90
TULA JOB-AWIT NI SOLOMON TMBC Course #5 Leader’s Guide

TULA JOB-AWIT NI S

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: TULA JOB-AWIT NI S

TULA JOB-AWIT NI SOLOMON

TMBC Course #5

Leader’s Guide

Page 2: TULA JOB-AWIT NI S

Mahal na Guro, Salamat sa pagsali mo sa amin sa pag-aaral ng limang mga tulang aklat sa Biblia. Ang Diyos ay nagmamalasakit sa puso ng Kanyang mga tao at ang mga tula ay nangungusap sa ating mga puso. Sa mga aklat na ito ang Diyos ay nangungusap sa puso ng Kanyang mga tao kapag sila’y naghihirap (Job), sumasamba (Mga Awit), nangangailangan ng karunungan sa mahihirap na desisyon sa buhay (Mga Kawikaan), pagdududa (Mangangaral), pahayag ng pagmamahal ng mag-asawa (Awit ni Solomon). Kung ito ang unang pagkakataon na manguna ka sa pag-aaral ng Biblia, maligayang pagtuturo at nais kong ibigay ang iilang payong pampalakas para sa iyo katulad ng sinabi ni Apostol Pablo kay Timoteo, ang kanyang anak sa pananampalataya: “Kaya nga, anak ko, magpakatatag ka sa tulong ni Cristo Jesus. Ang mga narinig mo sa akin sa harap ng maraming saksi ay ituro mo rin sa mga taong mapagkakatiwalaan at may kakayahang magturo naman sa iba. Makibahagi ka sa hirap tulad ng isang mabuting kawal ni Cristo Jesus” (2 Timoteo 2:1-3). Nais kong sabihin na lakasin mo ang iyong loob upang matulungan mong lumago ang mga mananampalataya at makatulong na palaguin ang iglesia. Alalahanin mo, habang itinuturo natin ang aralin na ito nais kong itanong mo sa iyong sarili at sa iyong grupo ang mga sumusunod na katanungan:

• Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos? • Ano ang ibig sabihin ng talatang ito? • Ano ang ibig sabihin nito sa akin? Paano ko maisasapamuhay ang walang

hanggang prinsipyo ng Diyos ngayon? Kung isasa-ulo mo ang mga katanungan na ito at sasaliksikin ang mga kasagutan, kung magkagayon, ang aralin na ito ay magiging mabunga at kapaki-pakinabang. Naniniwala ako habang pinag-aaralan natin ang mga aklat ng Diyos sa kawikaan at karunungan, at iyong pangunahan ang iba, lalago ka sa kaalaman patungkol sa Diyos at ang iyong relasyon sa Kanyang Anak, na si Jesu-Cristo. Ang mga kaisipan at ideya sa panimula ay makakatulong sa iyo upang lalong maging epektibo ang iyong pag-aaral at pagtuturo. Ang panalangin ko sa iyo, nawa ang karanasan na makukuha mo sa pag-aaral na ito ay patuloy na makakatulong sa iyong paglalakbay sa pananampalataya at magpapalusog sa iyong pananampalataya habang lumalago ka sa buhay espirituwal at aakayin ang iba sa kanilang espirituwal na paglalakbay. Dalangin ko sa ating Panginoon ang napakayamang pagpapala sa iyo at sa iyong ministeryo, Dick Woodward Pastor and author of the Mini-Bible College

Page 3: TULA JOB-AWIT NI S

Pamumuno sa Grupo sa Pag-aaral ng Biblia Inihanda nang Mini Bible College ang debosyonal at praktikong pagmamasid sa pangunahing aklat ng Biblia. Ang iyong papel bilang guro ay akayin ang grupo sa mga sesyon ng pag-aaral at pagsasanay, upang tulungan silang maunawaan ang mga konsepto, madiskubre ang mga walang hanggang prinsipyo at ang pinaka-mahalaga sa lahat ay maisa-pamuhay nila ito. Ang pag-aaral na ito ay aabot ng apat na buwan at dinisenyo ito na hindi lamang isang kurso. Ang pag-aaral na ito ay bahagi ng stratehiyang plano upang mabigyan ka ng mga kagamitan upang palusugin at palaguin ang iyong iglesia ng espirituwal at sa bilang. Upang matulungan ka binigyan ka namin ng mga magagamit mo:

• Ang Leader’s Guide • Ang Target Media Approach (TMA) manual • Report Forms • Audio of Genesis and Exodus • A study booklet on Genesis and Exodus • A Set of 10 workbooks

Ang Leader’s Guide ay dinisenyo upang bigyan ka ng kakayahan na gawin ang trabaho. PAGPAPANIMULA Bago ang Klase

• “'Pumunta kayo sa mga lansangang matao at inyong anyayahan sa kasalan ang lahat ng makita ninyo.’ Pumunta nga sa mga pangunahing lansangan ang mga lingkod at isinama nila ang lahat ng kanilang natagpuan, masasama't mabubuti, at napuno ng mga panauhin ang bulwagang pangkasalan.'” (Mateo 22:9-10). Simulan ngayon na mag-imbita ng mga tao sa piging espiritual.

• Ihanda ang sarili sa panalangin para sa mga darating na tao. Kung posible, ipanalangin sila sa kanilang pangalan. Ang Diyos lamang ang makapagbabago ng kanilang puso at ang panalangin ay makapangyarihang gamit para dito. “Isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga upang ituro sa kanila na dapat silang laging manalangin at huwag mawalan ng pag-asa” (Lucas 18:1).

• Humingi ng tulong. Huwag mong sikaping gawin ang lahat. Hingin ang tulong ng

isa o dalawa para sa musika, awit, pagbati, at taga-pagtala para sa klase.

• Suriin ang aralin at unawain ang layunin ng aralin.

• Alaming mabuti ang bawat aralin; pakinggan, basahin at pag-aralan ang bawat aralin at isaulo ang talata sa Biblia bago magsimula ang klase.

• Siguruhin ang mga aralin ay laging handa para sa klase.

Page 4: TULA JOB-AWIT NI S

• Siguraduhing ang lugar na pagdarausan ay sapat sa bilang ng mga tao at

komportable para sa grupo.

Habang sa Klase • Batiin ang bawat dumarating. (Tandaan na mabuting laging masaya ang

tumatanggap ng mga dumarating? Palawigin ang pagtanggap ng Diyos sa lahat.) Mahalaga na magkaroon ng isang taga-pagbati.

• Ipakilala ang mga dumadalo sa bawa’t isa kung hindi pa magkakakilala. • Magsimula sa pagsamba at panalangin, hingin sa Diyos na tulungan ka at ang

bawat isa na maunawaan at isa-pamuhay ang aralin. • Makinig sa audio lesson. • Gamitin ang workbook, mag-anyaya ng talakayan na may kaugnayan sa

pamumuhay. Naniniwala kami na ang mga katanungan ay maglalagay ng masiglang talakayan at pag-unawa na magdudulot nang tamang pamumuhay.

• Kung masyadong malaki ang grupo hatiin sa maliliit na grupo. Tig-tatlo o tig-lima sa bawat grupo upang makahikayat ng talakayan. Siguraduhin na babantayan mo ang oras at ingatan na ang pag-uusap ay hindi lumalayo sa aralin at pag-aaral ng Salita ng Diyos.

• Pasalamatan ang lahat sa kanilang pagdating at hikayating maging tapat sa pagdalo.

• Himukin ang bawat estudyante na mag-imbita ng ibang tao na sumali sa pag-aaral ng Biblia.

• Hikayatin ang mga estudyante na isaulo ang mga talata sa mga aralin sa bawat linggo.

Pagkatapos ng Klase

• Lipulin ang mga materyales para sa aralin. • Ibalik ang silid sa dating kaayusan. Mas maayos pa kaysa bago pa kayo

nagsimula. • Itala sa talaan ang report. • Kung nagpulong kayo sa ibang bahay, siguruhing mapasalamatan ang may bahay

sa kanilang pag-tanggap sa inyo. Espesyal na tagubilin sa Pagtuturo sa mga Natututo sa Pandinig lamang Napakahalaga na alalahanin na ang mga hindi makabasa at makapagsulat ay natututo at napapanatili nila ang mga impormasyon kakaiba sa mga marurunong. Ang mga nag-aaral sa pamamagitan ng pakikinig ay natututo sa pamamagitan ng pakikinig at pagsasalita ng kanilang narinig. Ang di-marunong magbasa at magsulat ay hindi hadlang sa panahon ni Jesus. Makakatulong na alalahanin at sabihin sa klase na halos ng mga disipulos at karamihan ng mga taong nagpapalaganap ng Ebanghelyo ay di-marunong magbasa at magsulat.

Page 5: TULA JOB-AWIT NI S

Sa maraming kapamaraanan, ang mga nag-aaral na gumagamit ng pandinig ay may kakayahan na matuto sa kanilang narinig higit doon sa mga nagsusulat upang maalala ang pinag-aralan. Kaya nga dapat hayaan ang mga estudyante na marinig ang Banal na Kasulatan at ang aralin, itigil ang mensahe at balikan ang bahagi na hindi pa naintindihan, at pagkatapos hayaan silang tumugon sa mga katanungan. Kapag ang mga nag-aaral na gumagamit lang ng kanilang pandinig ay “kayang balikan ang kuwento” – gamit ang sariling salita upang sabihin ang kanilang narinig at natutunan – ay nagsasabi na kanilang nakuha ng mabuti ang prinsipiyo. Samakatuwid, gamitin ang mga katanungan sa aralin upang gabayin sila sa mas-malalim na pang-unawa sa Salita ng Diyos at tumibay ang relasyon sa Kanyang Anak, Jesus na siyang Cristo.

Page 6: TULA JOB-AWIT NI S

Ang Pagkataong Panlabas at Ang Pagkataong Panloob

Kabanata 1

Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 46

Layunin: Upang maunawaan ang layunin ng Biblia sa limang aklat ng tula at kung paano sila naisali sa mga Kasulatan. “Sanaʼy maging kalugod-lugod sa inyo Panginoon ang aking iniisip at sinasabi. Kayo ang aking Bato na kanlungan at Tagapagligtas!”

—Mga Awit 19:14 Napapaloob sa Salita ng Diyos ang limang tulang aklat, na kilala rin sa tawag na “mga aklat ng karunungan” o “mga sulat”: Job, Mga Awit, Mga Kawikaan, Mangangaral, at Mga Awit ni Solomon. Sa mga aklat na ito, ang Diyos ay nangungusap sa puso ng Kanyang mga tao kapag sila’y naghihirap (Job), sumasamba (Mga Awit), nangangailangan ng karunungan sa mahihirap na desisyon sa buhay mag-asawa, bilang magulang, pakikipagkaibigan, pananalapi, at negosyo (Mga Kawikaan), pagdududa (Mangangaral), pahayag ng pagmamahal nang mag-asawa (Awit ni Solomon). Habang binabasa natin ang limang aklat na ito, dapat nating maramdaman ang daliri ng Diyos na pumipinid sa ating mga puso. Ang Kanyang nais ay mabago tayo mula sa loob palabas, ang mga maka-bibliang tula ay kumikilos sa puso higit pa sa ibang bahagi ng Kasulatan.

1. Tama o Mali? Ang mga aklat ng tula ay tinatawag ding mga aklat ng “karunungan.”

Page 7: TULA JOB-AWIT NI S

2. Tama o Mali? Ang tula ang siyang wika ng puso. 3. Tama o Mali? Karaniwan ng mga tao ay hindi natutuwang basahin ang mga aklat ng

tula dahil hindi sila kawili-wiling basahin.

4. Tama o Mali? Ang mga sumulat ng mga tula ay hindi nakipagbuno sa pagdududa.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Ang nilalaman ng mensahe ng mga aklat ng mga tula ay tumutukoy sa mga taong _______________________. (piliin lahat ng akma)

a. Kapag wala silang mga problema. b. Kapag may mga kasagutan na sila sa lahat. c. Kapag sila’y nagdududa. d. Kapag sila’y naghihirap. e. Kapag nais nilang manakop ng mga kaharian. f. Kapag sila’y sumasamba. g. Kapag nais nilang maging malapit sa kanilang mga asawa.

6. Gaano katagal na naranasan ng mga tao ng Diyos ang kahirapan? a. Hindi b. Noong lamang sa panahon ni Jesus c. Paminsan-minsan tuwing panahon ng ating mga pagsaway d. Lagi

7. Alin sa mga sumusunod ang aklat ng mga tula? (piliin lahat ng akma) a. Mga Awit b. Mga Bilang c. Job d. Josue e. Ester f. Awit ni Solomon g. Mangangaral h. Ruth i. Mga Kawikaan

8. Alin sa mga sumusunod ang ginamit na himnong aklat sa pagsamba ng mga Israelita? a. Awit ni Solomon b. Levitico c. Mga Awit d. Ezra

9. Sino ang sumulat ng halos lahat ng Mga Kawikaan?

a. David b. Moises

Page 8: TULA JOB-AWIT NI S

c. Saul d. Solomon

10. Ano ang pinaka mabuting paglalarawan sa aklat ng Mangangaral? a. Bilang babala sa atin mula sa karanasan b. Isang koleksiyon ng mga awit c. Bilang panuntunan para sa mga pinuno d. Bilang kasaysayan ng mga hari

11. Ano ang ibig sabihin ng Biblia kapag sinabi ang tungkol sa puso? a. Ang parte ng katawan na nagpapadaloy ng dugo b. Ang pisikal na sentro ng ating pagkatao c. Ang panloob, espirituwal na katauhan d. Ang panlabas, pisikal na katauhan

12. Ano ang parte ng ating katawan ang kawangis ng Diyos? a. Ang ating katawan b. Ang ating puso, o, sa ibang salita, ang ating espiritu c. Ang ating mukha d. Wala

13. Ano ang tungkulin ng ating panlabas na pagkatao o katawan? a. Upang ipakita ano ang wangis ng Diyos b. Upang turuan tayo sa pamamagitan ng sakit na nararamdaman natin c. Upang i-kontrol ang ating espiritu d. Upang ihayag ang ating panloob na espiritu

14. Paano mapapalitan ang ating puso? a. Ang Diyos lamang ang makakapagbago ng ating puso. b. Kaya nating itong baguhin kung meron tayong malakas na kalooban na

magsikap na mabuti. c. Kung magkaroon tayo ng mga bagong ugali, ang puso natin ay mababago. d. Hindi na ito mahalaga sapagkat hindi kailangan itong baguhin.

15. Paano ginagamit ng Diyos ang mga aklat ng tula upang baguhin tayo? a. Nagbibigay sila ng mga praktikal na mga hakbang kung paano magbago. b. Kung sasauluhin natin sila, mababago ang ating isip. c. Ang kalikasan nila ay mga pang-debosyonal at tumutugon sa

pangangailangan ng ating puso. d. Nasa kanila lahat ng panuntunan na kailangan nating malaman.

Page 9: TULA JOB-AWIT NI S

Naranasan mo na bang mabago ang iyong puso? Sa paanong paraan? Ano ang malalim na pangangailangan ng iyong puso na kailangan mo ang tulong Niya? Anong pagbabago sa iyong puso ang nais mong gawin ng Diyos?

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Salamat sa Diyos dahil hindi lamang siya nagmamalasakit sa iyong gawain kundi pati sa malalim na pangangailangan ng iyong panloob na katauhan. Hilingin sa Diyos na mangusap sa iyong puso sa tuwing mag-aaral ka ng

mga aklat ng tula sa Biblia. Hingin sa Kanya na baguhin ang iyong puso ayon sa Kanyang mga kagustuhan.

Page 10: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Dahil sa ang mga aklat ng tula ay ang wika ng mga puso ng mga tao ng Diyos, ano

ang sinasabi sa atin ng limang aklat na ito, at ang katotohanang binanggit ang salitang puso ng 1,000 beses sa Biblia, tungkol sa paraan na pinapahalagahan ng Diyos ang puso? (isaalang-alang ang 1 Samuel 16:7)

2. Ano ang partikular na tinutukoy na bahagi ng katawan ng tao kapag binanggit ng

Biblia ang puso? 3. Ano ang sinasabi ng aklat ng Job kung paano tumugon ang ating puso sa paghihirap? 4. Isaalang-alang ang Jeremias 17:9, 10. Sa liwanag ng mga talatang ito, ano ang

sinasabi ng dakilang panalangin ni David sa Mga Awit 139:23, 24, at 51:10 kung ano dapat nating gawin sa ating mga puso?

5. Ayon sa aklat ng Mangangaral, ano ang tatlong paraan na tiningnan ni Solomon

tungkol sa kahulugan ng buhay, bakit sinabi niya na hindi matatagpuan ang kahulugan ng buhay sa tatlong lugar na iyon?

Page 11: TULA JOB-AWIT NI S

6. Ipaliwanag sa tatlong paraan bakit ang Awit ni Solomon ay naglalarawan nang ating

relasyon kay Cristong buhay?

7. Bakit si Solomon na mayroong napakadakilang karunungan, na makikita sa aklat ng

Mga Kawikaan, ay siya mismo ang nakaranas ng malaking pagkabigo sa buhay, na nabuhay sa mundo?

Page 12: TULA JOB-AWIT NI S

Nagdalamhating Puso

Kabanata 2 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 47

Layunin: Upang ipakilala ang aklat ng Job bilang pangunahing aklat sa problema ng paghihirap. “Sinabi niya, “Ipinanganak akong walang dala at mamamatay din akong walang dala. Ang Panginoon ang nagbigay ng lahat ng mayroon ako at ang Panginoon din ang kumuha nito. Purihin ang pangalan ng Panginoon !”

—Job 1:21 Laging dumaranas ng kahirapan ang mga tao ng Diyos. Ang buhay ay mahirap at mahirap maunawaan, at ang pagiging Krisitiyano ay hindi nagaalis sa atin mula sa kahirapan. Ngunit may mensahe ang Diyos kapag ang mga puso natin ay nasasaktan: Hindi maiiwasan ang sakit at paghihirap, ngunit ang kalungkutan ay pinipili, maaaring tanggapin o hindi. Ito ang mensahe ng aklat ng Job. Ang aklat ng Job ay isa sa pinaka-dakilang tula na naisulat. Maaari itong basahin sa tatlong eksena na nagsisimula sa pag-uusap ng Diyos at ni Satanas, nagtuloy sa pag-uusap nila Job at ng kanyang mga kaibigan tungkol sa kanyang mga problema, at nagtapos sa pagbabalik ng Diyos sa lahat ng nawala sa buhay ni Job. Sa unang akto, pinayagan ng Diyos na alisin ni Satanas lahat ng pagpapala ni Job, kasama ang kanyang kasaganaan, kanyang mga anak, at maging ang kanyang kalusugan. Nalampasan lahat nito ni Job sa pamamagitan ng di-pagtalikod sa Diyos, ngunit hindi niya naunawaan ang kanyang mga problema. Sinasabi ng karamihan sa mga aklat na siya at ang kanyang mga kaibigan ay nakipagbuno sa katanungang bakit tayo naghihirap. Sa katapusan, sinabi ng Diyos sa mga kaibigan ni Job na mali silang lahat, at pagkatapos ibinalik ng Diyos lahat ng pagpapala ni Job.

Page 13: TULA JOB-AWIT NI S

1. Tama o Mali? Karamihan ng mga tao ibinibilang ang aklat ng Job ay ang pinaka-matandang aklat sa Bibliya.

2. Tama o Mali? Ang pinakamabuting paraan na basahin ang kasulatan ay sabihing,

“Kapag alam ko na at naunawaan ko na, at saka ko susundin at gagawin ito.” 3. Tama o Mali? Ang aklat ng Job ay tula.

4. Tama o Mali? Kapag tayo ay naghihirap, nais ng Diyos na magpasakop tayo na walang mga katanungan.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Para kanino isinulat ang aklat ng Job? a. Mga taong walang mga problema b. Mga taong nasasaktan c. Mga pastor at mga saserdote d. Mga hindi Kristiyano

6. Paano natin malalaman na ang kasulatan ay totoo? a. Mag-aral ng maraming taon upang maintindihan ito. b. Subukan upang patunayan kung mali. c. Lumapit dito na may pusong handang sumunod dito. d. Hingin ang mga pinuno ng relihiyon na ipaliwanag ito.

7. Basahin ang Mateo 5:4. Ano ang kaugnayan nito sa aklat ng Job? a. Ang Job ay larawan ng talatang ito. b. Ang Job ay sumasalungat dito. c. Itinuro ni Jesus na si Job ay kulang sa

pananampalataya. d. Ipinaliwanag ni Jesus na ang paghihirap ni Job ay

walang kaugnayan sa buhay Kristiyano.

8. Paano natin matatanggap ang pagpapala ng Diyos sa gitna ng paghihirap? (piliin lahat ng akma)

a. Sa pagtatanong ng mga tamang katanungan b. Sa pagtanggap ng lahat ng paghihirap sapagkat karapat-dapat ito sa atin c. Sa pakikinig sa mga sagot ng Diyos sa ating mga katanungan d. Sa paniniwala sa mga kasagutan ng Diyos sa ating mga katanungan

9. Kailan tayo lalong lumalago sa espirituwal? a. Kapag lahat ay mabuti b. Kapag tayo naging napaka-maimpluwensyang tao c. Pagkatapos lamang na maging Kristiyano tayo ng sampung taon d. Kapag tayo ay dumadaan sa mga pagsubok at pagsusuri

Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng Diyos.

—Mateo 5:4

Page 14: TULA JOB-AWIT NI S

10. Ayon sa pag-uusap ng Diyos at ni Satanas sa simula ng aklat ng Job, bakit naghirap si Job?

a. Dahil siya ay hindi matuwid b. Dahil siya ay matuwid at pinayagan ng Diyos si Satanas upang subukin

siya c. Dahil nagtanong siya ng maraming tanong sa Diyos d. Dahil kulang ang kanyang kaalaman sa Diyos

11. Ano ang ginawa ni Job sa gitna ng kanyang paghihirap? a. Isinumpa niya ang Diyos. b. Iniwan niya ang kanyang pananampalataya. c. Siya ay nanatiling tapat sa Diyos. d. Siya nagpunyagi,

12. Noong inatake ni Satanas ang kalusugan ni Job, ano ang limitasyong sinabi ng Diyos kay Satanas?

a. Aatakihin lamang ng isang buwan ni Satanas si Job. b. Magdudulot lamang ng maliliit na sakit si Satanas. c. Magagawa lahat ni Satanas kay Job kahit patayin siya. d. Magagawa lahat ni Satanas ang gusto niya maliban na patayin si Job.

13. Ano ang pinaka-mabuting bagay na dapat nating gawin sa kaibigang dumaranas ng kahirapan?

a. Maging malapit at handang tumulong b. Sabihin ang lahat ng mga salitang tama c. Ayusin lahat ng problema d. Manatiling malayo sa kanya

Nagtatanong ka ba sa Diyos kapag ikaw ay nasa kahirapan? Ano ang iyong tinatanong? Nakarinig ka na ba ng sagot mula sa Kanya?

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos na lagi Siyang nasa iyo, kahit sa gitna ng kahirapan, at pasalamatan Siya dahil kay Jesus na nagtagumpay sa mundo. Hingin sa Diyos na gamitin ka upang bigyan ng ginhawa ang ibang tao sa

gitna ng kanilang paghihirap at sakit.

Page 15: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Kung ang aklat ng Job ang pinaka-matandang aklat sa Biblia, ano ang sinasabi nito sa

Diyos na inuuna niya ang ministeryo nang pagbibigay ng ginhawa sa mga pusong nasasaktan?

2. Sa kahuli-hulihan, sino ang responsable sa paghihirap ni Job? (isaalang-alang ang

Isaias 45:7) Ano ang sagot ng aklat na ito sa tanong na, “Bakit naghihirap ang mga matuwid?”

3. Ipaliwanag ang pag-uusap ng Diyos at ni Satanas na nagtuturo sa atin na ang masama

ay nagpapahirap sa mga tao ng Diyos sa loob ng pahintulot ng Diyos? Ano ang pagkakaiba ng pahintulot at direktibang kalooban ng Diyos?

4. Kung sinabi ng Diyos sa mga kaibigan ni Job na lahat sila ay mali sa lahat ng bagay

na sinabi nila tungkol sa Diyos at kay Job, paano ito mag-iimpluwensiya sa paraan ng ating pagbabasa sa mga diskurso nila?

Page 16: TULA JOB-AWIT NI S

5. Ipaliwanag kung paano ang aklat ni Job ay nagsisilbing komentaryo sa pangalawang tamang asal na sinabi ni Jesus, “Mapalad ang mga naghihinagpis, dahil aaliwin sila ng Diyos.” (Mateo 5:4) (Isaalang-alang ang Job 14:10, 14 bilang mga halimbawa sa mga tamang tanong na nais nang Diyos na marinig mula sa atin kung nais nating maranasan ang ginhawa at pagpapala na ipinangako ni Jesus na ibibigay sa atin kapag tayo ay nagdadalamhati.)

6. Ipakita kung paano tumingin si Job paloob, pataas at palibot sa paligid upang

matuklasan niya ang sagot sa magkasalungat na katotohanan na kung bakit siya ay nagdurusa.

7. Kailan at bakit siya binigyan ng dobleng pagpapala ng Diyos ngunit hindi siya

binigyan ng dobleng bilang ng mga anak?

Page 17: TULA JOB-AWIT NI S

Tumingin Ka sa Iyong Sarili Tumingin Ka sa Diyos

Tumingin Ka sa Iyong Paligid

Kabanata 3 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 48

Layunin: Upang matutunan ang tamang pananaw sa paghihirap mula sa halimbawa ni Job. “Ngunit alam kong di natutulog ang aking Tagapagligtas, na magtatanggol sa akin pagdating ng wakas. Pagkatapos na maubos itong aking buong balat, makikita ko ang Diyos kahit laman ay maagnas. Siya'y aking mamamasdan, at mukhaang

makikita; siya'y makikilala nitong aking mga mata. Ang puso ko'y nananabik na masdan ko na siya.”

—Job 19:25-27 Pagkatapos sabihin ng mga kaibigan ni Job kung gaano siya ka-makasalanan at karapatdapat lamang na siya ay maghirap, isang binatilyo ang pangalan ay Elihu ay nagsabi sa kanila na mali ang mga tanong na kanilang tinatanong. Kinailangan ni Job na tumingin sa Diyos at tingnan ang pananaw ng Diyos sa kanyang paghihirap dahil sa ang nasa sa isip niya sa kanyang pananampalataya ay hanggang doon lamang sa matatanggap niya mula sa Diyos, hindi kung ano ang matatanggap ng Diyos mula sa kanya. Noong matagpuan ni Job ang Diyos, siya ay nagsisi at nanalangin para sa kanyang mga kaibigan. Pagkatapos niyang ipanalangin ang kanyang mga kaibigan, ibinalik ng Diyos lahat ng pagpapala sa kanya at binigyan pa siya ng doble kaysa sa mga pagpapala niya noong sinauna bago siya sinubok ni Satanas. Tulad ni Job, maaari tayong matuto sa mga paghihirap natin. Ang ating pagdadalamhati ay maaaring magdala sa atin upang itanong ang mga tamang katanungan tungkol sa buhay na walang hanggan. Maaari ding magdala sa atin upang makinig sa Diyos sa mga kasagutan Niya sa ating mga tanong. Naghintay ng matagal si Job sa kanyang mga kasagutan, ngunit hindi nanatiling tahimik ang Diyos. At kahuli-hulihan, maaari nating hayaan ang mga pagdadalamhati natin na dalhin tayo sa lugar ng ating paniniwala na sasagutin ng Diyos ang ating mga katanungan. Kapag ginawa natin ito, mararanasan nating ang pagpapala at ginhawa ng kaligtasan.

Page 18: TULA JOB-AWIT NI S

1. Tama o Mali? Lahat ng apat na kalalakihan na nakipagusap kay Job ay nagkaisa sa

bawat usapin. 2. Tama o Mali? Sa tuwing tayo ay naghihirap, ang laging dahilan ay ang mga

kasalanan sa ating buhay. 3. Tama o Mali? Pagkatapos matagpuan ni Job ang Diyos, hindi na niya masabi na

tunay nga siyang matuwid.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

4. Ano ang mahabang usapin sa gitnang bahagi ng aklat ng Job? a. Usapin tungkol sa dahilan ng paghihirap ni Job. b. Usapin tungkol sa pakikipagtalo ni Job sa Diyos. c. Usapin tungkol sa mabuting teksto na makakatulong sa atin bakit tayo

naghihirap. d. Usapin tungkol sa pagpapakita sa atin kung ano ang dapat gawin sa

naghihirap na kaibigan.

5. Sa diskusyon nila Job at ang kanyang mga kaibigan, sino ang sinisisi sa paghihirap ni Job? (piliin lahat ng akma)

a. Diyos b. Ang klima c. Satanas d. Job e. Mga anak ni Job f. Sapalaran lang at masamang kapalaran

Page 19: TULA JOB-AWIT NI S

6. Ano ang pinaninindigan ni Job sa harap ng kaniyang mga kaibigan? a. Na nauunawaan niya kung bakit siya naghihirap b. Na siya ay matuwid c. Na hinayaan ng Diyos si Satanas na saktan siya d. Na hindi naman talaga totoo ang Diyos

7. Alin ang kanais-nais na pag-uugali na makikita kay Job? a. Nagtatanong siya ng tamang tanong. b. Nakikinig siya sa tugon ng Diyos. c. Naniniwala siya sa sagot ng Diyos. d. Lahat ng nasa itaas.

8. Sa paanong paraan ang aklat ng Job ay propesiya tungkol kay Jesus? a. Naniwala si Job na darating ang kanyang taga-pagtubos balang araw. b. Sinabi ng mga kaibigan ni Job na kailangan niya ng taga-pagligtas. c. Sinabi ng Diyos kay Job na si Jesus ay mamatay sa krus para bayaran ang

kanyang mga kasalanan. d. Walang pahiwatig tungkol kay Jesus sa aklat ng Job.

9. Bakit naisip ni Elihu na maaari na siyang magsalita? a. Siya ang pinkamatanda sa kanila. b. Mataas ang pinag-aralan niya kaysa sa kanila. c. Alam niya ang karunungan ay nanggagaling sa Espiritu ng Diyos. d. Nais niyang palakasin ang loob ng mga kaibigan ni Job na tama nga sila.

10. Sino o ano dapat ang pokus ng iyong buhay? a. Ang iyong sarili b. Ang iyong pamilya c. Ang iyong trabaho d. Ang Diyos

11. Ano ang pinagsisihan ni Job? a. Lahat ng nakalipas niyang imoralidad b. Pagsamba sa maling mga idolo c. Ang lumang pananaw niya sa Diyos d. Pagkakaroon ng mga hangal na kaibigan

12. Anong direksiyon ang nais ng Diyos na tingnan natin? a. Panloob b. Pataas c. Paligid d. Lahat ng nasa itaas

Page 20: TULA JOB-AWIT NI S

13. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa tamang paglago ng Kristiyano? a. Isang umaasa lamang na tatanggap ng mga bagay mula sa Diyos. b. Isang umaasa na tatanggap ng mga bagay mula sa Diyos at magbibigay

din sa Diyos. c. Isang di-umaasa na tatanggap kahit anong bagay mula sa Diyos. d. Wala kahit isa

14. Kapag tayo ay naghihirap dahil tagasunod tayo ni Cristo, dapat nating; (paliin lahat ng akma)

a. Hayaan na ang ating paghihirap ay makatulong sa atin upang makapagtanong tayo ng tamang mga tanong.

b. Hayaan na ang ating paghihirap ay magdala sa atin sa lugar na makikinig tayo sa Diyos.

c. Hayaan na ang ating paghihirap ay magdala sa atin sa lugar na maniniwala tayo na ang Diyos ay sumasagot sa mga tamang tanong.

d. Hayaan ang iba na makita tayo na naghihirap at nagrereklamo.

Ano ang umuudyok sa iyo sa pagiging Kristiyano: ano ang inaasahan mo na gagawin ng Diyos para sa iyo, ano ang inasahan mo na gagawin para sa Diyos, o alin sa pareho? Ano ang itinuturo ng aklat ng Job tungkol doon sa mga umaasa lang na tatanggap mula sa Diyos at hindi magbibigay?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa lahat ng natanggap mo mula sa Kanya. Ipanalangin sa Kanya kung ano ang nais Niyang ipagkaloob mo sa Kanya at paano mo siya mapaglilingkuran.

Page 21: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Sa pinakamahabang bahagi ng aklat, ang pag-uusap nila Job at ang kanyang mga

kaibigan, ano ang kanilang iisang saligan, at ano ang pinaka punto ng kanilang matalas na di-pagkakasundo?

2. Ano ang tingin ni Job sa kanyang sarili sa buong pag-uusap na ito bago namagitan

ang Diyos sa kanila sa pamamagitan ng ipo-ipo? 3. Paano natin maipapaliwanag ang lubos na pagtalikod ni Job sa kanyang pananaw sa

sarili pagkatapos niyang makita ang Diyos at nakipagusap sa Diyos? 4. Pagkatapos makita niya ang Diyos, bakit hinamak niya ang kanyang sarili, at ano

talaga ang kanyang pinagsisihan? 5. Sa pinaka masidhing bahagi ng kanyang paghihirap (Job 19:25-27) nakatanggap si

Job nang maaaring isa sa pinaka matanda at laging nababanggit na propesiya sa Mesias sa Biblia. Noong sinambit niya na makikita niya ang kanyang Taga-pagtubos, ang ibig ba niyang sabihin ay makikita sa kanyang pisikal katawan o hindi katawang panlupa?

Page 22: TULA JOB-AWIT NI S

6. Sa huling bahagi ng aklat (kabanata 42:5, 6), noong binanggit ni Job na narinig niya

ang Diyos ngunit ngayon ay nakita ang Diyos, ang ibig ba niyang sabihin ay literal na nakita niya ang Diyos, o ang ibig niyang sabihin ay nauunawaan na niya ang Diyos, o pareho? Ano sa isip mo?

7. Paano mo magagamit ang napakaganda at kamangha-manghang kuwento ng

paghihirap sa iyong sariling karanasan ng paghihirap?

Page 23: TULA JOB-AWIT NI S

Tatlumpung mga Dahilan na Matatagpuan sa Salita ng Diyos

Kung Bakit Nahihirapan ang mga Tao

Kabanata 4 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 49

Layunin: Upang matutunan ang maraming mga dahilan na ibinigay ng Biblia na nagpapaliwanag kung bakit tayo ay dumaranas ng kahirapan. “Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang mahabaging Ama at Diyos na pinagmumulan ng lahat ng kaaliwan. Inaaliw niya tayo sa ating mga kapighatian upang sa pamamagitan ng kaaliwang tinanggap

natin sa kanya ay makatulong naman tayo sa mga nahahapis.” —2 Corinto 1:3-4

Bakit naghihirap ang matuwid? Ito ang tanong ng maraming tao sa libo-libong mga taon. Hindi lang ang aklat ng Job ang sumasagot sa tanong na ito, kundi ang maraming bahagi ng kasulatan din naman. Sa katotohanan, ang isyu ng paghihirap ay lumilitaw sa halos bawat aklat sa Biblia, mula Genesis hanggang Pahayag. Ang Biblia ay nagbibigay ng maraming dahilan upang matulungan tayo na maunawaan kung bakit tayo naghihirap. Maraming mga tao ang naniniwala at nagtuturo na ayaw ng Diyos na ang kanyang mga tao ay magkasakit, maging dukha, o maghirap sa sakit. Ngunit ang pag-iisip ay hindi matatagpuan sa Biblia—o sa karanasan ng mga Kristiyano sa buong kasaysayan at sa mundo ngayon. Sa katotohanan, ang pinakamahirap na pagsubok ng mga tauhan sa Biblia na naranasan nila ay nagsilbing paglago sa kanilang pagkatao, pinalakas sila, at tinuruan sila sa pananampalataya. Mayroong layunin ang ating mga sakit. Bagamat ang paghihirap ay hindi nakakatuwa, nagbibigay din ito ng maraming pakinabang sa mga tao ng Diyos.

Page 24: TULA JOB-AWIT NI S

1. Tama o Mali? Ang aklat ni Job ang tanging aklat sa Biblia na tumatalakay sa katanungan sa paghihirap.

2. Tama o Mali? Sino mang madalas na naghihirap ay hindi nabubuhay ayon sa mga

prinsipyo ng Diyos sapagkat ayaw ng Diyos na maghirap ang mabuting tao. 3. Tama o Mali? Iilan sa mga liham sa Bagong Tipan ay tumatalakay sa paghihirap ng

mga tao ng Diyos.

4. Tama o Mali? Ang paghihirap ay may napakagandang resulta sa buhay ng mga Kristiyano.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Basahin ang 1 Pedro 1:6-7. Ano ang sinabi ni Pedro na layunin ng paghihirap sa mga taong naghihirap?

a. Hindi sila kailangan maghirap.

b. Ang paghihirap ay sinusubok at pinatutunayan ang kanilang pananampalataya.

c. Karapat-dapat lang na maghirap sila.

d. Pinahihirapan ng mga banal ang kanilang sarili.

Ito’y dapat ninyong ikagalak, kahit na maaaring magdanas muna kayo ng iba’t-ibang pagsubok sa loob ng maikling panahon. Ang gintong nasisira ay pinaparaan sa apoy upang malaman kung talagang dalisay gayundin naman, ang inyong pananampalataya, na higit na mahalaga kaysa sa ginto, ay pinaparaan sa pagsubok upang malaman kung ito’y talagang tapat. Sa gayon kayo’y papupurihan, dadakilaaan at pararangalan sa Araw na mahayag si Jesu-Cristo.

—1 Pedro 1:6-7

Page 25: TULA JOB-AWIT NI S

6. Bakit sinabi ni Santiago na “magalak kayo” kapag tayo ay nakakaranas ng pagsubok?

a. Dahil ang paghihirap ang tanging paraan upang mabayaran ang ating mga kasalanan.

b. Dahil ang sakit ay ilusyon lang. c. Dahil ang pagtitiyaga sa gitna ng pagsubok ay nagbubunga ng paglago at

tatanggap ng “putong ng buhay” na ipinangako ng Diyos. d. Dahil ang mga Kristiyano ay dapat laging masaya kahit sa gitna ng

paghihirap.

7. Ano ang pinang-gagalingan ng tunay na aliw? a. Ibang mga Kristiyano b. Pamilya c. Pera d. Diyos

8. Kapag kailangan mo ng payo sa iyong problema, anong uri ng taga-payo ang pinakamabuti?

a. Isang taong walang mga problema. b. Isang taong nakaranas ng parehong problema at inaliw siya ng Diyos. c. Isang taong nakaranas ng parehong problema at hindi alam paano ito

harapin. d. Hindi na ito mahalaga kung siya ay Krisitiyano.

9. Ano ang sinabi ng Diyos sa kahinaan ni Pablo? a. Walang mga kahinahan dapat ang mga Kristiyano. b. Tumugon dapat ang Diyos kung nanalangin ng masidhi si Pablo. c. Hindi pa siya karapat-dapat magkaroon ng sagot sa kanyang problema. d. Natulungan si Pablo, dahil sa kanyang kahinaan, siya ay nagtiwala sa

Diyos at ipinakita ang kalakasan ng Diyos.

10. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-kakailanganin natin para mangyari ang gawain ng Diyos sa pamamagitan natin?

a. Maraming pinagaralan. b. Kakaibang talento at abilidad. c. Maraming pera. d. Pang-unawa na tayo ay hindi sapat.

11. Ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa mga luha? a. Wala itong kahulugan. b. Sila ay mistulang binhi na tutubo at magbubunga ng ani. c. Sila para sa hindi lamang mga Kristiyano. d. Sila ay para sa mga babae at mga bata lamang.

Page 26: TULA JOB-AWIT NI S

12. Kailan natin nararanasan ang milagro at pakikiramay ng Diyos? a. Kapag naging mabuti ang lahat sa ating buhay. b. Kapag naging banal at sapat na matuwid na tayo. c. Kapag ang ating pangangailangan napakarami at iiyak tayo sa Kanya. d. Kapag hindi natin ito inaasahan.

13. Ano ang ibig sabihin kapag ang mga Kristiyano ay naghihirap dahil sa kanilang mga pagkakamali?

a. Tinatrato sila ng Diyos na parang mga sarili Niyang anak. b. Iniwan sila ng Diyos. c. Nawala nila ang kanilang kaligtasan. d. Pinarurusahan sila ni Satanas.

Narito ang 30 dahilan bakit naghihirap ang mga Tao ng Diyos. Ang listahang ito ay hindi dapat gamitin upang ituro ang iba tulad ng ginawa ng mga kaibigan ni Job, datapwat makakatulong sa inyo upang suriin at maaaring maunawaan bakit hinahayaan ng Diyos ang paghihirap na hawakan ka o ang mga taong malapit at malugod sa iyo.

1. Kung minsan nais ng Diyos na ang kanyang mga tao ay matuklasan kung sino ang pinanggagalingan ng espesyal na aliw. (2 Corinto 1:3-4)

2. Kung minsan ginagamit ng Diyos ang paghihirap upang sanayin, bigyan ng kakayahan, at ihanda na maging kualipikado kang maging ministro ng pang-aaliw. (2 Corinthians 1:5-7)

3. Kung minsan nais ng Diyos na matutunan ng Kanyang mga tao na Siya ang pinagmumulan ng napaka-espesyal na kalidad ng karunungan na dapat makamtan nila sa panahon ng krisis ng paghihirap at mabuhay sa mundong ito. (Santiago 1:2-8)

4. Labis na nakatuon ang Diyos sa ating pagiging perpekto sa espirituwal. (Mateo 5:48; 2 Timothy 3:17)

5. Kung minsan nais ng Diyos na matutunan ng Kanyang mga tao paano makapasok sa Kanyang biyaya na ipinagkakaloob sa Kanyang mga tao. (2 Corinto 9:8; Roma 5:2-5)

6. Kung minsan nais ng Diyos na lumago sa pagka-espirituwal ang Kanyang mga tao na tinawag sa mahirap pero mabungang ministeryo. (Roma 5:2-5)

7. Kung minsan nais ng Diyos na ang kanyang mga tao ay magkaroon ng motibasyon at pagpupursigi mula sa paghihirap sa mga karanasang mahihirap kapag sila ay bata pa. (Panaghoy 3:27)

8. Kung minsan ang paghihirap ay seminaryo ng Diyos upang sanayin at ihanda mga kualipikadong ministro sa Ebanghelyo. (2 Corinto 6:3-13, 11:23-28)

9. Kung minsan nais ng Diyos na bigyan ang Kanyang mga anak ng “milagro” habang naghihirap, na magpapalakas ng kanilang loob at bigyan sila ng inspirasyon na maniwala habang hinaharap nila ang mga kasalukuyan at panghinaharap na paghamon sa kanilang pananampalataya. (Awit 23:1-6; 3:3-8)

10. Nais ng Diyos na magkaroon ng “highway” kung saan makakapaglakbay Siya sa mundo at ipakita sa mga tao sa mundo ang Kanyang kaligtasan sa

Page 27: TULA JOB-AWIT NI S

pamamagitan ng buhay ng Kanyang mga tao habang sila ay naghihirap. (Isaias 40:3-5, Lucas 3:4-6)

11. Kung minsan ginagamit ng Diyos ang paghihirap upang ipakita ang Kanyang kapangyarihan at lakas sa pamamagitan ng ating kahinaan. (2 Corinto 12:7-10; 3:5; Galacia 4:13-15)

12. Kung minsan ipinapakita ng Diyos ang kakulangan ng Kanyang mga tao bago Niya ipakita ang Kanyang kasapatan sa Kanyang mga tao at sa pamamagitan ng Kanyang mga tao. (2 Corinto 12:7-10)

13. Kung minsan nais ng Diyos na itakwil ng Kanyang mga tao ang pagmamalaki at matutunan ang kababaang loob. (Kawikaan 8:13; 2 Corinto 12:7)

14. Kung minsan nais ng Diyos na gamitin ang mga luha ng Kanyang mga tao, mula sa kahirapan, bilang binhi na ipinupunla ng Diyos sa hardin ng kanilang buhay na magbubunga ng marami para sa kanila at para sa Diyos. (Awit 126:5-6)

15. Kung minsan ginagamit ng Diyos ang kahirapan bilang “pagbabawas” kahit na ito ay mistulang “pag-atras.” (Juan 15:1-5)

16. Nais ng Diyos na ipaalam sa buong mundo na may malaking “Kayamanan” sa Kanyang mga tao at ang malaking Kayamanan ay may responsibilidad sa lahat ng makapangyarihang gawain na Kanyang tinapos sa pamamagitan ng Kanyang mga tao. (2 Corinto 4:4-10)

17. Kung minsan nais ng Diyos na maranasan ng Kanyang mga tao ang walang hanggang paglago, sa panloob na tao, ang mga ito ay pansamantala lamang, at ang panlabas na tao ay unti-unting namamatay. (2 Corinto 4:4-10)

18. Nais ng Diyos na turuan ang Kanyang mga tao kung anong pagkakaiba ng makalupang kayamanan at makalangit na kayamanan. (Hebreo 12:26-29, 1 Juan 2:17)

19. Inihahanda ng Diyos ang Kanyang mga tao para sa walang hanggan sa pamamagitan ng pagsunog ng mga bagay na laban sa espirituwal, banal, at sa Kanyang walang hanggang likas na katangian. (Hebreo 12:29; 1 Juan 3:3)

20. Kung minsan ang mga tao ng Diyos ay umaani ng mga bulok na binhi na kanilang ipinunla sa hardin ng kanilang mga buhay. (Galacia 6:7-8)

21. Kung minsan ginagamit ng Diyos ang paghihirap upang paluin ang Kanyang mga anak kapag sila nabubuhay sa kasalanan at pagsuway. (Hebreo 12:5-13; Juan 1:12-13; Jeremias 29:11-14)

22. Kung minsan ginagamit ng Diyos ang paghihirap kapag ang nabuhay muli, ang buhay na Cristo ay nakatayo sa pintuan ng buhay ng tao, at matiyagang kumakatok sa pamamagitan ng pagsaway at pagpapalo upang maging malapit, ang pagiging Panginoon sa relasyon ng mga taong tumatawag sa Kanya ng Tagapagligtas. (Pahayag 3:19-20)

23. Kung minsan ang mga tao ng Diyos ay naghihirap sa loob ng “kulungan ng baboy” na ibinigay ng mapagmahal na Amang nasa langit upang dalhin sila sa pag-amin sa kanilang kasalanan at pagsisisi papunta sa tahanan ng Ama. (Lucas 15:11-20)

Page 28: TULA JOB-AWIT NI S

24. Kung minsan ang mga tao ng Diyos ay naghihirap dahil sa pagpapalo ng Diyos upang bahaginan sila ng Kanyang kabanalan. (Hebreo 12:10; 2 Peter 1:15; 4:1)

25. Kung minsan ang mga tao ng Diyos ay naghihirap dahil galit ang mundo kay Jesu-Cristo at inuusig ang mga kumakatawan at nagpapahayag tungkol kay Jesu-Cristo sa mundo. (Mateo 5:10-12; Filipos 1:29; 2 Timoteo 3:11-12; Pahayag 2:10)

26. Kung minsan nais ng Diyos maging dalisay ang pananampalataya ng Kanyang mga tao. (2 Pedro 1:1-7)

27. Kung minsan marubdob na tagasunod ni Jesu-Cristo ay naghihirap dahil sa pagkatawag sa kanila na sumunod sa halimbawa ng pagdurusa ng Tagapagligtas. (2 Pedro 2:21)

28. Kung minsan naghihirap ang mga tao ng Diyos dahil pumapasok sila sa Kaharian ng Diyos sa pintuan ng pagdurusa (tribulation). (Mga Gawa 14:22; Juan 3:3,5)

29. Kung minsan ginagamit ng Diyos ang karamdaman at kamatayan upang ipakita sa Kanyang mga tao na si Jesu-Cristo lamang ang solusyon sa dalawang malaking problema sa buhay. (Juan 11:1-45)

30. Kung minsan pinapayaman ng Diyos ang relasyon niya sa Kanyang mga tao sa paggamit Niya ng tungkod ng pastol sa paghihirap upang ilagay ang Kanyang mga tao sa mayabong na pastulan, dito sa buhay na ito at sa buhay na susunod. (Mga Awit 23)

Ang mga pagsubok at paghihirap ba ay nakatulong sa iyong paglago bilang Kristiyano? Sa paanong paraan? Ngayon natapos mo na ang pag-aaral na ito, paano mo haharapin ang paghihirap sa susunod na panahon?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa maraming paraan kung saan ang iyong mga pagsubok ay nakatulong upang maging malapit ka sa Kanya at paano Siya kumikilos sa buhay mo. Hingin sa Kanya na maging matatag ka at malakas

ang loob sa gitna ng paghihirap. Hingin sa Kanya na ipakita sa iyo ang isang tao na naghihirap din upang mapalakas mo at matulungan mo.

Page 29: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Habang sinusuri mo lahat ng maka-Bibliang paliwanag tungkol sa paghihirap ng mga

tao ng Diyos, bakit mo masasabi na ibinigay lahat ng paliwanag na ito sa atin ng Diyos?

2. Ipinangako ba ng Diyos na mauunawaan natin ang lahat sa ating buhay habang tayo

ay lumalakad kasama Niya? (isaalang-alang ang Isaias 55) Bakit o bakit hindi? 3. Iniisip mo ba na dapat nating mahalin ang Diyos sa pagpayag Niya na magkaroon

tayo ng paghihirap? Ipaliwanag ang iyong sagot. 4. Habang isinasang-alang natin ang 30 maka-Bibliang paliwanag, ibinibilang ba natin

na ito na ang lahat ng paliwanag? Bakit o bakit hindi? 5. Paano natin gagamitin ang listahan na ito at paano natin maibabahagi ito sa mga

kakilala natin na naghihirap din?

Page 30: TULA JOB-AWIT NI S

6. Bakit hindi natin dapat sabihin sa kanila, “Ang paliwanag sa iyong paghihirap ay nasa numero 21, 22, o 24?”

7. Bakit dapat nating tingnan ang mga paliwanag na ito na may pananalangin at

udyukan ang iba na tignan din ito, hingin sa Diyos na ipakita sa atin alin sa mga paliwanag na ito ang maaring akma sa ating paghihirap?

Page 31: TULA JOB-AWIT NI S

Pagtugon sa mga Pagsubok At mga Suliranin sa Buhay

Kabanata 5

Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 50

Layunin: Upang higit pang maunawaan paano ang paghihirap ay nagagamit sa ating buhay at paano tayo tutugon na may pagpaparangal sa Diyos. “Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin balang araw.”

—Roma 8:18 Sa unang karanasan ng kahirapan bilang Kristiyano, hindi pa natin ito lubos na mauunawaan. Habang lumalago at natututo tayo sa Biblia, nagsisimula tayong malaman ang mga dahilan bakit ang tao ay naghihirap. Maraming pakinabang ang makukuha natin mula sa mga pagsubok na ating nararanasan, lalo na kapag kaya nating tumayo na matatag sa ating pananampalataya sa gitna nito. Kahit na nakakaranas tayo ng mga paghihirap at problema, ginagamit ng Diyos ang proseso upang lumago tayo, para makinabang ang iba at maluwalhati Siya. Ang kabanatang ito ay karugtong ng mga maraming dahilan bakit tayo naghihirap.

Page 32: TULA JOB-AWIT NI S

1. Tama o Mali? Ang mga pagsubok at pagdurusa ay nakakatulong sa mga mananampalataya upang maglingkod sa bawat isa.

2. Tama o Mali? Hindi nakaranas ng kahirapan si apostol Pablo. 3. Tama o Mali? Laging tinutulungan ni Jesus ang Kanyang mga tao upang umiwas sila

sa mga pagsubok.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

4. Sino ang responsable na gumawa sa ministeryo sa iglesia? a. Ang pastor b. Mga guro c. Lahat ng Kristiyano d. Mga lalaki

5. Alin sa mga sumusunod ang pinaka mahalaga sa ating mga pag-subok? a. Umalis sa mga ito b. Iwasan sila bago pa magsimula c. Ang ating pagkatao at ugali sa pagtugon sa mga pagsubok d. Pagpahayag ng mga kasalanan na naging dahilan ang mga ito

6. Ano ang karaniwang bagay na ginagamit ng Biblia upang ilarawan ang mga

Krisityano? a. Matalim na kutsilyo b. Martilyo c. Magandang damit d. Palayok na luad

7. Ayon kay Pablo, ano ang susi para maranasan ang kapangyarihan ni Jesus? a. Makibahagi sa pagdurusa ni Jesus b. Pagsasaulo ng mga talata sa Biblia c. Palaging dumalo sa iglesia d. Paglalakbay sa Jerusalem

8. Aling bahagi ng iyong buhay ang walang hanggan? a. Ang pisikal mong katawan b. Ang iyong paghihirap c. Ang nakikitang bahagi d. Ang hindi nakikitang bahagi—ang iyong espiritu

9. Alin bahagi ang sinusunog ng Diyos sa atin? a. Lahat ng nais natin b. Lahat ng bagay na nakakabit sa atin c. Lahat ng mga salungat sa Kanyang likas na katangian d. Kalaunan, lahat ng bahagi sa atin

Page 33: TULA JOB-AWIT NI S

10. Gaano karaming mga dahilan ang nagiging sanhi sa bawat panahon na tayo ay naghihirap?

a. Isa lang b. Karaniwan ay marami c. Laging 30 d. Hindi natin malalaman kung ilang mga dahilan o alin sa mga ito.

11. Anong pangako ang ibinigay ni Jesus sa atin patungkol sa paghihirap, lalo na sa pag-uusig?

a. Tatanggap tayo ng gantimpala sa langit. b. Kaagad sisirain ng Diyos ang ating mga kalaban. c. Kung meron tayong pananampalataya, hindi tayo daranas ng mga pag-

uusig. d. Pararangalan ng Diyos ang ating pagtangkang maghiganti.

Anong binhi ang iyong pinupunla sa hardin ng iyong buhay? Nagtatanim ka ba ng punla sa mga bagay na pang mundo o mga bagay na pang espirituwal? Anong pagbabago ang kailangan mong gawin upang umani ka ng marami sa walang hanggan?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa mga walang hanggan na pangako Niya. Manalangin na tulungan ka na ituon ang iyong pansin sa mga espirituwal na bagay imbis na sa mga maka mundong bagay, na lilipas ng panandalian.

Page 34: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ano ang ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga tagasunod patungkol sa pagdurusa

(tribulation)? (Isa alang-alang ang Juan 16:33; 12:24-28) 2. Dahil sa ang mga aklat sa tula ay tumatalakay sa puso o panloob na tao ng mga tao ng

Diyos, at ang unang aklat ay tungkol sa paghihirap, paano maiuugnay ang unang tulang aklat sa pagdidiin ni Pablo na, kahit na ang panlabas na tao ay nasisira sa pamamagitan ng paghihirap, ang panloob na tao ay nababago araw-araw? (Isa alang-alang ang 2 Corinto 4:7-18)

3. Aling dimensiyon ng ating pagkatao ang walang hanggang bahagi? Iugnay ito sa

katotohanang ang Diyos ay interesado sa paglago ng puso o ang panloob na katauhan ng Kanyang mga tao sa pamamagitan ng pagpapahintulot o pagdidirekta ng paghihirap sa kanilang buhay.

4. Lumuha ka na ba dahil sa kahirapan na nagpatunay na nagpunla ka ng binhi sa iyong

buhay na umani ng maraming espirituwal na bunga para sa Diyos? (Awit 126) Ipaliwanag.

Page 35: TULA JOB-AWIT NI S

5. Paano sinusunog ng paghihirap ang lahat nang nasa atin pero salungat sa Kanyang banal na kalikasan, at sa ganitong paraan, ihanda tayo sa walang hanggang estado na kasama Niya sa magpakailanman? (Hebreo 12:26-29)

6. Kapag pinapalo ng Diyos ang Kanyang mga anak sa pamamagitan ng paghihirap, ang

ibig bang sabihin ay hindi Niya mahal sila, o kinukumpirma ang milagro na sila ay mga anak Niya at Siya ang kanilang Ama? (Isaalang-alang ang Hebreo 12:5-11) Ipaliwanag.

7. Iugnay ang mga Kasulatan na nagsasabi sa atin patungkol sa pagpasok sa biyaya ng

Diyos na itinuturo ni Pablo sa parehong mga talata, na dapat tayong matuwa sa mga pagdurusa o paghihirap (2 Corinto 9:8; Roma 5:2-5)

Page 36: TULA JOB-AWIT NI S

Pinapahimlay Niya Ako

Kabanata 6 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 51

Layunin: Upang ipakilala ang aklat ng Mga Awit at matuto paano ito makakatulong sa ating pagsamba. Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang; pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan

ang kanyang pangalan. Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika'y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang. Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking ulo langis ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala'y lubus-lubos. Kabutiha't pag-ibig mo sa aki'y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako'y nabubuhay; at magpakailanma'y sa bahay ni Yahweh mananahan.

—Mga Awit 23 Ang aklat ng Mga Awit ay aklat ng pagsamba sa mga awitin, tula, at mga panalangin. Mayroon 150 na mga awit o himno o salmo na isinulat nang iba-ibang mga tao, kasama si David, Asaph, saserdote, musikero sa templo, isa kay Solomon, isa kay Moises, at iba pa. Ang ibang mga salmo, kung saan ang manunulat ay nakikipagusap sa Diyos tungkol sa Diyos; ito ay mga salmong papuri. Sa ibang mga salmo naman, ang manunulat ay nakikipagusap sa Diyos tungkol sa tao; ito ay mga salmo sa panalangin. At sa pangatlong uri ng salmo, ang manunulat ay nakikipagusap sa tao tungkol sa Diyos; ito ay mga salmong pangangaral. Kapag binabasa ang mga salmo, napakahalaga na maunawaan kung sino ang tinutukoy ng sumulat at patungkol saan ang kanyang sinusulat. Mayroong apat na tema sa mga salmo. Isang uri ng salmo sinasabi sa atin ang tungkol sa mga pinagpala—paano at bakit pinagpapala ng Diyos ang mga nagmamahal sa Kanya at naglilingkod nang matapat sa Kanya. Isa pang uri ay ang paghahayag ng ating damdamin—mula sa pagkatakot tungo sa tuwa at pagpupunyagi. Isa pang maliwanag na tema sa mga salmo ay pagsamba—papuri sa Diyos at parangal sa Kanya. Ang ika-apat na tema ay propesiya—mga salmo na nagsasabi sa pagdating ng Mesiyas. Ang pinaka-kilalang salmo ay Mga Awit 23, ang salmong “mapalad na tao” ay naglalarawan sa Diyos na pantas at maamo na pastol na lubhang nagmamahal sa Kanyang mga tupa. Ito ang pinakamagandang deskripsyon sa Biblia ng relasyon ng Diyos sa tao.

1. Tama o Mali? Ang aklat ng Mga Awit ay ang himnong libro ng mga tao ng Diyos. 2. Tama o Mali? May mga katotohanan sa mga salmo, ngunit hindi masyadong

magandang mga tula.

Page 37: TULA JOB-AWIT NI S

3. Tama o Mali? Ang ating mga pagpapala ay aksident lamang; walang dahilan ang mga

ito.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

4. Alin sa mga sumusunod ang mga layunin ng mga salmo? (pumili ng tatlo) a. Papuri b. Palabas c. Panalangin d. Pangangaral e. Paghatol f. Pagkukuwento

5. Alin sa mga sumusunod ang mistulang laging tema sa aklat ng Mga Awit? a. Ang tema ng “mapalad na tao” b. Ang tema ng “huling panahon” c. Ang tema ng “pagsunod sa kautusan” d. Ang tema ng “galit ng Diyos”

6. Alin sa mga sumusunod ang susing elemento sa mga salmo? (piliin lahat ng akma)

a. Pakikipagsapalaran b. Damdamin c. Siyensiya d. Kapaitan e. Karanasan f. Pagsamba

7. Bakit iilan sa mga salmo ay naglalaman ng mga sumpa sa mga kaaway? a. Dahil nais ng Diyos na isumpa natin ang ating mga kaaway b. Dahil naisulat sila matagal na panahon na ang nakalipas bago pa ang

Sermon sa Bundok, noong sinabi ni Jesus na mahalin mo ang iyong mga kaaway.

c. Dahil nais ng Diyos na malaman ng mga tao gaano ang Kanyang galit

Page 38: TULA JOB-AWIT NI S

d. Dahil ang aklat ng Mga Gawa ay hindi isinulat na may inspirasyon tulad ng ibang mga kasulatan?

8. Ano ang salmong pang mesias?

a. Isang propesiya tungkol kay Jesus b. Isang kuwento tungkol sa kasaysayan ng Israel c. Isang panalangin sa paghingi ng tulong d. Isang katuruan sa kautusan

9. Sino ang pinakamaraming naisulat na salmo? a. Paul b. Moises c. Elias d. David

10. Paano inilalarawan ng Mga Awit 23 ang Diyos? a. Bilang hari b. Bilang saserdote c. Bilang pastol d. Bilang musikero

11. Ano ang susi upang matanggap ang lahat ng pagpapala mula sa Mga Awit 23?

a. Maging pastol sa ibang mga tao b. Pagpapasakop sa Panginoon bilang iyong sariling pastol c. Maging magulang na hindi na kailangan ang isang pastol d. Magbigay ng maraming panahon sa mga tupa

Mayroon bang pagkakataon sa buhay mo kung saan hiningi mo sa Panginoon na siya ang maging pastol mo? Paano ka Niya ginabayan at iningatan mula noon?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

Kung kilala mo ang Panginoon bilang iyong pastol, pasalamatan Siya sa Kanyang pagmamahal at sabihin sa Kanya na nagtitiwala ka sa Kanya na ibibigay Niya ang lahat ng iyong pangangailangan. Kung hindi mo pa Siya

kilala bilang pastol, maaari mo bang hingin ito sa Kanya ngayon? Makipagusap ka sa Diyos at sabihin mo sa Kanya na nais mo Siyang maging iyong pastol. Sabihin sa Kanya na tinatanggap mo Siya sa iyong buhay at tulungan ka na sundin Siya araw-araw. Kung hiningi mo kay Jesus na maging pastol mo Siya, sabihin sa iba, maaaring ang lider sa Bible study group ninyo ay makakatulong sa iyong paglago sa pananampalataya.

Page 39: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Iugnay ang luntiang pastulan, ang tahimik o hindi magalaw na batis, ang daan ng

matuwid, ang hapag na salu-salo, saro na umaapaw at lahat ng mga pagapapala ng mapalad na tao, sa unang pangungusap ng salmo.

2. Paano nagkaroon ng relasyon ang sumulat ng salmo sa kanyang Pastol? 3. Paano inilalarawan ng salmong ito ang pilosopiya ng mananampalataya sa buhay? 4. Paano inilalarawan ng salmong ito ang pilosopiya ng mananampalataya sa

kamatayan? 5. Paano inilalarawan ng salmong ito ang pilosopiya ng mananampalataya sa

pagkabigo?

Page 40: TULA JOB-AWIT NI S

6. Sa paanong paraan ang salmong ito ay ipinapakilala ang dakilang larawan sa

kasulatan na ang tao ay maaring magkaroon ng relasyon sa Diyos?

7. Kung ang salitang “awa” sa huling talata ay nangangahulugang “walang kondisyon

na pag-ibig” at ang salitang “sumunod” ay maaaring magsabing “hanapin,” sa paanong paraan ang huling talata sa salmong ito ay isa sa mga dakilang kapahayagan ng pagmamahal ng Diyos na makikita sa Biblia?

Page 41: TULA JOB-AWIT NI S

Katangian ng Mapalad na Tao

Kabanata 7 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 52

Layunin: Upang maunawaan kung anong uri ng tao ang pinangakuan ng Diyos ng pagpapala. “Mapalad ang taong hindi nakikinig sa payo ng masama, at hindi sumusunod sa masama nilang halimbawa. Hindi siya nakikisama sa mga kumukutya at hindi nakikisangkot sa gawaing masama. Sa halip, kasiyahan niyang sumunod sa

kautusan ni Yahweh. Binubulay-bulay niya ito sa araw at gabi. Katulad niya'y punongkahoy sa tabi ng isang batisan, laging sariwa ang dahon at namumunga sa takdang panahon. Ano man ang kanyang gawin, siya'y nagtatagumpay.”

—Mga Awit 1:1-3 Ang Mga Awit 1, tulad ng mga pinagpalang mga salmo, ay nagbibigay ng mga positibo at negatibong mga katotohanan. Matututunan natin kung ano ang hindi ginagawa ng mga taong pinagpala, at pagkatapos ay ano ang ginagawa nila. At matututunan din natin paano ang maka-diyos ay pinagpapala at ang hindi maka-diyos ay hindi pinagpapala. Ang tema ng salmong “mapalad na tao” ay ang ating matibay na paniniwala at ang mga desisyon natin sa buhay ay may kaugnayan sa mga naging resulta ng ating buhay at paano tayo pinalalago ng Diyos. Ano ang mga pagpapala ng mapalad na tao? Tulad ng yumayabong na puno, ang mapalad na tao ay matatag dahil sa malalim ang mga ugat nito, nagbubunga dahil sa kanyang pagmamahal sa Salita ng Diyos, nabubuhay nang mahaba at maayos, umuunlad ang lahat ng ginagawa niya, at nananatiling matibay ang relasyon niya sa Diyos. Kapag binabasa natin ang mga salmo na naglalarawan ng mga tumatanggap ng mga pagpapala at mga hindi tumatanggap ng pagpapala, mahalaga na tanungin ang ating sarili ng ganito: Sino ako sa dalawa?

Page 42: TULA JOB-AWIT NI S

1. Tama o Mali? Posible na magkaroon ng sobrang personal na relasyon sa Diyos. 2. Tama o Mali? Ang mga tupa ay maaaring mabuhay na walang pastol. 3. Tama o Mali? Ang Mga Awit 23 ay magandang balangkas sa ating pagsamba.

4. Tama o Mali? Ang mga natatanggap nating pagpapala ay mayroong direktang kaugnayan sa ating relasyon sa Diyos.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Paano inaalagaan ng mga pastol ang kanilang mga tupa? (piliin lahat ng akma) a. Dinadala sila sa tubig upang makainom. b. Sinasanay upang mabuhay sa sarili. c. Tinatayo sila kapag natitisod. d. Pinapahiga sila upang magpasakop. e. Dinadala sila sa walang panganib na pastulan. f. Hinahayaan silang mangaso para sa kanilang pagkain. g. Iniingatan sila. h. Inilalayo sila sa anumang kahirapan. i. Ibinibigay ang kanilang pangangailangan.

6. Ano ang ipinapaliwanag ng Mga Awit 1? a. Bakit ang matuwid at makasalang tao ay umaani ng parehong gantimpala b. Bakit ang masamang tao ay umunlad c. Paano maging karapat-dapat na maligtas ang matuwid na tao d. Paano pinagpapala ng Diyos ang matuwid at hinahayaang mapahamak ang

masama

7. Ano ang ginagawa ng pinagpalang tao? a. Ginugugol halos lahat ng panahon kasama ng masasamang tao b. Nakikinig sa payo na di maka-diyos c. Mahal niya ang kautusan ng Diyos at pinagbubulay-bulayan ito d. Hinahabol ang katanyagan at kayamanan

8. Ano ang hinihiling ng kautusan ng Diyos na dapat gawin ng mga hari sa Israel? a. Kopyahin ang kautusan ng Diyos at basahin ito araw-araw b. Kumuha ng sensus tuwing ika-limang taon c. Maging saserdote muna bago maging hari d. Magtanim ng punong kahoy sa tabi ng batis

9. Ano ang pakinabang na natatanggap ng mapalad na tao? (piliin lahat ng akma) a. Nagiging mayaman siya. b. Wala siyang mga problema. c. Namumunga siya galing sa Diyos sa takdang panahon ng Diyos. d. Laging nanalo sa argumento at natatalo ang bawat kalaban.

Page 43: TULA JOB-AWIT NI S

e. Mahaba ang buhay. f. Umuunlad lahat ng kanyang gagawin.

10. Ano ang pangunahing idinidiin ng Biblia kapag ginamit ang salitang “pag-unlad?” a. Tagumpay sa negosyo b. Kayamanang espirituwal c. Maraming alila d. Importansiya sa lipunan

11. Ano ang mga idinudulot ng pagiging di-matuwid? a. Madaling buhay na komportable b. Totoong saya at kapayapaan c. Maraming mga kaibigan at kakaunting mga kaaway d. Hindi masaya at walang katiyakang buhay

Naghanap ka na ba ng mga bagay na hindi nagbibigay ng pagkakontento at walang kasiyahan? Ano ang mga ito? Bakit hindi naging matagumpay? Ano ang maaari mong gawin upang maranasan ang mga pagpapala ng Diyos?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang Salita. Hilingin na tulungan Ka niya na magutom sa Kanyang Salita at masiyahan sa Kanyang mga gawa. Manalangin na maging masunurin ka at sumunod kung saan ka Niya

dalhin, sa pinagpalang buhay.

Page 44: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ano ang kaugnayan ng mapalad na tao, nagagalak sa Salita ng Diyos at nagbubulay-

bulay dito araw at gabi, sa larawan ng punong kahoy na nasa tabi ng batis? 2. Anong positibong katangian ang inilalarawan ng negatibong pangungusap na hindi

lumalakad sa payo ng di maka-diyos o masasamang tao? 3. Sa parehong paraan, ano ang sinasabi nito sa atin tungkol sa tao na mababasa natin na

hindi tumatayo sa daanan ng makasalanan? 4. Anong ibig sabihin kapag nabasa natin na hindi siya umuupo sa tabi ng mga

manglilibak? 5. Ano ang koneksiyon ng katotohanang hindi siya umuupo sa tabi ng mga manglilibak

sa mga nararanasan niyang pagpapala?

Page 45: TULA JOB-AWIT NI S

6. Magbigay ng apat na halimbawa kung paano ang pagpapala ng taong ito ay hindi

galing sa pagkakataon lamang kundi dulot ito ng piging.

7. Sa anong paraan ang “Unang Salmo” ay huwaran ng lahat ng mapalad na tao sa mga

susunod pang mga salmo?

Page 46: TULA JOB-AWIT NI S

Mapalad ang Lahat ng Tao

Kabanata 8 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 53

Layunin: Upang maunawaan kung bakit ang ibang tao ay pinagpala at ang iba naman ay hindi.

(Lider: Basahin nang buo ang Mga Awit 128)

Mapalad ang bawat tao na kay Yahweh ay may takot, ang maalab na naisi'y sumunod sa kanyang utos. Kakainin niya ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ang taong ito'y maligaya't maunlad ang pamumuhay. Mula sa Zion, pagpapala nawa ni

Yahweh ay tanggapin, at makita habang buhay, pag-unlad ng Jerusalem. —Mga Awit 128:1-2, 5

Maraming mga tao ang naniniwala na pagpapalain ng Diyos ang lahat ng tao kahit anuman ang kanilang pinili sa buhay at kahit anuman ang kanilang paniniwala. Ngunit makikita sa Biblia na marami sa mga pagpapala ng Diyos ay may kundisyon bago ito matanggap. Ang mapalad na tao ay pinagpala dahil sa kanyang pananampalataya at mga pinili niya sa buhay. Ang mga pinangakong pagpapala ng mga salmo ay para sa mga nagmamahal at may takot sa Panginoon at lumalakad sa Kanyang kalooban. Gayon pa man, mababasa sa aklat ni Job ang mga kaibigan niya at sinabi rin ang gayong bagay na ang dahilan ng kanyang paghihirap ay sa nagawa niyang kasalanan. Sinabi ng Diyos sa mga ito na sila ay mali. Ang ibig bang sabihin ng mga salmo ay sumasalungat sa aklat ni Job? Hindi, ang mga salmo ng mapalad na tao ay mga pangkalahatang prinsipyo, hindi tiyakang mga panuntunan. Matututunan natin mula sa mga ito, na sa pang-kalahatang, inaani ang anumang ipinunla, at kapag ang tao ay naghihirap tulad ni Job, sila ay bukod sa panuntunan (exception to the rule). Mahalagang tandaan na pinagpala si Job sa kalaunan. Mula sa walang hanggang pananaw, ang masunurin sa Diyos ay laging pinagpapala.

Page 47: TULA JOB-AWIT NI S

1. Tama o Mali? Ang “pinagpalang” mga salmo at ang aklat ng Job ay magkasalungat. 2. Tama o Mali? Hindi sinusubok ng Diyos ang mga taong pinagpala.

3. Tama o Mali? Malaki ang epekto sa pamilya, mga lungsod, at mga bansa ang pagpapala ng Diyos.

4. Tama o Mali? Kung wala ang Diyos hindi ka maaaring maging tunay na magulang.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Ayon sa Mga Awit 128 sino ang pinagpala? a. Bawat isa b. Bawat isa na perpekto c. Bawat isa na may takot sa Panginoon at naniniwala sa Kanya d. Bawat isa na makapagsasaulo ng salmong ito

6. Ano ang magagawa ng pagpapala ng Diyos sa mga panghinaharap na plano? a. Ang mga pagpapala Niya ay nakakatulong para mangyari ang ating mga

plano. b. Ang mga pagpapala Niya ay tumutulong upang magampanan natin ang

Kanyang mga plano. c. Ang mga pagpapala Niya ay hindi nakaka-apekto sa panghinaharap. Ang

mga ito ay para lamang sa ating kasiyahan. d. Nagbibigay lamang siya ng pagpapala pagkatapos nating matapos ang

Kanyang mga plano.

7. Ano ang unang tinatrabaho ng Diyos upang pagpalain Niya ang isang bansa? a. Ang gobyerno b. Ang mga kapitalista sa ekonomiya c. Ang iglesia d. Mga pamilya

Malibang ang Panginoon ang gumawa nitong bahay, ang ginawa ng nagtayo ay wala ring kabuluhan. Ang lunsod na hindi ang Diyos ang s’yang magsasanggalang walang saysay ang naroong nakatayong bantay. Di na dapat magpakahirap, magdibdib sa hanapbuhay, aga-agang mag-uumpisa’t gabing-gabi kung humimlay, pagkat pinagpapahinga ni Yahweh ang kanyang mahal. Kaloob ng Panginoon itong ating mga bata, ang ganitong mga supling ay tunay na pagpapala. Ang lalaking anak sa panahon ng kabataan ang katulad ay palaso sa kamay ng isang kawal. Mapalad ang isang amang mapalasong tulad niyan. Hindi siya malulupig at malayong kahihiyan. Kung sila man ng kalaban ay magtatagpo sa hukuman.

—Mga Awit 127

Page 48: TULA JOB-AWIT NI S

8. Alin sa mga sumusunod ang hindi magreresulta ng walang kabuluhan? a. Ang gawain ng mga tao b. Paggawa ng gusali ng iglesia c. Maging abala sa mga tamang bagay d. Ang gawain ng Diyos

9. Ano ang pinaka stratehiya ni Satanas upang pigilin ang mga tao ng Diyos? a. Sirain ang pamilya b. Gawing tiwali ang mga espirituwal na lider c. Atakihin ang gobyerno d. Bigyan ng sakit ang mga tao

10. Ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa mga bata? a. Sagabal sila sa ministeryo. b. Hindi sila mahalaga. c. Malaking pagpapala sila sa mga magulang mula sa Diyos. d. Mabuti silang manggawa

11. Paano makakagawa ang tao ng tunay at mabuting gawain na talagang tumatagal? a. Sa pagtutulungan sa isa’t-isa b. Sa pagsunod sa plano ng Diyos at umaasa sa Kanyang lakas c. Sa pamamagitan ng paggawa ng mabuting stratehiya d. Sa pagtatrabaho ng labing-anim na oras sa bawat araw

Saan ka umaasa ng lakas para sa pamilya at trabaho? Gaano kahalaga na ang Diyos ang magpapalago ng iyong buhay?

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Hilingin sa Diyos kung paano Niya gagamitin ang iyong pagpapala sa Kanyang mga plano. Pasalamatan Siya sa pagsama Niya sa iyo sa Kanyang plano. Hingin sa Kanya na ingatan at pagpalain ang iyong pamilya upang

maging buhay kang patotoo sa lahat ng Kanyang pagpapala.

Page 49: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano inilalarawan ng Mga Awit 128 ang mapalad na tao na akma sa istratehiya ng

Diyos upang ma-apektuhan ang espirituwal na komunidad, mga lungsod, mga bansa, at ang mundo?

2. Ang mga talata ba sa Mga Awit 128 ay nagtuturo na ang bawat isa ay pinagpala o ang

pagpapala ay base sa mga kundisyon? Kung kundisyon, ano ang mga ito? 3. Ano ang pagkaka-pareho ng Mga Awit 127 at 128? 4. Kung ang paglalarawan sa pana at palaso ay kumakatawan sa relasyon ng mga

magulang (pana) at mga anak (palaso), ano ang istratehiya ni Satanas ngayon? 5. Sinabihan tayo ng Mga Awit 127 na ang mga anak ay magandang pagpapala at ang

mapalad na tao ay marami nito sa kanyang lalagyan ng palaso, ang ibig bang sabihin ng mga walang anak ay mga taong hindi pinagpala? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Page 50: TULA JOB-AWIT NI S

6. Pagkatapos ibigay ni Solomon ang kanyang dakilang awit nang panghihinayang

tungkol sa abala, pagsisikap at pagtayo ng mga maling bagay, bakit niya ngayon ibinigay ang dalawang makapangyarihang talata tungkol sa pagkakaroon ng mga anak bilang pagpapala?

7. Ayon sa Mga Awit 128, maliban sa Panginoon, sino ang pinaka-pinuno ng

pinagpalang pamilya?

Page 51: TULA JOB-AWIT NI S

Ang Pagharap sa Kabalisahan

Kabanata 9 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 54

Layunin: Upang matutunan ang tungkol sa mga maramdaming salmo at paano nakakatulong ang mga ito sa ating pagkabalisa sa araw-araw. Sagutin mo po ang aking pagtawag, O Diyos, na aking kalasag! Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan, kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan. Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?” Ikaw, O Yahweh ang totoong mahabagin!

Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan, higit pa sa pagkain at alak na inumin. Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing, pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.

—Mga Awit 4:1, 6-8

Ilagak kay Yahweh ang iyong suliranin, aalalayan ka't ipagtatanggol rin; ang taong matuwid, di niya bibiguin. Ngunit ang bulaan at mamamatay-tao, O Diyos, sa hukay, sila'y itapon mo. Hindi magtatagal, ang buhay nila sa daigdig, ngunit tanging sa Diyos ako ay mananalig.

—Mga Awit 55:22-23 Ang mga madamdaming mga salmo karaniwan ay mga salmong panalangin, kung saan ang mang-aawit ay nakikipagusap sa Diyos tungkol sa mga tao—kadalasan ang sarili niya. Tinuturuan tayo na kapag ating dinala ang mga kabalisahan, takot, galit, pagkabigo, kawalan ng pag-asa, at iba pang mga bagay sa Diyos, tinutulungan tayo sa mga damdaming iyon at inaakay tayo sa pasasalamat at pagsamba. Tinuturuan tayo ng mga salmong ito at hinahayaan tayo ng Diyos na makipagusap sa Kanya sa lahat ng bagay kahit ang mga negatibong mga damdamin, dahil sa interesado Siya sa atin. Nakikinig Siya at sumasagot Siya kapag tayo ay nakikipagusap sa Kanya. Kapag nakatanggap tayo ng sagot mula sa Kanya, dapat lang na lumakas ang ating loob. Ang buhay ay hindi na magiging pareho muli. Kapag nakakaranas tayo ng mga kabalisahan, lagi tayong makakakita ng salmo na nagpapahayag ng parehong damdamin. Ang mga pag-uusap ni David at iba pang mga mang-aawit sa Diyos ay magagamit natin bilang mga gabay sa ating pakikipag-usap sa Diyos. Maaari nating sundin ang mga halimbawa nila at makakatagpo tayo ng kapahingahan, pagtitiwala, at kapayapaan upang mapagtagumpayan ang mga kabalisahan natin.

Page 52: TULA JOB-AWIT NI S

1. Tama o Mali? Ang mga salmong panalangin ay punung-puno ng mga damdamin. 2. Tama o Mali? Ang pagkabalisa ay makikita sa mga salmo dahil ito ay tanda ng di

malagong buhay espirituwal.

3. Tama o Mali? Nais ng Diyos na ang panalangin natin ay pakiki-pagusap sa Kanya at hindi lang iisa ang nagsasalita.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

4. Ano ang tugon ng Diyos kapag dinala natin sa Kanya ang ating kabalisahan? a. Ayaw Niyang makinig sa atin. b. Nakikinig Siya sa atin at nagmiministro Siya sa atin. c. Sinasabi Niya sa atin na dapat tayong maging malakas. d. Sinasabi Niya sa atin na dapat tayong mag-isip na lalong positibo.

5. Ano ang patunay na sinasagot ng Diyos ang ating panalangin? a. Na siya ay nagmamalasakit sa atin at alam niya ang ating mga

pangangailangan b. Na ibibigay Niya ang gusto natin para lang matigil ang ating mga reklamo c. Na napa-bilib natin Siya sa ating paglagong buhay espirituwal d. Na ating nasabi ang mga tamang salita

6. Ano ang pinakamahalagang bahagi ng ating pakikipagusap sa Diyos? a. Kapag sinabi natin sa Kanya ang ating pangangailangan b. Kapag nanalangin tayo para sa iba c. Kapag inamin natin ang ating mga kasalanan d. Kapag siya ay nangungusap sa atin

7. Kapag nagpasya tayo na gawin ang tama at magtiwala sa Diyos, ano ang magiging

resulta? a. Panghihina ng loob at pagkabigo b. Kayamanan at kasikatan c. Tuwa at kapayapaan d. Sakit at pagkadukha

Page 53: TULA JOB-AWIT NI S

(Lider: Basahin ang Mga Awit 55)

8. Ano ang damdamin at saloobin ang pinamalas ni David sa sinulat niyang “Mga Awit” 55? (piliin lahat ng akma)

a. Kalungkutan b. Kapayapaan c. Pagpasakop d. Galit e. Takot f. Pasensiya g. Sakit

9. Anong damdamin at saloobin ang pinahihintulutan ng Diyos na dalhin sa Kanya? a. Kalungkutan b. Kapayapaan c. Pagpapasakop d. Galit e. Takot f. Pasensiya g. Sakit h. Kahit ano

10. Ano ang sinasabi ng Biblia na dapat nating gawin sa ating mga kabigatan a. Mag-isang dalhin ang mga ito b. Iwanan ang mga ito c. Hingin ang iba na dalhin ang mga ito d. Ilagak ang mga ito sa Panginoon

11. Kailan tayo makakalapit sa Diyos? a. Kapag lamang may tunay tayong mabibigat na pasanin. b. Hindi tayo pwede. Mga matutuwid na tao lamang ang pwede. c. Anumang oras kahit anong problema, malaki o maliit. d. Kung minsan kapag kailangan natin ang tulong.

12. Ano ang dapat nating gawin kapag mayroon tayong kabalisahan o problema? (piliin lahat ng akma)

a. Magreklamo b. Manalangin c. Piliting kalimutan ang mga ito d. Magalit e. Makinig sa Diyos f. Maging matatag at huwag pahintulutan na malaman ng iba g. Gawin ang tama

Page 54: TULA JOB-AWIT NI S

Nanalangin ka na ba sa Diyos noong ikaw ay nababalisa? Gaano kadali o kahirap na sabihin sa Kanya ang iyong nararamdaman? Sa anong paraan Siya sumagot?

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Anomang damdamin at saloobin ang iyong nararanasan ngayon sa buhay, kausapin ang Diyos tungkol dito at sabihin sa Kanya na tulungan ka na magtiwala sa Kanya. Pasalamatan Siya sa pakikinig Niya sa iyo at sa

pangako Niya na sasagot Siya sa iyo.

Page 55: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Anong damdamin ang ipinapakita ng manunulat sa Mga Awit ika-apat? 2. Ano ang ibig niyang sabihin noong isinulat niya na nakipag-ugnay siya sa kanyang

sariling puso? 3. Ano ang pagpapasyang ginawa niya na nagpabago sa kanyang damdamin at binigyan

siya ng kapayapaan at tulong? 4. Anong ibig sabihin nang mag-alay ng sakripisyo ng katuwiran at magtiwala sa

Panginoon? 5. Ano ang nagtulak sa kanya na magpasya ng ganoon?

Page 56: TULA JOB-AWIT NI S

6. Anong damdamin ang pinamalas ni David noong isinulat niya ang Mga Awit 55, ano ang ginawa niya sa mga damdamin na iyon, at ano ang sinasabi niya na dapat nating gawin kapag nakakaranas tayo ng mga ganoong ding damdamin?

7. Kapag nakita mo ang iyong sarili sa ganitong damdamin at karanasan sa

pamamagitan ng mga salmong ito, sa anong paraan ipinapakita sa iyo ng mga ito kung ano ang dapat mong gawin sa mga ganoong damdamin?

Page 57: TULA JOB-AWIT NI S

Ang Dulot ng Kapatawaran

Kabanata 10 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 55

Layunin: Upang maunawaan na lubos tayong kilala ng Diyos at nag-aalok Siya ng gabay at kapatawaran sa lahat ng problema na mayroon tayo. O Diyos, ako'y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito'y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

—Mga Awit 139:23-24

Kaya't huwag tayong mag-atubiling lumapit sa trono ng mahabaging Diyos upang makamtan natin ang habag at kalinga sa panahon ng ating pangangailangan.

—Hebreo 4:16

Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat at matuwid.

—1 Juan 1:9 Sa Mga Awit 32 at 51, tulad ng ibang mga salmo, nagpapahayag ng damdamin si David na kung saan ang lahat ay makakaunawa: ang damdaming may relasyon sa bagabag ng budhi (guilt). Ang bagabag ng budhi ay makakabuti sa iilang bagay, sapagkat ito ay nagpapaalala sa atin na mayroon tayong panuntunan sa katuwiran at mananagot tayo sa Diyos. Ngunit kung ang bagabag ng budhi ay bumigat ng husto at tumagal, lalago tayong tuyo’t at maaari pang magdulot ito ng sakit sa pisikal. Ang mga salmong pagsisisi at pagpapatawad ay nagpapakita sa atin ng mga biyaya at pagkakataong manumbalik sa Diyos.

Page 58: TULA JOB-AWIT NI S

Ang panalangin ni David sa Mga Awit 139 ay naglalarawan sa Diyos. Kilala at nauunawaan ng Diyos ang lahat sa atin kaya naman Siya ang ganap na tagapayo sa panahon ng ating kahirapan. Ang Kanyang presensiya ay lagi sa atin, hinubog tayo mula pa sa sinapupunan ng ating ina, itinakda Niya ang lahat ng ating mga araw, lagi tayong nasa isip Niya at iniingatan tayo. Kapag nauunawaan natin na ito ang Diyos na ating dinadalanginan, magkakaroon tayo ng lakas loob na mananalangin at magtatapat sa Kanya. 1. Tama o Mali? Kapag mayroong binabagabag ng budhi, siya ay mayroong integridad

kahit kaunti lang. 2. Tama o Mali? Walang masasabing bagabag ng budhi; ito’y kathang isip lamang.

3. Tama o Mali? Kapag ating inihahayag ang ating kasalanan, nakakaranas tayo ng kapatawaran ng Diyos.

4. Tama o Mali? Maaaring ipakita ng Diyos ang Kanyang sarili hindi lamang sa

kalikasan at Biblia, kundi sa pamamagitan ng ibang tao rin.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Alin sa mga sumusunod ang maaaring sintomas ng bagabag ng budhi? (piliin lahat ng akma)

a. Kalungkutan b. Kontento c. Pagkabigo d. Kahinaan e. Espirituwal ng bunga f. Espirituwal na katayuan g. Kalayaan h. Kapighatian

(Lider: Basahin ang Mga Awit 19)

6. Ayon sa Mga Awit 19, paano ipinapakita ng Diyos ang Kanyang sarili sa atin?

a. Sa pamamagitan ng Biblia b. Sa pamamagitan ng mga mangangaral c. Sa pamamagitan ng kalikasan d. Sa pamamagitan ng pagbubulaybulay

7. Ano ang pinapamalas sa atin ng kalikasan tungkol sa Diyos? a. Ang Kanyang kaluwalhatian at ang Kanyang walang hanggang

karunungan at kapangyarihan b. Ang Kanyang katuruan tungkol sa kaligtasan c. Ang Kanyang mga kautusan ay limitado d. Wala, hindi makikita ang Diyos sa kalikasan

Page 59: TULA JOB-AWIT NI S

8. Ayon sa Mga Awit 19, ano ang magagawa ng mga Kasulatan? (piliin lahat ng akma)

a. Pagliwanagin ang mga mata b. Magdala ng tuwa sa ating mga puso c. Gawing marunong ang hangal d. Lahat ng nasa itaas

9. Paano isinalarawan ang pahayag ng Diyos sa Biblia?

a. Sapat, simple, at minsan ay nakakatulong b. Maganda, perpekto, at makapangyarihan c. Nakakatakot, malabo, at mahirap d. Galit, malupit, at masungit

10. Paano natin malulutas ang problema ng inggit at pagdududa? a. Magkaroon ng mataas edukasyon b. Manalangin sa Diyos at sambahin Siya c. Humingi ng payo sa iba d. Huwag pansinin ang mga ito

11. Bakit hiniling ni David sa Diyos na saliksikin ang kanyang puso? a. Upang makita gaano kabuti ang puso ni David b. Upang ilantad ang mga matatagal na sekreto c. Upang magkaroon ng magandang pakiramdam si David d. Upang ipakita ang mga makasalanang motibo at pag-iisip nang sa ganon

ay may magawa sa mga ito.

(Lider: Basahin ang Mga Awit 139)

12. Ano ang sinasabi ng Mga Awit 139 tungkol sa Diyos? (piliin lahat ng akma) a. Alam ang bawat detalye sa atin. b. Hindi tayo puwedeng tumakas sa Kanyang presensiya. c. Hindi Siya interesado sa buhay natin. d. Alam ng Diyos ang detalye ng buhay natin bago pa tayo pinanganak. e. Ang Diyos mismo ang humubog sa atin. f. Hindi alam ng Diyos ang hinaharap. g. Iniingatan tayo ng Diyos. h. Alam ng Diyos ang laman ng ating isip.

Naramdaman mo na ba na ang iyong buhay ay parang walang katiyakan? Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol doon? Paano nagbibigay ng aliw sa iyo ito na lagi Siyang nasa iyo at lagi Niyang alam ang bawat detalye ng buhay mo?

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Page 60: TULA JOB-AWIT NI S

Sabihin sa Diyos na saliksikin ang iyong puso’t isipan upang ilantad ang hindi dapat naroon. Pagkatapos ipahayag ang mga ito sa Kanya at sabihin sa Kanya na tulungan ka na harapin ang mga maling motibo at kaisipan. Pasalamatan Siya sa Kanyang pangako nang kapatawaran at paglilinis sa iyo.

Page 61: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ano ang ipinakita ng Diyos kay David tungkol sa kanyang sarili sa Mga Awit 51

noong si David ay humingi sa Diyos na ipakita sa kanya ang katotohanan tungkol sa kanya at gaano katindi ang nagawa niyang kasalanan?

2. Ano ang ginawa ni David tungkol sa pahayag ng Diyos sa kanya kung bakit

nagkasala siya? (isaalang-alang ang talatang 10) 3. Sa Mga Awit 32, ano ang matututunan natin sa naramdaman ni David tungkol sa

isang taong itinago niya ang kanyang kasalanan, at kung paano niya inilarawan ang pagpapala at kapatawarang natanggap niya pagkatapos ihayag ang kanyang kasalanan.

4. Ano ang epekto ng dalawang salmong ito sa iyong mga hindi ipinahayag na

kasalanan sa iyong buhay, at ano ang sinasabi ng dalawang salmong ito sa iyo kung paano mo ipagtatapat ang iyong mga kasalanan sa Diyos?

5. Ayon sa Mga Awit 19, ano ang tatlong paraan kung paano ipinapahayag ng Diyos

ang katotohanan sa mundo, at ano ang mga tungkulin at mga layunin ng Salita ng Diyos?

Page 62: TULA JOB-AWIT NI S

6. Magbigay ng larawan ng Diyos kung Kanino sinabi ni David ang kanyang panalangin

sa huling bahagi ng Mga Awit 139?

7. Sa salmong ito, iugnay ang talatang 16 sa isyu ng aborsyon?

Page 63: TULA JOB-AWIT NI S

Diwa, Layunin, at Misyon ng Pagsamba

Kabanata 11 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 56

Layunin: Upang matutunan ang tamang paraan sa pagharap sa presensya ng Diyos at pagsamba sa Kanya. Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa! Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa! O si Yahweh ay ating Diyos! Ito'y dapat na malaman, tayo'y kanya, kanyang lahat,

tayong lahat na nilalang; lahat tayo'y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan. Pumasok sa kanyang templo na ang puso'y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya'y pasalamatan! Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya'y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman!

—Mga Awit 100 Sa Lumang Tipan mayroong mga dapat isagawa kapag makikipagkita ang isang tao sa harapan ng hari. Ang pagharap sa isang hari ay hindi madaling bagay at simpleng proseso. Inilarawan ni David ang pagsamba sa Diyos na tulad sa pagpasok sa presensya Niya na may mga hakbang na dapat sundin. Ang tanging nararapat na gawin upang makapasok sa presensya ng Diyos ay sa pamamagitan ng pasasalamat at papuri, at ang isa sa pinaka mabuti upang maipamalas ang mga ganoong saloobin ay sa pamamagitan ng musika. Kapag tayo ay pumapasok sa presensya ng Diyos, tayo ay makakarating lamang sa kanyang presensya sa pamamagitan lamang ng mga bagay na nalaman natin galing sa kaisipan. Mararanasan natin gaano Siya kabuti, matututunan natin na nais Niyang makilala ang lahat ng tao sa lahat ng bansa, at matututunan natin na paglingkuran Siya nang may kasiyahan. Ang parisan ng pagsamba ay nagdadala sa atin sa mas malalim na relasyon sa Kanya, at nagbubunga sa atin nang mas malaking paglago at mabungang buhay esprituwal.

Page 64: TULA JOB-AWIT NI S

1. Tama o Mali? Karamihan sa mga salmo ay magagamit sa pag-awit ng pag-samba. 2. Tama o Mali? Magagawa lamang nating sambahin ang Diyos kasama ng mga

mananampalataya sa iglesia.

3. Tama o Mali? Ang musika ay nakakaaliw, ngunit wala itong pakialam sa pagsamba natin sa Diyos.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

4. Paano tayo papasok sa presensya ng Diyos? a. Na may magagarang damit b. Na may madetalyeng ritwal c. Na may pasasalamat, papuri, at pag-awit d. Na may kalungkutan sa mga nawala sa atin

5. Ano ang malalaman natin pagkatapos maranasan ang presensya ng Diyos? a. Ang Panginoon ay Diyos. b. Ang Panginoon ay mabuti. c. Nais ng Diyos na sambahin Siya ng buong mundo at paglingkuran Siya. d. Lahat ng nasa itaas e. Wala kahit isa

6. Hanggan kailan mananatili ang awa ng Diyos? a. Hanggang sa maubos ang Kanyang pasensya b. Hanggang sa magkasala tayo ng pitong beses c. Mga 20 taon d. Walang hanggan

7. Paano sinasagip ng Diyos ang mga tao? a. Sa pisikal lang b. Sa damdamin lang c. Sa espirituwal lang d. Sa lahat ng bagay na maaaring tayong mapariwara

8. Anong klaseng tao ang pinapagaling at tinutubos ng Diyos?

a. Ang bulag, nakagapos, at basag b. Ang kayang mabuhay sa sarili lamang c. Ang maka-diyos lamang d. Ang karapat-dapat lamang

Page 65: TULA JOB-AWIT NI S

9. Ano ang paboritong gamit ng Diyos upang magdala ng muling pagkabuhay (revival) sa Kanyang mga tao?

a. Pagdadala sa mga tao sa mabubuting katuruan b. Hayaan ang Kanyang mga tao na maranasan ang malaking

pangangailangan c. Ibigay lahat ng kailangan ng Kanyang mga tao d. Parusahan ang kanyang mga tao sa bawat pagkakamali nila

10. Ano ang naidudulot ng lahat ng pagliligtas ng Diyos? a. Pinupuri at sinasamba natin Siya. b. Nakukuha natin ang ating gusto. c. Hindi tayo magkakaroon ng mga problema. d. Itinatago natin ito bilang sikreto at hindi na ito muling babanggitin.

Ilang beses ka iniligtas ng Diyos? Pinagaling ka na ba ng Diyos sa iyong karamdaman? Inalis ka ba mula sa pagkaalipin? Ang mga espirituwal mo bang mga mata ay nagliwanag na? Ano ang ginawa Niya na kailangan mo siyang purihin? Siguruhin na sisimulan mo ang iyong araw na may

pagpupuri at pasasalamat sa Kanya. ________________________________________________________________________

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang pagtubos sa bawat bahagi ng iyong buhay. Maglaan nang panahon na purihin at sambahin Siya (sabihin sa Kaya kung gaano Siya kabuti sa iyo) sa lahat ng ginawa Niya.

Page 66: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Paano mo magagamit ang alituntuning ibinigay ni David sa Mga Awit 100 sa

pagpasok sa presensya ng Diyos? 2. Bilang karagdagan sa “paano” sumamba, paano pinapakahulugan ng salmong ito ang

pagsamba? 3. Ano ang dapat mangyari sa atin kapag tayo ay sumasamba? 4. Ano ang mga bagay na alam natin kapag tayo ay pumapasok sa presensya ng Diyos? 5. Kapag pinagpapala natin ang “Kanyang Pangalan,” ano ang mga katangian ng

Kanyang Pangalan ang nabanggit dito sa salmong ito? (Awit 100)

Page 67: TULA JOB-AWIT NI S

6. Sa paanong paraan binibigyan ng halaga ng salmong ito (Awit 100) ang kahalagahan ng pasasalamat?

7. Paano ipinapakita sa umpisa at katapusan ng salmong ito (Awit 100) na ang mundo

ay nasa puso ng Diyos at paano din ito mailalagay sa ating puso kapag tayo ay sumasamba?

Page 68: TULA JOB-AWIT NI S

Masdan at Tikman ang Kabutihan ng Diyos

Kabanata 12 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 57

Layunin: Upang maunawaan ang kalutasan ng Diyos kapag inisip natin na wala nang pag-asa ang lahat. Sa lahat ng pagkakataon si Yahweh ay aking pupurihin; pagpupuri ko sa kanya'y hindi ko papatigilin. Aking pupurihin kanyang mga gawa, kayong naaapi, makinig, matuwa! Ang kadakilaan niya ay ihayag, at ang ngalan niya'y purihin ng lahat! Ang

aking dalangi'y dininig ng Diyos, inalis niya sa akin ang lahat kong takot. Nagalak ang aping umasa sa kanya, pagkat di nabigo ang pag-asa nila. Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa, sila'y iniligtas sa hirap at dusa. Anghel ang siyang bantay sa may takot sa Diyos, sa mga panganib, sila'y kinukupkop. Tingnan mo at lasapin ang kabutihan ni Yahweh; mapalad ang mga taong nananalig sa kanya.

—Mga Awit 34:1-8 Ang kawalan ng pag-asa ay malaking problema sa mundo, ngunit ang nais ng Diyos na ang pag-asang itinanim niya sa atin ay magdadala sa atin sa pananampalataya sa Kanya at personal na relasyon sa Kanya. Nawawalan ng pag-asa ang mga tao kapag naniwala sila na wala nang mabuting mangyayari sa buhay nila. Ngunit ang mga nagtitiwala sa Diyos ay pagpapalain. Inaanyayahan tayo ng Diyos na “tikman at tingnan” ang kabutihan Niya—na sundin Siya at pagtiwalaan ang Kanyang mga Salita upang maranasan ang Kanyang pagpapala. Kapag ginawa natin ito, matutuklasan natin na ang Diyos mismo ang mabuti na inasahan natin na mararanasan sa buhay na ito. Isinulat ni David ang Mga Awit 34, ito ay salmo tungkol sa kabutihan ng Diyos at kapangyarihan Niya na magligtas, noong kasama niya ang kanyang “malalakas na mandirigma.” Ang mga kalalakihang ito ay mga takas na bilanggo at talunan noong matagpuan ni David, ngunit sila ay lumagong malakas sa pag-asa at pananampalataya dahil sa naranasan nila ang katapatan ng Diyos sa Kanyang pagpunan ng kanilang pangangailangan, proteksyon, at pagliligtas sa kanila. Sila ang nagpapatunay na ang Diyos ay nagagalak na gumawa ng di pangkaraniwang bagay sa pamamagitan ng mga karaniwang mga tao.

Page 69: TULA JOB-AWIT NI S

1. Tama o Mali? Karamihan sa mga salmo ay pinaghalong pangangaral, panalangin, at

papuri. 2. Tama o Mali? Lahat ng mga kalalakihang sumama kay David ay mga masasaya at

matagumpay.

3. Tama o Mali? Ang pag-asa ay matibay na paniniwala na mayroong magandang bagay na mangyayari.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

4. Bakit naglalagay ang Diyos ng pag-asa sa ating mga puso? a. Upang tayo ay mabuhay sa ilusyon na ang buhay ay maganda b. Upang lagi tayong humabol sa ating mga ninanais c. Upang dalhin tayo sa pananampalataya sa Kanya d. Upang magustahan tayo ng mga taong nasa paligid nating

5. Ano ang mangyayari sa mga nagtitiwala sa Diyos? a. Hindi sila mahahatulan b. Hindi magtatagal sila ay mabibigo c. Hindi nila malalaman kung tama sila d. Magiging sikat sila

6. Ano ang sinasabi sa atin ng Mga Awit 34 kung paano natin haharapin ang ating pagkabigo?

a. Siguruhing hindi na ito mauulit. b. Tikman at tingnan ang kabutihan nang Panginoon. c. Tanggapin ang katotohanang hindi tayo magtatagumpay. d. Magsanay hanggang sa makuha natin ang tama.

Page 70: TULA JOB-AWIT NI S

7. Sino ang tinutukoy ni David noong isulat niya na hindi hahayaan ng Diyos na ang Kanyang “Natatanging Isa” ay makakaranas ng pagkabulok?

a. Siya mismo b. Moises c. Bawat mananampalataya d. Jesus

8. Ano ang mangyayari kapag dumating na muli si Jesus? (piliin lahat ng akma)

a. Ang mga elemento ay matutunaw sa pamamagitan ng matinding init. b. Ang digmaan ay titigil. c. Wala sinuman ang makakakilala sa Kanya. d. Maitataas Siya sa Israel lamang. e. Maitataas Siya sa bawat bansa.

9. Ano ang pag-asa natin sa “takdang araw ng Panginoon?” a. Wala sinumang makakatiyak o makakaalam kung ligtas nga sila. b. Malalaman natin na tayo ay nabuhay na napakabuti sa abot ng ating

makakaya. c. Ang Diyos ang ating kanlungan. d. Tayo ay hahatulan kasama ng lahat sa mundo.

10. Paano natin mararanasan ang presensya ng Diyos? a. Sa pagtigil natin sa ating ginagawa b. Sa pagtingin sa loob ng ating sariling kaluluwa c. Sa pag-aaral ng mga katuruan ng maraming relihiyosong lider d. Sa pamamagitan ng paglalakbay (pilgrimage)

11. Ano ang pinagkaka-abalahan ng Diyos ngayon sa ating panahon sa kasaysayan? a. Pagpaparusa sa mga taong makasalanan b. Pagsusulat ng listahan ng lahat ng panalangin na Kanyang naririnig c. Pagtatayo ng Kanyang iglesia d. Sinisikap na lutasin lahat ng problema ng mundo.

Nasubukan mo na bang tumigil hanggang sa maranasan mo ang presensya ng Diyos? Kung totoo, katulad ito ng ano? Kung hindi, ano ang maaari mong baguhin sa buhay mo upang makapagbigay ka ng panahon na maging tahimik kasama niya?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

Page 71: TULA JOB-AWIT NI S

Pasalamatan ang Diyos sa pagiging kanlungan natin. Sabihin sa Kanya na tulungan kang maranasan mo ang Kanyang presensya araw-araw. Purihin Siya sa kanyang kaluwalhatian sa mga bansa. Hingin sa kanya na gamitin ka upang makapagdala ng pag-asa sa mga nabubuhay sa kabiguan.

Page 72: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ano ang nagawa ng mensahe ni David, na kanyang pinangaral sa Mga Awit 34,

upang ang mga takas na bilanggo at talunan ay maging malalakas na mandirigma? 2. Sa paanong paraan ito ay nakaragdag ng dakilang kahulugan sa mensahe ni David

para sa mga 400 kalalakihan, “Luwalhatiin ang Diyos kasama ko; ating itaas ang Kanyang pangalan!” (Mga Awit 34:4)

3. Sa paanong paraan ang sigaw sa digmaan ng mga malalakas na mandirigma ni David

ay nagpapakita ng katotohanang, ang Diyos ay natutuwa na gumawa ng di pangkaraniwang bagay sa pamamagitan ng mga karaniwang tao?

4. Paano ang talatang labing-dalawa ay makakadagdag ng kahulugan sa mensahe ni

David sa talatang walo? 5. Kung ang Mga Awit 46 ay nagpropesiya sa kahihinatnan ng mundong ito, paano ang

Diyos ay magiging kanlungan natin at lakas at laging handang tumulong sa oras na kailangan natin nang tulong?

Page 73: TULA JOB-AWIT NI S

6. Ano ang tatlong bagay na nais ng Diyos na malaman natin kapag tayo ay tahimik sa

gitna ng matinding kalamidad?

7. Paano mailalapat ang katuruan sa salmong ito sa katuruan ng Luma at Bagong Tipan

tungkol sa Muling Pagdating ni Jesu-Cristo?

Page 74: TULA JOB-AWIT NI S

Ang Karunungan ni Solomon

Kabanata 13 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 58

Layunin: Upang matutunan ang mga praktikal na karunungan mula sa aklat ng Mga Kawikaan at maunawaan paano gamitin ang mga ito sa ating buhay. Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin. Huwag mong ipagyabang ang iyong

nalalaman; igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan. —Mga Kawikaan 3:5-7

Kaya't mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo'y makagawa ng mabuti sapagkat punung-puno ng kasamaan ang daigdig ngayon. Huwag kayong maging hangal. Unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.

—Efeso 5:15-17 Ang aklat ng Mga Kawikaan ay ang pinaka-praktikal na aklat sa Biblia. Sumulat ng tatlong libong kawikaan si Solomon, at ang halos isang libo sa mga ito ay nasa aklat na ito. Itinuring siyang pinakamarunong na tao sa buong mundo. Isinulat niya ang mga praktikal na mga pananaw na ito para sa bawat bahagi ng ating buhay. Kanya ring nilikom ang ibang mga kawikaang isinulat ng ibang tao sa kanyang panahon. Karamihan sa mga karunungan ni Solomon ay natutunan niya dahil sa kanyang mga pagkakamali. Nais niyang turuan ang mga kabataan na gawin ang mga ginawa niya. Dahil doon, ang aklat ng Mga Kawikaan ay maituturing na buod ng kanyang mga karanasan sa buhay. Ang kanyang layunin ay upang ang mga marurunong ay maging marurunong na lider, ang taong may simpleng kaisipan ay maging marunong, at para matutunan ng mga tao ang tamang pamumuhay. Kinasihan siya ng Diyos upang isulat at likupin ang aklat na ito dahil nais Niya na maranasan natin ang bunga ng paggawa ng tama at mabuti.

1. Tama o Mali? Ang aklat ng Mga Kawikaan ay magandang tula, ngunit hindi ito praktikal.

2. Tama o Mali? Karamihan sa mga kawikaan ay sinulat at nilikom ni Solomon.

3. Tama o Mali? Ang karunungan at kaalaman ay parehong bagay.

4. Tama of Mali? Hindi posibleng matuto mula sa mga pagkakamali.

Page 75: TULA JOB-AWIT NI S

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

5. Paano naging karapat-dapat na sumulat ng kawikaan si Solomon? (piliin lahat ng akma)

a. Nagpakita siya ng ganap na karunungan sa buong buhay niya. b. Kinasihan siya ng Espiritu ng Diyos upang isulat ang mga ito. c. Natuto siya mula sa mga karanasan at maging ang kanyang mga

pagkakamali. d. Mahal niya ang karunungan at kaalaman at may takot siya sa Diyos. e. Pinag-aralan niya ang mga sinaunang pilosopo sa ibang kultura.

6. Bakit sumulat ng napakaraming kawikaan si Solomon?

a. Nais niyang matutunan ng mga tao paano mabuhay. b. Nais niyang patunayan ang halaga ng kanyang pagiging hari. c. Nais niyang maging tapat ang mga tao sa kanya kaysa sa punong

saserdote. d. Nagpadala ng anghel ang Diyos upang idikta ang mga kawikaan sa kanya.

7. Ano ang pinakamatalinong paraan para mabuhay? a. Hanapin ang pinaka kasiyahan. b. Pangibabawan ang materyal na mundo. c. Gawin kung ano ang tama. d. Maging mapag-isang tao, mabuhay sa sarili malayo sa mga tukso sa

mundo.

8. Ano ang pinaka mabuting paraan upang iwasan ang tukso ng pangangalunya? a. Mag-asawa ng marami b. Mabuhay na nag-iisa o kasama ang mga lalaki c. Lubos na magtiwala sa sariling disiplina d. Magkaroon ng masayang relasyon sa asawang babae

Page 76: TULA JOB-AWIT NI S

9. Anong aral ang matututunan natin mula sa mga langgam?

a. Paano makuha ang tamang pag-papahinga b. Paano maging masipag na manggagawa c. Paano kumain ng tama d. Paano mabuhay bilang isang tao

10. Ano ang sinabi ni Solomon patungkol sa pag-aakusa sa iba? a. Mabuti kung itinuturo natin ang mga kamalian ng iba. b. Ang masama ay nag-aakusa, ngunit ang maka-diyos ay nagtatanggol. c. Mag akusa ng iba kapag mayroong mga saksi. d. Ang mga mabubuti ay naninigurong makatuwiran ang kanilang pag-akusa.

11. Anong saloobin ang inirerekumenda ng Kawikaan para sa hinaharap? a. Huwag mag-plano at hayaan ang Banal na Espiritu ang gabay kung saan

man niya gusto. b. Magkaroon lagi ng plano at huwag umalis doon. c. Gumawa ng mga plano ngunit hayaan ang Banal na Espiritu ang siyang

mag-gabay sa iyo. d. Gawin lahat ayon sa iyong personalidad.

12. Ano ang sinasabi ng Mga Kawikaan tungkol sa pagdidisiplina sa iyong mga anak? a. Iwasan ang pagdidisiplina sapagkat sasama ang loob ng mga bata. b. Ang disiplina ay dapat matindi c. Ang disiplina ay nagpapakita ng pagmamahal. d. Dapat natutunan na ng mga matatanda ang disiplina.

13. Ano ang kaugnayan ng karunungan at pagsasalita? a. Ang mga marurunong ay laging nagsasalita. b. Ang mga hangal ay hindi nagsasalita dahil hindi nila alam ano ang

sasabihin. c. Ayaw ng mga marurunong na magsalita ang mga hangal. d. Ang mga marurunong ay walang maraming sinasabi at maingat na

ginagamit ang kanila mga salita.

Anong bahagi ng iyong buhay ang higit na kailangan mo ang karunungan? Paano mo mababago ang iyong buhay kung alam mo ang kagustuhan ng Diyos sa bawat bahagi ng iyong buhay?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

Page 77: TULA JOB-AWIT NI S

Nangako ang Diyos na ibabahagi Niya ang kanyang karunungan sa mga humihingi nito at kusang loob na susundin ito. Pasalamatan Siya sa pangakong ito at hingin sa Kanya na bigyan ka ng karunungan na kailangan mo.

Ngunit kung sinuman sa inyo ang kulang sa karungan, humingi siya sa Diyos at siya ay bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at hindi nanunumbat. Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong pabago-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.

—Santiago 1:5-8

Page 78: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Ano ang pagkakaiba ng kaalaman sa karunungan? 2. Ayon kay Solomon, ano ang simula ng karunungan? 3. Ano ang pinapagawa sa atin kapag alam natin na kulang tayo ng karunungan?

(Isaalang-alang ang Santiago 1:5) 4. Gumawa ng chart, sa patayong kolum, na may kategorya ng mga paksa sa mga

kawikaan at pag-aralan ang aklat ng Mga Kawikaan batay sa bawat paksa? 5. Upang mabigyan ng halaga ang mga kawikaan na ito, sumulat ng limang kawikaan sa

sarili mo at ibahagi ang mga ito sa iyong mga kaibigan?

Page 79: TULA JOB-AWIT NI S

6. Sino ang pangunahing pinapatungkol ng mga kawikaan?

7. Dahil sa mayroong 31 kabanata sa aklat na ito, gamitin ang aklat na ito bilang

kalendaryo at magbasa ng isang kabanata sa bawat araw na tumutugma sa buwan na iyon. Ano ang inaasahan mong magbabago sa iyo sa paggawa nito?

Page 80: TULA JOB-AWIT NI S

Ang Huling Mensahe ni Solomon

Kabanata 14 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 59

Layunin: Upang matuto mula sa mga karanasan ni Solomon kung saan ang buhay ay walang saysay kung wala ang Diyos. Sa kabila ng lahat ng ito, isa lamang ang aking masasabi: Matakot ka sa Diyos at sundin mo ang kanyang mga utos sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. Lahat ng gawin natin, hayag man o lihim, mabuti o masama ay ipagsusulit natin sa

Diyos. —Ang Mangangaral 12:13-14

Ang aklat ng Mangangaral ay nangungusap sa mga puso ng mga tao ng Diyos kapag naghahanap sila ng mga kasagutan sa mga gulo at kahirapan sa buhay. Ang aklat na ito ay sermon na ipinangaral ni Solomon sa dulo ng kanyang buhay para sa mga kabataang lalaki. Hinihikayat niya ang mga kabataan na matuto mula sa kanyang mga karanasan sa paghahanap sa kahulugan at layunin ng buhay. Ipinaliwanag ni Solomon na hinanap niya ang kahulugan ng kayamanan, karunungan, at kaaliwan. Kahit na siya ay lubusang naging mayaman, ang pinaka matalinong taong nabuhay, at naranasan ang lahat ng kaaliwan sa buhay na inalok ng mundo, wala kahit alin dito ang nagbigay sa kanya nang tunay na kasiyahan. Lahat nang ito ay hungkad. Ang isa lamang na makabuluhang layunin na natagpuan niya sa buhay ay ang pagkatakot sa Diyos at pagsunod sa Kanyang mga kautusan. Sinabi niya sa mga kabataan na laging alalahanin ang Diyos sa kanilang kabataan at mabuhay ng mabuti, sapagkat ang bawat isa ay haharap sa Kanya at magkakaroon ng paghuhukon sa huling araw.

Page 81: TULA JOB-AWIT NI S

1. Tama o Mali? Ang kahulugan ng “Ecclesiastes” ay “mangangaral.” 2. Tama o Mali? Sinabi ni Solomon na ang susi upang maging masaya ay ang

kayamanan.

3. Tama o Mali? Isinulat ang aklat ng Mangangaral sa panahon na si Solomon ay lubhang nasiraan ng loob.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

4. Anong uri ng aklat ang Mangangaral? a. Isang tula b. Isang awit c. Isang sermon d. Isang kuwento

5. Alin sa mga sumusunod ang nagbigay ng tunay na kasiyahan kay Solomon?

a. Karunungan b. Kaaliwan c. Kayamanan d. Lahat ng nasa itaas e. Wala kahit isa

6. Ano ang hikayat ni Solomon na dapat gawin ng mga tao imbis na hanapin ang layunin sa kayamanan, karunungan, at kaaliwan?

a. Mabuhay na mag-isa malayo sa karamihan. b. Matakot sa Diyos at sundin ang Kanyang mga kautusan. c. Mabuhay na balanse ang buhay. d. Hanapin ang panloob na kapayapaan sa pamamagitan ng pagbubulay-

bulay.

7. Ano ang konklusyon ni Solomon tungkol sa kawalan ng hustisya sa mundo? a. Ang bawat isa ay aani ng kanilang gantimpala sa darating na panahon. b. Hahatulan ng Diyos ang lahat ng tao at aayusin ang lahat ng bagay sa

huling panahon. c. Ang buhay ay hindi patas, at wala tayong magagawa doon. d. Ang kawalan ng hustisya ay ilusyon lang.

8. Anong mga saloobin at mga tema ang matatagpuan natin sa aklat ng Mangangaral?

(piliin lahat ng akma) a. Pagdududa b. Pananampalataya c. Karunungan d. Pagkabigo e. Walang kabuluhan

Page 82: TULA JOB-AWIT NI S

f. Pag-asa g. Pag-aalinlangan h. Tagubilin

9. Sa paanong paraan nagkakaisa ang mag-asawa? a. Sa kaisipan b. Sa espirituwal c. Sa pisikal d. Lahat ng nasa itaas

10. Kailan karaniwang nag-iisip tungkol sa walang hanggan ang mga tao? a. Kapag bata sila b. Kapag may asawa na c. Kapag nasa paglilibing d. Kapag may party

11. Ano ang mahalagang dapat tandaan kapag tinuturuan ang mga kabataan? a. Ang bunga ay dumarating pagkatapos nang mahabang panahon. b. Hindi nila matatandaan ang itinuro sa kanila. c. Matututo sila ng maigi kapag pinarusahan sila ng matindi. d. Kung sila ay suwail na anak kapag bata pa, mananatili silang suwail.

12. Sa huling bahagi ng Mangangaral, ano ang hikayat ni Solomon na dapat gawin ng mga kabataan?

a. Magkaroon kasiyahan hanggat kaya natin. b. Magipon para sa darating na panahon. c. Alalahanin ang Diyos. d. Maging tapat sa paniniwala ng ating mga magulang at ninuno.

Paano ka nakikipag-ugnay sa Diyos kapag nasiraan ng loob o may mga pagdududa? Malalapit ka ba sa Kanya o malalayo? Bakit?

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

________________________________________________________________________ Makipagusap ka ng tapat sa Diyos tungkol sa iyong nararamdaman. Pasalamatan siya sa pagbibigay Niya ng kahulugan sa buhay, at hingin sa kanya na tulungan ka na mabuhay na may layuning pang walang hanggan at may katuwaan at hindi sa walang kuwentang paghahanap sa kaaliwan.

Page 83: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Bakit nagpasya si Solomon na hindi kayamanan ang layunin at kahulugan ng buhay? 2. Bakit nagpasya si Solomon na hindi kaalaman at karunungan ang layunin at

kahulugan ng buhay? 3. Bakit nagpasya si Solomon na hindi kaaliwan ang layunin at kahulugan ng buhay 4. Bakit iniisip ng mga ibang iskolar na ang aklat na ito ay sinulat ng dalawang

magkaibang manunulat? 5. Bakit sinabi ni Solomon sa kabanatang pito na mas mabuti pang dumalo sa libing

kaysa sa party?

Page 84: TULA JOB-AWIT NI S

6. Bakit ipinangaral ni Solomon ang sermon na ito sa mga kabataang lalaki sa huling sandali ng kanyang buhay?

7. Ano talaga ang ibig sabihin ni Solomon sa kanyang konklusyon na ang pinaka-buod

ng buong bagay ay matakot sa Diyos at sundin ang Kanyang mga kautusan?

Page 85: TULA JOB-AWIT NI S

Mahal Ako ni Jesus

Kabanata 15 Aralin sa Pakikinig: Pagmamasid sa Matandang Tipan Aralin 60

Layunin: Upang maunawaan bakit isinali ang Awit ni Solomon sa Biblia at ano ang ipinapakita nito tungkol sa pag-ibig ng Diyos sa Kanyang Iglesia at sa atin. Buong puso akong nagagalak kay Yahweh. Dahil sa Diyos ako'y magpupuri sapagkat sinuotan niya ako ng damit ng kaligtasan, at balabal ng katuwiran, gaya ng lalaking ikakasal na ang palamuti sa ulo'y magagandang bulaklak, gaya ng

babaing ikakasal na nakasuot ng mga alahas. —Isaias 61:10

Inihayag ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang isugo niya sa mundo ang kanyang kaisa-isang Anak upang magkaroon tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ito ang pag-ibig: hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan. Mga minamahal, dahil ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan.

—1 Juan 4:9-11 Ang Awit ni Solomon (na kilala rin sa tawag na Awit ng mga Awit) ay isa sa mga huling tulang libro. Ito ay awit ng pagsinta na nagpapakita ng pagmamahalan ng dalawang magsing-irog. Maraming mga tao ang nagtataka kung bakit ang aklat patungkol sa pag-mamahalan ng magsing-irog ay isinama sa Biblia, ngunit ang Awit ay naglalaman ng mahahalagang katotohanan. Una, ang sekswal na relasyon ng mag-asawa ay isang mahalagang bahagi ng paglikha ng Diyos. Nilalang ng Diyos ang babae upang buuin ang lalaki at pagsamahin silang dalawa sa relasyon ng pagmamahalan. Sinabi ng Diyos, “Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng angkop na makakasama at makakatulong.” Taliwas sa paniniwala ng iba, ang sekswal na relasyon ng mag-asawa ay hindi espirituwal o hindi banal. Itinuturo ng Salita ng Diyos na ito ay dalisay na dinisenyo ng Diyos upang ipagdiwang ang pag-ibig, tuwa ng pagkakaisa, panganganak, maranasan ang saya sa loob ng pag-aasawa na protektado ng Diyos. Isa pang mahalagang katotohanan sa Awit na matatagpuan kapag binasa ang isinalarawan na relasyon ni Cristo sa atin, na laging ipinaliliwanag ng Kasulatan ang relasyon ng mag-asawa. Ang dalawang magsing-irog sa Awit ni Solomon ay kumakatawan sa pag-ibig ng Diyos sa Israel at pag-ibig ni Cristo sa Kanyang Iglesia. Hindi lamang mahalagang larawan ng Diyos sa kanyang mga tao sa kabuuan ang alegorya, kundi ito ay mahalagang relasyon din nang bawat isa sa atin kay Jesus. Itinuturo sa atin ang labis na pagmamahal at relasyon ng nabuhay na muli, at kasalukuyang buhay na si Cristo. Ang awit ng pagmamahal ay nangungusap sa wika ng puso tungkol sa napakahalagang damdamin: ang pag-ibig.

Page 86: TULA JOB-AWIT NI S

1. Tama o Mali? Ang tula ang siyang wika ng puso. 2. Tama o Mali? Tulad ng aklat ni Job at iba pang mga aklat ng tula, ang Awit ni

Solomon ay tungkol sa sakit at paghihirap.

3. Tama o Mali? Ang Awit ni Solomon ay hindi dapat isama sa Biblia dahil hindi kakasihan ng Diyos ang aklat tungkol sa relasyong sekswal.

Maliban na nabanggit, pumili ng isang sagot sa bawat tanong.

4. Bakit nasa Biblia ang Awit ni Solomon? (piliin lahat ng akma) a. Upang ituro sa atin ang kabanalan ng pagmamahalan ng magsing-irog sa

loob ng pag-aasawa. b. Upang ipakita sa atin ang larawan ng pag-ibig ng Diyos sa Kanyang mga

tao c. Upang ituro sa atin ang tamang paraan ng pagmamahal d. Upang ilarawan ang relasyon ni Cristo sa Kanyang iglesia

5. Ano ang pinaka magandang paraan upang matulungan ang mga kabataan na

manatiling malinis? a. Turuan sila na marumi ang seks. b. Turuan sila na ang seks ay mabuti at maganda sa loob ng pag-aasawa. c. Huwag pag-usapan ang seks sa kanilang harapan. d. Pagbawalan sila na makipag-usap sa hindi nila parehong kasarian.

6. Sa Awit, sino ang gumambala sa ugnayan ng babae at lalaking ikakasal? a. Ang babaing ikakasal lang b. Ang lalaking ikakasal lang c. Pareho

Page 87: TULA JOB-AWIT NI S

d. Wala kahit isa

7. Gaano kainteresado si Jesus na magkaroon ng matalik at malapit na relasyon sa atin? a. Hindi Siya interesado dito pero hahayaan Niya b. Medyo interesado Siya dito c. Interesado lang Siya sa ibang mga tao d. Lubha Siyang interesado sa lahat ng lalapit sa Kanya

8. Ano ang nais ng Diyos na dapat nating hanapin higit sa lahat ng bagay? a. Ang Kanyang mga kaloob b. Pagmamahal sa Kanyang mga tao c. Tuwa d. Jesus

9. Ang Awit ni Solomon, si Jesus, at si apostol Pablo ay nagtuturo na ang pagmamahal ng Diyos sa atin ay: ________________________ (piliin lahat ng akma)

a. Dalisay b. Walang kundisyon c. Hindi maikakaila d. Walang katumbas e. Hindi masisira f. Walang hanggan g. Mahirap matanggihan h. Masakripisyo

10. Paano tayo mag-mamahalan sa isa’t-isa? a. Sa pinakamabuting paraan. b. Tulad ng pagmamahal nila sa atin. c. Tulad ng itinuro sa atin ng ating mga magulang d. Tulad ng pagmamahal ng Diyos sa atin.

Mayroon ka bang matalik na relasyon kay Jesus? Nais mo bang lalo itong maging matalik? Mayroon bang ibang tao na ipinapakita mo ang pag-ibig ng Diyos? Ano ang gagawin mo upang maipakita sa kanila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng iyong buhay?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________

Page 88: TULA JOB-AWIT NI S

Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang malalim at mapag-pursiging pagmamahal sa atin. Hingin sa kanya na ilapit kang mabuti sa Kanya at lumago ang iyong relasyon sa Kanya. Hingin sa Kanya na ipakita ang Kanyang pagmamahal sa iba sa pamamagitan mo upang malalaman din nila

ang pagmamahal ng Diyos.

Ang pag-ibig ay matiyaga, Ang pag-ibig ay magandang loob, Hindi mainggitin, Hindi mayabang, Ni mapagmataas man, Hindi magaspang ang pag-uugali, Hindi makasarili, Hindi magagalitin, Mapagtanim sa kapwa, Hindi niya ikinatutuwa ang gawain masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa,

At mapagtiis hanggang wakas. —1 Corinto 13:4-8

Page 89: TULA JOB-AWIT NI S

Mas Malalim na Pag-aaral 1. Magbigay ng dalawang dahilan kung bakit ang Awit ni Solomon ay naisama sa

Biblia? 2. Bakit napakahalaga na ituro sa ating mga anak ang matalik na pagmamahalan ng

mag-asawa na bahaging sekswal ay maganda, banal, sagrado sa harapan ng Diyos? 3. Ano ang negatibong dulot sa mga bata kapag itinuro sa kanila na ang seks ay

marumi? 4. Paano nating magagawa na ang ating mga anak ay manatiling birhen bago sila mag-

asawa na hindi ipinapakita sa kanila na ang seks ay marumi? 5. Ipaliwanag kung bakit ang aklat na ito ay nagsisilbing alegorya ng pagmamahal ng

nabuhay muli na si Cristo sa Kanyang Iglesia sa pangkalahatan, sa iyo at sa akin.

Page 90: TULA JOB-AWIT NI S

6. Sino ang nanliligaw o nagpasimula sa relasyon na ito – ang asawang babae o lalaki?

7. Paano magagamit sa iyong sarili ang katotohanan na ang sumira sa relasyon na ito ay

hindi ang asawang lalaki kundi ang asawang babae?