11
UNANG KABANATA : pagtatagpo ng dalawang puso Si Rodolfo ay mabait, guwapo at palabirong bata , ikatlo sa sampung magkakapatid. Gayundin naman si Melita, pangatlo rin sa siyam na magkakapatid.Gaya rin ni Rodolfo, si Melita rin ay may angking kagandahang asal ngunit siya ay lumaki sa piling ng kaniyang lolo’t lola.Magkapitbahay lamang ang dalawa. Tuwing pagsapit ng umaga,may kanikaniya silang gawain na inilalaan ng kanilang mga magulang.Pinaglalaba si Melita habang pinagiigib naman ng tubig sa balon si Rodolfo sa kanilang bakuran. Nang makarating sa estado ng pagbibinata si Rodolfo, naibigan niya ang kariktan ng dalagang si Melita. Isang araw, nabigla si Rodolfo nang makita niya si Melita na nagkukusot ng damit sa tabi ng balon .Dahil sa angking kagandahan,napagkamalan niya itong diwata.Sa pagkabigla,natapon ang tubig na bitbit ni Rodolfo at napansin ito ng dalaga.Napangiti ang dalawa sa isa’t-isa.Simula nang araw na iyon,nagkaroon ng pagtangi ang dalawang kabataan sa isa’t- isa.Nang lumaon, naging malapit sila na higit pa sa pagkakaibigan

UNANG KABANATA

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: UNANG KABANATA

UNANG KABANATA : pagtatagpo ng dalawang puso

Si Rodolfo ay mabait, guwapo at palabirong bata , ikatlo sa sampung magkakapatid.Gayundin naman si Melita, pangatlo rin sa siyam na magkakapatid.Gaya rin ni Rodolfo, si Melita rin ay may angking kagandahang asal ngunit siya ay lumaki sa piling ng kaniyang lolo’t lola.Magkapitbahay lamang ang dalawa.

Tuwing pagsapit ng umaga,may kanikaniya silang gawain na inilalaan ng kanilang mga magulang.Pinaglalaba si Melita habang pinagiigib naman ng tubig sa balon si Rodolfo sa kanilang bakuran.

Nang makarating sa estado ng pagbibinata si Rodolfo, naibigan niya ang kariktan ng dalagang si Melita.

Isang araw, nabigla si Rodolfo nang makita niya si Melita na nagkukusot ng damit sa tabi ng balon .Dahil sa angking kagandahan,napagkamalan niya itong diwata.Sa pagkabigla,natapon ang tubig na bitbit ni Rodolfo at napansin ito ng dalaga.Napangiti ang dalawa sa isa’t-isa.Simula nang araw na iyon,nagkaroon ng pagtangi ang dalawang kabataan sa isa’t-isa.Nang lumaon, naging malapit sila na higit pa sa pagkakaibigan ang turingan.’Di napigilan ni Rodolfo na maghayag ng kaniyang masidhing damdamin para sa dalagang kaniyang unang inibig.

Niligawan niya ito sa pamamagitan ng madalas na pagbisita sa tahanan ng dalaga, sa pagsuyo muna sa mga magulang nito.Natuwa naman sila sa pakitang gilas ni Rodolfo.

Hindi nagtagal, naging magkasintahan ang dalawa.Labis ang tuwa nila sapagkat buong loob na pumayag ang mga magulang ni Melita.

“Sa wakas naging tayo na.Anong plano mo ?”,tanong ni Melita kay Rodolfo.“ampf, Kung ipakilala kaya kita sa aking magulang?”,sagot ni Rodolfo.“Eh pa’no kung ‘di nila ako matanggap?”tanong muli ni Melita.“Naku hindi iyan.Wag ka nga magisip ng negatibo!”,tugon ni Rodolfo

Page 2: UNANG KABANATA

“Bukas na bukas ‘din magiging malaya tayo.Paghandaan mo ah,magpaganda ka”,tuwang pasiya ni Rodolfo.

Kinabukasan … Dumating ang araw na kinatatakutan ni Rodolfo,dahil batid niyang ‘di matatanggap ng kaniyang magulang si Melita ngunit lakas loob niyang susubukan.

Pagpanik pa lamang sa hagdan,bumungad na sa kanila si Rosita (ina ni Rodolfo;istrikto,masungit). Nagulat ang dalawa.

“Dolfo,sbakit inuwi mo rito iyan?!”,pasigaw na tanong ng kaniyang ina .“aah . . Ma si Melita po, kasintahan ko..”,nanginginig na sagot ni Dolfo.“ANO?!.Hala pumasok ka sa loob at itigil muna ang kahibangan mo.!”,tugon ni Rosita.

“Ikaw,ikaw,Clareng”“Ako po?”,nagtatakang sagot ni Melita.“Oo ikaw!!”,bulyaw ng ina ni Rodolfo.“Melita po o Mely”,pagpapakilala ng dalaga. “Kahit sino pa man ang pangalan mo.Lubayan mo ang anak ko.Pakiusap ko lang sa’yo hindi ikaw ang tipo na nababagay kay Dolfo sapagkat isa ka lamang hamak na basahan na pinulot ng anak ko.!!”,pagtataboy ni Rosita.

Narinig ni Dolfo na nasa likod lamang ng pinto ang mga katagang binitawan ng kaniyang malupit na ina.Naghihinagpis ang kaniyang puso sapagkat tama ang kaniyang sapantaha na taliwas ang kaniyang ina para sa kanilang pagmamahalan.

Nang kinagabihang iyon, nagkrus ang landas nila ni Melita.Sa ilang minuto nilang pagkakasama , napagpasiyahan nila na magtanan.kahit alam nilang mali,itutuloy at itutuloy pa rin nila ito pagkat sa tingin nila’y ito ang tama.

Nang dumating ang takipsilim.Nagsipaghanda na ang dalawa para sa isasagawa nilang pagkakamali,ang magtanan. .

Nang may pagkakataon, sabay nilang nilisan ang kanikanilang tahanan.Napagdesisyunan nilang magtagpo sa Plaza Miranda.

Unang dumatal si Dolfo sa kanilang tagpuan,wala pang ilang minutong nakararaan,dumatal na ang dilag na si Melita.Ngunit, sa pagalis ni Melita,napansin siya ng isa niyang kapatid na si Tessie.Walang pagdadalawang isip na sinabi sa kanilang ina na balak silang lisanin ng isa niyang kapatid.Nagkukumahog na tumakbo si Conchita(nanay ni Mely,Conching).

Hinabol silang dalawa ni Conchita sa kawayanan.Agad nakapagkubli ang magkasintahan sa ilalim ng puno ng kawayan. Dahil madilim na,hindi na sila magkakitaan si Conching lamang ang may dalang lampara upang suyuin ang masukal na kawayanan.

“Mely .. Mely .. anak .. “,tumatangis na pakiusap ni Conchita.Gustong sumagot si Mely sa paulit-ulit sa pakiusap ng kaniyang ina,ngunit pinipigilan siya ni Dolfo dahil ayaw na niyang magkahiwalay pa sila.

Nagbalsa sila tungo sa Las Piñas kung saan may malapit na kamag-anak si Dolfo. Mainit na tinanggap ang dalawa.

“Oh bakit kayo naparito?”. Dolfo: “Tumakas kasi kami,balak naming magtanan..Maari ba kami sumilong muna rito kahit isang gabi lang?”

Page 3: UNANG KABANATA

Esmeralda (pinsang buo ni Dolfo): Oh sige ,pero sana naman’y mapagpasiyahan niyo ring umuwi dahil batid kong labis labis na ang pag-aalala ng inyong mga mahal sa buhay.Mely: Asahan niyo po iyan..Dolfo: Mely!, gusto mo pa bang magkahiwalay pa tayo?.

Walang imik si Mely.Miski isang salita ay walang narinig na sagot si Dolfo,ni hindi rin ito tumago o umiling .

Esmeralda: Oh ,siya ,sige .. Magsipagpahinga na kayo mga pilyong bata.

Nang nasa silid na ang dalawa, agarang tumawag si Esme sa nanay ni Rodolfo.. Narinig ito ng dalawa . Ayaw na muli nilang maghiwalay pa , kaya , binulungan ni Dolfo si Mely na kunwari ay may nangyari na sa kanila noong gabing tumakas sila mula sa kandungan ng kanilang magulang.Umoo naman si Mely dahil hindi na rin niya nais na magbitaw ang kanilang kamay para sa iisang hangarin..

Pagsikat pa lang nang araw , nagising ang magirog sa ingay ng pagtatalo at pagsisisihan ng dalawang nangulilang ina. . Sinipat agad ng magulang ni Dolfo ang kamay ng kaniyang mestisong anak, samantalang inakap naman si Mely ng kaniyang butihing ina.Bago umalis,nagsenyasan ang dalawa na para bang nangusap mata.Alam na nila iyon.

Pag-uwi sa bahay.Pinagtapat ni Mely ang kasinungalingang isinulsol ni Dolfo,paraang upang sila ay mapagbigkis na .Pigil ang galit ni Conchita sa nalaman .

Sumugod ang mag-ina sa bahay nina Dolfo.“Dolfo .. Dolfo .!!”,tawag ng nanggagalaiting ina.“Aba bakit ba.?”,tugon ni Rosita matapos buksan ang pinto.“Walang konsiyensya ‘yang anak mo.Pinagsamantalahan ang anak ko nang gabing

tinangka nilang tumakas.”,paliwanag ni Conching.“Dolf-oo-oo .!!”,talak ni Rosita.

“Napakawalang modo mo . Totoo bang may nangyari na sa inyo ng babaeng ito.?”.Bago sumagot si Dolfo ng oo.Tumingin muna siya sa mata ng dalaga.. Sabay sabi

nang “Opo”.Sinampal ni Rosita ang anak, ngunit nanatili pa rin itong nakatindig. Napaluha si

Mely sa nasaksihan.

Kinahapunan…Pinagusapan nang dalawang pamilya ang tungkol sa kasal. Kahit labag sa puso ng

magkaibang kampo, wala na sila pang magagawa dahil nangyari na ang matagal na nilang kinatatakutan.

Napagkasunduan nila sa kanilang talakayan na pagiisahing dibdib ang dalawang menor de edad sa ika-7 ng enero,taong 1968.

Dumatal ang araw na kanilang kinasasabikan.Ang araw ng kanilang kasal.Parehong kinakabahan ang dalawa na humarap sa altar sapagkat alam nilang may pagkakasala sila sa Panginoon.

Page 4: UNANG KABANATA

………

Natapos na rin sa wakas ang seremonya.Nagbunyi ang lahat para sa bagong kasal na siyang ikinatuwa ng mag-asawa.

ikalawang KABANATA : Pagkakaroon ng bagong pamilya

Makalipas ang siyam na buwan , biniyayaan na ang magkatuwang ngayon ng isang supling na nagngangalang Arnel. .

Ngunit bago pa isilang si Arnel , katakot-takot na paghihirap ang dinanas ni Mely sa kamay ng kaniyang biyenan. Batid niyang ‘di siya lubusang tanggap nito.Kahit gusto niyang matulog o magpahinga ‘di niya magawa sapagkat namimiyenan lamang siya , kahit buntis , nagkukusa siyang maglaba o gumawa ng anumang gawaing bahay.

Hindi lang ang kaniyang biyenan ang may problema , pati na rin ang kaniyang bilas na mahilig pumapel kay Rosita. Tahimik na tao lamang si Mely kaya ‘di niya makuhang ipagtanggol ang sarili mula kay Liwanag ( bilas ni Mely ).

……….

Simula nang isinilang si Arnel , nagbago ang pananaw at pakikitungo nito kay Mely.Napagtanto niyang mabait , masipag at mapagmahal ang dati niyan inaalipusta .

Lumipas ang maraming taon .. Biniyayaan pa muli ang mag-asawang Dolfo at Mely nang tatlo pang supling . ang

sumunod kay Arnel ay isa pang lalaki at ang dalawa pa’y mga babae . Lumaki silang may disiplina at may pagmamahalan sa isa’t-isa . Napagkakatiwalaan , nauutusan at sa murang edad pa lamang ay negosyo agad ang nasa isip ; tumutulong sa tindahan , sa palengke atbp.

Nang lumaon , nabigyan ng opurtinidad si Dolfo na mangibang bansa upang doon ay magtrabaho . Mga labingisa taon ring namalagi doon si Dolfo o mas kilala na sa tawag na Idoy . Makailang beses na rin siyang pabalikbalik sa Saudi at sa iba pang bansa mabigyan man lang ng masaganang buhay ang kaniyang pamilya.

Sa kaniyang pagbalik mula sa ibang bayan , nagsimula nang magbago ang takbo ng kanilang buhay . Nahibo siya ng kaniyang kapatid na mambabae at tinuruan siyang magpakasasa sa buhay , kung saan nawalan siya ng pakialam sa pamilya niya.

Si Gina ang naging babae ni Dolfo sa loob ng dalawang taon . Naaksidente niya itong nabuntis at nang isilang ito , kasingidaran ito ng pangatlo sa magkakapatid .

Nang mabalitaan ito ni Mely, hindi siya agad naniwala sapagkat batid niyang kasinungalingan lamang ang turan ni Liwanag.

Para mapatunayan sinama ni Liwanag si Mely sa Plaza Miranda na siyang paboritong tagpuan ni Dolfo para sa lahat ng kaniyang nombramyento.Nasaksihan ni Mely si Dolfo na may kasamang babae , nangkinonpronta ito ni Mely, labis ang ngiti ni Liwanag

Page 5: UNANG KABANATA

sapagkat ang masira ang relasyon ng dalawa ang pangunahing nais niyang makamit.Pakilala ni Dolfo na isa lamang itong kaibigan .

Nang umuwi si Mely , nakita siya ng kaniyang pinsan na umiiyak.Tinanong siya nito at kinuwento ang nangyari .Duda pa rin si Mely na hindi lamang kaibigan ang babaeng ito.. Nagsisisigaw ang pinsan ni Mely sa tapat ng kanilang bahay at may hawak na baril.Hinahanap si Dolfo upang paslangin.Agad nakarating ang balitang ito na tatambangan siya kapag umuwi sa sandaling umuwi siya.Kaya, napagpasiyahan niya na mamalagi muna sa isang kubo sa sakahan kasama ang kabit.

Kinabukasan.. Imbis na si Dolfo ang paglamayan, ang pinsan ni Mely ang pinagsasaklaan dahil

binaril siya at sinaksak sa tagiliran.Marahil ay maraming naiinis at nakursinadahan lamang.Nang hapong iyon , umuwi nang panatag si Dolfo.Nagtalo sila ni Mely ukol sa

kanyang kalaguyo at di umano’y napabalitang anak.Simula sa araw na iyon, noon din nila nabatid kung bakit ang mga negosyo’t pagaari

nila ay untiunting nalagas : mga Bangka , litsunan , tindahan pati na rin ang kanilang bahay.Noong taong ding iyon , nagkaroon ng demolisyon sa Lungos 2-kanilang barangay..Dahil sa pagkamuhi ni Mely kay Dolfo,matapos magiba nag kanilang bahay lumipat

sila sa Maliksi 3 . . Kahit na may kaunting pagkadismaya ang mga anak niya , nagawa pa rin nila itong patawarin .

Sa matagal na panahon, nagtiis manirahan si Dolfo sa Noveleta ,at doon niya muli nakilala ang pangalawang nagsilbing pangalawang asawa . Si Sally o mas kilala sa tawag na Kirat ng mga anak ni Dolfo.

Naging masagana ang buhay nila doon . Nagkaroon ng dalawang apartment, malaking tindahan,tricycle at oner.

Ni minsan ‘di sinubukang bisitahin ni Mely sa Noveleta si Dolfo at bago nitong kinakasama.Ilan taon pa ang nagdaan, wala pa’ring komunikasyon o pansinan ang nagaganap kahit na bumibisita si Dolfo paminsanminsan sa bahay ni Melita upang masilayan ang mga anak . Ni hani ho, di pa’rin kumikibo si Mely kay Dolfo , parang wala lang . Balewala na ang kanilang pagmamahalan .Sinira kasi ni Dolfo ang sanang matatag na pagiibigan .

Dumating ang araw ng kaputian ng buhok ..

Makaraan ang ilang taon , nabiyayaan na sina Mely at Dolfo ng siyam na mababait ngunit pilyong mga apo. .

Nang magaway ang bagong kinakasama at si Dolfo , nagkaroon ng bagong pag-asa ang mga anak na muling magkakabalikan ang kanilang mga magulang . Pilit nilang sinusulsulan nila ito na iwanan na ang babaeng pabigat .Tuany ngang walang makakapantay sa pagmamahal ng tunay na asawa . Kahit abihin mong nilubayan ka na nito , ‘di pa rin maalis na mayroon pa’rin itong malasakit at kahit kaunting pagmamahal , malayo ka man o kahit ‘di ka niya nakikita.

Page 6: UNANG KABANATA

Nang magkasakit si Dolfo , ‘di mawalay ang pag-aalala ni Mely sa kaniya pero ang kabit na si Sally , dalangin pa ata’y mamayapa na ang kaniyang kinakasama upang sa gano’n , mapasakaniya na ang lahat ng ari-arian ni Dolfo.

Dumating ang ika-57 kaarawan ni Dolfo , ngunit sa lahat ng kaarawan niya ito lamang ang naiba , sapagkat may matinding alitan muli sila ni Kirat . Namamalagi muna siya sa paupahan niyang bahay .

Tradisyon na sa pamilya na magsama sila sa tuwing may kaarawan . Kung sa lahat ng nakalipas , na si Sally ang naghahanda’t nagluluto para kay Dolfo upang may mukhang maiharap sa mga anka niya , naiba muli ang senaryo , sapagkat naatasan naman na maghanda si Mely ng hindi labag sa kalooban .Kahit hindi dumalo si Mely sa handaan ng kaniyang asawa , nadama ulit sa wakas ang matagal na pagmamahal ni Mely at masarap na luto nito.

“Wala talagang kaparis ang sarap ng luto ng Mame niyo no?.Ilang dekada ko na ito hinahanaphanap.”,ngiting salaysay ni Dolfo.

“Doy , magbalikan na kasi kayo.”,pakiusap ng ikatlo.“Malabong mangyari yaon.”,tudon ni Dolfo.

Nagpatuloy ang kasayahan ..

Nang sumapit naman ang kaarawan ni Mely , nabigla siya sa kaniyang bisita , si Dolfo . Pasimpleng nag-ayos ang matanda .Lingid sa kaniyang kaalaman , nakita siya ng isa niyang apo .Hanggang sa tinukso na ang dalawa.Nakangiting tumatanggi si Mely sa mga apo.Tawa ng tawa ang lahat .

Umabot ang kasiyahan at katuwaan ng maghahatinggabi. Napagpasiyahan ng pamilya na doon na matulog si Dolfo, ang minsan niyang kinamuhian .

Ang dating miserableng buhay ni Mely , ay napalitan ng tamis.Mula ng gabing iyon , kahit walang okasyon , madalas ng bumibisita si Dolfo na may

dalang pasalubong .Natuto na rin ang dalawa na mag-usap ng ‘di nagkakahiyaan .Labis labis ang tuwa ng

lahat .’Di rin magkamayaw ang panalangin ng mga apo niya na sila’y muling magkabalikan.Hanggang ngayon , patuloy pa rin silang nangangapa kung matutupad ba ang mga

dalangin ng kanilang mga mapang-asar na apo .

Tama ba ang desisyon nilang magtanan ?Muli kaya silang magkakabalikan?Matatanggap kaya nila ang isa’t-isa kahit matanda na?Totoo kaya ang kasabihang makakagawa ng matuwid ang mga pagkakamali?

Nawa’y mabalik ang dating pagtitinginan. . Nina Mely at Dolfo ..

ITUTULOY -akma sa totoong buhay

Page 7: UNANG KABANATA
Page 8: UNANG KABANATA

MARK ANJELO J. BALDERAMA

3YA