Understanding COMPLETE

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ubd curriculum

Citation preview

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    1/33

    Understanding By Design

    (UBD) at Iba Pang Kaugnay

    Na Konseptong Pang-

    Edukasyon sa Konteksto ng

    Edukasyon sa Pilipinas.

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    2/33

    Mga Layunin Ng Talakayan:

    Maipaliwanag ang UBD sa konteksto ng

    edukasyon sa Pilipinas

    Makapagpakita ng halimbawa ng isang buongUnit Plan na nilapatan ng UBD

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    3/33

    Ang Understanding By Design at

    Ang Iba Pang Konseptong Pang-edukasyon

    Ang UBD ay naimpluwensyahan ng constructivism na lumitaw

    noong pang 1700s-1900s (ang pagkatuto ay mas mabisa kung galing sa

    karanasan/experiential learning; ang guro ay facilitator ng pagkatuto;

    ang edukasyon ay dapat kontekstwalisado)

    Impluwensyado rin ng pagtuturong student/learner-centered angUBD

    Nauna pa sa UBD ang critical pedagogy ni Paulo Freire noong

    1960s-1990s (alinsunod sa dulog o approach na ito, ang edukasyon ay

    tinuturing na paraan upang suriin ang lipunan at gamitin ang

    edukasyon/pagkatuto tungo sa pag-unlad/pagpapabuti/pagbabago nglipunan; edukasyong may patutunguhan: hindi nakakulong sa apat na

    sulok ng silid-aralan, inihahanda ang mga estudyante sa totoong

    mundo; ang mga mag-aaral ay tinuturuang maging critical thinkers sa

    halip na passive observers)

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    4/33

    Ang UBD ay nakatutulong sa paglinang/development ng

    H igher Order Thinking Ski ll s/HOTS

    Ang Content-Based Instruction (CBI) ay isang paraan

    upang malinang o ma-develop ang mga big ideas sa

    UBD

    Samakatwid, dati pang alam ng mga guro kung paano

    magturo nang mala-UBD. Ang ginawa lamang nina

    Wiggins at McTighe ay pinaghalu-halo ang mga lumangkonsepto, nilagyan ng bagong pangalan at iginawa ng

    padron/pattern na mas mukhang organisado sa

    paningin/sa unang sipat.

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    5/33

    Ang konsepto ng UBD ay matagal nang ginagamit ng

    mga guro sa Pilipinas sa paraan ng pagtatanong at sa

    mga gawain/aktibidad sa klase

    Ang UBD ay isa lamang dulog o approach sa pagtuturo

    na ang pangunahing konsepto ay dati na nating alam at

    ginagamit.

    Hindi na tayo mahihirapang gamitin ang UBD sa

    pagtuturo, dahil ang konsepto nito ay dati na nating

    ginagamit.

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    6/33

    Banking Education (terminongmula kay Paulo Freire); sariling

    salin ni David Michael M. SanJuan: EDUKASYONG

    SUKSOK-HUGOT/Edukasyong

    Alkansya (sistema ng edukasyon

    na taliwas/kabaligtaran ng UBD)

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    7/33

    Tradisyunal na sistema ng edukasyon sa mga bansang

    Third World

    Pagtuturong Teacher-centered

    Ang guro lamang ang pinanggagalingan ng

    kaalaman/impormasyon

    Ang mga estudyante ay passive na tagatanggap/recepient

    lamang ng kaalaman/impormasyon mula sa guro

    Ang mga kaalaman/impormasyon ay idinedeposito

    sa utak/isip ng mga mag-aaral na parang barya/coin sa

    alkansya; sa pagsusuli t ay huhugutin ang mga

    kaalaman/impormasyon

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    8/33

    Walang bisa ang pagkatuto; halos

    memorisasyon lamang ang natututuhan ngestudyante

    Ang banking education na matagal nang

    pinuna at tinul igsa ni Paulo Freire ang sistema

    ng edukasyon na nais ding baguhin ng mga

    nagtataguyod/proponent ng UBD, aminin man

    ni la o hindi.

    Samakatwid, bago pa ang UBD, maraminang ideya ang nagpapakita ng/sumasalamin

    sa UBD

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    9/33

    Mga Mahahalagang Terminolohiya sa UBD:

    1. Established Goal/Pamantayan: Mgalayunin na mula sa opisyal na kur ikulum o

    listahan ng learning competencies na inilabas ng

    Kagawaran ng Edukasyon

    2. Enduring Understanding/Big Ideas/CoreConcepts/Mahahalagang Kaisipan/Mga

    3. Pangunahing Kaisipan/Mga

    Kakailanganing Pag-unawa: Mgakonsepto/ideya/kaisipan na laging makabuluhan

    (relevant at meaningful), kahit 10, 20, 30, 40, 50 taon

    mula ngayon...

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    10/33

    Nakabatay ang paghubog at pag-unlad ng wika sa mga

    taong gumagamit nito

    May angkop na salita para sa ibatibang sitwasyon.

    Ang panitikan ay sumasalamin sa mga nangyayari sa

    lipunan kaya mahalagang basahin at suriin ito.

    Ang pananakop ng mga dayuhan (kolonyalismo) ay isa sa

    mga sanhi/dahilan ng paghihirap ng isang bansa.

    The Philippine Constitution expresses our nations

    highest goals and aspirations and provides principles that

    should guide the governments decision-making.

    A countrys geography partly determines its destiny and

    place in world history.

    Mga halimbawa:

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    11/33

    Everything in the world is interconnected: what

    harms nature harms us too.For every action, there is always an equal and

    opposite reaction.

    Life is a calculated gamble: every decision has its

    probabilities of success and failure.Statistics can conceal as well as reveal.

    Statistical analysis often reveals patterns that prove

    useful or meaningful.

    Scarcity and budget deficit compel people to make

    wise economic decisions.

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    12/33

    Essential

    Questions/MahahalagangTanong: Mga tanong na

    makatutulong sa mga mag-aaral na

    maintindihan/makuha/ma-

    gets ang big ideas

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    13/33

    Mga halimbawa:

    Bakit nagbabago ang kahulugan ngsalita sa paglipas ng panahon?

    Anu-ano ang mga posibleng ugat ng

    malalang kahirapan ng Pilipinas sa kabila

    ng masaganang likas na yaman ng bansa?

    Paano sinasalamin ng panitikan ang

    kasaysayan?

    Why do we need the PhilippineConstitution?

    How does geography influence a countrys

    destiny?

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    14/33

    Why is environmental balance

    necessary for healthy living?What are the consequences of

    action and inaction on decision-making?

    How does statistics helps us in oursearch for truth?

    How does scarcity and budget

    deficit help policy makers arrive at gooddecisions?

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    15/33

    Performance objectives:Mga bagay na

    kasanayan at konsepto na dapat maisagawaat matutuhan ng mga mag-aaral sa

    pagtatapos ng aralin.

    Performance Task/GawaingPampagkatuto/Gawain sa Pagganap:

    Gawain na kailangang maisagawa ng mga

    mag-aaral upang mapatunayang natutuhan

    nila ang aralin

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    16/33

    Mga Pangunahing Doktrina ng UBD

    Ang tunay na pagkatuto ay hindi ang simpleng pagtapos o

    pag-cover sa mga aral in at sa teksbuk: quali ty of learning over

    quantity.

    Ang kurikulum at mga istratehiya at programa sa

    pagtuturo ay dapat laging nagsasaalang-alang sa

    kakayahan, interes at pagkatao ng mga estudyante (learner-

    centered cur r iculum and instruction)Ang tunay na pagkatuto ay hindi lamang basta malawak

    (covers a lot of area), kundi malalim (with depth).

    Ituro lamang ang pinakamahalaga at pinaka-kailangan sa

    buhay. Kumbaga sa pagkain, ang pinakamasustansya atpinakamalasa...

    Ano ang pinakamahalaga? Mga kasanayan at konsepto

    (ski l ls and concepts) na makabuluhan (relevant/meaningful )

    pa rin sa mag-aaral, 10, 20, 30, 40, 50 taon mula ngayon...

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    17/33

    Disenyo ng Pagkatuto NOON

    versus sa Disenyo ng

    Pagkatuto sa UBD NGAYONNOON

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    18/33

    1.Pinipilit ilapat ang kur ikulum na ibinigay ng

    gobyerno.2.Nag-iisip ng istratehiya para i-apply ang

    kurikulum.

    3.Ilalapat/i-i implement ang istratehiya sa klase.

    4.Mag-iisip ng paraan ng pagtataya/assessment.5.Isasailalim sa pagtataya/assessment ang mag-

    aaral.

    6.Kokompyutin ang marka ng mag-aaral batay

    sa assessment.7.Ulit sa blg. 1.

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    19/33

    NGAYON:

    1.Ibabatay pa rin sa kurikulum na ibinigay nggobyerno ang paraan ng pagtuturo.

    2.Tutukuyin ang standard ng pagkatuto batay sa mga

    learning competencies.

    3.Tutukuyin ang mga mahahalagang kaisipan/pag-

    unawa (essential understanding/concepts/big ideas) at

    mga mahahalagang tanong (essential questions) na

    makatutulong sa paglinang o pag-develop ng essentialunderstanding/big ideas.

    4.Itatransporma sa performance objective ang mga

    core skil ls at concepts.

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    20/33

    5.Tutukuyin ang pamaraan ng pagtataya/assessment

    na gagamitin para malaman kung natutuhan nga ng

    mag-aaral ang core skil ls at concepts.6.Paplanuhin ang mga gawain sa pagkatuto/learning

    activities. (i to ang ni lalaman ng mga daily at weekly

    lesson plans)

    7.Isasailalim sa pagtataya/assessment ang mga mag-aaral para malaman kung natutuhan ni la ang core

    skil ls at concepts

    8.Suriin at rebisahin ang disenyo ng pagkatuto batay

    sa kinalabasan ng pagtataya/assessment ng mga mag-

    aaral.

    9.Balik sa blg. 1.

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    21/33

    Ang Kabuluhan/Sign i f icance ng UBD sa Pagtuturo

    Mas mabibigyang-diin ang pagpapaliwanag at

    pagtalakay sa mga mahahalagang konsepto at

    paglalapat ng mga mahahalagang kasanayan (skills)

    Mas magiging utilitarian ang pagtuturo (pokus sa kung

    ano lamang ang may silbi sa totoong buhay); kung gayon,

    magiging mas interesante ang mga aralin

    Mas mapapalalim ang talakayanMas malilinang ang critical thinking skills ng mga

    estudyante

    Mas magiging objective ang pagmamarka dahil sa

    paggamit ng rubricsPaglaon, mas magiging madali na para sa mga guro ang

    lesson planning dahil sa lohikal na pagkakasunud-sunod

    ng mga proseso sa paggawa ng UBD unit plans

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    22/33

    Mga Pangkalahatang Paalala HABANG

    gumagawa ng UBD Unit Plans

    1.Paulit-ulit na basahin at rebisahin ang learning

    objectives, essential questions at big ideas: naroon

    ang buhay ng UBD...Ang palpak na learning

    objectives, essential questions at big ideas aymagdudulot ng palpak na pagkatuto.

    2.Tiyaking magkakatono ang buong unit plan (ang

    learning objectives ay dapat malinang sa

    pamamagitan ng mga akmang tanong at aktibidad)

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    23/33

    3. Maging reyalistiko sa pagtatakda ng oras at iskedyul.

    Huwag piliting matapos ang textbook. Kung susundin

    talaga ang UBD, ayon na rin mismo kina Wiggins at

    McTighe, ang bisa at lalim ng pagkatuto ang mahalaga, at

    hindi ang basta na lamang matapos o ma-cover ang

    required na babasahin. Sabi nga, quality over quantity.

    4. Maging reyalistiko rin sa kakayahan ng mga mag-aaral.

    Huwag maglagay ng mga aktibidad na imposiblengmagawa ng mga mag-aaral o yaong masyadong

    matrabaho. Ikunsidera/isaalang-alang na hindi lamang

    Filipino ang asignaturang pagpapaguran nila. Kung

    maglalagay man ng mahirap-hirap na aktibidad, gawinitong proyekto na may malaking puntos na katumbas

    (kumbaga, 1 engrandeng aktibidad lamang bawat

    quarter).

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    24/33

    Pagbuo ng

    UBD Unit Plan

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    25/33

    UNANG YUGTO:

    Ano ang dapat matutuhan ng mga mag-aaral?

    Piliin ang mga araling sasaklawin ng yunit Siguraduhing may tematikong pagkakaugnay ang

    mga pinagsama-samang akda sa isang yunit

    Itakda kung ilang pagkikita ang ilalaan sa yunit

    Tukuyin ang mga layunin o pamantayang

    pampagkatuto (ibatay sa mgacompetency

    na itinakdang Kagawaran ng Edukasyon)

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    26/33

    Tukuyin ang mga kakailanganing pag-unawa/big

    ideas: malalim, makabuluhan sa karanasan at

    lipunang ginagalawan ng mag-aaral, may kaugnayan

    at kailangan sa tunay na buhay,

    Maghanda ng mga mahahalagang tanong/essential

    questions: nagbubunsod ng pag-unawa sa big ideas;

    nagdudulot ng malalim na pag-iisip, aktibongtalakayan, mga bagong pagkaunawa at mga bagong

    tanong; naiuugnay sa personal na karanasan at dating

    kaalaman o prior learning

    Itransporma ang mga big ideasa formatnapariralang nagbubuod (ito ang mga performance

    objectives)

    Itakda ang mga tiyak o ispesipikong kasanayan na

    lilinangin o idedevelop sa yunit

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    27/33

    IKALAWANG YUGTO:

    Anong kailangang gawin ng mga mag-aaral para

    mapatunayan na natutuhan nila ang aralin?

    Planuhin kung anong pagtataya o assessmentang gagamitin. Magsimula sa paghahanda ng mga gawain sapagganap(performance task): mga awtentiko at

    makabuluhang aktibidad

    Maghanda rin ng iba pang uri ng pagtataya(pagsusulit, pagsagot ng rubrics, pagsagot ngpagsasanay, paggawa ng graphic organizer atbp.)

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    28/33

    IKATLONG YUGTO:

    Anu-anong mga hakbang ang aktwal na isasagawasa loob ng sil id-aralan?

    Planuhin ang aktwal na daloy ng aralin (anglesson planmismo)

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    29/33

    Enduring Understandings/Big

    Ideas/Kakailanganing Pag-unawa/Mahahalagang

    Kaisipan:

    Students will understand that.../Mauunawaan ng

    mga mag-aaral na...

    Essential Questions/Mahahalagang Tanong:

    Students will know.../Mababatid ng mga

    estudyante ang...(Performance Objectives-Core Concepts):

    Students will be able to.../Magagawa ng

    mga estudyante na...(Performance Objectives-Core Skills):

    STAGE 2/IKALAWANG YUGTO: ASSESSMENT EVIDENCE/PAGTATAYA

    Performance Task/Gawaing

    Pampagkatuto/Gawain ng Pagganap:

    Other Evidence/Iba pang pagtataya:

    STAGE 3/IKATLONG YUGTO: LEARNING PLAN/DISENYO NG PAGKATUTO

    Mga Gawaing Pampagkatuto:

    UbD Lesson Plan Template

    STAGE 1/ UNANG YUGTO: DESIRED RESULT/ INAASAHANG BUNGA

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    30/33

    Antas 1Inaasahang Bunga/Resulta

    Pamantayang Pangnilalaman at Pagganap

    Ang mga estudyante ay

    nasasabi ang mensaheng ipinahahayag ng binasang sanaysay

    nagagamit ang pangatnig sa pagbuo ng pangungusap

    nasusuri ang mga tuntunin sa paggamit ng pangatnig sa pagbuo ng pangungusap

    naiiugnay sa mga pangyayari sa kasalukuyan ang nilalaman ng tekstoMga Kakailanganing Pag-unawa

    Mauunawaan ng mga estudyante na

    Sa pagboto nang wasto, bayan ay aasenso.

    Ang pinunong maka-Diyos at makabayan ay dapat magwagi sa

    halalan.

    Ang mga pangatnig ay nag-uugnay at nagbibigay-linaw sa mga

    pangungusap.

    Bawat isang mamamayan ay bahagi ng pag-unlad ng bayan.

    Mahahalagang Tanong

    Paano nakatutulong ang pangatnig upang maunawaan ang teksto?

    Ano ang magagawa natin para makatulong sa pag-unlad ng bayan?

    Paano tayo naaapektuhan ng resulta ng botohan?

    Ano ang mangyayari kapag masamang kandidato ang nanalo?

    Ano ang mangyayari kapag mabuting kandidato ang nanalo?

    Anu-ano ang katangian ng kandidato na dapat manalo sa halalan?

    Gaano kahalaga ang halalan sa ating bansa?

    Mababatid ng mga estudyante ang

    kahalagahan ng wastong pagboto sa pagkamit ng asenso

    mga katangian ng isang mabuting kandidato at pinuno

    gampanin ng bawat mamamayan sa pag-unlad ng bayan

    kabuluhan ng mga pangatnig sa pag-uugnay at pagbibigay-linaw sa

    mga pangungusap.

    Magagawa ng mga estudyante na

    magamit ang teksbuk at magasin sa pag-unawa ng mga makabuluhang

    konsepto

    magamit ang modernong teknolohiya sa pananaliksikat pagpapalawak

    ng kaalaman

    magamit ang mga pangatnig sa sariling pangungusap

    Understanding by Design Unit Plan para sa ANG WIKANG FILIPINO 4

    Pamagat ng Yunit: Ang Pilipinas sa Mundo ng Pagsulong at Pag-unlad (Yunit 4)

    Mga Sakop na Aralin: Madali Ba ang Bumoto? (Aralin 4 ng Yunit 4)

    Bilang ng mga Linggo: 1 linggo (ang karaniw ang yunit ay binu buo ng 6-9 na aralin at kung gayoysum asaklaw sa 6-9 na

    l inggo, nguni t d ahi l sa l imi tado ang o ras ng at ing seminar-worksh op, assumed uni t na ang in ihanda nat in ngayon)

    Pagbubuod: (Sa bahaging ito ay dapat ibuod ang nilalaman ng y unit.)

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    31/33

    Antas 2Pagtataya

    Sa Antas ng Pagganap1. Paggawa ng Bukas na Liham (Open Letter)

    GoalBubuo ka ng bukas na liham o open

    letter.

    RoleIsa kang estudyante na gustong hikayatin

    o i-encourage ang mga botante na bumoto nang

    tama.

    AudienceMga botante sa Pilipinas.SituationBubuo ka ng open letter na

    mababasa ng mga botante sa Pilipinas.

    Hihikayatin mo sila na bumoto nang tama.

    Babanggitin mo sa liham ang mga katangian ng

    mabuting pinuno.

    Product/Performance Bukas na Liham

    Standards for success/criteriaAng open letter

    ay dapat na: para sa o naka-address sa mga botante ng

    Pilipinas

    bumabanggit sa mga katangian ng isang

    mabuting pinuno

    humihikayat sa mga botante na bumoto nang

    wasto

    sumusunod sa mga tuntuning pambalarila

    Iba Pang Patunay

    Pagsasanay sa aklat

    Pagsasanay sa magasin

    Pagsusulit

    Aktibidad sa

  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    32/33

    Antas 3Mga Plano ng PagkatutoUnang Linggo

    Pagpapakita ng video ng mga eksena sa araw ng eleksyon (maaaring magdownload sa Youtube) o kayay

    pagpapakita ng larawan ng balota at hintuturo na may kulay-ubeng tinta.

    Hingin ang reaksyon ng mga mag-aaral ukol dito. Iugnay ang ipinakitang video o larawan sa babasahing

    sanaysay.

    Ipabukas ang teksbuk. Ipabasa ang pamagat ng sanaysay at ipasagot ang mga tanong sa Pag-usapan Natin (Ano

    ang halalan?; Gaano kahalaga ang halalan sa ating bansa?)

    Ipasagot ang talasalitaan sa Tuklasin Natin.

    Ipabasa nang malakas ang sanaysay sa teksbuk naMadali Ba Ang Bumoto?

    Ipasagot ang mga tanong sa Sagutin Natin (Kanino nakasalalay ang pagpili sa mga pinuno sa ating bayan? Ayon

    sa CBCP, anu-ano ang mga dapat na maging katangian ng mga taong nagnanais maglingkod sa pamahalaan) at

    ang mga karagdagang tanong.

    Ipasagot ang pagsasanay sa Gawin Natin. Ipabasa ang mga pangungusap saAlamin Natin at ipasagot ang mga tanong tungkol dito.

    Talakayin ang wastong gamit ng pangatnig sa pagsulat ng pangungusap.

    Atasan ang mga mag-aaral na magbigay ng sariling pangungusap na gumagamit ng pangatnig.

    Talakayin ang kabuluhan ng pangatnig sa pag-unawa ng teksto.

    Ipasagot ang mga pagsasanay sa teksbuk: Subukin Natin (p.249-250)

    Ipabasa sa klase ang tulang Aking Mithi: Isang Bagong Pilipinas sa 2010 na nasa Kaluskos 4, Tomo 14, Blg.2,

    S.Y. 2010-2011 (maaaring makuha ito sa www.diwalearningtown.com).

    Talakayin ang mga salitang di maunawaan ng klase (gamitin angsearchable English-Tagalog Dictionary).

    Talakayin ang mensahe ng . Bigyang-diin ang gampanin ng bawat mamamayan sa pag-unlad ng bayan, lalo nakapag panahon ng halalan.

    Magpakita ng music video hinggil sa kahalagahan ng papel ng mamamayan sa pag-unlad ng bayan (halimbawa,

    ang video ng GMA 7 na pinamagatang Serbisyong Totoo: Katotohanan ang Magpapalaya sa Bayan)

    Pagganap ng Gawain : Bumuo ng bukas na lihambatay sa mga kaisipang tinalakay sa klase (Tingnan ang Antas

    2 : Antas ng Pagganap).

    http://www.diwalearningtown.com/http://www.diwalearningtown.com/
  • 5/24/2018 Understanding COMPLETE

    33/33

    maraming salamat po!

    ^_^