8
SIMBABWE Ang Republika ng Zimbabwe ay isang bansa na matatagpuan sa timog na bahagi ng Aprika, sa pagitan ng mga ilog ng Zambezi at Limpopo. Pinapaligiran ito ng Timog Aprika mula sa timog, Botswanaat Namibia sa kanluran, Zambia sa hilaga at Mozambique sa silangan. Harare ang kabisera nito. YEMEN Ang Republika ng Yemen (Arabo: ة ي من ي ل ا ة وري ه م ج لا), binubuo ng dating Hilaga at Timog Yemen, ay isang bansa sa Tangway ng Arabia sa Timog-kanlurang Asya at bahagi ng Gitnang Silangan, napapaligiran ngDagat Arabia at Golpo ng Aden sa timog at Dagat Pula sa kanluran, Oman sa timog-silangan at Saudi Arabia sa mga natitirang hangganan. Kabilang sa teritoryo nito ang pulo ng Socotra, mga 350 km ang layo sa timog. BENESWELA

UN Countries (3)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: UN Countries (3)

SIMBABWE

Ang Republika ng Zimbabwe ay isang bansa na matatagpuan sa timog na bahagi ng Aprika, sa pagitan ng mga ilog ng Zambezi at Limpopo. Pinapaligiran ito ng Timog Aprika mula sa timog, Botswanaat Namibia sa kanluran, Zambia sa hilaga at Mozambique sa silangan. Harare ang kabisera nito.

YEMEN

Ang Republika ng Yemen (Arabo: اليمنية ,(الجمهورية binubuo ng dating Hilaga at Timog Yemen, ay isang bansa sa Tangway ng Arabia sa Timog-kanlurang Asya at bahagi ng Gitnang Silangan, napapaligiran ngDagat Arabia at Golpo ng Aden sa timog at Dagat Pula sa kanluran, Oman sa timog-silangan at Saudi Arabia sa mga natitirang hangganan. Kabilang sa teritoryo nito ang pulo ng Socotra, mga 350 km ang layo sa timog.

BENESWELA

Ang Beneswela (Ingles: Venezuela) ay ang pinakahilagang bansa sa Timog Amerika at bahagi ngKaribeng Timog Amerika. Napapaligiran ng Dagat Caribbean at Karagatang Atlantiko sa hilaga, Guyanasa silangan, Brasil sa timog, at Kolombiya sa kanluran. Sa labas ng pampang nito, matatagpuan ang mga estadong Karibe ng Aruba, ang Netherlands Antilles at Trinidad at Tobago. Benesolano ang tawag sa mamamayan.

Page 2: UN Countries (3)

ESTADOS UNIDOS

Isang republikang pederal ang Mga Pinag-isang Estado ng Amerika o Estados Unidos[2] ng Amerikana may limampung estado. Matatagpuan sa kalagitnaan ng Hilagang Amerika ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang bawat isa na naaayon sa sistemangpederalismo. Mayroong tatlong lupang hangganan ang Estados Unidos kung saan sa Mehikomatatagpuan ang isa habang sa Kanada naman ang natitira. Pinaliligiran din ito ng iba't ibang anyo ng tubig tulad ng Karagatang Pasipiko, Dagat Bering, Karagatang Artiko, at Karagatang Atlantiko. Hindi karatig ng dalawang estado (Alaska at Haway) ang natitirang apatnapu’t walo. Pareho din nilang hindi karatig ang isa't isa. Mayroong koleksyon ng mga distrito, teritoryo at iba pang pagmamay-aring panlabas ang Estados Unidos sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karaniwang tinatawag na "Amerikano" ang mga mamamayan nito.

TURKMENISTAN

Ang Republika ng Turkmenistan (Turkmen: Turkmenistan Respublikasy), na kilala rin bilang Turkmenia (Russian: Туркмения) ay isa sa mga Turko mga estado sa Gitnang Asya. Hanggang 1991, ito ay isang sangkap republika ng Sobyet Union, ang Turkmen Sobiyet Socialist Republic (Turkmen SSR). Ito ay bordered sa pamamagitan ng Afghanistan sa timog-silangan, Iran sa timog at timog-kanluran, Uzbekistan sa silangan at hilagang-silangan, Kazakhstan sa hilaga at hilagang-kanluran at ang Dagat ng Kaspiy sa kanluran.

SRI LANKA

Ang Demokratikong Sosyalistang Republika ng Sri Lanka (internasyunal: Democratic Socialist Republic of Sri Lanka, ශ් රී ලං�කා� sa Sinhala / இலங்கை� sa Tamil) (kilala bilang Ceylon bago ang 1972) ay isang tropikal napulong bansa sa labas ng timog-silangang pampang ng subkontinenteng Indyan.

Page 3: UN Countries (3)

RUWANDA

Ang Ruwanda ay isang maliit na bansang walang pampang sa rehiyon ng Dakilang Lawa sa gitnang Aprika. Napapaligiran ng Uganda, Burundi, Demokratikong Republika ng Congo at Tanzania.

PARAGUAY

Ang Republika ng Paraguay (binabaybay ding Paragway) ay isang bansa sa Timog Amerika. Nagmula ang pangalan ng bansa mula sa mga salitang Guaraní (bigkas /gwa·ra·ní/) na pará, nangangahulugang “ilog”, at guay, nangangahulugang “itong pampang”. Hinihinala na, sa Guaraní, tumutukoy lamang ang ekspresyong ito sa Asunción, ngunit, sa Espanyol, tumutukoy ito sa buong bansa.

NAMIBYA

Ang Republika ng Namibya (Inggles: Republic of Namibia; Afrikaans: Republiek van Namibië) ay isang bansa sa timog-kanlurang Aprika, sa baybayin ng Dagat Atlantiko. Napapaligiran ito ng Angola at Zambia sa hilaga, Botswana sa silangan, at Timog Aprika sa timog. Naging malaya mula sa Timog Aprika noong 1990, at naging isa sa mga pinakabagong bansa sa daigdig. Windhoek ang kapital na lungsod nito.

Page 4: UN Countries (3)

MALAWI

Ang Republika ng Malawi (internasyunal: Republic of Malawi) ay isang bansa walang pampang, sa Katimogang Aprika, bagaman madalas na tinuturing na nasa Silangang Aprika. Napapaligiran ng Tanzania sa hilaga, Zambia sa hilaga-kanluran, at Mozambique sa silangan, timog, at kanluran. Binubuo ng mga 20 bahagdan ng teritoryo ng bansa ang Lawa ng Malawi at bumabagtas sa karamihan ng silangang hangganan nito. Hindi malinaw ang pinagmulan ng pangalan ng Malawi; pinanghahawakan na hinango ito mula sa katimogang tribo, o binibigyan pansin ang 'kislap ng araw na sumisikat sa ibayo ng lawa' (katulad ng makikita sa watawat).

LATBIYA

Ang Republika ng Latbiya ay isang bansa sa hilagang Europa. Hinahanggan ito ng dalawa nitong kaestadong Baltic—Estonia sa hilaga at Lithuania sa timog—at ng Rusya at Belarus sa silangan. Sa kanluran, may hangganang marítimo ang Lithuania sa Sweden.

KENYA

Ang Republika ng Kenya (internasyunal: Republic of Kenya), ay isang bansa sa Silangang Aprika. Napapalibutan ng Ethiopia sa hilaga, Somalia sa hilaga-silangan, Tanzania sa timog, Uganda sa kanluran, at Sudan sa hilaga-kanluran, kasama ang Karagatang Indyan sa timog-silangan.

Page 5: UN Countries (3)

IRAK

Ang Republika ng Irak (internasyonal: Republic of Iraq; binabaybay rin na Irak) ay isang bansa sa timog-kanlurang Asya na sinasakop ang sinaunang rehiyon ng Mesopotamya sa pinagsasaniban ng mga ilog Tigris at Eufrates pati na rin ang timog Kurdistan. Hinahanggan ito ng Kuwait at Arabyang Saudi sa timog, Jordan sa kanluran, Sirya sa hilagang-kanluran, Turkiya sa hilaga, at Iran sa silangan. May makitid itong seksyon ng baybayin sa Umm Qasr sa Golpo Persiko.

HONDURAS

Ang Republika ng Honduras (bigkas /on·dú·ras/; internasyunal: Republic of Honduras) ay isang malayang bansa sa kanlurang Gitnang Amerika, napapaligiran sa kanluran ng Guatemala, sa timog-kanluran ng El Salvador, sa timog-silangan ng Nicaragua, sa timog ng Karagatang Pasipiko, sa hilaga ngGulpo ng Honduras at Dagat Caribbean. Nasa mga 75 kilometro sa ibayo ng Gulpo ng Honduras angBelis (dating "British Honduras").

GRENADA

Ang Grenada ay isang pulong bansa sa timog-silangang Dagat Caribbean kabilang ang katimogangGrenadines. Grenada ang pangalawa sa pinakamaliit na malayang bansa sa Kanlurang Hemispiryo(pagkatapos ng Saint Kitts at Nevis). Matatagpuan sa kanluran ng Trinidad at Tobago, at timog ng Saint Vincent at Grenadines.