Upload
lydan
View
441
Download
11
Embed Size (px)
Citation preview
Transdisiplinaryong Araling Filipino: Pagdalumat, Bagong Sipat at Direksyon
Rhoderick V. Nuncio, PhD
De La Salle University-Manila
Mga layunin
1. ilatag ang pundasyon, mga teoretikal na konsiderasyon at direksyon ng paggamit ng transdisiplinaryong lapit (TL) sa Araling Filipino;
2. Tatalakayin ang pagkakaiba-iba ng disiplinal, inter/multidisiplinaryo at transdisiplinaryong lapit;
3. Ilalagay ng mananaliksik/manunulat ang kanyang tinig at karanasan sa ilang pag-aaral na ginawa at ginagawa;
4. Ihain ang Filipinolohiya bilang metodo at teorya ng AF.
Araling Filipino (AF)
– Ang AF ay pormal na larangan sa akademya at ang bawat akademikong programa ay binubuo ng apat na sangay—paksa, metodo, teorya at tunguhin.
– Mula PS sa Estados Unidos
– PS sa UP
– Pilipinolohiya sa UP
– PS sa DLSU
– Araling Filipino sa DLSU
PS tungong AF
– Philippine Studies bilang Araling Filipino
– Ang Philippine ay nakasalin bilang Filipino na sumasaklaw sa anumang “Philipine” o makaFilipino. (Ang Philippine dito ay ginagamit bilang pang-uri at hindi bilang pangngalan).
– Hindi lamang bansa ang tinutukoy dito kundi anumang konsepto, pananaw, praktika, penomenon na Filipino.
Disiplina vs. Inter/Multidisiplinaryong AF– Hindi isang disiplina ang ang PS o AF. Isa itong larangan.
– Ang larangan sa aking pakiwari ay isang bukas na akademikong himpilan, lagakan at talastasan hinggil sa isa at maramihang paksain ng pananaliksik, pagtuturo at adbokasiya. Di tulad ng disiplina na babansagan kong “saradong himpilan” na may nagsasariling paksa, metodo, teorya at tunguhin.
– Samakatuwid, ang larangan ay higit na tumatayong katumbas ng inter/multidisiplinaryo at kalaunan ay transdisiplinaryo
Disiplinal
• Ibig sabihin makakatayo mag-isa ang disiplina bunsod sa mahabang kasaysayan, tradisyon at diskurso nito.
• Hindi naman ibig sabihin hindi makakatayo mag-isa ang larangan, subalit dahil bukas ito kailangan itong tindigan ng iba’t ibang iskolar at iba’t ibang aralin at paksain upang higit na yumabong ang produksyon ng kaalaman.
• Ang paksa ang hangganan, bakod at mismong limitasyon ng isang disiplina.
InterdisiplinaryoAng interdisiplinaryong pananaliksik ay nakasalig sa nagsasariling kasanayan, kahusayan at pamamaraan ng nag-iisang iskolar.
Iyon nga lang higit sa isa ang kanyang pinaghuhugutang disiplina. Nagsasanib ang lahat ng kanyang alam sa bubuuing paksa batay sa metodo’t teoryang ginagamit sabay mula sa dalawa o higit pang disiplina.
Isang pormal na halimbawa nito ang programang Philippine Studies ng UP-Diliman.
Multidisiplinaryo
Ang multidisiplinaryong pananaliksik ang magsisilbing awtentikong kolaborating larangan. Binubuo ito ng higit sa isang iskolar na maaaring sanay sa disiplinal o interdisiplinaryong lapit.
Transdisiplinaryo
Paksa
Metodo
Teorya
Tunguhin
ISKOLAR Metodo
Teorya
ISKOLAR
Metodo Teorya
ISKOLAR
Talasatasan
Mula sa salitang “trans” na ang ibig sabihin ay “across” , tawid, pagtawid, sa kabila, ibayo, pag-ibayo. Aking bibigyang kahulugan ito bilang pagtawid sa mga disiplina, paksa, problematique o diskursong hindi pa naaaral, hindi karaniwan o kadalasang inaaral pa ng isang mananaliksik.
Naglalakbay siya sa paksaing ito dahil sa interes niya, sa maitutulong ng kanyang paunang (prior) kasanayan, kaalaman at karanasan.
Transdisiplinaryong AF
– Botanist, Poet, Historian at Chemist (Mula bulaklak hanggang pabango: mga talutot ng talinghaga sa kasaysayan ng pabango sa Pilipinas)
– Musician, Physicist, Novelist, Psychologist (Enerhiya at Sikolohiya sa mga naririnig at nakikitang musika)
– Statistician, Sociologist, Computer Programmer, PS (Ang benepisyo at abusong hatid ng Internet sa mga batang may edad 9-17)
Mga katangian ng pananaliksik sa AF1. MakaFilipino (paksa, metodo, puntodebista, dalumat, wika)
2. Masaklaw (inter/multidisiplinaryo)
3. Makapook (Araling Filipinas)
Eskima ng Produksyon ng Kaalaman
Knowledge Production
Literary/ artistic production
Cultural preservation & curation
Formal academic study
Social movement / civil society
Media & Private Corporations
Government institutions
Local studies center
Filipinolohiya
– Pag-aaral sa “Filipino”
– Sakop: tao, lipunan, kultura, kamalayan, praktika
– “Big words”
– Tutok sa noon, nariyan na, tapos na, nakaraan
Filipinolohiya
– Paksa: “pangyayari”
– Kasalukuyan, paksang nangangayunin
– Mula balik-tanaw tungong abot-tanaw
– Naoobserbahan, naitatala, naidodokumento
– May control sa nangyayari – nasusukat, natatasa, nalalapatan ng interbensyon
– Ang datos, impormasyon ay kasabayang nararanasan ng mananaliksik
– May implikasyon sa polisiya, kilusang panlipunan at sa mga nangyayari sa ngayon at hinaharap
Metodo
– MakaFilipinong oryentasyon
– Kontekstuwalisadong paglalapat (pag-aangkat at sapat na paglalapat)
– Puntobistang Filipino (tinig, sipat, dama, danas)
– Filipino at mga wika sa Filipinas
Dalumat
– Makawika
– Malay sa ambag at tradisyon ng pagdalumat sa bansa
– Bumubuo ng sarili at nagsasariling pagteteorya
Filipinolohiya: simulain at tunguhin Salik Simulain Tunguhin Dulog
paradigmatiko Kaalaman+karanasanPook+panahon
PaninindiganTawag ng panahon
Inter/Multi/Transdisiplinaryo
pilosopiko Panloob na pananaw /Panlabas na pananaw
Pagdalumat sa sariling wika / talastasan sa labas
siyentipiko QualitativeQuantitativeKombinasyon
ExperientialEmpirical
Mga Pag-aaralTitulo Paksa Metodo Dalumat Dulog
LearningPH Portal Paglikha ng online portal sa SHS
CrowdsourcingCuration, creation
Constructivist theory, TPACK
Multidisiplinaryo (Education, Math, Science, Filipino)
Sanghiyang sa Mundo ng Internet
Ang mundo ng Internet ng mga Filipino
Kombinasyong Quanti+QualiDiscourse analysisSecondary Statistical analysisCritical Theory
SanghiyangIsang hiyangKa+(i)+sang+hiyangPag+sang+hiyang
Interdisiplinaryo(Sosyolohiya, Pilosopiya, Panitikan, Internet Studies)
Pantawang Pananaw sa mga Isyu at Politikal na Tauhan sa Lipunan
Ang tawa bilang kritika
Televisual analysisArchival research
Pantawang pananaw
Interdisiplinaryo(Pilosopiya, Panitikan, TV Studies)
National Kids Online Project
Benepisyo, panganib at abusong dulot ng Internet
SurveyFGDInterview
Elearning theories,Violence against children framework
Transdisiplinaryo(Statistics, Computer Studies,Philippine Studies)