68
Christ’s Commission Fellowship - TAGALOG - (BIBLICAL FOUNDATION 1) PAGSISIMULA NG INYONG PAGKAROON NG PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DIYOS

Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

  • Upload
    others

  • View
    49

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Christ’s Commission Fellowship

- TAGALOG - (BIBLICAL FOUNDATION 1)

Workbook

GABAY PARA SA LIDER

PAGSISIMULA NG INYONG

PAGKAROON NGPAKIKIPAG-UGNAYANSA DIYOS

Page 2: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…2 =======================================================

Page 3: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…3 =======================================================

ANG DAAN NG DIYOS TUNGO SA LANGIT

Magandang __________ . Welcome (Mabuhay) sa Pagsisimula ng inyong pagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa Diyos. Ako si_______________. Sana makarating kayo sa mga susunod pa nating mga miting. Puwede sigurong ipakilala natin ang ating mga sarili. Sabihin ang :

Pangalan Nickname Tirahan Trabaho o eskuwelahan Pamilya

SALITA:

Intro:

Naitanong na ba ninyo sa inyong mga sarili ang mga sumusunod: “Paano ba makararating ang tao sa langit?” “Ano ba ang daan ng Diyos patungo sa langit?”

Sasabihin ng ilan—sa pamamagitan ng pagsisimba; ‘Yong ilan pa—sa pagtupad sa Sampung Utos; ‘Yong iba—sa mabubuting gawa, pagbibigay sa kawanggawa, pagtulong sa kapwa, pag-donate o pagbigay ng ari-arian, pera at/o materyales para sa pagpagawa ng simbahan.

Sa ating panimulang aralin ngayon, malalaman natin kung ano talaga and Daan ng Diyos patungong Langit.

Sa Katunayan, may 4 NA BAGAY na kailangan nating maintindihan para matiyak ang pagtungo sa langit.

1

Page 4: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…4 =======================================================

UNA – PAG-IBIG AT LAYUNIN NG DIYOS

Ang unang bagay na dapat nating maintindihan ay ang katunayang MAHAL TAYO NG DIYOS AT MAY LAYUNIN SIYA PARA SA ATIN.

May layunin o pakay o gusto ang Diyos na mangyari sa ating buhay.

Basahin ang Juan 3:16. Ano ang layunin o gustong mangyari ng Diyos sa talatang ito?Magkaroon tayo ng buhay na walang hanggan.

Para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng “buhay na walang hanggan?” Ito ay ang pakikipag-ugnayan natin sa Diyos simula sa ating buhay ngayon hanggang sa susunod. Hindi lamang ito walang hanggan sa haba kundi pati sa uri.

Isulat ang “Juan 3:16 BUHAY NA WALANG HANGGAN” gaya ng nasa Figure 1

Basahin ang Juan 10:10. Ayon sa talatang ito, ano ang layunin o gusto ng Diyos para sa atin?

Isulat ang “Juan 10:10 BUHAY NA MASAGANA” gaya ng ipinakita sa Figure 1

Sa ngayon, bakit maraming tao ang hindi nakakaranas ng ganitong uri ng buhay na ibig o gusto ng Diyos para sa bawat isa sa atin. Ang sagot ay matatagpuan sa susunod nating pag-uusapan...

Isulat sa isang malinis na papel o whiteboard ang mga salitang “LAYUNIN NG DIYOS” gaya ng nasa Figure 1

Page 5: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…5 =======================================================

PANGALAWA – ANG PROBLEMA NG TAO

Isulat ang mga salitang “PROBLEMA NG TAO” gaya ng ipinapakita sa Figure 1

Nakasulat sa Biblia na noong nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, inilagay niya sila sa Halamanan ng Eden. Namuhay silang nakikibagay at nakikipag-ugnayan sa Kanya. Ibinigay ng Diyos sa kanila ang lahat ng kanilang kailangan at ang malinaw na utos tungkol sa Puno ng Kaalaman sa Mabuti at Masama. Isang araw, may nangyari sa Halamanan na naging mitsa ng mga problema ng tao.

Isulat ang salitang “TAO” sa kaliwang bahagi at “DIYOS” sa kanang bahagi nito. Gumuhit din ng tao.

May naging dahilan para magkaroon ng balakid sa pamamagitan ng Tao at ng Lumikha sa kanya kaya naputol ang pag-uugnayan ng dalawa.

Gumuhit ng dalawang bangin sa ilalim ng “TAO” at “DIYOS”

Pwuede ba ninyong sabihin sa akin kung ano iyon? Ang hindi nila pagsunod sa utos ng Diyos nang kainin nila ang bunga ng puno.

Oo, pinili nina Adan at Eba na pakinggan ang pambobola ng ahas kaysa sundin ang utos ng Diyos. May salitang ginamit sa Biblia sa kanilang pagsuway na ito. Alam ba ninyo kung ano iyon? Kasalanan.

Page 6: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…6 =======================================================

Isulat ang “KASALANAN (Roma 3:23)”

Nabanggit ito sa Biblia sa Roma 3:23. pakibasa nga ang talata. “lahat ay nagkasala at hindi umabot sa pamantayan ng Diyos.”

Ayon sa nabasa, ilan ang nagkasala? “lahat.”

Ibig sabihin ba nito, ako ay nagkasala? “Oo.”

Ibig bang sabihin nito kayo rin ay nagkasala? “Oo.” Mahalaga ba rito kung magaan o mabigat ang

kasalanan ninyo, marami o kakaunti? Puwede bang basahin ninyo ang Santiago 2:10?

Tingnan natin ang ilan sa mga epekto ng kasalanan sa buhay ng bawat isa sa atin.

Pakibasa lang ang Isaias 59:2 at sabihin kung ano ang epekto ng kasalanan sa buhay ng bawat tao. “pagkawalay sa Diyos.”

Puwede mong basahin ang Roma 6:23? “ ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, ngunit ang handog ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon.”

Ano ang kabayaran ng ating kasalanan? “ kamatayan.”

Isulat “KAMATAYAN Roma 6:23)”

Tuwing mababanggit ang kamatayan, ang pumapasok sa isip ng tao ay ang kamatayang pisikal. Pero ang tinutukoy ng Biblia ay ibang uri ng kamatayan. Mayroon bang puwedeng magbasa ng Pahayag 21:8?

Page 7: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…7 =======================================================

Ano ang pangalawang kamatayan? “Dagat-dagatang apoy at asupre.”

Isulat ang “PANGALAWANG KAMATAYAN (Pahayag 21:8).”

Sinu-sino ang mga nabanggit na makararanas ng Pangalawang Kamatayan?Ngayon, kung totoo ngang ang lahat ng tao ay nagkasala, at ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan at pagkawalay sa Diyos, darating ang araw na lahat ng mga nagkasala ay ihuhulog sa Dagat-dagatang Apoy... Hindi magandang pangitain ito, ano po?

Noon pa man ay alam na ito ng tao at sinikap na niyang gumawa ng paraan para mailapit ang sarili sa Diyos.

Ano sa palagay ninyo ang mga bagay na ginagawa ng tao para mailapit ang kanilang mga sarili sa Diyos? Sa pagtupad sa Sampung Utos ng Diyos; paggawa ng kabutihan, atbpa.”

Ano ang sinasabi sa Roma 3:20 tungkol sa Sampung Utos ng Diyos? Sila ang tanging paraan para malaman natin na tayo ay nagkasala. Ang Sampung Utos ay nagsisilbing salamin para makita natin ang ating kasalanan sa harap ng Diyos. Basahin din ang Galacia 2:16.

Isulat ang “Galacia 2:16 HINDI MGA GAWA” na makikita sa Figure 1.

Page 8: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…8 =======================================================

Ang ibig sabihin nito, lahat ng ginagawa ng tao ay hindi aabot sa Kanyang pamantayan. Ang nakalulungkot na katotohanan ay wala tayong magagawa para mailigtas ang ating sarili.

Ang tanging lunas ay ibinigay misimo ng Diyos...

PANGATLO – ANG LUNAS NG DIYOS

Ngayon, dumako tayo sa Juan 14:6

Pakibasa lang ang talata (“Sabi ni Jesus, ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.’”)

Sino ang nagsasalita? Jesus.

Ano ang pagkakaiba ng “ang daan” at “isang daan?” Hindi siya isa lamang sa mga daan, maliban sa Kanya, wala ng iba pang daan.

Isulat ang “LUNAS NG DIYOS – JESUS (Juan 14:16)” sa pagitan ng dalawang bangin.

Bakit? Ano ang ginawa ni Jesus? Tingnan natin sa Roma 5:6,8.

Pakibasa lang ang talata (“Sa itinakdang panahon, noong tayo’y mahihina pa, namatay si Cristo para sa mga masasama... Ngunit, ipinadama ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin sa pamamagitan nito: Habang tayo ay mga makasalanan pa, namatay na si Cristo para sa atin.”)

Ano ngayon ang dapat na maging tugon natin sa ginawang pag-alay ni Jesus ng kanyang buhay para huwag tayong mapunta sa lawa ng apoy at habang buhay na mawalay sa Diyos?

Page 9: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…9 =======================================================

PANG-APAT – TUGON NG TAO

Isulat ang “TUGON NG TAO” sa ilalim ng bangin sa kanan gaya ng nasa Figure 1

Basahin natin ang Efeso 2:8-9 (“Dahil sa kagandahang loob ng Diyos ay naligtas kayo dahil sa inyong pananalig at hindi mula sa inyo, ito ay kaloob ng Diyos; hindi dahil sa inyong mga gawa nang walang sinumang makapagmamalaki.”)

1. paano ipinapaliwanag ang kaligtasan ng mga talatang ito? Ito ay kaloob o regalo ng Diyos at hindi dahil sa mga gawa.

Ano ang papel na ginagampanan ng Diyos sa ating kaligtasan? Grace, grasya, o kagandahang loob. Ipinapaliwanag ang G.R.A.C.E. bilang God’s Riches At Christ’s Expense o Ang Kaharian ng Diyos (ay mapapasa-iyo ng) dahil kay Cristo.

Bakit dahil kay Cristo? sapagkat Namatay si Cristo para bayaran ang ating mga kasalanan. Ang mismong kaligtasan na tinubos Niya para sa atin ay hinahandog Niya bilang kaloob o regalo.

Ano daw ba ang dapat nating maging tugon ayon sa

talata? Pananalig.

Isulat ang “PANANALIG” (Efeso 2:8-9)

Page 10: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…10 =======================================================

Para matanggap ninyo si Cristo, kailangang buksan ninyo ang pinto ng inyong puso at buhay at papasukin Siya.

Mayroon sana akong itatanong sa inyo kaya lang ay napakapersonal. Puwede? Nasaan kayo ngayon sa ilustrasyong ito (ituro ang figure na ginawa), sa Kampo ng Tao, o sa Diyos?

Para matulungan kayong sagutin ito, mayroon pa akong isang tanong—kung mamamatay kayo at haharap sa Diyos sa mga oras na ito at tatanungin Niya kayo ng: “Anong dahilan at papapasukin kita sa langit?” Ano ang magiging sagot ninyo? Alam na nating ang ating kaligtasan ay hindi dahil sa ating mga gawa kundi sa pananalig lamang kay Jesus at pagtanggap sa lahat ng kanyang ginawa sa krus. Kailangang TANGGAPIN ninyo si Jesus sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya.

Ang susunod na tanong ko ay ito—saan mo gustong maging bahagi? Siyempre, sa kampo ng Diyos, hindi ba?

Para marating mo ang kampo ng Diyos mula sa kampo ng Tao...

Gumuhit ng pana na nagpapakita ng paglapit mula sa “TAO” tungo sa “DIYOS.”

...wala kang ibang gagawin kundi ang pagsisihan ang lahat ng iyong kasalanan at humingi sa Diyos ng tatlong bagay:

1. Patawarin ang iyong mga kasalanan;

2. Pumasok Siya sa iyong buhay at tulungan kang magbago ayon sa Kanyang kagustuhan.

Page 11: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…11 =======================================================

3. Ibigay sa iyo ang regalong buhay na walang hanggan para makapiling mo Siya habang buhay.

Mayroon akong maikling panalangin na magpapahayag ng iyong pagnanais na tanggapin Siya.Ganito iyon:

Panginoong Jesus, kailangan kita. Salamat sa Iyong pagkamatay sa krus para tubusin ako sa aking mga kasalanan. Inaamin kong malaki ang naging kasalanan ko sa iyo. Patawarin Mo ako sa aking mga kasalanan. Hindi ko na po matandaan kung anu-ano ang mga ito kasi napakarami po. Binubuksan ko ngayon ang pintuan ng aking puso at tinatanggap Kita bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Salamat sa pagpapatawad Mo sa aking mga kasalanan. Salamat sa Iyong regalong buhay na walang hanggan na tinatanggap ko rin ngayon. Maghari ka sa aking buhay. Baguhin mo ang aking katauhan nang naaayon sa Iyong kagustuhan. Amen.

MGA GAWA

Kung ang dalanging ito ay sang-ayon sa kagustuhan ng inyong puso sa mga oras na ito, hinihiling kong sumunod kayo sa akin habang binibgkas ko ito...

Page 12: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…12 =======================================================

ANG PINAKAMAHALAGANGIMPORMASYON SA MUNDO

MABUHAY:

“Ang tatlong pang-uri na aking ginagamit sa paglalarawan ng sarili ay...”

SALITA:

Intro:

Ang sabi ng iba, tayo ngayon ay nabubuhay na sa “information age.” Maaari mo nang malaman ang halos lahat ng maisipang bagay sa pamamagitan ng “internet.” Ano ang pinakamahalgang impormasyon na nalaman mo sa iyong buong buhay?

Ang kuwento ng isang tao na nakatagpo ng isang lumang bote sa dalampasigan. Noong pinunasan niya ito at binuksan, may isang “Genie” na lumabas at sa pasasalamat sa kanyang paglaya, sinabi ng “Genie” na

2

Page 13: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…13 =======================================================

maaari siyang humiling ng isang bagay at ito ay magkakatotoo. Pagkalipas ng malalim na pag-iisip, hiniling niya na bigyan siya ng isang kopya ng susunod na linggong pahayagan kung saan ay nakasulat ang kombinasyon ng numerong magwawagi sa mega-lotto. Sa isang kisap-mata ang pahayagan ay lumitaw sa harap niya, kung saan nakasulat nga ang mga numero ng mananalong kombinasyon. Wika ng tao, “sa impormasyong ito ako ay mayamang mayaman na!” noong makita niya ang obituaryo sa pinakalikod ng pahayagan, gayon na lamang ang kanyang pagkagulat nang makita niyang nakasulat ang kanyang pangalan dito na nagsasabing siya ay pumanaw na. Ano sa palagay ninyo ang mas mahalgang impormasyon sa dalawang ito?

Ngayong araw ay pag-aaralan natin – kung ano ang pinakamahalgang katotohanan na maaaring matutunan ng isang tao sa kanyang buhay.

BASAHIN ANG JUAN 3:1-8.

Kilalanin ang dalawang katauhan sa talatang ito. Si Jesus at Nicodemus. Ano ang binabanggit sa T. 1 tungkol kay Nicodemus? Na siya ay isang Pariseo at pinuno ng mga Judio.

Ang mga Pariseo ay isang piling-piling grupo – na hindi kailanman humigit sa 6,000 katao ang kanilang bilang – at bawat isa sa kanila ay sumumpa sa harapan ng tatlong kasamahang saksi, na kanyang iuukol ang bawat sandali ng buong buhay sa pagpapatupad ng Sampung Utos, bilang paraan ng pagbibgay lugod sa Diyos.

Basahin ang Filipos 3:5. paano inilarawan ni apostol Pablo ang kanyang sarili tungkol sa batas na ito? “isang Pariseo”. Ano sa palagay mo ang gusto niyang ipahiwatig? Na ang mga Pariseo na kanyang

Page 14: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…14 =======================================================

kinabibilangan, ay higit na mataas ang antas sa pagpapatupad ng batas na ito. Basahin rin ang Gawa 26:5 at Lucas 18:10-12.

Bilang pinuno ng mga Judio, siya ay kabilang din ng “sanhedrin,” ang sanggunian na binubuo ng pitompung katao at nangangasiwa ng mga kalakalang pang-relihiyon ng buong bansa at may awtoridad sa lahat ng mga Judio sa buong mundo. Ang grupong ito ay halos binubuo lamang ng mga Pariseo.

Ang paglalarawang ito kay Nicodemus ay nagpapakita sa atin na bihira lamang ang taong maari mong ihambing sa kanya, lalo na sa larangan ng pagpapatupad ng Sampung Utos at pag-uukol ng sarili sa kanyang relihiyon.

Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit lumapit si Nicodemus kay Jesus? Naunawaan niya na si Jesus ay nagmula sa Diyos at ang Diyos ay na kay Jesus [T.2].Sa kabila ng kanyang kaalaman sa Sampung Utos at pag-uukol ng kanyang buong buhay sa pagpapatupad nito, nadama niya na hindi siya tiyak kung matatanggap nga ba siya sa kaharian ng Diyos {kilala ni Jesus ang lahat ng tao [2:24,25] at tinutugunan niya ito ayon sa kanyang pangangailangan [3:3]}. Paano naman tayo? sa ating mga kaalamang pang-relihiyon, mayroon ba tayong kasiguruhan na kung sakaling tayo ay sumakabilang-buhay sa araw na ito, na tayo ay makakatuloy sa langit?

Subalit ang isang magandang katangian kay Nicodemus ay ang kanyang pagkakaroon ng isang bukas na kaisipan sapagkat sa kabila ng kanyang katayuan sa buhay, siya ay lumapit pa rin kay Jesus na “nagmula sa Diyos.” Ipinapakita nito na siya ay tunay na naghahanap sa Diyos. Ano ang pangako sa Jeremias 29: 13?

Page 15: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…15 =======================================================

Paano ipinahiwatig ni Jesus ang kahalagahan ng “katotohanan” na kanyang sinasabi kay Nicodemus? Palagi niyang sinisimulan ang kanyang pagsagot kay Nicodemus ng: “katotohanang sinasabi ko sa iyo” (3x) T. 3, 5, 11.

Kapag sinabi ni Jesus na, “katotohanang sinasabi ko sa iyo” – ito ay mahalaga ( e.g. Mateo 5:18, NASB). Kapag sinabi niyang: “katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo” – ito ay mahalagang mahalaga. Kapag sinabi niyang: “katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo” sa tatlong talata sa iisang kabanata – ito ay higit na mahalaga.

Ano ang katotohanan? “malibang ang isang tao’y ipanganak na muli ay hindi niya makikita ang kaharian ng Diyos.” T.3. paano mo naiintindihan ang salitang: “malibang at hindi niya”? walang ibang paraan.

Ano ang pumapasok sa isipan kapag narinig ang salitang “ipanganak na muli”? ang isip ng iba, ito ay isang relihiyon. Ang akala naman ng iba, ito ay grupo ng mga protestante o mga charismatics.

Ano ba ang tunay na kahulugan ng salitang “ipanganak na muli”? ang salitang “muli” sa wikang Griyego ay “anothen” na nangangahulugang – ‘minsan pa’ o ‘mula sa itaas’. Ano naman ang ibig sabihin ng “ipanganak minsan pa”? o “ipanganak mula sa itaas”? ang salitang ‘ipanganak minsan pa’ – ay nagpapahiwatig na isilang muli sa sinapupunan ng kanyang ina. Ang ‘ipanganak mula sa itaas’ – ay nagpapahiwatig na isilang sa espiritual na pagkaunawa.

Page 16: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…16 =======================================================

Base sa kanyang reaksiyon kay Jesus sa T. 4, paano naintindihan ni Nicodemus si Jesus? Born-anew, i.e. panganganak muli sa sinapupunan ng kanyang ina.

Paano ipinaliwanag ni Jesus ang kasabihang “ipanganak na muli”?... madidiskubre natin na mayroong dalawang bahagi sa tunay na kahulugan nito...

I. MAY BAHAGI ANG DIYOS (BASAHIN ANG T. 5-8.)

Ano ang ibig sabihin ng “tubig at espiritu”? ano ang iba’t ibang kahulugan na ibinibigay ng mga taga-pagsalin? Natural na kapanganakan, pagbautismo, etc...

Kung si Juan ay nagsalita at ang mga tagapakinig niya ay hindi naintindihan ang salita na kanyang ginamit sa kanila, sino ang dapat nilang tanungin upang maliwanagan ang kahulugan ng salitang iyon? Pedro, Pablo, Juan, o sarili? Juan.

Paano ginamit ni Juan ang katagang “tubig” sa kanyang ebanghelyo?

1.Aktuwal na tubig sa 1:26, 2:7, 5:4, at 6: 2. may sinasagisag na tubig 4:14,7:38.

Isa-isahin ang mga talatang binanggit. Tanungin mo ang sarili kung ang tubig na ipinahihiwatig ni Juan ay ito nga ang kahulugan?” – nang maipakita sa lahat kung alin sa mga ito ang tunay na nagpapahayag ng may kabuluhan.

Paano ipinaliwanag ni Juan ang kahulugan ng tubig na inilalarawan sa 7:39? Ang ibig sabihin ng tubig ay espiritu.

Paano natin maipapaliwanag ang kahulugan ng 3:5? Ang salitang Griyego na ginagamit sa katagang “at” ay “kai” na maaari ring I-transalate na “maging” o “samakatuwid.” Sa gayon, ginamit ni Jesus ang

Page 17: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…17 =======================================================

“tubig” bilang simbolo ng banal na espiritu. Tingnan rin ang Tito 3:5.

Ano naman ang sinasabi sa T. 6-7? Na ang espiritual ay may pagkakaiba sa natural. Samakatuwid ang espiritual na kapanganakan ay hindi maaaring maganap sa pisikal na pamamaraan. Hindi sa pagiging relihiyoso o paggawa ng mabubuting bagay. Hindi rin sa pagsunod ng Sampung Utos. Kailangang maipanganak kang muli sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, na ang ibig sabihin ay, “ipanganak mula sa itaas”.\ Basahin ang Juan 1: 12,13.

Sa T. 8, ang katagang “hangin” sa wikang Griyego ay may parehong gamit sa “espiritu.” Sa anong pangyayari nagiging pareho ang hangin sa Espiritu ng Diyos? Ang hangin ay umiihip saan man naisin nito. Ang Diyos sa kanyang Espiritu ay ginagawang baguhin ang tao saan man ito maging kalugod-lugod sa kanya. Pinakikilos niya ang mga tao. Hindi natin maaaring pilitin ang tao na ipanganak mula sa langit. Basahin ang Juan 6:44,65.

Bilang buod — ano ang masasabi mong bahagi ng Diyos sa ating pagkaka “panganak na muli” o “panganak mula sa itaas”? inaalok niya sa atin ang kanyang espiritu na manirahan sa ating kalooban. Basahin ang Ezekiel 36:26,27.

II. MAY BAHAGI RIN TAYO (BASAHIN ANG T. 10-18)

Bukod sa “katotohanan, katotohanang” sa T. 11, paano binigyan-diin ni Jesus ang katotohanan na kanyang sinasabi kay Nicodemus? Ang patotoo ng Diyos sa T. 11 at ang sariling patotoo ni Jesus sa T. 12 & 13. Sino ang tinutukoy ni Jesus noong ginamit niya ang mga panghalip na “kami” at “namin” sa T. 11? Ang Diyos sa tatlong persona.

Basahin ang T. 14. ihambing, Bilang 21:4-9.

Page 18: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…18 =======================================================

Ipaliwanag kung paanong ang karanasan ng mga Isrealita sa disyerto ang siyang pinagmulan ng simbolo ng mga manggagamot.Ano ang layunin ni Jesus sa pag kuwento niya tungkol sa ahas na tanso?

Upang mailarawan na tulad ng pagkakaroon ng bahagi ang tao tungo sa kanyang kaligtasan sa lason ng ahas, gayon din na siya ay may bahagi sa kanyang kaligtasan ngayon sa kahatulan. Ano ang bahaging iyon? Sinabi ni Moises sa mga tao na maniwala silang gagaling kapag tumingin lamang sa ahas na tanso—isang gawaing tila wala sa tamang pangangatuwiran. Ano ang nangyari sa mga taong tumingin sa ahas na tanso pagkatapos na tuklawin ng ahas? T. 9—“siya ay gumaling”;

(Opsiyonal na pantalakayan)

“Ang paliwanag ni Jesus tungkol sa “Born Again”

ITINAAS NI MOISES ANG AHAS ITINAAS SI JESUS SA KRUSPROBLEMA? : ang lason ng ahas LASON NG ESPIRITU? kasalananILAN BESES KAILANGAN ILANG BESES KAILANGAN MATUKLAW? : ISA MAGKASALA? : ISA (Santiago 2:10)ANO ANG HATOL? : Kamatayan pangalawang kamatayanSOLUSYON? : tumingin sa ahas maniwala kay JesusSINO ANG GUMAWANG SOLUSYON? : DIYOS DIYOSMAY KABULUHAN BA ITO SA PANG-UNAWA NG TAO?: walang wala batayang pang-siyentipikoKAILANGAN BANG GUMAWA NG MABUBUTING BAGAY? : HINDI HINDI (Efeso 2:8-9)BAHAGI NG DIYOS ? : alisin ang lason bayaran/ patawarin ang kasalananBAHAGI NG TAO ? : aminin na siya’y aminin na siya’y makasalanan(T.7) makasalanan (Lucas 18-maniningil ng buwis)Magtiwala sa Solusyon ng Diyos (v.9) Magtiwala sa Solusyon ng Diyos

Page 19: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…19 =======================================================

Ano ang bahagi ng tao sa kanyang kaligtasan ngayon? “sumampalataya sa kanya” [5x: T. 15, 16, 18[3x].

Ano ang mangyayari sa mga taong “sumampalataya sa kanya” ayon sa T. 36? May buhay na walang hanggan.

Anong panahon ng wika ang ginamit sa salitang buhay na walang hanggan?_____________.

Ang ipinapahiwatig ba nito ay may kinalaman sa buhay ngayon o sa kinabukasang pag-asa? ____________________.

Ano ang mangyayari sa mga taong hindi sumampalataya ayon sa T. 18 & 36? Sila ay hinatulan na; hindi sila makakakita ng buhay, kundi ang poot ng Diyos ay nananatili sa kanya.

Magbigay ng inyong pananaw sa kasabihan ng mga kristiyanong: “ ang ipinanganak na muli ay minsan lamang papanaw, subalit ang ipinanganak lamang ng minsan ay dalawang beses mamamatay.” Kapag ikaw ay ipinanganak na muli sa espiritu, ang mararanasan lamang ay pisikal na kamatayan, subalit kung hindi ka ipinanganak muli sa espiritu, pareho mong mararanasan ang pisikal na kamatayan at espiritual na kamatayan, basahin sa Pahayag 21:8.

Sa pagtatapos, ano ngayon ang dalawang bahagi ng pagiging “born again”? 1)ang bahagi ng Diyos—NAIS NIYANG MABUHAY SA ATING PUSO Pahayag 3:20;

Page 20: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…20 =======================================================

at 2)ang bahagi ng tao—kinakailangang manalig tayo sa ginawa ni Jesus para sa atin nang siya’y ipinako sa krus. Nabayaran na niya ng BUO ang ating mga kasalanan noong siya ay namatay sa krus. Kaya’t KINAKAILNGAN NATIN SIYANG TANGGAPIN SA ATING PUSO.

Gusto mo bang maging “born again” ngayon? Manalangin tayo.

Panginoong Jesus kailangan kita. Salamat sa iyong pagkamatay sa krus upang mabayaran ang aking mga kasalanan. Pinagsisisihan kong lahat ang aking mga kasalanan at hinihiling na sana’y patawarin ninyo ako at linisin muli sa aking mga naging pagkakamali. Binubuksan ko ngayon ang pintuan ng aking puso at inaanyayahan ko kayong pumasok at sakupin ng buo ang aking buhay. Salamat sa inyong kapatawaran. Salamat sa paghahandog ninyo sa akin ng buhay na walang hanggan. Hinihiling ko sa inyo ngayon na gawin ninyo akong tulad ng nais ninyong mangyari sa akin. Amen.

Dinasal mo ba ang panalanging iyon? Kung oo, nasaan ngayon si Jesus? Sa aking puso.” Basahin ang Juan 5:11 & 12. sinasabi ba rito na “umaasang magkaroon ng buhay na walang hanggan” kapag ikaw ay namatay? Hindi. Ang buhay na walang hanggan ay bahagi na ng iyong buhay sa kasalukuyang kalagayan mo.

MGA GAWA 1. SAKSI : sabihan ang iyong mga kasapi na magsama ng isang mahal sa buhay, kaibigan o kapitbahay sa susunod na pagkikita.

Page 21: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…21 =======================================================

2. URI NG PAGDADARASAL: humingi ng mga “prayer requests” sa inyong mga kasamahan at magtapos sa pamamagitan ng pagdarasal kung saan ay kasama ninyong ipagdarasal ang mga “prayer requests” na ito.

ANG KATUNAYANNG LANGIT AT LUPA

MABUHAY:

Subukan ninyong alamin kung ano ang mangyayari sa inyong buhay pagkalipas ng dalawampung taon. Magsimula sa pinakabata sa inyo hanggang sa pinakamatanda.

SALITA:

Intro:

3

Page 22: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…22 =======================================================

Ano ang mangyayari kapag tayo ay namatay? (humingi ng kasagutan)

Mayroong mga naniniwala na ang buhay ay dumaraan sa iba’t ibang uri ng pagkabuhay bilang pamamaraan ng paglinis ng kaluluwa. Ang iba naman ay naniniwala na maaari muli silang mabuhay sa ibang katawan ng tao o hayop na tinatawag na “re-incarnation,” (kung kaya’t sila ay nagiging mga “vegetarians” din sa pangambang makain nila ang kanilang kamag-anak).

Mayroon namang hindi naniniwala sa “re-incarnation” subalit naniniwala na ang isang kaluluwa na may maliit na pagkakasala ay kinakailangan lamang dumaan sa isang pagbabago o pagpepenitensiya upang makamit ang buhay na walang hanggan.

Ang iba naman ay hindi naniniwala sa buhay na walang hanggan, at para sa kanila, ang kamatayan ay katapusan na ng buhay.

Napakarami pang mga iba’t ibang paniniwala ang tao tungkol sa mangyayari sa kanila kapag sila ay namatay na. At higit na dumarami pa ang mga katanungan tungkol dito habang ang tao ay nahaharap sa usaping ito. Mayroon pa bang buhay pagkatapos ng buhay sa mundong ito? Totoo bang may langit at impiyerno? Paano makakarating ang isang tao sa langit o maiwasang mapunta sa impiyerno?

BASAHIN ANG LUCAS 16:19-31.

Kilalanin ang dalawang katauhan sa talatang ito. Si Lazaro at ang taong mayaman [ang tawag ng iba dito ay si “Dives” na ang pagbigkas ay DEEves] na nakuha sa Bibliang Latin, at isang wikang latin para sa

Page 23: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…23 =======================================================

‘mayaman’]. Siyasatin natin ang kondisiyon ng kanilang buhay habang sila’y...

I. KONDISYON HABANG NABUBUHAY (19-21)

A. ANG TAONG MAYAMAN

Ano ang binabanggit sa T.19 tungkol sa mayamang tao? 1. palaging nakasuot ng mamahaling damit; 2. araw-araw ay nagpipista.

Ang salitang “Gaily living” ay kapareho ng wikang Griyego na ginamit sa Lucas 12:19 kung saan isinalin ito sa salitang “be merry”. Ano sa palagay ninyo ang kahulugan nito? Labis na pamumuhay, i.e. sa pagkain at mga luho.

Ano ang tawag niya kay Abraham? Amang Abraham, sa T.24, 27, 30. Sino ang mga taong mahilig tumawag kay Abraham na “Ama”? Juan 8:39, 5, 3, at 33 – mga Pariseo. Tingnan rin ang T. 14.

Ano ang sinasabi dito tungkol sa mayamang tao? Malamang na pinariringgan ni Jesus, ang mga taong pinagsasabihan niya nitong kuwento [lucas 16:15], noong inilarawan niya ang mayamang tao.

Sino ba ang mga Pariseo? Tingnang muli ang nakaraang liksiyon, no.2 sila ang mga relihiyoso ngunit mapagmagaling na mga tao noong panahon ni Jesus.

B. LAZARO

Ano ang binabanggit tungkol kay Lazaro sa T. 20-21? 1. “mahirap” [ sa salitang Griyego pinahihiwatig ito na hindi naman manlilimos, ngunit isang taong nanggaling sa mahusay na pamumuhay at biglaang dumanas ng kahirapan sa buhay at naging pulubi, kung kaya’t nangangailangan siya ng pampinansiyal na tulong]; 2. ang pangalang “Lazaro” ay

Page 24: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…24 =======================================================

nangangahulugang, “ tinulungan ng Diyos” [ang mga Pangalan sa Biblia ay nagpapahiwatig ng mga katotohanang pangyayari sa buhay, at ito ay nagsasaad na siya ay may malakas na pananalig sa Diyos sa kabila ng kahirapang iyon]; 3. ang salitang “nakahandusay” sa kanyang pintuan [lit. Tumilapon, o tumumba, na nagpapahiwatig na siya ay bumagsak doon dahil sa kahinaan o pagkasakit]; 4. puno ng mga sugat [ sa kabila ng mamahaling damit ng mayaman].

Sino ang nagbibigay ginhawa kay Lazaro noong siya’y nabubuhay pa? Ang mga aso sa tabi niya na dinidilaan ang kanyang mga sugat. Nangangahulugang ang mga asong pakalat-kalat lamang ay mas may awa kay Lazaro kaysa sa mayamang tao na namumuhay ng sobra sobra sa kaniyang pangangailangan.

Paano inilarawan ni Jesus ang espiritual na buhay ng mayamang tao sa T. 14-17?Inilarawan niya ang mga Pariseo na pinariringgan ni Jesus. Sa harapan ng tao ay mukha silang banal, na sumusunod sa mga batas ng Diyos, ngunit sa kalooban sila ay mapag-imbot. Sa katunayan ay binabaliktad nila ang tunay na batas ng Diyos at kasuklam-suklam sila sa mata ng Diyos. [samakatuwid, ang kanilang kasalanan ay hindi sa pagiging mayaman, kundi sa kanilang pagiging mapag-imbot, atbp...]

II. KONDISIYON SA KABILANG BUHAY (22-26)

Hihinto ba ang ating kaisipan sa kabilang buhay? O may karugtong ba ito? Ito ay may karugtong. Kaya ipinawawalang bisa nito ang paniniwala na wala ng buhay oras na mamatay ang tao. e.g. kumain ka, uminom ka, at magsaya ka, pagkat bukas ikaw ay patay na! Lucas 12:19.

A. LAZARO

Ano ang nangyari kay Lazaro pagkamatay niya? Siya’y dinala ng mga anghel sa kandungan ni Abraham, o sa paraiso [T.22]; 2. “inaaliw” siya.[T.25]

Page 25: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…25 =======================================================

Ano ang mangyayari sa mga may pananampalataya kapag sila ay namatay na? Sabi sa 2 Corinto 5:8 “nasisiyahan na mapalayo sa katawan at mapasa tahanan na kasama ng Panginoon.” Basahin din 2 Pedro 1:11.

Paano inilalarawan ng Biblia ang langit? Pahayag 21:4 – hindi na magkakaroon ng kamatayan, pagdadalamhati, pagtangis, etc...Pahayag 21:10-21 – punong-puno ng mahalagang bato.Pahayag 21:22-27 – ang kaluwalhatian ng Diyos ay mabubunyag sa tao.

B. ANG MAYAMANG TAO

Ano ang nangyari sa taong mayaman noong siya’y namatay? Sa Hades o Impiyerno], siya ba’y nakakakita pa o may nadadama pa sa impiyerno? Oo, paghihirap sa apoy [24], uhaw[24], pagdurusa [28].

Paano binibigkas ni Jesus ang katotohanan na wala ng pag-asa o posibilidad na maginhawahang muli sa pagdurusa? T. 24 – ang kanyang kahilingan ay tinanggihan; T. 26 may isang malaking bangin na inilagay sa pagitan nila – wala ring makakatawid rito.

Paano pa inilalarawan ang impiyerno sa ibang kasulatan sa Biblia? Marcos 9:48 – ang uod ay hindi namamatay; ang apoy ay hindi tumitila;Mateo 22:13 – “kadilimang nasa labas”, “doon nga ang pagtangis at pagngangalit ng ngipin”;Pahayag 21:8 – sa lawa na nagliliyab sa apoy at asuprePahayag 14:11 – walang kapahingahan araw at gabi.

Sinu-sino ang mga itatapon doon?Mateo 7:13 – “marami”

Page 26: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…26 =======================================================

Mateo 25:41 – “ang Diyablo at kanyang mga anghel”;Pahayag 21:8 – “mga duwag, sa mga hindi nananampalataya, mga karumaldumal, mga mamamatay-tao... lahat na mga sinungaling”

Paano ngayon nating maiiwasang mapunta sa impiyerno at tanggapin sa langit?

III. ANG PARAAN PATUNGO SA LANGIT (27 – 31)

Ano ang naging paraan ng mayamang tao na inaakala niyang magbibigay-daan sa “pagsisisi” ng kanyang mga kapatid? T. 27-28 – na may bumangon mula sa mga patay at magpatotoo sa kanila tungkol sa katunayan ng langit at impiyerno.

Ano naman ang sinabi ni Abraham tungkol dito? T.29 – “nasa kanila si Moises at ang mga propeta, hayaan mo silang makinig sa kanila.” i.e. ang Biblia ng mga Judio o ang Lumang Tipan.

Ano ang ibinubunyag ng pamamaraan ng mayamang tao tungkol sa sarili niya? Siya mismo ay hindi naniniwala sa banal na kasulatan noong nabubuhay pa.

Ano ang pinahihiwatig ng hindi pagsang-ayon ng mayamang tao kay Abraham sa T. 30? Na napakaraming mga tao at kabilang doon ang kanyang mga kapatid, na hindi nakikinig sa banal na kasulatan. Kailangan nilang makakita ng isang himala tulad ng

Binabanggit ni Jesus ang Luma at Bagong Tipan sa T. 16. “ang kautusan at mga propeta ay hanggang kay Juan” = LT; ang magandang balita ng kaharian ng Diyos ay ipinangangaral” = simula ng B.T. ang ministeryo ni Juan Bautismo ay ang linyang namamagitan sa Luma at Bagong Tipan.

Page 27: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…27 =======================================================

pagbangon muli ng isang patay sa hukay upang magpatotoo na mayroong langit at impiyerno.

Ano ang naging kasagutan ni Abraham sa T. 31? Na kung ang mga tao ay hindi naniniwala sa banal na kasulatan, hindi sila maniniwala kahit may bumangon pang muli sa mga patay.

Mayroon na bang bumangon sa mga patay at nagpatotoo na ang langit at impiyerno ay totoo? Sino? Si Jesus.

Lahat ba ng mga taong nakaalam sa pagbangon muli ni Jesus sa kamatayan ay naniwala at nagsisi? Hindi. e.g. ang mga punong pari at matatanda at mga sundalo ay nalaman ang muling pagkabuhay ni Jesus subalit hindi pa rin sila naniwala sa kanya. Mateo 28:11-15.

Base sa araling ito, paano nagaganap ang pagkakaroon ng pananampalataya sa buhay ng isang tao? sa pamamagitan ng pagtanggap at pagbibigay ng ating buong tiwala sa Biblia. Basahin ang Roma10:17.

PAGTATAPOS:

Ibinigay mo na ba ang iyong buong paniniwala sa Biblia? Ano ang sinasabi ng Biblia sa atin?

Tayong lahat ay makasalanan at walang sinuman ang hindi nagkasala. (Roma 3:10).

Sabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na ating Panginoon.

Ngunit pinaghiwalay kayo ng inyong mga kasamaan sa inyong Diyos, at ang inyong mga kasalanan ay siyang nagkubli ng kanyang mukha sa inyo, anupa’t siya’y hindi nakikinig. (Isaias 59:2).

Page 28: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…28 =======================================================

Walang sukat ng paggawa ng mabubuting bagay, o pagsunod sa sampung utos, o ang paglilingkod man sa iglesiya ang makapagbabayad ng ating mga kasalanan. Sa katunayan, sinabi ng Biblia na ang lahat ng ating mabubuting gawa ay parang maduming basahan dahil kahit anong bagay ang gawin natin, tayo ay madungis pa rin at ang ating mga gawa ay madumi pa rin. (Isaias 64:6).

Ang MAGANDANG BALITA ay binayaran na ni Jesus ang ating mga kasalanan at ang kaligtasan ay isang handog o regalo sa atin ng Pangninoon. Ngunit ang handog na ito ay iyo lamang makakamit kapag TINANGGAP MO ITO!

Basahin ang Juan 1:12. sino lamang ang anak ng Diyos? Sila lamang na tumanggap kay Jesus.

Basahin ang 1 Juan 5:11-12. sino lamang ang may buhay na walang hanggan? Sila lamang na tumanggap kay Jesus. At sino ang mga taong walang buhay na walang hanggan? Yaong mga wala si Jesus sa kanilang buhay.

Tinanggap mo na ba si Jesus sa iyong panalangin? Kung hindi pa ay kinakailangan mong:Maunawaan na hindi ka makakapunta sa langit sa sariling kakayahan mo lamang, at si Jesus ang siyang tanging daan; Magsisi sa iyong mga kasalanan; Anyayahan ninyo siyang pumasok sa inyong puso at mamuno bilang Diyos at Panginoon.

Gusto mo bang “tanggapin si Jesus” ngayon? Manalangin tayo.

Panginoong Jesus kailangan kita. Tinatanggap ko na ako’y makasalanan at nararapat lamang na mapunta sa impiyerno. Salamat sa iyong pagkamatay sa krus upang mabayaran ang aking

Page 29: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…29 =======================================================

mga kasalanan. Pinagsisisihan kong lahat ang aking mga kasalanan at hinihiling na sana’y patawarin mo ako at linisin muli sa aking mga naging pagkakamali. Binubuksan ko ngayon ang pintuan ng aking puso at inaanyayahan kitang pumasok at sakupin ng buo ang aking buhay. Salamat sa iyong kapatawaran. Salamat sa paghahandog mo sa akin ng buhay na walang hanggan. Hinihiling ko sa iyo ngayon na gawin mo akong tulad ng nais mong mangyari sa akin. Amen.

Dinasal mo ba ang panalanging iyon? Kung oo, nasaan ngayon si Jesus? Sa aking puso.” Basahin ang Juan 5:11 & 12. sinasabi ba rito na “umaasang magkaroon ng buhay na walang hanggan” kapag ikaw ay namatay? Hindi. Ang buhay na walang hanggan ay bahagi na ng iyong buhay sa kasalukuyang kalagayan mo.

MGA GAWA 1. SAKSI : sabihan ang iyong mga kasapi na magsama ng isang mahal sa buhay, kaibigan o kapitbahay sa susunod na pagkikita.

2. URI NG PAGDADARASAL: humingi ng mga “prayer requests” sa inyong mga kasamahan at magtapos sa pamamagitan ng pagdarasal kung saan ay kasama ninyong ipagdarasal ang mga “prayer requests” na ito.

KALIGTASAN SA MANANAMPALATAYA 4

TALATANG PANG-MEMORYAEFESO 2:8-9

Page 30: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…30 =======================================================

MABUHAY: 1. Ano ang pinakamasamang bagyo na nasaksihan mo

sa iyong buhay?

2. Anong bahagi ng inyong buhay ang gusto mong balik-balikan? Bakit?

3. maaaring hindi ko na______________, ngunit alam kong ito’y magiging masaya kung sakaling ito’y magawa ko man.

SALITA:

Intro: Ang pananamplataya ay isang bagay na ating isinasagawa araw-araw. Tuwing ikaw ay umiinom ng gamot, inilalagay mo ang iyong pananamplataya sa kompanya na gumawa ng gamot na iyon. Tuwing ikaw ay sumasakay ng taxi, ibinibigay mo ang iyong pananampalataya sa taxi driver na inaasahan mong magdadala sa iyo sa lugar na nais mong marating. Noong ikaw ay tinanggap sa iyong pinaglilingkuran bilang isang empleyado, ibinigay mo ang iyong pananampalataya sa kompanyang tumanggap sa iyo na ikaw ay mababayaran pagkalipas ng 15 araw.

Ano ang puntong pinahihiwatig sa paglalarawang ito? Ang ibig ipahiwatig nito ay ang pananalig ng isang tao ay laging may pinagbabasihan. Lalo lamang itong nagiging totoo kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa kaligtasan ng pananampalataya, at kung saan nakasalalay dito ang kaligtasan ng isang tao.

I. ANG KAHALAGAHAN NG PANANAMPALATAYA

1. bakit mahalaga ang pananampalataya base sa nakasaad sa Hebreo 11:6? At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.

Page 31: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…31 =======================================================

Maaari ba tayong mag-alay sa Diyos ngunit ito ay hindi maging kalugod-lugod sa kanya? Oo, tingnan ang hallimbawa ni Cain at Abel (Gen. 4:3-5.

Gusto mo bang maging kalugod-lugod sa Diyos?

________________________________________________________________________________

Sinu-sino ang gusto mong bigyang lugod sa iyong buhay? Ang ibang tao, ang iyong sarili, o ang Diyos?________________________________________________________________________________

Ano ang kailangan natin upang maging kalugud-lugod sa Diyos? Pananampalataya.

2. Bakit mahalaga ang pananampalataya base sa nakasulat sa Roma 5:1? Tayo’y inaring ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.

Ano ang ibig sabihin ng “inaring ganap”? ito’y isang hakbang ng Diyos kung saan siya, bilang tagapaghatol, ay pinahahayag ang isang makasalanang tao na walang sala sa kabila ng kanyang pananampalataya kay Jesus.

3. Bakit mahalaga ang pananampalataya base sa nakasulat sa Efeso 2:8-9? Sapagkat sa biyaya tayo’y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya.

Ano ang ibig sabihin ng “kaligtasan sa mananampalataya”? ang ibig sabihin nito ay ikaw ay nagtitiwala ng buong puso sa mga pangako ng Diyos para sa iyong kaligtasan.

Page 32: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…32 =======================================================

4. Anong bagay ang tinutukoy sa “kaligtasan sa mananampalataya” base sa nakasulat sa Roma 10:17? Ang salita ng Diyos.

Saan nanggagaling ang “kaligtasan sa mananampalataya”?ito’y nanggagaling sa pakikinig ng salita ng Diyos.

Ngayon naman ay tingnan natin ang sinasabi tungkol sa kaligtasan sa mananampalataya ayon sa nakasulat sa Biblia.

II. PAGLALARAWAN SA PANANAMPALATAYA

Sa Hebreo 11:7 si Noe ay naging kalugod-lugod sa Diyos dahil sa kanyang pananampalataya. Tingnan natin ng mas mabuti ang kanyang buhay sa Genesis 6 hanggang 8:

Paano inilalarawan si Noe sa Genesis 6:9? Si Noe ay lalaking matuwid at walang kapintasan noong kapanahunan niya. Si Noe ay lumakad na kasama ng Diyos.

Ano ang kalagayan ng mundo noong panahon niya?(11-12) Masama ang daigdig sa harapan ng Diyos at ang lupa ay napuno ng karahasan; pinasama ng lahat ng tao ang kanilang gawa sa lupa.

Sa isang “privilege speech” sa senado, sinabi ni senador Tatad ang bagay na ito tungkol sa ating sambayanan: “ang sambayanan ay mayroong karamdaman, tayong lahat ay nagiging mapanganib at walang kinikilalang batas... ang ating krises ay krises ng imoralidad. Lumisan na sa atin ang pagiging makatarungan – ang pagiging wasto sa kung ano ang tama at mali” pagkatapos nito ay nagpahayag siya ng sari-saring mga pangyayari at ebidensiya tungkol sa paglabag sa batas ng taong bayan mula sa pandudura sa kalsada, pag-ihi sa kalye, pagkakalat ng basura kung saan man nito maibigan, pagbibgay ng suhol, pag-

Page 33: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…33 =======================================================

iiskuwater, pang-aabuso sa mga kababaihan, kabataan, at polusiyon sa kapaligiran. Sa kanyang pagbibigay-buod sinabi niya na: “ang ating sambayanan ay nalululong na hanggang sa kaibuturan...sa haba ng panahon na lumipas tayo ay patuloy na nabubuhay sa isang makasalanang kultura, makasalanang kasaysayan, at makasalanang pamumulitika.

Ano ang sinabi ng Diyos kay Noe sa T. 13? “ipinasiya ko nang wakasan ang lahat ng laman sapagkat ang lupa ay napuno ng karahasan nila.

Paano Niya ito wawasakin?(17) Magpapadagsa ng baha ng tubig sa ibabaw ng lupa.

Anu-ano ang mga naging tagubilin ng Diyos kay Noe? “Gumawa ng isang daong na yari sa kahoy ng gofer sa paraang ayon sa utos ng Diyos (ang haba ng sasakyan ay tatlong daang siko, ang luwang ay limampung siko, at ang taas ay tatlumpung siko. 2. ikaw ay sasakay sa daong, ikaw, ang iyong mga anak na lalaki, ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo. 3. at sa bawat nabubuhay sa lahat ng laman ay magsasakay ka sa loob ng daong ng dalawa sa bawat uri. 4. at magbaon ka ng lahat na pagkain at imbakin mo, para sa inyo at para sa kanila.”

Ang mga kautusan bang ito ng Diyos kay Noe ay makabuluhan? Bakit o bakit hindi? hindi! sapagkat kinailangang gawin ni Noe ang daong sa lupa kung saan ito ay malapit sa gubat; ang pagtitipon ng mga hayop ay hindi lamang mapanganib, kundi nagmistulang kalokohan.

Paano ito tinugunan ni Noe?(22) Gayon ang ginawa ni Noe; ginawa niya ang ayon sa lahat ng iniutos sa kanya ng Diyos.

Page 34: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…34 =======================================================

Pansinin din kung ilang ulit binanggit ang salitang: “sinabi ng Diyos kay Noe...” at “ginawa ni Noe” (7:1, 5, 9, 16, / 8:15, 18)

Gaano katagal inabot si Noe bago niya natapos ang daong? 120 taon.

Ano ang ginawa niya habang tinatayo ang daong? (1 Pedro 3:19, 20; 2 Pedro 2:5) siya’y naging tagapangaral ng katuwiran.

Ano sa palagay mo ang naging tingin ng mga

kapitbahay at kaibigan ni Noe sa kanya? Siya’y nasisiraan ng ulo.

Ano ang pinapatunayan ng mga talatang ito tungkol kay Noe? Dininig niya ang salita ng Diyos at isinagawa ang mga iyon kahit ito ay nagmistulang walang kabuluhan sa pag-iisip ng pangkaraniwang tao; at binalaan niya ang kanyang mga kapitbahay—naniwala siya sa Diyos.

Ano ang gustong ibahagi sa atin ng araling ito tungkol sa “kaligtasan ng mananampalataya”? ang basehan ay ang salita ng Diyos—hindi kung ano ang nadadama o nauunawaan lamang natin (Kawikaan 3:5); 2. hindi sapat na alam lamang natin—kinakailangan ikilos natin ito; 3. maaaring tawanan tayo ng mundo subalit tungkulin pa rin nating pagbawalan sila.

Ano ang pinakamahalagang elemento sa pananampalataya?Ang pinagbabasihan o adhikain ng pananampalataya.

Pagpapaliwanag ng halimbawa:

Page 35: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…35 =======================================================

Isang mama na tumitimbang ng 200 lbs., ay mayroong malaking pananalig na ang nagyelong tubig ng lawa ay makakayanan siyang hawakan, subalit nang tinapakan niya iyon, natumba siya at tuluyang nalaglag sa tubig. Ang pinagbasihan ng kanyang pananalig ( ang yelong manipis pa ang pagkatigas) ay hindi gaanong maaasahan kahit ang kanyang pananampalataya rito ay “MALAKI”.

Isa namang lalaking nagmula sa Canada ay may maliit na pananalig sa yelong tumigas sa lawa, at hindi siya naniniwala na makakayanang hawakan nito ang kanyang sasakyan na dala-dala sa oras na itawid niya ito roon. Ngunit sa kanyang pagtawid, nakita niyang nakayanan ng yelong tumigas ang kanyang sasakyan sapagkat ito ay makapal na sa ilalim, bagamat ang kanyang pananampalataya rito ay hindi gaano.

Ang ating pananampalataya ay kinakailangang may pinagbabasihan o adhikain. Ano ba ang iyong pinagkakatiwalaan? Kung inilalagay mo ang iyong tiwala sa isang bagay na maaasahan, sa gayon ang iyong pananampalataya ay magaganap ano man ang laki o liit nito.

Ano ang sabi ng Diyos na mangyayari sa mga taong hindi makakapasok sa daong? (Gen. 6:17) “ang lahat na nasa lupa ay mamamatay.

Ano ang nangyari sa mga taong hindi nakinig sa babala ng Diyos sa pamamagitan ni Noe? (Gen. 7:17-24) namatay ang lahat ng laman na gumagalaw sa ibabaw ng lupa at lahat ng tao.

Bakit kinakailangan nating matuto sa karanasan ni Noe? Sapagkat mayroon pang isang paghuhusga na darating na wawasak sa lahat ng buhay. Basahin ang 2 Pedro 3:3-14.

Page 36: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…36 =======================================================

Paano mo susumahin ang mga tampok na talakayin sa araling ito?1. Kailangan natin ng pananampalataya upang

maging kalugod-lugod sa paningin ng Diyos.2. Ang bagay o adhikain ng pananampalataya ay

ang Diyos at ang kanyang salita.3. Ang pagsubok ng pananampalataya ay buong

pusong pagsunod sa mga utos ng Diyos.

PAGTATAPOS:

Ano ang gusto ng Diyos na gawin natin? (2 Corinto 13:5) subukan mo ang iyong sarili kung ikaw nga ba ay may pananampalataya sa kanya.

Paano mo malalaman kung ikaw ay may pananampalataya sa kanya? (5) kapag naunawaan mo na si Jesus ay nasa iyong kalooban.

Paano mo malalaman kung si Jesus nga ay nasa iyong kalooban? O anu-anong mga katibayan ang mayroon ka na nagpapakita na siya ay nasa kalooban mo?

1. mayroon ka bang pagnanais na maging kalugod- lugod sa paningin ng Diyos?

2. ikaw ba ay uhaw sa salita ng Diyos? 3. buong puso ma bang hinahangad na sundin ang

lahat ng utos ng Diyos?4. ang Diyos lamang ba at hindi ang kung ano pa

man ang tanging nilalaman o bagay ng iyong pananampalataya?

Page 37: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…37 =======================================================

MGA GAWA 1. Bigkasin ang Efeso 2:8-9. tumawag ng isang volunteer

para basahin ang lahat ng mga talata.

2. TAKDANG ARALIN: “memoryahin ang 1 Juan 1:6-7. gawing personal – gamitin ang salitang “I”, “me”, “my”. Pagnilay-nilayan ang mga ito gabi-gabi bago ka matulog kasama ang Juan 3:16, Awit 119:105 at Juan 14:6. bigkasin ang mga ito ng malakas pagkagising tuwing umaga.”

3. TURUAN SILA KUNG PAANO MAGDASALSabihan ang iyong grupo na bawat isa sa inyo ay magdarasal ng dalawang pangungusap na dasalin. Ang unang pangungusap ay dapat nakatuon sa Diyos at ang isa naman ay ang iyong petisiyon. Bilang kanilang cell servant, kailangang simulan mo at maging halimbawa ka sa uri ng pagdarasal. gawin ito ng paikot. Pagkatpos na makapagdasal ang lahat, magtapos sa pamamagitan ng isang pasasalamat.

Page 38: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…38 =======================================================

MABUHAY: Pumili ng isang tanong na pang “ice breaker”.

a. Anong bahagi ng Pilipinas ang iyong gustong puntahan sakaling mabigyan ka ng pagkakataon?

b. Kung sakaling ang iyong talambuhay ay isapelikula, sino ang gusto mong gumanap sa katauhan mo?

c. Ano ang bagay na higit na ikinagagalit mo?

SALITA:

Intro:

Tuwing may makikilala kang tao na nagsasabi sa iyong tinanggap na niya si Jesus bilang kanyang Panginoon at tagapagligtas, at siya ay anak ng Diyos at nakasisiguro sa buhay na walang hanggan, subalit siya ay, halimbawa ay nakikipag-live-in sa isang tao ng hindi kasal, o di kaya ay walang interes sa pagbabasa ng Biblia at hindi sumasamba na kasama ng ibang mananampalataya, ano ang pumapasok sa iyong isipan? Sa palagay mo ba ang taong iyon ay tunay nga na kristiyano?

Ang sagot dito ay hindi tayo nakasisiguro sapagkat ang mga kristiyano ay may kakayahan pa ring magkasala. Subalit kung ang gawaing ito ay nagpatuloy na parang

PAGSISISI 5

TALATANG PANG-MEMORYA1 JUAN 1:6-7

Page 39: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…39 =======================================================

wala siyang halaga sa paggawa o hindi ng kasalanan, makasisiguro ka na hindi kilala ng taong ito ang Panginoon.

Ang katunayan ay—maraming nagsasabi na sila ay mga kristiyano subalit sa katotohanan sila’y hindi naman pala. Sila’y NAGPAPANGGAP lamang na kristiyano. Ang Panginoong Jesus mismo ang siyang nagsasabi sa atin nito. Basahin ang Mateo 7:21-23.

I. ANG DI-TUNAY KRISTIYANO

A. Sinu-sino ang mga taong nagsasabing kilala nila ang Panginoon subalit hindi sila pahihintulutang makapasok sa langit sa T. 21? Iyong mga nag-aakala na kilala nila ang Diyos base sa kanilang propesiyon. [tinatawag nila siya ng ‘Lord’, ‘Lord’.]

ano ang problema ng ganitong klaseng mga tao ayon sa T. 21b (tingnan din ang Lucas 6:46)? Hindi nila isinasagawa ang salita ng Diyos.

Basahin ang Mateo 25:1-13. ano ang sinabi ng limang birheng hangal sa lalaking ikakasal sa T. 11? ‘Panginoon, Panginoon, pagbuksan mo kami.’

Ano naman ang sinabi ng lalaking ikakasal sa kanila? (T.12) “hindi ko kayo nakikilala.”

Bakit sila itinakwil?(T. 3) sapagkat hindi sila handa.

Paano inilarawan ni Jesus ang utusan na hindi handa sa Mateo 24:48-51? (T.49) hindi maganda ang uri ng kanyang pamumuhay.

B. Paano pa inilarawan ni Jesus ang mga palsipikadong kristiyano? (Mateo 7:22) ang mga

Page 40: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…40 =======================================================

nagsasabing kilala nila ang Panginoon sa kabila ng mga mabubuting gawa nila.

Anu-ano ang kanilang mga ginawa? Propesiya [i.e. pangangaral o pagtuturo ng Biblia], nagpalayas ng mga demonyo; mga himala sa pangalan ni Jesus subalit hindi sila nagbago ng kanilang buhay.

Ano ang tinawag sa kanila ni Jesus? (T. 23) mga gumagawa ng kasamaan.

Ano ang pananaw ng Diyos sa kanilang mga gawain? (Isaias 64:6) maruming kasuotan.

Bakit? Naging madungis sila [o nabulok] dahil sa kanilang kasamaan.

C. Basahin ang Lucas 13:24-26. paano pa inilarawan ni Jesus ang mga di-totoong kristiyano? Silang mga nagsasabing kristiyano dahil sa PAKIKIPAGKAPATIRAN. [‘kami ay kasama mong kumain at nagturo ka sa aming mga lansangan.’]

Sinu-sino ang mga ito? Mga nagpupunta sa simbahan, kundi man sila’y mga miyembro nito, sila’y mga nakisalo sa pagkain ng Panginoon, etc. Subalit hindi nagbago ang kanilang mga buhay.

D. paano pa inilarawan ni Jesus ang mga palsipikadong kristiyano? (T. 26b)

silang mga nagsasabing kristiyano sa pamamagitan ng PAKIKILAHOK sa mga gawaing simbahan. [‘nagturo ka sa aming mga lansangan’]

Page 41: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…41 =======================================================

sino sila? Sila ay dumadalo sa mga Biblie studies, subalit hindi sila nagbago ng kanilang buhay.

Ano ang tinawag sa kanila ni Jesus? (T. 27) mga gumagawa ng kasamaan.

II. ANG KATIBAYAN NG PAGIGING KRISTIYANO

Basahin ang Lucas 3:7-14. bakit nagpupunta ang karamihang tao kay Juan Bautismo? (T.7) sapagkat gusto nilang tumakas sa poot na darating.

Bakit hindi maganda ang pakikitungo sa kanila ni Juan Bautismo, at tinawag silang mga ‘lahi ng mga ulupong’? sapagkat sa kabila ng kagustuhan nilang makatakas sa poot ng Diyos, wala silang hangarin na magbagong buhay.

Ano ang inaasahan nilang magliligtas sa kanila? Pagpapabautismo [dumating sila upang magpabautismo sa kanya. T.7]; na sila ay anak ni Abraham. T.8.

Inaakala ng karamihan na ang karanasan sa pagbabautismo at ang pagiging mga Judio, (“mga pili ng Panginoon”) ang siyang magpapahintulot sa kanila na makapasok sa kaharian ng Diyos. Sa panahong ito, anu-anong mga bagay na sintulad sa mga pangyayaring iyon ang inaasahan ng mga tao na magpapahintulot sa kanilang makapunta sa langit? Ang karanasan na sila’y sumamba at tinanggap si Cristo bilang tagapagligtas; at pagiging [sa turing] kristiyano o “pinanganak na muli.”

Page 42: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…42 =======================================================

Ano ang sinabi ni Juan Bautismo na kailangan nila sa kanilang buhay?(T.8) pagsisisi kasama ng pagbabagong buhay.

Ano ang pagsisisi? Sabi sa diksiyonaryo: pagdaramdam sa kanyang nagawang kasalanan at humihingi ng kapatawaran.

Ito ba’y isang magandang paghahayag o paghahalimbawa ng pagsisisi? Ano ang naging pakiramdam ni Judas pagkatapos niyang pagtaksilan si Jesus? (Mateo 27:3-5)mataos na pagsisisi

Ano ang kanyang ginawa upang ituwid ang nagawang kasalanan? Isinauli ang 30 pirasong pilak; tinanggap ang nagawang pagkakasala; subalit nagpatiwakal siya nang hindi niya matakasan ang bunga ng kanyang pagkakamali. Masasabi mo bang ito’y isang magandang halimbawa ng tunay na pagsisisi? Bakit o bakit hindi?

Pagsisisi o (repentance) – ang ‘pagsisisi’ ay nanggaling sa salitang Griyego na METANOIA, na isang tambalan ng salitang META [pagkatapos] + NOEO [alamin]. Sa literal na pagsalin ang ibig sabihin nito ay – “pagkatapos alamin” o ang pagbabago ng kaisipan bunga ng pagkatpos alamin ang kanyang kasalanan.

Mataos na pagsisisi o (remorse) – sa kabilang dako naman ay METAMELLOMAI, na pagdudugtong ng salitang META [pagkatapos] + MELLOMAI [alagaan ang sarili]. Samakatuwid, ang ibig sabihin nito ay alagaan ang sarili dahil sa bunga ng pagkakasala.

Samantalang,

Page 43: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…43 =======================================================

Ang ibig sabihin ng pagsisisi o (repentance) – ay pagtalikod bunga ng pagbabago ng kalooban.

Ang mataos na pagsisisi o (remorse) – ay walang iba kundi isang makasariling pagkaroon ng takot dahil sa kasalanang nagawa subalit walang pagbabago ng kalooban.

Maaari ka bang mag-isip ng isang halimbawa ng mataos na pagsisisi o remorse? 1. ang isang musmos, pagkatapos na mahuli dahil sa

pagnanakaw ay umiyak at humingi ng tawad dahil sa kanyang takot na maparusahan.

2. ang isang teen-ager na babae pagkatapos na mabuntis ay nangako na magiging masunurin sa kanyang mga magulang simula noon.

Paano nagaganap ang tunay na pagsisisi? (2Corinto 7:9-10) ito’y nagsisimula sa pagdadalamhati, at paghingi ng kapatawaran, na magbibigay-daan sa banal na kabiyayaan, na magbubunga sa kaligtasan.

Ano naman ang ibig sabihin ng “ang makamundong pagsisisi ay magdudulot ng kamatayan”? ito’y makasariling pagsisisi lamang na maaaring magdulot ng pagkaawa sa sarili, pagbibintang sa iba, pagbibintang sa Diyos, paghihiganti, etc.

Samakatuwid ang pagsisisi o repentance ay maaaring bigyang kahulugan na: Isang layunin sa pagpapasiyang

LUMAYO SA KASALANAN + PAGSIKAPANG MATAMO ANG KABANALAN

Page 44: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…44 =======================================================

Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “apoy” sa T.9? kahatulan.

Sino ang mga tinutukoy ng, “bawat punungkahoy na di mabuti ang bunga”? ang siyang hindi nagpapakita ng mga katibayan sa tunay na pagsisisi.

Ano ang mangyayari sa kanila? Sila ay hahatulan.

Anu-anong mga katibayan ang sinasabi ni Juan na dapat na makita sa pamumuhay ng isang tao na magpapatotoo na siya ay nagsisisi sa kanyang mga kasalanan? (T.11) ang pagiging makasarili ay dapat mapalitan ng pagmamalasakit sa kapwa; (T.12,13) ang pagiging mapaglinlang ay dapat mapalitan ng pagiging matapat; (T.14) ang pagkawalan ng kasiyahan ay dapat mapalitan ng katiwasayan.

Anu-anong mga gawain ayon kay apostol Pablo ang nagpapatibay sa uri ng pamumuhay ng mga tao na hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos? (1Corinto 6:9-10).

Ano ang ibig sabihin ni Pablo noong sinabi niya na “at ganyan ang mga ilan sa inyo noon”? ang mga kasalanang iyon ay nakalipas na.

PAGGAMIT:1. Anu-anong mga pagbabago sa buhay ang

naranasan mo na simula nang tinanggap mo ang Panginoon?

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 45: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…45 =======================================================

2. Isulat ang mga bahagi ng iyong buhay na sa palagay mo ay kailangang sumailalim sa patnubay ni Jesu-Cristo. [iligay ang inisyal ng mga kasalanan at mga kahinaan.]

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

PAGTATAPOS:

Kung tinanggap mo na si Jesus bilang iyong tagapagligtas at Panginoon, ngunit patuloy ka pa ring nabubuhay sa kasalanan, kailangan mong talikuran ang buhay na ito at pagsikapang matamo ang kabanalan. Kailangan mong pagsisihan at humingi ng kapatawaran sa iyong mga kasalanan.“kaya’t huwag ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong katawang may kamatayan, upang masunod ang mga pagnanasa nito. At huwag din ninyong ihandog ang mga bahagi ng inyong katawan sa kasalanan bilang kasangkapan ng kasamaan tungo sa kasalanan, kundi ihandog ninyo ang inyong sarili sa Diyos, na tulad sa mga buhay mula sa mga patay, at ang mga bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan ng pagiging matuwid tungo sa Diyos.” (Roma 6:12,13)

Subalit kung hindi mo pa tinanggap si Jesus, ang sabi ng Biblia:“hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi.”

Kailangan mong pagsisishan ang iyong mga kasalanan at tanggapin si Jesus at ang kanyang handog na buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng pananampalataya.

Page 46: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…46 =======================================================

Pahayag 3:20“Makinig ka! Ako’y nakatayo sa may pintuan at tumutuktok; kung diringgin ng sinuman ang aking tinig at buksan ang pinto, ako’y papasok sa kanya...”

Anong pintuan ang tinutukoy dito ni Jesus? Ano ang hinihingi niyang gawin ninyo? Ano ang pangako ni Jesus sa inyo kapag

binuksan ang pintuan? Magsisinungaling ba siya sa inyo?

(kung kinakailangan, magtapos sa isang panalangin para sa makasalanan)

MGA GAWA

1. Bigkasin ang 1 Juan 1:6-7 at tingnang muli ang Efeso 2:8-9. sabihin sa mga kasapi na humanap ng katambal at sila’y magsalitan sa pagbigkas ng mga talatang naksulat sa itaas sa bawat isa.

2. Takdang-aralin:Memoryahin ang 1 Juan 5:11-13. kasama ng mga nakaraang talata, pagnilay-nilayan tuwing umaga at tuwing gabi. Ano ang pinakamalaking pagsisinungaling na sinabi mo sa iyong buhay?

3. Sabihan ang iyong grupo na bawat isa sa inyo ay magdarasal ng dalawang pangungusap na dasalin. Ang unang pangungusap ay dapat nakatuon sa Diyos at ang isa naman ay ang iyong petisiyon. Bilang kanilang cell servant, kailangang simulan mo at maging halimbawa ka sa uri ng pagdarasal. gawin ito ng paikot. Pagkatpos na makapagdasal ang lahat, magtapos sa pamamagitan ng isang pasasalamat.

Page 47: Becoming · Web viewSabi sa Roma 6:23, “sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus

Pagsisimula ng Inyong Pagkaroon ng pakikipag-ugnayan....…….......…47 =======================================================