22
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon

Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

  • Upload
    others

  • View
    41

  • Download
    5

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

Edukasyon sa

Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 1.1 (Week1)

Ang Pamilya Bilang Natural na

Institusyon

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 2: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1.1 (Week 1): Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa

anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg.,Sudlon, Lahug, Cebu City Telefax : (032) 255-6405 Email Address : [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Babyline N. Hernaez

Editor : Jane O. Gurrea

Tagasuri : Hipolito Q. Pegarido

(Moderator): Nova C. Pardillo

Tagaguhit : Babyline N. Hernaez

Management Team

Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico - Dr. Ester A. Futalan - Dr. Leah B. Apao Chief, CID - Dr. Mary Ann P. Flores EPS in LRMS - Mr. Isaiash T. Wagas EPS in EsP - Mrs. Jane O. Gurrea

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 3: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

i

8

Edukasyon sa

Pagpapakatao

Unang Markahan – Modyul 1:1(Week 1)

Ang Pamilya Bilang Natural na

Institusyon

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 4: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa

Pagpapakatao 8 Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling

Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng

mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang

gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng

mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang

kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong

hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral

sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang

kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral

upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-

alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita

ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman

ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding

subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang

pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa

iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa

ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng

Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa (Ang Pamilya Bilang

Natural na Institusyon) !

Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang

magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 5: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

iii

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral

habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka

ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong

maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang

mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong

laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan

tulad ng isang kuwento, awitin, tula,

pambukas na suliranin, gawain o isang

sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang

bagong konsepto at mga kasanayan.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 6: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

iv

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawain para sa

mapatnubay at malayang pagsasanay

upang mapagtibay ang iyong pang-

unawa at mga kasanayan sa paksa.

Maaari mong iwasto ang mga sagot mo

sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng

modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap

o talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing

makatutulong sa iyo upang maisalin ang

bagong kaalaman o kasanayan sa tunay

na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa

o masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 7: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

1

Aralin

Ang Pamilya Bilang Natural na

Institusyon

1

Alamin

Sa ating mundo ipinanganak tayo na walang kamuwang-muwang ngunit

may mga taong handa tayong mahalin, alagaan at ibigay ang lahat kung anong

meron sila, handang magsakripisko upang tayo’y lumaki ng maayos at may takot

sa Dios. Ipinapakita nila kung gaano sila kasaya noong dumating tayo sa buhay nila

at ipinapadama nila kung ano ang kahulugan ng pag-ibig at pamilya.

Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapulutan ng

aral o nagkaroon ng positibong impluwensya sa iyong sarili.

Suriin mo rin kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas

malaking mundo ang pakikipagkapwa

Sa anumang oras ng pangangailangan, anumang hidwaan at hindi

pagkakaunawaan mayroon tayo, sa huli’t-huli ang pamilya pa rin ang ating

natatanging kanlungan sa buhay.

Tayo bilang isa sa mga bansang nabibilang sa Asya ay may kaugalian at kulturang

kinagisnan na may malapit na ugnayan sa bawat miyembro ng ating mga pamilya.

Hindi bago sa atin na nakakakita tayo ng mga uri ng pamilya sa ating lugar na kung

saan ay halos lahat hanggang sa mga lolo, lola at mga tiyahin at iba pang kasapi ng

pamilya ay kasama sa loob ng isang maliit na tahanan.

1

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 8: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

2

Hindi natin iniinda kahit na maliit ang tirahan at nagsisiksikan, ang mahalaga ay buo

at masaya ang pamilya. Ganyan ang buhay pamilya nating mga Pilipino.

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na

kapupulutan ng aral o may positibong impluwensya sa sarili.

EsP8PBIa-1.1

2. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan at

pananampalataya sa isang pamilyang nakasama, naobserbahan o

napanood. EsP8PBIa-1.2

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan at

maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kasanayan at

pagpapahalaga:

A. nakasusuri ng mabuti ang mga gawain o tungkulin sa pamilya na kapupulutan

ng aral

B. nakagagawa ng matalinong paglalarawan na may kinalaman sa kanilang

pamilya

C. naipamamalas ang mga wastong gawaing naiaambag ng mga kasapi ng

sariling pamilya

2

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 9: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

3

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakaangkop na

sagot.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga

institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng

lipunan?

a. paaralan b. pamilya c. pamahalaan d. Barangay

2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na

pahayag ang dahilan?

a.Ang bawat pamilya ay kasapi ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.

b.Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.

c.Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong

nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.

d.Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga

sa kapuwa.

3 .Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay ( law of

free giving). Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?

a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng

kaniyang pamilya.

b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng

panahon sila naman ang maghahanapbuhay sa pamilya.

c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng

karagdagang baon sa eskuwela.

d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung

kaya’t inaaruga nila nang mabuti ang kanilang mga anak.

4. Kung walang pagmamahal ang pamilya ay hindi matatawag na .

a. pamayanan ng mga tao

b. pamayanan ng may kapangyarihan

c. pamayanan ng lahat

d. pamayanan ng mga masipag at mabait

5. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng .

a. pagmamahal b. pagtutulongan c. pagbibigayan d. pag-uunawaan

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 10: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

4

6. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa mga

sumusunod na pahayag ang hindi nagpapatunay nito?

a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa

tao.

b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak gayundin ang

magiging pakikitungo nito sa iba.

c.Sa pamilya unang natututunan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo

sa kapwa.

d.Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na

gagabay sa mga bata.

7. Alin sa mga sumusunod ang una at pinikapangunahing pamantayan sa paghubog

ng isang maayos na pamilya?

a. Pinagsama ng kasal ang magulang

b. Pagkakaroon ng mga anak

c. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan

d. mga patakaran sa pamilya

8. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit

sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng

pamilyang ito na dapat mong tularan?

a.Buo at matatag

b. May disiplina ang bawat isa

c.Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos

d.Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman

9. Bilang isang tao saan sa mga sumusunod ang may pinakamalaking impluwensiya

sa katangian mo ngayon?

a. Mga barkada b Mga guro c Pamilya d.Paaralan

10. Batay sa iyong sariling karanasan, kailan mo masasabi na ang isang anak ay

malapit sa Diyos at may takot sa paggawa ng kasamaan?

a. Kung ang pamilya ay pinapaniwala na pinaparusahan ng Diyos ang

taong gumawa ng kasamaan.

b. Kung ang pamilya ay laging nagsisimba

c. Kung ang mga anak ay tinuturuan ng magulang ng mabuting asal at

pananampalataya sa maykapal.

d. Kung ang mga magulang ay nagdidisiplina.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 11: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

5

Balikan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap na angkop sa mga

gawain o tungkulin na dapat gampanan sa mga kasapi ng pamilya. Isulat

ang tsek (/) o ekis (X) sa patlang.

1. Haligi at sandalan ng pamilya.

2. Haligi at sandalan ng inuman at barkada.

3. Ilaw ng tahanan at ilaw ng party.

4. Inaasikaso ang gawaing bahay.

5. Gumagabay at nagtuturo ng magandang asal sa mga anak.

6. Naglalaan ng oras para sa pamilya

7. Nakikinig at sumusunod sa magulang.

8.Nag-aaral ng mabuti.

9.Nagpaplano para sa ikakaunlad ng pamilya.

10. Nagbibilang ng mga nagawa sa gawaing bahay.

Mga Tala para sa Guro

Basahin at ipaunawa ng mabuti ang mga panuto sa bawat

hakbang at gawain. Ipaalala sa mag-aaral na gumamit ng

hiwalay na papel sa pagsulat ng kanilang mga sagot sa mga

Gawain.Lahat ng sagutang papel at mga proyektong nagawa at

ipapasa sa guro upang mabigyan ng nararapat na marka.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 12: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

6

Tuklasin

Bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging ginagampanan. Madalas nga

lamang ay hindi na nabibigyang-pansin sa isang pamilya ang kontribusyon ng

bawat isa, maliit man ito o malaki. Sa pagkakataong ito ay maglalaan ka ng

panahon upang isa-isahin ang mga naiiambag ng mga kasapi ng iyong sariling

pamilya para sa iyong sarili, para sa mga kapwa kasapi ng pamilya, para sa buong

pamilya at maging para sa pamayanan.

Panuto: 1. Gumuhit ng isang bahay na nagpapakita ng mahahalagang bahagi nito.

2. Gamitin ang istruktura ng bahay o maging ang ilang kagamitan na naririto

upang ilarawan mo ang bawat kasapi ng iyong pamilya at ang

mahahalagang kontribusyon nila sa iyo sa iba pang kasapi ng pamilya, o sa

buong pamilya.

HALIMBAWA:

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 13: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

7

Suriin

Ang isang Pilipino

ay bahagi ng kanyang

pamilya. Kahit siya ay doktor,

manunulat, siyentipiko, o

ano pa man, nananatili

siyang ama o anak,

pamangkin o apo, sa loob

ng kanyang pamilya. Dito ay

iba ang kanyang

katungkulan at ang

pagkakakilala sa kanya. Sa

lahat ng oras ay pangunahin

sa kanya ang kanyang

tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya.

Ang pinakaubod ng pamilyang Pilipino ay ang ama, ina at mga anak. Ang

ama ang pinakapuno ng pamilya. Siya ang nasusunod at nagpapasya para sa

pamilya. Sa kabilang dako ay tungkulin niyang pakainin, bigyan ng matitirhan at

papag- aralin ang mga miyembro ng kanyang pamilya. Kaya siya ang

nagtatrabaho at kumikita ng pera. Ang ina naman ang bahala sa bahay at sa pag-

aalaga ng mga bata. Siya ang humahawak ng pera ng pamilya at pinagkakasya

ito sa pangangailangan ng pamilya. Ang mga anak naman ay may responsibilidad

rin. Sagutin nila ang mahusay na pag-aaral at ang pagtulong sa bahay.

Kasama rin sa pag-aalala ng pamilya ang lolo at lola, ang mga kapatid ng

ama at ina, lalo na’t ang mga ito’y nakababata. Kadalasa’y sama-sama sa isang

bahay ang lolo at lola, ang ama at ina, at ang mga anak. Kung minsa’y kapisan din

ang wala pang asawang kapatid ng ama o ina. Kapag ganitong kumpleto ang

pamilya’y tatlong salin-lahi ang nakatira sa iisang bahay. Tulung-tulong sila sa mga

gawain at sa paghahanap-buhay.

Mahalagang

Bahagi Ng Bahay

Kasapi ng Pamilya

Mahahalagang Kontribusyon

haligi ama Nagtatrabaho para sa pamilya.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 14: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

8

Ano nga ba ang pamilya?

Ayon kay Pierangelo Alejo (2004),ang pamilya ang pangunahing institusyon sa

lipunan na nabuo sa pamamagitan ng pagpapakasal ng isang klalaki at babae

dahil sa kanilang walang pag-iimbot, puro at romantikong pagmamahal kapuwa

nangakong magsasama hanggangn sa wakas ng kanilang buhay.

BAKIT ITINUTURING NA NATURAL NA INSTITUSYON ANG PAMILYA?

• Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao ( community of persons ) na kung

saan ang maayos na paraan ng pamumuhay ay nakabatay sa ugnayan.

• Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng

nagpasiyang magpakasal at magsama ng habambuhay.

• Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang

pundasyon ng lipunan at patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin

nitong magbigay-buhay.

• Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal.

• Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa

panlipunang buhay (the first and irreplaceable school of social life).

Ang bawat isang sanggol na ipinanganganak sa mundo sa bawat

segundo ay nagmumula sa isang pamilya.

Sa pamilya binibigyang – halaga ang kasapi dahil sa pagiging tao niya

hindi dahil sa kanyang kontribusyon o magagawa sa pamilya.

Ang pamilya ang pinakaepektibong paraan upang gawing makatao at

mapagmahal ang lipunan. May orihinal na kontribusyon ito sa pagtatayo ng

mundo sa pamamagitan ng pangangalaga at pagtuturo ng mga

pagpapahalaga.

Ang pamilya ay mayroong misyon na bantayan, ipakita at ipadama ang

pagmamahal. Ito ay itinatag bilang isang malapit na komunidad ng buhay at

pagmamahal.

Nilikha ng Diyos ang tao bunga ng kaniyang pagmamahal at tinawag

siya upang magmahal, kaya’t likas ang pagmahal sa tao. Ang isang lalaki at

babae na nagpasiyang magpakasal at magsama habambuhay ay

tumutugon sa tawag ng Diyos na magmahal.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 15: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

9

Hindi nilikha ang pamilya para sa kapakanan ng mga miyembro lamang.

Mayroon itong tungkulin sa liunan kung saan ito ay isang mahalagang bahagi.

• May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya.

• Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng edukasyon,

paggabay sa mabuting pagpapasiya at paghubog ng

pananampalataya.

Pagyamanin

A. Isulat ang salitang TAMA kung ito ay nagpapakita ng wastong pahayag,

MALI naman kung hindi. Isulat ang sagot sa papel.

1. Ang pamilya ay mayroong misyon na dapat bantayan, ipakita, at ipadama

ang pagmamahal.

2. Nilikha ng Diyos ang tao bunga ng kaniyang pagmamahal at tinawag siya

upang magmahal.

3. Ang bawat isang sanggol na ipinanganganak sa mundo sa bawat Segundo

ay hinde nagmumula sa isang pamilya.

4. Sa pamilya, binibigyan –halaga ang kasapi dahil pa pagiging tao nya, sa

kaniyang kontribusyon o magagawa sa pamilya.

5. Ang pamilya ang pinakaepektibong paraan upang gawing makatao at

mapagmahal ang lipunan.

B. Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na kapulutan ng aral o

may malaking epekto/ impluwensiya sa iyong sariling pagkatao.

Halimbawa:

Sa bahay, ako ang inaatasan na tagaluto ng aming pagkain pero minsan hindi ko

nagampanan dahilan na napagalitan at napalo ako.

1.

2

3.

4

5

Bukod sa pagkakaroon ng anak my pananagutan ang mga magulang na

gabayan ang mga anak upang lumaki at umunlad ito sa mga

pagpapahalaga at maisabuhay ang misyon ng Diyos para sa kanya.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 16: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

10

Isaisip

Panuto: Isa-isahin mo ang iyong mga karanasan sa pamilya na iyong nakapulutan

ng aral o nagkaroon ng positibong impluwensya sa iyong sarili. Piliin at

isulat sa patlang ang titik sa bawat larawan na angkop sa pangungusap.

A B C D E

1.Mula pagkabata alam ko kung gaano kasarap kasama ang pamilya sa

paglalaro.

2.Ang aking pamilya ay nagtutulungan sa mga gawaing bahay.

3.Ang aking pamilya ay palaging nagkakasama kumakain sa hapag- kainan.

4.Sa bawat pagkakataon ang aking pamilya ay nagkakasama sa

pagdadarasal.

5.Ang aking pamilya ay palaging namamasyal buo at masaya.

6. Tinuturuan ako ng aking mga magulang na magpasalamat sa kahit anong

biyaya mula sa Diyos.

7. Kami ay pumupunta sa iba’t ibang lugar kapag walang trabaho ang aking

mga magulang.

8. Kami ay naglalaro sa bahay dahil bawal lumalabas ang mga bata ngayon

may pandemia.

9. Marami kaming natutunan mga gawaing bahay ngayon may pandemia.

10. Palaging nagluluto ng mga masasarap na pagkain si Nanay ngayon may

pandemia.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 17: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

11

Isagawa

Panuto: Gamitin ang pagkamalikhain sa paglalarawan ng iyong pamilya.

Pumili ng isa na maaaring gawin ng mga sumusunod.

Gumuhit o di kaya ay

gumupit ng mga larawan na

maaaring magamit sa

paglalarawan.

Pumili ng isang awit na

tutugma sa sariling

paglalarawan.

Sumulat ng tula.

d.Lumikha ng isang slide show.

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 18: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

12

Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama ang ipinahahayag sa pangungusap at M

kung mali.

1. Ang tahanan ang huli at pinakamahalagang paaralan.

2. Ang pangunahing layunin ng pag-aasawa ay pagkakaroon ng anak.

3. Tunay na malaki ang bahagi ng magulang sa paghubog ng pag-uugali

at pananaw ng kanilang mga anak.

4. Mahalaga ang pag-ibig sa buhay ng tao.

5. Malayang ibinibigay ng ama ang kanyang kakayahan sa

paghahanapbuhay upang matustusan niya ang pangangailangan sa

kanyang mga anak.

6. Malayang ibinibigay ng ina ang hindi pag-aasikaso sa kanyang asawa at

pag-aaruga sa mga anak.

7. Malayang ibinibigay ng mga anak ang hindi pagsunod at paggalang sa

kanilang mga magulang.

8.Ang uri ng samahan at pakikitungo sa bawat isa sa pamilya ay

pagsasanay ng kanilang pakikitungo sa ibang tao.

9. Ang edukasyon ang magbibigay-daan sa mga anak na magkaroon ng

mayamang isip, maging sandal laban sa kamangmangan at maging

bahagi ng isang lipunang bubuo ng mga mamamayang may

sarilingpaninindigan.

10. Sa pamilya unang natutuhan ang pakikipagkapwa

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 19: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

13

Karagdagang Gawain

Sagutin:

Paano ko maipakita ang pagmamahal, pagtututlungan at

pananampalataya sa aking pamilya sa pagharap sa mga hamon sa

buhay lalo na sa ating kinaharap ng “Pandemic crisis” o “ COVID 19”

ngayon?

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 20: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

14

Susi sa Pagwawasto

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 21: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

15

Sanggunian

*Pinoy Collection.com //tungkol sa pamilya

*https://www.google.com/search?q=mga+larawan+ng+pamilya&rlz=1C1CHBF

* http://digitalwriting101.net/content/how-to-use-windows-moviemaker-to-

compose-a-photo-essay/.

*Book of Edukasyon sa pagpapakatao . modyul para sa mga mag-aaral .

Ikawalong baitang. Unang edisyon 2013

User
Version 2.0
User
DMWMark
Page 22: Unang Markahan Modyul 1.1 (Week1) Ang Pamilya Bilang

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg.,Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405

Email Address: [email protected]

User
Version 2.0
User
DMWMark