53
TULA PAG-ASA SA GITNA NG KAWALAN Ang lambing ng panahon ay salitang dala ng langit Taimtim na dalangin ng mga pusong nagpakasakit; Ang mga tagong suyuan ay parang walang katapusan Halik ng damdamin mo’y bigkis ng pag-irog kailanman. Iulat mo, Mahal, sa ulap upang makadama ng hapis Na kapagdaka’y uulan, yan ay iyak na paimpit;  Sa tindi ng sakit ng dibdib sa pag-ibig na nakalaan Sa huling yugto ng hininga mo’y buhay na nagdaraan.  Iambag mo sa bundok ang balot -pighating nadarama Na sa angking kataasan nito’y maiparating mo kay Ama:  Oh Anak mong yao’y pagsamo’y pakinggan na,  Liripin mo ang damdamin sa parang ng isang aba! Sabihin mo rin sa hangin at iparating sa karimlan Na ang sakit ng damdaming atas, bigyan nya ng daan; Ibulong mo pa rin ang laman ng nakapiit mong puso Bago pa man dumating ang wakas nito sa pagkakatuto. Alin baga ang nais mong malaman sa sarili? Yun bang sakit ng talim o lambat ng kapighatian? Mahal, ang pamimili ay nasa saiyo lamang kailanman Purihin mo man ang lahat sa mundo at kalangitan At iangat ang pansariling mithiin doon sa magpakailanman, Subalit, ang sanlibo mong kabutiha’y isang mali ang tapat nyan; Isulong mo man sa labanan ang lahat mong angking lakas Gaya pa rin ng nakaraa’y katapat nati’y maliit na butas.  Huwag mong sayangin ang yugto ng iyong panahon Malapit na ang takipsilim na matagal ding nagyaon; Ibuhos mo ngayon ang talinong ipinagmana ng mundo Higit pa riyan sa tingin mo ang ini-ambag mong talino.

Tula at Iba Pa (Research

Embed Size (px)

DESCRIPTION

TULA

Citation preview

TULAPAG-ASA SA GITNA NG KAWALAN

Ang lambing ng panahon ay salitang dala ng langitTaimtim na dalangin ng mga pusong nagpakasakit;Ang mga tagong suyuan ay parang walang katapusanHalik ng damdamin moy bigkis ng pag-irog kailanman.Iulat mo, Mahal, sa ulap upang makadama ng hapisNa kapagdakay uulan, yan ay iyak na paimpit;Sa tindi ng sakit ng dibdib sa pag-ibig na nakalaanSa huling yugto ng hininga moy buhay na nagdaraan.

Iambag mo sa bundok ang balot-pighating nadaramaNa sa angking kataasan nitoy maiparating mo kay Ama:Oh Anak mong yaoy pagsamoy pakinggan na,Liripin mo ang damdamin sa parang ng isang aba!Sabihin mo rin sa hangin at iparating sa karimlanNa ang sakit ng damdaming atas, bigyan nya ng daan;Ibulong mo pa rin ang laman ng nakapiit mong pusoBago pa man dumating ang wakas nito sa pagkakatuto.

Alin baga ang nais mong malaman sa sarili?Yun bang sakit ng talim o lambat ng kapighatian?Mahal, ang pamimili ay nasa saiyo lamang kailanmanPurihin mo man ang lahat sa mundo at kalangitanAt iangat ang pansariling mithiin doon sa magpakailanman,Subalit, ang sanlibo mong kabutihay isang mali ang tapat nyan;Isulong mo man sa labanan ang lahat mong angking lakasGaya pa rin ng nakaraay katapat natiy maliit na butas.

Huwag mong sayangin ang yugto ng iyong panahonMalapit na ang takipsilim na matagal ding nagyaon;Ibuhos mo ngayon ang talinong ipinagmana ng mundoHigit pa riyan sa tingin mo ang ini-ambag mong talino.

MALAYONG PAG-IBIG

Minsan sa isang mapagbadyang larangan Sa isang lilim ng panaginip at kahungkagan; Dito matatagpuan ang lalim ng pag-iibigan, Tunay nga bang may milagrosong kapangitan?

Hindi malirip ng aking hunghang na isipan Kung baga mali o tama ang kahihinatnan; Dito ko napagtanto ang tunay na kamalian Subalit pinilit ko pa ring ginawang katwiran.

Ang malayong pag-ibig ay minsan lang sumibol Sa ilalim ng pihikan kong damdamin ay kumakahol! Parang asong gala sa lansangan ng paghihimutok Na ang lakad ay pahinat bahag ang buntot.

Tingnan mo sa malayong silanganan at masdan Ang umaalimpuyong hagibis ng karagatan; Doon mo ubusin ang nag-aalimpuyong damdamin Na kung masukat ang mundo, yun din ang sa atin.

Malayo man ang lugar sa bawat isay paghinga Nararamdaman ang pag-ibig nating nadarama; Hayun ang bituin at ang buwan ay humahalina Huwag na nating sayangin ang oras tuwina.

Malayo ka man, malapit din ang iyong kapurihan Na sa paglubog ng araw, dun din ang hapunan Na kapagdakay tumumbas sa likas na trono Ang hangong kagandahay di pa natin maituturo.

Likas nga bang ganito na sa tuwinay parang loro? Iikot-ikot sa hantungan ng sangay may maisusubo; Aayon sa ihip ng paghingay naging butil ng tuwa Ganyan din ba katunay malayong pag-ibig ng aba?

Panaginip sa Madilim na MaliwanagAlam ko, mali...subalit bakit ang pagkakataon ay akay ang isang kahihinatnan na makupad?

Alam ko, mali...ngunit bakit may pag-asa at akay ang katiwalian na kailanman ay hungkag?

Alam ko, mali...bakit hinayaan ng pagkakataon na mailathala sa pangkalawakang kadahilanan?

Alam ko, mali...bakit dinala sa oras ng pangangailangan na ang kapit ay tulad ng mapanlinlang na tuko?

Alam ko, talagang mali....subalit anong magagawa ko? Pilit ko man suyurin sa isip kung alin, di ko malirip.

Ah, panaginip sa madilim kung minsan ay sala-hula na kung sa isip ay tama maliwanag na maling halina.

AKLAT NG BUHAY

Minsan sa isang patak ng ulan sa dilim ng mapagkunwaring panahon; Pinuyos ng masalimuot ng kalakaran na ang buhos ay akda ng kaisipan. Di mo lubos maisip kung ano ang turing sa mga naka-ambang plastik na angkin; Di mo rin maitatago ang sidhi ng panaginip na kapagdaka'y aayon sa agos nang gusto mong makamtan at maangkin. Ang aklat ng buhay ay puno ng kapalaran na di natin hawak at mahirap masuyuan; Kahit ika'y nasa munting mundo mo, ang pahina ng kasalukuyan ay nasa saiyo. Isulat mo man ang nakaraan at ipaabot sa panahong parating, ikaw at ikaw pa rin ang may-akda nang buhay mong angkin.

GANID

Katulad moy lobo ng kaparangan Kahalobiloy makamandag na ahas, Uwak at buwayang patiwarik ang dibdib. Katulad moy buwitre ng disyerto Nakaabang sa mga bulok na tira At ang paboritoy uod ng laman. Katulad mo'y mabangis na ligaw na hayop, Hayok sa lamang-loob na animoy bulagsak; Hatid ay sakit ng puso't dilim ng paningin. Mas masahol ka pa sa ligaw na tigre at makamandag na mga kobra; Walang habas an pandadaraya sa mga aba! Sa katulad mo'y para sa kumukulong putik upang doon ka balatan at tadtarin; Impit ng iyak mo'y di diringgin upang malaman mong katulad ka ng hangin: Na kung saan ang hininga ng panahon doon rin hihimlay at matitimtim. Katulad mo'y alamid sa gubat na kung magkubli'y dilim ang sukat; Katulad mo'y putik ng kumunoy na kung sinuman ang nahulog libingan sa lupang himlay ay tuloy-tuloy. Di mo alintana kung sino ang kausap animo'y iyo na ang buong mundo't di mo alam kung saan ka nanggaling; walang pagbabago at kinabukasan. Ganid ka nga kung tawagin at alipustain ng mga katulad mong itim ang budhi at bulok ang kailaliman ng binhi! Ang Katulad mo'y walang karapatan para sa pangkalahatang kabutihan!

PASKO

Malamig ang simoy ng hangin,Pasko'y malapit ng dumating.Pangarap na laruan aking hihihintayin,Bigay ni nanay at tatay na butihin.

Bagong damit isusuotMabango at hindi gusot.Mamamasko bahay-bahayMga kalaro ay kasabay.

ANG AKING KUYA

Ang aking Kuya matangkad at malusogKapag iyong nakita parang laging busogMata niya'y singkit para siyang HaponesKulay niya'y kayumanggi, mahusay siyang magbihis

Mahal niya ako at mahal ko rin siyaKapag ako'y umiyak, andyan agad siyaKanyang itatanong, "Bakit umiiyak?"Sabay lapit sa'kin,yayakap na tiyak.

Minsan sa sahig ako'y nadapa Lapit siya agad sa akin ay naawaAko'y itinayo at kanyang kinarga'Yan ang aking kuya, mapagmahal twina.

TILI

Ahhhhh. eeeeeeeh,si bunso tumiliMalungkot o masaya. siya'y tumitilibasta nakakita ng bagay na magandaHayan uli siya sumisigaw twina.

Tili..tili ng batang muntiNakatutuwa, parang kilitiKay sayang pagmasdanKay sayang pakinggan

Minsan siya'y tumilingunit walang ngitiKamay pala'y naipit namilipit sa sakit.

BOLA

Ugtol...Ugtol bolang makulitLaruan ko tag-ulan man o tag-initPwede sa labas o loob ng bahayPwedeng igulong o ihagis ng kamay.

Halina maglaro, ito ay saluhinBolang bilog sadyang nakakaaliwIba't ibang laro pwede mong gawinIbuslo, ihagis patalun-talunin.

LOBO

Minsan mag-anak ay namasyalNaglakad-lakad papuntang karnabalKasama si neneng na munti at makulitHumiling ng lobo, talagang namilit

Palibhasa'y bunso, pinagbigyan ni tatayBinili ang lobo na dilaw ang kulaySi Neneng ngumiti abot hanggang tengaHumahagikhik sa tuwa, nagpasalamat sa ama.

Umuwi ng bahay na masayang masayaSi neneng naglaro hanggang magsawa siyaNang malingat sa pagkakahawak sa laruan niyaLumipad sa langit at di na nakita.

Umiyak panandali ang batang listaInalo ni nanay at ng kanyang kuyaSinabing sa kanilang muling pamamasyalBibiling muli iba namang kulay.

NGAYONG TAG-ULAN

Magdala ng kapote ngayong tag-ulan,Sa sakit at sipon, magandang panlaban,Sakto rin sa lahat ng kalalakihan,Upang AIDS, STD sadyang maiwasan!

Payong naman para sa mga babae,2-folds, 3-folds o kahit na iyong malaki,Double purpose ito lalo na sa gabi,Sa holdaper at rapist, pwedeng pang-garote!

TULA

SAWSAWAN

Ikinasal kahapon si Mama Sita,Si Papa Ketsup po ang napangasawa,Umiyak ang karibal ng masuwerteng binata,Si Mang Tomas ito na nakakaawa!

Ang nagkasal po sa magkasintahanSi Datu Puti na lider ng angkan,Namroblema naman bisita sa handaan,Sapagkat ang nakahain ay puro sawsawan!

LARAWAN NG ISANG ULILA

Pusong makopa. Tadyang na kawayan.Mga matang walang alipato ni alitaptap.Marak na pisnging may dusing ng maghapon.Naunsiyaming bibig na humihigop ng labnaw.Butuhang kamay na nagdidildil ng alat.

Iluwag nang itanong kung sino siya.Sapat nang sabihing siyay isang musmosNa kinamatayan ng sinapupunang pinagmulanAt ng rnagsasakang sa kanyay nagpunlaSa sinapupunang yaon. Huwag, huwagNang ita kung sino siya. Ang dapatIsipiy kung paanong mabubudburan ng kutitapAug kanyang mga maiungkuting balintataw,Kung paano madaramtan ng ginhawaAng nag-usling tadyang na kawayan,Kung paano mapalulukso sa tuwaAng nababansot na pusong makopa,Kung paano magiging ligat ang Iabnaw,Kung paano magiging linamnam ang alatNa kanyang hinihigop at dinidiliSa isang madilim na sulok ng kahirapan.Pag naisip mo ito at naisagawa,Saka mo na itanong ang kanyang pangalan.KAHULUGAN SA TAGALOG

SALUMPUWIT ang tawag at kahuluganSa "chair" o "bangko" na silyang upuan,At kung nagtatanong at naguguluhan,Sa "wheelchair" ang tawag ay SALUMPO naman!

Ang tagalog word naman para sa "panty",SALUNGGUHIT na siyang tugma sa babae,At kung tatanungin ang "brief" ng lalakiSALONGGANISA itong sa iyo'y masasabi!

TINDING...

Magsabi ang Langit kundi ikaw'y talangNagbigay sa akin ng tuwa't biyaya,Magsabi ang lahat kung hindi diwataIkaw ng lalo mang pihikang makata.

Ikaw'y maniwalang ang musmos kong puso'yNatuto sa iyong humaga't sumamo,Sisihin ang iyong dikit na nagturoSa kabuhayan ko, ng pamimintuho.

At sino sa iyo ang hindi hahanga?Ikaw'y paralumang batis ng biyaya,Pakpak ng pangarap at Reyna ng awa.

Ang dilim ng gabi sa aki'y natapos,Ngumiti sa tangkay ang mga kampupot,Gayon ma'y narito't puso ko'y busabos.

KAIBIGAN

Nang kayo ay aking unang makilala at makasamaDi'ko akalain na tayo ay magkaunawaan at magkaintindihan sa isa't-isa.Hanggang sa tayo ay naging magkakaibigan naDahil alam ko noong una palang na hindi ko kayang makipagsabayan.Sa lahat ng trip nyo at kasiyahanKaya nang minsan na kayo ay nagkayayaanTumanggi akong sumama, dahil di'ko kayang makisabay Sa lahat ng inyong pinagkukwentuhan

Ngunit ng lumaon at nagtagal ang ating pagkakaibiganAko'y inyong naintindihan at naunawaan.Na kung minsan ay di ako makasama sa inyong nais na puntahanSapagkat may mga bagay, na kailangan kong gampanan sa sa aming tahanan.

At dahil sa pagnanais ko na maranasanAng maging masaya at malaya kahit minsan lang,Pilit kong sinusuway ang aking mga magulangDahil gusto ko na kayo ay makasama at makasabay sa sa agos ng buhay.

Pero sa lahat ng aking naranasan na mga masasayang bagaysa ating nakaraanAng hindi ko parin makakalimutanKahit kalian na kayo ay aking naging mga mabuting kaibigan.Na sa kabila ng lahat na nangyari na mga problema,At kung minsan na tayo ay di nagkakaunawaan at nagkaintindihan Pero nandito parin tayo nanatiling magkakaibiganHanggang sa kung saan man tayo mapunta at dalhin ng ating mga paa.

At huwag niyo sanang kakalimutan na,Sa inyo ko lang naranasan at naunawaanAng tunay na kahulugan ng salitang "KAIBIGAN".

ISANG DIPANG LANGIT

Ako'y ipiniit ng linsil na punohangad palibhasang diwa ko'y piitin,katawang marupok, aniya'y pagsuko,damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;lubos na tiwalag sa buong daigdigat inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malasay sandipang langit na puno ng luha,maramot na birang ng pusong may sugat,watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,sa pintong may susi't walang makalapit;sigaw ng bilanggo sa katabing moog,anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo'y tila isang tanikalana kala-kaladkad ng paang madugoang buong magdamag ay kulambong luksang kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,kawil ng kadena ang kumakalanding;sa maputlang araw saglit ibibilad,sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantangsa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -bilangguang mandi'y libingan ng buhay;sampu, dalawampu, at lahat ng taonng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirapat batis pa rin itong aking puso:piita'y bahagi ng pakikilamas,mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao't Bathala ay di natutulogat di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos,habang may Bastilya'y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanawsa sandipang langit na wala nang luha,sisikat ang gintong araw ng tagumpay...layang sasalubong ako sa paglaya!

AKOY

Watawat ng PilipinasTatlong kulayTatlong talat isang araw;Inisip ng naghimagsikTatlong angkan ang tumahiIbinunyiNg sandatang bagong hasa,Sa labanay naging tandaTinudla ng mga pungloAt sa pawis at sa dugo ay napigta,Ang tagdan ko ay nabakliNgunit akoy nasalo paNg bayaning nabulagta,At nagningning sa wagaywayNang ang bayay matimawa;Bughaw, putit pulang likas na kulay koyDiwang mahal Pusong wagasDugong saga, Kaisahat sagisag ngIsang bayan,Isang laya Isang wika.

GURO, NASA LANGIT ANG IYONG PARAISO

Hatinggabi, nagbabasa sa malamlam na ilawan,naglalamay samantalang ang iba ay nahihimlay,samantalang ang maramiy nasa binggo, nagsusugal,nasa sine, nasa night club", naglalasing, nagsasayaw. Madalas na malipasan ng gutom sa di-pagkainsa oras na kailangan... pagkabigat na gawain!Hanggang doon sa tahanay dala-dala ang iksamen,kaya't siya kung matulog ay hatinggabing malalim.

At lalo nang ang isipay gulung-gulo, naghihirapkung sa kanyang pagtuturoy pasakit ang niyayakappagkatapos na gampanan ang tungkuling iniatas,ang kataway's nanghihina't ang tinig ay nababasag.

Ang maramiy natutuyo at ang tungoy sa libingan,lalo na kung sa iskwelay mga batang walang galangang palagi nang kaharap sa umagat maghapunan,mga batang di na kayang patuwirin ng magulang. Ang sariling kabutihan ay kanilang nililimot, pinapatay ang damdamin nitong dibdib sa pag-irog,sa gawaing pagtuturo ang diwa ay nakabalot, at ang pintig nitong puso'y di pansin ang lumuluhog.

Natutuwa kung marinig ang papuring walang laman:Kung ikaw may nagsasalat sa salapit karangyaan,nasa iyo namang lahat ang papuri at parangalpagkat tapat kang maglingkod sa bayan mong minamahal.

Nagagalak pag narinig ang pangakong di-natupad:Ang sahod mong kakarampot, may pag-asang magkadagdagpag dumating ang panahon na ang kaban ay bumigat.O pag-asang naluluoy at sa hangiy lumilipad!

SA AKING MGA KABABATA

Kapagka ang baya'y sadyang umiibigSa kanyang salitang kaloob ng langit,Sanlang kalayaan nasa ring masapitKatulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka't ang salita'y isang kahatulanSa bayan, sa nayo't mga kaharian,At ang isang tao'y katulad, kabagayNg alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salitaMahigit sa hayop at malansang isda,Kaya ang marapat pagyamaning kusaNa tulad sa inang tunay na nagpala.

Ang wikang Tagalog tulad din sa LatinSa Ingles, Kastila at salitang anghel,Sapagka't ang Poong maalam tuminginAng siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati'y huwad din sa ibaNa may alfabeto at sariling letra,Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwaAng lunday sa lawa noong dakong una.

KWENTO

ANG PAGONG AT ANG MATSING

Isang araw, nagpasyal ang magkaibigang pagong at tsonggo. May nakita silang punong saging.

"Akin ito," sabi ng tsonggo at hinila ang parte ng puno na may dahon."Hindi, akin ito," sabi ng pagong at hinila ang may ugat na parte ng puno.

Habang naghihilahan sila, sinabi ng pagong, "Bakit hindi natin hatiin ang puno? Kunin mo ang parteng gusto mo at kukunin ko ang bahaging gusto ko.""O, sige," sabi ng tsonggo. "Kukunin ko ang parteng may dahon at kunin mo naman ang bahaging may ugat." Dinala ng tsonggo ang parteng may dahon at kinuha naman ng pagong ang may ugat na bahagi.Pareho nilang itinanim ang kanilang parte at kapwa sila nasisiyahang isipin na magkakaroon sila ng maraming saging na kakainin.Dinilig nila ang halaman nila araw-araw. Pero natuyo ang halaman ng tsonggo. Samantala, nagkadahon ang halaman ng pagong.Binisita ng tsonggo ang pagong upang kamustahin ang halaman nito.

"Kamusta ang halaman mo?" tanong ng tsonggo."Tumutubo ng mahusay," sagot ng pagong. "Malago na ang dahon ngayon.""Namatay ang halaman ko," malungkot na sabi ng tsonggo. "Ewan ko kung bakit."

Napangiti ang pagong. Hindi niya masabi sa tsonggo na karamihan ng halaman ay di tumutubo kung walang ugat.Lumaki nang lumaki ang punong saging ng pagong. Binabantayan din ng tsonggo ang puno ng pagong.Isang araw, namulaklak ang punong saging at nagkabunga. Araw-araw, lumalaki ang prutas. Hanggang isang araw, nahinog ang mga saging. Gusto ng pagong na pitasin ang saging pero hindi niya ito maabot.

Tinanong ng tsonggo ang pagong. "Hinog na ang saging mo, bakit di mo pa pitasin?""Hindi ko maabot," sabi ng pagong."Gusto mo bang tulungan kitang pitasin ang mga prutas?" tanong ng tsonggo. "Sa gayon, tayong dalawa ang makakakain ng saging."

Pumayag ang pagong. "Sige, akyatin mo ang puno. Tapos, ihagis mo sa akin ang ibang bunga."

Inakyat ng tsonggo ang puno at kinain niya ang lahat ng saging. Wala siyang inihagis sa pagong. Kapag humihingi ang pagong, tinatawanan lang ng tsonggo.Nagalit ang pagong at pinaligiran ng tinik ang puno. Tapos nagtago siya sa ilalim ng bao ng niyog.Nang nakain nang lahat ng tsonggo ang saging, bumaba siya sa puno at natusok siya ng mga tinik na inilagay ng pagong. "Aray!" sigaw ng tsonggo. Napaupo siya sa baong pinagtataguan ng pagong.

"Magbabayad siya," sabi ng pagong sa sarili. Hinila niya ang buntot ng tsonggo sa butas ng bao."Aray!" sigaw uli ng tsonggo. Sumilip siya sa ilalim ng bao at nakita niya ang pagong. Hinuli niya ito.

Habang tangan niya nang mahigpit ang pagong, sabi niya, "Itatapon kita sa apoy."Ayaw ng pagong na itapon siya sa apoy, pero sinabi niya, "A gusto ko iyan. Mamumula ako. Gaganda ako.""Kung gayon, hindi kita itatapon sa apoy," sabi ng tsonggo. "Pipitpitin kita.""Magaling," maagap sa sagot ng pagong. "Pagkatapos mo dadami ako." Marami akong magiging kalaro.""Kung gayon, hindi na kita pipitpitin," inis na sabi ng tsonggo. "Alam ko na, itatapon kita sa ilog."Nag-iiyak ang pagong. Sabi niya, "Huwag! Huwag mo akong itapon sa ilog. Malulunod ako! Mamamatay ako!"

Nang narinig ito ng tsonggo, dinampot niya ang pagong at itinapon sa ilog.Sumisid ang pagong sa ilog. Pamaya-maya lumitaw siya sa tubig na nagtatawa. "Ha, ha, ha, ha, ha! Dito ako nakatira. Bahay ko ang ilog!" At lumangoy siyang palayo.

Napaupo ang tsonggo at sabi niya sa sarili, "Napakatanga ko! Pero hindi bale, nakain ko naman ang saging."

ANG DAGA AT ANG LEON

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalainang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.

ANG LOBO AT ANG KAMBING

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.

Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.

"Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon."

"Papaano?"

Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing.

Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."

Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

ANG UWAK NA NAGPANGGAP

Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan.

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.

Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"

ASO AT ANG PUSA

Isang araw, ang Aso ay nakahuli ng isang ibon. Samantalang pinagpapasasaan niya iyon, isang munting buto ang nahalang sa kanyang lalamunan. Hindi niya maalis ang bikig na napakasakit. Sa matinding paghihirap ay napahalinghing nang ubod-lakas.

Tumakbo siya kung saan-saan upang humanap ng makapag-aalis ng kanyang bikig. Parang nagmamakaawang ipinangangako niya sa kaninumang mahilingan ng tulong na ibibigay niya ang anumang mayroon siya sa makaaalis ng kaniyang bikig at tinik sa kanyang lalamunan.

Tumihaya na ang Aso at ibinuka ang kaniyang bunganga. Ipinasok naman ng Pusa ang kaniyang ulo hanggang sa liig ng aso upang alisin ang bikig.

Pagkabunot ng bikig, ang Pusa ay nagsalita.

Ibigay mo na ang aking gantimpala.

Umangil ang Aso. Inilabas niya ang matatalim na pangil. Magpasalamat ka, at naipasok mo ang iyong ulo sa aking bunganga at nailabas mo pa rin nang hindi ka napahamak, wika ng Aso na wari pang nanunumbat.KWENTO

ANG ASO AT ANG KANYANG ANINO

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.

Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito.

ahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.

ANG LOBO AT ANG UBAS

Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng Katig.Com:

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubasna iyon," ang sabi niya sa sarili.

ANG KABAYO AT ANG KALABAW

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamitkeysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siyaay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

ANG INAHING MANOK AT ANG KANYANG MGA SISIW

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!""Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya, hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito."

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang tumulong sa pag-ani ng magsasaka.

"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa isasagawa kong pag-ani bukas!"

"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito mga anak!"

Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!"

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.

Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka na siya na ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang sarili!"

ANG KABAYO AT ANG MANGANGALAKAL

Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke.

Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa

Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sapalengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyangkabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo:

"Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,"ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sakoat ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyangnagpadulas ang kabayo sa ilog.

Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo.

"Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man aymagpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,"ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili.

Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.

ALAMAT

ALAMAT NG ANAY

Si Ranay ay isang matakaw na batang nakatira sa mahirap na bayan ng Sto. Cristo sa may norte. Bagamat naghihirap ay alaga siya ng ama't ina sa masasarap na pagkain. Nag-iisa kasing anak si Ranay. Inakala nga noon ng mga magulang na hindi na magkakaanak dahil matanda na ang kanyang ina pero isinilang parin siya.

Mahal na mahal ng ama't ina si Ranay. Halos gawin na siyang prinsesa ng mga ito. Ayaw siyang pagawain sa bahay at sustentado siyang mabuti sa pagkain. Nakasanayan ni Ranay ang umasa dahil sa pagpalayaw na tinatanggap.

Lumaki si Ranay na ang trabaho ay kumain at ang libangan ay kumain parin. Payat na payat na ang ama't ina niya para matustusan ang kanyang pangangailangan. Si Ranay naman ay lalong nagkakagana sa pagkain. Kahit ano ay masarap sa panlasa niya.

Kanin, tinapay, ulam, prutas, karne, minatamis at kung anu-ano pa. Minsan, maging ang kakainin na lang ng mga magulang ay si Ranay pa ang kakain.

Dumating ang hindi inaasahan ni Ranay. Magkasabay na namatay sa isang aksidente ang ama at ina.

Dahil ang alam lang ay kumain, hindi alam ni Ranay kung paano ma-buhay na siya ang kikilos at magta-trabaho. Hindi nagtagal ay namayat siya at namatay.

Matagal ng patay si Ranay nang isang araw ay mapansin ng dating kapitbahay na pabagsak ang kanilang bahay. Nang suriin nila ito ay nakita ang isang insektong kumakain ng kahoy.

Naalala nila si Ranay. Marahil anila ay ito si Ranay. Tinawag nilang ranay ang insekto na katagalan ay naging anay.

ALAMAT NG ANTIPOLO

Sabi ng matatanda, ang mga magsasakang naninirahan sa kapatagan noong pahahon ng Kastila ay nagsilipat sa kabundukan upang makaiwas sa kalupita ng mga dayuhan. Sa kagubatan na sila namalagi para huwag masangkot sa kaguluhang nagaganap sa bayan. Ang patuloy na paghihimagsikan ay lalong nagpagalit sa mga Kastila. Umisip sila ng paraang maka-paghiganti. Maraming walang malay na Pilipino ang kanilang pinag-bintangang kasapi ng Katipunan at ipiniit sa madilim na karsel.

Nabalitaan ng mga naninirahan sa bundok ang gagawing paglusob ng mga guardia sibil sa kanilang lugar at sila ay natakot. Araw-gabi ang nangangambang mga kababaihan ay walang tigil sa pagdarasal upang sila ay iadya sa panganib na darating.

Hanggang isang araw, umakyat na nga sa bundok ang mga Kastila. Nakarating sila sa lugar na kung saan nagkakatipon-tipon ang mga nagdarasal. Sa pagtataka ng lahat ay biglang nagningning ang punong TIPOLO. Kaginsa-ginsa ay lumitaw ang Birheng Concepcion sa itaas ng puno. Palibhasa'y mga relihiyoso ang mga dayuhang ito, sila ay nahintakutan at nagsisi.

Marami ang nakakita sa pagmimilagrong iyong ng Birhen. Sila ay nagpasalamat sa saklolong ibinigay nito. Angmasamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy, bagkus sila ay nanganakong ang pook na yaon ay kanilang igagalang. Masaya nilang ipinamalita sa kapwa nila Kastila ang nakitang pagmimilagro.

"Saang lugar iyon at kami man ay pupunta roon", tanong ng mananampalataya.

"Sa bundok. Itanong ninyo kung saan ang Tipolo at ituturo nila sa inyo." ang kanilang sagot.

Dahil sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga taong doon ay dumarayo ng "Saan ang Tipolo?" tinawag nilang SANTIPOLO ang pook na ito na kalaunan ay naging ANTIPOLO.

Buhat noon, nakagawian na ng lahat, mahirap man o mayaman, ang pamamanata sa mataas na bundok na ito ng ANTIPOLO lalo na sa panahon ng Mahal na Araw.

ALAMAT NG ASO

Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng magkaibigang Masong at Lito. Maliliit pang mga bata ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang inaalala ang isa't isa. Lagi rin silang magkasama sa bawat lakaran.

Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang magbi-natilyo na sila. Naging bahagi na ng buhay nila ang pag tutulungan. Mula sa paggawa sa bukid hanggang sa pangangahoy sa gubat ay lagi silang magkasama.

Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni Masong. Humantong iyon sa kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya matanggap na wala na ang kaibigan. Araw-araw niyang dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas ay kinakausap rin niya ito na parang nasa tabi lang at nakikinig sa kanya.

Minsa ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na siya. Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang ganoon.

Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit na hayop na umuwi kina Lito. Lagi iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng binatilyo na tila nagbabantay sa kanya.

Nang mabawi ang lakas ay ang puntod ni Masong ang unang pinuntahan ni Lito. Doon ay nakita niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng puntod at kawag nang kawag ang buntot.

Hindi na humiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natu-tulog ito sa paanan niya at pag-gising niya sa umaga ay sasalubungin siya ng kahol at kawag sa buntot nito. Dahil sa hayop ay nalimot ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong.

Pinangalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang tawag dito.

ALAMAT NG BALANG

Ang malawak na palayan sa dakong hilagang-kanluran ay pag aari ng mag-asawang ubod ng sungit at mapang-api. Sila ay sina Don Badong at Dona Lilang. Palibhasa'y mangmang ang mga magsasakang gumagawa sa kanilang bukirin kaya nadadaya at nalalamangan sila ng mag-asawang mapag-imbot sa paghahati ng mga inaning palay. Sanhi nito, talagang kakapusin ang mga dukhang kasama at mapipilitan tuloy na mangutang sa suwitik na mag-asawa. Sa laki ng tubong kinukuha ni Don Badong ay lalong nababaon sila sa kahirapan. Ito ang dahilan upang lalong maging kahabag-habag ang kalagayan ng mga magbubukid.

Pagkatapos ng maraming araw na gawain at pagtatanim sa bukid ay nakapagpahinga na rin ang mga magsasaka. Datapuwa't habang tumataas ang mga palay at habang pinagmamasdan ang luntiang bukid ay nakadarama lamang sila ng panlulumo. Hindi magawa ng mga magbubukid ang magalak sa halip ay kalungkutan ang namamayani sa kanilang mga puso't kalooban. Paano nga ba sila makapagsasaya kung ang makakaparte nila sa aanihing palay ay sapat lamang na pambayad kina Dong Badong at Dona Lilang?

Isang araw, may matandang pulubing nangahas pumasok sa bakuran ng malaking bahay at humingi ng limos sa mag-asawa. Gula-gulanit ang suot nitong damit.

Bakas sa mukha ng matanda ang matinding pagod at gutom. Sa halip na kaawaan ay pinagalitan pa ni Dona Lilang ang pulubing lalaki.

"Aba! Sino kang pulubi na basta na lang pumasok dito at magpapalimos? Sulong, lumayas ka sa aking bakuran! Patay-gutom!"

"Parang awa napo ninyo. Kahit isang dakot na bigas...ako sanay ay inyong limusan..."

Hindi naantig ang bakal na damdamin ng mag-asawa. Pinagtabuyan lamang nila ang matanda hanggang makalabas ng tarangkahan. Napamulagat ang mga ito nang biglang naging mabalasik ang tinig ng lalaking pulubi.

"Tunay na wala kayong kasing sama kaya nararapat na kayo ay parusahan! Hindi kayo marunong maawa! Hindi ninyo nadarama ang paghihirap ng inyong kapwa dahil kayo ay parehong walang puso at damdamin! Alalahanin ninyo na sa bawat kasamaan ng tao, ang Diyos ay may nakalaang parusa. Ito ngaon ay inyo nang tatanggapin!"

Pagkawika ng matanda ay nakaulinig sila ng kakaibang huni ng mga kulisap. Napalingon saglit ang dalawa. Nang muling humarap sina Don Badong at Dona Lilang ay wala na roon ang matanda, na labis nilang ipinagtaka. Kapwa kinakabahang hinanap ang hindi mawaring mumunting ingay na kanilang naririnig hanggang mapalapit sila sa dakong imbakan ng palay. "TILA NASA LOOB NG BANGAN?" sambit ni Don Badong at dali-daling tinawag ang mga katulong upang pabuksan ang naka kandadong pintuan. Lahat sila ay nasindak nang maglabasan ang libu-libong kulisap! NASAAN ANG MGA PALAY! PAANO ITONG NAWALA? Nagtigilan si Don Badong sa nakapangingilabot na kaparusahan na sa kanila ay iginawad. Nawalan ng malay-tao si Dona Lilang dahil sa pagkabigla.

Naligalig ang buong nayon nang lumusob sa bukid ang inaakala nilang tipaklong. Agad naman nilang napagtanto na hindi pala ito mga tipaklong kundi mga mapaminsalang kulisap. Palibhasa'y sa bangan nina Don Badong at Dona Lilang nanggaling ang mga mapanirang insekto kung kaya pinangalanan nila itong "BALANG". Hindi ikinabahala ng mga magsasaka ang pangyayaring iyon dahil wala naman silang makukuhang kaparte pagdating ng anihan. Ikinatuwa pa nila nang matuklasan masarap palang kainin ang "balang".

Nakapagtatakang isipin, matapos masaid ang lahat ng pananim sa bukiring pag-aari nina Don Badong at Dona Lilang ay naglaho na lamang ang mga balang.

Sa takot na muli itong lumitaw, ang mag-asawang salbahe ay tuluyan nang nagbago. Pinagsisihan nila ang lahat ng kamalian at kalupitang kanilang nagawa sa kapwa, lalung-lalo na sa mga dukha at mangmang. Bilang pagbabayadpuri sa kanilang mga kasalanan ay nagpatayo sina Don Badong at Dona Lilang ng munting paaralan para matuto ang lahat nilang kasamahan na hindi marunong bumasa't sumulat.

Bagama't may panahon pa ring sumasalakay an mga balang sa iba't ibang dako, ito ay nagpapaalala lamang sa tao na dapat bigyan ng halaga at pasalamatan ang lahat ng kabutihan at biyayang ipinagkaloob ng Panginoong Diyos. Huwag sanang kalilimutan ninuman na ang tao'y hindi dapat maging makamkam at makasarili.

ALAMAT NG BATUKTOK O WOODPECKER

Noon daw unang panahon ay may isang matandang lalaki na nagpapalipat-lipat sa mga bayan upang mangaral. Ang sabi ng ilan ay si Apostol Pedro raw ito ngunit may nagsasabi naman iyon si San Pablo.

Anu't anuman, isang araw ay nakarating ang mangangaral sa isang malayong bayan makaraan ang mahabang mga oras ng paglalakbay. Pagod na pagod ang matanda at gutom na gutom din.

Lihim na nakadama ng tuwa ang matanda nang marating ang isang bahayan kung saan maaamoy sa hangin ang mabangong samyo ng tinapay na ibinebeyk. Lumapit siya sa bahay na pinanggagalingan ng mabangong amoy ng tinapay at humingi mula sa babaing may-ari.

Ang babae ay gumagawa ng tinapay para ipagbili. Maraming nagpapagawa rito ng araw na iyon kaya marami ng luto nang dumating ang matanda. Subalit nanghinayang ang babae na ipamigay ang mga naluto na dahil masyadong malalaki ang mga iyon.

Pinaghintay ng babae ang matanda. Aniya ay ipagbibeyk niya ito ng bago. Ang ginawa ng babae ay nagmasa ng mas maliit na arina para sa apostol. Nang mabeyk ang minasa ay lumabas pa ring malaki iyon. Muling nagmasa ang babae ng mas maliit saka iyon iniluto. Muling nanghinayang ang babae dahil ang tingin niya ay malaki parin iyon para ipamigay. Ilang beses pang nag-masa at nagbeyk ang babae pero muli at muli niyang itinatabi para magluto ng mas maliit pa.

Alam ng matanda kung bakit matagal na siyang naghihintay sa kapirasong tinapay ay hindi pa rin iyon maibigay ng babae.

Nasabi tuloy ng matanda ang ganito, "Labis-labis na mga biyaya ang ipinagkaloob sa iyo pero ubod ka pa rin ng damot. Mula ngayon, paghihirapan mong mabuti ang lahat lalo na ang iyong kakainin."

Hindi nagtagal ang apostol ay umalis para maghanap ng mabuting loob na magbibigay sa kanya ng makakain.

Lilang hakbang pa lang ang nalalakad ng mangangaral ay isang pangyayari na ang naganap sa loob ng iniwan niyang bahay. Unti-unting nagbago ang anyo ng babae hanggang maging isang ibon. Nang makita ito ng alagang pusa ay agad nilundag. Nakalipad lang agad ito kaya hindi nasunggaban ng pusa.Sa takot ng babae na maging ibon ay lumipad ito patungong gubat. Doon ay hindi na ito tumigil sa pag-tuktok sa mga kahoy para makakuha ng makakain. Ang ibong iyon ay ang batuktok o woodpecker.

ALAMAT

ALAMAT NG BUTO NG KASOY

Nakakita na ba kayo ng kasoy? Ito ay hugis kampana, kulay dilaw at matamis pag hinog na. Kaiba sa ibang prutas, ang buto ng kasoy ay nasalabas. Kung bakit nasa labas ang buto ng kasoy ang siyang sasagutin ng alamat na ito.

Sa isang gubat ay may kasayahan. Lahat ng uri ng hayop ay naroroon. Silang lahat ay masasaya, nagkakantahan at nagsasayawan. Hindi kalayuan sa kasayahan ay may isang bagay ang nakikinig at naiinggit sa kapistahang nagaganap. Ito ay walang iba kungdi ang buto ng kasoy.

"Sanay makalaya ako dito sa aking madilim na kinalalagyan!" Dasal ng buto ng kasoy.

Nagpatuloy ang kasayahan sa labas at patuloy din ang dasal ng buto ng kasoy. Sa mga oras na iyon ay may isang engkantada na naakit sa ingay ng kasayahan. Naganyak siyang makisaya sa mga hayop. Sa gitna ng pagdiriwang ay may naulinigan ang engkantadata, isang tinig ng naghihirap at humihingi ng tulong.

Nagsalita ag engkanada. "Sino kaya iyon, kawawa naman siya."

Naririnig siya ng buto ng kasoy. "Oh, makapangyarihang engkantada! Para mo nang habag, ilabas mo ako dito!" Sagot ng buto.

Naawa ang engkantada. Sa isang kumas niya ay biglang lumabas ang buto ng kasoy. Tuwang-tuwa ang buto sa kagandahan ng paligid. "Butihing diwata, nais ko sanang manatili dito sa labas. Ayoko nang bumalik sa madlim na pinanggalingan ko," pakiusap ng buto ng kasoy sa engkantada.

Pinagbigyan ng engkantada ang kahilingan ng buto. Wala namang pagsidlang sa tuwa ang buto ng kasoy. Pagkaraan ng ilang oras ay tapos na ang pagdiriwang. Nagsiuwian na ang lahat at buong paligid ay nalukuban ng katahimikan. Hindi nagtagal, ang langit ay nagdilim. Lumakas ang ihip ng hangin at bumagsak ang isang malakas na ulan. Malakas ang kulog at matalim ang kidlat.

Sa pagsungit na ito ng panahon ay natakot ang buto ng kasoy. Muli siyang tumawag sa engkantada. Oh, maawaing diwata. Pakinggan mo ako. Ibalik po ninyo ako sa aking silid. Basang-basa na ako at giniginaw na. Nakkatakot pala dito sa labas! Pagmamakaawa ng buto ng kasoy.

Subalit anumang dasal ang gawin niya ay walang kasagutang nangyari dahil sa wala sa kapaligiran ang engkantada. Nang tumigil na ang unos ay muling nagpakita ang engkantada. Nakita niya ang buto na nakabaluktot at halos hindi na magawang magsalita.

Nagsalita ang engkantada. "Ito'y isang aral sa iyo. Ang lahat ng bagay ay may dapat na kalalagyan. Ito ay kailangan mong tanggapin dahil sa ito ang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos! Pagkasabi nito ay naglaho na ang engkantada. Magmula noon ang buto ng kasoy ay nasa labas na ng prutas.

ALAMAT NG BUWITRE

Napakatagal na panahon na ang nakararaan ng mangyari ang pagsumpa ng mga magulang sa isang batang babae na may pangalang Bereti.

Si Bereti ay mula sa angkan na may maalwang buhay. May malawak na lupain ang kanyang mga magu-lang. Marami silang pananim. Marami rin silang mga alagang hayop.

Bunso si Bereti at paborito ng ama. Dala marahil na nakakamit ang lahat kaya may hinahanap si Bereti sa buhay. Ibig niyang maranasan ang mga bagay na kaiba sa kinalakihan.

Si Aling Juana ang tagalaba ng pamilya. May anak itong laging isinasama sa paglalaba. Ito si Karing. Halos magkasing-edad sila ni Bereti kaya madaling nagkalapit ang mga loob. Ani Karing ay naiinggit ito kay Bereti dahil nakukuha ang lahat ng gusto. Ang sabi naman ni Bereti ay naiinggit kay Karing dahil marami itong bagay na nararanasan na hindi niya nararanasan.

Mula noon ay laging magkasama ang dalawa. Mabait ang pamilya ni Aling Juana kaya panatag ang loob ng ama't ina ni Bereti.

Nalaman ni Bereti na madalas sumala sa oras sina Karing. Kapag walang makain ay naghuhukay ng mga gabi, tugi o anumang halamang ugat sina Karing para maipantawid-gutom. Nagkakasya rin ang pamilya na mamulot ng mga tirang pagkain na maaari pang pakinabangan.

Hindi maunawaan ni Bereti ngunit eksayted siya sa buhay nina Karing. Nakikihukay siya ng mga halamang ugat at namumulot ng tirang pagkain. Nakikisalo siya sa pamilya at totoong nasisiyahan siya.

Galit ng galit ang ama ni Bereti nang may nakapagsabi na namu-mulot at kumakain ng tirang pagkain ang anak. Hinanap nito si Bereti noon din. Gulat na gulat ang ama nang makita si Bereti kasama ng ilan pang mga bata na hila ang isang kamama-tay na kambing. Ani Bereti ay kinagat ng malaking aso ang kambing kaya namatay. Aniya pa ay kakarnehin nila ang kambing para kainin.

Nagpuyos sa galit ang ama. Kinagalitan si Bereti at pinauwi ngunit ayaw sumunod ng bata.

"Kung ang gusto mo ay kumain ng mga tira at karne ng mga namatay na hayop, sige, magpakabusog ka. At para mas maging masaya ka, habang buhay sanang ganyan na lang ang kainin mo!" wika ng ama.

Kinabukasan ay nawala si Bereti. Sa halip, isang ibong kahawig ng agila ang nakitang kumakain ng isang patay na baka.

Ayon sa marami ay si Bereti ang ibong iyon na isinumpa ng ama. Tinawag silang Bereti ang ibon pero dahil hindi pa gaanong marunong bumigkas ang isang bata ay bwitre kung tawagin ito. Mula noon ay tinawag ng bwitre ang ibon.

ALAMAT NG DAGA

Noong araw ay magkakasama ang lahat ng mga tao. Nakaka-sundo sila at laging masaya, Maalwan ang kanilang buhay dahil ipinagkaloob sa kanila ng Diyosa ng Kasaganahan ang lahat ng maaari nilang hilingin.

Isa lamang ang kapalit ng lahat ng iyon. Ibig ng diyosa na huwag silang aalis sa kanilang paraiso.

Sa kabila ng mabuting kabuhayan ay hindi makuntento si Raga. Isa siyang binatilyong may malikot na imahinasyon. Ibig niyang malaman kung ano ang nasa kabila ng kanilang paraiso. Bawat araw ay may udyok siyang nadarama sa kanyang puso na nagsasabing tuklasin niya kung ano ang nasa kabila ng naka-mulatang paraiso.Isang gabi ay lakas-loob na tumakas si Raga. Wala siyang kasingsaya dahil ang pakiramdam niya ay nakawala siya sa isang gintong kulungan.

Gayunman ay hindi niya inasahan na kabaligtaran ng buhay sa paraiso ang matutuklasan.

Subalit dahil bagong karanasan iyon para kay Raga kaya sabik parin siya. Lumakad siya at nagtatakbo sa putikan, natulog siya sa maruming paligid. Kumain din siya ng mga pagkaing noon lang nakita ng mga mata. Naging eksayted din siya sa pakikisalamuha sa iba't ibang klase ng mga taong na may malaking kaibahan sa mga nakatira sa paraiso.

Nalibang si Raga sa bago niyang daigdig. Inubos niya ang panahon sa pag-gala at pagdiskubre ng mga bagay-bagay. Halos hindi niya namalayan ang paglipas ng mga araw.

Isang gabi ay dumating kay Raga ang pangungulila. Naalala niya ang ina na marahil ay labis nang nag-aalala.

Naalala rin niya ang ama na tiyak niyang hinahanap siya.

Bigla rin niyang naalala ang mga kaibigan at mga kakilala.

Nagmumuni-muni siya nang may dumampot sa kanya.

"Teritoryo namin to!" sabi ng isa.

"Maghanap ka ng sarili mong lugar!" wika naman ng kasama nito.

Nalungkot si Raga. Sa paraiso ang lahat ay pantay-pantay. Walang inaapi at walang nang-aapi. Noon niya nakuro na mas maganda parin ang kanilang paraiso.

Marusing at mabaho, hindi naki-lala si Raga ng mga taga-paraiso. Pinalayas siya ng mga ito. Kahit anong paliwanag niya ay walang gustong makinig. Napaiyak si Raga na tinawag ang kanilang diyosa. Ngunit sa halip papasukin sa paraiso ay isinumpa siya nito sa pagsuway sa utos.

Si Raga ay naging isang malitt na hayop na nakadidiri ang itsura. Sa marurumi at mababahong lugar lang siya nakatitira tulad ng mga pusali at mga lungga. Si Raga, ang binatang dating taga-paraiso, ang pinagmulan ng lahi ng mga daga.

ALAMAT NG DAIGDIG

AYON sa alamat, sina Kalangitan at Katubigan ay may dalawang anak. Sila ay sina Langit at Tubigan. Si Langit ang kinilalang diyosa ng kalawakan at si Tubigan ang diyos ng katubigan.

Sina Tubigan at Langit ay nagpakasal. Dalawa rin ang kanilang naging mga anak. Sila ay sina Dagat at Paros. Si Dagat ang naging diyosa ng karagatan at si Paros ang naging diyos ng hangin.

Lumaon ay nagpakasal din sina Paros at Dagat.

Apat ang naging mga supling nina Dagat at Paros. Tatlo sa mga ito ang lalaki at nag-iisa ang babae.

Ang panganay ay pinangalanan din nilang Dagat, isang makisig at malakas na lalaki. Sumunod sa kanya si Adlaw, isang masayahing lalaki na may katawang ginto.

Kulay tanso ang katawan ng sumunod na si Bulan ngunit mahina ang kanyang katawan. Ang tanging babae, si Bitoon, ay kulay pilak at may ma-gandang tindig.

Nang mamatay sina Paros at Dagat ay inalagaan nina Langit at Tubigan ang kanilang mga apo.

Dahil patay na ang mga magulang ay naging ambisyoso si Dagat lalo pa at na punta sa kanya ang kapangyarihan sa hangin. Ibig niyang sakupin ang kaharian ng lolang si Langit. Napapapayag niya ang dalawang kapatid na sina Bulan at Adlaw na sumama sa kanya.

Pinakawalan ni Dagat ang hangin upang puwersahang mabuksan ang kaharian ni Langit. Sinira niya ito kasama sina Bulan at Adlaw.

Sa galit ni Langit ay nagpakawala siya ng tatlong kidlat laban sa suwail niyang mga apo.

Agad na natunaw sina Bulan at Adlaw. Si Dagat naman ay nahulog sa ibaba. Sa kasamaang palad ay tinamaan din ng kidlat si Bitoon kung kaya nagkapira-piraso.

Pinagbintangan ni Langit ang asawang si Tubigan. Aniya ay ito ang nag-utos upang salakayin siya ng kanilang mga apo. Itinanggi iyon ni Tubigan. Nagkasamaan sila ng loob ngunit napawi rin lalo at napa-tunayan ni Langit na walang kinala-man si Tubigan sa ginawa ng mga apo.

Nagpasya ang magasawa na pagkalooban nalang ng liwanag ang kanilang mga apo dahil hindi na rin nila mabubuo pa ang katawan ng mga ito na winasak ng mga kidlat.

Si Dagat ang ginawa nilang lupain. Si Bulan ay ginawa nilang buwan. si Adlaw ang naging araw at si Bitoon ang naging mga bituin.Ayon sa alamat ay sa ganitong paraan nabuo ang daigdig.

ALAMAT NG DALAGANG-BUKID

Noong unang panahon ay may tatlong dalagang magkakapatid na pawang nag-gagandahan. Ang kanilang mga kanayon ay lubhang nagtataka kung bakit mamula-mula ang kutis nga magkakapatid at manilaw-nilaw naman ang mahahaba nilang buhok, gayong mula pagkabata ay katulong na sila sa mga gawaing bukid ng kanilang ama na si Ramon.

Hindi iniinda ng magkakapatid na LALA, DADA at SASA ang nakapapasong init ng araw sapagkat ito ay nagpapakinis pa nga ng kanilang kutis.

Namamangha at nananaghili sa ganda ng magkakapatid ang mga dalaga sa kanilang nayon. Humahanga at lihim namang umiibig ang maraming kabinataan sa tatlong dalaga. Ang kabaitan at kasipagan ng mga anak nina Tarcila at Ramon ay puring-puri ng mga kanayon, at dahil sila'y anak ng magbubukid kaya binansagan nila ang magkakapatid ng "mga dalagang-bukid".

Kung mababatid lang ng mga tagaroon ang katotohanan, marahil hindi na sila magtataka kung bakit namumukod-tangi ang kagandahan nina Lala, Dada at Sasa. Lingid sa lahat, si Tarcila ay isang diwata. Nang umibig siya sa taga-lupang si Ramon, ang kanyang pagka-diwata'y tinalikdan niyang lubos upang mamuhay bilang ganap na tao. Bagama't nawalan ng kapangyarihan ay naging maligaya naman ito sa piling ni Ramon at ng kanilang mga anak.

Subalit ang mapayapa at matiwasay na pamumuhay ng mga taga-nayon ay biglang binulabog ng masasamang-loob. Nahintakutan ang lahat at hindi magawang lumaban sa magbabagsik na tulisang-dagat. Nilimas ang kanilang kabuhayan at sapilitang dinala sa tabing dagat ang kadalagahang napili. Kabilang na roon sina Lala, Dada at Sasa. Habang hinihintay ang bangkang sasakyan ng mga bihag upang makarating sa sasakyang-dagat na nasa laot ay walang tigil ang pag-iiyakan at pagmamakaawa ng mga ina.

Tanging si Tarcila lang ang walang imik ngunit malalim ang iniisip. Bagama't walang kapangyarihan ay nagsikap pa rin itong makipag-ugnayan sa dati niyang daigdig... sukdulang hininga niya ay mapatid, mailigtas lamang ang mga mahal na anak gayundin ang nayon na kanya ngayong tahanan! Hindi naman nabigo ang dating diwata sapagkat ang nawalang kapangyarihan ay muling ibinalik sa kanya.

Sa pamamagitan ng isip ay pinaglagablab ni Tarcila ang barko ng mga pirata. Sa bilis ng pangyayari, ang mga tulisan naman ngayon ang nasindak at sa pagsabog ng mga bala na nakasabit sa kanilang katawan, sila ay naubos nang wala namang kalaban. Ngunit isang sugatang pirata ang nagkaroon pa ng pagkakataong mamaril bago ito binawian ng buhay. Sa kasawiang-palad ay tinamaan ang magkakapatid at agaw-buhay na bumagsak sa tubig.

Napasigaw ang naghihnagpis na ina! Hindi nito maatim ang nakikitang paghihingalo ng mga anak. Bilang diwata ay wala siyang kapangyarihang magdugtong ng buhay, datapuwa ang magbigay ng panibagong buhay sa bagong anyo ay kanyang magagawa. Tumingin muna si Tarcila sa asawa at...

"Ramon, nanaisin ko pa na sila'y magbagong-anyo kaysa tuluyang mawala na sa atin."

"Nasa iyo ang kapasyahan. Gawin mo ang nararapat."

Nabigkas ni Tarcila ang mahiwagang kataga bago nalagutan ng hininga sina Lala, Dada at Sasa kaya sa isang kisapmata ang tatlong dalaga ay naging ISDA!

Matapos masaksihan ang kababalaghang iyon ay saka pa lang nalaman ng mga kanayon ang pagiging "diwata" ni Tarcila. Lahat ay nagpasalamat sa nagawang tulong ni Tarcila at nakiramay rin sila sa sinapit ng mga anak nito. Nagilalas ang lahat at napatingin sa mga isda, sa kahanga-hanga nitong kulay na wari'y mamula-mula kaya sa halip na malungkot ay kagalakan ang kanilang nadama.

Sa huling pagkakataon ang mga isda ay nagsalita.

"INA, AMA, HUWAG KAYONG MALULUNGKOT, NARIRITO LAMANG KAMI SA DAGAT. AMING INA, IPINAGMAMALAKI KA NAMIN. IKAW PALA AY ISANG DIWATA. MAHAL NAMIN KAYO NI AMA..."

"PAALAM NA SA INYONG LAHAT, MGA KANAYON," ang sabay na wika nina Lala, Dada at Sasa - at marahan silang lumangoy patungong laot.

"PAALAM NARIN SA INYO MGA DALAGANG-BUKID...!" ang sagot ng kanilang mga kanayon habang kumakaway.Ito ang dahilan kung bakit nasa dagat ang mga "dalagang-bukid".

MGA BUGTONG

Dumating si Canuto,nangabuhay ang mga tao.Sagot: Umaga

Buhok ni Adandi mabilang ng sinuman.Sagot: Ulan

Isang bayabas,pito ang butas.Sagot: Ulo ng tao

Aling hayop sa mundo,ang lumalakad ay walang buto?Sagot: Uod

Kung araw ay patung-patong,kung gabi'y dugtong-dugtong.Sagot: Unan

Isang hukbong sundalo,dikit-dikit ang mga ulo,Sagot: Walis

Dumaing paa'y walang kamay,may pamigkis sa baywang,ang ulo'y parang tagayan,alagad ng kalinisan.Sagot: Walis

Kung tingna'y mainit,hipui'y malamig,umuusok ang paligidd.Sagot: Yelo

Maging puti, maging pula,sumusulat sa tuwina.Sagot: Yeso

Hindi tao, hindi ibon,bumabalik kung itapon.Sagot: Yoyo

Mayroon akong dalawang balon,hindi ko malingon.Sagot: Tainga

Kasangkapang dala-dalangunit hindi makita.Sagot: Tainga

Dalawang balong malalim,hindi maabot ng tingin.Sagot: Tainga

Lingunin mn ng linguninay hindi abutin ng tingin.Sagot: Tainga

Nang bata pa ay apat ang paa;nang lumaki ay dalawa,nang tumanda ay tatlo n,Sagot: Tao

Nang tangan ko'y patay,nang itapon ko'y nabuhay.Sagot: Trumpo

Nang hawak ay patay,nang ihagis ay nabuhay.Sagot: Trumpo

Binalangkas ko nang binalangkas,bago ko inihampas.Sagot: Trumpo

Munting tumataginting,kung saan nanggagaling.Sagot: Telepono

Dugtong-dugtong,magkakarugtong,tanikalang umuugong.Sagot: Tren

Kalamay ng hari,hindi mahati-hati.Sagot: Tubig

Kumot ng hari,hindi mahati-hati.Sagot: Tubig

Puno na naging tubig,tunig na naging bato,bato n kinain ng tao.Sagot: Tubo

Ang ibabaw ay tawiran,ang ilalim ay lusutan.Sagot: Tulay

Kinain ko ang isa,itinapon ko ang dalawa.Sagot: Tulya

Ngayon lang nangyayari,nakikita na ng marami,kahit sila'y wala rine.Sagot: TV

Hindi hayop hindi tao,nagsusuot ng sumbrero. Sagot: Sabitan Ng Sumbrero

Naligo si Adan,hindi nabasa ang tiyan. Sagot: Sahig

Hindi Linggo,hindi piyesta,naglawit ang bandera. Sagot: Dahon ng saging

Bulaklak muna ang dapat gawin,bago mo ito kanin. Sagot: Saging

Sapagkat lahat na ay nakahihipo;walang kasindumi't walang kasimbaho;bakit mahal nati't ipinakatatago. Sagot: Salapi (pera)

Bagama't nakatakip,ay naisisilip. Sagot: Salamin ng mata

Aling mabuting retratoang kuhang-kuha sa mukha mo? Sagot: Salamin (mirror)

Buto't balat, lumilipad.Sagot: Saranggola

Hindi naman hari, hindi naman pare,nagsusuot ng sarisari. Sagot: Sampayan

Sinampal ko munabago inalok.Sagot: Sampalok

Ang uloy nalalagaang kataway pagala-gala.Sagot: Sandok

May punong walang sanga,may dahong walang bunga.Sagot: Sandok

Kung tawagin nilay santohindi naman milagroso.Sagot: Santol

Alipin ng hari,hindi makalakad,kung hindi itali.Sagot: Sapatos

Walang sala ay ginapostinapakan pagkatapos.Sagot: Sapatos

Huminto nang pawalan,lumakad nang talian.Sagot: Sapatos

Baboy ko sa parang,namumula sa tapang.Sagot: Sili

Isda ko sa Maribeles,nasa loob ang kaliskis.Sagot: Sili

Munting tampipipuno ng salapi.Sagot: Sili

Isang lupa-lupaan sadulo ng kawayan.Sagot: Sigarilyo

Hiyas akong mabilog,sa daliri isinusuot:Sagot: Singsing

Buklod na tinampukan,saksi ng pag-iibigan.Sagot: Singsing

Dikin ng hari,palamuti sa daliri.Sagot: Singsing

Ipinalilok ko at ipinalubid,naghigpitan ang kapit.Sagot: Sinturon

MGA BUGTONG

Nang munti pa at paruparo,nang lumaki ay latigo.Sagot: Sitaw

Utusan kong walang paat bibig,sa lihim koy siyang naghahatid,pag-inutusay di n babalik.Sagot: Sobre

Kaban ng aking liham,may tagpi ang ibabaw.Sagot: Sobre

Walang paa, lumalakad,walang bibig, nangungusap,walang hindi hinaharap namay dala-dalng sulat.Sagot: Sobre

Alin sa mga santa ang apat ang paa?Sagot: Sta. Mesa

Bumili ako ng alipin,mataas pa sa akin.Sagot: Sumbrero

Isang tabo, laman ay pako.Sagot: Suha

Isang panyong parisukat,kung buksa'y nakakausap.Sagot: Sulat

Kahoy ko sa Marigundong,sumasanga'y walang dahon.Sagot: Sungay ng Usa

Usbong ng usbong,hindi naman nagdadahon.Sagot: Sungay ng Usa

Pitong bundok, pitong lubak,tigpitong anak.Sagot: Sungkahan

Aso ko sa muralyon,lumukso ng pitong balon.Sagot: Sungkahan

Isang bahay na bato,ang takip ay biloa.Sagot: Suso (snail)

Aling bagay sa mundo,ang inilalakad ay ulo?Sagot: Suso (snail)

Dalawang punsu-punsuhan,ang laman ay kaligtasan.Sagot: Suso ng Ina

May tubig b pingpala,walang makakakuha kundi bata.Sagot: Suso ng Ina

Dalawang magkaibigan,habulan nang habulan. Sagot: Paa

Heto, na ang magkakapatid,nag-uunahang pumanhik. Sagot: Paa

Nagtago si Pedro,nakalitaw ang ulo.Sagot: (Pako sa sahig)

Balat berde, buto itim,laman pula, turingan mokung sino siya. Sagot: Pakwan

Hindi hayop, hindi tao,may korona't may setro. Sagot: Pagatpat

Walang pintong pinasukan,nakapasok sa kalooban. Sagot: Pag-Iisip

Narito na si katoto,may dala-dalang kubo. Sagot: Pagong

Narito na si kaka, sunongsunong ang dampa. Sagot: Pagong

May ulo'y walang buhok,may tiyan walang pusod. Sagot: Palaka

Di man isda, di naman itik,nakahuhuni kung ibig,maging sa kati maging sa tubig,ang huni'y nakakabuwisit. Sagot: Palaka

Di man isda, di naman itik,nakahuhuni kung ibig. Sagot: Palaka

Nang munti pa'y minamahal,nang lumaki na'y pinugutan. Sagot: Palay

Nang bata'y iginalangnang tumanda'y tinadyakan. Sagot: Palay

May ulo'y walang mukha,may katawa'y walang sikmura.Namamahay ng sadya. Sagot: Palito Ng Posporo

Sariling-sarili mo na,ginagamit pa ng iba. Sagot: Pangalan

Pag-aari mo, dala-dala mo,datapuwa't madalas gamitinng iba kaysa iyo. Sagot: Pangalan

Sa araw nahimhimbingat sa gabi ay gising. Sagot: Paniki

Hindi naman bulagdi makakita sa liwanag. Sagot: Paniki

Walang paa'y lumalakad,ang bakas ay nangungusap. Sagot: Panitik, Bolpen o Lapis

Kung ano ang iniisipni Beho,siya namang isinusulat ni Tsikito. Sagot: Panitik, Bolpen o Lapis

Iguhit mo't nagbabalita ngmaraming talinghaga. Sagot: Panitik, Bolpen o Lapis

Lumalakad, lumuluha,nag-iiwan ng balita. Sagot: Panitik Bolpen o Lapis

Sandata ng mga matalino,papel lamang ang hasaan. Sagot: Panitik, Bolpen o Lapis

Bahay ko sa Pandakan,malapad ang harapan. Sagot: Pantalan

Binatak ko ang isa,pawis ang kasama. Sagot: Panyo

Bahay ni Ka Gomez,punung-puno ng perdigones. Sagot: Papaya

Ang puno'y buku-buko,ang sanga'y baril,ang bunga'y bote,ang laman ay diyamante. Sagot: Papaya

Ang katawan ay bala,ang bituka'y paminta. Sagot: Papaya

Noong malinis ay hinahamak,nang magkaguhit ay kinausap. Sagot: Papel

Kung malayo ay babae,kung malapit ay lalaki. Sagot: Pare

Isang tingting na matigas,nang ikiskis namumulaklak. Sagot: Posporo

Isdang inasinan, nalusaw sa taguan;pinakinabangan, ginawang sawsawan. Sagot: Patis

Ang labas ay tabla-tablaang loob ay sala-sala. Sagot: Patola

Bahay ng kapre,iisa ang haligi. Sagot: Payong

Hinila ko ang tadyang,lumapad ang tiyan. Sagot: Payong

Di makita ay kalapit,kaya laging sinisilip Sagot: Pilikmata

Aling bunga ang palibot ng mata?Sagot: Pinya

Aling talbos ang bumungaat aling bunga ang tumalbos. Sagot: Pinya

Isang magandang senyora,ligid na ligid ng espada. Sagot: Pinya

Isang dalagang marikit,nakaupo sa tinik. Sagot: Pinya

Isang dalagang may korona,kahit saan ay may mata. Sagot: Pinya

Dahong pinagdahunan,bungang pinagdahunan. Sagot: Pinya

Isang maliit na impyerno,nagpapalabas ng magandang istilo. Sagot: Plantsa Sa Damit

Pinawalan ang bibig,pinagkuskusan ang puwit. Sagot: Plantsa Sa Damit

Tumutugtuog, umaawit, walang pagodang pagpihit. Sagot: Ponograpo O Radyo

Isang tingting na matigas,nang ikiskis namulaklak. Sagot: Posporo

Tubig sa ining-ining,di mahipan ng hangin. Sagot: Niyog

Tubig sa angaw-angaw,hindi madapuan ng langaw. Sagot: Niyog

Langit sa itaas, langit sa ibaba,tubig sa gitna. Sagot: Niyog

Nagpupuno'y hindi sinisidlan,nakukulanga'y di binabawasan. Sagot: Niyog

Bahay ni Kaka,hindi matingala. Sagot: Noo

Walang hininga ay may buhay,walang paa ay may kamaymabilog na parang buwan,ang mukha'y may bilang. Sagot: Orasan O Relo

Hindi hayop hindi tao,tanungan ng buong mundo. Sagot: Orasan O Relo

Maliit at malaki,iisa ang sinabi. Sagot: Orasan O Relo

Nahihiya, walang kinahihiyaan. Sagot: Makahiya

May sunong, may kilik,may salakab sa puwit. Sagot: Mais

Isang pamalo-palo,libot na libot ng ginto. Sagot: Mais

Pusong bibitin-bitin,mabangong parang hasmin,masarap kanin. Sagot: Mangga

Tag-ulan at tag-arawhanggang tuhod ng salawal. Sagot: Manok

Dalawang bolang sinulid,abot hanggang langit. Sagot: Mata

Dalawang batong maitim,malayo ang nararating.Sagot: Mata

Ang mukha'y parang tao,magaling lumukso. Sagot: Matsing

Hindi akin, hindi iyo,ari ng lahat ng tao. Sagot: Mundo

Nakakulubong ay walang ulo,kinatatakutan ng gago. Saot: Multo

Heto na si amain,nagbibili ng hangin.Sagot: Musikero

MGA SALITANG DIPTONGGO

AgawBangawDalawGaslawIbabawLugawPulawTahawAlingawngawBatawDawGunawKalabawNakawSabawTakawAmpawBatingawDilawHalimawKantiyawPalayawSalindayawTampisawAnahaw

MGA SALITANG DIPTONGGO

BayawDungawHikawLabnawPangawSawsawTanawApawBugawGalawHilawLaktawPanglawSayawTanglawArawBughawGalawgawHiyawLangawPaningkawSilawTuklawAyawBulahaw

MGA SALITANG KLASTER

brasoeskrimaklerkkwartokontrabidatsartprenokumpletonarstrumpokongresokardbrilyantekaklasekeyktseke tsampyonkontratakongklusyon mantsasombrero tsartsandwits narsbeysment

MGA SALITANG KLASTER

sikhay lambattuldok tingkadpaslanghukbodukhatsokolatetsinelasklaseblusagrotoplatoploreraprutasgrasaklimabladerblangkoprinsesapreskogradoklinikagramopresoproyektoprito

CATAGBACAN ELEMENTARY SCHOOLCatagbacan, Goa, Camarines SurS/Y 2013 2014

Inihanda ni:

JOEVIN BULAGAO

Inihanda para kay:

EMELIA PALAYPAYON

CATAGBACAN ELEMENTARY SCHOOLCatagbacan, Goa, Camarines SurS/Y 2013 2014

Inihanda ni:

JANINE BULAGAO

Inihanda para kay:

EMELIA PALAYPAYON