Anjan naman si Jet.” “Tsk. Ang kulet mo. Wag mo nga ako tuksuhin dun.” “Nagpaparamdam na kasi.” “Nagpaparamdam ka jan… Ano bang masama kung mabait sa kin yung tao? Sayo din naman ah!” “Iba kasi yung bait niya sayo alam mo yun. Iba talaga.” “Hindi yun iba.” “O, ano yang naririnig ko?” Magkaka-org kaming tatlo nina Anya at Jet. Si Anya, nakigaya lang ng course sa akin, pero later on nagustuhan na din niya. Si Jet, last sem ko lang nakilala. Magkaklase sila ni Anya sa isang subject, tapos nagapply siya sa org namin, tapos eto.

Page 7: Tossed Coin

“Kasi naman, di pa magkaaminan eh.” “Wala kasing dapat aaminin Anya.” “Tama.” “Aysus. Pag kayo nagkatuluyan, walang sisihan ha?” Si Jet, isang sobrang gentleman na tao. Isa akong timangers kapag di ko inamin na kinikilig ako kapag may ginagawa siya sa akin na sweet. Pero wala naman yun kaibahan sa ibang babae kasi ginagawa din niya yun sa iba, kaya nga maraming nagkakagusto dyan kahit sabihin mo pang hindi siya kasing gwapo nina… Brad Pitt or whatsoever. Pero hindi yung todo gusto tulad nung kay Sef. Tinukso kami mula nung tinanong siya sa formal interview nung nagaapply siya sa org namin na kung meron ba daw siyang liligawan sa org, sino yun, ang sagot daw niya—ako. Kung hindi ba naman siya kalahating nahihibang eh, ewan ko na lang. Di naman kasi ako maganda na tulad ng ganda ni Anya. Simple lang ako, ayoko ng kaartehan sa buhay. Masiyahin naman akong tao, maligayahin etc. Close kaming tatlo. Usually kami yung magkakaklase at magkakasama sa tambayan. Pero mas madalas kong makasama si Jet lalo na pag pauwi kasi may isa pang org si Anya, kung saan dun siya napapagabi. “Jet, samahan mo nga ako sa canteen.” “Tara.”

Sinamahan ako ni Jet sa canteen tapos bumili ako ng tubig at ng cream-o. Siya, bumili naman ng lunch. “O, wag mong sabihin yan lang lunch mo?!” “Oo. Diet kaya ako.” “sabagay, ang taba mo na.” “Kapal mo! Hindi ah.” “Bat ka ba nagpapapayat?! Para dun sa Sef na yun?” “Hindi ah. Kasi feeling ko lang mataba na talaga ako.” “Sa garden kaya tayo kumain?” “Bat dun?” “Wala lang.” So yun. Pumunta kami ni Jet sa garden tapos dun kami kumain at nagusap. Pareho pa naman kaming 2:30 ang pasok, so keri lang naman. “Di mo ba naisip na… ang tagal na ng inipon mong panahon para dun sa lalakeng yun? Hindi mo naman siya nakikita…” Nagulat ako dahil first time mangielam ni Jet sa love life ko… Kung love life nga ba to. Kadalasan kasi ang pinaguusapan namin tungkol sa org, o sa mga tao sa loob ng classroom, mga teachers, anime, music at mga pang araw-araw lang na buhay. “Bat mo naman naitanong?” “Kasi kung nakakulong yang utak mo na mamahalin mo lang ay tong taong to at wala ng iba, nagiging sarado ka na dun sa mga taong gusto ka namang mahalin.” “Sus, yun ay kung meron.” “Meron yan.” “Wala yun.” “Meron.” “Wala.” “Sige, sabi mo wala. Basta alam kong meron.” “Ay nako, bahala ka na nga.” Tapos yun, kumain ulit kaming dalawa. Nagkwentuhan ng onti, hanggang sa biglang may naisip ako. Nagulat nga ako nung nasabi ko pala yung iniisip ko. “Tingin mo ba talaga… Matagal na ang apat na taon?” Napatingin ako kay Jet. Isang seryosong tanong… Gusto ko lang malaman. “Kumpara sa habambuhay, maikli lang yung apat na taon.” “Alam ko naman yun…” “Pero kasi…”

Page 8: Tossed Coin

“Kasi?” “Apat na taon mo na siya hindi nakikita. Isang beses pa nga lang kayo nagkita talaga diba? Paano ka naadik ng ganyan?” Hindi ko din alam. “Basta ang alam ko, nung araw na yun, yun ang pinakamalungkot at pinakamasayang araw sa buhay ko.” “Masyado pa maaga para sabihin yung salitang pinaka.” “Alam ko naman yun eh! I mean… As of now.” “Pero, alam mo namang hindi yan—” “Love? Oo. Alam ko namang hindi to love. Siguro sadyang nalunod lang ako dun sa alaala na napasaya niya ako kahit yun na yung pinakamalungkot na kabanata sa buhay ko.” Sumubo ako ng isa, saka ako nagtanong. “Jet, panget ba ako?” Tumawa siya ng malakas sa tanong ko. Peste. Seryoso naman yun ah! Bigla ko lang naisip, ano na mangyayare pagkatapos kong tigilan ang kahibangan na to? Eh wala namang nagkakagusto sa kin. Bakit pa? “Tinatanong pa ba yan?! Eh di oo!” “Honest as ever.” “To naman. Joke lang! Bat mo natanong?”

“Naisip ko lang. Wala namang nanliligaw sa kin. Walang nagkakagusto. Eh eto na nga lang kahibangan na to ang tanging napagkukunan ko ng saya, papakawalan ko pa? Eh tapos ano? Eh wala naman akong love life. Eto na yung pinaka love life ko.” “Eh hindi nga yan love life eh.” “Exactly!” “Ano ka ba. May nagkakagusto sayo.” “Wala nga! Eh di sana sinabi na niya sa kin!” “Hindi naman ganon kadali yun no. Malay mo nagiipon lang ng lakas ng loob.” “Tsh. Wala namang nageexist na ganon.” “Tanungin mo pa si Anya.” “Sus. Sabi na nga ba, may gusto ka din kay Anya. Sinasabi ko sayo, wala kang pag-asa dun! After college pa yun magkaka-bf!” “Sino bang nagsabi na si Anya yung gusto ko?!” “So ibig sabihin may gusto ka talaga?” “Wala ka na dun.” Bigla siyang tumayo dahil saktong tapos na yung pagkain niya. Tumayo din ako bilang tapos na rin ako kumain tapos saka ko siya kinulit. “Weh? Sino? Sino? Ang daya! Sinong gusto mo?” “Tsk! Wala!” “Anong wala! Meron eh!!! “Wa—Teka. May tumatawag.” Sinagot ni Jet yung tumatawag dun sa cellphone niya. “Hello?… O… Bakit?… o sige… punta ka na lang dito… sige sige…” Tapos binaba na niya. “Sino yun?” “Kumpare ko.” “Kumpare. Woo. Bakit ba hindi uso sa inyo ang tawagan ng best friend?” “Ha? San?!” “Sa mga lalake.” “Anong hindi uso?!” “hindi uso! Bat di mo na lang sabihin na best friend niyo yung kapwa niyo lalake?! Usus. Kumpare pang nalalaman jan.” “Wala akong best friend ano ka ba.” “Bakit wala?” “Kailangan ba meron?” “Hindi naman.” “O, yun naman pala eh.”

Page 9: Tossed Coin

“Pwede namang ako.” “Ikaw?” “Oo. Ako na lang.” “Ang gulo mong kausap.” “Paano ako naging magulo kausap?! Best friend ko si Anya, at ikaw. Di ba pwede yun?” “Oo na oo na.” Lagi ko siyang nakukwentuhan si Jet tungkol sa mga bagay na gusto ko gawin at siyempre nakukwentuhan din naman niya ko. Ewan ko ba… Pero minsan kinikilig na lang ako pag magkasama kaming dalawa. May gusto na nga kaya ako dito? Pero… Di ko pa rin kasi maramdaman yung drums na katulad nung naramdaman ko kay Sef. Pero, tingin ko kailangan ko na siya kalimutan in a sense na… Marami naman jang iba na nakakasama ko araw-araw kay sa kanya diba? Nung may time na ako para tumambay, nakita ko si Anya. As usual, naglaro lang kami ng cards. “Anya…” “Ano?” “Tingin mo ba… May gusto na ako kay Jet?” Natawa si Anya sa tanong ko.

“Gaga ka ba? Ako talaga yung tinanong mo kung may gusto ka kay Jet.” “Ewan… Di ko din kasi alam.” “Eh di wala. Problema ba yun?” “Siguro nga wala…” “Pero malay mo meron. Dinedeny mo lang dahil yang utak mo nakastuck sa pagiisip dun sa lalakeng isang beses mo pa lang nakikita.” “Siguro nga.” Maya maya, may kumiriring na cellphone, kay Anya ata yun. “Hello?... Oh… Ahm… Sige sige. Pwede ba ko magsama ng kaibigan… Best friend ko… Okay. Bye.” “Sino yun?” “Si Gab.” “Ayiee. Bago mong manliligaw yan no?” “Hindi no.” “San mo nakilala?” “Kaklase ko sa Bio 1 at sa isa ko pang subject dito sa educ. Naging magkagroupmates kami.” “Grabe, magnet ka talaga.” “Weh, hindi naman. Sama kayo ni Jet mamaya… Please?” “San?” “Mcdo katips kasi kami magkikita. Ewan ko. Nakakailang naman kung kaming dalawa lang diba?!” “Tanungin ko muna si Jet.” Tapos biglang saktong dumating si Jet. Iniwan ko muna si Anya saglit para kausapin siya, magpapasama narin para bumili ng ice cream. “Ui Jet sakto!” “Oo na naghahanda na nga ng pera eh.” Sabihin na nating, habit naming tong dalawa pag mga 4:00 na ng hapon. Habang naglalakad kami, usap usap. Tapos naramdaman niya atang natahimik ako. “Ano? Bakit?” “Sama tayo kay Anya mamaya.” “Mamayang?” “5:30 o 6. Imeemeet daw natin yung quote unquote friend daw niya.” “Di ako pwede. Makikipag kita ako dun sa kumpare ko. Eh di ko dapat to palampasin.” “Bakit?” “May ipapakilala daw siya eh… Eh minsan lang magpakilala to. Malay mo, chicks.” “Whatever. Okay fine. Sige na… Lagi ka namang ganyan.” “Sorry!”

Page 10: Tossed Coin

Anyway, so it seems like na kaming dalawa lang ni Anya yung pwede. Okay lang naman daw sabi ni Anya. Basta ang mahalaga may kasama daw siya. Sumapit na ang 5:30 at hindi pa kami nakakaalis sa school. Nag ayos pa kasi tong si Anya eh. Grabe, feeling ko din naman gusto niya tong „Gab‟ na to kasi hindi naman siya ganyan pag may nagkakagusto sa kanya tapos hindi naman niya trip. “Baka maturn off yun sayo pag ganyan ka katagal magayos.” “Ano ka ba. Dito masusukat kung gusto talaga niya ako o hindi. Patience is a virtue.” Patience is a virtue. Lagi niya yan sinasabi. Siguro nga, pilosopiya niya yung sa buhay kaya marami siyang pinaghihintay na lalakeng gusto siya. Aynako, bahala siya. Hinihiling ko nga na sana, kahit papano, konting characteristics niya mapunta man lang sa kin. Pero… Ewan. Okay na to. “May isasama daw siyang kaibigan eh. O ayan, group date.” “Paano naging group date yun?! Unless na siya magbabayad.” “Sabi niya siya daw eh.” “Naks. Yaman ah.” “Para ngang group date! Nang makalimutan mo na yang Sef na yan.” “Oo na oo na. From now on, no more Sef‟s.” Pumunta kaming mcdo katips tapos hinanap niya yung „Gab‟ na sinasabi niya. Ano ba to… Ang daming tao. Tumingin muna ako sa paligid ligid. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa may tumawag na boses mula sa

likod namin. “Anya!” Nakarinig ako ng drums mula sa loob ko… Yung boses na yun… Crap. Wag mong sabihing… “Gab!” S—Sef…? CHAPTER 3 [Press Rewind] “Siya yung sinasabi ko sayo. Mejo cute diba?” !@#$%& Binulong sa kin yun ni Anya. Lord, bakit naman po ganito? Alam kong gustung gusto ko na talaga siya makita… But why of all places… why of all time… why of all people related to him… why? Okay, eto na. Define SMALL WORLD. Pumunta siya kay Anya. Mukhang hindi niya ko napansin… O baka hindi na niya ako kilala? Sabagay. Sabi na nga ba. For all those years, iniisip ko siya. Sino nga ba ako para isipin din niya ng ganon katagal? Mejo nagbago nga ichura niya… Nagmature… “Chi?” THUMP. Tinawag niya yung pangalan ko!!! Lord, maraming salamat po. Akalain mo yun! Kilala pa niya ako! Kung makatingin naman sakin parang stranger lang ako eh. Amp. “Chi? Ikaw si Chi diba?”

Page 11: Tossed Coin

Bigla kong inisip… Kung Sef ang itatawag ko sa kanya, marerealize ni Anya na siya yung long lost… let‟s say… first love ko na gustung gusto niya bugbugin dahil sa ginawa niya sa utak ko. Pero… that means… siya din yung taong nagpaparamdam kay Anya? Hell no… “Ui, Gab! Musta?” Nakita kong biglang kumunot yung noo niya pero nakangiti pa rin. Sef ang pagpapakilala niya sa kin, kahit dun sa list Sef ang nakalagay. Pero… bahala na. Ayoko siyang tawaging ganon dahil baka kung ano gawin ng best friend ko. Mejo over protective kasi si Anya sa kin. “Wow. Magkakilala kayo?” “Yup. First year siya, second year ako. Kaso lumipat ako nung third year.” “Tsk! Sayang, eh di dapat pala schoolmates tayo nun!” Nakahinga ako ng maluwag nung mali niya sinagot yung tanong. Ang tanong kasi ay kung paano nagkakilala. Pero mas okay na sa akin yun. At least walang idea si Anya na siya din yung Sef na tinutukoy ko… Kung sakali… ito ang first time na magtatago ako ng secret kay Anya… Teka… bakit ba kailangan ko itago? Eh hindi naman gusto ni Anya si…

Pero malay mo… Wag naman… AGH! Bakit ba kasi ganito… sa lahat ng uri ng pagkikita ganito? Okay. Steady ka lang Cherry. Steady ka lang. Walang mangyayare kakaiba. Naman kasi… Kung kailan nagdecide na ko to move on… MOVE ON?! Ano bang imomove on mo in the first place?! “Anong order mo?” “Kahit ano. Ikaw na bahala. Ikaw naman nagyaya eh.” “Sige. Ikaw, Chi?” “Ahm…” “Ice cream?” Hanggang ngayon… Natatandaan pa rin niya. Gusto ko sanang sabihin, „pwede bang ikaw na lang orderin ko? Dine in, pero magtatake out din ako‟. Hay. Bat naman kasi ako ganito? Nababaliw sa isang nilalang na di man lang kami masyadong nakapagusap. Ni wala nga kaming memories together! “Hindi. Sira. Kahit ano.” “Kahit ano?! O sige, kayo bahala sabi niyo yan ah!” Tapos tumingin siya sa orasan niya. “Tsk. Ang tagal talaga ng lalakeng yun.” “Sino?” “Yung sinasabi ko sayong kaibigan ko na pupunta din.” “Ah.” “Ay teka…” “bakit?” “Di ko alam oorderin ko eh… Kung burger mcdo o yung fillet.” Nilabas ko yung piso na binigay sa kin ni kuya Ian dati, ang pinakatatago kong piso. “Kapag heads, burger. Kapag tails, fillet.” “Sige game.” Toss. Flip. Drop.

Page 12: Tossed Coin

“Tails. Fillet na lang.” “Parang… Mas trip ko yung burger.” Tumawa si Anya. “Nagpacoin toss ka pa! Achuchu ka talaga.” “Eh, ganon talaga… O ayan, na pala siya.” Nagulat ako nung nakita ko sa bintana ang isang aninong araw-araw ko ding nakikita. Ano ba… Sana bangungot lang tong lahat. Hindi ko akalain na ganito talaga kaliit ang mundo… “Tol!” Nanlaki yung mata naming dalawa ni Anya sa nakita namin. Nung nakita kami ni Jet, nanlaki din naman siya. Pero ewan ko ba dun nung nakita niya ako, parang kulang na lang manluwa yung mata niya. “Mag… kakilala kayo?!” “Oo…? Teka. Wag mong sabihing kilala mo din sila?!” “Uh… Actually, magkaorg kaming tatlo.” Hindi ko alam kung sadyang kulang lang ako sa adventure at biglang ganito ang nangyare. Pati ako mukhang naguguluhan.

Mukhang… May hindi ako masyadong magandang pakiramdam. “Anya, samahan mo na si Gab.” “Okay. Ano ba sayo?” “Kung ano sayo.” “Sige sige.” “Tol, sayo?” “Yung sayo.” Lumakad si Gab at si Anya papunta sa counter. Natira kami ni Jet sa table. “I—ibig sabihin…” “Ha?” “W—wala. Putek yan o.” “Bakit?” “Wala wala.” “May kaagaw ka na kay Anya. Ikaw kasi, sabi naman sayo ligawan mo na si Anya. Nakailang basted ka na ba?!” Tumawa ako. Benta kasi yung nangyayare kay Jet kapag nagkkwento siya. Hindi siya kasing gwapo ni Sef slash Gab, pero sweet. Kaso, yung mga gusto niya, hindi naman siya gusto. Natatawa ako pag nagkkwento siya sa kin tungkol sa love life niya, kasi laging epic fail yung pag amin niya. “Tumahimik ka nga. Tsaka, sino ba kasing nagsabi na gusto ko si Anya?!” “Ikaw!” “Asa. Wala naman akong sinasabi na gusto ko siya. Ikaw lang nagsabi nun.” “Halata naman eh!!! Asus!!!” “Maiba. Kilala mo din si Gab?” “Uhm… mejo. First year ako second year siya sa school. kaso nung second year, umalis na siya.” “Oo. Matanda na yang lalakeng yan eh.” “Grabe ka naman. One year older lang naman sa tin.” Gusto ko sana sabihin kay Jet yung mga nangyayare. Pero di ko alam kung paano uumpisahan. Well actually, pwede namang hindi ko na sabihin diba? Wah. Bat ba ang gulo ng buhay?! “Grabe. Ang liit ng mundo.” “Magkakakonekta lang tayong apat maliit na ang mundo?!” “Oo no. Akalain mo yun.” “Pwede nga na yung tita ng kaibigan ng pinsan ko, tatay ng lolo ng kaibigan ko eh.” “Ano ba yan Chi. Ang sabaw mo ah.” Ch—chi?

Page 13: Tossed Coin

“A—anong tinawag mo sa kin?” “Chi. Bakit… anong masama? Matagal na nga kitang gustong tawaging ganun eh.” “Ayoko! Wag mo nga akong tawaging ganun!” “Bakit?!” “B—basta.” “Bakit nga?” “B—basta.” “Chi. Bahala ka. Chi na ang itatawag ko sayo. Ang cute nga eh. Parang anime. Chi chi chi chi chi.” “Hay! Bahala ka nga.” Silence. Nagugulumihanan ako. Sana, hindi gusto ni Sef… Fine, Gab na nga lang. Sana hindi gusto ni Gab si Anya. Ang sama ko ba? Bakit, may puso din naman ako ah! Tsaka, masasaktan lang si Gab kay Anya kasi ayaw pa ni Anya magka bf. So, pwede bang akin na lang? Okay, ano ba yun. Ang wirdo nung inisip ko. Bakit ba kasi hindi ako pinanganak na kasing ganda ni Anya?! Ano ka ba Chi—este Cherry. Ibahin mo si Sef—este Gab. Malay mo, hindi talaga niya gusto yung mga ganun kaganda kasi alam niyang marami siyang kaagaw diba? Malay mo, mas trip niya yung mga simpleng tulad mo, yung may mga pimple sa noo na di maalis?

WAAAH. Oo na fine. Fine. Fine. Matalino naman ako… Lamang ko na ng onti yun. Mejo cute naman ako ah. Cute naman yung mga mata ko… Para daw kindergarten na nawawala… Teka, advantage ba yun? Okay, napaparanoid na ko. Kailangan kong may mapagsabihan nitong mga to kundi baka isang araw sumabog na lang ako na parang ewan lang. “Jet. May sasabihin ako…” “A—ano yun?” “Ipangako mo… na di mo ko blablackmailin okay?” “Pinapakaba mo naman ako… A—ano ba yun?” “Bat ikaw yung kinakabahan?” “Malay mo, parehas tayo ng gustong sabihin.” “Ha? Ano bang gusto mong sabihin?” “Teka, ikaw muna.” “Eh, yung sayo muna!” “Ayoko nga! Yung sayo muna! Baka ako pa ang una mong blackmailin eh!” “Eeeeeh!” “Sasabihin ko na lang sayo after mong sabihin.” “Okay fine. Kasi—“ Tapos biglang dumating si Anya na dala dala yung tray. Natigil yung sinasabi ko. “Lahat tayo burger mcdo, large fries at coke float ah?” “Ayon o, ang sarap!” Hay, sige. Wrong timing si Anya, pero ayos lang. Dumating na si Gab. Hay. Laki talaga ng pinagbago. Dati kasi parang yung gwapong payatot lang nung high school? hay ano ba to. Bat ba kasi nung nagpaulan ng kagandahan nakapayong ako at naka wide open naman si Anya?! At nung bumagyo ng kacute-an eh natutulog ako at sinalo ni Gab lahat?! Kumaen lang kami at nagkamustahan. Transferee siya, so dapat third year na niya ngayon pero second year ang standing niya bilang last year siya nagtransfer. Pero parang di pa daw niya feel yung course, so… May chansang lumipat ulit siya ng school… Sana wag na. “O ikaw Chi, kamusta ka na?” “A—ayos naman.”

Page 14: Tossed Coin

Ewan. Kinakabahan ako kapag kinakamusta niya ako kasi baka may mabanggit siya na pwedeng malaman ni Anya na siya si Sef. “Teka, bat si Gab ayos lang na Chi?! Bat ako hindi pwede?!” “Kailan ka pa naging Chi?!” “Ahm… gustung gusto ko kasi yun na tawag sa kin eh. Ang cute.” “Ang cute, tapos pag ako ayaw mo patawagin.” “Unfair ang mundo.” “Sabagay, mundo nga kita.” Binato ko si Jet ng french fries. Tawa kami ng tawa, kasi yung pagsabi ni Jet pabiro din. Siyempre, nakakatawa nga naman. Kinain pa ni Jet yung fries na binato ko. Bigla kong naisip, bakit nga ba Gab ang pagkakaalam na pangalan nina Anya at Jet? Natural, Gab ang pagpapakilala sa kanya. Rawr. Kailangan ko makaisip ng paraan… “Hay, ang dumi na ng id ko.” “Eh ilagay mo kasi sa plastic na parang ganito.” “Patingin nga nung sayo.” Tas binigay ni Anya yung id niya.

“O diba, malinis pa din.” “Yung sayo Jet?” “Wala. Dilaw na yung akin.” Tas pinakita ni Jet. “Gab, pwedeng patingin nung iyo?” “Mejo maputi pa.” AYON. Ferrer, Seraph Gabriel T. Ang tagal kong nakatingin sa id niya. Kaya pala Sef, dahil sa Seraph. Pero Gab na lang siguro yung ginamit niyang pangalan para magpakilala sa iba. Napakaangelic naman ng pangalan niya. Kaya pala siya mukang anghel. AY GRABE CHERRY. Adik ka ba?! Nakailang kape ka na ba at bat ka nagkakaganyan? “Mmm. Onga. Salamat.” Tapos binalik ko na yung mga id nila. Nagsip ako ng float tapos nagusap usap lang kami tungkol sa buhay buhay. Anyway, umalis na din kami. Nakikitira si Gab sa tita niya si cubao, tapos si Anya nakaboarding house. Hinatid muna naming si Anya sa jeep sa may katipunan. Pagkahatid namin kay Anya, kaming tatlo na lang. “Ui.” “Mmm?” “Ang saya ko, nakita kita ulit.” WAH. “Lalo naman ako diba?” “Naaalala ko pa tuloy nung parang maliit ka na bata na parang—” “Weh, wag ka na nga!” Kinikilig ako sa totoo lang, kasi kausap ko ang taong matagal ko nang hinahanap… “Sa susunod, ililibre kita ng ice cream.” “Sama ako.”

Page 15: Tossed Coin

“Wag ka na.” “Sige… Text mo ko.” “Ay onga pala. Number mo?” THIS IS IT! Napagtagumpayan ko na! Wuhaha. Makukuha ko na din number niya! “Ge, text text na lang.” “Bye ku—” Napatakip ako ng bibig kasi buntik ko na siyang matawag na kuya. “Hanggang ngayon parin ba?” Ngiti. Eh yung nakakabaliw ka?! Nakakabaliw yung ngiti?! Nakakabaliw! Anyway… Tapos sumakay naman si Gab sa jeep pacubao. Masaya ako… Na nakita ko yung mga ngiting yun… “Wow ah. Parang ang close niyo noon.” “O, bat parang galit ka?” “Malalim lang boses ko ano ka ba.” “Hindi no. Once lang ang encounter namin.”

Tumatawid na kami ni Jet sa may bridge habang naguusap. Di ko parin matanggal sa isip ko yung ngiti niya. “Feeling ko dahil sa koneksyon nating apat, kasing laki na lang ng Earth ang Pluto.” “Whatever Jet. Nga pala, naging schoolmates ba kayo ni Gab?” “Ha?! Hindi.” “Eh pano mo siya nakilala?” “Maguguluhan ka lang.” “Sige, ano nga?” “Kapatid ko yun.” “K—kapatid?! Anong pinagsasabi mo diyan?! Umayos ka nga!” “Kapatid ko sa labas. Nakwento ko na yung kay dad diba?” Ngumiti si Jet. Yung nakakainis na ngiti kasi alam mong masakit para sa kanya na sabihin yun pero nakangiti parin siya. Oo, nakwento na sa kin ni Jet na may second yung daddy niya, pero may asawa. Basta, nagkalasingan chos kaya ganun. Hay ewan. Ang gulo. Bigla akong nagalala kay Gab… Ano ba yan. Nung hinahanap ko, di nagpapakita. Ngayong di ko na hinahanap, biglang nagpakita. Ay ewan. Ang gulo. Aslkdjasdjaasdjakljdakl. Rawr. Pasikip na ng pasikip yung mundo ko. CHAPTER 4 [Play] “Halos 983 times mo na tinitingnan yang cellphone mo.” “Kailangan talaga definite yung number?!” “Kailangan ang exaggeration para maemphasize ko sayo na para ka ng baliw jan kakatingin sa cellphone mo na parang sa araw-araw na ginawa ni Lord eh wala ka na ginawa kundi tingnan yan.” Tama nga naman si Anya. Halos nakailang tingin na ko sa cellphone ko mula nung binigay sa kin ni Gab yung number niya. Ewan ko ba. Siyempre diba? Inaasahan ko na magtetext siya after kong ibigay yung number ko… Pero hindi parin nagtetext! Kada one message received tingin agad ako, tas nafrufrustrate ako pag hindi sa kanya galing yung text. Wala akong class nung mga panahong yun dahil absent yung prof. After nun, dumating na si Jet. Nilapag niya yung backpack niya sa tambayan tapos may inasikaso. Di ko parin maalis sa isip ko na magkapatid pala sila ni Gab sa labas.

Page 16: Tossed Coin

Ewan. Gusto ko na nga itanong kay Anya kung nagkikita pa ba sila eh. Rawr. Gusto ko na lang sundan si Anya sa tuwing gabi siya uuwi, titingnan ko kung nagkikita sila or whatsoever. Hay. Hopeless. Eh bakit ba! Siya lang ang unang unang naging crush ko ng ganitong katagal, at di ko alam kung bakit di ko matanggal sa isip ko si Gab. Iniisip ko pa lang siya, kinikilig na ko eh. Eh yung makausap pa kaya diba?! “Chi!” Ever since pala nung araw na yun, Chi na yung tawag sa kin ni Jet at ni Anya. “O, bakit?” “Gala tayo mamaya.” “Anong meron?” “Wala. Sine lang tayo, kahit anong pwedeng gawin.” “Si Anya na lang, di ko trip manood. Wala din akong pera.” “Kahit libre ko?” “O, nakakain ka ba ng pinggan at tinidor ngayon at may balak kang manlibre sa kin ngayon? Himala ah.” “Bakit, masama ba?! Di ko alam kung saan ko gagastusin tong swineldo ko.” “Ikaw na ang may scholarship!!!” “Kaya nga. Bago pa ako magbago ng isip.” “Anya, ikaw na lang.”

“Teka, isa lang panlibre ko ah.” “kaya nga, si Anya na lang.” “Pass ako, may gagawin ako mamaya.” Woops. Ayan nanaman si Anya. I wonder kung may gagawin siya. Hay. Ewan. Naguiguilty ako kasi di ko masabi sa best friend ko yung mga nangyayare… Tapos may balak pa kong istalk siya. Err. Ang hirap pala pag di sure sa mga nangyayare. Di ko alam kung may gusto si Gab kay Anya… Eh pano nga kung meron? Ewan. Minsan naiinis nga ko sa mga telenobelang nagpapalaya yung bida para sa kaibigan (pero in the end sila din naman ang magkakatuluyan). Parang, hello! Mahal mo yan, mahal ka niya, bat mo pa ibibigay sa iba?! Sinisigawan ko pa yung tv kung pa minsan. Sa case ko nga lang… di naman ako gusto ni Gab eh. Pero… malay mo. WAAAH! Iniisip ko pa lang siya tumataas na buhok ko sa kilig. Lalo na nung sinabihan niya ako ng cute at nung ngumiti siya sa kin. Mas laman pa ng utak ko si Gab kay sa yung exam ko bukas sa major ko eh. “Sige na nga. Basta, libre mo ah! Wala talaga akong pera.” “ngayon lang ako nakakita ng taong tumatanggi sa grasya.” Tumayo si Anya tapos tumawa. “Hindi mo ba gets Chi?! Ikaw lang ang yinayaya niya. Bakit mo ba ko pinipilit?!” Tapos nagevil laugh si Anya. Ayan nanaman, tinutukso nanaman kaming dalawa. Eh sows, halata naman na ang gusto talaga ni Jet ay si Anya din. “Weh.” “O, may tawag—Hello?... O?... Tapos?... Eh may gagawin ako mamaya… Sa sabado na lang siguro… Tetext na lang kita… Ikaw na ang maraming load… O sige… sige… Bye.” “S—sino yun?” “Si Gab.” Woah. Si Gab!!! Kaso, imbis na matuwa, nalungkot ako. Pano ba naman, may pantawag siya kay Jet, tapos wala siyang pantext sa kin. Out of frustration, in-off ko yung phone ko. “A—anong sabi?” Tumingin sa kin si Jet na parang ineexamine ako kung bakit ko tinatanong. Bigla akong kinabahan kasi andun si Anya malapit sa min.

Page 17: Tossed Coin

“Bat mo tinatanong?” “Natural na kong chismosa.” “Para namang di kita kilala. Nagiging stalker ka lang naman kapag interesado ka sa isang bagay eh.” “Grabe ka naman! Makapagsalita to… Bakit, may stinalk na ko?!” “Oo! Si Rex kaya!” Si Rex, siya yung stalker ni Anya na naiinis si Anya kasi pinipilit siya na mag bf na, eh ayaw nga ni Anya. So ang ginawa ko, stinalk ko at gumawa ng… konting kalokohan lang naman. “H—hindi naman ganon!” “Anyway… tara na?” “Sige.” Kinuha namin yung mga bag namin tapos saka nagbabay kay Anya. Gusto ko ngang pumuntang Psych eh. Pero never pa talaga kami nagkita ni Gab dito sa campus. Siguro, conflict sa mga sched. Umalis na kami para maghintay ng jeep. Ang nakakatawa dun, halos dumaan na lahat ng jeep, hindi parin kami sumasakay. Kabaliw, ano bang mall ang pupuntahan namin?! “Oi! Jinojoke time mo ata ako eh! Halos dumaan na kaya lahat ng jeep!” “Akala ko ba ikaw magdedecide?” “Hindi mo naman sinabi eh! Tara, rob na lang tayo.” “Rob nanaman?! Hindi ka ba nagsawa sa Rob?! Halos araw-araw na natin yung dinadaanan ah!”

Pareho kasi kaming dumadaang Robinsons pero nagkakahiwalay na kami ng way after nun. “Akala ko ba ako magdedecide?! Eh di saan?” “SM North.” “SM North?! Eh ang layo kaya nun! Ang traffic pa!” “Eh kaysa naman Rob. Mas maraming mapupuntahan sa SM North pramis.” Nilabas ko yung piso na bigay ni kuya Ian. “Heads, rob. Tails, SM North.” Toss. Flip. Drop. “Grr. SM.” “Sakto.” May dumaang SM North kaya sumakay na kami. Dun sa univ mejo maluwag. Pero dun sa mismong hiway sobrang traffic. Halos di umaandar yung jeep namin. Pareho kaming hindi nagsasalita. Nakasandal kasi si Jet dun sa jeep dahil andun siya sa dulo. Eh inaantok na talaga ako. Anyway… Pikit na lang… Tulog… At pagkagising ko, nakasandal na pala ako kay Jet. Si Jet, gising nun. Di naman ako iniimik, di man lang ako ginising na nakasandal ako sa kanya. Pagsilip ko, malapit na kaming SM North. “Sarap ng tulog mo ah.” “Eh natural.” Tapos may binulong si Jet. “Ano?” “Wala.” “Di ko narinig!” “Natural. Di ko naman gustong marinig mo eh.” “Anda—” “Andito na tayo.”

Page 18: Tossed Coin

Una niya ako pinababa sa jeep kahit siya yung nasa dulo. Ganun naman lagi yun sa lahat ng babae, ganon siya kagentleman. “Anong gusto mong panuoring movie?” “Kahit anong maganda sa taas.” “Tara, DQ muna tayo.” “Wala nga akong pera ang kulit mo naman eh.” “Ako magbabayad.” Kinapa ko yung leeg niya. “Wow. Nanlilibre ka na ngayon ah.” “Dati pa naman eh. Lagi ka kasing may pera, ngayon ka lang nawalan. Kaya, lilibre na muna kita.” “Yehey!!! May DQ ako!” So yun, pumunta kami sa DQ at umorder ng blizzard. Favorite ko talaga yun eh. Umupo muna kami dun, tapos nagusap ng konti tungkol sa mga nangyare ngayong araw. “Maiba, ano nga pala yung gusto mong sabihin nung isang araw? Halos nakalimutan ko na yun itanong sayo. Buti natandaan ko. Ano ba yun?” “H—ha?” Nawindang ako kasi biglang shift ng topic. Oo nga pala, may sasabihin pala ako kay Jet… Yung si Sef na first love

ko at si Gab na kumpare niya at kapatid niya sa labas ay iisa. Lalo akong nahirapang sabihin sa kanya yung kailangan ko sabihin kasi… Magkapatid sila… Hello! Ngayon nga lang ako nakakita na magkapatid sa labas na close eh. “W—wala.” “Ano nga yun?” “Wala nga! Ay teka, ikaw din diba, may sasabihin sa kin?” “T—teka! S—sabi ko ikaw muna eh.” “O, ano yang paguutal na yan?! Ano nga muna yun?” “Sabi ko diba sabihin mo muna yung sayo bago ko sabihin yung akin?” “Ayoko nga. Baka bawiin mo tong DQ ko.” “Bakit ko babawiin yang DQ mo? Kapag nasabi mo yan at nasabi ko yung akin, kahit ilang DQ pa ang ibigay ko sayo.” “Ang dami mo atang pera ngayon.” “O dali nga.” “Eh ayoko na.” Nawiwirduhan ako kay Jet kasi ngayon lang siya namilit ng ganito. Karaniwan kasi, di naman siya ganun kapilit eh. Nakakatawa nga kasi yung isa naming orgmate na gustong umamin sa kanya, sabi nung orgmate ko may sasabihin daw siya. Tapos nung handa na makinig si Jet, biglang sabi wag na lang daw. Hinayaan lang niya. Kung di talaga niya gusto, hindi niya gusto. Kaya nga nawiwirduhan akong pinipilit niya kong sabihin. Eh ayoko na. Magkakagulo lang. Eh hello… Kapatid sa labas… Anak ng—kung hindi lang ganito kaliit ang mundo naming apat, sinabi ko na sa kanya nung isang linggo pa na si Sef ay si Gab. “Ano—wait may tawag.” Sinagot ni Jet yung tawag. Habang ako, nilalasap lang yung masarap na blizzard. “O bakit?... SM North… O?... Asan ka?... Nasa DQ lang ako… May kasama? Oo meron… Sige… Sige…” “Sino yun?” “Wag mo nga ibahin yung usapan. Sabihin mo muna yung gusto mong sabihin.” “Ang wirdo mo. Bakit ba gustung-gusto mo malaman?!” “Anong wirdo dun?!” “Eh di ka naman kasi mausisi.” “May masama bang malaman.” “Para sayo masama.” “Bakit nga? Malay mo, parehas lang tayo ng sasabihin.” “Hindi to parehas. Kilala kasi kita.” “Tingin ko parehas lang, o baka pakiramdam ko.”

Page 19: Tossed Coin

Hay nako. Ang kulit ni Jet. Sabing hindi nga parehas! Sasabihin din ba niya sa kin na si Sef at Gab ay iisa?! Sasabihin din ba niya sa kin na yung matagal na niyang gusto ay si Gab, na yung kapatid niya?! Ang kulet!!! Maawa ka Jet. Hindi talaga parehas!!! “Eh kasi—“ Bigla niyang kinuha yung DQ ko, kung kailan naman takam na takam ako sa DQ ko. “Oi!!! Anong pagblablack mail yan?!” “Sabihin mo muna.” Ayoko tumayo, kasi ayoko gumawa ng commotion sa loob ng DQ. Inaabot ko yung blizzard mula sa kinauupuan ko. Nakakahiya nga kasi mejo pinagtitinginan ako. “Fine.” Umupo ako tapos ngumiti na parang „mapipilitan tuloy ako sabihin sayo na crush ko yung kapatid mo‟ na ngiti. Anyway, wala naman akong choice, naglalaway na ko sa blizzard. “Okay. Naaalala mo ba yung lalake na gusto ko dati?” “Yung… Sef?” “Oo.” “Wag mong sabihing nakita mo na siya?”

“Uhm… Well…” “Sabi ko kalimutan mo na yun diba?” “Oo nga…” Hindi ko talaga masabi. Sabagay… Nakalimutan ko na yung „Sef‟ dahil anjan na si Gab… Parang kakakilala nga lang namin eh… So, technically, parang nakalimutan ko na si Sef, at si Gab na yung gusto ko ngayon. “May… Gusto akong… Uhm… Di ko alam kung bago?” Ngumiti si Jet. Nakakaasar kasi eto na. Sasabihin ko na… Mangaasar pa yung ngiti. “O, sino yun?” Huminga ako ng malalim… “Si—” Tapos biglang may tumakip ng mga mata ko. Anak ng. Kung kailan naman malapit ko na sabihin kay Jet eh!!! Baka si Anya siguro to. Kaso, bat parang ang laki ng kamay? “S—sino to?” Di nagsasalita yung tumakip sa mata ko. Impusible namang si Jet to kasi nasa harapan ko siya. Sino naman to? Baka naman kaorg namin. “Jet! Sino ba to?!” “Uh… Bawal ko daw sabihin eh.” “Kuya Miguel? Kuya Greg? Tonits? Anak ng… Sino ba to?!” Tinatanggal ko yung kamay pero ayaw talaga tanggalin. Ang higpit ba naman ng pagkakatakip sa mata ko eh. “Clue!” Tapos nagehem yung tumakip ng mga mata ko. ―Isang nilalang na cute na cute sayo…‖ O. M. G. Di na ko nakapagsalita. Parang lahat ng cells ko pumunta sa puso ko tapos bigla na lang akong kinabahan ng tunay. Natural, kilalang kilala ko yung boses na yun…

Page 20: Tossed Coin

Pero ayos lang ba na sabihing… Ikaw… Ikaw yan Sef? Natural hindi. Eh yung… Yung taong matagal ko na hinahanap at kinababaliwan? Mas hindi. Fine. No choice… “G—Gab?” Tapos inalis na niya yung mga kamay niya sa mata ko. GRABE. Eh yung ang gwapo niya, at nakaporma pa siya?! Bat siya andito?! Meaning… Siya yung kausap ni Jet kanina sa telepono? Hala! Eh pano kung kanina pa siya nasa likod ko at naririnig niya yung mga sinasabi ko?! “A—anong ginagawa mo dito?!” “Namamasyal. Nagkataon lang na andito pala tong nilalang na to.” Sabay turo kay Jet.

“Bat ka kasi sumunod?!” “Sabing andito lang ako eh. Tsaka, magpapasama ako… Diba?! Kinalimutan mo na.” “Oo nga pala. Wrong timing ka naman eh!” “Bakit?!” “Naguusap kami nito.” Bigla akong kinabahan dahil ang topic namin kanina ay nasa harapan ko na ngayon at katabi pa ni Jet. Naloloka ako. Biglang naging triple yung tibok ng puso ko na parang nagmamakaawa na sana walang masabi si Jet kay Gab tungkol sa mga pinagsasasabi ko. “Ahm, Jet. Never mind. Next time na lang.” “Ano ulit? Sino na?” WAH! Jet! Manahimik ka pleeeaaase!!! “W—wala! Sasabihin ko na lang sa susunod.” “Sabagay… Kesa naman sabihin mo na may epal.” “Grabe naman tong isang to. Pinagtatabuyan mo na lang ako lagi.” Nakakatuwa sila magasaran. Para silang magkabarkada lang. Kung tutuusin, diba dapat nagaaway sila? Sabagay, nagstestereotype ako. Kwentuhan lang pagkatapos nun. Yung mga mata ko nakatingin lang sa blizzard na kanina pa ubos. Kinakagat ko na lang yung kutsara ko. Nakakakilig. Bigla na lang siya susulpot na parang… Di kaya destiny to?! Oo, tama. Destiny nga to. Hay nako. Wag ka kasi masyadong magassume. Destiny your face. “Tara, nood na tayong sine, Chi.” “A—ay. Oo nga p—pala.” Napatingin sila sa kin kasi nauutal ako. Kamote naman oh. Hoi puso! Tumigil ka nga muna sa kakatibok ng mabilis!!! Kinuha ko na yung bag ko. Ayoko palagpasin yung pagkakataong to kung san kasama ko si Gab. Pwede kaya? Sige na go na Chi. Imbitahan mo na… “G—Gab.” Humarap siya. Nakatalikod kasi silang dalawa sa kin. Naguusap sila. “Gusto mo… sumama?”

Page 21: Tossed Coin

Ngiti. Ay. Eh yung nakakaloka siya?! Umayos ka Chi! Umayos ka!!! Behave okay. Behave. Mamaya ka na magwala kung di mo na siya kasama. “Ayos lang ba?” “May magagawa ba ko? Inimbita ka na niya eh. Pero siya lang ang libre ko ah?!” YES!!! YES TALAGA!!! Pumunta ako sa kanila na di ko matago yung ngiti. Nasa gitna nila akong dalawa at nagkwekwentuhan tungkol sa buhay. Kinikilig talaga ako… Nakakainis. Itago mo naman ng konti yang ngiti mo. Hay. Bigla tuloy ako naconscious… Kung alam ko lang na pupunta siya eh di sana nagpaganda ako ng konti. Mukha lang akong nakapambahay na tambay sa kanto. Bumili kami ng tickets tapos pumasok na kami sa sinehan. Ui, madilim. HAHA. Baliw ka talaga Chi. Anyway… Next step, tabihan mo na lang. Haha. Pastyle style ka talaga. Kaso, nagulat kami nung sobrang daming tao sa loob. Sabagay, ngayon yung first show, natural lang na maraming tao. Now… San kami uupo? Sakto, may nakita akong tatlong upuan. Kaso, may isang nakahiwalay, kasi may nakaupo dun na isa. “Ayun o. May upuan.” “hiwahiwalay yan eh. Wala na bang iba?”

Tumingin kami sa paligid. Kaso wala talaga. “Sige dito na lang.” Una akong pumasok tapos si Gab. Dun kami sa dalawang upuan. Nakakatuwa nga nung sa tabi ko siya umupo. Akala ko kasi magpaparaya siya para kay Jet (naks, magpaparaya ba naman yung term?!). So si Jet yung umupo dun sa isahan. Ayun, so the movie started. Di ako makapagsalita. Wala akong macomment. Basta tatawa ako kung kailan kailangang tumawa. “Ui…” “A—ano?” “Di ka nagrereply sa kin.” “Ha?! Eh di ka naman nagtetext eh!” “Weh? Nakailang text na kaya ako sayo!” Tapos pinatingin niya sakin yung mga sent messages. “Hala, patingin nga ng number ko sayo.” Pag tingin ko, mali ng isang digit yung number ko. Rawr. Kaya pala! Eh di dapat matagal na kaming magkatext! Hay. Anyway, at least diba. RAWR. Eh yung kinilig ako dahil nalaman kong nagtetext pala siya? Wee. Ang saya ko naman. “Mali. Palitan mo ung 7 ng 8.” “Kaya pala di ka nagrereply.” Tapos tuamawa siya. Hay. Gusto kong sabihin ang kayut mo. Pwede bang manuod ako ng sine lagi na kasama ka?! Pero siyempre, ang kiri naman nun. Tsaka, building pa lang ang kung anong friendship meron kami ngayon… Excited na tuloy ako mag next month… at next year… Baka magkaroon ako ng chance para mahawakan yung kamay niya… WAH!!! Maghulus dili ka day!!! Wag ka magimagine!!! Ayan o, nangingiti ka nanaman. Wag mo naman ipahalata. Itago mo naman ng onti! “Err… Ang lamig.” Pramis, totoong malamig. Hindi ako nagpaparinig sa kanya… Well… 10% mejo…

Page 22: Tossed Coin

“Nilalamig ka?” “Oo. Mejo. Pero ayos lang.” “May jacket ako.” “Ay hindi… Sige ayos lang.” “Ano ka ba. Ayos lang.” Tapos hinubad niya yung jacket niya at binigay sa kin. WAH. This is it. This is it! Anyway. Ang saya ko na binigay niya sa kin yung jacket niya… Nasuot ko pa! O diba, bonggacious. Lord, maraming salamat po sa araw na to… Hay. Okay… Kalma… Kalma… Natapos yung movie na suot ko yung jacket niya at nagtatawanan kaming dalawa. Pagkatingin ko kay Jet, ayos lang naman siya. Pero siyempre, mas okay kung magkakasama kaming tatlo. Nilibre pa naman niya ko, kailangan ko bumawi. Lumabas kami ng sinehan tapos bumili lang kami ng waffle. Pumunta na kami dun sa sakayan at umuwi na kaming tatlo. Dun ulit sa may katipunan, nung patawid na kami ng bridge nagbabay na kami sa kanya. “Ui, salamat ng marami sa oras. Pasensya na, nakaistorbo ako.” “Hindi no. Ayos lang samin ni Jet yun.” “Oi, pakikamusta ako kena tita.” “Sige, sasabihin ko yan.” “Chi…” “Mmm?”

“Text na lang kita.” Nagbabay siya sa min na kinikilig ako. Tumawid kami ng bridge ni Jet at nagkwentuhan. Ang saya ko. Sana maulit. Sana— “Nga pala…” “Bakit?” “Kanino yang jacket na yan?” WAH. YUNG JACKET NIYA!!! “Hala! Oo nga pala!” “Akin na. Ako na lang—“ “Ay hindi ako na magsasauli. Kasalanan ko eh.” Nakalimutan kong isoli yung jacket niya. Kaasar. Anyway, ganyan talaga ang buhay. At least… TOOT TOOT. TOOT TOOT. Sayo muna yang jacket ko. At least may dahilan para magkita tayo ulit. Hehe. –Gab At least… May dahilan para makita kita ulit… CHAPTER 5 [Square] Bawat araw na magkatext kami, kinikilig ako. Actually, ang nakakatawa, kung kailan lang siya magtetext, dun lang ako maguunli. “Nakatutok ka nanaman sa cellphone mo.” “Ay wala.” “Sabi ni Gab, magkatext na daw kayo ah.” “Ahm… Oo.” “May gusto ko sa kanya no?” Pang ilang araw na din kinukulit ako ni Jet sa tanong kung may gusto ako kay Gab. Ayokong sagutin, kasi pag tinatanong niya yun, andun si Anya. “Talaga, may something na kayo ni Gab?” “Oi Anya hindi ah! Wala lang to. Magkatext lang kami.” “Buti pa siya nirereplayan mo. Tapos ako hindi.”

Page 23: Tossed Coin

“Nagkakataon kasi na kapag nagtetext ka bes, di ako unli.” “Bespren na ko sa lagay na to ah. Tapos yan, bagong salpak lang sa buhay mo. Selos ako.” “Ayan ka nanaman Anya. Nalelesbi ka nanaman kay Chi.” Yun yung tukso namin pag nagiging protective sa kin si Anya. Haha. Pero hindi naman. May crush din yang babaeng yan… Mga tipong unreachable… As in John Mayer. Mga ganun. Hinila ako ni Anya papunta sa garden. Akala ko naman may something sa org or what. “Kamusta na kayo ni Jet?” “Ha? Ayos naman kami.” “Hindi pa ba kayo?” “Anong kami? Hindi kami!” “Weh?! Akala ko kayo na!” “Baliw ka talaga Anya. Hindi lang 5 days ang panliligaw no. Tsaka, bakit ba ang kulit mo. Ikaw ang gusto ni Jet. Pramis!” “Haynako bes. Basta pag naramdaman mo ng may gusto ka kay Jet, sabihin mo lang sa kin okay?” Bakit kaya? Di kaya… Gusto ni Anya si Jet? Pwede… Cute naman sila eh. Actually… Di ko alam kung may gusto ako kay Jet. Pero aaminin ko, di ako sanay na di siya nakikita. Di kumpleto ang araw

ko pag di ko siya nakakasabay paguwi. Nasweesweetan ako pag may ginagawa siyang kasweet sweet sa kin. Pero… Sa tuwing iniisip ko si Gab, nafeefeel ko na hindi pa si Jet yung gusto ko. “Eh. Ang gulo eh.” “Bes, ang nakaraan. Nakaraan. Alam mo, pag nakita mo yang Sef na yan, sigurado ako na sasabihin mong in love ka. Pero alam kong hindi. Dahil nakakulong ka sa kung ano mang nangyare nung isang araw na yun.” Si Anya, kung magsalita, alam kong may something sa kanya. Convincing… Pero di ko masabi kay Anya na nakita ko na yung Sef na sinasabi ko… At eto. Kinikilig ako everytime na magtetext siya and stuff. TOOT TOOT. TOOT TOOT. Pwede ka ba mamaya? Mga 2:30? Punta tayong Gateway. Kung ayos lang sayo… WAH!!! Iniimbita na niya ako lumabas ngayon. Lumelevel up na kami. Halos dalawang buwan na nga kami magkatext. Minsan nagkikita kasama ni Anya at ni Jet. Kumakain lang kami sa mcdo kaming apat. At natutuwa talaga ako sa tuwing magkakasama kami… Kapag nagkakasama naman kaming apat, mukha naman siyang normal kay Anya. So… Pwede ako? Haha. Okay yun. Para masaya. Kaso, may clas pa ako ng 2:30 to 4. Ay dibale na… Wala pa naman akong absent dun. If ever, ngayon pa lang. Yep. Okay ako. Yehey. Kita kits na lang dito sa educ. “hay… Gusto ko ng hersheys…” “Chi.” Pumunta sa kin si Jet maya maya. Di ko alam kung anong meron. “Anong gusto mo ng hersheys?” “Nagcrave ako sa chocolate bigla.” “Mmm, pwede ka ba mamaya?” “Ha? Bakit? Ahm… Di ako pwede eh. Mga gabi siguro?” “Punta ako sa niyo. Kukunin ko yung Leithold. Tapos… Tatambay na din ako sa playground.” Yun yung playground dun sa baba ng street namin. One time kasi nung magkakagroup kami sa isang major namin, pumunta silang dalawa ni Anya sa bahay namin. Tapos tumambay kaming tatlo sa playground na yun at super nagenjoy kami.

Page 24: Tossed Coin

Mula nun, gusto na niya ulit tumambay dun. “Sure ka?! Anong gagawin mo dun?” “Sabado naman bukas eh. Lalaruin ko si Fluffy.” Si Fluffy yung aso namin. Favorite siya ni Fluffy eh. Kapag pumupunta silang dalawa ni Anya, sasalubong agad yung aso namin. Tatalon pa kay Jet. “Mmm, ikaw bahala. Mga 5 pa siguro ako makakabalik ng bahay.” “O sige. Ayos lang. Diretso na ko dun?” “Yep.” “San ka ba pupunta?” “Ahm ano… Iniimbitahan lang ako ng friend ko.” “Sinong friend?” Woaps. Di ko alam kung bakit ayoko magsabi ng kahit ano tungkol kay Gab sa kanilang dalawa ni Anya. Saka na lang ako mageexplain after… Buti na lang may nagimbita sa kin mag pusoy dos kaya nag pusoy dos muna ako. Naiwasan ko yung tanong ni Jet. Nung mag two na, kinuha ko na yung bag ko. “O, san ka pupunta? Diba may class ka pa?”

“Magaabsent ako.” “Hoi Chi! San ka pupunta aber?!” “Please bes?! Sige na…” “San ka muna pupunta? At bat di ko alam yan? May someone ka na ba ngayon?” “Itetext ko na lang sayo later. Jet, text ka pag nasa amin ka na ha?” “Sige. Ingat ka.” Tapos umalis na ko. Nagtext ako kay Gab na sa psych na lang ako maghihintay kasi delikado pag nakita ako ni Anya at ni Jet. Nung nakita ko na siya, bumilis na yung tibok ng puso ko. “Oi!” “O, anjan ka na pala.” “Tara?” Tas pumunta na kami dun sa katips jeep ng sobrang bilis. Ayoko kasing makita ako nina Jet at Anya. Di ko alam kung bakit. Siguro dahil… Ayokong isipin nila na may something kami? Eh ano naman kung isipin ni Jet na may something kayo? Eh ano naman kung isipin ni Anya na may something kayo? Yung kay Anya kasi… Kikilitasin niyang mabuti? Pero yung kay Jet… Bakit nga ba ayokong sabihin kay Jet? Di ko alam. “Bakit ayaw mo sabihin kena Jet na gagala tayo?” “Uhm… wala lang.” “May gusto ka kay Jet no?” Natameme ako sa sinabi ni Gab. Di ko alam yung isasagot ko. Di ko naman talaga alam kung may gusto ako kay Jet eh… May gusto na ba yung gusto kong lagi siyang nakikita? Parang hindi naman. Pwede namang kaibigan yun diba? “Tingin ko naman wala.” “Bat di ka sigurado? Nakakatawa ka talaga.” Pinat niya ko sa ulo at dun ako nakaramdam ng sobrang kilig. Napangiti ako, at napatalon pati yung puso ko sa sobrang saya. “A—ano palang gagawin natin sa gateway?”

Page 25: Tossed Coin

“Usap lang.” WAH. Maguusap daw kami! Ayos yun, ang saya! Ang galing naman. Parang nung isang linggo lang nung nagkita kami sa mcdo at nung isang linggo lang kaming magkatext. Ngayon, maguusap na kami. Eton a, umuunlad na ang aming relationship status! From single to its complicated? Chos. Ang feelingera mo naman Cherry pie pikachu. Wag ka kasi magisip ng kung anu-ano. Sa ngayon, cherish the moments with him… Pumunta kami sa gateway tapos sinamahan ko siya sa artwork. May tinitingnan siyang damit. “Anong hanap mo?” “May hinahanap akong damit…” “Naalala ko, si Anya, gusto niya yung mga damit dito.” “Talaga?” “Yep.” “Tulungan mo nga ko pumili ng damit para sa babae…” “Bakit?” “Ipangreregalo ko lang…” Tinulungan ko si Gab maghanap ng damit. Tas nung biglang naghahanap kami sa iisang set ng damit… biglang…

TOUCH. OMG!!! Bigla akong ginoosebumps dahil nahawakan niya yung kamay ko. Napatawa ako nung di naman niya yun napansin. Tapos nakita niya na ngumiti ako. “Bat ka nangiti?” “Ah w—wala naman. K—kasi… Naalala ko tong… shirt na to. Parang bagay kay Anya.” Sabay labas ng isang random shirt na napulot ng kamay ko. Kaso ang fail. Ang nakalagay kasi put your trash here. Tinapay naman. Tapos tumawa siya. “Yan?! Bakit?!” “Ano… kasi… Mahilig… siyang… magtapon ng basura.” Sige. Magpalusot ka pa Chi. Lalo kang napaghahalataan niyan eh. “Okay ka lang ba?” Nagulat ako nung bigla siyang lumapit sa kin para kapain yung noo at leeg ko. GRAAABE. Eton a ang pinakamasayang araw sa buhay ko!!! “Ano… Ahm… Okay lang naman.” “Sige tara na. Next time na lang tayo bumili. Starbucks na lang tayo.” Pumunta kami ng starbucks. Natutuwa ako kasi nagkwekwento lang siya ng tungkol sa mga prof niyang cheber, at ako, nakikinig lang. Well… actually hindi talaga ako nakikinig. Nakatingin lang talaga ako sa kanya while appreciating him in all his glory! Charot. Ano ba yun. Ang kiri. I wonder kung ako lang ba ang gantong babae na ganto din ang nararamdaman pag kasama nila yung crush nila… Or ako lang tong ganito? Anyway. Nung nasa starbucks kami, nilibre niya ako ng kape tapos usap ulit tungkol sa mga pangyayare sa buhay. “After ba nung… pagkamatay ni Ian naging okay ka na?” “Siyempre hindi… Matagal ako bago ako nakarecover.” At matagal din bago kita nakita. “Talaga? O, kamusta naman ang buhay?” “Ayos naman. Nagsusurvive pa naman.” “May… someone ka na ba?” “S—someone?!”

Page 26: Tossed Coin

Ang ibig niya ata sabihin ay… boyfriend… BOYFRIEND?! Ayan naaaaa!!! Tinatanong na niya ko! Aysows. Kung alam mo lang kung bakit wala pa… Bukod sa wala naman talagang nagkakagusto sa kin… Ikaw lang naman kasi hinihintay ko. “Wala no. Di naman ako maganda para magkaron ng someone kuno.” “Loko ka ba? Ang ganda mo kaya.” Wag mo ko pakiligin. Baka masabi kong ang cute cute mo eh. “Hindi no. 300-300 grado ng mata mo no?” “hindi naman. 25-75.” “Malabo na yan.” “Totoo naman sinasabi ko. Impusible, wala ka pang nagugustuhan?” OBVIOUS BA?! Nasa harap ko lang naman yung gustung gusto ko. “Wala no… Studies muna.” Bulaan ka talaga kahit kailan Chi. Studies pala ha…

“Astig o.” “Tsh. Hindi no.” “Anong tingin mo kay Jet?” “K—kay Jet?” Bakit ba kailangan mapasok si Jet sa usapan? Gusto kong sabihin sa kanya na di ko talaga alam kung gusto ko si Jet. Di ko alam. Ang tanging alam ko lang… Masaya ako pag kasama ko si Jet. Kumportable ako pag si Jet ang kasama ko. Di ako sanay pag di ko nakikita si Jet sa loob ng isang araw. Gusto ko, pag nagkaroon ako ng magugustuhan… Isang tulad ni Jet… HA?! Hoi. Maghulusdili ka. Eh yung ang gulo ng utak mo?! I mean… Ang ibig kong sabihin… Sweet, tulad ni Jet. Maalalahanin tulad ni Jet… Napabuntong hininga ako. “O, bakit?” “Ewan.” “Ewan na?” “Ay wala wala.” Napa sip ako dun sa starbucks ko. Bat ba ko nagkakaganito? Hoi Chi. Alam mo naman kung sino yung gusto mo diba? Bat ka naguguluhan ngayon? Ang wirdo mo. Iumbog kita sa pader eh. Si Gab. Si Gab ang gusto mo. Si Gab. Si Gab. “Chi?!” Drop. Nagulat ako kasi may nahulog na piso. Pero mas nagulat ako nung biglang hinawakan ni Gab yung kamay ko na halos mabulunan ako dun sa iniinom ko. Inubo ako ng paulit ulit na halos mapaiyak ako. “Ui? A—ayos ka lang?!”

Page 27: Tossed Coin

Nung tumahan na ko, saka ko sinabi na ayos lang ako. Pumunta ako ng banyo tapos naghugas ng muka at nagpunas. Siguro nga… Gusto ko si Jet in some way… Pero alam kong iba talaga tong kay Gab. Yung bigla bigla na lang bumibilis yung tibok ng puso ko? Ewan. Bumalik ako dun sa inuupuan namin na composed na. Binigyan niya ko ng tissue tapos nagsip ulit ako sa frappe ko na malapit na maubos. “Akala ko nakakain ako ng tinidor.” Tumawa si Gab. Ang cute talaga ng tawa nito. Tama… Tama… Si Gab talaga ang gusto ko. Nabibigla at nawiwindang lang ako kapag tinatanong ako kung gusto ko din ba si Jet. Tama… Tama… “Salamat sa oras ha?” “Wala yun. Sana may next time.” “Oo naman. May next time talaga.”

Nung paalis na kami, kinarga ko yung bag ko. Magiging normal n asana ko nung biglang… Inakbayan niya ko. Nanlaki yung mga mata ko at parang naging robot yung mga paa at kamay ko. Di ako makakilos ng mabuti dahil sa akbay niya. Kamote… Di ako nagsasalita habang akbay niya ko, pero nagkwekwento siya. Ang nasasabi ko lang, „aaah…‟ „talaga…?‟ „hindi nga…?‟ mga simpleng ganon lang. Pero sa totoo lang, hindi talaga ako makapagsalita. Hinatid na niya ko sa may sakayan. Malapit na daw kasi yung bahay niya dun, isang tricycle na lang. Ako, isang mahabang byahe pa. “Salamat ah?” “W—wala yun…” “next time ulit.” “S—sure.” Di ako sigurado sa ginawa niya pero… Parang hinawakan niya yung labi niya tapos nilagay niya sa noo ko sabay kindat. ANAK NAMAN YAN NG PATIS. WAG MO KO PAKILIGIN PLEASE!!! Tapos nung tumalikod siya, naglipsync ako ng „labyu‟ pero natural di niya yun nakita. Nakangiti lang ako ng sobrang laki. Feeling ko naman alam nung mga kaharap ko na may gusto ako sa kanya… Sa laki ba naman ng ngiti kong yun eh… Nung mga moment na yun, gusto kong yugyugin yung jeep dahil sa kilig. Amp amp!!! Sana… sana talaga si Gab na to. Rawr. Wala pa naman akong first eh… Pero… magiging masaya talaga ako kung si Gab yun. Nagtext ako sa kanya ng „ingat ka‟ pero di na siya nagreply. Ayos lang… Masaya lang talaga ako. Masayang masaya… Masayang masaya talaga… Mejo seven na ng gabi nung nakauwi ako sa bahay. Kakatok na sana ako ng gate nung may nakita akong pamilyar na hugis ng katawan na nagswiswing sa playground… Di masyado malinaw yung mata ko eh… Pero…

Page 28: Tossed Coin

Parang kilala ko siya. Lumapit ako, tutal dalawang bahay lang naman yung layo ng playground mula sa min. Nagulat ako sa nakita ko… ANDITO PA SI JET. “Jet!” Napatingin si Jet sa direksyon ng boses ko tapos tumayo. Tumakbo ako papunta sa kanya kasi nakalimutan ko na may usapan nga pala kami na isasauli ko yung Leithold niya. “bakit mo pa ko hinintay? Sana sinabi mo na lang kena mama na kukunin mo yung libro mo.” “nakuha ko na…” “Eh, bakit ka pa andito?” “Ano…” “Ano?” “Wala lang. Gusto lang kita, madalaw.” Ano? Nawirduhan ako sa sinabi ni Jet. Natawa pa ako. “Baliw. Eh nagkita naman tayo kanina.” “Oo na. Aalis na nga eh.”

May something kay Jet na ikinabobother ko. Ayoko ng ganitong feeling. Ayoko pa naman nakikita si Jet na ganyan. Mula nung nagkakilala kami, anjan siya lagi pag naiiyak ako. Nagiging punching bag ko pa siya pag nagagalit ako. Kailangan ko pa bumawi dun sa sine. “Ui Jet, may problema ba?” Tumakbo ako papunta sa kanya. Humarap naman siya sa kin, pero di siya nakatingin sa kin. Sa langit siya nakatingin. Napatingin din ako tuloy ng di oras. “Mmm… wala naman. Nagkita pala kayo ni Gab?” Mula sa pagkakatingin sa langit, napatingin ako kay Jet. WOAH. Pano niya nalaman yun? “P—pano…” “Nagtext siya sa kin.” “O?” “Stig.” Pat. May feeling of comfort nung pinat niya yung ulo ko tapos ginulo niya yung buhok ko. Ewan. Parang hibang… pero basta. “Sige alis na ko.” “Uhm… O sige…” Andun na kami sa tapat ng gate namin nung tumalikod siya para magpaalam. Tatalikod narin sana ako nung bigla siyang humarap. “Chi.” “Uhm… o?” Tapos may binato siya sabay talikod. Pagtingin ko sa plastic… Hershey‘s chocolate. Nagulat ako dun sa nakita ko. Pagtingin ko, mejo malayo na siya. Papaliko na nga siya dun sa sakayan ng service. “Thank you!!!”

Page 29: Tossed Coin

Sumigaw na lang ako ng malakas. Inangat na lang niya yung mga kamay niya na parang „sige‟. Tiningnan ko siya hanggang sa di na siya abot ng mata ko… Bakit parang… Bigla akong nalungkot? Pumunta ako sa kwarto. Di ko alam, mejo napagod ako ng onti sa araw na to. Tatlong tao ang nasa utak ko ngayon. And with that… Napacoss toin nanaman ako. CHAPTER 6 [Squiggle] Nung susunod na linggo, hindi nagpakita si Jet sa tambayan. Ewan, parang naging malungkot yung mga araw na yun. Hindi sa may gusto ako sa kanya… Pero… Hay ewan.

Siguro nakokonsensya lang ako? Tama. Nakokonsensya lang ako. Nagtetext ako kay Jet tuwing yayayain namin siya ni Anya kumain sa mcdo. Pero di siya nagrereply. Nagaalala na nga ako. Baka may dengue na yun o ano. Ano na kayang nangyare dun? “ikee. Nagaalala na o.” “Masama bang magalala sa kaibigan?” “Ashoo. Kaibigan daw. Puntahan mo na kaya?” “Di ko alam bahay niya…” “Pero siya alam niya bahay mo?” “Ikaw din naman eh.” “Natural, nakapunta na ako sa inyo. At nakapunta ka na sa amin.” “Eh never pa naman nagpapunta sa bahay si Jet eh.” “Ang dami mong dahilan. Bahala ka. Sinasabi ko sayo… May mga taong akala mo di mo gusto makuha ay yung gusto mo pala talaga makuha sa bandang huli. May mga tao na yung gustong makuha ng iba sinusuka naman ng isa, kaya sinusuka din siya nung gusto niyang makuha.” “Ikaw na ang love adviser na walang love life.” “Akala mo lang kasi wala akong love life. Underground kasi ako.” “So meaning, meron ka na talaga?!” “Wala no! Ano ka ba.” Isa sa mga di ko mahulaan sa best friend ko ay kung may gusto na ba talaga siyang tao. Di ko alam kung sinong gusto niya eh. Magkasabay kami ni Anya na naglalakad sa may sunken nung napagusapan namin si Jet. “Asan na kaya yun?” “Ewan. Di ko alam actually.” “Ano ba kasing ginagawa mo sa kanya ha, Anya?” “Teka, bakit ako ang nasali sa usapan?” “May gusto yun sayo.” “Sakin?! Sayo kaya.” “Sayo.” “Sayo.” “Eh basta. Sayo yun.” “Kung sa akin siya may gusto, kung aamin man siya, sasagutin ko na yun.” Nagulat ako sa sinabi ni Anya, kasi never pa niya sinabing may sasagutin siyang lalake. Kahit nga yung pinakacute ng lalake sa kabilang org napaligaw niya sa kanya. Si Jet pala ang makakapagpabf dito? “S—seryoso?!” “Oo nga. Ang problema, may iba siyang gusto. To be more correct, hindi siya umaamin.”

Page 30: Tossed Coin

“Ako magsasabi kay Jet! Waaah!!! Kinikilig ako!!! Teka, bat mo siya nagustuhan?” Curious talaga ako kung bakit nagustuhan ni Anya si Jet. “Teka, di ko talaga siya crush okay? I mean, sa lahat ng lalake, siya yung pinakatype ko.” “Eh bakit nga?” “Alam mo bang… Eh wag na nga.” “Anya naman o! Sige na!!!” “Wala. Wag mo na pansinin.” “Sige na bff!!!” “Woo. Tinatawag mo lang ako niyan kapag may gusto kang malaman tungkol sa kin.” “Eto naman. Sige na!!!” “Okay fine… Kasi nung… Umalis ka? Yung… huli nating kita kay Jet?” “O? Ano nangyare?” “Mga halos 8:30 yun eh…” 8:30? Naisip ko, halos pagkatapos lang nun na pumunta si Jet sa bahay namin. “O, anong meron?” “Nagtext kasi ako sa kanya. Well, actually, sayo din. Kaso naunang nasend yung kanya, eh piso na lang pala yung load ko.” “Tapos?” “Inaway kasi ako ni mama dahil nabasag ko yung baso sa bahay… Eh kakauwi ko lang galing boarding house nun

tapos papagalitan agad ako…” “Ano ba yun! Parang baso lang eh.” “Eh kasalanan ko naman talaga.” Si Anya, kung may perpektong babae, siguro siya na yun. Pero alam ko namang walang perpekto sa mundo. Basta nasa kanya na lahat eh. Mabait, matalino—consistent cs ba naman at scholar pa, mayaman, talented… maganda. Hindi ko masabing opposites kami. Mabait naman ako ng konti, matalino din ng konti, nakapasa ako dito sa univ na to. May kaya lang, kahit papano may talent at di ko alam kung maganda ako dahil si Anya lang naman ang nagsasabi na maganda ako. Kumbaga, a little bit of Anya. Di ko nga alam kung pano kami naging magkaibigan nito eh. Eh ako pa naman yung tipong childish na nilalang nung high school, makwento… Tapos siya may finesse, mapili sa mga salita… Basta poof. Naging seatmates and classmates forever na mula nung second year kami. “Ikaw na ang mabait na anak.” “Ayun. So, wala akong maiyakan… Tinatawagan kita sa bahay niyo pero wala ka pa daw dun.” “Andun na ko ng 8:30!” “Mga 7 siguro kasi ako pinagalitan. Basta mga ganong oras.” “Ah, wala pa nga ako nun.” “So tinext ko din si Jet.” “Ano sabi mo?” Tapos pinakita niya sa kin yung sa sent messages niya. Hay. Nagkamali nanaman ako. Pwede ka bang tawagan? :-( “Dapat sa inyong dalawa yan kaya parang general yung text ko. Eh alam mo namang di ako matelebabad diba?” “True.” “Tapos nagulat ako nung nagtext siya. Eto…” Pinakita niya yung inbox niya, yung tinext ni Jet sa kanya. Tatawagan kita. Malungkot din ako ngayon eh. Ayos lang ba? ;-) “Alam mo, nung tinext niya sa kin yan, di ko alam kung bakit ako kinilig.” At di ko naman alam kung bakit ako nalungkot… Siguro dahil umalis siya sa bahay na malungkot, ako nga kaya yung dahilan nun? Malamang, nakalimutan ko ba naman umuwi ng maaga para kausapin siya… Siguro… Siguro yun nga ang dahilan.

Page 31: Tossed Coin

“Nung tinawagan niya ko, ayun. Usap usap. Siyempre umiyak din naman ako. Tapos maya maya, may nagdoor bell. Tapos… Si Jet pala.” Ngumiti si Anya ng sobrang laki. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ng ganyan na parang in love. Matagal naman na naming kilala si Jet, halos isang taon na din. Isa na din kaya siya sa mga makikifederasyon? “Woah?! Si Jet?!” “Oo.” “Tapos?” “Nagulat ako. Tapos… binigyan niya ko ng chocolate… ng 2 hershey‟s chocolate.” 2?! Sa loob ko, di ko alam kung bakit mejo kumikirot… Natural lang na dalawa yung ibigay niya kay Anya kasi… Kasi gusto niya si Anya… “T—talaga? Wow. Ayan na Anya, nagpaparamdam na siya sayo! Sabi ko sayo eh. May gusto talaga yan.” “Sabi niya, napadaan lang daw talaga siya dito. Eh parang ako, ang layo ng bahay niya sa bahay ko tapos napadaan lang siya diba? Whattcha think?” “True.” “Ayon. Concerned lang daw siya. Eh since sabi niya hindi daw niya naibigay ng kumpleto dun sa bibigyan niya ng chocolate, sa kin na lang daw… Since ako yung mas may kailangan.” Hala… So… Akin talaga… dapat… yun?

“Eh parang ako… Sino naman yung pagbibigyan niya? May alam ka bang nililigawan ni Jet?” “H—ha?! Wala siyang nililigawan. P—pero malay mo. I mean, friend lang. Or, kamag-anak yung bibigyan niya ng chocolate diba?” “Sabagay… Tama ka nga naman.” Papunta na kami dun sa college naming at ang nasa isip ko parin ay si Jet. Gusto ko magsorry, gusto ko lumuhod sa harap niya para humingi ng tawad and all. Baliw talaga ako. Pagkadating namin sa tambayan, andun na si Jet. Napangiti ako, sobrang ngiti. “Uy Je—“ “Jet! Sobrang salamat talaga!” Biglang pumunta si Anya kay Jet tapos umupo sa tabi niya. Ako naman, tumabi ako kay Anya, pero di ko katabi si Jet. “Ano, ayos ka na ba?” “Oo naman. Sobra… Salamat ah? Bakit ka nga pala nawala ng halos isang linggo? Ngayon ka lang namin ulit nakita. May dalawang absent ka na dun sa edfd 116 subject natin.” Magkakaklase kasi kami dun. “Pumapasok ako, pero hindi dito.” “Bakit?” “Eh kasi exam ko dun sa math 54 at physics ko eh, ginagawa kong aral mode yung oras ng edfd.” Advanced ako ng isang math sa kanya, kasi pareho kaming math major. Pareho kami ng physics pero di magkasabay ng sched. Si Anya, English major naman. “Ano… Jet, pasama naman sa blessings. May ipapaxerox lang ako.” “Sakto, sige.” “Chi, gusto mo sumama?” “H—ha? Hindi, dito na lang ako.” Tapos umalis silang dalawa. Ewan ko, pero kumikirot talaga tong nasa loob ko. Bat hindi niya ko pinapansin?! Anong problema nun?! Hanggang sa bumalik sila, kunware natutulog ako pero hindi talaga. Nakikinig lang ako ng taimtim dun sa pinaguusap nila tungkol sa mga nangyare nung nakaraang linggo. Iniisip ko pa kung ikkwento niya yung nangyare nung nakaraang Biyernes, pero hindi naman kwinento ni Jet. Gusto ko na lang maiyak.

Page 32: Tossed Coin

Pero di ko din sigurado kung bakit gusto ko maiyak. Nagbanyo ako tapos nagulat ako nung may nakita ako sa lobby, na sobrang ikinatalon ng puso ko. Sino pa ba? “Gab!” Tapos tumakbo ako papunta sa kanya. “Anong ginagawa mo dito?” “Actually, hinahanap kita.” Hinahanap daw niya ko! Ang saya naman. Pero bakit kaya? Anong meron?” “Bakit?” “Eto oh.” Tapos may inabot siya sa akin na isang box ng red ribbon. Napangiti ako bigla, pero natural na kalahati lang sa akin ang ngumingiti. Ewan. Gusto ko na lang alisin sa isipan ko si Jet. “P—para san to?” “Basta. Kainin mo na lang okay?”

WAH. Ibig sabihin binibigay niya to para sa kin?! Eh yung ang sweet niya! Hay, kinikilig ako. Ayan nanaman yung mga mata niya, katunaw. “Di ka na dapat nagabala. Ayos lang naman ako.” “May nagsabi sa kin na ibili daw kita ng cake, so bumili ako.” M—may nagsabi? “Sino?” “Secret.” “Eh, sige na!” “Bawal nga. Ay teka, pwede ka ba mamaya?” “Oo. Pwede.” “Labas tayo?” Napapangiti ako sa tuwing ngumingiti siya sa kin. Hindi kaya, may gusto din siya sa kin? Chos. Kinikilig ako kapag mutual nga. Eto na ba ang katuparan ng aking mga pangarap? “Oi, Jet, Anya!” Biglang tinawag ni Gab si Jet at Anya mula sa likod ko. Maglalakad siguro silang dalawa papuntang canteen. Eto nanaman, bigla nanaman ako natahimik. “Ui Gab… Ui ano yan?! Ikee. Kayong dalawa ha.” “Anya… Hindi naman.” “Woo. Kayo na ba?” “H—ha? Hindi no!” “Kayo talaga. Ikaw Chi! Ganyan ka naman. Di mo sinasabi sa kin.” “Anya!!!” Nawiwirduhan ako dahil sa iba na ako tinutukso ni Anya ngayon, hindi na kay Jet. Parang ang awkward ng feeling. Tiningnan ko si Jet, nakatayo lang. Walang imik. Nakita ko din na tumingin si Gab kay Jet. “Tol, ayan ha—“ “Gab, pahiram ng notes mo sa chem.” “Baliw. Wala akong chem.” Parang sira tong si Jet. Wala din naman siyang chem, bat nanghihiram siya ng chem?! “Sige, punta na kaming canteen.” “Uhm… O—okay.” Tapos pumunta na si Jet at Anya sa canteen. Habang ako, nakatingin na lang sa kanilang dalawa.

Page 33: Tossed Coin

“Wala ka na bang klase?” “Wala na.” “Ano, tara?” “S—sige.” Kinuha ko yung bag ko sa tambayan tapos umalis na ko kasama si Gab. Kahit papano, masaya ako dahil kasama ko si Gab. Pero… Nabobother ako kasi hindi parin ako pinapansin ni Jet. Nung nasa mcdo kaming dalawa, naguusap lang kami tungkol sa buhay buhay. Nasa isip ko parin kung galit parin sa kin si Jet. Ngayon lang naman siya nagalit ng ganon… “Chi, nakikinig ka ba?” “Uh. Oo. Nakikinig ako.” “Bat parang kanina ka pa tulala?” “Ay hindi. Wala to.” “sabihin mo sa kin, may problema ka ba?” “W—wala.” “Naiisip mo nanaman ba si Ian?” Eto talagang si Gab. Siguro kaya ko siya nagustuhan. Eto nanaman yung concern niya para sa kin. Ngumiti ako tapos tumango na lang. Ayoko naman na malaman niya na nabobother ako dahil galit sa kin yung kapatid niya diba? Mabuti nang iba yung dahilan.

At nung bigla niyang sinabi si kuya Ian, naalala ko nanaman si kuya Ian. Naiisip ko pano kung buhay pa siya ngayon… Siya siguro yung kasama ko ngayon sa mcdo habang kumakain. Hay… Tae. Naiiyak nanaman ako. “Sorry ha. Minsan nga ayoko na isipin si kuya Ian eh… Naiiyak lang kasi talaga ako…” “Tama na… andito naman ako.” Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan yung pisngi ko tapos pinunasan niya. Kumuha siya ng tissue tapos binigay sa kin. Para kaming… kami. “S—salamat.” “Teka nga.” Tumayo siya tapos pumunta siya ng counter. Sinilip ko kung anong bibilhin niya. Napangiti ako nung bigla niya akong binili ng chocolate sundae. “Baliw ka talaga.” “Tama na okay? O ayan, kain na.” Ngumiti siya tapos binigay niya sa kin yung sundae. Napaluha ako lalo, kasi… Para talaga siyang si kuya Ian. Sweet… Pero hindi tulad nung kay kuya Ian, alam kong may gusto ako sa nilalang na nasa harap ko ngayon. Tumahimik yung table namin. Siguro dahil wala na kaming masabi. Kinakain ko na lang yung sundae na bigay niya sa kin. Pagkatingin ko sa kanya, nakatingin siya sa kin. Wag mo ko titigan. Natutunaw ako. “Bakit? May problema ba?” “Wala. Ang cute mo talaga. Para kang bata.” Tapos hinawakan niya yung ulo ko tapos ginulo yung buhok ko. Kahit nagulo talaga, napangiti ako. Bumibilis nanaman yung tibok ng puso ko dahil sa isang hawak nanaman niya. Nung papaalis na kami sa mcdo, at nung magkakahiwalay na kami, ginawa nanaman niya yung panggugulo ng buhok. Natural, di ko masabing „tama na‟ dahil gusto ko naman talaga yung ginagawa niya. Kung pwede nga… ayoko na matapos tong gabing to eh… “Sige, dito na lang. Salamat talaga ah?” “Sure. Nga pala…” “Mmm?” “Si Jet yung nagbigay nung cake. Wag mo na lang sabihin na ako nagsabi okay?”

Page 34: Tossed Coin

Ngiti. Ayan nanaman yung mahikal niyang ngiti. “Ingat ka.” “I—ingat ka din.” Tapos sumakay na siya ng jeep. Habang hawak ko yung cake na naglalakad dun sa may tulay, parang may kulang… na halos isang linggo ko nang hindi nakakausap na dapat kasama ko din ngayon pauwi… Marami akong tanong ngayon sa isip ko. Bakit ako binili ng cake ni Jet, nililigawan ba niya ako? Pero muka namang hindi, dahil pinuntahan nga niya si Anya kahit magkalayo yung mga bahay namin eh… Ang hirap talaga kapain ng isang natural na sweet na tao. Si Anya, may gusto kaya yun kay Jet? Siguro. At kung meron… magiging masaya ako para sa kanya dahil unang beses niya magkakagusto kung nagkataon. Si Gab… May… gusto kaya siya sa kin? Napangiti ako nung tinanong ko yun sa sarili ko. Paanong di ako mangingiti… Eh may gusto din naman talaga ako sa kanya? Pero may isa pa akong tanong na di ko masagot dahil sadyang magulo…

Ano ba talagang nararamdaman ko? CHAPTER 7 [Circle] Habang kinakain ko yung isang slice ng cake na bigay sa kin ni Jet, iniisip ko pa rin kung bakit siya nagagalit sa kin, at kung bakit niya ako binigyan ng cake. “HAY!!! Tumawag ka na nga!!!” Sumigaw na lang ako bigla sa bahay dahil naiirita na ko. Ayoko talaga na may nagbobother sa utak ko. Nakakainis. Nakakainis. Sabihin mo kasi ng derechahan. Kung magsalita ka naman, as if kaya mong sabihin ng derechahan kay Gab na gusto mo siya… at sabihin kay Anya at Jet na si Gab at Sef ay iisa. Anyway, naubos yung cake na wala pang isang araw dahil kinain namin ni Anya nung pumunta siya sa bahay. Hindi ko sinabi na galing kay Jet yun, basta kumain lang kami at nagmovie marathon. Sabi ko nga, bakit sa amin pa kami magmomovie marathon eh di hamak na mas malaki yung tv nila sa bahay. Ang sagot lang niya… kasi sawa na daw siya sa bahay niya. Nagsasawa daw siya sa bahay este mansion nila?! Eh kung habangbuhay na ko tumira dun ayos lang eh… Basta kasama si Gab? Ayan, nagfafantasize nanaman ako. Isang school day, nakita ko na si Jet sa tambayan. Masaya ako, kahit papano. Meaning, acceptable talaga yung rason niya last week na ginagamit niya yung time ng educ class namin para magreview para sa math subject niya. Umupo ako sa tambayan, sa tabi ni Jet. Nagbabaraha sila nung ibang orgmate namin. Hay, hindi parin ba niya ako papansinin?! “J—Jet. Paabot nga nung logbook.” Inabot niya yung logbook na hindi nagsasalita. Napabuntong hininga na lang ako. Eto, kapag hindi pa niya ako kinausap… “Kamusta na kayo ni Anya?” “Anak naman ng—na sayo pala yung two diamonds!”

Page 35: Tossed Coin

WOW. Kamustahin mo naman yun! Hindi man lang ako kinausap?! Okay, hinga ka lang Chi. Hinga… Hinga… GO. Tumayo na ko, at saka huminga ulit. “Hoy ikaw. Hindi ko alam kung anong problema mo. Bat ang isip bata mo?! Sabi ng sorry eh! Tumatawag na ko, nagtetext… Paulit ulit naman na akong nagsosorry ah! Kung ayaw mo tanggapin, eh di wag!!!” Tapos dinabog ko yung logbook sa mesa. Kinuha yung bag, at umalis ng tambayan. Alam kong nagulat ang lahat dun sa sinabi ko, pero di ko na kasi kaya. Nakakainis na. Hindi ko talaga keri yung feeling na may nagagalit sa kin. Oo, ako yung may kasalanan… Pero kung makaregalo ng cake, akala mo siya yung may kasalanan! I mean… Oo, thankful ako sa cake. Pero… magreregalo siya ng cake sa kin tapos galit parin pala siya?! Eh hindi ko naman kaya ibalik yung oras eh! Hay. Eto nanaman ako. Ang isip bata ko talaga. Siyempre, dun ako sa sunken garden tumambay, dun sa may damu-damo. Umupo ako, tas umiyak. Habang umiiyak, paulit-ulit kong binabanggit yung „nakakainis ka! Nakakainis ka!‟. Ginagawa ko yun habang nagbubunot ng damo tapos tinatapon sa ere. Sa huli kong bato ng isang fist ng damo, nagtampururot ako. Yung tipong winawagay-way ko yung mga binti ko na parang di ako nabigyan ng lollipop. Tapos biglang… Biglang may yumakap mula sa likod ko…

―Kahit kailan, para ka talagang bata.‖ Boses pa lang, alam kong si Jet yun. Umiiyak pa din ako, tas yakap niya ko. Tumahan ako nung mejo naiilang ako sa yakap niya… Pano, yun yung unang intimate—argh. I mean, yun yung unang yakap niya sa kin. A. Moment. To. Remember. “Di mo ko madadaan sa yakap. Langya ka. Pinaiyak mo ko!” Umupo siya sa tabi ko tapos binigyan niya ko ng chocnut. “Tahan na, bata.” “Bata ka jan. Ewan ko sayo.” “Para kang kamatis ah. Punasan mo nga yang mukha mo.” Inabot niya sa kin yung panyo niya, saka ko pinunasan yung mukha ko. “O tamo, yang pimples mo lumalabas.” “In your face. Kainis to, mangiinsulto pa.” “Joke lang. Ikaw nga pinakamaganda para sa kin eh.” Napangiti ako dun. Baliw talaga to. “Pinakamaganda your face. Si Anya naman pinakamaganda para sayo eh.” “Eh di ikaw sunod.” “Tamo! Inamin mo nga na may gusto ka kay Anya!” “Sinabi mo eh.” “Eh, ewan ko sayo. Pinaiyak mo pa din ako!” “Sorry na nga eh. Nagulat nga ako sa sinabi mo kanina.” “Eh nakakainis ka na kasi eh… Bat ka ba biglang di namamansin?!” “Trip ko lang. Tinitingnan ko lang reaksyon mo kung di kita papansinin. Wala naman talagang ganong intensyon dati, pero dahil may super powers ako at alam ko na feeling mo galit ako sayo, eh di trip.” “Taeng trip yan. Pag ginawa mo ulit yan, itatapon kita sa dagat!” “Ayos lang, tapos hihilain kita. Para sabay tayong lalangoy. Kakainin ka nga lang ng pating, kasi mataba ka.” “Mataba ka jan! Ang sama mo!” “Ayan o, may baby fats ka na.” “Che!” Masaya ako, kasi nakakapaglokohan na kami ni Jet. Buti pala, sinigawan ko siya…? Haha. Ang panget. Rawr. Well, at least nasabi ko na yung gusto kong sabihin. “Di naman ako magagalit sayo. Bespren kita… Diba?”

Page 36: Tossed Coin

Napatitig ako sa mga mata niya nung sinabi niya yung bespren. WAW!!! As in nagulat talaga ako dun. Si Jet kasi yung tipo ng tao na di sanay sa tawagan at labels. At… Masaya ako kasi tinuturing na niya akong bespren. Siguro nga. Di ko talaga gusto si Jet tulad ng feeling ko noon. Tama. Di ako naguguluhan. Yun yung nararamdaman ko kasi masaya ako na ako lang yung ginagawan niya ng ibang bagay na hindi niya usually ginagawa sa iba. “O, kamusta na kayo ni Gab?” Nagulintang ako sa tanong ni Jet. Wala pa naman akong pinagsasabihan na gusto ko si Gab. Ang alam nga ng ibang orgmates ko, pinopormahan ako ni Gab (dahil ang alam nila, si Gab yung nagbigay nung cake). “H—ha?! Ayon. Friends.” “Di ka pa nililigawan nun?” “Baliw. Di ako liligawan nun.” “Buti naman.” “Ha?! Anong mabuti dun?!” “Di yun bagay sayo.” “Wow, siniraan ang kapatid! Eh sino namang bagay sa kin?” “Kahit sino, wag lang yun.”

“Teka, nagaway ba kayo?” “Bakit? Hindi naman.” “Wala lang.” “Di ko siya sinisiraan, baliw.” “Eh bat kahit sino para sa kin, wag lang si Gab?” “Trip ko lang.” Ngumiti si Jet. Baliw to. Siguro dahil kapatid niya si Gab sa labas, at… gugulo ang mundo niya? Ano? Di ko gets. Di ko talaga gets yung konek. Pero, ayoko na ilayo yung diskusyon. Hahayaan ko na lang siguro na… Guluhin ako ng ideya na yun… habang buhay? Rawr. Nagsipuntahan na kami sa klase namin. Habang naghihintay ako ng prof, napasilip ako sa pinto. Nagulat ako nung nakita ko si Anya at Gab na magkasama at naguusap… Napabuntong hininga ako. At muli, ginulo nanaman ako ng mga nasa isip ko. Ang ganda ni Anya… Pano kung magustuhan siya ni Gab? O well, hindi naman siguro. Magkaklase lang sila noon sa isang subject… Tapos naalala ko… Si Gab nga pala yung nagimbita kay Anya noon… Kung hindi dahil kay Anya, hindi ko makikilala si Gab. Uh… Kailangan ko na ba magconclude ngayon? “Anya! Gab!” Napalingon silang dalawa, tapos nag hi si Anya sa kin. Si Gab ngumiti. RAAAWR! Ang cute talaga ng ngiti niya! Kainis. Kung pwede lang siya picturan everyday eh. “Chi!” “Anong ginagawa niyo dito?” “Bibili sana kami ng ticket dun sa play na required ako. Eh nagkita lang kami dito.” “Ah.” “Anong class mo dito?” “Eng 10.” Tapos nakita ko yung prof ko na papalapit. “Ay sige, may class na ko.” “Sige!” Tapos niyakap ako ni Anya. Napatingin sa kin at si Gab at kumindat.

Page 37: Tossed Coin

Kumindat… KUMINDAT!!! Eh yung naloka ako dun?! Kainis. Siya na. Siya na talaga ang pinapakilig ako mula anit hanggang sa paltos ko sa paa. Nakangiti lang ako buong klase ko. Excited na ko mag 4 ng hapon, di ko alam kung bakit. Nung sumapit na ang 4 ng hapon, pumunta ako ng tambayan. Andun na si Jet, wala pa si Anya. Pero ang ikinagulat ko talaga nung nandun si Gab. Anong ginagawa niya dito? “O, Chi, andito ka na!” Ngumiti ako. Ngiting pangkaibigan, pero deep inside, ngiting „bakit may anghel na tumawag ng pangalan ko?!‟. Rawr! “Ano ginagawa mo dito?” “Ayaw mo ba?” “H—hindi. Pero… ano nga ginagawa mo dito.” “Dinadalaw… ka.” HAAAY GRABE. Eh yung ang haba ng hair ko?! Dinadalaw daw ako ni Gab. At bakit naman niya ako dinadalaw?! Hindi naman ako puntod para dalawin, unless na…

Nililigawan niya ko?! CHOS. ASFJASFJSKLDFJSDKFJSLK!!! Ayan ka nanaman. Compose yourself! Wag mo nga ipahalata na kinikilig ka! Itago mo yang cheekbones mo Chi! As if naman na nililigawan ka niya. Math major ka talaga, hala sige, mag assume ka pa. Let x be Gab and let y be Chi. Assume that, x and y are real. Assume that, x likes y. Then, y likes x. QED. Okay, nababaliw ka na Chi. “Kanina ko pa nga to pinapaalis eh. Ayaw umalis.” “B—bat mo naman pinapaalis? Ayos lang yan. Dito ka muna.” Napapangiti yung mga orgmate kong babae. Tsh. Ayan nanaman, tinutukso nanaman kaming dalawa ni Gab. Sige, tuksuhin niyo pa ko. HAHA. Ang kiri. Kainis talaga ako. Haha. Mainis daw ba sa sarili?! “Nga pala, pupunta akong sm marikina. Gusto mo sumama?” “Indi pwede. May pinangako ako kay tita eh. Sabi ko ako yung mageencode nung trabaho niya.” “Ikaw, Chi?” Gusto ko sabihing, „oo naman! Pwedeng pwede! San ba tayo pupunta, Bukidnon? New Zealand? Mars? O sa langit? Kahit saan sasama ako, basta kasama kita.‟ HAHA. Natawa talaga ako sa inisip ko. “Ch—Chi?” “Ahm, tingnan ko. Pero tingin ko naman pwede ako.” Asus. Pwede ka naman talaga. “Si… Anya? Anong oras dadating?” Nung tinanong niya yun, naparanoid ako… Ayan nanaman yung mga ghostly thoughts ko. Pano kung may gusto nga siya kay Anya? “Parating na yun. Bakit?” “Yung notes ko sa kanya sa bio, sabi niya sakin ngayon daw niya ibibigay.” Wew. Yun lang pala. Akala ko naman… “Ayan na si Anya o.” Nilapag ni Anya yung bag niya sa mesa. Saka niya hinanap yung bio notebook niya.

Page 38: Tossed Coin

“Sorry! Late ako!” “Ayos lang.” “Eto o.” “Pwede ka ba? Sama ka sa amin ni Chi. Mag sm marikina kami.” “Aww. Di ako makakasama. Sorry! Lalabas kami ng mga sis ko sa b-house.” Sa loob ko, ANG GALING MO TALAGA ANYA! Kaya lab na lab ko yan eh. Meaning, kaming dalawa nanaman ang magkasama. “Ui kailangan ko na umalis. Sige bye!” Tapos tumakbo na si Anya. “Mmm. Mukang tayong dalawa lang.” “Teka, mukang pwede ako.” “Ha? Eh diba sabi mo may something ka sa tita mo?” “Oo… Pero pwede ko naman yun gawin mamayang gabi.” “Di mo yun magagawa mamayang gabi kasi pagod ka na. Gawin mo na lang yun.” Kinikilig ako. Hindi kaya… Ayaw niya talaga pasamahin si Jet dahil… dahil… DAHIL AAMIN NA SIYA?! WAAAH!!! Okay, assumera ka talaga forever Chi!!! Kalma lang!

“Ayos ka lang ba dito?” Sabay turo kay Gab. “Oo ano ka ba. Di naman yan kidnapper.” “Akin na, dalhin ko na yang bag mo.” “Bat mo dadalhin bag niya?” “H—ha? Hindi, ako na magdadala Gab!” “Ayos lang yan. Minsan lang to. Tinotopak lang ako.” Kung ganito ka topakin, sana, lagi ka na lang tinotopak… Nag „yikee‟ lahat ng orgmates ko. So yun, umalis na kaming tatlo. Parepareho kaming tumawid ng bridge dahil sa SM marikina kami pupunta. “Dito na lang ako.” “S—sige.” Napatigil si Jet. Nahalata ata niyang nauutal ako. “Sige, ingat ka tol.” Bago sumakay si Jet sa jeep, hinawakan niya yung ulo, tapos may binulong siya. Nawirduhan ako. Di ko alam kung bakit niya yun binulong. ―Wag ka masyado maging masaya, baka ikalungkot *o.‖ Yung „*‟, di ko kasi narinig kung „ko‟ o „mo‟ yun. Anyway. Napakunot yung ulo ko. Ngumiti lang siya tapos binigyan niya ko ng lollipop bago umalis. Hindi ko alam kung para saan to. Nagbabay na ko kay Jet habang nagtataka sa mga huling sinabi niya. “anong binulong nun?” “Ah wala. Gibberish.” “Tara?” Sumunod ako sa kanya nung sumakay kami ng jeep. Naisip ko, pwede pala kami sumabay dun sa jeep na sinasakyan ni Jet. Anyway, sabagay. Derecho kasi yung sa kanya. Tahimik kami habang nasa jeep. Magkatabi lang kami di nangungusap. Sa sobrang tahimik ng jeep, naririnig ko yung tibok ng puso ko. AY! Ano ba namang kahibangan yung sinasabi ko! Nung nasa SM na kami, una naming pinuntahan yung KFC. Nagugutom na daw kasi siya.

Page 39: Tossed Coin

“Anong gusto mo?” “Uhm… mashed? Tsaka, krushers.” Tapos kumuha ako ng 100 sa wallet ko. “O ano yan?” “B—bayad ko.” “Ano ka ba. Ako magbabayad.” GRABE. Masyado ka na maraming pogi points sa kin!!! Rawr. Pumunta siya sa counter. Hay. Okay, kalma. Nakakainis. Wala pa kasi akong mapagsabihan ng kilig kong to. Ayoko naman sabihin kay Jet, baka badtrip siya kay Gab ngayon kaya ganon yung kinikilos niya. Sasabihin ko na lang siguro kay Anya sa susunod. Ano kayang magiging reaksyon niya kapag sinabi kong crush ko si Gab? At… si Gab ay si Sef? “Order niyo po ma‟am.” “Weh.” Tapos tumawa siya. Hay. Pwede ko na irecord yung tawa niya tapos iyon lang yung patutugtugin ko sa mp3 player ko buong araw. HAHA. Adik. Adik ka Chi. Natural, exag yun.

“Kamusta buhay?” “Ayos naman. Mejo haggard sa acads.” “O?” “Yep. Haha. Ikaw?” “Eto, ayos lang din.” “Bakit hindi kanin yung inorder mo?” Kumagat muna siya sa burger bago niya sabihing… ―Para, makausap kita ng mas mabuti.‖ Okay. Natural, kung may ghostly thoughts, meron ding nirvana thoughts. Tipong feeling ko nasa langit ba ako? Palutang lutang. Ganito kaya siya hanggang sa kami na? Sasabihin ba niya yang mga cheesy lines na yan? Chos. As if naman magiging kayo. Pero malay mo… May pag-asa diba? HAHA. Mangarap ka. Libre naman. Nagsip ako dun sa krushers ko kasi wala akong masabi. Naubo pa ako ng konti. “Chi…” “Mmm?” “Pano mo malalaman… pag… gusto mo na yung tao?” Eto na. eto na. Okay, ihanda mo na ang sarili mo sa pagsagot ng OO Chi. Ewan. Yun talaga yung iniimagine ko kanina pa. Nakaksira ng ulo. Masisiraan na ako ng bait dahil sa kilig! “Kapag… Ewan. Sa kin, kapag masaya ako pag kasama ko yung taong yun. As in, ibang saya sa mga kaibigan. Kapag siya na yung iniimagine kong nasa hinaharap ko…” Napangiti ako sa sinabi ko. Totoo naman eh. Mahilig kasi ako magimagine… “Bakit mo natanong?” “Kailangan ba… Lagi kayong magkasama?” “Hindi naman… Hindi naman lagi.” “Ewan… Natotorpe ako.” Sabihin mo na lang kasi ng derechahan sa kin. Oo agad ang sagot, wag kang magalala. “Bat ka natotorpe?” “Tingin ko kasi, may nagkakagusto din dun sa… Argh. Wag na.” “Ano nga yun? Go lang. Sabihin mo lang.” “Wala akong laban dun sa tingin kong nagkakagusto din sa kanya.”

Page 40: Tossed Coin

Feeling ko, si Jet yun. Chos. So talagang inassume mo na ikaw talaga yun no? Sige, kapalan mo pa yang powder sa muka mo Chi. Manipis pa eh. Pero pramis… Ako na ang magiging pinakamasayang tao sa buong mundo kung aamin siya ngayon. Limang taong paghihintay… Tas ngayon lang ulit kita makikita? Kuya Ian, ipinapakilala ko sayo… Kahit magkakilala na kayo… Si Sef. Pwede ding Gab… ang lalakeng gusto ko. “Ano ka ba. May laban ka dun… Kung sino man yun.” “Bahala na.” “Bat di mo aminin?” “Kahit… kahit kasi… lagi kong nakakasama… Ewan.” Laging nakakasama. Candidate number 1, Cherry Celeste. Candidate number 2, others. Kinikilig na talaga ako. Pati yung mga balahibo ko kinikilig. Ang lamig dito sa KFC, isama mo pa yung malamig na soft drink. Mejo nanginginig na yung labi ko. “Subukan mo… Malay mo. Gusto ka pala niya.” “Parang hindi… parang… parang kapatid lang turing niya sa kin.”

ANO BA. HINDI NGA SABI EH. Ewan. Masama ba magfeeling? Di ko alam kung ako lang to… O nagkakataon lang talaga na sumaswak sa kin yung mga sinasabi niya? “Feeling ko hindi.” “P—pano mo nasabi?” “Tingin ko lang.” “Kahit nga pag kaharap ko na… di ko pa din masabi eh…” Itlog na hinaluan ng ketchup na may patis na may lumalangoy na langgam na may buhat-buhat na kamatis!!! Eh yung kinikilig ako?! Tama na please!!! Baka masiraan ako ng bait, ako pa ang unang umamin sayo!!! Okay, kalmahin mo nga yang kaluluwa mo Chi. Lalabas na ng katawan mo. WAH. Okay. Hinga. Buga. Stay calm, stay calm… “Eh sino ba yan?” “Tsh. Wag na lang…” “Sino ba muna yan?” “Sa susunod ko na sasabihin.” “Bakit?! Nakakabitin eh!!!” “Ayos lang yan, para isipin mo ko mamaya.” Kabayo naman! Lagi na kitang iniisip! Tell it to me now… And I‘ll tell you what I‘m thinking… Sobra na ko sa kilig. Mangingisay na talaga ako! “Tara.” “H—ha? Di mo pa nasasabi.” “Sa susunod na. Teka, nilalamig ka ba?” “M—mejo eh.” “Tara, alis na tayo. Bili tayo nung mainit na waffle para mainitan ka naman.” Ang sweet nitong si Gab. Nakakainis. Hay. So meaning, next time pa pala kami magiging kami? Chos. Anyway… Naman. Sige, kumalma ka lang Chi. Dadating din ang panahon. Wag kang magmadali. Binilhan niya ko ng waffle. Actually, bago ko siya kainin, nilagay ko muna sa pisngi ko. “Ang cute mo talaga. Para kang bata.” Tapos inakbayan niya ko. Tinawid niya muna ako para pasakayin ng jeep. Nagiging robot nanaman yung mga paa ko dahil nga, nakaakabay siya sa kin. Nung may dumating na jeep, pinara niya.

Page 41: Tossed Coin

“Bye. Ingat ka paguwi ha?” “Ikaw din, mag-ingat ka.” Nakasakay na ko dun sa jeep, mapalad akong nasa dulo, yung malapit sa labasan kasi walang nakaupo. Bago tuluyang umalis, „sumaludo‟ si Gab, sabay sabing… ―Sa susunod ko na sasabihin… Pag di na ko natotorpe… Sa ngayon… Magingat ka muna pauwi.‖ Ngumiti ako sa sinabi niyang yun. Pinigilan ko yung sobrang ngiti sa harap niya. Nung di na siya maaninag ng mga mata ko, dun na lumabas yung sobrang laking ngiti, na para bang wala nang katapusan. Pag dating ko sa bahay, may dumating na text. Galing kay Jet. Nasabi na niya? Nanlaki yung mata ko at napatalon dahil sa tuwa sa kama. So meaning… ako nga yun? WAAAH. Kaso, wala akong load para replayan si Jet. Dibale na… hihintayin ko na lang daw yung panahon… Na hindi siya torpehin… Sana… Sana bukas na.

CHAPTER 8 [Game Over] “K—kanino galing to?!” Nagulat ako nung may rose dun sa French fries corner ko sa tambayan. Yung „french fries‟ corner na yun yung parang „lagayan‟ o parang „mail box‟ naming sa org. Kung kanikanino ako nagtanong kung kanino galing to. Pero ang inabot ko lang ay sangkatutak na tukso. Napapangiti ako, kasi ang nasa isip ko… Duh. Obvious naman kung anong nasa isip ko. Si Gab? Si Gab kaya nagbigay nito? Eto na. Eto na ang pinakahihintay kong love life! *party song inserted here* Oha oha. Unang dumating si Anya for lunch. Siyempre, sa lahat ng taong kikiligin sa kin, siya yung pinakakinikilig. Para ngang siya yung nakatanggap nung rosas eh. “Grabe Chi!!! Kanino galing yan?! May letter ba? May letter?!” “Wala. Ikaw talaga. As if naman hindi ka sanay na makatanggap nito. Kulang na lang bawat araw meron ka nito eh.” “Eh ang boring kaya pag araw araw nakakatanggap niyan.” “Ikaw na ang maganda.” “Mas maganda ka naman sa kin.” “Ano na bang grado ng mata mo ha? Tumitingin ka ba sa salamin?!” “B—baka kay Gab?” Sana. Sana nga kay Gab galing. “Sabagay… sino pa ba ang magbibigay niyan kundi si Gab diba?” Tapos biglang dumating si Jet. “Bakit, hindi ba pwedeng ako?” “Natural, hindi pwedeng ikaw.” “Bakit?” “Kasi daw, kanya ka lang.” Tinulak ako ni Anya. Haha. Benta. Ako naman ang nanunukso ngayon kay Anya, ever since nashare niya sa kin yung tungkol sa ginawa ni Jet.

Page 42: Tossed Coin

“Chi, tigilan mo nga ako.” “Ever in our lives, ngayon mo lang ako pinatigil sa panunukso sayo sa mga lalakeng trip ka.” “That‟s the point, di ako trip ni Jet. Diba Jet?” “Bahala nga kayo jan. Pinagtitripan niyo nanaman ako.” “Ikee! Tingnan mo, hindi pa derecho yung sagot!!!” Patuloy ko lang tinutukso si Anya kay Jet. Totoo, first time lang na parang ayaw ni Anya na tuksuhin. Kasi usually, wala naman siyang pakielam kasi hindi totoo. Maya maya, dumating si Gab. Nagulat ako, kasi mejo napapadalas na yung pagtambay niya sa college namin. Benta lang, kasi kilala na siya nung mga orgmates namin, at nakikiride na rin pa minsan. Pagdating niya, grabe lang yung lakas ng drums na nasa loob ko. Kaso, may mas malakas pa kesa dun. Yung kabog ng cabinet nung sinara ni Jet. “Konting ingat nga, Jet!” “Sorry. Di ko sinasadya.” “Chi, Anya.” “Hello.” “H—hi.” “Wala akong 11:30 class…” Nakatayo lang siya dun, kasi kahit araw-araw siya dumadalaw sa tambayan namin, nahihiya pa rin siya

makitambay. “Gusto niyo maglunch?” “Libre mo kami?” “Drinks lang?” “Naks, everyday na dumadalaw para kay, Chi ba yan?” Sige Anya. Tama ba namang gantihan ako?! “Weh Anya. Gantihan ba daw ako.” “Bakit hindi diba?” Yay! Narinig ko yun! At eto nanaman ako, nangingisay yung kaluluwa ko sa kilig. Ilang buwan narin kami magkakilala… Mga tatlo? Haha. Pero biruin mo naman kasi na halos araw-araw magkatext (halos lang naman), tapos sabay kami lagi umuuwi (kaming apat I mean)… Di ko maimagine na halos araw-araw na pala ako kinikilig. Nakakapagtaka nga eh… Kasi hindi ako nauubusan ng kilig hormones sa katawan kapag nakikita ko siya. Nakarinig nanaman kami ng kabog ng cabinet. “Strike two! Sorry!” “Sinasadya mo na ata eh.” “Hindi no. Sadyang malakas lang talaga yung pagkakasara ko.” “Jet, sama ka?” “Sige, bibili din ako.” So yun, pumunta kaming apat sa casaa. First time namin maglunch na magkakasama kaming apat. Nakakatuwa, double date? Ako at si Gab, tapos si Anya at si Jet. Yay! Pwede na pwede na… Tapos double marriage (may ganon bang term?) HAHAHA. Ayan nanaman yung imahinasyon ko. “Chi, ano sayo?” “Mmm… Mag sisisig na lang siguro ako.” “Sige, yun na lang din akin.” “Sisig na nga lang din ako.” “Sige ako din.” So yun, apat kaming umorder ng sisig. Umupo kami sa isang table, tapos saka nagusap usap tungkol sa mga dapat pagusapan. Benta lang, kasi hindi parin nauungkat yung rose issue. So gumawa ako ng paraan… “Ay!” “Baket, anong nangyare?” “Nahulog yung gamit ko.”

Page 43: Tossed Coin

“Tsk. Ayan kasi. Dapat sinasara ang bag.” “Ayos lang yun, ganyan din naman ako lagi.” “O, sino naman nagbigay nito?” Nung tinanong yun ni Gab, di ko na tuloy alam kung sino talaga nagbigay. Nung nagtanong kasi siya, parang hindi talaga niya binigay… Pwede ding… Nagkukunwarian lang? Joke. Nagfeefeeling ka nanaman Chi eh. Ingat lang. Baka masaktan ka sa pagfeefeeling mo niyan. Masaktan ng sobrang kasiyahan? Chos. Ano daw? Ang kiri. “Sus ang mga lalake talaga. Mapagpanggap.” “Pati din naman ang mga babae. Diba, Chi?” Nabulunan ako sa sinabi ni Jet. Baliw talaga to. “H—ha?” “Nga pala, gusto niyo sumama?” “Saan?” “Wala lang. Trip ko lang gumala.” Natuwa ako dun. Mukang napapadalas na yung pag gala namin. Baka naman gumagawa lang siya ng paraan para

makasama ako? WEH. Ano ba namang lahi ng mga kiri ang pumasok sa katawan mo ha Chi? Sige, magagaganyan ka pa. Healthy naman ang kiligin. “Sige, game ako.” “Pass.” “Bakit ka pass?!” “May kailangan pa akong iedit na vid. Ikaw din diba Chi?” “Uhm… Pwede naman siguro ako…” “Wag ka nga magcram.” “Hay… fine. Mukang hindi narin ako pwede.” “O, bakit biglang hindi pwede?” “N—naalala ko lang na may gagawin kami sa bahay.” “Samahan mo muna kaya si Chi?” “Ayos lang naman ako. Sige, go lang Anya.” “Mukang tayo nanaman kambal.” Kambal? Bigla kong naalala yung sinabi niya na yung gusto niya kuno tinuturing siyang kapatid. Hindi kaya… Woop. This is it. Another sign. Hay nako Chi. Di ka pa nadadala. Bat ka ba humihingi ng sign? Naalala ko dati nung fourth year high school. Sabi ko, kapag uulan ng palaka, makikita ko siya. And you know what, it happened—hindi sa paraang milyong palaka pero… Inulan ako ng maraming Kermit frog na regalo nung pasko. Mismong mug, damit at bag Kermit frog lahat ang regalo sa kin. Di ko alam kung coincidence lang… “Oo nga eh.” “Kailan pa kayo naging kambal?” Ngumiti si Gab. Ngumiti din ako. Nakakatuwa yung feeling na may alam kayong dalawa na gustong malaman ng iba pero kayong dalawa lang ang nakakaalam? Haha. Parang ganon yung feeling. Pero… Ang problema… Di ko alam kung ano yun. “Wala lang. Natripan ko lang tawagin si Chi ng ganon.” “Wah! Mag one na pala! Sige, punta na ko sa class ko.” “San daan mo?” “Sa AS.” “Sama na ko. Sa CAL lang naman klase ko.” “Bye! Ingat kayo.” “Sige. Ingat. Bye Jet.” “Bye.” “Kita kits na lang mamaya, ha… Chi?”

Page 44: Tossed Coin

Ngumiti si Gab sa kin bago umalis. HAAAY! Matutunaw na talaga ako eh! “Oi.” “O?” “May gusto ka sa kanya no?” “H—ha?” Bigla akong kinabahan. Bakit naman biglang itatanong ni Jet sa kin yung ganyang tanong?! “May gusto ka dun?” “Bat mo nasabi?” “So meron nga?” “Sinabi ko bang meron?” “Kung meron, wag mo na ituloy.” “Bakit?!” “So meron nga?!” “Hay ang kulet mo! Wala akong gusto kay Gab okay? May iba akong gusto…” “Yung Sef? Yun parin?” “Oo. Ganon talaga.” Naguilty ako dahil kailangan ko magsinungaling kay Jet. Bat nga ba ako nagsisinungaling? Eh ano naman kung may gusto ako kay Gab? May gagawin ba si Jet in case na malaman niya?

Wala lang… Sa ngayon… I want to keep my feelings for myself. “Bat parang di kita mabasa?” “Ha?” “Wala. Tara, may klase na ko.” So yun, naglakad kami ni Jet. Excited na ko maguwian, para magkasama na ulit kami ni Gab. Baka ngayon na siya umamin, joke. Haha. Ayan, nagfeefeeling nanaman ako. Napapangiti talaga ako… Halos hindi ako makapagconcentrate dahil yun nga, excited lang naman ako na makasama si Gab. Maya maya, nakatanggap na ako ng text mula sa kanya. Andito na ko harap ng college niyo. San ka na? Siyempre ako naman, direcho agad ako. Halos madapa na nga ako para lang di siya mabagot. Pagkadating ko dun, kumakain siya ng taho. “Naks, nagtataho.” “Sarap. Gusto mo?” “Ay hindi ayos lang. Tara?” So yun, sumakay kami ng katips jeep. Hindi kami nagiimikan nung nasa jeep kami. Nakafeel ako ng awkward moment, siguro dahil hindi kami naguusap. Magkaharap kami, nasa dulo kami pareho ng jeep. Ngayon… ano na dapat kong sabihin? “G—Gab.” “Mmm?” Ang cute. “San pala tayo?” “Magswing tayo dun playground sa may amin?” Ngumiti ako. At sa dulo ng utak ko, ang nasa isip ko, sana nacucutean din siya sa kin tulad ng nagagawa niya sa kin. Hay ewan. Nakadrugs na ba ko?! Haha. Benta, tinanong ba naman daw ang sarili kung nagdrudrugs?! Kahit hindi ka nakadrugs Chi, sinong matinong tao ang magtatanong sa sarili kung nakadrugs ang sarili niya?! Okay. Ang labo ko ata.

Page 45: Tossed Coin

Nung nasa subdivision na nila kami, dumerecho kami sa playground. Dumerecho agad siya sa swing, parang bata. Ang lakas ng tibok ng puso ko, di ko alam kung anong sasabihin… Ano nga ba dapat? “Wag ka ngang tumayo lang, umupo ka dito o.” Umupo ako dun sa swing na katabi niya. Hoi Chi! Umayos ka!!! Gaano ba kadaming super glue ang nalagay sa bibig mo at di ka makapagsalita?! “Chi…” “Mmm?” “Na in love ka na ba?” “A—ako? H—hindi pa… ata.” “Aaah…” “Bakit mo natanong?” “W—wala lang.” “Bakit nga?” “Sa totoo lang…” Lumunok ako ng laway. Baka ito na yun. Hopefully… “Ano?” “Di ko alam kung na in love na ba talaga ako…”

Ha? Di ko magets yung sinabi niya. “Naalala mo nung una tayong nagkita?” “A—ano?” May suspense pa yung pagkakasabi niya dahil bawat pag sabi niya ng linya may kontng katahimikan, tapos saka siya magsasalita ulit… “Dun ko din nakilala si Sheena.” “Sino si Sheena?” “Una kong… Una ko.” Dun sa pagkasabi niya ng „una ko‟, parang feeling ko may konting sakit pa din. Hindi siya tumitingin sa kin habang kinakausap niya ko. Nakatingin siya sa lupa… “Uhm… care to share?” “Ayos lang?” “Oo naman.” Tumahimik ulit siya habang tinititigan niya yung bag niya na nasa lapag. Napaisip ako, sa dulo kaya… Sasabihin na niya na gusto niya ako? Hay. Wag ka kasing magmadali Chi… May panahon naman lahat… “Nung mismong araw na nagkita tayo, nagkita din kami ni Sheena. Bagong kapit bahay. Tapos naging kami nung summer, mag foufourth year na ko nun. Basta, parang masaya talaga ako pag kasama siya…” Exactly. Yun ang nararamdam ko sayo. “Mula sa Sef, naging Gab ako. Mas gusto daw niyang Gab eh.” “Ah, kaya pala.” “Pero isang araw, parang… nawala na lang bigla.” “P—pano nawala bigla?” “Christmas break, biglang hindi na siya nagtext. Pag dating ng pasukan ulit… bigla na lang may bago na siya. Di ko nga maintindihan kung pano nangyare…” Sa mga mata ni Gab, parang tingin ko hindi pa siya nakakamove on dun sa Sheena na yun. Sira ulo pala yung babaeng yun eh. Sa mga taong yun na wala akong ginawa kundi hanapin siya, yun pala ang ginagawa niya kay Gab… sinasaktan… samantalang ako… umaasang makikita siya nung mga oras na yun. “Sa sobrang galit, naghanap ako ng panibago… ng isa pa. At ng isa pa.” “G—grabe naman yun…”

Page 46: Tossed Coin

“Alam ko. Pero… galit talaga ako. Ang nakakainis pa dun, tinutukso pa niya ako dun sa iba ko pang nagiging girlfriend. Naiinis lang talaga ako…” “Pero hindi naman tama na gamitin mo yung iba… Eh di nasaktan din sila…” Napabuntong hininga si Gab. “Alam ko. Alam ko mula nung umpisa pa lang. Akala ko nga hindi na ko makakamove on. Nakakahiya diba… Ako pa yung lalake na hindi makamove on.” “Grabe, hindi naman. Hindi porke lalake ka dapat ikaw yung unang makamove on or so…” Bumuntong hininga siya ulit tapos tumingin sa langit. Ang cute niya habang nagiisip… O nagiisip nga ba siya? Ewan. Hindi naman na importante yun. Gusto ko siyang yakapin nung mga oras na yun. Gusto kong sabihin na andito lang ako… Baket ba may mga tao na sinasaktan yung taong gustung gusto mo mapasayo? “Pero… may isang babae na… sobrang nakapagpabago ng lahat ng yon.” “S—sino?” “Nakakatawa nga kasi… hindi naman kami ganong magkakilala. Basta.” “Sino?” Ngumiti si Gab sa kin. Hinihintay ko yung letrang I, K, A at W pero walang lumabas. Ngumiti lang siya. Tapos tumayo.

“Di na yun mahalaga… Sasabihin ko sayo… Saktong next week.” “Bat next week pa!?” “Eh baka mabigla ka eh.” “Kung maipapangako ko ba sayong hindi ako mabibigla, sasabihin mo ngayon?” “Next week na…” Tapos lumapit siya sa may tenga ko… “…pramis.” Lahat ng red blood cells, white blood cells pati estrogen hormones sa loob ng katawan sumasayaw nung binulong niya yun sa kin. Sarap pakinggan ng boses niya. Maya maya, bigla niyang tinulak yung swing ko. Ang romantic ng dating, ang sarap idrawing. Kinikilig ako… Kung alam mo lang Gab. Sana… Sana ako yugn babaeng tinutukoy mo na nakapagpabago ng pananaw mo. “Gab…” “Mmm?” “Yung babaeng yun ba… Tingin mo, may gusto din yun sayo?” “Parang kapatid lang eh.” “Pano pag… Hindi?” “Di ko alam. Tingnan natin.” Tapos bigla niya akong tinulak sa swing ng sobrang lakas na halos tumalbog yung swing. Tawa kami ng tawa. Habang tumatawa siya, pinagmamasdan ko kung pano siya kumilos… Ganito ba pag gusto mo ang isang tao? Tipong halos lahat ng ginagawa niya… Tipong kahit kunot ng noo nakikita mo? “Chi…” “Mmm?” “Alam mo… Ikaw ang unang napagsabihan ko tungkol kay Sheena.” Nagulat ako sa sinabi niya. Parang napakaimpusible naman nun, na ako lang yung napagsabihan niya. Kung sa kin nangyare yun, sasabog ako kung hindi ko masabi sa ibang tao yun. “hindi nga?” “Teacher kasi tita niya sa school namin. Mahirap na.” “Kahit barkada mo di alam?!” “Ang alam nila may gusto ako kay Sheena. Pero hindi nila alam na naging kami… Pakiusap niya yun sa kin eh…”

Page 47: Tossed Coin

Sa loob loob ko, sobrang saya ko. Sakin niya unang sinabi yung tungkol dito. Hindi naman ako ganon kaespesyal para sabihan niya ng mga ganitong bagay. Ilang beses pa lang naman kami namamasyal… Napabuntong hininga siya. “Nakailang buntong hininga ka na ah.” “Naisip ko lang…” Nakaupo parin ako sa swing habang siya nakatayo sa harap ko. Tahimik, pero maririnig mo yung mga dahong nalaglag na mula sa puno na winawalis ng hangin… at yung mga dahon nasa puno parin. ―Sana mas una na lang kitang nakilala.‖ Umihip yung hangin. Halos mga tatlong segundo siyang nakatitig sa kin, at siyempre binalik ko yung titig na yun. Kinuha niya yung bag niya at yung bag ko. “Tara?” Tapos tumalikod siya. Sumunod ako parang bata… Isang bata na nagkakagusto sa kalaro niya pero di masabi dahil natatakot siyang itigil ang laro… Hinatid niya ko sa may sakayan.

“Salamat ah?” “Ui… ayos lang. basta, andito lang ako ah.” Ngumiti si Gab tapos binigay na niya yung bag ko sa kin. “Ingat ka.” “Nabitin nga ako eh, pero kailangan ko din naman na kasi umuwi.” “Ikaw naman magkwento… sa susunod.” Masaya akong malaman na may susunod. “Sige.” Malayo pa nung may nakita akong paparating na jeep. Bago ko mapara, nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko, tapos hinaplos niya saglit, tapos binitawan na din niya. “Nasasaktan ako pag nakikita kita, kaya siguro gusto kita laging kasama.” “H—ha? Bakit?” “Magkasing labi kayo… Parehong maliit… Ui, yun na o.” Magkasing labi? Ibig sabihin… tinitingnan niya labi ko? Ewan! Habang iniisip ko yung mga pusibleng iniisip niya, lalong bumibilis yung tibok ng puso ko… “Ingat!” “Ingat ka din, Chi.” Ayoko pa umalis… Gusto pa kitang makausap… Pero wala naman akong magagawa. Bumulong na lang ako, yung di niya maririnig… “Ingat ka din.” Habang nakasakay sa jeep at paguwi ko sa bahay, nakahawak parin ako sa mga labi ko. Magkasing labi kami nung Sheena na yun… Ano ba… Hindi ko siya makapa… may ibig sabihin ba yun? Sa kanya ba galing yung rosas? Sana… sana sa kanya… To like… or to fall in love? Ready na ba talaga ako? Toss. Flip…

Page 48: Tossed Coin

CHAPTER 9 [Night Sky] “Itago mo nga ng konti yang ngiti mo. Isang linggo ka na ganyan ah.” Hindi ko mapigilang ngumiti. Paano ko mapipigilan?! Paulit ulit na nasa isip ko yung nangyare… Paulit ulit sa isip ko yung araw na yun. Yung magkasama kami. Pano ko mapipigilan? Sabihin mo nga? Wala talaga akong mapagsabihan kundi yung mga papel… Yung mga dahon… Okay. Malapit na ata ako mabaliw. Sa tuwing makikita ako ni Anya o ni Jet, laging yun yung sinasabi nila sa kin. Nababaliw na daw ako. Ngayon, kahit isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Gab, magkatext pa din kami. Nakakatawa nga dahil lagi siyang nakakatulog pag magkatext kami. Topic? Wala. Paulit ulit. Buhay sa university. Kung ano gusto maging. Frustrations. Mga crush. Love life. Pumunta kami ni Jet sa tindahan ng pancit canton. Nakakatawa nga kasi isang linggo na din niya ako nililibre. Nakakain ata to ng bakal kaya nililibre ako bigla. “Wow grabe. Libre nanaman?” “Ayaw mo ba? Sabihin mo lang.” “Naks. Hindi naman ako tumatanggi sa libre eh.”

“Ang saya saya mo kasi eh. Ang sarap mong ilibre.” “Sige, magiging masaya ako lagi para may libre akong pancit canton.” “Bakit ka nga ba masaya?” “Kasi nililibre mo ko?” “Ang labo mo.” Ngumiti si Jet. Haha. Benta. Anyway, so yun. Pumunta na kaming klase pagkatapos. Habang nagkaklase, nakareceive ako ng text galing sa kanya… Sinong kanya? Sino pa nga ba? Pwede ka ba after ng class mo? Kahit hanggang 7 lang. Wala lang. Kwentuhan lang tayo. Haha. Kamiss ka na eh. Pero kung hindi, ayos lang. Ayan na. Iniimbita nanaman niya ako. Siyempre, ang ngiti ko abot tenga nanaman. Excited na ko matapos yung klase. Ui! Oo naman, pwedeng pwede ako. Di kita matatanggihan. Sige, text na lang kita after class. Yey. Pagdating ko ng tambayan, kinuha ko lang yung mga libro ko sa cabinet tapos balak ko na umalis. Nakita ata ako ni Jet na nagmamadali. Hula ko, tatanungin niya ako kung saan ako pupunta. “O, mukang nagmamadali ka ata?” “Oo eh.” “Bakit?” “Ano… Magkikita kami ni Gab.” “Magkikita nanaman kayo?” “Oo. Ganon talaga.” “Pang ilang ulit ko na to tatanungin… pero… kayo na ba?” “Hindi nga! Bat ang kulit nito?” “Eh bakit lagi kayong nagkikita?” “Hindi kami nagkita this week.” “Tamo, alam mo ngang di kayo nagkita this week.” “Natural, ako to eh.” “Oi…” “Ano?” “Seryoso ako. Ingatan mo sarili mo.” “Natural. Iingatan ko sarili ko. Baliw ka Jet, ano bang nangyayare sayo?” “Inaatake yan ng sakit na ang tawag ay selos.” Dumating si Anya na ang daming dala. Dalawang paperbag at yung malaking niyang jansport na bag. Halatang may play or something eh. “Selos ka jan? Baliw.” “Ako din eh, inaatake.”

Page 49: Tossed Coin

“Ng?” “Wala.” Tapos nilapag ni Anya yung gamit niya. “Lalabas nanaman kayo ni Gab?” “Yup.” “Ikee, iba na yan.” Sana nga iba na to. “Anya, pagsabihan mo nga yang bespren mo.” “Bat ko yan pagsasabihan? Sige go lang. Idate mo lang si Gab.” “Date?! Baliw! Nagpapasama lang sa kin.” “Pwede naman sa iba.” “Jet, tayong tatlo lang naman dito sa tambayan. Sagutin mo nga ako, may gusto ka ba kay Chi?” “Niyeh! Ang kulit nito. Ikaw nga gusto niyan eh.” “Bahala nga kayo jan. Sige, may training pa ko.” Nagtinginan kami ni Anya. “T—training?!” “Saan?!”

“Baka imbento lang para makatakas sa tanong.” Tapos nagtawanan kami. “Bes, hindi nga. Gusto mo ba si Gab? Bespren mo ko! Walang kasinungalingan!” “Hindi ano ka ba.” “Maniniwala ako dahil ikaw nagsabi ah.” “Pero pag meron, magagalit ka ba?” Ewan ko ba kung sort of kinilig si Anya na bigla niya akong tinulak at pinalo. “Ay grabe! Kailangan may tulak at palo!” “Di ka pa nasanay! Grabeee! At bakit naman ako magagalit kung may gusto ka sa kanya? Kulang na nga lang maligo ako sa puso sa kilig sa inyong dalawa.” “Ang weird nung maliligo ka sa puso.” “O dali na. Punta ka na dun! Basta ha, ako unang makakaalam kung kayo na.” “Ang kulit nito. Wala nga akong gusto sa kanya!” “Woo!!! Sige na!” “Baybay!” So yun. Nagtext na ko kay Gab na nasa tapat na ko ng college. Nagtext naman siya na nasa sunken siya, sa tapat ng college naming. So pumunta ako. “Dude!” “Ui! Grabe, ang tagal na nating di nagkita.” “One week lang, to naman.” Umupo ako sa tabi niya. Grabe, eh yung sobrang lakas ng kabog ng puso ko? “O, so kamusta na?” “Eto, masaya.” “Naks. Masaya. Bakit?” “Kasi may nakakausap na ulit akong cute.” Ano ba!!! Wag mo naman ako masyadong pakiligin! Sige ka, pag ako masyadong kinilig baka bigla ko na lang masabi na gusto kita. Rawr. Hindi pwede. Though gustung gusto ko na sabihin… Mas okay pa din yung siya yung magsasabi. Diba? “Weh.” “O, kamusta ka na?” “Ayos naman. Mejo haggard lang talaga sa acads.”

Page 50: Tossed Coin

“Tulungan kita… Ay di pala pwede. May higher math ka nga pala.” “Korek.” “Tara, lakad lakad tayo?” “Mmm, sige.” So yun, tumayo kami at naglakad lakad sa paikot ng oval. Habang kinakausap niya ako, wala akong hinihintay kundi yung pag amin niya. Haaay. Eto talaga hirap pag assumera. Pero ayos lang, masaya naman pag kinikilig ka araw-araw eh. “Grabe! Ang saya saya ng buhay.” “Bakit nga ba?” “Wala lang.” “Dali naaa!” “Di ko talaga alam kung sasabihin ko na sayo. Pero… basta.” “Sabihin mo na. Ayos lang naman eh. Para namang naiba na ko.” “Sabagay… Hindi ka naman talaga naiba sa kin.” “o game. Ano nga?” “Pramis… bukas ko na lang sasabihin. Saktong next week yun.” “Wow! Talagang sinakto mo yung sinabi mong next week!” “Ganon talaga.” “Fine. Sige. Excited naman ako magbukas.” “Bakit? Dahil dun?” “Oo. At least may malalaman akong masaya.”

“Tingin ko nga, magiging masaya ka dun. Sana.” Anong SANA?! Magiging masaya talaga ako! Haynakire. Excited na ko magbukas. Excited na talaga ako. Eto namang si Gab, may pabitin effect pa. At dahil hindi ko alam kung saan ako nakatingin… Poof. Natapilok ako. Hay. Katangahan nga naman. Rawr! “Ui, ayos ka lang?” “Uhm… oo. Mejo masakit lang pagkatapilok ko.” Nagpatuloy kami sa paglalakad habang nakikinig ako sa pinagkwekwento niya tungkol sa prof niyang pinagalitan siya dahil nakatulog siya sa class. Pero di na ko makapagconcentrate dahil ang sakit talaga ng paa ko. Parang nasprain or something eh. “W—wait lang Gab.” “Masakit pa ba?” “Oo eh.” “Tara upo muna tayo.” Umupo kami dun sa isa mga bench. Nagulat na lang ako nung bigla siyang lumuhod para tingnan yung paa ko. Blush. “U—ui. Anong ginagawa mo?!” “tinitingnan ko paa mo. Baka hindi lang yan basta sakit. Baka sprain na pala.” “H—hindi yan. A—ano ka ba.” “anong ano ba ko?!” Hinawakan niya yung paa ko. Sa totoo lang, nahihiya ako. Eh pano kung madumi pala yung paa ko diba? Nakakaconscious kaya, lalo na pag yung gusto mo yung humahawak sayo… “Tsk… Tingnan mo yan… Namumula oh.” Breathe in. Breathe out. “Okay lang. A—ako na magaasikaso niyan sa bahay.” “Kung sa bahay niyo pa yan aasikasuhin, baka mamaga na yan.”

Page 51: Tossed Coin

“Wala namang yelo dito.” “Kaya mo ba maglakad hanggang sa tindahan?” “Oo—“ “Binabawi ko na sinabi ko. Natural di mo kaya.” Nagulat ako nung bigla siyang bumaba. Bigla kong naalala yung araw na yun… yung una kaming nagkita. Binuhat niya ko para matigil ako sa kakaiyak… At eto… Ginagawa niya ulit… Pero di para patigilin ako sa pag-iyak… Para sa… “O game.” Ang lakas talaga ng kabog ng puso ko. Naman eh. Hindi mo naman kailangan gawin yan. Pero, mukhang wala akong magagawa… I mean… meron naman pero… Hindi ko mapigilan yung sarili kong kiligin.

Karga karga niya ko. Buhat niya yung dalawa kong tsinelas. Para nga lang shunge kasi hawak ko yung bag ko at yung bag niya na sobrang gaan… actually para ngang walang laman eh. Nahihiya ako kapag tinitingnan kami ng mga tao. Pero… hindi ko matatago yung saya ko. Kailangan ko pa ba itago? Hay. Ayoko na magbukas… Pero pwede din para masabi na niya yung dapat niyang sabihin… Gusto ko na din magbukas. Ay ang gulo. “Okay ka pa ba?” “Uhm… oo naman okay pa ko.” “Anong oras na?” “5:15?” “Weh? Ang bilis naman ng oras.” Ang bilis naman ng oras. Bakit nga bag anon? Kapag siya yung kasama ko parang ang bilis bilis ng oras… Sana bumagal naman ng konti para mas mahaba yung panahon na kasama ko siya… “Naaalala mo pa yung una kitang kinarga?” “Oo naman… Di ko makakalimutan yun.” ”Ako din eh.” “T—talaga?” “Oo. Kaya nga nalaman kong bumigat ka eh.” “Ang sama nito!” “Oi! Wag ka ngang magulo.” Tapos nagtawanan kami. Ang galing… parang kami. Ilang buwan pa lang kami nagkakasama ng ganito… Pero… Parang ilang taon na? Sabagay… Ilang taon ko din siya hinanap at hinintay. Nung andun na kami sa tindahan, bumili siya ng 2 mountain dew tapos humingi siya ng yelo. Pinaupo niya ko tapos saka niya pinahid yung yelo sa paa ko. Actually, okay naman na talaga ako. Makakapaglakad naman… Naging mas okay dahil sa kanya… “Grabe, mag 6 na pala. Ang dilim na.” “Oo nga eh…”

Page 52: Tossed Coin

“May pupuntahan kasi ako ng 6:30.” “San?” “Bibisitahin namin kasi yung tita ko sa ospital. Iniisip ko ngang wag pumunta.” “Bakit?” “Eh ngayon lang tayo nagkausap eh.” “Ano ka ba! May cellphone naman eh. Text text na lang. Mas mahalaga yun.” Mas lalo naman akong kinilig dahil inisip niyang magstay. Ayos na yung inisip niyang yun. Pero tingin ko, mas mahalaga yung bisitahin niya yung tita niya. “Sayang naman.” “Bakit?” “Wala lang. Uh… May ibibigay pala ako sayo.” “A—ano?” Kinuha niya yung bag niya tapos may kinuha siyang box. BOX. Eh yung kinilig ako?! Iniisip ko nga singsing eh. Haha. Assumera. Feeling mo naman magpropropose sayo yan ng kasal!? Baliw! “A—ano yan?” “Teka, suot ko sayo.” Isang necklace yun na may pendant na star. Okay… okay. Kumalama ka lang. Kumalmaaaaaa sabi eeeeeh!!! Itago ang ngiti! Itagooooo!!!

“P—para san?” “Thank you? Salamat kasi ikaw lang yung taong pinakamarami ko na nasabihan.” “Talaga?” “Pambawi ko man lang yan. Isipin mo na lang ako yung isa sa mga yan sa langit.” Star. “Kaya nga ikaw yung una kong sasabihan nung sasabihin ko sayo bukas…” Ako. Yung. Una. Niyang. Sasabihan. Ng. Alin? I love you? HAHA. Assumera. “Sige na, alis ka na.” “Naks, pinapaalis na ko.” “hindi naman sag anon. Kung pwede nga magstay ka pa eh.” “Ha?” “Wala.” “Anong sabi mo? Di ko narinig.” Buti na lang. “Wala. Sabi ko di ka pwede magstay ng mas matagal kasi nga bibisitahin mo pa tita mo.” “Ikaw? Pano ka?” “Alis na rin ako maya maya. Cocontakin ko lang si Anya kung pwede sabay kami umuwi.” “Si Anya?” “Yup.” Ngumiti si Gab. “Nagkikita pa ba kayo ni Anya?” “Oo naman. Lagi… S—sige. Alis na ko.” “Bye. Ingat.” “Ingat ka din.” Tapos umalis na siya. Ang saya ng araw na to. Gusto ko sumigaw dahil sa saya. Tinext ko si Anya para tanungin kung meron siyang kasabay pauwi. Kaso nauna na daw siya.

Page 53: Tossed Coin

So, naisip ko, tumambay muna sa sunken para masaya. Naglalakad ako, mejo pipilay-pilay. Pero yun, okay naman. Gusto ko lang makita yung unang set ng stars. Kapag hinahawakan ko yung necklace na bigay niya, kinikilig ako. Tumambay ako dun sa isa sa mga bench. Unti unti na lumalabas yung ibang stars. Tapos maya maya, may familiar na tao akong nakita. Sobrang familiar na hindi ko na siya tinapik para tingnan kung sino. Umupo na lang ako sa tabi niya. Bakit pa kaya andito tong taong to? “Woi.” “Woah! Kanina ka pa anjan?!” “Ngayon ngayon lang. Bat ka andito?” “Eh ikaw? Bat ka andito? Diba magkasama kayo ni Gab?” “Ako kaya unang nagtanong.” “Wala lang. Napaupo lang ako. Kailangan ko ng preskong hangin eh.” “Training pala ah.” “Training. Training sa star gazing. Bakit, pwede naman yun ah?” “Weh. Ewan ko nga sayo.” “O eh ikaw?” “Kakaalis lang ni Gab eh.”

“Kayo na?” “Baliw.” Tumawa si Jet. “Wag kang tatakbo sa kin pag nasaktan ka ah.” “Kapal mo. Hindi ko nga gusto si Gab eh!” “Oo na. Oo na.” Tapos biglang napatitig si Jet sa may leeg ko. Hindi ko alam kung anong meron. “Hoi, anong tinitingin tingin mo?” “K—kanino galing yan?” “Ah… eto…” Hinawakan ko yung kwintas. “Sa kanya.” “Kay Gab?” “Oo.” Nagbuntong hininga si Jet. “Pupugutin ko na ulo nun. Ang gulo niya.” “Ha? B—bakit?” “Wala. Secret.” “Eh!!! Sabihin mo na sa kin.” “Ayoko nga.” “Eh!!!” “Wala. Basta. Teka, ano nangyare sa paa mo?” “Natapilok ako eh.” “Natapilok?! Bat sobrang pula?!” “Grabe yung tapilok.” “Tsh. Teka nga.” “Nalagyan niya na tong yelo.” “Sino ba nagsabi na lalagyan ko yan ng yelo?!” Dun sa mataba niyang mailer‟s bag, bigla na lang siya humugot ng bandage dun. “Woah! Paano ka nagkaganyan?!” “Basketball PE ko ngayon diba? Kaya kailangan meron ako lagi nito sa bag.”

Page 54: Tossed Coin

Pumunta si Jet dun sa may paanan ko tapos binandage niya dahan dahan. Habang ginagawa niya yun, bigla kong naalala yung ginawa ni Gab. Napangiti ako. “Salamat.” “Wala yun. Anong oras ka uuwi?” “Mmm. Ewan ko.” “Star gazing tayo?” “Keri lang. Sabay naman tayong uuwi eh.” So yun. Nakatingin lang kami sa langit. Habang nakahiga ako at nakatingin sa langit, iniisip ko yung mga nangyare kanina… Hay. Pag-ibig nga naman. “Jet.” “O?” “Pag star ka, anong star ang gusto mo? O sige, celestial body na lang.” “Ikaw?” “Yung buwan.” “Bakit?” “Wala lang. Ang cute kaya ng buwan.”

“Ako… Mmm…” “Ano?” “Yung… sun siguro.” Natawa ako sa sagot niya. Sun?! “Bat ka tumatawa?!” “Di ko alam kung naisip mo lang yun dahil wala kang maisip.” “Hindi no. Pinagisipan ko din.” “O, bakit nga?” “Sabihin na nating… Kahit hindi ako yung mga stars na katabi lagi ng buwan, at least ako yung nagbibigay ng liwanag sa kanya kaya siya nakikita tuwing gabi na.” Napatitig ako kay Jet. Star. Moon. Sun. “Nakakain ka ba ng buto ng manok?” “Ha?! Bakit?” “Wala lang. Weird nung sinabi mo.” “Tara na nga, bangag ka na ata eh. Uwi na tayo.” Kinuha niya yung bag niya at yung bag ko. Tapos sumakay na kami ng katips. Ang haba ng araw na to. Ang gusto ko na lang gawin ay ang magbuntong hininga. Countdown to tomorrow. CHAPTER 10 [Contradiction] At dumating na ang bukas. WAAAH! Sobrang excited na ko. Mga 2:00 na nga ako nakatulog kakaisip eh. Siyempre, ihalo mo na dun ang assignments. Blahblah. Pumasok ako ng school ng sobrang aga. One hour and a half ata akong sobrang aga eh. Naabutan ko pa si Anya sa tambayan, eh 7 am yung first class nun. “Bat ang aga mo?” “Di ko din alam eh. Di ako makatulog.”

Page 55: Tossed Coin

“At bakit di ka makatulog aber?” “Ganon talaga.” “Eh bakit nakangiti ka?” “Nababaliw lang.” Haha. Mababaliw na talaga ako dahil sobrang excited ako para sa mamaya. “Hula ko, magkikita kayo ni Gab mamaya no?” “Pano mo nalaman?” “Magkatext kami, sabi niya.” “T—talaga? Sabi niya? Ano pa sabi niya?” “Tsk, sabi na nga ba crush mo talaga si Gab eh!” “Hindi nga ano baaa!!!” “Eh bat ang dami mong tanong?” “Ay grabe. Masama na ba magtanong?” “Wala. Sabi niya maguusap kayo mamaya.” Napangiti ako. Haaay. Gusto ko na talaga mamaya. Tiningnan ko yung phone ko, pero wala pa namang nagtetext. Excited lang talaga ako. So yun. Umattend ako ng mga klase ko at nagpakasaya buong araw. Nawiwirduhan na nga sa kin si Jet. Para daw ako timangerz.

“alam mo, masaya namang ngumiti eh. Wag lang yung ngumiti ng walang rason.” “May rason naman ah!” “Ano?” “Secret.” “Tsk. Adik ka na.” “Mejo.” “Chi…” “Ano?” “Pupunta ako sa inyo mamaya.” “H—ha? Bakit?” “Wala lang.” “Anong wala lang? Eh baka late ako umuwi mamaya.” “Dun lang ako sa playground kapag wala ka pa.” “Para san nga?” “Sigurado ako, kailangan mo ng makakausap mamaya. Baka mabaliw ka eh.” Tama nga naman si Jet. Baka nga mabaliw ako sa sobrang saya mamaya. Sabagay… Mas mabuti narin yung may mapagsasabihan ako ng mga kilig ko sa buhay. “Magtetext na lang ako kapag pauwi na ko para dun ka na lang pumunta.” “Tsh. Ang kulit, sige na nga.” Ngumiti ako kay Jet. Excited na talaga ako mamaya. “Ang saya mo talaga ngayon.” “Hindi naman.” “Alam mo yung sabi na… Kung ano yung ikinasaya mo ngayon… syang ikalulungkot mo mamaya?” “Weh, may ganon bang kasabihan?” “Kaya nga ayoko maging masaya lagi. Baka bawian ako ng lungkot.” “Ako ang sisira sa paniniwalang yan.” “Pustahan tayo?” “Ayan ka nanaman. Kailan ka ba nanalo sa mga pusta?” “Mananalo na ko mamaya.” “Asan na ba ang mahiwaga kong… chenen… piso.” “Kapag heads, mananalo ako sa pustahan. Kapag tails, mananalo ka.” “Pustahan sa pustahan?! Sige na nga.” Toss. Flip. Drop. HEADS. Heads ang lumabas. “Nasagi ko ata.” “Anong nasagi mo? Asa.”

Page 56: Tossed Coin

“Sige, magsama kayo ng piso ko.” “Dalawa na kami.” “Weh. Asa. Basta. Tingnan mo…” “Oo na oo na… Basta pupunta na lang ako mamaya.” “magtetext na nga lang ako.” “Sabi mo eh.‟ Biglang may dumating na text ni Gab. Sabi niya okay na daw siya. So yun, nagpaalam na ko kay Jet. Excited lang naman ako. Habang naglalakad ako, iniisip ko yung mga mangyayare mamaya. Iniisip ko pa lang na aaminin niya sa kin kinikilig na pati yung lungs at liver ko. “Chi! Andito ako!” Nakita ko na si Gab. Ayan na, kinakabahan na ko. Ngayon na niya sasabihin yung thing na matagal na niya gustong sabihin… Sana nga… eto na yun. “Gab!” Pumunta ako kay Gab tapos binigay ko yung brownies na binili namin ni Jet kanina.

“Woah. Para san to?” “Wala lang. trip lang kita bigyan.” “Salamat.” Tas inakbayan niya ko. Oo sige, alam ko namang kinikilig ako eh. Nakakatuwa pa nung kumuha siya ng brownies gamit nung kamay na pinangakbay niya. “Aaah.” “Ha, hindi na. Para sayo lang talaga yan.” “Sus. Sige na. Aaah.” Aaah… Crap. Spell kilig. Nakakainis. Sige, ganito ba ang paraan niya para may thrill muna yung sasabihin niya sa kin mamaya? Sige pagbutihan mo pa. Eto na ang huling gabi na magiging magkaibigan tayong dalawa. Haha. Chi—ang dakilang assumera. Pero masaya narin ako sa nararamdaman kong to. Ang saya talaga kapag kasama ko siya. Magbabago kaya to kapag kami na? Chos. “Anong oras mo pala sasabihin sa kin yung gusto mo sabihin?” “Ay tae… ngayon na ba yung sabi ko?” “oo kaya!” “Next week na!” “Eh! Ang daya naman eh! Last week sabi mo next week. O ayan, dumating na ang next week, sabi mo bukas. Dumating na ang bukas… Deadline na to!” “Grabe, bilang na bilang talaga.” “oo nga. So, ano na?” “Maya maya.” Maya maya? Hinihintay niya siguro mag gabing gabi para sabihin sa kin. Bakit pa? Haha. Nakakakilig naman o. Fine. Sige, maghihintay ako maya maya. “Saan mo gusto tumambay?” “Kahit san…” …basta kasama ka. “Sunken na lang kaya tayo?”

Page 57: Tossed Coin

“Sige, para makapagstar gaze ulit tayo mamaya.” So yun, pumunta kaming sunken garden. Umupo lang kami dun, at kung anu-ano pinagsasasabi naming. Pinagtatawanan yung mga kung anu-ano… Pero hindi ko talaga natanggal sa isip ko yung sasabihin niya mamaya. “Wow, ang bilis magdilim.” Ganon naman lagi. Pag kasama mo yung taong pinakagusto mong makasama, ang bilis ng oras. “Oo nga eh.” “Suot mo ba yung bigay ko kahapon?” “Onaman.” Pinakita ko sa kanya yung necklace na bigay niya sa kin kahapon. “Ang cute talaga pag ikaw yung may suot.” “Siyempre. Sorry pala ah…” “Para san?” “Kasi brownies lang yung mabibigay ko sayo.” “Sa mga susunod na panahon… Hindi lang brownies ang mabibigay mo sa kin…” WAH!!! KINIKILIG TALAGA AKO!!! Tama nga naman, hindi lang brownies. Cake pa na may „happy first monthsary‟ o kaya „happy 1st anniversary‟. RAWR!!!

Sana hindi na matapos yung mga oras na kasama ko siya… Sabagay… Kapag hindi natapos… Paano na yung ibang alaala na magagawa namin diba? So yun. Magkasama lang kami hanggang sa lumabas na yung unang set ng stars. Nagtuturo lang kami, at nagaway pa kung nasaan si Cassiopeia. “Magkasundo ba kayo ni Jet?” “Minsan oo. Minsan hindi.” “Kailan yung minsang hindi?” “Yung kay Sheena. Alam ko hindi kami okay nun eh.” “May gusto din siya kay Sheena?” “hindi ah.” “Eh ano?” “Ayaw niya lang kay Sheena.” “Baliw talaga yun. Bigla na lang umaayaw kahit di niya alam yung dahilan.” “Mmm… Sa totoo lang, maraming beses na niya sinabi sa kin na nakikita daw niya si Sheena na may kasamang ibang lalake… Pero ayoko maniwala.” Di talaga ako nagkamali kay Jet. May pagkamisteryoso na ewan. Siguro… Si Jet na siguro yung taong sasabihan ko ng lahat ng sikreto ko sa mundo. Dahil… alam kong itatago niya yun… “Ilang beses na rin kami nagaway nun.” “Bakit?” “Ewan. Siguro di lang niya matanggap na kapatid niya ko.” “Actually, naguguluhan ako… Di pa kasi niya nakwekwento ng buo eh. Ang alam ko lang… Nagkaroon ng third party.” “Baka maguluhan ka lang talaga.‟ “Yan yung sabi niya sa kin pag pinapakwento ko.” “Ganito kasi yan. Magasawa na sina mama at papa, tas pinanganak ako. Officemates yung mama ko at yung papa ni Jet. Nagkalasingan… Si Jet yung… alam mo na. Mas matanda ako ng isang taon dun.” “T—talaga?” “Nagkagalit nga yung mga pamilya namin noon, sabi ni mama. Pero naayos din kasi mabait si tita, yung mama ni Jet ngayon. Alang alang kay Maia, pinatawad niya yung papa ni Jet at yung mama ko.” Si Maia yung kapatid ni Jet. “Tapos yun, tinuring nung mama ni Jet si Jet na totoong anak niya.”

Page 58: Tossed Coin

“S—so… ibig sabihin kapag sinasabi ni Jet na pakikamusta na lang ako kena tita… ibig sabihin…” “Oo. Mama niya talaga yung kinakamusta niya… Na mama naming dalawa.” Napatulala ako. Ngayon, gusto ko na lang hanapin si Jet at yakapin. Di ko naman alam na ganon… “Nagkita na ba yung mama niyo at si Jet?” “Oo. Pero lumalayo si Jet pag makikita niya si mama.” Haaay. Sira ulo talaga yung lalakeng yun. Ganon na pala yung nangyare sa kanya, pero wala naman siyang nasasabi sa kin. “Nagusap na kami ni Jet tungkol dun. Sabi niya, mahal daw niya yung kinalakihan niyang pamilya. Ayaw na daw niyang magkagulo pa.” Natahimik ako. Baliw talaga yung lalakeng yun. Karagado niya yun sa loob ng maraming taon, tas wala naman siyang nasasabi sa min… “O, bat ka natahimik?” “Wala lang. Di ko akalain na ganon pala.” “Ayos naman na kami. Minsan nga natutulog ako sa bahay nila eh.” “O?!”

“Oo. Ang bait kasi ni Tita Ana. Minsan nga niyayaya pa niya si Mama sa kanila eh.” “W—weh?!” “Wala naman kasing relasyon sina mama at tito eh. Nagkalasingan… Pero never tinuring na aksidente lang si Jet.” Napabuntong hininga na lang ako. “Ui, pasensya na. Mabigat na ata masyado yung nakwekwento ko sayo.” “H—hindi ayos lang. Okay nga eh, hindi naman kasi nagkwekwento masyado si Jet sa min.” “Hindi naman talaga yun nagkwekwento. Siya nga alam na niya kung sino gusto ko, pero di ko alam kung sino yung kanya.” Ibig sabihin… Kinukwento niya kay Jet?! Woah. “Speaking of… di mo pa sinasabi sa kin kung ano yung dapat mong sabihin sa kin?” “Ngayon na ba?” “Tingnan mo o! Umaandar na yung kaninang mga stars na tinitingnan natin kanina! Di mo pa din sinasabi!” “Maya maya na. Teka… may tanong ako…” “Ano?” “Pano kayo nagkakilala ni Anya?” “N—ni Anya?” “Oo, ni Anya.” “New student siya sa min nung second year high school, yung taon na umalis ka. Naging magseatmates kami. Tas yun, never na kami nagkahiwalay.” “Ah…” “B—bakit?” “Wala lang. May nakwekwento ba siya?” “Na alin?” “Wag na nga.” “Alin?” “Wala wala.” Tas tumayo siya para ayusin yung kinauupuan niya. “Kayo, pano kayo nagkakilala ni Anya?” “Groupmates kami dun sa bio 1.” “Ah.” “Ayun. Tas…” “Tapos?”

Page 59: Tossed Coin

Nagbuntong hininga siya. “Sige na nga. Sabihin ko na.” “Alin?” “Chi ano kasi…” Malakas yung pakiramdam ko na yung hinihiling kong gusto kong sabihin niya sa kin, hindi na iyon yung sasabihin niya. Poof. Hindi nga yun. Tas may dumaan na shooting star… “Astig! Nakita mo yun?” “Oo naman… kitang kita…” That shooting star was 5 seconds late… Hindi ko man lang hiniling na sana… hindi ko na lang narinig yung sinabi niya… So yun. Nagumpisang umambon kaya kailangan na naming umalis sa pwesto namin. Bumili muna kami ng juice

dun sa tindahan tas sumakay na kaming katipunan at nagpaalam na sa isa‟t isa. “Chi, salamat a?” “San?” “Ikaw lang yung tanging nilalang na napagsasabihan ko ng ganito…” Gusto kong sabihin na pwedeng tumigil ka na? pinalalala mo lang yung nararamdaman ko para sayo. Pero hindi naman pwede. Wala naman siyang idea sa kung ano man ang nararamdaman ko. “Walang anuman. Ano ka ba… Para namang naiba ka sa kin.” “Paakap nga.” “Pa—akap—” Kwekwestyunin ko palang yung gagawin niya, nagawa na niya. Wala na. Nahulog na ko sa mga braso niya. Gusto ko umiyak sa harap niya… Pero ano bang magagawa ko? Kundi ngumiti… Magpanggap… “Ingat ka paguwi.” “S—sige. Bye.” “Bye. Sakay ka agad ah?” So yun, tumawid ako ng tulay. Gusto kong burahin sa alaala ko yung sinabi niya. Sige, ang gulo na ng mundo ko. Telenobela? Ayoko nga. Hindi mangyayare yun sa kwento ko. Habang nasa jeep, nasa isip ko parin yung mga sinabi niya kanina. Peste. Sana mabura… Sana mabura ngayon na… Sana wala akong maalala. Sana di ko na lang maalala… ―Sige na nga. Sabihin ko na.‖ ―Alin?‖ ―Chi ano kasi…‖ Malakas yung pakiramdam ko na yung hinihiling kong gusto kong sabihin niya sa kin, hindi na iyon yung sasabihin niya. Pero umaasa pa din ako. Baka magbago yung ihip ng hangin… Pero pano? ―A—ano?‖

Page 60: Tossed Coin

―G—gusto ko si Anya.‖ Poof. Hindi nga yun. ―Di ko alam. Akala ko kasi nung nangyare sa kin yung kay Sheena, di na ko makakamove on. Pero ewan. Nung nakita ko siya, parang di ko mapigilan yung mapatitig na lang sa kanya. Para siyang anghel…‖ Sh*t. Wag kang iiyak… Wag kang iiyak… ―Kinilala ko… At isa lang yung nasa isip ko habang kinikilala ko siya…‖ ―A—alin yun?‖ ―Siya lang ang pwedeng… makapalit kay Sheena sa puso ko…‖ Second sh*t. Tama na. Tama na please. Tas may dumaan na shooting star… ―Astig! Nakita mo yun?‖ ―Oo naman… kitang kita…‖

That shooting star was 5 seconds late… Hindi ko man lang hiniling na sana… hindi ko na lang narinig yung sinabi niya… At eto. Naglalakad ako na yun lang ang iniisip. Sana di na lang yun nangyare. Haaay. Walanjo naman… Natalo pa ko sa pustahan namin ni Jet. Lumakas yung ulan. Biglang lumaki yung mga patak ng ulan. Pero kahit anong gusto ko magemote at gayahin yung mga nasa telenobela na naglalakad habang umuulan, hindi naman pwede. Ayokong magtapos ang araw na to na broken hearted na nga ako eh pinapagalitan pa ko ng nanay ko. Late na nga ako umuwi, nagpabasa pa ko. Hinintay ko na tumila yung ulan. Bat ba kasi hindi ako nagdala ng payong ngayon? Buhay nga naman. Nung tumigil na ang ulan, excited na ko magkulong sa kwarto at matulog… Kalimutan na lang lahat ng nangyare at magumpisa dun sa Cherry na naghahanap ng nilalang na nangngangalang Sef. Naglakad ako hanggang sa may nakita akong nakaabang sa gate… Sabi na eh… Hindi niya patatapusin ang araw na to hangga‟t di niya mapapatunayang siya ang nanalo. “Jet, andito ka pa?” Ready. Set. Go. Smile. CHAPTER 11 [Static] “Jet, andito ka pa?”

Page 61: Tossed Coin

Naglakad ako papunta kay Jet. Naghihintay lang naman siya dun sa gate namin na parang ewan lang. Kinokontrol ko parin yung sarili ko na wag magwala. Mamaya na lang siguro. “Nakalimutan mong magtext sa kin.” “Oo nga pala no! Haha.” “Ha…ha?!” Tumingin sa kin si Jet na parang nagtataka. May nasabi ba akong mali? “O, bat ganyan ka makatingin?” “Kailan mo pa sinabi yung tawa mo?” “Ha?” “Anong haha? Tumawa ka, hindi yung parang text yung tawa mo.” “Masama ba yun? Teka lang… Ate Rox!” Binuksan nung kasama namin sa bahay yung pinto. Ayaw pumasok ni Jet, pero keri lang. Nagbihis lang ako ng pambahay tapos lumabas na rin. Wala pa si mama, nasa office pa siguro. Si papa nag ddrive pa siguro. Yung kapatid ko, malamang nagbabasketball kasama nung mga high school friends niya. “O game, bat ka nga ba pumunta dito?”

Tinitigan ako ni Jet. “B—bakit? May p—problema ba?” “Ikaw, may problema ka ba?” “H—ha? T—teka, gusto mo bili tayong soft drinks?” Malapit lang yung tindahan so nilibre ko siya ng soft drink. “Mmm… sarap.” “Wala ka sa katinuan.” “Ano ba yang pinagsasasabi mo? Teka, di ka pa ba uuwi?” “Di pa.” “Bakit? May something ka ba dito?” “Meron pa.” “Alin?” Nagbuntong hininga si Jet. “May problema ka ba? Go, sabihin mo sa kin. Besprens na tayo diba?” “Wag ka ngang isip bata.” “Grabe naman to. Isip bata na ba yun?” “Anong nangyare?” “Anong anong nangyare?” “Sa inyo ni Gab?” CRAP. Ayan nanaman, naaalala ko nanaman yung mga sinabi ni Gab kanikanina lang. Sumikip nanaman yung dibdib ko. Gusto ko na lang matulog at humiga sa kama. Gusto ko na lang iiyak ang lahat… “Gusto mo sa swing?” “Halatang di ka okay.” “Ako?! Kamon. Okay na okay ako no.” “Nakalimutan mong umulan?” “Ay oo nga pala no. Hehe. Mmm… Bukas na lang. Kita kits na lang tayo sa school. Pagod na din ako eh.” “Walang pasok bukas.” “Ay oo nga pala no… Sa Tuesday.” “Ayokong mabalitaang may patay dito sa bahay niyo.” “H—ha? Wala naman akong suicidal tendencies no.” “Pagbigyan mo nga ako sa gagawin ko.” Napatulala na lang ako sa ginawa niya.

Page 62: Tossed Coin

Please… Wag niyo po ako paiyakin. Yakap ako ni Jet habang nahahampas ko sa kanya yung softdrink sa likod niya. Ubos na yung kanya, pero yung akin mejo puno pa rin. Di kaya… “J—Jet. Hui ano ka ba.” “Walang malisya to.” “A—alam ko naman p—pero bat mo ko yakap?!” “Hihigpitan ko pa pag nagsinungaling ka pa sa kin.” Plok. Plok. Plok. Lumakas nanaman yung ulan, kailangan naming sumilong dun sa silungan ng tindahan. Bumitaw na siya dun sa yakap niya sa kin. Ang tahimik… di ko alam kung paano ko sasabihin… “Ikaw ha. Nakakailang yakap ka na. Baka madevelop ka na sa kin niyan.” “Asa ka naman.”

Tumawa ako tas nagsip dun sa soft drink. “Bat ka ba pumunta dito?” “Hulaan mo, bakit?” Hulaan ko… bakit? Kasi alam niya? Tanong ko ba yun? O simpleng hula lang? “Alam mo?” “Ang alin?” “Jet naman eh. Wag mo na ko pahirapan.” “Di ko alam. Hindi ko alam na may gusto ka sa kanya. At hindi ko alam na may gusto siya kay Anya.” Natawa ako sa sinabi ni Jet. Kahit kailan… Wala naman akong sinasabi pero alam na ni Jet. Ganon na ba kahalata yung feelings ko para kay Gab? “Pano mo nalaman?” “Halata naman sayo.” “Seryoso?” Tumawa nanaman ako. Pagkatawa ko, nakatanggap nanaman ako ng pat mula sa kanya. “Ay grabe, nanggulo pa ng buhok.” “Baliw ka kasi.” “Eh pano mo nalaman yung kay Anya?” “Halata din sa kanya.” “Halata sa kanya? Buti ka pa… nahalata mo.” “Eh si Anya bukambibig nun pag magkasama kami. Kung anu-ano tinatanong sa kin.” BLOGSH. Yung mga ugat sa puso ko biglang parang bumuhol. Ang sakit naman nun. So ibig sabihin pag magkasama silang dalawa ni Jet, si Anya yung binabanggit niya? Hahaha. Assumera kasi ako. Ayan, ayan ang napapala ng mga assumerang tulad ko. Assumera ka kasi. Ayan. Masaktan ka ngayon.

Page 63: Tossed Coin

“Talaga…” Tiningnan ako ni Jet. Sa mga mata niya, alam kong gusto niya magsorry sa sinabi niya. “Chi…” “Nakakainis. Lahat na lang kayo nagkakagusto kay Anya… Ganon ba ako kapangit?” “Baliw! Sinong nagsabi na lang kami nagkakagusto kay Anya?” “Sus, halata naman sayo na may gusto ka kay Anya.” “Isa kang kalahating baliw.” “Hindi mo pa binuo.” “Wala akong gusto kay Anya, ilang beses ko ba dapat sabihin yun sayo?” “Eh mukang halata eh.” “Ikaw ba, nasabi mo na sa sarili mo na may gusto sayo si Gab?” “Kailangan pranka?” “Oo. Prankahang sakitan to.” “Tae ka. Tingin mo?” “Oo.” “Alam mo naman pala. Tinanong mo pa.” “O… kaya yung hinuha mong gusto ko si Anya… Malaki ang porsyentong mali.” “Ang g*go mo talaga.” Hindi ko na nakayanan. Ang pranka eh. Napaiyak na lang ako at napasandal sa kanya… Ano pa nga bang magagawa ko?

“Jet… bat ganon? Hindi ba pwedeng sa akin na lang siya magkagusto? Bat sa lahat, sa bespren ko pa?” “Isipin mo na lang, bespren mo din ako… Hindi siya magkakagusto sa lalake” Hinampas ko siya. Baliw talaga tong lalakeng to. “Naman eh.” “Joke lang.” “Sige na. Si Anya na maganda. Si Anya na lahat. Ang insecure ko… Nakakainis…” “Paslangin kaya kita. Porke nagkagusto si Gab kay Anya naging insecure ka na?” “Forever naman akong insecure eh.” “Ano ka ba. Papatayin ko talaga yung lalakeng yun.” “Uuuy! Wag naman! Hindi naman niya kasalanan eh… Hindi naman niya alam na may gusto ako sa kanya.” “Sa tuwing nagkwekwento siya tungkol kay Anya, gusto kong sabihin na bulag siya kasi hindi ka niya nakikita. Si Anya man yung una niyang nakilala—” “Diyan ka mali.” “Ha?” Di ko alam kung sasabihin ko na ba kay Jet to. Pero wala na eh. Nadala na ko ng mga emosyon ko. “Mas una niya akong nakilala.” “Ha?” Buntong hininga. “Naaalala mo si… Sef?” Wala pa kong sinasabi pero nanlaki na agad yung mata ni Jet. Kinagat niya yung labi niya at nakita kong hinigpitan niya yung grip niya. Sabi na eh. Magagalit lang siya. “Siya yun?! Si Gab?! Yung walang kwentang yun yung hinahanap mo?!” “Easy ka lang.” “G*go pala yun eh.” “Ano ka ba Jet. Wala namang kasalanan yung tao.” “Kaya pala ang easy niyo lang sa isa‟t isa. Nagkakilala na pala kayo dati? Anak naman ng—kinilala ka lang para mas makilala si Anya?! Ganon ba yun?!” Nung sinabi ni Jet yun, dun ko lang narealize na… oo nga. Baka nga yun. Baka nga dahil dun kaya kami naging close. Kasi gusto niyang makaclose si Anya lalo. Sino pa ba lalapitan niya? Eh di yung bespren din. Nakakabaliw.

Page 64: Tossed Coin

“Tae, ang sikip.” “Alin ang masikip?” “Ng mundo mo.” “Ano?” “Si Anya na bespren mo na gusto ni Gab, na si Sef pala. Sige, idamay mo na din ako na kapatid ng walangyang yun. Na bespren mo din?” Tumawa kaming dalawa. Sa wakas, naubos na di yung inumin ko. “Hindi naman. Mej lang.” Ngumiti si Jet sa kin. Tas kinurot ako sa pisngi. “Aray ko! Naman eh!” “Ikaw na ang may buhay telenobela.” “Asa ka boi. Magiging masaya ako… Ayoko ng drama.” “Pustahan tayo, iiyak ka sa kama pag alis ko.” “Puro ka na lang pusta. Masama nga yun eh.” “Di wag.” “Cornetto.” “Tamo to. Sige game.” “Jet…”

Napatingin ako sa langit. Wala na yung mga bituin kaninang nakita ko. Maulap na kasi. “Yes po?” “Salamat ha?” “San?” “Nakakainis ka. Sana sinabi mo sa kin nung umpisa pa lang na si Anya pala yung gusto niya. Sana sinabi ko palang noon pa na si Gab at si Sef iisa lang.” “Kung may sasabihin ako sayo, hindi yung mga yun.” “Alin?” “Secret.” “Naman. Baka pagsisihan mong di mo sinabi sa kin sige ka… Ha! Wag mo sabihing… Kafederasyon ka namin?!” “Baliw!” Kiniliti niya ko hanggang sa naghabulan na kami sa ulan. Pero nung nakita ko na yung sasakyan ni papa, nagtago na ulit kaming dalawa sa tindahan tapos saka hinabol yung mga hininga naming. “Umuwi ka na nga. Baliw.” “Magpakabaet ka ha?” “Oo naman.” “Magpalakas ka din.” “Ako pa?” “Anong balak mo?” “Wala. Be happy.” “Tanggalin mo na yang bigay niya. Andar na.” Andar? Move on? Haha. Nung may sasakyan na dumaan palabas ng subdivision namin, sumakay na siya. Walang last words kundi yung „andar na‟ na yun. Buntong hininga. Bumalik ako sa bahay. Sa wakas. Tapos na din ang araw. Humiga ako sa kama kahit mejo basa ako gawa nung habulan namin kanina. Tumatakbo nanaman sa isip ko yung mga nangyare kanina. Naiinis ako kasi siya lang tong nagustuhan ko ng sobrang tagal. Ngayong nagkaroon ako ng chansang magiing close sa kanya, lalo lang ako nahulog… Sobrang hulog na bumagsak lang ako sa lupa. CRACK.

Page 65: Tossed Coin

Tinakpan ko yung mata ko ng unan ko. Ang sakit sa ulo isipin yung mga nangyare. Mukang may cornetto si Jet sa Tuesday. RING. Gab calling… Sasagutin ko ba? “He—hello?” “Chi…” “O?” “Salamat kanina ah?” “W—wala yun ano ka ba. B—bat ka napatawag?” “Wala akong magawa eh.” “Eh bat di si Anya tawagan mo?” “Nakakatorpe.” “Asuuus. May chansa ka dun. Kaw pa!” “Tulad nga ng sinabi mo kanina, tiyaga lang yan.” “Wag kang magalala, tutulungan kita.” “Wag na.” “Akong bahala. Cupid ata to.”

“Anong gawa mo?” “Eto, assignment…” Wow. Let‟s clap our hands for Famas best actress awardee, Cherry Celeste. “Tulungan kita, gusto mo?” “Ay w—wag na.” “Mall tayo next week?” “P—para san?” “Wala lang. Sabihin na nating, nagenjoy lang talaga ako ngayon.” Ngumiti ako. Anak naman ng tofu. Gumising ka Chi. Gumising ka sa katotohanan… “Sure why not.” “Game yan ah?” “O, hindi ka ba mauubusan ng load?” “Inuubos ko lang yung load ko.” “Ay ganon.” “Nga pala.” “Mmm?” “Masaya talaga ako.” “Paulit ulit ka.” “Alam ko… Kasi di ako makapaniwalang may tulad mo.” “May tulad ko na…?” “Na napagsasabihan. Para bang… nakakita ako ng isang babaeng ako? Yung parang… salamin ko.” “Masaya akong malaman yan.” “Ayan sige, mauubos na.” “Byebye.” “Good night.” “Good night din.” “Sweet dreams…” “Sweet dreams.” “Geh.” “I—“ TOOT. Inunahan ako ng dial tone. Saktong wala na siyang load, kung kailan ko naman sasabihing gusto ko siya. Hahahahahahhahaha. Whatever. Sige mabaliw ka jan. Siguro nga. Di pa panahon? Whatever. Di pa panahon your face.

Page 66: Tossed Coin

Maging masaya ka Chi. Masaya daw siyang kasama ka eh. Pero bilang kaibigan… Kaibigan lang naman lagi… CHAPTER 12 [Skates] Umaga. Ayoko na bumati ng maganda, kasi hindi na maganda ang umaga ko simula nung araw na yun. Dumadating na ang exams, at malapit na ang sem break. Pero eto… Eto. Hanggang kaibigan pa rin ako. Marami ng nagbago mula nung araw na yun. Hindi natuloy yung next week na sinabi niya dahil wala akong contact sa kanya. Paanong hindi mawawalan eh nanakawan lang naman ako ng cellphone? Nakita kong may hiwa na yung bag ko. Kamustahin mo naman yun

diba? Malas. Hindi na rin ako masyadong nagiinternet. Pag sinabi lang ng mga prof namin na may e-mail siyang isesend. To cut the long story short… Nawalan ako ng gana sa buhay. Haha. Oo na. Siguro bitter lang talaga ako dahil… Minsan minsan na nga lang ako magkagusto, hindi ko pa makukuha. Minsan minsan ko na nga lang sabihin na mahal ko ang isang tao, hindi pa gawing regalo sa kin. MAHAL? Owkamon. Magingat ingat ka sa mga sinasabi mo, baka magkatotoo. Ilang linggo na ba ang nakalipas mula nung sinabi niya yun? Isa? Dalawa? O tatlo? Eto, nagpapaka grade conscious na lang ako. Maaga na rin ako umuuwi. Hindi ko na masyadong sinasabayan sina Jet, Anya… at siya. Haaay. Makakamove on rin ako. Makakakita din ako ng para sa akin… CRAP. Naiiyak ako sa tuwing naiisip ko na hindi siya yung para sa kin. Naman. Selfish na kung selfish… Pero… Di ko maexplain. Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko na gigimik ako kasama si Gab, ang taong mahal ko, at si Anya, ang best friend ko na mahal ng mahal ko. Paulit ulit na lang. Alam ko naman na maraming tulad ko na ganito ang kwento. Ano pa bang extraordinary dito diba? Ano? Kasi kwento ko to. Nahihibang na talaga ako. 4:00 na ng hapon at tapos na ang klase ko. Ilang linggo ko narin hindi masyado nakakasalamuha sina Jet at Anya. Hindi na nga ako pumupunta sa org activities namin. Naglakad ako papunta ng sakayan, at hindi na dumadalaw sa college, di tulad dati.

Page 67: Tossed Coin

May nakita akong Katipunan nung biglang nakita ko si Jet. Kunware wala akong nakikita. “Cherry!” Cherry. Wow. Long time no hear. Di ko alam kung bakit hindi ako lumingon. Kunware di ko narinig. Teka, bat pati si Jet iniiwasan ko? Ewan. Siguro dahil pag nakikita ko siya, naiiyak lang ako. Naaalala ko yung araw na yinakap ko siya para umiyak dahil nalaman ko na yung kapatid niya na mahal ko ay may gusto sa best friend ko. Hay sige. Ulit ulitin mo pa yang „yung mahal ko may gusto sa best friend ko‟ para masaktan ka din ng paulit ulit. “Anak naman ng—“ Narinig ko yun, pero hindi ako nagulat nung hinawakan niya ko sa braso ng sobrang diin tapos hinarap niya yung sarili niya sa kin. Ngunit subalit datapwat, nagulat ako nung nagpagupit na pala siya. “Wow, nagpagupit ka pala?”

“Isang linggo na ang nakalipas. Hindi ka kasi nagpapakita sa tambayan.” “Nakakatamad tumambay eh.” “Tara, tumambay ka ngayon.” “Ayoko.” “Wala kang magagawa. Utos yun.” “U—utos?!” Hinila niya ko papunta sa college namin. Ayoko na manlaban, nanghihina na rin naman na ko dahil dun sa tatlong linggo na nakalipas, laging dinner lang yung kinakain ko. “Lawlaw na yang mga taba mo.” “Wag mo nga pakielaman ang taba ko.” “Ano bang nangyare sayo?” “Tumatambay naman ako ah, hindi niyo lang ako nakikita.” “Wow. Nasagot mo ng matino yung tanong ko.” “Ano bang tanong mo?” “Papatayin ko yang si Gab pag nag gagaganyan ka pa. Gagawin ko yung botcha.” Natawa ako dun sa sinabi niyang gagawin niyang botcha si Gab. Alam talaga ni Jet kung ano yung mga hirit na magpapatawa sa kin. “So, ano ngang nangyare sayo? Alam kong nawalan ka ng cellphone. Nakita ko sa logbook. Susme, sinong nilalang ang maaabutan ka kung seven ng umaga ka tumatambay?!” “Wala. Eto, nagpapaka gc sa buhay.” “May utang ka pa sa king cornetto. Tumatakas ka lang ata.” “Oo nga pala no. Gusto mo?” “Tara.” So yun, bago pa man kami makarating sa tambayan, nagiba yung direction ng mga paa namin at pumunta ng CASAA, yung kainan sa min. “Flavor?” “Red.” “Wow, flavor na pala yun.” Tumawa kaming dalawa. Kahit papano, namimiss ko na si Jet at Anya. Sana kaya kong ibalik ang oras. Mas hindi ako nasasaktan nung hindi pa kami magkakilala ni Gab eh… Yung tipong hinahanap ko palang siya sa bawat sulok ng mundo bilang Sef. “So, kamusta ka na nga?” “Ano ba yan, paulit ulit yung tanong.” “Namimiss ka na ng mga tao sa tambayan.”

Page 68: Tossed Coin

“Talaga?” “Oo. Tinatawagan kita sa inyo pero laging busy yung… tae.” “Busy yung tae?” Natawa pa ko sa sinabi ni Jet at sa sinabi ko hanggang sa nung pagtingin ko, nasa harap namin si Anya at Gab. Wow. Hello world. Kamusta ka? Eto, pabagsak na. Walang gravity. CRAP. “Chiii!!!” Nagtatatakbo papunta sa kin si Anya at yinakap ako ng mahigpit. Napangiti ako, kasi yakap yun ng best friend ko. Pero sa tuwing nakikita ko si Gab… Bat nasasaktan ako? Nakita ko naman si Gab, papalapit sa aming dalawa. Hinawakan ko yung kamay ni Jet na nakaclose grip na parang handa na ngang gawing botcha si Gab. “Ui, balita?” Eto. Unti unting namamatay habang nakikita ko kayong magkasama.

“Ayos naman.” “Balita ko nanakawan ka daw ng phone?” “Oo. Hiniwa yung bag ko.” “Weh? At least walang nangyareng masama sayo.” Hindi ko alam kung bat napaluha si Anya. Pinunasan ko yung tumulong luha niya. Hay. Namimiss ko na si Anya, bilang best friend ko. Simula kasi nung college, hindi na kami ganon naguusap, pero best friend parin ang turing ko sa kanya, kahit alam kong marami na siyang sikretong hindi alam tungkol sa kin. “O, bat ka naman naiiyak?” “Akala ko kasi… Galit ka sa kin…” “H—ha?” Napatingin ako kay Jet na parang tingin na „may sinabi ka ba kay Anya?‟ na tingin. “B—bakit mo naman naisip yun?” “Kasi kung may masama kang nararamdaman… Alam kong ako yung una mong tatawagan… Eh nababalitaan ko lang lahat sa logbook… Akala ko talaga galit ka sa kin.” Naiinis ako sa sarili ko kasi dinadamay ko si Anya, eh wala naman siyang kasalanan. Hindi naman niya kasalanang nung sumabog ng ganda eh hindi siya nakapayong diba? Hindi naman niya kasalanan na siya yung nandon nung pinana ni Cupid yung puso ni Gab. Wala siyang kasalanan. Ako lang talaga tong hibang. “A—ano ka ba! Bat naman ako magagalit sayo?” Ngumiti ako at yinakap si Anya. Nginitian at kinindatan naman ako ni Gab. Kinilig naman ako. Hay. Ang hipokrita ko talaga. Hoy puso, pwede bang kahit sandali lang, itigil mo naman yang tibok mo para kay Gab?! “Pasensya na ah. Ang tagal mo kasing hindi nagparamdam eh.” “Keribels lang. Marami kasing ginagawa eh.” “Lagi kang late dun sa class nating tatlo kaya hindi ka na nakakaupo sa tabi namin. Tapos ang aga mo pa umalis kaya hindi ka na namin nakakausap.” “Pasensya na. Nagalala ka naman masyado.” “Nagooverthink na nga yang si Anya eh.” “San pala punta niyo?” “Babalik na sana sa tambayan.” “Ay, ako uuwi na.” “Uuwi ka na?” “Yep.”

Page 69: Tossed Coin

“Anya, sabay na ko kay Chi.” H—ha?! Bat naman siya sasabay sa kin umuwi ngayon? “Sige, okay lang. Ingatan mo yang bespren ko ah!” “H—ha? Bakit ka sasabay sa kin?” “Balak ko na talaga umuwi kanina pa.” “Nagpasama lang ako kay Gab na bumili. Ay Jet, pwede mo ba ko samahan?” Napatingin sa kin si Jet na parang „ayoko. Ayokong sumama ka jan.‟ pero nakita ko din yung wala siyang magawa dahil wala namang alam yung dalawang to tungkol sa alam naming dalawa… Na magulo na ang buhay namin? Haha. “S—sige.” “Ingat kayo.” Tumalikod na sa min sina Anya at Jet habang naglakad na kami ni Gab papunta sa sakayan. Heto nanaman yung tibok ng puso ko, ang lakas nanaman. Di ko mapigilan… “Chi.”

“H—ha?” Nagulintang ako nung tinawag niya yung pangalan ko. Parang di ko alam kung anong sasabihin. “O, bat parang nagulat ka?” “Hindi ah.” “Gusto mo mag megamall?” “Megamall?! Hindi na. Ang layo nun papunta sa min.” “Ihahatid kita.” “Ha?” “Dala ko kotse ni papa ngayon.” WOAH. Nagulat ako nung sinabi niya na may kotse siyang dala ngayon. Though hindi sa kanya yun, at least marunong siyang magdrive. “Okay lang.” Like as if ayaw mo siyang makasama. Bat ka nga ba hihindi? “Tara.” So yun, pumunta kami dun sa pinagparkingan ng kotse niya. Napapa „woah‟ parin ako na may dala siyang kotse ngayon. Ni hindi ko nga alam na marunong siyang magdrive. “Kailan ka pa natuto magdrive?” “Last year.” “Bat ayaw ka pa bigyan ng kotse?” “Di namin kaya no.” “Weh. Muka ngang mayaman kayo eh.” “Hindi no.” “Hindi daw. Wooshoo.” “Alam mo…” “Alin?” “Namiss ko yang pagagaganyan mo.” CRAP. Sige. Lakasan mo pa yang volume ng heartbeat mo para marinig niya. Kinikilig ako sa mga pinagsasasabi niya. Parang ang awkward tuloy kasi wala ng nagsasalita sa aming dalawa simula nung sinabi niya yun. In-on ko na lang yung music tapos kumakanta na lang ako sa mga alam kong kanta. Mejo traffic, kaya nga ang awkward pa rin kasi wala kaming mapagusapan. Kumanta na lang ako.

Page 70: Tossed Coin

“Ganda pala ng boses mo eh.” “Hindi no.” “Asus. Sabi ni Jet, maganda talaga daw boses mo.” “Sira ulo yun.” “Oo nga. Alam mo ba na maganda din boses nun?” “Oo. Nagjajam kami paminsan minsan.” “Buti pa kayo, biniyayaan ng magandang boses.” “Bat ikaw? Kaya mo yun!” “Sus, pag kumakanta ako, parang sumisigaw lang.” “Maganda din naman boses mo kahit hindi ka kumakanta eh.” WAPAK! Sira ulo ka Chi!!! Basta ka lang ba nadulas o talagang gusto lang sabihin yun ng utak mo?! Anak naman ng tofu yan oh. “Salamat.” Tapos ngumiti siya sakin. Haaay. Heaven. Nagddrive pa rin siya habang kumakanta pa rin ako, hanggang sa may naisip akong itanong sa kanya.

“Kamusta na nga pala kayo ni Anya?” “Ayon.” “Anong ayon?” “Di ko alam kung pano ko sasabihin eh.” “Ano ka ba! Akala ko pa naman dun sa tatlong linggo na di tayo nagkita kayo na eh!” “Ang bilis naman. Nililigawan ko muna.” “Alam ba niyang nililigawan mo?” Ngumiti lang siya sa kin. Ako naman, napapalo ako sa noo ko. “Gab! Ano ka ba! Hindi pala niya alam eh!” “Uso pa ba yung pagtatanong kung pwede ligawan?” “Ano ka ba. Si Anya yang nagustuhan mo eh.” “hindi ba… alam na ng babae yun? Binigyan ko siya ng bouquet nung isang araw.” “Hulaan ko kung ano yung sabi niya.” “Ano?” “May okasyon ba?” “Mali.” “Eh ano?” “Ang sabi niya, „para kay Chi ba to?‟” Tumawa kaming dalawa. Pero sa loob loob ko, anak naman ng—ang sakit nun ah. “Ano sabi mo?” “Sabi ko para sa kanya yan. Dahil gusto ko siya bigyan.” “Para kay Anya, wala lang yun. Manhid yun eh.” “Hindi ba dapat given na yun?” “Hindi kami manghuhula no. Tsaka… Si Anya?! Hindi yun assumera tulad ko.” “Ha?” “Wala. I mean, hindi siya assumera.” “Ang hirap naman.” “Totoo. Mahirap talaga. Si Anya eh.” “Hayaan mo na, mahal ko eh.” Pana. Kutsilyo. Itak. Baril. Quadruple dead na yung puso ko. Tinukso ko na lang siya nung sinabi niya yun. Pero sa loob loob ko, duh. Masakit. Sige, ipagduldulan mo pa sa kin na siya yung mahal mo. Sabagay, sino ba ako para manghusga? Eh ba malay ko kung mas madami talaga silang pinagsamahan ni Anya. “Yown, sa wakas, malapit na tayo.”

Page 71: Tossed Coin

Nakita ko na yung megamall. Halos 6:30 na nga kami nakarating, benta lang. Pero yun, siyempre, naghanap muna kami ng parking para sa sasakyan niya. “San mo gusto una?” “Ewan ko sayo. Kahit san. Kaw naman magyaya.” “Alam ko na, marunong ka ba mag ice skating?” “Hindi. Bike nga natatakot ako eh.” “Sige, tuturuan kita.” So yun, pumunta kami dun sa ice skating chorva. Siya pa nga yung nagbayad eh. Nagulat lang ako, sure akong mayaman sila. Hindi naman siya magaatubiling ilibre ako kung hindi. Pwede naman gawin niyang utang… Unless na… HAYNAKO CHI. Magsawa ka naman sa pagaassume mo diba. Nauna siyang pumunta dun sa ice skating ring. Okay, so marunong din siya mag ice skate. Ako naman, nakahawak dun sa gilid na parang shunge lang. “Subukan mo pumunta dito.” “Ayoko, natatakot ako.” “Isipin mo lang, papunta ka sa kin.”

Isipin ko lang… papunta ka sa kin… Sigurado akong maraming dapa yun. So yun, sinubukan kong pumunta pero nadadapa lang ako. Pumunta na lang ako dun sa gilid ng skating ring saka sinabing hindi ko kaya. Sa huli, siya yung pumunta sa kin. “Sorry, di ko kaya.” “Ayos lang yun. To, hawakan mo yung kamay ko.” So yun, hinawakan ko yung kamay niya. Kinikilig pa rin ako, hawak ko ba naman yung kamay niya eh. Kahit nasa skating ring kami, ang init parin ng kamay niya. Nakakatawa, kasi ilang beses ako napayakap sa kanya. Hindi dahil sinadya ko, pero weak lang talaga ako pagdating sa skating ring. Pero… Di ko matago yung saya ko nung mga oras na yun… Mga oras na hawak ko yung kamay niya… Mga oras na ginagabayan niya ako… After one hour, umalis na kami tapos naglakad. Tawa parin ako ng tawa sa first experience ko ng pag iice skate. Naalala ko tuloy nung tinuturuan ako magroller blades ni kuya Ian. Never ko natutunan ang magroller blades… Pero ang saya ko din nung araw na yun. “San mo gusto kumain?” “Mmm… KFC!” “Sige, tara.” Pumunta kaming KFC. Ako yung naghanap ng seat, siya naman yung umorder. Hindi ko alam kung anong inorder niya para sa kin pero siya yung nagbayad. Napangiti ako. Para kasing date eh. Dumating siya na may dalawang krushers, dalawang order ng chicken na may large softdrink at dalawang large mashed potato. Sus, busog na nga ako sa mashed potato ng KFC eh! “Ang dami naman nito!” “Siyempre. Baka tatlong linggo nanaman tayong di magkita.” “Malapit na sembreak no.” “Onga eh.”

Page 72: Tossed Coin

Sa bawat subo ko, siya yung iniisip ko. Sana… sana ako na lang yung nagustuhan niya. Eh di sana… Nagsasama kami ngayon as bf-gf at hindi bilang magkaibigan lang. Ano ba yang sinasabi mo ha, Chi? “Bat ba kasi di mo masabi kay Anya?” “Ewan ko. Di ko alam.” “Torpe ka?!” “Ewan.” “Anong ewan. Oo, torpe ka nga.” “Eh di ko talaga alam kung paano sasabihin.” “Tutulungan kita. Akong bahala!” “Wag na ano ka ba.” “Basta.” Nag sip ako dun sa soft drink. Crap. Ikaw ang may gusto niyan Chi ha? Hindi naman siya nanghihingi ng bridge eh. Hindi naman siya nagtatanong kung pwede mong itulay siya kay Anya. Ikaw ang may gusto niyan. Sige. Aasa na lang ako sa mga love story na ang nagkatuluyan ay yung nagtulay at yung humingi ng pabor para magtulay. Tama… May pag-asa pa ko. Ang kaibahan lang…

Ako na mismo yung nagsabi na ako ang magtutulay. Okay na yun. Pagkasakay namin sa kotse niya, nakatulog ako. Pagkagising ako, lumagpas na kami dun sa papunta sa bahay niya. Nagulat ako. “Hui! Lagpas na tayo sa bahay niyo!” “Sabi ko ihahatid kita diba? Matulog ka muna.” “P—pero…” “Sige na. Gigisingin na lang kita pag andun na tayo sa gate ng subdivision niyo.” “Alam mo ba kung saan?” “Oo. Sinabi sa kin ni Jet.” Minsan, gusto ko magpasalamat kay Jet sa mga information na binibigay niya kay Gab. Pumikit muna ako, pero hindi na ako makatulog. Ang saya eh… Ang saya ko ngayon. Biglang nawala sa utak ko na iba yung gusto niya. Ang nasa utak ko ngayon ay yung may pag-asa pa ako… Pagkadating namin sa gate, ako na yung nagsabi na bababa na ko. Nakakahiya na kung ihahatid pa ko sa bahay namin. Isa pa, sigurado akong andun na ang nanay ko. Baka magwala yun. “Salamat ha?” “Sayo nga ako dapat magpasalamat eh. Wag mo na ulit uulitin yung mawawala ka ng ilang linggo.” “Sige. Sabi mo eh.” “Ingat ka ah?” “Ingat ka din.” Tapos sinara ko na yung pinto. Kahit alam ko na hindi niya ko nakikita habang nagbababay, keri lang. Hindi ko matanggal sa mga labi ko yung ngiting to. Pagdating ko sa bahay, mejo late na. Ayun, question and answer portion kasama ni mama, pero keri lang, nasagot ko naman ng matino. Maya maya, tinawag ako ni mama dahil may phone call daw. Nung mga huling araw, tulog na ko pag sinasabi nina mama na may tumatawag sa kin. Or, sinsabi ko kay na may ginagawa ako. Pero alam ko naman kung sino yung mga tumatawag. Dalawa lang naman yun. “Jet, o Anya.” “San ka na?” “Duh, obvious ba. Bangag ka ata eh. Bahay natural. Kakauwi ko lang.” “Kakauwi mo pa lang?! Natural alam ko, kasi kanina pa ko tawag ng tawag pero wala ka daw.” “Nagyaya siya mag SM eh.” “Ha?! Nag SM pa kayo?!” “Dala niya yung sasakyan ng papa niya.” “Anong dala niya… Baka tinakas niya. Ayos ka lang ba?”

Page 73: Tossed Coin

“Oo ano ka ba. Buo parin naman katawan ko.” “Baka naman naiwan mo puso mo ah.” “Ang korni mo. Nasa akin pa.” “Mabuti yan… Uhm…” “Ano?” “Wala. Naiinis lang ako.” “Bat ka naiinis?” “Sabihin nating… Wala kasi akong magawa.” “Naiinis ka dahil wala kang magawa? Sige, bibigyan kita ng gagawin. Baka gusto mong sagutan yung probset ko?” “Hindi kasi ganon.” “Eh ano?” “Ibababa ko na.” “Ang labo mo.” “Kahit kailan naman eh.” “Ewan ko sayo. O ano, ibababa mo na?” “Haaay. Sige na nga.” “Ano ba yang buntong hininga na yan?!” “Wala wala. Bye.” Toot. Minsan, hindi ko talaga alam kung anong problema ni Jet.

Masyado na akong pagod na napahiga na lang ako sa kama. Bago ako matulog, yung scene na nasa skating ring parin ang nasa isip ko… Sana mahawakan ko ulit yung kamay niya ng ganon. CHAPTER 13 [Two Things] Isang linggo na lang, sembreak na. Sunud sunod na yun panigurado, I mean, lantern parade, Christmas parties, pasko, new year… You know what I mean. Mula nung araw na yun, tumambay ulit ako. Bumalik ang buhay ko. Haha. Kahit papano, positive thinking… MAY PAG-ASA AKO. Hindi sa gagawa ako ng masama sa kanilang dalawa pero, malay natin. Sige, positive thinking Chi. Go lang. Nakabili na ko bagong phone, yung second hand lang. Ayoko magaksaya ng ganong karaming pera para sa cellphone. Pero wala kasi akong makitang 3310, eh yun nga yung gusto ko para hindi manakaw. Baka nga itapon pa sa kin yun pabalik ng magnanakaw eh, maawa pa sa kin. Unfortunately, wala akong makita. So yun, yung pinakamura na lang. “Chi, lunch tayo.” “May baon ako eh. Samahan na lang kita.” “Sige.” So yun, pumunta kami sa CASAA para dun umorder ng lunch ni Jet. “O, kamusta na kayo?” “Ni Gab?” “Oo. May iba pa ba?” “Ayun. Bespren parin turing niya sa kin.” “Tatlo na kaming bespren mo ah. Ayos.” “Hindi naman bespren turing ko sa kanya eh.” Tapos ngumiti ako. “Tss.” “Gusto mo ba ng milo?” “Sure.”

Page 74: Tossed Coin

Tapos bumili kami ng milo ni Jet, I mean, nilibre pala niya ako. “Mamaya ko na lang iinumin, pag nasa tambayan.” “Minsan ba, pumasok na sa isip mo na magkagusto sa iba?” “Oo naman.” “May nagustuhan ka na bang iba bukod dun sa bading na yun?” “Ang sama mo talaga kay Gab! Bat bading?!” “Eh ang torpe kay Anya eh.” “Kung iisipin mo, si Gab na yung pinakanagustuhan ko.” “Baka naman… Kinukulong mo lang yung sarili mo?” “What do you mean kinukulong?” “Yung… May gusto ka talagang iba… Pero dahil iniisip mo na siya lang yung dapat mong gustuhin, nakasarado na yung puso mo.” “Ano?! Di kita naiintindihan.” “Wag mo na nga pansinin.” “Tss.” “Bading din naman ako eh.” “Weh?! Di nga! Sabi na nga ba, kaya ka galit na galit kay Gab dahil kay Anya eh!” Ngumiti na lang si Jet tapos nagtuksuhan na lang kami. Pagdating namin sa tambayan, andun na si Anya. Pagkakita niya sa min, parang nakita ko siyang nagpout. Tapos nagbuntong hininga at ngumiti na lang ulit nung nandun na kami mismo sa tambayan.

“O, bat ganyan yung mukha mo?” “W—wala lang. Nakabili na kayo ng lunch?” “Si Jet lang. May baon ako eh.” “Aaah. Sige, bibili lang ako ah.” “Okay.” Bago ako mag lunch, tiningnan ko yung logbook. May entry dun si Anya. Ang nakasulat… Ikaw nga ang gusto makuha ng iba… Pero yung gusto mo, hindi mo naman makuha. Hahaha. Di ko makuha yung teddy bear na gusto ko. –Anya Tapos may mga comment na „ikaw na ang gusto makuha ng iba‟ tsaka „like‟ etcetera. Kaya ba siya malungkot? At bat niya naman gustong makakuha ng teddy bear ngayong mga araw na to? Weird. Pagbalik ni Anya, umupo siya sa tabi ko. Mejo maingay sa tambayan kasi maraming tao, lunch time kasi eh. Si Jet, ayon, nakikipagpilyuhan sa ibang mems. “Anya…” “Mmm?” “Bat mo gusto ng teddy bear ngayon?” “Ay wag mo na pansinin.” “Alin nga yun?” “Wala yun, echos lang.” “Ganon ba…” Sabay subo. “May tanong pala ako.” “Alin yun?” “Nagkagusto ka na ba ever?” “Alam mo, hindi ko alam kung ilang beses mo na yan tinanong sa kin.” “Ang lagi mo kasing sasabihin, wala. Pero ngayon, gusto lang ulit kita tanungin.” “Bat mo natanong?” “Wala lang. Sige, irerephrase ko… Kung may manliligaw ba sayo ngayon… Paghihintayin mo din ba?” Napatingin sa taas si Anya, nag-isip. Actually, hinihintay ko yung sagot niya… Para malaman ko kung anong pwede niyang gawin kay Gab… Ewan ko ba dito. Marami na siyang binusted at pinaghintay. Maswerte na nga pag sinabi niya sayong „kung makakapaghintay ka‟ kay sa naman yung „sorry, di pa ako pwede‟ mga ganon ba.

Page 75: Tossed Coin

“Wow ha. Ikaw na ang pangalawang tao na ang nagtanong sa kin niyan.” “Talaga?” “Kung siya… Baka hindi. Yakers. Joke lang.” “S—sinong siya?!” “Wala yun.” Nagbehlat si Anya sa kin tapos saka tumayo. Ako naman, nagsisigaw ng „ang daya‟ mode. Sabagay, hindi nga niya alam na gusto ko si Gab eh. Sinong siya… Di kaya… Si Gab? Wow. Gujab. Pag nagkataon, eh di may mutual understanding na sila. Isa na lang ang dapat gawin ni Gab, yun ay ang aminin kay Anya… Pero. Pero. Pero. Ang weird dahil sabi ni Gab, binigyan daw niya ng bouquet si Anya. Kung si Gab din ang gusto ni Anya, bat parang yung expressions ni Anya ngayon parang normal pa din? I mean… Hindi yung aura na yung taong gusto niya yung

nagbigay ng flowers? So anong pinapalabas mo Chi? Na hindi si Gab ang gusto ni Anya, at may pag-asa ka pa? Weh. So yun, nagsipunta na kami sa mga klase namin. Maya maya, nagvibrate ang phone ko. Siyempre tingin naman agad ako. Chi, pede ka ngayon? Ayan, nagiimbita nanaman si Gab. San na kaya kami ngayon tutungo? Sure. Text ka na lang kung san. Wala pang isang minuto, biglang nagvibrate yung phone ko ulit. Andito lang naman ako sa labas ng classroom niyo. Wala kaming klase eh. Hintayin na lang kita. Haha. Ano ba yan, nakakaantok naman yang prof niyo. Haha. Gehgeh. Aral muna. WAH! Nasa labas siya ng room?! Napatingin ako sa may pintuan, wala siya. Baka andun siya sa may side ng wall. Gusto ko na agad matapos yung klase para makausap siya ulit. Malapit narin magsem break, alam kong hindi na kami masyado makakapag usap ng ganito. Naka ilang tingin din ako sa orasan. Ilang tingin… Ilang tingin… At nang banggitin ang „class dismissed‟… Kinuha ko agad yung bag ko tapos nagmadali papalabas. Andun na siya, nagtetext at naghihintay. “Ui, sorry sa paghihintay.” “Hindi, ayos lang.” “San tayo?” “Gusto mo sa sta lu?” Ngumiti ako. “Sure.”

Page 76: Tossed Coin

Hindi na ko nakapuntang tambayan para makapag paalam. Basta, derederecho na lang ako kasunod si Gab. Siguro nga, masisiraan na ako ng bait. Tahimik lang kami na papuntang sta lu, pero minsan nagkwekwentuhan pa rin kami. Tahimik lang si Gab, parang may dala dalang problema. “San mo gusto?” “Teka, may problema ka ba?” “Upo muna tayo, saka ko sabihin.” “Kahit saan…” “Okay lang mcdo?” “Oo naman.” So yun, pumunta kaming mcdo. Siya yung nagorder para sa kin, as usual libre niya. Mukha talaga siyang malungkot, bakit kaya? Parang… nalulungkot din ako. “O eto. Fries muna ah?” “Sus. Ewan ko nga ba sayo kung bat ka nanlilibre.” “Okay lang. Ikaw naman eh.” Ngiti. “So ano, bat ka nga ba ganyan?”

“Chi… Parang…” “Parang?” “May gusto ata si Anya na iba eh.” “Ha?” Si Anya? Magkakagusto? Baka… yun yung sinasabi ni Anya na „siya‟ dun sa conversation namin kanina. “Magkatext kami. Tapos…” “Tapos?” “Ewan. Basta may gusto ata siya.” “Eh di sana sinabi na niya sa kin.” “Yun nga din nasa isip ko eh. Pero… Para talagang…” “Wag ka ngang praning. Ano ka ba. Ano ba sabi?” “Teka, ipapakita ko sayo yung mahabang text niya.” Kinuha ni Gab yung cellphone niya, saka pinakita sa kin. “Ang tanong ko nung mga panahong yan, kung may nagustuhan na ba siya. Tas yan yung sabi niya.” Akala ko din dati manhid na ko kasi nakailang busted na din ako. Haha, ang yabang eh no. Pero masaya ako kapag kasama ko siya, masaya ako kapag nagtetext siya, masaya ako kapag siya yung kasama ko. Siguro nga gusto ko na siya. Ewan. Haha. Ui, inaantok na ko. Good night muna ha? Tulog ka na. “Hindi ba sumagi sa isip mo na ikaw din to?” “Hindi. Alam kong hindi ako to.” “Ano ka ba. Positive thinking. Isipin mo, bat ba niya to sasabihin sayo diba? Malay mo… Pagpaparamdam lang.” “May sumunod nga na tanong eh. Pero kanina lang niya nasagot.” “Alin dito?” Kinuha niya yung cellphone niya tapos saka niya pinakita sa kin. “Eto. Ang tanong ko, kung… Kung may manliligaw ba sa kanya ngayon… Paghihintayin ba niya.” WAH! Kaya pala sabi ni Anya kanina pangalawang beses na niya narinig yung tanong na yun. OMG, hindi kaya nakahalata si Anya? Pagtingin ko sa text, eto yung sagot niya. Pasensya ngayon lang rep. Oo. Kung gusto naman talaga niya ko maghihintay siya eh. Naweirduhan ako dahil iba yung sagot ni Anya sa kin sa sagot niya kay Gab. Si Anya kasi, may pagkapilya sa mga sagot. Sinasabi niya kahit hindi naman talaga ganon yung ibig sabihin… Read between the lines ba?

Page 77: Tossed Coin

Feeling ko, gusto ni Anya si Gab. Nagpaparamdam lang ng onti si Anya. Pero sana, mali yung feeling ko. “Gab, positive thinking. Lahat naman ata ng lalakeng nagkakagusto sa kanya pinaghihintay niya eh.” “Alam mo, yan din yung gusto kong isipin eh.” “Eh di isipin mo.” Ngumiti ako. “Nakakatawa lang. Parang kang lalakeng Gabriel.” “Ha?” “Para kang lalakeng ako.” “Lalake talaga ako na sumapi sa katawan ng babae.” Natawa siya. Hay sige Chi. Tama yan. Gawin mo yung sarili mong one of the boys. Tapos, pag sila na, magngangangawa ka. Mabuti yan. Masokista. Umiinom ako ng soft drink nung bigla niyang sinabing… “Hindi kaya soulmates tayo?”

Buti na lang hindi ako inubo, kundi baka nahalata niya. Napatingin lang ako sa kanya at napatawa. Yun din yung inisip ko dati. “Soulmate ka jan. Sabagay, hindi lahat ng soulmate nagkakatuluyan.” “Tama. Pwede namang soulmate na magkasundo lang diba? Parang tayo.” “Tama.” Ano ba yung sinabi ko… Self flagellation. Hay, mabuti yan Chi. “Kaya mo yan. Wapo ka naman… Tas maganda naman si Anya. Parehong astig. Perfect Match.” “Tss. Di kaya ako gwapo. Okay pa yung mabait eh.” Tumawa si Gab. “Pahumble ka pa.” “Eh kung nadadaan sa bait ang lahat, eh di okay na. Kaso di eh. Kailangan may pogi points.” “Ano ka ba, halos lahat ng babae nagiging crush ka.” “Eh bat si Anya?” “Malay mo! Eh unpredictable kaya yung babaeng yun.” “Eh bat ikaw?” Hindi kasi kita crush. Mahal kasi kita. WHAT THE. Ano ba yung sinabi ko?! Nakakakilabot. “Eh lalake ako eh, hindi ako magkakagusto sayo.” Tumawa nanaman si Gab. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Naririnig kaya niya yung pag-iyak ng kaluluwa ko? Haha. Benta. Self flagellation talaga tong ginagawa ko. Naglakad na kami. Hinatid niya ko sa sakayan ng jeep. Habang naghihintay ng jeep, siyempre nag uusap nanaman kami tungkol sa kung anu-ano mang bagay sa ilalim ng langit. “Ui, ayan na o. May jeep. Sumakay ka na habang di pa puno.” “Umuwi ka na rin pag katapos ah.” “Oo naman. San pa ba ako pupunta?” “Baka magbulakbol ka pa eh.” “Salamat ulit. Sorry, kinuha ko nanaman oras mo.” “Sus. Wala yun. Ikaw naman eh.”

Page 78: Tossed Coin

Ang gusto ko gawin? Gusto ko siya halikan sa cheeks tapos tatakbo ako papunta sa jeep, parang sa mga koreanobelang napapanood ko. Pero di pa ganon kalakas ang loob ko. Hahalikan ko na lang siya sa cheeks sa imagination ko. “Sige, sakay na ko.” “Teka.” “Ano yun?” Nagulat ako nung bigla niyang kinuha yung likod ng ulo ko… Tapos hinalikan niya ko sa noo. Nanlaki yung mga mata ko… At tumibok yung puso ko ng… Sobrang lakas… “Soulmate, ingat ka pauwi.” Kinindatan ako ni Gab. Matutunaw na ako at the count 10…

“Tss, di mo naman kailangan gawin yun.” …8 …7 “Kailangan yun, para may blessing ka galing din sa soulmate mo.” …5 …4 Tapos tumawa siya. “Ingat ka!” …1 Nagwave siya tapos tumalikod na at naglakad papunta dun sa tawiran. No doubt, masaya nanaman ako dahil nakasama ko siya. At siyempre… Tunaw na talaga ko dahil sa „blessing‟ kuno niya. Pagdating ko sa bahay, naligo ako na may ngiti. Humiga ako sa kama na may ngiti. Tiningnan ko yung phone ko na may ngiti. 3 messages received. Dalawa galing kay Jet. Isa galing sa Globe. Asan ka? Yung una. Tss. Ano ka ba. Nagpapakamatay ka ata eh. Bat mo siya kasama? Nagtaka ako dun sa pangalawang text kasi hindi ko naman tinext na magkasama kami. Ni hindi ko nga hinawakan yung phone ko nung magkasama kami ni Gab eh. Yung pangatlong text, share a load. Baliw talaga tong si Jet. Siyempre, nagreply na ko. Hoy, bat ka naman nagshare a load sa kin? Tsaka pano mo nalaman? Nakauwi na ko. Mga dalawang minuto after kong magtext, tumatawag na siya sa phone ko. Ayoko ngang sagutin eh, sayang kasi sa load niya. Kaso alam ko naman ugali ni Jet, hindi yun titigil hanggat di ko sagutin. Naka pitong tawag na siya na di ko sinagot. Dun sa pangwalo, sinagot ko na.

Page 79: Tossed Coin

“Yo.” “Bat ang tagal mo sumagot?” “Eh sayang sa load mo.” “Inuubos ko na lang yung load ko.” “Weh, lagi mo na lang dahilan yan. Pwede namang sa phone, alam mo naman na number dito sa bahay.” “Ayoko. Baka dumating sa puntong mag one-on-one na kami ng mama mo.” “Baliw.” Natawa ako dahil sa sinabi niya. Sabagay, kapag madalas ang tawag dito ni Jet, baka magtaka si mama. “Di na ako papasok. Wala na akong klase.” “Weh?! Meron pa ko. Ikaw na maswerte.” “Ang tagal naman maubos nung load ko.” “Alam mo ba, nag self flagellate nanaman ako kanina.” “Oo alam ko. Si Anya nanaman pinagusapan niyo no?” “Sino pa ba?” “Bat kayo magkasama?” “Pano mo nalaman?” “Tinext ko siya.” “Ah. So sinabi niya?” “Oo. Alam mo, babatukan talaga kita. Tigilan mo na nga yan.” “Yes naman. Hindi ka naman kuya, bat ang overprotective mo?”

Tumawa ako. Haha. Benta kasi kapag binibiro ko si Jet. “Manahimik ka nga. Hindi naman siya yung pinoprotektahan ko eh…” “Woo. Sino?” Tapos may narinig ako na parang nahulog mula dun sa linya ni Jet. ―Ikaw.‖ Napangiti ako sa sinabi niya, my ever sweetest… “Kinikilig ako sayo.” Tapos tumawa ako. Pero totoo, kinikilig naman talaga ako sa sinabi niya. Naalala ko tuloy yung mga panahong mejo confused ako kung gusto ko ba si Jet. Masaya ako pag kasama ko siya. Kumportable ako pag siya ang kasama ko. Di ako sanay pag di ko nakikita siya loob ng isang araw. Gusto ko, pag nagkaroon ako ng magugustuhan… Isang tulad niya… Siguro nga. Gusto ko nga si Jet. Gusto in a way na, hindi yung nababaliw ako para sa kanya o kung ano man katulad nung kay Gab. Gusto in a sense na, ayoko siyang mawala sa tabi ko, kasi maloloka ako kung wala akong mapagsasabihan ng mga kabaliwan ko sa buhay. “Manahimik ka nga. Kung nasa tabi mo lang ako, hinampas na kita sa ulo.” “Kung kaya mo.” “Sa tono mo, mukhang ang saya saya mo.” “Natural, nagkita kami eh.” “Umaasa ka ba?” “Na? Na magustuhan niya ko?” “Oo?” “Oo. Pero hindi yung umaasang inaakit ko siya or whatever.” “Yes naman, inaakit talaga yung term.” “Che. I mean… Yung pinaka natural kong kilos. Kung ano ako, yun na yun. Gusto kong magustuhan niya ako sa ugali kong to. Yung maingay na astang lalake na simple.” “Sigurado ako… Magugustuhan ka nun…” “Talaga? Pano mo nalaman?” Tapos biglang tumahimik. Akala ko nawala na siya sa kabilang linya. “Jet?” “Kasi… May nagkagusto sayo sa ugaling yan eh.” Awkward silence.

Page 80: Tossed Coin

CRAP. “Chi—“ DIAL TONE. Biglang nawala si Jet sa kabilang linya. Ang iniisip ko? “May gusto ba sa kin yun? Heads pag oo, tails pag hindi.” Toss. Flip. Drop. “Hindi nga?” Pero siyempre, naalala ko yung sinabi ni kuya Ian. Ang pag totoss, ginagamit ko sa pagpili kapag naguguluhan ka sa dalawang bagay, hindi sa panghuhula.

Oo nga naman. Maya-maya, may natanggap akong text. Huhulaan ko kung kanino galing. Siyempre tama ako. Wahaha. Nawalan ako ng load. Sayang. Di bale na. Wahaha. Night. Matulog ka na. Hindi naman siguro mangyayareng malilito ako sa dalawang bagay. CHAPTER 14 [Beside] Sembreak na. Pero kahit sembreak, ang dami dami ko paring iniisip. Hindi ko alam kung bakit. Nakakaasar nga, kasi ngayon lang ako nagkafeeling na gusto ko pumasok dahil sa isang tao. Sino nga ba. Niligpit ko yung gamit ko. Sobrang hina ng signal dun sa probinsya, umuwi kasi kami dun sa hometown ng mama ko. So yun. Hindi rin ako makapagtext ng mabuti. Sa loob ng dalawang linggo, hindi kami nagkita. Sa loob ng dalawang linggo, wala akong nakausap sa telepono. Sa loob ng dalawang linggo… Anak ng… Namimiss ko na siya. Gusto ko na talaga pumasok nung mga oras na yun. Gusto ko na magsecond sem! So yun. Paguwi namin galing probinsya, inayos ko na yung schedule ko. Sa pagaayos na yun, pinagdasal ko na sana maging magkaklase naman kami. Nakakahiya naman kung tatanungin ko siya kung anong mga subjects niya diba? Maya maya, nakatanggap ako ng text galing kay Anya. Tinatanong niya kung ano yung mga subjects ko. Ililista na daw niya lahat dahil hindi daw mabait ang CRS (yung kung saan kami naglilist ng subjects) sa kanya. So yun. After ng first batch run, may hindi ako nakuhang isang subject. Nung second, nakuha ko na. Kung swinerte ka nga naman. Nung enrollment ayun, pahirapan sa pila. Sabay sabay kami nina Jet at Anya na nagenroll. Ang kaibahan lang, silang dalawa may kailangan pang ipilang subjects. Sinamahan ko na lang sila. Magkaklase kami ni Anya sa isang subject. Tapos magkaklase naman kami ni Jet sa isang subject din. Kumain kaming tatlo sa mcdo pagkatapos ng enrollment.

Page 81: Tossed Coin

“Pumapayat ka ata.” “Ako? Hindi ah.” “Ano bang ginawa mo buong sembreak at bakit hindi ka macontact?” “Nasa probinsya kasi kami diba. Sobrang hina ng signal.” “Ay oo nga pala.” Nakita kong may katext si Anya. “Anya, sino yang katext mo?” “Si Gab.” “O? Anong sabi?” “Wala lang. Tinatanong niya kung ano yung mga subjects ko.” “Ikee. Iba na yan ah.” “Weh.” “Baka may gusto sayo si Gab.” Sa sinabing yun ni Jet, excited ako sa reaksyon ni Anya. Dalawa lang naman yun eh. Ang maging masaya siya at ang friends lang kami na reaksyon. “Hindi no. Kung may gusto yun sa kin, eh di sana ginagawa din niya yung ginagawa niya sa kin kay…” Tapos sabay tingin sa kin.

“O, bat ka nakatingin sa kin?” “Sayo pa nga may gusto yun.” Wish ko lang Anya. Kaso hindi eh… “Hind—“ “Mapapatay ko yun pag may gusto yun sayo.” Napatingin kami ni Anya kay Jet. Nagulat ako sa reaksyon niya kasi bigla na lang niya nilukot yung wrapper ng burger. “B—bakit?” Hinihintay ko yung sagot ni Jet. Teka, bat ko ba hinihintay? “Kilala ko kasi kung sinong gusto ni Gab. Pag ang gusto pala niya eh si Chi, eh di ibig sabihin nagsisinungaling siya sa kin.” “Ibig sabihin, alam mo kung sino yung gusto ni Gab?” “Oo.” “Sino?” “Bat ka interested?” “Masama bang malaman?” “Ayii. Aminin mo na Anya, may gusto ka kay Gab eh!” “Hindi nga… May iba akong… gusto.” Napalaglag si Jet sa hawak niyang wrapper. Ako naman nabulunan sa kinakain. “M—meron kang gusto?!” “Himala. Nagkagusto ka.” Napangiti si Anya. “Sino?” “Ayokong sabihin.” “Sige ganyan ka!!!” Nanlaki yung mata ni Anya habang nakatingin sa kin. Di ko gets yung sinasabi niya. “Haynako. Kung girl talk yan, sige pipikit ako.” “Feeling mo naman ikaw yung gusto ko.”

Page 82: Tossed Coin

Uminom muna si Jet dun sa float niya. “Bakit, hindi ba?” Sabay ngiti. Nagbato ng fries si Anya habang nagsisisigaw. Nagulat ako sa reaction niya kasi first time kong makita na ganon yung reaksyon niya. Eh hindi naman ganun yan. Hindi kaya… “Feeling mo!” Nagtawanan lang kami habang nasa mcdo. Ako naman, iniisip ko na kung ano nga ba ang naghihintay sa kin para sa second sem. Hinatid namin si Anya sa dorm niya. Naglakad na lang kami papuntang katipunan tapos sumakay na lang kami sa jeep. “Nakakatawa si Anya no?” “Bakit naman?” “Hindi niya nagets yung mga sinabi ko.” “Huh? Bakit nagpapahiwatig ka ba?”

“Baliw. Wala nga akong gusto kay Anya.” “Eh so, ano nga yung mga sinabi mo?” “Diba isang beses sinabi ko na baka siya yung gusto ni Gab? Tapos nung sinabi ko din na mapapatay ko siya kung magsisinungaling si Gab sa kin na ikaw pala yung gusto eh kilala ko nga yung gusto ni Gab.” “Sus. Eh alam mo naman kung gano kamanhid si Anya eh… Kasing manhid nung kay Gab.” “Alam mo…” “Ano yun?” “Mas manhid kayong mga babae kay sa kaming mga lalake.” “Weh. Nasasabi mo lang yan kasi lalake ka.” “Nararamdaman kaya namin kung sino na yung may mga gusto sa min. Di tulad niyo.” “Hindi na yun nagmamanhid-manhidan. Ang tawag dun, pagiging assuming.” “Tapos matapos ang ilang araw eh magiging tama ang hula namin. Tingnan mo.” “Weh. Yabang! Eh bat si Gab?” “Maniwala naman akong hindi niya alam. Alam na niya yun.” “Malalaman lang niya kung may nagsabi lang. Ehem, sino lang kaya yung may alam diba?!” “Hay nako.” Hindi namin alam kung bakit hindi gumagalaw yung mga sasakyan. Sobrang traffic. Eh pumipikit na yung mga mata ko dahil sa sobrang pagod. “Ui.” “H—ha?” “Inaantok ka na ba?” “Di ba obvious?” “Sumandal ka na lang sakin.” Sandal? “Ha?” “Sumandal ka na lang kako.” “Bakit?” “Eh sabi mo inaatok ka diba? Unless na gusto mo mahulog yang ulo mo sa katabi mo.” “Sige, pag feel ko.” So yun, sumandal ako kay Jet habang hinihintay na gumalaw yung traffic. Ang galing nga kasi napapikit ako agad. Sobrang napakakomportable sumadal sa balikat niya… Pagkagising ko, may naramdaman akong kamay sa may ulo ko, para bang hinahawakan na hindi mahulog. Mejo traffic pa rin, pero at least umandar. Si Jet nakatulog na rin, pero hawak parin niya yung ulo ko. Inangat ko yung ulo ko tapos nagising na siya. “Hindi mo naman sinabi na inaantok ka din.” “Para ano, para gisingin ka? Wag na lang.”

Page 83: Tossed Coin

“Sige, ikaw na sweet. Langgamin ka jan eh.” “Weh, ewan ko nga sayo. Sige na, matulog ka na ulit.” “Hindi na ko inaantok. Baka gusto mo namang sumandal sa kin?” “Ayoko, pandak ka eh.” “Kapal mo!” “Joke lang. Hindi na ko makakatulog. Mas okay na dilat ako.” “Para?” Ngumiti lang si Jet. “Matulog ka na lang ulit. Gigisingin na lang kita pag bababa na ako. So yun, sinubukan ko ulit matulog kaso hindi na ko makatulog. Nung lumampas na kaming sta lucia, lumuwag naman na kaya naging mabilis yung byahe. Unang bumaba si Jet, natural. Bukas, first day na ng second sem. Okay. Sana maging ayos naman ang second sem ko. The usual thing. Hindi parin naman ako nagbabago. Naliligo pa rin ako, nagtootooth brush parin ako, nagsusuklay pa rin ako. Wala namang masyadong nagbago sa kin. Gusto ko parin si Gab.

Wala man lang text galing sa kanya buong linggo. Siguro busy. Pero yun, nagpatuloy pa rin ang buhay. Mejo nagiging busy na dahil sa org activities, pero keri ko naman. Sumunod na linggo. Ayun. Wala paring text galing sa kanya. Nakakatawa nga kasi laging may katext si Anya. Minsan nga, nakakasikip na ng dibdib. Yung tipong… Alam mong magkatext sila, pero ikaw, hindi ka naman tinetext. Hindi ko na napigilan. Dun sa isang klase na kung saan magkaklase kami ni Anya, napabuntong hininga ako. “Yun na ata ang pinakamalalim na buntong hininga mo na narinig ko ever.” “Ang lungkot lang ng buhay.” “Bakit? Dahil kay Gab?” In fairness. Ang galing ni Anya. Pano kaya niya nalaman yun? “Hindi ah.” “Eh bakit?” “Wala lang. Parang ang boring eh.” “So bored ka pa sa pagaasikaso ng anniv week ng org? Ako nababaliw na eh.” “Nababaliw rin naman ako.” “Hindi ba nagtetext sayo si Gab?” “Bat naman magtetext yun sa kin?” “Wala lang. Nawiwirduhan lang ako sa tuwing magkatext kami.” Sige. Sila na talaga ang magkatext. “Bakit naman?” “Nakakatawa lang. Never ka kasi nawala sa pinaguusapan namin.” Napangiti ako sa loob loob ko. Kahit papano, naaalala naman pala ako ni Gab. “Itext mo kasi.” “Bakit ako ang unang kailangan magtext?” “Alam mo one time, natanong niya sa kin kung lagi ka daw ba busy.” “Bakit naman?” “Kasi nahihiya daw siyang magtext sayo.” “Ha?! Bakit naman siya mahihiya?” “Nakakaabala daw siya. Sabi ko nga kahit text lang niya magiging masaya ka na.” OMG!!! BALIW KA ANYA!!! BALIW!!!

Page 84: Tossed Coin

Kinikilig ako. Rawr! Eh kung di ba naman isa‟t kalahating toneladang baliw tong si Anya, bat naman niya sinabi yun?! Waaah. Nakakahiya! Kaya siguro hindi nagtetext?! Oh noes!!! “Ano ka ba! Baliw ka talaga!!!” “Ikee! Nagpapanic ka na no?!” “Hindi ko naman gusto yun eh!” “Whatever. Halata kaya sayong gusto mo siya.” “Hindi nga. Hindi. Hindi. Hindi.” “Eh bat ka nagpapanic?!” “Whatever. Ano sabi?! Baliw ka kasi.” “Tinanong niya kung bakit.” “Wag na detailed! Ano sabi?!” “Sabi niya kasi, masyado ka na daw niya naabala nung nakaraang sem na kahit hindi naman importante eh tinetext ka niya para gumala kayo.” Kahit san man yun. Kahit magtext siya na pumuntang Atlantis, sasama ako. “Teka lang ha? Lalabas lang ako.” Since wala pa naman yung prof namin, lumabas muna ako. Pagkalabas ko, biglang tumibok ng malakas yung puso ko nung may nakita akong anghel na nakatambay dun sa katabi naming classroom. “G—Gab?”

Nung pagkatawag ko ng pangalan niya, nagulat na lang ako nung bigla niya akong yinakap at pinaikot ikot. Hindi na lang ako nakaimik dahil sa bigla nung ginawa niya yun… Nananaginip ba ko? Nananaginip ata akong masaya siya dahil nakita ako. Pagkababa niya sa kin. Natawa lang siya. “Parang timang yung ginawa ko.” “Buti alam mo. Nabigla ako sa ginawa mo ah.” “Pumayat ka ata? Ang gaan mo eh. Akala ko nga hindi ikaw yung karga karga ko.” “Che. A—anong ginagawa mo dito.” “Klase ko.” “W—weh?! So magkatabi lang pala tayo ng room.” “Jan lang klase mo?” “Yup.” “Ayos. Makikita kita. Akala ko di na tayo magkikita eh.” Gab, kung ako ang gusto mo, hindi ako mawawala sa mga mata mo… Mananatili ako lagi sa tabi mo. Yak. Kinikilig ako. Nakakainis. “Magka…klase pala kami ni Anya jan.” “Talaga?” Napangiti siya. Sabi na nga ba eh. The magic name, Anya. “Eh bat ka nasa labas?” “Wala lang. Ang tagal nung prof namin eh. Di ako makatiis na nakaupo lang.” “Parehas tayo.” “Gusto mo tawagin ko si Anya?” “Wag na.” “Bakit naman?” Ngumiti siya. ―Namiss lang kita.‖

Page 85: Tossed Coin

Though hindi masyadong nasagot yung tanong ko, sobrang kinilig ako sa sinabi niya. Ayaw niyang ipatawag si Anya dahil namiss niya ko? Change of heart na ba to? Haha. Asa ka mare. “Sabi na nga ba. Last week ko pa gusto lumabas ng room. Lagi ka bang lumalabas ng room?” “Hindi ah. Ngayon lang.” “At least ngayon may dahilan na ko para lumabas ng room.” INHALE. EXHALE. Wag ka masyadong ngumiti! Itago mo yang kilig mo. Wops, yung puso mo kalmahin mo muna. Maya maya ka na kiligin okay!? Baka mahalata niya. Easy. Easy ka lang. “Wops, nanjan na yung prof ko. Kita na lang mamaya.” “Sige.” Bumalik na siya ng room. Ako naman nagstay muna sa labas ng onti saka pumasok ulit. Hindi ko matago yung ngiti ko. Napansin agad ni Anya. “O, bat parang gumanda yung aura mo?” “W—wala naman.” “Ang wirdo mo. Positive vibes kay mother nature?”

“Hindi ah. Nga pala, nakita ko si Gab.” “Sabi na eh. Kaya ka nakangiti.” “Hindi ah! Sinabi ko lang.” “Wag na kasing in denial. Halata sayo. Pramis di ko ipagsasabi.” “Wala ka namang sasabihin kasi hindi totoo.” Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ililihim kay Anya yung nararamdaman ko para kay Gab… At yung nararamdaman ni Gab para sa kanya. Siguro, kung magiging sila ni Anya, titigil na ko. Pagkalabas namin ni Anya sa room, andun si Gab. Hearts all around. “Ikee. Hinihintay ka niya o.” Kung alam mo lang Anya. Ngumiti si Gab. Isang sobrang gandang ngiti… “Saan kayo?” “May next class pa ko.” “Ikaw, Chi?” “May next class din ako.” “Hatid na kita.” I—HAHATID NIYA KO?! Bat hindi na lang si Anya?! Ops ops… Wag kang assuming Chi… Nakita ko yung ngiti ni Anya tapos saka siya tumakbo para pumunta sa next class sabay sigaw ng „goodluck‟. “Baliw talaga yun.” “Oo nga eh. Saan next class mo?” “Dito din. Third floor.” “Alam mo… Nakakamiss ka talaga.” “Ikee. Namimiss ako.” “Oo nga… Nahihiya kasi akong itext ka eh.” “Bat naman?” “Eh. Abala.” “Ano ka ba, hindi ka na iba sa kin no.” “Sabagay.” Kung alam lang niya kung gano ako kinakabahan nung mga oras na yun na kasama siya. Jahe naman o. Waaah! Ang galing galing. Hinatid pa niya ko…

Page 86: Tossed Coin

Eh pano kung ako talaga ang gusto ni Gab? Tapos… Hindi lang niya sinasabi sa kin. Ang sabi lang niya si Anya ang gusto niya pero ako talaga? WAAAH. Wag kang assuming. Wag kang assuming!!! Kinikilig ka masyado eh! “Dito na ko.” “Ingat ka.” “Ano ka ba. Wala namang mangyayare sa kin sa classroom eh.” “Magtext ka kung may load ka ah?” “Sige, maguunli ako bukas.” “Sakto. Inuubos ko na lang load ko ngayon.” “Papasok na ko.” Kaso hindi ko kayang pumasok hanggat hindi siya yung unang umaalis. “O, pumasok ka na!” “Eh. Alis ka na.” Natawa pa siya nung sinabi ko yun. “Talagang pinapaalis mo ko?” “Eh! Di ako kumportable pag ako yung unang umaalis.” “Sige na nga.”

Pagkatalikod niya, nagwave na lang siya. Hinintay ko hanggang sa makababa siya ng hagdan saka ako ngumiti na papasok ng room. ANAK NG TOFU YAN O. PARA AKONG LILIPAD PAPUNTANG LANGIT!!! Nung free na ko para tumambay, hinila ko agad si Jet. “Jet! Samahan mo ko!” “S—san kayo pupunta?” Ngumiti lang ako. “Teka lang tapusin ko muna to.” Habang hinahanap ko yung wallet ko, lumapit sa kin si Anya. “Chi…” “Yup?” “Meron na ba… kayong something ni Jet?” “Ha? Panong something?” “Wala wala.” “Bakit?” “Ay hindi wala.” Tinawag ni Anya yung isa naming orgmate. Nagwonder tuloy ako. Pano kung… Speechless. Kung ano man yung iniisip ko… Wag naman sanang ganon. Anyway, so yun. Hinila ko si Jet sa garden tapos saka ko siya tinulak tulak. “Hula ko. Nagkita kayo ni Gab?” “Oo! Para talagang destiny eh. Magkatabi pala kami ng room?” Nakatingin lang sa kung saan si Jet nung mga oras na yun. “Tapos alam mo ba, alam mo ba… Sabi ko tatawagin ko si Anya. Tapos alam mo sabi?” “Ano?” “Sabi niya namiss na daw niya ko!”

Page 87: Tossed Coin

Tinutulak tulak ko ulit si Jet. Halata namang kinikilig ako diba?! Ang saya saya ko talaga! “Ang labo nung sinabi niya. Halatang pacute.” “Ang kontrabida mo talaga! Nakakakilig kaya.” “Halata naman eh.” “Bakit kasi… Hindi niya napapansing ako yung nasa tabi niya diba?! Pinagkikita na nga kami ng tadhana eh!” “May mga ganon talagang tao. Hindi nakikita na nasa tabi lang nila yung dapat sa kanila.” “Tama ka jan. Tas sabi niya pumayat daw ako. Magkasing payat na ba kami ni Anya?” “Asa ka boi.” Pinalo palo ko si Jet. So yun, nagkwentuhan kami tungkol sa buhay ngayong araw. Maya maya nakareceive ako ng text galing kay Gab. Soulmate, pwede ka ngayon? Siyempre reply naman ako. Yep. San? Wala pang ilang minuto nagreply na siya. Ministop. Gala tayo.

Napangiti ako. Magkikita nanaman kami. “Jet, nagiimbita nanaman siya!” “O, balak mo?” “Natural pupunta ako.” Kinikilig parin ako. Hinanda ko yung gamit ko para paalis na ng school. “Teka, si Anya?” “Nagtext siya sa kin, aalis na daw siya.” Tiningnan ko yung cellphone ko. Wala namang text si Anya sa kin. Anyway. “Sige, alis na ko. Bang!” „Binaril‟ ko kuno si Jet. Para bang „bye‟ na „wish me luck‟. “Bang.” So yun umalis na ko. Sumakay ako ng jeep. Mejo traffic nga eh. Pero ano naman kung traffic? Excited lang ako na makita siya at makagala ulit kasama niya… Pagdating ko sa ministop, di ko siya makita. Umupo muna ako. Baka biglang may tumakip sa mga mata ko tapos surprise. One minute. Five minutes. Ten minutes na ang lumipas, di ko parin siya makita. Wala ding tumakip ng mga mata ko. Saang ministop ba? Ang pagkakaintindi ko kasi, ministop katipunan. So yun. Kinuha ko yung phone ko. Wala naman siyang text. So tinext ko na. Soulmate, saan ka na? Kanina pa ko dito sa ministop. Wah sorry ah. Traffic kasi eh. Bumili muna ako ng ice cream. Baka sabihin ng ministop tumatambay lang ako. Maya maya, tumunog na yung phone ko. Ngumiti ako nung nakita ko na si Gab yung nagtext.

Page 88: Tossed Coin

Ui sorry! Kasi nakita ko si Anya dito. Inaya ko lumabas. Magkasama kami ngayon. Eto unang labas namin sa second sem. Woo! Ang saya ko Chi! Kung hindi kita inaya, eh di hindi ko siya makikita. *akap* Salamat parin sayo. Wee! Yung ngiti sa mukha ko biglang nawala. Hindi ko alam kung bakit biglang sumikip yung dibdib ko. Hindi ko din alam kung bakit ako napaluha. Siguro nga. Ang tanga ko lang. Tanga lang para umasa. Tanga lang para puntahan siya kasi akala ko ako ang gusto niya makita. Siyempre… Kung ang nasa harap niya ay si Anya at ako, sino pa ba ang pipiliin niya? Jet. Pwede mo ba akong puntahan? Naiiyak ako eh. Naiiyak na talaga ako. Nakakainis kasi umiiyak ako. Bat ako umiiyak? Eh ano naman kung magkasama sila? Eh natural ganon na talaga. Papunta na ko. Sinaksak ko yung earphones ko at nag shuffle ng mga kanta. Naiiyak ako habang naririnig ko yung nagpplay na kanta at nung bandang dulo nung narerealize ko na naluluha ako habang nagwawala yung puso ko pero pinipigilan ko paring magwala habang kumakanta.

Here I am once again, I‘m torn into pieces. Can‘t deny it. Can‘t pretend… Just thought you were the one. Broken up, deep inside. But you won‘t get to see the tears I cry… Behind these hazel eyes. Plinay ko ng paulit ulit habang hinihintay ko si Jet. Sige, tama lang yun. Para maramdaman ko yung sakit at matauhan na hindi naman talaga ako magugustuhan ni Gab. Maya maya, may nakita akong panyo sa harap ko. “Punasan mo na yan, tapos uuwi na tayo.” Pagkatingin ko kay Jet, nakatingin siya sa ibang lugar. Para bang ayaw niya ko titigan. Sabagay… Sino nga ba ang titig sa itsura kong to… Kinuha ko lang yung panyo pero hindi tumigil yung pagpatak ng mga luha ko… Kinuha lang niya yung kamay ko at umalis. Hatak hatak lang niya ako. Hawak niya yung kamay ko habang ako sumusunod lang sa kanya na umiiyak na parang walang magawa. Tahimik lang kaming dalawa sa jeep. Hinatid niya ako sa bahay. Natuyo naman na yung mga luha ko nun at hindi na ko umiiyak. Pero masakit parin yung nangyare. Wala namang dapat iyakan kung tutuusin eh… Siguro, naiinis lang ako sa katangahan ko. “Sala—“ “Matulog ka na.” Ngumiti ako. “Wag kang ngumiti. Hindi bagay sa nararamdaman mo.” Tumulo nanaman yung luha ko. Crap naman. Ang oa ng mga luha ko. “Ang tanga ko kasi…” “Mamaya na tayo magusap tungkol jan.”

Page 89: Tossed Coin

“Naputulan kami ng linya.” “Peste.” Tumawa ako. Tumawa dahil sa reaksyon niya, hindi sa kung ano man. “Wag mo papatayin si Gab ha?” “Siguro kung hindi mo ko inutusang wag siya patayin, gagawin ko na yun pagkaalis ko dito.” “Wag ka ding tatawag sa cellphone ko okay.” “Bat pati ako banned na tumawag sayo?” “Parusa mo yun dahil hinatak mo ko. Di mo man lang ako pinansin nung umiiyak ako sa harap mo.” “Ayokong makita kang umiiyak kaya hindi kita tinitingnan.” “Eh bat mo ko hinahayaan magpakatanga?” “Sino bang nagsabing hinahayaan kita? Kahit ano namang gawin ko, ikaw parin ang magdedesisyon.” Silence. Narealize ko na nakatitig si Jet sa mukha ko. Seryoso siya, na parang any minute pupuntahan niya si Gab para imassacre. Di ko alam kung bakit ako nailang. “Papasok na ko.”

Hindi ko na tiningnan na umalis si Jet. Baka pag tiningnan ko lang, hilain ko lang siya pabalik para magbuhos ng sama ng loob kung gano ako katanga. Here I am… Once again… I‘m torn into pieces. CHAPTER 15 [Waiting in Vain] Dalawang linggo ko na iniisip kung bakit ako nababaliw sa isang tulad ni Gab na hindi naman ako napansin kahit kailan. Bakit nga ba? May problema ba ako sa utak? “Kung tinatanong mo kung may problema ka sa utak, siguro nga meron.” Sinabi sa kin ni Jet habang naglulunch kaming dalawa. Malapit na magpasko, at matagal na akong hindi nagpaparamdam kay Gab. Sakto lang ako dumadating sa klase kung saan magkatabi lang kami ng classroom, tapos maaga naman kami nadidismiss lately kaya tumatakbo ako pataas ng room sa sunod kong klase kaya hindi ko siya nakikita. Puro text. Puro „miss na kita‟ at „miss na din kita‟ ang mga mensahe naming dalawa. Di ako makapagunli dahil nagiba ako ng network. Advice sa kin ni Jet yun matapos nung nangyare. Pero sa tuwing nagtetext siya sa kin… Di ko maiwasan ang kiligin. Minsan kasi alam mong pinagisipan niya talaga yung tinetext niya sakin. Ang masaklap… Hindi mawawala sa text ang pangalang Anya. Kapag nagyayaya siyang makipagkita, ang lagi kong sinasabi go ako at isasama ko si Anya. Pero lagi akong kunware may gagawin kapag magkikita na. Meaning… Silang dalawa lang ang magkikita. Meaning… Sinasaktan ko ang sarili ko. Or should I say… It‟s a way to let go? Mga tatlong beses ko siguro yun ginawa sa kanya. At tatlong beses siguro din siya nagtext sa kin ng „ikaw ha! Sinet-up mo nanaman kami no! Pero salamat… Ang saya ko talaga ngayon.‟

Page 90: Tossed Coin

Ngayon? Eto, magkatext nanaman kami. First time ko siyang napagalitan. I mean… Naiinis na din ako sa pagkatorpe niya kay Anya. Pero naiinis din naman ako kay Anya sa pagiging manhid niya. Higit sa lahat, pinaka kinaiinisan ko ang pagkamartir ko. Parang ayoko aminin. Mas okay na akong ganito. Tama. Parang ako lang. Ayokong aminin dahil natatakot akong baka magiba na tingin niya sa kin. Mas okay ka na nagaassume na MU kayo? Gab, iba si Anya. Yeah right. Parang ako lang dati. Eh baka mawala lang lahat pag inamin ko. Haha, ang martir eh no. Sabi ko nga. Nararamdaman na niya yung nararamdaman ko. May isang salita lang na mali sa text niya. Mawawala siya pag hindi mo inamin. HINDI YAN PAGKAMARTIR. Ang tawag jan, pagkaduwag. Martir kapag may iba talaga si Anya pero gusto mo parin siya at sinasamahan mo siya sa lahat ng lakad niya. Kaso wala naman diba? So… Hindi ka martir. Torpe ka lang.

Totoo naman diba. Ay ewan. Salamat. Da best ka talaga. Wait lang. Klase lang ako. Hay. “Alam mo Jet, parang sasabog na ko sa ginagawa ko.” “Umandar ka na nga.” “Kailangan ba talaga umiwas?” “Hindi ka naman umiiwas eh. Para namang hindi ko alam na nagtetext parin kayong dalawa.” “Hindi no. Minsan lang, kapag may gusto siyang ikwento. Tsaka imposible. Diba nagiba na ko ng network? Ang yaman naman namin kapag nagkakatext parin kami.” “Yun nga yung punto. Tama na kasi ang pagkamartir.” “Sinermonan daw ba ko?” “Ano bang meron kay Gab?” Napakagat ako sa doughnut na hawak ko. Anong meron kay Gab? Di ko alam… “Siya kasi… Siya kasi yung first love ko.” “Pag-ibig ng mga tuta kamo.” “Hindi yun puppy love! Basta.” “Hindi yan pagmamahal kung ang iniisip mo ay dapat mo siyang mahalin dahil siya na yung nakasanayan mong mahalin. Hindi mo alam, pinepeke mo na pala sarili mo.” “Ang gulo ng sinabi mo.” “Alam ko.” “Mawawala din siguro to.” “Sana nga.” “Bakit ba ayaw mo kay Gab?” “Hindi sa ayaw ko sa kanya. Hindi lang siya ang gusto ko para sayo.” “Kailan pa ba kita naging tatay aber?!” “Baliw. Hindi lang siya deserving.” “Meron bang mas deserving sa kanya?” Nakatingin lang ako kay Jet habang naghihintay ng sinasabi niya. Pero ayon, kinakain lang niya yung doughnut na nilibre ko sa kanya. “Halika na nga. Baka kung ano lang masabi ko eh.” So yun. Naglakad na kami ni Jet.

Page 91: Tossed Coin

May activity sa org kaya mga gabi ako makakauwi. Nagpaalam naman na ako kena mama at papa. Siyempre, prod team ako kaya go go naman ako. Inaasahan pa naman akong head next year kaya siyempre todo effort lahat ng ginagawa ko. Habang nagaayos ako ng stuff, biglang lumapit sa kin si Anya. “Ui sorry ha, di kasi ako makakatulong.” “Bakit?” “Magkikita kami ni Gab eh.” Wow ayos. Mukang nagkakadevelopan na sila. Si Anya pa naman yung tipo ng tao na hindi agad nagsasabi tungkol sa mga nangyayare sa buhay niya. Sinasabi lang niya pag nagtatanong ako. So ano… tatanungin mo sila kung anong level na sila? Wag ka masyadong masokista Chi. Siguro nga tama si Jet. Iniisip ko lang na pagmamahal to kasi siya yung una kong minahal. Kaya… Hindi na ko ma-detach. Sana… Sana ganon lang kadali yun. “Ikee.”

“Anong ikee ka jan. May importante daw siyang sasabihin sa kin.” BOOM. Ano kaya yun? Sasabihin na ba niya na gusto niya si Anya? Eh di… perfect. Nang makamove on ka na. “Sige okay lang.” “Sorry talaga ha?” “Keri lang ano ka ba.” “Sige, bye! Salamat Chi!” “No prob.” Umalis na si Anya. Pagkaalis niya, tiningnan ko agad yung cellphone ko. Sasabihin ko na. Wish me luck. Gusto ko umiyak sa nareceive kong text pero it‟s way too late. Para san pa na umiyak ako? Eh ako din naman may kasalanan kung bakit ganon diba? “O, para ka atang nadikitan ng sibuyas sa mata?” Crap. Bakit ba kailangan sumusulpot lagi si Jet kapag naiiyak ako? DAhil dun, tinago ko agad yung cellphone ko. “Ha? Ano ba yang pinagsasasabi mo? Halika na nga.” Wala namang tumulong luha o kahit ano. Buti na lang mejo teary-eyed lang. Mamaya na ko iiyak, pag nabalita sa kin ni Gab yung mga pangyayare. Nung event na ng org, nagpakabusy-busyhan ako. Pero di ko maiwasang hindi isipin. Nakakainis. Gusto ko na lang tanggalin yung utak ko sa katawan ko. Ang saya saya ng lahat… Maliban sakin. “Woi. Kanina ka pa mukang palaka jan.” “Mukang palaka? Baliw.” “Bakit ba kanina ka pa ganyan?” “Alin? Kanina pa ko masaya?” “Tingin mo naman papatulan ko yang pagsisinungaling mo sa kin.” “Alam mo, nagiimagine ka lang.” Tumayo ako para pumunta dun sa entrance. Malapit naman na din matapos yung event, 9:00 na eh. Iaannounce na maya-maya yung winner.

Page 92: Tossed Coin

Pagpunta ko sa may entrance. “Aray!” “Sorry!” Nagulat ako nung nakita ko si Anya. A—anong ginagawa niya dito?! “O, Anya! Akala ko ba magkasama kayo ni Gab?” “Chi… I‟m so sorry.” Mukang sila na kaya‟t nagsosorry siya sa kin. Sorry dahil ang tingin niya may gusto ako kay Gab. Na meron naman talaga. “Ha? Sorry para saan?” “Sorry dahil alam kong gusto mo si Gab pero—“ “Ano ka ba! Ang kulet mo! Wag kang mag-alala… Iba ang gusto ko okay? Hindi mo kakilala dahil kaklase ko siya sa ibang klase at hindi natin orgmate. Kaya kung ano mang meron na sa inyo ni Gab ngayon—“ “Si Sef?! Anak naman ng… Akala ko naman si Gab na yung gusto mo!” Oo nga pala. Hindi pa pala niya alam na si Gab ay si Sef. “Ga—ganon na nga.”

Bakit ba kailangan ko na lang lagi magsinungaling? “Alam mo… relieved ako sa sinasabi mo ngayon.” Siyempre. Relieved siya dahil alam kong may stuff na sila ngayon ni Gab. Okay. Kalmahin mo lang sarili mo Chi. Mamaya ka na umiyak… Mamaya na… “Wait… So go, kwento ka naman!” Kunware kinikilig. Grabe. Best actress talaga ako. Pero sa sinabi kong yun, nagbuntong hininga si Anya. Saka tumingin sa loob. “Tapos na yung event?” “Patapos na.” “Next time ko na ikekwento. Tsaka…” “Tsaka?” “Tingnan mo kung may text ka mula sa kanya. Tingin ko kailangan ka niya ngayon eh.” “H—ha?” Biglang may lumabas na orgmate para yakapin si Anya. So yun. Keribels lang. Pumasok na sila sa loob habang ako, nagpakabusy parin sa kung anong dapat pagbusyhan. Natapos na yung event at nagcelebrate kaming lahat. Lumabas kaming buong org saka nagusap about strengths and weaknesses nung event. Nagusap-usap na kakain muna sa labas para magcelebrate. Halos mag 10 na ng gabi. “Ang galing mo Chi. Congrats sa magandang stage design.” “Thanks Anya.” “Anya, san ka galing?” “Uh… A—ako? Wala. Kung san lang.” Kung… san lang? Di ko ata maintindihan yun. Parang nakakagalit na hindi ko alam. “Chi, may load ka ba?” “Wala eh. Speaking of… Di ko pa chinecheck yung phone ko mula kaninang naging busy ako sa prod.” Kinuha ko yung cellphone ko sa bag ko at laking gulat ko nung may 10 messages received. Pito kaling kay Gab. Nanlaki yung mata ko nung nabasa ko yung text to the point na nakapagsinungaling ako sa buong org namin. “Guys sorry pero may emergency sa bahay.” “H—ha?! Bakit ano nangyare?”

Page 93: Tossed Coin

“Basta basta. Aalis na ko.” “Samahan na—“ “hindi wag na. Uuwi na ko. Sorry talaga!” Nanghinayang lahat ng orgmates ko nung sinabi kong di ako makakasama. Nagpaalam ako agad at tumakbo para maghanap ng taxi. Buti dala ko lahat ng savings ko ngayon. Crap. Crap. Crap. Dalian mo mamang taxi… Inulit ulit ko yung mga messages… Tae. Kinakabahan ako. Andito na siya. Wish me luck soulmate! Chi… Bat ganon? Unang beses ko ata mabusted. Haha. Umalis na siya. Sabi niya may activity daw kayo. Asan ka? Pwede mo ba akong puntahan dito sa may brick road sa sta lu? Sorry kung istorbo ah. Pero gusto talaga kita makita ngayon. Kailangan ko ng kausap. Haha. Oo nga pala. May activity kayo. Pero kung pwede… Text ka lang. WTF. Di ko alam kung bat ako naiiyak. Sana makapunta ka. Maghihintay ako hanggang 10.

Mukang di ka ata dadating. Ge. CRAAAAAP. GUSTO KO NA LANG ITULAK TONG TAXI NA TO. PLEASE… PLEASE… MAGHINTAY KA… KONTI NA LANG… KONTI NA LANG… Tumakbo ako ng sobrang bilis dun sa may tulay ng katipuan at sumakay na lang basta kung saang jeep. Gusto kong sumigaw na „kuya wag ka na maghintay ng pasahero! Babayaran ko yung empty seats!‟ pero di ako ganon kayaman para gawin yun. Di ako mapakali. Galaw ako ng galaw habang hawak ko ng mahigpit yung phone ko. Pag dating ng sta lucia, tumakbo ako papuntang brick road. Sa lawak ng brick road, hindi ko alam kung andito pa ba siya… Tumakbo ako kung san san para hanapin siya. Gusto ko magmura at sumigaw. BAKIT BA NGAYON PA AKO NAWALAN NG LOAD?! 10:38 na… Pero wala akong Gab na nakita. Natural. Kita mong sabi niya sa text hanggang 10 siya maghihintay. TWICE. Twice ka na niyang iniwan. Iniwan dahil hindi nakapaghintay… Samantalang ako… Handang maghintay. Samantalang ako… Handang iwan lahat para sa kanya. Tumalikod ako dahil nawalan ako ng pag-asa. Pero kahit ganon, hindi ko naisip na manghinayang dun sa hindi ko pagsama sa pagcecelebrate kasama ng org. Nanghinayang ako na wala ako sa mga oras na kailangan talaga niya ko… CRAP. Naglakad ako ng mabagal. Bumili ako ng pepsi sa malapit na bilihan tapos naglakad dun sa parking lot ng sta lucia. Umiiyak ako… Dahil sa katangahan at panghihinayang na di ko siya nakasama. ANO BA YAN. Yun pa ba yung iniisip mo?! Nanghihinayang ka dahil hindi mo siya nakasama?! Eh siya ba… Nanghihinayang ba siya na iniwan ka niya?!

Page 94: Tossed Coin

Nababaliw na ata ako. Napapasniff na ko at di na tumigil yung patak ng luha ko. Pagangat ng ulo ko… May nakita akong isang pamilyar na anino. Nakaupo yung taong yun sa ilalim ng isang street light habang umiinom ng pepsi. Pinunasan ko yung luha ko kasi baka ilusyon lang pala lahat to. Nung bumalik na ko sa sarili… Saka napatalon yung puso ko. “G—gab!!!” Napatingin siya sa kin saka nagwave. Tumakbo ako papunta sa kanya na muntik na ko madapa. Napatayo siya dahil dun. “Ui, ayos ka lang?” “Oo naman.” “O, bat ka galing sa iyak?”

“Wala to. Sipon lang.” “Sipon?” “Oo. Sakin alam kong sipon lang. Ikaw… Bat namumula yang mata mo?” “Wala, sore eyes lang.” Natawa kaming dalawa sa sinabi namin. Di ko alam kung bakit nakaramdam ako ng relief. Relief na andito pa siya. Relief dahil naabutan ko siya. “Kwento.” Umupo kaming dalawa sa ilalim ng street light na yun. “Ikaw muna.” “Wala. Naiyak lang ako dahil akala ko di na kita aabutan.” “Umiyak ka dahil akala mo iniwan kita?!” “Oo.” “Sorry a.” “hindi ano ka ba. Gusto lang… Gusto lang kita samahan.” Ngumiti siya saka ginulo yung buhok ko. “Gab!” “Ang cute mo eh.” Inayos ko yung buhok ko. Sa loob loob ko masaya ako at kinikilig. Pero… Ayokong makita siyang ganyan. “Ikaw?” “Nasabi ko naman na sa text. Busted ako.” “Busted? Panong busted?” Uminom siya dun sa pepsi niya. “Nung inamin ko, napatulala siya. Sabi ko di naman niya kailangan madaliin o di naman niya kailangan sagutin yung sinabi ko. Sabi ko, sinabi ko lang dahil gusto ko sabihin.” “Paano mo ba sinabi?” “Anong paano?” “Paano. I mean… Ano mismo yung eksaktong sinabi mo?” Napatingin siya sa kin ng derecho sa mata. ―I love you.‖

Page 95: Tossed Coin

Hindi ko alam kung bakit parang gusto mapatalon ng puso ko palabas ng katawan ko. Kahit ba alam kong hindi ako yung sinabihan niya… Kahit alam kong kay Anya talaga niya yun sinabi. “Yan. Ganyan mismo yung reaksyon niya. Napatulala at napalaki yung mata.” Natauhan ako dahil napatulala nga ako. “A—ang ibig ko kasing sabihin… Ganon mismo?” “Oo…” “Tofu! Sana naman may konting intro! Kahit sino namang babae mapapatulala sa ganon eh!” “Kanina ko pa gustong isipin na nabigla lang siya. Pero hindi eh…” “Bakit? Ano ba sabi?” Napabuntong hininga siya. “Sabi niya… Sabi niya di pa daw niya alam. Pero titingnan daw niya. Basta maghintay lang ako ng konti. Kung totoo daw yung sinabi ko… Makakapaghintay daw ako.” Gusto ko magalit. Hindi pala. Galit ako.

Galit na galit. Hindi ako galit kay Anya. Galit ako sa tadhana. Bakit kung sino pa yung mahal ko… Kung sino pa yung mahal ko… yung pinaghihintay ng iba?! “Chi ayos ka lang?” “Gusto kita yakapin.” Napangiti siya. “Alam mo kung anong ikinatutuwa ko sayo?” “Ano?” “Hindi ka childish. Hindi ka childlike. Para sa kin, isa kang bata… Child mismo.” “Ano ba yang pinagsasabi mo? Sigurado ka bang pepsi lang yang iniinom mo? Baka mamaya may halong san mig yan.” “Hindi.” Ngumiti nanaman siya saka tumayo. “Aalis ka na?” “Akala ko ba yayakapin mo ko?” Ngayon naintindihan ko na. Tumayo ako tapos yinakap ko siya ng mahigpit. Para sa kanya, isa akong bata. Isang bata na walang malisya sa kahit ano. Isang bata na hindi marunong magsinungaling at sinasabi lang ang gustong sabihin. Isang bata na kaya niyang sabihan ng kung anu-ano dahil alam niyang yung mga salita ng isang tulad ko ang makakapagpaalis kahit papano ng lungkot sa nararamdaman niya. Sa kinasamaang palad… Alam kong hindi ako isang ganon. Kung alam lang niyang nagpapanggap lang ako sa mga ngiting to. Kung alam lang niya kung gano ko siya kamahal at kung gano ko siya katagal hinanap at hinintay. Bigla akong nakarinig ng pag-iyak niya. Mahinang mahina. Gusto ko makita pero bigla na lang niya ko yunakap ng mahigpit. Ayaw niya ata makita kung pano siya umiyak. “Wag kang titingin. Nakakahiya.” “Ano pang silbi? Naririnig ko naman.” “Nakakasira ng pride.” “Tss. Sirain mo na yung pride mo sa harap ko. Ayos lang naman sa kin.” “Hindi yun ayos para sa kin. Isa ka sa taong sobrang pinapahalagahan ko.”

Page 96: Tossed Coin

“A—ako din naman.” Masaya ako na nalalabas niya yung nararamdaman niya sa kin. Pero… Malungkot ako na ni katiting ng nararamdaman ko wala siyang alam… Biglang may dumating na guard kaya napabitaw kami. Nakatalikod lang siya habang pinupunasan niya yung mga luha niya. Ayaw niya talagang makita ko… Ayaw ko din naman makita siyang ganyan… Parang unti unti akong pinapatay. Naglakad kami papunta sa waiting shed. Kwinento ko kung anong nangyare sa event dahil ayaw na niya pagusapan yung nangyare kanina sa kanila ni Anya. Naghintay kami ng jeep. Nakakita na ko ng masasakyan kaya nagpaalam na ko sa kanya. “Sorry wala akong load.” “Salamat… Ulit.” “Wala yun. Basta ikaw.” “Sana talaga mas nauna ka na lang dumating.” “Ano ba yang pinagsasasabi mo. Hindi tayo talo.”

Ngumiti ako. Siguro, kung may iaaward sa kin kapag gagraduate na ko, dalawa ang matatanggap ko. Ms. Super Galing Magpanggap Award at Ms. Martir Hanggang Kamatayan Award. Yinakap niya ko sa huling pagkakataon nung araw na yun. At dun ko narealize… Mahaba pa ang panahong kailangang magpanggap… CHAPTER 16 [Broken Promises] Nung susunod na linggo, nararamdaman kong may isang taong papagalitan ako. Huminga muna ako ng malalim bago ko siya makita. At yun ay walang iba kundi si… “San ka nagpunta nung Friday ng gabi?” Ngumiti na lang ako saka ko nilapag yung bag ko. Madami dami kaming paguusapan ni Jet ngayon. Alam kong pagagalitan nanaman ako nito, pero keri lang. Kailangan ko lang siguro ng taong reremindan ako kung gano ko inaaksaya ang buhay ko sa isang taong hindi naman ako pinagaaksayahan ng buhay. Naglakad kami papuntang bilihan ng canton. Siyempre, hindi mawawala ang kwentuhan. “Jet, sabihin mo nga… May karapatan ba akong magalit kay Anya?” “Wala.” “Buti na lang anjan ka kundi baka makalimutan kong hindi lang ako ang may karapatang magmahal. Yuck. Ang kadiri nung sinabi ko.” “Ikaw, sabihin mo nga… May karapatan ba ako magalit kay Gab?” “Wala natural.” “Papatayin ko na talaga yun eh.” “Teka! Hindi mo pa nga naririnig yung kwento eh.” “O sige, go.” “Naalala mo nung sinabi ko na may emergency?” “Sa totoo lang, nung mga panahong yun, ang lakas ng kutob ko na nagsisinungaling ka.” “Emergency naman talaga… Hindi nga lang sa bahay.” “Nakareceive ka ng text galing sa kanya?” “Nakareceive ako ng pitong text lahat galing sa kanya.” Pinakita ko Jet yung pitong text na gumimbal sa kin nung gabing yun. Binalik niya sa kin na parang binato na niya yung cellphone ko sa kin.

Page 97: Tossed Coin

“Pumunta ka naman?” “Oo… Di ko natiis.” “Tss. Hindi lang fasting ang kailangan mo. Abstinence pa.” “Alam ko okay. Pero… Di ko talaga matiis eh.” “Paano ba niya sinabi?” “Hindi ko kasi alam kung… Dapat ko ba tong isikreto kasi…” “Kung hindi pwede sabihin ayos lang. Nabubuo ko naman na yung kwento sa utak ko.” Astig talaga tong si Jet. Kaya nga ang sarap kakwentuhan nito eh. “Basta for short pinaghintay ni Anya si Gab.” “Eh natural. Si Anya yun eh.” “Kahit na ba.” “Siguro nawasak yung pride niya kasi first time siyang pinaghintay.” “Nakakainis lang… Yung taong pinakagusto ko ever since, pinaghihintay lang ng ibang tao.” Tumahimik lang si Jet nung sinabi kong yun, though naghihintay ako ng reaction. Sa tagal niyang magreak, nauna pa yung order ko ng pancit canton. “O, bat di ka na nagsalita?” Kinuha ni Jet yung order din niyang pancit canton na may siomai.

“Nakakatawa.” “Bakit?” “Naisip mo ba na hindi lang ikaw yung taong nagiisip ng mga iniisip mo?” “Ha?” “Na… Hindi lang ikaw yung nakakaranas ng ganyan?” “Yung as in yung martir mode and all?” “Oo. Parang ganon.” “Ewan ko. Kung meron mang tulad ko na yung gusto eh binabalewala lang ng iba… Eh di astig.” “Anong astig dun?” “Eh kasi may tulad kong tungengots.” “Hindi kaya yun astig. Sana nga tayo na yung mga huling tao na ganon eh.” “Tama ba yung narinig ko? Ta—yo?” “Ang ibig kong sabihin, ikaw lang. Ano ba vun, nadamay ko pa sarili ko.” “Sana kasi bawat babae may partner na lalake agad pagkapanganak para hindi ako naghihirap ng ganito.” “Kung may ipapartner sayo, sisiguraduhin kong hindi yun si Gab.” “At bakit aber?” “Kasi papaslangin ko siya bago pa man mangyare yun.” “Alam mo kung baboy si Gab, hindi lang siya double dead. Mga quintuple dead na yun.” “Weh, imbento.” “Hay nako! Makiride ka na nga lang!” Bumalik kami sa tambayan habang nagtatawanan. Kadadating lang ni Anya pagkadating naming dalawa. Napatingin ako kay Jet, na napatingin din naman sa kin. Para bang nagsisignalan kami na „o easy ka lang okay?‟ “Kamusta?” “Eto. Nagseselos.” “Ha? Kanino?” “joke lang eto naman. Nareceive mo ba yung text ko kagabi?” “Ay sorry nakatulog na ko kaya di ko na nareplayan.” “Ikee.” “Ikee ka jan. Jet o, iniissue tayo.” “Hayaan mo yang batang yan. Alam naman natin na di totoo eh.” Umupo lang si Jet tapos kumain at nakipagpilyuhan sa ibang mems ng org. Uupo na rin sana ako nung nakita ko yung ngiti ni Anya na biglang kumurba pababa. Bigla ko tuloy naisip… Pano kung gusto ni Anya si Jet? Wow. Eh di mas magulo.

Page 98: Tossed Coin

Ako na may gusto kay Gab na may gusto kay Anya na may gusto kay Jet. Tapos silang tatlo, kinoconsider ko na mga bespren ko. Sa ngayon, ang pinakamay alam nga lang ay si Jet. Kung nagkataon nga na totoo yung iniisip ko… Ibig sabihin may ilang bagay din na sinisikreto din ni Anya… Naisip ko tuloy yung sinabi ni Jet kanina… Naisip mo ba na hindi lang ikaw yung taong nagiisip ng mga iniisip mo? Paano nga kaya kung… “Chi!” “Woah! Ginulat mo naman ako Anya eh!” “Tingnan mo to. OMG! Ang cute diba?!” Nagpakita sa kin ng isang picture ng super cute na tuta si Anya. Sabi na nga ba. Kung ano mang iniisip ko, dapat tanggalin ko na sa utak ko. Hindi naman talaga isang uri ng naiinlove na tao si Anya. Siguro nga nakaschedule yung petsa at oras kung kailan siya magkakagusto. Malapit nanaman mawalan ng pasok dahil sa holidays. Dalawang linggo ko nanaman hindi makikita si Gab. Napilitan tuloy ulit ako bumalik sa dating network para makatext siya.

Tinext ko siya kung pwede ba kami magkita ngayon, tutal eh ilang araw na lang, mawawalan nanaman ng pasok. Nagreply naman siya ng sure, sa sunken na lang. Naghintay ako hanggang 4. “Chi, okay ka na ba sa song writing and singing contest?” “H—ha?! Anong pinagsasasabi mo?!” “Sinali ka kaya ng org dun. Project ng council eh. 100 pesos yung reg fee.” “Teka! Bakit ako?!” “Ewan ko. Ikaw yung nakalista eh. Siguro naglista lang sila ng kung sino marunong kumanta.” “Pwede pa naman siguro magbackout.” “Alam mo, alam kong yan na ang sasabihin mo. Kaso, binayad ka na eh.” “Tofu naman yan eh! Anong topic?” “Kahit ano.” “Kailan?!” “Sa Friday na ata.” “F—Friday na!?” “Oo. Kaya nga nagulat ako na hindi mo alam eh.” “Okay. Nasestress ako. Fine. May magagawa ba ko?” Ginulo ni Jet yung buhok ko. Yung usual niyang ginagawa. “Jet ano ba!” “Bilib na bilib ako sayo. Kaya mahal na mahal kita eh.” “Mahal mo your face. Ewan ko sayo! Kabadtrip. Dapat man lang sinabi niyo sa kin.” Tumawa si Jet, di ko alam kung bakit. “Tinatawa tawa mo jan?” “Wala lang. Kapag kinagat ka nga naman ng scorpion.” “Ano?! Ang wirdo mo.” Bigla akong nastress. Eto namang si Jet pinagtatawanan pa ko. Rawr. Pero hindi, kailangan hindi mastress. Magkikita kayo ni Gab diba? “Anong oras na?” “3:50 na.” “Sige, alis na ko.” “Ha? Aalis ka na?” “Yup.” “Bakit, san ka pupunta?” “Ano eh…” “Sasamahan na kita.” Poof. Sabi na nga ba. Alam na niya eh.

Page 99: Tossed Coin

“H—hindi na.” “Bat nanaman kayo maguusap?” “Ako yung nagyaya.” “Bakit?” Ngumiti na lang ako at hindi sumagot. “Sorry kung matigas ang ulo ko.” “May katapat na si superman. Ikaw. Susme, pati utak mo gawa sa bakal eh.” “Grabe ka naman!” “Makakita ka sana ng kryptonite.” “Ano ba yang pinagsasasabi mo. Sige mauuna na ko.” Nagbabay na ko sa iba at pumunta ng sunken. Sabi ko andun lang ako sa tapat ng college, at nakaupo. Maya-maya, dumating na din siya. “O, musta?” “Di parin okay.” “Tara. Libre kitang starbucks.” Nagulat ata siya sa sinabi ko na kahit nakatayo na ko, ayaw parin niyang tumayo.

“Seryoso ako!” “Bakit ka manlilibre?” “Masarap mag frappe kapag maraming paguusapan.” “At kung may pera. Yumaman ka ata bigla, soulmate?” “Sige na. Ayokong nakikita kang depressed.” Ngumiti siya. Masaya akong bigla siyang napangiti sa mga sinabi ko. Yung mga ngiting lang yun lang naman talaga yung gusto ko makita. Hindi ko nga ba alam kung bakit ko to ginagawa. Byumahe kaming dalawa papuntang starbucks katipunan. Okay… Goodbye savings for two months. Naisip ko, ayos lang. Worth it naman siya pagkagastusan. “Go, anong trip mo?” “Ikaw na magorder.” “Eh!” “Ano ka ba. Kahit ano namang piliin mo ayos lang eh.” Kung sabihin ko bang ako ang piliin mo, ayos lang sayo? “Sige na nga. Upo ka na lang.” So yun, naghanap ng upuan si Gab. At ako naman umorder ng dalawang choco chip at kape. May natira pa namang mga 200 sa savings ko. Grabe. Sa loob ng isang araw, naubos ang mahigit sa kalahati ng sinave ko ng dalawang buwan. “O.” “Salamat. Di mo naman kailangan gawin yun.” “Ayos lang naman sa kin. Mapasaya ka lang.” “Buti ka pa.” “Bakit?” Natahimik si Gab. Mejo namumula mula yung mata niya, pero mukhang pinipigilan naman niya kasing umiyak o maluha. Okay lang naman sa kin ang makita siyang umiyak eh… Mas masaya pa nga ako nun kasi at least alam kong kumportable talaga siya pag kasama ako. “Alam mo tingin ko kahit papano gusto ka ni Anya.” “Bat mo naman nasabi yan?” “Kasi may alam kong derechahan niya binusted. As in, „sorry pero hanggang kaibigan lang turing ko sayo‟ mode niya. Pero tingnan mo. Ang sabi niya sayo, „okay lang bang maghintay ka after ko grumaduate?‟ diba? Mas okay na yun!” “Bat kasi kailangan pang after grumaduate?!” “Intindihin mo na lang si Anya. Alam kasi talaga niya yung priorities niya eh. Aral muna bago love life.”

Page 100: Tossed Coin

“Ilan na ba kaming nasabihan niyang ganon?” “Kung sampu ang manliligaw niya, mga 3 nasabihan na niya ng ganon. Meaning, yung may pag-asa talaga.” “Ano nangyare dun sa iba? Naghintay parin sila?” “Hindi eh… Hindi ata nila kinaya.” “Tamo. Baka yun nga ang mangyare sa kin.” “Optimism naman jan! Ano ka ba! Kaya mo yan! Two years na lang naman na ah?” “Eh kung gusto naman talaga niya ko… Diba? Kung mahal mo yung isang tao kahit ano kaya mong daanan? Ibig sabihin, hindi talaga niya ko gusto. I mean… Gets mo naman ako diba? O di kaya… Nagiging selfish lang ako?” “Siguro nga… Kasi Gab… Ganon lang talaga si Anya. Maniwala ka‟t sa hindi. Konting… Konting hintay lang.” Napabuntong hininga si Gab. “O, ano naman merong sa buntong hininga na yan?” “Paano kung bigla akong makakita ng iba?” “H—ha?” “Sorry. Nagiging pathetic na ko. Para kasing ewan lang. Di ko maintindihan kung bakit hindi lahat ng gusto ng tao hindi pwedeng ibigay.” Tama. Katulad ko na lang. Ikaw lang naman ang gusto ko… Bakit di pa kaya ibigay sa kin? “Alam mo… Kung hindi si Anya, meron namang para sayo eh. Ano ka ba. Sa cute at bait ng soulmate ko?! Sows! Walang hindi magkakagusto sayo.” “Napapangiti mo talaga ako. Buti na lang free ako ngayon kaya napuntahan kita.”

“At may libre ka pang starbucks. O diba.” “Alam mo, ang swerte ng mamahalin mo.” Oo nga eh. Ang swerte MO. Ako lang ang minalas dahil hindi mo naman ako mahal. “Bat mo naman nasabi?” “Siguro sa bawat araw na magkasama kayo, wala siyang gagawin kundi tumawa at magpasalamat na siya ang mahal mo.” “Palagay mo? Masasabi niya yun?” “Oo naman! Impusibleng hindi.” Kinikilig ako sa mga sinasabi niya, pero at the same time, nasasaktan. Nasasaktan dahil gustung gusto ko na sabihin sa kanya na siya lang naman ang kailangan ko sa buhay na to… At ako lang naman ang kailangan niya nang hindi na niya maramdaman yung sakit na yan. Pero… Pinangungunahan lang talaga ako ng takot. Takot na baka yung naumpisahan naming pagkakaibigan eh biglang mawala dahil lang sa tatlong salita. Ilang taon ko na siya hinahanap… Tapos ngayong nahanap ko na siya… Magiging ganon na lang? Ayoko. “Teka, ikaw, ano namang balita sayo?” “Ayon. Sinali lang naman ako ng org sa isang song writing and singing contest.” “Talaga?! Astig! Kailan?” “Friday daw.” “Saan?” “Sa Educ. Dun sa theater? Mga 5:30 siguro.” “Punta ako, papanuorin ko ang soulmate ko.” “Weh?! T—teka. Eh pano si Anya?” “Ipapakita ko sa kanyang hindi ako sumusuko.” “Mabuti yan!” Mabuti yan para sa heart attack ko. Di ko alam, pero inggit na inggit ako kay Anya. Obvious ba? Na sa kanya ba naman yung nagiisang pinapangarap ko makuha ever since natuto akong main-love. Mamaya, tumawag yung nanay ko at pinapauwi na niya ko. Kung bakit, dahil daw maraming labahin at hindi pa umuuwi yung kasamahan namin sa bahay. At kung hindi ako maglalaba, wala akong susuotin bukas. “Wrong timing.” “Ayos lang yun. Sa Friday, kapag nanalo ka, ako naman ang manlilibre.” “Pramis mo yan ah! Sige, gagalingan ko.”

Page 101: Tossed Coin

So yun. Hinatid na niya ko sa may katipunan. Tumawid na ko ng bridge, na kinikilig. Ang saya dahil nakita ko siya ngayon… Pero malungkot dahil malungkot siya. Buhay nga naman. Kapag tapos ko ng paglalaba, pumunta na ako agad sa kwarto at kumuha ng papel at ballpen at si Maki, ang gitara ko. Wala akong idea sa kailangan kong isulat… Jet! Tulong! Di ko talaga alam yung isusulat kong kanta. Huhu. Rawr. Magreply ka Jet! Panic mode! “Okay. Hinga, buga. Wag kang magpapanic. Kaya mo yan Chi.” Napaisip ako bigla nung lahat ng nangyare kanina. Benta. Parang kanina lang nung sinabihan ako ni Gab na ang swerte ng mamahalin ko. Isulat mo lahat ng galit ko kay Gab. Natawa ako kay Jet. Benta talaga siya. Ano ka ba! Hindi mo naman kailangan magalit kay Gab eh. Benta. Sige sige. Susubukan ko. Naytie!

Maya maya, naririnig ko na yung sarili kong tumutugtog ng gitara at kumakanta… at iniisip si Gab. Parang kanina lang wala akong maisip, ngayon buo na yung kanta. Sakto. Sabi niya pupunta siya. This is it. Eto na ang oras para malaman niya. Napangiti ako. Lahat ng gusto kong sabihin nandito na sa kantang to… Siguro naman obvious na siya yung tinutukoy ko dito. Bigla akong kinilig nung inimagine ko yung scene after ng contest. Yung bigla niya akong pupuntahan at tatanungin kung siya ba yung tinutukoy ko. Mapapangiti ako tapos sasabihin niya kung bakit ngayon ko lang sinabi… WAAAH!!! ITIGIL ANG IMAHINASYON! Excited na ko mag Friday. Pero mejo kinakabahan pa rin. Pagdating ng Friday, sobrang kinakabahan ako. Mga walangya naman kasi tong orgmates ko, bigla na lang ako sinasabak sa kung saan saan. Mga 5:30 na, pangatlo pa naman ako magprepresent. Lagi akong nakatingin sa may pinto para tingnan kung dumating na si Gab. Dumaan ang 30 minutes… Wala akong Gab na nakita… “Kinakabahan ka ba?” “Obvious ba?” “Ikaw na next niyan.” “Alam ko… Wait, lalabas lang ako.” “Teka! Bakit ka pa lalabas?!” “Ano kasi…” “Kasi?” “Sabi kasi ni Gab pupunta siya…” Natahimik si Jet habang nakatitig sa kin. Yung mga titig na yun, gusto ko umiyak. Umiyak kasi for the nth time, naging hangal nanaman ako. “Siguro naman alam mo kung bakit kita tinititigan ng ganito.” “Gusto mo kong kainin ng buhay?” “Seryoso naman kasi ako.” “Hindi totoo yan.” “Aling yan ang tinutukoy mo?”

Page 102: Tossed Coin

“Jet naman eh. Ayoko maging ngongo habang kumakanta. Sabi niya pupunta siya. Pinangako niya yun eh…” “!@#!@$... Pinangako niya?!” “Bakit ganyan ka makareak?” “Nung wala ka pa kanina sa tambayan sabi ni Anya—“ “Speaking of, asan si Anya?” Natahimik si Jet. Para tuloy… ayoko na marinig… “Kanina, tinanong niya kung masama ba daw siya. Kwinento nga niya na umamin na daw si Gab sa kanya.” “Anong sabi mo?” “Wala. Nakikinig lang ako. Hindi naman ako interesado tungkol dun eh.” “Kapatid mo pa din yun baliw.” “Magkatext daw sila kahapon. Nabanggit niya na pupunta siyang ospital dahil dadalawin daw niya yung tita niya dun. Sabi ni Gab, sasamahan daw niya si Anya.” Napatulala na lang ako. Hay. Ang tanga ko nga naman talaga. Bakit ko nga ba inaasahan na ako ang pipiliin niya… Kahit ba sabihin niyang nangako siya sa kin… Ano nga ba namang panama ko kay Anya? “Wag kang iiyak. Ayaw mo maging ngongo diba?”

“Di ako iiyak. Baliw ka ba?” Tinawag ako sa stage. Umakyat kami nung isa ko pang orgmate na magbeabeat para sa kin. Right after na sinabi kong baliw si Jet, gusto ko na lang humagulgol at mahimatay sa stage. Ang sakit kaya maging isang Cherry—isang martir na masokista. Wala na akong intro. Basta tinugtog ko na lang. You‘re telling me things about her She‘s cute and cool and all And I‘m nothing compared to her I look so happy when I‘m with you But I‘m not, how would I? I‘ve been keeping these feelings to myself. Habang kinakanta ko to, bigla kong naalala lahat ng mga pagsasama namin ni Gab na wala siyang bukambibig kundi si Anya… habang ako nasasaktan dahil nakangiti parin ako habang minamahal siya… Kahit alam kong iba talaga yung mahal niya? How could I pretend? How could I keep this so long? Until now you do not know, and why? Ang tagal ko pa man din siyang hinintay. Tapos magpapanggap lang pala ako. Pero sa lahat ng pinagsamahan namin… Di parin niya alam. And I remember those days you failed to see me ‗coz of her Katulad na lang ngayon… Iniwan niya ko para sa kanya… And I feel so stupid, feel so guilty, feel so crazy feel so in love with you No matter what you do Pero kahit naman anong mangyare… No matter what I do At kahit ano pang pagiwas na gagawin ko… I am still in love with you Alam ko pa ding siya lang yung mapapaibig ako ng ganito.

Page 103: Tossed Coin

Habang nagigitara ako, nagcheecheer sa kin yung buong org. Si Jet, nakatayo lang. Pinapakinggan niya siguro yung kanta. Marahil, alam niyang para kay Gab yung kantang to. At yun ang dahilan kung bakit hinihintay ko si Gab na dumating. You‘re telling me things about her She‘s cute and cool and all And I‘m nothing compared to her And now she‘s telling you to wait for years Si Anya. Ang bespren kong gusto siya na pinaghihintay siya ng dalawang taon… What a girl, how could she let the guy I love to wait? Pero bakit ba sa lahat ng paghihintayin niya… Why not just me? Bat yung taong mahal ko pa? How could I pretend? How could I keep this so long? Until now you do not know, and why?

And I remember those days you failed to see me ‗coz of her And I feel so stupid, feel so guilty, feel so crazy feel so in love with you No matter what you do No matter what I do I‘m still in love with you I want to get mad at you For not waiting, not staying For leaving me here But I just can‘t Eto yung naramdaman ko nung iniwan niya ko sa ministop. Pero nagtataka parin ako kung bakit parang bula lang nawala yung galit ko sa kanya nung nakita ko na siya. I would rather keep this as a secret For what must remain, remains Siguro nga. Itatago ko na lang to panghabambuhay… Basta manatili lang yung pagsasamahan namin… And I remember those days you failed to see me ‗coz of her And I feel so stupid, feel so guilty, feel so crazy feel so in love with you And I remember these days you failed to love me ‗coz of her And I feel so stupid, feel so guilty, feel so crazy feel so in love with you No matter what you do Yes, no matter what you do I‘m still in love with you Nagpalakpakan lahat ng orgmates ko. So yun, bumaba na ako ng stage tapos saka cinongratulate ng mga tao, kahit hindi pa naman ako nanalo. Well actually, hindi naman talaga ako nanalo. Pero sabi nila, mga .12 lang daw yung agwat nung sa kabilang org. Keri lang naman. Wala lang naman yun sa kin. Lumabas yung org, siyempre kumain. So yun, tawanan and all. Buti nga may org pa kong pinagkakaabalahan. Habang nasa jeep kami ni Jet, nakatitig lang siya sa kin. Yung nakakatakot bang tingin? “O, bat ka ba kanina ka pa nakatitig sa kin?” “Ang ganda sana nung kanta. Naiinis lang ako kapag naiisip ko kung para kanino yun.” “Nagtext ba siya sayo?” “Chi… Ano ba. Konting pride naman jan.” “Tigilan mo nga ako Jet. Kakainin ko yun lahat para sa kanya.” Ngumiti ako. Saka sumandal kay Jet. “Wag ka magalala… Magsasawa din ako masaktan. Kapag nangyare yun, hindi mo na ako mapapagalitan.”

Page 104: Tossed Coin

Di na nagsalita si Jet pagkatapos nun. Pagkagising ko, malapit na ako sa subdivision namin. Nagulat nga lang ako nung andun parin si Jet sa tabi ko. “Ano ka ba! Bat hindi ka bumaba sa Junction?!” “Ihahatid kita hanggang gate ng bahay niyo. Wag kang magalala, hanggang gate lang okay?” “Tss. Pasaway ka naman eh.” Pagbaba namin dun sa may subdivision namin, tinawid na niya ko tapos nagpaalam na ko. “Sige na, sige na. Okay na ko dito.” “Okay ka na jan? Maniwala ako sayo.” “Oo nga!” “Makinig ka sa kin. Okay lang ang magpanggap sa harap ng ibang tao. Pero wag kang magpanggap sa harap ko. Nasasaktan lang ako eh.” “Alam mo, these days, kumocorny ka.” Bigla nanaman ako nakaramdam ng goosebumps. Naiilang ako sa tuwing ginaganito ako ni Jet. Yung para bang… Pinaparamdam niya na ligtas ako basta siya yung kasama ko… Na actually… Totoo naman… Ayoko lang maguluhan. Kasi aaminin ko, minsan gusto ko si Jet. Minsan? Ewan. Tingin ko lagi ko siyang gusto. Yun nga lang… Alam kong yung puso ko iba yung sinasabi.

Eto ba yung sinasabi nila na nagaaway ang utak at puso? Ewan. Pagod lang siguro ako. Kung anuano tuloy sinasabi ko. Sa ngayon, ayoko magisip. Gusto ko na lang umuwi ng bahay. “Salamat pala. As always.” Tumalikod na ko. Gusto ko sana lumingon pero hindi na. Tiningnan ko yung phone ko pero walang text galing kay Gab. Aasa pa ba ako? CHAPTER 17 [Invitation] Hangal. Hindi ko alam kung bakit ko hinihintay yung text niya… Na wala naman talaga dumating. Dumating na ang Sabado, Lunes, Martes, Miyerkules. Nakakatawa kasi maglalantern parade na pero wala parin akong natatanggap na text galing sa kanya. Gusto ko tanungin si Anya, na kasalukuyang masaya ngayon kung anong nangyare nung nagdate este byumahe silang dalawa. Ni hindi ko nga alam kung maibibigay ko tong regalo ko para sa kanya. Bahala na. “Chi, sasama ka sa parade?” “Ayoko, magaabang na lang ako sa qhall.” “Sige, ako din.” “Sasama na rin ako.” And poof, napagdesisyonan ng karamihan sa mga orgmates ko ang magabang na lang sa qhall. Mejo excited na rin naman ako kahit papano. Naisip ko, kailangan ko din magsaya. Feeling ko makakalimutan ko din naman yung lungkot na nararamdaman ko. Tama… Kailangan ko magsaya. Nag Christmas party na sa college namin. Ayun, mejo okay naman. Nagpaka OA na nga ako sa active eh na tipong tinawag akong adik ng hindi bababa sa sampung tao nung araw na yun.

Page 105: Tossed Coin

Nung mejo maghahapon na, ready na ang lahat para sa lantern parade. Naglakad na kami ng orgmates ko papunta sa qhall. Siyempre naghanap-hanap kami ng magandang pwesto kung san tanaw na tanaw namin ang mga lanterns… At magandang pwesto para mamaya sa fireworks. Yehey. Mejo gabi na at enjoy na enjoy ang lahat. Ni di ko man lang namalayan yung oras na lumipas. Siguro dahil nakaabang lang ako sa cellphone ko na magvibrate. “Chi, samahan mo ko.” “San?” “Uh… Bumili ng pagkain?” “Sige.” Tumayo kami tapos pinabantay ko na lang yung gamit ko sa ibang tao. Si Jet, dinala pa yung bag niya. “O, bat mo pa dala yung bag mo?” “Wala lang.” “Iwan mo na lang.” “Eh.” “Bat ayaw mo iwan? Babantayan naman yan nila eh.” “Halika na nga. Ang dami mong reklamo eh.”

Hinila ako ni Jet bigla. Nagulat lang naman ako ng onting onti sa ginawa niya. Nawirduhan lang ako kasi ang dami na naming nadaanang tindahan pero hindi naman siya tumigil para bumili. “Wait lang ah, ano bang bibilhin mo?!” “Wawarakin ko na talaga yang pagkaignorante mo eh!” “H—ha?!” “Eto.” Tapos may binato sa kin si Jet. Benta nga kasi nung binato niya yun, hindi naman siya nakatingin sa kin. Nakatingin siya kung saan. “Ano to?” “Regalo. New year, pasko… Lahat na.” “Pati Halloween?” “Buksan mo na.” “Ayoko. Binubuksan ko yung mga regalo sa mismong araw ng pasko eh.” “Eh! Gusto ko makita reaksyon mo pag nakita mo yan!” “Eh di sasabihin ko na lang yung reaksyon ko pag binuksan ko na.” Kinuha niya yung regalo niya sa kin bigla. Siyempre may violent reaction ako. “Teka! Bat mo kinuha ulit?” “Bubuksan ko na para sayo.” “Alam mo ba kung magkano ang gift wrapper?! Binalot mo pa, eh di sana binigay mo na lang sa kin. Sayang kaya yung gift wrapper! Patagalin mo naman ng isang araw!” “Limang buwan na yan nakabalot.” Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Jet. Hindi ko tuloy alam kung binibiro lang niya ko. Pero sa itsura niya kasi, mukhang hindi. “Li—limang buwan?! Bakit?!” “Wag mo na nga itanong. Bubuksan ko na.” “Akin na nga! Ako na magbubukas!” Kinuha ko ulit sa kanya yung regalo saka binuksan. Napangiti ako nung isang sabitan sa cellphone yung regalo niya sa kin. Pero hindi lang basta sabitan. Manika siya na cute, tapos dinamitan ng parang—manika talaga. Basta, yung cute na maid sa isang maid café ba? “Ang cuuute!” Ngumiti si Jet nung nakita niya yung reaksyon ko. Alam niya kasing mahilig ako sa mga manika at yung mga ganitong damit, yung maraming lace.

Page 106: Tossed Coin

Mas kinatuwa ko pa nung pinakita niya sa kin yung phone niya na may ganon din. Mejo panlalaki nga lang. “Ang cool! Terno tayo!” “Siyempre, pinagawa ko pa yan kay mama. Ang mahal nga ng labor fee eh.” Tumawa kaming dalawa. “Thank you.” Saka ko siya yinakap. Ngumiti ako. Minsan, nakakatawang isipin na meron nga akong gusto kay Jet. Pero tinatago ko kasi alam kong hanggang gusto lang siya. I mean… Ibang iba kasi yung nararamdaman ko para kay Gab… Kaya alam kong yung „gusto‟ na to ay yung gusto ko lang siya ikeep bilang isang kaibigan. Ang swerte ko nga kasi may Jet pa palang nageexist sa mundong to eh. “Teka, ako din… Kaso nasa bag.” “Talaga?!” “Oo no, meron. Pero naiinis pa din ako kapag naalala ko pa yung mga panahong di pa tayo masyado close.”

Second sem first year kasi siya nagapply sa org, eh member na ako nun. Di pa kami gaano kaclose nun, pero binigyan ko pa rin lahat ng members at applicants ng regalo. Simpleng magic pencil lang, wala kasi akong budget. “Wag mo na nga alalahanin yun! Di ko naman sadyaing malaglag sa tulay eh. Yung bike yung may kasalanan.” Naaalala ko tuloy bigla. Halos isang taon na rin pala kami close nitong si Jet. Lantern parade din nun, at nagdesisyon yung org na kumain, siyempre yung ibang apps kasama. Eh app siya nung mga panahong yun. Di ko namalayan na kaming dalawa lang pala yung pakatipunan. Mejo late na nun, as in mga lagpas 12 am na. ―San ka po ba?‖ ―Wag mo ko i-po. Mas matanda ka sa kin.‖ ―San ka ba nakatira? Ihahatid na kita.‖ ―Bakit? Wag na. Magalit pa si Tricia.‖ ―Sinong Tricia?‖ ―Yung council? Diba ex mo yun?‖ ―Kaninong chismis yun galing? Hindi ah. NGSB ako.‖ ―Huweh?! Hindi nga?!‖ ―Bakit ba walang naniniwala kapag sinasabi ko yun?!‖ ―Kasi hindi kapanipaniwala.‖ Tapos biglang tumirik yung sinasakyan namin. Malapit Junction na yun. ―Anak naman—ngayon pa tumirik! Konti na lang eh!‖ ―Ihahatid nga kita.‖ ―Wag ka na magpakagentleman. Okay lang ako, may masasakyan naman.‖ So yun, naghintay kami ng pwedeng sakyan. Pero hindi ko alam kung bakit tinubuan ata ako ng balat sa pwet, wala ng dumadaang sasakyan. ―Diba dito ka na sa Junction?‖ ―Oo. Konting lakad na lang.‖ ―Okay na ko dito.‖ ―Weh.‖ ―Oo nga!‖ ―Tss. Tara, ilalakad na kita sa bahay niyo.‖ ―Bat ba ang kulet mo ha? Okay lang nga ako eh. Bahala ka, hindi ko pipirmahan sigsheet mo.‖ ―Grabe. Power trip. Alam mo, malalagot ako kay Anya kung pinabayaan kita. Eh ang dilim na o, pano kung may mangyare sayo?!‖ ―Bahala ka nga.‖ So yun, naglakad kami pareho. Nagusap, nagtawanan. Kahit papano masarap parin pala siya kausap. Nakwento ko si Sef sa kanya nung mga oras na yun.

Page 107: Tossed Coin

―Hindi nga?! Hanggang ngayon hinahanap mo siya?!‖ ―Oo… Wala namang masama diba?‖ ―Ang rare makakita ng tulad mo.‖ ―Tss. Ewan ko sayo.‖ Nasa may bridge kami nun malapit sa brookside nung bigla niyang nilabas yung lapis na binigay ko. ―Ui salamat nga pala dito—― Tapos may bike na dumaan at nasagi siya. Nahulog yung lapis sa tulay. Di ko alam kung anong nangyare pero hindi ko siya pinansin hanggang makarating ako sa gate ng subdivision namin. Dala ng immaturity siguro. Sorry siya ng sorry hanggang sa text, social networks at tinatawagan pa niya ko sa phone. End. Ganon kami naging close ni Jet. Bumalik kami kung saan kami pwumesto nung parade. Kinuha ko agad yung bag ko tapos niyaya ko ulit siyang bumili somewhere. Tinukso na nga kami, kesho tumatakas daw kami cheberlechenes. Kaso alam naman naming dalawa na hindi yun yun.

“O ayan. Bahala ka kung gusto mo na buksan ngayon.” Binuksan niya, at siyempre nakita niya na yung regalo ko ay isang sumbrero. Though hindi siya ganon nagsusumbrero, wala na kasi akong maisip na iregalo para kay Jet. Tsaka nacucutean kasi ako sa kanya kapag nakasumbrero siya. Para siyang totoy. “Bat kailangan may panda?! Baliw!” Haha natawa ako nung nakita niya yung panda. Eh ang cute eh. “Tss. Namukaan kasi kita sa pandang yan.” “Isusuot ko to lagi para masaya.” Tapos sinuot na niya yung sumbrerong binigay ko sa kanya. Napangiti ako. Bigla kong naisip… Sana kung paano ako pahalagahan ni Jet… Sana ganon din yung pagpapahalaga sa kin ni Gab. Bumalik kami dun sa pwesto sa min. Nakita nilang lahat yung sumbrero ni Jet. Tinanong nila kung san galing yung sumbrero, siyempre tuksuhan nanaman. Maya-maya, lumapit sa kin si Anya. “Cherry.” “Mmm, bakit?” “K—kayo na ba ni Jet?” “Hah?! San mo naman napulot yan?!” “Wala lang. Teka, may regalo pala ako sayo.” Binigay sa kin ni Anya yung regalo niya sa kin, na tinago ko sa bag dahil sa pasko ko pa siya bubuksan. Binigay ko naman yung regalo ko para sa kanya. Siyempre no… Kakalimutan ko ba bigyan ng regalo tong babaeng to na hindi nagsawang pakinggan yung kaka-Sef ko mula high school? “Anong laman nito?” “Secret. Basta, buksan mo na lang yan sa pasko.” “Nga pala…” “Mmm?” “Matanong ko lang, may gusto ko ba kay Jet?”

Page 108: Tossed Coin

“Ano ba yang pinagtatatanong mo ngayon?! Muka bang kami ni Jet?!” “Oo kaya. Kapag magkatext kami wala na siyang sinabi kundi ikaw, ikaw… ikaw.” “Wait… O… M… G… May gusto ka sa kanya no?!” “H—hoy w—wala ah!” Tapos nagkilitian kaming dalawa ni Anya. Siyempre bulungan lang yung ginawa namin kaya hindi narinig nung ibang orgmates ko. Namiss ko na bigla yung ganito… “Seryosong tanong kasi!” “Hindi nga! Alam mo namang ako ang number one fan niyo eh!” Siyempre tawa parin ng tawa si Anya habang kinikiliti ko siya. Sabagay, siya nga pala yung dati pang tumutukso sa akin kay Jet ever since na naging close kami. “Eh bat mo natanong?” “Masama ba? Nacucurious lang ako. Alam mo naman… Baka may mga sikreto ka nang hindi sinasabi sa kin.” “Okay fine. Eh ikaw? Wala ka pa ring bang… cheber?” “Uhm… Wala eh.” “Si… Gab?” “Masama kung hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya?” “Pero may chance ba siya?” “Oo. Meron… Kung makakapaghintay siya…” “Ikaw talaga. Heartbreaker ka.”

“Mana lang ako sayo… Heartbreaker ka din eh.” “Oosus. Kailan pa ko naging heartbreaker?” Tumawa kaming dalawa. Habang pinapanood yung mga dumadaang lantern, naalala ko nanaman si Gab. So talagang may balak si Anya na paghintayin si Gab no? Hay. Ewan. Ganyan talaga ang buhay… Maya maya, tumatawag sa kin si Mama. Siguro nagaalala na kasi hindi ako nagpaalam na gagabihin pala ako. Nakasabit lang sa kin yung bag ko habang sumisigaw ng „ma‟. “Ma?! Ma?!” Pero dahil sa lakas ng boses nung MC, hindi ko siya marinig. “Wait lang guys ha, punta lang ako somewhere. Di ko marinig si mama eh.” Naglakad ako hanggang sa binaba na ni mama yung phone. Tapos nung tumawag siya ulit, tumakbo ako papunta sa lugar kung san maririnig ko siya. “Opo… Maya maya… Kasama ko po orgmates ko… After lantern uwi na ko… Okay po… Bye.” Binaba ko yung phone saka nagbuntong hininga. DILIM. Biglang nagdilim yung paningin ko. Hindi sa nahimatay o kung ano pero may tumakip sa mga mata ko. “J—Jet?” Tapos inalis ni Jet yung kamay niya sa mga mata ko… “Pati ikaw, si Jet yung akala.” Este… si Gab. Silence. Di ako makapaniwala sa nakikita ko sa harap ko. Si Gab na mas malinis. I mean… Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi nagpagupit siya. “G—Gab.”

Page 109: Tossed Coin

Tahimik parin kaming dalawa. Pinagmasdan ko siya. May hawak siyang isang bouquet ng bulaklak. Ayoko na tanungin kung para kanino. Halata naman eh. “A—anong ginagawa mo dito?” “Studyante din ako dito no. Natural, aattend ng lantern parade.” “Oo nga naman.” Ayoko umalis sa kinatatayuan ko. Hinihintay ko yung mga salitang „may kasama ka ba?‟ pero hindi yun yung narinig ko. “Tatapusin mo ba yung lantern parade?” “Uhm… Oo. Kasama ko orgmates ko.” “Pati si Anya?” “Uhm… Y—yup.” “Sige, ingat ka.” Tumalikod siya sa kin. Kumirot yung dibdib ko.

This time, hindi ako papayag na basta iwanan mo lang ako. “Gab!” Liningon niya ko habang ako, nakatayo at hindi alam kung anong sasabihin. Ano nga ba ang dapat kong sabihin? “M—may kasama ka ba?” Ngumiti siya. “Wala…” Nakahinga ako ng maluwag. Di ko alam kung bakit. “P—pwede ba akong… sumama sayo?” “Sasama ka ba sa isang malungkot na tulad ko?” ~!@#$%^&* Bat ba hindi ko napansin na galing siyang iyak?! Hindi ko alam kung bat ko ginawa ang pumunta sa kanya at kinuha yung isa niyang kamay. Ang lakas ng tibok ng puso ko… “Andito lang ako.” Hinawakan niya ng mahigpit yung kamay ko at sa isang iglap, magkasama na kaming dalawa. Hindi ko alam kung saan kami papunta, pero papalayo yun sa kung saan ako nakapwesto kanina. Pwumesto kami sa sunken garden. Tumingin ako sa taas, halos wala akong makita dahil masyadong maliwanag yung mga ilaw. Hawak parin niya yung kamay ko. Dun sa isang kamay niya, hawak niya yung mga bulaklak. Umihip lang yung hangin. Hinihintay ko yung mga susunod niyang sasabihin. “Alam mo kung para kanino to?” “Oo… Kay Anya…” “Ibibigay ko sana sa kanya to… Kaso… Ayaw niyang tanggapin.” “B—bakit?” “Ewan ko.”

Page 110: Tossed Coin

Silence. Halos sampung segundo bago siya nagsalita ulit. “Tinakpan ko pa yung mata niya… At yung sinagot mo kanina… Yung sinagot din niya.” “Si… Jet?” “Bakit sa lahat ng magugustuhan niya… Yung kapatid ko pa?” Nanlaki yung mga mata ko. G—gusto ni Anya si Jet? “H—hindi nagkakamali ka Gab… Tinanong ko si Anya kanina. Wala siyang gusto kay Jet.” Nakatingin lang siya sa kawalan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na wala naman talagang gusto si Anya kay Jet dahil sinabi niya sa kin na wala… Pinagkakatiwalaan ko naman si Anya. Pero narealize ko… Ako nga nakakapagsinungaling ako sa kanya na hindi ko gusto si Gab… Siya din kaya?

Hay nako Chi. Wag mo kasing ikumpara si Anya sayo. “Ngayon lang ata ako nakaramdam ng matinding selos.” “Gab, maniwala ka sa kin. Walang gusto si Anya kay Jet.” “Naniniwala ako sayo… Dahil galing yun sayo. Pero… Kahit ganon… Hindi ko alam kung bakit parang gusto ko na lang patayin si Jet ngayon.” Kung ano mang umiikot sa utak niya, ganon din yung umiikot sa utak ko nung sinabi niya na ang gusto niya ay si Anya. Pero at least, alam kong wala talagang gusto si Anya kay Jet. Eh siya… alam kong gusto talaga niya si Anya. Buhay. Ang gulo. “Nakakatawa no? Pano kung may gusto si Anya kay Jet? Tapos si Jet din may gusto kay Anya?” Hindi ko masabing hindi pusible yun dahil matagal ko na silang tinutukso na dalawa. “Wag ka nga mag-isip isip ng ganyan.” “Buti ka pa. Hindi ka sangkot sa kahit anong sakit sa puso.” Kung alam mo lang. “Sayo na lang to.” “Tingin mo ba tatanggapin ko yan lalo‟t alam ko kung kanino talaga yan?” “Oo.” “Bakit?” “Kasi alam kong di mo ko papayagang malungkot.” Ngumiti siya. Ngumiti din ako sabay kuha nung bouquet. “Sorry pala kung hindi ako nakapunta nung contest niyo.” “Wala yun. Sanay akong iniiwan mo ko.” “Sorry na. Kasi—“ “Alam ko. Si Anya.” “Alam mo, ang saya saya ko na nakilala kita… Ulit.” “Ganon din naman ako eh.” Umurong ako papunta sa may tabi niya saka kinuha yung regalo ko para sa kanya. Buti pala dinala ko yung bag ko kaya pwedeng dere-derecho akong umalis. “Para sayo.”

Page 111: Tossed Coin

Kinuha niya at dahan-dahan niyang binuksan. “P—para sa kin to?” “Obvious ba?” Nagulat siguro siya kasi original na fountain pen yung regalo ko sa kanya. Well, actually nung nag decide ako na yan yung ireregalo ko sa kanya, nagulat din naman ako. “S—salamat. Wala naman akong masabi.” “Aba dapat meron! Ang mahal kaya niyan!” Tumawa kaming dalawa. “Sorry… Wala akong pangregalo sayo.” “Okay lang ano ka ba.” “Ano bang gusto mo?” Ikaw. Okay lang ba? “Mmm… Kahit ano.” “Ang hirap naman ng kahit ano…” “Ah alam ko na.” “Ano?”

“Samahan mo na lang ako manuod ng fireworks.” “Yun lang pala eh.” Tumayo kaming dalawa. Pero siyempre, may hindi ako inaasahang gagawin niya… Hinawakan lang naman niya yung kamay ko… Tipong nahahawakan ko pati yung mga gitna ng daliri niya. Huling ganito ko sa isang lalake na walang malisya ay nung high school. Simula nung nag college ako, parang hindi na pwede yung ganong ugali. Di ko alam kung bakit. Lincha naman o. Ang lakas ng tibok ng puso ko na tipong halos wala na kong marinig. Siya lang ang naririnig ko. “T—teka Gab. Baka kung sino makakita sa tin ano kasi…” “Alam mo ba yung non conformist day?” “H—huh?” “Uso yun sa min nung high school. Yung tipong aakto ka na parang hindi ikaw.” “T—tulad ng?” Linta naman yang nauutal ako eh! “Kunware ikaw yung pinakabully sa classroom. Sa non conformist day, ikaw na yung binubully. Isang araw lang naman na magiging hindi ikaw.” “S—so? A—anong connect nun?” “Ayaw mo bang may kadate ngayong magpapasko? At least hindi malamig diba?” LORD. PLEASE. Kinikilig na ako. Tama na!!! Feeling ko anytime, sasabog na yung puso ko dahil sa kilig. Craaap!!! “So… Kunware…” “Kunware hindi tayo soulmates ngayon.” “G—gab. Hindi tayo talo.” Asus. Kung makapagsalita akala mo naman ayaw. Pakipot pa eh! Hindi mo ba alam na minumurder ngayon ang mga pakipot, ha Chi?! Siyempre kinakausap ko nanaman ang sarili ko. “Ngayon lang kasi naging malamig ang pasko sa kin.” “Bakit, last Christmas meron ba?” “Oo. Kaso wala na eh.” “Ah.”

Page 112: Tossed Coin

“Kaya nga may dala akong bouquet. Para sana sa kanya. Kaso… Hay! Ayoko na alalahanin. Magpapakasaya ako kasama ka.” Magpapakasaya ako kasama ka. Magpapakasaya ako kasama ka. Magpapakasaya ako kasama ka. Kung panaginip man to, ayos lang sa kin ang mamatay ako habang tulog. Hawak lang niya yung mga kamay ko habang papunta kami dun sa pinagdadausan ng lantern parade. Malapit din naman na matapos, meaning, malapit na magfireworks. Pareho kaming hindi nagsasalita. Pero alam ko sa sarili ko na eto na ang pinakamasayang araw ko. Sana… Sana laging nonconformist day kung eto lang ang paraan na maramdaman ko yung saya na matagal ko na gusto maramdaman. Nagsigawan lahat ng tao at nagcountdown para sa fireworks. 5… 4…

3… 2… 1… Nagsiputukan lahat ng makukulay na bagay sa langit. Ang saya nila pagmasdan habang nasa tabi ko yung taong mahal ko. Lalo pang naging masaya nung bigla niya akong inakbayan at nilapit papunta sa kanya… Hindi ako sanay, pero… Hindi ko talaga maikakailang masaya ako sa pagpapanggap na to. Nung matapos na, naglakad ulit kami papunta sa sunken garden. Maraming tao na din ang kasabay namin sa paglalakad. Pero hindi tulad nila, magkahawak kami ng kamay. Umupo kami sa may damuhan. Hindi matanggal yung ngiti sa mga labi ko. “Ano, ayos ba?” “Oo naman! Ang ganda nung mga fireworks no?” Lalong gumanda kasi ikaw yung nasa tabi ko. “Lalong gumanda kasi ikaw yung nasa tabi ko.” TIBOK. Gusto ko na magpalpitate dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na yung nasa isip ko… at puso ko… ay masasabi niya. Ano ba… Nabasa niya ba yung nasa isip ko?! “Tigilan mo na nga yang nonconformist echos mo.” “Ayoko nga. Ang sarap kaya hawakan ng kamay mo. Ang lambot. Hindi ka naglalaba no?” “Oi grabe ka! Naglalaba kaya ako!” Hawakan mo na lang ako habang buhay kung gusto mo. “Ang saya pala no.” “Ngayon ka lang ba nakapuntang lantern parade?” “Hindi kasi yun yung sinasabi ko.” “Alin?” “Tingin ko, masayang mahalin ka.” Tingin ko, mas masaya kung mamahalin mo nga ako.

Page 113: Tossed Coin

Gusto kong sumigaw dahil sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung nagpapakacheesy lang siya o hindi parin tapos yung pagpapanggap… Wala akong ideya… Pero sana hindi lang siya nagpapakacheesy… Sana hindi lang dahil nagpapanggap siya o ano… Sana… Sana totoo yung sinabi niya. “Nung nalingat ba ako, nagpakalasing ka?” Tumawa siya. “Alam mo, ikaw lang ata yung babaeng hindi matinag sa ganong salita.” “Eh yung ang cheesy mo eh no?! May mga babaeng natitinag sa ganon!? Haynako. Kaya ang daming nasasaktan eh!” Tama. Tulad ko. Natawa na lang kaming dalawa.

Silence. Nagulat ako nung nakita ko siyang lumalapit… Papalapit… Papalapit sa mukha ko… CHAPTER 18 [Middle] Pumikit. Hindi ko alam kung bakit yun yung ginawa ko. Pero pumikit ako. Maya maya, naramdaman ko yung labi niya na dumikit sa dulo ng ilong ko. “Salamat. Kasi kahit papano, hindi naging malamig ang pasko ko.” Tapos binitawan na niya yung kamay ko. Ewan. Parang… Yun yung feeling na ang sarap balikan. Sabay kami umuwi, tinawid pa niya ako sa tulay. Hanggang sa bahay, hindi ko mapigilan yung ngiti. Halos matawag na akong sira ulo ng mga magulang ko. Actually, isama na natin dun yung nawala nanaman yung cellphone ko nung gabing yun. Hindi ko nga alam kung bat naatim ko pang ngumiti. Nakailang phone na ba ako? Lumipas ang pasko, ang bagong taon… Yung araw parin na yun ang nasa isip ko. Ayos naman yung bagong taon at pasko ko. Pumunta kaming probinsya kaya bye internet. So hindi ko nacontact yung mga kaibigan ko. Hopefully, hindi naman sana sila magtampo sa kin. Pagdating ko sa bahay, ayun. Nakita ko yung notifications ko sa lahat ng social networking sites ko. Galing. Umabot ng 100+ kakamerry Christmas at happy new year ng mga tao. Mejo napangiti ako dahil may bati dun si Gab. May nakalagay pa na…

Page 114: Tossed Coin

Soulmate! Merry Christmas and a Happy New Year! Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na yun. *kiss sa ilong* Haha. Kinikilig ako. Parang dati lang, hanggang tingin lang ako sa kanya. Ngayon, abot na abot ko na siya. Kinakausap na niya ako, tinatawag pa niya akong soulmate… Yii! Pero… Sa kabila ng lahat, hindi ko alam kung bakit parang ang lungkot ko na hindi ko alam. Siguro dahil sa 100+ na bumati sa kin ng meri pasko at maligayang new year, wala dun yung isa sa mga tinuturing kong bespren… Tama. Di man lang ako binati ni Jet. Sabagay. Malay mo. Nawalan ng internet. Pag tingin ko sa wall ni Anya, poof. May wall to wall pa sila. Nakakatuwa nga yung wall to wall nila eh, pero di ko alam kung bakit parang nagseselos ako ng onti. Onti lang naman. I mean… Nabati niya lahat ng common friends namin. Pero ako… Makakalimutan ba talaga niya ako?

Ano ba yan. Siyempre nung— OMG. Naalala ko bigla yung cellphone ko. OO NGA PALA. DUN NAKASABIT YUNG REGALO NI JET SA KIN! Gusto ko na lang magwala nung nalaman ko yun… Tumawag ako sa bahay nina Jet one day before ang pasukan dahil dun lang talaga ako nagkachance na makausap siya. Though rare na ako yung tumatawag sa kanila. Usually kasi, siya yung tumatawag talaga. “Uhm hello good afternoon po. Pwede po ba kay Jet?” “Sino to?” “Jet?” “Wala siya dito.” “Jet naman eh.” Biglang tumahimik ng onti. Sigurado ako… nagtatampo talaga to. “Ui may kasalanan ako sayo…” “Pwede kang bumawi.” “Teka, hindi mo man lang ba papakinggan yung kasalanan ko?!” “Hindi na. Kahit pumunta ka na lang dito sa big r ayos na.” “Ngayon? Baka hindi ako payagan—“ “O, may sasabihin ka pa ba?” GRABE! Prinipressure ako nitong lalakeng to. Fine. Para naman kasing hindi ko siya matitiis. Buti na lang may 50 pesos ako. Pamasahe lang naman siguro kailangan. “Oo na pupunta na.” “Pumunta ka ng magulo ang buhok at hindi nagtooth brush ah.” “Ha?! Ano ba yang pinagsasasabi mo?! At bakit ako pupunta ng ganon.” “Para lang malaman mo na gusto ko kahit yung pinakamasagwa mong anyo.” “Pauso ka talaga.” “Kahit kailan talaga, hindi mo talaga ako sineseryoso.” “Mmm, KFC na lang. 2:00?” “Sige.” Nagulat ako nung siya yung unang nagbaba na wala man lang bbye. Grabe. Ganon siya kaserysong nagtatampo sa kin. Ewan. Kaloka… Pero…

Page 115: Tossed Coin

Paano ba to iexplain? Natuwa ako nung sinabi niya na gusto niya kong makita na magulo ang buhok at hindi nagtoothbrush. Tsk. Pero… Di ko parin nasasabi na nawawala yung cellphone ko… Kaya nawawala din yung regalo niya. Asar. Asar talaga. Bat ba kasi kailangan mawala nung cellphone na yun?! Sana yung cellphone na lang yung nawala. Hindi na dinamay yung regalo sa kin ni Jet. Anyway. So yun. Hindi ko naman tinotoo yung sinabi ni Jet na wag ako maligo etc. Naligo ako at nagayos ako. Mejo pambahay outfit lang yung suot ko. Late ako ng 10 minutes. Pagkakita ko, andun na siya. Nagulat ako kasi… Tumangkad siya? TUMANGKAD NANAMAN SIYA. Grabe lang dahil parang ilang araw lang kami hindi nagkita at tumangkad nanaman siya. Or siguro mukha lang siyang tumangkad? Hindi eh! Tumangkad talaga siya!

“Nakaheels ka ba!? Bat ang tangkad mo?!” “Lumaklak ako ng gatas nung pasko.” “Parang ewan lang. Di ka naman na teenager ah.” “Asa ka. Nasa teen pa ko. Isang taon pa bago ako mawala dun.” SILENCE. After nun, hindi na kami pareho nagsalita. Bigla na lang siya tumayo tapos umorder ng pagkain namin. Though busog pa talaga ako, hinayaan ko na lang si Jet. Alam ko namang bad trip pa rin siya sa kin dahil iniwan ko siya nung lantern parade. “O, kumain ka.” Binigay na niya sa kin yung pagkain ko tapos nagumpisa na siyang pumapak ng fries. “Uhm… Jet…” “Oo na. Pinapatawad na kita.” “Teka lang! Pakinggan mo yung sasabihin ko!” “Kailangan pa ba?” “Oo naman.” “Sige. Go.” “Ano kasi… Yung binigay mo sa kin…” “Oo. Nawala mo no?” “Paano mo nalaman? Eh hindi pa ko nag stastatus na nawala cellphone ko ah.” “Ha?! Nawala phone mo?!” Napatigil siya nung sinabi kong nawala yung phone ko. Bigla naman napakunot yung noo ko. Eh di pano niya nalaman na nawawala yung binigay niya sa kin? “Bakit parang gulat ka?” “Wala naman. Nga pala…” “Ano?” “May ibibigay ako sayo.” Tahimik lang siya, mejo seryoso. Kinabahan tuloy ako ng onti. Pero nung nilabas niya, nagulat na lang ako. Nagulat ako na nasa kanya yung regalo niya sa kin nung pasko. “T—teka! Pano napunta sayo yan?!” “Nalaglag mo to. Nakakatawa nga kasi, nakita ko to sa daan…”

Page 116: Tossed Coin

“Astig… Parang…” “Parang tadhana no?” Awkward silence. Kumuha ako ng fries tapos ngumuya. Siyempre. Ewan ko ba. Bat ba ako biglang naiilang kapag kasama ko tong si Jet paminsan? Feeling mo naman Chi, gusto ka niya? Ugh. Nakakaasar kapag minsan nagaassume na ako na wala sa lugar. “Kung may sasabihin ka, pwede mo na sabihin sa kin ngayon.” “Alin?” “Wala ka bang sasabihin?” “Ano ba dapat sasabihin ko?” “Epic. Nakakahiya.” NAKAKAHIYA TONG PINAGSASASABI KO. Tumahimik ka na Chi. “Ha? Alin?” “Wala wala. Ay! alam mo ba?!” “Hindi pa…” “Nung lantern parade… Nag… Nagnon-conformist day kami ni Gab.”

Napataas yung kilay ni Jet habang kumakain ng fries. “So naging girlfriend ka niya for one night?” “P—parang ganon na nga.” Kwinento ko kay Jet lahat ng nangyare. Mula dun nakita ko siyang may hawak ng bouquet hanggang sa moment na hinatid niya ko hanggang sa jeep. “Hindi nawala yung ngiti mo habang kwinekwento yan ah.” “Oo naman! Siyempre… Sobrang saya ko kaya.” “Chi…” “Mmm?” “Gaano mo ba talaga… Kagusto si Gab?” Di ko alam kung paano sasagutin yung tanong ni Jet. In the first place, bat ba niya matatanong yun? “Sobra. Sobrang gusto. Gustung gusto…” “Siya ba yung tipong naiimagine mong makakasama mo habang buhay?” “Ano ka ba Jet! Wala pa sa isip ko ang mga ganyan.” Napangiti si Jet. “O, bat ka napapangiti.” “Wala lang.” “Bakit nga?” “Narealize ko. Di ka pa ganon kabaliw. O kung di man yun, siguro nagsisinungaling ka sa kin.” “Bat naman ako magsisinungaling sayo?” “Yun nga din yung iniisip ko. Kaya narealize ko na di ka pa ganon kabaliw para kay Gab.” “HA?! Ako di pa ganon kabaliw? Ewan ko sayo. For all those years alam mong siya lang yung nagiisang lalakeng sobrang nagustuhan ko diba?” “Pero di mo parin maisip yung eksenang nasa simbahan kayo?” Di ko maintindihan kung bakit sinasabi to sa kin ni Jet. Actually, di ko alam pero ang weird ng feeling na nararamdaman ko ngayon. Di ko maexplain. “Bakit? Eh ano naman kung di ko maimagine?” “Naisip ko, mas baliw pala ako.” “M—may nagugustuhan ka na?” “Obvious ba?” “H—hindi nga?”

Page 117: Tossed Coin

“Dati. May nagustuhan ako dati.” “Dati? Sino?” “Secret.” “Meaning hindi mo na siya gusto ngayon?” “Siguro? Di ako sigurado. Ayoko magsalita ng tapos.” “So bat mo nasabi na mas baliw ka?” “Eh. Wag mo na pansinin.” “Ano nga! Wag ka nga mambitin.” “Sa bawat araw ba naman na ginawa ng Diyos…” “Ano?” “Hindi lumalagpas yung araw na yun na…” Napakuha kami pareho ng fries ng sabay. ―…hindi ko naiisip yung eksenang kukunin ko yung kamay niya para iharap sa Kanya.‖ Napangiti ako. Pagkatapos nun, pinauwi na niya ako. Binigay na din niya sa kin yung sabitan sa cellphone na binigay niya sa kin. Ayoko na yun mawala, kaya nilagay ko na lang sa cabinet ko. Napangiti ako habang nilalagay ko sa isang maayos na box yung binigay niya sa kin. Buntong hininga.

Hindi ko na alam kung ano nga ba talaga yung nararamdaman ko. Naguguluhan ako. Pwede ba yung dalawa yung gusto mong tao? Siyempre hindi. Alam ko… Meron mas lulutang. Kung gusto mo yung isa, yung isa, mahal mo na. Pero sino? Gusto ko na lang sumigaw dahil sa gulo ko. Dumating na ang pasukan. Mejo nakakatamad pa nga rin pumasok. Pero sige, keri lang. Nung nakita ko si Anya, yinakap ko agad siya. Ngumiti naman siya, pero mukhang matamlay. “O, Anya… Bakit? May sakit ka?” “Wala no…” Tapos nilapag niya yung gamit niya sa table. “Teka, may problema ka ba?” “Ako? Bat ako magkakaproblema?” Binuksan ni Anya yung cabinet. Mejo dumami na yung tao kasi lunch na. Maya-maya dumating na rin si Jet. Napangiti ako. Pero si Anya… “Cherry, maglulunch ako with my BA friends. Mamaya na lang.” “S—sige.” May mali kay Anya. Tiningnan ko lang na tumakbo si Anya papalayo ng tambayan, papalagpas kay Jet. Nilapag agad ni Jet yung gamit niya sa table tapos tumakbo para habulin si Anya. A—anong meron? Mula nung nakita ko yun, hindi ako mapakali. Tanong ako ng tanong sa orgmates ko kung anong meron sa kanilang dalawa. Yung iba, ang sabi, baka naman hindi si Anya yung itinakbo ni Jet. Or baka LQ. Mga bandang 4, hindi ko parin nakikita si Jet or si Anya. Hindi ko alam kung bat kating kati ako malaman kung anong meron… Siguro dahil… Pareho ko silang bespren.

Page 118: Tossed Coin

Hindi pa ako nakakabili ng bagong phone. Next week na lang siguro. Napangiti ako nung pagkalabas ko ng educ, andun si Gab, naghihintay sa may poste. “Gab!” “Chi.” Sabay ngiti. “Anong ginagawa mo dito?” “Actually… Hinihintay kita.” “B—bakit?” “Wala lang. Masama bang hintayin ka?” Hindi naman. Naninibago lang ako. “Gusto mo tumambay?” “Sure.” Pumunta kaming dalawa sa may sunken. Umupo lang kaming dalawa dun habang pinagmamasdan yung sobrang tatabang mga ulap. Nakakatuwa kasi minsan ka lang makakakita ng ganon. Sa dumi na ba naman ng hangin ngayon eh diba? “Hay.”

“O, ikaw naman yung bumubuntong hininga ngayon.” “Alam mo kanina…” “Ano?” “Nakita ko si Jet na hinabol si Anya. Ewan ko. Tapos malungkot si Anya. Ano kayang meron?” “May gusto ka ba kay Jet?” “H—ha? Wala no. Nataka lang talaga ako.” “Nagseselos ka?” “Hindi nga. Wala talaga akong gusto dun…” “Nung sinabi mo sa kin, nagselos ako.” “Ano ka ba. Hindi naman sina Anya at si Jet eh.” “Oo. Alam ko.” Err. Ewan. Nakakatawa talaga kasi assumera ako. Ang iniisip ko ba namang sasabihin niya, „hindi naman yun yung pinagseselosan ko eh… yung binanggit mo nanaman si Jet‟ pero duh. Natural hindi. “Nga pala…” “Ano?” “Di ko alam pero… Di ako makaget over nung araw na yun.” “Ha, alin?” “Yung… lantern?” Napangiti ako. Sa isip ko, ako din naman. Di ako makaget over. Ang saya saya ko talaga nung araw na yun. Kung alam mo lang… “Teka, gusto mo ng ice cream?” “Sige!” “Tara?” Inoffer niya sa kin yung kamay niya. Happiness. Hinawakan ko yung kamay niya saka tumayo din. Pagkatalikod namin… Nagulat ako. Nagulat kami. Nasa harap namin si Jet at si Anya… Na magkahawak kamay… Hindi ko alam pero halu-halong emosyon yung nararamdaman ko…

Page 119: Tossed Coin

Ano nanaman ba to? CHAPTER 19 [Speed Up] Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. Para bang gusto kong magalit na—teka. Bat naman ako magagalit? Eh ano naman kung… Magkahawak sila ng kamay? Pero parang may mali. Hindi ko pa nadidiscover kung ano. Nagulat lang kami ni Gab sa nakita namin. Si Anya hindi nakatingin sa min na parang galit sa iyak. Si Jet, seryoso naman. Maya-maya, binitawan na niya yung kamay ni Anya. Nakaramdam ako ng lungkot. Siguro dahil… Biglang lumuwag din yung hawak sa kin ni Gab, hanggang sa nalaglag na din yung mga kamay ko sa

pagkakahawak niya. Parang walang gusto magsalita. Di ko alam kung tama yung gagawin ko, pero kesa naman nakatayo lang kaming apat. “Anya, ano nangyare sayo?” Pumunta ako kay Anya. Hinawakan ko yung mga kamay niya tapos bigla na lang siyang umiyak sa kin. Nagulat ako dahil umiyak si Anya sa harap naming tatlo. Si Anya, isang malakas na babae. Ayaw nga niyang may makakita sa kanyang nagagalit, yung umiiyak pa kaya? Something‟s wrong. “Jet, ano bang nangyare?” Hinawakan ni Anya yung braso ni Jet. Parang pinipigilan ba. “Don‟t.” Yun lang yung sinabi ni Anya. Nakatayo lang si Gab sa harap namin, na parang nasasaktan na nakikita si Anya na umiiyak. At siyempre, nasasaktan naman ako dahil ganon yung reaksyon niya. Mahal mo talaga si Anya no? Yun yung gusto kong sabihin nung mga panahong yun pero di ko masabi. “Uhm, Gab. Sorry wag muna tayo ngayon lumabas.” “Ayos lang. Balak ko na din umalis.” “Uwi ka na?” “Di pa.” “Samahan mo ko.” Hindi ko alam kung bakit parang ang lakas ng pakiramdam ko na may sasabihin na si Jet kay Gab. Some sort of may gusto ako sa kanya. Hindi kaya… Kaya umiiyak si Anya ay dahil nalaman niyang may gusto ako kay Gab at— “Jet…” Tiningnan ako ni Jet habang papalakad na silang dalawa papalayo. Tiningnan ko siya, at tingin ko alam na niya yung ibig sabihin nun.

Page 120: Tossed Coin

“Wag kang mag-alala. Hindi yun yun.” Tapos umalis na sila. Pumunta muna kaming Educ ni Anya saka ko siya ibinili ng softdrink. Ayoko munang magtanong agad. Siyempre gusto ko muna siyang patahanin. Dun kami sa may garden nagstay para kahit papano may konting privacy. Hindi ko maalis sa isip ko yung paghawak ng kamay ni Jet sa kamay niya. Hindi naman ako nasaktan or what. I mean… Alam ko namang hindi kasing tindi nung pagkagusto ko kay Gab sa pagkagusto ko kay Jet. Happy crush, 100% best friend. At ngayon, pati si Jet meron ng thing for Anya? Kaya ba niya kakausapin si Gab? Iba talaga pag maganda no. Nung nagpaulan ng ganda si Lord, hinigop ata lahat ni Anya. “Anya, ano ba nangyare?” Tinanong ko siya nung patahan na siya. “Wala. Wala to.” “Anong wala? Sa lagay na yan wala?” “Wala nga lang to. Pagod lang. Stressed sa assigments.”

“Di ka magaling magsinungaling. Tell it to me.” “You don‟t need to hear it.” “Sige ganto. Ako na lang magtatanong.” Inhale. Exhale. “Kayo na ni Jet?” Tapos nagulat ako nung biglang may tumulong luha sa mga mata niya. So I suppose, hindi. Pero bakit ganon yung nakita ko kanina? “Ano ka ba. Porke ba nakita mong hawak niya yung kamay ko, kami na?” “Ang iniisip ko, kaya ka umiiyak kasi kayo na talaga ni Jet tapos ayaw mo lang saktan yung kapatid niya.” Natawa ng bahagya si Anya. Though mugto parin yung mga mata niya. “Alam mo, wala talagang manhid sa mundo.” “H—ha?” “Walang manhid. May nagmamanhid manhidan lang.” “Anong ibig mong sabihin?” “Chi, masakit… Masakit… Bakit kailangan na maging ganto kaliit ang mundo?” Yinakap ako ni Anya habang umiiyak. Nararamdaman ko na nga na basa na yung sa may balikat ko. Yinakap ko din siya pabalik… Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa… “Maybe it‟s better if we‟re friends.” “Bakit, magkaibigan naman tayo ah? Ano ba yang pinagsasasabi mo ha Anya?” “Oo nga eh. Para na akong loka loka. Siguro… Hindi masyadong masakit kung kaibigan lang kita.” “Alam mo, hindi kita gets.” “Sabi sayo eh. Walang manhid. Slow lang.” Tumawa kaming dalawa. Yinakap ko siya ulit dahil… Ang sakit na alam kong gusto niya magtapang tapangan. Kami kasi yung tipo ng magkaibigan na kung ayaw mo sabihin, ayos lang. Basta, andito ako para sayo. Ganon kami. Walang sapilitan. “Wag mo na nga ako yakapin! Lalo pa ko mapapaiyak niyan eh.” Tapos humagulgol nanaman siya.

Page 121: Tossed Coin

Hindi ko alam kung ilang beses na pabalik balik yung hagulgol niya. Basta bumalik kami sa tambayan na sobrang mugto yung mata niya. Ang daming nagtatanong kung anong nangyare, dahil hindi naman usually nakikita ng mga tao na umiiyak yung babaeng to. Ang sabi lang niya? “Stressed lang ako. Hell week ko ngayon eh.” Kahit alam kong hindi iyon yung rason. Maya maya dumating na yung dalawang lalakeng yun. Sobrang nagulat ako nung parang nangingitim yung kaliwang pisngi ni Jet. Si Anya, biglang tumungo. “A—anong nangyare?” Pumunta ako agad kay Jet at kinuha yung C2 na kakabili ko lang. Malamig naman eh. At least kahit papano baka maibsan yung sakit. “Langya kasi tong si Gab. Hindi man lang sinabi sa kin na may poste sa harap ko.” “Kasalanan mo yun. Hindi ka kasi tumitingin.” “What?! T—teka… Poste lang yung gumawa niyan?” Parang ayoko maniwala. Actually, hindi naman ako naniniwala. Feeling ko nagsuntukan tong dalawang to. Or

should I say sinuntok ni Gab si Jet. Naguguluhan ako. Sila ba ni Anya o hindi? “Oo. Muka bang hindi?” Ayoko na magtanong pa. Siguro dahil ayoko lang talaga tanggapin na baka nga sinuntok ni Gab si Jet. Hindi ko gugustuhin na nagaaway yung dalawang mahalagang tao sa buhay ko. “Bahala nga kayo jan.” “Tara, uwi na tayo.” “Di ako sasabay pauwi. Sasabay na lang ako kay Anya.” “Sige, sasabay na lang ako sayo.” “Eh di sige. Sasabay narin ako.” “HINDI! Walang sasabay sa ming dalawa. Mauna na kayo.” Nakipag eye contact ako kay Jet. Sana alam na niya ibig sabihin nun. “Fine. Para namang matatalo ako sayo.” “Gab… Uhm sorry hindi natuloy yung ice cream—“ “Ayos lang.” Tumingin si Gab kay Anya. Kumirot yung dibdib ko. “Pakialagaan.” “Akong bahala jan.” Kinuha ni Jet yung bag niya. Wow. Sabay sila aalis. Ayos lang naman. Basta hindi sila magsusuntukan sa daan okay lang. “Bye.” Pero… Nagulat ako nung niyakap ako ni Gab nung nagbabay siya sa kin. “Ingat soulmate.” Tapos parang sumaludo siya sa kin.

Page 122: Tossed Coin

Yung kirot napalitan ng saya. Sa loob loob ko… WOW NAKAFREE YAKAP KA CHI! Bukod pa dun, ang gwapo niya nung nagbabay siya sa kin… Ayan. Minsan talaga wrong timing ang kilig ano? Tumingin lang si Jet sa kin. Hindi siya nagbabay. Siguro nainis nanaman siya dahil nagpapakatungelots nanaman ako kay Gab. Wala akong magagawa. Mahal ko eh… “Anya, gusto mo na bang umuwi?” “Tara.” Pero hindi kami dun sa usual na sinasakyan ng katipunan. Dun kami sa kabilang building naghintay. Tahimik lang kami magkasama. Hindi ako makahanap ng mga tamang salita. “Anya—” “Chi—” Nagulat ako nung sabay naming tinawag ang isa‟t isa. Siguro naghahanap lang kami ng timing para mangusap. “Hindi ko ba talaga pwede malaman kung anong nangyare?” “Gusto kong malaman mo. Pero ayoko pa sabihin. Hindi ako ang unang tao na dapat magsalita.”

“Alam mo… Minsan. Ang lalim mo.” “Minsan din naman mababaw ako eh.” “Anong minsan. Palagi kaya.” Tumawa kami. “Malapit na debut mo ah.” Kung iisipin. Oo nga no. Malapit na pala ang debut ko. Pangarap ko magkadebut… I mean. Hindi kailangang nakagown ako. Gusto ko lang may celebration kung saan andun lahat ng minamahal kong tao. High school friends, orgmates, mga kamag-anak… “Oo nga no. Matanda na ako.” “Nangaasar ka ba?” “Wala naman akong sinasabing 19 ka na ah?” Tumawa nanaman kaming dalawa. Nakakamiss yung mga high school moments namin ni Anya… Kung tutuusin… Namimiss ko na si Anya. “Wag mo ko gayahin okay? Magpaparty ka.” “Good idea nga yung humingi ng laptop sa parents eh.” “Yeah right. Kaya ngayon, napaparanoid ako kasi ayaw gumana nung keyboard.” “Napaayos mo na?” “Yup. Ikaw ha, iniiba mo yung usapan. Magpaparty ka ah?” “Bakit?” “Wala lang. Para may mapuntahan akong party.” “Tsh. Fine. Para sayo.” “Ang gusto kong escort mo si Gab.” Nakita kong may namumuong luha sa mga mata ni Anya. Pero ayoko na iopen up. Alam kong ayaw niyang pinapansin yung kahinaan niya. “Bakit si Gab?” “Kasi ang cute niyo.” Naguguluhan ako sa mga nangyayare. Mali ba yung nasa isip ko? Hindi kaya…

Page 123: Tossed Coin

Hindi kaya sinabi ni Jet kay Anya na may gusto ako kay Gab? Tapos may gusto din siya kay Gab… Kaya… Kaya pinipigilan niya yung nararamdaman niya… Para sa kin? Ang gulo. Ang gulo gulo. “Parang…” “Mmm?” “Ayoko naman magfeeling close sa kanya.” “Close naman na kayo ah.” “I mean… Kung magkakaroon ako ng escort… Gusto ko yung sobrang parang bespren ko na—” “Si Jet?” Kung pwede lang sabihin na si Gab talaga ang gusto ko. Pero ano na lang iisipin ni Gab sa kin? Ginawa ko siyang escort na alam kong si Anya ang gusto niya? Parang hibang lang. “Siguro?” “Tama. Bagay naman kayo eh. Number one fan niyo pa ako.” “Woo.” “Oo… Tama… Ayoko namang… Maging masyadong selfish—“ “Ano?” “Teka, magdedebut ka na diba?”

“Anya… okay ka lang?” Nakita kong tumulo yung luha ni Anya. Pinunasan ko siyempre. Nasa jeep na kami, well ayos lang kasi nasa harap naman kami ng jeep kaya wala kami masyadong pakielam sa mga usiserang tao. “Inulit mo lang yung sinabi mo kanina.” “Bigla ko kasing naisip yung exam ko kanina.” “Anong exam?” “Wala akong masagutan dahil sa gulo ng buhay… Para po.” Nagbeso beso na sa kin si Anya. Parang… Ang bigat nung huli niyang mga sinabi. Bumaba siya sa may jeep na mejo teary eyed pa din. Hindi siya tumalikod hanggat hindi umaandar yung jeep. Ang huling mensahe niya sa kin nung araw na yun ay yung mga malulungkot niyang ngiti. Yung mga susunod na araw, naging busy-busyhan ako. Siguro dahil malapit na yung exams, tapos inaasikaso ko na yung debut ko. Astig nga kasi pumayag na si mama at papa na magdebut ako. Ang nakakatawa lang, ako yung nagaayos. Haha. Katulong ko naman si Anya. Actually, mas excited pa nga siya sa kin. Matapos yung araw na yun, hindi na namin pinagusapan ni Anya kung bakit siya umiyak. Bumalik siya dun sa Anya na palangiti, Anyang punung-puno ng positive vibes, Anya na hinahangaan ng lahat… Kaya ko siya naging best friend. Pareho kaming mapagpanggap. Alam ko naman na nagpapanggap lang siyang masaya eh. Hindi ko parin alam kung ano yung dahilan ng paghagulgol niya. Inattempt kong magtanong, pero laging ililipat niya yung usapan. Si Jet at Gab, nakakatawa dahil lagi silang magkasama pag pumupunta silang tambayan. Nakakatawa kasi tumutulong na si Gab sa mga org activities namin, kahit hindi naman talaga namin siya kaorg. Benta lang kasi feeling namin member na siya. Sabay sabay pa din kami umuwi. Kaming apat. Minsan magkakasama pa din kami. Naguusap. Nagmamcdo. Iniiwasan lang namin yung topic tungkol sa… relationships. Siguro dahil na rin na feeling ko may namamagitan na love square sa aming apat? Si Jet at Gab na may gusto kay Anya. Si Anya na may gusto kay Gab? O hindi ko sure kung kay Jet. At hindi niya masabi dahil best friend niya ko—na mahal yung nagmamahal sa kanya, na hindi niya kayang mahalin pabalik. Muli, uulitin ko. Ang gulo na diba?

Page 124: Tossed Coin

Ako talaga ang epal sa love story na to. Kahit papano, kahit may pagpapanggap na nangyayare, nagiging masaya ako. Siguro dahil… Dahil sumasama na si Gab sa min. Nakakatuwa dahil hindi ako nakakapagsalita kapag inaakbayan niya ko. Napapangiti lang ako, mapapatingin kay Jet, tapos pipigsi siya. Haha. Nagaayos ako ng gamit isang linggo, nang narinig kong nagvibrate yung phone ko. Onga pala, may phone na ko. Pero yung simple na lang. Sana. Sana talaga… hindi na yun mawala. Napasigaw ako nung nakita ko kung sino yung tumatawag… “Gab?! O bakit? Napatawag ka? May problema ba?” “Wala lang. Gusto ko lang ng kausap.” “Hala. Teka. Baka maubusan ka ng load.” “Ayos lang. Nakalinya na ako.” “Baliw. Baka umabot ng—” “Ayaw mo ba ko kausap?” Napaupo ako. Napangiti. “G—gusto.” “Kung nakikita mo lang na ngumingiti ako ngayon.”

WAH. WAH. WAAAAAAAAAAH!!! Hindi ko naman siya ginayuma para magsabi siya ng ganon. WAAAAAH! Sobrang napangiti talaga ako nung narinig ko yun. Lincha naman o. Spell KILIG. “Nakadrugs ka ba?” “Hindi no.” “Eh bakit ganyan yang sinasabi mo?” “Alam mo…” “Mmm?” Napahiga ako sa kama habang nababaliw… Nakangiti… Nananaginip ng gising… Ugh. Gusto ko sumigaw!!! “Naisip ko lang.” “Ano yun?” “Teka. Kamusta ka na?” “Eto naman. Parang as if hindi tayo nagkita nung isang araw.” “Tingin ko nga.” “Ha? Nagkita kaya tayo!” Kinukurot ko na yung unan ko. Kung hindi ako makasigaw, eh di dito na lang. ―Nagtataka kasi ako kung bakit parang gustung gusto kita makita ngayon.‖ ANAK NAMAN YAN NG DYOSA NG KILIG— Please don‘t make this a dream. “H—ha?” “Wala.” “Feeling ko may nakain kang something.” “Hindi pa nga ako kumakain ng isang meal ngayon.” “Ha?! Baliw! Bakit hindi pa?! Ano ka ba! Baka—“ “Bakit ka laging nagaalala sa kin?” “H—ha?” Bumilis yung tibok ng puso ko nung tinanong niya yun sa kin. Ano ba. Aaminin ko na ba? Ayoko. Ayoko umamin sa phone call. Gusto ko sa personal… Naisip ko tuloy… Sa birthday ko.

Page 125: Tossed Coin

Tama. Sa 18th birthday ko. “Naisip ko lang.” “Siyempre. Soulmate kita eh…” “Tingin ko din… Soulmate nga kaya talaga kita?” OEHMGEE. AAAAAH!!! Lalong dumiin yung kurot ko sa unan ko. Nakangiti na lang ako na parang timang. Gusto ko na tumalon sa tuwa na parang baliw! Kinikilig talaga ako! Anak naman ng tofu yan eh… Sana talaga totoo to. Kurot. “Aray!” “O, bakit ano nangyare?” “W—wala. Kinurot ko lang sarili ko.” “Bakit mo kinurot sarili mo?” “Baka kasi panaginip lang eh.” “Bakit mo naman ako magiging panaginip?” Pu—! Isa lang ang naiisip ko nung mga minuto na yun…

Ang sumigaw na patahimik dahil sa kilig. Hindi ako makapaniwala… Ano baaaa. “Bat ka ba nagiging cheesy ha?” “Hindi ko alam. Siguro dahil nga namimiss na kita.” “Woo.” “Napaisip ako. Siguro tadhana lang na nagkita pa tayo no?” “S—siguro.” “Ikaw siguro yung dinala ni Sheena para sa kin.” Ako… yung… dinala… ni… Sheena… para… sa… kanya? Nakakaloka. Nakakabaliw. Pakidala na nga ako sa mental. WAAAAAH. Isa lang ang iniisip ko sa sinabi niya. Isa dun ay yung iniisip ko ngayon… Well sana… Yun nga— “Oi sino yang kausap mo?!” Jet? Parang narinig ko ata si Jet sa background. “Si Chi—Wait lang ah.” “Bat mo kausap?” “Gusto ko lang siya tawagan.” “T—teka. Asan ka ba?” “Na kena Jet.” “Bakit?” “Akin na nga yan—Hello?” “J—Jet?” “Pasensya ka na. Ibababa ko na.”

Page 126: Tossed Coin

DIAL TONE. Napatulala ako sa nangyare. Parang ang bilis na hindi ko alam. Parang… bumibilis ang takbo ng kwento ko. CHAPTER 20 [Mister Independent] Nung kinausap ko si Jet nung sumunod na araw, ang sabi lang niya, naglolokohan lang daw silang dalawa. Pinalo ko pa nga siya nun kasi sobrang kinikilig na ko sa mga pinagsasasabi ni Gab tapos bigla niyang aagawin yung phone. Ang sabi lang niya sa kin… “Buti nga binaba ko yung phone eh, kundi…” “Kundi ano?” “Wala.” Maaga ako umuuwi para ayusin yung mga pangdebut ko. Saan ka naman nakakita ng debutant na siya yung nagaayos ng debut niya diba? Ako lang. Haha.

Nakakatawa kasi excited ako. Excited ako kasi pupunta yung mga high school friends ko at mga orgmates ko tapos yung mga pinsan kong super close. Hindi naman kasi ako excited kasi magkakaparty ako… Excited lang ako dahil magkakasama-sama sa isang araw yung lahat ng mahal ko sa buhay. Kasama ko si Anya nung nagaayos ako ng ibibigay sa guests. Tingnan ko yung dress ko. Maikli lang, ayoko ng gown, baka kasi hindi ako makakilos ng mabuti. “Dress… Check. Food…” “Check!” “Souvenirs…” “Check check check!” “Invitations…” “Check!” “Place…” “Tumawag na ako kanina dun. Check na!” “Grabe, mas excited ka pa ata sa kin dito eh.” “Siyempre! Bespren kita eh.” “Asus. Sobrang pagkabespren na halos isponsoran mo na yung food.” “Oo nga eh. Ang mahal pala magpadebut! Halos 30k na nagagastos niyo ah.” “Actually si tita Rina yung nagbigay nung 20k.” “Aww! Si Tita Rina?” “Yup.” “Miss ko na yun.” “Ako din. Kulet eh. Sabi niya hindi daw siya makakakuha agad ng flight, kaya hindi siya makakapunta. Yan na lang daw yung ibibigay niya.” “Buti na lang yung souvenirs lang yung sagot ko.” “Magkano ba ginastos mo jan?” “Around 3k?” “Grabe. Tapos nung debut mo man lang… Wala akong naibigay kundi yung t-shirt na yun.” “Favorite shirt ko kaya yun!” “Woo sinasabi mo lang yan kasi kasama mo ko.” “Echos. Drama mo te!” Tumawa kami tapos bumalik kami sa pagaayos ng souvenir. Dumating si mama tapos binigay yung meryenda naming dalawa. “Oi! Ikaw host ko ah!” “Bakit ako?!” “Bespren kita eh.” “Bakit, si Jet din naman bespren mo ah!” Natahimik ako, napangiti. Oo nga, si Jet yung bespren ko. Pero…

Page 127: Tossed Coin

“Mas matibay kasi ang pagsasamahan natin.” “Echos ka!” “Basta ikaw. Gusto ko ikaw. Hindi ko itutuloy ang debut ko pag hindi ikaw.” “Ay grabe! Exag ka naman! Sige na nga.” Tumawa kami. “Isa na lang…” “Ano?” Ngumiti si Anya. Yung ngiting malungkot. “Sinong escort mo?” “K—kailangan pa ba yun? Eh hindi naman ako maglalakad sa stairs parang sa Disney no. Galing lang ako sa labas.” “Kailangan mo pa din ng escort! Hmm… sino ba una mong naisip?” “Si—“ “Si Gab na lang.” Nakakainis. Hindi ko mabasa si Anya. “Woo. Pero deep inside nasasaktan ka!” “Bat naman ako masasaktan?! Siya ang masasaktan.”

Nagtawanan kaming dalawa. Pero sa loob loob ko… Ano? Bakit siya masasaktan? “Alam mo, ako lang siguro ang bespren na hindi nakakabasa sa bespren niya?” “Minsan kasi, sinasadya kong hindi magpabasa.” “Wait. Tell me… HONESTLY. Si Jet o si Gab?” “Paano kung wala sa kanilang dalawa?” “What?! You mean… Ibang guy?!” “Kailangan ba lalake ang iniiyakan?” “So do you mean… Hindi lalake yung iniiyakan mo?” “Mmm. Half true.” “Bakit half?” “Kasi yung kalahati, dahil sa babae.” “OMG Anya! Akala ko pa man din—“ “BALIW! Alam mo yung ang slow mo! Ayusin na nga natin to. Ay wait… Di mo pa nasasabi kung sinong escort ang gusto mo. Ano… si Gab?” Hindi ko talaga alam kung bakit si Gab ang pinagpipilitan ni Anya. Tatlo lang yan eh… Una, alam na niya na si Gab ang gusto ko at being a supportive best friend, gusto niya siya yung escort ko. “Chi okay kaya tong…” Pangalawa, gusto niya si Jet at ayaw niyang si Jet ang escort ko kaya si Gab yung pinipilit niya. “Eh eto kaya? Bagay kaya to…” Pangatlo, gusto niya si Gab pero dahil alam niyang gusto ko siya… Nagsasacrifice siya para sa kin… “Hoy Chi!!!” “Ay bakit?” “Hindi mo ko sinasagot sa tanong ko.” “Si Jet.” “Ha?! Anong tanong ko kaya kung bagay tong ribbon na to dito. Anong si Jet?!” “Ay w—wala.” “Si… Si Jet ang gusto mong escort?” “Uhm… Oo siya na lang. Bilang siya naman yung mas comfortable ako to be with.” “Eh bat si Gab?” “Parang ang weird naman kasi. Gusto ka niya eh…” Natahimik si Anya, tapos saka siya ngumiti. “Ikaw bahala.”

Page 128: Tossed Coin

Nakangiti siya nung sinabi niya yun. Tapos saka siya tumuloy sa pagbabalot ng souvenirs. “Uhm Anya…” “Ano?” Wala talaga akong kwenta. “Wala. Tuloy na tayo sa pagbabalot.” So yun. Final na. Gawa na lahat. Yung ibang di ko maabutan ng invitation, inemail ko na lang. Tapos yung maaabutan ko, siyempre inabutan ko, haha. Nung nagkita kami ni Jet, binigay ko sa kanya yung invitation ni Gab. “Ikaw na magbigay niyan ah. Hell week niya ngayon eh.” “Magkatext nanaman kayo.” “Oo siyempre.” “Siyempre siya escort.” “Tingnan mo muna kaya invitation mo?” Tiningnan niya yung invitation niya. At nung nalaman ni Jet na siya yung escort… “Weh?! Seryoso ka jan?!”

“Oo, bakit ayaw mo?!” “H—hindi! Wala naman akong sinabi. Wirdo lang dahil… Si Gab ang gusto mo diba?” “Alam mo kung anong mas wirdo?” “Ano?” “Alam kong gusto ni Gab si Anya. Mananadya ba ako na siya pa yung gagawin kong escort… Eh alam ko namang si Anya yung gusto niya. Tsaka… Feeling ko ata may gusto din si Anya kay Gab. Di lang niya siguro masabi sa kin kasi… Kasi feeling niya may gusto ako kay Gab.” “Which is true.” “Which is definitely true. Sinabi mo kay Anya no?!” “Wala akong sinasabi. Siguro sa ating apat, ako ang may pinaka may idea.” “Idea na?” “Idea na hindi naman ganon kagulo. Mejo lang.” “Ano?!” “Excited na ko bukas sa debut mo.” “Geh, uwi na ko.” “Bat ang aga?!” “Beauty rest. Geh, bye!” So yun, nagpaalam na ko. Natulog ako ng maaga dahil bukas, araw ko na. Bukas, 18 na ko. Bukas… Nung bandang 5 ng hapon, naghanda na kami. Though 7 ang nakasabi sa invitation, sabi ni Anya mga 8 pa yan magsisimula. Anyway, ayon. Mga 7:30 na kami nakapunta sa location dahil ang tagal magbihis ng pamilya ko. Nasa loob lang ako ng room na pinareserve namin dun. Pinapunta na ng maliit kong kapatid si Jet sa kwarto. “Jet—“ Nakita ko siyang nakangiti na parang ewan lang. “Anong problema mo?” “Masama bang magandahan sayo?” “Ang epal mo. Ewan ko sayo.” Ngumiti ako. Parang kinilig na hindi ko alam sa mga sinabi niya. Flattered lang. “Pero mas maganda ka pa din na mukang gura-guranit.” “Bahala ka nga jan! Ano, marami na bang tao?” “Oo, andun na ata yung mga hs friends at orgmates natin. May mga matatanda din sa loob.” “Baliw! Mga kamag anak ko kasi yun! Sige, sabihin mo na kay Anya umpisahan na.” “Sige.” “T—teka!” “Ano?”

Page 129: Tossed Coin

“A—anjan ba siya?” “wala pa.” Tapos umalis na si Jet. Nahulog bigla yung mga balikat ko. Bakit wala pa siya? Hindi kaya… hindi siya pupunta? Ako na ang magiging pinakamalungkot na debutant pag wala siya. Sinundo na ko ni Jet ulit sa kwarto kasi naguumpisa na daw yung prayer. Nakailang tanong na ata ako kung anjan na siya. Pero hindi pa daw dumadating. Hanggang sa nakapasok na ako, pinakita na yung AVP ko, napakain ko na sila ng dinner, nagperform na yung orgmates ko… Wala pa rin siya. “Alam naman natin na si Chi, mejo may pagkabaliw. Ayaw niya ng 18 roses, 18 gifts at 18 treasures… Baliw lang nung ang sinabi niya sa kin, ang gusto niya ay 18 hugs and kisses.” Oo, ayaw ko kasi ng ganon. Bukod sa mas paborito ko ang santan kesa sa rose, though okay lang naman sa kin ang rose, mas cute kasi pag 18 hugs and kisses.

Kilala pa naman ako bilang isang taong mahilig magpayakap. Tinawag na ni Anya yung 9 hugs ko. Haha. Puro babae. Siyempre una jan si mama, tapos yung 2 close kong high school friends, yung favorite kong ninang, yung 3 kong orgmates… Nagulat lang ako nung biglang umentra si Tita Rina. Napasigaw pa nga ako kasi sabi niya hindi siya makakapunta. So yun. Napaiyak ako dun sa 8th hug na yun. “At siyempre, ang huling yakap ay manggagaling sa isa sa mga bespren niya, at ang host ng napakaastig na debut na ito… walang iba kundi ako.” Nagtawanan yung mga tao. “Uhm… Chi… Una sa lahat… Salamat sa…” Tapos napaiyak si Anya. Natural… Napapaluha din ako. “…lahat. Alam mo yun. Actually gusto kong maikli lang tong message na to eh. Uhm… Thank you so much for being such a wonderful bestfriend… Sorry kung minsan kailangan kitang pagtaguan ng sikreto… Malalaman mo din naman lahat eh…” Lumapit sa kin si Anya tapos yinakap niya ko kahit hawak hawak niya yung mic… “Mawala na ang pagasa ko sa future husband ko sana… Wag lang ikaw…” Ang higpit ng yakap niya sa kin. Napaiyak ako… Nagpalakpakan lahat ng tao at… “I love you, best.” So yun. Umupo na ko na nagsmudge na yung eyeliner ko. Baliw kasi tong si Anya. At siya naman, kahit mejo sinisipon, tinuloy pa din niya ang paghohost. “Ang drama naming magbespren no?” Tawanan lahat ng tao. Sa mga tawang yun, hinanap ko siya… Pero di ko parin siya makita. Sa loob loob ko… Umiiyak yung puso ko… Kung sinabi ko bang nasasaktan ako sa mga ginagawa mo… Sasaktan mo pa rin ako?

Page 130: Tossed Coin

Tinawag na yung papa ko, yung kapatid ko, yung 3 kong lalakeng orgamtes, 2 high school friends. Kiss lang naman sa kamay yun eh. Tapos ang sumunod na tinawag si… “…Gab Ferrer.” Pero walang tumayo. “G—gab?” Lumingon lahat ng tao sa paligid pero wala talagang tumayo. Sumakit yung dibdib ko, balun-balunan, atay, eardrums, utak… Lahat na sumakit sa kin. “Uhm anyway. Sige. Unahin ko muna yung isa sa mga tropa ni Chi. Siya yung usually na kasama ni Chi sa org bukod sa kin at…” Hindi ko na naririnig yung sinasabi ni Anya. Parang gusto ko na lang tingnan yung phone ko kung may text o tawag siya kung makakapunta pero… “…Jet Sy.” Kinuha ni Jet yung mic saka nag ahem ahem. Dun namulat yung mata ko na nasa harap ko na siya, nakangiti.

“Alam kong iba yung nasa isip mo ngayon. Hindi ako, at hindi tong buong debut.” Nanlaki yung mata ko na parang JET MAAWA KA SA KIN, WAG MO NAMAN BIGYAN NG CLUE ANG LAHAT! “Magpasalamat ka na lang sa kin mamaya. Happy birthday.” Tapos hinalikan na niya ako sa noo. Parang… Ang lakas ng tibok ng puso ko nung ginawa niya yun. Ewan ko. Napatulala na lang ako nung ginawa niya yun. Siyempre lahat ng lalake sa kamay ako hinalikan, tapos siya sa noo. Minsan, nakakawindang din tong si Jet— WAH. Biglang dumilim tapos hindi namin alam kung bakit ganito. Nagulat ako nung biglang nagsalita si Anya… “Isang munting supresa para sa ating munting prinsesa. Presenting… Gab Ferrer!” Pagbukas ng ilaw… Andun na si Gab sa stage. SKALDALKSJDKLASDLAMCLASNCVALKSFJLKSAJF. Anak naman yan ng— “Uhm, sorry kung mejo paespesyal ako.” Nagtawanan lahat ng tao. “Kasi tingin ko, deserving ka naman para mapaghandaan ng something special din…” Napangiti ako. Napatingin kay Jet, na parang… Salamat. Tae ka talaga. “…Kasi special ka sa kin.” Nagulat ako nung plinay bigla yung music, siyempre alam ko yung kanta—Miss independent. Kasama yung maliit kong kapatid at yung pinsan kong kasing age ng kapatid ko, sumayaw sila. Ooh it's somethin' about, just somethin‘ about the way she move

Page 131: Tossed Coin

I cant figure it out, there's somethin‘ about her Kinikilig ako. Said ooh its somethin‘ about kinda woman that want you but dont need you Hey i cant figure it out, there's something about her Tapos nagflying kiss siya. Napasigaw ako. Hindi ko mapigilan yung kilig—WAAAH! Cause she walk like a boss, talk like a boss Manicured nails to set the pedicure off She‘s fly effortlessly Nagulat ako nung bigla siyang bumunot ng isang cute na maliit na bouquet ng santan sa may jacket niya. Di ko alam kung san galing pero… And she move like a boss, do what a boss do she got me thinkin‘ about getting involved That‘s the kinda girl i need oh Anak naman ng… Dugdugdugdugdugdugdug…

Ang lakas ng tibok ng puso ko… She got her own thing that‘s why i love her Miss independent, won‘t you come and spend a little time? She got her own thing that‘s why i love her Miss independent, ooh the way we shine Miss independent yeah Naamaze ako kasi sinasayawan ako ni Gab ngayon. Sobrang galing niyang sumayaw na napapa‟woah‟ din yung audience kasi biglang bumabaliko at tumatambling si Gab. Ooh there's somethin about kinda woman that can do for herself I look at her and it makes me proud, there‘s somethin about her Umalis yung kapatid ko at yung pinsan ko na naamaze din ako kasi ang babata nila pero nakakasabay sila. Haha. Ang cucute talaga nung mga yun! There‘s somethin oh so sexy about kinda woman that dont even need my help She said she got it she got it no doubt there's something about her Wala akong ginawa kundi pumalakpak at sumigaw… At patahimikin yung puso ko sa pagtibok. Cause she work like a boss play like a boss Car and a crib she bout to pay ‗em both off And her bills are paid on time She made for a boss, only a boss Anything less she tellin‘ them to get lost Thats the girl thats on my mind Hanggang sa gitna ng kanta, nakangiti at sumasayaw pa din siya para sa kin. Nagulat ako nung bigla niya akong hinila tapos sinayaw niya ako… She got her own thing thats why I love her Miss independent won‘t you come and spend a little time? Natatakot ako na baka marinig niya yung tibok ng puso ko. JAAAAAHE. Ang guwapo niya… She got her own thing thats why i love her Miss independent ooh the way we shine Miss independent yeah Gusto ko siyang dalhin na lang kung saan… Mag-isa… Iwan ang debut… WAH.

Page 132: Tossed Coin

Mmm her favorite thing to say ‗dont worry i got it‘ Mmm and everything she got best believe she bought it Mmm she gon' steal my heart, aint no doubt about it Girl you're everything i need, said you're everything i need Sumayaw lang siya hanggang sa natapos yung kanta. Nagpalakpakan lahat ng tao, halata namang naenjoy din nila. Lalo naman yung orgmates ko na parang kinikilig na hindi ko alam. Siyempre kahit hindi namin kacollege, parang tumatambay na nga din siya. Nakangiti na ako after nun. Nagsiuwian na lahat ng tao, pero may ibang nag stay na orgmates at high school friends na pinastay ko na lang. Dun na lang sila matulog sa room na pinareserve namin. Hinila ko muna si Jet bago siya umalis. “Jet!” “O?” “T—thank you talaga. Ako na talaga ang pinakamasayang tao sa buong mundo.” “Talaga?” Nagulat ako nung yinakap ako ni Jet. Nanlaki yung mata ko, at nagpasalamat kasi nauna na yung tatay at nanay

ko pauwi. Sabi nila, 18 na daw ako at pagkakatiwalaan na daw nila ako sa kung ano man ang gusto kong mangyare ngayong gabi. “Masaya akong masaya ka.” “Ikaw, ma—saya ka—ba?” Ang weird ng sinabi ko. Di ako makapagsalita ng matino kasi… ―Pano kung sabihin kong ang lungkot ko dahil bigla kitang nakitang sumaya?‖ Binitawan na niya ako sa yakap niya tapos saka nagbabay. “J—Jet!” Lumingon siya. “A—ayaw mo bang magstay?” “Gusto.” “Eh bat hindi ka na lang magstay?” “Gusto mo ba kong magstay?” “Oo naman! Ano ka ba—” “Mas masaya ka nun. Anjan naman siya.” “H—ha?” “Sasabay na lang ako kay Anya pauwi. Geh.” Tapos tumalikod na si Jet. Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot yung dibdib ko… Gusto ko sanang tumakbo papunta sa kanya. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya… “Chi.” Hinawakan ako ni Gab sa may braso. Nastarstruck ako agad nung pagharap ko sa kanya. “Ano, okay ba yung kanina?” “Oo naman. Sobrang natuwa lahat sa pagsayaw mo eh.” “Nga pala… Pwede bang matulog na lang dito? Mejo malayo kasi kapag—” “oo naman!” So yun. Pumunta kaming dalawa sa kwarto. Lumingon ako at nakita kong wala na si Jet.

Page 133: Tossed Coin

Hay. Nagbihis muna ako ng shorts at shirt tapos saka lumabas. Nagpipillow fight yung iba sa kwarto, yung iba naman nag cacards. Hinanap ko siya sa loob pero wala siya. Pagpunta ko sa labas, andun siya sa nakaupo sa may stairs malapit sa kwarto. “Oi, Gab.” “Chi, kaw pala.” Umupo ako sa tabi niya. “Ano ginagawa mo dito?” “Wala lang. Nagmumuni-muni.” “Ah.” Tumingin ako sa may taas tapos tiningnan ko yung stars. Sobrang ganda kasi mga alas dos na ng umaga, yung tipong walang pollution tapos… basta. Kitang kita mo lahat ng… Hinawakan niya yung kamay ko… …bigla.

Nawindang ako nung ginawa ko yung. Nakita pa nga niya nagulat talaga ako. Natawa pa siya ng onti. ―Kakalimutan ko na si Anya.‖ Nung gabing yun, tahimik lang ako kahit siya nagkwekwento ng kung anu-ano. Halos dalawang oras ata na siya lang yung nagkwento tapos puro „ah talaga‟ „astig naman yun‟ yung sagot ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko na ginawa na ata akong pipe… “Teka.” “Mmm?” “Bakit biglang… Napagdesisyunan mo na kalimutan siya?” “Naisip ko lang… Kung siya, siya talaga.” Bakit mo ngayon lang naisip yan? Yun yung tanong sa utak ko. “Tsaka… May malapit lang jan na kaya kong mahalin… at kaya din akong mahalin pabalik… diba?” Sabay tingin sa kin. Lord… Wala naman pong ganyanan. Sasabog na yung muka ko sa pula. “Uhm gusto mong pumunta na sa kwarto?” “Sige.” Bibitaw na sana ako nung parang… nung parang ayaw niya ata magpabitaw. Kaya naglakad kami na magkahawak ng kamay. Pagdating namin, halos nakatulog na lahat. Benta lang kasi yung nagsiksikan yung anim na tao dun sa isang higaan. Eh dun sa isa pa, parang tatlo lang ata sila dun na nakahiga. May tatlo pang gising, yung high school friends ko na nagpupusoy. Dun kami pumunta sa isang higaan. Katabi ko siya… Katabi ko siya. Natulog siya sa may lap ko na hawak yung kamay ko na malapit sa may pisngi niya. Yung tipong… Nararamdaman ko yung mismong pisngi niya. Nung nakita kong tulog na talaga siya, pinikit ko na din yung mga mata ko. Pero bago ako matulog…

Page 134: Tossed Coin

Bumulong muna ako… Mahal kita… Ikaw ba? Tapos natulog na ko. CHAPTER 21 [Blind] “Alam mo yung kabog? Yung hindi makagalaw? Yun yun eh.” “Alam mo yung pang ilang araw mo na ata sinasabi sa kin yan?” Halos isang linggo na ang lumipas at hindi parin ako makagetover sa nangyare. Parang nakadikit pa rin yung kamay ni Gab sa kamay ko. Pangilang beses ko na nga kinukulit si Jet tungkol dito. “Oo na. Oo na. Ikaw na ang masaya.” “Eh hindi ka ba masaya para sa kin?” “Masaya ako dahil masaya ka. Pero hindi ako masaya para sayo.” “Bakit?!” “Gusto kasi niya, sabay kayo maging masaya.” Dumating si Anya may dala-dalang pringles. Nagulat ako nung bigla siyang sumipot.

“Gusto niyo?” “Penge ko!” So yun. Dun nagumpisa ang araw ko. Isang linggo‟t apat na araw ko naring hindi yun nakikita. Though magkatext kami. Nakakatuwa nga dahil sa araw na to, magkikita kami… MAY SASABIHIN DAW SIYA. Excited ako para mamaya. yung reaksyon ko kagabi nung magkatext kami ay sobrang epic? Haha. Na nahulog na ko sa kama at nagpanic yung magulang ko dahil akala nila nahimatay ako or whatever. Anyway. So yun. Pumunta ako sa klase ko pero hindi pumasok yung prof ko so balik tambayan ulit ako. Si Jet lang ulit yung andun, which was weird, dahil alam ko may pasok siya. “Oi, may pasok ka ah.” “Wala yung prof eh.” “Parehas tayo.” Umupo ako sa tabi niya. “Matanong ko lang.” “Ano?” “Sinubukan mo na bang aminin sa kanya yung nararamdaman mo?” Nagulat ako sa tanong niya. Kung iisipin, wala talaga akong balak aminin kay Gab yung nararamdaman ko. Gusto kong itago… Siguro dahil natatakot talaga ako na mawala yung pagkakaibigan namin. Kahit kalian naman… Hindi nawala ang takot ko. “B—bakit mo natanong?” “Sagutin mo muna.” “H—hindi pa.” “Bakit?” “Kasi… Teka! Bat mo nga ba tinatanong?!” Sumandal si Jet sa table tapos nilabas niya yung tubig niya mula sa bag niya. “Kaya ka ba hindi umaamin dahil natatakot kang mawala yung pagkakaibigan niyo?” “Exactly.” “Dahil sayang yung napagipunan niyong mga araw?” “Exactly.” “At tingin mo pag inamin mo na yun, kung wala siyang gusto sayo, hindi na niya sasabihin yung mga sikreto tulad ng dati?”

Page 135: Tossed Coin

“Eksaktong eksakto.” “At alam mong may gusto siyang iba, kaya bakit mo pa aaminin?” “Eksak—teka! Bakit mo alam?!” “Tingin mo ba hindi lang ikaw yung nakakaramdam niyan? Natural ako—“ “IKAW?! HINDI NGA?! SERYOSO?!” “Ang ibig kong sabihin… Ako, pwede kong maramdaman.” “Tingin mo sabog ako para maniwala sa sinasabi mo?! Asaaa!!! Sino yaaan?!” Kinulit ko si Jet. Sa kailailaliman ng isip ko… May gusto si Jet. Hindi ko alam kung masasabi kong positive yun para sa kin o… Ewan. Sasabihin ko din bang gusto ko din siya—feeling. Feeling mo naman ikaw talaga yung gusto niya? Oo. Gusto ko si Jet. Pero pag sinabi ko sa kanya, baka maguluhan lang siya. Kasi alam niya ang gusto ko ay si Gab, which is true. Pareho ko silang gusto, pero gets… Alam ko sa sarili ko na may mas gusto ako. “Katulad nga ng sinabi ko sayo kanina, nakakatakot umamin dahil baka masira ang pagkakaibigan.” “Huh?! Anong konek kung sasabihin mo sa kin?!” “Eh kilala mo eh.”

Ako? Okay. Wag ka munang magassume. Tanong pa. “OMG. SI ANYA?!” Tumahimik si Jet tapos tinungo yung ulo niya. Sabi na eh. “OMG?! Hindi nga?! SI ANYA?!” “Ilan ba ang babaeng kilala mo sa mundo bukod kay Anya?” “M—marami.” “Akala ko si Anya lang eh.” “Grabe naman to! Bat ayaw mo sabihin?! Hindi naman ako blabber ah!” “hindi ka nga blabber. Pabaya ka naman. naalala mo yung sinabi ni Potsie yung crush niya sayo? Eh yung nilagay mo lang naman sa isang papel yung Potsie loves PJ at nakita yun ng buong org?” “Eh…” “Malalaman mo din yun. Alam ko namang di ka manhid eh.” “Hindi nga manhid, assumera naman. Sige, bahala ka. Iaaassume kong ako yun.” “Eh di mas mabuti, para isipin mong ikaw nga yun at hindi mo na ko guluhin tungkol dun.” “Jet naman eh—“ “Ui, wala kayong klase?” KABOG. Nagulat ako nung biglang dumating si Gab. Lumakas yung kabog ng puso ko na parang tatalon na ewan. Naexcite ako bigla nung nakita ko siya. “Gab, bat ka andito?” “C-CR lang sana. Ui mamaya ah. Sama ka na din Jet.” “Saan?” “Basta. Mamaya, sa mcdo katips. Mga 5:30.” “Anong gagawin?” “Secret.” “Gusto mo isama si Anya?” Napangiti si Gab. “Mas maganda kung kasama siya.” As usual, biglang nahulog na lang lahat ng pagaassume ko sa utak ko. Parang ako, so talagang wala lang yung

Page 136: Tossed Coin

paghawak natin ng mga kamay natin nung debut ko? So joke lang yung sinabi mong kakalimutan mo na si Anya? “Chi, okay ka lang? Tulala ka.” “Natakot lang yan sa mga sinabi mo.” “Ha?” “Ang—Ibig sabihin ni Jet ano… Hindi ko kasi alam kung pwede si Anya later… Baka—” “Wag kang magalala. Ayos lang sa akin.” Ayos lang? Paano naging maayos yun? Hindi kaya… O tigilan ang pagaassume. “Sige, napadaan lang ako.” “S—sige.” “Ay soulmate tingnan mo to…” “Alin?” Kinuha niya yung wallet niya tapos binuksan niya… Pagbukas niya…

SHOOOOOT. Picture naming dalawa nung debut ko. Biglang bumagsak yung tubig ni Jet sa may table. “Sorry. Nahulog lang.” Tiningnan ko ulit. “Prinint ko yan last week. Ang cute natin no. Soulmates talaga tayo eh.” “O—oo nga eh.” Kinuha niya ulit yung wallet niya tapos saka niya binulsa ulit. “Sige, alis na ko. Bye Chi, Jet.” “Alis na.” “Bye.” Nung wala na siya sa paningin ko, saka ko tinulak tulak si Jet. “JET!!! NAKITA MO YUN?! AKO YUNG ANDUN SA WALLET NIYA!!!” Sumisigaw ako at kinikilig at the same time. Buti na lang andito si Jet para pagbuhusan ko ng kilig. “O so, anong ibig sabihin nun?” “Wala lang… Malay mo may pag-asa.” “Ako din naman ah, yung picture natin yung nasa wallet ko.” “Weh. Patingin nga!” “Ayoko!” “Patingin naaa!” Kinuha ko yung bag niya saka hinalughog. Nagulat ako nung bigla na lang siyang napayakap sa likod ko kasi kukuhanin nga niya yung bag niya. Natawa pa ako nung nagsorry siya kasi napayakap siya. “Sorry! Akin na kasi yung bag ko!” “Akin na muna wallet mo.” “Argh! Dapat di ko na sinabi eh!” “Sorry ka sinabi mo na. O, nakita ko na!” Pagkakuha ko sa wallet niya at pagbukas… Di nga siya nagsisinungaling.

Page 137: Tossed Coin

Picture naming dalawa yung nakalagay. “Ui ayos to ah. Bakit parang… Stolen shot?” Tahimik lang si Jet. “Bat stolen shot lang to? Tsaka… AH! Nung ACLE to last sem. Anong pinaguusapan natin dito?” “Secret.” “Ui grabe galit ka ba?” Hindi ako pinapansin ni Jet. Inaayos lang niya yung bag niya na ginulo ko. “Jet naman eh!” “Akin na nga yang wallet ko.” “O eto na po. So ano ibig sabihin nun?” “Na hindi lahat ng picture sa wallet ng isang tao, ibig sabihin gusto na nung taong yun.” “Defensive! Grabe naman to! Aminin mo na kasi sa kin.” Tawa lang ako ng tawa habang sinasabi yun, pero siya seryoso pa rin. “Si Anya naglagay niyan sa wallet ko.”

Nagfade yung tawa ko unti-unti. Bigla kong naisip, ang gulu-gulo talaga ng bespren kong yun. Hindi ko na talaga alam kung kanino niya ako pinagpipilitan, kay Gab o kay Jet. Pero nararamdaman ko na isa sa kanila yung gusto niya… Heto nanaman ako. Ginugulo ko nanaman utak ko. Mejo dumadami na rin yung tao sa tambayan. Ako, hinihintay ko lang mag 5:30 actually, nang makapunta na sa mcdo. Nung 5:15 na, hindi na ko makapaghintay. Kinuha ko na yung bag ko saka inaya si Jet na umalis. Wala pa si Anya. Sabi na eh, busy talaga yun. “Jet, tara.” “Mauna ka na. Hinihintay ko si Tata.” “Sige, sunod ka ah!” So yun. Sumakay na ko sa mcdo katips. Excited talaga ako sa sasabihin niya. Gumagana nanaman yung imahinasyon ko. Tipong sasabihin niya na, narealize niyang bakit pa niya kailangan maghintay kay Anya kung andito naman ako… AGH! KILIG! Okay fine. Kalma na. Andito na ko. Hinanap ko siya, kaso mukhang wala pa. So nagorder muna ako ng float tapos umupo. Inaabangan ko yung pinto. Matapos ang ilang minuto, dumating na siya. “Gab!” Nagwave ako ng kamay. Nakita niya ko so pumunta siya sa kin. Hay grabe, spell kilig. Nakangiti lang ako tapos inayos ko ng onti yung buhok ko, yung ayos natural lang, hindi yung pacute. So anyway, tiningnan ko siya… Tae, ang cute talaga niya. “Kanina ka pa?” “Hindi naman. Bored na kasi ako sa school kaya pumunta na agad ako dito.” “Sige teka order lang ako.” Nagorder si Gab. Nagulat lang ako pagdating niya. May tatlong coke, tatlong fries at tatlong burger. Siguro yung isa para kay Jet. “Bat mo pa ko binilhan?” “Eh kasi baka mauhaw ka. Mahaba habang kwentuhan to no.”

Page 138: Tossed Coin

“ay ganon.” Nagsip ako. “Kamusta? Pasensya ka na pala. Hindi ako masyadong nakakapunta kasi—” “hell week mo. Alam ko okay? Sinasabi mo naman sa kin yun pagmagkatext tayo.” “Ikaw ba, musta ka na?” “Actually hell week ko din. Nagtitiis lang.” Ngumiti si Gab. “Chi…” Napatigil ako. “Mmm?” “Naranasan mo na ba yung—eh wag na nga. Ang corny eh.” Eto na ba? Hindi ako mapakali. “Ano nga yun?”

“Wag na.” “Eto naman! Parang iba ako!” “Eh kasi…” “Ano?” “Ano… Naranasan mo na bang magkagusto?” Kinakabahan ako. Yung kabang masaya. “T—teka, bat mo natanong?” “Alam mo nung debut mo… Naisip ko na… Actually nasabi ko na sayo yun eh… Yung… Kakalimutan ko na si… Anya.” Parang nauutal si Gab na hindi ko alam. Hinihintay ko na lang yung mga salitang sasabihin niya. Gusto ko na lang ifast forward. “Siguro nga, panahon na kalimutan na siya.” “Wag naman kalimutan. I mean, may nasimulan naman kayong pagkakaibigan eh.” “Oo. Siguro yung… Move on.” “Tama. Good for you…” “Ewan ko.” Napabuntong hininga siya. “Kailangan ko ba talaga sabihin to sayo?” ASDFGHJKL. O, easy ka lang. Easy ka lang. Wag mo ipakitang kinikilig ka. “A—alin?!” “Kasi…” “Kasi?” “Bigla ko na lang naramdaman yung feeling na, bakit ba kailangan pa kong maghanap eh anjan naman tong taong to…” Inhale. Exhale. “Bigla ko na lang naramdaman na… Siguro nga panahon na para buksan yung puso ko para sa ibang tao…” Inhale. Exhale. Nararamdaman ko yung pawis sa likod ko kahit ang lamig dito sa mcdo… “Bigla ko na lang naramdaman na… Kaya ko naman sigurong magumpisa ng bagong mundo kasama ng taong to…”

Page 139: Tossed Coin

Inhale. Exhale. Fast forward… Fast forward… Gusto ko na marinig yung sasabihin niya. “Wag mo sanang isiping sobrang bilis… Pero…” It was the deepest inhale I ever had… Sasabihin na niya… Yung tatlong salitang hinihintay ko… “Gabby!” Lumingon siya bigla. May isang girl na may highlights yung buhok na biglang pumunta sa may table namin. Nanlaki yung mata ko sa mga sumunod na sinabi ni Gab. “Si Lian. Girlfriend ko.” Hindi ako makapagsalita. Parang gusto ko na lang isuka lahat ng ininom kong softdrink. Yung kirot sa puso ko biglang dumoble. Gusto ko kuhanin yung remote, at ifastforward na lang ng ifastforward hanggang dun sa araw na nakalimutan ko

na tong araw na to. SH*T. Am I this stupid?! Umupo si Lian sa tabi niya. Mukha siyang masayahin, at… Oo. Bagay silang dalawa. Sa sobrang bagay parang gusto ko na lang silang iplaster para forever na silang magkasama. “Lian, siya yung kinukwento ko sayong bestfriend ni Anya.” “Ah, so siya pala yun. Hi! Chi right?” Hindi ako makahinga. Inabot sa kin nung Lian na yun na parang crocodile lang na sumulpot sa buhay niya at sa buhay ko. “Cherry.” Saka ako nakipagshake hands. Namumuo yung mga luha sa mata ko. “Wait, washroom lang ako.” “Sige, take your time.” Pumunta ako sa banyo. Wala pa ako sa banyo tumulo na yung luha ko. Buti nakatalikod na ako sa kanila kaya hindi nila nakita. Umupo ako sa toilet at dun umiyak ng umiyak… Yun lang naman magagawa ko eh… Umiyak ng umiyak. Gusto kong iumpog yung sarili ko sa pader sa kakaasa, kakaassume—kakamahal sa kanya. Hindi na ko nagsawa eh no? Hindi na ko natuto. Sino ba naman ako para magustuhan niya ko? Sino? Sino nga ba ako sa kanya? Hinugasan ko yung mukha ko saka pinunasan. Magtataka sila kung masyado akong matagal sa banyo. Pagbalik ko dun, nakaakbay na si Gab sa kanya. Parang gusto ko pumunta ng banyo ulit. Umupo ako tapos kinamot yung mata ko. “Grabe, pinuwing ako.”

Page 140: Tossed Coin

“Pinuwing ka?” “Wag mo kamutin. Baka magkainfection.” Infection your face. Ako na ata ang kontrabida sa kwentong to, at naiinis ako. Oo, siguro nga bitter ako… May karapatan ba ako maging bitter in the first place? Ako naman ang may kasalanan diba? “Teka, akin na.” Kinuha ni Gab yung panyo niya sa bulsa niya tapos pumunta siya sa tabi ko, nilagay yung panyo sa mata ko… “G—gab.” “Wag ka magulo.” Nilagay niya yung labi niya sa mga mata ko tapos… “Fuuungga.” Bakit ba kahit saktan mo ko ng paulit-ulit hindi ko magawang magalit sayo!? Naalala ko nung una ko siyang nakita at pinuwing yung mata ko. Ganito din yung ginawa niya sa kin.

Tinanggal niya yung panyo niya. Saka siya ngumiti. Sana… Sana akin ka na lang. “Okay ka na?” “Yup…” Umupo siya ulit sa dati niyang pwesto. “Ang cute niyo. Para kayong magkapatid.” Hindi lang kami dapat magkapatid kung hindi ka dumating sa buhay niya na parang kamote. Kailangan kong magtimpi. Ayoko maging kontrabida sa sarili kong kwento. “Grabe ka soulmate! Kailan kayo nagkakilala?” “Last last week.” Gusto ko na lang magmura sa harap nilang dalawa, pero ayoko dahil masama. LAST LAST WEEK?! LAST WEEK NGA BA YUNG NARINIG KO?! “Woah. L—ast last week?” “He went to our house last last Sunday kasi my kuya and him had a project. Basta they‟re like six in their group.” Ayusin mo yang English mo ah. Baka icorrect kita bigla unconsciously. Sabi na eh. Ako na ang kontrabida sa kwentong to. Last last Sunday? Parang after lang yun ng birthday ko ah. “Tapos?” “Eh yun. Nakakatawa kasi nagserve siya ng juice, natapunan ako, tapos tinukso na kami ng groupmates namin.” “Then it was like magic. Nakitext kasi ako kay kuya that night din, Gab din yung pangalan ng itetext ko. I thought my kuya had a number of that Gab I would text sana, so yun. Naitext ko sa kanya. Eh parang ang sabi ko… Ano nga ba sabi ko dun, pie?” PIE?! Ngayon ko lang nafeel na parang gusto ko ilabas lahat ng kinain ko mula nung nasa chan ako ni mama. Lord. Give me strength. “Sabi mo dun… Basta. Parang yung project niyo?” “Yeah. And since I just texted via my kuya‟s phone, nilagay ko number ko.” “Eh di siyempre, nagtext ako sa kanya na parang wrong send at hindi ako yung Gab na tinutukoy niya.”

Page 141: Tossed Coin

“And then…?” “Tapos yesterday… I kinda like… Basta.” “Nahiya ka pa. Sinabi niya sa kin na gusto niya ko.” “Pie naman e! Nakakahiya.” “Sabi niya gusto daw niya akong ngumiti, ang cute ko daw, ang bait pa, total package. Blahblah.” Nagtawanan silang dalawa habang ako gusto na mag harakiri sa harap nila. “And then he said, he sort of liked me too.” That moment, gusto ko na lang patayin yung sarili ko. Pano kung inamin ko sa kanya na gusto niya ko, magiging kami din ba? Pano kung sinabi kong yung mga ngiti niya ang inaabangan ko sa bawat araw, magiging kami ba? Pano kung sinabi ko na para siyang anghel na wala nga lang pakpak, magiging kami ba? Pano kung sinabi kong ang tagal ko siyang hinanap… At siya lang ang minahal ko ng ganito… Mamahalin din ba niya ako pabalik? “Ah.”

Nakangiti lang ako na parang ewan sa harap nila. Gusto ko na umalis, pero anong irarason ko? Bahala na si batman. Wala pa man akong ginagawa, dumating si batman. “Sorry! Late!” Napatingin si Jet sa table. Nakita niya ako, si Gab, at si Lian. “Sh*t. Ano to?!” Biglang nagkasalubong yung kilay ni Jet. Nanlaki yung mata ko sa mga sinabi niya. Halatang galit, hindi ko lang alam kung bakit. “O, easy ka lang. Lian, siya si Jet. Jet, girlfriend ko, si Lian.” “Ah. So he‟s your… brother, right?” “Oo, siya.” Tiningnan ako ni Jet. “Anong ginagawa mo jan?” Jet. Please for once... “Bat ka nakaupo lang jan?!” “G—Gab pasensya ka na nakalimutan ko na pupunta pala kami ni Jet dun sa magssponsor sana sa event namin. Nakalimutan ko.” Nararamdaman kong nawawalan na ng pasensya si Jet. “Till next time. Lian, nice meeting you.” “Nice meeting you too!” Tapos ngumiti siya. How could I be so mad with the innocent? Screw me. “Ingat ka, Chi. Pakalmahin mo yang si Jet ah.” “S—sure.” Tapos hinila ko na si Jet palabas ng mcdo. Nung nasa labas na kami ng mcdo, walang nagsasalita sa aming dalawa. Alam kong galit siya, at galit din ako.

Page 142: Tossed Coin

Nung andun na kami sa may sakayan, hindi ko na napigilan yung mga luha ko… “Jet… Jet bakit ganon?” Inakbayan niya ko tapos nilapit lalo sa may parte ng dibdib niya. Umiyak lang ako, hindi nagsasalita. Nakita kong maraming nakatingin sa min. Pero tuloy lang… Kahit ayoko na tumuloy. CHAPTER 22 [Doubts] Ngayon ko lang sobrang ginusto na matapos ang isang araw. “Jet, bat ganon?” Nakatingin ako sa kawalan, pero alam kong katabi ko lang naman si Jet at nakikinig sa kin. Alam ko din naman na bilang kaibigan ko, nagagalit siya para sa kin. Nakaupo lang kami sa tapat ng kung saan, actually hindi ko alam kung nasaan na kami. Ang pagkakaalam ko, nung nasa Junction na kami, bigla siyang nagbayad ng dalawang junction. Nagtaka ako, tapos pinababa niya ako.

Ngayon, hindi ko alam kung bakit talaga ako andito sa lugar na to. Ma-tao. Pero parang tingin ko kaming dalawa lang ang nandito. “Jet… Bat ganon? Bat ba hindi niya ko makita? Bulag ba yun?” “Maraming bulag na nakakakita sa mundo alam mo yun.” Tama. Isa si Gab dun. Tumingin ako sa mga mata ni Jet. Isang tanong na gustung-gusto ko na itanong sa kanya. “Panget ba ko?” “Sinong nagsabing panget ka?” “Sagutin mo na lang kasi ako.” “Wag ako ang tanungin mo. Magiging biased ako.” “Fine. Panget nga ako.” “Tingin mo ba talaga yun yung sasabihin ko?” Tumahimik siya tapos bigla niyang ginulo yung buhok ko. ―Si Gab na ang pinakatangang lalakeng kilala ko sa mundong to.‖ Eto na nanaman. Alam kong dapat malungkot ako, pero naging masaya ako sa sinabi niya. Minsan, kailangan mo lang talaga ng kakampi sayo. “Bakit ba kasi hindi niya ko makita? Oo, hindi ako nagshoshorts, at hindi maganda ang legs ko. Hindi rin ako maputi tulad nung mga nagugustuhan niya. Sorry naman na 33 lang ang bust ko diba.” Natawa si Jet nung sinabi ko yun, kahit napapaluha ako. Pero totoo naman eh. Hindi ako kasing ganda nung mga natitipuhan ni Gab… Hindi ako. “Kung pisikal lang ang makikita niya, hindi kasi yung pagmamahal. Ano ba, hindi ka ba nagdaan ng high school at kailangan paulit-uliting sabihin yan?” “Ang weird lang kasi na…” Tumulo yung luha ko. “…Isang babae na halos isang linggo lang niya nakilala tapos naging sila na? Akala ko sa mga telenobela lang yung mga ganon. Meron din pala sa totoong buhay.”

Page 143: Tossed Coin

Inakbayan ako ni Jet. Sumandal ako dun sa balikat niya habang nakatakip ng panyo yung mukha ko. Walang pumapasok sa utak ko kundi yun lang… “Bakit kasi hindi ako maganda?!” “Ipapapatay ko na si Gab dahil siya lang ang tanging tao na nagpaisip sayo na hindi ka maganda.” “Eh totoo naman eh.” “Ulitin mo pa yan, ipiprito na kita.” “Sige nga. Baka kung sakaling iprito mo ako, mawala yung sakit.” Ngumiti ako nang bahagya saka tinanggal yung panyo sa mukha ko. Masakit… sobrang sakit dahil ang sarap lang nilang balatan ng buhay tapos lagyan ng asin. Kung pwede ko lang yun gawin sa taong mahal ko… Kaso wala naman siyang alam… Bakit ba kasi hindi niya makuha yung hint?! “Ganon ba ako kahirap mahalin?” “Hindi.” “Eh bat ganon?” “Siguro, hindi lang talaga siya para sayo…” “Pero…”

Tiniklop ko yung legs ko saka sumandal sa mga tuhod ko na nakatungo… Minsan talaga, gusto ko na lang tumiklop at hindi na pansinin ang mundo… ―gusto ko talaga siya eh…‖ Saka ako umiyak ulit sa mga balikat ni Jet. Nagbabay na ako kay Jet, nakiusap ako sa kanya na huwag na ako ihatid. Gusto ko pa umiyak, yung iyak ng emo na parang ewan lang. Pero yun, sabi lang naman niya tumawag ako pag nakauwi na ako. Ano pa nga ba? Eh di tumawag ako pagkauwi ko, pero binaba ko din agad dahil napagod ako… …napagod na ako kakaibig kay Gab. Siguro nga. Panahon na ba para isuko siya? Panahon na ba para buksan ang puso ko sa iba? Shaddap Chi. Bubukas yang puso mo kung gusto niya talagang bumukas, diba? Kung ipipilit mo, dalawa kayong masasaktan—ikaw at yung pipilitin mong mahalin. Lumipas ang ilang araw, at hindi siya masyadong nagtetext. Nagtetext siya ng „musta‟ pero kapag nagrereply ako „okay lang‟ tapos end of conversation na. Ang pinakahuli naming matinong conversation sa text ay yung sinabi niyang sinorpresa niya si Lian. End. End of conversation. End of the world. “Baliw. Hindi pa end of the world. Ano bang akala mo, si Gab lang ang lalake sa mundo?” “Siya nga lang ang lalakeng gusto ko.” “Kapag hindi si Gab, ayaw mo?” “Basta.” “Para kang batang nagdadabog.” “Alam ko. Alam ko. ALAM KO.” “Nababaliw ka na.” “Siguro nga. Siguro kapag yayain pa niya akong maging kabit niya papayag ako.” Natahimik ako saka ko sinampal yung sarili ko. “Takte—ano ba tong pinagsasasabi ko? Bat di mo ko sinampal? Sampalin mo nga ako pag sinasabi ko yun.” “Bat kita sasampalin? Sampalin mo yang sarili mo nang matauhan ka at maalog yang utak mo.” “Jet… Sabihin mo nga… Masama ba ako?” “Sa paanong paraan?” “Sa loob-loob ko, sinisisi ko si Anya.” “Walang kasalanan dito si Anya.” “Oo nga—dapat sarili ko ang sisihin dito. Assuming kasi. Pa-one-of-the-boys effect pa kasi. Paasa-asa pa kasi.”

Page 144: Tossed Coin

Nagbuntong hininga si Jet. “Assuming kasi ako. Pabespren-bespren effect pa kasi ako. Paasa-asa pa kasi.” “Bat mo inulit yung sinabi ko?” “Bakit, hindi ba pwedeng ulitin?” Nung tiningnan ni Jet yung phone niya, tiningnan ko din yung akin. May isang message. Nanlaki yung mata ko nung galing sa kanya. Mas nanlaki pa nung ang message ay… Chi. Kailangan kita. “Jeeet! Tingnan mo! Tingnan mooooo!” Bigla akong sumaya na hindi ko alam. Sinasakal sakal ko si Jet habang tiningnan niya yung phone ko. “O ano, pupuntahan mo?” “May load ka?” “Gusto ko magsinungaling na wala. Eto.” Binato niya sa kin yung touch screen niyang phone. “Baliw! Eh kung hindi ko to nasalo?!”

“Dalian mo kung makikitext ka.” “Tsssh. Isnabero. Sungit!” Tapos nagtext ako kay Gab. Mejo masaya. Sabi ko magkita na lang kami sa sunken ng mga 5:30. So yun. After nung araw na inamin niya sa aking may girlfriend na siya, ngayon lang ata ako ulit naging masaya. Nung mga 5 something, dumating si Anya. “Anya, pwede ka ba?” “H—ha? S—san?” “Kahit san.” Tumingin sa kin si Anya. Naramdaman ko yung tingin kahit may kausap akong ibang tao. “Sige.” Kinuha nila yung mga bag nila. Ako naman, curious kung san sila pupunta, natural nagtanong ako. “San kayo pupunta?” Kinuha ni Jet yung bag ni Anya. At hindi ko alam yung naramdaman ko sa loob loob ko— “J—Jet. Wag na magaan lang yan.” “Okay lang. Konti lang dala ko.” “Ano… Di ko din alam eh. Sa—” “Bakit, sasama ka?” Hindi ko alam kung bakit parang naramdaman ko yung lamig sa tono ni Jet. Hindi kaya… Wag kang assuming. Wag kang assuming. Magsawa ka sa pagaassume. “Hindi.” “Text ka na lang pag nakauwi ka na.” Bineso-beso ako ni Anya tapos umalis na sila. Nung tumalikod silang dalawa, hindi ko alam kung anong kirot yung nararamdaman ko. Siguro dahil sa—sa alam kong naaasar na sa kin si Jet? Siguro dahil naiinis na rin siya sa katangahan ko… On the not-so-positive side but more positive than the first one, iniisip ko yung matagal ko na iniisip pero… wala talaga akong makitang rason para magustuhan ako nung taong yun.

Page 145: Tossed Coin

Kung sakali bang gusto niya ko… Anong gagawin ko? Pumunta ako sa sunken garden na yun yung iniisip ko. Iniisip ko din kung sasabihin ko ba kay Gab yung mga iniisip ko tungkol kay Jet. O kailangan ko na lang to itago sa sarili ko? Baka isipin kasi ni Gab ang feeling ko naman… “Ang lalim ng iniisip mo, nalulunod ako.” Napalingon ako dahil nakita ko na si Gab. Umupo siya sa tabi ko saka nagbato sa kin ng piatos at c2. “Sorry.” “B—bat ka nagsosorry?” Napabuntong hininga siya. ―Sorry kasi kailangan kita.‖ Bigla akong natunaw sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro sa pagkakasabi niya… Yung kung pano siya tumingin sa langit habang sinasabi niya yung mga salitang yun… Eto nanaman yung kaba…

“Ano bang problema?” “Nag-away kami ni Lian.” “B—bakit?” Binuksan niya yung C2 tapos uminom muna siya. “Natulog siya sa ex niya nung isang araw. Nalaman ko dahil may nakatag na picture niya kasama yung ex niya.” Bakit ba may mga nilalang na ang lakas ng loob na saktan ang taong pinakaayokong nasasaktan? “Nakausap mo na ba siya?” “Oo. Kaya nga kami nag-away eh.” “Dalawang linggo pa lang kayo, nag-aaway na kayo.” Nagulat ako nung biglang namula yung mga mata niya. Alam kong naiiyak na siya, pero pinipigilan niya. Nung mga minutong yun, wala akong gustong gawin kundi hawakan yung pisngi niya at punasan yung mga namumuong luha sa mga mata niya. Pero ano nga ba ang kaya kong gawin kundi ang itago lahat ng nararamdaman ko dahil alam kong hindi pa ito yung tamang panahon na sabihin ko lahat. “Dalawang linggo pa lang kami… Natural lang siguro na mag-away kami.” “Bakit?” “Alam ko naman na maikli lang talaga yung panahon na pagkakilala namin. Hindi ko nga ba alam kung bakit pinilit ko pa rin.” “Sabihin mo nga sa kin, bakit nga ba?” Nagkaron ng konting katahimikan pero sumagot din siya matapos ang ilang segundo. “Nung mga panahong sinabi kong susuko na ako kay Anya, biglang dumating si Lian. Nung sinabi niya sa aking gusto niya ako, inisip ko na hindi naman siya mahirap mahalin. Tutal maganda at mabait naman si Lian nung una kong nakilala…” Pag-amin. Gusto ko biglang umamin sa kanya ngayon dahil sa mga naririnig ko. “Gab… Tingin ko hindi naman ata tama yun…” “Wala na ata ako sa katinuan…” Parehas lang tayo. “Hindi maganda na gagawin mong rebound si Lian. Sa totoo lang… Hindi ko alam kung tatagal kayo sa ganyang paraan dahil…” “Dahil?”

Page 146: Tossed Coin

Dahil hindi niya kayang paligayahin ka… tulad ng nais kong paligayahin ka… “Wala kayong background eh. I mean, ang isang linggo‟t kalahati na pagkakakilala, hindi naman yung enough para mabuo ang love. Ewan ko… Siguro infatuation yan or something… Pero kung gusto mo talagang tumibay yan, dahan-dahanin niyo yung mga araw. Intindihin ang isa‟t isa…” “Nainlove ka na ba?” Nagulat ako sa tanong ni Gab. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko na parang ewan lang. A—ano nga ba ang isasagot ko sa kanya? “Bakit mo natanong?” “Astig eh. Parang ang dami mo na napagdaanan.” “H—hindi. NBSB ako.” “Hindi nga?” “Oo no.” “Hindi halata.” “Grabe! Anong hindi halata?!” Ngumiti si Gab. Isang ngiti sa likod ng malungkot niyang mukha. ―Sa ganda mong yan wala pang nagmamahal sayo?‖ Hindi ko alam kung binobola lang ako nito o ano… Pero gusto kong sumabog dahil sa saya. Alam ko naman na

hindi ako kagandahan tulad ni Lian o ni Anya kaya siguro ang saya saya ko na sinabihan niya ako ng ganon… “H—hindi kaya.” “Sinong nagsabing panget ka?” “Marami na—” “Kung sino man yung „marami‟ na yun, siguro mga bulag yung mga yun.” Hindi ako makapaniwala na sinasabi to sa kin ni Gab ngayon. Napangiti ako, at muli, naramdaman ko yung saya matapos ang ilang linggong sakit. Wirdo lang. “Kung sakali bang magkaboyfriend ka, anong gusto mo?” “What do you mean anong gusto ko?” “Gusto mo? Yung boyfriend mo.” One word. IKAW. “Yung ano… malakas yung personality. Yung open sa akin. Yung parang best friend lang ba?” “Gwapo?” “Eh kapag mahal ko na parang wala naman na effect yun eh.” Exception yung case mo. Nagkataon lang talaga na gwapo ka. “Ano pa?” “Mmm… Basta open at honest sa kin. Okay na siguro yun.” “Okay lang ba sayo ang seloso?” “Okay lang. Basta hindi ako masasakal. Bakit mo natanong?” Ngumiti siya. ―Seloso ako eh.‖ GAAAAA. Wala naman akong sinasabi eh! So anong ibig sabihin non?! Kainis dahil bigla akong namula (namula to the point na parang naramdaman kong uminit yung pisngi ko). Pero siyempre di ko pinahalata na kinikilig ako… Pero kahit anong tago ng kilig ko, hindi ko maitago yung ngiti ko. “Ay grabe Gab!”

Page 147: Tossed Coin

Tumawa siya. Ang sarap pakinggan nung tawa niya. Minsan talaga gusto ko na itigil ang oras, at the same time gusto ko din ifast forward para malaman kung ano ang mga mangyayare sa susunod. “Oo nga pala.” “Mmm?” “Nagapply ako dun sa internship program.” “Weh?! Ano, natanggap ka na?” “Hindi pa. May seminar seminar pa.” “Woaaah! Ang galing naman! San pupunta?” “Singapore. One year. Sana makapasa.” “Gusto mo talaga makapasa?” “Oo naman. Sino ba namang hindi?” “Astig! Ang galing naman. Sige, ipagdadasal ko yan.” Huminga ng malalim si Gab… “Alam mo…” Umihip ang hangin… “Sa lahat ng babaeng nakilala ko…” Biglang nalaglag yung ibang mga dahon dun sa acacia na nilililiman namin…

“Ikaw lang ata yung pinagdasal ako sa lahat…” Lumakas yung tibok ng puso ko… “Ikaw lang yung napapangiti ako agad…” Na parang hindi ako makahinga… “Sana kung magkaron ng chansa na magmahal ulit…” Nakakabaliw. ―Sana tulad mo.‖ Napatulala ako sa sinabi niya. Napahawak ako sa may dibdib ko dahil parang aatakihin ata ako. Masyado atang naparami yung kape na nainom ko ngayong linggo. “Gab may sasabihin… ako… sayo…” Umihip nanaman yung hangin. Malakas na pag-ihip. CHAPTER 23 [First] “Ano yun?” Nung tinanong niya kung anong sasabihin ko, bigla akong kinabahan. Ano nga ba ulit yung sasabihin ko? Bigla na lang ako naubusan ng sasabihin. “Chi?” “Uhm ano…” “Ano?” GAAAAA. Spell tuliro. Bigla na lang akong hindi mapakali na tipong binubunot ko na yung mga damo sa tabi ko. Halos kalbo na nga yung sa may pwesto ko. Shoot.

Page 148: Tossed Coin

ANO NGA BANG SASABIHIN KO?! “Gusto—” “Gab.” Napalingon ako nung nakita ko si Jet at Anya na nasa likod. Bitbit parin niya yung bag ni Anya, at may dala silang parehong taho. Buntong hininga. “Jet. Anya…” Ako lang ba to, o parang iba yung tono niya nung tinawag niya yung pangalan ni Anya? At iba din yung pagkatingin niya kay Jet? Siguro masyado lang ako umiinom ng kape kaya ganon. Pero iba kasi yung tingin niya kay Jet dati, yung parang „hello utol‟ parang ganon. Pero ngayon, parang more of… Nagseselos kaya siya kay Jet dahil lagi niyang kasama si Anya? Buntong hininga.

Mahal nga niya si Anya. Gusto ko na lang sabunutan yung sarili ko. Gusto ko na lang makapulot ng isang magic lamp at hilingin na sana ako na lang si Anya… Bakit nga ba kasi hindi? Tumingin ako kay Jet sandal. Nung nakita ko siyang tumingin din sa kin, umiwas ako. Umiwas ako dahil… Dahil naiinis ako sa dalawang bagay. Una ay yung dumating sila na wala sa timing… Pangalawa… Pangalawa… Ayoko aminin. Hindi totoo yung iniisip ko. Narinig ko yung pagbuntong hininga ni Jet. “uhm… nakaistorbo ba kami?” “Hindi naman. Nagkwekwentuhan lang kami.” “Uhm… Oo… Nagkwekwentuhan lang kami.” Gusto ko na lang umiyak. Hindi ba talaga para kami sa isa‟t isa para ganituhin ako ng tadhana? Nakita kong nagtinginan si Jet at Anya. “Sige, mauuna na kaming umuwi.” “uuwi na kayo?” “Yep.” “Sige, sabay na kami.” Buntong hininga. “H—hindi na.” “Bakit ayaw mo kami pasabayin?” And yeah, I sounded b-itchy, if you know what I mean. Gaaa. Ewan ko ba. Badtrip na ko. No—this can‟t be. Hindi dapat ako magalit… Wala naman silang kasalanan… Ako lang talaga. “Baka lang kasi naguusap pa kayong dalawa.” “Hindi, wala na kaming pinaguusapan.” “Tara?”

Page 149: Tossed Coin

Nagumpisa na ko maglakad. Kunware may hinahanap ako sa may bag ko. Maya-maya, nakarinig ako ng mabilis na yapak. Paglingon ko— “Chi, ayos ka lang ba?” “H—ha?” “Ang bilis mo. Para kang tumatakbo.” “hindi naman ah.” Paglingon ko, sobrang layo nina Jet at Anya, pero papalapit narin naman na sila. “Oo nga pala. Di ba may gusto ka?” “H—ha?” “Bago dumating sina Jet, may sinabi kang gusto mo…” “Ano… Gusto ko… Sana ng ice cream.” “Yun yung sasabihin mo?” “Yup.” “Yun lang pala.” Bigla niyang kinuha yung kamay ko… Shoot.

Ang init ng mga kamay niya. Nakakatuwa dahil habang tumatakbo kaming dalawa, nahuhulog din yung mga dahon. Parang ang romantic tingnan… Pero kung tutuusin, hindi. Hindi dahil… Hindi naman kami pareho ng nararamdaman… Binilhan niya ko ng dirty ice cream. Sumaya na ako pagkatapos nun. Para akong bata—siguro yun yung dahilan kung bakit… Kung bakit hindi humihigit yung pagtingin sa kin ni Gab… “Ano, okay ka na?” Tumango ako. Ngumiti siya. Ayan nanaman. Ayan nanaman yung tibok ng puso ko. Sa tuwing nakikita ko siyang ngumiti, natutunaw agad ako. Unang bumaba si Anya. Pag dating dun sa tulay, humiwalay na si Gab. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Jet ang natira. “Mag su-Sumulong ako.” “Bakit?” “Gusto ko eh. Kailangan ba lagi kitang kasama?” Fudge. Sumabog na ko, tama ba? “Teka, anong problema mo?” “Wala. Wala akong problema.” “Bakit, dahil naistorbo ka namin dahil naguusap kayong dalawa?” Hindi ako sumagot. Pumara lang ako ng jeep. “May Angono o.” “As I‟ve said, sa Sumulong ako sasakay.” “Paksh*t naman o.”

Page 150: Tossed Coin

Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila niya ako papunta dun sa jeep ng Angono. Nagulat ako dahil kahit anong bitaw ko, hindi niya ko binibitawan. “Jet ano ba! Ang sakit ng pagkakahawak mo!” “Ano ba, nagseselos ka ba?!” “Bat ako magseselos kung kasama ka ni Anya?!” Sheet. “Wala naman akong sinasabi na kami ni Anya yung pinagseselosan mo. Akala ko nga si Gab at si An—” “Sino namang nagsabi na kayong dalawa ni Anya ang pinagseselosan ko?!” “Ikaw. Kani-kanina lang.” “Di ko sinabi yun—” “Di ako bingi.” “Ilusyunado ka naman.” “So nagseselos ka nga?” “Why the hell would I freakin be jealous of Anya?!” Ngumiti si Jet. Nakakainis kasi feeling ko natalo ako. Gaaa! Hindi—bat ako matatalo? Eh hindi naman ako guilty?! “Ikee.”

“Tigilan mo nga ako.” “Pero… bakit ka magseselos?” “Ang kulit mo! Hindi nga ako nagseselos! Tsaka, si Gab ang gusto ko.” “Ang defensive mo.” “Ang yabang mo.” Tumahimik na kami pagkatapos nun, though pareho kaming nakangiti. Kung bakit kami parehong nakangiti… hindi ko alam. Lumipas ang isang linggo. Hindi nagtetext si Gab. Actually ayos lang sa kin dahil mas iniintindi ko ang requirements na kailangan ipasa. Pare-pareho kaming busy. Dun nga lang sa klase kung saan kami magkaklase ni Anya nakikita ko si Anya. Si Jet, as usual, nakikita ko parin. Actually, minsan masaya na ako na anjan si Jet para makausap ko. Minsan masaya na ako na anjan si Jet para makasama ko… Minsan… Minsan lang naman. Toss… Flip… Drop. Halos magtatapos na rin ang sem, ang naghahanda na ang lahat para sa mga final exams. Ako, ayos naman. Tapos na yung huli kong dalawang exam. Ang bilis nga naman ng panahon. Tiningnan ko yung cellphone ko, at nagulat ako nung may text galing sa kanya. “Sino yan?” “Si Gab.” “Bakit nasa buhay mo parin siya?” “Bakit ba siya mawawala sa buhay ko in the first place?” Pinatingin ko kay Jet yung text niya. “So ano, pupunta ka?” Bumuntong hininga ako.

Page 151: Tossed Coin

“Hindi ko alam.” “Gusto mo parin ba yan?” “Tingin mo?” “Sana hindi na.” Ngumiti ako. “Gusto ko parin siya. Gustung-gusto… Pero naisip ko, hindi kami magiging kami. Siguro, hanggang a martyr in love na lang ako.” “Pumunta ka.” “Wow, himalang pinapapunta mo ako.” “Tapusin mo na lahat.” “What do you mean tapusin?” “Pagkatapos nun, may sasabihin ako sayo.” “Anong sasabihin mo?” “Sabi ko nga pagkatapos eh.” “Eh!” Kinulit ko si Jet, pero ayaw talaga niyang sabihin. Honestly, naexcite ako bigla sa sasabihin niya… Bumilis yung tibok ng puso ko…

Tumingin ako sa langit. Makikita ko nanaman si Gab mamaya. Pero this time, hindi lang basta sa sunken garden o sa kung ano man. Sa bahay na nila. Binasa ko ulit yung text. Soulmate, break na kami ni Lian. Gusto kitang makita… Kung pwede. Sunduin kita mamaya? Ngumiti ako. Siguro nga time to move on. Tiningnan ko si Jet mula sa kinatatayuan ko. Hindi naman masama diba? Gusto ko naman si Jet… Though alam kong hindi ko siya kasing gusto tulad ni Gab. Time heals everything naman… Sana? Mga 6:00, nagtext si Gab na nasa labas na siya ng Educ. Ako naman, nagbabay na ko kay Jet. “Yung sasabihin mo ah!” “Oo na.” “Ahm Jet…” “Ano?” “Ipagdasal mo na… Pagkaharap ko sa kanya, wala na yung nararamdaman ko ah?” “Minsan, ang puso na mismo ang magsasawang masaktan.” “Whatever. Nasa utak ang emosyon.” Ngumiti siya. Ngumiti ako. Toss… Flip… Buntong hininga… Drop. “Chi.” Nakita ko si Gab, naka simpleng t-shirt lang siya. Kinakabahan pa rin ako.

Page 152: Tossed Coin

I knew it. Hindi parin nawala… Pero… Kailangan na nga ba mawala? Sumakay ako sa kotse niya. Nakangiti parin siya kahit papano. “Kamusta ka na?” “Eto, ayos lang naman. Mukhang… haggard ka ah?” “Oo nga eh.” Mejo traffic sa may katipunan, nagkwentuhan lang kami ng mga kung anu-anong bagay sa ilalim ng langit. Hindi ko alam kung bakit ganito yung pakiramdam ko… Yung feeling na parang gusto mo na lang isuka lahat dahil kinakabahan ka… Kinakabahan ka dahil kasama mo yung taong gusto mo noon pa… Fudge. Hindi na kami nagsalita matapos nun. Halata naman sa kanya na down na down siya. Ayos lang naman yung bahay nila. Hindi ganon kalaki, hindi naman ganon kaliit.

Ngumiti ako nung naisip kong eto yung bahay na pinangarap ko dati… Ang bahay na kasama siya. “Gusto mo kumain?” “Hindi ayos lang. Walang tao?” “Wala. Pumunta silang lahat sa Ilocos.” “Eh bakit ikaw?” “May exam pa ako kahapon eh. Kaya hindi ako sumama.” “I see…” Pumasok ako sa bahay nila. Nagtext muna ako kay mama na gagabihin ako ng uwi. Pumayag naman yung mama ko, since last day of classes naman na. Anyway, magsusummer pa nga ako kaya deadz. “Umiinom ka ba?” “H—ha?” Nagulat ako nung naglabas siya ng beer. Pero, hindi talaga kasi ako umiinom. Actually, never akong uminom kahit special occasions. Feeling ko kasi madali akong mahilo, kaya humindi ako. “Hindi eh…” “Sige, samahan mo na lang ako. Tara, labas tayo.” Dun sa may parang garden nila, may kubo. Ang galing nga kasi may kubo pa. Pwede namang gawin nilang pamparking ng sasakyan nila or whatsoever. “Madalas dito si Ian.” Napareminisce tuloy ako bigla nung nabanggit niya yung pangalan ni kuya Ian. Buntik na ko umiyak, buti na lang nagsalita siya agad. “Natatakot ka ba?” “Bat ako matatakot?” “Naisip ko lang, minsan kasi natatakot yung mga babae kapag nalalasing yung kasama nila.” “Bat nga ako matatakot?” “Nga pala, wala na yung internship.” “Ha? Bakit?” “Isa kasi ako sa mga student exchange program.” “Hwe?! Saan?” “Sa Korea.” “Takte! Ang swerte mo soulmate! Gusto ko din pumunta dun!!! Kailan alis mo?” “Malapit na. Two weeks from now. Sa April.” “Eh?! Gano katagal?”

Page 153: Tossed Coin

“Wala pang isang taon. For experience.” “Okay yun! Mabuti yun. Dalhan mo ko ng pasalubong ha?” Ngumiti si Gab, at dun nangyare ang unang pagbuhos sa baso niya. Nagkwekwento lang siya tungkol sa mga profs niya, ganon din naman ako. May sarili naman akong pichel ng juice at dalawang piatos, kaya keri lang. Hanggang sa napansin kong namumula na siya. “Gab, namumula ka na.” “Ibig sabihin lasing na ko.” “Nye. Eh alam mong lasing ka?!” Tumayo siya. Mejo tipsy, tapos umupo siya sa tabi ko. Sabay sandal sa mga balikat ko. Hindi ko alam kung bakit ako napangiti. Siguro dahil ang sarap lang sa feeling na kailangan ka ng mahal mo. Ewan ko ba… Kahit alam mong parang ginagamit ka lang or whatsoever… Pag kasi mahal mo na, wala ka nang pakielam kahit ginagamit ka lang eh… Kailangan mo lang talaga buksan ang mga mata mo sa katotohanan na hindi tama na ginagamit ka lang.

“Nasabi ko na ba sayo… Kung bat kami nagbreak ni Lian?” “Hindi pa.” Uminom siya. “Tunge kasi ako eh. Imbis na I love you Lian yung sinabi ko, I love you Anya ang binanggit ko.” Isang milyong pana ang tumama sakin. Lincha yan… Ang sakit ng mga sinabi niya. Ganon na lang ba niya kamahal si Anya? “Tama na yan—” “Alam mo iniisip ko… Bakit nga ba si Anya no? Ano nga kayang gayuma ang pinainom nun sa kin para ganto ko na lang siyang isipin?” “Gab… Walang gayuma. Ganon lang talaga pag mahal mo.” “Ang nakakatawa pa dun…” Uminom siya. ―Alam kong gusto mo ko.‖ Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. SHOOT. Inangat ko yung ulo niya at sinandal sa may kubo. Gulat na gulat pa rin ako sa sinabi niya. Nung mga oras na inangat ko yung ulo niya, nakapikit na siya, pero nagsasalita parin. “Nabigla ka ba? Natural nabigla ka.” Kinuha niya yung baso niya sabay uminom ulit. “Gab, tama na yan.” “Hindi ko nga ba alam… Kung bakit kahit alam kong gusto mo ko, tinuloy ko parin na sabihin sayo lahat ng problema ko. Ang tanga ko no? Alam kong masasaktan kita, pero tinuloy ko parin.” “Gab, lasing ka na masyado—” “Siguro dahil… Natatakot ako.” Napatigil ako. Hinintay ko yung mga susunod niyang sasabihin. ―Natakot ako na mawala ka sa buhay ko.‖ Tumulo yung mga luha ko nun, ang cry baby ko talaga. Kinuha ko yung baso niya, sabay hawak sa buhok niya. Tama na please. Ayokong maniwala sa mga sinasabi mo.

Page 154: Tossed Coin

“Natakot ako na baka magiba yung pagkakaibigang meron sa atin. Kahit alam kong nasasaktan ka, tinuloy ko pa rin. Ang selfish ko ba?” Sniff. “Oo, ang selfish ko. Gusto kitang itago para sa sarili ko. Mahal ko si Anya… Pero sa tuwing kasama kasi kita… Ang saya saya ko. Para bang walang masama sa mundong to? Parang… Parang ako lang ang masama sa mundong to…” “Gab tama na…” “Kahit sabihin mo pang walang magbabago… Alam nating dalawa… na meron at meron paring magbabago…” Tama. Tama siya. Meron at merong magbabago sa aming dalawa… ―Gusto… kitang… mahalin…‖ Hinawakan ko yung mga pisngi niya. Alam ko namang hindi niya to maaalala… Pero… Sa loob-loob ko… Gusto kong maalala niya… Bawat salitang sinabi niya… Gusto kong… Gusto kong maalala niya… Bumukas yung mga mata niya, at nagulat ako ng onti. Namumula, yung para bang inaantok. Buong mukha niya

mainit… Tinitigan niya ko… Wag please… Natutunaw ako… Hinawakan niya yung pisngi ko. Alam kong kahit hindi ako uminom, mainit na yung mukha ko dahil lahat ng dugo sa katawan ko napunta na sa mukha ko. "Kung… magiging… tayo ba… mamahalin… mo… din ako?" Hindi na ako nakaimik… Nung lumapit yung mukha niya sa kin… Papalapit… Hanggang sa… Nagdikit na yung mga labi naming dalawa. For a second, nawala lahat ng mga iniisip ko. Wala akong marinig kundi yung tibok ng puso ko. Wala akong maramdaman kundi yung labing nakadikit sa labi ko at yung mga paru-paro sa tiyan ko… Wala akong iniisip kundi kung paano itigil ang oras. DING DONG. Nung may nagdoorbell, humiwalay ako. Nahulog si Gab sa may mga balikat ko. Nangyare ba talaga yun? Para akong naginhale ng halos isang minuto at nagexhale na lang nung narinig yung doorbell. Pagtingin ko kay Gab, nakapikit na siya. Sinandal ko siya tapos saka tinanong kung sino yung nagdoorbell. Tutal nasa labas lang kami, sinigaw ko na lang. “Sino po sila?” “Chi?” SHOOT. Binuksan ko yung gate para kay Jet.

Page 155: Tossed Coin

“9 na, di ka parin nagtext. Nagalala na ko.” “Pano mo nalaman na dito kami?” “Sinabi niya sa kin kanina.” “Ah. So nagtext siya sayo.” “Yup—Teka! Naglasing kayo?!” “Hindi. Siya lang.” Binuhat ni Jet si Gab papunta sa kwarto niya. Habang dinala niya si Gab sa kwarto niya, niligpit ko lahat ng dapat ligpitin. Pagtingin ko sa oras, 9:15 na. Shoot, kailangan ko na umuwi. Lumabas si Jet galing sa kwarto. “Natapos mo na ba?” “Na—natapos?” Naalala ko nanaman yung scene kung saan… Halik. Napahawak ako sa dibdib ko.

“Okay ka lang ba?” Kumuha ako ng isang baso sabay nilagok ko. Halos masuka ako sa ginawa ko, pero pinigilan ko… “Ui! Bat mo ginawa yun?!” Tumingin ako sa mga mata ni Jet, at hinawakan yung labi ko… “Jet…” Nagkasalubong yung kilay niya. “Hindi naman maaalala ng isang lasing ang mga nangyare diba?” Napatayo ng tuwid si Jet, papalayo sa kin. Tinanggal niya yung kamay niya sa likod ko, para bang gulat na gulat sa mga sinabi ko. “Ang akala ng iba, dahil sa mga napapanood, hindi. Pero ang totoo niyan, naaalala ng taong yun yung ibang nangyare… lalo na yung pinakaimportanteng detalye.” “Jet…” Diniinan ko yung hawak sa may dibdib ko… ―Hinalikan niya ko.‖ Napangiti ako ng bahagya, habang si Jet gulat na gulat. Tumungo siya pagkatapos at tumalikod. “Eh di masaya… Minahal ka na niya pabalik… Yun naman ang gusto mo diba?” Napangiti ako. Nahiwagaan ako na hindi ako pinagalitan ni Jet. Kahit ganon, napangiti pa rin ako. “Si—siguro nga.” “Dito muna ako hanggang sa magising si Gab. Pasok na ko. Isara mo na lang yung gate ha?” Nagtataka ako kung bakit hindi humaharap sa kin si Jet. Bigla ko na lang natandaan na may sasabihin pala siya sa kin. “Jet!” Tumigil siya.

Page 156: Tossed Coin

“Bakit?” “Sabi mo may sasabihin ka diba?” Bigla siyang humarap, saka ngumiti. ―Nakalimutan ko na.‖ Hindi ko alam pero kahit tatlong salita lang yung sinabi niyang yun, parang isang milyon ang ibig sabihin. Parang may… laman or something? Anyway… nagtaka ako ng onti, pero ayon. Umalis na ko. “Jet! Alis na ko!” Sumigaw siya galing sa loob ng bahay. “Sige!” Habang papalakad ako, wala akong inisip kundi yung pangyayareng yun… Mukhang may kakausapin ako bukas.

CHAPTER 24 [Girl Talk] Hindi ako nakatulog dahil sa nangyare. Uhm… Duh? Pano ako makakatulog? Ang first kiss ko ay ang taong mahal ko na hindi naman ako mahal. Tinext ko agad si Anya nung tingin ko pwede na siyang itext, mga 11 am, ganon yung gising nun kapag Saturdays. Bangag ako dahil wala akong tulog, nagcomputer lang ako at naglaro ng kung anu-ano. Anya, pwede ba ako pumunta jan? Naghintay ako ng text. Gusto ko talagang makapagusap kami. Naligo na ako tapos nagbihis. Nilagay ko lahat ng kailangan kong dalhin sa bag ko. At kahit hindi ko alam kung okay na, nagpaalam ako kay mama. Ang sama ko nga dahil ang sabi ko may project kami ni Anya. Project din naman to ah… Love Project? LOL. Whatever. Sakto! Wala yung mga kasama ko sa boarding house! Dito tayo sa kwarto, hihi. Tatakas kita. What time ka punta? Napabuntonghininga ako. Ngayon na. Umalis na ko tapos in-off ko na yung phone ko. Sigurado akong tatawag si Anya kapag tanggap ng text ko. Ganon yun eh, kapag nagugulat, tumatawag. Nakailang buntong hininga ako habang nasa jeep. Bigla akong kinabahan. Kinuha ko yung cellphone ko, tapos in-on. Walang text. Hay. Lagi ko na lang nararamdaman yung feeling na may gusto akong matanggap na text galing kay Gab. Ngayon, parang ayoko. Kinakabahan ako. Gaaa. Kulang na lang kuhanin ko yung puso ko para di na ko kabahan eh. Hindi naman ako masyado palakain ng baboy. Bat ba ako nagkakaganito? Bumaba ako sa may Katipunan. Konting lakad lang, andun na ko sa boarding house nina Anya. Anya, andito na ko sa tapat ng bhaus niyo. Wala pang isang minuto, lumabas si Anya.

Page 157: Tossed Coin

“Itatakas kita.” May guard kasi yung boarding house nila. Compared sa ibang boarding house, yung sa kanila mejo secured dahil—pangmayamang boarding house to? Sa kamag-anak kasi niya to, eh since wala naman na silang gagawin sa bahay na to, ginawa nalang nilang boarding house. Tutal pwede ang 5 tao na maninirahan dun. Kaya nga kung ang perfect ay defined as isang taong maganda na matalino na mayaman na mabait, si Anya siguro yung ituturo ng mga kamay ko. Best friend ko siya pero kung tutuusin… Hindi ko siya ganon kakilala. Kinausap ni Anya yung guard sa lobby tapos nung hindi siya nakatingin, pinatakbo niya ako. Nung okay na, saka kami umakyat sa taas. Tumatawa kami habang paakyat. Inayos lang niya ng konti yung kwarto nilang mas malaki pa sa sarili kong kwarto, saka naglabas ng mga DVD. “So, anong gusto mo panuorin?” “Uhm… Actually gusto ko lang makipagusap sayo.” “Aww. Ang best friend ko talaga. Wait, dito ka muna. Kuha lang ako ng juice sa baba.”

So yun. Umupo ako dun sa sofa nila. Yung kwarto nila, may 3 double deck na kama tapos may home theater. Natawa na lang ako dahil sila may home theater tapos kami, wala. First time kong pumunta sa loob actually, kasi laging sa lounge kami nagsstay. Pagakyat niya, may dala na siyang Pringles at Piatos at soft drinks. Nagulat na lang ako. “Hui ano ka ba! Hindi mo kailangang pagsilbihan dito.” “Keri lang yan. O game.” Umupo siya saka nagbuhos ng coke sa baso ko. “Bakit ba pinaghintay mo si Gab?” “Simple lang…” Binaba niya yung coke sabay tingin sa mga mata ko. “Hindi ko siya gusto… Pero kung makakapaghintay siya hanggang sa araw na mahalin ko siya… Eh di masaya.” Napabuntong hininga ako. “Kung hindi lang kita best friend, matagal na kitang kinulam.” Natawa siya. Pero alam kong alam niyang seryoso ako. “Gusto ko siya Anya.—” “Alam ko. Kahit hindi mo sabihin. Alam ko.” Biglang tumaas yung balahibo ko. In a way, naguilty ako dahil… Nababasa ako ni Anya. Pero bakit ako… Bakit ako hindi ko siya mabasa?! “Kaya mo ba siya… Pinaghintay?” “Sinabi ko na sayo diba? Hindi ko siya gusto, pero kung—” “So wala ka talagang gusto sa kanya?” “Wala.” “Sinasabi mo lang yan dahil best friend mo ko, at ayaw mo kong masaktan.” “Pwede ba Chi?! Bakit ba ayaw mo maniwala sa kin?!” “Dahil minsan hindi kita maintindihan! At naiinis ako sa sarili ko dahil… dahil hindi ko alam kung may gusto ka ba talaga… O sadyang pinapakawalan mo lang si Gab para sa kin at…” “Nagustuhan ko si Gab, oo. Pero hindi na humigit yung paghanga ko sa kanya. That‟s it.” “Eh bakit parang—” “To end this, may iba akong gusto okay.” “Pwede mo bang sabihin sa kin?”

Page 158: Tossed Coin

“As far as I could tell, binanggit ko na to sayo. Pero akala mo nagjojoke lang ako, because you know that I don‟t take guys seriously.” “Anya, seryosohin mo nga ako.” “Sino bang hindi nagseseryoso sa ting dalawa ha?! Sinabi ko na sayo! Si Jet! Si Jet ang gusto ko!!!” Nagulat ako nung bigla siyang tumayo, at sumigaw habang napapaiyak. “Si Jet ang gusto ko! Akala mo joke lang!? Akala ko din joke lang! Pero hindi ko alam kung bakit sa araw-araw na magkasama kayo, hiniling ko na sana hindi na lang kita best friend! Sana hindi ko na lang naramdaman yung nararamdaman ko kay Jet ngayon!!! Mas mabuti pa nung kaibigan ko lang yun eh…” Nanginginig yung mga labi ko at biglang lumamig yung paligid. Sumikip din yung dibdib ko na parang gusto ko na lang saksakin yung sarili ko… Umiiyak ang best friend ko… “Hindi ko alam kung kailan ko naramdaman to. Kaya nga kita pinipilit kay Gab eh!!! Oo, kung pwede lang ibaling na lang niya yung pagkagusto niya sa kin sayo… Para tapos na lahat!” Di ko maintindihan kung bakit naiiyak siya—na hindi ako gusto ni Gab? Hindi ba dapat ako ang maiyak dun? “Ano ba Anya.” “Wag ka ngang mag manhid-manhidan. Tae. Ang dami kong nasabi.”

Umupo muna siya tapos ininom yung coke ng isang lagukan. Ako naman, hindi makatingin sa kanya. “May mga bagay na hindi na dapat sinasabi…” “Tama. Tulad na lang na si Sef at si Gab ay iisa.” Mukang nagulat ng husto si Anya to the point na natapos yung coke na iniinom niya. Nagpanic siya, saka kumuha ng basahan. Habang nagpupunas kami, bigla siyang natawa. “Naalala ko nung huli tayong nag-away. Dahil kay Sef.” Oo. Yung huli kaming nag-away ay nung third year high school. Yun yung araw na umiiyak ako dahil nawawalan ako ng pag-asa na makita pa si Sef/Gab. Yun yung araw na sinabi ni Anya… ―Wag ka nga maginarte! Lalake lang yan eh!‖ ―Palibasa ikaw wala kang ginawa kundi mambusted! Maganda ka kasi! Eh ako?!‖ ―For goodness sake Chi! Ang babaw ah!‖ ―Para sayo mababaw! Pero sa mga tulad ko, sa mga tulad ko na hindi naman kasing ganda tulad mo, pinapahalagahan namin yung bawat sandali na kasama yung gusto namin! Kahit isang araw lang yun!‖ ―Ano!?‖ ―Wala ka kasing inaalala! Maganda ka eh!‖ ―Eh ano kung maganda ako kung hindi ko naman mahal yung—‖ ―Sigurado akong may darating na lalake na magugustuhan ka at magugustuhan mo rin. Madali lang yun, Maganda ka eh. 34-24-24 ka diba!? Perfect ka eh!‖ ―What‘s with mentioning my vital statistics?!‖ ―Makinis legs mo, wala kang kapimple-pimple…‖ ―Tama na nga yan! Tumayo ka na!‖ ―Palibasa wala kang inaalala!‖ Tapos sinampal niya ko. ―Stop the drama!‖ ―Akala mo drama lang to?! Palibasa… Hindi mo naranasan ang mamiss ang isang tao… Siguro nga… Nababaliw lang ako sa isang taong isang beses ko lang nameet… Isang beses lang naman ako naging masaya simula nung araw na namatay si kuya Ian…‖ ―Bakit, hindi ka ba naging masaya nung nakilala mo ko?‖ Yakap. “Walangya. Siya rin pala ang magiging dahilan kung bakit tayo magaaway ulit. Papatayin ko na talaga yun.” “Di ko nga ba maintindihan…”

Page 159: Tossed Coin

Nung nalinis na namin yung natapong coke, binuksan niya yung tv. “Anong gusto mong panuorin?” “Kahit ano. Itigil na lang natin ang dramang to.” Ngumiti si Anya. “Ayokong ako ang unang magsabi… Pero… Buksan mo yung mga mata mo, may mga lalakeng nababaliw sayo tulad ng pagkabaliw mo kay Gab.” “Wish ko lang.” Habang pumipili siya ng dvd, napatanong ako bigla… “Inamin mo na ba kay Jet?” “Oo naman.” “Weh?! Anong sinabi niya?!” “Ayoko. Baka maiyak lang ako.” “What the hell… Busted?!” “Yup yup.” “OMG. Di ako makapaniwala.” “Maniwala ka. O ngayon, asan yung lalakeng magugustuhan ko na magugustuhan rin ako?” “Sige na. Anong sabi?!”

“Meron siyang gustong iba…” Nung itatanong ko na sana kung sino, nakapili na siya ng dvd. Sabay sabi… “Don‟t dare ask me who. Sasabunutan kita.” “Okay fine… Pero… Hindi ba talaga pwede?” “HINDI!” Sabay lusot ng cd. Tumawa lang ako. “Anya…” “Mmm?” “Hi—hinalikan ako ni Gab kahapon.” “WEH?!” Napatakbo siya dun sa kinaupuan ko. Ni hindi man lang niya kinuha yung remote kaya parang andun sa “homepage” lang yung pinapalabas sa tv. “H—hindi nga?!” “Oo. Kaya nga kinausap kita ngayon…” “A—anong pakiramdam?” “Tama ba na yun yung tanungin?!” “Ay sorry! I mean… Bakit?!” “Lasing kasi eh… Tapos yun. Sinabi niya lahat ng frustrations niya about you… Sabay sabi na alam niya na may gusto ako—teka! Sinabi mo no!” “Oi hindi ah. Never kong binanggit na gusto mo siya dahil never mo namang inamin na gusto mo siya.” “Oo nga eh… Katulad na lang na never mong sinabi na gusto mo si Jet.” “Sinabi ko na. In fact, madaming beses ko na sinabi sayo. Hindi mo naman kasi ako sineseryoso.” “So totoo yung mga „ang gwapo mo Jet‟ at „I love you Jet‟?” “Duh.” “Eh wala naman kasi sa mukha mo na nagkakagusto.” “Well, hindi ko din alam kung bakit nagkagusto ako kay Jet.” “Impusibleng hindi mo alam.” “Siguro kasi, challenging? Dahil siya yung uri ng tao na hindi magkakagusto sa kin.” “Ayan, nasaktan ka tuloy.” Sabay tawanan. “So ano nga nangyare?” “Ayon… Dumating si Jet—” “Dumating si Jet?!” “Yup.” “Na—nakita niya?”

Page 160: Tossed Coin

“Hindi. Pero… sinabi ko sa kanya!” “Aaaagh! Baliw kaaaaa!!!” Sinakal sakal lang naman ako ni Anya. Eh ako, bilang may kiliti sa leeg, imbis na machoke ako, tumawa lang ako lalo. “Ano ba Anya!!!” “Ano ka ba! Bat mo sinabi sa kanya?!” “Eh bakit hindi?!” “Ano ba?! Hindi ba halata?! May gusto kaya yun sayo!” “Sinabi niya?! Sinabi niya!?” “Uhm… Hindi direkta—” “See!” “Alam mo, halata naman sa kanya eh! Trust my instincts. Tingnan mo nga, hindi mo na kailangang sabihing may gusto ka kay Gab.” “Bakit, nalaman mo ba agad na may gusto sayo si Gab?” “Well at first akala ko ikaw talaga ang gusto niya…” “See. Minsan, mali talaga ang instincts.” “Pero trust me. Kahit hindi niya sabihin…” “So kung sabihin niya sa kin… Anong magiging feeling mo?” “Siyempre… Masaya?” “Weh. Asa.” “I mean… Oo. Masasaktan ako. Pero duh… Best friend kita eh. Mas gugustuhin ko pang mapunta ka sa isang taong

gusto ka… Kesa sa isang taong may gustong iba.” “Which is you.” “Which is me.” Sabay nagtawanan kami. “Tingin mo ba, nag guguy talk din ngayon sina Gab at Jet?” “Ang guy talk ba ay sapakan?” “Ano ka ba! Baliw! Wag naman siguro.” “Ayaw mo nun. Teledrama buhay natin. Mejo magulo lang.” “Ikaw lang nagpagulo ng lahat eh.” Nakahinga ako ng sobrang luwag dahil sa pangyayareng to. Malinaw na sa kin lahat. Umalis ako sa boarding house nina Anya mga 6 pm. Wala, nanuod lang kami ng dvd, nag-ayusan ng buhok at nagpicturan. Umuwi ako sa bahay na pagod pero masaya. Masaya in a sense na inamin ko lahat kay Anya, and at the same time inamin na ni Anya lahat sa kin. Now what to do? Wala pa rin akong text. Nagcomputer ako sabay check sa lahat ng social networking sites na meron akong account. Isa dun, nagulat ako. Tatlong mensahe… Galing sa tatlong tao na nagpapaikot ng school life ko ngayon. Bes, sa wakas. Matatawag na rin kitang bespren for real—I mean don‘t get me wrong pero simula nung nagkaroon tayo ng lovelife pareho, parang nagtago na lang tayo ng sirketo sa isa‘t isa. Sorry at naging tactless ako kanina… But I‘m glad you came… And I‘m glad na nasabi ko na sayo lahat. I love you. Remember that. Akala ni Gab ako yung demure type?! Dun siya nagkakamali! Kung sasaktan ka niya, sasaktan ko siya. Hugs. Napangiti ako sa mensahe ni Anya. Sunod, yung kay Jet. Maikli lang… Pero di ko alam kung bakit ako kinilabutan… Wag mong pilitin yung sarili mo. Buntong hininga. Anong ibig niya sabihin dito? Napasandal ako sa upuan at nagreflect, bago ako nagpatuloy sa pagbabasa ng message.

Page 161: Tossed Coin

Ipilit? Pinipilit ko ba ang sarili ko? At ang huling mensahe… 1… 2… 3… Aalis na ko sa April 1. Isang linggo‘t kalahati na lang… Gusto sana kita makausap bago ako umalis. Oo nga pala. Yung Exchange program thing… Toss… Flip… Drop… “Fine.” Type. Enter.

Sige. CHAPTER 25 [Going Back] Hindi ako nagsasalita nung mga sumunod na araw. Di pa rin ako makapaniwalang hinalikan ako ni Gab. Yun lang yung iniisip ko simula nung nangyare yun. Haaay. Ewan ko ba. Ngayon, magkikita kami. Ano na gagawin ko? Pinuntahan ko si Anya. “Anyita…” “Bakit?” “Maguusap kami ngayon.” “Make sure na controlin mo sarili mo kapag hahalikan ka niya.” “Anya!” “Mahal mo ba talaga yun?” “Oo…” “Weh? Hindi nga?” “Oo nga. Bat ba ang kulit mo?” “I wonder.” “Anong pinagtataka mo jan?” “Hindi kaya napipilitan ka lang na mahalin siya?” “Huh? Anong pinagsasasabi mo jan?” “Alam mo yun. Kasi kung tutuusin, kung kayo nga ang nagkatuluyan… Ang ganda ng love story niyo. Biruin mo sa ilang taon ng paghahanap ay nahanap mo siya.” “Tama.” “Tas first kiss mo pa.” “Tama.” “Pero tingin ko kasi, may iba ka talagang gusto. Pero dahil sa kanya… Dahil nakakulong ka sa mga alaala niya kaya parang, napipilitan kang mahalin siya.” “Ay, diktahan ba daw ako kung sino talagang gusto ko?” “Malay mo.” “Basta.” “Hay. Kapag in love ka nga naman.” So yun. Inayos ko na yung gamit ko. Nakita ko si Jet, parang puyat na hindi ko alam. “Hi Jet.”

Page 162: Tossed Coin

Pero di siya sumagot. “Ui ayos ka lang?” Di parin siya nagsalita. “Hi Jet.” “Yo.” Tapos tumungo siya. Di ko alam kung hindi lang niya ako narinig, tapos si Anya narinig niya o nananadya lang. Pumunta ako sa kanya sabay kapa sa leeg. Napabangon siya nung ginawa ko yun. “M—may lagnat ka.” “Hayaan mo na.” “Bakit?! Anong ginawa mo?!” “Ha?” Maya maya, pumunta si Anya sa min. “Jet, anong problema?”

“Ewan ko. Basta sumama yung pakiramdam ko mula nung…” “Mula nung?” “Nung naginom ako.” Nagtinginan kami ni Anya. “Ibibili kita ng gamot.” “Wag na. Malayo pa infirmary” “Baka meron sa main lib.” “May gamot ako, bioflu.” Kinuha ni Jet yung bioflu tapos yung baon niyang tubig saka uminom. Hindi ko alam, o ako lang siguro yung nakakapansin… Pero pag ako yung nagtatanong o nagaaya, parang wala sa kanya. Pero pag kay Anya… “Overthinking lang yun.” “Ha?” “H—ha?” “Anong sabi mo?” “M—may sinabi ba ko?” “Oo. Kakasabi mo lang kanina.” Jahe. Bakit ba minsan may tendency ako na sabihin kung ano ang nasa isip ko kahit ayoko naman talagang sabihin?! “Wala.” “Anya, salamat sa gamot.” “Sure. No prob.” Ngumiti si Anya. Yung halatang kinilig. Ang maganda sa pag-amin niya sa kin, hindi na niya tinatago kung kinikilig siya… Ang masama… Ewan. Naglakad-lakad ako sa sunken para lang makalanghap ng masarap na hangin. 5:30 naman na. Naunang umuwi sina Anya at si Jet dahil nilalagnat nga yung isa. Chi, andito na ko sa sunken. Wala ka sa tambayan niyo eh. San ka?

Page 163: Tossed Coin

Nung nareceive ko yung text na yun, hinanap ko siya agad sa may sunken. Hindi naman siya ganon kahirap hanapin dahil halos lahat ng nakatambay magkakasama… Naghanap ako ng mag-isa lang. “Gab!” Tumakbo ako papunta sa kanya. Pero nung malapit na ako sa kanya… Bigla akong napaatras. Nagrewind yung mga pangyayare hanggang dun sa scene na hinalikan niya ako. Bigla akong kinabahan ng todo todo to the point na parang gusto kong umatras… “Chi, may problema ba?” Anong sasabihin ko… Wala? Hindi ko alam kung nagkukunwari lang siyang walang nangyare o natatandaan niya at yun ang gusto niyang pag-usapan namin. Crap. Lord, tulungan niyo po ako. Umupo na lang ako sa tabi niya at hindi umimik.

“Sarap ng hangin no?” “O—onga eh.” Game. “May naaalala ka ba?” “Na alin?” “Wala.” Phew. Nakahinga ako ng maluwag na wala siyang naaalala— “Yung hinalikan kita?” ~!@#$%^&* Anak naman ng patis o. What‟s with that all of a sudden?! Fuchsia. Hindi ko alam yung susunod kong sasabihin. “Oo. Naaalala ko. Kaya nga kita gusto makita.” “B—bakit?” Okay. Wag kang kabahan… Wag kang kabahan… WAG KANG KABAHAN SABI EH!!! Gaaaaa! Di ko na alam pero parang lahat ng parte ng katawan ko gusto sumigaw. Parang may dinosaur at helicopter sa loob ng chan ko eh. “Sinabi ko na sayo diba… Masaya akong kasama ka.” Masaya din naman ako eh. “At saka… Ayokong dahil lang dun, bigla kang maiilang.” “Impusible namang di ako mailang no…” “May tanong lang ako…” “Ano?” “May mga nasabi ba ako?” “What do you mean?” “Alam mo sa totoo lang, hindi ko na masyadong alam yung pinagsasasabi ko nung gabing yun. Pagkagising ko… Yung… yung halik lang yung natatandaan ko… At yung nangyare before ako mawala sa katinuan.”

Page 164: Tossed Coin

Nung sinabi niya yun, para akong nakarinig ng mga bells mula sa langit at isang choir na nag ha-hallelujah. Ibig sabihin, hindi niya matandaan yung mga sinabi niya na… Na alam niyang gusto ko siya. Oo naman. Nagmamatter yun. Hindi niya alam na alam kong alam niyang may gusto ako sa kanya—Gulo ng buhay, diba? “Wala naman. Parang… Sinabi mo lang yung tungkol kay Anya… Ganon…” Totoo naman na may sinabi siya tungkol kay Anya… Pero hindi yun ang dahilan kung bakit niya ko hinalikan. “Wala ng iba?” Hindi na lang ako nagsalita para wala na akong masabi. “May pasok ka pa ba?” “Wala na actually. Pero may finals pa kasi ako.” “Sayang. Iimbitahin pa naman sana kita.” “San?” “Enchanted.” “W—weh?! Kaso wala akong naipon.”

“May tanong ako.” “Ano?” Ngumiti siya. ―Pwede ka bang i-date?‖ ASDFGHJKL. Nananaginip ba ko? Hindi ko alam kung dahil lang to sa halik o ano… Pero wala na kasi akong pakielam eh… Pag tinamaan nga naman, minsan nakakalimutan mo na gamitin ang utak sa pagiisip. “Ano… Kasi… Di ko alam sasabihin ko…” “Isang linggo na lang bago ako umalis.” Natahimik ako. Aalis siya at babalik a year after. Sigurado akong maraming magbabago sa loob ng isang taon na yun. Yung sa loob nga ng ilang araw marami na nagbago eh… Sabagay… Yung ilang taon na wala siya nagsurvive ako… Eto pa kaya? “Sige… Tingin ko okay lang. Kaso…” “Kaso?” “Parang hindi rin pwede.” “Bakit?” “Bukas lang ako pwede. Yung susunod na araw magrereview ako para sa pinakahuling exam ko.” “Walang problema. Eh di bukas.” “E—eh?” “Oo. Wala namang problema.” Umihip yung hangin at nahulog yung mga dahon sa tapat namin. Kaming dalawa, nakaupo lang. “Pahiga ako.”

Page 165: Tossed Coin

“A—ano?” “Pahiga ako.” “S—san?” Natawa si Gab sa sinabi ko. Nailang lang ako sa sinabi niya. Parang di ko alam kung anong isasagot ko dun sa pabor niya. Humiga siya dun sa lap ko. Bigla akong naconscious. Pano kung madumi yung ilong ko o may libag pala ako sa may leeg. Parang duh?! Okay. Punas punas… “Di mo kailangang magayos. Nakapikit ako.” “Hoy sabihin mo nga, may naaalala ka eh.” “Bakit, ano nga bang naaalala ko?” “Malay ko.” “Sabihin mo nga sa kin kung ano yung dapat kong alalahanin.” Nakangiti siya yung parang ngiting pilyo na hindi ko alam. Naiinis ako pero at the same time natutuwa. “Chi.” “Mmm?” “Mahal ko talaga si Anya.”

“Alam ko…” Tiningnan ko siya. Nilagay niya yung mga braso niya sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit. Siguro para walang ilaw na makapasok sa mga mata niya? Ewan. Napangiti ako. Ang ganda niya tingnan. Oo… Ang ganda niya tingnan. Para siyang anghel na natutulog sa mga hita ko. Kaso… Sino naman ako diba? Isang ordinaryong tao na tinanggalan ng karapatang mahalin siya… “G—Gab.” Hindi siya sumagot. “Oi Gab.” Tinanggal niya yung braso niya tapos binuksan niya yung mga mata niya… Nagulat ako sa sinabi niya… ―Pero mahal din kita.‖ Bumilis at lumakas yung tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyayare—kung dahil lang ba sa mga nangyare nung isang gabi kaya niya yan sinasabi, o parang para mahuli niya ko?—Ewan! Hindi ko sigurado… Pero ang masabihan ako ng mga ganong salita… Please. Ayokong umasa. Ayokong magsalita. Lumunok lang ako ng laway, at sinigurado kong maririnig niya yun para malaman niyang wala akong masabi. “Alam ko namang hindi mali yun eh. Yung magmahal ng dalawang tao… Siguro dahil… Alam ko kung sinong mas mahal ko.” Si Anya. “Narealize ko to nung naisip ko lahat ng sinabi ko sayo nung isang araw. Konti lang yung natatandaan ko… Pero…”

Page 166: Tossed Coin

Hindi na ako direchong nakatingin sa mga mata niya. Basta sa kung saang damo na lang ako nakatingin. “Hindi ko makakalimutan yung parte kung san sinabi kong sobrang saya ko pag kasama ka, tipong gusto kita itago para sa sarili ko kung pwede…” Don‟t make me believe. “Uhm Gab no offense pero… Kung sinasabi mo lang yan dahil hinalikan mo ako at parang naguiguilty ka…” “Hindi… Totoo to. I mean—sigurado naman ako na hindi lang ako yung nakakaramdam ng ganito. Yung may gusto na dalawang tao, pero ganon pa man, alam kung sino yung mas gusto…” Naisip ko yung sinabi niya. Tingin ko, isa ako dun. At oo… Alam ko kung sinong mas gusto ko sa ngayon. “Gusto mo bang magstay dito hanggang gabi?” “H—ha?! A—anong gagawin natin?” “Wala. Wala tayong gagawin.”

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bat to nangyayare ngayon. Siguro dahil sabi nga niya, gusto niya ko. WAH. Hindi ako mapakali habang iniisip ko yun. Pero pag iniisip ko na alam ko namang mahal niya si Anya at gusto lang niya ako, nalulungkot ako… Pero para sa kin… Parang wala na akong pakielam nun. Alam niyo yung feeling na parang, gusto mo na lang ienjoy habang may chance ka pang ienjoy yun? Kasi alam ko naman na kahit anong mangyare, hindi kami magkakatuluyan. Natutulog lang siya sa tabi ko. Habang ako, pinipilit ko idilat yung mga mata ko kahit gusto kong matulog sa tabi niya. Siguro kasi… isa to sa mga huling araw na makakasama ko siya sa taong to. Isang taon din siya mawawala no. At habang gusto pa niya akong kasama, gagawin ko. Napatingin ako sa mga labi niya— *sampal* Wah. Sira ulo ka Chi! Sinasaniban ka na! Okay, wag tingnan yan. Okay na ang isa— Inimagine ko ang bukas. Yung andun lang kami sa Enchanted, kaming dalawa lang. Tapos sasakay kami sa ferris wheel tapos… tapos… WAAAAAH. Okay, naloloka na talaga ako. Wala namang masamang mangarap eh, diba? Hay. Sana… Sana ako na lang yung mas mahal mo. “Grabe.” “O, gising ka na pala Gab.” “Sa ikli ng oras na nakatulog ako, nanaginip ako.” “Anong napanginipan mo?” “Si Ian.” “O? hala ka. Dinadalaw ka na nun. Sinasaktan mo daw kasi ako eh.” Natawa ako, tas niya, napangiti habang nakatingin sa kin.

Page 167: Tossed Coin

“May nasabi talaga ako sayo nung isang gabi eh! Peste! Di ko maalala!” “Wahahahaha. Ganon talaga. So, anong napanaginipan mo?” “Mejo weird eh. May hawak siyang piso, tapos paulit ulit niyang tinotoss sa ere.” “Tapos?” “Bigla kang sumulpot.” “O? anong ginawa ko?” Natahimk siya. “Oi! Anong ginawa ko?!” “Eh. Akin na yun.” “Eeeeeh! Gab naman eh!” “Wahahahaha. Ganon talaga.” Masaya talaga ako ngayon. Ano pa bang mahihiling ko, eh kasama ko siya ngayon? Ano pa nga ba? Nakatingin lang kami sa mga bituin. Naguunahan kami magbilang, nagpaparamihan, though walang sense dahil nawawala kami sa bilang. “Gab… May tanong ako…”

“Ano?” “Bakit ako yung yinaya mong lumabas? Eh kung… Kung si Anya naman talaga yung mas mahal mo… Diba dapat siya?” “Alam mo napapaisip ako jan. Siguro dahil… May mga bagay na sayo lang akong kumportable sabihin.” Naisip ko bigla si Jet. Kung tutuusin, parehas pala kami ng sitwasyon ni Gab. Basta. “Maiba. Alam mo ba, may lagnat si Jet?” “Natural.” “Bakit?” “Nagising ako na nasa labas siya ng bahay na umiinom. Eh nagkakasakit yun pag umiinom ng mga alcoholic na inumin eh.” “O?!” “Bat ka nagaalala?” “Siyempre… Bespren ko yun eh.” “Bespren lang?” “Ano ba Gab! Anong tanong yan?! Oo naman.” “Wag mo sasabihin ah.” “Ano?” “Pero… naiinggit ako dun… Sa kapatid kong yun.” Bigla siyang napatungo at nagumpisang bumunot ng mga damo. Naalala ko tuloy na sinasabi ni Jet na „sana ako na lang yung ugok na yun‟ paminsan, tapos ang hindi niya alam… siya din pala, kinaiinggitan ni Gab. Parang kami ni Anya. Gusto kong maging si Anya, pero gusto ni Anya maging ako. Ang gulo talaga ng mundo. “Bakit?” “Bespren ka ni Anya diba?” “Uhm… oo.” “alam mo namang… Gusto niya si Jet.” Napabuntong hininga ako ng sobrang lalim, sabay sabi… “May mga taong halos nasa kanila na ang lahat, pero di sila masatisfy… dahil yung kaisa-isang gusto nilang makuha, hindi nila makuha. At alam naman ni Anya na, isa siya sa mga taong yun.” “Pero hindi ko naman siya masisisi… Eh siya yung ginusto ni Anya.”

Page 168: Tossed Coin

At di rin naman kita masisisi… Eh yung ginusto mo… Si Anya. “Gusto ko nga siyang sapakin nung nalaman kong wala siyang gusto kay Anya. Parang ako, anak naman ng lupang biniyak—bakit mo tatanggihan yung babaeng ayaw kong tanggihan ako tapos tinanggihan lang ako para sayo?!—ay teka, magulo ba yun?!” “Naintindihan ko.” Malamang na naintindihan ko. Naranasan ko eh. “Kaya… ganito na lang.” “What do you mean by… „ganito‟?” “Tara, uwi na tayo.” “Hoi, di mo pa sinasagot yung tanong ko.” “Sagutin ko na lang bukas… Tutal, may date tayo.” Sabay kindat. Tara, sayaw tayo at magenjoy at kiligin!!! Waaah! Prinitong keyboard yan o… Eh yung kinilig ako ng bonggang bongga?! Ugh. I hate it when I realize how much I want him so bad. Pero… bakit parang sa loob ko, alam kong hindi talaga siya?

Bakit ba kasi ako ganito? Sumakay kami pareho ng katipunan. Eh since different ways kami, nagbabay na kami sa isa‟t isa. Nawirduhan lang ako ng onti sa mga huling sinabi niya… “Bye.” “Bye, ingat ka.” “Sige, takits bukas. Text text na lang.” “Chi…” “Ano?” Nagbuntong hininga siya. “Sorry.” “Para san?” “Basta.” Kahit ano man yun, tingin ko… handa akong patawarin ka. See you tomorrow. CHAPTER 26 [Fireworks] “H—hello?” Umagang umaga nung sumunod na araw, tumawag ako kay Jet. Hindi ko alam kung bakit bago kami umalis, gusto ko munang malaman yung nasa isip niya… Or at least makamusta ko man lang siya diba? “Cherry, napatawag ka.” Natahimik ako. “Hello?” “Ngayon mo lang ulit ako tinawag na ganon ah.” “Oo nga eh.” Katahimikan.

Page 169: Tossed Coin

Bakit parang nakakailang? “Uhm…” “Bakit?” “Ano kasi… Pwede ka bang makausap sandali?” “Kausap mo na ata ako.” “I mean… Sa school?” “Hindi ko sigurado kung makakaalis ako ngayon eh…” “G—ganon ba… S—sige—” “T—teka! Anong… Oras ba?” “Paalis pa lang ako ng bahay, papunta sanang school kasi… Aalis din ako after lunch.” “Uhm, sige. Itetext na lang siguro kita kung andon na ko.” “Sige. Bye.” “Bye.” “Bye…” “Bye.” “Ano ba, babay na nga eh.” “Ikaw unang magbaba.” “Ayoko! Ikaw na.” “O sige, sabay na lang tayo.” “Game…” “1… 2… 3…”

Pero siyempre wala akong balak ibaba… “Anjan ka pa eh!” “Ikaw din naman ah.” “Ikaw na unang magbaba, sige na? Usually naman ikaw unang nagbababa eh.” “Asa ka! Ikaw na.” “Ayoko…” Tapos narinig ko siyang nagbuntong hininga sa kabilang linya. ―Ayokong unang bumitaw.‖ Natahimik ako sa mga sinabi niya. Hinawakan ko yung cellphone ko ng mahigpit. Ewan ko ba. Parang ang bilis ng tibok ng puso ka na parang— Hindi. “Ahm… S—sige. Ako na lang unang magbababa.” “Okay.” “Bye.” Click. Huminga ako ng malalim. Bakit ba ganito?! Nagbyahe na ako papuntang school. Sa totoo lang, hindi ko alam kung sinong gustung-gusto ko makita. Si Jet ba, o si Gab. Pero natural, si Gab yun? Tingin ko. Si Gab nga yun. Sige, idaan na tin sa ganito. Toss. Flip. Drop. Okay. Naghintay ako dun sa may tambayan namin. Hindi na nakakapagtakang wala ng tao dahil puro final exams na lang naman na. Tinext ko si Jet na dun lang ako. Mga thirty minutes after, dumating na siya. Bigla akong kinabahan.

Page 170: Tossed Coin

“Chi, ayos ka lang?” “Ano… Oo. Ayos lang naman ako.” “Tulala ka.” “Hindi naman… Tinawag mo na ulit akong Chi.” “Onga eh. Dami mong dala ah.” Umupo siya sa may tabi ko. “Bakit pala?” “Niyaya ako ni Gab na magenchanted.” “Kailan?” “Ngayon…” Awkward silence. Halos ten seconds bago ko siya narinig na magsalita ulit. “Eh di okay.” “Anong okay?” “Tingin ko naman alam na ni Gab na may gusto ka talaga sa kanya.” “Oo nga. Nabanggit niya yun nung uminom siya eh. Kaso hindi niya matandaan na sinabi niya sa aking alam niya.” “Chance mo na to.”

“Na?” “Ikaw mismo magsabi na gusto mo siya.” “E—eh!?” “Sigurado ako na hindi mawawala yung eksena kung saan yayayain ka niyang mag wheel-of-fate. Kayong dalawa lang dun.” “Oo nga… Pero kasi… Ay… M—may sasabihin pala ako sayo…” “Ano?” 1… 2… 3… “Sabi ni Gab… M—mahal daw niya ako…” “HA?!” Nagsalubong yung kilay ni Jet. Nakita ko dahil nakatingin siya sa mga mata ko habang sinabi yun. “P—pero nilinaw naman niya na mas… quote unquote… gusto niya si Anya.” Natahimik si Jet. “Pahiram ng piso.” “Bakit?” “Basta.” Binigay ko sa kanya yung usual na piso na pinangcocoin toss ko. Nakaplastic yun para hindi mawala. Wala akong balak gastusin, ito lang yung parang „pamana‟ sa kin ni kuya Ian. “Heads o tails?” “Heads?” “Heads? Sige.” “Ay tails na lang.” Toss. Flip. Drop. “Anong lumabas?” “Tails.” “Ano ba yung pinagpipilian mo?” “Kahit yung piso mo ayaw.” “Ayaw na?” Binigay niya sa kin yung piso, tumalikod sa kin, saka siya tumayo.

Page 171: Tossed Coin

―Ayaw akong bumitaw.‖ Awkward silence. Kinabahan ako ng todo-todo nung sinabi niya yun to the point na naisip ko nanaman yung posibilidad nung matagal ko na iniisip… Ano pa ba? “J—Jet… May tanong ako…” “Ano yun?” “Hindi naman sa ano ah… Nagfeefeeling ako o ano… Pero…” “Pero?” “May gus—” “Ui! Bat kayo anditong dalawa?” Biglang dumating si Anya. Everything happens for a reason—pero minsan hindi ko maintindihan kung bakit nangyayare ang mga bagay sa maling oras at panahon… “Ay, hindi… Naguusap lang kami.” “Ah…”

Napatingin sa kin si Anya. “Totoo!” “Wag kang masyadong defensive bes. Napaghahalataan ka eh.” “A—Anya!” Pumunta si Anya sa cabinet, tapos may kinuhang libro, na tumatawa. “Hula ko, dadating si Gab.” “Mamaya.” “Lagi na lang ganito no? Haaay buhay nga naman. Ang gulo gulo. Ay Jet, may gagawin ka ba after niyong magusap?” “Wala naman. Balak ko na sanang umuwi.” “Pwede mo ba akong samahan?” “Saan?” “Yung papa ko kasi nagpapabili ng polo. Kung pwede lang?” “Sige. Tingin ko ayos lang naman.” “CR lang ako ah.” Pumunta akong CR at dun naghugas ng mukha ng paulit-ulit. Bat ba ako nagseselos?! OO FINE. Nagseselos ako. Pero bakit?! Eh alam ko naman sa sarili ko kung sino talagang gusto ko. GAAAAA! Ano bang nangyayare sa kin?! “O, bat ka naghugas ng mukha all of a sudden?” “W—wala naman. Baka may muta lang ako.” “Nye. Para namang di kita kilala. Uhm… Chi.” “O?” “Gusto ko talaga si Jet.” “Bat mo sinasabi yan?” “Kung hindi lang din siya sayo mapupunta, never mind na lang. Hinayaan ko na lang para sayo, dahil alam ko namang masaya siya sayo eh.” “Ha?! Ano bang pinagsasasabi mong babae ka?” Tumatawa kaming dalawa sa harap ng salamin. Pero alam kong seryoso yung pinaguusapan namin. “Gets mo ko. Alam kong gets mo ko.” “Tingin ko nga, gets kita.” “Sure ka na bang si Gab talaga ang gusto mo?” “Si Gab naman talaga ang gusto ko.” Ngumiti si Anya.

Page 172: Tossed Coin

“Wala nang bawian?” Hindi ako nakasagot. At hindi ko alam kung bakit. Ngumiti ulit siya. “Pasalamat ka bespren mo ko. Gagawin ko lahat para malaman mo yung tunay mong nararamdaman.” “So ako talaga ang may hindi alam ng tunay kong nararamdaman? Benta ka.” “May mga tao kasi na kulang na lang iumpog sila sa pader para malaman nila na yung hinahanap nila matagal nang nasa harap nila.” “So… Ibig mong sabihin… Si Jet ang mas gusto ko… Kesa kay Gab?” “Hindi ko alam. Nga pala. Anjan na si Gab.” “Eh?! Kailan pa?” “Kanikanina lang nung pagpunta ko sa banyo.” Lumabas na kaming dalawa sa banyo. Inabutan ako ni Anya ng panyo para makapagpunas ako ng mukha. “Gab, anong oras ka dumating?” “Kanikanina lang. Ano, tara?” “Grabe. Hindi ka man lang nagimbita.”

Ngumiti si Gab kay Anya saka nilagay yung kamay niya sa ulo ni Anya. “Magbehave ka nga.” “Eh totoo naman eh. Si Chi lang inimbita mo. Samantalang kami ni Jet…” “Ayaw mo nun, para makapagdate kayo?” Napaangat yung ulo ko… Actually hindi lang ako… Pati si Jet nakita kong parang nagulat. “G—Gab!” “joke lang.” Hindi ako makapaniwala na sinabi yun ni Gab. Ano ba… Ibig sabihin tinutulungan niya si Anya kay Jet? O tanggap na niya na hindi talaga siya gusto ni Anya? At… Handa na siyang… Magmahal ng iba? “Alis na kami.” “Sige, bye!” Kinuha ko na yung gamit ko tapos hinabol ko si Gab. “Bye Anya! Bye Jet!” “Ingat ka!” “Chi!” Napalingon ako. “Magtext ka.” Isang ngiti lang yung sagot ko sa kanya. Sumakay na ko dun sa sasakyan ni Gab, siyempre sa may tabi niya ako. “Gab, okay lang ba na matulog muna ako?” “Oo naman.”

Page 173: Tossed Coin

Nakatulog lang ako sa kalahati ng byahe. Pagkagising ko, wala na ata kami sa kabihasnan. Kumuha ako ng makakain dahil nagugutom na ko. “Bat parang ang tahimik mo?” “Wala naman.” “May iniisip ka ba?” “W—wala naman.” Pero sa totoo lang… meron. Pag dating namin sa Enchanted, hindi ganon karami yung tao. Though sigurado ako na dadami to maya-maya. Nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko… “Tara?” Kinilig ako ng sobra-sobra habang magkasabay kami sa kung anu-ano. Kung sino man ang mamahalin niya, jackpot na. Kung sa umpisa pa lang ako na ang minahal niya nang hindi na ganito naguguluhan yung damdamin ko… YACK. Ang korni nung sinabi ko. Sumakay lang kami sa rides. Siyempre, hindi mawawala ang mga litrato. Nakadalawang sakay na nga kami si Rio

tsaka sa Anchors. Pag wala na kaming magawa, tatambay lang kami at maguusap at mangtitrip sa mga kung sinu-sinong prof, o kaya magpipicture picture lang… Masaya. Masaya akong nabigyan ako ng pagkakataon na makasama siya. Gabi na. At… Tama nga yung sinabi ni Jet. “Tara, wheel-of-fate tayo.” “Sige.” Kinabahan ako, dahil umaandar nanaman yung imahinasyon ko. Paano kung… ―Ikaw mismo magsabi na gusto mo siya.‖ Bigla kong naalala yung mga sinabi ni Jet kanina. Panahon na ba para… Para sabihin sa kanya… Ugh. Kinakabahan ako. “Ang ganda talaga sa taas no?” “Oo nga eh. Sa totoo lang, may fear of heights ako.” “Eh?!” “Pero hindi ko alam kung bakit ito lang ata yung mataas na lugar kung san hindi ako natatakot.” “Ah…” Awkward silence. “G—Gab.” “Mmm?” “May sasabihin sana ako…” “Go ahead.” 1… 2… 3… “Sa isa sa mga pinakamadilim na parte ng buhay ko, dumating ka. At… Sobrang saya ko. Hinding-hindi ko makakalimutan yung binigay mong panyo… Yung ice cream… Kung paano mo ko kinarga… Lahat ng detalye nung araw na nagkita tayo… Naaalala ko parin ng malinaw hanggang ngayon…” Napatingin ako sa kawalan.

Page 174: Tossed Coin

“Pagkatapos nun, hinanap na kita. Nakakainis kasi… Kung kailan ako nagkagusto, saka ka naman biglang lilipat ng school. Parang… Ewan.” Huminga muna ako ng malalim… Saka ko tinuloy. “Tapos nung handa na akong magkagusto sa iba, bigla ka na lang dumating ulit. Siyempre, magkahalong saya at kaba yung naramdaman ko. All of a sudden, naging close na tayo… At…” Katahimikan. “Di ko inaasahan… na… mamahalin kita.” Napatingin ako ng saglit sa kanya para makita yung reaksyon niya, sobrang saglit na hindi ko narin nakita. Naiilang akong tingnan siya… Pero may magagawa pa ba ako… Eh naumpisahan ko na? “Kaso siyempre… Anjan si Anya na kasing perpekto mo kung tutuusin. I mean, sino nga bang lalake ang hindi magkakagusto sa kanya? Minalas lang siguro na… Siya yung nagustuhan mo. Tapos isa pa yung Lian na yun. Parang… Nakakainis dahil… aaminin ko… Masaya ako nung hindi ka niya sinagot…”

Nagumpisa na akong hawakan yung mga kamay ko ng mahigpit. “Pero nung dumating si Lian tapos ang sabi mo pa siya yung umamin tapos naging kayo na, ang inisip ko tuloy… Kung nung una pa ba umamin ako… Magiging tayo din ba?” At… Nagumpisa naring mamuo yung luha sa mga mata ko. “Alam mo yun? Parang… Parang hindi talaga tayo… Nakatadhana?” “Pwede naman nating labanan ang tadhana diba?” “H—ha?” “Kung tayo, tayo. Kung hindi, merong iba na mas mamahalin ka.” “Pero…” “Pero?” “Ma… mahal kita eh…” Nakakahiya dahil nagumpisa na yung sunud-sunod na pagtulo ng luha. Tipong kailangan ko pang kumuha ng panyo para lang punasan dahil hindi na kaya ng mga kamay ko. “Sorry ah… Nakakahiya eh. Para akong timang…” “Alam ko naman eh…” “Alam kong alam mong mahal kita… Sinabi mo yun nung lasing ka…” “Ah… Yun pala yung parteng nakalimutan ng memorya ko…” “Tapos ngayon… Ngayon… Ngayon bigla kang aalis ulit… Sabagay… Ano nga ba naman ang isang taon kumpara sa lima?” “Chi…” Tumabi siya sa kin to the point na hindi nagbalance yung sinasakyan namin. Natawa ako ng konti, pero natakot at the same time, kaya napilitan siyang bumalik sa dating pwesto niya. “See. Kahit yung wheel-of-fate ayaw.” “Sabi ko nga, pwede nating labanan ang tadhana.” “Pero… Kung tayo, tayo talaga. Hindi ba contradiction yun? Tadhana din yung tinutukoy mo eh.” “Ikaw na ang math major.” Tumawa kaming dalawa. “Masaya ako.” “Ako din.” Napangiti kaming dalawa.

Page 175: Tossed Coin

After nun, naglakad kami papunta sa may gate nung biglang inannounce na magfifire works na. Magkahawak parin kami ng kamay… Tapos bigla kong naisip… “Chi, ayos ka lang?” “Ahm… Oo…” “Natulala ka nanaman.” “Wala lang. Naisip ko lang, magkasama pala si Jet at Anya ngayon.” “Talaga? Bakit?” “Nagpasama si Anya kay Jet eh.” “Nagseselos ka?” “H—hindi ah.” “Okay lang naman na magselos ah. Si Anya, umamin sa kin na minsan nagseselos siya sa kin.” “Ha?!” “Nagseselos daw siya sa kin dahil mas nakakasama mo daw ako kesa sa kanya.” “Eh?! Hindi nga?!” “Oo. Kaya tingin ko, ganon din yung iyo.” Sabagay… May punto siya. Tama. Nalinaw na rin sa kin.

Sabay naming pinagmasdan yung fireworks. Sobrang ganda… Hawak-hawak lang niya yung kamay ko habang nangyayare yun. Nakatulog lang ako sa loob ng sasakyan. Siyempre, pagdating ko ng bahay, inulan ako ng sermon galing kay mama. Pero hindi ko na ininda. Sobrang saya ko… Nagtext ako… Kay Jet… Sa bilin niyang magtext ako… Hindi ko matatanggi na may halong pagaalala pa rin ang puso ko. Jet… Nakauwi na ko… …Sa kung ano man ang rason… …Tanging ang langit lang ang nakakaalam. CHAPTER 27 [All I could Do] Hindi ako nakatulog pagkatapos nun. Inumpisahan ko na mag-aral para sa exam bukas. Tiningnan ko yung kalendaryo… Tatlong araw na lang… Tatlong araw na lang at aalis na si Gab. Masaya akong nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kanya bago siya umalis… Pero… Hindi ko talaga maiwasang malungkot. Kakakilala ko lang sa kanya tapos wala pang isang taon na magkakilala kami, aalis na siya. Imba. Parang sinasabi na rin ng langit na „ano ba, hindi nga kayo eh!‟ pero eto. Katulad nga ng sinasabi niya… Makikipaglaban ako sa tadhana. Habang nageexam ako, yun lang ang nasa isip ko. Kung paano ako mabubuhay na wala siya. I mean… Nabuhay ako ng halos limang taon na wala siya… Pero bakit ngayon hindi ko na maimagine yung mga susunod na araw na wala siya? Okay naman yung naging exam ko. Pumunta ako sa tambayan para mag-ayos ng gamit sa cabinet. Bumili din ako ng onting panchibog, tapos naisip ko, aalis na din ako.

Page 176: Tossed Coin

Nasa gate na ako ng college namin nung nakita ko si Jet na papalakad. Nakatingin lang ako… At di ko alam kung bakit hindi ako umiimik. Naalala ko yung kahapon, yung hinawakan ni Gab yung mga kamay ko. Sila kaya, naghawakan din kaya sila ng kamay? Knowing Anya… Unpredictable. Ngayon ko lang naman narinig na nagkagusto siya. Nakita ako ni Jet, pero ni isa sa min walang umimik. Hawak hawak lang niya yung envelope na hawak niya, samantalang nakalagay naman sa bulsa yung mga kamay ko. Dumerecho papunta siya sa kin. Tapos ngumiti siya, sabay lagay ng malaki niyang kamay sa tuktok ng ulo ko. “Kamusta yung date?”

“Hindi naman yun date no… Eh… Ikaw?” “Hindi din date yun. Gusto mo umupo muna, o uuwi ka na?” “Okay lang naman kung samahan kita ng onti dito. Teka, bat ka pala andito?” “Pinasa ko lang yung paper ko sa English 10. Tapos naisipan kong dumaan.” Pumunta kami sa may tambayan. Magkaharap kaming magkaupo, tapos nilabas niya yung burger galing sa bag niya. “Gusto mo?” “Kakakain ko lang.” “Knowing you, nagsisinungaling ka.” “Hindi, pramis! Kakakain ko lang.” “Hula ko, cream-o… o nova?” “Choco tops.” “Wow, may bago. Magugutom ka niyan.” “May pera naman ako. Bibili na lang ako ng tinapay pag nagugutom ako.” “Gusto mo mag mcdo?” “Wala akong pera eh…” “Pano kung sagot ko?” “Eh! Ayoko na.” “Bakit si Gab pinapayagan mong manlibre sa enchanted kingdom, tapos ako sa mcdo lang naman kita ililibre, ayaw mo? Wag ka magalala, di to date.” “Hindi naman yun ang sinasabi ko… Ano kasi… Nahihiya na ko.” “Sa kin ka pa nahiya.” Tinago niya ulit yung burger sa bag niya… Tumayo… Saka hinila yung mga kamay ko. “Lika na.” Hawak hawak niya yung wrist ko habang papalakad kami. Sa tuwing magpapabitaw ako sa kanya, lalo lang niyang hihigpitan. Siyempre, sumuko na ko. Pag gusto ni Jet, gusto ni Jet. Nung nasa mcdo na kami, ako yung naghanap ng upuan samantalang siya naman yung bumili ng pagkain. Nung nakaupo na ako, pinagmasdan ko si Jet… At di ko maiwasang… Maglaway. Joke. I mean, hindi ko maiwasang mapatulala. Naalala ko tuloy nung unang pagkikita namin. Para lang siyang totoy. Ngayon, mejo… Lumaki yung katawan? Paano ko ba sasabihin… Basta. Bat nga ba ngayon ko lang napansin yun?

Page 177: Tossed Coin

Nakakatawa dahil pagkalapag na pagkalapag nung tray sa table namin, yun agad yung tinanong ko… “Bakit lumaki yung katawan mo?” Tumawa siya, saka siya umupo sa harap ko. “Anong pinagsasasabi mo jan?! Benta ka.” “Wala lang. Lumaki eh.” “Tumahimik ka nga. Ano, naging hulk ako?” “Hindi naman.” “Tumaba?” “Hindi.” “Ano?” “Ano… Yung… Ano…” “Mumacho?” HAHAHAHAHAHA. Natawa na lang ako nung sinabi yun ni Jet. At the same time, namula din ako. Dahil actually, yun naman yung talagang gusto kong sabihin. “Walang hanggan yang pagtawa mo ah.” “Eh kasi, di ako makapaniwalang di ko masabi.” “Eh matatanda na kasi tayo.”

“In your face. Bata pa lang ako.” “Fine. Isip bata.” “Mukhang bata.” “Bata.” Tapos naglapit siya ng french fries sa kin. “Ah.” “A—anong ginagawa mo?” “Bata ka diba? O, a.” Ngumiti ako, sabay subo ng fries. “O game, alam ko namang may ikukwento ka.” “Ayon… Sumakay lang kami sa rides…” “Alam ko naman yun eh. Ikwento mo na lang yung wheel-of-fate scene…” Napainom ako ng softdrink. “Ayon… Nasabi ko na sa kanyang mahal ko siya…” “Sabi niya mahal ka niya?” “Hindi… Feeling ko nga nabusted ako eh.” “Ha? Akala ko ba sabi mo mahal ka din niya?” “Pero diba sinabi ko din na mas mahal niya si Anya?” “Naguguluhan ako.” “Never ka pa bang nagkagusto sa dalawang tao?” “Hindi pa.” “As in… laging isa lang?” “Pagkakaalam ko, isa lang talaga ang ginusto ko.” “Sino?” Tahimik. Kung ako, sabihin mong ako. At least alam kong tama kahit papano yung instincts ko na ako nga. Yun yung nasa isip ko na pilit kong binubura sa utak ko. “Secret.” “Grabe ka naman! Never mo pang inamin sa kin kung sino yang nagugustuhan mo.” “Alam mo yung salitang „torpe‟?” “So aminado kang torpe ka?” “Oo.”

Page 178: Tossed Coin

“Bakit ba may mga ganyang nilalang sa mundo? Eh imbis na pahirapan niyo pa yung babaeng gusto niyo, eh di sabihin niyo na ng derechahan.” “Bakit pa? Eh alam ko namang may gusto siyang iba?” “M… malay mo…” Awkward silence. “Parang kanina lang ikaw yung pinapakwento ko, bat napunta sa kin?!” “Well siyempre. Magaling ako magpaikot ng topic eh.” “Gusto mo bang… Pumunta kena Gab bukas?” “H—ha? B—bakit naman?” “Wala lang. Baka sakaling gusto mo.” “Sasamahan mo ko?” “Kung gusto mo.” “Eh bakit?” “Mahal mo siya diba?” Sip. “Isang taon mo rin siya hindi makikita.” “Sa loob ng isang taon… Alam kong maraming magbabago…” “Isa dun ang?” “Pano kung… Pano kung…”

“Kung?” Nagbuntong hininga ako. “Pano kung biglang mawala yung nararamdaman ko?” Nakatungo lang ako nung mga panahong yun. Matagal bago pa niya ako nasagot. “Bat ka natatakot na mawala yang nararamdaman mo?” “Kasi… Alam mo yung feeling na… Gusto mo lahat ng una mo galing din sa una‟t huli mo?” “Hindi ko alam yung feeling na yun.” “Basta.” “Kung mahal mo, eh di mahal mo. Kung nawala, eh di nawala. Ganon talaga. Kung nawala nung mga panahong wala siya, eh di nawala. Kung bumalik, eh di bumalik.” “So ganon na lang yun?” “Pero diba… Hindi mo yun mahal kung ganon?” “Anong ibig mong sabihin?” “Mahal mo siya nung andito siya, pero hindi na nung nawala na siya. Parang physical love lang.” “Sabagay… Uhm… Sige, punta tayo bukas.” Sumakay na kami ng jeep pareho. Nakatulog lang ako dahil sa traffic at init ng panahon. Nung malapit na siyang bumaba, ginising niya ako. Hindi ko namalayan na nakasandal na pala ako sa kanya. Bago siya bumaba, narinig ko yung mga salitang… Nagpangiti sa kin kahit alam kong malungkot ako dahil sa pagalis ni Gab… ―Andito lang ako.‖ Ngiti. Natulog lang ako pagdating ko. Para pagkagising ko, „bukas‟ na. Ang sakit ng katawan ko pagkagising ko, dahil siguro sobrang haba ng tulog ko. Nakakita ako ng text ni Jet na magkita na lang kami sa Robinsons ng mga 4:30 pm. So ako naman, nagbihis, naligo blah blah blah. Sabay kaming pumunta ni Jet dun sa bahay nina Gab. Well aaminin ko, nagpaganda ako. Wala namang mawawala diba? Tumawag si Jet kay Gab nung nasa Katipunan na kami. “Five minutes… Oo. Sige sige.” Click.

Page 179: Tossed Coin

Naglakad kami papunta sa bahay nina Gab mula dun sa gate ng subdivision nila. Nakita na din namin si Gab, at mejo maraming tao na nasa bahay nila. “Despedida?” “Hindi naman siya mawawala habang buhay. Parang good luck party lang.” Sinalubong kami ni Gab. Napangiti ako nung nakita ko siya. “Anjan si mama sa loob.” “Si Tita?” Oo nga pala… Magkaparehas pala sila ng nanay… “Yung mama mo din, nasa loob.” Hindi umimik si Jet. Parang may dark aura sa kanya na hindi ko alam… “Kung ayaw mong matawag kitang kuya, wag mo sabihin sa kin yan.”

Ngumiti si Gab, saka pinatong yung kamay niya sa balikat ni Jet. “Oo na oo na. Kumain na kayo sa loob.” Pumunta kaming dalawa sa loob at yun, mejo may handaan nga. Nakita ko na rin, sa wakas, yung mama nilang pareho. Well actually, mas kamuka pala ni Jet yung mama niya. Dun ko lang nakita na may hawig nga si Jet at Gab sa mata. Pumunta yung mama niya kay Jet, saka ngumiti at sinabing kumain lang daw siya. Tinanong din niya kung girlfriend niya ako, sabi niya hindi. Ang hindi lang mawawala sa bawat sinasabi niya ay yung „tita‟. Nalulungkot ako para sa kanya. I mean… Ano nga bang feeling na tinatawag mong „tita‟ yung tunay mong ina? Pero… Wala naman akong magagawa kundi makinig… di ba? Pinakilala kami ni Gab dun sa mga kaorg niya sa college niya. Masaya naman silang kausap, at nakapagkaraoke din kami. Isa isa silang umuwi nung magagabi na, mga 7:30. Pero kami ni Jet, hindi pa rin kami umaalis. “J—Jet, bat hindi parin tayo umaalis? Halos wala ng tao o.” “Maguusap kayo.” “H—ha?” “Maguusap kayo.” “T—teka Jet. Wala naman akong sinabing maguusap kami!” “Wala nga. Ako meron.” “Jet!” “Sabi mo diba walang magbabago?” Napatigil ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin hanggang sa… “Sabihin mo sa kanya walang magbabago.” “Pero…” “Walang masama kung sasabihin mong mahal mo siya ng paulit-ulit…” Napapaluha ako nung sinasabi yun ni Jet. Para namang habang buhay na mawawala si Gab… Pero nung sinasabi niya kasi yun parang ganon nga yung dating. Lumapit si Gab sa ming dalawa.

Page 180: Tossed Coin

“Salamat sa pagpunta.” Ngumiti siya. “May sasabihin sayo si Chi.” “Ano yun?” Hindi ako makahinga nung sinabi yun ni Jet sa kanya. Araw na ba ng kamatayan ko?! Nakakakita ako ng ilaw. “Uhm… Kung pwede sa… labas…” Naglakad-lakad kami sa labas. Basta ang bilis ng pangyayare. Tumigil si Jet na maglakad kasama na min, naghintay na nakatayo habang pinagmamasdan kaming maglakad… Nakita kong bumulong siya ng „good luck‟. “O, tayong dalawa na lang…” “Ano eh…” “Ano?” “Sa totoo lang… Si Jet kasi yung… may gusto nito…”

“Pero tingin ko naman gusto mo din akong makausap. Kasi kung ayaw mo, may idadahilan ka para hindi to matuloy…” Napatigil kami sa tapat ng isang madamong lugar. Pero hindi naman ganon kalayo sa bahay nila. Hinawakan niya yung balikat ko… At dun na ako nagumpisang maluha… “Umiiyak nanaman ako na parang timang. Sorry ah…” “Ano ka ba, anong dapat mong ikasorry?” “Ito na yung huling beses na… Hahawakan mo yung balikat ko…” “Baliw… Ano ka ba—” “Alam ko naman. Alam ko namang isang taon ka lang dun tapos magkikita na tayo ulit. Pero hindi ko alam kung bakit ako naiiyak na tipong feeling ko aalis ka na habang buhay…” Naririnig ko yung mga insekto sa gabi kasabay nung pagluha ko. “Ano nga ba naman ang isang taong pagkawala mo kumpara sa limang taong paghihintay ko dati, diba?” Nagulat ako nung… Nung bigla niya akong yinakap. Wala. Naririnig ko lang yung pagiyak ko, pero siya tahimik lang. Nararamdaman ko yung tibok ng puso niya kasama ng pagtibok ng puso ko… “Mahal… mahal kita… Gab…” Yinakap lang niya ko ng sobrang higpit. Wala akong narinig na „mahal na mahal din kita Chi‟, pero naramdaman ko naman yung higpit sa yakap niya… Shoot… Natanggap ko naman nung sinabi niyang aalis siya… Bakit ngayon… Bakit ngayon parang ayoko na siyang umalis? “Kaya mo bang maghintay?...” “Oo… Wala naman akong magagawa…” “Kaya mo ba akong hintayin?...”

Page 181: Tossed Coin

Nagsimulang umihip ang hangin… “Oo… Hihintayin kita…” Binitawan niya ko sa mga yakap niya… Tapos tiningnan niya ko sa mga mata. “Wala pa akong dahilan para halikan ka… Pero hindi ko alam kung bakit gusto kong halikan ka ngayon…” Ang lakas ng tibok ng puso ko. Sobrang lakas… Na wala na ata akong pakielam kung „mas mahal‟ niya si Anya kesa sa kin… Ang importante, mahal din niya ko… Kahit papano… “T—tingin ko… Ayos lang… naman…”

Tiningnan ko siya sa mga mata. At unti unti… Pumikit ako… At pinakiramdaman ko yung labi niya… Sa ikalawang pagkakataon. Pinunasan niya yung mga luha ko bago kami bumalik kung san kami nanggaling, pero this time, magkahawak na kami ng kamay. Nakatalikod si Jet nung nakita naming dalawa. Pinisil lang niya yung mga kamay ko. Pag nagmamahal ka nga naman… Hindi mo na alam kung tama o mali yung ginagawa mo. Parang lahat kasi, tama. So ganito pala yung pakiramdam na wala ka nang pakielam kung naging „mabilis‟ yung takbo ng relasyon niyong dalawa… Wala ka na pakielam kahit sigawan ka pa ng „tanga‟ o „martir‟… Ni hindi ko nga alam kung mahal na niya ako na kasing mahal niya si Anya… Kung yung halik na bang yun yung umpisa ng lahat… Hindi ko sigurado… Basta. Mahal ko siya. “Jet.” Nakangiti na ako, kahit mejo halatang kagagaling ko lang sa iyak. Si Gab din, nakangiti. Magkahawak kami ng kamay nung tinawag namin siya. Humarap siya sa min. Pero yung iniwan kong Jet na may ngiting totoo, biglang nawala. Nakangiti siya, though yung faint na ngiti. Sa loob loob ko, nagsosorry ako sa kanya. Sorry dahil… Dahil hindi ko masuklian yung kung ano mang nararamdaman niya para sa kin, kahit hindi ko sigurado kung meron nga—o kahit hindi pa niya sinasabi…

Page 182: Tossed Coin

Mahal ko naman siya… Pero… Hindi kasing mahal ko si Gab… “O, musta yung paguusap niyo?” “Okay naman.” “Gusto mo pa bang magstay dito?” “Hindi na. Mukhang… Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin.” Ngumiti si Gab. “Ingatan mo siya.” “Oo naman.” Binitawan na ni Gab yung mga kamay ko. Bago kami magpaalam sa kanya, hinalikan niya ko sa noo. Tapos naglakad na kami palabas ng subd. Tahimik lang kaming dalawa sa jeep. Yung nasakyan namin, parang aapat lang yung tao kaya pareho kaming nakaupo dun sa dulo. Magkaharap kami nung mga panahong yun. Tiningnan ko siya… Hay. Gusto kong tanungin kung okay lang siya, pero alam ko namang hindi.

Napansin kong malapit na kami dun sa bababaan niya. Kesa naman hindi kami mag-imikan, ako na yung unang nagsalita. “Jet…” Tumingin siya sa kin. “S—salamat ah?” “Para san?” Salamat dahil kahit mahal mo ko—kung mahal mo nga ako—pinili mo parin na maging masaya ako kay Gab. Ngumiti lang ako. “Salamat sa pagkakataong makausap siya.” “Wala ka dapat ipasalamat sa kin.” Hinila niya yung string. “Para po.” Bumaba siya. Nung paandar na yung jeep… Nagulat ako sa mga huli niyang sinabi… “Sinabi ko naman sayo diba… …Hindi kita bibitawan.‖ CHAPTER 28 [Moving On] Sa bawat ngiti ng bawat tao, yung ngiti ni Gab yung natatandaan ko. Sa bawat ginagawa ng bawat tao, yung ginagawa ni Gab yung naaalala ko. Natatandaan ko na ganito din yung naramdaman ko nung nawala sa kin si kuya Ian. Lumipas ang isang taon… pero hindi parin siya bumabalik.

Page 183: Tossed Coin

Hindi nga ako nagre-aff sa org namin eh. Nagfocus lang talaga ako sa studies ko nung first sem. Kapag katapos ng last class, uuwi agad ako. Binuhos ko ang sarili ko sa pagaaral. Honestly, nawalan ako ng social life ng lima o hanggang walong buwan. Hindi ako masyado palatambay dahil 21 units ako parehong first at second sem. So wala talaga akong pahinga, may trabaho din ako sa gabi, so nawalan na ako ng time na tumambay sa college namin. Actually, medyo sinasadya ko yun. Kami ni Jet… Natatandaan ko, unang linggo ng May, halos isang buwan na pagkaalis ni Gab, nag-usap kami. Siguro pagkakamali ko narin yung sinabi ko na… “Tingin ko… Kailangan ko muna ng space.” Akala ko tatanggi siya. Pero… “Space AT time. Sa physics, hindi mo mapaghihiwalay ang space… At time… Ganon din sa totoong buhay.” Hindi ko makakalimutan yung ngiting binitawan niya noon. “Sige. Itext mo lang ako kung kailangan mo ako.”

Minsan natetempt akong itext si Jet. Pero naisip ko na rin na, kung may nararamdaman siya para sa kin, siguro dapat na niya kalimutan yun. Dahil nangako ako na… Maghihintay ako. Pero aminado naman ako na… Si Jet lang yung masasabi kong hindi nawala sa buhay ko, totally. Nung second sem, nagulat ako nung nakita ko siya na nakaabang sa room ng last class ko. Pero hindi niya ko nilalapitan, at mukhang hindi niya nakita na nakikita ko na pala siya. Di ko maiwasan na maalala yung huli niyang sinabi nung bumaba na siya nung galing kami sa send-off party ni Gab… Sinabi ko naman sayo diba… Hindi kita bibitawan. Sa tuwing naaalala ko yun, napapatulala ako at napapaisip. Nagpakaanti-social na nga ako‟t lahat, anjan pa rin siya. Napakahipokrita ko naman kung sasabihin kong hindi ako natutuwa sa bawat araw na nakikita ko siya. Oo. Natutuwa ako. Hanggang sa dumating ang July ng sumunod na taon. Fourth year college na ako, ang bilis no?. Biglang namatay yung aso ko, si Fluffy. May nakain atang lason or something. Basta… Natural… Iyak ako ng iyak. Sobrang sama ng loob ko. Oo nga… Aso lang yun… Pero hindi siya kasi basta aso… Siya yung nagpapasaya sa kin nung mga panahong nagpapakaanti-social ako… Ngayon… Pano na? Kinuha ko yung cellphone ko, tapos nagtext ako. Jet… Wala na si Fluffy… Nung pipindutin ko na sana yung send, napatigil ako. Isesend ko ba?

Page 184: Tossed Coin

Bakit hindi? Pero bakit oo? Kasi… Kasi… Itext mo lang kung kailangan mo ako. Nasend ko ng di sinasadya nung parang narinig ko yung boses ni Jet somewhere. Pero di ako kinilabutan, parang mas naging comfortable pa nga ako. Nakalimutan ko nga lang na ilagay kung sino ako. Nag-iba kasi ako ng number, pero nakasave naman kasi sa phone memory yung mga number nila. Matapos ang ilang oras, tiningnan ko yung phone ko pero… Wala paring text. Duh? Pagkatapos mong magpakaanti-social at lahat?! Tapos kung kailan kailangan mo ang isang tao, saka mo siya tatawagin? Eh user ka pala eh.

Napaiyak nanaman ako. Bat ba kasi biglang naging ganito? Kailangan ko ba talagang… Itigil ang buhay ko dahil… Nakaramdam ako bigla ng vibrate sa kama. Hinanap ko agad yung cellphone ko. Baka… Baka si Jet. Kaso pagkakita ko, number yung tumatawag. Hindi ko kasi ugaling sumagot kapag number lang yung nakalagay so hindi ko sinagot. Nilapag ko lang yung cellphone ko sa ilalim ng unan. At napaluha ulit. Hobby ko na ata to eh, ang umiyak. Umalis na nga si Gab, pinaalis ko pa yung sarili ko sa buhay ng ibang tao. Eh kundi ka ba naman isa‟t kalahating nabubuwang?! Nagvibrate nanaman yung kama. Pero this time, alam kong text lang yun at hindi tawag. Pagkatingin ko, yung number ulit… Pero, iba na yung nakasulat. Si Jet to. Sagutin mo. S—si Jet? Nung tumawag ulit, sinagot ko na. Pero nung sinagot ko, bigla akong natameme. A—ano nga bang sasabihin ko? “Chi?” Pinakinggan ko lang yung boses ni Jet. Parang… Ang tagal na pala nung huling beses ko narinig yung… “Cherry…” Boses niya… “Baka gusto mo pa dagdagan ng apelyido ko para magsalita ka jan?” “Ikaw talaga.” Familiar tong… Tong nararamdaman ko ngayon… “Nasa bahay ka?” “Oo… Ipinagluluksa si Fluffy.” “Condolence.” “S—sorry…”

Page 185: Tossed Coin

“Bakit ka nagsosorry?” “Kasi… Kasi tumawag lang ako nung… Nung kailangan kita.” Natawa ng bahagya si Jet sa kabilang linya. Hindi ko alam, may nasabi ba akong nakakatawa? Kung tutuusin, hindi nga maganda yung nasabi ko eh. “Ano ka ba. Masaya nga ako eh.” “Masaya kang nagiging user ako?” “Masaya akong napatawag ka, obvious ba?” “Bakit?” “Tinatanong pa ba yan?” Hinawakan ko ng mabuti yung phone ko. “Di ko akalain na… Mamimiss kita ng sobra sobra. Daig pa ng pag-iwas mo yung pag-alis nung Gabriel na yun eh.” Ang sarap sa pakiramdam nung sinabi niya yun sa kin. “Hindi mo naman namimiss si Gab eh.” “Namimiss ko kahit papano. Wala akong karibal eh. Ang boring.” “H—ha?” “Wrong timing para magexplain, kakamatay lang ni Fluffy.”

Natawa ako sa sinabi niya, ganon din naman syia. Tapos mamaya tinawag na ako ni mama. “Kahit di kita nakikita, masaya akong nakangiti ka.” “Sinong nagsabing nakangiti ako?” “Sabi ko.” “Weh…” “Pupunta ako jan.” “W—wait! Ng—ngayon na?” “Oo.” “T—teka. Andito kasi sina mama eh…” “Eh di hindi ako magpapakita.” “Pupunta ka lang dito?” “Magpapakita ako sayo ano ka ba.” Ngumiti nanaman ako. Pang-ilang beses na ba ako napangiti? “S—sige…” “Mga isang oras. Anjan na ko.” “Okay…” “Bye…” “B—bye… T—” Pero wala na. Nababa na niya. End call na. Anyway… Siguro hindi naman— Wah! Nagulat ako nung nagvibrate ulit yung phone ko. Yung number ulit, at since alam kong si Jet yun, sinagot ko na. “J—Jet?” “May sasabihin ka pa diba?” “H—ha?” “Nababa ko na kasi agad nung bigla kong narinig na parang may sasabihin ka.” “W—wala yun ano ka ba. Sayang load mo.” “Unli ako.” “Ahm… Wala yun.” “Sure ka?” “Uh… Oo.” “Sige—” “T—teka!” Alam ko namang magkikita kami. Pero hindi ko alam kung bakit gusto ko lang to sabihin sa kanya ngayon na…

Page 186: Tossed Coin

Silence. ―Na—namiss kita.‖ Silence. Hawak-hawak ko lang yung phone. Naghihintay kung anong sasabihin niya. Kung basta na lang ba niyang ibaba, o sasabihin na niya na bakit ko ba siya pinapaasa o baka sabihin niya na… Hindi siya si Gab. Pero yun talaga yung nasa puso ko ngayon. Namimiss ko na… Yung isa sa mga kaibigan kong matalik—na kilalang kilala na yung buong kaluluwa ko. Tatanggapin ko kung ano mang panunumbat yung maisusumbat niya ngayon. Narinig ko siyang mag „hm‟ sa kabilang linya, yung parang natawa ba? “Cherry, makinig ka.” “Na—nakikinig ako…” “Makinig kang maigi…” Silence.

―Sabi ko naman sayo diba, di kita bibitawan?‖ Napangiti ako sa mga sinabi niya. Pagkatapos nun, nagbabay na ko at naghintay sa kanya sa labas ng bahay. Wala pang isang oras, mga 45 minutes, nakita ko na siya na bumaba sa service. Sinalubong ko siya. Nakajacket ako nung mga panahong yun kasi malamig kahit araw. Humaba yung buhok niya, hanggang leeg. Naka blue green jacket siya nung araw na yun na may white na panloob, jeans, at yung paborito niyang red na rubbershoes. Sinalubong niya ako na nakalagay yung mga kamay niya sa bulsa… Teka, bakit ba napakadetailed ko? Nung nagkasalubong kami, napangiti ako. “Matapos ang ilang buwan, makakausap na kita ulit.” “Ano, ayos ba ang pagiging astronaut?” “Weh. Korni mo.” “Seryoso ako.” “Ewan. Pero… Tingin ko, mas okay na ko kesa nung mga unang buwan.” “Kung alam ko lang na magkakaganyan, sana binutasan ko yung gulong ng eroplano niya.” Di ko akalain na sasabihin niya yun. I mean… Gusto niya ako… Pero okay lang sa kanya na andito si Gab? Naglakad-lakad lang kami sa may subdivision, tutal hindi naman siya pwede magstay sa bahay dahil hindi pa pwede kena mama… “H—hindi ko maintindihan…” “Ang alin?” “Bakit gusto mong andito si Gab?” “Para masaya ka.” “Ha?” “Sabi ko, para masaya ka.” Para… Para masaya ako. Kahit kailan, tong lalakeng to talaga… Napakamot ako sa mata ko—sa mga mugtong mata ko—dahil makati. Nagulat ako nung bigla niyang hinawakan yung mga kamay ko. “Wag mo kamutin. Baka bukas wala ka ng mata.”

Page 187: Tossed Coin

Para akong sumakay ng time machine at naalala ko yung unang araw na nagkita kami ni Gab. Nung naalala ko yun, bigla nanaman ako napaluha. Ngayon, alam kong hindi lang dahil kay Fluffy, pero dahil na rin kay Gab… Akala ko ba… Isang taon lang? Nagulat ako nung bigla na lang siyang tumigil para hawakan ng parehong kamay yung mukha ko. Nanlaki yung mga mata ko nung ginawa niya yun. Akala ko— Akala ko pupunasan niya yung mga luha ko tulad nung ginawa ni Gab katulad dati… Hanggang sa narinig ko siyang magsalita… ―Chi… Ako to… Si Jet.‖ Tama. Si Jet ang kaharap ko, at wala ng iba. Kahit may hawig sila ni Gab sa mata at sa hugis ng mukha, magkaiba sila.

“Wag kang mag-alala, ako to.” “Ano ba yang pinagsasasabi mo?” Natawa ako pakunwari, saka pinunasan yung mga luha ko. Nakarinig ako ng bells, alam kong may paparating na ice cream. Ngumiti ako. “Ibili mo ko.” ”Ng ice cream?” “Yup.” Pumunta kami dun kay kuya sorbetero. Tapos bumili kami ng parehong cheese lang. Naglakad-lakad lang kami hanggang sa nakarating kami sa may baba ng street namin kung saan andun yung playground. Kinakain namin yung ice cream habang pareho kaming nagsiswing. “Kamusta na?” “Sa Org?” “Uhm… Oo…” “Ayos lang. Namimiss ka na namin. Nagtataka nga kami kung bakit ka nawawala.” “Actually, tapos ko naman na kasi lahat ng majors ko sa college kaya hindi na rin ako nakakapunta. Uhm, except sa isa na next sem ko pa itatake at saka sa… practicum.” “Ah… Kaya pala…” “Si… Anya?” “Isa pa yun na hindi na halos nagpapakita sa org. Pero minsan napapadalaw siya.” “Bakit?” “Hindi mo ba alam?” “Nagpakaanti-social nga ako last sem at ngayong sem.” “Model na siya.” “W—weh?! Sa—saan?!” “Rumarampa na siya. Isang beses pa lang ata ako nakapunta sa mga ganon niya eh.” Ang dami ko na palang hindi alam. Nagpakwento ako tungkol sa mga nangyayare sa org. May mga nagsipagbreak na, pero meron ding nabuong bagong love team. Natatawa ako habang kinukwento niya… Ang malungkot lang… Wala ako nung nangyayare lahat yun.

Page 188: Tossed Coin

Yun yung nasa likod ng utak ko. Sinisisi ko yung sarili ko kung bakit ko nilayo yung sarili ko sa tao. Bakit nga ba? Di ko maintindihan yung sarili ko. Pwede namang hindi. I mean, hindi naman sila ganon kaconnected kay Gab diba? “Eh… Eh ikaw?” Napangiti siya. “Parehas pa rin. Tulad ng dati.” “Tulad pa rin ng… Dati? Eh ang dami ngang nagbago sayo eh.” “Buhok lang naman. Tsaka… Oo. Parang dati.” “What do you mean?” “Ang hirap iexplain eh…” Naghintay ako ng mga sasabihin niya habang unti-unti kong inuubos yung ice cream. Nakatingala siya, yung nag-iisip ng sasabihin sa kin. “Ganito pa rin. Matigas pa rin ang ulo, mayabang, cute…” “Tumigil ka na nga…” Tumayo ako para itapon yung tissue sa basurahan habang natatawa dahil sa huli niyang sinabi. ―At yung nararamdaman ko. Parehas pa rin.‖

Nakatalikod ako nung narinig ko yun, at oo. Narinig ko yun kahit alam kong sinadya niyang hinaan yung boses niya. Pero, hindi ko alam kung bakit may tendency ako na magbingi-bingihan. Bumalik ako dun sa swing na parang walang narinig. “Anong sabi mo?” “Sabi ko yung ugali ko, parehas pa rin.” Bakit nga ba may tendency din siyang ibahin yung narinig ko na? “May itatanong ako sayo…” “Kung bakit wala pa siya, eh isang taon na ang nakalipas?” Tumpak. May super powers talaga tong si Jet eh. Nababasa niya yung nasa isip ko. Or, madali lang talaga mabasa ang nasa isip ko? “Uhm… Oo…” “Narinig ko kay Papa na nagextend ata yung program niya. Tatlo ata silang naextend. Hindi ko alam kung bakit.” “Aaaaah…” “Ako naman… May tanong ako…” “Ano yun?” “Yung nararamdaman mo ba… Nagbago?” Nagbago… Ang hirap sagutin. “Parang…” “Parang?” “Basta. Honestly… Alam mo yung… Namimiss mo siya na hindi? Siguro kasi nafrustrate lang ako na after one year eh hindi parin siya dumadating.” “Hindi mo naman nasagot yung tanong ko eh.” “Hindi ko pa talaga masasagot yung tanong mo eh…” “Mahirap ba sagutin kung mahal mo pa ba siya o hindi?” Mahirap? Bakit ba hindi ko masagot ng direcho yung tanong niya?

Page 189: Tossed Coin

“Ang hirap kasi maghintay sa wala. Wala nga kaming kacommit-commitment nung umalis siya eh. Wala, hinalikan lang niya ako. Hindi ko alam kung kami. Pano kung, may nagustuhan na pala siya dun?” “Hay tama na nga yan. Maiyak ka pa ulit.” Nagulat ako nung bigla nagsquat si Jet sa harap ko, saka niya nilagay yung mga kamay niya sa likod. “Kakargahin na kita.” “H—ha?” “Gusto mo ng kinakarga diba?” Napangiti ako. Kinarga niya ako hanggang sa pwede niya akong kargahin, kahit paakyat pa yung daan. Nung sabi kong kailangan ko na bumaba, binaba na niya ako, though gusto ko paring magpakarga. Naisip ko… Wala na siguro akong pakielam kung naulit lang ang mga pangyayare. Siguro nga, panahon na para magmove on. Kung kami, magiging kami. Pero sa ngayon…

Gusto ko munang sumaya. Tama… Tong naramdaman kong to… Naramdaman ko na din noon. CHAPTER 29 [The Story of a Swan] Pagkatapos nung araw na yun, sinubukan kong ibalik ang sarili ko. Bumalik ako sa org, at lahat sila nagsisisigaw na parang galing akong digmaan at nakasurvive ako. Natutuwa ako dahil namiss nila akong lahat. Nakakatawa nung nakita ko si Anya, sobrang ikli na ng buhok niya. Parang panlalaki, pero I swear na bagay sa kanya yung buhok niya ngayon. Nung nakita niya ko, yinakap niya ako ng mahigpit. “Alam mo, nakikita kita paminsan sa campus. Pero natatakot ako na iapproach ka.” “Bakit naman?” “Physically present ka nga, pero yung kaluluwa mo parang nasa ibang bansa.” Ngumiti na lang ako. “Anya…” “Yez my dear?” “Ganda mo sa buhok mo.” “As always.” Nagtawanan kaming dalawa. Nasan ako nung mga panahong lumipas? Wala. Inaksaya ko ang buhay ko sa kaka-emote. Nangako ako sa langit na hindi ko na ulit yun gagawin. Bumalik man siya o hindi na. Umandar ang buhay. Ever since ng araw na bumalik ako, unti-unti kong naibalik yung dating ako—yung wala pa siya sa buhay ko. Pero this time, hindi ko na siya hinahanap. Nakatago lang siya sa puso ko. In that way, naghihintay pa rin ako.

Page 190: Tossed Coin

Sabay-sabay na kaming tatlo ulit na umuwi. Nakakatawa ng kasi 4:00 ang tapos ng klase ko. Si Jet naman 2:30 tapos na. Si Anya, 5:30 pa. Pero kahit ganon, naghihintayan parin kami… Tulad ng dati. Tumambay kami sa starbucks one time nung lahat kami nagkaron ng pera galing sa kanya-kanya naming raket. Haha. Oo, lahat kami may part time job. Ako online tutor at nagsusulat din ng essays online, si Jet tutor talaga ng physics somewhere over the rainbow, si Anya naman tutor at model. “Yumayaman na tayong tatlo. Ayos to.” “Haaaaay! Napakasaya ng buhay.” Natawa kaming dalawa sa sinabi ni Jet. With matching stretching pa yun habang may kanya-kanya kaming frappe sa harap. “Bat mo nasabi?” “Walangya kasi kayong dalawa. Para kayong nawala na parang bula.” “Grabe ka naman. Dumadalaw-dalaw naman ako paminsan ah.” “Pero hanggat hindi talaga tumambay si Cherry, hindi ka tumatambay ng ganito katagal.” “Eh ganon talaga. Alam mo naman kung bakit eh.” “San ka rumarampa? I wanna see!” “Next time na. Next month pa kasi yung next eh. Tutor tutor muna.”

Biglang kumidlat. Natakot ako dahil, takot naman talaga ako sa kidlat ever since. “Mukang uulan ata.” “Babagyo kamo.” “Hindi naman siguro ganon kalala.” Nagpatuloy ang inuman namin ng kape. Hawak-hawak ni Anya yung laptop niya. Habang in-on niya, nagulat ako sa desktop background niya. Kaming tatlo. Si Jet, ako, tapos si Anya. “Nakakamiss.” “Bakit, ano yun?” Tiningnan ni Jet yung laptop ni Anya, tapos yun, nakita nga niya ulit. “Para tayong galing high school ano? Eh isang taon lang naman tayo nagkanya-kanya ng buhay.” “Ganon na rin yun. Ang haba kaya ng isang taon.” “Matanong ko lang Anya, bakit ka din nawala halos?” “Ikaw muna.” “Uhm… Alam niyo naman yun eh…” Nagtinginan silang dalawa. “Wala. Nagpakaemote lang ako. Tsaka… Natatakot kasi akong mawala yung nararamdaman ko para sa kanya kaya… Nagpakaanti-social muna ako.” “Sa ginawa mo, parang sinabi mo narin na hindi mo talaga siya mahal.” “Bakit?” “Bakit ka natatakot na mawala yung nararamdaman mo? Kung siya talaga ang gusto mo, kahit sino mang lalake ang mameet mo, siya talaga. Diba Jet?” “Tama.” “Fine. Talo na ko.” Kumuha ako ng cream sa ibabaw ng frappe ko saka sinubo gamit yung straw. Napatingin ako kay Anya. Turn ko naman para magtanong. “Eh ikaw?” “Well, bukod sa nagkatrabaho ako at nagmodel model… Basta last year kasi yung ang daming offer sa kin magmodel ng kung anu-ano…” “Tapos biglang sumulpot yung stalker niya.” “S—stalker?!”

Page 191: Tossed Coin

“Oo bes. Natakot na nga ako sa kanya eh. I mean, nireport ko na nga siya sa police. Minsan nandun siya sa labas ng lobby ng dorm. Halos sa lahat ng pinupuntahan ko, nandun siya!” “A—and?! What happened?! OMG masaya akong safe ka.” “Masaya din ako actually na walang nangyare kay Jet.” “Ha?!” “Kasi ganito yan. Sabi ko sa kanya na may sumusunod-sunod sa kin. Then after hinahatid niya ko sa dorm. Tapos nakakareceive siya ng frat threats.” Di ako nakapagsalita. Nagulat ako sa mga nangyare kay Anya. Parang—WTH?! Eto yung nangyare nung nawala ako ng isang taon?! “So nagdecide ako na wag magpakita sa tambayan. Paminsan-minsan lang ako dumalaw last year.” “Ah… I see. S—so? What happened to that stalker?” “Malamang andito siya.” “Eeeeeh?!” Natawa si Jet at Anya nung nakita yung reaksyon ko. Pero duh! Nakakatakot kaya yung sinabi ni Jet! “Joke lang.” “Jet naman eh! So asan na siya?” “Pag kasi nasa police ako, nawawala siya. Sumisipot siya kung nasa ibang lugar ako. Alam mo ba na nagkaron pa ko ng takot na maligo sa dorm?! Gusto ko lagi akong may kasama.” “Grabe. Nakakatakot magkaron ng fear of taking a bath ha. Pero sabagay, kung mabaho ka na, hindi ka na niya

susundan.” “Tama.” “Whatever kayong dalawa. Basta, sinumbong ko siya kay daddy. Tapos parang last month lang ata nahuli.” “So for a year, sinundan ka ng kumag na yun?!” “Yup.” Tapos yun. Nagusap pa kami tungkol sa maraming bagay. Sa grades etc. Nakakatuwa na mag reminisce ng mga memories nung first year at second year college ako. “Teka, CR lang ako.” “Okay.” Nung tumayo si Jet at nagvanish sa mga mata namin, hinawakan ni Anya yung kamay ko. “Kamusta na kayo?” “H—ha? Anong kamusta na kami?” “Alam ko naman na nawala ka din for a year. Pero alam ko din na sinusundan ka niya pagkatapos ng class. Alam mo ba na sobrang naiinggit ako sayo? I mean… Ang sweet niya.” “Eh kung yan din ang pakay ng stalker mo, sweet pa ba yun?” “Iba naman si Jet no. Wag mo sabihing hindi mo parin alam na may gusto siya sayo?” Napainom ako dahil sa tanong ni Anya. “H—hindi nga?!” “Baliw. Siyempre nararamdaman ko na. Hindi naman ako ganon kamanhid. Ever since naman, parang nararamdaman ko na. Pero alam mo yun? Siguro natrauma na rin ako sa pagaassume, kaya hindi ako nagassume masyado na may gusto nga siya sa kin.” “Tama nga naman. Ako nga nagassume na sa kin siya may gusto.” “Maiba ako… Meron pa rin ba?” Napainom si Anya. Siguro dahil rin sa tanong ko. “Honestly… Every time na nakikita ko siya, parang… Lalo akong naiinlove. Ewan ko. Kahit wala siyang ginagawa. Kahit nakaupo o natutulog lang siya sa tambayan… Nagugustuhan ko siya lalo.” Isang bagay na hindi ko maintindihan kay Jet. Kung isa akong lalake na kaharap ni Anya ngayon habang sinasabi niya yang mga bagay na yan, maiinlove ako agad eh. Beauty, brains and bronze (haha, masabi lang na may B din yung umpisa). Pero gets? Bakit hindi na lang si Anya? “Pero…” “Bat may pero?”

Page 192: Tossed Coin

“Dati, kapag nakikita ko kayong dalawa na magkasama, nagseselos talaga ako ng sobra. Pero ngayon… Tulad ngayon…” “Anong tulad ngayon?” “Tulad ngayon… Sa tuwing nagsesettle yung mga mata niya sayo, at hindi mo napapansin—pero ako napapansin ko—nakikita ko yung sarili ko na kinikilig. Bigla nga kayo nagiging magkamuka eh. Alam mo yun?” “Ano bang sinasabi mo jan?! Baliw.” “Hindi mo ba alam yung „click‟ na tinatawag? Yung masasabi mong todong bagay na sila to the point na parang nakikita mong nagiging magkamuka na silang dalawa? Kaya nga ang mag-asawa nagiging magkamuka eh.” “Okay… Gets ko na yung point mo.” “So… May gusto ka na ba sa kanya?” Naramdaman ko yung lamig sa ngipin ko. Bigla akong nangilo. Napapikit ako sandali, saka ko sinagot yung tanong ni Anya… Na parang nasagot ko narin yung mga tanong ko. “At dahil wala pa siya… Sa totoo lang… May gusto naman ako sa kanya dati pa. First year pa lang. Pero gets… Hanggang crush lang kasi yun. Nung dumating si Sef slash Gab, naisip ko na… Si Gab talaga ang mas gusto ko. I mean you know? There came a point na dalawa yung gusto ko… Though alam ko kung sinong mas gusto ko.” “Ang tanong ko ay kung may gusto ka na ba sa kanya… Hindi kung nagustuhan mo na siya.” “Hindi ko masabi… Uhm… Namiss ko siya?” “Alam mo, kumbaga sa basketball, tinira mo yung bola palabas ng court. Hindi mo naman nasasagot yung tanong ko eh!”

“Bes!” “Alam ko na. Hindi mo masagot dahil ang feeling mo, obliged ka na mahalin si Gab hanggang ngayon, tama?” Hindi ako nakapagsalita. “Na dapat, wala ka na ibang mamahalin kundi si Gab… That‟s why, kaya mo pinipigilan yung nararamdaman mo kay Jet dahil dun, tama?” “Dapat naging detective ka na lang eh, hindi model.” “So tama?” Ayoko magsalita ng tapos. Uminom na lang ako tapos bigla na lang dumating si Jet. “O, ano napagusapan niyo?” “Kwinento ko yung tungkol sa swan.” “Ha? Anong swan?” “Yung swan na nagkaroon siya ng dalawang mahal. Diba usually isa lang yung nagugustuhan ng swan?” “Hindi mo pa yan nakwekwento sa kin yan.” “Kaya nga kinukwento ko na.” “O game.” “Yung swan kasi na yun, nagkaron ng time na dalawa yung nagustuhan niya. Isa na matagal niya nang kilala at isang ngayon ngayon lang.” “Tapos?” “Nakapagdecide siya na mas mahal niya yung matagal na niya kakilala. Siyempre diba, matagal na niya kakilala eh. Kaso kailangan umalis, maglakabay nung swan na yun.” “Minamahal din ba pabalik nung isang swan na paalis yung isa pang swan?” “Oo. Pero, hindi kasing mahal nung swan na natira.” “Okay… Tapos?” “So ang natira yung isa pang swan. Yung swan na yun, mahal na mahal din niya yung isa pang swan… To the point na kahit yung pinakamagandang swan sa lugar na nagugustuhan siya eh hindi niya pinansin.” “Aynako Anya.” Natawa ako pagkakanarrate ng kwento niya. Walangya. Di ko alam kung produkto lang to ng vanity niya eh. “Tapos?” “Unti-unting narealize nung swan na unti-unti na niyang minamahal yung isa pang swan na natira sa tabi niya. Kaso pinipigilan niya dahil nga parang obliged siya na mahalin yung isa pa.” “Hala. Hindi kasi dapat ganon.” “Tama ka jan. Hindi naman dapat talaga ganon, diba Chi?” “Oo na oo na.” “Tapos?” “Pero narealize niya na dapat buksan na lang niya yung puso niya para dun sa swan na natira. Naisip niya na hindi talaga mapipigilan ang pagmamahal. Dahil ayon sa law of swans, dapat isa lang ang mamahalin niya.” “May law of swans pala?”

Page 193: Tossed Coin

“Hindi. Imbento lang yun nung gumawa ng kwento.” Pinipigilan ko yung tawa ko. Alang-alang sa pagkwekwento ni Anya. Natatawa na lang ako dahil dinagdagan na niya yung kwento „namin‟ kuno. “So nagmahalan yung dalawang swan na yun?” “Yup.” “Grabe. Pwede ka naring writer Anya. Idol na talaga kita.” “Kaso…” “Bat may kaso?” “Biglang dumating yung isa pang swan.” Natahimik kaming dalawa ni Jet. “Sa tingin mo, sinong pinili nung swan na yun?” “Malay ko… Sino nga ba?” “Chi, sagutin mo. Sino daw yung pinili ng swan…” “H—ha?!” OKAY FINE. Gets ko na. Gets ko na yung point ni Anya. Gets ko na kung ano ang gusto ni Anya… Yun ay ang makakuha ng sagot mula sa kin.

Kung sino nga ba… Ang mahal ko. “E—ewan ko.” “Akala ko ba nakwento na ni Anya sayo?” “Nakwento ko na nga. Ewan ko jan kung bakit ayaw niya sagutin.” GAAAAA! ANYA NAMAN EEEEEH!!! “Ikaw na lang.” “Ikaw na magsabi. Mas masaya kung ikaw.” Kinurot ko si Anya under the table. “Aray!” “Bakit?” “W—wala. O go na Chi.” Naghintay silang dalawa ng sagot. Well actually… Hinihintay ko din kung anong sagot ko. “Pi—pinili ng swan yung…” “Yung?” Uminom si Anya. Bat ba kasi ako napasubo ng ganito? “Yung… Swan na kakabalik lang…” “Aaaaah. O yun naman pala eh. Ganon talaga. So hula ko, nagpakamatay yung isa pang swan. Diba usually ganon? Nagpapakamatay yung mga swan kapag nalaman nilang may mahal ng iba yung swan na minamahal nila?” Binaba ni Anya yung frappe niya. “Actually.” Ngumiti si Anya na parang nanunukso pa. Ugh. Why should I make a decision all of a sudden? “So ang ending niyan, nagpakamatay yung swan na isa.” “Anya!” “O bakit?”

Page 194: Tossed Coin

Napatigil ako. Kwento nga lang naman yun. Swan ang bida… Tama. Ganon nga. “Wala.” Inubos na namin yung mga inorder namin saka nagyaya si Anya na magsi-uwi na kami. “Tara na? Ayoko maabutan ng malakas na ulan.” “Tama. Baka bahain ka pa sa inyo.” “Sige.” Niligpit na namin yung mga gamit namin. Umaambon na nun, sa may hawak kami na tig-iisang payong. Hinatid muna namin si Anya sa dorm niya saka kami naglakad pa-katipunan. Nagdobleng sakay kami since ang daming tao. Sa may robinson na kami nakasakay pa-high way. Nung mga oras na yun, wala akong nasa isip kundi yung kwento tungkol sa swan. “Anong iniisip mo?” Napatingin ako kay Jet.

“Tingin mo ba, tama yung desisyon nung swan?” “Bakit mo natanong?” “Wala lang.” “Kung sa akin… Ganon talaga. Ibig sabihin lang nun, mahal na mahal niya yung isang swan na kakabalik lang.” From that moment… Gusto kong baguhin yung ending ng kwento. Napatulala ako for some time sa labas. Pareho kasi kaming nasa dulo ng jeep. Makaharap kaming dalawa nung mga oras na yun. Natutulog siya, samantalang ako, nakatingin sa ambon. Malapit na siyang bumaba nung nagising siya. “Malapit na pala akong bumaba.” “Oo nga eh.” Hinintay namin na tumigil yung jeep. Nung alam kong sobrang malapit na siyang bumaba… May namuo sa utak ko. “Jet.” “Hmm?” “Tingin ko, yung swan na bida…” “Ano?” “Nababaliw.” Natawa si Jet, saka niya inayos yung bag niya dahil ilang saglit bababa na talaga siya. “Bakit?” “Kasi pinakawalan niya yung swan mahal na mahal siya. Tingin mo?” “Iniisip ko din yun. Kaya nga…” “Kaya?” “May sarili akong ending.” “Ano?” “Pinili nung bidang swan yung swan na natira kasama niya. And they lived happily ever after.” Napangiti ako sa sinabi ni Jet. Hinila na niya yung string ng jeep. “Yung isang swan, hindi nagpakamatay.” “Bakit?” “Kasi hindi naman talaga niya minahal yung isa eh.” “H—ha?”

Page 195: Tossed Coin

“Napagkamalan niya na yung pagmamahal ng swan na bida dati sa kanya ay pagmamahal din niya. In other terms, naging obligasyon din niya na mahalin pabalik yung swan na yun kahit alam niyang hindi.” Tumigil yung jeep sa may kanto. “Tingin mo, ganon nga?” Bago siya bumaba ng tuluyan… Hindi ko alam kung matatawa o kikilabutan o magugulat sa sinabi niya… ―Sa point of view yun ng swan na natira sa tabi ng swan na pinakamamahal niya.‖ Ngumiti ako. Saka nagbabay. After all this time, Alam pala talaga niya kung kaninong kwento talaga yun. Nakakaloka talaga ang buhay.

CHAPTER 30 [Till the Rain Stops] Magsisinungaling ako kung sabihin kong hindi ako naloka sa mga sinabi ni Jet. Actually, mga isang linggo akong pinaloka ng statement na yun, to the nth level. Yun nga yung sinabi ko kay Anya isang gabi na wala akong magawa so kinausap ko siya sa phone. Hindi naman kasi ako palatawag sa phone eh. Kapag wala na talaga akong magawa. “Ikaw! Ikaw kasi!” “Anong ako?!” “Ikaw. Ikaw lang naman yung may dahilan. Aaaaah!” “Bes, ang kwentong yun ay kwento mo. So it just shows na, kapag dumating si Gab… Yun ang gagawin mo. No matter what happens, si Gab pa rin ang pipiliin mo. Eh di, mahal mo talaga si Gab. Tapos. Finish. Period.” “Pero…” “Pero?” “Alam mo, paparusahan ako ni Lord kung magsisinungaling ako.” “Na?” “Kasi… Nung pauwi na kami ni Jet, napagusapan namin yung kwento na yun.” “Tapos?” “Iniba niya yung ending.” “O… M… G. Omg omg! Anong sabi?!” Nakakatawa dahil mukhang mas excited pa sa kin si Anya. Napapangiti ako kapag naiisip ko na bumalik na nga yung dati naming relasyon nung high school, yung parang laging magkasama tapos para na kaming linta. “Ang nakatuluyan nung bidang swan ay yung swan na natira… Tapos…” “KINIKILIG AKO BEEEEES!!!” “Ramdam ko nga.” “O dali dali. Ano na pagkatapos?!” “Sabi niya, yung isang swan hindi nagpakamatay dahil… Hindi naman talaga daw niya minahal yung bidang swan.” “Aww. Sakit nun ah.” “Pero kasi… Alam mo yun? All that time, alam pala niya kung kaninong kwento yung tinutukoy niya?! Parang—ugh. Pinaglihi ata yun kay madam Auring.” “Ano ka ba. Sabihin mo, galing siya sa future kaya alam na niya. Kaya ko nagustuhan si Jet eh…” “Bakit nga ba?” “Alam mo yung… Straight to the point pero hindi? Torpe pero hindi. Gwapo na parang cute lang. Thoughtful na joke lang. Sweet pero bitter.” “Ang gulo mo.” “Balanse lang siya. Alam mo yun? Hindi man siya yung prince charming ng lahat… Pero magugustuhan siya ng mga tulad nating normal na babae. Siya yung tipo ng lalake na magugustuhan ng kahit sino to the point na kayang burahin lahat ng prince charming-like figure.” “FYI, hindi ka normal.” “Nagustuhan ko siya eh, meaning normal ako.”

Page 196: Tossed Coin

Eto nanaman ang girl talk namin. Ang napaguusapan lang naman namin ay 90% love life at 10% others. Hindi namin alam kung bakit, pero ganon. Bigla siyang napasigaw sa telepono, dahil ata sa kidlat. Sumunod naman akong sumigaw dahil kumidlat din sa amin. Sabay brownout, pero nagkaron naman agad ng ilaw. So usual na linggo lang. Magkakasabay nanaman kaming tatlo umuwi to the point na nalelate kami ni Jet ng uwi dahil wala na kaming masakyan. Kadalasan kasi kapag umuulan, mahirap sumakay. Nung Sabado ding yun, may group meeting kami dun sa isang class ko. Di ko naman alam na sobrang uulan. Shoot. Oo, may dala-dala akong payong, pero nagwoworry ako kung hanggang saan yung kaya nito. Nagtext ako sa mga orgmates ko na malapit lang sa school kung pwede ko ba sila mahiraman ng matibay-tibay na payong or kahit pahiram na lang ng t-shirt o shorts kung saka-sakali hindi kayanin ng payong ko ang tindi ng ulan. Unfortunately, walang sumagot. Haaaaay. Buhay nga naman. Anya, asan ka? Siyempre, ang next option ko na yung sumunod na pinakamalapit sa school.

Wala ako sa dorm. Umuwi ako dito sa bahay. Bakit? Aww. Haggardness. Pano na to? Okay sige. Kailangan ko baybayin ang dagat. Chos. Hmm… Tiningnan ko muna yung ulan for the twenty fourth time. Sa likod ng utak ko, „tumigil ka naman, bukas na lang, please?‟ kaso siyempre, hindi tumigil yung ulan. No choice ano? 1… 2… 3… SUGOD MGA KAPATID! Nakakatawa dahil parang hindi narin ako nagpayong sa ginawa ko. Hindi naman tumagal yung payong ko eh. Bumaliktad na, nasira pa. Buti na lang kinuha ko kahit papano yung plastic cover sa may tambayan bago ako umalis. Pero… define BASA. At since wala naman akong masakyan, naghintay ako ng masasakyan. Siyempre badtrip na ang lola niyo. Eh ano pa nga ba? Sino ba namang hindi mababadtrip eh mas mukha akong nagswimming kesa sa nagpunta sa isang group meeting? Tinext ko yung textmate kong si 222. Makita ko lang kung ano na ang balance ko… At pag swinerte ka nga naman. Piso. Piso. Kumikintab na piso na lang ang load ko. Well, swerte pa yun dahil at least may pangtext ako kay papa na sunduin ako dito sa Rob. Biglang nainterrupt yung pagtetext ko nung nakita kong tumatawag si Jet. “Hello?” “Ikaw nga. Sabi na nga ba ikaw nga eh.” “Ha? Anong pinagsasasabi—” And boom. Nagulat ako nung may naglagay ng jacket sa likod ko. JET?! Binaba ko na yung phone at nagtaka na natuwa na andun si Jet. Wow. Coincidence lang ba to o… Destiny? Siyempre charot lang yun.

Page 197: Tossed Coin

“Bat ka andito?” “Wala. Nagpapabili lang si mama ng pangkulay niya ng buhok. Eh wala yung gusto niya dun sa Robinsons sa amin. Sarado naman yung Hortaleza. Kaya dito na ko napabili.” “Ano yung Hortaleza?” “Basta yung shop na pinagbibilhan ni mama ng kung anu-ano. Eh ikaw?” “May group meeting kami.” “Ah… Eh bakit, mukhang galing kang swimming?” “Tumahimik ka nga. Tamo o, nasira na yung payong ko.” “Tsk. May extra akong shirt.” “Eh yung ang laki niyan sa kin?” “Kesa naman sobrang basa ka, diba?” Fine. Mukhang wala naman akong choice. Tama nga naman. Kesa mangisay ako sa lamig. Pumasok kami sa Robinsons tapos binihis ko yung shirt niya. Siyempre, basa yung pantalon ko. Pero at least yung pantaas ko comfortable na dahil hindi na basa. “O ano, sabi sayo eh.” “Makakauwi pa ba tayo ng buhay?” “Wag ka nga ganyan. Mas matindi pa rin yung nakaraang bagyo no. Lubog yung kalahati ng bahay. Tara, ako bahala sayo.” “Ano?” “Sabi ko, ako bahala sayo.”

Napangiti ako. Yung jacket na dapat suot niya, suot-suot ko. Yung dapat na payong niya para lang sa kanya, payong naming dalawa. Ayoko magpakahipokrita—OO KINIKILIG AKO. SOBRANG KINIKILIG!!! Naramdaman ko yung kaba at saya na magkahalo… So… Ano na to? Nakasakay na kami sa jeep, pero sobrang traffic to the point na wala pang kalahati pero nakatigil lang yung jeep. Wala namang bonggang baha, mga hanggang sakong lang. Humina naman na yung ulan, pero yun nga. Isang oras na kami nakaupo, wala parin sa kalahati yung natatahak namin. Narinig ko pa yung tunog ng chan ko. Sana pala nag heavy breakfast na ko. “Ano, lakad na lang tayo? Tapos bili na lang tayo kung sang tindahan jan?” Naramdaman ata ni Jet yung gutom ko. Hay. Tumingin ako sa labas. Marami naman na naglalakad. Para ngang may alay lakad na nangyayare eh. “Sorry ah.” “Bat ka nagsosorry?” “Eh wala. Nasama ka kasi sa kamalasan ko.” “Ano ka ba. Minalas ba ang tawag kapag nakita kita?” Natawa ako sa sinabi niya. Oo na. Ikaw na sweet. Ikaw na. “Buti nga nakita mo ko kundi baka nalunod ka na o kaya nagkapigsa ka pa sa pwet sa kahihintay.” “Kapal mo!” “O ano, tara?” Bumaba na kami ni Jet sa sasakyan. Mahaba-habang lakaran to sa isip-isip ko. Naguusap lang kami ni Jet habang nasa ilalim kami ng isang payong. Di ko maiwasang kiligin sa fact na nasa ilalim kami ng isang payong habang akbay-akbay niya ko. Well, hindi naman sa akbay na parang akbay magkasintahan… Yung akbay na nakahawak lang siya dun sa arms ko. Nagkwekwento lang siya tungkol sa mga bagay-bagay. Siyempre, ako din naman. Paraan lang siguro namin to para hindi mabore.

Page 198: Tossed Coin

Oo. Hindi nga ako nabore to the point na nakarating na pala kami sa intersection kung saan supposedly „bababa‟ si Jet. Ni hindi ko nga namalayan na maluwag na pala yung daan. “Ayos ah. Di ko namalayan na nawala yung traffic.” “Alam mo ba na ang ibig sabihin ng traffic ay flow ng sasakyan? Kaya nga hindi ko maintindihan sa tuwing nakakanood ako ng telenobela tapos ang irarason ng lalake eh „sorry traffic‟.” “Ikee. Nanunuod ng telenobela.” “hindi kasi yun yung punto ko.” “Oo na. Ikaw na ang maraming alam.” “Nakakatawa talaga.” “Bakit?” “Napanindigan mo yung pagiging swan mo ah.” Walangya. Nangaasar pa to eh! “Shaddap!” “Joke lang.” “O eto, jacket—” “Wag na. Sayo muna.” “Eh! Ano na lang iisipin ng mga magulang ko kapag nakita nilang may suot akong panlalaking shirt at jacket na hindi naman sa kin?” “Ano nga bang iisipin nila?”

Pinalo ko siya gamit yung sirang basang payong. Sige, mang-asar pa. “O? Anong ginawa ko sayo?” “Kung anu-anong iniisip mo!” “Wala naman akong iniisip ah. Baka ikaw meron.” And for the second time, pinalo ko siya ng mas lalo ko pang nasisirang basang payong. “Kawawa naman yang payong mo! Tigilan mo—Aray!” Strike three! “Para patas na tayo. Pareho na tayong mukang swan.” Napangiti kaming dalawa. “Sayo na yan. Kapag tinanong, sabihin mo nanghiram ka sa kaorg mong malapit sa school. Eh since yan lang ang kaya niyang maibigay, eh di yan lang.” “Salamat ah?” “Tss. Ayos lang yun ano ka ba. Kailangan mo pa ng payong?” “Hindi na. Meron naman ako… Though… Wasak na. Tsaka, ambon lang yan. Keri ko na yan.” “Sure ka?” “Sure.” Pinasakay niya ko sa jeep tapos nagbabay na ako sa kanya. Nakauwi naman ako ng bahay ng maayos. Fortunately, wala sina mama kaya hindi ko kailangan magexplain. Tinago ko na lang yung damit at yung jacket para ako na lang maglalaba. Nagpahinga ako ng saglit bago naligo at nahiga sa kama… Hindi ko maiwasang ngumiti kapag naaalala ko yung nangyare kanina. Kinuha ko yung cellphone ko para tingnan kung may nagtext. Kaso, wala. Siguro nakatulog na si Jet sa sobrang pagod… Ay! Oo nga pala! May extra pa pala akong piso… So anong gagawin ko? Itetext ko siya para sabihing „thank you‟? Ano… Ano ba? Gusto ko sulitin yung piso. Yung tipong lahat ng gusto kong sabihin, nandun na sa text na yun… Pero… Ano? Nakailang cancel na ko, pero hindi ko parin alam kung anong sasabihin.

Page 199: Tossed Coin

Recall… Recall… Recall… Napangiti ako at sakto, alam ko na kung anong itetext. Sana nga, nasabi ko lahat sa text na yun. After kong pindutin yung „ok‟, natulog na ko. Hindi ko maiwasang ngumiti kapag naaalala ko yung nangyare kanina. Salamat. Pahinga ka na. CHAPTER 31 [Twinkle] Natigil yung linggo ng ulan, pero hindi natigil yung pag-iisip ko tungkol sa nangyare. Aaminin ko. May mga oras na gusto kong kalimutan yung nangyare dahil… Naghihintay nga ako… Pero hindi ko alam kung hanggang kailan kakayanin ng puso ko ang maghintay.

Buti sana kung may natatanggap akong mga e-mail, kaso ni-isa wala. Buti sana kung pag-alis niya eh alam kong kami, kaso hindi. Wala. Wala akong idea kung kami ba talaga. Isang taon na rin ang nakalipas simula nung nangyare sa min. Lagpas pa nga kung tutuusin. Hindi ko maikakaila na parang unti-unti narin nawawala yung dati kong nararamdaman… Una dahil hindi man lang siya nagpaparamdam. Pangalawa dahil wala akong hawak sa kanya. Malay ko ba kung ang tingin lang niya sa naging relasyon namin ay joke lang? Nung hinalikan nga niya ko, sinabi pa niya na hindi niya alam kung tama yung gagawin niya eh. So parang, parehas kaming walang idea kung ano ba talaga kami. Pangatlo… Oo fine. Aaminin ko na. Susuko na sa barangay… Unti-unti ko na nagugustuhan si Jet. To be more correct, mas nagugustuhan. Hindi ko alam kung nasa lugar ako para sabihin na yung naramdaman ko noon kay Gab ay nararamdan ko na ngayon kay Jet. Masaya ako sa tuwing kasama ko siya… Naghihintay ako matapos yung araw para makasama ko sila ni Anya pauwi… Nagiging hyper ako kapag tinetext niya ako kahit yung simpleng „good night lang, tulog kang maigi…‟ parang—Hindi ako magpapakahipokrita para magsinungaling sa sarili ko… Kung dati eh alam ko na gusto ko si Jet… Ngayon, alam kong gustung-gusto ko na siya. Nasa tambayan kami ni Anya nun nung naglalaro kami ng chess. Panglipas lang ng oras dahil wala na kaming klase 1 pm pa lang. Nakakatawa dahil sabay-sabay yung mga prof namin na sinabing walang klase. “Siguro magbebest friend din yung mga prof natin no?” Nagtawanan kaming dalawa. “Check!”

Page 200: Tossed Coin

Talo talaga ako kay Anya pag dating sa chess. “Alam mo, ang ganda ng panahon ngayon. Tara, sunken tayo?” “Sure.” Nagsunken kaming dalawa. At oo, ang ganda nga ng panahon ngayon. Matapos ang ulan, eto, maaraw nanaman ulit. Nakakatuwa dahil hindi ganon kainit yung araw. “May itatanong ako sayo.” “Ano, kung gusto ko pa ba si Jet?” “Ang galing.” “Pang ilang beses mo na sa kin tinanong yan.” “Seryosong tanong.” “Seryoso din naman lagi yung sagot ko. Oo, gusto ko siya. Pero sa tuwing nakikita ko kayong dalawa, kinikilig ako. Naiisip ko nga paminsan, naiinlove ako sa love team niyo, hindi mismo kay Jet.” “Baliw. Eh bat dati? May paiyak-iyak effect ka pa jan.” “Wag mo nga ipaalala sa kin yun. Kinikilabutan ako pag naaalala kong nagaway tayo dahil dun eh.” “Actually ako din.” “Alam mo, nakakatawa. Nung hindi pa dumadating sa buhay natin si Gab, naaalala ko na sayo ko lagi tinutukso si Jet. Tapos ako, wala naman talaga akong pakielam. Ilang beses ko na nga sinabi sayo na nagpaparamdam na siya eh diba?” “Oo nga no.”

“Tapos bigla siyang tumawag—walanjo. So nung araw pala na yun—Grabe. Ang liit ng mundo. Yung Sef na kinolokohan mo nung high school ay yung step brad ni Jet na groupmate ko naman sa bio. Kulang na lang eh tahiin tayong apat eh.” “Mapaglaro lang talaga ang langit.” “Everything happens for a reason. Cliché pero totoo.” “Kung tutuusin… Dumating si Gab sa buhay ko kung kailan… Handa ko na kalimutan si Sef.” Tumingin sa kin si Anya tapos sumandal sa balikat ko. “Minahal mo si Gab. Minahal ako ni Gab. Mahal ko si Jet na mahal naman ang bespren ko. Tapos minahal ka na rin ni Gab na kapatid ni Jet na nagugustuhan mo na.” “San galing yun?” “Bakit hindi ba totoo?” “Haaay. Ang sarap gawing telenobela ng kwento nating apat no?” “Hindi din. Aminado naman akong hindi kami ni Jet ang magkakatuluyan. At lalong hindi kami ni Gab.” “Eh di sino?” “Wala. Ba malay natin. Sino pa bang bida sa sari-sarili nating kwento kundi tayo din?” Tama. Tama si Anya… “At nasa sa tin kung ano ang ending diba?” Kumanta lang kami ni Anya. Nagduet lang kami ng kung anu-anong kanta habang hinihintay si Jet. Dumating na ang 4:00, at sa wakas, natapos din siya. “Andito lang pala kayo sa sunken.” Tumawa kaming dalawa. “Haaaaay. Sarap ng buhay ng ganito.” Napatingin kaming dalawa ni Jet kay Anya. Si Anya yung nasa gitna naming dalawa. “Ang bilis ng panahon. Ano sa tingin niyo?” “Onga eh.” “Parang kahapon lang nung ang gulo-gulo ng buhay.” “A—Anya…” Nagulat ako nung bigla siyang tumayo tapos kinuha yung bag niya. “Kaya mo na yan Jet.” “H—ha?” “Wag kayong susunod na dalawa, kundi iba makakatuluyan niyo!”

Page 201: Tossed Coin

“Anya!” Pero wala. Tumakbo siya palayo sa ming dalawa. At siyempre, kaming dalawa lang ni Jet yung natira sa sunken. Mejo naiilang ako. Aba! Iwan ba naman kami ni Anya na ganito?! Gusto ko sanang sabihing „mukhang tayo na lang dalawa‟ pero duh. Malamang sa malamang. Ano ba dapat ang una kong sasabihin? “O bakit hindi ka sumunod?” “Ha?” “Bakit, gusto mong magkatuluyan tayo?” “H—ha?! Ano bang pinagsasasabi mo jan?!” Pinalo ko siya ng bag ko. Baliw. Baliw talaga to. Kumbaga sa anime, ako na ata yung merong red highlights sa cheeks. Ilang minuto kaming parehong hindi nagsasalita. Nakatingin lang kami sa lumulubog na araw at yung mga nagsosoccer sa field. “Jet, tingin mo ba… Babalik pa siya?” Nagulat siguro siya sa tanong ko, eh umiinom siya nun ng tubig kaya buntik na niya maibuhos. Natawa lang ako sa nangyare sa kanya. Siyempre, nung okay na siya, sinagot niya ko.

“Oo. Babalik yun.” Napabuntong hininga ako, tapos napatitig ulit sa mga nagsosoccer. “Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pag bumalik siya…” “Bat naman?” “Hindi ko rin alam kung bakit eh. Basta… Alam ko sa sarili ko na hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. Kung masaya ba… O malungkot… O galit…” “Hinihintay mo parin ba siya?” Nagulintang ako sa tanong ni Jet. Kahit paulit-ulit na yung mga tanong nilang dalawa… Paulit-ulit pa rin ako nagugulintang. “Paulit-ulit yung mga tanong niyo ni Anya…” “Sagutin mo lang.” “Ano kasi…” Napatingin ako sa mga damo. “Hindi ko alam. Sa totoo lang, kahit sinabi mong babalik pa siya, hindi ko alam kung totoo nga. Pano nga kung bumalik siya, pero wala na yung mga nararamdaman ko?” “So, nawawala na nga?” “Ang sama ko ba?” “Bakit naman?” “Nangako ako na maghihintay ako… Pero parang, hindi ko na ata kaya.” Gawain ko na yung magbunot ng damo kapag may kausap ako tapos medyo intense yung pinaguusapan namin. So mga 30% na ng damo sa paligid ko, wala na. “Nakakatawa dahil yung limang taon nakaya ko. Pero etong isang taon… Parang unti-unti akong napapasuko.” “Bakit?” “Wala.” “Impusibleng wala.” Sa likod ng utak ko, feeling ko, hinuhuli lang ako ni Jet. “Ikaw ba naman na iwan na hindi mo alam kung ano kayo diba? Wala. Halik. Yun lang. Yun lang! Parang isang araw lang ata yung romantic moment namin. Ni hindi nga niya ko sinabihan na mahal niya ko eh.” “Hindi mo ba naisip na…” “Na?” “Tingin lang niya DAPAT niya suklian yung pagmamahal mo… Kahit na… Hindi naman talaga yun yung nararamdaman niya?”

Page 202: Tossed Coin

“Naisip ko na yan nung nagpakaanti-social ako. Kaya nga madudukot mo na yung mata ko nung mga panahong yun kakaiyak ko.” “Alam mo, iba ang „minahal‟ sa „minamahal‟.” “Alam ko naman. Nag-aral ako ng verb tense no.” “Baliw.” “Siguro nga… Nababaliw na ko. Siya kasi eh… Pwede namang iniwan na lang niya ako na hindi niya ako hinalikan o sinabihan na maghintay ako. Eh di sana ngayon walang problema. Masaya siguro ako na walang hinihintay.” “Maging masaya ka dahil dumating siya sa buhay mo.” Napatingin ako sa kanya. “Dahil sa kanya, alam mo kung paano magmahal na walang kapalit.” Napangiti ako. Gusto kong sabihin na… Kahit may espesyal kang nararamdaman para sa kin, nasasabi mo parin yang mga bagay na yan? Hibang ka talaga. “Oo nga. Siguro dapat nga ako magpasalamat.” “Gusto ko nga din magpasalamat sa kanya.” “Bakit?” “Kung hindi dahil sa kanya… Hindi ko marerealize kung gano kaimportante yung nararamdaman ko na matagal ko na kinikimkim.”

Sa likod ng utak ko, „eto na, aaminin na niya‟. Pero lumipas ang ilang minuto, hindi parin siya nagsalita. Nakatitig lang siya dun sa padilim na langit. Napangiti na lang ako. Siguro kumukuha lang siya ng timing para aminin sa kin… Tumingin ako sa langit. ―Panahon na ba para pakawalan kita?‖ Umihip yung hangin. “Ha?” “W—wala. Tara? Padilim na rin. Baliw kasi yung si Anya. Sineset-up na lang tayo.” “O nga eh.” Pagtayo naming dalawa, nagulat ako… Bigla niyang… Hinawakan yung kamay ko. Napatingin ako sa ginawa niya. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko narin maalis yung mga kamay ko. Wala na… Nakaglue na. “Wala namang malisya diba?” Eh ano pa ba nga? Napangiti na lang ako hanggang sa naghiwalay na yung mga kamay namin. Saka tinitigan yung langit… Ano na nga bang gagawin ko? CHAPTER 32 [Stabbed]

Page 203: Tossed Coin

Hindi ko na mapigilan ang ngumiti nung mga sumunod na araw. Nahahalata naman yun ni Anya, to the point na lagi na nga kami nagtatawagan sa cellphone. Buti nga nauso ang unli call kundi baka namumulot na lang ako ng barya ngayon. Sabado nun, inimbita kaming dalawa ni Jet sa isang party. Inimbitahan lang din daw siya nung nakatrabaho niya sa isang tutorial center. “250?! WTH. Apat na kain ko na to sa mcdo eh!” “Sagot ko yung 50.” “Mahal parin.” “Girl, ticket lang naman yung may bayad. Free flowing drinks o.” “Buti sana kung zesto yung free, kaso alam kong hindi. Hindi ako malakas jan, alam niyo yun.” “Sayang, ipapakilala sana kita kay Cynch.” “Sino yun?” Nagtinginan kaming dalawa ni Anya. “Yung madalas kong nakwekwento?” “As far as I can remember, wala kang nakwekwento sa aming Cynch.” “Ay baka sa iba yun.” “So sino nga yun?” “Yung katrabaho ko nga nung nakaraang taon. Siya nga yung nagimbita sa kin dito eh.” “Hindi na lang ako pupunta. Hindi talaga ako maganyan eh.”

“Haaay. Nagpromise na ko. Tsk.” “Ayos lang naman yun.” Actually, ayos lang naman sa kin. So yun nga, si Anya at Jet lang yung pumunta dun sa party kuno na yun. Hindi naman ako naiinggit, kasi nagiging open at madaldal lang ako sa mga kaclose ko na. Pero sa mga ganong okasyon, napipipe ako. Pagkagising ko nung linggo, nagulat ako na ang dami kong missed calls galing kay Anya. Naghintay ako ng tawag, pero hindi naman siya tumawag nung linggo. So hinintay ko na lang ang Martes. At pagdating ng Martes— Hindi nagpapansinan si Jet at Anya. Ay mali, hindi pinapansin ni Anya si Jet. Anong meron? Umuwi kaming tatlong sabay pero naiipit ako sa away nila. Nagsosorry si Jet, pero honestly hindi ko talaga alam kung anong nangyare… Umaandar tuloy ang imahinasyon ko… Pano kung nalasing silang dalawa at— Pano kung… AAAAAH!!! No no no no no no! Please Lord, joke lang po yun. Imagination lang yun diba? Wag naman. Sa mga telenobela lang yun nangyayare, wag naman sa buhay ko. “Anya ano bang nangyare?” “Tanong mo jan sa boyfriend mo.” “H—ha?!” “Anya naman eh. Hindi nga!” “Anong hindi?!” End. Dumating ang Miyerkules at ganyan parin silang dalawa. Tinatanong ko naman si Jet kahapon pero ayaw niyang sabihin sa kin. Wala lang daw yun. Deep inside, nagseselos ako ng onti, pero anong ikaseselos ko? Alam ko naman yung ugali ni Anya. Nagiging honest naman siya sa kin… Nung andun na kami sa tapat ng boarding house niya, nagulat ako nung hinila niya yung kamay ko. “Tara, baba na tayo.” “H—ha?!”

Page 204: Tossed Coin

Nagbabay na ko kay Jet, pero si Anya hindi parin lumilingon. The usual way para maitakas ako papunta sa second floor ng boarding house nila. Nung nakapagsettle na ko ng gamit, nagulat ako nung sinakal ako ni Anya, siyempre yung pabiro lang. “A—Anya!” “Ugh! Naiinis talaga akooooo!” “Ano bang nangyare?” “Mapunta na siya sayo, wag lang dun sa bi-a-tch na yun!” “Sino?! May nangaway sayo?!” “Alam mo, yung Cynch na yun?! Ugh! Isa siyang duling na sakang na singkit na carrot! Spell malandi!!!” “T—teka. Ano bang nangyare?! Kumalma ka kasi muna.” So yun, pinakalma ko si Anya. Kumuha siya ng tubig tapos uminom. “So, anong nangyare?” “Ganto kasi yan. So yun nga, pumunta kami ni Jet dun sa party. Marami akong kakilala dun. And THIS girl, just came out of nowhere and KISSED him on his cheek!” Natawa ako sa reaksyon niya at pageemphasize niya nung mga salita. Hahahaha. Never ko pang nakita si Anya na ganito kagalit. Demure kasi tong babaeng to eh. “Gagsy! Beso beso lang naman yun.” “No it‟s not. Alam mo yung may tunog?!”

“Hayaan mo na yun.” Hindi ko talaga mapigilan ang tawa. “Woo, nagseselos ka lang eh.” “Representative mo ko.” “Asa.” “Hindi lang yun! Para siyang linta na laging nakadikit kay Jet! Nakakainis nga eh! Alam mo ba nakikipagsayaw ako kay Jet—oops wag kang magseselos dun ah.” “Baliw! Ano ba yang pinagsasasabi mo?!” “Basta. So yun nga, nagsasayaw kami, and then she suddenly butted in! Parang—WTH?!” “I swear, selos lang yan.” “Hindi talaga! Aynako. Wait until you see her. Nabadtrip talaga ako. At hindi lang yun…” “Ano?” “Kasama namin siya at yung friends niya. Yung isa nga niyang friend may gusto sa kin eh.” “Sabi na nga ba. Sa isang crowd, meron at merong magkakagusto sayo.” “Pero hindi yun yung issue. So yun, pinagmamasdan ko kilos nung lintang yun. Siya, yung dalawa niyang friend na guy, yung isang friend niyang girl, at isang gay. Though dalawa lang sila dun na kilala ni Jet.” “O tapos?” “She was tipsy already, I mean, I don‟t know if she‟s PRETENDING to be tipsy BUT she was TRYING to KISS JET ON THE LIPS!” Napatigil ako nung sinabi yun ni Anya. Pati yung dugo ko kumulo. Anong klaseng linta yan?! “Sure ka jan?!” “100%.” “Nagpahalik ba naman?” “Hindi. Kinarga niya sa likod para matahimik.” K—kinarga niya sa… likod? Nahulog yung mga balikat ko nung sinabi yun ni Anya. Oo, nagseselos ako. Bakit nga ba ako magseselos? Hindi naman kami. Pero… “Hitad yun ah.” “True!” “Joke lang. Ganon lang talaga pag nalalasing… Kung anu-anong ginagawa.” Dapat kong intindihin yung babaeng yun. Baka naman may problema sa buhay? Siguro… Tulad nung kay Gab… May problema siya nun kaya nahalikan niya ko… Napahawak ako sa mga labi ko ng wala sa oras.

Page 205: Tossed Coin

“Hui. Ayos ka lang?” “May naalala lang ako. P—pero ano?” “Anong ano?” “May nalaman ka ba kung may gusto yung Cynch na yun kay Jet?” “Sabi nung friend niyang si Louie, yung may gusto sa kin, meron. Halata naman daw, dun pa lang sa trabaho nila.” Napaisip tuloy ako. Gusto ko makilala yung Cynch na yun. The next day, nung sabay na kami ni Jet na naghihintay kay Anya, nilibre ko siya ng pepsi. “May hangover ka pa ba dun sa party?” “hindi no. Sana nga hindi na lang ako pumunta para hindi nagalit si Anya. Kasi naman eh. Sabing wala lang yun.” “Yung Cynch?” “Nakwento na niya sayo?” “Yep.” “Ano kasi… Wala naman talaga. Kaibigan lang turing ko dun…” “Hindi ko naman tinatanong.” Sa loob loob ko, napapangiti ako. Ang bad eh no? Tsk. Wag gagayahin ang lola niyo okay? “Eh… Wala lang.” “Halata naman sa pagkwekwento ni Anya na may gusto sayo yung Cynch na yun.”

“Sa totoo lang… Inamin naman na niya sa kin…” EH?! Bat ba ang lalakas ng loob ng tao ngayon?! Ako na lang ba ang napaghuhulihan sa lakasan ng loob?! “T—talaga? So, anong sabi mo?” “Wala. Sabi ko ayos lang pero hanggang kaibigan lang talaga turing ko sa kanya. Okay lang naman daw sabi niya…” “Ipakilala mo nga kami dun.” “Yun nga siguro yung mali eh. Hindi ko napakilala si Anya sa kanya.” “Aysows! Kaya naman pala!” “Bukas, ipapakilala ko siya sa inyo.” “Ows?” “Oo. Pero, ipagsorry mo nga ako kay Anya. Sayo naman makikinig yun eh.” “Nagtataka nga ako eh kung bat nanggagalaiti si Anya. Mas nagseselos pa siya.” “Bakit „mas‟?” OPS. Joke lang. “I mean, ano… Nagseselos. Siyempre diba mas may karapatan yung girlfriend mo? Unfortunately, wala kang girlfriend.” “Aaaaah.” Natawa ng bahagya si Jet, yung nangaasar na tawa. Pinalo ko lang siya sa braso dahil alam kong „natalo‟ ako dun. Anyway, nung pagdating ni Anya, siyempre ginawa ko na yung part ko. “Anya, bati na daw kayo.” “Hindi naman ako galit sa kanya.” “Woo hindi daw.” “Para sayo kasi yun, kaya ako nagalit.” “Magtigil ka nga. O ayan ah, okay na.” “At dahil jan, libre ko ang pamasahe hanggang katips.” “So dapat pala lagi akong nagagalit sayo?” Nagtawanan kaming tatlo tapos sabay-sabay na kaming sumakay ng jeep. Habang wala pa dun sa boarding house ni Anya, inopen na namin yung tungkol dun sa Cynch na yun. “Gusto daw makilala ni Chi si Cynthia.” “Wag na promise.” “Ano ka ba. Kaya siguro ganon yung nangyare kasi walang formal introduction.” “Fine. Sige para sayo. San ba daw?” “Talagang mainit yung dugo mo sa kanya. Mabait naman yun eh.”

Page 206: Tossed Coin

“Baka sayo. Anino mo yun eh.” “Tumigil ka nga. Gusto mo sama natin si Louie?” “Ayoko.” “Ikee.” “Tumigil ka nga.” “O so ano, ipapakilala ko kayo bukas ah?” “San?” “Sa metrowalk na lang.” “Metrowalk?! Grabe naman! Maharlika ba yang Cynch na yan?!” “Hindi naman. Kakasabi lang niya sa text eh.” “Wow ah. Ang bilis.” “May imeemeet pa daw kasi siya ata dun. Tutal Friday naman, okay naman siguro.” “Hindi ko ata kaya…” “May dala siyang kotse.” Napatingin kami ni Anya kay Jet. Pareho ata kaming nagrelease ng kidlat sa mga mata namin, at mukhang nasense niya yun. “O—okay lang naman sa kanya eh. Siya mismo nagsuggest. Gusto rin naman niya ikaw makilala.” “A—ako?” “Siyempre, gusto niya makilala yung karibal niya.” “A—Anya!” “Hindi ganon yun, baliw.”

Pagkababa ni Anya, natahimik na ko. Bat ako gusto makilala ng babaeng yun? “O ano, game na?” “Yeah. Mukhang ayos lang. Wala naman akong exam sa Sabado. Magpapaalam na lang ako kay Mama. Kaso… Wala akong savings.” “Ayos lang yun. Hindi mo naman kailangan gumastos ng malaki. Sagot ko na yung iba. Yung kaya mo, yun na lang ang gastusin mo.” Sa totoo lang, medyo nahihiya na ako. Pano, lagi na lang nila akong gastos. Paguwi ko sa bahay, nagpaalam ako kay papa. Usually kasi, si papa pinapayagan ako. Tapos si mama, medyo pasikut-sikot yung pagpapaalam ko. Sa dulo, pinayagan ako. Pero dapat, eight nasa bahay na ko. Hay. Wish ko lang no? Siyempre kailangan dumating ang araw na yun. Pinili ko yung pinakacomfortable pero at the same time presentable na mga damit. Nung una nagsuot ako ng dangling earrings tapos pinalitan ko din ng simple lang. “Bat ko ba kailangan magpaimpress sa babaeng yun?” Sabi ko sa salamin. Haha. Nakakabaliw pala ang ganito. So this is it. Fourth year college na ko—at nadadama ko na ang buhay sa labas ng school. Hinintay ko matapos sina Jet at Anya sa mga klase nila, saka kami nagkwentuhan at naglaro ng kung anu-anong boardgames kasama nung mga orgmates namin. Mga 6:30 na nung sinabi ni Jet na anjan na siya sa labas. Si Jet yung naunang naglakad tapos sabay kami ni Anya. Hindi ako natigil sa pagiging insecure ko. Si Anya naman no worries eh, maganda siya. Eh ako? Teka, bat ko ba kailangan magpaganda? Eh maganda naman ako. Chos. Sumakay na kami dun sa sasakyan niya. May kasama siyang isa pang babae na nakaupo dun sa tabi niya, di ko alam kung sino. Madada din yung babaeng yun. Nung nakasakay na kami dun sa likod, nagulat ako sa sinabi niya. “Jet, dito ka na lang sa tabi ko.”

Page 207: Tossed Coin

WOW. Kinalabit ako ni Anya. Para bang yung uri ng kalabit na „pigilan mo ko‟. “Hindi, ayos lang ako dito.” Nakita ko siyang tumingin dun sa salamin. “Siya?” “Sige jan lang ako sa harap. Iris, palit tayo.” For the second time, kinalabit ako ni Anya. Alam ko naman yung ibig sabihin ng kalabit na yun. Yung kalabit na „uuuy hindi sinagot ni Jet yung question niya‟. Natawa na lang ako deep inside. On the way, pinakilala na ni Jet kaming dalawa formally sa kanya at dun sa kasama niyang babae. “Anya, Cherry… Si Cynthia, yung nakatrabaho ko. Tapos si Iris, yung best friend niya.” “Hello! So kayo yung barkada ni Jet?” “Yup.” “It‟s kinda weird that your group of friends consists of girls.” Ehem. At inglesera din pala yung Iris.

“Well, what‟s wrong with that.” Lumunok ako ng laway. Ano to, girl fight? Si Anya pa naman yung uri ng tao na mabait kung sa mabait, pero pag binangga mo, patay ka jan. Sa loob loob ko, Anya… Wag ka na lumaban. Wala naman yang laban sayo… Pleeeeeaaaaase? “Wala lang.” “Sila kasi yung una kong naging close. Tsaka, yung org ko kasi halos lahat babae.” “Where are the other guys?” “Maybe they transformed. You know what I mean.” Natawa silang dalawa. Kaming dalawa ni Anya, nagkakapaan lang. Parang gusto na lang namin magpakastunt women at tumalon sa sinasakyan namin ngayon. “Which reminds me, diba wala ka pang girlfriend, Jet? NGSB?” “Wala pa eh.” “Baka naman—” Tapos nagtawanan silang dalawa. Sang school ba sila galing?! Parang galing sila sa isang Witchcraft school or something na parang ganon. Kasing tawa nila yung mga bruha sa sine. “Muntik na siya magkagirlfriend. Nung high school, diba Jet?” Okay, ang epal ko. Pero totoo naman. “Kwento naman!” “Ah wala. Ang epic fail lang kasi ng pagtatanong ko nun. Andun pala yung tatay niya sa likod.” “Aww. Poor Jetty.” JETTY?! “How bout you, Anya?” “Wala.” “Aww. Sa ganda mong yan? Bakit wala pa?” “Ayoko pa eh. Strict parents ko.” “Di na yan uso.” Nakita kong huminga ng malalim si Anya. Easy… Easy ka lang… “‟Bout you?”

Page 208: Tossed Coin

“A—ako?” “Nagka-bf ka na ba?” “Uhm… H—hindi ko sigurado eh.” “Bakit?” Nakita kong umiwas si Jet sa usapan namin. Tumingin lang siya dun sa bintana niya. Siguro, nakikinig lang siya. “Hindi ko kasi alam kung kami eh.” “What happened? He liked you… But?” WARNING. HIGH VOLTAGE. 10000 KILOWATTS. Gusto ko ilagay yun sa katawan ko para hindi na sila magtanong. Ano ba! Pakielaman ba daw ang personal kong buhay?! Close, close tayo?! SOMEONE! SAVE MEEEEE! “Umalis kasi siya dahil sa acads. Opportunity din yun.” “So he left you without knowing kung kayo na ba? Or baka ikaw lang yung nagaakala na kayo talaga?” Tumawa silang dalawa. Si Anya nag-ehem. Hinawakan ko yung hita niya para pigilan siya sa kung ano mang gusto niyang sabihin. Naisip ko…

Baka ako nga lang yung nagiisip na minahal niya nga ako? Totoo naman… “Hindi, minahal talaga siya ni Gab.” Napatingin kami ni Anya sa may pwesto ni Jet, pero hindi directly kay Jet, malamang nagulat kaming dalawa. “Malapit na tayo.” ONE POINT PARA KAY ANYA AT KAY CHI! Deep inside natatawa ako dahil ang layo ng sinabi ni Cynch dun sa sagot ni Jet, to the point na in-on pa niya yung radyo. Feeling ko kasi, gusto lang nila ako ipahiya *girl instincts*. Malamang nasabi na kasi ni Jet na may gusto siya sa kin *chos*. Pero malay mo, hindi. Hindi ko alam pero mukhang hindi na metrowalk yung pinuntahan namin. Eastwood na ata? Ewan ko. Basta, sa isang bar kami napadpad. May mga nagsasayaw. Parang ako—eh?! Hindi ako ready! Dala dala ko pa yung backpack ko sa school. Eh si Jet at Anya ayos lang dahil maliliit lang yung bag nila. Pagtingin ko sa relo, 8 na. Susme. Kailangan nasa bahay na ko by that time pero hindi… Nandito ako kasama ng mga hitad na to, ni Anya at ni Jet. Pinakilala kami ni Cynch dun sa mga kaibigan niya. Mejo awkward, dahil alam kong parang di ako-in. May mga mata na kay Anya nakatingin, no wonder, maganda bff ko eh. Yung ibang babae nakatingin kay Jet, no wonder dahil may dating naman siya. Sa kin, walang nakatingin. “Chi, samahan mo kong washroom.” Sinamahan ko si Anya sa washroom. Wala namang tao dun, so dinaldal ako ni Anya. No doubt, alam ko yung pakiramdam niya. “Sorry, but let me just say this—BI-A-TCHES! Nakakainis sila! Halata namang may lihim silang galit sa tin!” “Mga insecuribels lang yun sayo.” “Sa kin?! Baka sayo.” “Sa kin? Eh mukang lamok lang ako sa kanila eh.” “Sira. Halata sa kanila na type nila si Jet, lalo na yung Cynch na yun?! Ay nako. Siguro alam nila na may gusto sayo si Jet. Simple ka kasi, hindi tulad nila. UUUUUGH!!!”

Page 209: Tossed Coin

Yun din ang nasa isip ko. Bumalik na kami dun sa upuan nila. Binulong ko kay Jet na 15 minutes na lang ako tapos kailangan ko na umuwi. Wala naman daw yun problema. Sumasayaw si Anya kasama nung ibang kaibigan ni Cynch sa dance floor. Marunong naman ako pero… Hindi kasi ako socially inclined tulad niya. Si Jet? Nawawala. Hindi ko alam kung nasan. Uminom ako ng shake nung narinig ko si Cynch. “Well at least hindi ako lumalandi sa magkapatid diba? Alam mo, yung mga ganong uri ng babae yung pinakakinaiinisan ko. Those type of girls na di naman maganda, pero ang lakas ng loob lumandi?!” Pinabayaan ko lang siya. Hindi ko rin alam kung nagpaparinig lang. This was supposed to be a „friendly‟ formal introduction, pagkakaalala ko… Pero hindi ko alam kung bakit kumukulo na yung dugo ko ngayon. Naisip ko, hindi dapat ako magalit kung hindi ako guilty… Tama… Hanggang sa…

―Ewan ko nga kung bat nagustuhan ni Jet yung tulad niyang hitad.‖ Nilapag ko yung inumin ko. Gusto ko na kumalma pero… Lumagpas na siya sa linya niya. CHAPTER 33 [The Silence that Speaks] Huminga ako ng malalim bago ako makatayo. At bago pa man ako makapunta sa dapat na destinasyon ko… Dumating si Jet. “O san ka pupunta?” Nakatungo lang ako nung mga panahon yun dahil ayokong ipakita kay Jet na naapektuhan ako. Pero mukhang napansin din niya nung mistulang naging patak ng ulan yung luha ko sa kamay niya. Shoot. “Ch—Chi?!” Inangat niya agad yung ulo ko. At marahil, nakita niya yung labi kong kinakagat ko, yung mga kilay ko na nagsalubong, at yung mga naluluhang mata na hindi makatingin sa kanya. “Ui! Anong nangyare sayo?!” Tumutulo yung luha ko pero pinupunasan ko lang. Oo, walangya. Nasaktan ako ng lintang yun. Teka, bat ba ako nasaktan… Eh hindi naman yung totoo yung mga sinabi nila… Di ba? ―Well at least hindi ako lumalandi sa magkapatid diba? Alam mo, yung mga ganong uri ng babae yung pinakakinaiinisan ko. Those type of girls na di naman maganda, pero ang lakas ng loob lumandi?!‖ Wala na akong naririnig kundi yung mga sinabi ni Cynchahas. Wala na… Galit na ko, at kung anu-ano na ang mga nasasabi kong hindi maganda sa loob ng utak ko… Talaga bang…

Page 210: Tossed Coin

“Chi, ayos ka lang ba?” “Jet, gusto ko na umuwi.” “O—o sige. Tawagin ko lang si Anya” Kinuha niya yung bag ko at yung bag niya tapos tinawag na niya si Anya. Nung nakita ako ni Anya na nakatayo, hinawakan niya agad yung braso ko tapos pinilit niya kong humarap sa kanya. Ano nga ba ang laban ko na 5‟0” na babae sa isang 5‟4” na babae at 5‟7” na lalake? Boom. Nakita niya ang naiiyak kong mukha. Nung nakita ako ni Anya na ganon ang ichura, uminom muna siya ng isa tapos nilabas na niya ko. Si Jet, nagpaalam pa ata dun sa impakta—este—kay Cynch. Nung kaming dalawa lang ni Anya, pinipigilan ko parin yung galit at lungkot. Pero patuloy pa rin yung luha… Ngayon, alam ko na ang feeling na may isang Laviña sa buhay. Pumunta sa banyo sa malapit na mall. Nagtext na siya kay Jet na dun na lang pumunta. “Anya…” “Bakit, ano nangyare? Pinagalitan ka na ba ng mama mo?” “H—hindi…” “Eh ano?” “Malandi ba ko?”

“H—ha?!” Wala pa akong naeexplain, niyakap na agad ako ni Anya. Siyempre ako naman, natulo agad yung luha ko. Naiinis ako sa kanila, pero mas naiinis ako sa sarili ko… “Narinig ko si Cynthia kanina. Memorize ko pa nga eh… Sabi niya, lumalandi ako sa magkapatid pa… Eh hindi naman ako maganda tapos ang lakas ng loob kong lumandi…” “As in ikaw talaga? Sinabi niya yung pangalan mo?” “Nung una pinalampas ko lang kasi baka naman hindi ako… Hanggang sa marinig ko na bakit nga ba daw nagustuhan ni Jet yung tulad „niyang‟ hitad… Eh sino ba yung tinukoy niya?! Okay… Ang feelingera ko ba—inassume ko na agad na ako yun? Eh kasi hindi daw maganda… Eh maganda ka naman—” “Tumigil ka na Cherry Anne Recalde Celeste… Please? Maganda ka sa sarili mong paraan, kaya ka nagustuhan ni Jet at ni Gab—” “Gusto nga ba? Eh baka nagfeefeeling lang ako. Si Gab umalis na hindi ko naman talaga alam kung ako nga ba o ikaw parin…” “Please naman Chi—” “Tapos si Jet wala namang sinasabi—” “Alam mo, ayoko pangunahan si Jet… Pero halata naman eh. Alam ko namang halata mo rin. Ewan ko ba jan kung bakit ayaw pa umamin.” May pumasok sa banyo na kung sino kaya pinunasan ko yung luha ko. Napangiti na lang ako para hindi naman ganon kascandalosa yung dating. “Tara, baka naghihintay na si Jet.” “Sinabi ko puntahan niya tayo sa tapat ng starbucks.” “Tara?” “Okay ka na ba?” “Tingin mo?” “Hindi pa.” Lumabas kami ng banyo at pumunta dun sa starbucks. Nung nakita namin si Jet, andun si Cynch. Gusto kong sumigaw na „Linta!‟ pero siyempre ang childish naman nun diba? Never mind na lang. Ayoko din naman ng away. Bahala na sila sa gusto nilang isipin. “Alis na kami.” “I hoped you enjoy the night.” Oo, nagenjoy talaga ako sa pagsira mo ng gabi ko at sa pagtapak mo sa katauhan ko. “Fifteen minutes pa lang, are you sure you don‟t like to stay longer? What‟s wrong with her?” Napairap ako dahil sa sinabi niya na akala mo eh may concern pero kinontrol ko na lang yung galit.

Page 211: Tossed Coin

“Napagod lang.” “Ah I see.” Tumalikod ng konti si Anya, saka bumulong… “Tama. Sa kakatawag sa kanya ng hitad, eh yung tumatawag sa kanya ng ganon eh worse pa dun.” Binigay sa kin ni Jet yung phone ko dahil nagvivbrate. Pagtingin ko, si mama. Eh mga 8:30 na ata nun. Kailangan ko na talaga umuwi kundi hindi na ko palalabasin sa susunod. “Sige, kailangan na talaga namin umuwi.” “Okay bye, Ingat sa pag-uwi, Jet, Anya and—what‟s your name again?” “Cherry.” “Ayun, Cherry. Sige, bye! Ingat.” Bago kami umalis, nakita ko na hinalikan niya si Jet sa pisngi. Hindi yung beso beso… Talagang yung may tunog, katulad nga nung sinabi ni Anya. Now I know how Anya felt during the party. Habang naglalakad kami, naramdaman ko na hindi na mapigil ni Anya yung galit. So ako na yung nagstart ng conversation.

“Ayos ha. Pahalik-halik na lang sa cheeks. Chickboy ka na talaga.” “Hindi bagay sayo ang magjoke kung ngongo ka.” “Grabe ka naman. Anong ngongo? At anong joke sa sinabi ko.” Hindi pa man nangalahati yung inumpisahan kong topic, sumingit na si Anya. “Next time pumili ka ng mga pakikisamahan mo, ha, Jet?” “Bakit ano bang nangyare?” “Anya…” “Cherry, wag mo ko pigilan. Sa tunay na buhay, mas masaya kung si Mara kahit papano eh lumalaban at hindi lang basta yung tinatago lahat ng ginagawa sa kanyang kabitchesan ni Clara. Though it may seem childish, kailangan natin to isumbong kay Jet.” “Ano ba talagang nangyare?” “Alam mo ba na tinawag ba naman ni Cynthia na hitad si Chi?!” “A—ano?! Seryoso ba yan?” “Gusto mo malaman kung anong sinabi niya?” “Ano?” “Na nilalandi ni Chi kayong magkapatid. Na hindi na nga daw maganda eh ang lakas ng loob na lumandi. At ang finale, kung bakit mo nagustuhan ang tulad niyang hitad—SEE?! Salamat na lang sa kanya, ang ganda ng gabi ni Chi eh.” Tahimik lang ako nun habang hawak hawak yung strap ng backpack ko. Nagulat ako nung biglang pumunta sa harap ko si Jet. “Sinabi talaga yun ni Cynthia?!” “Ayos ka Anya ah, namemorize mo yung sinabi ko kanina?” “Ui, Cherry.” “Oo na, eavesdropper na ko.” “Sagutin mo ko. Sinabi talaga niya yun?” “Malakas yung boses niya kaya narinig ko—o ewan ko kung nagpaparinig.” Hindi ko sinagot ng derecho yung tanong niya. Pero alam ko namang gets na niya yun. Naging busy siya sa kakatext habang on the way home naman kami. As usual, mauunang bumaba si Anya. Gusto ko ngang umiyak nung bumaba si Anya eh. Pero yun. Anyway. Nung kaming dalawa na lang ni Jet, medyo mga fifteen minutes away bago siya bumaba, bigla siyang nagsalita. “Sorry.” “Bat ka nagsosorry?” “Wag mo na yun pansinin. Hindi naman totoo. Tsaka, tinext ko na siya. Sabi ko na hindi ko gusto yung ginawa niya. Nagaaway na nga kami sa text eh.”

Page 212: Tossed Coin

“O? Anong sabi? Sigurado ako na sumbungera‟t chismosa na yung tawag niya sa kin.” “Hayaan mo siya. Hindi ko naman alam na ganon yun. “Ano nga sabi sa text mo?” “Sabi niya wala daw siyang sinabing ganon.” “Ayos ah. Biglang hugas kamay.” “Naniniwala naman ako sayo. Tsaka sa inyong dalawa, mas kilala kita.” “Sorry. Pati tuloy yung relationship mo sa katrabaho mo…” “Ano ka ba. Planado na yung gagawin ko pag nagkita kami.” “Ano?” “Baka magparinig rin ako na ayoko sa mga sinungaling at mapanghusga.” “Benta ka.” Nagtawanan kaming dalawa sandali. Pero sa totoo lang, worried ako. Sa isang gabi, may tinuring siyang kaibigan na nawala. “Tsaka, buwan lang nung magkakilala kami. Di ganon katagal.” “Nagtatrabaho siya pero mayaman siya? May kotse pa nga eh.” “Hindi ko din alam. For experience siguro.” “So ilang beses na kayong lumalabas na parang ganito?” “Kung yung parang sayawan, dalawang beses. Yung party na kung san pumunta din si Anya tapos eto. Pero kung sa lahat lahat, mga di lalagpas ng sampu. Pero hindi kaming dalawa lang. Grupo kami kung kumakain.” “Dun ka ba nagtatrabaho ngayon? Dun sa tutorial center kung san magkasama kayo?” “Hindi. Sa iba na. Yung dati kasi grupo grupo yung tinuturuan. Yung ngayon, paisa-isa. Mas kumportable ako dun

sa ngayon.” “Ah. Pero tinetext ka pa rin niya?” “Oo. Minsan.” “Ineentertain mo naman?” “Hindi lagi.” Napatingin ako sa oras. Shoot. 9:30 na. Patay talaga ako kay mama. “Mabait naman yung pagkakakilala ko sa kanya.” “Mabait naman siguro talaga… SAYO. Siyempre, gusto ka niya… Tsaka alam mo naman sa espiritu ng alak kung anu-ano nasasabi. Teka, nakwento mo ba yung sa amin ni Gab?” “Oo… Sorry… Eh napagkwentuhan lang naman nung tinatanong niya ko tungkol sa…” “Sa?” Tumingin siya sa labas ng jeep saka niya sinabing… ―Sa… Babaeng gusto ko…‖ Silence. Nailang ako nung mga oras na yun. Pero hindi ko alam kung bakit may tendency talaga ako magbingi-bingihan… “Ha?” At may tendency talaga siyang ibahin yung narinig ko na—tulad parin ng dati. “Sa kapatid ko sa labas, sabi ko.” Ayoko na magfollow-up question or mangusap. Napagod na ko nung gabing yun. Hindi na rin siya nagexplain. Dun natapos ang araw ko… Sapat na yung sinabi niya para maging okay ako. CHAPTER 34 [I Hate This Chapter] Pagkatapos ng araw na yun, hindi na ko tinantanan ni Cynthia. Nakakatakot dahil kulang na lang eh makatanggap ako ng death threats galing sa kanya. Joke. Well, hindi naman. Naiinis lang ako sa mga text niya na hindi ko na pinapansin. Nagulat nga ako na alam niya yung number ko. Siguro kinuha niya kay Jet noon pa. Hindi naman yun ibibigay ni Jet sa mga panahong ganito eh.

Page 213: Tossed Coin

Mga text na tipong… Cherry, bakit mo ko siniraan kay Jet?! Do you know what OUR friendship means?! Eh bakit yung sa amin hindi mo maintindihan?! Umiyak ka pala eh, nasaktan ka pala sa sinabi ko. Why, totoo?! Sana hinarap mo na lang ako kesa nakipagplastikan ka sa kin nung bandang huli. Ako pa ngayon ang plastic?! Nasisiraan na ata to ng bait. Eh siya nga tong parang wala lang nung hinarap niya ako nung bandang dulo eh. One time, stinalk ko siya sa fb. Eh viewable by everyone ata yung page niya eh. So ako naman, stalk. Aba, ang first status niya ay: AFFECTED KA MUCH?! OA MO. Pinagtotoppings ka lang naman sa cake. WHATDA?! Kumulo talaga yung dugo ko nung nakita ko yun. Tapos yung isa naman niyang comment sa same wallpost niya… Parang sinagot lang ata niya yung nagtanong sa kanya ng „what happened? Sino yan?‟

Wala. May isang nobody na umentra sa buhay ko. Ako tuloy yung nagmukang masama. Gusto ko na nga sugurin eh. Joke. Haha. Angel parin ako no. Ang OA niya as in. NOBODY?! Bakit, ikaw naman talaga a?! In the first place, hindi mo dapat sinabi yun. OA na pala ngayon ang umiyak pag may nasabi sayong kaoffend-offend no? Tapos may isa pa siyang comment kay Jet. Jet, I‘m so sad… Okay… Kalma lang—pero naguumpisa na talaga pumutok yung veins ko. Eto pa ang malala. In a relationship pala siya. Okay… So sinong malandi ngayon?! Eto pala ang feeling ng may kaaway at may kontrabida sa sarili mong buhay. Hindi ko nga inaccept yung invitation niya sa fb eh. Eh member pala yun ng soro. Hindi naman ako natatakot, dahil wala naman akong ginagawa sa kanyang masama. Asar. Hindi ko maintindihan yung ugali ng babaeng yun eh. Pero kung may taong hindi ko talaga naintindihan… Marahil si Jet yun. Siguro dahil natatakot siya na baka galawin ako ni Cynthia or anything, kaya minabuti na lang niya lumayo. Hindi ko nga lang maintindihan dahil kung talagang gusto niya ko, imbis na lumayo eh proprotektahan niya ako, diba? Magkasabay kami ni Anya umuwi nun. Hindi pa nagpapakita si Jet eh. Siyempre malungkot ako na hindi ko siya nakikita. Babalatan ko yung Cynthia na yun pag nagkalakas ako ng loob. “Alam mo, hindi ko siya maintindihan eh. Eh kung gusto niya ko, diba dapat mas andito siya para protektahan ako? Wala naman akong pake kung magkasabunutan kami nung Cynthia na yun eh.” “Bes, kilala mo naman akong hindi nananabunot at hindi palaaway. Pero kung sakaling kailangan mo ng back-up, nandito lang ako. Nakita ko nga yung mga sinabi mong fb wallposts. She‟s too much. Pwede mo kong ihire in case you need a killer.” “Thanks. Pero… Si Jet? Eh kung mag sit-in kaya ako sa class niya tapos kausapin siya?” “Naks naman. Nakamove on ka na?” Move on?

Page 214: Tossed Coin

Hindi ko alam sa totoo lang. Pero, oo. Gustung gusto ko si Jet. May mali ba dun? Hindi ko alam kung mali nga yung ginagawa ko dahil hindi ko naman alam kung kami talaga ni Gab. Kahit wala si Gab sa tabi ko, para bang hinahabol ako ng nakaraan. Nagsit-in ako sa isa sa mga klase ni Jet. Nakita ko siya, nagulat nga yun eh. Tinabihan ko siya saka ako ngumiti. Tahimik lang ako, plano ko siyang kausapin pagkatapos ng klase. Nakinig lang ako buong klase, pero ni kalabit hindi niya ginawa. Matapos ang klase, sinundan ko siya palabas ng room tsaka ko siya kinausap. “Bat mo ko iniiwasan?” “Nag-aalala lang ako.” “Nag-aalala? Saan?” “Eh diba nakakakuha ka ng mga banta ni Cynthia?” “So ano, yun na lang? Matatakot na lang ako, ganon?” Natahimik si Jet, at di siya makatingin sa kin. “Siguro nga, mali ako.” “A—anong mali?” “Mali na buksan ulit ang puso ko.” Tapos umalis na ko.

Gusto kong umiyak, pero bat ako iiyak? Yun na nga siguro ang katapusan. Hindi ko naman hinihiling na maging kami ni Jet. Ang gusto ko lang, may gawin siya. Wag niya tapusin yung pagkakaibigan namin dahil natatakot siya na baka tuklawin ako ni Cynthia. Umuwi ako ng maaga at di sumabay kay Anya dahil bad trip ako. Nakailang tawag na sa kin si Jet, pero di ko sinasagot. Mananadya pa ako sa fb na magrereply ako sa lahat maliban lang sa kanya. Hindi ako galit, bad trip lang. Tumawag ako kay Anya para ikwento yung nangyare. Asar na asar lang naman ako. “Ewan ko ba.” “Kinikilig ako para sayo.” “Ewan ko sayo Anya. Kinikilig ka na nagagalit ako?” “Baka naman, in love ka na?” “Impusible. Alam mo kung sinong gusto ko, diba?” “Alam mo, niloloko mo lang sarili mo. Buhusan kita ng muratic nang matauhan ka eh.” Nung sumunod na araw, Friday yun, maliwanag pa sa sikat ng araw ang katotohanan na parang ang saya-saya ng org. Hindi ko alam kung bakit, pero nakapink lahat sila, yung paborito kong kulay, tapos isa-isa silang may hawak ng santan, ang paborito kong bulaklak. “Anong meron?” “Wag ka na magtanong.” Ngumiti si Anya saka binigay sa kin yung santan niya. Nagulat nga ako nung pati yung mga bata sa may vinzons eh binigyan ako ng santan. Tumingin ako sa paligid, pero wala akong makita. Kahit wala akong makita, alam ko kung sinong may pakana nito. Nagyaya na magkaraoke yung isa naming orgmate. Okay lang, dahil Friday. Pagkalabas namin sa Educ, nagulat ako nung andun si Jet, tapos may dala-dalang… ICE CREAM?! Isang gallon ata yung dala niya. Nag „uuuuuy‟ lahat ng orgmates ko at tinulak-tulak ako papunta kay Jet. Ako naman nakailang „ano ba!‟ ako habang nakangiti. Eh pipigilan ko pa ba? “O para san yan?” “Sorry?” “Bat ka nagsosorry?!” Sumigaw yung isa kong orgmate na „kiss na kasi, pakipot eh!‟ sabay tulak sa kin ng isa pa. Natatawa na lang ako dahil parang ewan ang nangyayare.

Page 215: Tossed Coin

Pagkasakay namin sa jeep, lahat sila hindi tumabi sa kin. Si Anya nga, tawa ng tawa. Mga walangya talaga tong mga to. Eh siyempre siksikan sila sa isang side. Si Jet yung huli nilang pinasakay, kaya no choice, si Jet yung nasa tabi ko. Inoccupy na namin yung upuan unti-unti sa may karaoke, hoarding nga eh. Benta yung mga orgmates ko, ang lakas ng personality nila—inubos nga nila yung ice cream eh! Ako naman, nahihiya, pero nakisunod na lang. Si Anya yung pumipindot sa may karaoke. Mga naka limang kanta na ata. Nanonood lang ako dun sa may tekken part, kasi trip ko si Asuka Kazama. Anyway, so yun. Nagulat ako nung maya-maya tinawag ako ni Anya via mic. “Asan yung bespren ko?! Chi?! Cherry Celeste?!” Sira ulo. May nahithit siguro to kaya naadik ng ganito. Pumunta naman ako dun. Nakita ko yung sarili ko na nasa mapanganib na sitwasyon. Nagpapalakpakan sila na kumanta si Jet. Kasi alam niyo yun, gwapo talaga yung boses niya. Pano ko ba to sasabihin? Basta yun. Kung anong kinagaling niya sa pagkanta, siya namang ikinabano niya sa sayaw. “Tumigil nga kayo.” “Dali na. Duet kayo ni Cherry.”

At talagang dinamay pa ako. Tama yan. Wala pang isang minuto eh sinisigaw na nila ang „Cherry-Jet! Cherry-Jet!‟ daig pa nila yung mga nagrarally para babaan ang gasolina. Una akong tumayo, tapos nagsigawan silang lahat. Tapos tumayo na rin si Jet. Nagsigawan sila nung magkatabi na kami dun sa may upuan, mga baliw talaga tong mga to. Nakangiti lang ako na natatawa, samantalang si Jet kinakausap si Anya sa kanta. Nakakatawa dahil parang nagaaway pa sila sa kung anong kakantahin namin. Naghihintay lang ako. Nung tumunog na yung instrumental, lalo pa silang naghiyawan. Pati nga yung nagtetekken nakita ko na pumunta sa may side namin. Hindi na lang ako humarap para hindi ako nakikita. Ehem. Nagulat nga lang ako nung narinig ko na yung boses ni Jet. Ang tagal na ata nung uli ko siyang narinig kumanta… I was a man who always played around in love So quick to take but so afraid to give enough Hindi naman. But now I found the one And heavenly will only know What only my eyes can say Time can take away I was a girl who trusted no one with my heart Simula nung umalis siya… And the dreams that young girls dream Was just vanishing in the dark But now I found the one Nakita ko na nga ba? Siyempre joke lang to. Kinakanta ko lang naman… And heavenly will only know What only my eyes can say

Page 216: Tossed Coin

They say… Habang kumakanta, naiisip ko din kung ano bang nararamdaman ngayon ni Jet na ngayong kumakanta ako kasama niya. Dahil ako, walang duda na masaya ako. I will (I will) take you (take you) forever And there will never be anyone else in my heart but you And I will (I will) take you (take you) forever And there will never be anyone else but you Anyone else but you… Habang nagchochorus, mas malakas pa sa hiyawan ng mga orgmates ko yung karaoke. Si Anya, nakita kong nangingisay sa kilig sa amin. Ewan ko jan. Now my heart belongs to you Now I‘ll always be your best friend Naisip ko tuloy kung eto na ba yung pagamin niya sa kin. Now my secrets are safe with you And the magic will never end Kahit kailan naman, natatago niya mga sikreto ko na ako mismo ang bumubunyag…

Now you are the one And heavenly will only know What only our eyes can say They say… I will (I will) take you (take you) forever Si Anya biglang lumapit… And there will never be anyone else in my heart but you At pinaghawak yung kamay naming dalawa— And I will (I will) take you (take you) forever Siyempre lalong nagsigawan dahil… And there will never be anyone else but you Wala namang bumibitaw sa aming dalawa. Anyone else but you… Anyone else but you… You… You… You… Lumakas yung sigawan… At yung growl ng dinosaur sa chan ko. I will (I will) take you (take you) forever And there will never be anyone else in my heart but you Now I will (I will) take you (take you) forever (forever) There will never be anyone else but you (Anyone else but you…) Sa wakas, matatapos na yung kanta, pero yung mga hiyawan eh hindi pa. Gusto ko na bumitaw dun sa pagkakahawak niya, pero hindi ko din alam kung bakit parang kinakabahan ako na ayoko tuloy bumitaw. Hi—hindi sa gusto ko na… humawak pero… I will girl take you forever… (I will take you forever…) by your side I won‘t leave you never… Basta parang nakadikit na lang.

Page 217: Tossed Coin

I don‘t need anyone else but you… I will (I will) take you (take you) forever… I will (I will) take you (take you) forever… Hanggang sa huling segundo ng pagkanta namin, kinikilig lahat ng tao. Siyempre, binitawan ko na yung kamay ni Jet dahil tapos na ang palabas. Palabas na kahit papano… Ayokong matapos… Pero kailangan. Pumunta ako sa banyo dahil sobrang naiihi ako sa kilig at saya. Oo, totoo naman. Parang ang kulay ng buhay ko ngayon. Nakakatawa lang na hindi pa umaamin si Jet sa kin. Kapal eh no? Pero hindi naman ako manhid, at ayokong magmanhid-manhidan. Minsan kasi parang shunge eh. Magkakagusto ka, tapos magaassume ka na may gusto din yung taong nagugustuhan mo sayo dahil parang may double meaning pero wala pala talaga. Siyempre, matututo ka sa pagkakamaling yun, kaya sa susunod na may lalakeng parang nagsweesweet-sweetan sayo, iaassume mo na wala lang yun—pero yun pala, meron na talaga. So sinong may kasalanan? Wala. Paglabas ko ng banyo, nagulat ako na andon siya, nakasandal lang sa pader. “O, bat ka andito?”

Pumunta ako sa harap niya. Nakakatawa yung itsura niya dahil hindi siya makatingin sa kin at napakamot pa siya ng ulo. “Nagbanyo lang din ako.” “Weh? Sinundan mo lang ako eh.” “Halata ba?” Natawa na lang ako sa sinabi niya tapos pinalo siya sa braso. “Sira ulo ka.” “Ano… May aaminin sana ako.” Naghintay ako na nakangiti. Sa isip-isip ko, eto na… Aamin na si Jet sa kin. Tapos bigla siyang natawa, hindi ko alam kung bakit. “Peste… Peste ka Jet… Bat tinotorpe ka bigla?!” “Nababaliw ka na. Kinakausap mo na sarili mo.” “Onga eh.” “Eh bakit?” “Ano…” Inayos niya yung jacket niya saka kinamot niya yung sa parte ng noo sa may gitna ng mga kilay niya. ―Hindi ko kasi masabi na mahal kita.‖ Sa loob loob ko, PUUUUUUUUUUUTOOOOOOOOOO! Nakakakilig, nakakakilig… NAKAKAKILIIIIIG! Pero kailangan kumalma… Kailangan— Pero hindi ko talaga kayang kumalma sa loob loob ko—WAH! “Ay takte… Nasabi ko na pala.” Ngumiti lang siya, eh sino ba naman ako para hindi balikan ang mga ngiti niya? Eh kahit yung paa, tuhod at balikat ko nakangiti eh. OKAY. Inhale, exhale… Ano ba dapat sasabihin ko? “Alam mo…” “Bakit?” “Hindi ko talaga magets kung bakit mo ko nagustuhan. Eh… Hindi naman ako maganda.” “Hindi ko din alam. Basta nagising na lang ako na mas maganda ka na kay Angel Locsin at Marian Rivera.”

Page 218: Tossed Coin

Natawa ako sa sinabi niya. Kahit kailan baliw talaga tong lalakeng to. “Average lang ako.” “Paanong average ba?” “Average… Hindi maganda… Hindi matalino…” “Yung tama lang para magustuhan kita?” “Tigilan mo ko.” Bwiset dahil hindi ko na mapigilan yung mga ngiti ko. “Wala akong… Dibdib.” “Baliw ka ba? Sinong may sabing kailangan ko nyan?!” “Mataba legs ko. Mapeklat pa. May singko ako, di ako matalino.” “May kwatro din naman ako. Naremove ko nga lang. Alam mo, kung lalaitin mo lang sarili mo sa harap ko, tumigil ka na.” Nakatingin siya sa mga mata ko, mga three seconds tapos napaiwas na rin siya. “Pareho tayong hindi perpekto, kaya ayos lang sa kin.” Lord, sabihin Mo sakin, naging mabait ba ako lately? “Hindi naman talaga ganito kagusto noon eh. Yung FI?! Sinabi ko lang yun dahil ikaw yung unang nakita ko nung

napalingon ako. Nakikiride lang ako sa mga nagaasar sa kin. Basta nagising na lang ako na parang gusto kita makita, gusto kita makausap… Tapos lumala…” Nakatingin lang ako sa mga mata niya, pero siya naman, hindi niya ako matignan. “Kumbaga sa isang fairtytale… Hindi ako yung knight in shining armor mo na mula anit hanggang talampakan eh nakasuot ng bakal tapos nakasakay sa kabayo para ipagtanggol ka. Isa lang akong ordinaryong tao na sasaluhin lahat ng pana para lang mabuhay ka hanggang dulo, at nakaroller blades siguro.” Hindi ko mapigilan yung saya… Tama ba to? “Hindi ako yung mestiso na tinitilian ng mga babae… at lalake?! Kung saka-sakaling titilian nila ako, siguro dahil sa kabwisitan sa kin dahil sa katorpehan ko.” Mestiso? May naiimagine ako. Siguro nga. Tama siya dun. “Hindi ako yung uri ng tao na kahit gusto kitang halikan eh hahalikan kita kahit wala pa akong karapatan. Hindi ako ganon… Nirerespeto kita.” Si… Si Gab ba yung— ―Hindi ako yung utol ko… Hindi ako si Gab para mahalin mo.‖ Halos malaglag yung mga panga ko sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Paano nga ba? Ni ha ni ho hindi ko man lang masabi. “At… Oo. Hindi ako parte ng nakaraan mo, pero kung papayagan mo ko… Gusto ko maging parte ng hinaharap mo.” Kinuha niya yung panyo niya tapos tumalikod para punasan yung pawis niya sa may noo. Natameme na lang ako sa mga sinabi niya. Yung bang… Naramdaman ko na parang ang tanga ko dahil… Bat ba di ko napansin na ganito na pala yung mga nararamdaman niya? Akala ko simpleng crush lang. Hindi pala. Mahal na pala ako. “Hindi ako yung romantic na tao na hahawakan ka sa kamay at ilalakad ka palayo. Ako na ata yung pinakasira ulong aamin sa harap pa ng banyo…”

Page 219: Tossed Coin

Humarap siya sa kin… “Ayos lang kung bustedin mo ko ngayon na. Gusto ko lang sabihin sayo na… Ay takte naman o. Sasabihin ko na ba?!” Sabay hinga ng malalim. “T—teka. Naiihi ata ulit ako.” Sa sobrang kaba ko, hindi ko na siya pinatapos. EPIC FAIL! Eh kasi naman no! Pumunta na lang ako ulit ng banyo at pinalo palo yung sarili ko dahil hindi ako makapaniwalang may nagsasabi ng mga ganun sa harap ko. Buong buhay ko, nadadaydream ako ng mga lalakeng romantic—parang yung kuya Ian ko. Oo, si kuya Ian yung crush ko mula bata, crush lang naman eh, alam ko namang hindi hihigit dun. Yung dadalhan ako ng ice cream pag malungkot ako, pupuntahan ako kapag nasa panganib ako, yung sasapakin lahat ng nangaaway sa kin… gwapo, matalino, mabait, mayaman… Yung dream guy ba… Simula nung nawala si kuya Ian, naramdaman ko na wala ng lalaking hihigit sa kanya. Pero dumating si Gab, ang dream guy ko. Gwapo, matalino, mabait, maaalalahanin, magiging maayos ang buhay ko kung siya ang makakatuluyan ko…

Nung nagpaalam siya, kinulong ko yung sarili ko para hindi na ko tumingin sa iba. Pero… Heto. May sira ulong umamin sa kin na gusto niya ko. Isang sira ulong nagsabi sa kin na ayos lang na bustedin ko siya, ayos lang na hindi ako tulad ni Anya na dream girl ng lahat. Bakit ako? Sira ulo. Nakakasira siya ng ulo!!! Kinikilig ako sa banyo, abot tenga yung ngiti ko. Sa isip isip ko, ayokong kiligin, ayoko… ayoko. Pero paanong hindi? Siya lang yung nagsabi niyan sa kin. Ni hindi ko narinig kay Gab yung mga salitang yun… Hindi ko tuloy alam kung… Naghihintay pa nga ba ako… O pinapaniwala ko na lang yung sarili kong naghihintay nga ako? Pagkalabas ko, hindi ko parin alam ang sasabihin. Nagulat na lang ako nung andun na yung mga orgmates ko. Oras na ata para umuwi. Dumating kami sa sakayan ng jeep. Pero kailangan naming maghiwalay dahil mejo madami kami. Nauna kaming mga babae, sa susunod na jeep yung mga lalake. Hindi ko kasabay si Jet umuwi, pero kasabay ko yung orgmate ko na mas malayo pa sa kin yung tinitirhan. Pagdating ko sa bahay, nagtoothbrush ako, naligo, humiga sa kama at napangiti. Ang daming nangyare ng araw na to, at hindi ko alam kung paano umandar ang oras. Tiningnan ko yung phone ko. Mahal kita. Ang tagal na ata simula nung naramdaman ko yung ganitong kaba—yung kaba na nakakaproduce ng paru-paro sa chan, yung kaba na hind simpleng kaba. Dalawang makapangyarihang salita na sa kanya ko lang ata narinig. Sa kanya lang. At ngayon kinakalaban ko ang sarili ko… At kahit sa sarili ko… Nagiging ironic ako. And yes, maybe… I hate this chapter.

Page 220: Tossed Coin

CHAPTER 35 [His Return] “Alam mo, nagtataka ako sayo kung bakit santan ang paborito mong bulaklak. Pero mga rosas naman yung mga nagugustuhan mo.” “Ha?” “Naaalala mo, nung tinanong kita kung bakit santan ang paborito mo?” “Hindi na…” “Sabi mo, kaya santan, kasi sila yung usually nasa tabi ng tao, pero hindi sila pinapansin. Gusto nila yung rare makita, tulad ng rosas. Pero ano yang ginagawa mo?” “Alin? Anong ginagawa ko?” “Ako, nakakita ako ng santan. At nagustuhan ko. Pero ikaw, ikaw na yung nilalapitan ng santan, pero naghahanap ka ng rosas.” “T—teka. Si… Jet at Gab ba yan?” “EXACTLY.” Dito magaling si Anya, sa paghuli sa akin. Ewan ko ba, aaminin ko na para akong mababaliw sa kilig, sa saya at sa pagaalala. Hindi ko alam kung paano haharapin si Jet ngayong araw. Paalis na sana kaming dalawa ni Anya nung nakita namin si Cynch sa may tapat ng college namin. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya dun, nilalaro lang naman niya yung susi niya. Kung sabagay, baka nga naman si Jet yung hinihintay niya.

Hindi na sana namin papansinin nung bigla siyang lumapit. “Anya. Cherry.” Bigla siyang lumapit sa min. So ano, makikipagaway ka sa min ngayon? “Pwede ba kayo saglit? Kain tayo.” “May class kami in thirty minutes.” “Then thirty minutes. Jan lang sa museum.” May mamahalin kainan kasi sa may museum. Ayos lang dahil mapapalapit pa kami ni Anya sa mga klase namin. Kinakabahan lang ako na baka idrive kami papunta sa kuta ng soro niya, eh di patay kami diba? Dahil may kotse siya, wala pang limang minuto andun na kami. Nagorder na siya tapos saka siya nagsalita. “Gusto ko lang ipaalam sa inyo na meron akong boyfriend.” “Anong pakielam namin?” “Pumunta ka lang dito para ipaalam sa min na may boyfriend ka? Sinayang mo gasolina mo sis. Nakita na namin sa facebook mo. Alam mo, I recommend na gawin mong private yung fb mo para hindi ka mastalk ng mga tulad naming may lihim na pagtatangkang patayin ka.” “Like hello! Ako na nga pumunta dito para magsorry eh! Kayo pa tong galit?!” “And so nagagalit ka? Ikaw ang may kasalanan, natural lang na galit kami.” “I—I‟m sorry okay?! Hindi lang ako sanay na may bumabara sa kin that‟s why I always interrupt. Ayoko ng tinatapakan ako. Isa pa, democratic ang Philippines at may freedom of speech tayo. Pwede kong sabihin lahat ng gusto ko sabihin.” “Kung lahat ng tao kagaya mo, hindi aasenso ang mundo.” Okay, ang sama ko na ata. Kumalma ka kasi Chi. Ayos lang yan. “So yun ang rason mo kaya mo sinabi yun?! Dahil democratic ang Pilipinas at may freedom of speech tayo?! Grumaduate ka ba talaga ng high school?!” “Anya… Chillax.” Minsan minsan lang magalit si Anya. Demure talaga yan eh. Pero sabi ko nga, may pagkaprotective yan lalo na pagdating sa kin at sa iba pa niyang kaibigan. “Let me speak. I‟m no bad girl.” “Sa ginawa mo sa kin nung isang linggo, hindi ka pa bad girl ah.” “Hindi ako sanay na nagsosorry, pero aminado ako na mali ako. Tsaka, lasing ako nun okay? I didn‟t even know that you heard me.” “Ang lakas kasi ng boses mo, paanong hindi maririnig?”

Page 221: Tossed Coin

“Kahit hindi yun narinig ni Chi, mali parin yun. Eh kung sabihin ko sayong mas malandi ka sa best friend ko dahil sa inakto mo nung party? May boyfriend ka naman pala eh, bakit mo ginaganon si Jet?” “I like Jet so much, pero fling lang yun.” “Fling? Walang gusto sayo si Jet.” “Fine. CRUSH, happy?!” Nakakatawa kasi gusto kong ibuhos yung iniinom ko sa kanya. Pero mali naman yun diba? Isa pa, meron siguro talagang mga tao na ganyan magsalita. Palaban at mataray. Kaso kahit anong gawin ko, hindi ko siya gusto. “I just want to end this girl fight okay. I‟m sorry for the bad words.” “Akala ko nga death threat na sunod eh.” “B*tch ako, oo. Aminado naman ako dun eh. But b*tches do know how to say sorry too.” “Bat mo nga pala naisipang magsorry sa min? Kung tutuusin, kung sorry ka talaga, eh dapat the day after nun eh nagsorry ka na.” “Pride will always be a part of me, and it takes a few days to realize my mistake. Pwede namang ganon diba?” Kung tutuusin, may utak naman pala siya kahit papano. Gusto ko yung sagot niya. Minsan kasi, may mga taong ganon na ang hirap maging sorry kahit alam mong ikaw yung may kasalanan. Minsan, ganon ako lalo na pagdating sa bahay. Harhar. “So naisip mo lang na mali ka?” “With Jet‟s help of course. Sinabi niya sa kin na ayaw daw niya yung ugaling pinapakita ko.”

Pumunta na kami sa klase namin ni Anya after naming mag-usap. Ayos lang dahil at least nagsorry na sa kin si Cynch, pero siyempre kailangan ng time para talagang maging okay na. Tao din naman ako no. ANYWAY. Sa totoo lang, ang saya saya ko. Ang saya ko dahil may isang taong nakita „ako‟. First time may umamin sa kin na gusto niya ko, ang saya pala ng feeling. Tapos nawala na yung kontrabida sa buhay ko—well hindi totally nawala, pero hopefully sana hindi na siya sumingit sa buhay ko. Habang naglalakad ako, iniisip ko yung mga pwedeng mangyare. Alam ko sa sarili ko na nagugustuhan ko na si Jet, pero pano si Gab? Sabi ko maghihintay ako, di ba? Pero hanggang kailan nga ba? Naiisip ko tuloy, paano kung magkagusto si Jet sa iba dahil shushunge-shunge ako, tapos si Gab eh hindi naman pala ako babalikan? “O, anong problema? Ang lalim ata ng iniisip mo.” Nagulat ako nung umupo sa tabi ko si Jet. Ayan nanaman yung kabog dahil sa kilig at saya. Ano ba! Hindi ko pa nga alam kung paano magrereact dun sa mga sinabi niya eh. “Ano… Wala.” Tahimik lang kaming dalawa sa tambayan, hindi kami naguusap. Kinakausap niya yung ibang orgmates ko, siyempre ako din. Pero nahuhuli namin yung isa‟t isa na nagkakasalubong ng tingin, sabay iwas, tapos nun kilig na. Pano ba to?! “Ayos ah, di matago yang ngiti mo.” Yun yung unang sinabi sa kin ni Anya nung natapos na yung last class niya. Bale nagpasama muna ako sa kanya sa banyo bago kami umuwi. “Ha?” “Kanina ka pa nakangiti, alam mo yun?” “Talaga? Hehe…” “Anong hehe?! Bakit, may nangyare ba?” Hindi ko pa pala nasasabi kay Anya yung tungkol sa nangyare. Naghugas ako ng mukha, nagpowder, naglip balm, nagayos ng buhok. “Ano… Umamin na sa kin si Jet nung Friday.” “WEH?!” Tumalon si Anya na akala mo naman siya yung inaminan. Niyugyog pa ko tipong halos malaglag na ko. Ramdam na ramdam ko yung saya niya. Pero I wonder kung kahit papano… Masakit din para sa kanya.

Page 222: Tossed Coin

“Sa banyo yun eh. Basta sinabi niya na okay lang kung imperfect ako kasi imperfect siya… Tapos okay lang na bustedin ko siya basta masabi niya lang yung mga nararamdaman niya… At… Gusto niya daw maging part eng hinaharap ko.” “OMG OMG OMGEEEEE!!! Tapos tapos?!” “Ayun. Eh naiihi ako nun dahil sa kaba kaya hindi ko siya pinatapos at pumunta akong banyo ulit. Paglabas ko andun na kayo.” “Ay nako! Kung alam ko lang na umaamin na pala siya eh di sana nagyaya ako ng isa pang karaoke! Sabi na nga ba eh! May something nung umalis din si Jet!” Naglakad na kami papuntang tambayan, andun si Jet, nagaayos ng table. Eto namang si Anya tinutulak ako eh di lalo lang ako nailang. “Buti na lang nagboboarding house ako.” “Ha? Anong ibig mong sabihin?” SHOOT! Narealize ko na kaming dalawa lang pala ni Jet yung matitira after bumaba si Anya. No! No! Hala, anong gagawin ko?! Di pa ko ready makaone-on-one si Jet matapos ang matinding confrontation! Sumakay na kaming tatlo ng jeep. Magkaharap kami ni Jet, magkatabi naman kami ni Anya. Naguusap kaming tatlo, yung ordinaryong usap lang. Sinusubukan ko talaga na umaktong normal, todo effort at binuhos ko na lahat ng kapangyarihan ko.

“Bye! Enjoy kayo!” Baliw. Okay, so kaming dalawa lang. Ang tahimik nga eh, at hindi ko alam kung sinong unang mangungusap sa min. Torete ako, torpe naman siya. So ano na mangyayare saming dalawa? “Ano… Chi…” “Mmm?” “Yung bag mo.” “Ha? Alin ang bag ko?” “Akin na, ako na magbubuhat.” “Hindi… Ayos lang.” “Sige na. Dalawa pa yang bitbit mo o.” “Ano ka ba, di naman ako baldado. Kaya ko to.” “Ah… ganon ba…” SILENCE. First time atang tumawid kami ng bridge na pareho kaming hindi nangungusap. Sobrang kinakabahan ako, peste. Ayoko mailang, gusto ko yung parehas na pang araw-araw na buhay namin. Kaso ang hirap pala, ugh. Ang hirap magpakanormal. Sumakay kami pareho ng jeep. Eh since puno lahat ng one ride na jeep, napagdesisyunan naming magdalawang sakay na lang. Bababa kami pareho sa Robinsons saka kami sasakay pahi-way. “Gusto mo kumain muna?” Tiningnan ko muna wallet ko. Ayoko naman na gagastos ulit siya para sa kin. “Ayos lang.” “KFC lang budget ko.” “Ayos lang, may pera ako. Tsaka… Jet, ayoko sana na nililibre mo ko lagi…” “Ayos lang naman tutal—” “Gawin mo yun pag tayo na.” Ngiti. Isang malaking ngiti ang binigay ni Jet sa kin. Sa halos tatlong taon namin pagkakakilala, ngayon ko lang napansin kung paano siya kiligin. Napapatingin sa ibang lugar, mapapangiti na hindi ipapakita pero kitang kita naman tapos biglang sort of kakamutin niya yung noo niya sa may gitna ng mga kilay niya.

Page 223: Tossed Coin

Okay, ang saya ko naman. Haha. Uy kilig, uy kinikilig. Naglakad kami papunta dun sa pinakamataas na floor kasi andun yung KFC. Umupo ako, siya nagorder. Pagdating niya, nagbanyo muna siya, papagwapo siguro. Haha. Joke lang, ewan ko dun. Hindi ako magpapakahipokrita no. Aaminin kong kinikilig ako at sobrang saya ko. Sino ba namang hindi sasaya kung biglang sinabi sayo na ayos lang na imperfect ka dahil imperfect din siya? Na bigla siyang nagising na mas maganda pa ko kay Angel Locsin? Na hindi siya isang knight in shining armor pero isa siyang ordinaryong mamamayan na ipagtatanggol ako?! Na may respeto siya sa kin at kaya niya maghintay? Ngayon, sabihin niyo, wala ba akong karapatan maging masaya kung ramdam ko na espesyal ako kahit sa iisang tao man lang sa mundong to?! Okay. Nagsasalita na ako mag-isa. “Game, kain na.” Kumain lang kaming dalawa. Mga ilang minuto, sobrang awkward. Napapatingin ako sa ibang lugar. Yung tipong gusto ko magsalita pero hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. I wonder kung ganito din yung naiisip ni Jet… “Jet—” “—Chi”

Magsasalita na nga lang, sa parehas na segundo pa. “Sige ikaw muna.” “Hindi na, ikaw muna.” “Ikaw muna. Anong sasabihin mo?” “Wala naman… Wala akong masabi, sobrang tahimik. Ikaw?” “Uhm… ganon din eh.” HAHAHA. Benta. Nagtawanan kaming dalawa. Uminom ako sa softdrinks ko bago ako nagsalita. “Sa totoo lang wala pa ko sa wisho.” “Bakit?” “Duh. Yung mga pinagsasasabi mo nung Friday parang out of this world.” “Weird ba?” “Obviously.” “Ewan ko. Nagpapractice nga ako sa salamin bago nangyare yun. May speech ako, pero sa dulo, iba din yung nasabi ko.” “Okay nga eh. Alam mo yung… Napagkasya mo lahat ng gusto kong marinig sa isang hingahan?” Ayan nanaman. Napatingin nanaman siya sa ibang lugar at pinipilit itago yung ngiti niya. “Ang corny mo.” “So ako pa talaga ang corny?! Eh sino kaya jan yung nagsabi na hindi siya knight in shining armor?! O, sino ngayong corny?!” “Wag mo nga ipaalala sa kin! Kinikilabutan ako!” “Woo! Kinikilabutan. Kinikilig ka kamo.” HAHAHA. Bat ko ba sinasabi tong mga to sa kanya? Ayan, nagiging over confident nanaman ako. “Pero alam mo ba…” “Hindi pa…” “Gusto ko magpasalamat sayo dahil… Kahit papano nagkaself-esteem ako.” “Eh kung sasabihan kita ng maganda araw-araw para lang lumakas ang self-esteem mo, gagawin ko.” “Baliw ka, alam mo yun?” “Isa lang ang hiling ko.” “Ano yun?” “Sana wala paring magbago. Okay lang kahit may magbago ng konti… Pero konti lang.” “Ayaw mo na magbago as in… Ano…?” Nginitian ko siya sabay ayos ng bangs ko. Hobby ko ang ngumiti no? Haha. Hindi ko masabi yung salitang „boyfriend-girlfriend‟ eh. Mukhang naintindihan niya naman yung „ano‟. Rawr.

Page 224: Tossed Coin

“Pwede din… Mas masaya yun.” Ang sarap ng feeling maging sarili mo kaharap ng isang… *smiley* Sumakay na ulit kami ng jeep, nakakatuwa dahil magkatabi kami. Ha, ano daw?! Haha. Eh halos magkatabi nga kami lagi, ano bang difference sa dati? Nakakabaliw talaga. “Usapang matino. Ayoko ng binubuhat ang bag at hinahatid lagi sa bahay. Ayos lang yung once every two weeks.” “Wow, umeeschedule na.” “Eh kasi. Ayoko ng ganon… Hindi naman ako baldado, at ayoko ng feeling na kinukulong or whatsoever.” “Hindi ko naman talaga bubuhatin yung bag mo.” “Eh bakit kanina?” “Eh wala akong masabi eh! Nakakasira kaya ng bait ang katahimikan tapos katabi pa kita—eh masisiraan talaga ako ng bait.” “Ang corny mo, kahit kailan.” “A—anong corny dun?!” Tumawa kaming dalawa. Gusto ko sanang sumandal sa mga balikat niya, kaso ang landi tingnan, kaya pinigilan ko. Haha. Magagawa ko naman siguro yun pag kami na... EH?! WHATDA?! Ano ba tong pinagsasasabi ko?! Anak ng tipaklong yan, nakakasira nga ng bait! Hoi Cherry. Nagsorry si Cynthia

sayo dahil sinabihan ka ng malandi, tapos ngayon papatunayan mong malandi ka nga? Eh hindi ka naman malandi eh… Kinikilig ka lang. Weh, kinikilig ka jan. SEE! NAKAKABALIW! Tama ba namang icontradict ang sarili?! Nagbabay na siya sa kin siyempre sabay text ng „ingat ILY‟ Napangiti naman ako dahil sa text niya, ang weird lang nung „ILY‟, pero natawa ako dahil sa katotohanang hindi niya masabi ng buo. Mula sa jeep hanggang sa service nakangiti lang ako. Pag dating sa bahay… May isang lalake na nakaupo sa tapat ng bahay namin, nakatingin lang sa may bubong namin. Mahaba yung brown niyang buhok, hindi naman ganon kahaba, mga hanggang leeg. Maputi, tingin ko? Hindi ko masyado makita kaya lumapit ako para tingnan kung sino yun. Nagulat ako nung tumingin siya sa kin. SIYA… ―Chi, kamusta na?‖ …Si Gab. CHAPTER 36 [Guess Who’s Back] Bakit ka ba laging dadating sa oras na handa na akong kalimutan ka ng todo-todo? Gusto kong ibato yung bag ko, pero lalo lang ako napahigpit ng hawak. Sinubukan ko talagang maging kalmado, pero ramdam na ramdam ko yung kaba sa puso ko… at yung takot sa maaaring mangyare sa mga susunod na araw. Nangyare na yung kinakatakutan ko… Lumapit siya sa kin habang nakatulala lang ako. Isang taon at halos kalahati—kung iisipin parang hindi ko na siya kilala.

Page 225: Tossed Coin

“Ui… Kamusta ka na?” Hindi ko na napigilan, binato ko na agad yung bag ko papunta sa kanya. Galit ako‟t nakasalubong na yung mga kilay ko. Nasalo naman niya yung bag ko, at mukhang gulat na gulat siya sa ginawa ko. “Ano bang problema mo?! Bat ka pa bumalik?!” Kalmado lang yung mukha niya na parang ayos lang ata sa kanya na sigaw sigawan ko siya. Teka, bat ko nga ba siya sisigawan… Sino ba ako para sa kanya?! “Chi…” “Ano bang tingin mo sa kin? Ano bang meron tayo?!” Lumapit lang siya sa kin… Shoot. Please… Wag. Yinakap lang niya ako ng dahan-dahan. Hindi ko siya mapigilan. Para bang, lahat ng galit ko nawala sa isang yakap lang niya. “Gab please—”

“Sef. Kung pwede… Sef na lang.” Wala na. Sumuko na agad ako. Binalik ko yung yakap niya habang gulung-gulo yung utak ko. Paano ko uumpisahan? Paano ko sasabihin na napagod ako maghintay sa kanya at willing na akong bitawan siya ngayong araw na to… tapos bigla siyang dadating? Nung handa na akong kalimutan si Sef, dumating si Gab… At ngayong handa na akong kalimutan si Gab… Biglang dadating si Sef. “Sorry. Sorry kung hindi ako nagparamdam.” “Ganon na lang yun? Sorry lang? Hindi mo man lang ako maisingit sa pag-eemail mo sa pamilya mo? Kahit „hello buhay pa ko‟?! Wala?! Tingin mo maayos ako—” “Sorry… Sorry na…” “Anong sorry?! May saltik ka ba?!” Umiiyak na ko, sa labas pa ng bahay. Di na namin alintana yung dumaan na bata at isang grupo ng babae. Basta tuloy lang ang usapan… “Naisip ko, ni hindi ko man lang nabanggit sayo na mahal kita. Ni hindi ko man lang nasabi sayo kung anong gusto kong mangyare sa tin. Iniwan lang kita na parang—” “Buti alam mo! Ngayon mo lang nalaman?! Iniwan mo ko na walang kaide-ideya kung ano tayo!” “Habang nasa Korea ako, ang nasa isip ko baka masaya ka naman jan. Isang taon na kaya mong makihalubilo sa iba.” “Hindi ako tulad mo na kayang kalimutan ang isang babae dahil may umamin lang sayo.” “Chi naman…” “Gab, alam mo bang—” “Sef.” Bumitaw ako sa yakap niya. Bigla kong naisip si Jet—paano na si Jet? O ngayon, andito na si Gab—si Sef. Ano na? “Sef, alam mo bang sa loob ng isang taon na akala ko na babalik ka eh nawalan ako ng gana sa buhay? Sinuko ko ang social life ko. Pero sinubukan kong ibalik yun nung mga nakaraang buwan.” “Masaya akong masaya ka ngayon. Nagiba ka na… Matapang ka na nga eh.” “Masaya?! Tingin mo nung dumating ka sumaya ako?!” “Bakit, hindi ba?” Hindi ako nakasagot. Hindi ko masabi kung sumaya nga ba ako o lalo lang ako naguluhan. Parang gusto ko na lang idaan sa dasal lahat.

Page 226: Tossed Coin

“Cherry. Sinubukan ko ding magpakabusy don. Minaintain ko grades ko. Pero sa bawat araw na andun ako iniisip ko kung naghihintay ka nga dahil… Dahil sabi mo maghihintay ka.” Gusto ko na lang patayin ang sarili ko. Naaalala ko pa yung huling araw na nagkita kami bago ngayon. Sabi ko, maghihintay ako. Pero ano to? “Sana man lang nagparamdam ka. Ang hirap maiwan sa ere.” Pinunasan niya yung mga natitira kong luha. Pagod na ko. “Gusto ko na matulog. Pagod na ko.” “Magkita tayo sa school bukas.” BUKAS? Pumasok ako sa loob ng bahay. Hindi ako lumingon… Hindi ko siya nilingon. Ayoko na lumingon sa nakaraan. Ayoko na makita ang bukas. Paano ko sasabihin kay Gab—kay Sef na pinapasok ko na si Jet sa buhay ko? Paano ko sasabihin kay Jet na dumating na ulit si Gab sa buhay ko?!

Sleep would be the best thing to do. …or not. Pagkagising ko, sumikip agad yung dibdib ko. Hindi ko alam kung papano kakaharapin yung mga tao sa buhay ko. Magkukunwari ba ako na wala akong nararamdaman kay Jet, o magkukunwari ba ako na wala akong nararamdaman kay Sef? Kung tutuusin, akala mo ang daling pumili. Pero hindi ko alam… Si Sef—ang unang lalakeng minahal ko. Sa kanya ko naranasan ang hirap, ang first kiss, ang unang paru-paro sa chan. Pero bigla siyang umalis. Sinarado ko ang pinto ng puso ko, pero biglang may nagpumilit na buksan ang bintana non para makapasok… Si Jet—ang lalakeng naghintay ng tamang pagkakataon para aminin sa kin lahat kahit simula pa pala nung una gusto na niya ako. Pero naghintay lang siya kahit nung mga panahong iba pa talaga ang gusto ko. Siya lang naman yung nagbukas ulit ng sarado kong puso. Handa na akong bigyan siya ng pagkakataon, pero biglang babalik yung una… Yuck, ang corny ko na. Eto ang mga nasa isip ko habang nasa jeep ako. Nakalimutan ko nga yung gagawin ko dapat na paper kaya minadali ko yun pagpunta ko ng school. Pagkatapos ng klase ko, tumambay agad ako. Wala pa si Anya, wala pa si Jet. Andun yung iba kong orgmates at kinausap ko sila. Gusto ko sila tanungin… Pero hindi ko mailagay sa isang tanong lahat ng gusto kong itanong… “Ui, Chi, ayos ka lang?” Dumating na si Jet, at mukhang todo ngiti pa. Nginitian ko siya pabalik dahil sa pagiging sincere niya. Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan ang pageexplain… “Bat ka tulala?” “Ayos lang ako…” “Uso ang sumagot ng hindi ayos kung hindi ka naman talaga maayos. Ano, ayos ka lang ba?” Tumingin ako sa mga mata niya.

Page 227: Tossed Coin

Paano… Paano ko sasabihin na dumating na siya? Pero naisip ko, magkapatid sila hindi ba, well at least sa mother. Siguro naman by now alam na niya? Pero kung alam na niya… Bat nakakaya pa niyang ngumiti? Teka, eh ano naman kung alam na niya? Hindi ba pwedeng hindi siya ngumiti? Malay ko ba na talagang ayos lang sa kanya na andito na nga si Gab… Pero… HA?! Hindi naman ako ganon ka sira ulo para maniwala sa mga ilusyon ko. Ewan. Suko na ko. Ibalik niyo nalang sa umpisa. Sa umpisa… Yung kasama ko si kuya Ian… Please? “Chi!” Pumalakpak si Jet sa harap ko. Ako naman, nagulat. Shoot. Sobrang tulala ko na‟t hindi ko na narealize na may kausap nga pala ako…

“Ano bang problema?” “Wala naman.” “Wala?” “Ano… Jet…” “Bakit?” “Bumalik… Bumalik na siya.” Napaatras si Jet na parang nagulat sa sinabi ko, pero parang ako pa yung mas lalong nagulat sa sinabi niya. “Ewan ko. Wala pa namang sinasabi sa kin si tita.” Napagkamalan niyang tanong yung sinabi ko. Pero mabuti na din yun dahil at least alam kong hindi pa niya alam na bumalik na pala siya. “Tara, uwi na tayo.” “Eh si Anya?” “Ay sige. Hintayin mo na lang si Anya. Uuwi na ko.” “Teka, bakit?” “Ano kasi… Masakit ulo ko.” Masakit na yung ulo ko sa kaiisip kung anong dapat gawin. “Sigurado ka?” “Oo.” Kinuha ko na agad yung bag ko saka umuwi ng bahay. Nagulat ako nung nagtext bigla si Anya. Umuwi ka na. Napalunok ako ng laway. Oo, umuwi na ko. Masakit ulo ko eh. Wala pang ilang segundo, may dumating na text niya. Nakita ko si Gab, nagulat ako. Pero hindi niya ako nakita. Papunta siya sa Educ. Si Jet? Shoot. Nasa Educ pa. Taeeeee. Anyaaaaa…

Page 228: Tossed Coin

Hindi ko na alam. HINDI KO NA TALAGA ALAAAAAM! Gusto ko na lang itapon yung cellphone ko, bumili ng time machine at yon. Ayoko na. Girl, bukas na tayo mag-usap. Putek. Hindi ko alam kung papano ako papasok sa Educ eh andun siya nakaabang. Okay, inhale… Exhale… Sana— GIRL. TOO LATE. NAGKITA NA SILA. Babalik ba ako?! Teka, bat ako babalik?! Ang haba sana ng reply ko nung biglang nalobat ako. Sana may dumukot ng phone ko ngayon. Ayoko makareceive ng text o ng tawag o ng kahit ano. Pagdating ko ng bahay, sobrang nagaalala ako. Ano… Ano bang nangyare?! Ayoko magcheck ng fb o ng twitter o ng multiply. Tinanggal ko nga yung chord sa phone, akala ni mama hindi pa kami nagbabayad ng telepono. Pero hindi ko mapigilan. Nakitext ako kay mama para matext si Anya. Sabi ko, tawagan niya ako. Dalian niya dahil tinanggal ko yung chord ng telepono. Pagkasend ko, kinabit ko agad yung linya at hinintay ang ring. RING. “Hello, Anya—” “Chi.”

SH*T. Napatigil ako at kinabahan. O, ano na?! Sasabihin mo, choppy at di mo marinig? Lumang style girl. Gusto ko na lang sabihin na „please ayoko munang makipagusap sa inyong dalawa‟ pero ano pa bang magagawa ko?! “G—Gab…” “Di ba sinabi ko sayo, Sef ang itawag mo sa kin?” “B—bakit ka napatawag?” “Nagkita kami ni Jet kanina.” Napalunok ako ng laway. Gusto ko na lang ibaba ang telepono. “Nagulat akong nagulat siya…” Hinintay ko lang yung mga susunod niyang sasabihin… ―Pero mas nagulat ako nung sinabi niyang hindi na lang sana ako bumalik.‖ Lord naman, bakit ba kung kailan na ako handang mag let go, biglang kakapit naman sa kin yung papakawalan ko?! At ngayon… At ngayon… “May nangyare ba nung wala ako?” “Gab—este Sef—bukas na lang.” …hindi ko nanaman siya mapakawalan?! “Sabihin mo muna…” “Ano?” “Mahal mo parin ba ako?” Awkward silence. “Kung hindi mo yun masagot… Baka eto masagot mo…” Tumulo yung luha ko. Ayokong sumagot… “Mahal mo na ba si Jet?”

Page 229: Tossed Coin

Tingin mo ba ganon kadaling magpakawala?! Kung pwede ko kayong makuha na dalawa… Pero, hindi pwede yun diba?! “Sef… Kahit hindi na ako sanay na tawagin kang ganon… Ayokong sagutin yan. Ayoko pa. Tingin mo ganon na lang? Eh kung iniwan mo ko na may clue kung ano nga ba tayo, eh di sana hindi ganito kagulo.” “Hindi naman kita sinisisi. Gusto ko lang malaman… Kung mahal mo pa ba ako.” “Kalimutan mo na lang…” “Yun ba talaga gusto mo?” “Gab! Please!” “Sef.” “P*cha. Sef… Okay fine. Alam mo yung naramdaman mo dati sa aming dalawa ni Anya?! Yung pareho mo kaming gusto?! Ganon! Ganon ang nararamdaman ko ngayon!” “Chi…” “Pinili mong saktan ako. Pinili mo si Anya—” “Nung gabing hinalikan kita… Tingin mo ba talaga… na si Anya ang pinili ko?” Natahimik ako. Sana may asteroid na mahulog sa ibabaw ko ngayon. “Chi… Ikaw ang pinili ko.‖ Huminga ako ng malalim. Ayoko ng ganito. Ayoko ng ganitong feeling na hindi ko alam kung ano ang pipiliin dahil

pareho silang mahalaga sa kin… Pareho nila akong pinasaya… Pareho nila akong mahal… “Pagod na ko. Bye.” Pareho ko silang mahal… Binaba ko yung telepono sabay bunot ng chord para hindi na siya makatawag ulit. Biglang automatic na lang yung tulo ng luha ko. Ang pangit sa pakiramdam ng ganito, yung hindi ka makapili… Pero kahit pareho ko silang mahal… Alam kong merong isa… Na mas higit na mahal ko… “Kuya Ian… Kailangan kita.” Yun na lang ang nabanggit ko. Gusto ko na lang dumating ang susunod na taon. Siguro naman, sa oras na yun, ayos na ang problema ko… Pero… Paano ba ako dadating sa puntong yun? Sa puntong… maayos na ang lahat? CHAPTER 37 [Intersection] Hindi ko na to kakayanin pa. Pagdating sa school, sobrang nanghihina ako. Ayoko nga tumambay dahil baka andun siya. Pero hindi naman pwede diba? Isang taon na ako nawalan ng social life. Eto, bumalik ulit sa kin… ―Chi, Ikaw ang pinili ko…‖ Huminga ako ng malalim. Naguguluhan na ako. Sabi nga nila, pwede kang magmahal ng dalawang tao. Pero sa dalawang taong yun, marerealize at marerealize mo na meron kang MAS mahal. Sa case ko, hindi ko pa narerealize.

Page 230: Tossed Coin

Nilabas ko yung piso ni kuya Ian. Kung pwede lang ako magtoss diba? Kung pwedeng ganon lang kadali. Sabi nga ng stat 101 prof namin, pinaka „fair‟ na activity/device sa pagpili ay ang pagtotoss ng coin. Pero kung gagawin ko ba to dito, magiging fair pa din? Tinago ko yung piso, saka tumingin sa langit. Buti sana kung yung kwento ko ay katulad nung kwento ng iba na alam na alam niya kung sino talaga yung gusto niya kahit may isa pang lalakeng nagkakagusto sa kanya… Eh sa kwento ko? Parehong nagustuhan ko. Parehong nagugustuhan ako. “AAAAAH, Puuuuuto bumbong naman yan o!!!” Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang frustration. Tapos may kumalabit sa kin. Pagkatalikod ko… CRAP. “P—pano mo ko nakita?” “Magaling ako eh.” Umupo si Sef sa tabi ko. Hmm. Sasanayin ko na ang sarili kong Sef na ang itawag sa kanya. Sabi niya eh. Wala naman sigurong masama, diba?

“Hindi mo naman sinagot yung mga tanong ko kahapon.” “Sef… O ayan ha. Tinawag na kitang Sef.” “Onga eh, nakakamiss.” Nakakamiss. Nakakamiss yung mga panahong inosente pa ako pagdating sa pag-ibig. Nakakamiss yung mga panahong puro ice cream lang ang inaatupag ko. “Anong nakakamiss dun, eh parang isang beses lang naman tayo nagkita na Sef ang tinawag ko sayo.” “Naalala ko nung una mo kong nakita. Nagtaka ako kung bakit Gab ang tinawag mo sa kin.” “Galit kasi si Anya kay „Sef‟, alam mo yun? Diba high school friends kami, at iritang irita na siya sa kakabanggit ng pangalang yun…” “Sorry ha…” “Bat ka nagsosorry?” “Lagi na lang ako umaalis.” Naging tahimik ang paligid. Hinintay ko lang yung sunod na pagbuka ng mga labi niya. Oo… Namiss ko siya. “Pero ngayon, sisiguraduhin kong hindi na.” Kung may nagbago sa kanya, yun yung tono ng pananalita niya. Ewan ko. Mas naging kalmado kesa noon. Naging tahimik at private siyang tao kung una mo siyang titingnan… “Nag-usap na ba kayo ni Jet?” “Walang kwenta yung pag-uusap namin kahapon.” “Anong nangyare?” “Hindi nga usap yun eh. Titigan lang.” “Ah… Ganon ba…” “Hula ko, inamin na niya sayo?” Inamin na niya?! Nagulat ako sa sinabi niya dahil, ano yun… Meaning alam niyang may gusto sa akin si Jet dati pa? Tingin ko, kailangan ko to iclaro… “A—alam mo? Kailan pa?!” “Nung unang pagkikita pa lang natin.” “Ha? Pano?!”

Page 231: Tossed Coin

“Sabi niya sa kin nung araw na makikipagkita ako kay Anya, isasama daw niya yung gusto niya. Kaso ayun nga, hindi daw pwede dahil may pupuntahan daw. Eh yun pala, magkasama kayo ni Anya nun. Kaya hindi nakasama kay Jet dahil sinama ka ni Anya.” “At kaya hindi nakasama si Jet dahil sayo.” “Pero sa dulo, nagkita-kita din tayong apat.” Umihip ang hangin. Ayan nanaman. Nahuhulog nanaman ang mga dahon. “May klase pa ko, mauuna na ako.” Tumayo ako sabay kuha ng bag at ng mga libro ko. Kahit gusto ko pang makipagusap, kailangan kong umattend ng klase kong yun… “Chi…” Lumingon ako… ―Mahal kita.‖ Nabigla ako sa mga narinig ko. Sa loob ng isang linggo…

May dalawang taong nagsabi sa kin ng dalawang salitang yun. Pero sa ngayon… Wala akong mabibitawan kundi ang mga ngiti ko. Naglakad ako papunta sa klase ko. Oo, kinikilig pero mas nangingibabaw yung takot at yung pag-aalala. Alam niyo yung feeling na ayaw mong magreject dahil ayaw mong may masaktan? Ang problema nga lang sa kin, kailangan kong timbangin, kung sino ba talaga… Kung sino ba talaga… Nakatanggap ako ng text galing kay Sef maya-maya. Susunduin kita sa Educ mamaya. Kung pwede… Gusto lang kita makausap pa lalo… Buntong hininga. Okay Lord, I quit. Kung pinaparusahan Niyo po ako dahil sa mga kasalanan ko, nagsisisi na po ako. WAAAAAH. Kahit kailan, nasa huli ang pagsisi talaga. Duh, ala na nga sa unahan diba? Aynako. Kalokohan. Habang pabalik ako ng educ, napagdesisyunan ko na bigyan muna ng panahon si Sef. Makakabuti yun, hindi ba? E si Jet? ASDASFKAFAMFLKDMFV. Ayoko na talagaaaaa. Kuya Ian, pwede ka ba magresurrect muna? Kailangan kita, please? Kasalanan mo to eh. Kung hindi ka nauna, eh di hindi kami magkakakilala ni Sef! Hindi magkakagulo ng ganito… “Chi.” Nagulat ako nung pagtalikod ko andun si Jet. Shoot. Hindi pa ako handa na harapin silang dalawa. “Kanina ka pa?” “Nakatungo ako all the way. Pag-angat ko ng ulo ikaw na yung nasa harap ko.” Pareho kaming seryoso, hindi ngumingiti. Ang bilis mawala ng mga ngiti dahil sa isang magulong sitwasyon… Matatapos pa kaya to? Sabay kami naglakad. Ang nakakatawa, ang bagal namin pareho. Parang half step kada segundo. “Wala kang klase?” “Wala.”

Page 232: Tossed Coin

“Ah…” “Nag-usap na kayo?” ETO NA. “Kahapon. Tinawagan niya ako sa telepono.” “Anong sabi?” “Sinabi niya nanagkita kayo… At… Sinabi nga niya na hindi ka natuwa nung nakita mo siya.” “Ano pa?” “Ano… Nakalimutan ko na yung iba.” “Ayos lang kung ayaw mong sabihin.” Katahimikan. Words… Words… I need words… “Jet—ano…” “Alam mo… Nung sinusundan kita nung nakaraang taon na sobrang lugmok ka? Gusto ko na lang pabalikin si Gab. Ayokong nakikita kang malungkot. Pero nung mga nakaraang buwan na bumalik yung sigla mo, dinadasal ko na sana nakakita na siya ng ibang mamahalin dun…” Malapit na kami sa college namin nung mga panahon yun. Pero parang ang layo layo parin ng lalakarin namin sa di ko alam na dahilan.

“Alam ko namang babalik siya. Pero hindi ko inaasahan na babalik siya kung kailan nakapagtapat na ko… Parang… Alam mo yun? Hindi ko alam kung kinakalaban lang talaga ako ng mundo, o sadyang nangaasar lang.” Kung pwede nga lang ganon na lang. “Jet…” “Mahirap to tanungin… Pero… Sino ba?” Sino? Please… “Wag niyo ko pahirapan… Naguguluhan pa ako.” Napatigil kaming dalawa. Pumunta siya sa harap ko sabay hawak sa mga balikat ko. Ayokong tumingin sa mga mata niya, baka maiyak lang ako kung sabihin kong wag niya akong papipiliin… “Wag mo hayaang masira ka ng nakaraan.” “hindi madaling limutin lahat, ano ba. Alam mo naman yun diba?” Tumaas na yung boses naming dalawa. Bumibilis yung tibok ng puso ko dahil sa halu-halong emosyon ng galit, pag-aalala at lungkot. “Ayokong madaliin ka sa pagpili—” “Jet, naiintindihan mo ba?! AYOKONG PUMILI!” “Bakit hindi pwede?! Bakit ayaw mo?!” “Obvious ba?! Ang hirap ng nangyayare sa kin Jet. Please, time?!” “Hindi lang naman ikaw ang nasasaktan diba? Tingin mo, kami ni Gab hindi nasasaktan?!” “So ano, kasalanan ko na ngayon?!” “Wala akong sinasabi—” “In the first place pwede ka naman na kay Anya diba? Gusto ka niya. Eh di tapos.” “TAPOS?!” Tapos hindi ko alam. Shoot. Walang kwenta na yung mga pinagsasasabi ko. Ayoko talagang nagsasalita lalo na pag galit. Mamato na ako ng plato at lahat, pero ayokong magsalita— “Bakit, naging kayo ba?” “Bakit, naging tayo ba?!” SH*T.

Page 233: Tossed Coin

Natahimik si Jet. Kung kanina hindi kami magkatinginan, ngayon halos malamon na namin ang mga mata ng isa‟t isa… Sh*t… Ayoko na… ―Yun ba talaga gusto mo?‖ Naging malumanay na yung boses ni Jet. Parang yung boses ni Sef sa phone kahapon. Pareho sila ng tanong… Tanong na hindi ko man lang masagot. Ano ba talaga ang gusto kong mangyare? Napaupo na lang ako dahil sa sobrang lungkot. Naiyak, oo. Yun na lang ang kaya kong gawin, umiyak pag hindi ko na alam ang gagawin… Pinipilit akong itayo ni Jet, pero hindi ako tumatayo. Ayoko na lang tumingin sa kanya. Gusto kong iwan niya ako para makatakbo ako at makauwi ng mag-isa… “Walang ganyanan.” Narinig ko ang isang pamilyar na boses… Boses ni Gab… Ay hindi, ni Sef. Boses yun ni Sef at unti-unti kong naririnig yung mga yapak niya papunta sa kin.

Napaangat ang ulo ko ng wala sa oras. “Please lang ayoko maging telenobela ang buhay ko. Umayos nga kayong dalawa.” Sinabi ko na yun nung nakita ko silang magtinginan. Ngayon ko lang napansin… Sa loob ng isang taon na nagkasama kami… Sa loob ng tatlong taon na magkakakilala kami… Ngayon ko lang napansin… Magkahawig sila. Sa mga mata nilang dalawa, at ilong nilang dalawa. Labi… Labi siguro ang naiba? H—hindi ko alam. Hindi ko maexplain. Magkaiba sila, pero may hawig… Mas matangkad ng konting konti si Sef, humaba lang ang buhok at mas maputi… Pero kung tutuusin… Para talaga silang… Magkapatid. Ano ba Cherry. Magkapatid nga sila, remember?! “Chi, uwi na tayo.” Tinitigan ko lang si Sef nung sinabi niya yun. Sabay tingin kay Jet… “Pwede naman tayong magsabay sabay na apat. Hintayin na natin si Anya.” Yun. Yun ang safest answer na pwede kong ibigay. Pagdating ni Anya, nagulat siya sa nakita niyang eksena. Ako na nakikipagusap sa ibang orgmates. Si Jet na tahimik na natutulog, at si Sef na nakasandal sa may pader. Nginitian ni Anya si Gab. “Long time no see.” “Oo nga eh.”

Page 234: Tossed Coin

Sa pagsasalita niya… Naramdaman kong wala na talaga siyang nararamdaman para kay Anya. “Uhm… Ano… Uwi na ba tayo?” Gumising si Jet. Ni hindi man lang namula yung mga mata. Tingin ko dahil hindi siya talaga nakatulog. Nakatungo lang talaga siya. “Tara.” Umalis kaming apat na may ngiti sa mga labi. Naguusap si Jet at Anya, or si Anya at si Sef or si Anya at ako. Pati sa jeep magkakahiwalay kami ng upuan. Magkatabi nga lang kami ni Anya. Ayokong bumaba si Anya agad, pero yun naman talaga ang mangyayare. Binulungan niya ako… “Mag toss ka na.” “Anya!” Pinalo ko siya sa braso. Naisip ko, gusto naman niya si Jet. Mamahalin niya si Jet… Hindi ba? Pagdating sa may babaan, hindi parin silang nagiimikan na dalawa. Kailangan na magpaalam ni Sef dahil hindi naman siya tatawid ng bridge.

“Dito na ko. Ingat ka.” “Oo sige. Ingat ka din.” “Nga pala…” May kinuha siya sa bulsa niya, tapos binigay niya sa kin. Dalawang keychain, at isang box. Hindi ko alam kung para saan. Taimtim lang na nanonood si Jet. “Para san?” “Eto, belated Merry Christmas. Eto, belated happy birthday…” “Eh eto… Ano ba to?” Binuksan niya yung box. Isang locket. “E—eto?” “Belated Happy Anniversary.” Hinalikan niya ako sa noo ng dahan dahan saka siya tumalikod. Napangiti ako… I miss you. Gusto ko sanang sabihin sa kanya yun, pero may pumipigil sa kin. Hawak hawak ko lang yung mga pasalubong niya. Oo, natutuwa ako, pero bahagya lang. Paano ba naman ako matutuwa kung alam kong yung katabi ko eh hindi masaya? “Anniversary?” Bigla niyang binanggit sa may jeep. Hindi kami magkatabi nun, magkaharap lang kami. “H—hindi ko din alam eh. Kung kailan.” “Alam pala niyang kayo eh. Hindi mo lang alam.” “Jet, wag ka nga magsalita ng ganyan.” “Sa dulo naman, alam ko na kung sino pipiliin mo.” “Wag ka nga umasta na alam mo yung nararamdaman ko.” “Bakit hindi ba?” Hindi ko na to kaya. “Ano ba Jet. Mahal kita.”

Page 235: Tossed Coin

Natahimik siya nung sinabi ko yun. “Pero kung tatanungin mo kung mahal ko din si Sef, oo. Mahal ko din siya. Alam kong may isa sa inyo na mas mahal ko, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko alam. Kailangan ko ng time… Please?” Nakatingin lang siya sa kin, binabasa ba? Mga ganon tipo. “Sabagay.” “Ha, anong sabagay?” “Kahit naman si Gab ang piliin mo, hindi parin kita bibitawan… Siguro hanggang sa… Natuto na akong magmahal ulit.” “Mahal ka ni Anya…” Tumingin siya sa kin. “Sinasabi mo ba na bitawan na kita at mahalin ko si Anya?” Ayokong sabihin na oo… Pero… Bakit ko nga ba yun sinabi? “Sa dulo, may masasaktan ka pa rin. Kaya hanggat maaga pa, saktan mo na ang dapat saktan. Kung ako yun…” Hinatak niya yung string para tumigil yung jeep dahil oras na niya para magpaalam sa kin.

“…bahala na.” Umuwi ako mag-isa. Naguguluhan pa rin. Nakareceive ako ng message, halos pareho ng message sa dalawang magkaibang tao. Chi, usap tayo bukas, kung pwede lang naman. Mahal kita. Mahal kita. Sana magkaron tayo ng oras na makapagusap. Alam ko… Alam kong meron sa kanilang dalawa na MAS mahal ko. Siguro yung isa, mahal ko bilang isang sobrang lapit na kaibigan na napagkakamalan ko lang na pag-ibig. Siguro ganon. Siguro ganon nga. Sana ganon na lang nga. CHAPTER 38 [The Story Behind The Story] Naging weird para sa akin ang susunod na araw… At yung susunod… At yung susunod. Paanong weird? Pag nakikita ko si Jet, umiiwas ako. Pag nakikita ko si Gab, umiiwas ako. Pag nakikita ko silang dalawa, umiiwas ako. Si Anya lang yung dinidikitan ko lagi. Nagtetext sila, pero hindi talaga ako nagrereply. Umuuwi ako ng maaga agad. Nirereject ko ang calls. Nagyaya si Anya umalis, kaming dalawa lang. Matagal na namin to hindi nagagawa. Well, wala naman kaming ginagawa talaga. Lalabas lang kami, the end. Tumambay lang kami sa jollibee ng sm taytay, since umuwi siya galing ng boarding house niya. “O ano, kamusta ang heartthrob?” “Ako pa talaga ngayon ang heartthrob no?” “So, anong plano mo?” “Plano? Wala akong plano.” “Wala? Paaasahin mo lang yung dalawa?” “May tanong ako sayo…”

Page 236: Tossed Coin

“Ano yun?” “Mahal mo pa ba si Jet?” Kinuha ni Anya yung softdrinks niya sabay inom. “Oo. Bakit?” Natahimik ako. Pwede bang sabihing „wala lang‟? “Igigive up mo siya para sa kin?” “Hindi ko naman sinabing igigive up.” “Pero ano? Tingin mo mas kaya ko siyang mahalin kesa sayo?” “Wala akong sinasabing ganyan.” “Hindi Cherry. Hindi eh. Desisyon ko na pakawalan si Jet para sayo, hindi ako pinilit ng iba. Desisyon ko, okay? Hindi ko inisip na mas kaya mo siyang mahalin. Like hello, kaya ko ding magmahal. Inisip ko, na tama yung ginawa kong paglelet go. Naiintindihan mo ba?” “Anya, ang hirap naman kasi. Mahal ko si Sef. Mahal na mahal, alam mo yun? Hinanap ko siya ng ilang taon. Iniwan niya ako ng isang taon. Pero andito parin yung nararamdaman ko. Pero hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako kapag iniisip ko na papakawalan ko si Jet. Mahal ko din si Jet…” “Siguro dahil ayaw mo lang siyang masaktan.” “Siguro nga…” “Naniwala ka naman sa sinabi ko? Alam mo bes… Alam mo kung anong tingin ko?” “Ano?”

“Na iniisip mo na dahil lahat ng first mo ay na kay Gab or Sef… or whatever… Hindi mo siya mapakawalan. Kung sabagay, kung siya nga, ang gandang love story nun diba?” Nakakatawa. Nakakatawa dahil parang mas alam pa ng ibang tao yung nararamdaman ko. “So… Si Jet ang pipiliin ko?” “Mas magandang term talaga ang „mahalin‟ kesa ang „piliin‟.” “Okay fine. So, si Jet?” “Teka, bakit mo ako tinatanong? Ako ba ang pinagaagawan dito?” “Anya naman eh.” “Wala akong sinasabi na si Jet ang gustuhin mo. Kung si Gab ang pipiliin mo, hindi ko alam kung magagalit ako dahil iniwan mo si Jet, or magiging masaya ako dahil may chansang mahalin AKO ni Jet. Hindi ko din alam. Kung ako ang nasa sitwasyon mo, siguro inuntog ko na lang yung sarili ko sa pader para mawala lahat ng alaala ko at makalimutang kailangan ko palang pumili.” “Kailangan ko ang tulong mo… Anya…” “Walang ibang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw. Kahit sabihin kong piliin mo si Gab o pillin mo si Jet, ako ba ang masusunod?” “Ewan ko na. Ewan ko na talaga. Sana mabunggo na lang ako ng truck ngayon.” “Hindi kaya… Nagustuhan mo lang si Jet dahil may hawig si Gab sa kanya?” Napansin din pala ni Anya yun. “Narealize ko lately na parang nagkakahawig sila. Pero magkaiba pa rin. Hindi ko alam. Gusto ko si Jet, pero hindi ko naman gusto si Gab. Eh kung nagkakahawig sila, eh di dapat gusto ko na silang dalawa diba?” “Sira ka ba. Hindi porke may similarities sila eh DAPAT mo na silang gustuhin pareho. Buti ka nga eh, alam mo talaga kung sinong gusto mo. Eh ako, hindi ko alam kung sinong MAS gusto ko.” Naglalakad ako papuntang educ habang iniisip ko na tama si Anya. Tama siya na ako lang ang masusunod. Hindi si Anya, hindi si Gab, hindi si Jet, at hindi ang pisong binigay ni kuya Ian ang magdidikta ng nararamdaman ko. Pero… Kailangan ko malaman kung paano ko mailalabas yung totoong nararamdaman ko. Parang shunge. HINDI KO ALAM KUNG ANONG NARARAMDAMAN KO. Hindi ko alam kung sino ang mas matimbang. Hay. May toyo na ko. Sumalubong sa kin si Sef habang naglalakad ako. Iiwas na ako pero hinabol niya ako. Nga naman, para saan pa ang pagiwas ko? “Cherry. Kausapin mo naman ako. Mababaliw na ko eh.” Huminga ako ng malalim saka ko siya hinarap. “Tingin mo ako hindi mababaliw?”

Page 237: Tossed Coin

Tiningnan ko siya sa mata. Ramdam ko din naman yung pagaalala niya para sa kin, at yung lungkot… At yung pagmamahal. “Ayos lang. Ayos lang kung pakawalan mo na ko.” ANO?! Tama ba yung narinig ko?! “H—ha?!” “Sabi ko ayos lang. Ayos lang para sa kin. Kung yun talaga ang gusto mo. Isa pa, ayokong ipilit ang sarili ko kung hindi mo na ako mahal. Kaya lang naman ako bumalik…” Tumulo yung luha ko ng hindi sinasadya… ―…kaya lang naman ako bumalik dahil sayo.‖ Binatawan niya yung braso ko unti-unti. Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong huminga, lalo na nung binitawan niya yung mga braso ko. Bakit ganon? Bakit pareho yung nararamdaman ko sa kanilang dalawa? “Sef, please… Kailangan ko ng time.” “May masasaktan at masasaktan pa rin. Masasanay din ako.”

Gusto ko siyang yakapin, pero nasa public place kaya ayoko. Pero saan pa? Saan ko siya pwedeng yakapin tulad nung sa isang araw na kaming dalawa lang? Bakit… BAKIT GANON?! Bakit pareho silang handa ako pakawalan? Bakit pareho silang handa magsakripisyo?! Bakit pareho silang handa masaktan?! BAKIT AKO HINDI?! “G—Sef naman eh…” Naisip ko, kung meron dapat kamuhian, ako yun. Tuluy-tuloy yung tulo ng luha ko. May mga dumadaan nga eh, pero nag-iiba sila ng way. Siguro dahil nakakailang yung sitwasyon na may umiiyak tapos dadaan ka na lang diba? Kahit ako, iiwas ako kung ganon. Nilagay lang niya yung kamay niya sa may ulo saka nilagay sa may dibdib niya. Wala, naguguluhan lang ako lalo. Hindi nakatulong yung pareho silang mahal ako at pareho silang kaya ako pakawalan. “Naaalala mo ba nung nagsorry ako dati?” “Maraming beses ka na nagsorry na hindi ka naman dapat nagsorry.” “Yung nasa enchanted tayo…” Oo. Naalala ko pa yun. Yung bigla siyang nagsorry. Nung tinanong ko kung bakit, ang sabi lang naman niya ay „basta‟. “Nung mga panahong bago yun, naiinis ako kay Jet. Naiinis ako sa kanya dahil binalewala lang niya si Anya—si Anya na sobrang nagustuhan ko. Gusto ko lang gantihan si Jet dahil hindi ako makapaniwalang wala lang para sa kanya si Anya…” “Kaya ka ba nagsosorry sa kin… Dahil… Ginamit mo lang ako para gantihan siya?” “Hindi.” “Eh ano?” “Sorry dahil… Dahil ako ang minahal mo nung mga oras na yun.” Hindi. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Bakit siya nagsosorry na siya ang minahal ko? “Anong ibig mong sabihin? Di ko masyado gets…” “Sabihin na nating… Wala akong kwenta.”

Page 238: Tossed Coin

“Paano ka naging walang kwenta? Ano ka ba Sef!” “Siguro, lahat ng tao, kinamumuhian na ako ngayon dahil sa mga ginawa ko. Tama lang to, parusa dahil sa pag papaasa sayo.” “hindi mo ko pinaasa. Ako ang umasa.” “Kahit ano pang sabihin mo, ganon ang dating.” Naiiyak ako. Naiiyak ako dahil binababa niya yung sarili niya. Hindi naman siya ganito dati. “Ano bang nangyayare sayo?” “Kagabi, tinawagan ako ni Anya.” “A—anong pinagusapan niyo?” “Sinabi niya sa akin na wala akong kwenta. Bakit ba pa daw ako bumalik… Maayos na ang lahat sa inyong dalawa ni Jet, tapos babalik ako. Parang yung nangyare lang bago tayo magkita. Sabi niya, handa ka na daw kalimutan ako, yung ako na nakita mo nung lamay ni Ian. Pero dumating ako. Diba? Ang walang kwenta ko. Sana… Sana namatay na lang ako nung aksidenteng yun.” AKSIDENTE? Nanlaki yung mga mata ko sa mga sinasabi niya at tinulak ko siya ng konti palayo sa kin. Ang lalim, masyadong malalim para maintindihan. Dumidilim ang langit, parang uulan… “Pumasok ka muna, mukhang uulan—” “Hindi ako papasok hanggat di mo sinasabi sa kin. Anong aksidente?”

Natahimik si Sef. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano siya iaaddress. Kung Sef ba, o Gab. “Magkasama kami ni Ian non.” Biglang kumunot yung mga kilay ko dahil sa sobrang pagtataka. A—ano to? “Pareho kaming nabunggo. Hindi ko alam kung bakit nakatayo ako, pero siya hindi. Hinit and run pa kami nung may saltik na nakabangga sa min. Buti may nakakita sa kin.” Bumuntong hininga siya. “Hindi ko alam kung bakit ako nabuhay. Pero siya hindi.” Kuya Ian… Ang kuya Ian ko… Biglang bumalik yung mga alaala ko kasama si kuya Ian nung bata ako. Kahit ilang taon na ang nakakalipas, bakit bumabalik parin yung sakit ng pagkawala niya? “Alam mo kung anong pinaguusapan namin nun?” “Alin?” Nilagay niya ulit yung kamay niya sa may ulo ko. At unti-unting umambon… ―Ikaw.‖ Ako?! AKO?! “Naalala ko yung huli niyang sinabi…” Wala na. Umiiyak na talaga ako. “Gusto mo daw nagpapabuhat pag katapos umiyak… Yun lang ang naaalala ko na sinabi niya sakin tungkol sayo.” Naaalala ko… yung araw na una kaming nagkita… Lumaki yung mga patak. Hindi kami timang at masyadong madrama para magstay sa labas. Pumasok kami sa college namin. Naglabas ako ng panyo para punasan yung sarili kong naambunan ng onti. Binigay ko sa kanya, at pinanood siyang magpunas. Ako. Ako parin pala ang may kasalanan.

Page 239: Tossed Coin

“T!@#$%^& ko naman.” “Wag mo nga ganyanin sarili mo. Eh ano pa ako kung yun ka?” Parang… Parang puzzle lang ang buhay namin—dugtung-dugtong. “Sabi ko sa sarili ko, may rason kung bakit ako nabuhay.” “Ano, alam mo na kung ano ang rason?” “Hindi pa rin. Hindi ko alam kung bakit.” Ramdam ko yung lungkot ni Gab. Ang hirap nga siguro nun. Ang hirap na makita na mamatay yung isa sa mga kaibigan mo. Siguro yung mga tanong niya sa isip ay, „parehas naman kaming andun, bakit nabuhay ako?‟. Ang hirap ng mga ganong tanong… Hindi ba? “May tanong lang ako.” “Alin yun?” “Bakit… Bakit ngayon mo lang sinabi sa kin?” Ngumiti siya. “Kung sinabi ko to sayo nung una mo kong nakita, hindi ba mas gugustuhin mong ako yung nasa kabaong?”

Natahimik ako. “Kung tutuusin, mas gugustuhin ko nga na ako na lang yun. Kung si Ian ang nasa tabi mo ngayon, hindi ka iiyak ng ganyan.” Dun ko lang narealize kung gaano kahalaga ang cliché na everything happens for a reason. Pagtingin ko sa may pinto ng college namin, andun si Jet. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa aming dalawa. “Kamusta, kuya.” “Tumigil ka. Gusto mong masapak?” Nagtawanan silang dalawa kahit alam kong hindi naman talaga yun ang nararamdaman nila. “Uuwi na ko.” “Sasabay na ko.” T—teka… Tama ba tong naririnig ko? “H—hindi niyo ba hihintayin si Anya?” “Gusto ko sanang ihatid ka hanggang inyo… Pero birthday ni mama.” Tiningnan ko si Jet. Birthday ng mama nila. Birthday ng taong nagdudugtong sa kanila. “Kaya ka din ba uuwi ng maaga?” “Gusto ko lang sumabay. Isa pa… Titingnan ko lang din kung ayos lang si tita.” Nakita ko yung ngiti ni Gab kay Jet. Kahit ayaw aminin ni Jet na magkapatid sila ni Gab at iisa lang ang mama nila, hindi niya maitatanggi na gusto niya makilala yung mama niya… “Teka.” “Ano?” “Iikot mo na lang dito sa may driveway, para makausap ko naman si Cherry.” Ngumiti si Gab. “Pasalamat ka, kuya mo ko.” Nagtaka ako sa sinabi ni Gab. Umalis siya papunta dun sa parking lot ng Psych. Sinundan ko siya ng tingin, saka ako napatingin kay Jet. “A—anong ibig niyang sabihin na kuya ka niya? Ngayon ko lang ata narinig yun.”

Page 240: Tossed Coin

“Bago sa pandining mo?” “Oo eh.” “Alam mo namang quote unquote magakapatid kami, diba?” “Oo. Nanibago lang ako siguro.” “Hindi ko din alam eh. Baka gusto niya magpaka superhero.” Superhero? Matagal na akong niligtas ni Gab mula sa paghihinagpis ko sa pagkamatay ni kuya Ian. “Anong napagusapan niyo?” “Tungkol sa… Aksidenteng nangyare sa kanya…” “Aling aksidente?” “Wala…” “Isang aksidente lang ata yung natatandaan ko na nangyare sa kanya. Yung nabunggo siya ng motorsiklo, pero himalang nakalakad parin siya nun. Sugat sa braso at sa may binti. Ni hindi nga napilayan. Himala nga yun eh.” Alam din pala yun ni Jet. “Jet…” “Ano?” “Alam mo naman na si Gab ay yung tinutukoy kong Sef diba?” “Oo.”

“At alam mo ding yung lamay ni kuya Ian yung dahilan kung bakit kami unang nagkita…” “Oo, bakit?” Tiningnan ko siya sa mga mata, saka ang buntong hininga… Ilang beses na ba ako nagbuntong hininga? “Dalawa silang nabunggo nun… Pero… si kuya Ian lang yung… kinuha.” Natahimik siya. Tumulog yung luha ko, PESTE. Nagiging ugali na ng luha ko ang umepal sa bawat segundo, bigla na lang tutulo na wala sa timing. Pinunasan niya yun, dahan-dahan. “T~!@#$%.” “Kung aalalahanin mo lang ang nakaraan, lalo ka lang masasaktan.” Nakikita kong handa na din umalis si Jet. Maiiwan akong mag-isa na maghihintay kay Anya sa loob ng isang oras. “Kung titingnan mo ang hinaharap, lalo lang sasakit ang ulo mo.” Lumunok ako ng laway. “Wag ka masyadong mag-isip. Magkakaputing buhok ka, sige ka.” “Jet naman eh.” “O ayan, ngumiti ka din.” Inayos ko yung headband ko at inayos yung damit ko. Nakita ko na yung sasakyan ni Sef na umikot sa may driveway namin, napagalitan pa nga ng guard. Sumakay agad si Jet dun sa harap. “Bye, Chi.” “Bye, ingat kayo… At… Isipin niyo munang hindi ako nageexist para magenjoy kayo sa birthday ng mama niyo.” “Mama niya.” “Mama NIYO.” Ngumiti ako, alam kong nanalo ako dun. “Hindi namin pwedeng isipin na hindi ka nageexist. Baka mamatay kami pareho.” Napatawa ako. Kahit papano… Kahit isang araw lang maging okay naman sila… “Ingat.” “Ingat…” Sinarado na nila yung bintana at nagdrive na palayo. Ang dami kong nasa isip.

Page 241: Tossed Coin

Eto ba ang tunay na buhay? O talagang kakaiba lang yung akin? Yung sa mga telenobelang napapanood ko, halos magpatayan na yung dalawang magkapatid pag may parehas silang gusto. Ano ba yan. Bakit ko ba cinocompare lagi ang buhay ko sa mga telenobela? Ang telenobela, obvious kung sinu-sino ang dapat para sa isa‟t isa. Sa case ko… Parang hindi. “So, ano ba talaga ang gusto mong iparating?” Sabi ko sa langit, na alam kung para kanino yun. “Iiwan mo ko? Pwede namang sumama ka kay Gab sa mundong to ah? Eh bakit siya nabuhay, bakit ikaw mas pinili mo jan?! Maganda ba jan?!” Pumunta ako sa tambayan at hinintay si Anya. As usual, nagkwento lang ako. Pagkauwi, napatingin nanaman ako sa madilim na langit. Kamusta na kaya sila? Sana, sana makalimutan na lang nila ako. Tipong magkaamnesia sila pareho para tapos na ang lahat. Eh di, ako lang ang masasaktan diba? “Gusto mo bang samahan kita jan?”

Natawa ako sa iniisip ko, pero siyempre joke lang yun. Mahal ko si Lord, di ko gagawin yun. Pagulo ng pagulo ang buhay ko. Alam ko, someday, maayos din to. Gusto ko na umabot sa kabanata kung saan matatapos na to. Wala na akong pakielam kung kunin ako ni Lord ng maaga… HAY. Ano ba tong nasa isip ko. Sobra lang ako sa kape. Tulog muna. Pagod na ko sa kakaisip… Ayoko munang mag-isip. CHAPTER 39 [Clearly] Lumipas ang isang linggo na puno ng exams kaya lagi akong umuuwi ng maaga. Naisip ko, maayos na rin yun para hindi ako hanapin nina Sef at Jet. Pero hanggang ngayon, di ko parin lubos maisip kung sino nga ba sa kanilang dalawa ang gusto ko. Sana na lang talaga eh may truck na lang na bumunggo sa kin ngayon at end of life na. “Chi.” “O, Sef.” Nagulat ako nung nagpagupit na siya, clean-cut ba. Bumalik na yung dati niyang itsura, pero andun parin yung pagiging kalmado niya. “Ako na magdadala niyan.” “Hindi ako baldado, ano ka ba. Ayos lang—” Tapos biglang nalaglag yung envelope na hawak ko at lumipad yung mga papel. Ano pa ba ang dapat naming gawin kundi ang habulin ang mga papel na yun at pulutin isa-isa. Pwedeng tigilan ang pagkaclumsy ha, Chi?! “S—sorry. Akin na.” “Hawak ko na, tingin mo ibibigay ko pa to?” “Baliw ka ba? Eh wala pa yang 20 grams para mabigatan ako.” “Ayos lang. San ka na?” “Sa tambayan na.” Tahimik kaming naglalakad. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ano nga ba? “Hindi kita nakita last week.” “Oo eh. Exams kasi.”

Page 242: Tossed Coin

“Mukha tuloy Halloween week.” “Weh.” Tumawa siya nung nag „weh‟ ako, na ikinarefresh ko. Parang ngayon ko lang siya narinig tumawa kahit sandali lang. Sana makalimutan na lang nila ako. “Kamusta pala yung birthday?” “Ayun. Nasa labas lang si Jet.” “Hay. Kahit kailan… Sabagay… Hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman niya tungkol jan…” “Alam mo minsan, gusto ko nalang magpaka-kuya sa kanya.” “Eh bakit hindi mo gawin?” “Bata pa kaming dalawa nung nalaman namin yung nangyare. Mga 4 o 5?” “Ang bata para sa inyong dalawa na malaman ang katotohanan…” “Hindi, ayos nga yun eh.” “Paanong naging ayos?” “Ayos. Ewan ko. Kesa naman ngayon pa namin nalaman diba? Eh di mas lalong nagkadigmaan.” “S—sabagay.” “Isang taon at kalahati ang tanda ko sa kanya. Nung mga panahong nagkasundo yung mga pamilya namin na maging normal pa rin ang lahat, nalungkot talaga si mama na hindi niya makukuha si Jet.” Ngayon ko lang naisip… Kahit kailan hindi ko narinig si Jet na pagusapan ang tungkol jan.

“O, bat ka natahimik?” “Wala lang… Ng—ngayon ko lang kasi naisip na never nagopen si Jet tungkol sa mga ganyan.” “Hindi naman siya talaga nagoopen tungkol jan eh.” “Tingin mo, bakit?” “Hindi ko din alam.” Napatingin ako sa langit at napatanong, ano kayang nararamdaman niya? Ang hirap lumaki sa hindi mo mama, at ituring na tita ang tunay mong mama kahit alam mong mama mo siya. Ay, gulo ko ba? Pero… gets? Nalulungkot ako para kay Jet… “Wag kang malungkot para dun.” “Bakit? Hindi naman ako metal para hindi malungkot para dun.” “Tingin mo sasaya siya pag nalungkot ka para sa kanya? Lalo lang yun malulungkot.” Napangiti ako. Kahit papano, nagiging „kuya‟ siya in a way. Reminds me of… “Dapat pala kuya ang itawag ko sayo no?” “Ha? Bakit?!” “Remember, nung una tayong nagkita, kuya ang tinatawag ko sayo? Mas matanda ka kasi diba? Woo. Heartthrob ka nga nung high school. Kaso umalis ka naman nung magsesecond year na ako.” “Tigilan mo nga ako.” “Kuya! Kuya! Kuya!” “Ano nga kaya ang mangyayare pag nagstay ako sa school no?” Ano nga kaya? Natahimik kaming dalawa. Iniisip ko, kung nagstay siya, marahil magiging kami? Ewan. Kasi nagustuhan ko siya agad at gusto ko siyang makita right after umalis siya. Oo nga no, ano kayang mangyayare? “Tingin mo?” “Ewan ko. Siguro… Magiging tayo?” Natawa si Sef. “Tingin ko magiging ganon pa rin.” “Ha? Anong ibig mong sabihin?” “Tingin ko magugustuhan ko pa rin si Anya ng una. Tapos marerealize ko na ikaw pala talaga ang gusto ko.” “Oo nga no?”

Page 243: Tossed Coin

Tumawa kaming dalawa tapos pumunta ng tambayan. Pareho kasi kaming 2:30 ang tapos ng klase kaya mas maraming oras kaming nakakapagusap. “Pasensya na…” “Bat?” “Eh wala. Hanggang ngayon iniiwan ko kayong lutang. Pareho kayong… Gusto ko. Sorry ah. Ang selfish masyado.” “Gusto mo malaman kung ano yung napagusapan namin nung birthday ni mama?” Napalunok ako ng laway dahil dun. Kahit nung birthday ng mama nila, ang pinaguusapan parin nila ay ako. Hindi ko na sila pinatahimik. “Pareho kami ng iniisip. Na sana, bigla nalang kaming mahulog sa bangin para hindi ka na mahirapan.” Nakakatawa. Pare-pareho kami ng iniisip. Yun nga lang, sa side ko, ako ang gustong magpahulog sa bangin. “Ano bang nakita niyo sa kin bigla? Nakakagulat dahil kung kailan mahal mo na ko, saka ka mawawala, sasabihin ni Jet, dadating ka, at eto. Disaster.” “Basta bigla na lang akong nagising na gusto kita makita.” Basta bigla na lang akong nagising na gusto kita makita. Nakakabaliw na sila. May telepathy ba tong dalawang to at halos pareho sila ng sinasabi o wala lang?! O nabibinge lang talaga ako at nagiilusyon lang talaga ako? Baka naman nananaginip lang ako? Ewan, ang habang panaginip

nito kung saka-sakali. Maya-maya, dumating na si Jet at siyempre nakita kaming dalawa na naguusap sa may garden. Napatingin lang siya sa min pero diredirecho lang siya sa may tambayan. Nalungkot ako, sa totoo lang. Pero iniisip ko, mas madali na rin to… MAS MADALI?! Kulang na lang eh inhaler para makahinga ako ng maluwag sa mga nangyayare. Kinuha ni Sef yung mga kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Kung may pinagkaiba sila, ito yun. Si Sef, yayakapin niya ako sa isang public place, at hahawakan ang mga kamay kahit sa dami ng tao. Si Jet, laging humahanap ng timing para gawin niya yun… Hindi ko alam kung alin ang gusto ko. Yung taong hindi kinahihiya na yakapin o hawakan ang kamay ko sa madaming tao, o yung taong hahanap ng magandang timing para iparamdam sa kin yung pagmamahal niya? Tumayo na kami ni Sef, saka niya binitawan yung kamay ko. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. Masaya, pero malungkot dahil hindi ko alam kung tama yung ginagawa ko. Hindi naman pwedeng magtoothbrush ako sa dalawang toothbrush. Ano daw? Hay. Nababaliw na ko. Naiilang na ako sa mga nangyayare. Si Jet at Sef nasa magkabilang dulo ng table pagdating ko galing sa isang meeting. Ibang set din ng mga tao ang kausap nila. Pagdating ni Anya, senyas na sa min para umalis. Nakita ko silang nagligpit ng gamit nung hinila ako ni Anya. “Halika dito.” “T—teka Anya, bakit?” “Tingnan mo to.” Pinakita sa kin ni Anya yung phone niya, na may text galing kay Jet. Anya, paano mo ako nagustuhan? Nagulat ako sa text ni Jet sa kanya. Tinago ni Anya yung phone niya at nagcross yung mga kamay niya. Napabuntong hininga na lang ako. “Gusto mo bang hintayin mo pang sabihin ko na kung hindi mo kayang mahalin si Jet eh ako na lang?” “Anya, ilang beses ko ba sinabi sayo na mahirap magdesisyon?” “Hindi ko alam kung kanino ako maaawa eh. Kung kay Jet, sayo o sa a kin mismo.” Nakita kong biglang naging teary-eyed si Anya. Nagulat ako dahil dun. Nasa may lobby kami ng educ, sa may malapit sa theater. Wala masyadong tao maliban dun sa grupo ng tao na nagmeemeeting sa floor.

Page 244: Tossed Coin

“Tingin mo ba hindi ako nahihirapan sa kalagayan niyo? Mukha lang akong masaya Cherry, pero sa simula pa lang nung nakikita kong nililigawan ka ni Jet, bawat araw parang binubunutan ako neurons at hindi na kayang makapag-isip. Bakit mo ba binabalewala ang taong pinakaginusto ko?!” Nakatingin lang ako sa floor. Hindi ako makatingin kay Anya. Gusto kong sumagot, pero pinigilan ko na lang. “Tinuturuan ko ang sarili kong maging masaya para sa inyong dalawa. Sa mga ngiti niyong dalawa nagiging okay na ko!” “Ano ba, bakit ka ba nagkakanganyan?! Hindi ka naman ganyan nung isang araw ah?” Kinamot ni Anya yung mga mata niya, siguro para hindi tumulo yung mga namumuong luha. “Sorry. Nadadala lang ako… Tara na, uwi na tayo?” Iniwan ako ni Anya sa may lobby. Iniwan niya akong naguguluhan. Ano ba to. Bakit ganito? Heto nanaman. Nagiging paikot-ikot nanaman ang mundo. Umuwi kaming apat na tahimik. Nagtataka pa nga ako kung bakit kaya pa naming magsabay-sabay na apat. Pero nung nasa may boarding house na kami ni Anya… Bumaba din si Gab. Napatuwid ako ng upo, at si Jet napataas ng isang kilay. Nakita ko yung reaksyon ni Anya pagtalikod na parang

nagtaka. Hindi ko na nakita kung anong nangyare pagkatapos nun. Napahawak ako sa bag ko ng mahigpit… Pag baba naming dalawa ni Jet sa may Katipunan… “Gusto mo magice cream?” “Siguro.” Pumunta kami sa may mini stop para bumili muna ng ice cream, saka kami tumawid ng bridge. “Baka gusto mo maglakad hanggang sta lucia?” “Ha? Masyadong malayo.” “Kapag may kasama ka, malapit lang yun.” Tingin ko nga, kailangan ko din ng kausap. Kung tutuusin, malapit lang mula Katipunan hanggang Sta. Lucia kapag jeep. Pero siyempre, kapag nilakad mo, ibang usapan nay un. Yung mga una naming lakad hindi kami umiimik, hanggang sa natapilok at muntik na akong madapa. “O, ayos ka lang?” “Bakit ba may mga sira ulong nagtatanong kung ayos lang ang isang tao kung hindi naman talaga?!” Bigla na lang ako nagblurt out ng ganon, pero hindi ako galit. In fact, napatanong na lang din ako. Tumayo ako ng tuwid saka pumunta dun sa malapit na tindahan para bumili ng softdrinks. “Bakit, nagseselos ka sa kanila?” “Hindi ah.” “Eh bakit parang galit ka?” “Hindi nga ako nagseselos.” Hindi ko alam kung bakit natawa si Jet habang umiinom ng soft drinks. “Alam mo, kung natatakot ka, eh di sana bumaba ka sa jeep para habulin sila.” “Hindi naman ako natatakot. Pero siyempre… Nagtataka lang ako kung bakit… Kung bakit bumaba si Sef.” “Sef na talaga tawag mo sa kanya no?” “Sabi niya eh.” “Alam mo naman kung kanino galing yung pangalan niyang Gab diba?” “Oo. Dun sa unang girlfriend niya.” “Painom nga.”

Page 245: Tossed Coin

Uminom si Jet dun sa soft drinks ko sabay labas ng panyo niya. “Ang dumi ko talaga uminom kahit kailan.” “Nakakatawa ka, alam mo yun?” Ngumiti kaming dalawa. Nagpatuloy kami sa paglalakad, pero hindi parin ako mapakali. Nagtataka ako kung bakit bumaba si Sef. Hindi kaya all this time si Anya parin ang gusto niya? Gusto lang niya malaman kung— “Wag ka nga masyadong mag-isip.” “H—ha?” “Anong „ha‟? Halatang iniisip mo sila.” “Fine. Oo. Iniisip ko.” “Iniisip mo na baka gusto parin ni Gab si Anya?” “Tingin mo?” “Kung sakali, anong reaksyon mo?” Reaksyon? “Siguro magagalit ako. Magagalit dahil bumalik siya tapos sasabihin niyang mahal niya ako pero hindi pala.” “Paano pag… Pag sinabi kong si Anya pala talaga ang gusto ko, anong reaksyon mo?”

Napatigil ako sa lakad. Nagulat ako sa sinabi ni Jet to the point na nasqueeze ko yung iniinom kong softdrink at tumilapon yung iba. Ngumiti si Jet, yung parang ngisi, nanunukso. Nakakainis. Naiinis ako pag iniinis nila ako. Naiinis ako pag hinuhuli ako. “Eh di magkagusto kayong dalawa kay Anya. Mas mabuti na yun, nang wala akong iniisip. Hindi sasakit ang ulo ko, at mabubuhay ako ng maayos.” Naglakad ako ng mabilis pagkatapos nun. Hinabol ako ni Jet, pilit na sinasabayan. Pero nakakainis lang kasi yung tanong niya. “Oi, joke lang yun.” “Eh di joke. Wala akong pake.” “Bakit ang init ng ulo mo bigla?” Tumigil ako hanggang sa alam kong nasa tabi ko na si Jet, saka ako naglakad ng mabilis ulit pero this time nakahabol na siya. Hindi ko na kaya. Sasabog na ako. “Okay, sa loob ng ilang linggo ang dami nang kababalaghan ang nangyayare sa kin, daig pa ni Alice sa wonderland niya. Ikaw kaya ako?! Yung biglang sasabihin ni Anya na mahal ka parin niya samantalang ako hindi makapili?! Diba ako ang nagiging mukang baliw dito?! Kasi hindi ako makapagdesisyon?! Kasi hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko?!” Nagiging teary-eyed na ako, pero pinipigil ko talaga yung mga pesteng luhang umeepal sa bawat segundo na kasama ko si Sef o si Jet o si Anya. “Yung maghihintay ka ng mahabang panahon para sa isang taong hindi mo alam kung dadating?! Tapos may taong biglang sasabihing mahal ka?! Tapos dadating yung taong matagal mo na hinintay?! Tapos ikaw ang mananakit sa sarili mong bestfriend dahil binabalewala ko kuno yung nararamdaman ng gusto niya. PERO HINDI JET EH. HINDI TALAGA. Gusto kong sabihing mali si Anya, na mahal din kita. Pero alam ko naman yung itatanong niya susunod eh. Kung mahal ko din si Sef. Oo, mahal ko din siya. Pu~!@#$%^&.” Napatigil ako para hanapin yung panyo ko dahil bawat lakad ko pumapatak yung luha ko. Nalelechehan na ko sa mga nangyayare sa kin, hindi ko naman to ginusto. Bakit ako ang sinisisi ni Anya?! Ang sakit kaya na masabihan ka ng ganon. Hindi ko binabalewala si Jet. Kung binalewala ko siya, eh di sana matagal ko na siyang tinulak palayo. “Eto.” Inabot niya sa kin yung face towel niya, dahil wala ata siyang panyo.

Page 246: Tossed Coin

“Gusto ko na lang sabihin kanina na bakit, siya din naman—ay tae. Ayoko na ibalik lahat.” “Ano bang nangyare kanina?” “hindi ka ba nakikinig? Sinabi ko na sayo lahat yung sinabi niya.” “Nag-usap na pala kayo.” Naglakad kaming dalawa, ngayon, mas dahan dahan. Nasa may overpass na kami sa may LRT. “Nakatext ko si Anya nung isang araw.” “Nakita ko nga yung isang text mo sa kanya. Di ko alam kung maiinis ako o ano.” “Alin?” “Yung… paano ka nagustuhan ni Anya?” “Ah. Tinanong ko lang naman yun dahil nagulat ako sa text niya.” “Na alin?” Nilabas ni Jet yung phone niya, saka pinakita sa kin. Jet, I still like you. Wala lang… Kung kailangan mo ko, andito lang ako. Nasaktan ako, sa text niya—na kinapagtaka ko. Ever since naman, alam kong gusto ni Anya si Jet. Nagseselos ako dati, pero hindi na nung mga panahong nagpaparamdam sa kin si Jet. Pero ngayon lang ulit ako nasaktan. “Pinagtataka ko parin kung bakit ako, at hindi si Anya.”

“Ako naman, pinatataka ko kung bakit ako, at hindi si Gab.” “I wonder kung tinatanong din ni Anya kung bakit siya, at hindi ako.” “At tinanong din ni Gab sa sarili niya kung bakit siya, at hindi ako.” Nagtawanan kaming dalawa. “Maaayos din to.” “Alam mo sa totoo lang, kinikilig ako ngayon dahil kasama kita.” Nagtawanan kaming dalawa. Kahit papano, nakakalimutan ko ang problema kapag nailalabas ko lahat ng hinanakit ko sa sarili ko sa ibang tao. Sumakay na kami sa jeep dahil hindi napanindigan ng mga paa ko. Swerte nga dahil may direchong sakay pa. Pagkauwi ko, nakatulog agad ako dahil sa sakit ng mga paa ko. Nung pagkamulat ko… Bigla kong naalala… Yung huling araw na nagkita kami ni kuya Ian… CHAPTER 40 [Toss. Flip. Drop.] 3:20 na pagkagising ko… Pilit inaalala yung panaginip… ―Bakit ba sa tuwing magdedesisyon ka, toss coin ang lagi mong ginagamit?‖ ―Maganda kaya to kapag nahihirapan ka magdesisyon sa dalawang bagay.‖ ―Eh bakit nga?!‖ ―Kasi…‖ ―Kasi?‖ Niyugyog ko yung ulo ko. Sa tuwing napapanaginipan ko yung huling araw na nagkita kami ni kuya Ian, laging napuputol. Hindi ko na matandaan yung kasunod na sinabi niya. Basta ang natatandaan ko non, nilibre niya ako ng ice cream. Napabuntong hininga ako. Pagkapasok ko ng school at nakita ko si Anya, umiwas ako at pumunta sa ibang lugar. Ginawa ko yun dahil ayoko namang salubungin niya ako na sinisisi niya ako sa lahat—dahil after 48 million years ay hindi parin ako makapagdesisyon.

Page 247: Tossed Coin

Iniisip ko tuloy, paano kung alam ko na nga kung sino ang mahal ko? Paano ko sasabihin? Parang ang awkward naman nun diba? Tumambay lang ako sa CASAA tuwing free time ko. Masaya kapag may katabi kang pagkain, isa to sa mga nagpapasaya sa kin. Pag galit ako, ito ang sandigan ko. Pero pag malungkot ako, puntahan ko lang. 2:30 na, at heto nagdesisyon na akong umalis. Hindi na siguro ako babalik ng college, baka kung ano nanaman ang mangyare— Nagulat ako nung patayo na ako tapos nakita ko si Anya na nakatayo sa harap ko. Nilagay lang niya yung bag niya sa may mesa tapos umalis. WHAT THE?! So wala naman akong choice kung hindi ang umupo at bantayan ang bag niya. Nakita ko siyang bumili ng chichiria at dalawang milo. Binuksan niya sa harap ko sabay sabi, “Kain tayo.” Kumuha ako ng chichiria saka siya ngumiti at tinungo yung ulo. “Sorry. My fault.” “Teka, may class ka ah?” “Never pa ako nag cut. Once in a lifetime, maranasan ko man lang.” “Sira ulo ka talaga.”

Uminom siya nung milo niya. Napatingin na lang ako sa kanya, at hindi ko talaga alam kung bakit siya nagsorry. Nung una kinakabahan pa ako dahil baka may kinalaman nga yun sa pagbaba ni Gab ng maaga kahapon. “No, maybe it‟s totally NOT my fault. Pero… Sorry dahil… Hindi ko na iniisip yung nararamdaman mo.” Nakatungo lang si Anya nung mga panahong yun, pero ako, nakatingin ako sa kanya habang iniinom yung milo na nilibre niya. “Kinausap ako ni Gab kahapon at… Narealize ko nga na… Yung nararamdaman ko at yung nararamdaman lang ni Jet ang alam ko.” Yung nararamdaman lang niya… At yung nararamdaman ni Jet… “Oo. Galit ako sayo. Hindi mo naman ako masisisi. Kung tatanungin mo ako—” “Mahal mo pa ba si Jet?” Nagulintang ata si Anya sa tanong ko dahil hindi pa siya tapos sa sinasabi niya. Actually, gusto ko to itanong sa kanya ng paulit-ulit sa dahilang… Hindi ko alam. “Hindi na.” Ngumiti ako. Hindi ko kasi alam kung niloloko lang niya ako o ayan nanaman siya at nagpapakamartir o totoo. Hindi ko talaga alam. “Ang gulo mo ano?” “Siguro nga.” Natawa lang siya sa sinabi niya saka kumuha ng chichiria na nasa harap ko. “Narealize ko na hindi ko na pala siya gusto.” “Paano mo narealize?” “Dahil… Siya yung una kong nagustuhan. Siya yung una… Yung unang yumakap sa kin… Yung una kong nakaholding hands… Yung unang taong sinabihan ko ng I love you. At gusto ko siya din yung huli.” Ngumiti si Anya. “And I just realized… we‘re both the same.‖ Nagkasalubong yung kilay ko, alam mo yung tipong sobrang naguluhan na at ewan ko? Paano nga ba ako magrereact sa mga sinabi niya? “A—ano?”

Page 248: Tossed Coin

“Alam mo yung… Akala mo in love ka parin? Pero hindi dahil… Parang… Na-obsess ka lang sa mga nararamdaman mo. Na-obsess ka lang sa gusto mong kinalabasan ng lahat.” “hindi kita maintindihan…” “Maiintindihan mo din yan… Once na maramdaman mo na.” “Ang gulo mo, kahit kailan.” Tumawa kaming dalawa. At eto, okay nanaman kami. Konting usap lang, ganon naman dapat diba? Hindi naman talaga kayo magkakaunawaan kung iiwasan mo lang at tatakbuhan mo lang lahat. Kaya ngayon, hindi ko na to tatakbuhan. Nag-usap lang kami ni Anya, pero sa labas ng Educ kasi around 4 eh dadating na rin si Jet (hindi naman sa iniiwasan, haha!). Nawirduhan lang talaga ako sa kanya dahil never siya nag cut. Siya yung class salutatorian ng batch namin ngayon (by that I mean yung pangalawang may pinakamataas na GWA). Nung high school nasa 7th honorable mention siya, ako naman, third. Haha. Siguro sadyang pang high school lang ang utak ko? Haha. Joke lang. Ang hirap kaya maging math major. Akala ko kasi puro calculate lang. Yun pala, theoretical! Haha. Mas gusto kasi niyang magturo ng mga bata. Ako naman, high school. Chos. Napakwento tuloy ako sa acads namin. Masaya lang ako para sa bespren ko. Tinext ko pareho si Jet at si Sef. Sabi ko magmeet na lang kaming apat sa KFC katipunan ng 6, para maiba naman yung setting. Kasama ko si Anya nun, nilibot namin ang National Bookstore. Ang saya kaya mag window shopping dun. Artsy kasi kami pareho eh. Mahilig magdrawing, mahilig magsulat, magbasa, magkulay, magdesign etc etc.

Magamit man lang ni Anya ng maayos yung oras niyang nagcut. Pero siyempre hindi ko naman inaadvertise ang pagcucut ano? Tsk. Bad yun. Mga 6:10 na nung pumunta kami ni Anya ka KFC katips. Nakita nga namin si Jet at Sef dun na naguusap. Nagtinginan at napangiti na lang kami pareho. “O, anong pinaguusapan niyo? Pinalipat ni Anya si Jet dun sa tabi ni Sef. Nakakatawa, ayaw talaga niyang magkatabi kami ni Sef ano? So ang ending eh magkatabi kaming magbespren, magkatabi naman silang magkapatid. “Nakita ko kasi si Lian, at natawa ako sa reaksyon niya nung nakita niya ako.” “Yung ex mo?” “Oo, siya.” “O, anong sabi?” “Sabi niya, „o, buhay ka pa pala‟.” “Eh magkasama kami nito.” “Bat kayo magkasama?” “Tinext niyo kaya kami.” “Wala kaya akong sinabi na magsabay kayo.” “Tinanong ko kasi siya kung tinext ka din ba niya.” “Yun ang punch line.” Natawa kami n Anya. Nilabas na namin yung mga wallet namin. Bakit ba ugali namin ang kumain na magkakasama tapos magdidinner din naman kami sa mga sari-sarili naming bahay pagkatapos na parang hindi kami kumain? “Anong order mo?” “Ako na magoorder para sayo.” “Ako nga unang nagtanong eh.” “Ang gulo niyong dalawa. Ako na nga ang magoorder para bespren ko.” Tumayo silang tatlo at naiwan akong nagbabantay ng table. Funny fact na pag magkasama silang dalawa LANG, okay naman sila. Pero pag kasama na nila ako, ayan na. Okay, panahon na siguro para ilabas ang barya. Nilabas ko yung piso na bigay ni kuya Ian. Iniisip ko kasi kung mag-iicream ako o hindi tutal dadaanan naman namin ang mcdo mamaya. Pero sa totoo lang, gusto ko talaga. Yun nga lang, sayang kasi sap era. Nagtitipid ako para sa outing ng org namin. “Heads pag oo. Tails pag hindi.”

Page 249: Tossed Coin

Toss. Flip. Drop. Tails. “Darn.” “O bakit?” Unang dumating si Jet hawak-hawak yung tray ng inorder niya. “Tails ang lumabas eh. Wag daw ako magice cream.” “Eh bat nga ba ayaw mo magiice cream?” “Hindi ko ayaw. Sayang lang sa pera.” “Anong pinaguusapan niyo?” Dumating na si Anya, hawak hawak yung order niya. “Yung order ko?” “Nasa tray ni Gab.” “Sef sabi.” Ayan, dumating na din si Sef sabay bigay nung order ko na inorder ni Anya na pinadala niya sa kanya. Anyway, going back sa ice cream…

“Problema?” “Eh gusto ko lang mag-ice cream. So nag toss ako.” “O, ano lumabas?” “Tails, wag daw ako bumili.” “Eh di hindi.” Nagpatuloy kami kumain, pero alam kong parang ewan lang yung ginawa ko. Nagpatuloy kami kumain, magkwentuhan. Habang nagkwekwentuhan kami bigla akong napatingin kay Jet… Tapos nakita kong nakatingin siya sa kin. Ang awkward naman kung sasabihin kong „Jet, bat ka nakatingin sa kin?‟ kaya pinabayaan ko na lang. Pagkalingat ko, nakatingin parin siya sa kin. Nakakawindang yung mga tingin niya… ANAK NG—Wag mo nga ako tingnan ng ganyan! Sabing— “Aray—” Bigla nalang siyang napasabi ng ganon habang sumisigaw ako sa utak ko na wag siyang tumingin sa kin, siyempre nagulat kaming dalawa ni Anya. Tiningnan niya si Sef, tas si Sef uminom lang. “Salamat sa pagtapak mo sa kin, tol.” “Ayos lang. Parang kakainin mo na eh.” Napa‟ehem‟ na lang ako dahil sa mga sinabi nila. Tas napangiti ako. Sa likod ng utak ko, natatawa ako dahil dati, hinihiling ko na sana tulad ako ni Anya na heartthrob at maraming nagkakagusto. Ngayon, nakapagdesisyon na ako na joke lang, wag na lang pala. Etong dalawa na nga lang nawiwindang na ako, yung marami pa kaya? Naglakad lang kaming apat hanggang katipunan. Nagkwekwentuhan kami tungkol sa mga araw namin, pero hindi yung tungkol sa amin. Disaster pag nangyare yun. Parang may ganong border line na nga eh. Border line na nagsasabing KUNG SINO MANG MAGUMPISA NG TOPIC TUNGKOL SA LOVE (INSERT SHAPE HERE) NATIN, MAGIGING KAMPON NG MGA GAZELLE. Okay, masyadong random yun. Haha. Nahilig kasi ako sa mga gazelle lately. Anyway. Pagdating namin sa dorm namin ni Anya, gusto ko na lang magstay pero siyempre hindi pwede. “Byebye, ingat kayong tatlo.” “Sure. Pasok ka na.” “Uhm… Gab…” Tumingin si Anya kay Sef.

Page 250: Tossed Coin

“Or Sef… Or whatever…” “Ano?” “Salamat.” Nagpakawala ng ngiti si Anya saka siya pumasok sa loob. Si Sef nagrelease ng isang sigh na nakangiti. Natutuwa ako in his behalf dahil siya yung naging dahilan kung bakit may narealize si Anya na hindi ko akalain marerealize niya. Okay, so kaming tatlo nalang. What to do? “Bat ka pala bumaba kahapon?” “Ako?” “Hindi, si Chi.” “Peste ka.” “Eh alam mo namang kasing ikaw. O, bakit nga?” “Bumili lang ako.” “Ng?” “Bat ang tanong mo? Sikreto na yun.” “Ahm… Nga pala.” Nasa may halos ministop na kami nung napatigil ako. Nung hindi kasi ako makatulog kanina, naglinis ako ng kwarto. Nakita ko yung mga dating bracelet na ginagawa ko dati nung high school. Yung una kong ginawa alam ko

binigay ko kay Anya nung high school, na never niyang tinanggal hanggang ngayon. So dahil naadik ako sa paggawa nun, marami akong mga ganong bracelet. Kumuha ako ng dalawa sa cabinet at… eto. Hawak ko sila. “P—para sa inyong dalawa.” Binigay ko yung bracelet, tig-isa silang dalawa. Nangiti sila pareho, at sinuot nila agad. Natutuwa naman akong natuwa sila. Sana, hindi nila mamisinterpret dahil magkaiba yung design. Pareho lang naman kasi yung dahilan kung bakit ko binigay. “Gumagawa ako ng mga ganyang bracelet nung high school ako, pero tinigil ko na ngayon. Eh marami kasi akong nagawa eh. Yung iba ginagamit ko, yung iba nasa cabinet lang. Eh… Naisip ko na bigyan kayong dalawa para…” Lumunok ako ng laway. Matagal ko na tong gustong sabihin sa harap nilang dalawa, as in yung dalawa silang present, pero ngayon lang ako nagkalakas ng loob. “…para kahit anong mangyare… Sana, kaibigan parin… Alam kong may magbabago… Pero sana kahit yung alaala man lang na magkakaibigan tayo… Ahm… Basta, yun yun.” Tumalikod na ako sa kanilang dalawa, tas pumunta sila sa gilid ko. Si Jet kinurot ako sa pisngi, si Sef naman hinawakan yung ulo ko. Kinikilig ako at some point, dahil yung dalawang lalakeng nagpagulo ng mundo ko, and at the same time nagpapakulay ng mundo ko ngayon eh nasa tabi ko. “Pupunta muna ako sa kanila. May ipinabibigay si papa kay tita. Gusto mo sumama?” “Ay hindi na. Uwi na ako.” “Sigurado ka? Sandali lang naman si Jet dun.” “Oo nga.” “Ay hindi. Okay lang ako. Ingat kayong dalawa.” Nagbabay na ako sabay takbo sa bridge at naglakad ng mabilis. Ayan na yung tibok ng puso ko, ang lakas na parang hindi mawari. Nakareceive ako ng text galing sa kanilang dalawa. Nakakatawa nga yung mga text nila. Ikaw yung tinetext ni Gab no? Nakikita ko siyang nagtetext eh. Oi, ingat ka ah. At yung isa ay… Tinext ka ba ni Jet? Wala lang, nagtetext siya eh. Haha. Ingat ka sa pag-uwi. Isa sa mga paborito kong gawin ay ang humiga sa kama at magmuni-muni. Hinanap ko yung piso ni kuya Ian saka tiningnan ng maigi. Naisip ko tuloy yung ice cream. Bumangon ako sa kama. At ang nakakatawa…

Page 251: Tossed Coin

Bumili ako ng ice cream. Napangiti ako sa ginawa ko. Siguro nga… Nasa piso ang sagot. CHAPTER 41 [White Light] Tinitigan ko yung pisong bigay ni kuya Ian buong gabi hanggang umaga. Oo, bangag na ako. Naaalala ko pa nung binigay niya sa akin to, dun din yung huling pagkikita namin. “Kung di ko kaya to tinanggap, buhay ka pa ba?” Nakakatawa dahil parang si Jose Rizal yung kausap ko, kaharap ko kasi yung head side nung piso. Wala, nakatitig parin ako sa kanya. Nakakapagtaka. Hindi naman ako lumaklak ng kape, walang energy drink, pero hindi parin ako makatulog. “Oi, ano? Tama ba yung gagawin ko?”

Nakakatawa dahil kausap ko lang yung piso. Ano ba tong ginagawa ko. Pumikit ako at pilit inalala yung huling araw na magkasama kami… Ngumiti ako. Naaalala ko na yung sinabi niya nung mga panahong pinaguusapan namin ang tungkol sa pag toss ng coin. Siguro nga, ganon. Huminga ako ng malalim. “Heads si Sef. Tails si Jet.” Toss. Flip… “Sana si…” Drop. Lumabas ang resulta. Ngumiti ako. Heads. Pero, nagtaka parin ako. Toss. Flip… “Sana si…” Drop. Lumabas ang resulta. Ngumiti ako. Tails. Pero nagtaka parin ako. OKAY. So wala talaga akong mararating ng ganito! Ano ba! Nakakainis!!! Paano ko malalaman eh pag flip sa ere isang segundo tas bagsak na. Ni hindi man lang ako makapagdesisyon ng tama. Hindi ko parin alam ang gusto ko, hindi ba? “AAAAAGH! Peste kang piso ka!” Binato ko yung piso, saka ko narealize na isang kayamanan yun ni kuya Ian. Siyempre hinanap ko ulit. Saka nagsorry ng paulit-ulit. Dalhin niyo na nga ako sa mental. Grrrrr. Alam kong may nagtataka sa ibabaw ng mundo kung paano ko nalalaman na yung piso ni kuya Ian yung kinukuha ko sa purse ko. Yun lang kasi yung nagiisang piso na may IAN sa heads, CHI sa tails na nakasulat. Bad no?

Page 252: Tossed Coin

Sinusulatan ko araw-araw para hindi mawala yung marka. Alam kong kailangan paikutin ang pera, pero may sentimental value to eh, pwedeng itago na lang? Sorry po Bangko Sentral ng Pilipinas. Anyway. Bangag na bangag ako pagpunta ng school. Bangag, pero ni pumikit parang hindi kayang gawin ng mata ko. Siyempre exaggeration yun diba? Ang maniwala kukunin ng alimango sa dagat. Eh basta. Ganon yung feeling. Ang bigat sa pakiramdam, pero hyper ka parin. Kulang na lang lumuwa yung mata mo, pero go pa rin. 2:30, siyempre tapos na yung klase ko. Napagdesisyunan kong pumunta sa Educ kahit alam kong naghihintay na dun si Sef. Siyempre, hindi ako pinahiya ng utak ko. “Chi, mukkhang… bangag ka?” “Hindi. Hindi talaga. Hinding hindi.” “Bangag ka nga.” Pumuntang kaming dalawa sa tambayan. Parang ngang gusto ko sumayaw at magwala. Pero tingin ko, mas magandang option ang matulog. Pagpunta namin sa tambayan, mejo maraming tao. Nagkwentuhan kami nung iba kong orgmates, pero nahahalata nila yung pagkabangag ko. Ang daming nagsabi na „matulog ka na nga muna‟ and stuff like that.

“Matulog ka na kasi.” “Eh.” “Anong eh? Matulog ka na.” “Gusto kong matulog sa…” “Sa?” “Sa tabi ni kuya Ian…” Sinabi ko yun dahil totoo. Hindi ko yun sinabi dahil bangag ako. Nowadays, bigla kong namiss si kuya Ian. Siguro dahil madalas ko siyang napapanaginipan. Sabi daw nila, pag napapanaginipan mo daw ang isang taong patay na, susunod ka na daw. Totoo ba yun? Dati kasi napanaginipan ko na tatay ko si Hitler, pero hindi naman ako namatay agad. “Hindi ko alam kung bangag o lasing ka.” Nagulat ako nung hinawakan ni Sef yung ulo ko sabay sinandal niya sa balikat niya. Ang sarap sa pakiramdam. Parang… Parang katabi ko nga si kuya Ian. “Kuya, matutulog muna ako.” Tapos nakatulog na ako. Pagkagising ko, mejo marami ng tao. Ang pagkakaiba lang, nasa tabi ko na si Jet. Gumagawa siya ng assignment sa hindi ko alam. Si Sef, nakikipagusap sa katabi niya. Inangat ko yung ulo ko, pagkatapos nun napansin nilang dalawa na gising na ko. Nagulat ako nung may nakasuot na sash sa kin ang nakalagay „ang haba ng bangs mo te award‟. “A—ano to?” Tinanggal ko yung sash, at yung mga orgmates ko eh pinagtripan nanaman ako. Bangag parin ako sa totoo lang, pero at least nakatulog ako. Akalain mong ang haba ng tulog ko? “Si Anya?” “Five fifteen pa lang. Maya-maya pa yun.” “Ui, ayos ka lang? Parang hindi ka okay.” Kinapa ni Jet yung leeg ko, si Sef naman kinapa yung noo ko. Ayan, napangiti nanaman ako ng wala sa oras. Tss. Kailangan ko na nga siguro mamatay dahil hindi ako makapagdesisyon. HINDI. KAILANGAN MAGDESISYON AKO.

Page 253: Tossed Coin

“Pwede ba kayong dalawa ngayon?” Nagtinginan silang dalawa. “Bakit?” “M—may sasabihin sana ako.” Kinakabahan ako. Friday na, siyempre bukas Saturday at hindi nanaman kami magkikita kita. Susubukan ko lang yung ginawa ko kanina. Baka sakaling pagkahagis ko HABANG nakikita sila, makapagdesisyon nga ako kung sino. “Jet, iuwi mo na kaya to?” “Yun din yung nasa isip ko.” “H—ha? Teka.” “May lagnat ka.” “Pero…” “Tara na.” “T—teka may sasabihin—” “Makakapaghintay ang susunod na linggo para jan.” “Hindi. Hindi na makakapaghintay!” “Aysusko. Wag ka ngang magpacute.” “Anong nagpapacute?! Hindi ako nagpapacute!” “Direchuhin mo na kasi.” “Anong direchuhin?!”

Hindi sila makatingin sa kin na hindi ko alam kung bakit. Ha? Anong nagpapacute?! Hindi ako nagpapacute, mga sira ulo tong mga to. “Cute mo daw kasi. Hindi pa direchuhin eh.” Dumating na si Anya na may dala-dalang C2 at readings sa kabila niyang kamay. Kinapa niya yung leeg ko, tas yun noo ko, at yung mga pisngi ko. Kulang na lang saksakan niya ako ng thermometer sa dila. “Hindi ka ba nakatulog kahapon?” “Oo eh.” “Itulog mo na lang. Bukas okay ka na.” “Tama si Anya.” “Ipabukas na lang natin.” “Hindi naman lalagpas sa tatlong segundo yung gagawin ko!” “BU-KAS NA.” Wala na ata akong nagawa dahil nakataas na yung kilay ni Anya. Si Anya, bumaba dun sa boarding house. Pero yung dalawa, hinatid ako hanggang gate ng subdivision namin. Nakatulog lang naman ako habang nasa byahe. Sinusubukan ko talagang imulat yung mga mata ko para hindi malaglag yung ulo ko. Sa kanan, andun si Sef. Sa kaliwa, si Jet. Gusto kong sumandal, pero kanino? Gusto ko na lang tawagin si kuya driver para sabihin ako na lang magdrive kesa mawindang kung paano ako matutulog. Ang ending, natulog ako dun sa bakal na sinasandalan ko. Pagdating sa subdivision namin, pinigilan ko silang dalawa. “Dito na ko.” “Hindi pwede.” “Ano ba kayo. Ayos lang ako. Bangag lang.” “Ano ba kasi ginawa mo kagabi?!” “Sige na, umuwi na kayo.” “Ano nga muna ginawa mo kagabi? Wala ka namang exam ngayon.” “Maniniwala ba kayo sa kin kung sinabi kong nagtitigan kami ni Jose Rizal?” Nagkaron ng mga tatlong segundong katahimikan. Sabi na eh, hindi nila gets. “Sige na. Ah… Teka.” Humarap ako ulit sa kanilang dalawa, tiningnan yung mga kamay nila. Si Sef, suot yung bracelet. Si Jet hindi. Nalungkot ako, kasi kakabigay ko lang nun kahapon tas hindi na niya agad suot. “Jet, yung…” “Ha?” “W—wala. May—”

Page 254: Tossed Coin

“Umuwi ka na. Sige na. Namumula ka na o.” Napahawak ako sa pisngi ko. Oo, fine. Masama na nga ang pakiramdam ko. Kung kailan naman gagawin ko na yung pagtotoss sa harap nila, saka nila sasabihin sa kin na umuwi na ako. “Ahm… Pwede ba kayong dalawa bukas?” “Saan?” “SM taytay sana—” “Magtext ka na lang bukas. Sa ngayon, magpahinga ka na.” Hinawakan ni Sef yung pisngi ko. “Tama na yan. Diba usapan natin, no touching allowed unless dalawa tayo?” Natawa si Sef sa sinabi ni Jet saka inalis yung kamay niya sa pisngi ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng matinding pagkalinga sa hawak niyang yun… Naaalala ko si kuya Ian sa kanya… “Ano?!” “Ang ibig sabihin lang nun, pag kinurot kita, dapat kukurot din siya.” Natawa ako. Minsan, may pagkaisip-bata si Jet. Minsan, mas mature pa siya kesa sa tatay ko. Minsan hindi ko lang

talaga kaya maisip na kahit isang araw hindi ko siya makita. Minsan— Napatitig ako kay Jet. Tapos kay Sef. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng matinding kabog nung mga panahong yun. “S—sige, uwi na ko.” Sumakay na ko sa service. Pagkauwi ko ng bahay, napahawak ako agad sa may dibdib ko. Ano yun? San galing yung kabog na yun? Nung gabing yun, muli paulit-ulit kong tinoss yung coin. Bukas. Bukas na ang araw kung kailan itotoss ko sa harap nilang dalawa. Sana, sa oras na yun, habang nasa ere yung piso, malaman ko kung ano nga ba talaga ang gusto kong kalabasan. Hindi parin ako nakatulog. Masama to, bangag na bangag na ko. Umaga pa lang nung tinext ko silang dalawa. Sabi ko, mga 7, mga ganon. Uuwi din si Anya sa Angono kaya sabi ko, sumama na rin siya. Tumawag siya sa kin bago kami magkita. “Ano ka ba naman bes. Magkikita na nga tayo tatawag ka pa.” “Hindi ko alam kung eepekto yung sinabi mo. Pano kung wala kang maramdaman pagkahagis mo ng barya?” “Susubukan ko lang. Kung hindi, eh di magenjoy na lang tayo.” Pagdating namin ng SM taytay, ayun. Nagkita muna kami ni Anya. Ang cute niya kahit sa simpleng jeans at t-shirt na cookie monster. Dumating na rin yung dalawa. Si Sef naka red na shirt, jeans at rubber. Si Jet naka green na polo at jeans. Naisip ko na magkadugtong talaga ang mga utak nila. Hindi ko nga alam kung paano ako umabot sa ganong conclusion. But… Anyway… Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin. Kung agad ko na bang gagawin o ano. “Mcdo.” “Jollibee.” “I go for Food court.” Tiningnan nila akong tatlo. “Food court.” Pumunta kaming apat sa food court. Ang hilig naming kumain no? Actually, hindi talaga kami ganon kahilig kumain. Minsang nga isang fries lang sa mcdo order namin tapos nagtatagal kami ng tatlong oras.

Page 255: Tossed Coin

Bago kami pumuntang food court, namasyal lang kami ni Anya, tingin lang naman. Ang gaganda ng mga damit eh. Siyempre, bagay yun kay Anya, hindi sa kin. Haha. Ayan nanaman ako. Tig-iisang ice cream lang yung inorder namin. Nung sinabi ni Sef na, „may problema ka ba?‟ nagiba ng topic si Anya. Alam naman kasi ni Anya kung anong gagawin ko ngayong gabi. Ang pagpili. Nagtatawanan lang kaming apat tungkol sa nangyare kay Jet nung isang araw na nagkamali siya ng classroom na pinasukan. Ang mas nakakatawa, terror prof yung classroom na napasukan niya. Paglabas niya, kinausap nung prof yung prof ni Jet tas saka nag „tsk tsk tsk‟ sa class. Haha. Natawa pa ako nung sinabi ni Jet na first time daw niyang mamawis ang palad dahil sa kaba. Pero okay lang naman daw, tinakot lang siya nung prof nila. Si Anya, ayun. May pictorial nanaman siya bukas. Siya na, siya na talaga. Tinutukso nga naming class salutatorian eh. Haha. Si Anya naman todo „hindi no‟ stuff like that. Natawa kami sa pagiging humble niya in a sense na obvious na nga, declared na nga dinedeny pa rin niya. Si Sef, nagkwento tungkol sa mga nangyare sa kanya sa Korea. Yung naiwan niya yung cellphone niya sa banyo ng una niyang foster parent tas nung binalikan niya, andun parin kung nasaan nakapwesto. Gusto ko tuloy pumuntang Korea bigla. “Gusto niyo maglakad-lakad muna?”

Actually dahilan ko yun para maubos ang oras. Dumadami ang pirana sa chan ko, at parang may sangkatutak na manok na tumutuka ng binti ko dahil nanginginig ako. Dala siguro ng kabangagan. Naglakad kaming apat mula SM hanggang sa—basta lakad lang. Nagkwekwentuhan lang kami. Sa gitna ng kwentuhan, nilabas ko yung piso ni kuya Ian. Nakita ni Anya na ginawa ko yun. Nasa harap ko silang dalawa… Naglalakad. Heads si Sef. Tails si Jet. Inhale. Exhale. Pero kahit sinabi kong heads si Sef at tails si Jet, iba ang hinihintay ko— Toss. Flip… Darn. Drop. “O, Chi ano yan?” Heads ang lumabas. Pero ang sabi ko nga, hindi naman talaga yung resulta kapag bumagsak na sa mga kamay ko yung piso kundi yung mismong resulta habang nasa ere. “Isa pa.” Toss. Flip… Takte. Drop. “Bat ka nagtotoss?” “Bat ang bilis?!” Tails na ang lumabas. Ano ba. Hindi kasi bagay ang pinagpipilian—TAO. Ayokong idaan sa heads o tails. Bakit ba ayaw gumana ng utak ko habang nasa ere yung piso?! “May tinatawag tayong gravity na humihila pababa ng pisong binato mo.” “T—teka. Yan yung piso…” Tinginan ni Jet si Anya. Alam kong alam na ni Jet na merong nangyayare sa kin.

Page 256: Tossed Coin

Toss. Flip… SHOOT. Biglang gumulong yung piso sa may gitna ng daan. Hindi ko alam o nasisiraan lang ako ng bait pero hinabol ko yung gumugulong na piso. Tapos may narinig ako. Mga sigaw. Tatlo sa maraming sigaw ay ang pangalan ko. Isa sa tatlo, parang… Parang sinisigawan ako sa tenga… Tapos… Pagkatapos nun… Nakakita ako ng puting ilaw…

At di ko na alam kung anong nangyare. CHAPTER 42 [‘Tossed’ is a past tense verb.] Toss. Flip. Drop. ―Heads o tails?‖ ―Mmm… Heads!‖ ―Sige, pag heads, ililibre kita ng ice cream. Pag tails, ako ang ililibre mo.‖ ―Sige!‖ Pagkaalis niya ng kamay niya, tails yung lumabas. ―WEH!!! Pano yun?! Cinocontrol mo eh!‖ ―Magaling lang ako magtoss ng coin.‖ ―Bakit ba sa tuwing magdedesisyon ka, toss coin ang lagi mong ginagamit?‖ ―Maganda kaya to kapag nahihirapan ka magdesisyon sa dalawang bagay.‖ ―Eh bakit nga?!‖ ―Kasi…‖ ―Kasi?‖ ―Woo! Tactics mo yan para makalimutan mo. Ilibre mo muna ako ng ice cream!‖ ―Fine.‖ Pumunta kami dun sa malapit na tindahan. Nakakatuwa yung tindahan na yun kasi halos kumpleto lahat. Pumunta ako agad dun sa lagayan ng ice cream. ―Oi, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko.‖ ―Alin?‖ ―Yung bakit coin toss yung lagi mong ginagamit pag nahihirapan kang magdesisyon?‖ ―Hmm. Dalawa kasi yan. Una, dahil ayokong magsisi sa desisyon ko, kaya sinasaalang-alang ko na lang sa piso.‖ ―Hmm… Eh ano pa yung isa?‖ ―Alam mo yung sabi nila? Kapag hinahagis mo daw yung coin sa ere, dun mo daw malalaman kung ano talaga yung gusto mo.‖ Tumingin kami dun sa lalagyan ng ice cream. Pero nakakalungkot lang na… ―Ui, may double dutch at cookies and cream! Kaso…‖ ―Tsk. Tig-isa na lang.‖ Tig-isa na lang.

Page 257: Tossed Coin

Pinulot ni kuya Ian yung dalawang ice cream. Sa kanan yung double dutch. Sa kaliwa yung cookies and cream. Pareho kasi kami ng paborito. Buti sana kung marami yung nakalagay eh di apat yung bibilhin ko para tig-isa kaming may double dutch at cookies and cream. ―O, alin dito gusto mo? ―Ahm…‖ Tiningnan ko yung dalawa. Yung double dutch na una kong natikman pero minsan-minsan lang kainin dahil mas pinipili ko yung cookies and cream na lagi ko naman kinakain dahil ang sarap talaga. ―Eh. Pwede bang pareho?‖ ―Hindi pwede! Siyempre akin yung isa, ikaw nga yung manlilibre ako pa yung nawalan?‖ ―Eh di ikaw ang pumili.‖ ―Ayoko. Siyempre, uunahin ko kung ano yung mas gusto mo.‖ ―Hindi ako makapili eh.‖ ―Mag toss ka na lang kaya? Binigay sa kin ni kuya Ian yung piso. ―Sayo na nga yan. Lucky charm mo.‖ Dumukot siya ng pentel pen sa bulsa niya. Nakakatawa dahil may pentel pen siya. Sinulat niya yung ‗Ian‘ sa heads at ‗Chi‘ naman sa tails. Maliit lang naman yun.

―O game. Pili ka na.‖ ―O sige. Heads pag double dutch. Tails pag cookies and cream.‖ Toss. Flip… Crap— Drop. ―Heads.‖ Naisip ko, ayos lang yun kasi lagi namang cookies and cream yung kinakain ko. Nagbayad si kuya Ian saka binigay sa kin. ―O eto.‖ Binuksan niya yung cookies and cream niya, napatitig lang ako. Hindi ko alam kung bakit, pero pinigilan ko siya nung kakainin na niya. ―Wait!‖ ―Bakit?!‖ ―Eto na lang sayo. Akin na yan.‖ Binigay ko sa kanya yung double dutch at kinuha ko na yung cookies and cream. Tinikman ko at parang nabuo yung araw kong yun. Umupo kami sa may sidewalk habang nageenjoy sa mga ice cream namin. ―Hmm. Alam mo, napatunayan ko na yung mga nagcocoin toss yung mga taong natatakot magdesisyon para sa sarili nila.‖ ―Grabe. Ganon ba ako?‖ ―Siguro?‖ Nagtawanan kami. Pero totoo yung sinasabi ko… Alam kong totoo… ―Bakit mo nasabi?‖ ―Alam mo, ididisprove ko yung sinabi mo kanina tungkol sa ere.‖ ―Bakit?‖ ―Sinubukan ko kanina. Pero alam mo yun? Isang segundo lang. Ni hindi ko man lang nasabi sa utak ko kung alin nga ba ang pipiliin ko eh. Siguro, yung mga nakakagawa lang nun ay yung mga imba maghagis ng coin pataas… as in yung hangaaaaang langit. Para by the time na bumagsak na, nakapagdesisyon sila.‖

Page 258: Tossed Coin

Tumawa si kuya Ian tapos ginulo niya yung buhok ko. ―Oi!!! Wag mo nga guluhin!‖ ―May tanong ako.‖ ―Ano?‖ ―Eh diba lumabas dun sa coin ay heads? Eh bakit inagaw mo yung cookies and cream?‖ ―Tanong ba talaga yun?‖ ―May gusto lang akong iparealize sayo…‖ Nakakapagtaka dahil… Hindi ko maalalang nangyare to sa totoong buhay… ―Ewan ko… Kasi… Kasi… Kasi nung kakainin mo na yung cookies and cream narealize ko na mas gusto ko yun kainin.‖ ―Eksakto.‖ ―Anong eksakto?‖ ―Nakapagdesisyon ka ng isang bagay nung muntik na mawala yun sayo… Hindi ba?‖ ―Ahm… Oo?‖ Ngumiti si kuya Ian, tapos tumayo.

―Masakit man isipin na minsan, dumadating talaga sa ganong oras. Yung kung magdedesisyon ka kung kailan mawawala na sayo ang isang bagay. Ayoko mangyare sayo yun…‖ ―Pero kuya…‖ May gusto akong sabihin… Pero… Biglang may dumating na taong naka green na polo at jeans. Parang… Parang namumukaan ko siya… ―Pero… Kuya…‖ Ang weird dahil… dahil pareho silang naglalakad palayo sa akin… Tumayo ako sa kinauupuan ko… ―…Pero kuya, nangyayare na… Hinahabol ko silang dalawa, pero bakit hindi ko sila nahahabol? At— Nagising ako. “P—panaginip?” Isang mahabang panaginip na bawat detalye ay alam ko. Nakita ko si Anya na napatayo sa kinauupuan niya. Hindi ko alam kung bat ang dami kong parang bandage sa may kamay at masakit yung kanang braso ko at yung likod ko na parang may gasgas na hindi ko alam. Suot-suot ko parin yung suot ko kagabi… KAGABI? “Chi, ang… haba ng tulog mo.” Pagkakita ko kay Anya, namumula yung mga mata niya. Hindi ko alam kung kinamot o may sore eyes. Bigla akong nakaramdam ng takot… Yung… yung naka green na polo at jeans ay si… “Anya… Anya, si Jet?!”

Page 259: Tossed Coin

Nakasalubong yung dalawa kong kilay. Alam ko na nasa ospital ako, pero hindi ko alam kung anong nangyare. Nawalan ba ako ng malay? Ang pagkakaalala ko, hinahabol ko yung piso at yung ilaw… “Si Jet?!” Kinakabahan ako dahil ayaw sumagot ni Anya. Nakatingin lang siya sa ibang lugar. “ANYA, SI JET?!” Napasigaw na ako, at sa loob-loob ko sobrang natatakot na ako. Hindi ko alam kung gusto ko nga ba marinig yung sasabihin ni Anya o hindi… “Bakit si Jet yung una mong hinanap?” Tinanong sa kin yun ni Anya na may nanginginig na boses… “Bakit hindi si Gab?” “Anya, bakit ngayon ka pa nagtatanong ng ganyan eh—” “Bakit?” Tumingin ako kay Anya derecho sa mga namumula niyang mata. Gusto kong alisin sa utak ko yung nasa isip ko…

“Masama ba?! Masama bang marealize ko na si Jet yung mas mahal ko? Na si Jet yung gusto kong makasama?! Na si Jet?! Si Jet! ASAAN SI JET!!!” Hindi na tanong yung nasabi ko kundi isang sigaw, isang sigaw na naghahanap. Lalabas na sana ako nung biglang bumukas yung pinto at lumabas si Sef. “Gising ka na pala.” Napansin ko na suot parin ni Sef at ni Anya yung mga suot nila kagabi—o ngayong gabi? Hindi ko alam. Wala na akong alam sa oras. Isa lang ang alam ko… Oras na para magdesisyon… “Sef sorry pero—” “Bago mo sabihin… Uunahan na kita.” Napatingin lang ako sa kanya, clueless sa gusto niyang sabihin. ―Pinapakawalan na kita.‖ Hindi ko alam kung bakit niya to sinasabi sa mga oras na tuluy-tuloy yung luha ko. Pero nakaramdam ako na parang nabunutan ako ng tinik… Pinagtataka ko lang kung bakit ngayon niya to sinasabi… “Nangatog yung tuhod ko nung nakita ko na mapapahamak ka na. Pero hanggang dun lang. Nangatog lang… Si Jet… Tumakbo papunta sayo…” Si Jet… Siya pala yung huli kong narinig na sumigaw ng pangalan ko bago ako mawalan ng malay. Kinakabahan ako na parang biglang umiikot ang mundo ko… Napasandal ako kay Sef dahil nahihilo ako. Si Anya kumuha ng tubig tapos binigay sa kin. Ininom ko yung tubig, na lalo lang nagpadagdag ng mga tumutulong luha ko. “Hindi ako ang para sayo…” “Sorry… Sorry…” Niyakap ko siya at nagiiyak. Oo, alam ko na kung sino ang mahal ko talaga. Pero naiiyak din ako kapag naaalala ko yung mga alaala naming dalawa… At yung pagmamahal ko sa kanya…

Page 260: Tossed Coin

Ngayon, alam ko na yung sinasabi ni Anya na parang nao-obsess ka lang sa kwento niyong dalawa na akala mo tuloy pagmamahal parin yung nararamdaman mo… Pero hindi. Hindi nangangahulugang siya ang ang una kong minahal, siya din ang huli kong mamahalin… Naalala ko yung panaginip ko kani-kanina lang. Sa panaginip ko, inexplain ni kuya Ian kung bakit cookies and cream ang pinili ko. Pero wala akong natatandaan na nangyareng ganon. Ang alam ko lang, naglakad lang kaming dalawa habang kinakain yung ice cream. Siguro… Siguro kinausap lang ako ni kuya Ian? Hindi ko alam… Kung ano man yun… Nagpapasalamat ako… Hanggang sa dulo… Tinutulungan parin niya ako. Bigla kong narealize na hindi parin nila sinasagot yung tanong ko kung asan si Jet. Inangat ko yung ulo ko sandali saka tinanong si Sef. “Asaan si Jet?” Pinunasan ko yung mga luha ko at hinintay ko yung sagot ni Sef. Pero napalunok lang siya ng laway. Lalong kumabog yung dibdib ko nung tumingin lang siya kay Anya… Si Anya na hindi makatingin sa kin.

“PLEASE. ANONG NANGYARE KAY JET?!” Gusto ko na lang magmura, at patayin ang sarili ko kung may mangyareng masama. “Walang ganyanan please...” “S—si Jet y—yung… Yung tinulak ka kaya… kaya… kaya ka nagkaganyan.” “Anya, hindi mo sinasagot yung tanong ko…” Pareho na kaming nagsisniff. Pinipisil ko yung sleeves ni Sef, hindi ko kakayanin kung may mangyareng masama kay Jet… Bakit kung kailan… Kung kailan alam ko na kung sinong mahal ko… “Asan?! Asan?!” “Kumalma—” “Paano ako kakalma?!” May tumawag sa cellphone ni Sef. Lumapit ako sa pinto na nakayapak. Gusto ko magtatatakbo para hanapin si Jet… “Ma… Opo… Opo… Si… Si Jet…” Nakita kong tinakpan ni Sef yung mga mata niya. Hindi… Hindi to pwede. Binaba ni Sef yung telepono at hinampas ko siya sa may dibdib niya. Maloloka ako… MALOLOKA TALAGA AKO KUNG NGAYON PA MAWAWALA SA KIN YUNG TAONG MINAMAHAL KO. Lumabas ako para tanungin sa isang nurse kung asan si Jet. Alam kong hindi mental yung pinasukan ko, pero ginawa ko yun. Pinigilan ako ni Sef at ni Anya. May tumawag sa cellphone ni Anya naririnig ko siya habang isa-isang binubuksan yung mga pinto ng kwarto at hawak niya ko… “Tita… Opo… si Cherry?! Andito po… Okay lang po siya… Yung… Yung isa lang pong kaibigan namin yung…” “TAMA NA!!!” Sinarado ko yung tenga ko dahil ayoko na makarinig ng kung ano. Napaupo na lang ako at naiiyak. Sinalo ako ni Sef dahil mawawalan na ako ng lakas…

Page 261: Tossed Coin

“S—sige po tita… Hindi naman po… S—sige po…” Binaba ni Anya yung telepono saka bumaba para magkatapat kami ng mukha. Pinunasan niya yung luha ko saka sabing, “Parating na sina tita… Makakaya mo yan…” “Makakaya?! Sabihin mo sa kin, paano ko makakaya?!” Wala na ako sa katinunan. Galit na galit sa sarili ko at sa mundo. Ganito pala yung feeling na gusto mong magpakamatay, pero dahil alam mong hindi pwede, lalong nagiging masakit sa dibdib. Ang sakit sakit na parang sasabog na yung puso ko… Tinayo ako ni Sef at tinungo sa isang kwarto dahan-dahan… “Anjan siya… Kung… Kung gusto mo siya makita…” KUNG GUSTO KO MAKITA?! NA ALIN?! NA AKO YUNG DAHILAN KUNG BAKIT NAGKAGANON?! Naiyak lang ako… Walang hanggang iyak… Hinawakan ko yung doorknob… Binuksan…

…Nang biglang dumilim. CHAPTER 43 [Tails] Biglang may tumakip sa mga mata ko, pero alam kong isang kamay lang ang gamit niya. Kung sino man to… “J—Jet?” Inalis niya yung kamay niya—at pagtalikod ko… Hindi ko na napigilan ang sarili ko kundi ang umiyak at isigaw ang pangalan niya nung nakita ko siya. Yinakap ko siya— “Aray aray!” “S—sorry…” “Ayos lang. Kakayanin ko to. Parang tatlong Gab lang ang tumulak sa kin. Eh ikaw parang limang daang Anya ang kumalmot sayo.” “Ano ba yan, dinamay pa talaga ako.” Pinunasan ko yung luha ko at sa wakas, nakaramdam ako ng ginhawa. “Baliw, baliw ka talaga.” "At... Sorry nga pala dun sa friendship bracelet..." "Asan na ba yun?" "Tinanggal ko. Friendship bracelet eh. Hindi love bracelet." "Baliw ka talaga!" "Joke lang. Eto." Nasa may ankle niya. "Hindi naman mahalaga kung nakikita mo eh. ang mahalaga, alam mong nasa akin, at iingatan ko to kahit pa mabundol ako ulit." "Tumigil ka nga." “Namiss mo ko?” “Walangya ka. At kayo ding dalawa!” Ayan na, nagumpisa nanamang tumulo yung mga luha ko, pero this time, dahil sa saya. Sa saya na buhay pa ang magiging dahilan ko para mabuhay ng mas matagal pa.

Page 262: Tossed Coin

“Galing kong actress no?” “Oo na, bwisit ka Anya.” Yinakap ko si Anya, at yinakap niya ako pabalik. “O ayan ah… Sana sumaya ka na…” “Ako may pakana nito, sorry.” Tiningnan ko si Sef. Siya ang may pakana? Pero… bakit? “Bakit?” “Sinabi ko na sayo kanina. Hindi ako ang para sayo, diba? Mas… Mas makakabuti kung marerealize mo nga kung sino.” “Pareho kayo ng utak ni kuya Ian. NAKAKAINIS!” Tumawa si Sef at ginulo niya yung buhok ko. “Oi! Wag mo nga guluhin! Pasalamat ka mamasa masa ako.” “Oi Jet, ingatan mo tong soulmate ko ah.” “O naman. Teka, hindi magandang mag-usap dito. Ang tagal mo kasi magising eh.” “Ha? Mas una ka pang nagising sa in?!” “Ano ka ba. Hindi naman ako nawalan ng malay di tulad mo. WEAK.” “Ah, weak pala ah!”

“Joke lang. Lakas mo kaya sa kin…” Ngumiti siya. “Kaya mahal kita eh.” Ngumiti ako tapos nagehem si Anya. “Ahm, sa kwarto na lang tayo?” Pumunta kami sa kwarto. Ang lakas ng kabog ng puso ko na… Na ngayong katabi ko na si Jet—yung taong napagdesisyunan ng utak at puso ko. Pagdating sa kwarto, umupo ako sa may kama. Si Anya dun umupo sa upuan malapit sa kin. Si Sef, dun sa bench. At si Jet… Umupo siya dun sa tabi ko at hinawakan yung kamay ko… Kahit parehong puno ng bandage yung mga braso namin at alam kong mahirap humawak ng mahigpit, hinawakan ko parin siya as tight as possible. Mas gusto ko na masaktan ako sa kakahawak sa kanya… Ngumiti kami pareho… “Ano bang nangyare?” “Jet, ikaw na.” “Ano kasi… Sorry, kasalanan ko din kung bakit ka nawalan ng malay.” “OA kasi sa pagtulak.” “Sorry na nga!” “Eh wait, okay… Anong nangyare?” “Hinabol kita kasi alam kong mapanganib, nung nakita kong may parating na sasakyan, tinulak kita ng pagkalakas-lakas…” “Ang punch line dun, nagpreno agad yung sasakyan, pero natulak si Jet at ayan ang nangyare sa braso at hita niya.” “Masakit lang na pasa. Pero hanggang dun lang yun. Kesa sayo, nagasgas ka. Imbis na nakatulong ako, lalo akong—” “Nakatulong ka.” Binigyan ko siya ng isang ngiti at isang titig sa mata. Ang saya sa feeling na alam mo na kung ano talaga ang gusto mo at hindi mo na kailangan iasa sa isang barya ang lahat. Tumayo si Sef at lumabas ng kwarto. “Banyo lang.”

Page 263: Tossed Coin

Pinisil ni Jet yung kamay ko nung pagkalabas ni Sef sa kwarto. “Puntahan mo. Okay lang sa kin.” “Sure?” “Sige na.” “O sige…” “T—teka…” “Ano?” Kinamot ni Jet yung gitna ng mga kilay niya. Pero… Nakatingin siya ng direcho sa mga mata ko. “Mahal kita.” Tumayo si Anya at kumuha ng tubig. Ako naman, nag „bleh‟ ako saka ako umalis na masaya. Sa ngayon, tingin ko nga, kailangan ko muna kausapin si Sef. Papalakad siya sa may stairs nung nakita ko siyang bumababa. Nung nakita niya ako, napatigil siya sa may hagdan at hinintay ako hanggang sa nasa tabi na niya ako. “Akala ko ba banyo pupuntahan mo?” “Joke lang. Uupo lang ako sandali sa may lobby. Parating na din sina mama at yung papa ni Jet.”

Naglakad kami pareho. Gabay-gabay niya ako habang bumababa kasi hindi ko mamaintain yung balance ko. Siguro nga, mejo OA lang yung pagkatulak sa kin ni Jet. “Sorry…” “Wag ka nga magpaulit-ulit na sorry.” “Eh kasi…” “Magsorry ka sa kin kung nagkamali ka ng desisyon…” Tumingin siya sa ibang lugar… “Pero alam ko namang masaya ka sa desisyon mo, hindi ba?” Nginitian ko siya. Hindi ko maikakaila na yung taong katabi ko ngayon ay ang taong una kong hinanap, una kong naranasan ang sakit, una kong naramdaman ang saya na may inspirasyon, una kong halik… at ang una kong minahal… “S… sorry.” “Hindi mo kailangang magsorry. Ako nga tong nangatog nung muntik kana mapahamak. Wala man lang akong nagawa. Paulit-ulit ko na sinasabi kanina pa.” “Hayaan mo na ako magsorry, Sef.” “Wala ka bang respeto?” “H—ha?!” At ayon nanaman siya, ginulo nanaman niya yung buhok ko… “Kuya. Kuya Sef na lang.” Ngumiti siya at hindi ko mapigilan yung urge na yakapin siya. Niyakap ko siya ng dahan-dahan kahit nakaupo kaming dalawa. “Siguro nga nung nabangga ako kalahati ng kaluluwa ko namatay. Kalahati naman ng kaluluwa ko ngayon si Ian.” “Para sa baliw yung sinabi mo.” “Siguro nga.” Nakita kong hinawakan niya yung bracelet niya. Umupo na ako ng maayos saka pinakinggan yung mga susunod niyang sasabihin. “Tingin ko kailangan ko muna magconcentrate sa pag-aaral.” “Lalayo ka?” “Parang… Parang ganon… Hindi siguro magpaparamdam.” “P—pero… Pwede namang hindi diba?”

Page 264: Tossed Coin

"Baliw ka. Sa mga telenobela lang nangyayare yung binusted tapos magiging kaibigan parin niya yung dahilan ng pagkabusted niya at yung binusted siya. Masakit din to para sa kin. Pero dahil nakikita kitang masaya, tingin ko walang rason para kahit papano hindi ako maging masaya. Di ako si Iron Man." "Si Iron man ay isang taong nababalot sa iron. So, tao parin siya.” “Ganon na din yun.” Ngumiti kaming dalawa. “Umakyat ka na. Hihintayin ko sina mama dito.” “Salamat…” “Walang anuman.” Kinindatan niya ako. Kinilig ako, pero ngayon, hindi na dahil siya si Gab o si Sef. Yung kilig na nararamdaman ko sa tuwing nakakasama ko si kuya Ian, ganon yung kilig na nararamdaman ko kay Gab—este Sef—este KUYA Sef. Umakyat ako at pagdating ko sa kwarto, andun parin si Jet at Anya. Nag-uusap sila sa tingin ko nung bigla akong dumating. “O, asan na siya?” “Nasa baba. Hinihintay ang tita mo.” “Si mama?” Napangiti ako.

“Oo, si mama.” Natawa si Anya sa sinabi naming dalawa. Yung tawang magaan. Muli, hinawakan ni Jet ng mahigpit yung mga kamay ko. Ang nakakatawa nga lang, biglang dumating yung mga magulang ko. Bibitawan ko na sana nung lalo niyang hinawakan ng mahigpit. Pilit kong binibitawan, pero nakahawak parin siya ng mahigpit. Naisip ko, patay ako kena mama at papa. Nagulat ako sa sinabi ni Anya. “Tita, siya po yung sinasabi kong pinilit na iligtas si Cherry, pinilit nga lang.” Ngumiti si Jet, at nakita kong ngumiti si mama. Si papa mejo masungit parin, pero mas okay na kesa nung may nadadala akong mga lalake sa bahay. Masaya ako… Masaya ako kahit sugat-sugat ako. Bago umuwi si Anya, tinanong ko siya tungkol dun sa piso… “Anya, alam mo ba kung asan yung piso?” “Yung bigay sayo ni kuya Ian?” “Oo, yun.” “Sa sobrang frustration ko nung hindi ka nagising, tinapon ko dun sa damuhan ng village na malapit dun sa aksidente.” Pagkatapos nun, umuwi na si Anya, una nang umuwi dahil hinahanap na siya. Umuwi na ako sa bahay pagkatapos. Inuwi ako nina mama at papa agad na hindi man lang nakakapagpaalam kena Jet at kuya Sef. Nagtext na lang ako… Kuya Sef—yehey. Sa wakas, pinayagan mo na din akong i-kuya kita. Walang hanggang sorry… at walang hanggang salamat. Rerespetuhin ko yung desisyon mo… Thank you. At kay Jet? Nung una madami akong tinext, tapos binura ko kasi parang paulit-ulit lang yung tinetext ko. Cancel ako ng cancel hanggang sa natawa na lang ako dahil dalawang salita lang naman talaga yung gusto kong sabihin… Mahal kita. Sunday na nung sumunod na araw. Pero nagpahinga lang ako buong araw. Ang sakit talaga nung mga gasgas eh. At yung Monday, pahinga din. Nagtataka ako na walang message si Jet. Siguro dahil nagpapahinga na din siya… Excited ako magsusunod na araw.

Page 265: Tossed Coin

At nung sumunod na mga araw… At yung sumunod na mga linggo… At yung sumunod na mga buwan… Paano ba to? Hindi ko masabi. Masaya ako. Masaya ako dahil bawat araw na nakikita ko siya, hindi nawawala yung mga paru-paro sa chan ko. Kahit na sabihin mong “kami” na, hindi ko parin matanggal yung kilig sa tuwing… Bibigyan niya ako ng santan araw araw…. Sasabihin niyang ang ganda ko kahit may bagong tubong pimple sa ilong ko… Sasamahan niya ako kahit sa pinto pa ng girl‟s bathroom kung natatakot ako… Sasabihin niyang sumandal ako sa kanya pag napapagalitan ako ng mga magulang ko… Hahalikan niya ako sa noo at hihintayin hanggang sa makasakay ako sa jeep… Isisigaw na ang galing kong kumanta kahit alam kong paos ako… Bibigyan niya ako ng isang t-shirt niya bilang regalo para kumportable daw ako…

Hihiga siya sa balikat ko pag pagod na siya… At… Sasabihing „mahal kita‟ sa bawat araw na pakiramdam ko napagiwanan na ako ng mundo… Paano ako hindi sasaya? Ang nakakatawa, hindi kami nag-aaway. Nag-aaway lang kami pag sasabihin niyang gusto niya ng float at gusto ko naman French fries at may 25 pesos na lang kaming dalawa. Haha. Mga ganon lang. Hindi pa nga away yun eh… Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung nangyare yun. Nung graduation, akala namin si Anya ang class salutatorian… Aba, hindi pala. Class valedictorian pala. Ako na ang pinakaproud na best friend na nagpagawa pa ng tarp kahit 150 pesos pa yung nawala sa allowance ko at binigay bilang grad gift ko sa kanya. Hinding hindi ko makakalimutan yung speech niya nung graduation namin… ―Wag sana natin i-alang sa isang ‗Toss. Flip. Drop.‘ ang pagdedesisyon. Sa dulo ng araw, tanging ang utak at puso mo pa rin ang makakapagsabi kung ano ang gusto mo.‖ Si kuya Sef, hindi pa gumagraduate dahil nga nag one year siya sa Korea, so may isang year pa siya. Natawa ako nung isang beses na inimbita niya ako na kumain, at may ipapakilala daw siya… Nag-uusap kami kung kamusta na ang buhay. Sabi ko, ako masaya. At masaya siyang marinig yun. Akala ko makakakita ako ng isang malungkot na kuya Sef. Pero nakita ko namang mukhang nakamove on na siya, siguro dahil sa mga ngiti niya. Ilang buwan na din ang nakalipas. Wala akong balita sa kanya, at nung inimbita niya ako sobrang saya ko. Nag-uusap kami nung may dumating na babae. “Girlfriend mo?” “A—ano ka b—ba! Hindi ah!” Natawa ako dahil alam kong gusto niya yung girl. Ngumiti lang yung girl, mukhang mahiyain. Two years ata ang bata sa kanya. “Ahm… Cherry… Si… Si Apple.” HAHAHA. Buntik ko na maibuga yung float na iniinom ko nung mga panahong yun. “Hello. Kayo pop ala yung laging kinukwento ni Sef.” “Wag mo na ako i-po.” “Pero—”

Page 266: Tossed Coin

“O ngayon, alam mo na yung feeling ng pino-po?” HAHA. Ganithan ba to? “Wag mo na ako i-ate. AT! Wag kang mag-alala. Hindi ako threat.” “Chi!” “Joke lang po… KUYA.” Nagtawanan kaming dalawa, pero si Apple walang idea. Alam kong gets niya yung sinasabi ko. Masaya ako para sa kanya. Kaso, mukhang nahawa siya sa pagkatorpe ni Jet at siya naman ngayon ang hindi masabi-sabi ang nararamdaman niya. Haha. Kung may isang bagay na nasabi kong natutunan ko kay Sef… kay Gab… at kay kuya Sef… Yun ay ang magmahal na walang kapalit. Si Anya? Ayon. Nag-aral siya ulit, second degree. Dun sa second degree niya, nagkaron siya ng madaming offer na pagmomodel etc. Lumalabas siya sa magazines sa mga damit etc. At siyempre, naglalakad narin siya sa runway. At ako? Suportado lang ako sa kanya. Nung tinanong ko kung kailan niya balak magkaboyfriend, eh marami namang nanliligaw sa kanya… “Ewan ko. Siguro maghihintay ako ng isang tao na ang pangalan ay Helicopter, o kaya Airplane. Parang yung

nangyare kay Gab. Tingnan mo, may Apple na siya ngayon.” “Baliw. Ikaw ba pag naging magulang ka papangalanan mong Helicopter anak mo?” Nagtawanan kaming dalawa. “Dadating siya sa tamang panahon. Masyadong maraming nagkakagusto sa akin—” “Ikaw na.” “Truth hurts.” “Hurts? Anong „hurts‟ dun?” “Sa bilang nila… Wala pa rin dun ang gusto ko.” “Eh malay mo… Di mo lang makita. Magtoss ka. Haha, joke.” “Dalawa lang ang sides ng coin no.” “Try mo mag dice?” Ang saya pag nalinaw na lahat. Ang saya pag unti-unti na nagiging okay ang lahat. Hindi sa okay na talaga ang lahat. Nagkakaroon parin naman ako ng problema no. Sa pamilya, sa pera etc. Pero masaya akong may isa akong kuya Sef na natatawagan, isang Anya na masasandalan, at isang Jet na mamahalin. Hindi ko alam kung kailan kami tatagal ni Jet. Sana… Sana panghabang buhay. Magkasama kami ni Jet. Sinamahan niya ako dun sa demo ko sa isang school. Ang sweet niya no? “O, bat ka nakatitig sa kin?‟ “Wala lang. Ang cute mo eh.” Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ako sa noo. Oo, laging noo, ilong, cheeks… Pero hindi pa niya ako nahahalikan sa… sa labi. Ilang buwan na kami, pero ayon. Masaya akong marunong siyang maghintay. Sabi niya, gusto niya ako yung magsabi kung kailan ako handa. Natatawa ako pag sinasabi niya yun dahil parang akala mo naman magpapakasal na. Pero… Paano ko ba sasabihin na… na gusto ko? Nagbabyahe kaming dalawa nun papunta sa bahay nila. Nakasandal ako sa kanya habang papunta sa bahay nila. May kukunin lang daw siya. Pumasok kami at yun nga, walang tao sa bahay nila. Umupo ako dun sa sofa nila at hinintay siya kung ano man yung kung kukunin niya. Sinaksak ko sa tenga ko yung i-Pod ko at pinakinggan yung bagong kanta na kakalagay ko lang… I was alone when you came running

Page 267: Tossed Coin

Pinakinggan ko yung kanta… I was a stranger in the dark At sinundan lang yung mga galaw niya… You found a light in me and you lit up my heart At narealize na… There was a time when I was broken Ano to? There was a piece of me with you kanta ko… You put me back together and now I'm brand new …para sa kanya? Well I've been trying to find the words to say…

Matagal ko na nga hinahanap yung mga salita na sasabihin para sa kanya… That I'd be lost without you, I'd be lost without you At siguro nasa kantang to… 'Cuz you're the only one that gets me Ang taong nakakabasa sa isip ko… And you're the only one that keeps me safe Ang taong ibubuwis ang buhay para sa kin… When I'm far from sleep and lonely Ang taong anjan lagi sa tabi ko… You're the only one that holds me Ang taong hindi ako binitawan… When I'm out there chasing my dreams Hanggang sa paghabol ko sa una kong minahal… And I've got you by my side Andun parin siya at nagtitiis… I can put this world behind me Naisip ko… 'Cuz you're the only one that I need tonight… Naisip ko… Si Jet lang yung baliw na gagawa nun. Tiningnan ko lang siya sa bawat galaw niya. Mula sa pagkalkal niya ng cabinet… hanggang sa pagbukas niya ng mga plastic…

Page 268: Tossed Coin

If I forget to say I love you May mga panahong hindi ko nga siya nasasabihan siya ng ganon… If I get lost along the way At mga panahong nagagalit ako sa makatotohanang mundo… You'll be the one guiding me back everyday Pero siya yung laging anjan para lang sabihing mahal niya ako… I know the road hasn't been easy Mula sa pagsubok… I know our faith will pull us through Hanggang sa ngayon na nagmamahalan na kaming dalawa… The promise we made through thick and thin still holds true

“I—I love you… I love you Jet.” And I've been trying to find the words to say… Napatingin siya sa kin. 'Cuz you're the only one that gets me “May sinasabi ka?” And you're the only one that keeps me safe… “I… love… you…” When I'm far from sleep and lonely Tuluy-tuloy yung kanta… You're the only one that holds me Nang tumulo yung luha ko dahil… When I'm out there chasing my dreams Narealize ko na… And I've got you by my side Natatakot ako sa oras na mawala siya… I can put this world behind me At… natakot ako na mawala siya… 'Cuz you're the only one that I need tonight Lumapit siya sa kin… And I‘ll be lost without “Anong pinakikinggan mo?” I‘ll be lost without you

Page 269: Tossed Coin

“The only one. The Material…” It doesn't matter how far away we go “Tigilan mo na yan… naiiyak ka na…” In your arms is the place that I call home Pinunasan niya yung luha ko… The place that I call home “Unless na papayagan mo ko.” Nagulat ako nung kinuha niya yung left earphone ko… Tinayo niya ko at hinawakan ang mga magaspang kong kamay… 'Cuz you're the only one that gets me “J—Jet…”

And you're the only one that keeps me safe Yinakap niya ako at parang… When I'm far from sleep and lonely Parang sinasayaw… You're the only one that holds me “Hindi ako marunong sumayaw tulad niya…” When I'm out there chasing my dreams “Parehong kaliwa ang paa ko…” And I've got you by my side “Di ko nga alam kung bakit ako nagustuhan mo eh…” I can put this world behind me “Baliw ka ba, hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan?” 'Cuz you're the only one “Jet…” The only one… “Bakit?” You're the only one that gets me “Hanggang sa dulo ng kanta… k—kung pwede…” You're the only one that keeps me safe “Kung pwede lang naman—” When I'm far from sleep and lonely At…

Page 270: Tossed Coin

You're the only one that holds me Dahan-dahan niyang dinikit yung mga labi niya sa labi ko… When I'm out there chasing my dreams Pumikit ako… kaya hindi ko nakita kung nakadilat o nakapikit din siya… And I've got you by my side Ilang minuto pa kaya yung kanta? I can put this world behind me S—sana… 'Cuz you're the only one that I need… Wag muna matapos… Tonight…

Natapos yung kanta, at nagulat siya, katulad din ng pagkagulat ko. Nagawa namin, ang unang halik naming dalawa. Nakakatawa dahil… Kahit sinabi kong hanggang sa dulo lang ng kanta… Inulit niya… At inulit pa ulit. Napangiti na lang ako nung kinamot niya yung gitna ng mga kilay niya. Yung katotohanan na kinikilig pa rin kaming dalawa kahit ilang buwan na kami ay nakakakilig para sa kin… Hindi ba? Nakita na niya yung sinasabi niyang notebook or something. Naglabas siya ng barya, tapos may naalala ako. “Bu, pwede mo ba ako samahan?” Minsan, pag nagpapacute ako, „bu‟ ang tinatawag ko sa kanya. Pero pag hindi, sa pangalan lang niya. Haha. Kung bakit bu? “Sige po, hayko.” Bu-hayko. Ang corny namin no? Nagjeep kami papunta dun sa village kung saan naganap yung aksidente ilang buwan narin ang nakakalipas. Inumpisahan ko sa dun sa may malapit sa pader. Ginagamit ko yung paa ko. “Ano bang hinahanap mo?” “Yung… yung piso?” “Yung pinangtoss mo?” “Ahm… Oo.” Tinuloy ko lang yung paghahanap, tinutulungan rin niya ako nang marinig ko siya… “Paano kung… kung heads ang lumabas?” Napatigil ako. “Diba heads si Gab, tails ako? Yun yun diba?” Napaisip ako. Oo nga. Paano nga kung ganon? “Nagbago na yung isip ko. Wag na nating hanapin.” “H—hindi. Tinanong ko lang naman… Importante yun sayo diba?”

Page 271: Tossed Coin

“Mas importante ka sa kin.” Ngumiti ako. “Isa pa, kahit heads ang lumabas, hindi kita iiwan.” Siguro nga, hindi piso ang magsasabi na tama ang desisyon ng isang nilalang na gagawa ng coin toss. Yun nga lang, sa kwento naming dalawa— Pumunta ako sa kanya para yakapin. Yakap lang namin ang isa‟t isa nang nakaramdam ako na parang may natatapakan ako na hindi lupa. Tiningnan naming dalawa… Napangiti. Isang piso… Na… Ang nakalitaw na side… Ay yung side na nakalagay yung pangalan ko.

Heads or tails? ;-)

Toss. Flip. Choose. Drop…

Or Toss. Flip. Drop. Choose… Or simply… Choose.