13
Bethany Christian School of Tarlac, Inc. Paniqui, Tarlac Buwanang Pagsusulit: Unang Markahan Hunyo 4-5, 2013 FILIPINO 7 Pangalan: _____________________ Seksyon: _____________________ Tagapagsulit: _____________ Lagda ng magulang __________________ Unang bahagi: Pagtamo A. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng nakasalunguhit na matalinghagang salita sa bawat pangungusap. _____ 1. Halos lumiyad ang dibdib ni Pedro sa mga papuring naririnig niya sa kanyang mga kakalse. a. nagmamagaling b. madurog ang puso c. nagmamalaki d. lumaki ang ulo _____ 2. Ang mga papuri ni Karla ay labis na nakapagpapataba ng puso ng kanyang ina. a. a. nakapagpapagana b. nakapagpapalusog c. nakapagpapasaya d. nakakabighani _____ 3. Naiwang nagkakamot ng ulo ang bata dahil sa pagkawala ng kanyang pagkain. a. nasiraan ng ulo b. nangangati ang ulo c. walang nagawa d. sumakit ang ulo _____ 4. Sa isang kisap mata ay nawala ang perang pinaghirapan niya. a. iglap b. kislap c. kurap d. sandali _____ 5. Umuwing lulugo-lugo ang kawawang bata. a. lokong-loko b. malungkot c. may sakit d. naghihinayang B. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang pagkagamit ng salitang nakasulat ng madiin. _____ 1. a. Nagpunta sa parang ang mga magkakapatid upang mamitas ng bulaklak. b. Si Marko ay parang nilalagnat. c. Lulugo-lugo si aso na parang nalugi. d. “Parang hindi ka kumain?” tanong ni Ana sa kaibigan. _____ 2. a. May galak sa pisngi ng sanggol nang makita niya ang ina. b. Nawawala ang galak ni tatay na ginagamit niya sa bukid. c. Ang sulat ay nagalak sa mga sinabi ng binata sa dalaga. d. Nakaramdam siya ng galak nang lusubin siya ng mabangis na aso. _____ 3. a. Dinagit ni Aling Miling ang kanyang anak sa paaralan. Scor e Weight Ave. K 15% P 25% U 30% P 30% Gen. Ave.

Unang Buwanag Pagsusulit Ng Unang Markahan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Buwanag Pagsusulit Ng Unang Markahan

Bethany Christian School of Tarlac, Inc.Paniqui, Tarlac

Buwanang Pagsusulit: Unang MarkahanHunyo 4-5, 2013 FILIPINO 7

Pangalan: _____________________Seksyon: _____________________Tagapagsulit: _____________

Lagda ng magulang __________________

Unang bahagi: PagtamoA. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng nakasalunguhit na matalinghagang salita sa bawat pangungusap._____ 1. Halos lumiyad ang dibdib ni Pedro sa mga papuring naririnig niya sa kanyang mga kakalse.

a. nagmamagaling b. madurog ang puso c. nagmamalaki d. lumaki ang ulo_____ 2. Ang mga papuri ni Karla ay labis na nakapagpapataba ng puso ng kanyang ina.

a. a. nakapagpapagana b. nakapagpapalusog c. nakapagpapasaya d. nakakabighani_____ 3. Naiwang nagkakamot ng ulo ang bata dahil sa pagkawala ng kanyang pagkain.

a. nasiraan ng ulo b. nangangati ang ulo c. walang nagawa d. sumakit ang ulo_____ 4. Sa isang kisap mata ay nawala ang perang pinaghirapan niya.

a. iglap b. kislap c. kurap d. sandali_____ 5. Umuwing lulugo-lugo ang kawawang bata.

a. lokong-loko b. malungkot c. may sakit d. naghihinayang

B. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang pagkagamit ng salitang nakasulat ng madiin._____ 1. a. Nagpunta sa parang ang mga magkakapatid upang mamitas ng bulaklak.

b. Si Marko ay parang nilalagnat. c. Lulugo-lugo si aso na parang nalugi. d. “Parang hindi ka kumain?” tanong ni Ana sa kaibigan.

_____ 2. a. May galak sa pisngi ng sanggol nang makita niya ang ina. b. Nawawala ang galak ni tatay na ginagamit niya sa bukid. c. Ang sulat ay nagalak sa mga sinabi ng binata sa dalaga. d. Nakaramdam siya ng galak nang lusubin siya ng mabangis na aso.

_____ 3. a. Dinagit ni Aling Miling ang kanyang anak sa paaralan. b. Nawala sa saliri ang ina nang madagit ng mga kidnaper ang kanyang anak. c. Tuwang-tuwa ang ibon sa kanyang bagong nadagit na pugad. d. Nadagit ni Asyong Agila ang tipak ng karne sa likod ng bahay.

_____ 4. a. Naglalaro si Alfred nang patibong siyang nalaglag sa hukay. b. Ang pambobola ni Rico sa kaklase ay patibong lang pala upang makuha ang pagkain. c. Hindi masarap ang patibong na tinitinda ni Aling Bebot. d. Nahulog sa patibong si Mando habang kumakanta sa paligsahan nang pag-aiwt.

_____ 5. a. Sakmal sa galit ang tatay nang malamang nadaya siya ng nagtitinda. b. Sakmal ng aso ang karne habang mabilis itong tumakbo palayo. c. Sinakmal ng bubuyog si Andoy habang nagpapahinga sa ilalim ng puno. d. Sa sobrang uhaw, dali-daling sinakmal ng bata ang malamig na tubig sa baso.

Pangalawang bahagi: PagpapakahuluganB. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Unawaing mabuti ang mga tanong at piliin ang pinakamalapit na paliwanag tungkol dito._____ 1. Sinasabing nabiktima ni aso si uwak para makuha ang pagkain. Totoo kaya ito?

a. Oo, dahil napunta sa kanya ang pagkain.b. Oo, dahil malungkot na umuwi sa uwak.c. Oo, dahil patibong lang pala ang mga papuring sinabi niya kay uwak para mamuka ang pagkain.d. Hindi, dahil nag-isip siya ng paraan para makuha ang pagkain.

Score Weight Ave.K 15%P 25%U 30%P 30%Gen. Ave.

Page 2: Unang Buwanag Pagsusulit Ng Unang Markahan

_____ 2. Makatwiran ba ang paggamit ng mga hayop bilang pamalit sa tauhan ng mga kwento?a. Oo, upang maitago ang personalidad ng tao sa hayop at magising sa maling gawainb. Oo, upang magkaroon naman ng bahagi ang mga hayop sa panitikanc. Hindi, dahil kawawa naman silad. Hindi, dahil wala silang kinalaman sa kwento para sa tao

_____ 3. Anong katangian ang ipinakita nn uwak nang mapaniwala siya sa mga matatamis na salita ni aso?a. madaling bumigay ang kanyang damdaminb. madaling mapanilawa sa pambobolac. sadyang mabait lamang itod. maawain sa mga kapwa hayop na nagugutom

_____ 4. Ano ang maaaring mangyari kung hindi agad naniniwala sa matatamis na salita ang isang dalaga?a. maiiwasan ang mga mambobolab. maiiwasang mabiktima ng mga manlolokoc. matututong mangatwiran sa maling paraand. magtatagumpay sa mga pangarap sa buhay

_____ 5. Ano ang naramdaman mo nang malaman mong nawala din kay aso ang karneng inagaw lamang niya?a. natuwa dahil parang nakabawi na rin si uwakb. natuwa dahil madali din pala siyang malokoc. natuwa adahil parehong walang napala sa pagkaind. natuwa dahil naagaw di sa kanya ang pagkain

Pangtlong bahagi: PaglilipatPanuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Piliin ang pinakamainam na mabubuong solusyon sa mga sumusunod na sitwasyon._____ 1. Ikaw ay naiwang mag-isa sa inyong bahay. May lalaking tumawag sa inyong telepono at nagsasabing ipadala sa LBC ang pera ng nanay mo na nasa aparador dahil naaksedente siya. Sabi pa ng lalaki, dapat ipangalan sa kanya ang pera upang mailabas nito kaagad. Ano ang una mong gagawin?

a. Tatawagin ko ang aking kapatid upang magpatulong sa paghulog.b. Magpapasalamat sa kanya sa impormasyon.c. Hindi ko sya papansinin dahil parang nanloloko siya.d. Tatawagan ko ang aking ina o ama upang alamin ang totoong nangyari.

_____ 2. Inutusan kang magdeposito ng nanay mo ng pera sa banko. May nakatabi kang tao na nagsasabing hihiramin sandali ang pera mo para pangdeposito para makuha niya ang mas malaking pera na ipapalit sa pera mo. Ano ang gagagwin mo?

a. Hindi ko ipapahiram ang pera ko dahil hindi ko sya kilala.b. Hindi ko na lang siya papansinin.c. Sisigaw ako ng saklolo sa mga gwardya.d. Tutulungan ko siya dahil kawawa naman.

_____ 3. Ikaw ay namamasyal sa bago ninyong nilipatang lugar gamit ang iyong “bike”. May nakilala kang kapwa mo bata at gusto niyang subukan ang “bike” mo dahil gandang-ganda siya rito. Ano ang gagawin mo?

a. Ipapahiram ko sa kanya dahil gusto kong magkaroon ng bagong kaibigan.b. Hindi ko sya papahiramin dahil baka itakas niya ito.c. Sasabihin kong na lang na hinahanap na ako ng nanay ko kahit hindi naman.d.Ipagpapaalam ko muna sa nanay ko bago ko ipahiran ang aking “bike” sa sinu man.

_____ 4. Nalaman mo na isa sa mga kaklase mo ay mahilig manghiram ng gamit pero hindi na niya ito ibinabalik. Nalaman mo rin na puring-puri niya ang mga gamit mo. Ano ang gagawin mo kung sakaling hihiramin niya ang mga ito?

a. Hindi ko siya papahiraman kahit kalian.b. Sasabihin kong gagamitin ko mamaya kahit hindi pa naman.c. Ipaaalam ko muna sa aming guro ang nabalitaan ko bago ako gagawa ng hakbang.d. Kakausapin ko siya at sasabihing mali ang ugali niya.

_____ 5. Naglalaro ka sa inyong bakuran nang may nagtanong sayo at hinahanap ang nanay mo subalit kaaalis lamang nito. Nagpakilala siyang kababata niya ang nanay mo at gusting-gusto na niyang makita ito kaya nakiusap na hintayain nalang niya ang nanay mo sa loob ng bahay nyo. Papapasukin mo ba sya?

a. Oo, dahil kilala niya ang nanay ko.b. Oo, baka pagalitan ako ng nanay ko kapag hindi ko siya pinapasok.c. Hindi, baka siya ay magnanakaw.d. Tatawagan ko muna ang nanay ko upang malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo.

Page 3: Unang Buwanag Pagsusulit Ng Unang Markahan

Bethany Christian School of Tarlac, Inc.Paniqui, Tarlac

Buwanang Pagsusulit: Unang MarkahanFILIPINO 8

Pangalan: _____________________Seksyon: _____________________Tagapagsulit: _____________

Lagda ng magulang __________________

Unang bahagi: PagtamoA. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Piliin ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang pahilig sa loob ng pangungusap.

_____ 1. Ang sultana ay nagpadala ng batyaw sa lahat ng dako upang malaman kung may babaeng nakahihigit ng ganda sa kanya.

a. kawal b. hari c. dama d. raja_____ 2. Pinangahasang pasukin ng sultan ang palasyong nasa loob ng kagubatan.

a. pinagsamahan b. kinatakutan c. pinag-interesan d. pinagbilinang_____ 3. Hindi naglaon, ang madilim na balak ng asawa ay natuklasan ng sultan.

a. dumating b. nagtagal c. nangyari d. inaasahan_____ 4. Ibinhagi ng mag-asawa ang kanilang pakay sa hari.

a. problema b. layunin c. regalo d. plano_____ 5. Ang bata ay lubos na minahal at inaruga ng kanyang mga kinagisnang magulang.

a. nadatnan b. namatay c. nakuha d, kinalakhan

B. Piliin ang kasalungat ng mga salitang nakasulat nang pahilig sa loob ng pangungusap. Isulat ang litik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang._____ 6. Lubhang hinangaan ng mga kabataan ang sikat na artista.

a.inidolo b. pinuri c. binalewala d. binabastos_____ 7. Natalos ng bata ang kanyang maling ginawa kaya ito humingi ng tawad sa ina.

a. nalaman b. napagtanto c. nabatid d. nakalimutan_____ 8. Ang anak ni Aling Miling ay isang babaeng marikit.

a. maganda b. pangit c. mistisa d. morena_____ 9. Dinaanan ng salot na balang ang palayan ni Mang Kardo.

a. hadlang b. malas c. sumpa d. biyaya_____ 10. Maituturing na may pambihirang katangian si Ana dahil sa busilak nitong puso.

a. kanais-nais b. pangkaraniwan c. kakaiba d. sikat

C. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang._____ 1. Ito ay mula sa salitang Latin na legendus na nangangahulugang “upang mabasa”.

a. Epiko b. Alamat b. Kwentong-Bayan d. Bugtong_____ 2. Ang _______ ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang ginagamit sa pangkulam.

a. Palaisipan b. Alamat c. Bulong d. Kasabihan_____ 3. Ang akdang ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso sa kilos ng isang tao.

a. Kasabihan b. Bugtong c. Palaisipan d. Sawikain_____ 4. Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao.

a. Palaisipan b. Alamat c. Bulong d. Kasabihan_____ 5. Ang akdang ito ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.

a. Palaisipan b. Bugtong c. Kasabihan d. Sawikain

Pangalawang bahagi: PagpapakahuluganPanuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang litik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang._____ 1. Tama ba ang ginawang pag-iwan ng sultana sa sanggol sa bangka na nasa tabing ilog para makaiwas higanteng ibon? Pangatwiran ang sagot.

a. Hindi, dahil kawawa ang sanggol at wala itong kasama.b. Hindi, dahil nagpapakita ito na hindi niya mahal ang kanyang anak.c. Oo, dahil maaaring mamatay ang sanggol kung isasama sa pagtakas.d. Pwedi, sapagkat maraming dala-dala ang sultana.

Score Weight Ave.K 15%P 25%U 30%P 30%Gen. Ave.

Page 4: Unang Buwanag Pagsusulit Ng Unang Markahan

_____ 2. Makatwirang ba ang ginawang pagtrato ni Lila Sari kay Bidasari nang patirahin niya ito sa palasyo?a. Oo, dahil ibinigay nito ang lahat niyang pangangailanganb. Oo, sapagkat may mga bantay siya sa kanyang tirahanc. Hindi, dahil inagaw niya ang kanyang minamahald. Hindi, dahil ikinulong niya ito upang hindi makita ng sultan

_____ 3. Bakit ingit na ingit si Lila Sari kay Bidasari?a. dahil siya ay magandab. dahil marikit si Bidasaric. dahil wala siyang tiwala sa kangyang sarilid. dahil nais siyang palitan ng kanyang asawa

_____ 4. Ano sa palagay mo ang kadalasang nangyayari sa taong maingitin?a. nagpupursigi para mapantayan ang taong kinaiinggitanb. nagtatanim ng sama ng loob sa taong kinaiinggitanc. nawawalan ng pag-asang gumanda ang buhayd. napapahamak dahil sa maling paraan ng plano sa buhay

_____ 5. Paano ipinakita ni Bidasari ang kanyang kababaang loob kahit nakaranas siya ng pagmamalupit mula kay Lila Sari?

a. Hindi siya naghiganti o kaya ay nagtanim ng sama ng loobb. Ipinaubaya ang lahat sa sultan.c. Nagpatuloy sa paggawa ng mabuti.d. Magalang siyang sumagot.

_____ 6. Ano ang dapat gawin sa taong naiinggit sa iyo?a. sabihing mali ang kanyang nararamdamanb. hayaang maunawaan niya ang kangyang maling ginagawac. ipaliwanag sa kanya ang maari nitong kahantungand. tulungang naunawain niya na hindi nakabubuti sa tao ang pagkamainggitin

_____ 7. Paano makahahadlang sa pagtatagumpay ang pagiging mainggitin?a. lalayo ang mga taong nagmamahal sa iyob. maaaring maksakit sa taong kinaiinggitan c. matutukso gumawa ng maling hakbang magtagumpay lamangd. lahat nang kaisipang nabanggit

_____ 8. Ilarawan kung paano inaring tunay na anak si Bidasari ng mga mangangalakal na nakapulot sa kanya.a. Pinag-aral siya sa mataas na paaralan sa kanilang lugar.b. Palagi siyang may bantay tuwing lalabas ng bahay.c. Ibinigay ang lahat niyang pangangailangan.d. Lumaki siyang may takot sa Diyos.

_____9. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga panitikan ng ating rehiyon?a. dahil unti-unti nang nawawala ang ganitong akdab. nagbibigay aral sa buhay ng mga mambabasac. dito masasalamin ang kultura ng bawat rehiyond. mauunawaan ang pinagmulan ng bawat rehiyon

_____ 10. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang ipalaganap ang panitikan ng rehiyon?a. basahin ang mga ito nang taimtimb. unawaing mabuti upang malaman ang aral na nakatago dittoc. bumili ng mga kopya nito at ipamahagi sa mga taod. pag-aralan at buhayin ang kamalayan ng mga kabataan sa tunay na kulturang Pilipino

Pangatlong bahagi: Paglilipat Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Piliin ang pinakamainam na tugon sa bawat sitwasyon._____ 1. Mula sa kwentong”Si Bulan at Si Adlaw”, kung ikaw si Bulan gagawin mo din ba ang desisyon niya?

a. Oo, dahil ayaw kong mamatay ang aking mga anak at matahimik ang aming buhay.b. Oo, upang malaman ni Adlaw ang kanyang pagkakamali.c. Hindi, dapat kong protektahan ang aming mga anak.d. Hindi, pakikiusapan ko si Adlaw na magbago ang isip.

_____ 2. Nagpasyang maghiwalay ang nanay at tatay mo dahil sa madalas nilang pag-aaway. Kanino ka sasama?

a. Sasama ako sa aking paborito.b. Sasama ako kung sino ang kukuha sa akin.c. Hindi ako sasama sa kaniladahil pareho silang masama.d. Susubukan ko silang kausapin at ipakita ang maari pang mangyari sa aming pamilya.

Page 5: Unang Buwanag Pagsusulit Ng Unang Markahan

_____ 3. Si Lila Sari sa pabulang binasa ay mainggitin. Naunawan mo ngayon na katulad siya ng ate mo. Ano ang gagawin mo kung sakaling mainggit siya sa iyo sa mga bago mong kagamitan?

a. pagsasabihan ko siya na mali ang nararamdaman niyab. kakausapin ko siya na hiramin na lamng niya ang aking mga gamitc. pagsasabihan ko siyang tumigil sa siya dahil isusumbong mo siyad. kakausapin ko siya at tutulungang maovercome ang maling pananaw niya

_____ 4. Napansin mong may mga girlfriend at boyfriend na ang mga kaklase mo samantalang ikaw ay wala. Palagi kang naiiwan sa mga lakad nila. Ano ang gagawin mo.

a. Manliligaw na rin ako upang maging “in” sa grupob. Isusumbong ko sila sa aming guroc. Magpapaiwan nalng palagi habang naiinggit sa mga may kasintahand. Susubukan ko silang hikayatin na ituon muna nila ang kanilang sarili sa pag-aaral katulad ko

_____ 5. Isa sa mga kaklase mo ang palaging nakakakuha ng pinakamatas na parangal. Nahamon ka ngayon sa dami nang naipon niyang medalya. Ano ang gagawin mo upang mapasaiyo ang susunod na mataas na parangal?

a. Mag-aaral akong mabuti upang mahasa ang aking karununganb. Tutulungan ko siya para ipakopya sa akin ang kanyang mga proyektoc. Pagsisikapan kong maging paborito ng gurod. Pagsisikapan kong matutunan ang mga aralain at malagpasan ang kanyang mga marka

Page 6: Unang Buwanag Pagsusulit Ng Unang Markahan

Bethany Christian School of Tarlac, Inc.Paniqui, Tarlac

Buwanang Pagsusulit: Unang MarkahanFILIPINO III-Acts

Pangalan: _____________________ Kabuuang marka_______Seksyon: _____________________Tagapagsulit: ______________________ Lagda ng magulang __________________

Unang bahagi: Paunlarin ang wikaPanuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot. Unawaing mabuti kung paano ginamit sa pangungusap ang salitang nakahilig._____ 1. Si Mang Nando ay naglalakad ng mga papeles sa banko.

a. taong nag-aayos ng mga papeles sa bankob. taong nagpapalakad ng papeles sa bangkoc. taong naglalakad papaunta sa bankod. taong nagtuturo ang lakad papunta sa banko

_____ 2. Siya ay mangangaso sa gubat bukas.a. pupunta sa gubat para manghuli ng hayopb. taong nanghuhuli ng hayopc. taong nakatira sa gubatd. kunukuha ng mga hayop sa gubat

_____ 3. Carlo Rosi ang pangalan ng kapatid ko.a. Ipinapakilala si Carlo kay Rosi.b. Ipinakikilala si Rosi kay Carlo.c. Tinawag si Carlo para kay Rosi.d. Carlo Rosi ang pangalan ng kapatid.

_____ 4. Mananawas ng may sakit si Aling Loling sa bayan.a. Si Aling Loling ay pupunta sa bayan para manawas.b. Si Aling Loling ay isang mananawas.c. Si Aling Loling ay magpapatawas.d. Si Aling Loling ay may sakit at nagangailangan ng tawas.

_____ 5. Malaki ang tubo ng tinda ni Edna.a. malaki ang kita ni Edna sa kanyang tindahanb. malaki ang bakal na tubo sa tindahan ni Ednac. nagttitinda ng tubo si Ednad. tumubo ang tindahan ni Edna

Panglawang bahagi: Pagyamanin ang panitikanPanuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot._____ 1. Ang mga sumusunod ay mga katuturan ng maikling kwento maliban sa.

a. anyo ng panitikanb. naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng

pangunahing tauhanc. nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasad. pina-ikling nobela

_____ 2. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng maikling kwento maliban sa.a. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.b. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang ibang mga tauhan.c. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.d. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.

_____ 3. Isang sangkap ng maikling kwento na tumutukoy sa pagkakayos ng mga pangyayaria. paningin b. tagpuan c. tauhan d. banghay

_____ 4. Sangkap ng kwento na tumutukoy sa oras at lugar ng pinangyarihan ng kwento.a. paningin b. tagpuan c. tauhan d. banghay

_____ 5. Uri ng paningin na gumagamit ng unang panauhang “ako”.a. paningin sa unang panahunan c. paningin sa ikalawang panahunanb. paningin sa ikatlong panahunan d. paninging palayon

Page 7: Unang Buwanag Pagsusulit Ng Unang Markahan

_____ 6. Uri ng paningin na ginagamit ang daloy ng kamalayan.a. paningin sa unang panahunan c. paninging panarilib. paningin sa ikatlong panahunan d. paninging palayon

_____ 7. Sangkap parin ng maikling kwento na tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha.a. paningin b. tema c. tauhan d. banghay

_____ 8. Mga salitang nagiiwan ng iba’t ibang pakahulugan sa mambabasa.a. simbolo b. tema c. tauhan d. banghay

_____ 9. Ito ang nagsisilbing kulay ng damdamin kwento.a. simbolo b. tauhan c. suliranin d. himig

_____ 10. Unang bahagi ng kwentoa. simula b. may-akda c. pamagat d. kasukdulan

Pangatlong bahagi: Pagyamanin ang saling atinPanuto: Basahing mabuti ang maikling kwento sa ibaba at saka sagutin ang mga susmusunod na mga tanong.

Ang Magkaibigang Leon at Daga

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. 

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. 

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga. 

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. 

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. 

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. 

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. 

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. 

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga. 

Mga Tanong:

_____ 1. Bakit binalak ni leon na kainin si daga?a. Dahil nagising siya nito c. Dahil napagalit siya ni dagab. Dahil natapakan ni daga si leon d. Dahil kinain ni daga ang pagkain ni leon

_____ 2. Bakit hindi kinain ni leon si daga?a. Dahil nabakas ni leon ang pagmamakaawa ni daga.b. Dahil naisip nil eon na matutulungan siya nito baling araw.c. Dahil nangako si daga na hindi na niya gagambalain sa pagtulog si leon.d. Dahil tunay silang magkaibigan.

_____ 3. Tumanaw ba ng utang na loob si daga kay leon? Paano?a. Binigyan niya ito ng inumin. c. Kinalagan niya ito .mula sa pagkakagapos.b, Kinagat ni daga ang lubid ng lambat. d. Humingi ng tulong si daga sa mga ibang hayop.

_____ 4. Anong katangian ng mga Pilipino ang ipinamalas ni daga?a. marunung humingi ng tawad b. marunung magpakumbabac. marunung tumanaw ng utang na loob d. marunung magtimpi

_____ 5. Piliin ang pinakamainan na aral ng kwento.a. marunung tayong humingi ng tawad b. huwag maglaro sa tabi ng taong natutulogc. humingi ng tulong kung may panganibd, huwag maliitin ang ating kapwa

Page 8: Unang Buwanag Pagsusulit Ng Unang Markahan

Bethany Christian School of Tarlac, Inc.Paniqui, Tarlac

Buwanang Pagsusulit: Unang MarkahanFILIPINO IV-Romans

Pangalan: _____________________ Kabuuang marka________Seksyon: _____________________Proktor: ______________________ Parents’ signature __________________

I – Unang bahagi: Paunlarin ang wika A. Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Piliin ang pinakamalapit na kahulugan ng salitang nakasalungguhit mula sa tekstong “Kung Tuyo Na Ang Luha Mo Aking Bayan”._____ 1. “ganito ring araw nang saklutin ang Maynila”

a. sakupin b. harangin c. angkinin d. takluban_____ 2. “ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayuhang bandila”

a. sakop b. nakapailalim c. pinunit d. tinupi_____ 3. “lumuha ka habang sila’y palalong nagdiriwang”

a. masaya b. nagdadalamhati c. nagyayabang d. natutuwa_____ 4. “iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop na sa iyo’y pampahirap”

a. nakataklob b. nakubkub c. natamo d. nakapasan

_____ 5. “may araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo”a. mauubos b. matutuyo c. masasagad d. matitigang

B. Panuto: Piliin ang titik kung paano binigyang kahulugan ang salita o mga salitang nakahilig._____ 6. Ang bahay ni Mang Kardo ay kubo na yari sa pawid at kawayan.

a. literal b. pagtatambal c. pang-angkop_____ 7. Ang longsilog daw ay pinagsama-samang longganisa, sinangag, at itlog.

a. literal b. pagtatambal c. pang-angkop_____ 8. Ang nakaw-tingin ng binata ay nahuli sa kanyang paminsang-minsang sulyap sa dalaga.

a. literal b. pagtatambal c. pang-angkop_____ 9. Ang Bibliya ay naglalaman ng iba’t ibang mga aklat.

a. literal b. pagtatambal c. pang-angkop_____10. Ang bahaghari ay makukulay na mga guhit sa kalangitan pagkatapos ng ulan.

a. literal b. pagtatambal c. pang-angkop

II – Panglawang bahagi: Pagyamanin ang panitikanPanuto: Unawaing mabuti ang teksto at saka sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. HANGGANG EDSA NA LANG

ni Rafael A. Pulmano

Mula sa probinsya, lumuwas, nag-apply,Pumila, umasa, naghintay, nagdasalNakuha sa tyaga, nadala sa lagaySa wakas! Natuloy mag-abroad si tatay.

At napabilang sya sa napakaramiNa ang tawag "kuno" ay Bagong BayaniBayaning sa airport pa lang ng host country      Suspect na ang turing; ang hinala: guilty.

IMMIGRATION: Baka passport, visa - peke!CUSTOMS: Baka merong shabu sa bagahe!Mabusising tanong, inspeksyong maigiEh kasi, eh kasi - Pilipino kasi!

Tiwala ng mundo'y maramot sa atinKelan tayo tunay na rerespetuhin?

Page 9: Unang Buwanag Pagsusulit Ng Unang Markahan

Sa Edsa lang yata tayo magagaling...Aray ko! Oh Lahing Kayumanggi, Gising! 

Mga tanong:

_____ 1. Anong uri ng panitikan ang tekstong binasa?a. tulang may sukat at tugma b. tulang malaya c. tulang verso d. tanaga

_____ 2. Sino ang persona ng tula?a. Rafael A. Pulmano b. isang ama c. asawang babae d. anak

_____ 3. Kanino nakatuon ang mensahe sa tula?a. sa lahat ng nag-aabroad b. sa bawat pamilya c. sa bawat ama d. sa pamahalaan

_____ 4. Sino daw ang “kono” ay bagong bayani?a. ama b. OFW c. pangulo d. katulong

_____ 5. Ang mga sumusunod ay tamang paraan ng pag-aaply maliban sa ________.a. nagtyaga b. pumila c. nagdasal d. naglagay

_____ 6. Ilan ang saknong ng tula?a. 4 b. 12 c. 16 d. 24

_____ 7. Bakit napaghihinalaan ang mga Pilipino maging sa sarili nitong bayan?a. walang tiwala sa gobyerno c. kulang ang mga papeles sa pag-aaplyb. hindi kasi marunong bumasa d. walang tiwala sa kapwa Pilipino

_____ 8. Makatwiran ba ang sambitlang “Pinoy kasi”?a. tama lang sa mga nanunungkulan c. hindi, dahil may mga matuwid namanb. Oo, dahil totoo naman d. hindi, dapat salungatin ang maling kaisipan

_____ 9. Ano ang tinutukoy na EDSA sa huling saknong ng tula?a. kabayanihan ni Juan c. tagumpay ng mga bayanib. kilos protesta ng bayan d. kabayanihan ni Cory

_____ 10. Ang persona ba sa tula ay may ginagawa ding kamalian laban sa kanyang kapwa?a. wala b. mayroon c. marahil d. hindi malinaw