Upload
lorna-ramos
View
1.182
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
FILIPINOIII-1
III-1
Deogracias a.
Rosario
Talambuhay at
mga naiambag
ni
Deogracias A. Rosario
●Ipinanganak noong ika-17 ng Oktubre,1894 sa Tondo, Maynila.
● Si Deogracias A. Rosario ay ang “Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog”.
● Isa nang manunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa “Ang Mithi”, isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog.
●Naging miyembro sa iba’t ibang asosasyon ng manunulat. -Kalipunan ng mga Kuwentista,Aklatang
bayan,Katipunan ng mga Dalubhasa at Akademya ng Wikang Tagalog.
●Binawian g buhay sa gulang na 42 noong ika-26 ng Nobyembre,1936.
Ka re ra
●Naging manunulat siya ng "Ang Democracia" noong 1915 at nagsulat din siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa tula at maiikling kwento. Sa Taliba, tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli, ay naging patnugot.
●Nasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba pa, si Rosario ay isa sa mga pangunahing taga-ambag sa Liwayway.
●Nagsilbi siya bilang pangulo ng Ilaw at Panitik, na may mga prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H. Panganiban, at Jose Corazon de Jesus.
●Pinarangalan sa akdang ”Mayroon Akong Isang Ibon”,bilang isa sa pitong pinakamagandang maikling kuwentong naisulat sa panahon ng Amerikano.At pinarangalan sa akdang “Aloha”,bilang pinakamagaling na manunulat.
BUODNg
kuwento
Ito ay kuwento tungkol sa isang lalaking nagngangalang Marcos na labis na may galit sa mayamang asensederong si Don Teong.Siya’y mapagmataas sa pagkatao ng iba.Siya rin ang ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Marcos nang may sama ng loob,dalawang kapatid at kasintahang si Anita.Ilang pagkakataon na rin
nagtitimpi si Marcos sa kanyang galit.Mabuti na lamang at nandyan ang kanyang ina na kung hindi ay matagal nang wala sa mundo si Don
Teong.
Ang pamilya ni Marcos ay ipinagbabayad ng buwis para sa kanilang lupain kahit na
itoý minana sa kanilang mga ninuno.Dahilan ng pagkamatay ng
kanyang ama at dalawang kapatid na walang kakayahan ipagtanggol ang
karapatan at pag-aari.Namatay ang mga ito nang may puno ng sama ng loob kay
Don Teong.
Lalong naging malala ang galit ni Marcos nang malaman niyang ito rin
ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang kasintahan na si Anita.Unti
unting nawala ang mga mahal niya sa buhay. Ang kanilang kabukiran ay
unti unting lumalago nang pinaaalis naman sila sa kanilang tahanan na
kakagawan ni Don Teong.
Sa galit ni Marcos kay Don Teong,nag-isip siya ng masusing paraan kung
paano siya makakapaghiganti dito.Siya ay nagbihis ng tulad ng
pananamit ni Don Teong at pinag-aralang mabuti ang bawat kilos nito
at pinahirapan ang kanyang paboritong alagang kalabaw.Iyon ay kanyang ginawa upang magalit ang
kalabaw sa imahe ni Don Teong.
Inabangan ni Marcos si Don Teong na mamasyal sa kabukiran at nito ngang sinuwagin ng kanyang kalabaw ang
kaawaawang si Don Teong.Kinabukasan,huling araw ng
panananitili ng mag-ina sa bukid,nabalitaang patay na si Don Teong.
Sa pagtunog ng kampana,mahinahon itong
pinakinggan ni Marcos na dating ayaw niyang
pakinggan,Ipinapanalangin niya ang mga kaluluwa na sa halip ay mas naisip niya ang matapang
niyang alaga.
Pagsusuri sa
Walang Pangino
on
M G A T A U H A N
Marcos
-ang pangunahing tauhan sa kwento.
-may mabuting kaisipan.
-sumisimbolo sa mga mabababang uri ng tao sa lipunan.
-sinisimbolo ang mga taong palaging inaapi sa lipunan ng mga may kapangyarihan.
Ina ni Marcos (walang pangalan sa kwento)
-siya ay maunawain at maalalahanin.
-palaging nagpapakalma sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong.
-sumisimbolo sa mga taong nasa ibaba ngunit tanggap ang lahat ng
bagay na meron siya.
Don Teong - ang sakim na kumakamkam ng lupain nina Marcos.
-mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa pagkamatay ng kanyang ama.
-sumisimbolo sa mga taong mapagmataas at sakim sa lipunan.
TAGPUAN
Sa bukid o Lupang sakahan.Ang tagpuan ay
pahiwatig ang naging paraan ng paglalarawan sapagkat hindi sinabi na
direkta kung saan magaganap ang istorya.
TUNGGALIAN
Tao sa Tao/ Tao laban sa Kapwa:
Si Marcos at si Don Teong
ang magkatunggali.
Suliranin sa
Kwento
-Unti-unting nawala ang ilang mahal sa buhay ni Marcos.-Nagbabayad ng
buwis sa lupain kahit na sila ang
nagmamay-ari.
BANGHAY
●Simula:Naninirahan sa bukirin ang pamilya ni Marcos.Tuwing nakakarinig si Marcos ng tunog ng kampana,ito’y naiilang dahilan ng paggunita sa mga kaluluwang yumao na kabilang ang ilang mga mahal niya sa buhay.
●Tunggalian:Naatasang umalis ang mag-ina sa kanilang lugar na sinasakahan at tinitirhan.Dahilan ito ng kautusan ni Don Teong na ikinagalit lalo ni Marcos.
●Kasukdulan:nag-isip ng paraan si Marcos ng malinis na paghihiganti laban kay Don Teong.Sa pagpapahirap sa sariling alagang kalabaw nang suot ang damit at dala ang ugali ni Don Teong.
Nang namasyal si Don Teong ,agad itong sinuwag ng sungay ng kalabaw ni Marcos.
●Kalakasan:Nang nakahanda ng umalis ang mag-ina,kumalat sa kanila ang balita sa pagkamatay ni Don Teong.Ikinagulat ito ng ina at ito namang ikinatuwa ni Marcos.
●Wakas:Tuwing nakakarinig ng kampana si Marcos,hindi na ito naiilang sapagkat naipaghiganti na niya ang kanyang mga mahal sa buhay sa kabila ng kanyang pagtitiis at pagtitimpi.
IPINASA NI:Aranda,Ann Clarisse
Dapar,Pearl Halen
De Guzman,Jana
Gatchalian,Angelica
Martinez,Rachelle
Mentes,Katrina
III-1(2013-2014)
IPINASA KAY:
Gng.Lorna Salita Ramos
I