TP-FILI BSA

Embed Size (px)

DESCRIPTION

jbjhb

Citation preview

SALOOBIN NG MGA MAG-AARAL HINGGIL SA PAGDARAGDAG NG TIG-ISANG TAON SAKURIKULUM NG ELEMENTARYA AT HAYSKUL

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino,Kolehiyo ng Pagtutuos, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Bilang pagtupad sa mga Pangangailangan ngAsignaturang Filipino I, Pagbasa at PagsulatTungo sa Pananaliksik

Ng:BSA 1-1

Marso, 2011Dahon ng PagpapatibayBilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino I, Pagbasa at Pagsulat I Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang saloobin ng mga mag-aaral hingil sa pagdaragdag ng tig-isang taon sa kurikulum ng elementarya at highschool ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa BSA 1-1 na binubuo nina:

Cristina AndayaCharlene CaraanGrecilyn Delos ReyesAlvin GuardianoElaine ManaigSarah Mae MagpiliMaurene OriolMichaela Krishia PeradaMika Isabel ReyesZhara Grace Tropia

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-unang taon sa kolehiyo, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Sto. Tomas. Tinanggap sa Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Pagtutuos, Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino I, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik ni:

_____________________________Honorato CabreraPropesor at Puno ng DepartamentoListahan ng mga Talahanayan at Graph

I. Talahanayan I : Distribusyon ng mga Respondenteng Mag-aaral, Guro at Magulang sa Mababa at Mataas na Paaralan ng Malaking PuloII. Graph I: Sang-ayon ka ba sa pagdaragdag ng isang taon sa kurikulum?III. Graph II: Sa iyong palagay, makatutulong ba ang panukalang ito sa lubos na pagkatuto ng mga estudyante?IV. Graph III: Sa iyong palagay, sapat na ba ang pondong inilalaan ng Gobyerno para sa sektor ng edukasyon?V. Graph IV: Sa iyong palagay, makatutulong ba ang panukalang ito upang maitaas ang kalidad ng edukasyon ng bansa?VI. Graph V: Sa iyong palagay, sapat na ba ang mga pasilidad sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral?VII. Graph VI: Sa inyong palagay, kanino dapat isisi ang mababang antas ng edukasyon sa bansa?VIII. Graph VII: Sa inyong palagay, makadaragdag lamang ba ang panukalang ito sa mga gastusin ng pamahalaan?IX. Sa inyong palagay, masusukat ba ang pagiging edukado ng isang mag-aral batay sa dami ng taon ng kanyang pag-aaral?X. Sa inyong palagay, magreresulta ba sa pagkawala ng interes ng mga mag-aral ang pagdaragdag ng isang taon sa kurikulum?XI. Sa inyong sariling palagay, bakit dapat o hindi dapat ipatupad ang panukalang ito?PasasalamatAng mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga nakiisa at naging kabahagi sa matagumpay na pananaliksik na ito.Kay G. Honorato Cabrera, sa pagiging daan sa pagbuo namin ng isang natatanging pamanahong papel.Sa aming mga magulang, sa taos pusong pagsuporta at pagbibigay ng tulong pinansyal upang maisakatuparan namin ang proyektong ito.Sa aming mga kaibigan na naglaan ng panahon at nagbigay ng mga kontribusyon upang matagumpay na matapos ang pamanahong papel na ito.At higit sa lahat ang Poong Maykapal na nagbigay sa amin ng ibayong kaalaman at paggabay hanggang sa matapos ang maipagmamalaking proyekto na ito.

TALAAN NG NILALAMANKabanata I Ang Suliranin at Kaligiran NitoI. IntroduksyonII. Layunin ng Pag-aaralIII. Kahalagahan ng Pag-aaralIV. Suliranin sa Pag-aaralV. HaypotesisVI. Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaralVII. Depinisyon ng mga TerminolohiyaKabanata II Mga Kaugnay na Pag-aaral at LiteraturaKabanata III Disenyo at Pamamaraan ng PananaliksikI. Disenyo ng PananaliksikII. Mga RespondenteIII. Instrumentong PananaliksikIV. Tritment ng mga DatosKabanata IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga DatosKabanata V Lagom, Kongklusyon at RekomendasyonI. LagomII. KongklusyonIII. RekomendasyonUNANG KABANATAANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO1. IntroduksyonAng edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng mga kasanayan, pagbabahagi ng mga kaalaman, mabuting paghusga at karunungan. Masasabing isa itong tuntungan ng pagkahubog at pag-unlad ng lipunan ng isang bansa. Gayundin, isa rin itong mabisang sandata upang palayain ang samabayanan mula sa pagkaalipin, ito man ay sa larangan ng kultura, ekonomiya at pulitika. Sa kabuuan, ito ay binuo na may isang hangaring makapagdudulot ng kapakinabangan sa lahat, upang mabigyang kaalaman ang mga isip na gutom sa karunungan.Sa panahon ngayon, isa ito sa mga problemang nais ng matuldukan ng ating gobyerno. Lubos na mababatid kung gaano kababa ang literacy rate ng Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa. At bilang solusyon ng ating pamahalaan sa suliraning ito, isang panukala ang ilalapat sa mga pribado at pampublikong paaralan at ito nga ang 12-taong sistemang pag-aaral sa elementarya at sekundarya na kilala rin sa tawag na K12.Sa tulong ng pananaliksik na ito, ating malalaman ang ibat ibang reaksyon ng mga estudyante ukol sa gagawing panukala, maging ang mga gurong tagahubog sa mga mag-aaral at ang mga magulang na siyang tumutustos sa mga pangangailangan ng kanilang anak. Ano nga ba ang kapakinabangan nito sa mga mag-aaral? Sapat na nga ba ang paraang ito upang masolusyunan ang nasabing suliranin?

2. Layunin ng Pag-aaral

a.) Maipabatid ang saloobin ng mga piling mag-aaral, guro at magulang hinggil sa dalawang karagdagang taon sa kurikulum.b.) Malaman ang maaring epekto ng panukalang itob sa pagtaas ng kalidad ng edukasyon ng bansa atc.) Matukoy ang mga suliraning kaakibat sa pagpapatupad ng nasabing panukala.

3. Kahalagahan ng Pag-aaralInaasahan ng mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng pag-aaral na ito sa mga ss: Sa mga mananaliksikUpang makakalap ng mga impormasyon ukol sa nasabing paksa na kinakailangan upang makabuo ng kongklusyon na siya namang maaring maibahagi sa lahat. Sa mga guroSa pagpapalawak ng kanilang pang-unawa sa saloobin ng mga estidyante ukol sa pagdaragdag pa ng dalawang taon sa kurikulum. Sa mga mag-aaral at magulangUpang mabigyang tinig ang kanilang saloobin ukol sa nabanggit na isyu at upoang mapabatid sa kanila ang layunin ng Kagawaran ng Edukasyon sa gagawing hakbangin na ito. Sa gobyernoUpang kanilang mabatid ang kanilang pagkukulang at pananagutan sa edukasyon ng bansa. Ito rin ay maaring magsisilbi nilang batayan sa paggawa ng aksyon ukol sa isyu. Sa komunidadUpang maging bukas ang kanilang isipan sa suliranin ng bansa na ito at para na din makapagbuo sila ng kuro-kuro kung paano makatutulong sa pagreresolba nito.

4. Suliranin sa Pag-aaralAng pag-aaral na ito ay layuning alamin ang saloobin at pananaw ng mga piling mag-aaral, magulang at guro ukol sa pagdaragdag ng tig-isang taon sa kurikulum ng elementarya at sekundarya.Naglalayon din itong mabigyang kasagutan ang mga ss na katanungan:1.) Ano ang saloobin ng mga mag-aaral, magulang at guro sa pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum ng mga paaralan?2.) Lubos bang makatutulong sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon ang panukalang ito?3.) Ito ba ang pinakamainam na solusyon sa patuloy na pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas?

5. HaypotesisMalaki ang maitutulong ng pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum upang maiangat ang antas ng edukasyon sa kabila ng kaakibat na mga suliranin.

6. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralAng pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-aaral, magulang at guro ng mataas na paaralang sekundarya ng Malaking Pulo. Ang mga mananaliksik ay napagpasyahang limitahan ang pag-aaral sa extent na ito dahil ang prayoridad ng pananaliksik ay malaman ang saloobin ng mga mag-aaral, magulang at guro tungkol sa pagdaragdag ng tig-isang taon sa kurikulum ng mga elementarya at hayskul.7. Depinisyon ng mga TerminolohiyaK12- panukalang pang-edukasyon ng pamahalan na nagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulumIlliteracy- kamangmangan, kawalang kakayahan sa pagbasa t pagsulat.Kurikulum- sang integral kurso ng akademikong pag-aaral;.Panukala- rekomendasyon, plano, mungkahi, programa.Badyet- kaukulang salaping nakalaan para sa isang partikular na layunin.Edukasyon- ang pagtuturo o pag-aaral ng isang kasanayan.DEPED- Departamento ng EdukasyonIkalawang KabanataMGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

K12 SA PILIPINAS, SOLUSYON BA?ni: Michael A. Montuya ng Jose Panganiban Elementary SchoolIsang malaking hamon sa Administrasyong Aquino kung paano mapapaunlad at higit pang mapapataas ang antas ng edukasyon ng ating bansa kaya inilunsad nito ang K12 o karagdagang dalawang taon sa Kurikulum ng Sekundarya. Subalit ito nga ba ang sagot sa problema ng edukasyon? Tama ba ang programang ito?Sa aking pananaw, dapat pag-isipang mabuti ang programang ito kung ito man ay ipapatupad at isaalang-alang ang kasalukuyang problema ng edukasyon. Maaring maganda ang programang ito subalit dapat pa ring isaalang-alang ang mga sumusunod;1. Budget sapat ba ang pundo ng Department of Education upang tustusan ang pangangailanganng bawat paaralan. Sa kasalukuyan ay marami pang paaralan ang nangangailangan ng mga silid aralan at ilan sa kanila ay nagkakasya na lamang sa ilalim ng puno, stage at ilang lugar na puwedeng kanlungan ng mga estudyante.2. Imprastraktura karagdagang taon, karagdagang silid-aralan, ito ang problemang posibleng kaharapin ng gobyerno lalo nat magdagdag sila ng taon sa Sekundarya.3. Guro sapat ba ang guro sa bawat paaralan? Sa panahon ngayon ay marami pang mga paaralan ang nangangailangan ng mga guro na hindi mabigyan dahil na rin sa kakulangan ng pundo ng Department of Education. Kaya kung ipapatupad ito mangangailangan muli ng karagdagang mga guro na siyang magtuturo sa dagdag na dalawang taon.Maaring ilan lamang ito sa aspetong dapat tutukan ng Department of Education at ilang sangay ng gobyerno upang maayos na maipatupad ang K12 subalit ipatupad man ito ay patuloy na sisiklab ang protesta ng mga magulang at mag-aaral na direktang maapektuhan ng programang ito.Nakikita man ng gobyerno ang problema sa edukasyon ngunit katanungan pa rin kung tama ang solusyong K12 upang ito ay matugunan. Ano nga ba ang problema ng ating edukasyon bakit patuloy at patuloy ang pagbaba ng kalidad nito sa ating bansa?Balikan natin ang panahon na kung saan nakilala ang Pilipinas na isa tayo sa tinitingala pagdating sa edukasyon. Marami noong mga dayuhang pumupunta sa ating bansa upang mag-aral at ngayon ay unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga ito.Ano ba ang sekreto noon, at ano ba ang kulang ngayon?Kung ako ang tatanungin hindi solusyon ang K12 program ng Department of Education, maaring ito ay isa sa solusyon ngunit hindi pa napapanahon. Dapat silipin natin o kaya naman pakinggan ang daing ng mga kabataan, mga magulang at maging mga guro upang higit na mapaganda ang kalidad ng edukasyon. Kung pagbabatayan natin ang problema sa isang silid aralan ay posibleng makuha natin ang sagot kung paano magkaroon ng de-kalidad na uri ng edukasyon.1. Bawasan ang pupil/student Teacher ratio sa isang silid aralan Higit na matutukan ng mga guro kung kukunti ang kanilang mga tinuturuan sa loob ng silid aralan. Dapat ding sundin ang 25 30 mag-aaral sa isang silid aralan upang mabawasan ang hirap ng mga guro sa pagtuturo at mabigyan ng atensiyon kung ano ang kakulangan ng bawat mag-aaral.2. Dagdagan ang Budget ng Deped Dapat ding dagdagan ang budget ng DepEd. Bigyan ng karagdagang sahod ang mga guro at allowances na higit pa sa natatanggap ng mga sundalo. Kung nagagawa nilang magbigay ng allowances sa mga sundalo bakit hindi nila maibigay sa mga guro na siyang nagsisilbing limot na bayani.3. Karagdagang Guro Isa sa target n gating pamahalaan ang magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan subalit patuloy na ipinagkakait sa mga lisensiyadong guro na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring trabaho. Ilan sa kanila ay nagtratrabaho sa mga department store, retail store at ilang kompanya na walang kinalaman sa kanilang natapos na propesyon. Sayang ang ating mga guro. Sayang ang kanilang pagod sa pag-aaral kung sa ganyang trabaho lang sila masasadlak.4. Karagdagang Silid Aralan Ilan ba ang tamang sukat ng isang silid aralan? Ano ba ang laman ng isang silid-aralan? Ito ang senaryo na dapat Makita n gating pamahalaan upang mamulat ang kanilang isipan na ang isang silid aralan na Conducive to Learning ay yaong malayang nakakakilos ang mga bata sa kanilang kinauupuan taliwas sa ating makikita ngayon. Mga batang nagsisiksikan sa isang desk, guro na hindi makapagturo dahil sa kasasaway sa mga estudyante, at maging mga instructional materials ay wala nang mapaglagyan.5. Kurikulum maganda ang adhikain ng K12 na tutukan ang Agham, Matematika at English subalit mas higit na dapat palakasin ang Kagawaran ang EPP at TLE sa elementarya at Sekundarya. Dapat itong ihiwalay sa MAKABAYAN upang mabigyan ng pansin ng mga mag-aaral at matutukan ng mga guro ang mga kasanayang dapat ituro sa isang bata. Naalala ko noong ako ay nag-aaral sa sekundarya ay kinuha ko ang asignaturang Graphic Arts at ito ay nagagamit ko hanggang sa kasalukuyan. Mula sa mano-manong pagtatak sa T-Shirt at ngayon Digital na ang aking gamit. Ang pagpapalakas sa asignaturang EPP at TLE ay higit na masasandalan ng mga mag-aaral upang maging dekalibre silang mag-aaral at magkaroon ng sariling pag-iisip na maging responsible sa sarili nilang pamamaraan at makatayo ng mag-isa ano man ang estado nya sa buhay. Sa panahon ngayon ay kailangan na ito ng mga kabataan dahil marami ngayon ang nawawala sa klase dahil na rin sa problemang pinansiyal, pamilya at personal na buhay. Sa pamamagitan nito ay mapapalakas ang moral ng mga mag-aaral at mabuhay ng naayon sa batas na may lakas na loob at pagmamahal sa paggawa na naayon sa misyon at bisyon ng edukasyon. Kailangan natin sa ating bansa ang mga Skilled Workers kaya dapat simulan ito sa elementarya at mas lalo pang palakasin sa sekundarya.Ito ay ilan lamang sa dapat tutukan n gating pamahalaan upang higit na maging maganda, de-kalidad at globally competitive sistema ng ating edukasyon. Kahit anong programa ng Edukasyon ang ipatupad ng pamahalaan kung hindi pa rin natutugunan ang pangangailangan ng bawat paaralan at guro ay patuloy at patuloy pa rin itong bubulusok at darating ang panahon na higit pa tayong mapag-iiwan ng mga karatig bansa natin.

K + 6 + 4 + 2 = K12ni: Angel Jaurigue, October 12, 2010Isa sa pinagdedebatihan ngayon ang pagdaragdag ng dalawang taon sa basic education (elementaryo at hayskul) sa Pilipinas. Para daw ito sa dalawang bagay. Una, para mas maging handa ang mga nag-aaral para sa kolehiyo. Pangalawa, at mas higit na rason, ay para mas handa sa mundo ng pagtratrabaho ang mga nakatapos nito na hindi nagtuloy sa kolehiyo (sa anumang dahilan). Inilabas din ang mga datos na maraming maunlad na bansa na ang nagpatupad ng ganitong sistema. May isa pa akong nabasang pahayag na mayroong paaralan sa bansa na sumubok magdagdag ng isang taon sa hayskul na nakikita ng magandang resulta.Naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Marahil dahil pinalaki ako ng aking mga magulang na bigyang halaga ito. At sa biyaya ng Diyos, nakatapos at nagkatrabaho. Matindi ang paniniwala ko na malaki ang kinalaman ng edukasyong nakuha ko sa pagkakatanggap ko sa trabaho at sa iba pang oportunidad na natamo sa buhay.Naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Kahit pa sabihin ng iba na marami namang drop-out ang umasenso. Naging bilyonaryo pa kamo. Tulad ni Bill Gates ng Microsoft at Mark Zuckerberg ng kilalang Facebook. Pero kailangan nating tanggapin na hindi lahat ng drop-out umaasensong tulad nila. Dahil kung ganun e di sana wala na lang nag-aral sa paaralan. Baka sa sanlibong tumigil sa pag-aaral, isa lang doon ang aasenso. Kaya pasensya ka na lang kung naisip mong magdrop-out at nabilang ka sa siyamnaraan at siyamnaput siyam. (At isa pa, naniniwala akong nagtuloy sa pag-aaral ang mga nag-drop-out kahit hindi pumasok sa paaralan kaya umasenso).Naniniwala ako sa halaga ng edukasyon. Pero dapat ba talagang dagdagan ang taon ng pag-aaral?Bakit hindi natin tingnan ang mga sumusunod?1. Dahil sa naging trabaho ko dati (na hindi ko na ibibigay ang detalye), nalaman ko na sa mga pampublikong paaralan sa buong bansa, marami ang nakakarating sa hayskul na hindi marunong bumasa o sumulat. At ang mas nakalulungkot na balita, mahigit sa 90% ng nasa Grade 6 ang hindi pumapasa sa High School Readiness Test (na ibinibigay para malaman kung maaaring magpatuloy ang mag-aaral sa hayskul). Dahil dito, nagkaroon ng Bridge Program kung saan dinagdagan ng isang taon sa pagitan ng grade 6 at hayskul para sa mga mag-aaral na hindi pumasa sa test na ito. Pagdaragdag kaya ng dalawang taon ang solusyon sa problemang ganito?2. Tanggap ng nakararami na magkaiba ang kalidad ng edukasyon sa mga pribado at pampublikong paaralan. (At maging ang mga gumagastos para sa pribadong paaralan, iba iba pa din ang kalidad. Mas mahal ang bayad, mas maganda daw ang kalidad). Hindi dahil sa mas binibigyang kong pansin ang nasa pribado dahil dapat naman talagang tuunan ng pansin ang mas nakararaming nasa pampubliko, ngunit di ko maiwasang isipin kung ano ang magiging epekto ng panukalang ito sa mga pumapasok sa de kalidad na pribadong mga paaralan. Hindi ba tatagal lang ang panahon bago sila maging produktibong mamamayan ng bansa?3. Magastos ang hakbang na ito. Sulit naman kaya? Wala tayong sobrang pera. Marami pa nga tayong utang. Nararapat na gastusan at bigyan ng hustong budget ang edukasyon pero dito ba talaga natin dapat gugulin? Dapat yatang pag-isipang mabuti ang pagkakagastusan.4. Pag ang mga mag-aaral ang tinanong, sila ang malamang na malaki ang pagtanggi sa panukalang ito. Kung nag-aaral pa tayo, malamang ganito din ang opinyon natin. Bakit hindi natin ito bigyan ng konsiderasyon sa pagpataw ng desisyon. Medyo mababaw pero hindi ba marapat lamang na huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa yo?Pero kung mag-aaral ka at+ humusay at naging inspirado ang iyong guro dahil mas nabigyan sila ng tamang pagsasanay (at sapat na sahod)+ mas nagkaroon ng atensyon ang iyong guro sa iyong pangangailangan dahil mas kaunti na ang bilang ng mag-aaral sa bawat klase+ nabago ang curriculum at natutunan mo ang mga bagay bagay na kailangan sa pagtratrabaho sa mas maagang edad+ mas gumanda at mas naging ligtas ang iyong paaralan (o sa wakas ay nagkaroon na ng gusali ang iyong paaralan)tatanggi ka ba sa ganitong pagbabago?Para dalhin sa simbahan ang prusisyon, nais ko lang ipahayag na malaki ang paniniwala ko sa halaga ng edukasyon at pag-aaral pero hindi ako naniniwalang ang pagdaragdag ng taon ang unang hakbang sa paglutas ng problema sa edukasyon. Dapat naman talagang may baguhin para umunlad pero mukhang mas marami pa tayong dapat unahin. Kalidad bago bilang. Ano ang opinyon mo?

12-taon basic na edukasyon na programa sa mga pampublikong paaralan hunhon ni: Maila Ager , INQUIRER.net MANILA, Pilipinas - Ang isang sapilitan pagpapatupad ng isang 12-taong pangunahing edukasyon na programa para sa mga pampublikong paaralan ay na-revived ng Kagawaran ng Edukasyon upang mapabuti ang "antas ng pag-aaral" sa bansa.Sa panahon ng pagdinig Martes ng komite ng Kapulungan ng mga Kinatawan, Edukasyon director Milagros Talino nagsiwalat na ang Pilipinas ngayon ay ang tanging bansa na may pangunahing edukasyon ng 10 taon - anim na taon sa elementarya at apat sa mataas na paaralan.Siya inaangkin na ito ay isa sa dahilan kung bakit ang bansa ay may isang mababang antas ng pag-aaral kung ikukumpara sa ibang bansa."Ang isang mas bagong impormasyon kung bakit ang mga antas ng pag-aaral ay isang bit mababa sa Pilipinas kung ikukumpara sa ibang mga bansa, ay nalaman na ito ay lamang sa Pilipinas ngayon na may 10 taon para sa mga pangunahing edukasyon," Talino Sinabi ng komite."Ang lahat ng iba ay may alinman sa 12 o 13 [taon ng pangunahing edukasyon] kaya ito ay isa sa mga item agenda na gusto namin na itulak sa ilalim ng aming 'edukasyon-para-sa lahat' [programa]," kanyang sinabi, pagtugon sa Paraaque Representative Roilo Golez's query .Itinanong Golez bilang sa kung bakit, batay sa mga nakaraang survey, ang Pilipinas mula sa 45 bansa, niraranggo 41 at 42 lamang sa Math at Science, ayon sa pagkakabanggit.Eto na INQUIRER.net sa sideline ng pagdinig, Talino sinabi ang ahensiya ay itulak para sa isang sapilitan 11 o 12-taon basic na edukasyon para sa mga pampublikong paaralan alinman sa pamamagitan ng pagdaragdag ng isa pang taon sa elementary - pre-school level o grade 7 - o isa pang taon sa sekundaryang antas."Oo naman, matagal na naming agenda na mag-inirerekumenda ng 12 taon pangunahing edukasyon [Oo, ito ay naging sa ating agenda sa pinapayo na 12 taon ng pangunahing edukasyon]," kanyang sinabi."Kulang na kulang yung pag-aaral na nangyayari sa mga bata Ngayon [Ano ang mga anak ay pag-aaral ay hindi na sapat] kung ikukumpara natin sa mga ibang bansa kaya pagka sa mga [na dahilan kung bakit sa] internasyonal na mga pagsusulit, napag-iiwanan tayo [namin ay kaliwa sa likod], "ang kanyang sinabi.Sa katunayan, ang kanyang sinabi, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpasimula ng isang opsyonal na mataas na paaralan ng tulay programa bago ngunit ay agad na naka down sa pamamagitan ng mga magulang dahil ito ay pagsama karagdagang gastos para sa kanilang mga anak."Kasi ito ay nangangahulugan Dagdag na baon, Dagdag na uniporme, pasahe kaya pampulitika naging opsyonal yung pagpapatupad kaya, nawala ng nawala [Dahil ito ay nangangahulugan ng karagdagang mga probisyon, ang mga karagdagang uniporme at pamasahe kaya pampulitika, ang pagpapatupad ay naging opsyonal hanggang ito ay unti nawala]," siya sinabi."Kaya Ngayon, gusto naming Maging [Kaya ngayon, gusto naming ito upang maging] sapilitan para sa lahat ng tao na pumunta sa 11 o 12 taon ng pangunahing edukasyon," kanyang sinabi sa karagdagang.

Ikatlong KabanataDISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

1. Disenyo ng PananaliksikAng pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng deskriptiv analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang saloobin at pananaw ng mga mag-aaral, magulang at guro sa Malaking Pulo National High School sa pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum ng mga paaralan sa pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum.2. Mga RespondenteAng mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mag-aaral (ikatlo at ikaapat na taon), magulang at guro sa Malaking Pulo National High School. Asarbey ay pinasagutan sa mga mag-aaral na gusto at sa lahat ng guro at piling mga magulang.Mag-aaralBilangGuroBilangMagulangBilangKabuuang Dami

Ikaanim na Baitang25Elementaya15May anak sa Elementarya1050

Ikaapat na Taon25Hayskul10May anak sa Hayskul1550

Kabuuang Dami502525100

3.) Instrumentong PampananaliksikIsinagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagsasarbey. Naghanda ang mga mananaliksik ng isang sarbey-kwestyoner na naglalayong makapangalap ng mga datos upang malaman ang saloobin ng mga mag-aaral, mga guro at mga magulang sa pagdaragdag ng 2 taon sa kurikulum ng edukasyon. Kumuha rin ng karagdagang impormasyon ang mga mananaliksik sa mga dyaryo at ilang mga website sa internet.4.) Tritment ng mga DatosIsang napapanahong isyu ang pinagtuunan ng papel na ito. Bilang ng mga respondateng sumagot sa bawat katanungan ang inalam ng mga mananaliksik. Ang pagtatally at pagkuha ng porsyento lamang an kinakailangang gawin.

Ika-apat na KabanataPRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

1.) Sang-ayon ka ba sa pagdaragdag ng isang taon sa kurikulum?

2.) Sa iyong palagay, makatutulong ba ang panukalang ito sa lubos na pagkatuto ng mga estudyante?

3.) Sa iyong palagay, sapat na ba ang pondong inilalaan ng Gobyerno para sa sektor ng edukasyon?

4.) Sa iyong palagay, makatutulong ba ang panukalang ito upang maitaas ang kalidad ng edukasyon ng bansa?

5.) Sa iyong palagay, sapat na ba ang mga pasilidad sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral?

6.) Sa inyong palagay, kanino dapat isisi ang mababang antas ng edukasyon sa bansa?

7.) Sa inyong palagay, makadaragdag lamang ba ang panukalang ito sa mga gastusin ng pamahalaan?

8.) Sa inyong palagay, masusukat ba ang pagiging edukado ng isang mag-aral batay sa dami ng taon ng kanyang pag-aaral?

9.) Sa inyong palagay, magreresulta ba sa pagkawala ng interes ng mga mag-aral ang pagdaragdag ng isang taon sa kurikulum?

10.) Sa inyong sariling palagay, bakit dapat o hindi dapat ipatupad ang panukalang ito?

Ikalimang KabanataLAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON1. LagomSa pangkalahatan, tinatalakay dito ang pananaw ng mga estudyante, guro at magulang hinggil sa panukalang pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum ng edukasyon. Bingiyan ng pansin ang mga naitulong at hindi magandang epekto na kaakibat nito, maging ang kasapatan ng mga dapat isaalang-alang sa pagpapatupad nito. Bukod dito,nabatid din ang saloobin at hinaing sa mga nasabing panukala ng mga respondente. Sa kabuuang pagsusurbey, lumalabas na marami ang hindi sumasang-ayon ngunit sa huli ay nararapat pa din itong ipatupad sapagkat ito ay makatutulong ng malaki sa kalidad ng edukasyon dito sa ating bansa,bagay na hindi maipagkakaila ng bawat isa sa atin. Marami ng tumuligsa sa panukalang ito ngunit dapat pa din nating isipin ang malaking maitutulong nito sa kabila ng sakripisyong ilalaan natin para dito. Naniniwala tayo na ang edukasyon ang susi sa pag-unlad kaya naman bawat isa sa atin ay dapat lamang na umaksyon at makiisa sa programang magiging solusyon sa mga problemang kinakaharap nating lahat. Hindi lang ito para sa kasalukuyan, ito ay para rin sa mga darating pang henerasyon na siyang magpapatuloy ng ating nasimulan.

2. KongklusyonSa isinagawang pag-aaral, lumalabas na halos hati ang opinyon ng mga mag-aaral, guro at magulang sa panukalang pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum ng edukasyon. Dahil na rin sa kaakibat na suliranin ng nasabing panukala, kinakailangang bigyang pansin ang saloobin ng mga apektadong mamamayan. Gayunpaman,isang behikulo ito upang paandarin ang natigil nating pag-usad sa sektor ng edukasyon. Naging kapuna-puna ang suliraning pinansiyal na kakambal ng panukalang ito lalot ngayoy nahaharap sa mga krisis ang bansa. Marahil ay hindi pa napapanahon ang pagpapatupad nito ngunit isang aksyon sa bumababang antas ng edukasyon ng bansa. Panibagong suliranin ang pag-usbong nito sa mga magulang na kailangang triplehin ang pagkayod dahil sa dagdag pang taon, sa mga guro na magiging katuwang sa implementasyon nito, lalot higit sa mga mag-aaral na kailangang pakibagayan ang sistemang hindi nila nakasanayan. Ngunit naging bukas naman ang pagtanggap dito ng mga respondente dahil na rin sa malaking naitutulong nito sa lubos na pagkatuto ng mga estudyante. Magiging isang mabisang paraan din ito upang muling patibayin ang pundasyon ng eduksyon sa bansa. Kailangan ng matinding pag-unawa at kooperasyon ng bawat mamamayan upang maging matagumpay ang implementasyon ng programang ito. Higit ay ang pagtugon ng mga bawat isa sa tawag ng pananagutan uapng makamit natin ang ating mithiin. Samakatuwid, isang mabisang paraan ang pagdaragdag na ito upang maitaas ang kalidad ng ating edukasyon at ang kabisaan nito ay nasa atin pa ring mga kamay. Kung tayoy magkakaisa sa isang mithiin.

3. RekomendasyonAng pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum ng pag-aaral ay may maganda at hindi magandang maidudulot para sa mga mag-aaral, gayundin sa mga magulang at guro. Batid naman natin na mababa ang kalidad ng edukasyon sa sting bansa kung kaya naman napagpagpasyahang ipatupad ang panukalang itio. Mahalaga at malaki ang ginagampanan ng edukasyon sa pagapapaunlad ng bansa. Kaugnay nito, marami sa mga mag-aaral ang umaapela sapagkat sa halip na makuha na nila ang inaasam na diploma at makapagtapos ng apat na taon sa sekundarya, magkakaroon pa silang muli ng dalawang taong pagsisikap sa pag-aaral. Sa bagay na ito,nababahala din ang mga magulang sapagkat kakailanganin nilang magsakripisyo pang muli para makapag-aral ang kanilang mga anak. Marami ngang epekto ito para sa ating mga magulang at maging sa mga mag-aaral. Napag-alaman ng mga mananaliksik na hindi sumasang-ayonang mga respondente sa pagpapatupad ng panukalang ito. Gayunpaman, isa itong tulong sa pagapapataas ng lebel ng edukasyon sa bansa kaya kailangan natin itong ipatupad para sa ating kaularan. Kailangan nating isaalang-alang ang mabuting dulot ng pagdaragdag ng dalawang taon sa sa elementarya at sekundarya sapagkat ito ang pinakamabuting solusyon sa paghihirap ng bansa. Kaugany din nito, nararapat na matutong magpahalaga ang mag-aaral sa kanilang edukasyon sapagkat ito lamang ang susi para sa tagumpay at kaunlaran ng bansa. Magiging matagal man ang panahonng ating pag-aaral ngunit kailangan natin itong pagsikapan dahil ang matagal naman nating pagsisikap ay magbubunga sa atin ng makabuluhang tagumpay. Nagkakaroon din tayo ng sapat na panahon upang makapamili tayo ng tamang paghahanda para sa kursong ating kukuhanin sa kolehiyo. Sa pamamagitan ng panukalang ito,mas makikilala ang mga gradweyt nating mga kabataan sa ibang bansa at lalot higit maitataas natin ang kalidad ng edukasyon ng ating bansa.