57
UPHS 54 Southern Reunion 2012 Souvenir Songbook

UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

UPHS 54 Southern Reunion

2012 Souvenir Songbook

Page 2: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

U.P. Naming Mahal U.P. naming mahal Pamantasan naming hirang Ang tinig namin Sana'y inyong dinggin Malayong lupain Amin mang marating Di rin magbabago ang damdamin Di rin magbabago ang damdamin Luntian at pula Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang Mabuhay ang pag-asa ng bayan Mabuhay ang pag-asa ng bayan

Page 3: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Ako'y Isang Ibong Sawi

Ako'y isang ibong sawi na hindi na makalipad At sa puso’y may sugat wala pang lumingap Inabot ng hating gabi sa madilim na paglipad Saan kaya ngayon ang aking pugad. Sa mata mo’y may isang - langit ng pangarap Sa puso mo’y mayroon kang - pugad ng paglingap Kung ako’y mamamatay sa kapighatian Sa puso mo lamang muli akong mabubuhay. Sa mata mo’y may isang langit ng pangarap Ibig kong mamugad sa puso mo irog Kung ako’y mamamatay sa kapighatian Sa puso mo lamang diyan ako mabubuhay.

Page 4: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Anak Ng Dalita

Ako’y anak ng dalita at tigib ng luha Ang naritong humihibik na bigyan ng awa Buksan mo ang langit at kusa mong pakinggan Ang aking ligalig sa pagkadaramdam. At kung hindi ka mahahabag Sa lungkot kong dinaranas Puso’t diwang nabibihag Sa libing masasadlak. Magtanong ka kung ‘di tunay Sa kislap ng mga tala Magtanong ka rin sa ulap Ng taglay kong dalita. Sa dilim ng gabi aking nilalamay Tanging larawan mo ang nagiging ilaw. Kung ikaw ay mahimbing sa gitna na ng dilim Ang iyong ihulog puso mo sa akin.

Page 5: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Ang Pipit May pumukul sa pipit sa sanga ng isang kahoy At nahagip ng bato ang pakpak ng munting ibon. Dahil sa sakit, ‘di na makaya pang lumipad At ang nangyari ay nahulog Ngunit parang taong bumigkas, “Mamang kay lupit Ang puso mo’y ‘di na nahabag.” ‘Pag pumanaw ang buhay ko May isang pipit na iiyak.

Page 6: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Ang Tangi Kong Pag-ibig Ang tangi kong pagibig ay minsan lamang Ngunit ang ‘yong akala ay hindi tunay Hindi ka lilimutin magpakaylan pa man Habang ako ay narito at may buhay. Malasin mo’t nagtitiis ng kalungkutan Ang buhay kong unti unti nang pumapanaw Wari ko ba sinta ako’y mamamatay Kundi ikaw ang kapiling habang buhay.

Page 7: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Arimunding-munding Arimunding munding halina at mag sayaw Arimunding munding at pakunday kunday. Sa inindak indak, at sarap ng pag-imbay Ay bagayan mo sinta himig ng tugtugan. Limutin ang iyong kalungkutan sa galak Ating subaybayan bawat kumpas sa palakpak At ng lumigaya itong ating pusong wagas Nang malimutang lahat ang tinataglay na hirap. Ako’y paruparo. Bulaklak naman ako Na nasa hardin ng masamyong ganda’t bango. Kung sakali’t dumating iyang ula’t bagyo Sukob na sa pakpak ko. Silong pa sa ubod ko. Ako’y paruparo. Bulaklak naman ako At magkasuyo tayo. At sakdal tamis mong paglingap irog ko Ang lambing ko’y langit mo.

Page 8: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Ay Kalisud

Ay ay kay lunkot kay lungkot ang binayaan Gabi’t araw ay ikaw ang tinatangisan Ay ay naku kay sawi kong kapalaran Wala na wala na akong kaligayahan. Mutyang sinta nahan kaya ikaw baga Lingapin mo sana ang nabilanggo sa dusa Buti pang mamatay tuluyang mamatay Nang di ko na damdamin pa yaring sawing pagsinta.

Page 9: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Babalik Ka Rin

Bakit kaya naulila, Puso’y laging may dusa Nagtatampo ang ligaya At laging may luha ang mata. Ibon ang aking katulad Na di na makalipad Dahil sa hirap at pagod Sa paghanap ng kanyang pugad. Kung batid mo lang Ang tunay kong dinaramdam Buhat ng ako Ay iwan mo aking mahal Babalik ka rin Upang ako ay aliwin Sa mga tinitiis kong Kalungkutan.

Page 10: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Baka Maputikan Bukid ay basa, tag-ulan noon, May mutyang biglang sa ‘ki’y nagtanong Kung nais ko raw siya ay tutulong Sa pagtatanim ko ng palay maghapon. Kahit na ano ang aking sabihin Ang pagtulong niya ay ‘di ko mapigil. Ang sabi ko pa, “Huwag na Neneng ko At mapuputikan lamang ang bakya mo.” Langit ang ganda ni Neneng sa bukid At nakita kong bukid man ay langit. Nangarap ako puso’y naidlip Nagising ako sa tunay na pag-ibig. Kay ganda ganda ni Neneng kahapon At namumula ang kulay ng sakong. Ang mga tanim na naroroon Na-inggit sa akin pati mga ibon. Tunay na ganyan ang buhay sa bukid. I-ilawan ka ng tala sa langit. Karaniwan na sa magbubukid Sa pagtatanim ay labis ang pag-ibig. _________________________________________

Page 11: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Bakya Mo Neneng Bakya mo Neneng, luma at kupas na Ngunit may bakas pa ng luha ko sinta. Sa ala- ala’y muling nagbalik pa Ang ating kahapong tigib ng ligaya. Ngunit irog ko bakit isang araw Hindi mo ginamit ang bakya mo, aking hirang Sa wari ko ba’y di mo na kailangan Pagkat kinupasan ng ganda at kulay. Ang aking pag-asa’y saglit na pumanaw Sa bakya mo Neneng na di nasilayan Kung inaakalang ‘yan ay munting bagay Huwag itapon aking buhay ang aliw ko kailan man.

Page 12: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Bahay Kubo Bahay kubo, Kahit munti, Ang halaman doon Ay sari sari. Singkamas at talong, Sigarilyas at mani, Sitaw, bataw, patani. Kundol, patola, Upo’t kalabasa, At saka mayroon pang Labanos, mustasa. Sibuyas, kamatis, Bawang at luya, Sa paligid ligid Ay maraming linga.

Page 13: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Basta’t Mahal Kita

Isipin mong basta’t mahal kita Wala namang magagawa sila Kapag ako’y kausap ng iba Walang dapat ipangamba. Basta’t mahal kita’y sapat na ‘yan Ituring mong sumpa kailan pa man Basta’t mahal kita tahimik na Itong buhay. Kahit tayo’y di magkita Sa puso ko’y kapiling ka Basta’t mahal kita sa gabi’t araw Basta’t mahal kita’y kasiyahan.

Page 14: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Bayan Ko

Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig ang sa kanyang palad Nag alay ng ganda’t dilag. At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko binihag ka nasadlak sa dusa. Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal-dilag Ang ‘di magnasang maka-alpas. Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha ko’t dalita Aking adhika, makita kang sakdal laya.

Page 15: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Bituing Marikit

Bituing marikit sa gabi ng buhay Ang bawat kislap mo’y ligaya ang taglay Yaring aking palad iyong patnubayan At kahit na sinag ako’y bahaginan. Natanim sa puso ko yaong isang pag-ibig Na pinakasasamba sa loob ng dibdib Sa isang luningning laging nasasabik Ikaw ang pangarap bituing marikit. Lapitan mo ako, halina bituin. Ating pag-isahin ang mga damdamin. Ang sabik kong diwa’y huwag mong uhawin Sa batis ng iyong wagas na pag-giliw.

Page 16: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Buhat

Bawat buhay ay may kasaysayan Tulad ng pinangyarihan ng tayo’y magtanaw. Takot lamang ay di mo pakinggan Ngunit ang katotohanan kita’y minamahal. Buhat nang kita’y masilayan Buhat ng mapanagimpan, Laging hinahanap at umaasam Bilin ay damin yaring pagmamahal At magbuhat ng makita ka lamang Bawat masdan ko’y kariktan Dulot ng sadyang kaligayahan Na nagbuhat sa iyo buhay n’yaring buhay.

Page 17: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Cariñosa Ang pangarap ko sa pag-ibig Ay maging akin hanggang langit Ang isang tapat kung gumiliw Ang pagsuyo'y di mawawaglit Matupad ko lamang ang nais Hahamakin ko ang panganib Sa pagkat ako'y cariñosa kung umibig Ang puso laging malulumbay Kung lilimutin mo Ang pagsintang wagas aking mahal Irog ko nahan ang pag-asa Ng tanging pagsintang Wari'y magdurusa Panaligan mo aking giliw Kailan ma'y hindi lilimutin Ang iyong pagsuyo sa akin Iingatan ko hanggang libing Kung ako'y naging carinosa Sa piling mo lang aking giliw Ang pag-ibig ko ay asahang Walang maliw.

Page 18: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Dahil Sa Iyo

Sa buhay ko’y labis ang hirap at pagsakit Ng pusong umiibig mandi’y wala ng langit. At nang lumigaya hinango mo sa dusa Tanging ikaw sinta ang aking pag-asa. Dahil sa iyo nais kong mabuhay Dahil sa iyo hanggang mamatay. Dapat mong tantuin wala ng ibang giliw Puso ko’y tanungin ikaw at ikaw rin. Dahil sa iyo ako’y lumigaya Pagmamahal ay alayan ka. Kung tunay man ako ay alipinin mo Ang lahat sa buhay ko’y dahil sa iyo.

Page 19: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Dalagang Pilipina Ang dalagang pilipina parang tala sa umaga Kung tanawin ay nakaliligaya May ningning sa tangi at dakilang ganda. Maging sa ugali, maging sa kumilos Mayumi mahinhin mabini ang lahat ng ayos. Malinis ang puso maging sa pag-irog May tibay at tining ang loob. Bulaklak na tanging marilag Ang bango ay humahalimuyak Sa mundo’y dakilang pang hiyas Pang aliw sa pusong may hirap. Batis ng ligaya at galak Hantungan ng madlang pangarap Iyan ang dalagang pilipina Karapatdapat sa isang tunay na pagsinta.

Page 20: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Di Ka Na Naawa

Ang gabi’y matahimik lahat ay mapanglaw Kahit na bituing nagniningning ay nangagsipanaw. Iniwanan akong mag-isa at ni walang kaulayaw Kung hindi ang hanging malamig ang nararamdaman. Di ka na naawa sa sawi kong buhay. Ang tibok ng puso’y ibig nang pumanaw. Damhin mo ang hirap at minsan kang manungaw Sa isang ngiti mo lang ako’y mabubuhay.

Page 21: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Dungawin Mo Hirang

Irog ko’y pakinggan awit na mapanglaw Na nagbuhat sa isang pusong nagmamahal. Huwag mong ipagkait awa mo’y ilawit, Sa abang puso kong naghihirap sa pag-ibig. Dungawin mo hirang ang nananambitan Kahit sulyap mo man lamang iyong idampulay. Sapagkat ikaw lamang ang tanging dalanginan Ng puso kong dahil sa iyo’y nabubuhay.

Page 22: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Hindi Kita Malimot

Sa pangarap ko lamang lagi kang nakikita Dahil sa nawawalay ka sa akin sinta. Ako’y dumadalangin lalo na kay Bathala Upang huwag kang lumimot pagkat mahal kita. Hindi kita malimot alaala kita Hindi kita malimot minamahal kita Isinusumpa ko sa ‘yong kagandahan Ikaw lamang ang tangi kong paraluman. Hindi kita malimot huwag kang manimdiman Hindi kita malimot manalig ka sinta At kung ikaw man ay lumimot Iyong alalahanin mahal pa rin kita.

Page 23: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Ikaw

Pag-ibig masdan ang ginawa mo Winasak ang abang puso ko Tulungan ang samo ko lang man sa iyo Bihagin ang dalagang ito. Ikaw ang aking panaginip. Ikaw ang tibok ng dibdib. Pusong humihibik dinggi’t umaawit Tumataghoy ang pag-ibig. Ikaw ang ligaya sa buhay. Sa piling mo’y walang kamatayan. Puso ko’y nangumpisal sa Birheng dalanginan Na ang pangarap ko’y ikaw.

Page 24: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Ikaw Ay Akin

Bakit ang lahat ay maligaya Pati ang puso at ang aking kalul’wa Bakit ang lahat ay nagdiriwang Ang katunayan sana’y pakinggan. Ikaw ay akin. Ako ay sa ‘yo. ‘Yan ang damdamin Nitong puso ko. Ang panambitan Sana’y dinggin mo Paniwalaan Di maglililo. Ikaw ay akin. Ako ay sa ‘yo. Ang ‘yong ligaya Ay ligaya ko. Samo ko hirang Ay awitan lamang. Ikaw ay akin. Ako ay sa ‘yo.

Page 25: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Irog Ko

Giliw ako’y labis mong sinaktan. Ang puso’y iyong sinugatan. Giliw hingi ko’y patawad, Nang iyong mapansin At huwag mong pabayaan ang pagliyag. Kung kita’y kapiling ay nalilimutan Ang mga pasakit at dusang tinataglay. Sa lahat ng oras ikaw ang pangarap Ng abang bihag mo na laging nasa hirap. Bakit aking giliw hindi mo lingapin Ang naghihintay ng awa mo at pagtingin. Isinusumpa ko, kahit na pumanaw, Ikaw ang irog ko hanggang sa hukay.

Page 26: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Kapantay Ay Langit Dusa'y kayang matiis Kahit na anong pait Dahil sa pagmamahal Na kapantay ay langit. Mahal kita kapantay ay langit sinta At lagi kong dasal sa Maykapal ang lumigaya ka. Kahit ngayon mayroon ka nang ibang mahal Hinding hindi pa rin ako magdaramdam. Ngunit sinta sakaling paluhain ka Magbalik ka lamang naghihintay puso ko't kaluluwa. Pagibig ko kapantay ay langit hirang Hindi magbabago kailan pa man. Ngunit sinta sakaling paluhain ka Magbalik ka lamang naghihintay puso ko't kaluluwa. Pagibig ko kapantay ay langit hirang Hindi magbabago kailan pa man. _________________________________________

Page 27: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Karinosa Kung ganda ang pag-uusapan Ay higit na ang Pilipina Sa lungkot man o sa ligaya Karinosa ‘yun pagmasaya. Sa gitna man ng kahirapan May sigla pa rin kung kumilos Pilipina ay karinosa Sa pag-irog. Ay hirang Simpatikang tunay. Puso mo ay ginto. Pang bawas ng bawa’t nagmamahal. Ay mutya ‘Yan mang pagka buhay Binata ay dugha Pag di ka mag pantay.

Page 28: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Kay Bangu Bango Mo Lalake: Kay bango-bangong bulaklak ang nakakatulad mo Halimuyak mong taglay ay di magbabago. Tulad ko’y bubuyog sa ‘yo’y nakadapo. Pag ika’y nalagas, lagas din ang puso. Bakit mo inakit na kita’y ibigin Kung masasawi lang ang puso ko Neneng, ay Neneng. Ang iyong bangong taglay ay pangarap ko rin Habang buhay ko ngang hahanapin. Babae: Sabi mo’y bubuyog ikaw kay likot ng ‘yong pakpak, ‘Sing likot ng ‘yong sumpang dagling kumukupas. Ang mga bubuyog ay palipatlipat At pagka nagsawa, lagas ang bulaklak. Kay sarap umibig kung magiging tunay Ang sumpa’t pangako na ‘yong binitiwan, ay hirang. Susuyuin mo pa ba ang bulaklak, sinta Kung wala nang bango at malanta.

Page 29: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Katakataka Katakatakang mahibang ang katulad ko sa iyo. Birubiru ang simula ang wakas pala ay ano. A-ayaw ayaw nga ako ngunit 'yan ay di totoo. Dahil sa iyo puso kong ito ay binihag mo. Alaala ka maging gabi't araw. Alipinin mo'y walang kailangan. Marinig ko lang sa labi mo hirang. Na ako'y iibigin lagi habang buhay.

Page 30: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Kumpisal Padre, nais kong mangumpisal. Ako ay nagkasala sa isang nilalang. Ako’y may kasintahan. Kami ay nagsuyuan Naging saksi ang langit sa aming sumpaan. Padre, nais kong ipagtapat Hindi na siya malaya noong una pa man. Iniibig ko siya maging ito ay bawal At mayroong ibang pusong Sa aki’y magdaramdam. Bakit pa kaya ako sinilang Kung laging sawi ang aking buhay? Subalit kung nais ng Maykapal Sino akong tao lamang na susuway? Padre, parusahan n’yo ako Sa aking kasalanang ngayo’y nabatid n’yo Ako’y dumadalangin na sana ay magbago Naipunlang pag-ibig dito sa puso ko. Padre, sinasamo ko ipanalangin n’yo ako Sa aking pagkakasala patawarin sana ako.

Page 31: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Lambingan

Ay kay tamis hirang ng pagsintang tunay Ang lahat ay buhay lalo’t ikaw kapiling. Kung sa iyo’y mawalay palad ko’y libingan At kung walang lambingan Mabuti pa mabuti pang tayo’y pumanaw. Sa piling mo sinta ko napapawi ang lungkot Napaparam nagbabago ang lahat ng himutok. At sa t’wi kong hahagkan ang pisngi mong mabango Ay tuluyang napaparam ang hirap ko. Kung tayo’y magkasayaw magkayakap sa galak Ang langit ng bagong buhay ay maliwanag. Sa suyuang matimyas nalilimot ang lumbay At patuloy ang sarap ng matamis na lambingan.

Page 32: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Lahat Ng Araw

Sa bawat sandali Tayo ay magkapiling. Ang bawat lunggati Pakinggan ang hiling. Ang puso ko’t budhi Ay hindi sinungaling. Sana ay ulinigin Damdamin ko giliw. Asahan, pangarap nitong buhay Lahat ng araw, kita’y mamahalin. Iwasan ang iyong alinlangan. Lahat ng araw, kita’y mamahalin. Sa labi ng imbing kamatayan Itangi yaring pagmamahal. Tulutang magtapat sa ‘yo hirang Lahat ng araw, kita’y mamahalin.

Page 33: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Leron Leron Sinta

Leron Leron sinta, buko ng papaya Dala-dala’y buslo, sisidlan ng bunga. Pagdating sa dulo, nabali ang sanga Kapos kapalaran, humanap ng iba. Gumising ka Neneng, tayo’y manampalok Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog Pagdating sa dulo’y balambalambayok. Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog. Ako’y ibigin mo lalaking matapang Ang baril ko’y pito and sundang ko’y siyam. Ang lalakarin ko’y parte ng dinulam. Isang pinggang pancit ang aking kalaban.

Page 34: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Maalaala Mo Kaya

Huwag mong sabihin ika’y hamak Kahit na isang mahirap Pagkat ang tangi kong pag-ibig Ganyan ang hinahanap. Aanhin ko ang kayamanan Kung ang puso’y salawahan Nais ko’y pag-ibig na tunay At walang kamatayan. Maalaala mo kaya ang sumpa mo sa akin Na ang pag-ibig mo ay sadyang di magmamaliw. Kung nais mong matanto buksan ang aking puso At tanging larawan mo ang doo’y nakatago. ‘Di ka kaya magbago sa ‘yong pagmamahal. Tunay kaya irog ko hanggang sa libingan. O kay sarap mabuhay lalo na’t may lambingan. Ligaya sa puso ko ay ‘di na mapaparam. ‘Di ka kaya magbago sa ‘yong pagmamahal. Hinding hindi giliw ko hanggang sa libingan. O kay sarap mabuhay lalo na’t may lambingan. Ligaya sa puso ko ay ‘di na mapaparam.

Page 35: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Madaling Araw Irog ko’y dinggin ang tibok ng puso Sana’y damdamin ang hirap ng sumuyo. Manong itunghay ang matang mapungay Na siyang tanging ilaw ng buhay kong papanaw. Sa gitna ng karimlan mag madaling araw na! At ako ay lawitan ng habag at pagsinta! Kung ako’y mamatay sa lungkot n’yaring buhay Lumapit ka lang lumapit ka lang at mabubuhay. Sa gitna ng karimlan mag madaling araw na! At ako ay lawitan ng habag at pagsinta! Kung ako’y mamatay sa lungkot n’yaring buhay Lumapit ka lang lumapit ka lang at mabubuhay. At kung magkagayon mutya mapalad na ang buhay ko. Magdaranas ako ng tuwa ng dahil sa iyo. Madaling araw ka sinta, liwanag ko’t tanglaw. Halina irog ka at mahalin mo ako.

Page 36: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Magtanim Ay Di Biro Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko Di man lang makatayo Di man lang makaupo. Sa umaga paggasing Lahat ay iisipin Kung saan may patanim May masarap na pagkain. Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko Di man lang makatayo Di man lang makaupo. Magtanim ay di biro Maghapong nakayuko Di man lang makatayo Di man lang makaupo.

Page 37: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Manang Biday Manang Biday ilukat mo man Ta bintana ikalumbabam Ta kitaem toy kinayawan Ay matayakon no dinak kaasian. Siasinno ka maglabas-labas Toy hardin ko umok ni ayat Amuem a nga balasang ak Sabong ni Lirio di pay naukrad. Denggem ading ta bilinenka Ta inkanto sadiay Laguna No nagato, di mo sukdalen Lansones pay ken adu a kita. No nagato, di mo sukdalen. No nababa, di mo gaw-aten. No naregreg, di mo piduten. Ngem labas-labasam to laeng. Daytoy pan-yok no maregregko Ti makapidot isubli nanto Ta nagmarka itinagan ko Ken nagburda pay ti sinan puso. Alaem dayta kutsilyo Ta abriem toy barukong ko Tatapnum maipapasmo Dayta guram ken sentimiento.

Page 38: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Mawala Mang Lahat Madilim ang gabi Noong tayo’y namamasyal. Ni isang bituin Sa atin ay walang tanglaw. Ngunit dahil sa Ang kapiling ko ay palaging ikaw, Dilim man ng gabi ‘Sing liwanag na rin ng araw. Mawala mang lahat Sinta ang langit at lupa -- Mawala mang lahat Ang buwan, bitui’t mga tala – Mawala man ang araw Ay hindi ko rin daramdamin. Huwag lamang mawala Ang pagmamahal mo sa akin.

Page 39: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Minamahal Kita Kung aking wariin sinta, Ay naghihintay pagtapatan ka. Kung nais malaman sinta, Bakit tangi kang minamahal. Ikaw lang ang tunay at siyang dahilan Ng aking kaligayahan. Minamahal minamahal kita Pagsinta ay di mag-iiba. Hindi mo ba nadarama sinta, Bawat kilos ko’y pangarap ka. Minamahal minamahal kita At nasa iyo ang tanging pagasa. Asahan mong dalangin ko t’wina Minamahal minamahal kita.

Page 40: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Natutulog Ka Na Ba, Sinta?

Natutulog ka na ba, sinta? Sa dilim nitong hating gabi Ay dinggin ang harana Nitong puso kong nababaliw Sa taglay mong ganda. Tinig ko ay namamaos na, Bagting ng kudyapi’y lagot pa Magdamag na hinihintay ka Ngayo’y umaga na. Dati’y di ko nalalaman Kung ano ang pagmamahal Ngunit sa ‘yong ganda Ang puso ko’y nanambitan. Sana’y bumangon ka At dumungaw ka man lamang. Irog manalig kang sa puso ko’y Mahal kang tunay.

Page 41: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

O Ilaw O ilaw Sa gabing malamig Wangis mo’y Bituin sa langit. O tanglaw Sa gabing tahimik Larawan mo Neneng Nagbigay pasakit. Ay! Tindig at magbangon Sa pagkagupiling Sa pagkakatulog Na lubhang mahimbing. Buksan ang bintana At ako’y dungawin Ng mapagtanto mo Ang tunay kong pagdaing.

Page 42: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

O, Maliwanag Na Buwan ni Levi Celerio O, maliwanag na buwan Nakikiusap ako Ang aking minamahal Sana ay hanapin mo. Tadhana may magbiro Araw man ay magdaan Ang pag ibig ko sa kanya Ay diri maglalaho Hanggang sa kamatayan. O, buwan sa liwanag mo Kami’y nagsumpaan ng irog ko "Giliw ko," ang sabi niya "Ang puso ko’y iyong iyo." O buwan pakiusap ko Saan man naroon ang irog ko Siya'y aking hinihintay Sabihin mo.

Page 43: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Pakiusap

Natutulog ka man Irog kong matimtiman Tunghayan mo man lamang Ang nagpapaalam. Dahan dahan mutya Buksan mo ang bintana Tanawin mo’t kahabagan Ang sa ‘yo’y nagmamahal. Kung sakali ma’t salat Sa yama’t pangarap May isang sumpang wagas Ang aking paglingap. Pakiusap ko sa ‘yo Kaawaan mo ako Kahit mamatay Pag-ibig ko’y minsan lamang. Iniibig kita Magpakailan pa man!

Page 44: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Pamulinawen

Pamulinawen pusok indengam man Toy umas-asug agrayod’ta sadiam. Panunoten man inka Pagintutulngan Toy agayat, agukkoy dita sadiam. Essem nga diak malipatan ta nasudi unay a nagan, Uray sadin ti ayan lugar sadino man, Aw-awagan di agsarday ta naganmo kasam-itan No malagipka, pusok ti mabang-aran. Adu a sabsabaong, narway a rosrosas Ti adda’t ditoy a di nga mabuybuya, Ngem awan man laeng ti pakaliwliwaan No di dayta sudim ken kapintas. Aywen biagko, indengam man. Iyasasokko nga inaldaw Ta diak to a kayat ti sabali nga imnas. Sika laeng, o, biagko ita ken uray tanemman No malagipka, pusok ti mabang-aran. Dakay nga ub-ubbing, didakam’ tultuladen Ti dakkel kamin nga agiinnarem Ta ituluyyo ta panagadalyo Tapno inkay magun-od kakaligumanyo. Essem nga diak malipatan ta nasudi unay a nagan, Uray sadin ti ayan lugar sadino man, Aw-awagan di agsarday ta naganmo kasam-itan No malagipka, pusok ti mabang-aran.

Page 45: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Paru-Parong Bukid Paru-parong bukid Nalilipad-lipad, Sa gitna ng daan Papagapagaspas, Isang bara ang tapis, Isang dangkal ang manggas, Ang sayang de kola Isang piyesa ang sayad. May payneta pa siya – uy! May suklay pa man din – uy! Nagwas de-ohetes Ang palalabasin. Haharap sa altar At mananalamin At saka lalakad Nang pakendeng-kendeng.

Page 46: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Sa Kabukiran

Sa kabukiran Walang kalungkutan Lahat ng araw Ay kaligayahan. Sa kabukiran Walang kalungkutan Lahat ng araw Ay kaligayahan. Ang halamanan Kung aking masdan Masigla ang lahat Ng kaniyang kulay. Ang mga ibong Nag-aawitan Kawiliwili Silang pakinggan. Kawiliwili Silang pakinggan O aking buhay Na maligaya. Busog ang puso At maginhawa O aking buhay Na maligaya.

Page 47: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Sa Libis Ng Nayon Kahit na gabing madilim sa libis ng nayon. Taginting nitong kudyapi ay isang himatong. Maligaya ang panahon sa lahat ng naroroon. Bawat puso’y tumutugon sa nilalayon. Puno ng kawayan ay naglangitgnitan. Lalo na kung hipan ng hanging amihan. Ang katahimikan nitong kaparangan Pinukaw na tunay nitong kasayahan. Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay Sa libis ng nayon doon manirahan. Taga bukid man may gintong kalooban Kayamanan at dangal ng kabukiran. Ang liwanag ng buwan at kislap ng bituin Ay nag-aalay ng aliw. Kung ang puso ang hanap ay paglalambing Awit ng parang ay dinggin. Ang pag-ibig man din dito’y nag susupling At kapag na siphayo’y luksang libing. Kaya’t ang payo ko ay inyong susundin, Bukid ay dapat mahalin. Kung ang hanap mo ay ligaya sa buhay Sa libis ng nayon doon manirahan. Taga bukid man may gintong kalooban Kayamanan at dangal ng kabukiran.

Page 48: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Sa Piling Mo Kung malasin mo o giliw Lahat ay nagsasaya May ngiti sa mga labi, Puso’y walang dusa At tigib ng ligaya. Ganyan din sana o giliw Ang nais kong madama – Magsuyuang palagi At ang pagmamahalan Ay hindi mag-iiba. Sa piling mo Lalawig ang aking buhay Pagkat ikaw Ang minamahal kong tunay. Sa piling mo Kahit na ako’y pumanaw Ligaya pa rin sa akin Kung ikaw ang dahilan.

Page 49: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Sa Ugoy Ng Duyan Sana’y ‘di magmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni Nanay. Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal Awit nang pagibig habang ako’y nasa duyan. Sana’y ‘di magmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni Nanay. Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal Awit nang pagibig habang ako’y nasa duyan. Sa aking pagtulog na labis ang himbing Ang bantay ko’y tala ang tanod ko’y bitwin. Sa piling ni Nanay langit ang buhay. Puso kong may dusa, sabik sa ugoy ng duyan. Sana’y ‘di magmaliw ang dati kong araw Nang munti pang bata sa piling ni Nanay. Nais kong maulit ang awit ni Inang mahal Awit nang pagibig habang ako’y nasa duyan.

Page 50: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Saan Ka Man Naroroon Saan ka man naroroon sinta Pag-ibig kong wagas Ang iyong madarama. Kailan pa man Sa iyo’y di lilimot Pusong uhaw sa iyong pag-irog. Saan ka man naroroon sinta Pangarap ko’y ikaw Pagkat mahal kita. Asahan mong sa habang panahon Alaala kita Saan ka man naroroon.

Page 51: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Sarung Bangui Isang gabing maliwanag Ako’y naghihintay sa aking magandang dilag. Namamanglaw ang puso ko At ang diwa ko’y lagi nang nangangarap. Malasin mo giliw Ang saksi ng aking pagmamahal. Bituing nagniningning Kislap ng tala’t liwanag ng buwan Ang siyang magsasabi Na ang pag-ibig ko’y sadyang tunay. Araw gabi ang panaginip ay ikaw. Magbuhat ng ikaw ay aking inibig, Ako ay natutong gumawa ng awit. Pati ng puso kong dati ay tahimik, Ngayo’y dumadalas ang tibok ng aking dibdib.

Page 52: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Sampaguita Sampaguita ng aming lipi Bulaklak na sakdal ng yumi Ikaw ang mutyang pinili Na sagisag ng aming lahi At ang kulay mong binusilak Ay diwa ng aming pangarap Ang iyong bango't halimuyak Sa tuwi na'y aming nilalanghap O bulaklak, na nagbibigay ligaya O! paralumang mutyang Sampaguita Larawang mistula ng mga dalaga Ikaw tanging bituing-hiraman Ng kanilang ganda. Ang iyong talulot Ang siyang tunay na sagisag Ng sa dalagang puso'y wagas Kayumian at pagkamatapat.

Page 53: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Sinisinta Kita Kung ang sinta’y ulilahin Sino pa kaya’ng tatawagin Kung hindi si Neneng kong giliw. Naku! Kay layo sa piling. Malayo man, malapit din Pilit ko ring mararating Huwag lamang masabi mong Di kita ginigiliw. Ginigiliw kitang tunay Alaala gabi’t araw At ‘di na mapalagay Lagi ng giniginaw. Sinisinta kita, ‘di ka kumikibo Akala mo yata ako’y nagbibiro Saksi ko ang langit, sampu ng kanduro Kundi kita sinta, puputok ang puso.

Page 54: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Sitsiritsit Sitsiritsit, alibangbang Salaginto’t salagubang Ang babae sa lansangan Kung gumiri’y parang tandang. Santo Ninyo sa Pandacan Puto seko sa tindahan Kung ayaw kang magpautang, Uubusin ka ng langgam. Mama, mama, namamangka, Pasakayin yaring bata, Pagdating sa Maynila, Ipagpalit ng manika. Ale, ale, namamayong, Pasukubin yaring sanggol. Pagdating sa Malabon, Ipagpalit ng bagoong.

Page 55: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Tapis Mo Inday Ang tapis mo Inday ay kay ganda at mapang-akit, Lunas at aliw sa hirap kong tinitiis. Bakit hindi mo na taglay ngayon Ang tapis na kundimang marikit Nalimot mo na ba Ang dating ayos mo Kung magbihis. Tapis mong iyan pagnilimot Inday Ang aking puso’y mamamanglaw. May damit kang iba ngunit barong hiram Dapat mong mahalin ang damit na kinagisnan. Tapis sa bewang mo mutyang sinta T’wina sa puso ko’y gumaganda. Sayang ang tapis mong nilimot na. Limot na rin ang baro at saya. Ang tapis na kundiman ay dapat ingatan, Dangal ng lahi At hiyas ng silangan. Bagay na bagay sa iyo Kung ika’y nagpapasyal Ligaya n’yaring puso Habang minamasdan. Tapis mo ay huwag kalilimutan.

Page 56: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Waray Waray

Waray Waray hindi tatakas Waray Waray handang matodas Waray Waray bahala bukas Waray Waray manigas! Waray Waray tawag sa akun, Sa bakbakan, diri mag-uron Sa sinuman, ay humahamon Kahit ikaw, ay maton! Likas sa ating paraluman Kaming palagid, mapagbigay Gunitibaring waray waray Walang sindat kaninuman Walang babareng waray waray A siga siga, kahit saan Kabakina, ay lumalaban Kabakina manang habay . Waray Waray hindi tatakas Waray Waray handang matodas Waray Waray bahala bukas Waray Waray... Waray Waray... Waray Waray... Manigas!

Page 57: UPHS 54 - xa.yimg.comxa.yimg.com/kq/groups/13930378/1611133566/name/UPHS_54_Songb… · Sagisag magpakailanman Pagdiwang natin bulwagan ng dangal Humayo't itanghal, giting at tapang

Waray Waray (Original Version)

Waray-Waray, pirme may upay Mayda lubi, mayda pa humay Iton dagat damo it isda Ha bungto han mga Waray. Waray-Waray pirme malipay Di makuri igkasarangkay Nag-iinom kon nagkikita Bas' kamingaw mawara! Lugar han mga Waray-Waray Kadto-a naton, pasyadaha Diri birilngon an kalipay Labi nga gud kon may fiesta. Mga tawo nga Waray-Waray Basta magkita, mayda upay Diri kabos hit pakig-angay Sayod kamo basta Waray. ¡Waray-Waray! (Waray-Waray kabuhi maupay) ¡Waray-Waray! (Damo iton lubi pati humay) ¡Waray-Waray! (It mga dagat riko hin isda) Ha bungto han mga Waray! ¡Waray-Waray! (Waray-Waray pirme la malipay) ¡Waray-Waray! (Diri makuri igkasarangkay) ¡Waray-Waray! (Nag-iirignom kon nagkikita) Bas' kamingaw mawara!