18
Walang Sugat ni Severino Reyes Unang Yugto Tagpo 1.a: Sa loob ng isang bahay Julia: Iligpit na ninyo ang mga bastidor at kayo’y umalis na. Tagpo 2.a Teňong:Julia, patingin nga ng binuburdahan mo Julia: *ilalayo ang panyo kay Teňong. Pipilitin ni Teňong na makita ang panyo pero pilit itong inilalayo ni Julia* Huwag na, Teňong. Huwag mo munang tingnan, masama ang pagkakakayari. Saka na lang, kapag maganda na. Saibang araw, ipapakita ko sa iyo. Teňong:Posible ba na ang mga daliring ito, na hagod kandila, na parang nilalik na maputing garing, aymay yayariin na hindi maganda? Hala na, titingan ko lamang saglit… Julia:Wag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko! Teňong:Ay! Julia: Anong lalim ng buntong-hininga. Lalo ko pang pagagalitin… Teňong:Julia, Julia ko… Hindi na ko nagagalit, patawarin mo ako… Julia: Masakit sa akin, magalit ka at hindi, laging bagay! Teňong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, na ito ay nakita ko na minarapat mongilimbag sa panyong ito ang pangalan ko! Julia: Hindi ah! Nagkakamali ka… Hindi para sa iyo ang panyong iyan. Teňong: Kasinungalingan! At kanino namang pangalan ito… A, Antonio, N, Narciso at F, ay Flores! Julia: Hindi mo pangalan iyan. A-, sa amang iyan! Iya’y iaalay ko sa kaniya ngayong kaarawan ng Pasko. Teňong:Hindi pala akin ah! Kung sa amang o sa demonyo ma’y bakit ang letra’y A, N at F?

Walang Sugat Ni Severino Reyes

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Walang Sugat Ni Severino Reyes

Walang Sugat ni Severino ReyesUnang Yugto

Tagpo 1.a: Sa loob ng isang bahay

Julia: Iligpit na ninyo ang mga bastidor at kayo’y umalis na.

Tagpo 2.a

Teňong:Julia, patingin nga ng binuburdahan mo

Julia: *ilalayo ang panyo kay Teňong. Pipilitin ni Teňong na makita ang panyo pero pilit itong inilalayo ni Julia* Huwag na, Teňong. Huwag mo munang tingnan, masama ang pagkakakayari. Saka na lang, kapag maganda na. Saibang araw, ipapakita ko sa iyo.

Teňong:Posible ba na ang mga daliring ito, na hagod kandila, na parang nilalik na maputing garing, aymay yayariin na hindi maganda? Hala na, titingan ko lamang saglit…

Julia:Wag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko!

Teňong:Ay!

Julia: Anong lalim ng buntong-hininga. Lalo ko pang pagagalitin…

Teňong:Julia, Julia ko… Hindi na ko nagagalit, patawarin mo ako…

Julia: Masakit sa akin, magalit ka at hindi, laging bagay!

Teňong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, na ito ay nakita ko na minarapat mongilimbag sa panyong ito ang pangalan ko!

Julia: Hindi ah! Nagkakamali ka… Hindi para sa iyo ang panyong iyan.

Teňong: Kasinungalingan! At kanino namang pangalan ito… A, Antonio, N, Narciso at F, ay Flores!

Julia: Hindi mo pangalan iyan. A-, sa amang iyan! Iya’y iaalay ko sa kaniya ngayong kaarawan ng Pasko.

Teňong:Hindi pala akin ah! Kung sa amang o sa demonyo ma’y bakit ang letra’y A, N at F?

Julia:Oo nga, ah, eh, pagka’t ang A ay amang, ang N ay natin, at ang F ay frayle. Amang natin frayle.

Teňong:Amang natin frayle? Niloloko mo ba ko? Laking kaalipustahan! Huwag mo kong aglahiin tungkolsa mga taong iya’t madaling magpapanting ang tainga ko!

Julia (sa sarili):Aba, at nakaganti na ako!

Teňong:Julia, magsabi ka nga ng totoo! Para sa Kura nga ba? Kapag di ko sinilaban ay sinungaling ako…

Page 2: Walang Sugat Ni Severino Reyes

Tagpo 3.a

Juana: Julia, Julia, nakita mo ba ang baro kong makato?

Lucas:Mamang Teňong, Mamang Teňong!

Teňong:O Lucas, napaano ka?

Lucas:Dinakip po ang tatang mo ng boluntaryong Sta. Maria!

Teňong: (gulat)Diyata’t dinakip si Tatang?

Lucas:Opo! Sa Bulacan daw po dadalhin…

Teňong: Tiya, ako po’y paparoon muna’t susundan si Tatang…

Juana:Hintay ka sandali’t kami ay sasama. Julia, magtapis ka…

Teňong:O mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligaya na kinamtan sa dibdib ay tinutugunankapagdaka ng matinding dusa! O mundong mandaraya! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutuladsa bango’t halimuyak ng bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas.---bababa ang tabing.

Tagpo 4. A = Musika

Tagpo 5.a (Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mgarehas.)

Kura 1.0.:Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; masamang tao ito…Kung hindi man mason, marahilfilibustero, sapagka’t kung siya sumulat …maraming K(a), cabayo K(a).

Marcelo:Hindi po ako kabayo, among!

Kura 1.0:Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng Cpinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Kura 2.0.:Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.

Marcelo:Hindi sila makakain eh!

Kura 1.0:Hindi pagkain ang itinutukoy ko sa rasyon! Hindi! Ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga’tmamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa yo ay ang palo, maraming palo ang kailangan

(Inaapi si Inggo)

Marcelo:Ah.. Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang mangagsidaing;isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo na po silang walang tulog!

Kura 2.0:Loko ito! Anong awa-awa? Nayon walan awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilang kabanang rasyon? Ang rasyon ng palo, ha.

Page 3: Walang Sugat Ni Severino Reyes

Marcelo:Dati po’y tatlong kaban…ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po sa isang araw.Samakatwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay Huston 625 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa!(bibigyan ni Kura 2.0 si Marcelo ng kuwalta at tabako).

Kura 1.0:Kahapon ilan ang namatay?

Marcelo:Walo po sana, subalit nang mag-uumaga po ay pito lamang.

Kura 1.0:Aba e, bakit ganoon? (gulat).

Marcelo:Si Kapitang Inggo ay pinagsaulan ng hininga.

Kura 1.0:Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si KapitanInggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi na mamamatay si Kapitan Inggo?

Marcelo:Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at angdalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.

Kura 1.0:May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?

Marcelo:Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.

Kura 1.0:Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin atibibilad at bubusan nang tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?

Marcelo:Opo, Among

Kura 1.0:(Sa mga kasama niya) Compañeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?

Kura 2, 3, 4:Si, si, hemos traido.

Kura 1.0:Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo:Hindi po makalakad, eh!

Kura 1.0:Dalhin dito pati ang papag.

Kura 1.0:Kapitana Putin, mga dalaw, parito kayo.(Magsisilabas ang mga dalaw). Tagpo 6.a(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong at mga dalaw, babae at lalaki.)

Kura 1.0:Kapitana Putin, ngayon makikita mo na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde nahuwag nang papaluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…Kami ayaakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pakawalan na lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.

Putin:Opo, among, mano na nga po…. Salamat po, among. (Mangagsisihalik ng kamay, si Tenyong ayhindi at ang mga ibang lalaki.)

Page 4: Walang Sugat Ni Severino Reyes

Kura 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador..a Manila, cogemeros el tren en la Estacion de Guiguinto, es necesariodeciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.

Kura 2.0:Ya lo creo que va mal.

Los 3:Si, si a fuislar, a fusilar.(Papasok ang mga pare.)

Tagpo 7.a

Putin: Tenyong, kay sama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?

Tenyong:Inang, ang mga kamay pong nanatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan. Huwag po kayongmaniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si tatang ay pakawalan! Bagkus pa ngang ipagbibilingpatayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo!Nakalulunos ang kamangmangan!(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid.)

Putin:Inggo ko!

Tenyong:Tatang!

Julia:Kaawa-awa naman!

Tenyong:Mahabaging Langit!

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na angsugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na saPilipinas siyang naghahari lalang ni Lusiper sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali…Ah, kapagka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.

Tenyong:Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…

Inggo:Huwag na….anak ko….hindi na maaari…luray luray na ang katawan…Tayo’y maghihiwalay nawalang pagsala! Bunso ko, huwag mong pabayaan ang inang mo! Putin, ay Putin…Juana-Julia…kayo nalamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila….Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.

Tenyong:Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap?

Tenyong:Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat niyang laman,buto sampung taba, di makababayad sa utang na madla.OO’t di ko matingnan, puso ko’y sinusubhan saginawa kay amang ng mga taong hunghang ang awa’y nilimot sa kalupitan.

Julia:Tenong ko’y huwag ng isipin mo pa ang ipaghiganti buhay ng iyong ama. May diyos na tanto nanakakakakita, lahat ng gawa ng frayleng khula.

Page 5: Walang Sugat Ni Severino Reyes

( Mga babae’t lalaki): Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.

Lalaki’t babae:Wari mukha nang bangkay….

Tenyong:Inang, masdan mo po….at masama ang lagay ni tatang,,,Inang, tingnan mo’tnaghihingalo….Tatang, tatang….

Putin: Inggo ko..Inggo…

Tenyong: Patay na!(Mangagsisihagulgol ng iyak)---bababa ang tabing. Tagpo 8.a

Putin: Tenong, hindi na yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katwan ko; nagsisikipang aking dibdib, ang sakit ay tagos hanggang likod! Ay Tenong, hindi ako makahinga. Ang puso ko’yparang pinipitpit sa palihang bakal!

Tenong:Langit na mataas! Tagpo 9.a (Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia.)

Tenyong:Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.

Isa:Ako’y merong iniingatan.

Isa pa: Mayroon din ako.

Tenyong:Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.

Isa:Nalalaman mo bang sila’y mangagsisilulan?

Tenyong:Oo, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy nasasabihin daw nila sa Heneral na tayo’ypagbabarilin na.

Isa:Mga tampalasan.

Isa pa:Walang patawad!(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia)

Julia:Tenyong, Tenyong!

Tenyong:Julia!

Julia:Matitiis mo bang lisanin ang ina mo, gayo’t ganito ang kaniyang anyo? Hindi mo ba alam na ikawlamang ang tanging makapagaaliw sa kaniya? Bakit mo siya iiwan?

Tenyong:Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si inang ay kakalingain mongparang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa bagay na ito, ano ang ipag-aalaala ko?

Julia:Oo nga, Tenyong, nguni’t hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay dikatumbas ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!

Tenyong:Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid. Tumugtog naang oras ng pananawagan ng naaaping ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang ina natin aynangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyanghimutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “Mga anak ko,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y

Page 6: Walang Sugat Ni Severino Reyes

ibangonna ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlongdaang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang…mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim nakaalipin.

Julia:Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang gargantilyangmay medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang gargantilya;) Ang larawang ito’y aking isasabit satapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mgapanganib. /Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugatmo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.

Tenyong:Sa Diyos nananalig.

Julia:Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.

Tenyong:Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Julia:Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.

Tenyong:Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.

Julia:Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay mapawi.

Tenyong:Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’y tutupad lang ng aking panata sapakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib,sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao naako!

Julia:Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay.

Tenyong:Juliang aking sinta!

Julia:Oh, Tenyong ng buhay!

Tenyong:(Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis.)

Julia:(Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (Papasok) Tagpo 10.a(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob.Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)

Isa: Ah, lahi ni Lucifer! Magsisi ka’t oras mo na!

Tenong:Ikaw ang natay sa ama ko, taksil!

Kura 1.0:Perdon, patawarin ninyo!

Kura 2.0:Desgraciadas!

Tenong:Walang utang na hindi pinagbayaran!

Wakas ng Unang Bahagi

Page 7: Walang Sugat Ni Severino Reyes

Ikalawang Bahagi

I TAGPO

(Bahay ni Julia)

(Julia at Juana)

Salitain

Juana: Julia, igayak ang loob mo; papunta na si Miugel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nangmainam.

Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!

Juana: Bakit ba ganiyan ka makasagot, Julia? Hindi naman siya pangit… Kung tutuusin nga’y siya’y lipi ngmabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa…ano pa kulang?

Julia: Ako po, inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay…

Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang maintindihan ko.

Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.

Juana: (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga – anong pusu-puso angsinasabi mo? Totoo nga’t noong una’y kapag may lalaking nangingibig ay tinatatanggap ng mga mata atitinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod. Subalit ngayo’y iba na, nagbagonang lahat ang lakad ng panahon… ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mataat itinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin; ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’ynagpapahingalay na…

Julia: Nakasisindak, inang ko, ang mga pangungusap mo! Ako po’y hindi makasunod sa masamangkalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.

Juana: Julia, tila wari . . . . may kinalulugdan ka na bang iba?

Julia: Wala po! Juana: Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sariliang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kungmapapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!

(Papasok)

Julia: (Sarili) Moro yata si Tenyong!

II TAGPO

(Julia at Monica)

Page 8: Walang Sugat Ni Severino Reyes

Salitain

Julia: Monicaaaaaaaaaa, MonicaaaaaaaaaaMonica: (Sa loob) Pooo!

Julia: Halika!(Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka...

Monica: Opo (Papasok)

III TAGPO

(Julia-mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)

Musika

Dalit ni Julia

Oh, Tenyong niyaring dibdib,diyata' ako’y iyong natiis

na hindi mo na sinilipsa ganitong pagkahapis.

Ay! Magdumali ka’t daluhan,tubusin sa kapanganiban,huwag mo akong bayaangmapasa ibang kandungan.Halika, Tenyong, halika,

at baka di na abutinsi Julia’y humihinga pa… papanaw, walang pagsala! At kung patay na abutinitong iyong nalimutan

ang bangkay ay dalhin na lamangsa malapit na libingan.

Huling samo, oh! Tenyong,kung iyo nang maibaon

sa malungkot na pantiyon,dalawin minsan man isang taon.

P. Teban: (Pumalakpak) Kaganda ng dalit mo Julia…napakalumbay lamang…

Julia: (Gulat) Narito po pala kayo! Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating…Kahiya-hiya po.

P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang inang mo?

Julia: Nariyan po sa labas, a, e, tatawagin ko po.

(Papasok)

Page 9: Walang Sugat Ni Severino Reyes

P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa….Marunong kang pumili,Miguel.

Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap.

(Lalabas si Juana)

Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among.

P. Teban: Ah, Juana, kamusta?

Juana: Mabuti po among.

Tadeo: (Kay Miguel) Lapitan mo.

Miguel: Baka po ako murahin ah!

Tadeo: Bakit ka mumurahin?

Juana:Kumusta po naman kayo, among?

P. Teban:Masama, Juana, tila yata itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap… noong arawkami ay walang inaasahan kundi kaunting suweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; subalit ngayonnga, kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa… ang mga patay ay hindina dinadapit; ngayon ko napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawangpakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.

Juana: Totoo po ang sabi mo.

P. Teban:Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kamingmga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.

Juana: Bakit dami mo pong mga pinakakaing mga pamangking dalaga?

P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.

Miguel: Ay! Aling Julia…ay..ma…ma…malapit na po….

Julia: Alin po ang malapit na?

Miguel: Ang…ang…ang…

Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Tadeo: Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.

Miguel: Ay…salamat (tuwang-tuwa)

Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?

Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?

Page 10: Walang Sugat Ni Severino Reyes

Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay, Aling Julia! Ay, Julia ko!

Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?

Miguel: Sinabi ko pong malapit na….

Tadeo: Malapit na ang alin?

Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata…

P. Teban: Oo nga, Adios Juana… Magpapakumpisal pa. Adios, Julia!

Juana, Julia: Adios!

Tagpo 4.a

Lucas: Magandang araw po…!

Julia: Lucas! Tuloy ka. Alam mo ba kung nasaan si mamang Tenyong?

Lucas: Hindi po. Ngunit kung kailangan niyo talaga ay aking hahanapin siya. Sabihin niyo lang po…

Julia: Salamat, Lucas. Subalit ang tanging nais ko ay ihatid lamang sa kanya ang sulat na ito.

Lucas: Maaasahan niyo pong darating ito sa kanya. Kung wala nap o kayong iuutos, ako’y aalis na.

Julia: Wala na, Lucas. Sana’y makabalik ka agad, ibalita mo sa kanila na wala nang Kastila rito, iniwan atsukat itong bayan.

Tagpo 5.a

*musika*

Tagpo 6.a

Kabo: Limang buenas na kayo.

Sarhento: Kami ay walang malas pa lamang.

Kabo: Hari na kayo.

Sarhento: At ang rebesino?

Ikatlong yugto

Lucas: Tao po! Tao poooo…

Julia: Aba Lucas! Kailan ka dumating? Nakita mo ba siya?

Page 11: Walang Sugat Ni Severino Reyes

Lucas: Kararating ko pa lamang. At opo, nabigay ko na. At wala po siyang sagot. Sa oras na sasagot nasiya ay bigla namang dumating ang kaaway

Julia: Kung gayo’y napapalaban si Tenong? Naku! Hindi kaya masugatan! Kay laking panganib!

Lucas: Pinaalis po akod ako ni Kapitan Tenyong at baka raw mapahamak pa ‘ko at wala nangmakapagbalita sa inyo. Subalit kung ako lamang ang masusunod ay tutulong po ako sa kanila! Hindi akonatatakot sa mga putok, ang totoo nga’y hilig ko ang putukan.

Julia: Ano ba ang bilin sa iyo?

Lucas: Sabihin ko raw po sa inyo na siya’y uuwi na.

Julia: Maaasahan ko kaya?

Lucas: Marahil po, maliban lang kung.. Kung silay magkaroon ng ligamgam. Sige po, ako’y aalis na.

Julia: Oo, Lucas. Marami na kong utang sa’yo.

Tagpo 2.a

Miguel: Julia, salamat at ngayo’y napapanood ko na ang liwanag ni Febo.

Julia: Narito na naman ang ulol na ito... Babanggitin uli ang buwan, araw at mga bituin... Pagkatapos angulan, alimuum at huni ng ibon…

Miguel: Bakit ba ayaw mo kong sagutin? O talang maliwanag, daig mo ang araw na bagong sumikat.

Julia: Miguel, totoog masakit na ang ulo ko. Huwag mo akong kausapin. Bawat tunog na nadidinig ko ay tilanginangatngat ng aso ang ulo ko, at ang kumausap sa akin ay ibig kong…

Miguel: Bakit baa yaw mo kong sagutin?

Julia: Masakit ang ulo ko.

Miguel: Ay, sumagot din! Salamat at ako’y iniibig mo na.

Julia: At sino naman ang nagsabi sa inyo niyan?

Miguel: Sinabi mo na ang kumakausap sa iyo’y ibig mong…

Julia: (Tatawa) Ulol nga pala? Ang kumausap sa akin ay ibig ko nang … dikdikin. Naintindihan mo ba?Marteng matapang.

Julia: Tenong, nilimot mo na ako

Tagpo 3.a

Juana: Miguel, ba’t naguumiyak si Juana? Anong ginawa mo?

Page 12: Walang Sugat Ni Severino Reyes

Miguel: Kinausap ko lamaong po tapos pumadiyak-padiyak na at ako’y iniwan…*tinatawag ni Juana si Julia*

Juana: Kinakausap ka lamang ni Miguel… tapos nagalit ka na?

Julia (sa sarili): Aba nakapagsumbong pa ang tunggak!

Julia: Sinabi ko pos a kanya’y huwag akong kausapin sapagkat masakit po ang ulo ko. Ngunit lalo pa niyaakong kinausap at sinabi pang ako si Febo, tala, Venus at marami pang kaulolan.

Juana: Ganoon naman pala eh. (Kay Miguel): Julia lang ang itatawag mo sa kanya. Ayaw niyang pagwikaanng mga tala, Venus. Siya nga pala, ang tatang mo’y hindi ba paririto?

Miguel: Patungo nap o rito, dumaan lamang sa bahay ni Fiscal Manuel. Hindi naman po siya engrandengengrande, subalit pumunta siya roon para pasindahan ang lahat ng simbahan...at sisita pa raw po anglahat ng orquesta.

Julia (sarili): Tunggok na nga, manununog pa!

Tagpo 4.a

Miguel: Ah, narito na po si Tatang Tadeo. Ano balae, hindi ba nagkakasakit?

Juana: Wala naman pong nagkakasakit sa amin. Kamusta naman po kayo?

Tadeo: Mabuti, parehas pa rin ng dati. Si Miguel lamang ang palaging sinisinat… Si Julia?

Juana: Narito po. Julia! Julia! Pumarito ka, tinatanong ka ng magiging biyenan mo.

Tadeo: Hija, ibig ko’y ikaw ang pipili ng damit mong bibilhin..

Juana: Opo Julia (sarili) Kay bigat nga naman talaga ng duko ko sa matandang ito, mukha ngang manununog.

Tadeo: (kay Juana) Balae, ako sana’y may ipakikisuyo sa iyo na isang mumunting bagay. Huwag na natinghintayin pa ang ikadalawampu’t lima; sa araw ng Sabadong darating ay iraos na natin ang mga bunso.

Julia: Ano itong narinig ko?! Ibig pang pabilisan ang pagsabi ng mabangis na kamatayan! Mga walang awa!

Juana: Tatanungin ko po si Julia kung pumapayag siya. (Kay Julia) Julia ipinakikiusap ng biyenan mo na saSabado na lang daw ang kasal.

Julia: Inang, sabihin mo pos a kanila na antabayanan ang araw na napagkasunduan! Bakit po minamadalinila?

Juana: Siyanga po naman, maghintay na po tayo.

Page 13: Walang Sugat Ni Severino Reyes

Tadeo: Miguel, maghintay na! Ikaw ay umuwi na at dumaan kay Fiscal Manuel. Sabihin mo sa kanya nahindi na matutuloy sa Sabado.

Tagpo 5.a

Recitado:

Magsilayo kayo,ako’y bitiwan

Dumating na ha, ha, ha…Sugatan lamang

Lumayas ka Miguel, huwag na matingnan

(Kay Tadeo): Ikaw matanda ka’y

Kita’y uunatanMga walang awa, ah mga kuhila!

Koro, may banda’t orchestra

Koro (sigaw) Mabuhay ang Filipinas, mabuhay ang kasal!

*Awit*

Miguel: Julia! Nasan ka na? Naghihintay na si Pari Teban! Ano bang tagal ng salubungan yan? Napakatagalnga naman talaga!

Julia: Pakasal kang mag-isa mo.

Miguel: Kay sama naman ng sagot nito! Aling Juana, sabihin mo p okay Julia na totoong tanghali na.Magaalas-dose na nga yata eh!

Juana: Julia naghihintay na raw si Pari Teban

Julia: Hayaan niyong maghintay siya! Si Tenong po’y mamamatay na… Kaaawa-awa naman, hindi po dapatiwan.

Juana: Mamamatay pala! Ginoong Heneral, masama raw po ang lagay ni Kapitan Tenong.

Heneral: Ginoong medico! Tignan niyo nga po ang Kapitan Tenong! Mamamatay pala.. Ginoo, mangyaringtawagin ang kura nang makapagkumpisal ang Kapitang Tenong.

Miguel: Hindi po, ako nap o ang tatawag

Kura: Ako’y may ipahahayag sa inyo na isang malaking bagay…“ang Kapitan Tenong na sa oras na ito’y lilipat sa baying tahimik, ay may huling kahilingan.Ipinagmamakaawa niya sa iyo Juana, at kay Ginoong Miguell, na yayamang siya ay mamamatay rin sa orasna ito, ay mangyaring ipakasal sa kanya si Julia”

Juana: Ipakasal sa kanya si Julia?! Bakit? *nagtatanong din sina Miguel at Tadeo*

Page 14: Walang Sugat Ni Severino Reyes

Kura: Sapagkat noon pa ma’y may kasunduan na sila’y magpapakasal sa oras na ito.

Juana: Julia, halika. May salitaan nga ba kayo ni Tenong?

Julia: Inang, ang tao pong nasa mahalagang oras ng kamatayan, at malapit ng dumulok sa hukuman ng Diyos ay hindi na nagsasasabi ng kasinungalingan.

Juana: AH totoo nga! Lilong anak! Sukab na pamangkin!

Julia: Inang!

Juana: HINDI KITA ANAK!

WAKAS