48
Yunit 3 i Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

  • Upload
    others

  • View
    86

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Yunit 3

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

i

Araling Panlipunan

Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Page 2: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Araling Panlipunan – Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaral: TagalogUnang Edisyon, 2012ISBN: 978-971-9981-51-0 

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz

 

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex,

Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054, 634-1072E-mail Address: [email protected]

ii

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar

Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili

Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang, Minda

Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas

Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David,

Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus

Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at

Jayson R. Gaduena

Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro

Encoder: Earl John V. Lee

Page 3: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

TALAAN NG MGA NILALAMAN

YUNIT 3: Ang Aking Paaralan Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking

Kinabibilangan ...…… 109Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking

Paaralan ....................... 110Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa

Aking Buhay ……………………………………..………..……

113

Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan ……………………... 116

Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Di Nagbago sa Aking Paaralan ..................................................................

117

Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat Kong Gawin Habang nasa Paaralan ……………………………………………...……

120

Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa Paaralan …………. 121Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan ............. 124

Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan .....................................................................................

131

Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan .…… 132

Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan ........ 136Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan …..…… 137

iii

Page 4: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Yunit 3: ANG AKING PAARALANPanimula

Mga Layunin:

Matapos ang pag-aaral ng Yunit 3, inaasahang magagawa mo ang sumusunod:

1. naipakikilala ang iyong paaralan;2. nailalarawan ang pisikal na kapaligiran ng

paaralan;3. nasasabi ang mabuting nagagawa ng

paaralan para sa iyo;4. nasasabi ang konsepto ng pagbabago at

pagpapatuloy batay sa kuwento ng paaralan;

5. nasasabi ang mga dapat gawin ng isang mag-aaral;

6. nakatutupad sa mga alituntunin ng silid-aralan; at

7. napahahalagahan ang iyong paaralan.Aralin 1: Pagkilala sa Paaralang Aking

Kinabibilangan4

Page 5: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Panimula

Aralin 1.1: Ang Pagkilala sa Aking Paaralan

Pag-isipan 5

Page 6: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Anong mahahalagang impormasyon ang masasabi mo sa iyong paaralan?

Gawain 1Itanong sa inyong punong-guro ang

sumusunod:

1. Ano ang pangalan ng ating paaralan?

2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan?

3. Kailan itinayo ang ating paaralan?

4. Saan ito matatagpuan?

5. Sino-sino ang bumubuo sa ating paaralan?

Gawain 2

Iguhit ang iyong paaralan sa loob ng kahon sa ibaba. Gawing makulay ang iyong iginuhit.

6

Page 7: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Gawain 3

Buuin ang graphic organizer sa ibaba upang maipakita ang mga batayang impormasyon tungkol sa iyong paaralan.

7

Taon ngPagkakatatag

Lokasyon ng Paaralan

Paaralan

Mga Taong Bumubuo sa Paaralan

Pangalan ngPaaralan

Page 8: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Tandaan:

Mahalagang makilala mo ang paaralang iyong pinapasukan. Ito ang nagsisilbing pangalawa mong tahanan.

Aralin 1.2: Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa Aking Buhay

Pag-isipan Ano ang mabuting nagagawa ng paaralan para sa iyo?

8

Page 9: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Gawain 1Makinig sa kuwentong babasahin ng iyong

guro na pinamagatang Celia Studious and Conrad Cat ni Regina S. Fernandez.

Saan pumupunta si Celia araw-araw?

Ano-ano ang ginagawa ni Conrad para hikayatin si Celia na huwag nang pumasok sa paaralan?

Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na lumiban sa pagpasok sa paaralan?

Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni Celia?

Ano-ano ang masayang karanasan ni Celia sa kaniyang paaralan?

Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong siya ay napasama sa paaralan ni Celia? Bakit ito ang kaniyang naramdaman?

9

Page 10: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay Celia sa paaralan? Bakit?

Gawain 2

Ano ang iyong masasayang karanasan sa paaralan? Pumili ng tatlong masayang karanasan at iguhit ito sa loob ng mga bilog.

Gawain 3Nakaguhit dito ang mga ginagawa at

natutuhan ni Celia sa paaralan. Subukin mong iguhit sa kabilang kahon ang mga ginagawa at natututuhan mo sa iyong paaralan.

10

Ang Masasayang Karanasan ko sa Paaralan

Page 11: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Tandaan:

Ang paaralan ay isang lugar na marami kang makikilalang bagong kaibigan na iyong makakalaro, makakasama sa pagbabasa,

pagsusulat, pagguhit, at iba pang mga gawain para matuto. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng paaralan sa iyong buhay.Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan

Panimula

11

Page 12: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Di Nagbago sa Aking Paaralan

Pag-isipan

Ano ang mga bagay na nagbago at di nagbago sa aking paaralan?

Gawain 1

12

Page 13: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Tanungin ang bisitang inanyayahan ng iyong guro tungkol sa pinagmulan ng iyong paaralan.

Narito ang maaaring itanong sa inyong bisita:

Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan noong itinatag ito?

Nagbago po ba ang laki o sukat nito?

Mas marami po ba ang mga mag-aaral na unang pumasok sa aming paaralan kung ikukumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa aming paaralan ngayon?

May uniporme po ba sila?

Ano po ang mga itinuturo ng mga guro?

Ano-ano pa po ang nagbago rito?

Gawain 2

Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Subukin ninyo ng iyong mga kapangkat na punan ng impormasyon ang tsart na makikita sa ibaba.

Ngayon NoonPangalan ng paaralan

Lokasyon ng paaralan

13

Page 14: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Laki o lawak ng paaralan

Mga kasapi ng paaralan

Bilang ng mga mag-aaralUniporme ng mga mag-aaral na pumapasok sa paaralanMga itinuturo sa paaralan

Batay sa mga impormasyong inyong nakuha at naisulat, ano ang mga bagay na nagbago at di nagbago.

Gawain 3

Iguhit ang iyong paaralan noon at ngayon sa mga kahong nasa ibaba.

Ang Aking Paaralan Noon

Ang Aking Paaralan Ngayon

14

Page 15: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Aralin 3: Ang mga Gawaing Dapat Kong Gawin Habang Nasa Paaralan

Panimula

15

Tandaan:

May mga bagay na nagbabago at may mga bagay na nagpatuloy o hindi nagbago sa iyong paaralan.

Ang mga desiyon o pagpapasya ng mga kasapi ng isang paaralan ang nagdudulot ng mga pagbabago o pagpapatuloy.

Page 16: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Aralin 3.1: Ang Aking mga Gawain sa Paaralan

Pag-isipan

Ano-ano ang iyong ginagawa sa paaralan?

Gawain 1

16

Page 17: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Pagsunod-sunurin ang mga larawan ng mga gawain ng mga mag-aaral sa paaralan. Isulat ang bilang 1 sa loob ng bilog para sa pinakaunang gawain at 5 naman sa pinakahuling gawain.

Gawain 2

Gumawa ng timeline na nagpapakita ng iyong gawain sa iyong paaralan sa loob ng isang araw. Iguhit ang mga ito sa loob ng kahon. Kulayan ang iyong ginawa.

17

Ang Aking mga Gawain sa Paaralan sa Loob ng Isang Araw

Bago magsimul

a ang klase

Habang nagtutur

o ang aking Guro

Oras ng pagkain o recess

Bago mag-uwian

ang klase

Page 18: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Gawain 3

Tingnan mo ang mga larawan. Kulayan ang mga larawan na nagpapakita ng mga itinuturo ng iyong guro at natututuhan mo sa iyong paaralan.

18

Page 19: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Aralin 3.2: Ang Aking mga Tungkulin sa Paaralan

Pag-isipan

Ano ang mga dapat mong gawin sa paaralan bilang isang mag-aaral?

Gawain 1Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1.

Ano sa palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa paaralang kaniyang pinapasukan.

19

Page 20: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Suriin ang mga larawan at bilugan ang nagpapakita ng mga tungkulin o mga dapat gawin ni Len bilang isang mag-aaral.

20

Page 21: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Bakit ito ang mga larawang iyong binilugan?

Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing iyong binilugan?

Ano naman ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing hindi mo binilugan?

21

Page 22: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Gawain 2

Makikita sa tsart ang iba’t ibang tungkulin ng mag-aaral sa paaralan. Alin sa mga ito ang ginagawa mo sa bawat araw? Lagyan ito ng tsek ().

22

Page 23: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart?Ano ang iyong naramdaman matapos mong malagyan ng tsek ang mga tungkuling nagagawa mo bilang mag-aaral?

Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin sa paaralan?

Gawain 3

Tingnan at suriin ang mga larawan sa letrang A at letrang B. Subukin mong iguhit sa loob ng kahon kung ano ang posibleng mangyari sa huling bahagi ng ipinakikitang sitwasyon. A

23

Page 24: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

24

Page 25: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Alin sa dalawang pangkat ng mga larawan ang nagpapakita ng paggawa sa tungkulin ng isang mag-aaral, letrang A o letrang B?

Bakit ang iyong iginuhit ang napili mong huling pangyayari sa ipinakitang sitwasyon?

25

Page 26: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral ang kanilang mga tungkulin?

Aralin 4: Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan

Panimula

26

Tandaan:

Mayroon kang iba’t ibang tungkulin sa paaralan. Mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin bilang mag-aaralupang mapanatili ang kaayusan sa

iyong paaralan. Makatutulong din ito upang mapabuti ang iyong pag-aaral.

Page 27: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Aralin 4.1: Ang mga Alituntunin sa Aking

Silid-Aralan

Pag-isipan

Anong mga alituntunin ang ipinatutupad sa inyong silid-aralan?

27

Page 28: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Gawain 1

Bilang isang klase, bumuo ng isang graphic organizer na nagpapakita ng iba’t ibang alituntunin na ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan.

Bago magsimula ang klase

Habang nagkaklas

e

Tuwing recess

Bago mag-uwian

Gawain 2

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ano kaya ang mangyayari o magiging bunga kapag ginawa mo ang mga ito? Isulat sa nakalaang bahagi ng graphic organizer ang iyong sagot sa bawat sitwasyon.

28

A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z

Page 29: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Gawain 3

Balikan ang inyong ginawang graphic organizer. Sa iyong palagay, alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin ng inyong silid-aralan? Alin naman sa mga ito ang nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga alituntunin? Isulat ang letra ng sitwasyon sa loob ng angkop na kahon.

29

Page 30: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa alituntunin?

Ano naman ang naging bunga ng hindi pagsunod sa alituntunin?

Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin?

May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na maipatutupad para sa ikabubuti ng inyong samahan sa silid-aralan?

30

CPagsunod sa Alituntunin

DHindi Pagsunod sa Alituntunin

Tandaan:

May iba’t ibang alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan.

Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan. Makabubuti rin ang mga ito sa pagpapanatili ng mabuting samahan ninyo ng iyong mga kamag-aral at ng inyong guro.

Page 31: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan

Panimula

31

Page 32: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan

Pag-isipan

Bakit mahalaga ang iyong paaralan?

Gawain 1Sabay-sabay ninyong awitin o bigkasin ang

“Bata pa Ako” na sinulat ni Julia Abueva.

32

Bata Pa Ako Di ka ba nagtatakaAko'y nasa lansanganAt ikaw ay nasa sasakyanPapuntang paaralan

Makatapos kaya akoKahit mga libro'y pinaglumaan moPangarap lang baPagka't mahirap lang ako

Pwede bang sumali sa inyong laroKahit kunwa-kunwaring nag-aaral din akoDala ba ng tadhana na tayo'y magkaibaSana balang araw maging tulad din kita

Page 33: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

33

Paano bang sumulat, magbasa ng gaya moBata alam mo ba, na bata rin ako?

Musmos pa rin ako,Di lang napapansinMagulang at kapatid,Nakaasa sa akin

Bata sino baAng nagtuturo't gumagabay sa'yoMay pag-asa pa bangMaturuan din nya akoSa lahat ng inaasamIsa ang pinakagustoNa sana'y pagtanda natinWala ng batang tulad koMula sa : http://www.elyrics.net/read/j/julia-abueva-lyrics/bata-pa-ako-lyrics.html

Page 34: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o binibigkas ninyo ang nilalaman ng “Bata pa Ako”?

Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa inyong inawit o binasa? Nag-aaral kaya siya? Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala siya?

Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin niyang magawa o maranasan?

Gawain 2Ano kaya ang mangyayari sa isang bata sa

kaniyang pagtanda kung hindi man lamang siya makapag-aral sa isang paaralan?

Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral? Alin naman ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong hindi nakapag-aral?

Lagyan ng arrow ( ) papunta sa larawan ng paaralan ang mga larawang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral.

34

Page 35: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Tingnan mo ang halimbawa. Nilagyan ng arrow ang larawan ng guro papunta sa larawan ng paaralan.

Gawain 3Sa loob ng kahon, gumuhit ng isang larawan

na nagpapakita ng kahalagahan ng iyong paaralan.

Sa tulong ng guro o magulang o tagapag-alaga, punan ang patlang na nagpapahayag kung bakit mahalaga sa iyo ang iyong paaralan.

35

Page 36: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

Mahalaga ang aking paaralan dahil _________ ______________________________________________ ______________________________________________

Ang Aking mga Nagawa at NatutuhanPanuto. Makinig sa babasahin ng guro.Lagyan ng tsek() ang angkop na kahon sa iyong sagot.

Nagamit ko ang mga kasanayang ito:

1. Nasunod ko ang mga panuto.

2. Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining.

3. Nagbahagi ako ng aking kuwento sa aking kamag-aral.

4. Nakinig ako sa kuwento ng aking guro.

5. Nakinig ako sa kuwento ng aking kaklase.

36

Tandaan:Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa tulong ng paaralan,

mapapaunlad mo ang iyong mga angking kakayahan at mga kaalaman.Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang iyong buhay kung pumapasok ka at nag-aaral nang mabuti sa isang paaralan.

Mag-aaral Guro

Page 37: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

6. Nasuri ko ang iba’t ibang bagay.

7. Nakapaghambing ako ng iba’t ibang bagay.

8. Natukoy ko ang mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan.

9. Nakapag-isip ako ng maaaring mangyari sa isang sitwasyon .

10. Napahalagahan ko ang aking paaralang kinabibilangan.

Nagawa ko ang mga bagay na ito:

1. Nasabi ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan.

2. Natukoy ko ang iba’t ibang kasapi ng paaralan.

3. Nakagawa ako ng isang panayam.

4. Nakaguhit ako ng iba’t ibang larawan.

5. Nakabuo ako ng timeline.6. Nakagawa ako ng graphic

organizer.7. Nakaawit ako ng isang awitin.

37

Mag-aaral Guro

Page 38: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

8. Nakabigkas ako ng isang tula.9. Nasuri ko ang isang awit o tula.10. Naipagmalaki ko ang aking

paaralan.

Naipahahayag ko ang mga ito:

1. Natutuhan ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan.

2. Natutuhan ko ang mga batayang impormasyon tungkol sa aking paaralan.

3. Natutuhan ko na may iba’t ibang kasapi na bumubuo sa aking paaralan .

4. Natutuhan ko na may mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan.

5. Natutuhan ko ang kahalagahan ng mga alituntuning ipinatutupad sa aking paaralan.

38

Mag-aaral Guro

Page 39: Unang Baitang: Ako, ang Aking Pamilya at Paaralandlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_ap_lm... · Web viewBata Pa Ako Di ka ba nagtataka Ako'y nasa lansangan At ikaw ay

6. Natutuhan ko ang kahalagahan ng pagtupad sa mga tungkulin bilang mag-aaral.

7. Natutuhan kong pahalagahan ang aking pag-aaral at paaralan.

Komento ng iyong guro_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ .

39