18
Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Unit 2 1 1 Music, Art, Physical Education Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

dlrciligan.weebly.comdlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/1_p.e._lm... · Web viewAng kilos lokomotor ay maaaring gawin sa panlahat na espasyo o kahit saang pook na maaari

  • Upload
    others

  • View
    158

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Kagamitan ng Mag-aaral

TagalogUnit 2

Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas

Music, Art, Physical Education, and Health- Unang Baitang

1

1Music, Art, Physical

Education and Health

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: ____________

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz

 

Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected]

2

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralMUSICConsultant at Editor: Mauricia D. Borromeo Manunulat: Cielito Margo MirandillaART Consultant at Editor: Alice Pañares, MA Manunulat: Anna Victoria C. San DiegoMga Tagasuri: Ma. Blesseda A. Cahapay (Music), MInda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas (Music at Art)Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra,

Ma. Rita T. Belen, Grace U. SalvatusMga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno (Music) at Zeena P. Garcia (Art)Mga Naglayout: John Rey T. Roco, Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias, Ma. Theresa M. CastroPHYSICAL EDUCATION Consultant: Larry A. Gabao, PhD. Manunulat: Salve A. Favila, PhD.HEALTH Consultant: Evelina M. Vicencio, PhD. Mga Manunulat: Josefina Q. Era, Teodora D. Conde, Flormay O. Manalo, Rhodora Ll. Formento,

Mark Kenneth S. Camiling, at Lualhati F. CalloMga Editor: Mila Arias, Bernadette Y. Santos, Cynthia L. Diaz, Josefina A Tuazon, at Evelina M. VicencioMga Tagasuri: Nerisa Beltran (Health), Jenny J. Bendal (PE), Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. HinampasMga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra,

Ma. Rita T. Belen, Grace U. SalvatusMga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong (PE), Jayson R. Gaduena, Erich D. Garcia,

Jayson Villena, at Mercedita S. Garcia (Health)Mga Naglayout: Anthony Gil Q. Versoza (Health), Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias (PE),

Ma. Theresa M. CastroEncoder: Earl John V. Lee

TALAAN NG MGA NILALAMANP.E.

Yunit 2: Pag-alam sa Espasyong Gagalawan ...

172

Modyul 4: Pag-alam sa Pansarili at Panlahat na Espasyo .....................................................................

172

Gawain 14: Pakiusap, Walang Bungguan …........

175

Gawain 15: Mapa ng Kaalaman ………………..…176

Gawain16: Pagbabalik – Kaalaman …………..….178

Modyul 5: Nakalulugod na mga Payak na Laro ………

179

Gawain17: Hilahan ng mga Bahagi ng Katawan..

180

Gawain 18: Karera sa Pagtakbo ..…………………..

181

Gawain 19: Hamon sa Pagsayaw ...………………..

182

Gawain 20: Pagbabalik - Kaalaman ……………...182

3

Yunit 2: Pag-alam sa Espasyong Gagalawan

Modyul 4: Pag-alam sa Pansarili atPanlahat na Espasyo

Masdan ang mga larawan at gayahin.Yumuko sa harapan, iunat ang mga binti,

paikutin ang beywang Ipaling sa kanan at kaliwa

4

Pag-alam sa Espasyong Gagalawan

Yunit 2

at paikutin pakanan at pakaliwa

Ang mga kilos na iyong ginawa ay mga kilos di lokomotor. Ito ay kilos na isinasagawa nang hindi umaalis sa lugar o espasyo. Maaari mo itong gawin sa kahit anong bahagi ng katawan mo habang nakatayo, nakaupo, nakaluhod, o nakahiga.Tingnan ang larawan sa ibaba at sabihin kung ano ang ginagawa nila.

Ilan ang naglalakad? ___Ilan ang tumatakbo? ___Ilan ang lumulundag? ___

5

Ang mga nabanggit na kilos ay ilan lamang sa kilos-lokomotor. Ang kilos lokomotor ay maaaring gawin sa panlahat na espasyo o kahit saang pook na maaari mong galawan.

Ang mga kilos lokomotor ay paglakad, pagtakbo, paglundag, pagpapadulas, pag-igpaw, paglukso, at pagkandirit.

Handa ka na bang tuklasin ang pansarili at panlahat na espasyo gamit ang iba’t ibang gawain sa modyul na ito? Matapos isagawa ang mga gawaing ito, ikaw ay:

Makakikilos kasama ang mas malaking pangkat nang hindi kayo nagkakabanggaan o bumabagsak habang nagsasagawa ng ibang kilos lokomotor

Maglalakbay sa tuwid, paliko, mataas, at mababang lebel

Maisasagawa ang kilos lokomotor gaya ng paglakad, pagtakbo, paglukso, paglundag, at pag-igpaw

Makalilikha ng kilos habang umaawit.

Masisiyahan sa mga karaniwang laro.

6

Gawain 14 - Pakiusap, Walang BungguanPanuto: Gawin ang sumusunod na gawain nang

hindi kayo nagkakabungguan ng iyong kamag-aral.

Unang hamon: Lumakad, tumakbo, lumundag, umigpaw nang

mabagal, katamtaman, at mabilis sa alinmang direksiyon.

Pangalawang hamon:Maglakad sa tuwid, paliko, at pasigsag na

daan na may mataas at mababang lebel.

Paano mo susukatin ang iyong kakayahan matapos isagawa ang mga gawain?

Bilugan ang salitang angkop sa iyong ginawa.

Pinakamagaling MagalingDi gaanong magaling Di magaling

Gawain 15 - Mapa ng Kayamanan7

Nakakita ka na ba ng mapa?Ano ang impormasyon na makikita dito?Magagamit ba ito sa paghahanap ng isang natatagong kayamanan?

Panuto : Pakinggang mabuti ang panuto ng guro.1. Bumuo ng pangkat na may 4-5 kasapi.2. Pumili ng lider.3. Kunin ng lider ang mapa sa guro.4. Pumila ang mga kasapi ng pangkat sa

likuran ng lider.5. Gayahin ng mga kasapi ang lahat ng kilos

ng lider.

6. Sa hudyat, gagamitin ng lider ang mapa upang makita ang nakatagong kayamanan.

8

Unang kard

Kunin ang kayamanan na sinusundan ang daan sa mapa. Gayahin ang galaw ng eroplano

Pangalawang kard

Magsimula rito

Katapusanng linya

5 beses maghula hoop lumakad sa ilalim ng

mababang tulay

Lumundag sa ibabaw magpadulas

ng patpat

Nakita ba ninyo ang kayamanan?Paano ninyo naisagawa ang paghahanap gamit ang mapa?

Pinakamagaling

Magaling Di gaanong magaling

Di magaling

Gawain 16 - Pagbabalik – Kaalaman

Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.

9

1. Pagdaan o pag-ikot (rotonda)

A. tuwid B. paliko C. sigsag

2. Pagtawid sa tulay

A. tuwid B. paliko C. sigsag

3. Pag-iwas sa mga sagabal

A. tuwid B. paliko C. sigsag

Bilang ng tamang sagot : ___3 ___2 ___ 1Modyul 5: Nakalulugod na mga

Payak na Laro10

Kayo ba ay mahilig maglarong mag-isa o makipaglaro sa isang kaibigan o sa isang pangkat ng mga kaibigan?Ang paglalaro ay nakatutulong upang maging malakas ang iyong katawan.Lagyan ng () ang larong nasubukan mo na.

Ilang laro ang nasubukan mo na? _____________Isulat ang larong naiibigan mo._________________,________________,________________, ______________.Gawain 17 - Hilahan ng mga Bahagi ng Katawan

Panuto: Ang bawat manlalaro ay maaaring hilahin o tapikin gamit ang kamay. Pakinggan

11

ang guro. Sasabihin niya ang bahaging hihilahin o tatapikin. Kung ikaw o ang bahagi ng katawan mo ang natapik, maghintay na ikaw ay tapikin ng iyong kakampi. Maaaring tapikin o hilahin ang…..

1. Kanan at kaliwang kamay

2. Kanan at kaliwang siko

3. Kanan at kaliwang tuhod

4. Kanan at kaliwang balakang

Gawain 18 - Karera sa Pagtakbo

Panuto: Makinig nang mabuti sa panuto ng guro.

Unang Hamon : Isahang Karera12

Pumili ng kamag-aral para sa unahan sa pagtakbo.Itatakda ng guro ang distansiya.Mula sa 3 hamon, ilang beses ka ng nanalo?____

Ikalawang Hamon: Pangkatang KareraBumuo ng pangkat na may 5 kasapi . Tumayo nang magkakalapit sa isa’t isa . Sa hudyat, tatakbo ang unang manlalaro at iikot sa bilog. Babalikan ang ikalawang manlalaro at iikot muli. Gagawin ito hanggang sa ikalimang manlalaro. Ang unang matatapos ang panalo.

Gawain 19 - Hamon sa Pagsayaw

Panuto: Magpapatugtog ang guro ng musika na isasayaw mo. Galingan mo ang pagsayaw. Malay mo, baka ikaw ang manalo.

13

Gawain 20 - Pagbabalik – KaalamanPanuto: Balikan ang mga larong alam mo.

Sagutan ang sumusunod. Bilugan ang letrang iyong sagot. Maaaring mahigit sa isa ang sagot.

1. Ano ang gagawin mo upang di ka maging taya?a. Tumakbo nang mabilis.b. Mabagal at iba ang direksiyon.

2. Anong bahagi ng katawan ang maaaring hawakan para mataya?a. kamay b. siko

3. Ano ang kailangan para manalo sa isang karera?a. bilis b. direksiyon

4. Ano ang ginawa ng inyong pangkat para magwagi sa isang laro?a. kaniya-kaniya b. pagkakaisa

5. Ano ang nadama mo matapos manalo sa laro?a. masaya b. malungkot

6. Ano ang nadama mo noong natalo kayo?a. masaya b. malungkot

14