1
Repleksyon sa Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway B. Arceo Paano ba mapapatunayan na tunay ang pagmamahal?Ang isa bang pagkakamali ay sapat na dahilan para iwanan ang minamahal? Ito marahil ang nais sagutin ni Bb. Arceo sa kanyang akdang Uhaw ang Tigang na Lupa.Isinulat sa mata ng isang bata,nais ng akda na patunayan sa atin na sa panahon ngayon,mayroon pa ring tunay na pagmamahal,at mayroon pa ring halaga sa lipunan ang pamilya. Sa mata ng batang karakter,ang kanyang pamilya ay perpekto- ang kanyang ina ay mabait,sadyang di galitin,at di masyadong masalita.Ang kanyang ama ay huwaran sa pamilya-masipag,mabait at maaruga.Para sa bata,ang kanyang pamilya ay masaya at para bang wala nang suliranin,ngunit di nya naiisip na isang bagay pala ang titibag sa kanyang mga impresyon. Tunggalian sa akda ang pagsulpot ng kerida ng kanyang ama-na isikreto ng matagal na panahon hanggang sa natuklasan ito nang natagpuan ang kanyang talaarawan.Sa gitna ng pagsubok na ito ang kanyang ina ay nanahimik at nagsawalang-kibo,huwaran kung iisipin dahil kadalasang di kakayanin ng isang babae na harapin nang pasibo ang ganitong mga bagay.Sa pagkakasakit ng kanyang asawa nagawa pa nyang arugain ito ng buong puso,at nang ito ay gumaling naibigay na rin nya ang kanyang pagpapatawad. Marahil ay nagtagumpay ang akda dahil nagawa nitong makawala sa tradisyunal na mga kaganapan sa buhay.Maaring isipin natin na ang ginawang pagpapatawad sa ina sa kasalanan ng asawa ay pantasyang malabo nang maging realidad,ngunit sa totoo lang ay kahanga-hanga man kung ito ay maganap.Palagian na nating naririnig sa balita at napapanuod sa mga telenobela ang kuwento ng mga pamilyang nasisira dahil sa pakikiapid,ngunit kung iisipin natin ay malungkot na repleksyon lang ito sa kung anuman ang nagaganap sa lipunan natin.Marahil,kung ang mga mag-asawa ay magagawa lamang na tibayin ang pagsasama para sa kapakanan ng pamilya,mas mabibigyan natin ng magandang kinabukasan ang mga musmod,na madalas naiiwang nagtataka at nagrerebelde sa dahilang wala silang ina o ama. Dito makikita natin ang akda bilang isang “feel-good” na akda na kapag matapos mong basahin ay mapapaisip ka at mapapahanga.Ang kuwento,sa kabuuan ay inspirasyon sa atin na may mga bagay na posible pang mangyari.Sa mata ng isang bata,lahat ay maganda,lahat ay inosente,lahat ay mapagmahal.

Uhaw Ang Tigang Na Lupa (Review)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Paano ba mapapatunayan na tunay ang pagmamahal?Ang isa bang pagkakamali ay sapat na dahilan para iwanan ang minamahal? Ito marahil ang nais sagutin ni Bb. Arceo sa kanyang akdang Uhaw ang Tigang na Lupa.Isinulat sa mata ng isang bata,nais ng akda na patunayan sa atin na sa panahon ngayon,mayroon pa ring tunay na pagmamahal,at mayroon pa ring halaga sa lipunan ang pamilya.

Citation preview

Page 1: Uhaw Ang Tigang Na Lupa (Review)

Repleksyon sa Uhaw ang Tigang na Lupani Liwayway B. Arceo

Paano ba mapapatunayan na tunay ang pagmamahal?Ang isa bang pagkakamali ay sapat na dahilan para iwanan ang minamahal?

Ito marahil ang nais sagutin ni Bb. Arceo sa kanyang akdang Uhaw ang Tigang na Lupa.Isinulat sa mata ng isang bata,nais ng akda na patunayan sa atin na sa panahon ngayon,mayroon pa ring tunay na pagmamahal,at mayroon pa ring halaga sa lipunan ang pamilya.

Sa mata ng batang karakter,ang kanyang pamilya ay perpekto-ang kanyang ina ay mabait,sadyang di galitin,at di masyadong masalita.Ang kanyang ama ay huwaran sa pamilya-masipag,mabait at maaruga.Para sa bata,ang kanyang pamilya ay masaya at para bang wala nang suliranin,ngunit di nya naiisip na isang bagay pala ang titibag sa kanyang mga impresyon.

Tunggalian sa akda ang pagsulpot ng kerida ng kanyang ama-na isikreto ng matagal na panahon hanggang sa natuklasan ito nang natagpuan ang kanyang talaarawan.Sa gitna ng pagsubok na ito ang kanyang ina ay nanahimik at nagsawalang-kibo,huwaran kung iisipin dahil kadalasang di kakayanin ng isang babae na harapin nang pasibo ang ganitong mga bagay.Sa pagkakasakit ng kanyang asawa nagawa pa nyang arugain ito ng buong puso,at nang ito ay gumaling naibigay na rin nya ang kanyang pagpapatawad.

Marahil ay nagtagumpay ang akda dahil nagawa nitong makawala sa tradisyunal na mga kaganapan sa buhay.Maaring isipin natin na ang ginawang pagpapatawad sa ina sa kasalanan ng asawa ay pantasyang malabo nang maging realidad,ngunit sa totoo lang ay kahanga-hanga man kung ito ay maganap.Palagian na nating naririnig sa balita at napapanuod sa mga telenobela ang kuwento ng mga pamilyang nasisira dahil sa pakikiapid,ngunit kung iisipin natin ay malungkot na repleksyon lang ito sa kung anuman ang nagaganap sa lipunan natin.Marahil,kung ang mga mag-asawa ay magagawa lamang na tibayin ang pagsasama para sa kapakanan ng pamilya,mas mabibigyan natin ng magandang kinabukasan ang mga musmod,na madalas naiiwang nagtataka at nagrerebelde sa dahilang wala silang ina o ama.

Dito makikita natin ang akda bilang isang “feel-good” na akda na kapag matapos mong basahin ay mapapaisip ka at mapapahanga.Ang kuwento,sa kabuuan ay inspirasyon sa atin na may mga bagay na posible pang mangyari.Sa mata ng isang bata,lahat ay maganda,lahat ay inosente,lahat ay mapagmahal.