Upload
others
View
39
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
0
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Araling Panlipunan Ikatlong Markahan- Modyul 8: Pag-iimpok at Pamumuhunan
Zest for Progress
Zeal of Partnership
9
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
2
BumuosaPagsusulat ng Modyul
Manunulat: Joannie T. Duarte
Maria Angelica C. Epanto
Editor: Kimberly Cler G. Suarez
Tagasuri: Allan S. Caballero
Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Joannie T. Duarte
Tagalapat: Allan S. Caballero
Kimberly Cler G. Suarez
Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent
Visminda Q. Valde, EdD
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Raymond M. Salvador, EdD, CESE
OIC, Assistant Schools Division Superintendent
Juliet A. Magallanes, EdD CID Chief
Florencio R. Caballero, DTE EPS - LRMDS
Alma L. Carbonilla, EdD
EPS – Araling Panlipunan
3
Alamin
Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang
isang salik ng ekonomiya.
Balikan
Maraming Pagpipilian. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel
1. Ito ay tumutukoy sa ginagamitbilang pamalit sa produkto at serbisyo. A. Ginto C. Pilak
B. Papel D. Salapi
2. Isang Sistema na pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon.
A. expansionary Fiscal policy C. Patakara ng pananalapi B. Contractionary Fiscal Policy D. Pambansang Badyet
3. Ang pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan na tumutukoy sa sapilitang kontrobisyonsa kinokolekta mula sa mamamayan.
A. Buwis C. Loans B. Interes D. VAT
4. Ito ay ahensya ng pamahalaan na kumokulekta ng buwis sa mga mamamayan.
A. BIR C. DTI
B. DILG D. DSWD
5. Ito ay inihanda ng isang bansa ayon sa prayoridad ng pamahalaan. Ang pagbibigay serbisyo ang pangunahing pinaglalaanan ng pamahalaan ng
pondo tulad ng edukasyon, pangkalusugan,social welfare at iba pa. A. Badyet C. Demand
B. Buwis D. Supply
4
Tuklasin
Gawain 1: Ano ba dapat?
Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ipinapakita sa itaas?
2. Ano ang pipiliin mo?
3. Bakita iyon ang iyong naging pasaya?
4. Anu-ano ang iyong isinasaalang-alang sa iyong pagpapasya?
Suriin
Pag-iimpok at Pamumuhunan
Sa aspekto ng pag-iimpok at pamumuhan ayon sa model ng paikot na daloy, ang pag-iimpok ay kitang lumalaas sa ekonomiy. Samantalang ang pamumuhunan
ang magbabalik nito sa paikot na daloy( Case, Fair at Oster, 2012).
Ang pag-iimpok ay isang mahalagang indikasyo ng malusog na ekonomiya.
Ang Pilippine Deposit Corporation (PDIC) ay ahensiya ng pamahalaan na naglalayon
na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas. Ayon sa kanila, kapag maraming
mamamayan ay natutong mag-ipok, maraming ansa ang mahihiakayat na
mamuhunan sa Pilipinas dahil saligan ng isang metatag na bansa ang mataas na
antas ng g pag-iimpok.
Aralin
3 Pag-iimpok at Pamumuhunan
PAG-IIMPOK PAMUMUHUNAN
5
Samantala, ang pamumuhunan ay isa ring mahalagang salik sa ating bansa.
Kapag maraming namumuhunan sa isang bansa, ang tiwala at pagkilala ay kanilang
ipinapakita sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming negosyo. Kapag
maraming negosyo ibig sabihin darami din an gang trabaho, mas maraming
mamamayan ang magkakaroon ng kakayahang matugunan ang kanilang mga
pangangailangan.
Mga Bumubuo sa Sektor ng Pananalapi
A. Mga Institusyong Bangko - Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi
mula sa mga tao, korporasyon at pamahalaan bilang deposito. Sa
pamamagitan ng interes o tubo, ang halagang inilagak ng mga tao bilang
deposito ay lumalago.
Uri ng mga Bangko
1. Commercial Bank
Ito ang malaking bangko. Ang commercial bank ay maari ding
tumanggap at magbigay ng letter of credit at ia pang instrumento ng
kredito na Malaki ang naitutulong sa patuloy nap ag-unlad ng mga
negosyo.
2. Thrift Banks
Mga di-kalakihang bangko na kalimitang nagsisilbi sa mga maliliit na
negosyante. Ang bahgi ng kanilang puhunan at depositing tinanggaap
ay ipinauutang nila, kalimitan, sa mga maliliit na negosyante bilang
pantustosng mga ito sa kanilang negosyo.
3. Rural Banks
Kalimitan ay natatagpuan sa mga lalawigang malayo sa kalakhang
maynila ay tumutulong sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at
iba pang mga mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan ng
pagpapautang upang magkaroon ng puhunan at mapaunlad ang
kanilang kabuhayan.
4. Specialized Government Banks
Mga bangkong pag-aari ng pamahalaan na itinatag upang tumugon sa
mga tiyak na layunin ng pamahalaa.
a. Land Bank of the Philippines (LBP) –
Itinatag sa pamamgitan ng Republic Act No. 3844 na sinusugan
ng Republic Act No. 7909, Layuning magkaloob ng pondo sa mga
programang pansakahan.
b. Development Bank of the Philippines (DBP)
Itinayo noong 1946, upang matugunan ang pangangailan ng
bansa na makatayo mula sa panirang Ikalawang Digmaang
6
Pandaigdig. Layunin ng DBP na matustusan ang mga proyektong
pangkaunlaran lalo na sa sector ng agrikultura at Industriya.
c. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (Al-
Amanah)
Itinatag sa ilalim ng Republic Act No. 6848, Layunin nito na
tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan
a mapaunlad ang kanilang pangkabuhayan.
B. Mga Institusyong Di-Bangko
Maaring ituring na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang mga ito
sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi, pinalago
at muling ibinabalik sa mga kasapi pagdating ng panahon upang ito ay
pakinabangan.
1. Kooperatiba
Binubuo ng mga kasapi na may magkakaisang pangkabuhayang
layunin. Para maging ganap na kehitimo ang isang cooperation,
kailangan itong irehistro sa Cooperative Development Authority (CDA).
Ang mga kasapi sa isang kooperatiba ay nag-aambag ng puhunan at
nakikibahagi sa tubo, pananagutan, at iba pang benepisyong mula sa
kita ng kooperatiba. Ang kooperatiba ay pag-aari at kontrolado ng mga
kasapi nito. Ang mga patakaran ng kooperatiba at ang paraan ng
pagpapatupad nito ay binubuo at pinagkakasunduan ng mga kasapi.
2. Pawnshop o Bahay-Sanglaan
Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas mangangailangn
ng pera at walang paraan upang makalapit sa mga bangko. Ang maga
indibidwal ay maaaring makipagpalitan ng mga mahahalagang ari-
arian tulad ng alahas at kasangkapan (tinatawag na kolatera) kapalit
ng salaping katumbas ng isinangla, kasama na ang interes.
3. Pension Funds
a. Government Service Insurance System (GSIS)
Ito ang ahensiyang nagbibigay ng seguro (Life Insurance) sa mga
kawaning nagtatrabaho sa mga ahensiya ng gobyerno, local na
pamahalaan, mga korporasyong pag-aari at kontrolado ng gobyerno at
mga guro sa mga pampublikong paaralan. Ang paraan ng pagbabayad
n pagbabayad ng mga kasapi ay sa pamamagitan ng pagkakaltas sa
sahud (Salary Deduction).
b. Social Security System (SSS)
Ang SSS ay ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga
kawani ng pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng
pagretiro, pagkamatay, at pagdadalang-tao kung ang kawani ay babae.
Itinakda sa Social Security Law p Republic Act 8282 (dating R.A 1611)
na lahat ng pribadong kawani ay nararapat na irehisrto bilang kasapi
ng SSS.
7
c. PAG-IBIG Fund
Ang PAG-IBIG Fund ay itinatag upang matulungan ang mga kasapu
nito sa panahon ng kanilang pangangailangan lalo na sa pabahay.
Tulad ng mga kasapi ng GSIS at SSS ang kasapi ng PAG_IBIG fund ay
may buwanang kontribusyon . Ito ay maaring sa pagkaltas ng sweldo
para sa mga kawani ng pamahalaan at pribadong sector. Ang
Pangunahing produkto ng PAG-IBIG Fund para sa mga kasapi nito ay
ang pautang sa pabahay o Housing Loan.
4. Registered Companies
Ito ang mga Kompayang nakarehistro sa Securities and Exchange
Commission o SEC matapos magsumite ng basic at additional
documentary requirements, at magbayad ng filing fee. Magkaiba ang
basic, additional documentary requirement at filing fee sa
pagpaparehistro ng stocks at non-stock corporation at partnership.
5. Pre-need
Pre-Need companies ay mga kompanya o establisimyento na rehistro
sa SEC na pinagkalooban ng nararaoat na lisensya na mangalakal o
mag-alok ng mga kontrata o pre-need plan.Ang Pre-Need Plans ay mga
kontrata ng pagkakaloob ng mga karampatang serbisyo sa takdang
panahon o ang pagbibbigay ng naaayong halaga ng pera sa takdang
panahon ng pangangailangan.
Paglilinaw at Paalala:
Ang mga pre-need companies ay hindi nagbebenta ng
sumusunod na seguro (insurance): seguro sa buhay (life
insurance), seguro sa napipintong aksidente (accident
insurance), seguro para sa sasakyan (vehicle insurance) at mga
kahintulad na seguro.
6. Insurance Companies
Mga rehistradong korporasyon sa SEC at binigyan ng karapatan ng
Insurance Commission na mangalakal ng negosyo ng seguro sa
Pilipinas.
C. Mga Regulator
1. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
Ang BSP ay itinalaga bilang central monetary authority ng bansa. Ito
ang pangunahing institusyong naglalayong mapanatili ang katatagan
ng halaga ng ilihin at ating pananalapi. Ang mga patakaran ng
pamahalaan tungkol sa pananalapi, pagbabangko at pagpapautang
ang nagmumula sa BSP.
2. Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
Ang PDIC ay nasa ilalim ng Department of Finace of (DOF). Ang PDIC
ay sangay ng pamahalaan na naatasang magbigay-proteksiyon sa mga
8
depositor at tumulong sa mapanatiling metatag ang sistemang
pinansiyal sa bansa.
Mga layunin ng PDIC:
a. Bilang tagaseguro ng deposito (Deposit Insurer)
1. Pagbabayad ng nakasegurong deposito
Sinuri ng PDIC ang record ng nagsarang bangko patungkol sa
mga deposito pati na rin ang mga record ukol sa assets ng
bangko upang maihanda ang listahan ng insured deposits ng
nagsarang bangko.
2. Assessment at Collection
Ito ang halagang binabayaran ng mga bangko upang maseguro
ang kanilang deposit liabilities.
3. Risk Management
Isinasagawa ng PDIC ang ganitong pag-susuri upang matiyak
ang kalagayan ng bangko at makapagmungkahi ng
karampatang lunas kung kinakalanga.
b. Bilang Receiver at Liquidator ng Nagsarang Bangko
1. Namamahala ng Nagsarang Bangko
Gawain ng PDIC bilang receiver na pamahalaan ang lahat ng
transaksiyon at mga rekord ng bangko sa pamamgitan ng
pisikal nap ag take over sa isinarang bangko, sa bisa ng idang
MB Resolution na siyang nag-uutos sa pagsasara ng isang
bangko.
2. Pagbebenta ng Ari-arian ng Nagsarang Bangko (Liquidation of
assets of closed bank)
Ang pagbebenta ng mga natirang ari-arian ng nagsarang
bangko ay isinasagawa upang mabayaran ang mga
pinagkakautangan (creditor) nito ayon sa pagkakasunod-sunod
na isinasaad sa Civil Code.
c. Bilang imbestigador
Sa ilalin ng Republic Act 9302 na sumusog sa Republic Act
3519, binigyan ng kapangyarihan ang PDIC na mag-imbestiga
sa mga anomaly sa bangko patungkol sa unsafe and unsound
banking practice at magpataw ng karampatang multa bata sa
tuntuning nakasaad sa batas.
9
3. Securities and Exchange Commission (SEC)
Nagbibigay ito ng mga impormasyon ukol sa pagbili ng mga panagot
at bono. Nag-aatas don ito sa mga kompanya na magsumite ng
kanilang taunang ulat.
4. Insurance Commission (IC)
Layunin ng IC na panatilihing metatag ang mga kompanyang
nagseseguro ng buhay bg tao, kalusugan, mga ari-arian, kalikasan at
iba pa upang mabigyan ng sapat na proteksiyon ang publiko sa
pamamagitan ng mabilisang pagtugon at pagbayad ng kaukulang
bemepisyo at Insurance claims ng mga ito
Pagyamanin
Gawain 2: SALITA…SALITA
Tukuyin ang ginagampanan at tungkulin ng sumusunod na SALITA sa
institusyong pananalapi, piliin ang kabilang sa bangko at hindi bangko
LANDBANK
SSS
DBP
PDIC
PAG-IBIG
RD PAWNSHOP
Pamprosesong Tanong:
1. Paano nagkakaiba ang bangko at di-bangko bilang institusyong pananalapi? 2. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga
institusyon ng pananalapi sa lipunan? 3. Ano sa mga institusyon na ito ang pinupuntahan ng inyong pamilya upang
makipagtransaksiyon? Ipaliwanag. 4. Gaano ka laki ang naitulong sa iyo at sa iba pang mamamayan ng mga
institusyon na ito? pangatwiranan.
BANGKO HINDI BANGKO
10
Isaisip
Sagutin Mo’ To: Hanapin sa hanay B ang bangkong inilalarawan sa hany A. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
A B 1. Dahil sa malaking capital, ang
mga bangkong ito ay
nagpapautang para sa ibang
layunin tulad ng pabahay at iba pa.
2. Pangunahing layunin ng mga
bangkong ito na hikayatin ang mga tao na magtipid at mag-
impok.
3. Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang
pangkabuhayan sa kanayunan.
4. Pangunahing tungkulin nito na
tustusan ng pondo ang
programang pansakahan ng pamahalaan.
5. Layunin ng bangkong ito na
mapaunlad ang sector ng agrikultura at industriya, lalo
na sa mha programang
makatulong sap ag-unlad ng ekonomiya.
a. Bangkong pagtitipid
b. Land Bank of the Philippines
c. Commercial Bank
d. Development Bank of the
Philippines e. Rural Bank
Tayahin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi sa mga tao, korporasyon
at pamahalaan bilang deposito.
A. Bangko C. Stocks
B. Pawnshop D. Tindahan
11
2. Uri ng bangko na may malaking kapital sa pinapayagang makapagbukas
ng mga sangay saan mang panig ng kapuluan lalo na sa mga lugar na
wala pang mga bangko.
A. Al-Amanah Bank C. Development Bank of the Philippines
B. Commercial Bank D. Rural Bank
3. Ang mga bangkong ito ay itinatag sa pamamagitan ng Republic Act No.
3844 na ang layunin ay magkaloob ng pondo sa mga programang
pansakahan.
A. Commercial Bank C. Land Bank of the Philippines
B. Development Bank of the Philippines D. Rural Bank
4. Unang natatag noon 1946 upang matugunan ang mga pangangailangan
ng bansa, pangunahing layunin nito ay tustusan ang mga proyectong
pangkaunlaran lalong lalo na ang sector ng agrikultura at industriya.
A. Commercial Bank C. Land Bank of the Philippines
B. Development Bank of the Philippines D. Rural Bank
5. Ang mga bangkong ito ay kalimitang matatagpuan sa mga lalawigang
malayo sa kalakhang maynila na tumutulong sa mga magsasaka, maliliit
na negosyante at iba pang mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan
ng pagpapautang upang ang mga ito ay magkakaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
A. Commercial Bank C. Land Bank of the Philippines
B. Development Bank of the Philippines D. Rural Bank
6. Ito ay isang kapisanan na binubuo ng mga kasapi na may pagkakaisa ang
panlipunan o pangkabuhayang layunin.
A. Bahay Sanglaan C. Kooperatiba
B. Government Service Insurance System D. Social Security System
7. Si Anna ay isang guro sa pampublikong paaralan, at isa sa mga daan-
daang Pilipino na naapektohan ng bagyong Rolly. Nasira ang kanilang
bahay at kasalukuyang nasa evacuation center. Naisipan niyang umutang
ng bahay para may matirhan. Alin sa mga sumusunod na ahensiya ang
dapat na puntahan ni Anna upang makakuha ng housing loan?
A. Government Service Insurance System. C. Pag-IBIG Fund
B. Kooperatiba D. Social Security System
8. Si Aling Minda ay dating nagtatrabaho sa isang pribadong kompanya ng
halos tatlong dekada at ngayon siya ay nagretiro na. Kahit nasa pribadong
kompanya siya nagtatrabaho may natatanggap parin siyang pension.
Anong ahensiya ng gobyerno ang nagbibigay seguro sa mga kawani ng
pribadong kompanya katulad ni aling Minda?
A. Government Service Insurance System. C. Pag-IBIG Fund
B. Kooperatiba D. Social Security System
12
9. Ito ang ahensiyang nagbibigay ng seguro sa mga kawaning nagtatrabaho
sa mga ahensiya ng gobyerno tulad ng mga guro sa mga pampublikong
paaralan.
A. Government Service Insurance System. C. Pag-IBIG Fund
B. Kooperatiba D. Social Security System
10. Ito ang pangunahing institusiyong naglalayong mapanatili ang
katataga ng halaga ng bilihin at ang ating pananalapi nagsilbi rin itong
opisyal na bangko ng pamahalaan.
A. Bangko Sentral ng Pilipinas
B. Development of Finance
C. Philippine Deposit Insurance Corporation
D. Securities and. Exchange Commission
11. Ang ACG Bank na pagmamay-ari ni Don Rafael ay papalubog na at
malapit ng magsara. Maraming mga depositor ang natatakot na mawala
ang kanilang mga pera na nakadeposito sa ACG Bank. Upang matiyak ang
kalagayan ng bangko, anong ahensiya ng gobyerno ang may
kapangyarihan na magsagawa ng onsite or offsite examination sa nasabing
bangko na may pahintulot ng Monetary Board?
A. Bangko Sentral ng Pilipinas
B. Development of Finance
C. Philippine Deposit Insurance Corporation
D. Securities and. Exchange Commission
12. Ang insurance Commission ay itinatag na nasa ilalim ng pamamahala
ng DOF. Ano ang pangunahing layunin ng Insurance Commission?
A. Panatilihing matatag ang mga kompanyang negseseguro ng buhay ng
tao, kalusugan, mga ari-aria at iba.
B. Matugunan ang mga pangangailangan ng bansa na makatayo mula sa
panirang digmaan.
C. Tulungan ang mga Pilipinong muslim na magkaroon ng puhunan at
mapaunlad ang kannilang kabuhayan.
D. Tulungan ang mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang mga
mamamayan sa kanayunan sa pamamagitang ng pagpapautang ng
puhunan.
13. Ito ay isang indikasyon na malusog ang ekonomiya ng isang bansa, at
ito aynaghihikayat ng maraming mamumuhunan sa bansa.
A. Pananalapi. C. Pag-iimpok
B. Pamumuhunan D. Paggsata
14. Isang mahalagang salik sa paikot na daloy ng ekonomiya na kung saan
bumabalik ditto ang pera/salapi sa bangko.
A. Paggsata C. Pag-iimpok
B. Pamumuhunan D. paghiram ng salapi
13
15. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin kung
maliit lamang ang iyong perang baon na ibinigay ng iyong magulang? A. Bilhin ang nararapt bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang
pera.
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman
mahalaga.
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon
D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaang na lamang na maubos ang pera.
Karagdagang Gawain
Gawain 3: QUITE TIME
Sa pagkakataong ito sumulat ng isang repliksiyon sa patakarang pananalapi
bilang isang instruminto sa pagpapatatag ng ekonomiya. Isulat ang repleksiyon ssa
iyong Portfolio.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pinakamahalagang aral ang naitala mo sa iyong repleksiyon?
2. Ano ang dahilan at aitoa ng aral na higit mong naunawaan?
Gawain 4: Alin ang Naiiba?
Panuto: Piliin ang titik na hindi kasama sa bawat grupo
A B. C. D.
1. Commercial Bank Rural Bank Kooperatiba Thrift Bank
2. Kooperatiba Pawnshop Pension Fund BSP
3. Land Bank DBP Al-Amanah BSP
4. BSP DBP PDIC SEC
5. SSS GSIS PAG-IBIG FUND PDIC
14
Susi sa Pagwawasto
Karagdagang Gawain:
Alina ng naiiba?
1. C
2. D
3. D
4. B
5. D
Balikan
1. D
2. C
3. A
4. A
5. A
Balikan
1.D
2.C
3.A
4.A
5.A
15
Sanggunian:
Araling Panlipunan9 Teacher’s Guide
EKONOMIKS Araling panlipunan (Modyul Para sa Mag-aaral) 308-322
Region IX: Zamboanga del Sur March
With fair shores, and mountain filled of
treasures.
A rich land where dreams unfold
It’s people marching on to progress
Hearts undaunted brave and true.
Hand in hand with brother Filipinos,
Zambo. Sur will make you great.
Well work, unceasing, without relenting
For country’s might you can count on us.
Come, to beautiful Zamboanga Sur
Welcome to God’s greet gift given to man
Share our joys and sorrows
Join in the making of a wondrous land.
Zamboanga del Sur the bountiful
Beloved by all hearts great and small
We will live for you
We will die for you
Peerless is our Zamboanga del Sur
The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed
that I was walking along the beach
with the LORD.
In the beach, there were two (2) sets
of footprints – one belong to me and
the other to the LORD.
Then, later, after a long walk, I
noticed only one set of footprints.
“And I ask the LORD. Why? Why?
Why did you leave me when I am sad
and helpless?”
And the LORD replied “My son, My
son, I have never left you. There was
only one (1) set of footprints in the
sand, because it was then that I
CARRIED YOU!
I think that I shall never see
A poem lovely as a tree.
A tree whose hungry mouth is prest
Against the earth’s sweet flowing
breast;
A tree that looks at God all day,
And lifts her leafy arms to pray;
A tree that may in Summer wear
A nest of robins in her hair;
Upon whose bosom snow has lain;
Who intimately lives with rain.
Poems are made by fools like me,
But only God can make a tree.