18
Ginagamit natin ang wika, hindi kaya ginagamit tayo nito? Mga Panlahat na Gamit ng Wika Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar, o pagkakataon ang wika ay lagi na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos, kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag-uugali. Naglahad sina Michael A.K. Halliday, Roman Jakobson at W.P. Robinson ng pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo.

tungkulin ng wika

Embed Size (px)

DESCRIPTION

tungkulin ng wika

Citation preview

Page 1: tungkulin ng wika

Ginagamit natin ang wika, hindi kaya ginagamit tayo nito?

Mga Panlahat na Gamit ng Wika Sa anumang bagay o gawain, saan mang lugar,

o pagkakataon ang wika ay lagi na nating ginagamit. Ito ang nagbibigay katuparan sa lahat ng ating pagkilos, kinokontrol nito ang ating pag-iisip maging ang ating pag-uugali. Naglahad sina Michael A.K. Halliday, Roman Jakobson at W.P. Robinson ng pangkalahatang gamit ng wika upang mapag-aralan natin kung papaano napapakilos o napagagalaw ng wika ang lahat ng bagay sa mundo.

Page 2: tungkulin ng wika

I. Ayon kay Michael A.K. Halliday

1.Instrumental – Ginagamit ang wika ng tagapagsalita para mangyari / maganap ang mga bagay-bagay. Pinababayaan ng wikang pagalawin ( manipulate) ng tagapagsalita ang kanyang kapaligiran. Maaaring humiling ang mga tao ng mga bagay at maging dahilan ng paggawa at pagkaganap ng mga bagay-bagay sa paggamit ng mga salita lamang.

Halimbawa: Mga bigkas na ginaganap (performative utterances) –

pagpapangalan/ pagbabansag, pagpapahayag, pagtaya. Iba pa – pagmumungkahi, panghihikayat, pagbibigay-

panuto, pag-uutos, pagpilit.

Page 3: tungkulin ng wika

2.Regulatory - Gamit ng wika para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap (pag-alalay o maintenance of control). Maaaring kasangkot ang sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda nito ang mga papel na ginagampanan ng bawat isa, nagbibigay-daan para alalayan ang pakikisalamuha at nagbibigay ng talasalitaan para sumang-ayon, di-sumang-ayon at pag-alalay at pag-abala (disrupt) sa gawa/ kilos ng iba.

Ito ang gamit ng wika na nagbibigay sa mga tao para alalayan ang mga pangyayaring nagaganap.

Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-alalay sa kilos/ gawa, pagtatakda ng mga tuntunin at alintuntunin sa paglalaro, pagsagot sa telepono, pagtatalumpati sa bansa.

Page 4: tungkulin ng wika

3.Representasyunal – Gamit ng wika sa pagpaparating ng kaalaman tungkol sa daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, paglalahad, pagpapaliwanag ng mga pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng mga mensahe, atbp.

May nagaganap na pagpapalitan ng kaisipan. May mga tuntunin upang alalayan ang gawi/ ugaling pangwika kapag may pagpapalitan ng impormasyon ay dapat maging totoong-totoo at hindi kalahati lamang ang dapat gumawa ng palagay (assumptions) tungkol sa alam ng tagapakinig; hindi dapat kulang o pumupuri ang impormasyong ibinibigay; at kung tapat ang intensyon, dapat iwasan ang ano mang misrepresentasyon at kalalabisan.

Sa mga pagkakataong naiiba(idiosyncratic view) ang pananaw ng isang tao tungkol sa kung ano ang daigdig; maaaring ituring na naiiba (peculiar) ang mga bigkas na nagsasaad ng pagkatawan sa daigdig.

Page 5: tungkulin ng wika

Magiging dahilan ng pagturing sa isang tao na henyo/ pantas (genius) o nasisiraan ng bait; mapangarapin o di kaya’y tagapagligtas ang ilang uri ng pagiging iba (peculiarities). Maaaring mag-iba-iba sa iba-ibang panahon ang isipan ng karamihan (consensus) na nagiging batayan ng pagpapasya ng iba-ibang kinatawan ng pagbabago sa daigdig (world shifts), patag ang daigdig; maliliit (particles) ng atom, patay ang Diyos; marumi ang sex, pasalita ang wika, atbp.

Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, paghahatid ng mensahe, pagbibigay ng tama/ maling impormasyon, pagsisinungaling, pagpapahayag.

Karamihan sa pang-araw-araw na gamit ng wika ang gamit na ito.

Page 6: tungkulin ng wika

4.Interaksyunal - (Phatic communion ayon kay Malinowski) Gamit ng wika upang mapanatili ang pakikipagkapwa-tao. Bahagi nito ang phatic communion; iyong mga di-pinupuna/ walang kabuluhang (meaningless) pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang bukas na tulay (channel) ng pakikipagtalastasan kung kinakailangan.

Sa isang malawak na kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito sa lahat ng gamit ng wika upang mapanatili ang mga lipon/ grupo: salita ng mga teenager; mga biruan ng pamilya/ mag-anak; mga katawagan sa bawat propesyon (jargon), mga palitan sa mga ritwal; mga wikang panlipunan at panrehiyon, atbp.

Dapat matutuhan ng mga tao ang mga iba’t ibang uri ng gamit ng wika kung nais nilang makisalamuha nang mahusay sa iba.

Page 7: tungkulin ng wika

Nangangailangan ang matagumpay na interaksyon ng wastong pag-uugali (good manners), wastong pagsasabi sa wastong paraan at paggawa ng mga bagay ayon sa kinagawian (presented way).

Madaling makita ang mga paglabag sa kaugalian, maging malaswang salita (dirty words) sa maling tagpuan o di pagtayo sa ilanga pagkakataon. Maaaring parusahan ang mga ito nang higit pa sa pagkadulas sa pangyayari.

Halimbawa: pagbati, pagpapaalam, pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya, paghihiwalay, pagtanggap, atbp.

Page 8: tungkulin ng wika

5.Personal – Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi ng kanyang katauhan ang wika. May “tinig” o kinalalaman ang mga tao sa nangyayari sa kanila. Malaya silang magbuka ng bibig o hindi, magsabi ng marami o magsawalang-kibo kung nais nila, ang pumili ng kung paano sasabihin ang kanilang sasabihin.

Binibigyan din ng wika ang bawat tao ng paraan ng pagpapahayag ng damdamin maging ito ay sa anyo ng mga padamdam, pagrerekomenda, pagmumura o sa pamamagitan ng maingat na pagpili ng salita. Maaaring ding magkaroon ng pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng damdamin.

Halimbawa: pagsigaw, pagrerekomenda, pagmumura, pagpapahayag ng galit, paghingi ng paumanhin

Page 9: tungkulin ng wika

Totoong may gamit na personal ang wika ngunit napakahirap itong ilarawan nang buo. Sa gamit na ito, nagsasama-samang gumagalaw sa mga paraang walang nakaaalam ang wika, ang isipan, ang kalinangan/ kultura at ang katauhan/ personalidad.

Page 10: tungkulin ng wika

6. Heuristic – Gamit ng wika bilang kagamitan sa pagkatuto ng mga kaalaman at pag-unawa. Maaaring gamitin ang wika para malaman ang mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, konklusyon ang pangangatwiran, mga bagong tuklas na pagsubok sa hypothesis, atbp.

Ang gamit na ito ang batayan ng kaalaman sa iba-ibang disiplina. Binibigyan ng wika ang tao ng pagkakataong magtanong tungkol sa kalikasan ng daigdig na pinananahanan nila at bumuo ng mga posibleng sagot. Isang paraan para ipakilala ang kabataan sa gamit na ito ng wika ang pormal na edukasyon. Karaniwan nang isang sistemang abstraktong nagpapaliwanag ng isang bagay ang kinalalabasan nito. Kaya isang resultang kailangan sa paglikha ang simbolismo ng metalanguage – isang wikang ginagamit sa pagtukoy sa wika na naglalaman ng mga katawagan tulad ng tunog, pantig, kayarian, pagbabago, pangungusap, atbp.

Page 11: tungkulin ng wika

Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran, pagbibigay-konklusyon, paggawa ng hypothesis, pagbibigay katuturan, pagsubok/pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna, pagsusuri, pagbuo, pageeksperimento, pagsang-ayon, di-pagsang-ayon, pag-uulat, pagtaya.

Naging institusyon na ang gamit na ito ng wika sa mga kalagayang pang-edukasyon at sa mga gawaing pangkaalaman ngunit patuloy pang makapupukaw ng iba- ibang panananaliksik ang mga posibleng paraan ng pagkaalam sa pamamagitan ng wika at hindi paggamit ng wika. Isa ring suliranin ay kung pano nabubuo, inaaayos at nililinang ang kaalaman. Mahalaga ang papel ng wika sa mga pagbabagong nangyayari sa retorika ng iba-ibang disiplina.

Page 12: tungkulin ng wika

7. Imahinatibo – Gamit ng wika sa pagbuo ng isang sistema ng haraya maging mga akdang pampanitikan, sistemang pampilosopiya, o huwarang pangarap (utopian visions) sa isang dako o pangarap at pag-iisip ng walang magawa sa kabilang dako.

Ito rin ang wikang ginagamit para sa kasiyahan sa paggamit ng wika bilang tunog; pag-iingay ng sanggol ( baby’s babbling), pag-awit ng isang mang-aawit at ang paglalaro ng malikot na isip ng makata. Mga larong pangwika, panunukso, panunudyo, pagsasalaysay nang labis. Ilan lamang ito sa mga pagkakataong gamit ng imahinatibo ng wika upang aliwin ang sarili o ibang tao.

Pinahihintulutan din ng gamit na ito ng wika na pansinin di lamang ang tunay na daigdig kundi pati na ang mga posibleng daigdig at marami pang imposibleng daigdig.

Page 13: tungkulin ng wika

Pinahihintulutan din nito ang paglalagay ng sarili sa katauhan ng mga nababasa/ nakikita sa telebisyon at sine: nakikinig sa radyo, cd player, MP3 player (vicarious experience).

Tinutulungan ding matugunan ang maraming estetiko at artistikong pangangailangan (urges). Pinahahalagahan ang gamit na imahinatibo kung nagbubunga ito ng artistikong paglikha ngunit sa karamihan, nagsisilbi itong isang susi sa mga pagkakataon sa paglikha at pagtakas sa katotohanang ipinahihintulot nito.

Page 14: tungkulin ng wika

II. Ayon kay Roman Jakobson

Kognitibo/ reperensyal/ Pangkaisipan – Pagpaparating ng mensahe at impormasyon.

Conative – Paghimok at pag-impluwensya sa iba sa pamamagitan ng mga pag-uutos at pakiusap.

Emotive – Pandamdamin, Pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.

Phatic – pakikipagkapwa-tao Metalinggwal – paglinaw sa mga suliranin tungkol sa mga

layunin (intensyon) ng mga salita at kahulugan. Poetic – patula, paggamit ng wika para sa sariling

kapakanan.

Page 15: tungkulin ng wika

III. Ayon kay W.P. Robinson

Estetiko – Paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan. Ludic – Pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang

katuturan o kawawaan, pagsubok sa mga posibilidad ng wika habang natututuhan ito, pagbibiro.

Pag-alalay sa pakikipagsalamuha at pakikipagkapwa-tao – paggamit ng wika upang simulan, alalayan at tapusin ang pagkikita ( nangyayari kapag ang dalawa o higit pang tao ang nagkikita), mga ritwal sa wika (kumusta/pagbati), wika bilang kagandahang –asal (kumusta ka?); pagbati, pasasalamat, pagpapahayag ng kalungkutan o pakikiramay.

Page 16: tungkulin ng wika

Pag-alalay sa iba – Paggamit ng wika upang alalayan o impluwensiyahin ang kilos o damdamin ng iba – paggamit ng mga tuntunin at ekspresyon ng tungkulin/ obligasyon – pag-uutos, pakiusap, pagbababa, pagpuna, pagpapalakas ng loob, panghihikayat, pag-aanyaya, pagpapahintulot, panghihiram, pagtawad.

Pag-alalay sa sarili – Kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa Sarli” nang tahimik o mag-isa, pagpaparating sa iba ng ating iniisip, pagbibigay ng opinyon, pangangatwiran, pagpapaliwanag.

Page 17: tungkulin ng wika

Pagpapahayag ng Sarili – Pagpapahayag ng sarili, katauhan at damdamin – tuwiran sa pamamagitan ng pandamdam, paggamit ng mga salita tungkol sa damdamin; di-tuwiran sa pamamagitan ng bilis, taas ng tinig, tunog ng tinig (voice quality).

Pagtatakda sa tungkulin o Papel sa lipunan – paggamit ng wika upang itakda o ipahayag ang kaugnayang pansosyal ng mga tao – mga ginagamit kapag nakikipag-usap sa isang tao at mga ginagamit kapag nagsasalita tungkol sa iba (G. Gng. Bb…)

Page 18: tungkulin ng wika

Pagtukoy sa daigdig na di-panglinggwistika – a) Pagkilala (discrimination) – pagkilala at pagpapahayag ng kaibhan at pagkakatulad ng mga bagay. b) Pagbuo (organization) – pag-uuri-uri at pagbibigay – katuturan sa mga kaugnayan ng mga bagay sa ibang bagay.

Pagtuturo – Paggamit ng wika sa pagpaparating (imparting) ng bagong impormasyon at kasanayan.

Pagtatanong at Panghuhula – Pagtataka, paghahanap, paghingi ng impormasyon at panuto, pagbuo ng haraya (imagining) pagpapasubali (suppoising).

Metalangguage - Paggamit ng wika sa pagtalakay.