32
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan: Disaster Preparedness 10

Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

  • Upload
    others

  • View
    242

  • Download
    40

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6:

Ikalawang Yugto ng Disaster Risk

Reduction and Management Plan:

Disaster Preparedness

10

Page 2: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

ii

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk Reduction and

Management Plan: Disaster Preparedness

Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, Ph, CESO V

Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Armie V. Cruz

Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD

Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison

Tagaguhit: Vincent D. Robles

Tagalapat: Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

iii

10

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 6:

Ikalawang Yugto ng Disaster Risk

Reduction and Management Plan:

Disaster Preparedness

Page 4: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ikalawang Yugto ng Disaster Risk

Reduction and Management Plan: Disaster Preparedness.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul ukol sa Ikalawang Yugtong Disaster Risk Reduction and

Management Plan: Disaster Preparedness.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

v

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

vi

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay

upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 10.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

Leksyion 1- Konteksto at Kahulugan ng Disaster Preparedness

Leksyon 2- Mahahalagang Layunin ng Disaster Preparedness

Leksyon 3- Mga Paghahanda sa Pagharap sa Kalamidad at Sakuna

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy mo ang mga hakbang na dapat gawin, bago at sa panahon ng

pagtama ng sakuna o kalamidad;

2. nasusuri kung paano mababawasan o maiiwasan ang maaring idulot ng

pinsala ng sakuna o kalamidad; at

3. natutukoy mo ang kahalagahan ng pagiging handa sa mga sakuna o

kalamidad na maaaring maranasan ng tao.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

2

Subukin

Panuto: Piliin ang angkop na sagot sa mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot

sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago, at sa panahon ng

pagtama ng sakuna o kalamidad.

A. Disaster Response

B. Disaster Prevention and Mitigation

C. Disaster Preparedness

D. Disaster Rehabilitation and Recovery

2. Ito ay ang pinakamahalagang layunin ng Ikalawang Yugto ng Disaster Risk

Reduction and Management Plan.

A. Mabawasan o maiwasan ang pinsalang dulot ng kalamidad.

B. Mataya ang lawak ng pinsala ng hazard.

C. Maisaayos o maibalik ang dulot ng pinsala ng kalamidad.

D. Mataya ang mga hazard at kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa mga

kalamidad at sakuna.

3. Ang higit na dapat mabigyan ng paalala o babala sa pagtama ng sakuna o

kalamidad.

A. pamahalaan

B. mamamayan

C. NGO

D. pribadong sektor

4. Layunin nito na magbigay kaalaman sa mga hakbang na dapat gawin sa oras ng

sakuna, kalamidad at hazard.

A. to inform

B. to instruct

C. to advice

D. to announce

5. Mahalagang malaman ng mamamayan ang mga dapat gawin sa panahon ng

sakuna o kalamidad kung kaya’t ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga

gawain tungkol sa proteksiyon, paghahanda at pag-iwas sa iba’t ibang uri ng

sakuna at hazard ay gampanin ng Ikalawang Yugto ng DRRM Plan o ng Disaster

Preparedness. Saang layunin ito nabibilang?

A. to advise

B. to announce

C. to inform

D. to instruct

Page 9: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

3

6. Ang sumusunod ay mga paraan ng pagbibigay paalala o babala sa mamamayan

sa panahon ng sakuna o disaster maliban sa:

A. patalastas sa telebisyon at radyo

B. pagdidikit ng poster

C. pagpapakalat ng fake news

D. barangay assembly

7. Anong ahensya ng pamahalaan ang nagbibigay ng abiso at hakbangin upang

mapaghandaan ng mamamayan ang maaaring maging epekto ng mga hazard,

kalamidad at sakuna?

A. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services

Administration (PAGASA)

B. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

C. Department of Transportation and Communication (DOTC)

D. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS)

8. Ang ahensyang ito ay may layunin na paliitin ang bahagdan ng epekto ng

sakunang dulot ng pagputok ng bulkan, lindol, tsunami, at iba pang

heotektonikong phenomenon.

A. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)

B. Department of Transportation and Communication (DOTC)

C. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS)

D. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services

Administration (PAGASA)

9. Layunin na magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na

dapat puntahan, mga opisyal ng pamahalaan na dapat hingan ng tulong sa oras

ng sakuna, kalamidad at hazard.

A. to instruct

B. to announce

C. to inform

D. to advice

10. Ang sumusunod ay mga mahahalagang dapat gawin sa panahon ng pagtama ng

lindol maliban sa:

A. Huwag mag-panic.

B. Manatili sa lugar na malapit sa dagat.

C. Gawin ang drop, cover, hold.

D. Magtungo sa ligtas na lugar.

11. Kapag itinaas ng PAGASA ang ______________ inaasahan ang pagkilos at

pagtugon ng mamamayan sa paghahanda at paglikas dulot ng matinding

pagbaha.

A. Orange rainfall advisory

B. Red rainfall advisory

C. Green rainfall advisory

D. Yellow rainfall advisory

Page 10: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

4

12. Ang palagiang paghahanda ng emergency kit at pagbuo ng isang planong

pangkomunikasyon ng inyong pamilya ay mahalagang gawin ____________.

A. bago ang kalamidad

B. pagkatapos ng kalamidad

C. habang nagaganap ang sakuna at kalamidad

D. wala sa mga nabanggit

13. Ang aftershocks at pagbabadya ng tsunami ay posible o maaaring maganap

pagkatapos ng pagtama ng _______________.

A. bagyo

B. lindol

C. landslide

D. pagbaha

14. Ito’y inilalabas para bigyan ang publiko ng babala sa pagdating ng masamang

panahon, lalo na tungkol sa lakas o signal ng bagyo.

A. Rainfall Warning

B. Public Storm Warning Signal

C. Thunderstorm Warning

D. Emergency Warning

15. Bakit mahalaga ang pagbibigay ng babala at paalala sa mga mamamayan bago

at sa panahon ng pagtama ng hazard, kalamidad at sakuna?

A. para maitama ang mga pagkakamali

B. para maging ligtas at mabawasan ang malawak na pinsala

C. upang takutin ang mga mamamayan

D. lahat ng nabanggit

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 11: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

5

Aralin

1 Ikalawang Yugto ng DRRM

Plan: Disaster Preparedness

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang Unang Yugto ng Disaster Risk

Reduction and Management Plan o Disaster Prevention and Mitigation. Upang

mapagtibay ang iyong mga nalalaman at pag-unawa sa nagdaang aralin iyong

pagmasdan ang dalawang larawan na makikita sa ibaba.

Balikan

Suriing mabuti ang mga larawan kung ano ang isinasaad nito. Sagutin ang

mga katanungan at isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang nakikita mo mula sa dalawang larawan?

2. Ano ang pagkakaiba ng dalawang larawan?

3. Ano ang kaugnayan ng dalawang larawan sa Unang Yugto ng DRRM Plan o

Disaster Prevention and Mitigation?

4. Bakit mahalaga na mataya ang mga kahinaan at kakayahan ng isang pamayanan

sa pagharap sa sakuna at kalamidad?

Page 12: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

6

Tuklasin

Suriin ang nilalaman ng awit at sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang

ang sagot sa inilaang sagutang papel (activity sheet).

Mga gabay na tanong:

1. Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awiting “May Plano Ba Tayo?”

2. Ayon sa awitin, ano-ano ang mga mahahalagang dapat tandaan kung sakaling

sumapit ang lindol?

3. Bakit mahalaga na may pagpaplano sa pagdating ng lindol o anomang sakuna?

MAY PLANO BA TAYO?

Isa dalawa tatlo, sino ang alerto?

Apat lima anim, may plano ba tayo?

Pito walo siyam, bilisan ang kilos niyo

Sampu hala sampu, makaliligtas tayo

(CHORUS)

‘Pag sumapit ang lindol,’di maiiwasan

Na lahat sa atin ay kakabahan

Ngunit ‘di dapat mangamba, dapat lang paghandaan

Maging kalmado at alerto tayo diyan

“Pag nasa bahay ka at doon ka inabutan

‘Wag agad lalabasbakamabagsakan

Sa matibay na bagay, ikubliulo’t katawan

Tiyakin ‘di bibigay anuman ang dumaan

Kung kayo’y nasa labas at nagmamaneho

At sumayaw ang lupa sa paligidniyo

Itabi sa gilid ng kalsada ang oto

At maghanap ng bakanteng espasyo

Pagkatapos ng lindol tumingin sa paligid

Kung mayroong nasaktan dapat ipabatid

Ipagpatuloy ang inyong pagmamasid

Tulong kapuso, kapamilya, kapatid

Himig at titik ni Rev Mendoza

Handa Awit Lindol

UP Diliman OVCAD

https://soundcloud.com/up-diliman-ovcrd/sets/handa-awit-lindol

Page 13: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

7

Suriin

Ikalawang Yugto ng Disaster Risk Reduction Management

Plan: Disaster Preparedness

Ang Pilipinas ay isa sa mga

bansa sa mundo na nangunguna sa

may pinakamaraming kalamidad na

nararanasan, tulad ng baha,

pagguho ng lupa, tagtuyot at iba

pang mapaminsalang kalamidad na

karaniwa’y dulot ng kalikasan.

Nagdudulot ito ng malaking pinsala

sa buhay at ari-arian ng

mamamayan at ng buong bansa.

Walang makapagsabi kung

kailan nga ba mangyayari ang isang

sakuna, sa ganitong sitwasyon

gaano nga ba tayo kahanda sa

maaaring maging panganib na dulot

nito? Mahalaga na maihatid sa

bawat isa ang mahahalagang

impormasyon sa pamamagitan ng

patalastas o anunsyo mula sa

telebisyon, radyo, pahayagan, at

internet tungkol sa mga gagawin

natin kung sakaling tayo ay

makakaranas ng iba’t ibang

kalamidad. Ito ay ilan lamang sa

mga halimbawa ng mahahalagang

hakbang na nakapaloob sa ikalawang yugto ng Disater Risk Reduction and

Management Plan ang Disaster Preparedness, tumutukoy ito sa mga hakbang o

dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng hazard, kalamidad, at sakuna.

Mahalaga rin na malaman ng lahat ng miyembro ng pamilya, ng mamamayan

sa buong komunidad at maging ang mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat

gawin sa panahon ng pagtama ng sakuna o kalamidad.

Dapat na maging maliwanag ang lahat ng impormasyon upang magkaroon ng

koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at pagkaantala na maaaring magdulot ng

mas malubhang pinsala sa tao at ari-arian.

Page 14: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

8

Napakahalaga ang pagbibigay ng mga paalala at babala sa mga mamamayan

bago at sa pagtama ng kalamidad. Ito ay may tatlong mahalagang layunin.

Ang mga komunidad ay may iba’t ibang pamamaraan upang mabigyang paalala

at babala ang kanyang mga mamamayan tulad ng;

1. Pagdaraos ng barangay assembly

2. Pamamahagi ng flyers

3. Pagdidikit ng poster o billboard

4. Patalastas mula sa radyo, telebisyon at pahayagan

5. Social media tulad ng facebook

Ang lahat ng ito ay ginagawa upang maging handa at alerto ang mamamayan

sa mga uri ng hazard na maaaring tumama sa kanilang pamayanan. Malaki ang

papel na ginagampanan ng pamahalaan upang maihanda ang bawat mamamayan

bago at sa pagpatama ng sakuna, kalamidad at hazard upang maging ligtas at

maiwasan ang pinsala nito.

TO INFORM

TO ADVISE

TO INSTRUCT

Magbigay ng kaalaman tungkol sa mga

hazard, risk, capability at pisikal na

katangian ng pamayanan.

Magbigay impormasyon sa mga gawaing

may kinalaman sa pagbibigay

proteksyon, paghahanda, at pag-iwas sa

mga sakuna at hazard.

Magbigay ng mga hakbang na dapat

gawin, mga ligtas na lugar na dapat

puntahan, mga opisyal ng

pamahalaaan na dapat hingan ng

tulong sa oras ng sakuna, kalamidad at

hazard.

Page 15: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

9

Mga Ahensya ng Pamahalaan na maaaring magbigay-paalala at babala:

1. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services

Administration (PAGASA) – Nagbibigay babala ito sa pagdating ng bagyo. Nag-

uulat sa lakas ng hangin, ulan, at galaw ng bagyo.

2. National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)–

Nagbibigay ng update sa mga epekto at hakbang para paghandaan ang mga

kalamidad tulad ng bagyo, lindol at iba pa.

3. Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS)– Nagbibigay

babala para sa aktibidad ng bulkan, lindol at tsunami.

4. Department of Transportation and Communication (DOTC) – Nagbibigay ng

abiso sa lagay ng sistema ang pampublikong transportasyon tulad ng mga

biyahe, sa himpapawid, pandagat at panlupa.

5. Philippine Coast Guard – Nagpapatupad ng kaligtasang pandagat, seguridad at

mga search and rescue operation sa panahon ng sakuna at kalamidad.

6. Department of Social Welfare and Development (DSWD) –Nagbibigay ng

serbisyong panlipunan sa mamamayang Pilipino.

7. Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) – Nagbibigay ulat sa mga

operasyon at problema ukol sa byaheng panghimpapawid.

Mga uri ng kalamidad na karaniwang nararanasan sa Pilipinas at mga

kailangang paghahanda na dapat gawin:

Bagyo - isang malakas na hanging kumikilos nang paikot, na madalas ay may

kasamang malakas at matagal na pag-ulan.

Mga dapat gawin bago dumating ang bagyo:

1. Ihanda ang radyo, flashlight at ekstrang

baterya, pang-emergency na pagkain tulad ng

delata, biskwit at iba pa.

2. Tiyaking mabuti na matatag ang mga bahagi ng

inyong tahanan.

3. Putulin ang mga mahahabang sanga ng mga

punongkahoy na malapit sa bahay.

Mga dapat gawin habang may bagyo:

1. Makinig sa kinauukulan, tumutok sa radyo,

internet para sa ulat panahon;

2. Siguraduhing may mga gamit pang-emergency

na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa;

3. Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos

ang bagyo; at

4. Maghanda para sa posibilidad na paglikas sa

mataas na lugar o evacuation area.

Page 16: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

10

Mga dapat gawin pagkatapos ng bagyo:

1. Umiwas sa mga nasirang gusali.

2. Umiwas sa baha at sa mga nasira o nalaglag na

kable ng kuryente.

3. Mag-ingat sa pag-inom ng kontaminadong tubig.

Ang Public Storm Warning ay inilalabas para bigyan ang publiko ng babala

sa pagdating ng masamang panahon, lalo na tungkol sa lakas o signal ng bagyo.

Warning Signal

Bugso at lakas ng

hangin

Katangian

#1 30-60 kph

Inaasahan ang

pagsama ng panahon

sa loob ng 36 oras.

#2 61-120 kph

Inaasahan ang

pagsama ng panahon

sa loob ng 24 oras.

#3 121-170 kph

Inaasahan ang

pagsama ng panahon

sa loob ng 18 oras.

#4 171- 220 kph

Inaasahan ang

pagsama ng panahon

sa loob ng 12 oras.

#5 220 kph o higit pa

Inaasahan ang higit na

pagsama ng panahon

at malawak na pinsala

sa loob ng 12 oras.

Tinatawag na super

typhoon.

Page 17: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

11

Baha o flood - pagtaas ng tubig sa mga ilog, sapa, lawa, at iba pang anyong-tubig

na umaapaw sa mabababang lugar. Maaari itong magdulot ng pagkasira ng mga

ari-arian at pagkawala ng buhay.

Mga dapat gawin bago ang baha:

1. Tumutok sa radyo, telebisyon, cellphone at

internet para sa ulat panahon mula sa

PAGASA at NDRRMC.

2. Maghanda sa paglikas sa matataas na lugar.

3. Ilagay sa matataas na bahagi ng bahay ang

mahahalagang gamit.

4. Bago lumikas ibaba ang inyong main switch.

Mga dapat gawin habang may baha:

1. Iwasan ang mga lugar na may tubig-baha lalo

na kung hindi nakasisiguro sa lalim nito.

2. Siguraduhing lutong-luto ang mga pagkain at

iwasang marumihan ang mga tirang pagkain.

3. Pakuluan ang tubig bago ito inumin.

Mga dapat gawin pagkatapos ng baha.

1. Tiyaking walang buhay na kable o outlet na

nakababad sa tubig.

2. Maging alerto sa mga bagay na maaaring

pagsimulan ng sunog.

3. Tiyaking malinis at hindi narumihan ng tubig-

baha ang mga pagkain at inumin.

4. Iulat sa mga kinauukulan ang mga nasirang

pasilidad gaya ng poste, kawad ng kuryente,

tubo ng tubig, at iba pa.

Ang mga Colored Rainfall Advisory ng PAGASA

Yellow Rainfall Advisory

itinataas kung inaasahang bubuhos ang 7.5 mm hanggang 15 mm ng ulan sa susunod na isang oras, at inaasahan na magpapatuloy ito.

Orange Rainfall Advisory

itinataas sa mga lugar na inaasahang makararanas ng 15 mm hanggang 30 mm na buhos ng ulan sa susunod na isang oras. Nagbabadya na ang baha sa mga pamayanang ito.

Red Rainfall

Advisory

naituturing nang emergency ang pagbuhos ng ulan. Nangyayari ito kung mahigit 30 mm ang ulan sa susunod na isang oras, o kung tatlong oras nang malakas ang ulan at umabot na sa 65 mm.

Page 18: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

12

Lindol – isang biglaan at mabilis na pag-uga ng lupa na nagdudulot ng pabibiyak

at pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa kapag pinapakawalan nito ang

pwersang naiipon sa mahabang panahon.

Mga dapat gawin bago ang lindol:

1. Palagiang ihanda ang emergency kit at bumuo

ng isang planong pangkomunikasyon ng inyong

pamilya.

2. Siguruhing matatag ang mga bahagi ng inyong

tahanan tulad ng dingding, kisame at iba pa.

3. Alamin ang pagbibigay ng paunang lunas o first

aid.

Mga dapat gawin habang may lindol:

1. Huwag mag-panic.

2. Gawin ang drop, cover, hold.

3. Magtungo sa ligtas na lugar. Kung ikaw ay

malapit sa dagat lumikas agad maaaring

magkaroon ng banta ng tsunami.

Mga dapat gawin pagkatapos ng lindol:

1. Inspeksyunin ang iyong sarili o kasama,

isagawa ang first aid kung kinakailangan.

2. Mag-ingat sa mga kawad ng kuryente, mga

gumuhong gusali. Ipagbigay-alam ito sa

kinauukulan.

3. Maghanda sa maaring aftershocks at

pagbabadya ng tsunami.

Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan ang mamamayan na magkaroon ng sapat na impormasyon at pang-unawa sa mahahalagang hakbang na dapat nilang gawin bago, habang at pagkatapos ng hazard at kalamidad upang

maiwasan ang inaasahang maging epekto at pinsala. Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang paksa sa disaster preparedness sa Unang Markahan. Ngayon naman ay dumako tayo sa ilang pagsasanay upang ating tahayin ang lawak ng iyong pagkaunawa sa aralin. Ihanda mo na ang iyong sagutang papel at simulan na.

Page 19: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

13

Pagyamanin

A. Handa Ako!

Panuto: Piliin mula sa bawat bilang sa ibaba ang mga dapat na ilaman sa loob ng

survival Go Bag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. flashlight 6. libro

2. first aid kit 7. calculator

3. prutas at gulay 8. pera

4. sapatos 9. fire extinguisher

5. importanteng dokumento 10. de-lata

B. Tama o Mali

Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang TAMA kung ito ay wasto, at kung mali, tukuyin ang salitang nagpamali at isulat ang nararapat na salita upang

maiwasto ang pahayag. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. ___________ 1. Lahat ng mga balita mula sa telebisyon, radyo, pahayagan at internet

ay kailangan munang suriin bago ito paniwalaan.

___________ 2. Ang pangunahing layunin ng disaster preparedness ay upang

mataya ang pinsalang dulot ng kalamidad.

___________ 3. Ang pagbibigay babala at paalala ay mabisang paraan upang maging

handa ang mamamayan sa mga dapat gawin sa panahon ng pagtama

ng hazard, kalamidad at sakuna.

___________ 4. Malaki ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa paghahanda

at pagtugon sa panahon ng kalamidad.

__________________ _________________

__________________ _________________

__________________

Page 20: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

14

___________ 5. Ang bawat miyembro ng pamilya ay dapat matuto ng first aid,

CPR (cardiopulmonary resuscitation), at iba pang mga

kaalaman upang mailigtas ang buhay sa panahon ng sakuna.

___________ 6. Ang survival kit ay ang mga gamot o pang-unang lunas na

ginagamit sa panahon ng karamdaman at sakuna na hindi

inaasahan.

___________ 7. Ang pagbibigay paalala at babala ay ginagawa upang maging

edukado at alerto ang mga opisyal ng barangay sa mga uri ng

hazard na maaaring tumama sa kanilang pamayanan.

___________ 8. Ang mga paaralan ay kabahagi sa paghahanda ng ating

pamahalaan sa posibilidad na pagtama ng kalamidad at

sakuna.

___________ 9. Ayon sa PAGASA, ang babala ng storm signal no. 3 ay may

dalang hangin na umaabot sa 171- 220 kph at inaasahan ang

pagsama ng panahon sa loob ng 12 oras.

___________ 10. Kapag may banta ng bagyo lumikas kung pinag-uutos ito ng

lokal na pamahalaan at kung walang anunsyo ng paglikas,

manatili sa loob ng tahanan upang maging ligtas.

C. Handa ang Komunidad

Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga wastong impormasyon tungkol sa mga gampanin ng buong komunidad sa kahandaan ng pagharap sa mga kalamidad at sakuna. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel

Ang Aking Komunidad sa Pagharap sa Kalamidad

at Sakuna

Gampanin ng Lokal na

Pamahalaan

___________ ___________

___________

___________

Gampanin ng Mamamayan

___________ ___________ ___________

___________

Page 21: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

15

D. I-konek Mo

Panuto: Piliin mula sa Hanay B ang Ahensya ng Pamahalaan na nagbibigay ng babala o paalala sa panahon ng kalamidad na nakasaad mula sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel (activity sheet).

Hanay A Hanay B

_____ 1. aktibidad ng bulkan, lindol at tsunami

a. DOTC

b. DOH

c. PAGASA

d. PHILVOLCS

e. CAAP

f. DepEd

g. DSWD

h. Bureau of Fire

i. PNP

j. DPWH

k. NDRRMC

l. DOST

_____ 2. lagay at sistema ng pampublikong sasakyan

_____ 3. update sa epekto at hakbang para sa

paghahanda sa kalamidad o sakuna

_____ 4. nagbibigay ng realtime o kasalukuyang abiso

tungkol sa lagay ng panahon at bagyo.

_____ 5. nangangalaga sa kapakanang pangkalusugan

ng mamamayan

_____ 6. nangunguna sa pagtulong sa mga nasalanta ng

kalamidad

_____ 7. nagbibigay ng ulat sa mga operasyon at

problema ukol sa byaheng panghimpapawid

_____ 8. nangangasiwa ng proteksyong pangkaligtasan

sa sunog o fire protection

_____ 9. nagpapatupad ng batas at lumalaban sa krimen

_____ 10. nagpapanatili at nagsasaayos ng mga daan

E. Kumpletuhin Natin

Panuto: Punan ang tsart ng hinihinging impormasyon tungkol sa mga paghahanda

na dapat gawin sa pagharap sa mga kalamidad at sakuna. Isulat ang sagot sa

inilaang sagutang papel (activity sheet).

Kalamidad/Sakuna Bago Habang Pagkatapos

Bagyo

Lindol

Baha

Page 22: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

16

F. Loop a Word

Panuto: Mula sa krosalita hanapin sa anumang direksyon ang salita na tinutukoy

sa bawat bilang na nasa ibaba. Bilugan ang salita at isulat ang sagot sa iyong

sagutang papel.

D E M E R G E N C Y K I T

L A N D S L I D E O R H S

I B A I U A R O Y I E K U

N O D R I S T G E K I S N

D E S O C I A L M E D I A

O K W A O B A B A L A D M

L H I G U E L U A A A A I

S S T O R M S I G N A L R

A D E L A T A D T I O K P

K A L A M I D A D S T W U

_______________________ 1. Isang malakas na hangin na kumikilos nang paikot,

karaniwang may dalang malalakas na hangin at ulan.

_______________________ 2. Pag-apaw ng tubig sa natural nitong daluyan tulad ng

ilog, sapa, lawa at iba pang anyong tubig na

nagdudulot ng malaking pinsala sa buhay at ari-arian.

_______________________ 3. Biglaan at mabilis na paggalaw ng lupa na nagiging

sanhi ng pagbibiyak ng mga bato sa ilalalim ng lupa.

_______________________ 4. Higanteng alon na nagaganap matapos ang paggalaw

sa ilalim ng dagat dulot ng lindol.

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

_______________________

5. Pagguho ng lupa at isa sa mapaminsalang epekto ng

bagyo at pagbaha.

6. Hindi inaasahang pangyayari mula sa kalikasan na

maaring magdulot ng panganib at sakuna.

7. Tumutukoy sa babala ng lakas o signal ng bagyo.

8. Pagbibigay-kaalaman sa mamamayan tungkol sa

nakaambang panganib o sakuna.

9. Isang lalagyan o bag na naglalaman ng mahahalagang

bagay na magagamit sa panahon ng sakuna o

kalamidad.

10. Makabagong daluyan ng komunikasyon na

tumutulong sa paghahatid ng mga babala at paalala sa

mamamayan.

Page 23: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

17

1. Sa pag-aaral ko ng Ikalawang Yugto ng DRRM Plan o Disaster Preparedness,

natutunan ko ang__________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. Mahalaga ang pagiging handa bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad

at sakuna sapagkat _________________________________________________

_____________________________________________________________________

3. Mapauunlad ko pa ang aking kaalaman sa pagharap sa mga hazard,

kalamidad at sakuna sa pamamagitan ng __________________________________

___________________________________________________________________________

4. Bilang isang Pilipino sisikapin kong isabuhay ang aking mga natutunan sa

mga aralin na may kaugnayan sa Ikalawang Yugto ng DRRM Plan o Disaster

Preparedness sa aking pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan

ng_________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Isaisip

Pag-isipan Mo!

Panuto: Dugtungan sa loob ng kahon ang sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot

sa inilaang sagutang papel (activity sheet).

Rubrik sa Pagtataya ng Kaalaman at Pag-unawa sa Ikalawang Yugto ng DRRM

Plan o Disaster Preparedness

5 – Ang mag-aaral ay may buo at detalyadong kaalaman at pag-unawa sa

Ikalawang Yugto ng DRRM Plan o Disaster Preparedness.

4 – Ang mag-aaral ay may kaalaman at pag-unawa sa Ikalawang Yugto ng

DRRM Plan o Disaster Preparedness ngunit di ganap na detalyado.

3 – Ang mag-aaral ay may kakulangan sa pag-unawa sa Ikalawang Yugto ng

DRRM Plan o Disaster Preparedness.

2 – Maraming kakulangan sa kaalaman at pag-unawa sa Ikalawang Yugto ng

DRRM Plan o Disaster Preparedness.

1– Walang pasyang maibibigay tungkol sa kaalaman at pag-unawa sa

Ikalawang Yugto ng DRRM Plan o Disaster Preparedness.

Page 24: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

18

Isagawa

Tukoy-Sitwasyon

Panuto: Piliin ang angkop na hakbang sa bawat sitwasyon na nakasaad sa bawat

bilang. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.

1. Inabutan ka ng lindol sa loob ng isang gusali, ano ang unang pagtugon na dapat

mong gawin?

A. Mananatili sa loob ng gusali habang lumilindol.

B. Magsasagawa ng drop, cover, hold.

C. Magtatago sa loob ng silid.

D. Lulundag sa palapag ng gusali upang agaran na makalabas.

2. Ang iyong kapamilya ay nakararanas ng sintomas ng kasalukuyang kumakalat

na sakit na COVID19, ano ang nararapat na gawing hakbang ng inyong pamilya?

A. Ililihim ito sa kinauukulan.

B. Hahayaang manatili sa loob ng tahanan ang iyong kapamilya na

nakararanas ng sintomas upang di makahawa ng ibang tao.

C. Dadalhin agad ang pasyente sa ospital upang ito ay matingnan ng doktor.

D. Wala sa nabanggit.

3. Inabutan ka ng baha sa loob ng inyong tahanan, ano ang iyong dapat gawin

upang ikaw ay maging ligtas?

A. Lumikas at pumunta sa pinakamalapit na ligtas na lugar o evacuation

center.

B. Mananatili sa loob ng tahanan upang mabantayan ang mahahalagang

gamit.

C. Aakyat sa bubong ng inyong bahay.

D. Lahat ng nabanggit.

4. Habang ikaw ay nasa paaralan ay nakita mo na nagsisimula na ang sunog sa

inyong silid-aralan, ano ang nararapat mong gawin?

A. Tatawagin ang iyong kapwa kamag-aral upang patayin ang sunog.

B. Hahanapin mo ang general switch ng inyong paaralan at ito’y iyong

ibababa.

C. Pag-aaralang gamitin ang nakita mong fire extinguisher.

D. Ipagbibigay alam agad sa kinauukulan.

5. May paparating na super typhoon sa inyong lugar, anong paghahanda ang dapat

gawin ng inyong pamilya upang maging ligtas?

A. Tumutok sa mahahalagang balita sa radyo o telebisyon tungkol sa bagyo.

B. Ihahanda ang mga supplies tulad ng pagkain, gamot, tubig, baterya,

flashlight at iba pa.

C. Sisiguruhing matatag at walang sira ang bahagi ng bahay.

D. Lahat ng nabanggit.

Page 25: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

19

Tayahin

Panuto. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

1. Inilalabas ang public storm warning para bigyan ng babala ang publiko pagdating

sa banta ng masamang panahon kabilang na ang lakas at signal ng bagyo. Ayon

sa PAGASA, ilang public storm warning signals mayroon ang Pilipinas?

A. Apat

B. Lima

C. Tatlo

D. Anim

2. Maituturing nang emergency ang pagbuhos ng ulan sa ilalim ng rainfall warning

na ito. Mapanganib na ang pagbaha at dapat na lumikas na ang mga

mamamayan sa ligtas na lugar.

A. Yellow Rainfall Advisory

B. Orange Rainfall Advisory

C. Green Rainfall Advisory

D. Red Rainfall Advisory

3. Ang __________ay itinataas kung inaasahang bubuhos ang 7.5 mm hanggang 15

mm ng ulan sa susunod na isang oras. Pinapayuhan na maging alerto ang mga

mamamayan sa inaasahang pagbaha sa mabababang lugar.

A. Orange Rainfall Advisory

B. Yellow Rainfall Advisory

C. Green Rainfall Advisory

D. Red Rainfall Advisory

4. Ilang araw nang narararanasan ng ilang bahagi ng Central Luzon ang patuloy na

pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat, dahil dito ang

ahensya ng PAGASA ay nagbabala sa mga mamamayan na maging alerto sa

maaaring badya ng pagbaha sa mga pamayanan lalo na sa mabababang lugar,

anong rainfall warning signal ang tinutukoy dito?

A. Yellow Rainfall Advisory

B. Red Rainfall Advisory

C. Orange Rainfall Advisory

D. Green Rainfall Advisory

5. Anong ahensya ng pamahalaan ang inatasang magbibigay ng mga babala tungkol

sa baha, bagyo at iba pang lagay ng panahon?

A. Philippine Weather Forecast Bureau

B. Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services

Administration

C. Philippine Institute of Volcanology and Seismology

D. Department of Environment and Natural Resources

Page 26: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

20

6. Kamakailan lamang ay hinagupit ng bagyong Ambo ang ilang bahagi ng ating

bansa, kabilang sa nasalanta ay ang mga lalawigan sa Central Luzon, nag-iwan

ito ng matinding pinsala sa buhay at ari-arian ng mga residente. Anong kategorya

ng bagyo napapabilang ang bagyong Ambo?

A. Tropical Depression

B. Severe Tropical Storm

C. Super Typhoon

D. Typhoon Warning

7. Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo?

A. Manatili sa lugar na malapit sa ilog o dagat.

B. Humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng pagbaha

C. Magpunta sa bahay bakasyunan ng inyong pamilya.

D. Mamasyal sa mga pook pasyalan tulad ng park o mall.

8. Alin ang tamang pahayag tungkol sa kalamidad o disaster?

A. Ang kalamidad o disaster ay hindi natin maaaring pigilan.

B. Mga pangyayaring dulot ng kalikasan na nagbibigay pinsala sa tao at

kapaligiran.

C. Mga natural na pangyayari sa ating kapaligiran na dapat paghandaan.

D. Lahat ng nabanggit.

9. Ano ang maaaring gawin ng publiko upang maiwasan ang pagkalat ng

pandemyang COVID-19?

A. Panatilihing malakas ang resistensya. Sumunod sa mga kinauukulan.

B. Gumamit ng face mask, alcohol o sanitizer.

C. Pumunta sa matataong lugar.

D. A at B

10. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang layunin ng Disaster Preparedness?

A. Mataya ang kakayahan at kahinaan ng komunidad.

B. Mataya ang lawak ng pinsalang dulot ng kalamidad

C. Maisaayos at maibalik sa normal ang napinsalang komunidad.

D. Maihanda ang mga mamamayan at buong komunidad sa mga nararapat

gawin sa pagharap sa kalamidad at sakuna.

11. Ang sumusunod ay mahahalagang layunin ng pagbibigay paalala at babala sa

mga mamamayan bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, maliban sa:

A. To advice

B. To announce

C. To inform

D. To instruct

12. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahandaan sa panahon ng pagtama ng

kalamidad tulad ng lindol?

A. Pagtatayo ng bahay sa ilalim ng tulay.

B. Kawalan ng kaalaman tungkol sa drop, cover, hold.

C. Pagiging alerto sa mga dapat gawin at kaalaman sa ligtas na lugar para sa

paglikas.

D. Paglalagay ng mabibigat na bagay sa matataas na lugar sa tahanan.

Page 27: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

21

13. Kailan natin nalalaman na may bagyong paparating sa ating bansa?

A. Isang oras bago ito dumating, kaya kinakailangan nang agad lumikas.

B. Ilang araw bago pumasok ang bagyo sa ating bansa, kaya may

pagkakataon tayo na makapaghanda.

C. Ilang minuto bago dumating ang bagyo, kaya wala na tayong pagkakataon

na makapaghanda.

D. Lahat ng nabanggit.

14. Ang sumusunod ay mahahalagang hakbang na nakapaloob sa Ikalawang Yugto

ng Disaster Risk Reduction and Management Plan o Disaster Preparedness

maliban sa ________________.

A. Pabibigay ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng radyo at

telebisyon.

B. Pagkakabit ng mga poster o billboard.

C. Pagsasagawa ng barangay assembly.

D. Pagdaraos ng pampamilyang pagtitipon.

15. Ano ang pinakamahalagang bahagi at tungkulin ng mamamayan sa yugto ng

Disaster Preparedness?

A. Pagiging mulat sa mga paalala at babala tungkol sa mga maaaring maging

epekto ng kalamidad at sakuna.

B. Pagiging mulat at aktibo sa mga kahandaan sa pagharap sa mga sakuna

at kalamidad.

C. Pagsunod sa mga kautusan ng pamahalaan ukol sa mga dapat gawin bago

at sa panahon ng pagtama ng kalamidad.

D. Umasa at humingi ng tulong sa pamahalaan sa panahon ng sakuna at

kalamidad.

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang ika-

anim na paksa sa ating Unang Markahan- Modyul 6. At handa ka ng harapin ang

mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung iyong nanaisin, maaari mong

ipagpatuloy ang pagsasagot sa karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong

pag-unawa sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Page 28: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

22

Karagdagang Gawain

Family Preparedness Plan

Panuto: Makibahagi sa iyong kapamilya at gumawa ng pagpaplano sa mga hakbang

na dapat gawin sa pagharap sa sakuna at kalamidad. Pagtulung-tulungan ito ng

lahat ng miyembrong pamilya. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba upang

makabuo ng planong pangkaligtasan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga ligtas na lugar

na dapat puntahan

Mga numerong

dapat tawagan

Kaalaman sa pang-

unang lunas

Mahahalagang

gamit na dapat

ihanda

Lokasyon ng

evacuation area sa

aming lugar

Planong

Pangkaligtasan

ng Aking

Pamilya

Page 29: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

23

Islogan ng Kahandaan

Panuto: Gumawa ng islogan na nagpapakita ng kahalagahan ng kahandaan sa

panahon ng kalamidad at sakuna. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

RUBRIC SA PAGTATAYA NG ISLOGAN

Pamantayan Mahusay

5

Sapat

4

Kaunti

3

Kulang

2

1. Pagpapakita ng mensahe

2. Maganda at malinaw na

pagkakasulat ng mga titik

3. Kaangkupan sa paksa

4. Kalinisan ng awtput

Page 30: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

24

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN

1.C

2.A

3.B

4.A

5.A

6.C

7.B

8.C

9.D

10.B

11.B

12.A

13.B

14.B

15.B

A.HANDA AKO

1.flashlight

2.first aid kit

3.importanteng

dokumento

4.pera

5.de-lata

B. TAMA O

MALI

1.tama

2.mataya-

mabawasan

3.tama

4.tama

5.tama

6.survival kit –

emergency kit

7.opisyal ng

barangay-

mamamayan

8.tama

9.3 - 4

10.tama

D. I-KONEK MO

1.D

2.A

3.K

4.C

5.B

6.G

7.E

8.H

9.I

10.J

F.HANAP SALITA

1.Bagyo

2.Baha

3.Lindol

4.Tsunami

5.Landslide

6.Kalamidad

7.Storm signal

8.Babala

9.Emergency kit

10.Social media

ISAGAWA

1.B

2.C

3.A

4.D

5.D

TAYAHIN

1.B

2.D

3.B

4.C

5.B

6.C

7.B

8.D

9.C

10.D

11.B

12.C

13.B

14.D

15.B

C. HANDA ANG

KOMUNIDAD

Ang sagot ay

nakabatay sa

pagkaka-unawa ng

mag-aaral

E. KUMPLETUHIN

MO

Ang sagot ay

nakabatay sa

pagkaka-unawa ng

mag-aaral

Page 31: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

25

Sanggunian

K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. 1st ed. Pasig City: Department of Education.

K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. 1st ed. Pasig City: Department of Education.

"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/ download/18275.

"How To Make Sense Of PAGASA’S Color-Coded Rainfall Advisories | GOVPH". Official Gazette Of The Republic Of The Philippines, 2020. https://www.officialgazette.gov.ph/how-to-make-sense-of-pagasas-color- coded-warning-signals/.

"Public Storm Warning Signals". Philippine Atmospheric, Geophysical And

Astronomical Services Administration, 2020. http://bagong.

pagasa.dost.gov.ph/learning-tools/public-storm-warning-signal.

Page 32: Unang Markahan Modyul 6: Ikalawang Yugto ng Disaster Risk … · 2020. 11. 8. · Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]