48
TALAMBUHAY NI HENERAL MIGUEL CARPIO MALVAR ni Dr. Edberto M. Villegas at Prof. Doroteo Abaya Si Heneral Miguel Carpio Malvar ay siyang pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas na itinayo ng Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio na hinirang bilang pinaka-unang pangulo ng bayan. Siya ay nahalal bilang Pangkalahatang Komandanteng Heneral ng hukbong rebolusyonaryo ng Haring Bayang Katagalugan(HBK) ng Katipunan sa pangrehiyon na pamahalaan ng Batangas noong panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila. Naglunsad siya bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas ng malawakan digmaang gerilya (1901 -1902) laban sa mga imperyalistang Amerikano sa buong kapuluan ng Pilipinas, kasama na ang Marianas(Guam) na may mga Pilipino itinapon ng mga Kastila sa islang ito. Sa mga manipesto ikinalat niya sa Hukbong Rebolusyonaryo ng Bayan at sa masang Pilipino noong panahon ng digmaan laban sa mga Amerikano, binatikos niya ang monopolyo kapitalismo ng Estados Unidos at kinondena ang pagkukunyari ng gobyerno nito na taga- pagtanggol daw ng kalayaan ng mga taong pinagsasamantalaan nito. _____________________________________ 1

· Web viewpinapatnubayan ng mga prinsipyo ng HBK. Sampung libong armas ang hawak ng mga manghihimagsik sa pamumuno ni Malvar sa Gitnang Luzon, Timog katagalugan hanggang kabisayaan

Embed Size (px)

Citation preview

TALAMBUHAY NI HENERAL MIGUEL CARPIO MALVAR

ni Dr. Edberto M. Villegas at Prof. Doroteo Abaya

Si Heneral Miguel Carpio Malvar ay siyang pangalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas na itinayo ng Katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio na hinirang bilang pinaka-unang pangulo ng bayan.

Siya ay nahalal bilang Pangkalahatang Komandanteng Heneral ng hukbong rebolusyonaryo ng Haring Bayang Katagalugan(HBK) ng Katipunan sa pangrehiyon na pamahalaan ng Batangas noong panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila.

Naglunsad siya bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas ng malawakan digmaang gerilya (1901 -1902) laban sa mga imperyalistang Amerikano sa buong kapuluan ng Pilipinas, kasama na ang Marianas(Guam) na may mga Pilipino itinapon ng mga Kastila sa islang ito.

Sa mga manipesto ikinalat niya sa Hukbong Rebolusyonaryo ng Bayan at sa masang Pilipino noong panahon ng digmaan laban sa mga Amerikano, binatikos niya ang monopolyo kapitalismo ng Estados Unidos at kinondena ang pagkukunyari ng gobyerno nito na taga-pagtanggol daw ng kalayaan ng mga taong pinagsasamantalaan nito.

_____________________________________

Si Miguel Malvar, pinakamatanda sa tatlong anak nina Kapitan Maximo Malvar at Kapitana Tiburcia Carpio, ay ipinanganak noong 27 ng septiyembre, 1865, sa baryo ng San Miguel ng bayan ng Santo Tomas sa lalawigan ng Batangas, mga 100 kilometro ang layo mula sa Maynila.

Ang mga magulang niya ay mula sa uring mayamang magsasaka na may ilang kasama na nagbubungkal ng lupa nila, subalit kasali din ang mag-asawang Malvar sa pagsasaka sa bukid. Sa katunayan si Tiburcia (Nanay Tibo) ay namatay dulot ng kapinsalaan sa katawan natamo niya ng magulungan siya ng isang malaking bato habang nagtratrabo sa kanilang bukid sa paanan ng bundok Makiling.

1

Kabataan

Namana ni Miguel ang kasipagan at pagiging malapit sa kalikasan ng kanyang mga magulang: “Halos hindi pa naglalaho ang kadiliman ng gabi ay bumubangon na si Miguel mula sa pagkatulog, babatiin ang pagdating ng liwanag buhat-buhat ang mga kasangkapang pambukid. Gumigising siyang maagang-maaga at uuwi lamang kapag sobrang dilim na at hindi na siya maka-paligidligid sa kanilang bukid.”(Misa, “General Miguel Malvar: The Last Insurrecto”, trans., 1963)

Sa kanyang pagtratrabaho sa bukid at pagsasalumuha sa mga magsasaka, natanto niya ang mga paniwala ng masa sa kagubatan – ang pagtiwala sa kapangyarihan ng anting-anting, ang alamat ng engkantadang na si Maria Makiling, tagaprotekta ng kayamanan ng bundok Makiling, ang mga halaman nito at malalaking puno na may mga ilang daang taon na ang gulang, ang mga hayop na gumagala sa kagubatan, mga baboy ramo, usa at manok labuyo at ang malilinis at makikinang na batis nito. Ang paniwala ng masa kaya hindi tamaan si Malvar ng bala ng mga Amerikano ay dahil may anting-anting daw ang heneral. Noong di siya masukol ng mga tropang Amerikano sa bundok Makiling bilang gerilya, tiwala ng masa ay nasa proteksyon siya ni Maria Makiling at nagpapalit anyo, halimbawa nagiging itim na paru-paro kapag malapit na ang mga kaaway.

Dahil lumaki si Malvar sa piling ng mahihirap na masa, lalo na ng mga taga-bukid, nabansagan siya ng taum-bayan noong heneral na siya ng Hukbong Rebolusyonaryo ng Bayan ng pangalan “Kawal ng Bayan” na ginamit naman niya bilang lagda sa ilang direkta militar na ipinalabas niya.

Maraming alagang hayop si Miguel mula kabataan, manok, baka, kalabaw, mga aso at kagaya ng ibang Batangenyo napakahusay niyang mangabayo at may pinapalaki din siyang mga kabayo sa kanilang ranso. Ang kahusayan niya sa pagaaruga sa mga hayop ay makikita sa isang insidente. Noong nawala ang isang tandang niya, nakilala agad niya ang pagtilaok nito sa bahay ng nagnakaw. Natuto at naging mahusay na manglalangoy si Miguel sa ilog ng Santo Tomas na nakatulong sa paghubog at pagpalakas ng kanyang katawan upang matiis ang buhay gerilya noong tinutugis na siya ng mga Amerikano sa bundok.

2

Edukasyon

Unang natutunan ni Miguel ang kanyang abakada sa elementaryang paaralan ng Santo Tomas at pagkatapos nito ay nagaral siya sa eskuwelan na pinapatakbo ni Padre Valerio Malabanan sa karatig bayan ng Tanauan. Ang isang naging kaklase niya sa maliit na pribadong institusyon ni Padre Malabanan ay si Apolinario Mabini na natugariang “Utak ng Rebolusyong Pilipino”. Tinuturuan ng Pilipinong pare na si Malabanan ang kanyang mga estudyante maging “di maramot na mga kaluluwa, mahinahon ngunit matatag”(Villamor, Industrious Men, trans., 1930) at kasama sa kanyang mga leksyon ang tungkol sa mga tao sa kasaysayan ng mundo na nakilala sa kanilang pagiging makabayan at may kamalayang panlipunan.

Pagkatapos niya sa pagaaral kay Padre Malabanan, nilipat si Miguel ng kanyang mga magulang sa isa pang eskuwelahan sa bayan ng Bauan kung saan nakumpleto niya ang ikalawang baytang ng latinidad. Bagaman may kakayahan ang pamilya ni Miguel na ipagpatuloy pagaralin siya sa isang unibersidad sa Maynila o di kaya sa Espanya, nagpasiya siya na bumalik na lamang sa pagsasaka ng kanilang lupa kung saan siya masiya. Minarapat na lamang niya na ang kanyang nakakabatang kapatid na si Potenciano ang siyang magaral sa mataas na lebel sa unibersidad at tinustusan ni Miguel mismo noong lumago ang kanilang kabuhayan ang pagtatapos ng medisina ng kanyang kapatid sa Espanya. Ang desisyon ni Miguel na bumalik sa gawain sa bukid ay di nangunguhulugan na binabalewala niya ang edukasyon, sapagkat noong bago siya namatay ang isang mahigpit na tagumbilin niya sa kanyang malaking pamilya ay “magaral ng mabuti dahil ang karunungan ay isang maaasahang mahusay na kaibigan at kasama sa buhay ng tao.” At sa isang direkta militar niya noong oktubre 28 hanggang 11 ng nobyiembre, 1901, nang hinahanap siya ng mga Amerikano, initusan niya ang lahat na pulitiko-militar na hepe ng bawat bayan, lalawigan, sona at departamento sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang presidente ng bayan na “paunlarin ang edukasyon sa elementarya ng mga kabataan na ito ay maging batayan moral ng paninidigan nila para isulong ang progreso ng ating bayan. Sila ay tuturuan sa pananampalataya sa Diyos, katungkulan sa mamamayan, pagibig sa bayan at ng kasaysayan ng ating digmaan para sa ating kalayaan.”

3

Si Malvar ay mahusay sa pagsusulat sa wikang espanyol at tagalog at may istilo siyang bilang isang makata sa kanyang mga sanaysay. Nagsikap din siyang matuto sumulat sa wikang ingles, bagaman di siya naging magaling dito na makikita sa ilan direkta militar na ipinadala niya sa mga nasa ilalim ng kanyang pamumuno na nakalathala sa salitang ingles.

Miguel Malvar naging Gobernadorcillo ng Santo Tomas

Ang pamilyang Malvar sa pagsisikap ay nakuhang mamili ng marami pang lupa sa Santo Tomas at sa paanan ng bundok Makiling. Lumawak ang kanilang sinasaka kaya dumating ang panahon na pinasok ni Miguel ang negosyo ng pagtatanim ng asukal at ng pagtrotroso. Nagkultiba din si Miguel ng plantasyon ng mga sintones at dahil sa kasanayan niya sa agrikultura nakahubog siya ng isang uri ng sintones sa Batangas na pinangalanan na “malvarosa”.

Sa paglawak ng kanilang ari-arian, naging isa sa pinakamayamang pamilya ang mga Malvar sa Santo Tomas at nabilang sa mga tinatawag na “prinsipalia” ng lalawigan ng Batangas. Noong 1889, nahalal si Miguel sa edad ng 24 bilang gobernadorcillo€ ng Santo Tomas. Nanilbihan siya sa posisyong ito ng dalawang terma, tig-dadalawang taon, mula 1889 hanggang 1892.

Pagaasawa

Noong 1891, nagpakasal si Malvar kay Paula Maloles, kaisa-isang anak ni Don Ambrosio Maloles, isa sa pinakamayamang tao sa Santo Tomas at capitan muncipal ng bayang ito. Laging kasama-sama niya ang kanyang asawa sa lahat ng kanyang aktibidades bilang gobernadorcillo, at kahit na sa bundok Makiling nang siya ay naging puganteng gerilya.

Sa katunayan, sinasama ni Miguel ang kanyang buong pamilya sa lahat ng kanyang naging pakikibaka sa buhay dahil masasabi napakalapit niya dito. Kasama niya ang mga nabubuhay na na mga anak niya at kanyang asawa sa Hongkong noong natapon siya sa lugar na ito at sa bundok ng Makiling at Banahaw. Nagkaroon si Miguel at Paula (si Ka Olay) ng 13 na anak, at labing-isa sa mga ito

€ Ang gobernadorcillo ay katumbas ng alkalde o mayor sa kasalukuyan, bagaman may dagdag siyang kapangyarihan ng paglilitis ng mga kaso o gumaganap bilang hukom. Siya ay inihahalal mula sa mga principalia ng municipalidad ng 12 na senyor cabeza de barangay. Kailangan marunong siyang magsalita, magbasa at magsulat sa wikang kastila.

4

ay nabuhay hanggang katandaan. Sa 13 ng anak niya ang isa ay namatay sa hirap ng byahe mula Hongkong balik sa Maynila at ang isa ay namatay na sanggol pa sa bundok Makiling noong tinutugis si Malvar ng mga Amerikano.

Si Malvar at ang Pamilyang Rizal

Malapit si Malvar sa pamilyang Rizal na nakatira sa bayan ng Calamba, Laguna, dalawampung kilometro lamang ang layo mula sa Santo Tomas. Naging matalig niyang kaibigan ang nakakatandang kapatid ni Jose Rizal na si Paciano na natalaga din bilang isang heneral ng Katipunan. Noong panahon ng rebolusyon sa mga Kastila, ang tropa ni Malvar ay kumikilos sa bahagi ng Makiling sa Batangas, samantala yun naman kay Paciano ay sa bahagi ng bundok na ito sa Laguna. Bago sumiklab ang rebolusyon ng 1896, madalas naglalaro ng istukadahan tuwing sabado at linggo sina Malvar at Paciano sa bahay ng mga Rizal sa Calamba. Napakalapit ang pamilyang Malvar sa mga Rizal na humantong sa pagoopera ni Dr. Rizal ng kabingutan ng asawa ni Malvar na si Olay at ang paglaan ng isang libong piso(malaking halaga noong panahon na yun) ni Saturnina(Donya Neneng), pinakamantandang kapatid na babae ni Jose, sa negosyo ni Malvar na pagtrotroso. Di nagtagal, pinalago ni Malvar ng doble ang puhunan ni Saturnina sa kanyang negosyo. Ang naging asawa din ni Saturnina ay isang kamaganak ni Malvar, na nangangalan Manuel, at napangasawa ng pinakamatandang anak ng heneral na si Bernabe ang isang pamangkin ni Jose Rizal, anak ng kanyang pinakabatang kapatid na si Trinidad.

Ang Pakabigo ng reporma sa panahon ng mga Kastila

Dahil sa daang taon abuso ng mga Kastila sa mga tintawag nilang mga “indio”, nagkaroon sa wakas ng malawakan propaganda sa mga kasalanan ng mga mananakop na dayuhan noong 1888 nang itinatag ang Comite de Propaganda sa Manila. Sinundan ito ng ibang organisasyon na tinutulak ang mga reporma sa pamamalakad ng Espanya sa Pilipinas. Ang nangunguna sa mga repormang ito ay ang pagpaalis sa mga prayle mula sa Pilipinas at ang pagiging probinsiya imbes na kolonya ng Pilipinas na may reprensentasyon sa parlamento ng Espanya na Cortes. Sa Madrid ang unang isyu ng propagandistang dyaryo “La Solidaridad” ay lumabas sa susunod na taon 1889 sa ilalim ng patnugot nina M. H. del Pilar at Graciano Lopez Jaena. Noong 1892, itinayo naman ni Jose Rizal ang La Liga Pilipina upang isulong ang mga alternatibong programa sa ekonomiya para sa Pilipinas.

5

Sa Batangas ang mga kilalang anti-prayle ay si Felipe Agoncillo ng Taal, Ruperto Laurel at Apolinario Mabini ng Tanauan at ang mag-amang Maximo at Miguel Malvar ng Santo Tomas. Ang cura paroka ng Santo Tomas ay isang abuserong Kastila na si Padre Felix Garces, na may querida, na sinumbong ang mga Malvar sa gobernador heneral ng Batangas bilang mga subersibo at mga taga-gawa ng gulo. Nireklamo naman ni Miguel kasama ng 22 tao mula sa prinsipalia ng Batangas ang mga pangaapi ni Padre Garces sa mga mamamayan ng Santo Tomas sa isang sulat ipinadala sa gobernador heneral ng Batangas noong 4 ng junyo 1892, ngunit lalong naniwala ang huli sa mga paratang ng cura paroka laban sa mga Malvar.

Dumadalo si Miguel sa mga pulong ng La Liga Pilipina na tinatag ni Rizal noong 1892 at matalig niyang naging kaibigan si Andres Bonifacio sa organisasyong ito. Nang pinagbawal ang La Liga ng mga Kastila at nang tuluyang malagas ito noong 1894, sumanib si Miguel sa kilusang lihim ng Katipunan dahil nawala na din siya ng tiwala sa mga reporma.

Ang Haring Bayang Katagalugan

Mula pagdalo sa pulong sa Balintawak noong 1896 hanggang pakakabuo ng rebolusyonaryong departamento pangrehiyon ng Batangas noong 1897, ipinakita ng mga Katipunerong Batangenyo ang pagkilala sa Haring Bayang Katagalugan(HBK) ni Andres Bonifacio. Ang HBK ay itinayo batay sa mga prinsipyo ng tunay na kalayaan ng bayan na di dapat ikompromiso sa kaaway, ang kolonyaslimong Kastila.

Nang nabunyag ang Katipunan sa mga Kastila noong ika 19 ng agosto, 1896, kaagad nagplano ng isang malakihang pulong ng makabayang kilusang lihim si Andres Bonifacio, pangulo ng rebolusyonaryong pamahalaan ng bayan, ang HBK. Itinakda ang pulong sa Balintawak na nagsimula ng ika-23 ng agosto. Hinggil dito, nagpadala ng mga panawagan si Emilio Jacinto(ministro ng estado, HBK) sa mga lider ng mga manghihimagsik sa mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna, Cavite, Batangas at Morong(Rizal). Ang mga panawagan ay umabot din sa Bataan, Zambales, Camarines, Tayabas, Mindoro hanggang Ilocos sa hilagang Luzon at Palawan sa Bisayas.

6

Tumalima ang mga rebolusyonaryong Katipunan ng Batangas sa panawagan dumalo sa pulong sa kasukalan ng Balintawak kasama ang mga armadong lider at kawal sa iba’t-ibang lalawigan. Tunay na hinog ang kalagayan para ilunsad ang sandatahang pakikibaka. Nakasalimuha ng mga manghihimagsik na Batangueno ang iba pang makabayang pwersa na kumakatawaan sa Katipunan sa buong katagalugan o kapuluan na sa wari ni Dr. Pio Valenzuela ay umabot sa 20,000 ang bilang. Sa tantsya naman ni Manuel Sastron ay 123,500 ang bilang at kay T.H. Pardo de Tavera ang Katipunan at mga taga-suporta nito sa mga mamamayan ay umabot sa 400,000. Nagbunga ng ganitong kalaking bilang ang mga kasapi ng KKK mula pa noong gumawa ng mga batayang dokumento ang kilusang ito. Ang mga ito ay: “Casaysayan, Pingacasundoan, Manga daquilang cautosan”, enero, 1892; “Kasaysayan, Pinagkasundoan, Manga dakuilang kautusan”, agosto, 1892. Pormal na itinayo ang Kataastaasang Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan(KKK) noong ika-6 ng julyo, 1892.

Ang Pagsiklab ng Himagsikan 1896

Napagkasunduan sa pangkalahatang asembleya sa pangalawang araw(ika-24 ng agosto, 1896) sa nabanggit na pulong sa Balintawak na ilunsad na ang armadong pakikibaka laban sa kolonyalismong espanyol na pangungunahan ng rebolusyonaryong pamahalaan ng bayan na ipinahayag sa araw din iyon. Napagkayarihan na sa gabi ng 29 ng agosto ay sisimulan na ang sandatahang pagsalakay sa sentro ng pamahalaang Kastila sa kamaynilaan at sasabay ang mga rebolusyonaryong pwersa sa iba’t-ibang lalawigan.

Nang inilunsad ang malawakang armadong pakikibaka sa hilaga, silangan at sentro ng Maynila, natigalgal ang pamahalaang Kastila na sa pagtaya ni Heneral Echaluce, gobernador heneral ng Maynila, ay kamuntik ng bumagsak ang hukbo nila. Sa ulat ng mga konsulado ng iba’t-ibang bansa (Alimanya, Inglatera, Pransiya, atbp.) ang Maynila ay dapat ng lisanin ng lahat ng mga dayuhan at naghanda sila ng mga barkong sasakyan sa Manila Bay. Hindi na makapangulekta ng buwis at sedula sa napakaraming pueblo sa maraming probinsiya simula magpunit ng sedula sina Bonifacio sa Balintawak kaya nagkaroon ng krisis pangekonomiya ang pamahalaang Kastila.

Sa puntong ito, dapat na banggitin na hindi nakapagsagawa ng tuloy-tuloy na opensiba ang mga maghihimagsik na Katipunero dahil sa di-pagsipot ng mga

7

pwersang dapat manggaling sa timog (Laguna at Cavite).Malaking pasalamat ni Heneral Echaluce sa naturang di-pagsipot ng mga tropa ni Aguinaldo.

Naging hudyat naman ang pagsalakay sa Maynila na pinamumunuan ni Andres Bonifacio para simulain din ang armadong pakikibaka sa buong kapuluan na sa bandang huli ay nagpabagsak sa kolonyalismong Kastila.

Mga Unang Laban ni Miguel Malvar

Sa pagsiklab ng rebolusyon laban sa mga Kastila noong agosto 1896, at pagdeklara ni Gobernador Heneral Camilo G. de Polavieya ng batas militar sa pitong probinsiya sa Luzon(Tarlac, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Laguna, Batangas, Cavite) at sa Maynila, agad pinapadakip ang mga hinihinalang taga-suporta ng Katipunan, katulad ng mag-amang Malvar. Nakatakas si Miguel sa pamamagitan ng paglundag mula sa pangalawang palapag ng kanyang bahay sa Santo Tomas, ngunit naaresto ang kanyang tatay. Kinulong at tinortyur ng mga Kastila si Maximo Malvar sa kwartel nila na nasa paanan ng bundok Makiling.

Nagreorganisa sina Malvar at sa pamumuno niya, sinalakay ng isang pwersa na may bilang ng 70 katao, armado lamang ng mga taga, kakaunting rebolber at shotgun ang himpilan ng mga pulis sa Santo Tomas. Sa pagkakataong ito, napalaya nina Malvar ang tatay niya sa pagkabilanggo sa kwartel ng mga espanyol.

Pagkatapos ng labanan sa Santo Tomas, inatake naman nina Malvar ang mga Kastila sa Talisay, Batangas, mula sa 3 hanggang 7 ng oktubre, 1896. Ngunit dahil sa matinding kontra-opensiba ng kaaway, napilitan sina Malvar umatras sa Cavite.

Ang Labanan sa Tulay ng Zapote

Sa Cavite, naatasan ang pwersa ni Malvar tulungan ang tropa ni Heneral Edilberto Evangelista sa pagtatanggol ng tulay ng Zapote sa atake ng mga Kastila. Sa pamumuno ni Malvar ng 1000 sundalo kasama ang tropa ni Evangelista, naging matindi ang labanang ito, mano a mano, at marami ang nasawi sa makabilang panig, kabilang na si Heneral Evangelista. Ngunit, napaatras nina Malvar ang sumasalakay na mga kastila sa tulay ng Zapote.

8

Pagkatapos ng sagupaan sa tulay ng Zapote, nagpatuloy ang pagabante ng hukbo ni Malvar at nalupig nila ang mga Kastila sa Pasong Camachille, San Francisco de Malabon. Sa mga tagumpay na ito ni Malvar, tinaas ang ranggo niya ng Rebolusynaryong Hukbo ng Pilipinas sa ilalim ni Andres Bonifacio sa tenyente-koronel.

Gumanti si gobernador heneral Camilo de Polavieja at inutusan niya noong 23 ng disyiembre, 1896, ang malawak na hamletting(paglilipat ng mga tao sa mga kampo kontrolado ng mga Kastila) ng probinsiya ng Cavite, Batangas, Laguna, Morong(Rizal), pati na ng Maynila. Noong enero 1897, ang atake ni Eleuterio Marasigan sa Balayan, Batangas, ay di nagwagi at ang kontra-opensiba naman ng mga espanyol sa bayang ito, Lian at Nagsubu ay napaatras ang mga Batangenyo sa Cavite uli.

Nagkuta si Malvar sa Indang, Cavite

Noong febrero, 1897, pagkatapos ng opensiba niya sa Bacood, Cavite, sinalakay naman ng tropa ni Malvar ang mga kaaway sa Indang na nagtagumpay. Pinalawak niya ang opensiba laban sa mga kaaway sa Bailen, Magallanes at Alfonso, lahat ay nasa Cavite. Sa mga nagawang ito ni Malvar, tinaas muli ang ranggo niya sa tenyente-heneral ng Hukbong Pilipino.

Nagkuta sina Malvar sa Indang, kung saan nagtatag sila ng isang pangrehiyon departamento para sa probinsiya ng Batangas. Si Malvar ang napiling na pangkalahatang Komandante Heneral na pinamumunuan ang Talisay, Santo Tomas, Tanauan at Lemery. Ang iba pang napili mga opisyales, na marami ay myembro ng tinatawag na Madiwang sa Cavite, ay sina: Lorenzo Fenoy, bise president, Ananias Diokno, direktor ng digmaan, Santiago Rillo, direktor ng panloob(interior) at Eleuterio Marasigan.

Habang nagkukuta si Malvar sa Indang, naganap ang kumperensiya sa Tejeros, kung saan pinatalsik ng grupo ni Emilio Aguinaldo si Gat Andres Bonifacio bilang pinuno ng Haring Bayang Katagalugan(HBK) o ang unang Republika ng Pilipinas.

9

Ang Kataksilan ni Emilio Aguinaldo at ang Kumperensiya sa Tejeros

Sa loob ng rebolusyonaryong kilusan umusbong ang oportunistang grupo ni Emilio Aguinaldo na lumihis sa wastong landas ng kalayaan na naging kapahamakan ng pakikibaka. Ito ang nagdulot ng pinakamalaking pinsala sa kilusang mapagpalaya mula ng itatag ang Katipunan. Gumamit ng panlalansi, pandaraya, maitim na propaganda at pananakot ang oportunistang pangkat ni Aguinaldo upang sunggaban ang pamumuno sa kilusan. Ilang buwan pa bago ang halalan sa kumperensiya sa Tejeros noong ika-22 ng marzo, 1897 ay may mga hakbang nang isinagawa ang pangkat ni Aguinaldo na agawin ang pamumuno ng rebolusyon para sa makasariling interes ng mga cacique/inqulino(mga mayayamang Pilipino tagapangasiwa ng mga hasyienda ng ordern reliyoso ng mga prayleng Kastila) tulad ng pamilyang Aguinaldo.

Noong oktubre 31, 1896, naglabas ng dalawang pahayag para sa buong kapuluan ang di-umanoy “rebolusyonaryong gobyerno” nina Baldomero Aguinaldo(pinsang buo ni Emilio) bilang president at si Emilio Aguinaldo naman bilang Pangkalahatang Komandante(Commander in Chief). Pagdating ng ika-31 ng disiyembre sa isang pulong ng mga Katipunero sa Imus, Cavite, nagmungkahi si Baldomero Aguinaldo na lusawin na ang Katipunan at itayo ang isang pamahalaan na pamumunuan ni Edilberto Evangelista bilang president(ito ay bago ang labanan sa tulay ng Zapote). Ang batayan ng nasabing gobyerno ay isang konstitusyon na sinulat ni Evangelista. Sinagot ito ni Bonifacio sa isang paliwanag na mayroon na ang Haring Bayang Katagulugan(HBK) ,ang rebolusyonaryong pamahalaan, na mga demokratikong panuntunan na nakasaad sa mga batayang dokumento nito at sa katunayan ang konstitusyon na nabanggit na ginawa ni Evangelista ay kinopya lamang sa sinulat ni Maura, isang ministro sa gobyerno sa Espanya. Binanggit din ni Bonifacio na ang HBK ay nabuo hindi lamang sa Maynila ngunit sa mga karatig probinsiya at bayan.

Marzo 17, 1897, limang araw bago pa ng eleksyon sa Tejeros(marzo 22, 1897) na kung saan kunwari di siya makakadalo, si Emilio Aguinaldo ay nag-asta at nagpakilala na bilang presidente ng rebolusyonaryong pamahalaang republika sa kanyang tangkang pakikipagnegosasyon sa mga Kastila para isuko ang higmagsikan. Noong marzo 1897 ipinadala ni Nicolas de la Pena, auditor heneral ng hukbo ng mga Kastila sa Pilipinas si Padre Pio Pi, isang pareng superior ng

10

orden jesuita para sumulat at makipagusap tungkol sa kapayapaan kay Emilio Aguinaldo na tinanggap naman ng huli. Sinulatan din ni Rafael Comenge, piskal heneral ng gobyernong kolonyal, si Aguinaldo para sa isang usapang pangkapayapaan. Sa kanyang sagot sa mga sulat na ito lumitaw ang pagiging manggagantso ni Aguinaldo dahil nagpakilala siya bilang president ng republika. Binanggit din ni Aguinaldo na isusuko niya ang rebolusyon at mananatili ang paghahari ng mga Kastila sa Pilipinas kung patatalsikin lamang ang mga prayle, magkaroon ng kinatawan sa Kortes(parlamento ng Espanya) at iba pang konsesyon. Naginit ang ulo ni Bonifacio nang makita niya ang mga sulat ng mga Kastila na ang gustong makausap ay ang palasukong nagpanggap na presidente ng republika. Kay Bonifacio malinaw na ang pambansang kalayaan ay di maaaring ikokompromiso. Ang nabistong lihim na pakikpagnegosasyon ni Aguinaldo(na nagmungkahi pa sa mga Kastila ng petsa sa usapan) ay insinulat ni Bonifacio sa isang liham kay Emilio Jacinto. Wika ni Bonifacio sa lihim na ito “nakakasuka” ang mga pinagagagawa ni Aguinaldo na katraiduran. Hindi natuloy ang usapang pangkapayapaan ni Aguinaldo sa mga Kastila dahil sa nabawi ng mga Kastila ang halos buong Cavite sa panibagong opensiba nila.

Bukod pa sa lihim ng tangkang pagnenegosasyon ni Aguinaldo para isuko ang rebolusyon, ang pangkat niya ay naglunsad na maitim na propaganda sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga polyeto na kung saan inilalahad na si Bonifacio daw ay binayaran ng mga prayle upang ilunsad ang rebolusyon na tiyak na matatalo daw, na si Bonifacio ay isang hamak na bodigero sa Maynila, na ang kanyang kapatid na babae ay querida ng mga Kastila, na pinasunog niya ang ilang simbahan sa Cavite at nagtakbo ng pondo ng kilusan at iba pang paninirang-puri. Ang nagsasagawa ng mga paninirang ito ay si Daniel Tirona, kapanalig ni Aguinaldo.

Pagdating ng marzo 22 sa Tejeros, handa na lahat ng sangkap para sa isang lutong-makaw na eleksyon na pipinuhin na lang dahil alam na kung sino ang lalabas na presidente(si Aguinaldo) at iba pang opisyal galing sa pangkat ni Aguinaldo na ang tawag ay Magdalo at baligtad na Magdiwang na makamagdalo. Si Mariano Trias, isang baliktad na Magdiwang ay naging bise-presidente at siya ay nominado ni Baldomero Aguinaldo. Ang mga pekeng balota ay ginamit para makatiyak na panalo ang mga manok ng mga kutsyabahang Magdalo at Magdiwang. Halos sa lahat ng balota iisang tao lamang ang nagsulat bago pa ng eleksyon, na natuklasan ni Diego Mojica at ibinulong kay Bonifacio. Si Emilio

11

Aguinaldo kagaya na nabanggit sa itaas ay di dumalo sa pulong sa Tejeros at nagkunwaring na sa ibang lugar at nakikipaglaban sa mga Kastila. Si Bonifacio ay nahalal bilang kalihim panloob(Interior Secretary) dahil gabi na at di na gumamit ng balota at taasan nalang ng kamay. Sa puntong ito, tumindig si Daniel Tirona at pinawawalang bisa ang pagkahalal kay Bonifacio dahil wala daw siyang diploma(si Aguinaldo ay wala din diploma) at kailangan daw isang abogado ang maging kalihim panloob. Sa pagiinsultong ito na nilabagan ang kasunduan bago iganap ang halalan na rerespektuhin ang anumang resulta ng eleksyon kahit na mababa lang ang inabot na pormal na pagaaral ng nahalal, nagbunot ng baril si Bonifacio at umalis sa pulong ng Tejeros kasama ang mga karamihang Magdiwang. Sabi niya di niya kinikilala ang resulta ng halalan na ito sa Tejeros. Lingid sa kaalaman ng mga rebolusyonaryong pwersa ng HBK sa Maynila at sa iba pang lalawigan ang limang buwang paghahanda ng oportunistang grupo ni Aguinaldo para tanggalin ang pangulong Bonifacio ay nagbunga sa Tejeros.

Kinabukasan, nagpulong uli ang mga Katipunero sa pamumuno ni Bonifacio sa Tejeros at nagpalabas ng Acta de Tejeros kung saan pinuna nila ang naging dayaan sa nakaraang eleksyon na gumamit ng mga pekeng balota. Sabi din sa Acta de Tejeros walang representante ang Katipunan mula sa iba’t-ibang lalawigan sa naturang eleksyon. Nagpahayag sila na ang eleksyon ito ay di kinikilala ng HBK. Ang mga maniobra ng palasukong pangkat ni Aguinaldo na ibig ipagbili ang rebolusyon sa mga Kastila ay luminaw na at di na mailingid sa pwersa ng HBK sa Maynila, Laguna, Bulacan, Tarlac, at lalo na sa Batangas, karatig lalawigan ng Cavite.

Ang Pagpatay kay Andres Bonifacio ng Pangkat ni Aguinaldo

Nagkaroon ng masinsinang paguusap sina Bonifacio at Malvar sa Indang Cavite, pagkatapos ng maanomalyang eleksyon sa Tejeros. Pinagusapan nila ang plano ng pagsalakay sa walong garrison o himpilang militar ng mga Kastila sa Batangas. Sasalakayin ang Lipa at pagkatapos magpapalawak ang kilulsan sa Camarines.

Alam ni Malvar ang katraiduran na nangyari sa Tejeros at hindi niya matanggap ang balakin na isuko ang armadong pakikibaka sa mga Kastila. Ang tindig ni Malvar ay ang anumang balakin ay dapat na nakatuntong sa batayan ng pambansang demokrasiya at hindi dapat kalian paman humiwalay sa prinsipyong

12

ito. Kaya patuloy kinikilala ni Malvar ang HBK, ang rebolusyonaryong pamahalaan nina Bonifacio.

Umabot sa kaalaman ni Aguinaldo ang usapan at ugnayan nina Bonifacio at Malvar kaya agad naglabas siya ng memorandum bilang babala kay Malvar(pangulo ng rebolusynaryong departamento ng Batangas) na kilalanin niya ang gobyerno ni Aguinaldo dahil daw siya ang nahalal na bagong pangulo sa Tejeros at kung hindi ay gagawaran si Malvar na mabigat at kagyat na kaparusahan. Nagpadala din ng babala si Aguinaldo sa iba’t-ibang kapanalig ni Bonifacio. Pagkaraan ng ilang araw, nagpadala ng mga mamatay tao si Emilio Aguinaldo sa pamumuno ni Koronel Agapito Bonzon sa kuta ni Gat Andres sa Limbon, Cavite. Mainit ng tinanggap ni Bonifacio ang pwersa ni Bonzon bilang mga kapatid sa kilusan ngunit di niya akalain na biglang pagtatagain sila ng pangkat ni Bonzon na kinamatay ng isang kapatid ni Gat Andres, si Ciriaco, at kinasugat pa ng isa pa na si Procopio.Tinangkang pang gahasain ang asawa ni Gat Andres na si Gregoria de Jesus. Sa insidenteng ito, nagsugatan din si Gat Andres.

Pagkatapos na agarang paglilitis, na inakusahan si Bonifacio na balak ipapatay daw si Aguinaldo, hinatulan ng kamatayan ang magkakapatid na si Andres at Procopio, na parehong sugatan dahil sa pagkataga. Noong may 10, 1897, dinala agad ang magkapatid sa bundok Nagpatong sa Cavite ng tropa ni Lazaro Makapagal at isinagawa ang pagpatay. Binaril si Procopio at ginamitan ng bayoneta at itak upang todasin si Gat Andres. Nagpadala rin sa Maynila ng mga mamamatay tao si Aguinaldo upang itumba sina Emilio Jacinto, Julio Napkil at iba pang malapit kay Bonifacio. Ngunit, nakaiwas sina Jacinto at Napkil sa maitim na balak na ito. Nang di madatnan ng pangkat in Aguinaldo si Jacinto sa kanyang tinitirihang dampa, tuluyan na lamang sinunog ito.

Ang Kasunduan sa Biyak-na-Bato at si Malvar

Pagkaplipol kay Bonifacio, nagkaroon si Emilio Aguinaldo ng pagkakataon sa wakas para isakatupran ang pagnanasa niya tuluyang ibenta sa mga Kastila ang rebolusyon. Sa kanyang pag-atras sa Biyak-na-Bato sa Bulacan, ang naudlot na negosasyon ni Aguinaldo sa heswitang Padre Pio Pi at piskal-heneral Comenge ay itinuloy niya kay gobernador-heneral Primo de Rivera. Kinasangkapan bilang tulay ni Aguinaldo si Pedro Paterno, isang mayaman na taga-Maynila. Ang “pagkakaisa para sa kabutihan ng kilusan” na ginamit na dahilan ni Aguinaldo at mga galamay

13

niya tulad nina Heneral Pio del Pilar at Heneral Mariano Noriel para iligpit ang mga magkapatid na Bonifacio ay nangangahulugan lamang pala ng pagkakaisa upang isuko ang armadong pakikibaka kapalit sa tatlong milyong piso na nakuhang mapababa ng mga Kastila sa 800,000 na ibibigay nila kina Aguinaldo. Malinaw na ito ang dahilan kung bakit pinapatay ni Aguinaldo si Bonficaio at mga kapatid nito sapagkat sila ay matinding tumututol sa pagsuko ng sandatahang pakikibaka.

Habang nakikipagusap si Aguinaldo sa mga Kastila sa ikalawang bahagi ng taong 1897, lalong pinaigting ni Malvar ang armadong pakikipagtunggali sa mga kaaway sapagkat marubdob ang pagtuligsa niya sa ginagawang pagbebenta sa rebolusyon. Sa pamumuno ni Malvar, sinalakay at pinatalsik ng mga rebolusyonaryong pwersa ang mga sundalong Kastila sa San Pablo, Laguna, noong ika 9 ng oktubre, 1897. Nagkaripasan ng takbo ang mga kaaway kaya nakuha ng mga Katipunero ang buong bayan sa loob ng tatlong araw. Sa paglusob sa San Pablo, nasa ilalim sa pamumuno ni Malvar, bukod sa kanyang sariling tropa, ang daan-daang armadong mandirigma ni Heneral Agueda Kahabagan, na dinadagan pa ng maraming tagasundo ng lider colorum na si Sebastian Caneo na nakabase sa bundok San Cristobal sa Laguna at gayun din ang mga kasama ng bandidong maka-masa na si Aniceto Oruga mula sa Tanauan. Nakabalilk lamang sa ika-apat na araw sa San Pablo ang mga Kastila sa pamumuno ni Heneral Jaramillo pagkatapos ng isang madugong sagupaan halos sa bawat bahay.

Noong huling bahagi ng oktubre, kasama pa rin ni Malvar sina Kahabagan, Caneo at Oruga sa pagatake at pag-okupa sa Tuy, Batangas, at noong ika 9 ng nobyiembre nilipol naman ng mga rebolusyonaryo ang mg kazadores ng batalyon 11 sa baryo Sta. Clara, Santo Tomas. Sa panahon ding ito sumunod ang magdamagan labanan sa Tanauan at maraming nabihag na kolaboreytor sina Malvar. Pakalipas ng ilang araw, matagumpay na tinangay ng mga mandirigmang Pilipino ang isang barkong pandigma ng mga Kastila sa lawa ng Talisay kasama ang mga kanyon at riple. Nalupig lahat ng tropa ni Malvar ang mga sundalong Kastila sakay ng barko.

Noong ikalawang bahagi ng disyiembre 1897, natapos na ang usapan sa pagitan nina Aguinaldo at gobernador-heneral Primo de Rivera sa Biyak-na-Bato. Nakasundong tatanggap ng P800,000 ang grupo ni Aguinaldo, isusuko na ang armadong pakikibaka at luluwas patungong Hongkong. Kaugnay nito, nagtawag si

14

Heneral Artemio Ricarte ng pulong ng mga heneral na nasa larangan ng digmaan upang talakayin ang kasunduan sa Biyak-na-Bato. Sa pulong na ito, mariing kinondena at tinutulan nina Malvar at Heneral Paciano Rizal ang kasunduang nagsusuko sa rebolusyon at pananatili ng pamahalaang kolonyal ng mga Kastila. (Matatandaan na ganito rin ang paninindigan ni Bonifacio.) Binalaan ni Aguinaldo ang mga tumututol sa kasunduan sa Biyak-na-Bato.

Nasa Hongkong na si Aguinaldo at kanyang pangkat nang itigil ni Malvar noong ika-6 ng enero ang putukan sa mga sakop niyang lugar. Saka na lang sumunod siya sa Hongkong, ngunit di siya nanirahan sa bahay na inarkela ni Aguinaldo para sa sarili at kanyang grupo sa lugar na ito. Imbes, tumigil si Malvar kasama ang kanyang pamilya sa bahay ng kanyang kababayan na si Dr. Galicano Apacible. Naidiposito na ni Aguinaldo ang unang bayad ng mga Kastila sa pangkat niya na P400,000 sa kanyang mismong account sa Chartered Bank ng Hongkong.

Ang Pakikipagusap ni Aguinaldo sa mga Amerikano

Bago tumulak papuntang Hongkong si Aguinaldo noong ika 29 ng disiyembre, 1897, ininterbyu siya ng isang peryodista ng El Imparcial (isang dyaryo sa Madrid). Binanggit ni Aguinaldo na naghimagsik siya hindi para sa ganap na kalayaan ng Pilipinas kundi upang patalsikin lamang ang mga prayle at para sa iba pang reporma. Binanggit din niya na pinapatay niya si Andres Bonifacio na isang “masamang tao” dahil ganap na kalayaan ng Pilipinas ang pinaglalaban nito na di sinasangayunan niya. Ito daw din ang dahilan kaya pinalusaw niya ang Katipunan pagkapatay kay Bonifacio. Inamin ni Aguinaldo na nagkamali siya ng landas sa paghawak ng armas dahil ang tanging pakay niya ay kapayapaan. Kaya lahat ng hindi tumanggap sa kasunduan sa Biyak-na-Bato ay tinuturing niya mga “tulisan” na lang.

Habang nasa Hongkong ang pangkat ni Aguinaldo, sumiklab ang digmaan ng mga Amerikano laban sa mga Kastila. Kinausap ng mga Amerikano sa pagkatao ni Consul General Wildman ng Hongkong si Aguinaldo hinggil sa posibleng pagtulong ng mga Pilipino sa kanila laban sa mga espanyol. Ayun kay Wildman at Consul General Pratt ng Singapore, ibibigay na Estados Unidos(E.U.) ang hinahangad na kalayaan ng mga Pilipino kapag nalupig na nito katulong ang mga Amerikano ang mga Kastila sa Pilipinas. Naniwala naman si Aguinaldo na nagpapanggap bilang

15

lider ng kabuoang hukbo ng mga rebolusyonaryong Pilipino sa pangako ng mga Amerikano kahit na walang kasulatan nilagdaan ang mga representante ng E.U.

Patuloy ang Rebolusyon na tinalikuran ni Aguinaldo

Sa katunayan, bagaman pinapababa ni Aguinaldo ang armas ng kanyang mga kababayan pagkatapos ng natanggap niya ang unang bayad na P400,000 mula sa mga Kastila ayun sa kasunduan ng Biyak-na-Bato, nagpatuloy ang rebolusyonaryong pakikibaka sa Pilipinas. Noong ang pangkat ni Aguinaldo ay nasa Hongkong, naglunsad ng digmaang gerilya ang mga naghihimagsik sa mga lalawigan ng Pilipinas at naglipat ng mga tropa ang mga Kastila ng malaking bulto ng kanilang hukbo sa kanayunan kung saan nagtayo sila ng mga garrison upang harapin ang mga atake ng mga gerilyang Pilipino. Naiwanan ang Kamaynilaan na mahina ang depensa na di nagtagal napalibutan ng mga gerilyang Pilipino ang lungsod na ito at malapit ng bumagsak kung di lamang pinigilan ni Aguinaldo ang paglusob dito ng bumalik siya mula sa Hongkong kasama ang mga Amerikano.(Tatalakayin sa baba) Mula enero hanggang abril, 1898, sa Gitnang Luzon nakapagtayo na ang mga Katipunan sa pamumuno ni Heneral Makabulos at Valentin Diaz ng mga rebolusyonaryong pamahalaan sa probinsiya ng Tarlac, Pampanga, Pangasinan, La Union at Nueva Ecija. Sa hilagang Luzon naman libo-libong Ilokano sa kumand ni Isabelo Abaya ay sumalakay sa hukbo ng mga Kastila at nagtatag ng pamahalaan sa Candon, Ilocos Sur. Ganoon din ang nangyari sa Cebu sa pamumuno ni Leon Quilat at sa Laguna sa liderato ni Emilio Jacinto at Paciano Rizal, sa Maynila sa kumand ni Feliciano Jhocson at iba pang lugar sa Luzon. Ito ay nagpapakita na bagaman tinawag ng palasukong Aguinaldo na “mga bandido” ang mga di sumusunod sa kasunduan sa Biyak-na-Bato, ang rebolusyong Pilipino ay di humupa.

Si Malvar at ang Kongreso ng Malolos

Samantala, pagkatapos ng pakikipagusap niya kay Admiral George Dewey, pinuno ng Pacific Fleet ng Amerikano na nakadaong sa Hongkong, sumama si Aguinaldo at kanyang pangkat sa pwersang pandagat ng admiral lulan ng barkong McCulloh pabalik sa Maynila noong ika 17 ng mayo, 1898. At noong ika 15 ng junyo 1898, tatlong araw pagkaraang ideklara ni Aguinaldo at mga kapanalig nito ang independensiya ng Pilipinas sa ilalim ng proteksyon ng E.U., dumaong naman sa Cavite ang SS San Juan mula sa Hongkong sakay si Malvar na may dala-dalang

16

2000 na armas. Nireorganisa ni Malvar ang mga pwersa sa Batangas at naglunsad ka agad sila ng sunod-sunod na opensiba laban sa mga natitirang tropa ng mga Kastila sa lalawigang ito hanggang probinsiya ng Tayabas. Napalaya ng pwersa ni Malvar ang Tayabas noong 17 ng agosto.

Ng sumuko ang gobyernong Kastila sa pwersa ng mga Amerikano noong ika-13 ng agosto, 1898, sa kunyaring labanan na tinawag na “mock battle of Manila” di pinapasok ng tropa ng mga Amerikano sa loob ng Maynila ang mga rebolusyonaryong Pilipino na matagal na napikot ang lungsod na ito. Ang pagpwera ng tropang Amerikano sa pagpasok ng mga sundalong Pilipino sa Maynila batay sa lihim na kasunduan nila sa Kastila na kondisyon sa kunyaring labanan ng mga dayuhang ito sa isa’t-isa ay sinuportahan ni Aguinaldo na nalinlang na aalis ang mga Amerikano pagsuko ng kanilang kaaway na Kastila. Ang pagbawal ng mga Amerikano sa mga Pilipino sa pagpasok sa Maynila ay ikinagalit ng ilang heneral ng rebulosyonaryong hukbo, sa partikular ni Heneral Artemio Ricarte.

Pagkatapos ng pagsuko ng mga Kastila sa mga bagong mananakop, giniit ng pangkating Aguinaldo ang kanilang kapangyarihan matatag ng isang kongreso nang ipinoraklama ang independensiya ng Pilipinas sa kanyang bahay sa Kawit Cavite noong ika-12 na junyo, 1898. Kahinala-hinalang di dinaluhan ng kahit anumang representante ng E.U. ang proklamasyon ng kalayaan na ito ng Pilipinas kahit na ipinailalim ni Aguinaldo sa kanyang opisyal na talumpati sa okasyong ito ang “bagong pamahalaan” niya sa proteksyon ng E.U. Wala din dumalo ng mga representante ng Katipunan na patuloy kumikilos sa mga probinsiya bagaman “nalusaw” na daw ang Katipunan ayun kay Aguinaldo sa pamamagitan ng isang ipinalabas niyang dikreto noong junyo 1897 pagkapatay niya kay Bonifacio. Sa kongreso naman na ginanap sa simbahan ng Barasaoin sa Malolos, Bulacan, nagsanib ang mga mayayaman ng Maynila at mga cacique na karamihay mga kampon ni Aguinaldo galing sa Cavite. Karamihan din ng mga delegado sa kongreso ay hindi galing sa mga probinsiyang kinakatawan nila at ¾ sa lahat ng mga ito ay hinirang lamang ni Aguinaldo. Sa inihandang konstitusyon ni Felipe Calderon nagbigay ng malaking kapangyarihan sa lehislatibong sangay ng gobyerno na dominado ng mga mayayamang ilustrado at pinahina ang ehekutibong sangay kung saan nandito naman ang mga heneral na nasa buhay at kamatayan pakikibaka pa sa mga probinsiya. Sa tingin ni Calderon hindi nararapat palakasin ang sangay ng ehekutibo dahil ang mga kasapi nito ay mga ignorante at

17

walang gaanong pinagaralan tulad ni Malvar. Nagpanting ang tenga ni Malvar nang malaman niya na itinuring silang mga mangmang, sila na parating nasa bingit ng kamatayan sa pakikihamok. Silang pinapanalo ang maraming labanan dahil sa talas ng pagaanalisa sa istratehiya at taktika na naipapatupad nila sa kanilang mga kawal, samantalang ang mga mayayaman kagaya ng mga Calderon, Paterno at Buencamino, mga delegado ni Aguinaldo, ay panay dakdak lamang sa madla at nagpapasarap sa gitna ng mga saganang pagkain at pagpapasikat sa iba lalo na sa mga magagandang binibini. Tinangka ni Malvar arestuhin ang pamangahas na si Calderon at pinainan niya ito na pumunta ng Cavite para doon mabitag. Ngunit, mukhang nakaamoy si Calderon sa balak ni Malvar kaya nakatakas siya tungong Maynila. At di nagtagal karamihan sa mga delegado sa kongreso sa Malolos kagaya ni Calderon ay tinalikuran ang pakikibaka ng bayan para sa kalayaan at nagpasukob o sumama na sa mga Amerikano.

Ang digmaang Pilipino-Amerikano

Noong ika-4 ng febrero 1899 ginamit ng pwersang militar ng E.U. ang insidente sa tulay ng San Juan bilang dahilan sa biglaang malakihang pagsalakay at kolonisasyon ng Pilipinas. Inamin ni Heneral Arthur McArthur sa kongreso ng E.U. na ang nangyari sa San Juan ay isa lamang panlalansi para sa kanilang nakaplano nang pagtatatag ng kapangyarihan ng E.U. sa Pilipinas. Pagkaraan ng walang humpay na opensiba ng mga imperyalistang pwersa sa Maynila at karatig pook, nagplano sina Hen. Malvar at Antonio Luna kasama ang iba pang heneral para sagkain ito. Gumawa sila ng kontra-opensiba upang bawain ang Maynila sa kamay ng mga bagong mananakop at ang bawat heneral kalahok sa planong ito ay nabigyan ng atas kasama ang Kawit batalyon. Ngunit, ang plano ay nabulilyaso at bahagi lamang ng Maynila ang nabawi sa kaaway dahil sa di pagsipot ng Kawit batalyon ni Aguinaldo, na ibig tumanggap lamang ng utos kay Aguinaldo. Tandaan ganito din ang nangyari ng sinalakay nina Bonifacio ang Maynila noong ika-29 ng agosto, 1896, nang ang pwersa mula sa Cavite ay di dumating.

Noong mayo, 1899, isang buong brigada, bumibilang ng tatlong libong mandirigma, ng mga Katipunan sa pamumuno ni Malvar ay naglunsad ng nakakayanig na opensiba sa mga tropa ng mga Amerikano sa Muntinglupa sa ilalim ni Heneral Otis. Kasama sa malawakang atakeng ito ang Banahaw batalyon ni Sebastian Caneo, ang matagal na kakampi ni Malvar. Noong junyo

18

at mga unang linggo ng julyo, dalawang beses na binigo ng tropa ni Malvar ang pagdaong sa mga pampang ng Laguna de Bay ng pwersang Amerikano. Ngunit, sa huling linggo ng julyo ang mga Amerikano sa pamumuno ni Brigadaire General Robert Hall ay nakadaong sa wakas at sumalakay at pagkatapos naokupa ang bayan ng Calamba sa Laguna. Kagyat naman kumilos ang tropa ni Malvar at sinimulaan ang limang buwang, mula agosto hanggang disyiembre, 1899, pagkubkob sa Calamba, mula sa mga trintsera itinayo ng mga Filipino paligid sa bayang ito. Nagulantang sa pagkakakubkob ang mga sundalong Amerikano na may sampung kompanya bumubuo ng 21st Infantry sa kumand ni Col. Jacob Klein. Nalagay sa depensiba ang mga kaaway dahil sa walang tigil na pamamaril sa kanila ng pwersa ni Malvar na nagdadagan pa ng Banahaw at Makiling batalyon. Ang mandirigmang Pilipino ay wala din humpay ang pasalakay laban sa mga Amerikano mula sa kanilang mga trintsera. Walang nangyari sa kontra-opensiba ng mga Amerikano na karamihan sa kanila ay nagkaroon ng malaria at iba pang sakit at daan-daan ang nalagas kung di man namatay ay bumagsak ang katawan dahil sa pagdedeliriyo at pagkanerbiyos. Bagaman hindi tuluyang nabawi ang Calamba ay tagumpay na rin dahil sa tinamong malaking pinsala ng mga Amerikano.

Ang Bagong Hukbong Magpapalaya Ng BayanTuluyan ng gumuho ang palasuko at huwad na pamahalaan ni Aguinaldo,

na tinawag ni Mabini na “tanga at sakim sa kapangyarihan”, nang siya ay mahuli ng mga tropang Amerikano sa Palanan, Isabela, noong abril 1901 at kagyat siyang sumumpa ng katapatan sa imperialismong E.U. Noong nahuli si Aguinaldo sa tangkang niyang kunin ang simpatiya ng mga mananakop, pinagtapat niya sa opisyal na dumakip sa kanya na siya ang nagpapatay din kay Hen. Antonio Luna, na isang malupit daw na tao. Binayayaan naman siya ng kanyang mga bagong among Amerikano nang bigyan siya ng posisyon bilang myembro ng board of directors, na napakataas ang sweldo, sa Philippine mining company(naging Protor and Gamble) at ng 1100 iktaryang lupa sa Cavite, lupa ng mga Pilipinong magsasaka kinamkam ng Kastilang pareng Recollectos. Agad nagpatalastas si Aguinaldo sa lahat ng mga naghihimagsik sa imperyalismong E.U. na magbaba na ng armas at makipagkutsyaba tulad niya. (Ang lataran na oportunismo ni Aguinaldo ay makikita din sa pagtutulungan niya sa Hapon ng salakayin nito ang Pilipinas noong 1942 at ang pagtalastas naman niya sa mga Amerikano na sumuko na sa bagong imperyalista.)

19

Bago pa man nahuli si Aguinaldo, ang kanyang kapanalig na si Heneral Mariano Trias ay boluntaryong sumuko na sa mga Amerikano.

Hindi pinansin ni Miguel Malvar ang utos ni Aguinaldo at imbes nagpalabas ng kontra-direktiba na huwag itigil ang pakikibaka laban sa imperyalismong E.U. at balewalain ang mga tawag ng palusukong Aguinaldo. Muling umusbong ang isang tunay na rebolusyonaryong pamumuno sa mga makabayang Katipunero katulad noon nabubuhay pa si Andres Bonficio. Pinaigting ni Malvar ang rebolusyonaryong pamahalaan at ang rebolusyonaryong hukbo ng bayan na tinawag niya na Hukbo Magpapalaya sa Bayan na nasasaklaw ang buong kapuluan, kasama ang isla ng Marianas(ngayon ay Guam) kung saan may mga Pilipino ipinatapon ng mga Kastila. Lahat ng mga rebolusyonaryong Katipunero na tapat na nagmamahal sa bayan at di-mapagkanulo at matatag na lumalaban sa imperyalismong E.U. ay muling nagkaroon ng wastong rebolusyonaryong pananaw sa ilalim ni Miguel Malvar, na hinirang tagapagmana sa liderato ni Gat Andres Bonifacio at pinapatnubayan ng mga prinsipyo ng HBK.

Sampung libong armas ang hawak ng mga manghihimagsik sa pamumuno ni Malvar sa Gitnang Luzon, Timog katagalugan hanggang kabisayaan. Limang rehiyon na departamentong militar o kagawarang panghukbo ang natatag sa buong kapuloan kasama ang Marianas(Guam). Ang mga kagawarang panghukbo ay hinati sa mga sona, ang mga sona sa probinsiya, at mga probinsiya sa distrito. Ito ay ang mga sumusunod: Kagawaran sa hilaga; unang sona – Batanes, Babuyan at Cagayan; pangalawang sona – Ilocos Norte at Ilocos Sur, Abra at Bontoc; pangatlong sona – Isabela at Nueva Viscaya; pang-apat na sona – Lipanto,Benguet, La Union at Pangasinan: Kagawaran sa gitna; unang sona – Zambales at Bataan; pangalawang sona – Tarlac at Pampanga; pangatlong sona – Nueva Ecija at Prinsipe; pang-apat na sona – Bulacan at bahagi ng hilagang Maynila: Kagawaran sa timog; unang sona – silangang bahagi ng Maynila, Infanta, Morong at isla ng Polilio; ikalawang sona – timog ng Maynila, Cavite at bahagi ng Laguna hanggang Calamba; pangatlong sona – Laguna, Tayabas at Marinduque; pang-apat na sona – Batangas, Mindoro at Romblon; panglimang sona – Ambos, Camarines, Kalayan at Catanduanes, Sorsogon, Albay at Burias: Kagawaran ng Visayas; unang sona- Samar, Masbate, Ticaw at Leyte; pangalawang sona – Cebu, Bohol at Negros;pangatlong sona – Panay at Cuyos; pangapat na sona - Paragwa, Calamianes at Balabak: Kagawaran ng Mindanao; unang sona – Surigao at

20

Davao; pangalawang sona – Cotabato at Misamis; pangatlong sona – kapuloan ng Jolo, Sibuto. Hiwalay na probinsiya ang Marianas.

Naglunsad ng opensiba ang mga yunit ng rebolusyonaryong gerilya ng Hukbo Pagpapalaya sa Bayan sa iba’t-ibang probinsiya sa timog katagalugan at bisaya. Sa pamumuno ni Malvar, sa unang yugto ng digmaang gerilya ang mga armas ng mga Katipunero na nagsimula lamang sa bilang na 1700 ay naging 7000 sa pamamagitan ng pagatake ng mga gerilya sa kanyang kumand, kasama ang mga heneral na sina Lukban, Diokno, Fulluna at Araneta. Karamihan ng mga armas ay mga nasamsam sa mga napatay na tropang Amerikano.

Sa kanilang digmaang bayan, mahigpit na pinapatupad ni Miguel Malvar ang paggalang sa mga internasyunal na batas sa pakikihamok. Ipinabawal ng Batangueno heneral ang pagmamalupit sa mga nadisarmahang at nabihag na tropang Amerikano, pagtraidor na pagpatay sa mga ito kung natutulog o lasing/lango sa alak, ang pagbaril sa mga sumuko na, ang hindi pagalaga ng mahusay sa mga bihag, ang di paggamot sa mga nasugatan o may sakit na bihag, ang pagmamaltrato sa mga payapang Pilipino, Amerikano o ano pa mang nasyonalidad, at pagbibigay ng konsiderasyon sa pagdaan ng mga tropang Amerikano na malayo na sa lugar ng mga sagupaan.

Sa larangan pang-ekonomiya ng digmaang gerilya ay nagbigay ng patalastas si Malvar na huwag kalimutan ang gawaing pamprodusksyon para matustusan ang pangangailangan ng mga rebolusyonaryong Katipunan. Inutos ni Malvar na galing sa uring magsasaka ang pagtatanim ng palay, mais, kamote, kamatis, talong, monggo at iba pang gulay sa mga bayan sa loob ng sonang gerilya. Hinggil sa gawaing pampinansiya ipinagbilin ni Malvar na dating mahusay na negosyante ang mangolekta ang kanyang mga politiko-militar na mga kumander ng kontribusyon sa mga maykaya at ng rebolusyonaryong buwis batay sa kakayahan sa mga bayan, sona at probinsiya. Pinalakas ni Malvar ang tinayong mga balangay ng Katipunan lalo na sa mga lalawigan. Ito ay yun mga pamahalaan ng bayan sa mga komunidad na lihim na gumagalaw kung nasaskop ng mga Amerikano ang isang lugar. Ayun sa Amerikanong istoriyador na si John Taylor, ang mga balangay na mga ito ay may sariling hukumang bayan naglilitis ng mga traidor at iba pang kriminal at may kapangyarihan mangolekta ng buwis upang suportahan ang pakikibaka sa mga Amerikano. Sa isang bayan, halimbawa, ang hayag na pamahalaan ay kunyari

21

nakikipagtulungan sa pamahalaan itinayo ng mga Amerikano sa lugar na ito, ngunit sa gabi ay pinapatakbo ang balangay nila.

Sa pananaw ni Miguel Malvar ang pakikibaka ng rebolusyonaryong pamahalaan ng bayan na itinatag ng Katipunan ni Andres Bonifacio noong 1896 laban sa kolonyalistang espanyol ay nagpapatuloy lamang ngayon laban sa imperyalitang E.U. Ang batayang suliranin hinggil sa pambansang kalayaan ay di-dapat kailanman kalimutan ayun kay Malvar, kaya kinakailangan ang katatagan at pagpupunyagi.

Ang Masa ang Tunay na Taga-Paglikha ng Kasaysayan

Sa rebolusyonaryong idelohiya ni Malvar mapapansin ang pananaw niya na malaki ang pagpapahalaga sa magpasiyang papel ng masa o mahihirap na Pilipino para sa pambansang kalayaan. Natalos niya ang papel na ito ng masa sa kanyang pag-aaral sa pakikibaka ng mga mamamayan sa iba’t-ibang rebolusyon sa daigdig kagaya ng sa Pransiya(1789), Amerika(1776), at kontinente ng Timog Amerika(1821 hanggang 1870). Ayun sa isang pahayag niya sa sambayanang Pilipino, sa ibang bansa tumagal ang digmaang bayan ng 12, 16, 18 o higit pang mga taon katulad ng pakikibaka ng mamamayang Amerikano laban sa kolonyalismong ingles na umabot ng 9 na taon. At ang pagpapalaya ng mga bansa sa kontinente ng timog Amerika ay tumagal din ng mahabang panahon sa pamumuno ni Simon Bolivar na nagumpisa na ang bilang ng kanyang tropa ay 500 sundalo lamang, ngunit ito’y lumago ng lumago sa suporta ng masa inaapi ng kolonyalismong Kastila. Kaya hindi kathang isip o guni-guni na magtatagumpay ang masang Pilipino sa kanilang digmaang bayan dahil nakataya ang kanilang buhay at dangal sa ilalim ng pamimiyapis ng imperyalismong E.U. Sa pamamagitan ng katatagan, ang maliiit at mahinang pwersa ng rebolusyonaryong hukbo na masa ay lalaki at lalakas ng sampung beses. Nahubog ang ganitong rebolusyonaryong pagtitiwala sa kakayahan ng masang Pilipino ni Malvar hindi lamang sa mga pagaaral ng heneral sa iba’t-ibang himagsikan sa daigdig kundi sa mahigpit na limang taon niyang paglahok sa armadong pakikibaka kasama ang mga mahihirap na kababayan sa kapatagan at kabundukan laban sa kolonyalismong espanyol at imperyalismong E.U.

22

Inilunsad ang digmaang bayan sa ilalim ng rebolusyonaryong pamahalaan ng Hukbo Pagpapalaya ng Bayan na dumagundong sa Luzon, Visayas at Mindanao. Libo-libong ang nangalagas sa mga tropang imeperyalista sa mga sonang gerilya na tinayuan ng mga Amerikano ng mga garrison upang sugpuin ang mga gerilya. Ang isang natatanging sagupaan ng pwersa ni Malvar na ipinatupad sa direktang pamumuno ni Koronel Fulgencio Daza ay yung naganap sa Balanggiga. Samar, noong ika 29 na septyiembre, 1901 kung saan 48 na sundalong Amerikano ang agad napatay ng mga gerilya at kanilang taga-suporta sa bayang ito. Ang Samar ay sinasakop ng unang sona sa Kagawaran ng Visaya ng rebolusyonaryong hukbo ng bayan at nasa huridiksyon ni Heneral Vicente Lukban na siyang nahirang ni Malvar bilang Kumandanteng Pangkabuuan ng Kagawaran na ito. Biglang ganti sa tinatawag ng mga Amerikano na “Balanggiga Massacre” ay pinasunog ni General Jacob Smith ang maraming bayan sa Samar sa kanyang utos na “turn Samar into a howling wilderness, the more you kill the more it will please me”. Mga 50,000 na Samareno ang nasawi sa kampanyang ito ng imperyalismong E.U., ayun sa Amerikanong istoriayador na si Ray Young. Ayun naman sa isang pahayag ng Cablenews, America, noong ika 9 ng octubre, 1907, nakagastos na ang gobyerno ng E.U. ng $400 million na lumalaki ng $30 million bawat taon sa panahon ng digmaan laban sa mga Pilipino.

Ang namatay na mga Pilipino sa gera mula 1898 hanggang 1903 ay umabot na sa 1.5 milyung katao, na ang karamihan ay mga sibilyan, sa kabuoang populasyon ng Pilipinas noong panahon na yun na 7 millyun. Sa Luzon lamang sangayon kay General Franklin Bell mismo sa isang interbyu sa New York Times noong mayo, 1901, 600,000 na ang namatay. Sa Batangas kung saan kinonsentra ng mga Amerikano ang malaking bulto ng kanilang hukbo na 140,000 upang tugisin si Malvar, 100,000 sa 300,000 na populasyon ng probinsiyang ito ang nalagas.(Sa banda ng mga Pilipinong rebolusyonaryo, ang bilang ng hukbo nila ay nasa 30,000 armado.) Samakatuwid, mas marami pang piñatay na Pilipino sa panahon ng pakikidigma nila sa E.U. kaysa sa mga nasawi sa rebolusyon laban sa mga Kastila na umabot lamang sa 20,000.

Ang Kalupitan ng Kampanya ng Imperayalismong E.U. sa Pilipinas

23

Mga beterano sa pagmasaker sa mga katutubong Indyan sa Amerika ang ipinadalang sundalong Amerikano sa Pilipinas. Bukod pa sa pamamaril at pagbibitay sa mga mamamayan kahit na di mga sundalong rebolusyonaryo ang mga ito ay nagsagawa din ang tropang Amerikano na pagtotoryur tulad ng tinatawag nilang “water cure”(pagbuka sa bunganga ng hinihinalang gerilya o taga-suporta ng reboluysyon at sapilitang pagiinom nito ng ilang galong tubig). Nariyan din ang pangunguryente sa mga pribadong bahagi ng katawan, pagbitin ng patiwarik, panununog sa mga bahay at sa mga palayan at iba pang taniman at sapilitang paglilikas(ang tinatawag na “hamletting”) ng mga tao malayo sa kanilang kabuhayan. Tunay ngang malaking salot sa sambayanang Pilipino ang dumating na mga bagong mananakop.

Upang mapasuko ang Punong Kumandante na si Miguel Malvar, gumawa ng karumaldumal na hakbangin si General Bell tulad ng pagpapagutom sa mga binihag na mga mamamayan hanggang sa mga ito ay mamatay at pag-iskedul ng pagbitay sa iba. Bukod pa sa malawakang panununog sa mga pananim at pagpatay sa mga kalabaw at mga alagang hayop ng mga magsasaka sa buong Batangas, nagsagawa rin si General Bell ng paglipat sa mga mamayang Pilipino sa mga concentration camp. Sa bandang huli ginamit ang kapatid ni Miguel na si Dr.Potenciano Malvar upang hanapin nito ang heneral sa bundok ng Makiling at Banahaw at kausapin ang kanyang kuya na sumuko na. Sa panahong ito, nagipit na ng husto ang mga rebolusyonaryong gerilya dahil sa kawalan ng pagkain. Upang maiwasan pa ang maramihan pagpatay sa mga binihag ng mga Amerikano at pagsira sa kabuhayan ng kanyang mga kababayan, napilitan si Malvar na magbaba ng armas. Sakay-sakay sa kabayo, kasama ang kanyang maysakit na asawa at mga anak, bumaba sila sa bayan ng Lipa noong ika 16 na abril, 1902 at tumambal sa mga tao ang isang yayat na katawan ni Heneral Miguel Malvar.

Mga Huling Taon ni Heneral Miguel Malvar

Nang bumalik si Malvar sa buhay sibilyan, inalok siya ng mga Amerikano na makipagtulungan sa itinatayong nilang pamahalaan sa Pilipinas bilang gobernador ng Batangas. Nang tanggihan ni Malvar ang alok na ito, ininganyo na naman siya na gumanap bilang pinaka-unang hepe ng itinatag ng E.U. na Phililppine Constabulary na ginagamit ng mga bagong mananakop sa pagsugpo

24

sa patuloy na paglunsad ng mga Pilipinong rebolusyonaryo ng digmaang gerilya sa mga lalawigan. Ang mga gerilyang Pilipinong ito ay binansagan ng mga Amerikano na mga “tulisanes” at binitay nila si Heneral Macario Sakay bilang tulisan pagkatapos linlangin nila ito bumaba mula sa bundok para daw sa isang pakipagnegosayon sa kanila para sa kapayapaan ng Pilpinas . Tinanggihan muli ni Malvar ang bagong pagpapalambot sa kanya bilang hepe ng Philippine Constabulary dahil ayaw niyang di maging totoo sa kanyang ipinapahayag na paninindigan na huwag makipagkutsyaba sa kaaway. Dahil inayawan ni Malvar ang pagiging hepe ng Philippine Constabulary, ibinigay ang posisyong ito sa isang nangangalan Crame, isang opisyal sa dating gwardiya sibil ng mga Kastila. Ang kapatid ni Malvar na si Potenciano ay itinalaga naman ng mga Amerikano bilang unang-unang gobernador ng Laguna, karatig probinsiya ng Batangas.

Bumalik si Malvar sa pagiging magsasaka at inalagaan ang kanyang mga natitirang lupa at inaruga ang kanyang lumalaking pamilya. Sa dati niyang 1000 iktaryang lupain sa paligid ng bundok Makiling, sinamsam ng pamahalaang kolonyal ng E.U. ang 700 iktarya nito na ginawang bahagi ng University of the Philippines sa Los Banos na itinayo ng mga Amerikano sa paanan ng Makiling. Kumpara natin ang hakbang ito ng imperyalismong E.U. sa kanilang paggantimpala ng 1100 iktarya na lupa ng mga pareng Rekolektos sa sunod-sunuran nilang na si Aguinaldo.

Hanggang sa wakas, ayaw ni Malvar na makipagsabwatan sa kolonyal na pamahalaan ng E.U. sa Pilipinas. Sa mga nalalabing sampung taon ng kanyang buhay, patuloy siyang nakisalamuha sa mahihirap na masa sa Batangas at Laguna, lalo na sa mga magsasaka. Dahil umunlad uli ang kanyang mga proyekto sa agrikultura kagaya ng pagtrotroso, nagpapautang siya sa kanyang mga kasama sa bukid na walang interes at noong pumutok ang bulkan Taal sa taon 1911, tinulungan niyang makabangon sa kanilang kabuhayan ang mga nasalanta ng sakunang ito. Ang mga mahihirap na taga-bukid na nadulungan ni Malvar ay tumanaw naman ng utang na loob sa kanya sa pamamagitan ng pagiiwan ng mga gulay, isda at manok at iba pang produktong agrikultura sa harap ng pintuan ng mga Malvar tuwing umaga, ayun sa isang lalaking anak ng heneral.

25

Namatay si Malvar sa piling ng kanyang asawa at mga anak noong 13 ng oktubre 1911 sa gulang na 46, dulot ng epekto ng malaria nakuha niya sa kabundukan noong siya ay gerilya na kumalat sa kanyang atay. Ang isang huling bilin niya sa kanyang pamilya ay “Huwag kalimutan ang pakikibaka natin sa mga dayuhan at pagaralan ninyo ang digmaang-bayan ng mga Pilipino sa ating kasaysayan.” Di dumalo si Aguinaldo sa libing ni Malvar sa kanyang bayan ng Santo Tomas sanhi ng mahigpit na alitan ng dalawa tungkol sa layunin ng rebolusyong Pilipino.

Ang Kahalagan ng Buhay ni Malvar sa Kasalakuyang Panahon

Kay Malvar, magpapatuloy ang rebolusyong Pilipino hanggang di pa napapalis ang pakikipakailam at kontrol ng imperayalismong E.U. sa ating bayan. Hanggang nadidiktahan ng mga monopolyong korporasyon ng E.U. ang ekonomiya ng Pilipinas, hanggang ang mga maliliit na magsasaka at negosyanteng Pilipino ay di umunlad ang pangkabuhayan dahil sa pagigipit ng mga imperyalista, nangangailangan pa ng paglulunsad ng digmaang bayan, ayun kay Malvar. Masasabi na naabot ng kanyang pananaw ang sinapit ng mga mamamayang Pilipino na hanggang ngayon ay nasa kuko ng imperyalismong E.U.

Makakapulot ang kilusang masa sa kasalakuyan sa mga patakaran inilunsad ng pamahalaang bayan sa liderato ng Hukbo Magpapalaya sa Bayan na itinatag nina Malvar noong 1901. Ang pagpalakas nila sa mga balangay na inumpisan ng HBK nina Bonifacio ay nagbibigay na maraming aral sa mga nakikibaka ngayon laban sa imperyalilsmo E.U. at kanilang taga-suporta sa Pilipinas. Ang papaigting ni Malvar ng mga kooperatiba ng mga Katipunan ay mahusay na paraan sa produksyon sa agrikultura at sa pangangalakal. Malaki ang tiwala ni Malvar sa kakayanan ng mga Pilipino na paunlarin ang pagawa ng mga sariling produkto sa ekonomiya at manupaktura batay na din sa sariling karanasan niya bilang magsasaka at myembro ng pambansang burgesiya noong panahon na yun. Laging binabatikos ni Malvar ang pagmamayabang ng mga Amerikano na sila ang magtuturo sa mga “atrasadong” Pilipino tungkol sa pamamalakad ng kanilang buhay, sa ekonomiya man o sa sistemang pulitika. Ang nasyonalism ni Malvar sa pagtatayo ng tunay na demokrasiya at pagpapaunlad ng kakayanan ng sambayanan ay di matatatwa. Ang bansag niya sa digmaang bayan ng mga Pilipino ay digmaan higit sa lahat para sa kalayaan ng masa at di lamang para

26

sa iilang mayayaman na marami sa huli ay kinondena niya bilang mga traidor sa bayan tulad ni Aguinaldo at Miguel Calderon.

Ang digmaang bayan sa kasalukuyan ay maraming leksyon makukuha sa hukbo ni Malvar – ang paraan ng pagoorganisa ng mga rehiyon at probinsiya, ang pagpapahusay sa larangan ng produksyon sa mga napalayang lugar at pagpapatatag ng idolohiya na gumagabay sa rebolusyon. Noong panahon ni Malvar ang dominanteng idolohiya ng rebolusyong Pillipino ay nasyonalismo na inasasakongkreto ng mga naghihimagsik sa pagpapanday ng kanilang sariling kakayahan, halimbawa, sa pagawa ng mga sariling bala para sa kanilang hukbo at paglapat ng hustiya ng masa sa mga hukumang bayan na itinatag ng mga balangay.

Ang buhay ni Malvar ay maaaring maging inspirasyon sa mga naghahangad lumahok sa pagpatuloy ng rebolusyong ng bayan laban sa imperalismong E.U. Ang kalapitan niya sa mga mahihirap na masang Pilipino at pagtiwala niya dito na siyang magdadala sa bayan sa mataas na yugto ng kasaysayan ng Pilipinas at ang pakikipangtunggali niya sa mga mayayaman na tinuturing ang masa na mga mamang ay nagpapakita ng tamang landas tungo sa paglutas ng suliranin ng nakakaraming Pilipino.

Lalo na sa mga kabataan na naghahanap ng kahalagan ng kanilang buhay sa panahon natin ngayon na ang nangingibabaw na pananaw ay sarili na lamang ang aatupagin, ang pagtalikod ni Malvar sa isang marangyang kabuhayan at pag-sakrapisyo niya para sa rebolusyon ng bayan ay isang magiting na halimbawa na di makapag -makasarili. Mahigpit ang paniwala niya na sa pamamagitan ng sabay-sabay na pagkilos ng mga inaaping masa ang pinakamalakas na hukbo ng kaaway ay masusugpo. Tumataginting ang mga salita niya hanggang nagayon: “Katatagan, katatagan at katatagan ang kailangan ng masa para isulong ang rebolusyon ng bayan”.

***

27

Sipi mula sa Manipesto ni Heneral Miguel Malvar sa masang Pilipino at Rebolusyonaryong Hukbo ng Bayan, mula sa bundok ng Makiling, 13 ng julyo, 1901. (Isinalin mula sa ingles na sinalin naman mula sa espanyol.)

……………”Sa pagsaludo ko sa bayan sa araw na ito, bilang Heneral ng Pangkalahataan Hukbo natin, tinatawagan ko ang lahat ng ating kababayan, sa partikular yun mga pinagsasamantalaan, na sumagot sa mga pagaabuso at karahasan sa kanila at sa kanilang mga kapatid, at huwag pahiyain ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagluhod sa mga kaaway at karuwagan, at huwag maging kontento na lamang sa mga presentasyon ng mga inutil at walang saysay na reklamo, imbes makibaka sa digmaan o ipadala ang kanilang mga anak kung di pwede sila mismo ang sumanib sa ating pwersa militar na ipinaglalaban ang karapatan natin lahat. Sa pamamagitan nito, lahat na may dala-dalang armas, na bumubuo ng isang solidong masa, matibay na moog, libo-libo at matatag, ay makikibaka na masigasig at magtatagumpay laban sa mga naghahangad sakupin at ipailalim tayo gamit-gamit ang dahas samantalang nagpapanggap na sila daw ay taga-dala ng kalayaan sa ating bansa at sa buong daigdig at kunyari nagbibigay ng mga karampot na kalayaan upang lalong makuha nila ang kanilang layunin. Tinatawagan ko kayo huwag matakot, ngunit mahiya, huwag bumigay sa kaaway, ngunit ipagtanggol ang inyong dignidad, palakasin ang loob sa ating masusing ngunit mahirap na pakikibaka at tulungan ng masigasig yun mga lumalaban sa digmaan, dahil ito ay dakilang gawain at sa pamamagitan nito ay darating lamang ang araw na ating hinihintay….

Bumalik kayo sa aming panig, kayong mga nabubulag, kayong mga nalinlang ng mga kaaway, naniniwala sa kanilang kasaysayan at mga pangako. Nakita na ninyo kung paano kahit ang inyong seguridad ay nawala, at ngayon kagaya ng sa nakaraan, wala kayong napala kundi mga walang kubuluhan mga deklarasyon….Nakikita ninyo na ipinapataw nila sa ating bansa ang mga batas na walang tayong karapatan pagusapan at di natin matatangihan, mga buwis na di naman sinangayunan ng mga mamamayan, mga buwis na di natin naranasan at mas masahol pa ng sampung beses kung kukumpara noong panahon ng mga Kastila. Ang kakahatnan ng mga buwis na ito ay ang mga maliliit na magsasaka at mga pambansang burgesiya ay mapapailalim sa monopolyo kapitalismo ng Estados Unidos, at dadalhlin ang mga mamambukid sa napaka-miserableng

28

kalagayan….At ito ang sitwasyon natin sa kabuuan at lagi tayong magdudusa sa kamay ng kaaway kung ibaba natin ang ating mga armas dahil sinasabi nila wala tayong kakayahan bilang mga tao at sila ang edukado at ang ganitong pananaw ay laging ipinapaniwala nila sa atin na sila ang mas mahusay. Panahon na paniwalaan, mga kapatid, na ang kalayaan ay di kalian man magmumula sa mga sumisiil sa atin , pinapatay ang nagtatanggol sa ating bayan at nananunog ng mga pweblo na nagsusuporta sa mga lumalaban. Kapag walang tunay na kalayaan ang bayan, lahat na kunyaring binigay na karapatan sa mga tao ay mga ilusyon lamang dahil ang tunay na interes ng mga mamamayan ay laging ipapailalim muna sa interes ng mga mananakop.

Tinatawagan ko kayo na dahil sa mga maka-sariling ambisyon ay ipinagbili ang bayan at ginagamit ang lahat na paraan para ihandog ang bansa nakatali mula ulo hanggang paa sa mga kaaway. Tinatawagan ko ang iba pa na dahil sa anumang dahilan ay ipinagkakanulo ang bayan na itigil na ang inyong masasamang gawain na nagdadagdag ng kapahamakan sa bayan. Sumama na kayo at makibaka, di laban sa inyong mga kapatid, ngunit sa ating kaiisang kaaway. At kung di pwede ninyo o walang kayong katapangan gawin ito, huwag na sana lamang ninyong kumbinsihin na ibaba ang kanilang armas ng mga nakikibaka para maganap ang ating pambansang kalayaan.

Tumulong kayo sa halip na maglunsad ng digmaan laban sa mga nakikibaka para sa kapakanan ng nating lahat, kasama na ang sa inyo….At kung nais ninyo ng kapayapaan, huwag sa amin kayo humiling na ibaba ang armas, ngunit sa mga mananakop na gumugulo sa ating bayan.

. Tinatawagan ko din ang mga mabubuting anak ng bansa ng Hilagang Amerika na ang diwa ng katarungan at kalayaan ay di nababalot ng kasakiman upang palawakin ang kapangyarihan ng kanilang bansa na sila ay gumawa ng paraan upang matigil na ang madugong digmaang ito….na nagdudulot ng pagkawala ng napakaraming buhay at sinisira ang makabilang bansa natin. Kami ay nagpapatuloy lumaban kagaya ng ipinaglaban ninyo para maganap ninyo ang mga adhikain nakalagay sa inyong “Declaration of Independence” at di kami titigil kahit ano man ang kakahatnan nito dahil ipinagtatanggol namin ang aming kalayaan kagaya ng mga Amerikano na lumaban sa mga ingles para sa kanilang pambansang sobereniya, isang layunin napakahalaga sa lahat ng tao.

29

At kayong mga kawal, nasa unahan ng ating laban, mahal kong mga kasama sa pagdudurusa at panganib, wala na akong iba pang sasabihin kung di ipagpatuloy natin ang ating pakikibaka na mas mahigpit.

Sa lahat ng mga Pilipino, katatagan, katatagan at laging katatagan, at walang pasubali sa pagsasakrapisyo. Lahat ng mga tao na nakibaka para sa kanilang kalayaan ay nangailangan ipagpatuloy ang laban kahit na 12, 16, 18 o mas mahaba pang taon. Sa Amerika lumaban ang mga tao ng siyam na taon. Tayo ay nakikibaka na sa loob ng limang taon. Ipagpatuloy natin ang digmaan, dahil ang katatagan ng masa ay lubos na makapangyarihan sa pinakamalakas na hukbo…”

BATIS

30

Abaya, Doroteo & Karganilla, Bernard, Miguel Malvar and the Philippine Revolution, a Biography, Miguel Malvar Productions, Inc., Manila, 1998.

Alvarez, Santiago V., The Katipunan and the Revolution, Ateneo de Manila University Press, 1966.

Alzona, Encarnacion, Galicano Apacible, Profile of a Filipino Patriot, Manila, The Heirs of Galicano Apacible, 1971.

Apacible, Galicano, Memoirs, unpublished.

Blount, James H, The American Occupation of the Philippines, 1898-1912, The Knickerbroker Press, 1913, reprinted with an introductory essay by Renato Constantino, Quezon City, Malaya Books Inc., 1968.

Camagay, Ma. Luisa T. (translator), French Consular Dispatches on the Philippine Revolution, Quezon City, University of the Philippine Press, 1997.

Craig, Austin & Conrado Benitez, Philippine Progress Prior to 1898, Vol. 1, Metro Manila, Cacho Hermanos Inc., 1985.

Claire, Francis St., The Katipunan, Manila Tip,”Amigos del Pais”, Palacio 258, 1902, reprinted as Book 23 of the Filipiniana series by Renato Constantino, Mandaluyong, Solar Publ. Corp., 1991.

Constantino, Renato, A Past Revisited, Quezon City, Foundation for Nationalist Studies, 1981.

De los Santos, Epifanio, The Revolutionists: Aguinaldo, Bonifacio, Jacinto, National Historical Institute, Manila, 1933.

De Jesus, Gregoria, Mga Tala ng Aking Buhay, Maynila, Limbagang Fajardo, 1932.

Dery, Luis C., The Army of the First Philippine Republic, De la Salle University Press, Manila, 1995.

31

From Ibalon to Sorsogon, A Historical Survey of Sorsogon Province to 1905, Quezon City, New Day Publ., 1991.

Epistola, S.V., Hongkong Junta, Quezon City, University of the Philippine Press, 1996.

Francisco, Luzviminda & Fast, Jonathan, Conspiracy for Empire, Foundation for Nationalist Studies, 1985.

Halstead, Murat, Aguinaldo and his Captor, The Halstead Publ. Co., Cincinnatti, 1901.

Kalaw, Teodoro, The Philippine Revolution, Philippine Book Co., Inc., 1925.

May, Glenn, Battles for Batangas, Quezon City, New Day Publ., 1993.

Misa, Arturo Ma., “Gen. Miguel Malvar: The Last Insurrecto”, Sunday Times Magazine, Oct. 13, 1963.

Palma, Rafael, La Revolucion Filipina, Bureau of Printing, Manila, 1931.

Philippine Anti-Imperialist Studies(PAIS), Andres Bonifacio, Buhay at Pakikibaka, Quezon city, 2013.

Quirino, Carlos, The Young Aguinaldo, Regal Press, Manila, 1969.

Retana, Wenceslao, E., La Politica de Espana en Filipinas, Dec. 31, 1896, Yr. 6, No. 152, Madrid.

Ricarte, Artemio, Memoirs, Manila, 1963.

Rouvier, Gaston & Turot, Henri, translated by E. Aguilar Cruz, The War in the Philippines, as reported by two French journalists in 1899, National Historical Institute, Manila, 1994.

32

Salazar,Zeus A., Agosto 29-30, 1896: Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila, Quezon City, Miranda Bookstore, 1995.

Sastron, Manuel, Filipinas: Pequenas Estudios Batangas y su Provincia, Malabong, 1895.

Saulo, Alfredo, Emilio Aguinaldo: Generalissimo and President of the First Republic in Asia, Quezon City, Phoenix, 1983.

Sheridan, Richard Brinsley, The Filipino Martyrs, London and New York, John Lane – The Bodley Head, 1900 as reprinted by Malaya Books, Quezon City, 1970.

Taylor, John RM, The Philippine Insurrection against the United States: A Compilation of Documents with Notes and Introduction, Vol. & !!, Eugenio Lopez Foundation, Pasay, 1971.

Turot, Henri, Emilio Aguinaldo: First Filipino President, 1898-1901, National Book Store, Manila.

Villamor, Ignacio, Industrious Men, Oriental Comercial, Quezon City, 1971.

Villegas, Ramon, Manuscripts on the Katipunan, unpublished.

Young, Rey, Guerilla Warfare Revisited, Leyte Samar Studies, 1977.

Zaide, Gregorio F., Great Filipinos in History: An Epic of Filipino Greatness in War and Peace, Verde Bookstore, Manila, 1970.

___________Interbyu sa mga kamag-anak ni Heneral Miguel Malvar –Paula Comcom(anak na babae), Josefina Meer(anak na babae), Isabela Villegas(anak na babae), Expedito Leviste(apo), Edberto Villegas(apo, Jose Villegas(apo).

33